KUROKURO AT PANSINNI G. HONORATO H. DE LARASa matalino at mayuming Bbg. Fausta Cortes.Marang̃al na binibini:Matapos ko pong mabasa at manamnam ang unang supling na ito ng̃ inyong makisig na panulat; matapos kong mapagukulan ng̃ mahabang pagwawariwari, ay agad ko pong isinakamay ang aking pulpol na panitik upang boong ing̃at na panalaytayin ko sa maputing papel ang napakalaki ninyóng napithaya sa dahop kong kaya na katigan ng̃ mg̃a panghuling kurokuro ang napakamahalagang aklat ninyong ito, ang AGAWANNG̃DANG̃AL, na handang iyalok sa lalong may pihikang panlasa, palibhasa’y pagkaing luto sa inyong sariwa at mayamang isipan.Datapwa’t, ¿paano po kaya ang aking gagawin, marang̃al na binibini, upang makayari ng̃ isang tunay naepílogo?¿Purihin ko na lamang po kaya ang pagkaing ito, at sabihin kong masarap, at sagana sa mg̃a kailang̃ang sangkap, kahi’t na may nalalasahan akonganghangatpait?¡Inaakala ko pong hindi wasto ang gayon!Sapagka’t ayon din po sa pasiya ng̃ isang bantog napolemista, kilalang mang̃ang̃atha, tanyag na mananagalog at datihang mamamahayag na siInocencio Dilat(humigit kumulang) na, hindi anya kailang̃an ng̃ isangepiloguistaang sabihing ang aklat na ito (halimbawa) ay mainam, may dakilang layong mag-alis ng̃ piring sa mata ng̃hang̃al, may maningning na mg̃a pang̃ung̃usap, sagana sa mg̃a palaisipang malalim, busog sa mg̃a pantas na pagkukuro at mayamang mayaman sa pananagalog na tabas Balagtas, sapagka’t anya’y isang kalabisan. Ang isangepiloguistaay katulad din anya ng̃ isangcrítico, magpasiya at turulin ang isang bagay na kamalian, bago suriin at hatulan, alalaon baga’y punahin ang mali bago itumpak at ilagay sa dapat kalagyan.Ng̃uni’t ... ito ng̃a kaya ang tunay naepílogo?¡Iyan ang hindi ko mataya!Datapwa’t ... para kayInocencio Dilatay ganiyan, ganiyang ganiyan.At ... ipalagay na po nating ganiyan na ng̃a. Punahin ko ang lahat ng̃ kamalian; sabihin kong namimilipit ang inyong mg̃a pang̃ung̃usap; minsang madapilok sa paglalarawan ng̃ lalong mg̃a kailang̃ang ibadha ng̃ inyong panitik; may mg̃a pangyayaring madilim, malabo;may mg̃a bigkasing kayong hawig sa wikang kastila ó ingles, ó ang gayon at ganito ay di mangyayari, anopa’t ang lahat ng̃ kamalian ay isa-isahin kong turulin, suriin, punahin, bago itumpak, at... iwan ang dapat suubin ng kamaniyang, ang dapat purihin, ang dapat itampok sa lalong napakatayog na karang̃alan, alalaon baga’y sabihin kongmapaklaathilawó kaya’ymapaitatmaasimang inyong ipinalasap na ito sa ating mg̃a mambabasa, gayong ang katotohana’y, sa kabila naman ng̃ lahat ng̃ iyan ay mayroong nalalasahang tamis, sarap, linamnam, ay ... ¿ano po kaya ang wiwikain ninyo sa akin?¿Hindi po kaya mang̃unot ang inyong noo at sabihin na ako’y masamangepiloguista, kungepiloguistana ng̃ang matatawag kahi’t birobiro ang abang kaliitan?¡Oh!.. kay laki ng̃ inyong napita; pagkalakilaki... At sa kalakhan, ay hindi ko po tuloy matutuhan kung paano ang aking gagawin upang mapaunlakan ko kayo sa inyong hiling.Sapagka’t ... ang wikang̃apo ng̃ isang mangwawagi’t bantog na makata at balitang manlilinang sa napakatamis na wikang ginamit ng̃ ating haring si Balagtas, sa kanyang walang kamatayangFlorante at Laura, na siItang Balbarin, na tubo sa mapalad na libis ng̃ bundok ng̃ Samat, na siyang kinakitaanniya ng̃ unang liwanag ng̃ araw, na: ang isangepiloguistaraw po ay hindi dapat mamuna ni maglahad ng̃ ano mang tutuntunin sa pagsulat, sapagka’t, ang isangepiloguistaay kaibangkaiba anya sa isangcrítico.¡May matwid!At, kung ganito ng̃a ay ... ¿paano po kaya ang dapat kong gawin osaanglandás ako tutung̃o upang makayari ng̃ isang wastong panghuling salita?Para kayInocencio Dilatay di wastó ang ganito...At, para kayItang Balbarinnaman ay lalong di tumpak ang gayon.¿Alin kaya ang dapat paniwalaan sa kanilang dalawa? ¡Kay laking suliranin!At ... sa suliraning iyan ay para ko pong nakikinikinita sa dalawang bantog na manunulat na iyan, na darating ang isang pagkakataong maguunawaan din sila; pagtatapisin ang kapwa nila matwid sa pamamagitan ng̃ pagpipinkian ng̃ kanikanilang mg̃a panitik sa larang̃an ng digmaan ng̃ literaturang tagalog.Ng̃uni’t samantalang tayo po’y nagiintay at upang ako’y makatupad sa inyong napithaya ay wala po akong ibang gagawing batayan saepilogonginyong hinihing̃i kundi, ang sinabi ng̃ kataastaasang Pang̃ulong Wilson, na, anya’y:justicia y nada mas justicia.Sa makatwid ay wala kayong sukat maintay sa akin, marang̃al na Bbg. Cortes, kundi ang dalawang bagay: purihin ang dapat purihin, at, punahin ang dapat punahin.¡Kurokuro!Ang aklat mo pong ito, Bbg. Cortes, ay isang aklat na tang̃i sa may layong mag-alis ng̃ kulaba sa pangmalas ng̃ mg̃a hang̃al, magakay sa lalong may bulag na pagkukuro, nakapagtuturo pa rin sa ibang kadalagahan, diyan sa mg̃a dalagang dahil sa kinang ng̃ salapi ng̃ sa kanila’y mamintuho, ay nalilikhang sapilitan ang pag-ibig at di inaantay ang kusang tibok ng̃ kanilang puso.Sa loob ng̃a ng̃ AGAWAN NG̃ DANG̃AL ay parang namamalas ko pahanggangng̃ayon ang animo’ymg̃alarawang buhay na nagsisigalaw: ang magandang Dolores; ang mapalad na si Artemio; ang mapagsisting si kapitana Martina; ang antukin at matatakuting si kapitang Andoy; ang mabuting tao, ng̃uni’t masamang kristianong si Simon; ang matapat at walang kasingbuting katoto, ang may diwang Tasio, sa Noli ni Rizal, na si Pastor; ang mapagpansin na si Labadre; at ... ang nakatatawang pagkahuli ni kapitana Martina sa isang batang sisilipsilip ng̃ nag-aagahan na si Beteng, yaong si Beteng na walangtang̃ing ipinang̃ahas mula’t mula pa kundi ang kanyang kayamanan, ang kanyang pilak, sa pang̃ing̃ibig sa mayuming si Dolores, na siyang gumanbala ng̃ kanyang isip, diwa’t pagkatao.Ang nakakapanaghiling kapalaran ng̃ artistang si Artemio, si Artemiong kapangpang̃an, ang wika ng̃a ni Beteng, yaong si Beteng na hindi makapaglakbay sa lupang pang̃ako, kundi may kasama; hindi makapitas ng̃ ibinabawal na bung̃a ng̃mansanaskung walang hagdanang matutungtung̃an, ay maging mabisa sanangtampalat matindinghagupitsa ilang mg̃a lalaking kung walang tulay ay di makapang̃ibig sa isang himala ng̃ ganda, sa isangVenus.Si Dolores, ang kapatid na bunsong ito, ni Maria Clara, saNoli Me Tangere, ni Meni, saBanaag at Sikat,ni Celia, saFlorante at Laura, at ni Ligaya sa¡Kristong Magdaraya!ay pinaglupaypay ninyo ang matigas na puso sa darang ng̃ maalab na pag ibig; pikitmatang pinatalaktak ninyo sa kaharian ni Kupido at pinahintulutan din ninyong magpamalas sa masinsing tabing ng̃ pagkukunwari sa kanyanghinahang̃aangbinata, sa umagaw ng̃ kanyang pananahimik: kay Artemio.At talagang ganyan ng̃a po ang dapat ninyong gawin, marang̃al na binibini, upang magkaroon ng̃naturalidadang isang pangyayari na, hindi gaya ng̃ iba natingmang̃ang̃atha na sa pagnanasang huwag masinagan ng̃ bahagya mang gaspang ang isa sa mg̃a kumakatawan ng̃ kanilang aklat, na sapagka’tbinigyanna nila sa una ng̃ mg̃acaracterna mahinhin, mayumi ay pakapipilitin patain ó inisin ang itinitibok ng̃ puso.At upang patotohanan kong minsan pa sa inyo, na talagang hindi kamalakmalak na mangyari ang inyong ginawa na sa kahinhinan at kayumián ni Dolores ay paibabawin ninyo ang kagaspang̃ang nililikha ng̃ pag ibig ay ipahintulot ninyong sipiin ko rito ang matwid ng̃ ating Balagtas sa kalakhan at kadakilaan ng̃ ating tinutukoy:Oh! pagsintang labis ng kapangyarihansampung magaama’y iyong nasasaklaw,pag ikaw ang nasok sa puso nino manhahamaking lahat, masunod ka lamang.¿Ano ang nangyari kay Beteng?Humigit kumulang na sinasabi sa aklat ninyong ito, na siya, si Beteng ay wala ng̃ sinikap sa gabi’t araw ó sa lahat ng̃ sandali, kundi ang ikalulukso ng̃ dang̃al ng̃ umagaw sa kanyang lang̃it, sa kanyang paraluman. At, di ng̃a inaksaya ni Beteng ang mahabang panahon at karakarakang isinagawa. Inanyayahan isang araw ang dalawa niyang kaibigan, si Simon at si Pastor at isinangguni ang kanyang maruming nais; datapwa’t anong tiwaling pagtitiyap at saisip at diwa nitong huli, kay Pastor ay itinanim ninyo, ang damdaming Delfín, ang pusong Felipe sa “Banaag at Sikat” ng̃ makatang Lope, na sa harap ng̃ matatalim na upasala at marung̃is na adhika ni Beteng, ay di ninyo pinapagtagal ang puso ni Pastor, pinapanalag ninyo sa mg̃a ulos at taga ng̃ mg̃a kaaway na lihim ng̃ kanyang kaibigan.At sunodsunod ninyong isinabibig ni Pastor ang ganitong pang̃ung̃usap, sa tulong ng̃ kanyang dilang walang pang̃iming magsabi ng̃ katotohanan:“Mg̃a kaibigan, huwag ninyong hamakin ang kanyang lahi. Kapangpang̃an man at tagalog ay iisa ang uri, at ang sumira ng̃ pag-iisang iyan, ay yaon ang taksil na dapat pang̃ilagan. Ang taong pumapatay ng̃ pag-dadamayan ng̃ pilipino ay yaon ang kalaban ng̃ bayan. Ang kaluluwang nagtatanim ng̃ pag-iiring̃an ay siyang uod na sumisira ng̃ laya at pag-asa ng̃ lahat”.¡Anong ningning ng̃ pagkukuro ni Pastor!At... nakaramdam ng̃ kirot ang dalawang pinagsabihan...“Hindi mg̃a kaibigan—ang ganti ni Pastor—kailan ma’y di ko magagawa ang sumugat sa kapatid. Ng̃uni’t, oo; makikipaglaban ako sa kanino mangnagbibinhing̃ pag-iiring̃an. Ang buhay ko’y aking itinataya lubha pa’t ang pag-iiring̃anay ipupunla dahil lamang sa inggit sa isang lalaking kinakandong ng̃ palad...”¿Ilankaya sa mg̃a kababayan natin, Bbg. Cortes, ang makapagtataya ng̃ buhay sa pagtatanggol ng̃ matwid ng̃ isang tao?¡Kay dakila ng̃ inyong paghahaka!Matapos magpaalaala ang baliw na si Beteng kay Pastor, na ito’y nasa ibang bahay, ay para ko pang nakikinikinitang nakang̃iti at hantad ang noong sumagot:“Sa bahay na pinaghaharian ng̃ dilim ay doon ko dinadala ang ilaw”.Pagkatayogtayog po ng̃ kurokuro ninyong ito, Bbg. Cortes,na sapamamagitan ng̃ kaunting salita lamang ay halos niyayanig ninyo ang budhi ng̃ mapagdunongdunung̃ang mg̃a hang̃al.Ang dalawang katalo ni Pastor ay lalo ninyong pinagpuyos ang kapootan.Ipinagtabuyan si Pastor, ng̃uni’t pang̃iti ring sinabi:“Dapat ninyo akong itaboy; dapat ninyo akong turang ulol: sapagka’t, ang gurong nagtuturo ay talagang kalaban ng̃ mg̃a musmus na tinuturuan.”Sa harap ng̃ ganyang maigting na pagwawariwari ni Pastor, ay tahasang masasabi ko Bbg. Cortes na ang inyong baguhang panitik ay karapatdapat maisapiling ng̃ lalong mg̃a tanyag at dakilang mg̃a manunulat natin, sapagka’tminsan pa ninyong ipinakilala ang mataos ninyong paggalang at pagmamahal sa wastong matwid.Si Pastor ay nilakipan ninyo ng̃ kislap ng̃ sosialismo ng̃ mg̃a banal na aral ni Tolstoy,Jaurèsat iba pa, na, siya ninyong nais matutuhan ng̃ ating mg̃a kababayan.Kusa kong iniwan at babayaan na, marang̃al na binibini, ang nakaiinggit na lambing̃an ng̃ dalawang pusong bihag ng̃ pagibig: si Dolores at si Artemio. Hindi ko na po paguukulan ng̃ kurokuro ang kadalisayan ng̃ puso ni Dolores na hindi maalam masilaw sa kinang ng̃ salapi at sa hibo ng̃ kisig. Kusa pong di ko na gagalawin o paguukulan pa ng̃ mg̃a wariwari ang kasiglahan ng̃ handa sa kaarawan ni Dolores, maging ang kasanayan ninyang tumugtog ng̃ alpa; maging ang kalunoslunos na hinangganan ng̃ masayang handaan sa bahay ng̃ ating dalaga; ang di ninyo paglimot sa paglalarawan ng̃ mga kagandahan ng̃ mg̃abituinng̃ “Kami Naman” na dumalo sa naturang kasayahan, palibhasa’y ang lahat ng̃ iyan ay inaasahan kong sapat nang makapagudyok sa lahat ng̃ makababasa ng̃ aklat na ito, upang putung̃an kayo ng̃ walang katapusang pagpupuri.At, ¿kung alinalin ang aking isasakarurukan ng̃ lalong kapurihan?Wala pong iba Bb. Cortes kundi ang kinawilihanko ng̃angpaghahaka ni Pastor,na busog na busog ng̃ pagibig sa kanyang mg̃a kababayan, at ... ang mg̃a pang̃ung̃usap ng̃ baliw na si Beteng ng̃ siya’y napipiit na.Sa ikaapat na kabanata, sa pangkat na naglalarawan ng̃ boong pagsisigasig ni Pastor, sa pagdamay sa kanyang kaibigang Artemio at sa harap ng̃ mg̃a manunugtog na ipagpaparang̃al ni Beteng ay natunghayan ko na naman, matapos ang ilang paliwanag ang lalong dakilang kurokuro ni Pastor:“Narinig na ninyo—ang saad ni Pastor na linawin natin: hindi raw dapat bigyan ng̃ tungkulin ang isang dapo. Katwiran, ng̃uni’t ¿bakit nila natitiis ang mg̃a dapong naghahari sa ating bayan? at ¿dapo ba si Artemio? ¿Ano kung kapangpang̃an siya? ¿Hindi ba pilipino rin? ¿Maaari bang magsarili ang tagalog na ang kapangpang̃an ay hindi? ¡Napakarupok na pagkukuro! Ang masasabi ko’y nakikilala ang dapong kapatid din nila, datapwa’t hindi nilanakikilalaang tunay na dapong dito’y tumawid.[...]Ng̃ayon at kalahi ay halos sakmalin. Ng̃uni’t kung maputi kahi’t na lumapastang̃an, ay ng̃ining̃itian din. Sinusurot, dinuduro at pinamumukhaan ang kabalat subali’t ang dayo ay saka lamang mamura kung nakatalikod”.Kay sakit mo pong susugat Bbg. Cortes. Ng̃uni’t inaakala kong kailang̃an ng̃ang ang mg̃a bulok at uod na makasisira samabulas na pagkakaisa ay isa isang lasunin. ¡Patain!¡Magbinhi nawa ang inyong magandang adhika!Sa gitna ng̃ pagtataka ng̃ hindi mabilang na mg̃a manggagawa sa bahay palimbagan ng̃ pamahalaan na nakuwarentenas dahil sa sakit na di umano’ydipterya, sanhi sa pakakapag-abuloy sa lahat, kasapi at di man ng̃ malusog na SamahangKami Namanay para ko pang nariring̃ig magpahangga ng̃ayon ang matalinghagang mg̃a pang̃ung̃usap ng̃ isang ulol na sagana sa mg̃a katotohanan.At sa wakas ng̃ kanyang maniningning na sinabi, sa huli ng̃ kanyang mg̃a pang̃arap sa sinasapit ng̃ atingbayan, at pagkakaagwat ng̃ kapalaran ng̃ mayaman sa mahirap, ng̃ pagkakalayo ng̃ mahirap sa mayaman, ay di ko malirip magpahangga ng̃ayon po, Bbg. Cortés, kung bakit naisipisipan ng̃ ulol na si Beteng ang maglawit ng̃ isang panyo at bago sinabi ng̃ makita niyang pinapaspas na ng̃ hang̃in:“¡Hayan ang watawat ng̃ pagsuko! ¡Hayan ang sagisag ng̃ pananahimik! Batiin ninyo at igalang. Mahalin ninyo at ibigin. Kung iyan ang ating ilaladlad sa gitna ng̃ digmaan ay unahan tayo ng̃ paghawak. Datapwa’t kung pula, tanda ng̃ paglaban, ay magtuturuturuan tayo. ¡Magdarayang tapang!”Subali’t sino kaya ang pinatatamaan ng̃ ulol na si Beteng?Kundi ako namamali, ay walang iba kundi ang ibang mg̃a kababayan nating matatapang sa bibig ng̃uni’t wala sa gawa.¡Napakasasakit na pang̃ung̃usap!Ang aklat mo pong ito, Bbg. Cortés, ay inaasahan kong sa kahalagahan ng̃ layunin ay magiging isang bagong tipan na ikapagbabago ng̃ likong kaugalian ng̃ marami. Mg̃a pansin:Bbg. Fausta Cortés: Itulot mo po naman ng̃ayon na ilahad ko ang aking mg̃a puna.Tulad sa akin ng̃ sinabi, na hahalunkatin ko’t ibubunyag ang dapat purihin at ukol punahin, ng̃ayon ay magtatapat ako sa aking pang̃ung̃usap.At, magsimula tayo.Pagkarinig ko ng̃ pamagat ng̃ aklat na ito na AGAWAN NG̃ DANG̃AL, ay kumilos na sa aking guniguni ang larawan ng̃ pag-aagawan sa katungkulan ng̃ ilang kapatid nating araw-araw ay nagbabang̃ay. Inakala ko na’t hinulaan na yaong pag tutunggali ng̃ mg̃a taong gumugulo sa ating bayan ay siya ninyong pinuna. Ang isip ko’y humula ng̃ dalawang pangyayari, at boong boo ang aking pananalig na hindi sasala sa alin man sa dalawa kong akala, ang inilahad ninyo. Kung hindi ang nakahihiyang pag-aagawan sa karang̃alan ng̃ ating mg̃apoliticoay walang salang ang ligalig sa mg̃a halalan ang inyong tinuligsa. Ganyan ang boo kong sapantaha at marahil ay siya namang sasapantahain ng̃ iba. Datapuwa’t ¡kay laking pakakamali! ¡Agawan pala ng̃ dalawang puso sa isang pain ng̃ pag-ibig! Hindi ko po sinasabing malayo ang pamagat sa laman. Hindi po, sa pagka’t nalalaman kong may mg̃a taong iba ang pang̃alan sa asal. Lamang ay ipinagtatapat kong sumala ang aking hula.Sa lahat ng̃ dahon ng̃ AGAWAN NG̃ DANG̃AL ay pawang makabagong pananagalog ang aking napuná. Sa kabaguhan ay mayroong mg̃a talatang nagkapilipilipit ang pagkasalaysay. Aywan ko lamang kung sinadyáng pinaikot ng̃ masiglang panulat ninyó, Bbg. Cortes.¿Kung alin alin? Na itó po:“Angmaayos natabas ng̃ mukha ay napapatung̃an ng̃ maiitím na buhók”.Paano po kaya ang bikas ng̃ mukháng yaón? ¡Napapatung̃an ng̃ maiitím na buhok! ¡Ina ko, kakilakilabot! Marahil ay sumusunong ng̃ maiitim na buhók at di napapatung̃an. (Maalaala ko pala.) Hindi rin masasabing sumusunong at lalo nang hindi napapatung̃an; sapagka’t lalabas na si Dolores ay panot, paano’y sunong o nakapatong lamang pala ang buhok...Iba naman:“..... sinungkit ..... ang mantekilya.....”¿Sinungkit? ¿Baka po kinahig? At kung angsinungkitdito ay hindi mali, ay huwag naman kayong tumawa na sabihin kong “ng̃inalot ang tubig.”Isa pa:“Tumayo sa mesa.....”¿Tumayo sa mesa? ¿Saan tumayo: sa ibabaw po ba ng̃ mesa? ¡Sus! ¿Si Dolores, ang mayuming dalaga, ang kaluluwa ng̃ kasaysayang ito, ang tatayo sa mesa? Hindi mangyayari. Bakit noon ay kasalukuyan pa namang sila’y nag aagahan. Baka mayroon pang lalong tumpak na masasabi ang Bbg. Cortes, ay siya sana nilang ginamit.Ganito at iba pang gaya nito ang sinasabi kong mg̃a nagpandanggong pananagalog na makabago.⁂Pagtutuos:Anhin ko man pong punahin ang mg̃a katang̃ían ng̃ dakilang panulat ninyo, binibining Cortes, ay lagi ring nananaig sa aking diwa at isipan ang mg̃a banal na layuning tinutung̃o ng̃ inyong akda. Ang mg̃a pansin na aking pinuna ay nagiging parang guhit na itim lamang sa isang malapad, matibay, marilag at napakapinong habi na niyári ng̃ inyong bago ng̃uni’t magiting na panitik. Anopa’t nakapagdadagdag lamang ng̃ kainaman ang mang̃ilang̃ilan ninyong bagong ayos ng̃ pananalaysay, sa mahalagang aklat.At upang patotohanan ay napapakagat-labi ako sa katalinuhan ninyo na makapagsabi ng̃:“.....ang mahihirap ay magkakapatid na lahat. Kung paanong ang mahirap ay walang bayan, ay gayon din na walang lipi. Bayan niya ang Sangsinukob at lipi niya ang Sangkatauhan.....”Sa inyong matataas na isipang iyan ay kabilang ako sa mg̃a humahang̃a at hahang̃a sa inyong panulat.At talagang marunong kayo sapagka’t marunong kayong magpahesus sa inyong aklat. Niwakasan ninyo sa taimtim at kalugodlugod na pagmamahal ni Dolores kay Artemio. Sinabi pa ninyong:“¡Kay tamís ng̃ kamatayan kung gayón ang pagmamahal ng̃ mauulila!...”Akó man po, Bbg. Cortes, ay makapagsasabi rin at talagang nais ko na rin ang mamatay kung may isang Dolores na tatang̃is sa aking pagyaón....Honorato H. de Lara.Taga “Ilog-Beata.”KASAYSAYANNG“KAMI NAMAN”Original Title Page.AKLATAN ÑG “KAMI NAMAN”BAKAS ÑG SAMAHANÓ ANG UNANGBAHAGI ÑG KASAYSAYAN ÑG“KAMI NAMAN”(SAMAHAN ÑG MAHIHIRAP)SAPUL SA PAGKATATAG HANGGANG SA WAKAS ÑG PAMAMAHALA NI G. A. DE LOS REYESSINULAT NIBb. GORGONIA DE LEONIKA APAT NA AKLAT ÑG AKLATAN ÑGKAMI NAMANLUPON NG MGA MANUNULAT(1915)AKLATAN ÑG “KAMI NAMAN” 1045, DAANG ANAKÑGBAYAN (Dating “CREMATORIO”), PAKO, MAYNILA, K. P.PAUNAWAAng aklat na ito ay nilimbag sa dalawang ayos: nilimbag na kalakip ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” at nilimbag na may sariling balat ó takip. Sino mang magnais na magkaroon ay makabibili sa mg̃a bilihan ng̃ aklat dito sa Maynila, sa halagang isang peseta (₱0.20). Ang mg̃a na sa lalawigan ay makapagbibilin sa Aklatan ng̃ “Kami Naman” sa halagang kahati (₱0.25).Ipalilimbag din ang pang̃alawang bahagi at magtataglay ng̃ mg̃a larawan; gaya ng̃ larawan ni G. Apolonio Umping, G. Paulino Centeno, at iba pang may halaga sa “Kami Naman”.G. Francisco V. DizonG. Francisco V. DizonAng nagtatag ng̃ “Kami Naman” at nagíng unang Pang̃ulo ng̃ Samahang ito.(Tunghayan ang dahong ika 3)BAKAS ÑG SAMAHANO ANG UNANG BAHAGI ÑG KASAYSAYAN ÑG“KAMI NAMAN”(SAMAHAN ÑG MAHIHIRAP)SAPUL SA PAGKATATAG HANGGANG SA WAKAS ÑG PAÑGUÑGULO NI G. ANGEL DE LOS REYES.Sinulat ni Bb. Gorgonia de Leon.Noon ay ika 25 ng̃ Agosto ng̃ 1912. Sa umagang yaon ay isang panahong tagulan ang nagisnan ng̃ mg̃a taga Pako. Ang liwanag ng̃ ilaw ng̃ sangdaigdig ay di mang makagitaw sa makapal na ulap sa pang̃onorin. Nabigo ang mg̃a ibong sa tuwing umaga’y nagpupuri sa bagong liwayway. Walang nasisiyahan sa mg̃a sandaling yaon kung hindi ang mg̃a bulaklak na nagpapakasawa sa ulang hindi tumitila. Noon nasiyahan ang kanilang uhaw. ¿Ilan kayang puso’t kalulwa ang sumusumpa noon sa panahon dahil sa pagkapinsala ng̃ kanilang tipan?Datapwa’t nagmasung̃it man noon ang panahon, ay may isang binatang nagtatanghal ng̃ kanyang kagiting̃an. Siya ay si G. Francisco V. Dizon, kawal ng̃ bagong kabihasnan. Siya ang lalong nagsikap na magsabog ng̃ liwanag ng̃ araw ng̃ sigla ng̃ kabataan sa nayonng̃Sapote sa Pako. Ang ulan ay di niya ikinabalino,bagkus sa pamamagitan ng̃ isang payong ay isa isang sinusundo ang kanyang mg̃a kaibigan upang magtulongtulong sa pagbalangkas ng̃ isang Samahan. Ano pa’t walang alinlang̃ang dapat sabihin na utang sa kanya ang kilusang yaon ng̃ kabataan.Sa isang tahanan sa nayon ng̃ Sapote, Pako, Maynila, ay doon nagkatipon ang ilang magkakapanalig. At sa pang̃ung̃ulo ng̃a ni G. Dizon, ay sumipot sa silong ng̃ lang̃it ng̃ Pilipinas ang isang bigkis ng̃ kabataang pilipino. Sa mungkahi ni G. Luciano Suarez ay bininyagan ng̃ “Kabataang Sikat”. At, palibhasa’y pawang tinitibukan ng̃ isang pusong uhaw sa dunong at aliw, ang mg̃a nagkakatipong yaon, ay «magpalakas at magpatalino» ang pinagsaligan ng̃ pagkabuo ng̃ Samahan. Aralan ang mg̃a pinagkaitan ng̃ ilaw ng̃ dunong at aliwin ang mg̃a ulila sa ligaya, iyan ang tang̃ing layon. At sa gayon ay nayari ang balak ni G. Dizon. Dapat alalahaning kinabukasan ng̃ araw na yaon, ay siyang ika 26 ng̃ Agosto, araw na napakaningning sa dahon ng̃ kasaysayan ng̃ Pilipinas, sapagka’t siyang araw ng̃ unang pagsigaw ng̃ kalayaan ng̃ bayang api ng̃ kapwa bayan.G. Amado Jacinto.G. Amado Jacinto.Naging Pang̃ulo ng̃ Samahang “Mapagsikap” sa Malabon, Rizal(Tunghayan ang dahong ika 19)Nang sumunód na Linggo, unang araw ng̃ Septiyembre, ay nagpulong na muli ang mg̃a nagsisigasig sa pagbang̃on ng̃ “Kabataang Sikat”. Sa mungkahi ni G.Angel de los Reyes, ay binago ang pamagat at pinalitán ng̃ “Kami Naman”. “Kami Naman” ang ipinamagat, sapagka’t sa ibabaw ng̃ kalansay ng̃ mg̃a samahang nabuwag na, ang ibig sabihin ay “Kami namanang magtutuloy ng̃ layong itaguyod ang buhay ng̃ mahihirap sa tugatog ng̃ dang̃al”....Katulad din ng̃ ibang mg̃a Samahan at Kapisanan ay inabot ng̃ sakit naning̃as-kugonang “Kami Naman”. Salamat sa ilang matatalinong manggagamot at ang sakit ay naihanap din ng̃ lunas. Baga man ang “Kami Naman” noon ay para ng̃ bangkay na malamig, dahil sa pagpapabaya ng̃ ilan, ay muling sumigla. At noong ika 19 ng̃ Oktubre ng̃ taong 1912 rin, ay nagbitiw ng̃ tungkulin si G. Francisco V. Dizon at si G. Angel de los Reyes ang napahalili, na naging Pang̃ulo ng̃ Samahan.Ang bagong pang̃asiwaan ay nagpahayag noon din ng bagong palakad at binago na patianglayon ng̃ “Kami Naman”. Boong puso namang pinagtibay ng̃ lahat at sinalubong ng̃ magiliw na palakpakan.Ang mapanglaw na daing ng̃ mahirap, ang malungkot na taghoy ng̃ api, ang malumbay na hibik ng̃ mahina, iyan, iyan ang nagbukas ng̃ bagong isipan sa puso at diwa ng̃ bagong Pang̃ulo. Binago ng̃a ang dating saligan ng̃ Samahan. Ang layongmagliwaliwatmagpatalinoay dinagdagan ng̃pagdadamayan. Sagayon, ay hindi pawang kabataan lamang ang yumakap sa “Kami Naman”, kung hindi sampu ng̃ may mg̃a gulang na ay nakitulong.“Buhayin ang naghihingng̃along pagkakapatiran” ang naging saligan na ng̃ “Kami Naman”. At ang naging pananalig ay “Ang hirap ay bung̃a ng̃ kapabayaan, at na sa tiyagá ang pagtatagumpay”.Kapalaran mandin ang siyang sumubaybay sa bagong pang̃asiwaan at ng̃ sumunod na Sabado ng̃ pagkahalal sa kanila ay nagtanyag na ng̃ kanilang di karaniwang lakas at magagawa. Sa bahay paaralan sa daang Dart, Pako, ay ginanap ang pagtatanghal ng̃ Samahan. Sa lamayang yaon ay may apat na raang tao ang dumaló. Ilang matatalino at litaw na mananalumpati ang nagpaningning sa pagdiriwang. (Ang buong tala ng̃ kasayahang yaon ay matutunghayan sa pang̃alawang aklat ng̃ Aklatang “Kami Naman” naTuntunin ng̃ Pulong.)G. Aurelio TolentinoG. Aurelio TolentinoBantog na mandudula, matalinong manunulat at matapang na mamamahayag. Sa larang̃an ng̃ pananagalog ay kinikilalang isa sa mg̃a may mataas na uri at may tang̃ing pananalaysay. Siya ang kumatha ng̃ dulang “Bagong Kristo” na nagtamo ng̃ isang gantingpalang panulat na ginto. Siya rin ang lumikha ng̃ bantog na dulang “Kahapon, Ng̃ayon at Bukas”; dahil sa kagiting̃an ng̃ dulang ito ay piniit siya ng̃ Pamahalaang Amerikano. Siya ang sumasagot kung ano ang unang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”.(Tunghayan ang dahong ika 19)Dahil sa bagyong nanalanta sa Sebú noong Oktubre ng̃ 1912, ang “Kami Naman” ay nagsimula ng̃ pakikisama sa bayan. Binahaybahay na tinawagan ang maawaing pusó ng̃ pilipino sa Sapote, at lumikom ng̃ isang halagang iniabuloy sa mg̃a nasawi. At dahil sa pagkamatay ng̃ ilang angkan ng̃ mg̃a kanayon na kapwa anak-dalita, ay dumulog na naman ang “Kami Naman” sa bahaybahay upangabuluyan ang kapatid na dinatnan ng̃ palad. Dapat talastasing ang mg̃a unang inabuluyan ng̃ “Kami Naman” ay mg̃a taong ni ayaw man lamang makiyakap sa Samahang ito.Sa ikapapaanyo ng̃ damayan ay bumalangkas ng̃ mg̃a batas na susundin ng̃ magkakapatid; at mula ng̃ unang araw ng̃ Disyembre ng̃ 1912 ay nagsimula sa pag-iral. Marami rin ang mg̃a namatay at namatayang mg̃a kapatid. Sa malinis at maselan na pang̃ang̃asiwa ng̃ Ing̃atyamang si G. Dario Malonzo, lahat ay pawang tumanggap ng̃ abuloy na nararapat. Walang nabinbin sa kanyang karapatan, bagkus ang lahat ay pawang nagtamo ng̃ nauukol sa kanila sa lalong madaling panahon.Dumatal ang ika 30 ng̃ Disyembre ng̃ 1912, araw na ipinang̃ing̃ilin ng̃ lahat ng̃ pilipino. Ang “Kami Naman” at ang nayong Sapote ay nagtuwang sa pagbubunyi sa lalong dakilang taga Silang̃an. Nagdaos ng̃ isang dulang hayag, nagkaroon ng̃ tugtugan, nagilaw ang boong nayon at nagtayo ng̃ mg̃a arko. Ang lalong kapunapuna ay ang pagiisa ng̃ nayon na pawang parol ng̃ “Kami Naman” ang ginamit. At natapos sa ganap na kasyahang loob ng̃ lahat. Ang salaping lumabis sa pagdiriwang ay inihandog sa “Kami Naman” ng̃ kapulung̃an ng̃ nayon, na parang ganting pala sa maayos na pang̃ang̃asiwa sa pagdiriwang.Sumunod na ibinunsod ng̃ Samahan ay ang balak ni G. Marcelino Dizon na lumikom ng̃ isang kusang ambagan upang ibili ng̃ kasangkapang pang-apula ng̃ sunog. Nakatagpo ang balak na ito ng̃ mg̃a balakid at binaka ng̃ ilang di nasisiyahan. Gayon man ay pinang̃atawanan din ng̃ Samahan at nakabili rin ng̃ mg̃a palakol at timba na magagamit karakaraka sa isang simula ng̃ sunog. Hanggang ng̃ayon ay nakatanghal at nakahanda ang mg̃a kasangkapang ito sa nayong Sapote.Ang munisipyo ng̃ Maynila ay siya namang hinarap ng̃ “Kami Naman”. Sunodsunod na daing at kahiling̃an ang iniharap upang ang nayong kinatatayuan ng̃ Samahan ay ipaayos. Pinilit na maglagay man lamang ng̃ gripo, sapagka’t noon ay nagkakahalaga ng̃ anim ó limang sentimos ang bawa’t dalawang timba ng̃ inumin sa pook na yaon. Bihirang linggo ang walang panawagan sa pitak ng̃ pahayagan sa Maynila. At humangga sa paglalagay ng̃a ng̃ gripo at pagtatakda ng̃ pamahalaan ng̃ apat na libong piso sa ikaaayos ng̃ nayon. Ito ang lalong malaking tagumpay na tinamo ng̃ “Kami Naman”.Upang iligtas sa sakit ang mg̃a kanayon dahil sa malabis na paglulusak sa pook ng̃ Sapote, ang “Kami Naman” ay nagtayo ng̃ mg̃a tulayang kawayan sa tulong ng̃ nayon.G. Honorato H. de LaraG. Honorato H. de Lara(Tunghayan ang dahong ika 21)Nang hakutin ng̃ mg̃a sanitaryo ang mg̃a kawani sa Limbagan ng̃ Pamahalaan at kulung̃in sa Pagamutang San Lasaro, dahil sa mikrobyo ng̃ dipterya, ang “Kami Naman” ay siyang tang̃i at kusang umabuloy sa mg̃a napinsalaang yaon. Wala ni isang kasapi sa “Kami Naman” na napalahok doon, datapwa’t ginawa ang pagdamay sa paniniwalang magkakapatid na lahat ang mahirap. At ito’y tinugon ng̃ di gagaanong pasalamat ng̃ mg̃a dinamayan. Noon ay Marzo ng̃ 1913.Sa gayong mg̃a ipinakisama ng̃ “Kami Naman” sa bayan ay marahang sumusung̃aw ang kanyang kabantugan. At lalo pang nabantog siya pagkatapos ipagbunyi ang ika isang taong buhay ng̃ Samahan. Paano’y dalawang araw na ginawa ang kasayahan: ika 13 at ika 14 ng̃ Septiyembre ng̃ 1913. Nagbukas ng̃ timpalak ng mg̃a dula at gilasan ng̃ artista, na siyang kaunaunahang timpalak na may ganitong uri na idinaos sa sangkapuluang Pilipinas. Nagdaos pa ng̃ isang misang alaala sa lahat ng̃ mg̃a kasaping nang̃amatay sa ilalim ng̃ watawat ng̃ “Kami Naman”. Nagkaroon ng̃ binyag at kumpil at maghapong mg̃a palaro. Ang nabantog na banda ng̃ Meralko ay siyang tumugtog. At tinapos ang kasayahan sa isang magiliw na salosalong kapatid. Alinsunod sa mg̃a pahayagan dito sa Maynila ay mahigit na apat na libongtao ang dumalo sa mg̃a pagdiriwang na yaon. Dapat namang magkatotoo, pagka’t may mg̃a nagtayo pa ng̃ mg̃a tindahan at lahat halos ng̃ tahanan sa Sapote ay may kanikanyang handa. Ano pa’t ang pagdiriwang ng̃ “Kami Naman” ay naging parang pista ng̃ nayon. Sapul na noon ang “Kami Naman” ay nabantog na ng̃ gayon na lamang at ang lalong nakatawag sa diwa ng̃ marami ay ang mg̃a kartelong nagsabit sa trambiya na nagbansag ng̃ kasiglahang ipamamalas ng̃ “Kami Naman”.Ang isa pa sa mg̃a pagdiriwang ng̃ Samahang ito na hinang̃aan din ng̃ madla ay ang pagtatanghal ng̃ mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman”. Ginanap noong ika 21 ng̃ Disyembre ng̃ 1913, sa Dulaang Angel sa Singalong. Mahigit sa tatlong libong tao ang nanood. At noon ay minsan pang itinampok ang mayamang uri ng̃ mg̃a babaing pilipina.G. Rosendo S. CruzG. Rosendo S. CruzKumatha ng̃ “Tuntunin ng̃ Pulong” na ikalawang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dakong ika 19)Sa mg̃a pamamahayag ng̃ bayan ang “Kami Naman” ay palaging nakikilahok; ng̃uni’t pakikilahok na di sa gayongayon na lamang, kung hindi pakikilahokna kapunapuna; yaong nakapagpaparing̃al at umaani ng̃ papuri. Kung walang karrosa ang “Kami Naman” ay nakalulan naman sa sasakyan ang kanyang mg̃a kinatawan. Datapwa’t hindi sa iisang sasakyan lamang kung hindi sa pito o labing apat kaya. At sa loob ng̃ dalawang taon ay labing dalawang ganting pala angtinamo ng̃ “Kami Naman”. ¿Ano pang sigla ang hahanapin? ¿Ano pang kilos ang magagawa? Wala na. Hanggan diyan na lamang talaga ang isang samahan.Kasabay ang pagsisigasig na magtamo ng̃ lalo at lalong karang̃alan, ang “Kami Naman” ay nagpapakatatag sa kanyang tayo. Inakala ng̃ Pangulong De los Reyes na ang pagkakaibaiba ng̃ hilig ng̃ mg̃a kasapi ay dapat tapatan ng̃ kanikanyang ikasisiyang loob. Dahil dito ay binahagi niya ang “Kami Naman” sa iba’t ibang Lupon na may kanikanyang uri, layon, pananalapi, at mg̃a kaanib.Ang unang Lupon ay ang Damayan. Magabuloy sa namatay o namatayang kasapi ang layon. Lupon sa Kalakal ang pang̃alawa at nagsimula ng̃ pagkilos noong Pebrero ng̃ 1913. Disyembre ng̃ 1913 itinatag ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin na binubuo ng̃ pawang mapanghalinang binibini. Sila ay mg̃a kasaping pangdang̃al sa “Kami Naman”. Disyembre ring yaon ng̃ itatag ang Lupon sa Pagpapalakas. Bago sumipot ang masikap at masiglang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat.Lahat ng̃ lupon na ito ay nagtanghal ng̃ kanikanyang lakas at magagawa. Bawa’t isa’y naghandog ng̃ matatayog na papuri sa boong Samahan. At sa lubos na paghang̃a ng̃ isang kasapi sa “Ilog Beata” sa kakisigan ng̃ “Kami Naman” ay tinula niya ang kasunod:G. Ramon S. TorresG. Ramon S. TorresKalihim Tagapahayag ng̃ Samahan ng̃ mg̃a mananagalog na “Ilog Beata” at tumula ng̃ tulang “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 12)“KAMI NAMAN”Bayang inaapi, ako’y nananaligna ang bawa’t sikat ng araw sa lang̃it,taglay ang tinig mong malungkot na tinig.At iya’y hindi ko matalos kung bakitikaw’y lumuluha, ikaw’y tumatang̃isgayong may lakas ka’t may Bayaning Bisig.Subali’t hintay ka;aking ibubuhayang isang alagad na dapat asahan.Luming̃on ka roon, sa dakong Timuganat mamamalas mong na nawawagaywayang isang Bandilang kapitapitaganng kilala’t bantog na ang KAMI NAMAN.Yao’y Kapisanang sagana sa lahat,sagana sa dunong, sagana sa lakasat hindi marunong matakot sa tawagng kanyang kalabang mayaman sa gilas,pagka’t alam niya’t kanyang natatatapna ang Mundong ito’y Mundo ng̃ pang̃arap.Isang Kapisanang ang bawa’t kasapiay may siglang taglay na kahilihili:isang Kapisanang ang hakbang ay lagingtung̃o sa pagsulong, tung̃o sa lwalhati:sapagka’t ang kanyang darakilang Mithi’yitanggol ang api: matwid ay maghari.Yao’y binubuu ng dukha’t mayamanng mangmang at paham, bata at may gulang,sapagka’t ang kanyang isang patakaranna salig sa loob noong Kapisanan,ang dukha’y ibang̃on, ang aba’y tulung̃an,wala ni mataas; pawang pantaypantay.At, ito’y tulain ng̃ mg̃a makata,dakila sa lalong Samahang dakila,maningning sa lalong maningning na tala;at sapagka’t ito’y butihing diwata,ako, ikaw, sila, ang lahat na’y pawanamang gumigiliw at nagsisihang̃a.KayFrancisco Dizondapat kilalaninang pagkakatatag ng̃ napakagitingna Samahang yaong may tang̃ing layunin:siya ang pumukaw, siya ang gumisingsa nang̃atutulog na mga damdamingna nang̃alalang̃o sa pagkakahimbing.Angel de los Reyes: iyan ang pamagatng kanyang pang̃ulo nang ito’y matanyag;Rosendo S. Cruz:isa ring masikap;Yaman na ang Bayan sa gitna ng gubatay hindi nagtamo ng magandang paladkung kaya nangyaring yao’y itinatag.Hindi ba’t ang taong likha ni Bathalaay taglay sa kanyang pagsipot sa lupaang mga Tuntuni’t Batas ng Paglaya?Kung ito’y totoo: ¿bakit lumuluhatayong naririto? Pang̃arap ng̃a yatalamang ang umasa’t maghintay sa wala.Hindi lamang yoon para sa lalakikung hindi laan din sa mga babai:naron siPascuala Pintorna may iwingng̃iti na ang bawa’t ng̃iti ay pagkasi;naron siConchita; at isa pang saksi,siAnitanglaging dinidilidili.Nang̃agsapisapi ang mga binata,ang kadalagaha’y humalo sa hakana ang Lang̃it nati’y itanghal, ipala,sapagka’t ang ating darakilang nasa’yibang̃on ang bayan nating lumuluha’thumarap sa lalong malakas sa lupa.Oo nga at tunay na dito’y nagkalatang mga Samaha’t Kapisanang tanyagsubali’t tulutang aking maisaadna ang KAMI NAMAN Samahang mahirap,sa matuling agos ng luha ng palad,ay ito ang siyang darampi, huhugas.Ramon S. TorresTaga “Ilog-Beata”.Tundo, Maynila, K. P.Sa likod ng̃ mg̃a papuring ito sa “Kami Naman” ay mayroon namang mg̃a naiinis sa di maalamang sanhi. Aywan kung anong suliranin ang nagbubuyo at ang mg̃a ito ay nagpapakaimbi sa pagwawasak ng̃ Samahan. Kinakalaban ang sariling damdamin, niyuyurakan ang sariling dang̃al, at binubulag ang sariling paning̃in. Hindi pa man ipinang̃ang̃anak ang “Kami Naman” ay binanta ng̃ lasunin. Sa kanila ang lahat ng̃ kilos ng̃ “KamiNaman” ay pawang hindi matwid. Salamat sa pusong matimpi ng̃ Pang̃ulong De los Reyes at di man siya natukso. Salamat din sa kalamigang loob ng̃ mg̃a kasapi at di man sila nabalino. Talagang gayon: ang tao habang natatanyag ay lalong dumadami ang kaaway. At ang Samahan upang mabuhay kung minsa’y dapat magkaroon ng̃ mg̃a kalaban.G. Sofronio G. CalderonG. Sofronio G. CalderonGuro ng Wikang Tagalog sa Young Men’s Christian Association at isa sa mg̃a humahang̃a sa “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 17)Kung paanong sa kasaysayan ng̃ Pilipinas ay may isangsiglo oscuroo isang daang taong madilim, ang “Kami Naman”ay nagkaroon din. Dahil sa katapang̃an ng̃ isang kalulwa at dahil sa pagkatupad ng̃ wikang ang pagtitiwala’y nakamamatay, ay nagkaroon ng̃ isang maaling̃awng̃aw na usapin ang mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Dapat malamang ang usapin ay sa ilang tao lamang at di ng̃ boong Samahan. Ang Pang̃ulo at ang Ing̃atyaman ay kapuwa inupasalaang umano’y mg̃a magnanakaw. Hinubaran ng̃ puri at tinanghal na mg̃a magdaraya. Hindi na kinilala ang pagkatao ng̃ mg̃a nagbintang at pinagbibintang̃an. Hindi na siniyasat ang kasaysayan ng̃ isa’t isa. ¡Kay taas na ganting pala sa nagpapakamatay sa pagtataguyod ng̃ isang Samahan! Sa gayo’y umawit ng̃ tagumpay ang mg̃a sumasamantala sa sigalot. Ang pagkatagpo nila ng̃ babaing lumabag sa kanyang kahinhinan ay siyang nagpatibay sa paguusig na ito. Ng̃uni’t sa pitak ng̃ mg̃a pahayagan ay tahasang inilahad ni G. De los Reyes, ang boong nangyari. At sa likod ng̃ sigalot na ito ang mg̃a umusig din ang nagpapahayag na batid nilang walang salaping nawawala. Ano pa’t paghihiganti o pagkainis lamang ang kanilang ginawa. Matapat na awa ang dapat iyukol sa namamatay sa pagtupad sa kanyang pananalig....Ipalagay ng̃ ang Pang̃ulong De los Reyes at ang Ing̃atyamang Malonzo, ay nagkasala; bulagin na natin ang ating dang̃al at bing̃ihin na natin ang atingdamdamin; aminin ng̃ sila’y nagkamali: ¿ano ng̃ayon? ¿Anong kapinsalaan mayroon sa Samahan? ¿Ang G. De los Reyes ba at ang G. Malonzo ang “Kami Naman”? ¿Sila bang dalawa ang bumubuo ng̃ Samahan? ¡Hindi! ¡Hindi! At ang sumamba sa gayon ay walang pagsampataya sa kanyang dang̃al....Upang pabulaanan pa ang kumalat na balita, na ang “Kami Naman” ay naligalig, ay na ito naman ang bahagi ng̃ ilang salaysay ni G. De los Reyes:“....Sa isang Samahang na walang tumitiwalag ni itinitiwalag na kaanib, ang Samahang iyan ay buo, matatag, at buhay. Iyan ay pinaghaharian ng kapayapaan at sapupo ng lalong matamis, dalisay, at matimyas na pagkakapatiran....”Palibhasa’y lubos ang pagtitiwala ng̃ mg̃a kaanib sa “Kami Naman” sa kanilang Pang̃ulo at Ing̃atyaman ang Samahan ay di mang naligalig sa sigalot na nangyari sa mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Bagkus lalong nagibayo ang sikap at sigla. At upang lalong mapaayos ang Damayan ay itinigil ng̃ may dalawang buwan. Ang Damayan lamang ang itinigil dahil sa pagbibitiw ng̃ tungkulin ni G. De los Reyes. Pagkatapos ayusin ay naghahalili ng̃ Pamahalaan ng̃ Samahan. Ano pa’t malaking kabulaanan ang ipinamamansag ng̃ iba na nalansag na raw ang “Kami Naman”. Hindi, hindi nalalansag. Hayan at kumilos ng̃ boongsigla at boong ningning. Gaya rin ng̃ dati ay nakatayo pa ang kanyang mg̃a haligi.Bb. Fausta CortesBb. Fausta CortesPang̃ulo ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat at siyang kumatha ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” na ikatlong aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 21)Sa kabantugan ng̃ “Kami Naman” ay malaki ang naitutulong ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Nagbukas ito ng̃ isang aklatan sa kapakinabang̃an ng̃ lahat. Kasapi at hindi sa “Kami Naman” ay binibigyan ng̃ laya. Doon ay sarisaring pahayagan at iba’t ibang aklat ang nagaantabay sa kahi’t kanino.Bukod sa pagsisikap ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” na makapagpalabas ng̃ mg̃a akda, ay naguukol din ng̃ panahon sa paglilinang ng̃ wikang tagalog. Ang katotohana’y napalaban na sila sa tanyag naAklatang Barusog. Ang mg̃a taga “Kami Naman” ay ayaw gumalang sa pagpatay ng̃ N sa piling ng̃ G̃. Ano pa’t hindi sila kaayon samodangang ANG ay isulat ng̃ AG̃ (pinatay ang N). Ang mg̃a tagaAklatang Barusogay nagtanggol naman sa kabilang panig.Sa mg̃a ikinilos na ito ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” ay kinilala ni G. Sofronio G. Calderon ang kanilang pagsusumakit. At na ito ang isa niyang lathala na tumutukoy sa:KAPAKANAN ÑG WIKANG TAGALOGIto ng̃ang wikang Tagalog, itong wika nina Solima’t Lakandula, nila Balagtas at Pilapil, nila Rizal na ng̃ayo’y kasalukuyang pinagmamasakitanngAklatangKAMI NAMAN,ay hindi lihim, at sa katunayan ay nariyan ang lagda ng mga bantog na mananalaysay na kumilala ng kasakdalan ng wikang ito, palibhasa’y ang wikang Tagalog ay isang wikang may sariling likas, may sariling ganda, may sariling yaman at isang wikang maipagbabadiya ng tanang saloobin at damdaming sumasapuso’t ísip ng tao; anopa’t sa katagang sabi, itong wikang Tagalog na ating kinamulatan, nilakhan at pinaka kaluluwa ng ating bayan ay may dakilang kapakanan ayon sa pagkakaakma’t pagkakabalangkas sa isang paraang tumpak at kagilagilalas.Sofronio G. Calderón.Dahil sa talino ng̃ isa sa mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman” ang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ay nagkamit ng̃ karang̃alang sa “Kami Naman” nanggaling ang ikatlo sa mg̃a babaing pilipina na kumatha ng̃ kasaysayan. Iyan ay si Bb. Pascuala Pintor na sumulat ng̃ nobelang “Tagumpay ng̃ Api”, na siyang unang aklat na pinalabas ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Kung ¿ano ang “Tagumpay ng̃ Api”? ang isang liham ni G. Aurelio Tolentino ang dapat sumagot:“Bb. Pascuala Pintor.“Mahal na binibini:“Tinanggap ko po at pinasasalamatan ang mahalagang handog ninyo sa akin, isang salin ng inyong matalinong nobelang “Tagumpay ng Apí”.“Kulang ang lahat ng papuring kaya kong sabihin, upang tumbasan ang hiwagang sarap ng aklat na nabanggit. Bukod sa talagang maykalugodlugod na ganda sa pagkakahanay ng mga salitang bihis ng kanyang mayayamang isipan, ay naghahandog pa sa damdamin ng ulirang buhay na gaya ng kay Teban, aralan gaya ng kay Titay at katarungang gaya ng kay Mameng at kay Leon.“Palibhasa’y marami na ang mga nobelang Tagalog; dahil sa mga mahahalaga rin naman ay maitutulad sa isang kuwintas na gintong sinasagisag ng bagong buhay. Ang “Tagumpay ng Apí”, ngayong mapakituhog sa kuwintas na iyan, ay naging pinakamaluningning na «relicariong» tinampakan ng makikinang na batong diamante, at may mahal na laman sa loob, ang buhay na larawan ng kabaitang nagtagumpay sa dagok ng kapaslangang binigti ng katarungan ng sariling damdamin.“Naghihintay pagutusan ang talisuyo nilang si“Aurelio Tolentino.“Maynila, ika 30 ng Junio ng 1914.”Sumunod na pinalabas ng̃ mg̃a manunulat ng̃ “Kami Naman” ang aklat ni G. Rosendo S. Cruz. “Tuntunin ng̃ Pulong” ang pamagat at gaya rin ng̃ “Tagumpay ng̃ Api” ay nagtamo ng̃ mg̃a bati at papuri. Isa na rito ang kalatas ng̃ isang taga Malabon, Rizal, na si G. Amado Jacinto. Aniya’y“Malabon, Rizal, S. P.“Ika 30 ng Okt., 1914.“G. Rosendo S. Cruz.“Mahal na kaibigan: Tinanggap ko ang isang salin ng iyong mahalaga at munting aklat na ang pamagat ay “Tuntunin ng Pulong”, at ako’y nagpapasalamat ng marami.“Rosendo, ang iyong aklat, sa ganang sarili ko, ay dapat mong ipagkapuri. ¿At bakit? Sapagka’tsa aklat mong itong maliit at mura lamangaymayroon kang isang dakilang bagay na matuturo. At ito’y ang pagpapakilala mo sa iba, na ang kahalagahan ng isang katha’y wala sa kapal at sa laki, kundi nasauriat saka salayon:uringsiyang bilang pinakapagaari ng isang aklat, atlayonnamang siyang tunay na ariariang kinapapalamnan ng dañgal ng isang kumatha.“Anguringtinutukoy ko rito ñgayon ay hindi ang tungkol sa kalinisan o karumham ngliteratura, kundi ang kungnakapagtuturoohindi nakapagtuturo; at ang sa layon nama’y kungmabutiohíndi, samakatuwid ay kung angpakinabañgano makinabang lamang.“Kapag ang isang aklat ñga’y may uring nakapagtuturo at may mabuting layon, para sa akin ay sukat na, upang kalugdan kong basahin at hanggang sa purihin pa pati ng kumatha.“¡At lalo pa marahil, kung ang kumathang iya’y isang kaibigang katulad mo! ¿Hindi ba?“Tungkol sa pagbabasa ng mga aklat ay aking maipagtatapat sa iyong ako ñga’y mayroon ng kakaibang panglasa kay sa dati, at ang sabi ko’y ganito, sapagka’t hindi na ako nalulugod ñgayon sa mga Felipe Trigo at Eduardo Zamacois, diyan sa mga mapaglarawan at mapaglikha ng mga kuwadrong nakapagpapagalaw ng laman at nakapagpapakalam ng balat, na sa mahinang loob ay sapat makapagdulot ngisangmasidhing pagkakilití; kundi doon na unti-unting nawiwili ang aking loob sa mga Heberto Spencer at Samanuel Smiles, sa mga Noé Porter at Tomas Stanley.“At dahil sa ganitong pagbabago ng aking hilig, ay huwag ilalaki ng iyong loob na ipalagay at sabihing kong ang aklat mo’y lalo pang kapuri-puri kay sa di iisa’t dadalawang naghahalaga riyan ng 40 at 50sentimos, sa pagka’t ang iyo’y nakatutulongsa pagtitipidng panahon ng mga samahan kung sila’y may pinagpupuluñgan, samantalang ang mga yao’y pawangmgaawitding mistula ng nakalipas na panahon natin,ibañga lamang angpañgalan,anyoatbihis; dapuwa’y sing-isa ring walang nagagawa kundi ang magparami ng mga pañgahas, pilyo, at palalo.“Iyan ang mga sanhi, kung kaya’t baga man may kulang at di mo binuó ang “Tuntunin ng Pulong” na iyong sinulat, ay hinahandugandinkita ng isang maligayang bati, na kasabay ng pakikikamay ko’y tanggapin mo rito sa tapat,at natatalaga mong kaibigan.(May lagda.) “Amado Jacinto.”Ang ikatlong aklat na ipinalimbag ay ang “Agawan ng̃ Dang̃al” na akda naman ni Bb. Fausta Cortes. Ang nagpanukala’t nagtatag ng̃ mg̃a balitang “Ilaw at Panitik”, “Aklatang Barusog” (mg̃a Samahan ng̃ mg̃a manunulat na tagalog) at “Hijos del Siglo” na si G. Honorato H. de Lara ay siyang nagpakilala sa madla kung ano ang “Agawan ng̃ Dang̃al”.Isangligang̃indoor base ballang itinanyag naman ng̃ Lupon sa Pagpapalakas. AngbituingConcepcion Magallanes ay siyang naghagis ng̃ unang pukol ng̃ bola. Limangteamang lumaro at ito’y ang “Marte”, “Katubusan”, “Sinag Kapuluan”, “Makabayan”, at “Kami Naman”. Ang “Marte” ang nagtamo ng̃ tang̃ing gantingpala.Ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin ay kalabisan ng̃ sabihin pa kung ano ang nagawa at ginagawa. Sukat ang ipagtapat na utang sa mg̃a “bituing” ito, ang lahat ng̃ ikinilos ng̃ “Kami Naman”.Paano’y sila ang buhay at kalulwa ng̃ Samahan.Patuloy sa magiliw na pagdadamayan ang Lupon sa Damayan.Ng̃uni’tangLupon sa Kalakal ay napahimbing. Ang Lupon na ito lamang ang nagmintis. Gayon ma’y nakapagtayo rin ng̃ tindahan noong Febrero ng̃ 1913, baga man nabuhay ng̃ may anim na buwan lamang.Sa mg̃a kasiglahang ito ng̃ mg̃a lupon ng̃ “Kami Naman” ang Samahan ay palaging nakapagwawasiwas ng̃ watawat ng̃ tagumpay sa lahat ng̃ kanyang balak. At man sa tuwing bago siyang panukala, ang mg̃a pahayagan ay nang̃agsabing «Bagong maningning na dahon na naman ang mapaparagdag sa hinahang̃aang kasaysayan ng̃ “Kami Naman”.»At dapat namang dakilain ang “Kami Naman”, palibhasa’y isang samahang nakikipagkapatiran sa lahat, sampu sa mg̃a nagpapakaimbi sa pagpatay sa kanya. Kung totoo mang may mg̃a kamaliang nagawa ay totoo rin namang lalong marami ang tumpak na pinang̃atawanan.Diyan natapos ang dalawang taong pamamahala ni G. Angel de los Reyes na nagwagi sa tatlong halalang sunod-sunod sa pagka Pang̃ulo ng̃ Samahan.¡¡¡Panahon ang humatol sa magiging kapalaran ng̃ mg̃a samahang katulad ng̃ “Kami Naman”!!!HANGGATalaan ng NilalamanSA TUTUNGHAYPATALASTASPANGUNANG HAKA NI G. Rosendo S. CruzVSA MGA BITUIN NG “KAMI NAMAN”IXI.MGA PUSONG NAMANDAW NG KAPWA PUSO13II.HINDI NAPAWASTONG PAGTITIYAP27III.MGA HALIK NG PAGIROG35IV.MASIGASIG NA KILOS NI PASTOR53V.¡WALANG SALA! ¡ANG TAGUMPAY AY ATIN!61VI.ANG ARAW NI LOLENG67VII.ANG PAGKAKATAONG LALONG MASAKLAP90VIII.MGA NALUGMOK SA LIWANAG NG BUWAN96IX.BALIW NA NAGSASABI NG KATOTOHANAN104X.SA LAOT NG HAPIS113KoloponMga Maaaring GamitThis eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of theProject Gutenberg Licenseincluded with this eBook or online atwww.gutenberg.org.This eBook is produced by the Online Distributed Proofreading Team atwww.pgdp.net.Agawan ng Dangalis a Tagalog romance novel published by a socio-civic youth organization called Kami Naman. Aside from the novel, this book contains a section on the history of Kami Naman.In the novel, Beteng, a rich young man, is a suitor of a beautiful maiden named Dolores (Loleng). Artemyo acts as Beteng’s “bridge,” serenading Loleng to win Beteng her affection. Unfortunately for Beteng, Loleng falls for Artemyo instead. Beteng is hurt by Loleng’s rejection and sets out to tarnish Artemyo’s reputation, or rob him of honor (agawan siya ng dangal).Pagkaka-enkowdScans of this work are available from the Internet Archive (copy1).Tala ng mga Ginawang Pagbabago2011-02-01 Started.Mga Di-Nakapaloob na ReperensiyaAng elektronikong aklat na ito ng Proyektong Gutenberg ay may mga reperensiyang hindi nakapaloob. Ang mga link para sa mga ito ay maaaring hindi gumana.Mga PagwawastoAng mga sumusunod ay ang mga pagwawastong ginawa sa teksto:PahinaOrihinalPagwawastoVIng̃niVIIsarilesariliVIIIsuliraninsuliraningVIIIbagaybaga’yXAGAWANGAGAWAN15ang̃ang16doorondoroon19,69,77—21,30,30,123[Wala sa orihinal]¡22mahinhinmahinhing23áyonayon24ginagitna36,49,51,52,67,68,110,3ngng̃37pinakikibang̃anpinakikinabang̃an40isasadisasaad40Luming̃osLuming̃on53,78,91,98[Wala sa orihinal]—53kanyang̃kanyang54,59,123,N.A.[Wala sa orihinal].55namangnaman70ning̃78[Wala sa orihinal]¿81habanhabang83HumakbanHumakbang83waláwala84kaawawakaawaawa84nisi88Bala na’yBalana’y100sa sasa105na nana107kanilang̃kanilang112ItangisItang̃is121NGNG̃122hangalhang̃al123ngang̃a124saansaang125hanggahanggang125mgamg̃a126[Wala sa orihinal],126hinahang̃aanhinahang̃aang127binigyangbinigyan128magbibinhinagbibinhi129IlangIlan129nasana sa130JairesJaurès130kong ng̃ako ng̃ang131nakikitanakikilala131[Wala sa orihinal][...]132bayangbayan134magandangmaayos naN.A.NGÑG5,22ng̃ang10nakapunapunana kapunapuna12:;14NamsnNaman18KAMI-NAMANKAMI NAMAN20iayay20isagisang20sapagtitipidsa pagtitipid21dingdin21.,
KUROKURO AT PANSINNI G. HONORATO H. DE LARASa matalino at mayuming Bbg. Fausta Cortes.Marang̃al na binibini:Matapos ko pong mabasa at manamnam ang unang supling na ito ng̃ inyong makisig na panulat; matapos kong mapagukulan ng̃ mahabang pagwawariwari, ay agad ko pong isinakamay ang aking pulpol na panitik upang boong ing̃at na panalaytayin ko sa maputing papel ang napakalaki ninyóng napithaya sa dahop kong kaya na katigan ng̃ mg̃a panghuling kurokuro ang napakamahalagang aklat ninyong ito, ang AGAWANNG̃DANG̃AL, na handang iyalok sa lalong may pihikang panlasa, palibhasa’y pagkaing luto sa inyong sariwa at mayamang isipan.Datapwa’t, ¿paano po kaya ang aking gagawin, marang̃al na binibini, upang makayari ng̃ isang tunay naepílogo?¿Purihin ko na lamang po kaya ang pagkaing ito, at sabihin kong masarap, at sagana sa mg̃a kailang̃ang sangkap, kahi’t na may nalalasahan akonganghangatpait?¡Inaakala ko pong hindi wasto ang gayon!Sapagka’t ayon din po sa pasiya ng̃ isang bantog napolemista, kilalang mang̃ang̃atha, tanyag na mananagalog at datihang mamamahayag na siInocencio Dilat(humigit kumulang) na, hindi anya kailang̃an ng̃ isangepiloguistaang sabihing ang aklat na ito (halimbawa) ay mainam, may dakilang layong mag-alis ng̃ piring sa mata ng̃hang̃al, may maningning na mg̃a pang̃ung̃usap, sagana sa mg̃a palaisipang malalim, busog sa mg̃a pantas na pagkukuro at mayamang mayaman sa pananagalog na tabas Balagtas, sapagka’t anya’y isang kalabisan. Ang isangepiloguistaay katulad din anya ng̃ isangcrítico, magpasiya at turulin ang isang bagay na kamalian, bago suriin at hatulan, alalaon baga’y punahin ang mali bago itumpak at ilagay sa dapat kalagyan.Ng̃uni’t ... ito ng̃a kaya ang tunay naepílogo?¡Iyan ang hindi ko mataya!Datapwa’t ... para kayInocencio Dilatay ganiyan, ganiyang ganiyan.At ... ipalagay na po nating ganiyan na ng̃a. Punahin ko ang lahat ng̃ kamalian; sabihin kong namimilipit ang inyong mg̃a pang̃ung̃usap; minsang madapilok sa paglalarawan ng̃ lalong mg̃a kailang̃ang ibadha ng̃ inyong panitik; may mg̃a pangyayaring madilim, malabo;may mg̃a bigkasing kayong hawig sa wikang kastila ó ingles, ó ang gayon at ganito ay di mangyayari, anopa’t ang lahat ng̃ kamalian ay isa-isahin kong turulin, suriin, punahin, bago itumpak, at... iwan ang dapat suubin ng kamaniyang, ang dapat purihin, ang dapat itampok sa lalong napakatayog na karang̃alan, alalaon baga’y sabihin kongmapaklaathilawó kaya’ymapaitatmaasimang inyong ipinalasap na ito sa ating mg̃a mambabasa, gayong ang katotohana’y, sa kabila naman ng̃ lahat ng̃ iyan ay mayroong nalalasahang tamis, sarap, linamnam, ay ... ¿ano po kaya ang wiwikain ninyo sa akin?¿Hindi po kaya mang̃unot ang inyong noo at sabihin na ako’y masamangepiloguista, kungepiloguistana ng̃ang matatawag kahi’t birobiro ang abang kaliitan?¡Oh!.. kay laki ng̃ inyong napita; pagkalakilaki... At sa kalakhan, ay hindi ko po tuloy matutuhan kung paano ang aking gagawin upang mapaunlakan ko kayo sa inyong hiling.Sapagka’t ... ang wikang̃apo ng̃ isang mangwawagi’t bantog na makata at balitang manlilinang sa napakatamis na wikang ginamit ng̃ ating haring si Balagtas, sa kanyang walang kamatayangFlorante at Laura, na siItang Balbarin, na tubo sa mapalad na libis ng̃ bundok ng̃ Samat, na siyang kinakitaanniya ng̃ unang liwanag ng̃ araw, na: ang isangepiloguistaraw po ay hindi dapat mamuna ni maglahad ng̃ ano mang tutuntunin sa pagsulat, sapagka’t, ang isangepiloguistaay kaibangkaiba anya sa isangcrítico.¡May matwid!At, kung ganito ng̃a ay ... ¿paano po kaya ang dapat kong gawin osaanglandás ako tutung̃o upang makayari ng̃ isang wastong panghuling salita?Para kayInocencio Dilatay di wastó ang ganito...At, para kayItang Balbarinnaman ay lalong di tumpak ang gayon.¿Alin kaya ang dapat paniwalaan sa kanilang dalawa? ¡Kay laking suliranin!At ... sa suliraning iyan ay para ko pong nakikinikinita sa dalawang bantog na manunulat na iyan, na darating ang isang pagkakataong maguunawaan din sila; pagtatapisin ang kapwa nila matwid sa pamamagitan ng̃ pagpipinkian ng̃ kanikanilang mg̃a panitik sa larang̃an ng digmaan ng̃ literaturang tagalog.Ng̃uni’t samantalang tayo po’y nagiintay at upang ako’y makatupad sa inyong napithaya ay wala po akong ibang gagawing batayan saepilogonginyong hinihing̃i kundi, ang sinabi ng̃ kataastaasang Pang̃ulong Wilson, na, anya’y:justicia y nada mas justicia.Sa makatwid ay wala kayong sukat maintay sa akin, marang̃al na Bbg. Cortes, kundi ang dalawang bagay: purihin ang dapat purihin, at, punahin ang dapat punahin.¡Kurokuro!Ang aklat mo pong ito, Bbg. Cortes, ay isang aklat na tang̃i sa may layong mag-alis ng̃ kulaba sa pangmalas ng̃ mg̃a hang̃al, magakay sa lalong may bulag na pagkukuro, nakapagtuturo pa rin sa ibang kadalagahan, diyan sa mg̃a dalagang dahil sa kinang ng̃ salapi ng̃ sa kanila’y mamintuho, ay nalilikhang sapilitan ang pag-ibig at di inaantay ang kusang tibok ng̃ kanilang puso.Sa loob ng̃a ng̃ AGAWAN NG̃ DANG̃AL ay parang namamalas ko pahanggangng̃ayon ang animo’ymg̃alarawang buhay na nagsisigalaw: ang magandang Dolores; ang mapalad na si Artemio; ang mapagsisting si kapitana Martina; ang antukin at matatakuting si kapitang Andoy; ang mabuting tao, ng̃uni’t masamang kristianong si Simon; ang matapat at walang kasingbuting katoto, ang may diwang Tasio, sa Noli ni Rizal, na si Pastor; ang mapagpansin na si Labadre; at ... ang nakatatawang pagkahuli ni kapitana Martina sa isang batang sisilipsilip ng̃ nag-aagahan na si Beteng, yaong si Beteng na walangtang̃ing ipinang̃ahas mula’t mula pa kundi ang kanyang kayamanan, ang kanyang pilak, sa pang̃ing̃ibig sa mayuming si Dolores, na siyang gumanbala ng̃ kanyang isip, diwa’t pagkatao.Ang nakakapanaghiling kapalaran ng̃ artistang si Artemio, si Artemiong kapangpang̃an, ang wika ng̃a ni Beteng, yaong si Beteng na hindi makapaglakbay sa lupang pang̃ako, kundi may kasama; hindi makapitas ng̃ ibinabawal na bung̃a ng̃mansanaskung walang hagdanang matutungtung̃an, ay maging mabisa sanangtampalat matindinghagupitsa ilang mg̃a lalaking kung walang tulay ay di makapang̃ibig sa isang himala ng̃ ganda, sa isangVenus.Si Dolores, ang kapatid na bunsong ito, ni Maria Clara, saNoli Me Tangere, ni Meni, saBanaag at Sikat,ni Celia, saFlorante at Laura, at ni Ligaya sa¡Kristong Magdaraya!ay pinaglupaypay ninyo ang matigas na puso sa darang ng̃ maalab na pag ibig; pikitmatang pinatalaktak ninyo sa kaharian ni Kupido at pinahintulutan din ninyong magpamalas sa masinsing tabing ng̃ pagkukunwari sa kanyanghinahang̃aangbinata, sa umagaw ng̃ kanyang pananahimik: kay Artemio.At talagang ganyan ng̃a po ang dapat ninyong gawin, marang̃al na binibini, upang magkaroon ng̃naturalidadang isang pangyayari na, hindi gaya ng̃ iba natingmang̃ang̃atha na sa pagnanasang huwag masinagan ng̃ bahagya mang gaspang ang isa sa mg̃a kumakatawan ng̃ kanilang aklat, na sapagka’tbinigyanna nila sa una ng̃ mg̃acaracterna mahinhin, mayumi ay pakapipilitin patain ó inisin ang itinitibok ng̃ puso.At upang patotohanan kong minsan pa sa inyo, na talagang hindi kamalakmalak na mangyari ang inyong ginawa na sa kahinhinan at kayumián ni Dolores ay paibabawin ninyo ang kagaspang̃ang nililikha ng̃ pag ibig ay ipahintulot ninyong sipiin ko rito ang matwid ng̃ ating Balagtas sa kalakhan at kadakilaan ng̃ ating tinutukoy:Oh! pagsintang labis ng kapangyarihansampung magaama’y iyong nasasaklaw,pag ikaw ang nasok sa puso nino manhahamaking lahat, masunod ka lamang.¿Ano ang nangyari kay Beteng?Humigit kumulang na sinasabi sa aklat ninyong ito, na siya, si Beteng ay wala ng̃ sinikap sa gabi’t araw ó sa lahat ng̃ sandali, kundi ang ikalulukso ng̃ dang̃al ng̃ umagaw sa kanyang lang̃it, sa kanyang paraluman. At, di ng̃a inaksaya ni Beteng ang mahabang panahon at karakarakang isinagawa. Inanyayahan isang araw ang dalawa niyang kaibigan, si Simon at si Pastor at isinangguni ang kanyang maruming nais; datapwa’t anong tiwaling pagtitiyap at saisip at diwa nitong huli, kay Pastor ay itinanim ninyo, ang damdaming Delfín, ang pusong Felipe sa “Banaag at Sikat” ng̃ makatang Lope, na sa harap ng̃ matatalim na upasala at marung̃is na adhika ni Beteng, ay di ninyo pinapagtagal ang puso ni Pastor, pinapanalag ninyo sa mg̃a ulos at taga ng̃ mg̃a kaaway na lihim ng̃ kanyang kaibigan.At sunodsunod ninyong isinabibig ni Pastor ang ganitong pang̃ung̃usap, sa tulong ng̃ kanyang dilang walang pang̃iming magsabi ng̃ katotohanan:“Mg̃a kaibigan, huwag ninyong hamakin ang kanyang lahi. Kapangpang̃an man at tagalog ay iisa ang uri, at ang sumira ng̃ pag-iisang iyan, ay yaon ang taksil na dapat pang̃ilagan. Ang taong pumapatay ng̃ pag-dadamayan ng̃ pilipino ay yaon ang kalaban ng̃ bayan. Ang kaluluwang nagtatanim ng̃ pag-iiring̃an ay siyang uod na sumisira ng̃ laya at pag-asa ng̃ lahat”.¡Anong ningning ng̃ pagkukuro ni Pastor!At... nakaramdam ng̃ kirot ang dalawang pinagsabihan...“Hindi mg̃a kaibigan—ang ganti ni Pastor—kailan ma’y di ko magagawa ang sumugat sa kapatid. Ng̃uni’t, oo; makikipaglaban ako sa kanino mangnagbibinhing̃ pag-iiring̃an. Ang buhay ko’y aking itinataya lubha pa’t ang pag-iiring̃anay ipupunla dahil lamang sa inggit sa isang lalaking kinakandong ng̃ palad...”¿Ilankaya sa mg̃a kababayan natin, Bbg. Cortes, ang makapagtataya ng̃ buhay sa pagtatanggol ng̃ matwid ng̃ isang tao?¡Kay dakila ng̃ inyong paghahaka!Matapos magpaalaala ang baliw na si Beteng kay Pastor, na ito’y nasa ibang bahay, ay para ko pang nakikinikinitang nakang̃iti at hantad ang noong sumagot:“Sa bahay na pinaghaharian ng̃ dilim ay doon ko dinadala ang ilaw”.Pagkatayogtayog po ng̃ kurokuro ninyong ito, Bbg. Cortes,na sapamamagitan ng̃ kaunting salita lamang ay halos niyayanig ninyo ang budhi ng̃ mapagdunongdunung̃ang mg̃a hang̃al.Ang dalawang katalo ni Pastor ay lalo ninyong pinagpuyos ang kapootan.Ipinagtabuyan si Pastor, ng̃uni’t pang̃iti ring sinabi:“Dapat ninyo akong itaboy; dapat ninyo akong turang ulol: sapagka’t, ang gurong nagtuturo ay talagang kalaban ng̃ mg̃a musmus na tinuturuan.”Sa harap ng̃ ganyang maigting na pagwawariwari ni Pastor, ay tahasang masasabi ko Bbg. Cortes na ang inyong baguhang panitik ay karapatdapat maisapiling ng̃ lalong mg̃a tanyag at dakilang mg̃a manunulat natin, sapagka’tminsan pa ninyong ipinakilala ang mataos ninyong paggalang at pagmamahal sa wastong matwid.Si Pastor ay nilakipan ninyo ng̃ kislap ng̃ sosialismo ng̃ mg̃a banal na aral ni Tolstoy,Jaurèsat iba pa, na, siya ninyong nais matutuhan ng̃ ating mg̃a kababayan.Kusa kong iniwan at babayaan na, marang̃al na binibini, ang nakaiinggit na lambing̃an ng̃ dalawang pusong bihag ng̃ pagibig: si Dolores at si Artemio. Hindi ko na po paguukulan ng̃ kurokuro ang kadalisayan ng̃ puso ni Dolores na hindi maalam masilaw sa kinang ng̃ salapi at sa hibo ng̃ kisig. Kusa pong di ko na gagalawin o paguukulan pa ng̃ mg̃a wariwari ang kasiglahan ng̃ handa sa kaarawan ni Dolores, maging ang kasanayan ninyang tumugtog ng̃ alpa; maging ang kalunoslunos na hinangganan ng̃ masayang handaan sa bahay ng̃ ating dalaga; ang di ninyo paglimot sa paglalarawan ng̃ mga kagandahan ng̃ mg̃abituinng̃ “Kami Naman” na dumalo sa naturang kasayahan, palibhasa’y ang lahat ng̃ iyan ay inaasahan kong sapat nang makapagudyok sa lahat ng̃ makababasa ng̃ aklat na ito, upang putung̃an kayo ng̃ walang katapusang pagpupuri.At, ¿kung alinalin ang aking isasakarurukan ng̃ lalong kapurihan?Wala pong iba Bb. Cortes kundi ang kinawilihanko ng̃angpaghahaka ni Pastor,na busog na busog ng̃ pagibig sa kanyang mg̃a kababayan, at ... ang mg̃a pang̃ung̃usap ng̃ baliw na si Beteng ng̃ siya’y napipiit na.Sa ikaapat na kabanata, sa pangkat na naglalarawan ng̃ boong pagsisigasig ni Pastor, sa pagdamay sa kanyang kaibigang Artemio at sa harap ng̃ mg̃a manunugtog na ipagpaparang̃al ni Beteng ay natunghayan ko na naman, matapos ang ilang paliwanag ang lalong dakilang kurokuro ni Pastor:“Narinig na ninyo—ang saad ni Pastor na linawin natin: hindi raw dapat bigyan ng̃ tungkulin ang isang dapo. Katwiran, ng̃uni’t ¿bakit nila natitiis ang mg̃a dapong naghahari sa ating bayan? at ¿dapo ba si Artemio? ¿Ano kung kapangpang̃an siya? ¿Hindi ba pilipino rin? ¿Maaari bang magsarili ang tagalog na ang kapangpang̃an ay hindi? ¡Napakarupok na pagkukuro! Ang masasabi ko’y nakikilala ang dapong kapatid din nila, datapwa’t hindi nilanakikilalaang tunay na dapong dito’y tumawid.[...]Ng̃ayon at kalahi ay halos sakmalin. Ng̃uni’t kung maputi kahi’t na lumapastang̃an, ay ng̃ining̃itian din. Sinusurot, dinuduro at pinamumukhaan ang kabalat subali’t ang dayo ay saka lamang mamura kung nakatalikod”.Kay sakit mo pong susugat Bbg. Cortes. Ng̃uni’t inaakala kong kailang̃an ng̃ang ang mg̃a bulok at uod na makasisira samabulas na pagkakaisa ay isa isang lasunin. ¡Patain!¡Magbinhi nawa ang inyong magandang adhika!Sa gitna ng̃ pagtataka ng̃ hindi mabilang na mg̃a manggagawa sa bahay palimbagan ng̃ pamahalaan na nakuwarentenas dahil sa sakit na di umano’ydipterya, sanhi sa pakakapag-abuloy sa lahat, kasapi at di man ng̃ malusog na SamahangKami Namanay para ko pang nariring̃ig magpahangga ng̃ayon ang matalinghagang mg̃a pang̃ung̃usap ng̃ isang ulol na sagana sa mg̃a katotohanan.At sa wakas ng̃ kanyang maniningning na sinabi, sa huli ng̃ kanyang mg̃a pang̃arap sa sinasapit ng̃ atingbayan, at pagkakaagwat ng̃ kapalaran ng̃ mayaman sa mahirap, ng̃ pagkakalayo ng̃ mahirap sa mayaman, ay di ko malirip magpahangga ng̃ayon po, Bbg. Cortés, kung bakit naisipisipan ng̃ ulol na si Beteng ang maglawit ng̃ isang panyo at bago sinabi ng̃ makita niyang pinapaspas na ng̃ hang̃in:“¡Hayan ang watawat ng̃ pagsuko! ¡Hayan ang sagisag ng̃ pananahimik! Batiin ninyo at igalang. Mahalin ninyo at ibigin. Kung iyan ang ating ilaladlad sa gitna ng̃ digmaan ay unahan tayo ng̃ paghawak. Datapwa’t kung pula, tanda ng̃ paglaban, ay magtuturuturuan tayo. ¡Magdarayang tapang!”Subali’t sino kaya ang pinatatamaan ng̃ ulol na si Beteng?Kundi ako namamali, ay walang iba kundi ang ibang mg̃a kababayan nating matatapang sa bibig ng̃uni’t wala sa gawa.¡Napakasasakit na pang̃ung̃usap!Ang aklat mo pong ito, Bbg. Cortés, ay inaasahan kong sa kahalagahan ng̃ layunin ay magiging isang bagong tipan na ikapagbabago ng̃ likong kaugalian ng̃ marami. Mg̃a pansin:Bbg. Fausta Cortés: Itulot mo po naman ng̃ayon na ilahad ko ang aking mg̃a puna.Tulad sa akin ng̃ sinabi, na hahalunkatin ko’t ibubunyag ang dapat purihin at ukol punahin, ng̃ayon ay magtatapat ako sa aking pang̃ung̃usap.At, magsimula tayo.Pagkarinig ko ng̃ pamagat ng̃ aklat na ito na AGAWAN NG̃ DANG̃AL, ay kumilos na sa aking guniguni ang larawan ng̃ pag-aagawan sa katungkulan ng̃ ilang kapatid nating araw-araw ay nagbabang̃ay. Inakala ko na’t hinulaan na yaong pag tutunggali ng̃ mg̃a taong gumugulo sa ating bayan ay siya ninyong pinuna. Ang isip ko’y humula ng̃ dalawang pangyayari, at boong boo ang aking pananalig na hindi sasala sa alin man sa dalawa kong akala, ang inilahad ninyo. Kung hindi ang nakahihiyang pag-aagawan sa karang̃alan ng̃ ating mg̃apoliticoay walang salang ang ligalig sa mg̃a halalan ang inyong tinuligsa. Ganyan ang boo kong sapantaha at marahil ay siya namang sasapantahain ng̃ iba. Datapuwa’t ¡kay laking pakakamali! ¡Agawan pala ng̃ dalawang puso sa isang pain ng̃ pag-ibig! Hindi ko po sinasabing malayo ang pamagat sa laman. Hindi po, sa pagka’t nalalaman kong may mg̃a taong iba ang pang̃alan sa asal. Lamang ay ipinagtatapat kong sumala ang aking hula.Sa lahat ng̃ dahon ng̃ AGAWAN NG̃ DANG̃AL ay pawang makabagong pananagalog ang aking napuná. Sa kabaguhan ay mayroong mg̃a talatang nagkapilipilipit ang pagkasalaysay. Aywan ko lamang kung sinadyáng pinaikot ng̃ masiglang panulat ninyó, Bbg. Cortes.¿Kung alin alin? Na itó po:“Angmaayos natabas ng̃ mukha ay napapatung̃an ng̃ maiitím na buhók”.Paano po kaya ang bikas ng̃ mukháng yaón? ¡Napapatung̃an ng̃ maiitím na buhok! ¡Ina ko, kakilakilabot! Marahil ay sumusunong ng̃ maiitim na buhók at di napapatung̃an. (Maalaala ko pala.) Hindi rin masasabing sumusunong at lalo nang hindi napapatung̃an; sapagka’t lalabas na si Dolores ay panot, paano’y sunong o nakapatong lamang pala ang buhok...Iba naman:“..... sinungkit ..... ang mantekilya.....”¿Sinungkit? ¿Baka po kinahig? At kung angsinungkitdito ay hindi mali, ay huwag naman kayong tumawa na sabihin kong “ng̃inalot ang tubig.”Isa pa:“Tumayo sa mesa.....”¿Tumayo sa mesa? ¿Saan tumayo: sa ibabaw po ba ng̃ mesa? ¡Sus! ¿Si Dolores, ang mayuming dalaga, ang kaluluwa ng̃ kasaysayang ito, ang tatayo sa mesa? Hindi mangyayari. Bakit noon ay kasalukuyan pa namang sila’y nag aagahan. Baka mayroon pang lalong tumpak na masasabi ang Bbg. Cortes, ay siya sana nilang ginamit.Ganito at iba pang gaya nito ang sinasabi kong mg̃a nagpandanggong pananagalog na makabago.⁂Pagtutuos:Anhin ko man pong punahin ang mg̃a katang̃ían ng̃ dakilang panulat ninyo, binibining Cortes, ay lagi ring nananaig sa aking diwa at isipan ang mg̃a banal na layuning tinutung̃o ng̃ inyong akda. Ang mg̃a pansin na aking pinuna ay nagiging parang guhit na itim lamang sa isang malapad, matibay, marilag at napakapinong habi na niyári ng̃ inyong bago ng̃uni’t magiting na panitik. Anopa’t nakapagdadagdag lamang ng̃ kainaman ang mang̃ilang̃ilan ninyong bagong ayos ng̃ pananalaysay, sa mahalagang aklat.At upang patotohanan ay napapakagat-labi ako sa katalinuhan ninyo na makapagsabi ng̃:“.....ang mahihirap ay magkakapatid na lahat. Kung paanong ang mahirap ay walang bayan, ay gayon din na walang lipi. Bayan niya ang Sangsinukob at lipi niya ang Sangkatauhan.....”Sa inyong matataas na isipang iyan ay kabilang ako sa mg̃a humahang̃a at hahang̃a sa inyong panulat.At talagang marunong kayo sapagka’t marunong kayong magpahesus sa inyong aklat. Niwakasan ninyo sa taimtim at kalugodlugod na pagmamahal ni Dolores kay Artemio. Sinabi pa ninyong:“¡Kay tamís ng̃ kamatayan kung gayón ang pagmamahal ng̃ mauulila!...”Akó man po, Bbg. Cortes, ay makapagsasabi rin at talagang nais ko na rin ang mamatay kung may isang Dolores na tatang̃is sa aking pagyaón....Honorato H. de Lara.Taga “Ilog-Beata.”
KUROKURO AT PANSINNI G. HONORATO H. DE LARA
NI G. HONORATO H. DE LARA
Sa matalino at mayuming Bbg. Fausta Cortes.Marang̃al na binibini:Matapos ko pong mabasa at manamnam ang unang supling na ito ng̃ inyong makisig na panulat; matapos kong mapagukulan ng̃ mahabang pagwawariwari, ay agad ko pong isinakamay ang aking pulpol na panitik upang boong ing̃at na panalaytayin ko sa maputing papel ang napakalaki ninyóng napithaya sa dahop kong kaya na katigan ng̃ mg̃a panghuling kurokuro ang napakamahalagang aklat ninyong ito, ang AGAWANNG̃DANG̃AL, na handang iyalok sa lalong may pihikang panlasa, palibhasa’y pagkaing luto sa inyong sariwa at mayamang isipan.Datapwa’t, ¿paano po kaya ang aking gagawin, marang̃al na binibini, upang makayari ng̃ isang tunay naepílogo?¿Purihin ko na lamang po kaya ang pagkaing ito, at sabihin kong masarap, at sagana sa mg̃a kailang̃ang sangkap, kahi’t na may nalalasahan akonganghangatpait?¡Inaakala ko pong hindi wasto ang gayon!Sapagka’t ayon din po sa pasiya ng̃ isang bantog napolemista, kilalang mang̃ang̃atha, tanyag na mananagalog at datihang mamamahayag na siInocencio Dilat(humigit kumulang) na, hindi anya kailang̃an ng̃ isangepiloguistaang sabihing ang aklat na ito (halimbawa) ay mainam, may dakilang layong mag-alis ng̃ piring sa mata ng̃hang̃al, may maningning na mg̃a pang̃ung̃usap, sagana sa mg̃a palaisipang malalim, busog sa mg̃a pantas na pagkukuro at mayamang mayaman sa pananagalog na tabas Balagtas, sapagka’t anya’y isang kalabisan. Ang isangepiloguistaay katulad din anya ng̃ isangcrítico, magpasiya at turulin ang isang bagay na kamalian, bago suriin at hatulan, alalaon baga’y punahin ang mali bago itumpak at ilagay sa dapat kalagyan.Ng̃uni’t ... ito ng̃a kaya ang tunay naepílogo?¡Iyan ang hindi ko mataya!Datapwa’t ... para kayInocencio Dilatay ganiyan, ganiyang ganiyan.At ... ipalagay na po nating ganiyan na ng̃a. Punahin ko ang lahat ng̃ kamalian; sabihin kong namimilipit ang inyong mg̃a pang̃ung̃usap; minsang madapilok sa paglalarawan ng̃ lalong mg̃a kailang̃ang ibadha ng̃ inyong panitik; may mg̃a pangyayaring madilim, malabo;may mg̃a bigkasing kayong hawig sa wikang kastila ó ingles, ó ang gayon at ganito ay di mangyayari, anopa’t ang lahat ng̃ kamalian ay isa-isahin kong turulin, suriin, punahin, bago itumpak, at... iwan ang dapat suubin ng kamaniyang, ang dapat purihin, ang dapat itampok sa lalong napakatayog na karang̃alan, alalaon baga’y sabihin kongmapaklaathilawó kaya’ymapaitatmaasimang inyong ipinalasap na ito sa ating mg̃a mambabasa, gayong ang katotohana’y, sa kabila naman ng̃ lahat ng̃ iyan ay mayroong nalalasahang tamis, sarap, linamnam, ay ... ¿ano po kaya ang wiwikain ninyo sa akin?¿Hindi po kaya mang̃unot ang inyong noo at sabihin na ako’y masamangepiloguista, kungepiloguistana ng̃ang matatawag kahi’t birobiro ang abang kaliitan?¡Oh!.. kay laki ng̃ inyong napita; pagkalakilaki... At sa kalakhan, ay hindi ko po tuloy matutuhan kung paano ang aking gagawin upang mapaunlakan ko kayo sa inyong hiling.Sapagka’t ... ang wikang̃apo ng̃ isang mangwawagi’t bantog na makata at balitang manlilinang sa napakatamis na wikang ginamit ng̃ ating haring si Balagtas, sa kanyang walang kamatayangFlorante at Laura, na siItang Balbarin, na tubo sa mapalad na libis ng̃ bundok ng̃ Samat, na siyang kinakitaanniya ng̃ unang liwanag ng̃ araw, na: ang isangepiloguistaraw po ay hindi dapat mamuna ni maglahad ng̃ ano mang tutuntunin sa pagsulat, sapagka’t, ang isangepiloguistaay kaibangkaiba anya sa isangcrítico.¡May matwid!At, kung ganito ng̃a ay ... ¿paano po kaya ang dapat kong gawin osaanglandás ako tutung̃o upang makayari ng̃ isang wastong panghuling salita?Para kayInocencio Dilatay di wastó ang ganito...At, para kayItang Balbarinnaman ay lalong di tumpak ang gayon.¿Alin kaya ang dapat paniwalaan sa kanilang dalawa? ¡Kay laking suliranin!At ... sa suliraning iyan ay para ko pong nakikinikinita sa dalawang bantog na manunulat na iyan, na darating ang isang pagkakataong maguunawaan din sila; pagtatapisin ang kapwa nila matwid sa pamamagitan ng̃ pagpipinkian ng̃ kanikanilang mg̃a panitik sa larang̃an ng digmaan ng̃ literaturang tagalog.Ng̃uni’t samantalang tayo po’y nagiintay at upang ako’y makatupad sa inyong napithaya ay wala po akong ibang gagawing batayan saepilogonginyong hinihing̃i kundi, ang sinabi ng̃ kataastaasang Pang̃ulong Wilson, na, anya’y:justicia y nada mas justicia.Sa makatwid ay wala kayong sukat maintay sa akin, marang̃al na Bbg. Cortes, kundi ang dalawang bagay: purihin ang dapat purihin, at, punahin ang dapat punahin.¡Kurokuro!Ang aklat mo pong ito, Bbg. Cortes, ay isang aklat na tang̃i sa may layong mag-alis ng̃ kulaba sa pangmalas ng̃ mg̃a hang̃al, magakay sa lalong may bulag na pagkukuro, nakapagtuturo pa rin sa ibang kadalagahan, diyan sa mg̃a dalagang dahil sa kinang ng̃ salapi ng̃ sa kanila’y mamintuho, ay nalilikhang sapilitan ang pag-ibig at di inaantay ang kusang tibok ng̃ kanilang puso.Sa loob ng̃a ng̃ AGAWAN NG̃ DANG̃AL ay parang namamalas ko pahanggangng̃ayon ang animo’ymg̃alarawang buhay na nagsisigalaw: ang magandang Dolores; ang mapalad na si Artemio; ang mapagsisting si kapitana Martina; ang antukin at matatakuting si kapitang Andoy; ang mabuting tao, ng̃uni’t masamang kristianong si Simon; ang matapat at walang kasingbuting katoto, ang may diwang Tasio, sa Noli ni Rizal, na si Pastor; ang mapagpansin na si Labadre; at ... ang nakatatawang pagkahuli ni kapitana Martina sa isang batang sisilipsilip ng̃ nag-aagahan na si Beteng, yaong si Beteng na walangtang̃ing ipinang̃ahas mula’t mula pa kundi ang kanyang kayamanan, ang kanyang pilak, sa pang̃ing̃ibig sa mayuming si Dolores, na siyang gumanbala ng̃ kanyang isip, diwa’t pagkatao.Ang nakakapanaghiling kapalaran ng̃ artistang si Artemio, si Artemiong kapangpang̃an, ang wika ng̃a ni Beteng, yaong si Beteng na hindi makapaglakbay sa lupang pang̃ako, kundi may kasama; hindi makapitas ng̃ ibinabawal na bung̃a ng̃mansanaskung walang hagdanang matutungtung̃an, ay maging mabisa sanangtampalat matindinghagupitsa ilang mg̃a lalaking kung walang tulay ay di makapang̃ibig sa isang himala ng̃ ganda, sa isangVenus.Si Dolores, ang kapatid na bunsong ito, ni Maria Clara, saNoli Me Tangere, ni Meni, saBanaag at Sikat,ni Celia, saFlorante at Laura, at ni Ligaya sa¡Kristong Magdaraya!ay pinaglupaypay ninyo ang matigas na puso sa darang ng̃ maalab na pag ibig; pikitmatang pinatalaktak ninyo sa kaharian ni Kupido at pinahintulutan din ninyong magpamalas sa masinsing tabing ng̃ pagkukunwari sa kanyanghinahang̃aangbinata, sa umagaw ng̃ kanyang pananahimik: kay Artemio.At talagang ganyan ng̃a po ang dapat ninyong gawin, marang̃al na binibini, upang magkaroon ng̃naturalidadang isang pangyayari na, hindi gaya ng̃ iba natingmang̃ang̃atha na sa pagnanasang huwag masinagan ng̃ bahagya mang gaspang ang isa sa mg̃a kumakatawan ng̃ kanilang aklat, na sapagka’tbinigyanna nila sa una ng̃ mg̃acaracterna mahinhin, mayumi ay pakapipilitin patain ó inisin ang itinitibok ng̃ puso.At upang patotohanan kong minsan pa sa inyo, na talagang hindi kamalakmalak na mangyari ang inyong ginawa na sa kahinhinan at kayumián ni Dolores ay paibabawin ninyo ang kagaspang̃ang nililikha ng̃ pag ibig ay ipahintulot ninyong sipiin ko rito ang matwid ng̃ ating Balagtas sa kalakhan at kadakilaan ng̃ ating tinutukoy:Oh! pagsintang labis ng kapangyarihansampung magaama’y iyong nasasaklaw,pag ikaw ang nasok sa puso nino manhahamaking lahat, masunod ka lamang.¿Ano ang nangyari kay Beteng?Humigit kumulang na sinasabi sa aklat ninyong ito, na siya, si Beteng ay wala ng̃ sinikap sa gabi’t araw ó sa lahat ng̃ sandali, kundi ang ikalulukso ng̃ dang̃al ng̃ umagaw sa kanyang lang̃it, sa kanyang paraluman. At, di ng̃a inaksaya ni Beteng ang mahabang panahon at karakarakang isinagawa. Inanyayahan isang araw ang dalawa niyang kaibigan, si Simon at si Pastor at isinangguni ang kanyang maruming nais; datapwa’t anong tiwaling pagtitiyap at saisip at diwa nitong huli, kay Pastor ay itinanim ninyo, ang damdaming Delfín, ang pusong Felipe sa “Banaag at Sikat” ng̃ makatang Lope, na sa harap ng̃ matatalim na upasala at marung̃is na adhika ni Beteng, ay di ninyo pinapagtagal ang puso ni Pastor, pinapanalag ninyo sa mg̃a ulos at taga ng̃ mg̃a kaaway na lihim ng̃ kanyang kaibigan.At sunodsunod ninyong isinabibig ni Pastor ang ganitong pang̃ung̃usap, sa tulong ng̃ kanyang dilang walang pang̃iming magsabi ng̃ katotohanan:“Mg̃a kaibigan, huwag ninyong hamakin ang kanyang lahi. Kapangpang̃an man at tagalog ay iisa ang uri, at ang sumira ng̃ pag-iisang iyan, ay yaon ang taksil na dapat pang̃ilagan. Ang taong pumapatay ng̃ pag-dadamayan ng̃ pilipino ay yaon ang kalaban ng̃ bayan. Ang kaluluwang nagtatanim ng̃ pag-iiring̃an ay siyang uod na sumisira ng̃ laya at pag-asa ng̃ lahat”.¡Anong ningning ng̃ pagkukuro ni Pastor!At... nakaramdam ng̃ kirot ang dalawang pinagsabihan...“Hindi mg̃a kaibigan—ang ganti ni Pastor—kailan ma’y di ko magagawa ang sumugat sa kapatid. Ng̃uni’t, oo; makikipaglaban ako sa kanino mangnagbibinhing̃ pag-iiring̃an. Ang buhay ko’y aking itinataya lubha pa’t ang pag-iiring̃anay ipupunla dahil lamang sa inggit sa isang lalaking kinakandong ng̃ palad...”¿Ilankaya sa mg̃a kababayan natin, Bbg. Cortes, ang makapagtataya ng̃ buhay sa pagtatanggol ng̃ matwid ng̃ isang tao?¡Kay dakila ng̃ inyong paghahaka!Matapos magpaalaala ang baliw na si Beteng kay Pastor, na ito’y nasa ibang bahay, ay para ko pang nakikinikinitang nakang̃iti at hantad ang noong sumagot:“Sa bahay na pinaghaharian ng̃ dilim ay doon ko dinadala ang ilaw”.Pagkatayogtayog po ng̃ kurokuro ninyong ito, Bbg. Cortes,na sapamamagitan ng̃ kaunting salita lamang ay halos niyayanig ninyo ang budhi ng̃ mapagdunongdunung̃ang mg̃a hang̃al.Ang dalawang katalo ni Pastor ay lalo ninyong pinagpuyos ang kapootan.Ipinagtabuyan si Pastor, ng̃uni’t pang̃iti ring sinabi:“Dapat ninyo akong itaboy; dapat ninyo akong turang ulol: sapagka’t, ang gurong nagtuturo ay talagang kalaban ng̃ mg̃a musmus na tinuturuan.”Sa harap ng̃ ganyang maigting na pagwawariwari ni Pastor, ay tahasang masasabi ko Bbg. Cortes na ang inyong baguhang panitik ay karapatdapat maisapiling ng̃ lalong mg̃a tanyag at dakilang mg̃a manunulat natin, sapagka’tminsan pa ninyong ipinakilala ang mataos ninyong paggalang at pagmamahal sa wastong matwid.Si Pastor ay nilakipan ninyo ng̃ kislap ng̃ sosialismo ng̃ mg̃a banal na aral ni Tolstoy,Jaurèsat iba pa, na, siya ninyong nais matutuhan ng̃ ating mg̃a kababayan.Kusa kong iniwan at babayaan na, marang̃al na binibini, ang nakaiinggit na lambing̃an ng̃ dalawang pusong bihag ng̃ pagibig: si Dolores at si Artemio. Hindi ko na po paguukulan ng̃ kurokuro ang kadalisayan ng̃ puso ni Dolores na hindi maalam masilaw sa kinang ng̃ salapi at sa hibo ng̃ kisig. Kusa pong di ko na gagalawin o paguukulan pa ng̃ mg̃a wariwari ang kasiglahan ng̃ handa sa kaarawan ni Dolores, maging ang kasanayan ninyang tumugtog ng̃ alpa; maging ang kalunoslunos na hinangganan ng̃ masayang handaan sa bahay ng̃ ating dalaga; ang di ninyo paglimot sa paglalarawan ng̃ mga kagandahan ng̃ mg̃abituinng̃ “Kami Naman” na dumalo sa naturang kasayahan, palibhasa’y ang lahat ng̃ iyan ay inaasahan kong sapat nang makapagudyok sa lahat ng̃ makababasa ng̃ aklat na ito, upang putung̃an kayo ng̃ walang katapusang pagpupuri.At, ¿kung alinalin ang aking isasakarurukan ng̃ lalong kapurihan?Wala pong iba Bb. Cortes kundi ang kinawilihanko ng̃angpaghahaka ni Pastor,na busog na busog ng̃ pagibig sa kanyang mg̃a kababayan, at ... ang mg̃a pang̃ung̃usap ng̃ baliw na si Beteng ng̃ siya’y napipiit na.Sa ikaapat na kabanata, sa pangkat na naglalarawan ng̃ boong pagsisigasig ni Pastor, sa pagdamay sa kanyang kaibigang Artemio at sa harap ng̃ mg̃a manunugtog na ipagpaparang̃al ni Beteng ay natunghayan ko na naman, matapos ang ilang paliwanag ang lalong dakilang kurokuro ni Pastor:“Narinig na ninyo—ang saad ni Pastor na linawin natin: hindi raw dapat bigyan ng̃ tungkulin ang isang dapo. Katwiran, ng̃uni’t ¿bakit nila natitiis ang mg̃a dapong naghahari sa ating bayan? at ¿dapo ba si Artemio? ¿Ano kung kapangpang̃an siya? ¿Hindi ba pilipino rin? ¿Maaari bang magsarili ang tagalog na ang kapangpang̃an ay hindi? ¡Napakarupok na pagkukuro! Ang masasabi ko’y nakikilala ang dapong kapatid din nila, datapwa’t hindi nilanakikilalaang tunay na dapong dito’y tumawid.[...]Ng̃ayon at kalahi ay halos sakmalin. Ng̃uni’t kung maputi kahi’t na lumapastang̃an, ay ng̃ining̃itian din. Sinusurot, dinuduro at pinamumukhaan ang kabalat subali’t ang dayo ay saka lamang mamura kung nakatalikod”.Kay sakit mo pong susugat Bbg. Cortes. Ng̃uni’t inaakala kong kailang̃an ng̃ang ang mg̃a bulok at uod na makasisira samabulas na pagkakaisa ay isa isang lasunin. ¡Patain!¡Magbinhi nawa ang inyong magandang adhika!Sa gitna ng̃ pagtataka ng̃ hindi mabilang na mg̃a manggagawa sa bahay palimbagan ng̃ pamahalaan na nakuwarentenas dahil sa sakit na di umano’ydipterya, sanhi sa pakakapag-abuloy sa lahat, kasapi at di man ng̃ malusog na SamahangKami Namanay para ko pang nariring̃ig magpahangga ng̃ayon ang matalinghagang mg̃a pang̃ung̃usap ng̃ isang ulol na sagana sa mg̃a katotohanan.At sa wakas ng̃ kanyang maniningning na sinabi, sa huli ng̃ kanyang mg̃a pang̃arap sa sinasapit ng̃ atingbayan, at pagkakaagwat ng̃ kapalaran ng̃ mayaman sa mahirap, ng̃ pagkakalayo ng̃ mahirap sa mayaman, ay di ko malirip magpahangga ng̃ayon po, Bbg. Cortés, kung bakit naisipisipan ng̃ ulol na si Beteng ang maglawit ng̃ isang panyo at bago sinabi ng̃ makita niyang pinapaspas na ng̃ hang̃in:“¡Hayan ang watawat ng̃ pagsuko! ¡Hayan ang sagisag ng̃ pananahimik! Batiin ninyo at igalang. Mahalin ninyo at ibigin. Kung iyan ang ating ilaladlad sa gitna ng̃ digmaan ay unahan tayo ng̃ paghawak. Datapwa’t kung pula, tanda ng̃ paglaban, ay magtuturuturuan tayo. ¡Magdarayang tapang!”Subali’t sino kaya ang pinatatamaan ng̃ ulol na si Beteng?Kundi ako namamali, ay walang iba kundi ang ibang mg̃a kababayan nating matatapang sa bibig ng̃uni’t wala sa gawa.¡Napakasasakit na pang̃ung̃usap!Ang aklat mo pong ito, Bbg. Cortés, ay inaasahan kong sa kahalagahan ng̃ layunin ay magiging isang bagong tipan na ikapagbabago ng̃ likong kaugalian ng̃ marami. Mg̃a pansin:Bbg. Fausta Cortés: Itulot mo po naman ng̃ayon na ilahad ko ang aking mg̃a puna.Tulad sa akin ng̃ sinabi, na hahalunkatin ko’t ibubunyag ang dapat purihin at ukol punahin, ng̃ayon ay magtatapat ako sa aking pang̃ung̃usap.At, magsimula tayo.Pagkarinig ko ng̃ pamagat ng̃ aklat na ito na AGAWAN NG̃ DANG̃AL, ay kumilos na sa aking guniguni ang larawan ng̃ pag-aagawan sa katungkulan ng̃ ilang kapatid nating araw-araw ay nagbabang̃ay. Inakala ko na’t hinulaan na yaong pag tutunggali ng̃ mg̃a taong gumugulo sa ating bayan ay siya ninyong pinuna. Ang isip ko’y humula ng̃ dalawang pangyayari, at boong boo ang aking pananalig na hindi sasala sa alin man sa dalawa kong akala, ang inilahad ninyo. Kung hindi ang nakahihiyang pag-aagawan sa karang̃alan ng̃ ating mg̃apoliticoay walang salang ang ligalig sa mg̃a halalan ang inyong tinuligsa. Ganyan ang boo kong sapantaha at marahil ay siya namang sasapantahain ng̃ iba. Datapuwa’t ¡kay laking pakakamali! ¡Agawan pala ng̃ dalawang puso sa isang pain ng̃ pag-ibig! Hindi ko po sinasabing malayo ang pamagat sa laman. Hindi po, sa pagka’t nalalaman kong may mg̃a taong iba ang pang̃alan sa asal. Lamang ay ipinagtatapat kong sumala ang aking hula.Sa lahat ng̃ dahon ng̃ AGAWAN NG̃ DANG̃AL ay pawang makabagong pananagalog ang aking napuná. Sa kabaguhan ay mayroong mg̃a talatang nagkapilipilipit ang pagkasalaysay. Aywan ko lamang kung sinadyáng pinaikot ng̃ masiglang panulat ninyó, Bbg. Cortes.¿Kung alin alin? Na itó po:“Angmaayos natabas ng̃ mukha ay napapatung̃an ng̃ maiitím na buhók”.Paano po kaya ang bikas ng̃ mukháng yaón? ¡Napapatung̃an ng̃ maiitím na buhok! ¡Ina ko, kakilakilabot! Marahil ay sumusunong ng̃ maiitim na buhók at di napapatung̃an. (Maalaala ko pala.) Hindi rin masasabing sumusunong at lalo nang hindi napapatung̃an; sapagka’t lalabas na si Dolores ay panot, paano’y sunong o nakapatong lamang pala ang buhok...Iba naman:“..... sinungkit ..... ang mantekilya.....”¿Sinungkit? ¿Baka po kinahig? At kung angsinungkitdito ay hindi mali, ay huwag naman kayong tumawa na sabihin kong “ng̃inalot ang tubig.”Isa pa:“Tumayo sa mesa.....”¿Tumayo sa mesa? ¿Saan tumayo: sa ibabaw po ba ng̃ mesa? ¡Sus! ¿Si Dolores, ang mayuming dalaga, ang kaluluwa ng̃ kasaysayang ito, ang tatayo sa mesa? Hindi mangyayari. Bakit noon ay kasalukuyan pa namang sila’y nag aagahan. Baka mayroon pang lalong tumpak na masasabi ang Bbg. Cortes, ay siya sana nilang ginamit.Ganito at iba pang gaya nito ang sinasabi kong mg̃a nagpandanggong pananagalog na makabago.⁂Pagtutuos:Anhin ko man pong punahin ang mg̃a katang̃ían ng̃ dakilang panulat ninyo, binibining Cortes, ay lagi ring nananaig sa aking diwa at isipan ang mg̃a banal na layuning tinutung̃o ng̃ inyong akda. Ang mg̃a pansin na aking pinuna ay nagiging parang guhit na itim lamang sa isang malapad, matibay, marilag at napakapinong habi na niyári ng̃ inyong bago ng̃uni’t magiting na panitik. Anopa’t nakapagdadagdag lamang ng̃ kainaman ang mang̃ilang̃ilan ninyong bagong ayos ng̃ pananalaysay, sa mahalagang aklat.At upang patotohanan ay napapakagat-labi ako sa katalinuhan ninyo na makapagsabi ng̃:“.....ang mahihirap ay magkakapatid na lahat. Kung paanong ang mahirap ay walang bayan, ay gayon din na walang lipi. Bayan niya ang Sangsinukob at lipi niya ang Sangkatauhan.....”Sa inyong matataas na isipang iyan ay kabilang ako sa mg̃a humahang̃a at hahang̃a sa inyong panulat.At talagang marunong kayo sapagka’t marunong kayong magpahesus sa inyong aklat. Niwakasan ninyo sa taimtim at kalugodlugod na pagmamahal ni Dolores kay Artemio. Sinabi pa ninyong:“¡Kay tamís ng̃ kamatayan kung gayón ang pagmamahal ng̃ mauulila!...”Akó man po, Bbg. Cortes, ay makapagsasabi rin at talagang nais ko na rin ang mamatay kung may isang Dolores na tatang̃is sa aking pagyaón....Honorato H. de Lara.Taga “Ilog-Beata.”
Sa matalino at mayuming Bbg. Fausta Cortes.
Marang̃al na binibini:
Matapos ko pong mabasa at manamnam ang unang supling na ito ng̃ inyong makisig na panulat; matapos kong mapagukulan ng̃ mahabang pagwawariwari, ay agad ko pong isinakamay ang aking pulpol na panitik upang boong ing̃at na panalaytayin ko sa maputing papel ang napakalaki ninyóng napithaya sa dahop kong kaya na katigan ng̃ mg̃a panghuling kurokuro ang napakamahalagang aklat ninyong ito, ang AGAWANNG̃DANG̃AL, na handang iyalok sa lalong may pihikang panlasa, palibhasa’y pagkaing luto sa inyong sariwa at mayamang isipan.
Datapwa’t, ¿paano po kaya ang aking gagawin, marang̃al na binibini, upang makayari ng̃ isang tunay naepílogo?
¿Purihin ko na lamang po kaya ang pagkaing ito, at sabihin kong masarap, at sagana sa mg̃a kailang̃ang sangkap, kahi’t na may nalalasahan akonganghangatpait?
¡Inaakala ko pong hindi wasto ang gayon!
Sapagka’t ayon din po sa pasiya ng̃ isang bantog napolemista, kilalang mang̃ang̃atha, tanyag na mananagalog at datihang mamamahayag na siInocencio Dilat(humigit kumulang) na, hindi anya kailang̃an ng̃ isangepiloguistaang sabihing ang aklat na ito (halimbawa) ay mainam, may dakilang layong mag-alis ng̃ piring sa mata ng̃hang̃al, may maningning na mg̃a pang̃ung̃usap, sagana sa mg̃a palaisipang malalim, busog sa mg̃a pantas na pagkukuro at mayamang mayaman sa pananagalog na tabas Balagtas, sapagka’t anya’y isang kalabisan. Ang isangepiloguistaay katulad din anya ng̃ isangcrítico, magpasiya at turulin ang isang bagay na kamalian, bago suriin at hatulan, alalaon baga’y punahin ang mali bago itumpak at ilagay sa dapat kalagyan.
Ng̃uni’t ... ito ng̃a kaya ang tunay naepílogo?¡Iyan ang hindi ko mataya!
Datapwa’t ... para kayInocencio Dilatay ganiyan, ganiyang ganiyan.
At ... ipalagay na po nating ganiyan na ng̃a. Punahin ko ang lahat ng̃ kamalian; sabihin kong namimilipit ang inyong mg̃a pang̃ung̃usap; minsang madapilok sa paglalarawan ng̃ lalong mg̃a kailang̃ang ibadha ng̃ inyong panitik; may mg̃a pangyayaring madilim, malabo;may mg̃a bigkasing kayong hawig sa wikang kastila ó ingles, ó ang gayon at ganito ay di mangyayari, anopa’t ang lahat ng̃ kamalian ay isa-isahin kong turulin, suriin, punahin, bago itumpak, at... iwan ang dapat suubin ng kamaniyang, ang dapat purihin, ang dapat itampok sa lalong napakatayog na karang̃alan, alalaon baga’y sabihin kongmapaklaathilawó kaya’ymapaitatmaasimang inyong ipinalasap na ito sa ating mg̃a mambabasa, gayong ang katotohana’y, sa kabila naman ng̃ lahat ng̃ iyan ay mayroong nalalasahang tamis, sarap, linamnam, ay ... ¿ano po kaya ang wiwikain ninyo sa akin?
¿Hindi po kaya mang̃unot ang inyong noo at sabihin na ako’y masamangepiloguista, kungepiloguistana ng̃ang matatawag kahi’t birobiro ang abang kaliitan?
¡Oh!.. kay laki ng̃ inyong napita; pagkalakilaki... At sa kalakhan, ay hindi ko po tuloy matutuhan kung paano ang aking gagawin upang mapaunlakan ko kayo sa inyong hiling.
Sapagka’t ... ang wikang̃apo ng̃ isang mangwawagi’t bantog na makata at balitang manlilinang sa napakatamis na wikang ginamit ng̃ ating haring si Balagtas, sa kanyang walang kamatayangFlorante at Laura, na siItang Balbarin, na tubo sa mapalad na libis ng̃ bundok ng̃ Samat, na siyang kinakitaanniya ng̃ unang liwanag ng̃ araw, na: ang isangepiloguistaraw po ay hindi dapat mamuna ni maglahad ng̃ ano mang tutuntunin sa pagsulat, sapagka’t, ang isangepiloguistaay kaibangkaiba anya sa isangcrítico.
¡May matwid!
At, kung ganito ng̃a ay ... ¿paano po kaya ang dapat kong gawin osaanglandás ako tutung̃o upang makayari ng̃ isang wastong panghuling salita?
Para kayInocencio Dilatay di wastó ang ganito...
At, para kayItang Balbarinnaman ay lalong di tumpak ang gayon.
¿Alin kaya ang dapat paniwalaan sa kanilang dalawa? ¡Kay laking suliranin!
At ... sa suliraning iyan ay para ko pong nakikinikinita sa dalawang bantog na manunulat na iyan, na darating ang isang pagkakataong maguunawaan din sila; pagtatapisin ang kapwa nila matwid sa pamamagitan ng̃ pagpipinkian ng̃ kanikanilang mg̃a panitik sa larang̃an ng digmaan ng̃ literaturang tagalog.
Ng̃uni’t samantalang tayo po’y nagiintay at upang ako’y makatupad sa inyong napithaya ay wala po akong ibang gagawing batayan saepilogonginyong hinihing̃i kundi, ang sinabi ng̃ kataastaasang Pang̃ulong Wilson, na, anya’y:justicia y nada mas justicia.
Sa makatwid ay wala kayong sukat maintay sa akin, marang̃al na Bbg. Cortes, kundi ang dalawang bagay: purihin ang dapat purihin, at, punahin ang dapat punahin.
¡Kurokuro!
Ang aklat mo pong ito, Bbg. Cortes, ay isang aklat na tang̃i sa may layong mag-alis ng̃ kulaba sa pangmalas ng̃ mg̃a hang̃al, magakay sa lalong may bulag na pagkukuro, nakapagtuturo pa rin sa ibang kadalagahan, diyan sa mg̃a dalagang dahil sa kinang ng̃ salapi ng̃ sa kanila’y mamintuho, ay nalilikhang sapilitan ang pag-ibig at di inaantay ang kusang tibok ng̃ kanilang puso.
Sa loob ng̃a ng̃ AGAWAN NG̃ DANG̃AL ay parang namamalas ko pahanggangng̃ayon ang animo’ymg̃alarawang buhay na nagsisigalaw: ang magandang Dolores; ang mapalad na si Artemio; ang mapagsisting si kapitana Martina; ang antukin at matatakuting si kapitang Andoy; ang mabuting tao, ng̃uni’t masamang kristianong si Simon; ang matapat at walang kasingbuting katoto, ang may diwang Tasio, sa Noli ni Rizal, na si Pastor; ang mapagpansin na si Labadre; at ... ang nakatatawang pagkahuli ni kapitana Martina sa isang batang sisilipsilip ng̃ nag-aagahan na si Beteng, yaong si Beteng na walangtang̃ing ipinang̃ahas mula’t mula pa kundi ang kanyang kayamanan, ang kanyang pilak, sa pang̃ing̃ibig sa mayuming si Dolores, na siyang gumanbala ng̃ kanyang isip, diwa’t pagkatao.
Ang nakakapanaghiling kapalaran ng̃ artistang si Artemio, si Artemiong kapangpang̃an, ang wika ng̃a ni Beteng, yaong si Beteng na hindi makapaglakbay sa lupang pang̃ako, kundi may kasama; hindi makapitas ng̃ ibinabawal na bung̃a ng̃mansanaskung walang hagdanang matutungtung̃an, ay maging mabisa sanangtampalat matindinghagupitsa ilang mg̃a lalaking kung walang tulay ay di makapang̃ibig sa isang himala ng̃ ganda, sa isangVenus.
Si Dolores, ang kapatid na bunsong ito, ni Maria Clara, saNoli Me Tangere, ni Meni, saBanaag at Sikat,ni Celia, saFlorante at Laura, at ni Ligaya sa¡Kristong Magdaraya!ay pinaglupaypay ninyo ang matigas na puso sa darang ng̃ maalab na pag ibig; pikitmatang pinatalaktak ninyo sa kaharian ni Kupido at pinahintulutan din ninyong magpamalas sa masinsing tabing ng̃ pagkukunwari sa kanyanghinahang̃aangbinata, sa umagaw ng̃ kanyang pananahimik: kay Artemio.
At talagang ganyan ng̃a po ang dapat ninyong gawin, marang̃al na binibini, upang magkaroon ng̃naturalidadang isang pangyayari na, hindi gaya ng̃ iba natingmang̃ang̃atha na sa pagnanasang huwag masinagan ng̃ bahagya mang gaspang ang isa sa mg̃a kumakatawan ng̃ kanilang aklat, na sapagka’tbinigyanna nila sa una ng̃ mg̃acaracterna mahinhin, mayumi ay pakapipilitin patain ó inisin ang itinitibok ng̃ puso.
At upang patotohanan kong minsan pa sa inyo, na talagang hindi kamalakmalak na mangyari ang inyong ginawa na sa kahinhinan at kayumián ni Dolores ay paibabawin ninyo ang kagaspang̃ang nililikha ng̃ pag ibig ay ipahintulot ninyong sipiin ko rito ang matwid ng̃ ating Balagtas sa kalakhan at kadakilaan ng̃ ating tinutukoy:
Oh! pagsintang labis ng kapangyarihansampung magaama’y iyong nasasaklaw,pag ikaw ang nasok sa puso nino manhahamaking lahat, masunod ka lamang.
Oh! pagsintang labis ng kapangyarihan
sampung magaama’y iyong nasasaklaw,
pag ikaw ang nasok sa puso nino man
hahamaking lahat, masunod ka lamang.
¿Ano ang nangyari kay Beteng?
Humigit kumulang na sinasabi sa aklat ninyong ito, na siya, si Beteng ay wala ng̃ sinikap sa gabi’t araw ó sa lahat ng̃ sandali, kundi ang ikalulukso ng̃ dang̃al ng̃ umagaw sa kanyang lang̃it, sa kanyang paraluman. At, di ng̃a inaksaya ni Beteng ang mahabang panahon at karakarakang isinagawa. Inanyayahan isang araw ang dalawa niyang kaibigan, si Simon at si Pastor at isinangguni ang kanyang maruming nais; datapwa’t anong tiwaling pagtitiyap at saisip at diwa nitong huli, kay Pastor ay itinanim ninyo, ang damdaming Delfín, ang pusong Felipe sa “Banaag at Sikat” ng̃ makatang Lope, na sa harap ng̃ matatalim na upasala at marung̃is na adhika ni Beteng, ay di ninyo pinapagtagal ang puso ni Pastor, pinapanalag ninyo sa mg̃a ulos at taga ng̃ mg̃a kaaway na lihim ng̃ kanyang kaibigan.
At sunodsunod ninyong isinabibig ni Pastor ang ganitong pang̃ung̃usap, sa tulong ng̃ kanyang dilang walang pang̃iming magsabi ng̃ katotohanan:
“Mg̃a kaibigan, huwag ninyong hamakin ang kanyang lahi. Kapangpang̃an man at tagalog ay iisa ang uri, at ang sumira ng̃ pag-iisang iyan, ay yaon ang taksil na dapat pang̃ilagan. Ang taong pumapatay ng̃ pag-dadamayan ng̃ pilipino ay yaon ang kalaban ng̃ bayan. Ang kaluluwang nagtatanim ng̃ pag-iiring̃an ay siyang uod na sumisira ng̃ laya at pag-asa ng̃ lahat”.
¡Anong ningning ng̃ pagkukuro ni Pastor!
At... nakaramdam ng̃ kirot ang dalawang pinagsabihan...
“Hindi mg̃a kaibigan—ang ganti ni Pastor—kailan ma’y di ko magagawa ang sumugat sa kapatid. Ng̃uni’t, oo; makikipaglaban ako sa kanino mangnagbibinhing̃ pag-iiring̃an. Ang buhay ko’y aking itinataya lubha pa’t ang pag-iiring̃anay ipupunla dahil lamang sa inggit sa isang lalaking kinakandong ng̃ palad...”
¿Ilankaya sa mg̃a kababayan natin, Bbg. Cortes, ang makapagtataya ng̃ buhay sa pagtatanggol ng̃ matwid ng̃ isang tao?
¡Kay dakila ng̃ inyong paghahaka!
Matapos magpaalaala ang baliw na si Beteng kay Pastor, na ito’y nasa ibang bahay, ay para ko pang nakikinikinitang nakang̃iti at hantad ang noong sumagot:
“Sa bahay na pinaghaharian ng̃ dilim ay doon ko dinadala ang ilaw”.
Pagkatayogtayog po ng̃ kurokuro ninyong ito, Bbg. Cortes,na sapamamagitan ng̃ kaunting salita lamang ay halos niyayanig ninyo ang budhi ng̃ mapagdunongdunung̃ang mg̃a hang̃al.
Ang dalawang katalo ni Pastor ay lalo ninyong pinagpuyos ang kapootan.
Ipinagtabuyan si Pastor, ng̃uni’t pang̃iti ring sinabi:
“Dapat ninyo akong itaboy; dapat ninyo akong turang ulol: sapagka’t, ang gurong nagtuturo ay talagang kalaban ng̃ mg̃a musmus na tinuturuan.”
Sa harap ng̃ ganyang maigting na pagwawariwari ni Pastor, ay tahasang masasabi ko Bbg. Cortes na ang inyong baguhang panitik ay karapatdapat maisapiling ng̃ lalong mg̃a tanyag at dakilang mg̃a manunulat natin, sapagka’tminsan pa ninyong ipinakilala ang mataos ninyong paggalang at pagmamahal sa wastong matwid.
Si Pastor ay nilakipan ninyo ng̃ kislap ng̃ sosialismo ng̃ mg̃a banal na aral ni Tolstoy,Jaurèsat iba pa, na, siya ninyong nais matutuhan ng̃ ating mg̃a kababayan.
Kusa kong iniwan at babayaan na, marang̃al na binibini, ang nakaiinggit na lambing̃an ng̃ dalawang pusong bihag ng̃ pagibig: si Dolores at si Artemio. Hindi ko na po paguukulan ng̃ kurokuro ang kadalisayan ng̃ puso ni Dolores na hindi maalam masilaw sa kinang ng̃ salapi at sa hibo ng̃ kisig. Kusa pong di ko na gagalawin o paguukulan pa ng̃ mg̃a wariwari ang kasiglahan ng̃ handa sa kaarawan ni Dolores, maging ang kasanayan ninyang tumugtog ng̃ alpa; maging ang kalunoslunos na hinangganan ng̃ masayang handaan sa bahay ng̃ ating dalaga; ang di ninyo paglimot sa paglalarawan ng̃ mga kagandahan ng̃ mg̃abituinng̃ “Kami Naman” na dumalo sa naturang kasayahan, palibhasa’y ang lahat ng̃ iyan ay inaasahan kong sapat nang makapagudyok sa lahat ng̃ makababasa ng̃ aklat na ito, upang putung̃an kayo ng̃ walang katapusang pagpupuri.
At, ¿kung alinalin ang aking isasakarurukan ng̃ lalong kapurihan?
Wala pong iba Bb. Cortes kundi ang kinawilihanko ng̃angpaghahaka ni Pastor,na busog na busog ng̃ pagibig sa kanyang mg̃a kababayan, at ... ang mg̃a pang̃ung̃usap ng̃ baliw na si Beteng ng̃ siya’y napipiit na.
Sa ikaapat na kabanata, sa pangkat na naglalarawan ng̃ boong pagsisigasig ni Pastor, sa pagdamay sa kanyang kaibigang Artemio at sa harap ng̃ mg̃a manunugtog na ipagpaparang̃al ni Beteng ay natunghayan ko na naman, matapos ang ilang paliwanag ang lalong dakilang kurokuro ni Pastor:
“Narinig na ninyo—ang saad ni Pastor na linawin natin: hindi raw dapat bigyan ng̃ tungkulin ang isang dapo. Katwiran, ng̃uni’t ¿bakit nila natitiis ang mg̃a dapong naghahari sa ating bayan? at ¿dapo ba si Artemio? ¿Ano kung kapangpang̃an siya? ¿Hindi ba pilipino rin? ¿Maaari bang magsarili ang tagalog na ang kapangpang̃an ay hindi? ¡Napakarupok na pagkukuro! Ang masasabi ko’y nakikilala ang dapong kapatid din nila, datapwa’t hindi nilanakikilalaang tunay na dapong dito’y tumawid.[...]Ng̃ayon at kalahi ay halos sakmalin. Ng̃uni’t kung maputi kahi’t na lumapastang̃an, ay ng̃ining̃itian din. Sinusurot, dinuduro at pinamumukhaan ang kabalat subali’t ang dayo ay saka lamang mamura kung nakatalikod”.
Kay sakit mo pong susugat Bbg. Cortes. Ng̃uni’t inaakala kong kailang̃an ng̃ang ang mg̃a bulok at uod na makasisira samabulas na pagkakaisa ay isa isang lasunin. ¡Patain!
¡Magbinhi nawa ang inyong magandang adhika!
Sa gitna ng̃ pagtataka ng̃ hindi mabilang na mg̃a manggagawa sa bahay palimbagan ng̃ pamahalaan na nakuwarentenas dahil sa sakit na di umano’ydipterya, sanhi sa pakakapag-abuloy sa lahat, kasapi at di man ng̃ malusog na SamahangKami Namanay para ko pang nariring̃ig magpahangga ng̃ayon ang matalinghagang mg̃a pang̃ung̃usap ng̃ isang ulol na sagana sa mg̃a katotohanan.
At sa wakas ng̃ kanyang maniningning na sinabi, sa huli ng̃ kanyang mg̃a pang̃arap sa sinasapit ng̃ atingbayan, at pagkakaagwat ng̃ kapalaran ng̃ mayaman sa mahirap, ng̃ pagkakalayo ng̃ mahirap sa mayaman, ay di ko malirip magpahangga ng̃ayon po, Bbg. Cortés, kung bakit naisipisipan ng̃ ulol na si Beteng ang maglawit ng̃ isang panyo at bago sinabi ng̃ makita niyang pinapaspas na ng̃ hang̃in:
“¡Hayan ang watawat ng̃ pagsuko! ¡Hayan ang sagisag ng̃ pananahimik! Batiin ninyo at igalang. Mahalin ninyo at ibigin. Kung iyan ang ating ilaladlad sa gitna ng̃ digmaan ay unahan tayo ng̃ paghawak. Datapwa’t kung pula, tanda ng̃ paglaban, ay magtuturuturuan tayo. ¡Magdarayang tapang!”
Subali’t sino kaya ang pinatatamaan ng̃ ulol na si Beteng?
Kundi ako namamali, ay walang iba kundi ang ibang mg̃a kababayan nating matatapang sa bibig ng̃uni’t wala sa gawa.
¡Napakasasakit na pang̃ung̃usap!
Ang aklat mo pong ito, Bbg. Cortés, ay inaasahan kong sa kahalagahan ng̃ layunin ay magiging isang bagong tipan na ikapagbabago ng̃ likong kaugalian ng̃ marami. Mg̃a pansin:
Bbg. Fausta Cortés: Itulot mo po naman ng̃ayon na ilahad ko ang aking mg̃a puna.
Tulad sa akin ng̃ sinabi, na hahalunkatin ko’t ibubunyag ang dapat purihin at ukol punahin, ng̃ayon ay magtatapat ako sa aking pang̃ung̃usap.
At, magsimula tayo.
Pagkarinig ko ng̃ pamagat ng̃ aklat na ito na AGAWAN NG̃ DANG̃AL, ay kumilos na sa aking guniguni ang larawan ng̃ pag-aagawan sa katungkulan ng̃ ilang kapatid nating araw-araw ay nagbabang̃ay. Inakala ko na’t hinulaan na yaong pag tutunggali ng̃ mg̃a taong gumugulo sa ating bayan ay siya ninyong pinuna. Ang isip ko’y humula ng̃ dalawang pangyayari, at boong boo ang aking pananalig na hindi sasala sa alin man sa dalawa kong akala, ang inilahad ninyo. Kung hindi ang nakahihiyang pag-aagawan sa karang̃alan ng̃ ating mg̃apoliticoay walang salang ang ligalig sa mg̃a halalan ang inyong tinuligsa. Ganyan ang boo kong sapantaha at marahil ay siya namang sasapantahain ng̃ iba. Datapuwa’t ¡kay laking pakakamali! ¡Agawan pala ng̃ dalawang puso sa isang pain ng̃ pag-ibig! Hindi ko po sinasabing malayo ang pamagat sa laman. Hindi po, sa pagka’t nalalaman kong may mg̃a taong iba ang pang̃alan sa asal. Lamang ay ipinagtatapat kong sumala ang aking hula.
Sa lahat ng̃ dahon ng̃ AGAWAN NG̃ DANG̃AL ay pawang makabagong pananagalog ang aking napuná. Sa kabaguhan ay mayroong mg̃a talatang nagkapilipilipit ang pagkasalaysay. Aywan ko lamang kung sinadyáng pinaikot ng̃ masiglang panulat ninyó, Bbg. Cortes.
¿Kung alin alin? Na itó po:
“Angmaayos natabas ng̃ mukha ay napapatung̃an ng̃ maiitím na buhók”.
Paano po kaya ang bikas ng̃ mukháng yaón? ¡Napapatung̃an ng̃ maiitím na buhok! ¡Ina ko, kakilakilabot! Marahil ay sumusunong ng̃ maiitim na buhók at di napapatung̃an. (Maalaala ko pala.) Hindi rin masasabing sumusunong at lalo nang hindi napapatung̃an; sapagka’t lalabas na si Dolores ay panot, paano’y sunong o nakapatong lamang pala ang buhok...
Iba naman:
“..... sinungkit ..... ang mantekilya.....”
¿Sinungkit? ¿Baka po kinahig? At kung angsinungkitdito ay hindi mali, ay huwag naman kayong tumawa na sabihin kong “ng̃inalot ang tubig.”
Isa pa:
“Tumayo sa mesa.....”
¿Tumayo sa mesa? ¿Saan tumayo: sa ibabaw po ba ng̃ mesa? ¡Sus! ¿Si Dolores, ang mayuming dalaga, ang kaluluwa ng̃ kasaysayang ito, ang tatayo sa mesa? Hindi mangyayari. Bakit noon ay kasalukuyan pa namang sila’y nag aagahan. Baka mayroon pang lalong tumpak na masasabi ang Bbg. Cortes, ay siya sana nilang ginamit.
Ganito at iba pang gaya nito ang sinasabi kong mg̃a nagpandanggong pananagalog na makabago.
⁂
Pagtutuos:
Anhin ko man pong punahin ang mg̃a katang̃ían ng̃ dakilang panulat ninyo, binibining Cortes, ay lagi ring nananaig sa aking diwa at isipan ang mg̃a banal na layuning tinutung̃o ng̃ inyong akda. Ang mg̃a pansin na aking pinuna ay nagiging parang guhit na itim lamang sa isang malapad, matibay, marilag at napakapinong habi na niyári ng̃ inyong bago ng̃uni’t magiting na panitik. Anopa’t nakapagdadagdag lamang ng̃ kainaman ang mang̃ilang̃ilan ninyong bagong ayos ng̃ pananalaysay, sa mahalagang aklat.
At upang patotohanan ay napapakagat-labi ako sa katalinuhan ninyo na makapagsabi ng̃:
“.....ang mahihirap ay magkakapatid na lahat. Kung paanong ang mahirap ay walang bayan, ay gayon din na walang lipi. Bayan niya ang Sangsinukob at lipi niya ang Sangkatauhan.....”
Sa inyong matataas na isipang iyan ay kabilang ako sa mg̃a humahang̃a at hahang̃a sa inyong panulat.
At talagang marunong kayo sapagka’t marunong kayong magpahesus sa inyong aklat. Niwakasan ninyo sa taimtim at kalugodlugod na pagmamahal ni Dolores kay Artemio. Sinabi pa ninyong:
“¡Kay tamís ng̃ kamatayan kung gayón ang pagmamahal ng̃ mauulila!...”
Akó man po, Bbg. Cortes, ay makapagsasabi rin at talagang nais ko na rin ang mamatay kung may isang Dolores na tatang̃is sa aking pagyaón....
Honorato H. de Lara.Taga “Ilog-Beata.”
KASAYSAYANNG“KAMI NAMAN”Original Title Page.AKLATAN ÑG “KAMI NAMAN”BAKAS ÑG SAMAHANÓ ANG UNANGBAHAGI ÑG KASAYSAYAN ÑG“KAMI NAMAN”(SAMAHAN ÑG MAHIHIRAP)SAPUL SA PAGKATATAG HANGGANG SA WAKAS ÑG PAMAMAHALA NI G. A. DE LOS REYESSINULAT NIBb. GORGONIA DE LEONIKA APAT NA AKLAT ÑG AKLATAN ÑGKAMI NAMANLUPON NG MGA MANUNULAT(1915)AKLATAN ÑG “KAMI NAMAN” 1045, DAANG ANAKÑGBAYAN (Dating “CREMATORIO”), PAKO, MAYNILA, K. P.PAUNAWAAng aklat na ito ay nilimbag sa dalawang ayos: nilimbag na kalakip ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” at nilimbag na may sariling balat ó takip. Sino mang magnais na magkaroon ay makabibili sa mg̃a bilihan ng̃ aklat dito sa Maynila, sa halagang isang peseta (₱0.20). Ang mg̃a na sa lalawigan ay makapagbibilin sa Aklatan ng̃ “Kami Naman” sa halagang kahati (₱0.25).Ipalilimbag din ang pang̃alawang bahagi at magtataglay ng̃ mg̃a larawan; gaya ng̃ larawan ni G. Apolonio Umping, G. Paulino Centeno, at iba pang may halaga sa “Kami Naman”.G. Francisco V. DizonG. Francisco V. DizonAng nagtatag ng̃ “Kami Naman” at nagíng unang Pang̃ulo ng̃ Samahang ito.(Tunghayan ang dahong ika 3)BAKAS ÑG SAMAHANO ANG UNANG BAHAGI ÑG KASAYSAYAN ÑG“KAMI NAMAN”(SAMAHAN ÑG MAHIHIRAP)SAPUL SA PAGKATATAG HANGGANG SA WAKAS ÑG PAÑGUÑGULO NI G. ANGEL DE LOS REYES.Sinulat ni Bb. Gorgonia de Leon.Noon ay ika 25 ng̃ Agosto ng̃ 1912. Sa umagang yaon ay isang panahong tagulan ang nagisnan ng̃ mg̃a taga Pako. Ang liwanag ng̃ ilaw ng̃ sangdaigdig ay di mang makagitaw sa makapal na ulap sa pang̃onorin. Nabigo ang mg̃a ibong sa tuwing umaga’y nagpupuri sa bagong liwayway. Walang nasisiyahan sa mg̃a sandaling yaon kung hindi ang mg̃a bulaklak na nagpapakasawa sa ulang hindi tumitila. Noon nasiyahan ang kanilang uhaw. ¿Ilan kayang puso’t kalulwa ang sumusumpa noon sa panahon dahil sa pagkapinsala ng̃ kanilang tipan?Datapwa’t nagmasung̃it man noon ang panahon, ay may isang binatang nagtatanghal ng̃ kanyang kagiting̃an. Siya ay si G. Francisco V. Dizon, kawal ng̃ bagong kabihasnan. Siya ang lalong nagsikap na magsabog ng̃ liwanag ng̃ araw ng̃ sigla ng̃ kabataan sa nayonng̃Sapote sa Pako. Ang ulan ay di niya ikinabalino,bagkus sa pamamagitan ng̃ isang payong ay isa isang sinusundo ang kanyang mg̃a kaibigan upang magtulongtulong sa pagbalangkas ng̃ isang Samahan. Ano pa’t walang alinlang̃ang dapat sabihin na utang sa kanya ang kilusang yaon ng̃ kabataan.Sa isang tahanan sa nayon ng̃ Sapote, Pako, Maynila, ay doon nagkatipon ang ilang magkakapanalig. At sa pang̃ung̃ulo ng̃a ni G. Dizon, ay sumipot sa silong ng̃ lang̃it ng̃ Pilipinas ang isang bigkis ng̃ kabataang pilipino. Sa mungkahi ni G. Luciano Suarez ay bininyagan ng̃ “Kabataang Sikat”. At, palibhasa’y pawang tinitibukan ng̃ isang pusong uhaw sa dunong at aliw, ang mg̃a nagkakatipong yaon, ay «magpalakas at magpatalino» ang pinagsaligan ng̃ pagkabuo ng̃ Samahan. Aralan ang mg̃a pinagkaitan ng̃ ilaw ng̃ dunong at aliwin ang mg̃a ulila sa ligaya, iyan ang tang̃ing layon. At sa gayon ay nayari ang balak ni G. Dizon. Dapat alalahaning kinabukasan ng̃ araw na yaon, ay siyang ika 26 ng̃ Agosto, araw na napakaningning sa dahon ng̃ kasaysayan ng̃ Pilipinas, sapagka’t siyang araw ng̃ unang pagsigaw ng̃ kalayaan ng̃ bayang api ng̃ kapwa bayan.G. Amado Jacinto.G. Amado Jacinto.Naging Pang̃ulo ng̃ Samahang “Mapagsikap” sa Malabon, Rizal(Tunghayan ang dahong ika 19)Nang sumunód na Linggo, unang araw ng̃ Septiyembre, ay nagpulong na muli ang mg̃a nagsisigasig sa pagbang̃on ng̃ “Kabataang Sikat”. Sa mungkahi ni G.Angel de los Reyes, ay binago ang pamagat at pinalitán ng̃ “Kami Naman”. “Kami Naman” ang ipinamagat, sapagka’t sa ibabaw ng̃ kalansay ng̃ mg̃a samahang nabuwag na, ang ibig sabihin ay “Kami namanang magtutuloy ng̃ layong itaguyod ang buhay ng̃ mahihirap sa tugatog ng̃ dang̃al”....Katulad din ng̃ ibang mg̃a Samahan at Kapisanan ay inabot ng̃ sakit naning̃as-kugonang “Kami Naman”. Salamat sa ilang matatalinong manggagamot at ang sakit ay naihanap din ng̃ lunas. Baga man ang “Kami Naman” noon ay para ng̃ bangkay na malamig, dahil sa pagpapabaya ng̃ ilan, ay muling sumigla. At noong ika 19 ng̃ Oktubre ng̃ taong 1912 rin, ay nagbitiw ng̃ tungkulin si G. Francisco V. Dizon at si G. Angel de los Reyes ang napahalili, na naging Pang̃ulo ng̃ Samahan.Ang bagong pang̃asiwaan ay nagpahayag noon din ng bagong palakad at binago na patianglayon ng̃ “Kami Naman”. Boong puso namang pinagtibay ng̃ lahat at sinalubong ng̃ magiliw na palakpakan.Ang mapanglaw na daing ng̃ mahirap, ang malungkot na taghoy ng̃ api, ang malumbay na hibik ng̃ mahina, iyan, iyan ang nagbukas ng̃ bagong isipan sa puso at diwa ng̃ bagong Pang̃ulo. Binago ng̃a ang dating saligan ng̃ Samahan. Ang layongmagliwaliwatmagpatalinoay dinagdagan ng̃pagdadamayan. Sagayon, ay hindi pawang kabataan lamang ang yumakap sa “Kami Naman”, kung hindi sampu ng̃ may mg̃a gulang na ay nakitulong.“Buhayin ang naghihingng̃along pagkakapatiran” ang naging saligan na ng̃ “Kami Naman”. At ang naging pananalig ay “Ang hirap ay bung̃a ng̃ kapabayaan, at na sa tiyagá ang pagtatagumpay”.Kapalaran mandin ang siyang sumubaybay sa bagong pang̃asiwaan at ng̃ sumunod na Sabado ng̃ pagkahalal sa kanila ay nagtanyag na ng̃ kanilang di karaniwang lakas at magagawa. Sa bahay paaralan sa daang Dart, Pako, ay ginanap ang pagtatanghal ng̃ Samahan. Sa lamayang yaon ay may apat na raang tao ang dumaló. Ilang matatalino at litaw na mananalumpati ang nagpaningning sa pagdiriwang. (Ang buong tala ng̃ kasayahang yaon ay matutunghayan sa pang̃alawang aklat ng̃ Aklatang “Kami Naman” naTuntunin ng̃ Pulong.)G. Aurelio TolentinoG. Aurelio TolentinoBantog na mandudula, matalinong manunulat at matapang na mamamahayag. Sa larang̃an ng̃ pananagalog ay kinikilalang isa sa mg̃a may mataas na uri at may tang̃ing pananalaysay. Siya ang kumatha ng̃ dulang “Bagong Kristo” na nagtamo ng̃ isang gantingpalang panulat na ginto. Siya rin ang lumikha ng̃ bantog na dulang “Kahapon, Ng̃ayon at Bukas”; dahil sa kagiting̃an ng̃ dulang ito ay piniit siya ng̃ Pamahalaang Amerikano. Siya ang sumasagot kung ano ang unang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”.(Tunghayan ang dahong ika 19)Dahil sa bagyong nanalanta sa Sebú noong Oktubre ng̃ 1912, ang “Kami Naman” ay nagsimula ng̃ pakikisama sa bayan. Binahaybahay na tinawagan ang maawaing pusó ng̃ pilipino sa Sapote, at lumikom ng̃ isang halagang iniabuloy sa mg̃a nasawi. At dahil sa pagkamatay ng̃ ilang angkan ng̃ mg̃a kanayon na kapwa anak-dalita, ay dumulog na naman ang “Kami Naman” sa bahaybahay upangabuluyan ang kapatid na dinatnan ng̃ palad. Dapat talastasing ang mg̃a unang inabuluyan ng̃ “Kami Naman” ay mg̃a taong ni ayaw man lamang makiyakap sa Samahang ito.Sa ikapapaanyo ng̃ damayan ay bumalangkas ng̃ mg̃a batas na susundin ng̃ magkakapatid; at mula ng̃ unang araw ng̃ Disyembre ng̃ 1912 ay nagsimula sa pag-iral. Marami rin ang mg̃a namatay at namatayang mg̃a kapatid. Sa malinis at maselan na pang̃ang̃asiwa ng̃ Ing̃atyamang si G. Dario Malonzo, lahat ay pawang tumanggap ng̃ abuloy na nararapat. Walang nabinbin sa kanyang karapatan, bagkus ang lahat ay pawang nagtamo ng̃ nauukol sa kanila sa lalong madaling panahon.Dumatal ang ika 30 ng̃ Disyembre ng̃ 1912, araw na ipinang̃ing̃ilin ng̃ lahat ng̃ pilipino. Ang “Kami Naman” at ang nayong Sapote ay nagtuwang sa pagbubunyi sa lalong dakilang taga Silang̃an. Nagdaos ng̃ isang dulang hayag, nagkaroon ng̃ tugtugan, nagilaw ang boong nayon at nagtayo ng̃ mg̃a arko. Ang lalong kapunapuna ay ang pagiisa ng̃ nayon na pawang parol ng̃ “Kami Naman” ang ginamit. At natapos sa ganap na kasyahang loob ng̃ lahat. Ang salaping lumabis sa pagdiriwang ay inihandog sa “Kami Naman” ng̃ kapulung̃an ng̃ nayon, na parang ganting pala sa maayos na pang̃ang̃asiwa sa pagdiriwang.Sumunod na ibinunsod ng̃ Samahan ay ang balak ni G. Marcelino Dizon na lumikom ng̃ isang kusang ambagan upang ibili ng̃ kasangkapang pang-apula ng̃ sunog. Nakatagpo ang balak na ito ng̃ mg̃a balakid at binaka ng̃ ilang di nasisiyahan. Gayon man ay pinang̃atawanan din ng̃ Samahan at nakabili rin ng̃ mg̃a palakol at timba na magagamit karakaraka sa isang simula ng̃ sunog. Hanggang ng̃ayon ay nakatanghal at nakahanda ang mg̃a kasangkapang ito sa nayong Sapote.Ang munisipyo ng̃ Maynila ay siya namang hinarap ng̃ “Kami Naman”. Sunodsunod na daing at kahiling̃an ang iniharap upang ang nayong kinatatayuan ng̃ Samahan ay ipaayos. Pinilit na maglagay man lamang ng̃ gripo, sapagka’t noon ay nagkakahalaga ng̃ anim ó limang sentimos ang bawa’t dalawang timba ng̃ inumin sa pook na yaon. Bihirang linggo ang walang panawagan sa pitak ng̃ pahayagan sa Maynila. At humangga sa paglalagay ng̃a ng̃ gripo at pagtatakda ng̃ pamahalaan ng̃ apat na libong piso sa ikaaayos ng̃ nayon. Ito ang lalong malaking tagumpay na tinamo ng̃ “Kami Naman”.Upang iligtas sa sakit ang mg̃a kanayon dahil sa malabis na paglulusak sa pook ng̃ Sapote, ang “Kami Naman” ay nagtayo ng̃ mg̃a tulayang kawayan sa tulong ng̃ nayon.G. Honorato H. de LaraG. Honorato H. de Lara(Tunghayan ang dahong ika 21)Nang hakutin ng̃ mg̃a sanitaryo ang mg̃a kawani sa Limbagan ng̃ Pamahalaan at kulung̃in sa Pagamutang San Lasaro, dahil sa mikrobyo ng̃ dipterya, ang “Kami Naman” ay siyang tang̃i at kusang umabuloy sa mg̃a napinsalaang yaon. Wala ni isang kasapi sa “Kami Naman” na napalahok doon, datapwa’t ginawa ang pagdamay sa paniniwalang magkakapatid na lahat ang mahirap. At ito’y tinugon ng̃ di gagaanong pasalamat ng̃ mg̃a dinamayan. Noon ay Marzo ng̃ 1913.Sa gayong mg̃a ipinakisama ng̃ “Kami Naman” sa bayan ay marahang sumusung̃aw ang kanyang kabantugan. At lalo pang nabantog siya pagkatapos ipagbunyi ang ika isang taong buhay ng̃ Samahan. Paano’y dalawang araw na ginawa ang kasayahan: ika 13 at ika 14 ng̃ Septiyembre ng̃ 1913. Nagbukas ng̃ timpalak ng mg̃a dula at gilasan ng̃ artista, na siyang kaunaunahang timpalak na may ganitong uri na idinaos sa sangkapuluang Pilipinas. Nagdaos pa ng̃ isang misang alaala sa lahat ng̃ mg̃a kasaping nang̃amatay sa ilalim ng̃ watawat ng̃ “Kami Naman”. Nagkaroon ng̃ binyag at kumpil at maghapong mg̃a palaro. Ang nabantog na banda ng̃ Meralko ay siyang tumugtog. At tinapos ang kasayahan sa isang magiliw na salosalong kapatid. Alinsunod sa mg̃a pahayagan dito sa Maynila ay mahigit na apat na libongtao ang dumalo sa mg̃a pagdiriwang na yaon. Dapat namang magkatotoo, pagka’t may mg̃a nagtayo pa ng̃ mg̃a tindahan at lahat halos ng̃ tahanan sa Sapote ay may kanikanyang handa. Ano pa’t ang pagdiriwang ng̃ “Kami Naman” ay naging parang pista ng̃ nayon. Sapul na noon ang “Kami Naman” ay nabantog na ng̃ gayon na lamang at ang lalong nakatawag sa diwa ng̃ marami ay ang mg̃a kartelong nagsabit sa trambiya na nagbansag ng̃ kasiglahang ipamamalas ng̃ “Kami Naman”.Ang isa pa sa mg̃a pagdiriwang ng̃ Samahang ito na hinang̃aan din ng̃ madla ay ang pagtatanghal ng̃ mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman”. Ginanap noong ika 21 ng̃ Disyembre ng̃ 1913, sa Dulaang Angel sa Singalong. Mahigit sa tatlong libong tao ang nanood. At noon ay minsan pang itinampok ang mayamang uri ng̃ mg̃a babaing pilipina.G. Rosendo S. CruzG. Rosendo S. CruzKumatha ng̃ “Tuntunin ng̃ Pulong” na ikalawang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dakong ika 19)Sa mg̃a pamamahayag ng̃ bayan ang “Kami Naman” ay palaging nakikilahok; ng̃uni’t pakikilahok na di sa gayongayon na lamang, kung hindi pakikilahokna kapunapuna; yaong nakapagpaparing̃al at umaani ng̃ papuri. Kung walang karrosa ang “Kami Naman” ay nakalulan naman sa sasakyan ang kanyang mg̃a kinatawan. Datapwa’t hindi sa iisang sasakyan lamang kung hindi sa pito o labing apat kaya. At sa loob ng̃ dalawang taon ay labing dalawang ganting pala angtinamo ng̃ “Kami Naman”. ¿Ano pang sigla ang hahanapin? ¿Ano pang kilos ang magagawa? Wala na. Hanggan diyan na lamang talaga ang isang samahan.Kasabay ang pagsisigasig na magtamo ng̃ lalo at lalong karang̃alan, ang “Kami Naman” ay nagpapakatatag sa kanyang tayo. Inakala ng̃ Pangulong De los Reyes na ang pagkakaibaiba ng̃ hilig ng̃ mg̃a kasapi ay dapat tapatan ng̃ kanikanyang ikasisiyang loob. Dahil dito ay binahagi niya ang “Kami Naman” sa iba’t ibang Lupon na may kanikanyang uri, layon, pananalapi, at mg̃a kaanib.Ang unang Lupon ay ang Damayan. Magabuloy sa namatay o namatayang kasapi ang layon. Lupon sa Kalakal ang pang̃alawa at nagsimula ng̃ pagkilos noong Pebrero ng̃ 1913. Disyembre ng̃ 1913 itinatag ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin na binubuo ng̃ pawang mapanghalinang binibini. Sila ay mg̃a kasaping pangdang̃al sa “Kami Naman”. Disyembre ring yaon ng̃ itatag ang Lupon sa Pagpapalakas. Bago sumipot ang masikap at masiglang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat.Lahat ng̃ lupon na ito ay nagtanghal ng̃ kanikanyang lakas at magagawa. Bawa’t isa’y naghandog ng̃ matatayog na papuri sa boong Samahan. At sa lubos na paghang̃a ng̃ isang kasapi sa “Ilog Beata” sa kakisigan ng̃ “Kami Naman” ay tinula niya ang kasunod:G. Ramon S. TorresG. Ramon S. TorresKalihim Tagapahayag ng̃ Samahan ng̃ mg̃a mananagalog na “Ilog Beata” at tumula ng̃ tulang “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 12)“KAMI NAMAN”Bayang inaapi, ako’y nananaligna ang bawa’t sikat ng araw sa lang̃it,taglay ang tinig mong malungkot na tinig.At iya’y hindi ko matalos kung bakitikaw’y lumuluha, ikaw’y tumatang̃isgayong may lakas ka’t may Bayaning Bisig.Subali’t hintay ka;aking ibubuhayang isang alagad na dapat asahan.Luming̃on ka roon, sa dakong Timuganat mamamalas mong na nawawagaywayang isang Bandilang kapitapitaganng kilala’t bantog na ang KAMI NAMAN.Yao’y Kapisanang sagana sa lahat,sagana sa dunong, sagana sa lakasat hindi marunong matakot sa tawagng kanyang kalabang mayaman sa gilas,pagka’t alam niya’t kanyang natatatapna ang Mundong ito’y Mundo ng̃ pang̃arap.Isang Kapisanang ang bawa’t kasapiay may siglang taglay na kahilihili:isang Kapisanang ang hakbang ay lagingtung̃o sa pagsulong, tung̃o sa lwalhati:sapagka’t ang kanyang darakilang Mithi’yitanggol ang api: matwid ay maghari.Yao’y binubuu ng dukha’t mayamanng mangmang at paham, bata at may gulang,sapagka’t ang kanyang isang patakaranna salig sa loob noong Kapisanan,ang dukha’y ibang̃on, ang aba’y tulung̃an,wala ni mataas; pawang pantaypantay.At, ito’y tulain ng̃ mg̃a makata,dakila sa lalong Samahang dakila,maningning sa lalong maningning na tala;at sapagka’t ito’y butihing diwata,ako, ikaw, sila, ang lahat na’y pawanamang gumigiliw at nagsisihang̃a.KayFrancisco Dizondapat kilalaninang pagkakatatag ng̃ napakagitingna Samahang yaong may tang̃ing layunin:siya ang pumukaw, siya ang gumisingsa nang̃atutulog na mga damdamingna nang̃alalang̃o sa pagkakahimbing.Angel de los Reyes: iyan ang pamagatng kanyang pang̃ulo nang ito’y matanyag;Rosendo S. Cruz:isa ring masikap;Yaman na ang Bayan sa gitna ng gubatay hindi nagtamo ng magandang paladkung kaya nangyaring yao’y itinatag.Hindi ba’t ang taong likha ni Bathalaay taglay sa kanyang pagsipot sa lupaang mga Tuntuni’t Batas ng Paglaya?Kung ito’y totoo: ¿bakit lumuluhatayong naririto? Pang̃arap ng̃a yatalamang ang umasa’t maghintay sa wala.Hindi lamang yoon para sa lalakikung hindi laan din sa mga babai:naron siPascuala Pintorna may iwingng̃iti na ang bawa’t ng̃iti ay pagkasi;naron siConchita; at isa pang saksi,siAnitanglaging dinidilidili.Nang̃agsapisapi ang mga binata,ang kadalagaha’y humalo sa hakana ang Lang̃it nati’y itanghal, ipala,sapagka’t ang ating darakilang nasa’yibang̃on ang bayan nating lumuluha’thumarap sa lalong malakas sa lupa.Oo nga at tunay na dito’y nagkalatang mga Samaha’t Kapisanang tanyagsubali’t tulutang aking maisaadna ang KAMI NAMAN Samahang mahirap,sa matuling agos ng luha ng palad,ay ito ang siyang darampi, huhugas.Ramon S. TorresTaga “Ilog-Beata”.Tundo, Maynila, K. P.Sa likod ng̃ mg̃a papuring ito sa “Kami Naman” ay mayroon namang mg̃a naiinis sa di maalamang sanhi. Aywan kung anong suliranin ang nagbubuyo at ang mg̃a ito ay nagpapakaimbi sa pagwawasak ng̃ Samahan. Kinakalaban ang sariling damdamin, niyuyurakan ang sariling dang̃al, at binubulag ang sariling paning̃in. Hindi pa man ipinang̃ang̃anak ang “Kami Naman” ay binanta ng̃ lasunin. Sa kanila ang lahat ng̃ kilos ng̃ “KamiNaman” ay pawang hindi matwid. Salamat sa pusong matimpi ng̃ Pang̃ulong De los Reyes at di man siya natukso. Salamat din sa kalamigang loob ng̃ mg̃a kasapi at di man sila nabalino. Talagang gayon: ang tao habang natatanyag ay lalong dumadami ang kaaway. At ang Samahan upang mabuhay kung minsa’y dapat magkaroon ng̃ mg̃a kalaban.G. Sofronio G. CalderonG. Sofronio G. CalderonGuro ng Wikang Tagalog sa Young Men’s Christian Association at isa sa mg̃a humahang̃a sa “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 17)Kung paanong sa kasaysayan ng̃ Pilipinas ay may isangsiglo oscuroo isang daang taong madilim, ang “Kami Naman”ay nagkaroon din. Dahil sa katapang̃an ng̃ isang kalulwa at dahil sa pagkatupad ng̃ wikang ang pagtitiwala’y nakamamatay, ay nagkaroon ng̃ isang maaling̃awng̃aw na usapin ang mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Dapat malamang ang usapin ay sa ilang tao lamang at di ng̃ boong Samahan. Ang Pang̃ulo at ang Ing̃atyaman ay kapuwa inupasalaang umano’y mg̃a magnanakaw. Hinubaran ng̃ puri at tinanghal na mg̃a magdaraya. Hindi na kinilala ang pagkatao ng̃ mg̃a nagbintang at pinagbibintang̃an. Hindi na siniyasat ang kasaysayan ng̃ isa’t isa. ¡Kay taas na ganting pala sa nagpapakamatay sa pagtataguyod ng̃ isang Samahan! Sa gayo’y umawit ng̃ tagumpay ang mg̃a sumasamantala sa sigalot. Ang pagkatagpo nila ng̃ babaing lumabag sa kanyang kahinhinan ay siyang nagpatibay sa paguusig na ito. Ng̃uni’t sa pitak ng̃ mg̃a pahayagan ay tahasang inilahad ni G. De los Reyes, ang boong nangyari. At sa likod ng̃ sigalot na ito ang mg̃a umusig din ang nagpapahayag na batid nilang walang salaping nawawala. Ano pa’t paghihiganti o pagkainis lamang ang kanilang ginawa. Matapat na awa ang dapat iyukol sa namamatay sa pagtupad sa kanyang pananalig....Ipalagay ng̃ ang Pang̃ulong De los Reyes at ang Ing̃atyamang Malonzo, ay nagkasala; bulagin na natin ang ating dang̃al at bing̃ihin na natin ang atingdamdamin; aminin ng̃ sila’y nagkamali: ¿ano ng̃ayon? ¿Anong kapinsalaan mayroon sa Samahan? ¿Ang G. De los Reyes ba at ang G. Malonzo ang “Kami Naman”? ¿Sila bang dalawa ang bumubuo ng̃ Samahan? ¡Hindi! ¡Hindi! At ang sumamba sa gayon ay walang pagsampataya sa kanyang dang̃al....Upang pabulaanan pa ang kumalat na balita, na ang “Kami Naman” ay naligalig, ay na ito naman ang bahagi ng̃ ilang salaysay ni G. De los Reyes:“....Sa isang Samahang na walang tumitiwalag ni itinitiwalag na kaanib, ang Samahang iyan ay buo, matatag, at buhay. Iyan ay pinaghaharian ng kapayapaan at sapupo ng lalong matamis, dalisay, at matimyas na pagkakapatiran....”Palibhasa’y lubos ang pagtitiwala ng̃ mg̃a kaanib sa “Kami Naman” sa kanilang Pang̃ulo at Ing̃atyaman ang Samahan ay di mang naligalig sa sigalot na nangyari sa mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Bagkus lalong nagibayo ang sikap at sigla. At upang lalong mapaayos ang Damayan ay itinigil ng̃ may dalawang buwan. Ang Damayan lamang ang itinigil dahil sa pagbibitiw ng̃ tungkulin ni G. De los Reyes. Pagkatapos ayusin ay naghahalili ng̃ Pamahalaan ng̃ Samahan. Ano pa’t malaking kabulaanan ang ipinamamansag ng̃ iba na nalansag na raw ang “Kami Naman”. Hindi, hindi nalalansag. Hayan at kumilos ng̃ boongsigla at boong ningning. Gaya rin ng̃ dati ay nakatayo pa ang kanyang mg̃a haligi.Bb. Fausta CortesBb. Fausta CortesPang̃ulo ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat at siyang kumatha ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” na ikatlong aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 21)Sa kabantugan ng̃ “Kami Naman” ay malaki ang naitutulong ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Nagbukas ito ng̃ isang aklatan sa kapakinabang̃an ng̃ lahat. Kasapi at hindi sa “Kami Naman” ay binibigyan ng̃ laya. Doon ay sarisaring pahayagan at iba’t ibang aklat ang nagaantabay sa kahi’t kanino.Bukod sa pagsisikap ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” na makapagpalabas ng̃ mg̃a akda, ay naguukol din ng̃ panahon sa paglilinang ng̃ wikang tagalog. Ang katotohana’y napalaban na sila sa tanyag naAklatang Barusog. Ang mg̃a taga “Kami Naman” ay ayaw gumalang sa pagpatay ng̃ N sa piling ng̃ G̃. Ano pa’t hindi sila kaayon samodangang ANG ay isulat ng̃ AG̃ (pinatay ang N). Ang mg̃a tagaAklatang Barusogay nagtanggol naman sa kabilang panig.Sa mg̃a ikinilos na ito ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” ay kinilala ni G. Sofronio G. Calderon ang kanilang pagsusumakit. At na ito ang isa niyang lathala na tumutukoy sa:KAPAKANAN ÑG WIKANG TAGALOGIto ng̃ang wikang Tagalog, itong wika nina Solima’t Lakandula, nila Balagtas at Pilapil, nila Rizal na ng̃ayo’y kasalukuyang pinagmamasakitanngAklatangKAMI NAMAN,ay hindi lihim, at sa katunayan ay nariyan ang lagda ng mga bantog na mananalaysay na kumilala ng kasakdalan ng wikang ito, palibhasa’y ang wikang Tagalog ay isang wikang may sariling likas, may sariling ganda, may sariling yaman at isang wikang maipagbabadiya ng tanang saloobin at damdaming sumasapuso’t ísip ng tao; anopa’t sa katagang sabi, itong wikang Tagalog na ating kinamulatan, nilakhan at pinaka kaluluwa ng ating bayan ay may dakilang kapakanan ayon sa pagkakaakma’t pagkakabalangkas sa isang paraang tumpak at kagilagilalas.Sofronio G. Calderón.Dahil sa talino ng̃ isa sa mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman” ang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ay nagkamit ng̃ karang̃alang sa “Kami Naman” nanggaling ang ikatlo sa mg̃a babaing pilipina na kumatha ng̃ kasaysayan. Iyan ay si Bb. Pascuala Pintor na sumulat ng̃ nobelang “Tagumpay ng̃ Api”, na siyang unang aklat na pinalabas ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Kung ¿ano ang “Tagumpay ng̃ Api”? ang isang liham ni G. Aurelio Tolentino ang dapat sumagot:“Bb. Pascuala Pintor.“Mahal na binibini:“Tinanggap ko po at pinasasalamatan ang mahalagang handog ninyo sa akin, isang salin ng inyong matalinong nobelang “Tagumpay ng Apí”.“Kulang ang lahat ng papuring kaya kong sabihin, upang tumbasan ang hiwagang sarap ng aklat na nabanggit. Bukod sa talagang maykalugodlugod na ganda sa pagkakahanay ng mga salitang bihis ng kanyang mayayamang isipan, ay naghahandog pa sa damdamin ng ulirang buhay na gaya ng kay Teban, aralan gaya ng kay Titay at katarungang gaya ng kay Mameng at kay Leon.“Palibhasa’y marami na ang mga nobelang Tagalog; dahil sa mga mahahalaga rin naman ay maitutulad sa isang kuwintas na gintong sinasagisag ng bagong buhay. Ang “Tagumpay ng Apí”, ngayong mapakituhog sa kuwintas na iyan, ay naging pinakamaluningning na «relicariong» tinampakan ng makikinang na batong diamante, at may mahal na laman sa loob, ang buhay na larawan ng kabaitang nagtagumpay sa dagok ng kapaslangang binigti ng katarungan ng sariling damdamin.“Naghihintay pagutusan ang talisuyo nilang si“Aurelio Tolentino.“Maynila, ika 30 ng Junio ng 1914.”Sumunod na pinalabas ng̃ mg̃a manunulat ng̃ “Kami Naman” ang aklat ni G. Rosendo S. Cruz. “Tuntunin ng̃ Pulong” ang pamagat at gaya rin ng̃ “Tagumpay ng̃ Api” ay nagtamo ng̃ mg̃a bati at papuri. Isa na rito ang kalatas ng̃ isang taga Malabon, Rizal, na si G. Amado Jacinto. Aniya’y“Malabon, Rizal, S. P.“Ika 30 ng Okt., 1914.“G. Rosendo S. Cruz.“Mahal na kaibigan: Tinanggap ko ang isang salin ng iyong mahalaga at munting aklat na ang pamagat ay “Tuntunin ng Pulong”, at ako’y nagpapasalamat ng marami.“Rosendo, ang iyong aklat, sa ganang sarili ko, ay dapat mong ipagkapuri. ¿At bakit? Sapagka’tsa aklat mong itong maliit at mura lamangaymayroon kang isang dakilang bagay na matuturo. At ito’y ang pagpapakilala mo sa iba, na ang kahalagahan ng isang katha’y wala sa kapal at sa laki, kundi nasauriat saka salayon:uringsiyang bilang pinakapagaari ng isang aklat, atlayonnamang siyang tunay na ariariang kinapapalamnan ng dañgal ng isang kumatha.“Anguringtinutukoy ko rito ñgayon ay hindi ang tungkol sa kalinisan o karumham ngliteratura, kundi ang kungnakapagtuturoohindi nakapagtuturo; at ang sa layon nama’y kungmabutiohíndi, samakatuwid ay kung angpakinabañgano makinabang lamang.“Kapag ang isang aklat ñga’y may uring nakapagtuturo at may mabuting layon, para sa akin ay sukat na, upang kalugdan kong basahin at hanggang sa purihin pa pati ng kumatha.“¡At lalo pa marahil, kung ang kumathang iya’y isang kaibigang katulad mo! ¿Hindi ba?“Tungkol sa pagbabasa ng mga aklat ay aking maipagtatapat sa iyong ako ñga’y mayroon ng kakaibang panglasa kay sa dati, at ang sabi ko’y ganito, sapagka’t hindi na ako nalulugod ñgayon sa mga Felipe Trigo at Eduardo Zamacois, diyan sa mga mapaglarawan at mapaglikha ng mga kuwadrong nakapagpapagalaw ng laman at nakapagpapakalam ng balat, na sa mahinang loob ay sapat makapagdulot ngisangmasidhing pagkakilití; kundi doon na unti-unting nawiwili ang aking loob sa mga Heberto Spencer at Samanuel Smiles, sa mga Noé Porter at Tomas Stanley.“At dahil sa ganitong pagbabago ng aking hilig, ay huwag ilalaki ng iyong loob na ipalagay at sabihing kong ang aklat mo’y lalo pang kapuri-puri kay sa di iisa’t dadalawang naghahalaga riyan ng 40 at 50sentimos, sa pagka’t ang iyo’y nakatutulongsa pagtitipidng panahon ng mga samahan kung sila’y may pinagpupuluñgan, samantalang ang mga yao’y pawangmgaawitding mistula ng nakalipas na panahon natin,ibañga lamang angpañgalan,anyoatbihis; dapuwa’y sing-isa ring walang nagagawa kundi ang magparami ng mga pañgahas, pilyo, at palalo.“Iyan ang mga sanhi, kung kaya’t baga man may kulang at di mo binuó ang “Tuntunin ng Pulong” na iyong sinulat, ay hinahandugandinkita ng isang maligayang bati, na kasabay ng pakikikamay ko’y tanggapin mo rito sa tapat,at natatalaga mong kaibigan.(May lagda.) “Amado Jacinto.”Ang ikatlong aklat na ipinalimbag ay ang “Agawan ng̃ Dang̃al” na akda naman ni Bb. Fausta Cortes. Ang nagpanukala’t nagtatag ng̃ mg̃a balitang “Ilaw at Panitik”, “Aklatang Barusog” (mg̃a Samahan ng̃ mg̃a manunulat na tagalog) at “Hijos del Siglo” na si G. Honorato H. de Lara ay siyang nagpakilala sa madla kung ano ang “Agawan ng̃ Dang̃al”.Isangligang̃indoor base ballang itinanyag naman ng̃ Lupon sa Pagpapalakas. AngbituingConcepcion Magallanes ay siyang naghagis ng̃ unang pukol ng̃ bola. Limangteamang lumaro at ito’y ang “Marte”, “Katubusan”, “Sinag Kapuluan”, “Makabayan”, at “Kami Naman”. Ang “Marte” ang nagtamo ng̃ tang̃ing gantingpala.Ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin ay kalabisan ng̃ sabihin pa kung ano ang nagawa at ginagawa. Sukat ang ipagtapat na utang sa mg̃a “bituing” ito, ang lahat ng̃ ikinilos ng̃ “Kami Naman”.Paano’y sila ang buhay at kalulwa ng̃ Samahan.Patuloy sa magiliw na pagdadamayan ang Lupon sa Damayan.Ng̃uni’tangLupon sa Kalakal ay napahimbing. Ang Lupon na ito lamang ang nagmintis. Gayon ma’y nakapagtayo rin ng̃ tindahan noong Febrero ng̃ 1913, baga man nabuhay ng̃ may anim na buwan lamang.Sa mg̃a kasiglahang ito ng̃ mg̃a lupon ng̃ “Kami Naman” ang Samahan ay palaging nakapagwawasiwas ng̃ watawat ng̃ tagumpay sa lahat ng̃ kanyang balak. At man sa tuwing bago siyang panukala, ang mg̃a pahayagan ay nang̃agsabing «Bagong maningning na dahon na naman ang mapaparagdag sa hinahang̃aang kasaysayan ng̃ “Kami Naman”.»At dapat namang dakilain ang “Kami Naman”, palibhasa’y isang samahang nakikipagkapatiran sa lahat, sampu sa mg̃a nagpapakaimbi sa pagpatay sa kanya. Kung totoo mang may mg̃a kamaliang nagawa ay totoo rin namang lalong marami ang tumpak na pinang̃atawanan.Diyan natapos ang dalawang taong pamamahala ni G. Angel de los Reyes na nagwagi sa tatlong halalang sunod-sunod sa pagka Pang̃ulo ng̃ Samahan.¡¡¡Panahon ang humatol sa magiging kapalaran ng̃ mg̃a samahang katulad ng̃ “Kami Naman”!!!HANGGATalaan ng NilalamanSA TUTUNGHAYPATALASTASPANGUNANG HAKA NI G. Rosendo S. CruzVSA MGA BITUIN NG “KAMI NAMAN”IXI.MGA PUSONG NAMANDAW NG KAPWA PUSO13II.HINDI NAPAWASTONG PAGTITIYAP27III.MGA HALIK NG PAGIROG35IV.MASIGASIG NA KILOS NI PASTOR53V.¡WALANG SALA! ¡ANG TAGUMPAY AY ATIN!61VI.ANG ARAW NI LOLENG67VII.ANG PAGKAKATAONG LALONG MASAKLAP90VIII.MGA NALUGMOK SA LIWANAG NG BUWAN96IX.BALIW NA NAGSASABI NG KATOTOHANAN104X.SA LAOT NG HAPIS113KoloponMga Maaaring GamitThis eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of theProject Gutenberg Licenseincluded with this eBook or online atwww.gutenberg.org.This eBook is produced by the Online Distributed Proofreading Team atwww.pgdp.net.Agawan ng Dangalis a Tagalog romance novel published by a socio-civic youth organization called Kami Naman. Aside from the novel, this book contains a section on the history of Kami Naman.In the novel, Beteng, a rich young man, is a suitor of a beautiful maiden named Dolores (Loleng). Artemyo acts as Beteng’s “bridge,” serenading Loleng to win Beteng her affection. Unfortunately for Beteng, Loleng falls for Artemyo instead. Beteng is hurt by Loleng’s rejection and sets out to tarnish Artemyo’s reputation, or rob him of honor (agawan siya ng dangal).Pagkaka-enkowdScans of this work are available from the Internet Archive (copy1).Tala ng mga Ginawang Pagbabago2011-02-01 Started.Mga Di-Nakapaloob na ReperensiyaAng elektronikong aklat na ito ng Proyektong Gutenberg ay may mga reperensiyang hindi nakapaloob. Ang mga link para sa mga ito ay maaaring hindi gumana.Mga PagwawastoAng mga sumusunod ay ang mga pagwawastong ginawa sa teksto:PahinaOrihinalPagwawastoVIng̃niVIIsarilesariliVIIIsuliraninsuliraningVIIIbagaybaga’yXAGAWANGAGAWAN15ang̃ang16doorondoroon19,69,77—21,30,30,123[Wala sa orihinal]¡22mahinhinmahinhing23áyonayon24ginagitna36,49,51,52,67,68,110,3ngng̃37pinakikibang̃anpinakikinabang̃an40isasadisasaad40Luming̃osLuming̃on53,78,91,98[Wala sa orihinal]—53kanyang̃kanyang54,59,123,N.A.[Wala sa orihinal].55namangnaman70ning̃78[Wala sa orihinal]¿81habanhabang83HumakbanHumakbang83waláwala84kaawawakaawaawa84nisi88Bala na’yBalana’y100sa sasa105na nana107kanilang̃kanilang112ItangisItang̃is121NGNG̃122hangalhang̃al123ngang̃a124saansaang125hanggahanggang125mgamg̃a126[Wala sa orihinal],126hinahang̃aanhinahang̃aang127binigyangbinigyan128magbibinhinagbibinhi129IlangIlan129nasana sa130JairesJaurès130kong ng̃ako ng̃ang131nakikitanakikilala131[Wala sa orihinal][...]132bayangbayan134magandangmaayos naN.A.NGÑG5,22ng̃ang10nakapunapunana kapunapuna12:;14NamsnNaman18KAMI-NAMANKAMI NAMAN20iayay20isagisang20sapagtitipidsa pagtitipid21dingdin21.,
KASAYSAYANNG“KAMI NAMAN”Original Title Page.AKLATAN ÑG “KAMI NAMAN”BAKAS ÑG SAMAHANÓ ANG UNANGBAHAGI ÑG KASAYSAYAN ÑG“KAMI NAMAN”(SAMAHAN ÑG MAHIHIRAP)SAPUL SA PAGKATATAG HANGGANG SA WAKAS ÑG PAMAMAHALA NI G. A. DE LOS REYESSINULAT NIBb. GORGONIA DE LEONIKA APAT NA AKLAT ÑG AKLATAN ÑGKAMI NAMANLUPON NG MGA MANUNULAT(1915)AKLATAN ÑG “KAMI NAMAN” 1045, DAANG ANAKÑGBAYAN (Dating “CREMATORIO”), PAKO, MAYNILA, K. P.PAUNAWAAng aklat na ito ay nilimbag sa dalawang ayos: nilimbag na kalakip ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” at nilimbag na may sariling balat ó takip. Sino mang magnais na magkaroon ay makabibili sa mg̃a bilihan ng̃ aklat dito sa Maynila, sa halagang isang peseta (₱0.20). Ang mg̃a na sa lalawigan ay makapagbibilin sa Aklatan ng̃ “Kami Naman” sa halagang kahati (₱0.25).Ipalilimbag din ang pang̃alawang bahagi at magtataglay ng̃ mg̃a larawan; gaya ng̃ larawan ni G. Apolonio Umping, G. Paulino Centeno, at iba pang may halaga sa “Kami Naman”.G. Francisco V. DizonG. Francisco V. DizonAng nagtatag ng̃ “Kami Naman” at nagíng unang Pang̃ulo ng̃ Samahang ito.(Tunghayan ang dahong ika 3)BAKAS ÑG SAMAHANO ANG UNANG BAHAGI ÑG KASAYSAYAN ÑG“KAMI NAMAN”(SAMAHAN ÑG MAHIHIRAP)SAPUL SA PAGKATATAG HANGGANG SA WAKAS ÑG PAÑGUÑGULO NI G. ANGEL DE LOS REYES.Sinulat ni Bb. Gorgonia de Leon.Noon ay ika 25 ng̃ Agosto ng̃ 1912. Sa umagang yaon ay isang panahong tagulan ang nagisnan ng̃ mg̃a taga Pako. Ang liwanag ng̃ ilaw ng̃ sangdaigdig ay di mang makagitaw sa makapal na ulap sa pang̃onorin. Nabigo ang mg̃a ibong sa tuwing umaga’y nagpupuri sa bagong liwayway. Walang nasisiyahan sa mg̃a sandaling yaon kung hindi ang mg̃a bulaklak na nagpapakasawa sa ulang hindi tumitila. Noon nasiyahan ang kanilang uhaw. ¿Ilan kayang puso’t kalulwa ang sumusumpa noon sa panahon dahil sa pagkapinsala ng̃ kanilang tipan?Datapwa’t nagmasung̃it man noon ang panahon, ay may isang binatang nagtatanghal ng̃ kanyang kagiting̃an. Siya ay si G. Francisco V. Dizon, kawal ng̃ bagong kabihasnan. Siya ang lalong nagsikap na magsabog ng̃ liwanag ng̃ araw ng̃ sigla ng̃ kabataan sa nayonng̃Sapote sa Pako. Ang ulan ay di niya ikinabalino,bagkus sa pamamagitan ng̃ isang payong ay isa isang sinusundo ang kanyang mg̃a kaibigan upang magtulongtulong sa pagbalangkas ng̃ isang Samahan. Ano pa’t walang alinlang̃ang dapat sabihin na utang sa kanya ang kilusang yaon ng̃ kabataan.Sa isang tahanan sa nayon ng̃ Sapote, Pako, Maynila, ay doon nagkatipon ang ilang magkakapanalig. At sa pang̃ung̃ulo ng̃a ni G. Dizon, ay sumipot sa silong ng̃ lang̃it ng̃ Pilipinas ang isang bigkis ng̃ kabataang pilipino. Sa mungkahi ni G. Luciano Suarez ay bininyagan ng̃ “Kabataang Sikat”. At, palibhasa’y pawang tinitibukan ng̃ isang pusong uhaw sa dunong at aliw, ang mg̃a nagkakatipong yaon, ay «magpalakas at magpatalino» ang pinagsaligan ng̃ pagkabuo ng̃ Samahan. Aralan ang mg̃a pinagkaitan ng̃ ilaw ng̃ dunong at aliwin ang mg̃a ulila sa ligaya, iyan ang tang̃ing layon. At sa gayon ay nayari ang balak ni G. Dizon. Dapat alalahaning kinabukasan ng̃ araw na yaon, ay siyang ika 26 ng̃ Agosto, araw na napakaningning sa dahon ng̃ kasaysayan ng̃ Pilipinas, sapagka’t siyang araw ng̃ unang pagsigaw ng̃ kalayaan ng̃ bayang api ng̃ kapwa bayan.G. Amado Jacinto.G. Amado Jacinto.Naging Pang̃ulo ng̃ Samahang “Mapagsikap” sa Malabon, Rizal(Tunghayan ang dahong ika 19)Nang sumunód na Linggo, unang araw ng̃ Septiyembre, ay nagpulong na muli ang mg̃a nagsisigasig sa pagbang̃on ng̃ “Kabataang Sikat”. Sa mungkahi ni G.Angel de los Reyes, ay binago ang pamagat at pinalitán ng̃ “Kami Naman”. “Kami Naman” ang ipinamagat, sapagka’t sa ibabaw ng̃ kalansay ng̃ mg̃a samahang nabuwag na, ang ibig sabihin ay “Kami namanang magtutuloy ng̃ layong itaguyod ang buhay ng̃ mahihirap sa tugatog ng̃ dang̃al”....Katulad din ng̃ ibang mg̃a Samahan at Kapisanan ay inabot ng̃ sakit naning̃as-kugonang “Kami Naman”. Salamat sa ilang matatalinong manggagamot at ang sakit ay naihanap din ng̃ lunas. Baga man ang “Kami Naman” noon ay para ng̃ bangkay na malamig, dahil sa pagpapabaya ng̃ ilan, ay muling sumigla. At noong ika 19 ng̃ Oktubre ng̃ taong 1912 rin, ay nagbitiw ng̃ tungkulin si G. Francisco V. Dizon at si G. Angel de los Reyes ang napahalili, na naging Pang̃ulo ng̃ Samahan.Ang bagong pang̃asiwaan ay nagpahayag noon din ng bagong palakad at binago na patianglayon ng̃ “Kami Naman”. Boong puso namang pinagtibay ng̃ lahat at sinalubong ng̃ magiliw na palakpakan.Ang mapanglaw na daing ng̃ mahirap, ang malungkot na taghoy ng̃ api, ang malumbay na hibik ng̃ mahina, iyan, iyan ang nagbukas ng̃ bagong isipan sa puso at diwa ng̃ bagong Pang̃ulo. Binago ng̃a ang dating saligan ng̃ Samahan. Ang layongmagliwaliwatmagpatalinoay dinagdagan ng̃pagdadamayan. Sagayon, ay hindi pawang kabataan lamang ang yumakap sa “Kami Naman”, kung hindi sampu ng̃ may mg̃a gulang na ay nakitulong.“Buhayin ang naghihingng̃along pagkakapatiran” ang naging saligan na ng̃ “Kami Naman”. At ang naging pananalig ay “Ang hirap ay bung̃a ng̃ kapabayaan, at na sa tiyagá ang pagtatagumpay”.Kapalaran mandin ang siyang sumubaybay sa bagong pang̃asiwaan at ng̃ sumunod na Sabado ng̃ pagkahalal sa kanila ay nagtanyag na ng̃ kanilang di karaniwang lakas at magagawa. Sa bahay paaralan sa daang Dart, Pako, ay ginanap ang pagtatanghal ng̃ Samahan. Sa lamayang yaon ay may apat na raang tao ang dumaló. Ilang matatalino at litaw na mananalumpati ang nagpaningning sa pagdiriwang. (Ang buong tala ng̃ kasayahang yaon ay matutunghayan sa pang̃alawang aklat ng̃ Aklatang “Kami Naman” naTuntunin ng̃ Pulong.)G. Aurelio TolentinoG. Aurelio TolentinoBantog na mandudula, matalinong manunulat at matapang na mamamahayag. Sa larang̃an ng̃ pananagalog ay kinikilalang isa sa mg̃a may mataas na uri at may tang̃ing pananalaysay. Siya ang kumatha ng̃ dulang “Bagong Kristo” na nagtamo ng̃ isang gantingpalang panulat na ginto. Siya rin ang lumikha ng̃ bantog na dulang “Kahapon, Ng̃ayon at Bukas”; dahil sa kagiting̃an ng̃ dulang ito ay piniit siya ng̃ Pamahalaang Amerikano. Siya ang sumasagot kung ano ang unang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”.(Tunghayan ang dahong ika 19)Dahil sa bagyong nanalanta sa Sebú noong Oktubre ng̃ 1912, ang “Kami Naman” ay nagsimula ng̃ pakikisama sa bayan. Binahaybahay na tinawagan ang maawaing pusó ng̃ pilipino sa Sapote, at lumikom ng̃ isang halagang iniabuloy sa mg̃a nasawi. At dahil sa pagkamatay ng̃ ilang angkan ng̃ mg̃a kanayon na kapwa anak-dalita, ay dumulog na naman ang “Kami Naman” sa bahaybahay upangabuluyan ang kapatid na dinatnan ng̃ palad. Dapat talastasing ang mg̃a unang inabuluyan ng̃ “Kami Naman” ay mg̃a taong ni ayaw man lamang makiyakap sa Samahang ito.Sa ikapapaanyo ng̃ damayan ay bumalangkas ng̃ mg̃a batas na susundin ng̃ magkakapatid; at mula ng̃ unang araw ng̃ Disyembre ng̃ 1912 ay nagsimula sa pag-iral. Marami rin ang mg̃a namatay at namatayang mg̃a kapatid. Sa malinis at maselan na pang̃ang̃asiwa ng̃ Ing̃atyamang si G. Dario Malonzo, lahat ay pawang tumanggap ng̃ abuloy na nararapat. Walang nabinbin sa kanyang karapatan, bagkus ang lahat ay pawang nagtamo ng̃ nauukol sa kanila sa lalong madaling panahon.Dumatal ang ika 30 ng̃ Disyembre ng̃ 1912, araw na ipinang̃ing̃ilin ng̃ lahat ng̃ pilipino. Ang “Kami Naman” at ang nayong Sapote ay nagtuwang sa pagbubunyi sa lalong dakilang taga Silang̃an. Nagdaos ng̃ isang dulang hayag, nagkaroon ng̃ tugtugan, nagilaw ang boong nayon at nagtayo ng̃ mg̃a arko. Ang lalong kapunapuna ay ang pagiisa ng̃ nayon na pawang parol ng̃ “Kami Naman” ang ginamit. At natapos sa ganap na kasyahang loob ng̃ lahat. Ang salaping lumabis sa pagdiriwang ay inihandog sa “Kami Naman” ng̃ kapulung̃an ng̃ nayon, na parang ganting pala sa maayos na pang̃ang̃asiwa sa pagdiriwang.Sumunod na ibinunsod ng̃ Samahan ay ang balak ni G. Marcelino Dizon na lumikom ng̃ isang kusang ambagan upang ibili ng̃ kasangkapang pang-apula ng̃ sunog. Nakatagpo ang balak na ito ng̃ mg̃a balakid at binaka ng̃ ilang di nasisiyahan. Gayon man ay pinang̃atawanan din ng̃ Samahan at nakabili rin ng̃ mg̃a palakol at timba na magagamit karakaraka sa isang simula ng̃ sunog. Hanggang ng̃ayon ay nakatanghal at nakahanda ang mg̃a kasangkapang ito sa nayong Sapote.Ang munisipyo ng̃ Maynila ay siya namang hinarap ng̃ “Kami Naman”. Sunodsunod na daing at kahiling̃an ang iniharap upang ang nayong kinatatayuan ng̃ Samahan ay ipaayos. Pinilit na maglagay man lamang ng̃ gripo, sapagka’t noon ay nagkakahalaga ng̃ anim ó limang sentimos ang bawa’t dalawang timba ng̃ inumin sa pook na yaon. Bihirang linggo ang walang panawagan sa pitak ng̃ pahayagan sa Maynila. At humangga sa paglalagay ng̃a ng̃ gripo at pagtatakda ng̃ pamahalaan ng̃ apat na libong piso sa ikaaayos ng̃ nayon. Ito ang lalong malaking tagumpay na tinamo ng̃ “Kami Naman”.Upang iligtas sa sakit ang mg̃a kanayon dahil sa malabis na paglulusak sa pook ng̃ Sapote, ang “Kami Naman” ay nagtayo ng̃ mg̃a tulayang kawayan sa tulong ng̃ nayon.G. Honorato H. de LaraG. Honorato H. de Lara(Tunghayan ang dahong ika 21)Nang hakutin ng̃ mg̃a sanitaryo ang mg̃a kawani sa Limbagan ng̃ Pamahalaan at kulung̃in sa Pagamutang San Lasaro, dahil sa mikrobyo ng̃ dipterya, ang “Kami Naman” ay siyang tang̃i at kusang umabuloy sa mg̃a napinsalaang yaon. Wala ni isang kasapi sa “Kami Naman” na napalahok doon, datapwa’t ginawa ang pagdamay sa paniniwalang magkakapatid na lahat ang mahirap. At ito’y tinugon ng̃ di gagaanong pasalamat ng̃ mg̃a dinamayan. Noon ay Marzo ng̃ 1913.Sa gayong mg̃a ipinakisama ng̃ “Kami Naman” sa bayan ay marahang sumusung̃aw ang kanyang kabantugan. At lalo pang nabantog siya pagkatapos ipagbunyi ang ika isang taong buhay ng̃ Samahan. Paano’y dalawang araw na ginawa ang kasayahan: ika 13 at ika 14 ng̃ Septiyembre ng̃ 1913. Nagbukas ng̃ timpalak ng mg̃a dula at gilasan ng̃ artista, na siyang kaunaunahang timpalak na may ganitong uri na idinaos sa sangkapuluang Pilipinas. Nagdaos pa ng̃ isang misang alaala sa lahat ng̃ mg̃a kasaping nang̃amatay sa ilalim ng̃ watawat ng̃ “Kami Naman”. Nagkaroon ng̃ binyag at kumpil at maghapong mg̃a palaro. Ang nabantog na banda ng̃ Meralko ay siyang tumugtog. At tinapos ang kasayahan sa isang magiliw na salosalong kapatid. Alinsunod sa mg̃a pahayagan dito sa Maynila ay mahigit na apat na libongtao ang dumalo sa mg̃a pagdiriwang na yaon. Dapat namang magkatotoo, pagka’t may mg̃a nagtayo pa ng̃ mg̃a tindahan at lahat halos ng̃ tahanan sa Sapote ay may kanikanyang handa. Ano pa’t ang pagdiriwang ng̃ “Kami Naman” ay naging parang pista ng̃ nayon. Sapul na noon ang “Kami Naman” ay nabantog na ng̃ gayon na lamang at ang lalong nakatawag sa diwa ng̃ marami ay ang mg̃a kartelong nagsabit sa trambiya na nagbansag ng̃ kasiglahang ipamamalas ng̃ “Kami Naman”.Ang isa pa sa mg̃a pagdiriwang ng̃ Samahang ito na hinang̃aan din ng̃ madla ay ang pagtatanghal ng̃ mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman”. Ginanap noong ika 21 ng̃ Disyembre ng̃ 1913, sa Dulaang Angel sa Singalong. Mahigit sa tatlong libong tao ang nanood. At noon ay minsan pang itinampok ang mayamang uri ng̃ mg̃a babaing pilipina.G. Rosendo S. CruzG. Rosendo S. CruzKumatha ng̃ “Tuntunin ng̃ Pulong” na ikalawang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dakong ika 19)Sa mg̃a pamamahayag ng̃ bayan ang “Kami Naman” ay palaging nakikilahok; ng̃uni’t pakikilahok na di sa gayongayon na lamang, kung hindi pakikilahokna kapunapuna; yaong nakapagpaparing̃al at umaani ng̃ papuri. Kung walang karrosa ang “Kami Naman” ay nakalulan naman sa sasakyan ang kanyang mg̃a kinatawan. Datapwa’t hindi sa iisang sasakyan lamang kung hindi sa pito o labing apat kaya. At sa loob ng̃ dalawang taon ay labing dalawang ganting pala angtinamo ng̃ “Kami Naman”. ¿Ano pang sigla ang hahanapin? ¿Ano pang kilos ang magagawa? Wala na. Hanggan diyan na lamang talaga ang isang samahan.Kasabay ang pagsisigasig na magtamo ng̃ lalo at lalong karang̃alan, ang “Kami Naman” ay nagpapakatatag sa kanyang tayo. Inakala ng̃ Pangulong De los Reyes na ang pagkakaibaiba ng̃ hilig ng̃ mg̃a kasapi ay dapat tapatan ng̃ kanikanyang ikasisiyang loob. Dahil dito ay binahagi niya ang “Kami Naman” sa iba’t ibang Lupon na may kanikanyang uri, layon, pananalapi, at mg̃a kaanib.Ang unang Lupon ay ang Damayan. Magabuloy sa namatay o namatayang kasapi ang layon. Lupon sa Kalakal ang pang̃alawa at nagsimula ng̃ pagkilos noong Pebrero ng̃ 1913. Disyembre ng̃ 1913 itinatag ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin na binubuo ng̃ pawang mapanghalinang binibini. Sila ay mg̃a kasaping pangdang̃al sa “Kami Naman”. Disyembre ring yaon ng̃ itatag ang Lupon sa Pagpapalakas. Bago sumipot ang masikap at masiglang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat.Lahat ng̃ lupon na ito ay nagtanghal ng̃ kanikanyang lakas at magagawa. Bawa’t isa’y naghandog ng̃ matatayog na papuri sa boong Samahan. At sa lubos na paghang̃a ng̃ isang kasapi sa “Ilog Beata” sa kakisigan ng̃ “Kami Naman” ay tinula niya ang kasunod:G. Ramon S. TorresG. Ramon S. TorresKalihim Tagapahayag ng̃ Samahan ng̃ mg̃a mananagalog na “Ilog Beata” at tumula ng̃ tulang “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 12)“KAMI NAMAN”Bayang inaapi, ako’y nananaligna ang bawa’t sikat ng araw sa lang̃it,taglay ang tinig mong malungkot na tinig.At iya’y hindi ko matalos kung bakitikaw’y lumuluha, ikaw’y tumatang̃isgayong may lakas ka’t may Bayaning Bisig.Subali’t hintay ka;aking ibubuhayang isang alagad na dapat asahan.Luming̃on ka roon, sa dakong Timuganat mamamalas mong na nawawagaywayang isang Bandilang kapitapitaganng kilala’t bantog na ang KAMI NAMAN.Yao’y Kapisanang sagana sa lahat,sagana sa dunong, sagana sa lakasat hindi marunong matakot sa tawagng kanyang kalabang mayaman sa gilas,pagka’t alam niya’t kanyang natatatapna ang Mundong ito’y Mundo ng̃ pang̃arap.Isang Kapisanang ang bawa’t kasapiay may siglang taglay na kahilihili:isang Kapisanang ang hakbang ay lagingtung̃o sa pagsulong, tung̃o sa lwalhati:sapagka’t ang kanyang darakilang Mithi’yitanggol ang api: matwid ay maghari.Yao’y binubuu ng dukha’t mayamanng mangmang at paham, bata at may gulang,sapagka’t ang kanyang isang patakaranna salig sa loob noong Kapisanan,ang dukha’y ibang̃on, ang aba’y tulung̃an,wala ni mataas; pawang pantaypantay.At, ito’y tulain ng̃ mg̃a makata,dakila sa lalong Samahang dakila,maningning sa lalong maningning na tala;at sapagka’t ito’y butihing diwata,ako, ikaw, sila, ang lahat na’y pawanamang gumigiliw at nagsisihang̃a.KayFrancisco Dizondapat kilalaninang pagkakatatag ng̃ napakagitingna Samahang yaong may tang̃ing layunin:siya ang pumukaw, siya ang gumisingsa nang̃atutulog na mga damdamingna nang̃alalang̃o sa pagkakahimbing.Angel de los Reyes: iyan ang pamagatng kanyang pang̃ulo nang ito’y matanyag;Rosendo S. Cruz:isa ring masikap;Yaman na ang Bayan sa gitna ng gubatay hindi nagtamo ng magandang paladkung kaya nangyaring yao’y itinatag.Hindi ba’t ang taong likha ni Bathalaay taglay sa kanyang pagsipot sa lupaang mga Tuntuni’t Batas ng Paglaya?Kung ito’y totoo: ¿bakit lumuluhatayong naririto? Pang̃arap ng̃a yatalamang ang umasa’t maghintay sa wala.Hindi lamang yoon para sa lalakikung hindi laan din sa mga babai:naron siPascuala Pintorna may iwingng̃iti na ang bawa’t ng̃iti ay pagkasi;naron siConchita; at isa pang saksi,siAnitanglaging dinidilidili.Nang̃agsapisapi ang mga binata,ang kadalagaha’y humalo sa hakana ang Lang̃it nati’y itanghal, ipala,sapagka’t ang ating darakilang nasa’yibang̃on ang bayan nating lumuluha’thumarap sa lalong malakas sa lupa.Oo nga at tunay na dito’y nagkalatang mga Samaha’t Kapisanang tanyagsubali’t tulutang aking maisaadna ang KAMI NAMAN Samahang mahirap,sa matuling agos ng luha ng palad,ay ito ang siyang darampi, huhugas.Ramon S. TorresTaga “Ilog-Beata”.Tundo, Maynila, K. P.Sa likod ng̃ mg̃a papuring ito sa “Kami Naman” ay mayroon namang mg̃a naiinis sa di maalamang sanhi. Aywan kung anong suliranin ang nagbubuyo at ang mg̃a ito ay nagpapakaimbi sa pagwawasak ng̃ Samahan. Kinakalaban ang sariling damdamin, niyuyurakan ang sariling dang̃al, at binubulag ang sariling paning̃in. Hindi pa man ipinang̃ang̃anak ang “Kami Naman” ay binanta ng̃ lasunin. Sa kanila ang lahat ng̃ kilos ng̃ “KamiNaman” ay pawang hindi matwid. Salamat sa pusong matimpi ng̃ Pang̃ulong De los Reyes at di man siya natukso. Salamat din sa kalamigang loob ng̃ mg̃a kasapi at di man sila nabalino. Talagang gayon: ang tao habang natatanyag ay lalong dumadami ang kaaway. At ang Samahan upang mabuhay kung minsa’y dapat magkaroon ng̃ mg̃a kalaban.G. Sofronio G. CalderonG. Sofronio G. CalderonGuro ng Wikang Tagalog sa Young Men’s Christian Association at isa sa mg̃a humahang̃a sa “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 17)Kung paanong sa kasaysayan ng̃ Pilipinas ay may isangsiglo oscuroo isang daang taong madilim, ang “Kami Naman”ay nagkaroon din. Dahil sa katapang̃an ng̃ isang kalulwa at dahil sa pagkatupad ng̃ wikang ang pagtitiwala’y nakamamatay, ay nagkaroon ng̃ isang maaling̃awng̃aw na usapin ang mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Dapat malamang ang usapin ay sa ilang tao lamang at di ng̃ boong Samahan. Ang Pang̃ulo at ang Ing̃atyaman ay kapuwa inupasalaang umano’y mg̃a magnanakaw. Hinubaran ng̃ puri at tinanghal na mg̃a magdaraya. Hindi na kinilala ang pagkatao ng̃ mg̃a nagbintang at pinagbibintang̃an. Hindi na siniyasat ang kasaysayan ng̃ isa’t isa. ¡Kay taas na ganting pala sa nagpapakamatay sa pagtataguyod ng̃ isang Samahan! Sa gayo’y umawit ng̃ tagumpay ang mg̃a sumasamantala sa sigalot. Ang pagkatagpo nila ng̃ babaing lumabag sa kanyang kahinhinan ay siyang nagpatibay sa paguusig na ito. Ng̃uni’t sa pitak ng̃ mg̃a pahayagan ay tahasang inilahad ni G. De los Reyes, ang boong nangyari. At sa likod ng̃ sigalot na ito ang mg̃a umusig din ang nagpapahayag na batid nilang walang salaping nawawala. Ano pa’t paghihiganti o pagkainis lamang ang kanilang ginawa. Matapat na awa ang dapat iyukol sa namamatay sa pagtupad sa kanyang pananalig....Ipalagay ng̃ ang Pang̃ulong De los Reyes at ang Ing̃atyamang Malonzo, ay nagkasala; bulagin na natin ang ating dang̃al at bing̃ihin na natin ang atingdamdamin; aminin ng̃ sila’y nagkamali: ¿ano ng̃ayon? ¿Anong kapinsalaan mayroon sa Samahan? ¿Ang G. De los Reyes ba at ang G. Malonzo ang “Kami Naman”? ¿Sila bang dalawa ang bumubuo ng̃ Samahan? ¡Hindi! ¡Hindi! At ang sumamba sa gayon ay walang pagsampataya sa kanyang dang̃al....Upang pabulaanan pa ang kumalat na balita, na ang “Kami Naman” ay naligalig, ay na ito naman ang bahagi ng̃ ilang salaysay ni G. De los Reyes:“....Sa isang Samahang na walang tumitiwalag ni itinitiwalag na kaanib, ang Samahang iyan ay buo, matatag, at buhay. Iyan ay pinaghaharian ng kapayapaan at sapupo ng lalong matamis, dalisay, at matimyas na pagkakapatiran....”Palibhasa’y lubos ang pagtitiwala ng̃ mg̃a kaanib sa “Kami Naman” sa kanilang Pang̃ulo at Ing̃atyaman ang Samahan ay di mang naligalig sa sigalot na nangyari sa mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Bagkus lalong nagibayo ang sikap at sigla. At upang lalong mapaayos ang Damayan ay itinigil ng̃ may dalawang buwan. Ang Damayan lamang ang itinigil dahil sa pagbibitiw ng̃ tungkulin ni G. De los Reyes. Pagkatapos ayusin ay naghahalili ng̃ Pamahalaan ng̃ Samahan. Ano pa’t malaking kabulaanan ang ipinamamansag ng̃ iba na nalansag na raw ang “Kami Naman”. Hindi, hindi nalalansag. Hayan at kumilos ng̃ boongsigla at boong ningning. Gaya rin ng̃ dati ay nakatayo pa ang kanyang mg̃a haligi.Bb. Fausta CortesBb. Fausta CortesPang̃ulo ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat at siyang kumatha ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” na ikatlong aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 21)Sa kabantugan ng̃ “Kami Naman” ay malaki ang naitutulong ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Nagbukas ito ng̃ isang aklatan sa kapakinabang̃an ng̃ lahat. Kasapi at hindi sa “Kami Naman” ay binibigyan ng̃ laya. Doon ay sarisaring pahayagan at iba’t ibang aklat ang nagaantabay sa kahi’t kanino.Bukod sa pagsisikap ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” na makapagpalabas ng̃ mg̃a akda, ay naguukol din ng̃ panahon sa paglilinang ng̃ wikang tagalog. Ang katotohana’y napalaban na sila sa tanyag naAklatang Barusog. Ang mg̃a taga “Kami Naman” ay ayaw gumalang sa pagpatay ng̃ N sa piling ng̃ G̃. Ano pa’t hindi sila kaayon samodangang ANG ay isulat ng̃ AG̃ (pinatay ang N). Ang mg̃a tagaAklatang Barusogay nagtanggol naman sa kabilang panig.Sa mg̃a ikinilos na ito ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” ay kinilala ni G. Sofronio G. Calderon ang kanilang pagsusumakit. At na ito ang isa niyang lathala na tumutukoy sa:KAPAKANAN ÑG WIKANG TAGALOGIto ng̃ang wikang Tagalog, itong wika nina Solima’t Lakandula, nila Balagtas at Pilapil, nila Rizal na ng̃ayo’y kasalukuyang pinagmamasakitanngAklatangKAMI NAMAN,ay hindi lihim, at sa katunayan ay nariyan ang lagda ng mga bantog na mananalaysay na kumilala ng kasakdalan ng wikang ito, palibhasa’y ang wikang Tagalog ay isang wikang may sariling likas, may sariling ganda, may sariling yaman at isang wikang maipagbabadiya ng tanang saloobin at damdaming sumasapuso’t ísip ng tao; anopa’t sa katagang sabi, itong wikang Tagalog na ating kinamulatan, nilakhan at pinaka kaluluwa ng ating bayan ay may dakilang kapakanan ayon sa pagkakaakma’t pagkakabalangkas sa isang paraang tumpak at kagilagilalas.Sofronio G. Calderón.Dahil sa talino ng̃ isa sa mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman” ang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ay nagkamit ng̃ karang̃alang sa “Kami Naman” nanggaling ang ikatlo sa mg̃a babaing pilipina na kumatha ng̃ kasaysayan. Iyan ay si Bb. Pascuala Pintor na sumulat ng̃ nobelang “Tagumpay ng̃ Api”, na siyang unang aklat na pinalabas ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Kung ¿ano ang “Tagumpay ng̃ Api”? ang isang liham ni G. Aurelio Tolentino ang dapat sumagot:“Bb. Pascuala Pintor.“Mahal na binibini:“Tinanggap ko po at pinasasalamatan ang mahalagang handog ninyo sa akin, isang salin ng inyong matalinong nobelang “Tagumpay ng Apí”.“Kulang ang lahat ng papuring kaya kong sabihin, upang tumbasan ang hiwagang sarap ng aklat na nabanggit. Bukod sa talagang maykalugodlugod na ganda sa pagkakahanay ng mga salitang bihis ng kanyang mayayamang isipan, ay naghahandog pa sa damdamin ng ulirang buhay na gaya ng kay Teban, aralan gaya ng kay Titay at katarungang gaya ng kay Mameng at kay Leon.“Palibhasa’y marami na ang mga nobelang Tagalog; dahil sa mga mahahalaga rin naman ay maitutulad sa isang kuwintas na gintong sinasagisag ng bagong buhay. Ang “Tagumpay ng Apí”, ngayong mapakituhog sa kuwintas na iyan, ay naging pinakamaluningning na «relicariong» tinampakan ng makikinang na batong diamante, at may mahal na laman sa loob, ang buhay na larawan ng kabaitang nagtagumpay sa dagok ng kapaslangang binigti ng katarungan ng sariling damdamin.“Naghihintay pagutusan ang talisuyo nilang si“Aurelio Tolentino.“Maynila, ika 30 ng Junio ng 1914.”Sumunod na pinalabas ng̃ mg̃a manunulat ng̃ “Kami Naman” ang aklat ni G. Rosendo S. Cruz. “Tuntunin ng̃ Pulong” ang pamagat at gaya rin ng̃ “Tagumpay ng̃ Api” ay nagtamo ng̃ mg̃a bati at papuri. Isa na rito ang kalatas ng̃ isang taga Malabon, Rizal, na si G. Amado Jacinto. Aniya’y“Malabon, Rizal, S. P.“Ika 30 ng Okt., 1914.“G. Rosendo S. Cruz.“Mahal na kaibigan: Tinanggap ko ang isang salin ng iyong mahalaga at munting aklat na ang pamagat ay “Tuntunin ng Pulong”, at ako’y nagpapasalamat ng marami.“Rosendo, ang iyong aklat, sa ganang sarili ko, ay dapat mong ipagkapuri. ¿At bakit? Sapagka’tsa aklat mong itong maliit at mura lamangaymayroon kang isang dakilang bagay na matuturo. At ito’y ang pagpapakilala mo sa iba, na ang kahalagahan ng isang katha’y wala sa kapal at sa laki, kundi nasauriat saka salayon:uringsiyang bilang pinakapagaari ng isang aklat, atlayonnamang siyang tunay na ariariang kinapapalamnan ng dañgal ng isang kumatha.“Anguringtinutukoy ko rito ñgayon ay hindi ang tungkol sa kalinisan o karumham ngliteratura, kundi ang kungnakapagtuturoohindi nakapagtuturo; at ang sa layon nama’y kungmabutiohíndi, samakatuwid ay kung angpakinabañgano makinabang lamang.“Kapag ang isang aklat ñga’y may uring nakapagtuturo at may mabuting layon, para sa akin ay sukat na, upang kalugdan kong basahin at hanggang sa purihin pa pati ng kumatha.“¡At lalo pa marahil, kung ang kumathang iya’y isang kaibigang katulad mo! ¿Hindi ba?“Tungkol sa pagbabasa ng mga aklat ay aking maipagtatapat sa iyong ako ñga’y mayroon ng kakaibang panglasa kay sa dati, at ang sabi ko’y ganito, sapagka’t hindi na ako nalulugod ñgayon sa mga Felipe Trigo at Eduardo Zamacois, diyan sa mga mapaglarawan at mapaglikha ng mga kuwadrong nakapagpapagalaw ng laman at nakapagpapakalam ng balat, na sa mahinang loob ay sapat makapagdulot ngisangmasidhing pagkakilití; kundi doon na unti-unting nawiwili ang aking loob sa mga Heberto Spencer at Samanuel Smiles, sa mga Noé Porter at Tomas Stanley.“At dahil sa ganitong pagbabago ng aking hilig, ay huwag ilalaki ng iyong loob na ipalagay at sabihing kong ang aklat mo’y lalo pang kapuri-puri kay sa di iisa’t dadalawang naghahalaga riyan ng 40 at 50sentimos, sa pagka’t ang iyo’y nakatutulongsa pagtitipidng panahon ng mga samahan kung sila’y may pinagpupuluñgan, samantalang ang mga yao’y pawangmgaawitding mistula ng nakalipas na panahon natin,ibañga lamang angpañgalan,anyoatbihis; dapuwa’y sing-isa ring walang nagagawa kundi ang magparami ng mga pañgahas, pilyo, at palalo.“Iyan ang mga sanhi, kung kaya’t baga man may kulang at di mo binuó ang “Tuntunin ng Pulong” na iyong sinulat, ay hinahandugandinkita ng isang maligayang bati, na kasabay ng pakikikamay ko’y tanggapin mo rito sa tapat,at natatalaga mong kaibigan.(May lagda.) “Amado Jacinto.”Ang ikatlong aklat na ipinalimbag ay ang “Agawan ng̃ Dang̃al” na akda naman ni Bb. Fausta Cortes. Ang nagpanukala’t nagtatag ng̃ mg̃a balitang “Ilaw at Panitik”, “Aklatang Barusog” (mg̃a Samahan ng̃ mg̃a manunulat na tagalog) at “Hijos del Siglo” na si G. Honorato H. de Lara ay siyang nagpakilala sa madla kung ano ang “Agawan ng̃ Dang̃al”.Isangligang̃indoor base ballang itinanyag naman ng̃ Lupon sa Pagpapalakas. AngbituingConcepcion Magallanes ay siyang naghagis ng̃ unang pukol ng̃ bola. Limangteamang lumaro at ito’y ang “Marte”, “Katubusan”, “Sinag Kapuluan”, “Makabayan”, at “Kami Naman”. Ang “Marte” ang nagtamo ng̃ tang̃ing gantingpala.Ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin ay kalabisan ng̃ sabihin pa kung ano ang nagawa at ginagawa. Sukat ang ipagtapat na utang sa mg̃a “bituing” ito, ang lahat ng̃ ikinilos ng̃ “Kami Naman”.Paano’y sila ang buhay at kalulwa ng̃ Samahan.Patuloy sa magiliw na pagdadamayan ang Lupon sa Damayan.Ng̃uni’tangLupon sa Kalakal ay napahimbing. Ang Lupon na ito lamang ang nagmintis. Gayon ma’y nakapagtayo rin ng̃ tindahan noong Febrero ng̃ 1913, baga man nabuhay ng̃ may anim na buwan lamang.Sa mg̃a kasiglahang ito ng̃ mg̃a lupon ng̃ “Kami Naman” ang Samahan ay palaging nakapagwawasiwas ng̃ watawat ng̃ tagumpay sa lahat ng̃ kanyang balak. At man sa tuwing bago siyang panukala, ang mg̃a pahayagan ay nang̃agsabing «Bagong maningning na dahon na naman ang mapaparagdag sa hinahang̃aang kasaysayan ng̃ “Kami Naman”.»At dapat namang dakilain ang “Kami Naman”, palibhasa’y isang samahang nakikipagkapatiran sa lahat, sampu sa mg̃a nagpapakaimbi sa pagpatay sa kanya. Kung totoo mang may mg̃a kamaliang nagawa ay totoo rin namang lalong marami ang tumpak na pinang̃atawanan.Diyan natapos ang dalawang taong pamamahala ni G. Angel de los Reyes na nagwagi sa tatlong halalang sunod-sunod sa pagka Pang̃ulo ng̃ Samahan.¡¡¡Panahon ang humatol sa magiging kapalaran ng̃ mg̃a samahang katulad ng̃ “Kami Naman”!!!HANGGATalaan ng NilalamanSA TUTUNGHAYPATALASTASPANGUNANG HAKA NI G. Rosendo S. CruzVSA MGA BITUIN NG “KAMI NAMAN”IXI.MGA PUSONG NAMANDAW NG KAPWA PUSO13II.HINDI NAPAWASTONG PAGTITIYAP27III.MGA HALIK NG PAGIROG35IV.MASIGASIG NA KILOS NI PASTOR53V.¡WALANG SALA! ¡ANG TAGUMPAY AY ATIN!61VI.ANG ARAW NI LOLENG67VII.ANG PAGKAKATAONG LALONG MASAKLAP90VIII.MGA NALUGMOK SA LIWANAG NG BUWAN96IX.BALIW NA NAGSASABI NG KATOTOHANAN104X.SA LAOT NG HAPIS113KoloponMga Maaaring GamitThis eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of theProject Gutenberg Licenseincluded with this eBook or online atwww.gutenberg.org.This eBook is produced by the Online Distributed Proofreading Team atwww.pgdp.net.Agawan ng Dangalis a Tagalog romance novel published by a socio-civic youth organization called Kami Naman. Aside from the novel, this book contains a section on the history of Kami Naman.In the novel, Beteng, a rich young man, is a suitor of a beautiful maiden named Dolores (Loleng). Artemyo acts as Beteng’s “bridge,” serenading Loleng to win Beteng her affection. Unfortunately for Beteng, Loleng falls for Artemyo instead. Beteng is hurt by Loleng’s rejection and sets out to tarnish Artemyo’s reputation, or rob him of honor (agawan siya ng dangal).Pagkaka-enkowdScans of this work are available from the Internet Archive (copy1).Tala ng mga Ginawang Pagbabago2011-02-01 Started.Mga Di-Nakapaloob na ReperensiyaAng elektronikong aklat na ito ng Proyektong Gutenberg ay may mga reperensiyang hindi nakapaloob. Ang mga link para sa mga ito ay maaaring hindi gumana.Mga PagwawastoAng mga sumusunod ay ang mga pagwawastong ginawa sa teksto:PahinaOrihinalPagwawastoVIng̃niVIIsarilesariliVIIIsuliraninsuliraningVIIIbagaybaga’yXAGAWANGAGAWAN15ang̃ang16doorondoroon19,69,77—21,30,30,123[Wala sa orihinal]¡22mahinhinmahinhing23áyonayon24ginagitna36,49,51,52,67,68,110,3ngng̃37pinakikibang̃anpinakikinabang̃an40isasadisasaad40Luming̃osLuming̃on53,78,91,98[Wala sa orihinal]—53kanyang̃kanyang54,59,123,N.A.[Wala sa orihinal].55namangnaman70ning̃78[Wala sa orihinal]¿81habanhabang83HumakbanHumakbang83waláwala84kaawawakaawaawa84nisi88Bala na’yBalana’y100sa sasa105na nana107kanilang̃kanilang112ItangisItang̃is121NGNG̃122hangalhang̃al123ngang̃a124saansaang125hanggahanggang125mgamg̃a126[Wala sa orihinal],126hinahang̃aanhinahang̃aang127binigyangbinigyan128magbibinhinagbibinhi129IlangIlan129nasana sa130JairesJaurès130kong ng̃ako ng̃ang131nakikitanakikilala131[Wala sa orihinal][...]132bayangbayan134magandangmaayos naN.A.NGÑG5,22ng̃ang10nakapunapunana kapunapuna12:;14NamsnNaman18KAMI-NAMANKAMI NAMAN20iayay20isagisang20sapagtitipidsa pagtitipid21dingdin21.,
Original Title Page.AKLATAN ÑG “KAMI NAMAN”BAKAS ÑG SAMAHANÓ ANG UNANGBAHAGI ÑG KASAYSAYAN ÑG“KAMI NAMAN”(SAMAHAN ÑG MAHIHIRAP)SAPUL SA PAGKATATAG HANGGANG SA WAKAS ÑG PAMAMAHALA NI G. A. DE LOS REYESSINULAT NIBb. GORGONIA DE LEONIKA APAT NA AKLAT ÑG AKLATAN ÑGKAMI NAMANLUPON NG MGA MANUNULAT(1915)AKLATAN ÑG “KAMI NAMAN” 1045, DAANG ANAKÑGBAYAN (Dating “CREMATORIO”), PAKO, MAYNILA, K. P.PAUNAWAAng aklat na ito ay nilimbag sa dalawang ayos: nilimbag na kalakip ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” at nilimbag na may sariling balat ó takip. Sino mang magnais na magkaroon ay makabibili sa mg̃a bilihan ng̃ aklat dito sa Maynila, sa halagang isang peseta (₱0.20). Ang mg̃a na sa lalawigan ay makapagbibilin sa Aklatan ng̃ “Kami Naman” sa halagang kahati (₱0.25).Ipalilimbag din ang pang̃alawang bahagi at magtataglay ng̃ mg̃a larawan; gaya ng̃ larawan ni G. Apolonio Umping, G. Paulino Centeno, at iba pang may halaga sa “Kami Naman”.G. Francisco V. DizonG. Francisco V. DizonAng nagtatag ng̃ “Kami Naman” at nagíng unang Pang̃ulo ng̃ Samahang ito.(Tunghayan ang dahong ika 3)BAKAS ÑG SAMAHANO ANG UNANG BAHAGI ÑG KASAYSAYAN ÑG“KAMI NAMAN”(SAMAHAN ÑG MAHIHIRAP)SAPUL SA PAGKATATAG HANGGANG SA WAKAS ÑG PAÑGUÑGULO NI G. ANGEL DE LOS REYES.Sinulat ni Bb. Gorgonia de Leon.Noon ay ika 25 ng̃ Agosto ng̃ 1912. Sa umagang yaon ay isang panahong tagulan ang nagisnan ng̃ mg̃a taga Pako. Ang liwanag ng̃ ilaw ng̃ sangdaigdig ay di mang makagitaw sa makapal na ulap sa pang̃onorin. Nabigo ang mg̃a ibong sa tuwing umaga’y nagpupuri sa bagong liwayway. Walang nasisiyahan sa mg̃a sandaling yaon kung hindi ang mg̃a bulaklak na nagpapakasawa sa ulang hindi tumitila. Noon nasiyahan ang kanilang uhaw. ¿Ilan kayang puso’t kalulwa ang sumusumpa noon sa panahon dahil sa pagkapinsala ng̃ kanilang tipan?Datapwa’t nagmasung̃it man noon ang panahon, ay may isang binatang nagtatanghal ng̃ kanyang kagiting̃an. Siya ay si G. Francisco V. Dizon, kawal ng̃ bagong kabihasnan. Siya ang lalong nagsikap na magsabog ng̃ liwanag ng̃ araw ng̃ sigla ng̃ kabataan sa nayonng̃Sapote sa Pako. Ang ulan ay di niya ikinabalino,bagkus sa pamamagitan ng̃ isang payong ay isa isang sinusundo ang kanyang mg̃a kaibigan upang magtulongtulong sa pagbalangkas ng̃ isang Samahan. Ano pa’t walang alinlang̃ang dapat sabihin na utang sa kanya ang kilusang yaon ng̃ kabataan.Sa isang tahanan sa nayon ng̃ Sapote, Pako, Maynila, ay doon nagkatipon ang ilang magkakapanalig. At sa pang̃ung̃ulo ng̃a ni G. Dizon, ay sumipot sa silong ng̃ lang̃it ng̃ Pilipinas ang isang bigkis ng̃ kabataang pilipino. Sa mungkahi ni G. Luciano Suarez ay bininyagan ng̃ “Kabataang Sikat”. At, palibhasa’y pawang tinitibukan ng̃ isang pusong uhaw sa dunong at aliw, ang mg̃a nagkakatipong yaon, ay «magpalakas at magpatalino» ang pinagsaligan ng̃ pagkabuo ng̃ Samahan. Aralan ang mg̃a pinagkaitan ng̃ ilaw ng̃ dunong at aliwin ang mg̃a ulila sa ligaya, iyan ang tang̃ing layon. At sa gayon ay nayari ang balak ni G. Dizon. Dapat alalahaning kinabukasan ng̃ araw na yaon, ay siyang ika 26 ng̃ Agosto, araw na napakaningning sa dahon ng̃ kasaysayan ng̃ Pilipinas, sapagka’t siyang araw ng̃ unang pagsigaw ng̃ kalayaan ng̃ bayang api ng̃ kapwa bayan.G. Amado Jacinto.G. Amado Jacinto.Naging Pang̃ulo ng̃ Samahang “Mapagsikap” sa Malabon, Rizal(Tunghayan ang dahong ika 19)Nang sumunód na Linggo, unang araw ng̃ Septiyembre, ay nagpulong na muli ang mg̃a nagsisigasig sa pagbang̃on ng̃ “Kabataang Sikat”. Sa mungkahi ni G.Angel de los Reyes, ay binago ang pamagat at pinalitán ng̃ “Kami Naman”. “Kami Naman” ang ipinamagat, sapagka’t sa ibabaw ng̃ kalansay ng̃ mg̃a samahang nabuwag na, ang ibig sabihin ay “Kami namanang magtutuloy ng̃ layong itaguyod ang buhay ng̃ mahihirap sa tugatog ng̃ dang̃al”....Katulad din ng̃ ibang mg̃a Samahan at Kapisanan ay inabot ng̃ sakit naning̃as-kugonang “Kami Naman”. Salamat sa ilang matatalinong manggagamot at ang sakit ay naihanap din ng̃ lunas. Baga man ang “Kami Naman” noon ay para ng̃ bangkay na malamig, dahil sa pagpapabaya ng̃ ilan, ay muling sumigla. At noong ika 19 ng̃ Oktubre ng̃ taong 1912 rin, ay nagbitiw ng̃ tungkulin si G. Francisco V. Dizon at si G. Angel de los Reyes ang napahalili, na naging Pang̃ulo ng̃ Samahan.Ang bagong pang̃asiwaan ay nagpahayag noon din ng bagong palakad at binago na patianglayon ng̃ “Kami Naman”. Boong puso namang pinagtibay ng̃ lahat at sinalubong ng̃ magiliw na palakpakan.Ang mapanglaw na daing ng̃ mahirap, ang malungkot na taghoy ng̃ api, ang malumbay na hibik ng̃ mahina, iyan, iyan ang nagbukas ng̃ bagong isipan sa puso at diwa ng̃ bagong Pang̃ulo. Binago ng̃a ang dating saligan ng̃ Samahan. Ang layongmagliwaliwatmagpatalinoay dinagdagan ng̃pagdadamayan. Sagayon, ay hindi pawang kabataan lamang ang yumakap sa “Kami Naman”, kung hindi sampu ng̃ may mg̃a gulang na ay nakitulong.“Buhayin ang naghihingng̃along pagkakapatiran” ang naging saligan na ng̃ “Kami Naman”. At ang naging pananalig ay “Ang hirap ay bung̃a ng̃ kapabayaan, at na sa tiyagá ang pagtatagumpay”.Kapalaran mandin ang siyang sumubaybay sa bagong pang̃asiwaan at ng̃ sumunod na Sabado ng̃ pagkahalal sa kanila ay nagtanyag na ng̃ kanilang di karaniwang lakas at magagawa. Sa bahay paaralan sa daang Dart, Pako, ay ginanap ang pagtatanghal ng̃ Samahan. Sa lamayang yaon ay may apat na raang tao ang dumaló. Ilang matatalino at litaw na mananalumpati ang nagpaningning sa pagdiriwang. (Ang buong tala ng̃ kasayahang yaon ay matutunghayan sa pang̃alawang aklat ng̃ Aklatang “Kami Naman” naTuntunin ng̃ Pulong.)G. Aurelio TolentinoG. Aurelio TolentinoBantog na mandudula, matalinong manunulat at matapang na mamamahayag. Sa larang̃an ng̃ pananagalog ay kinikilalang isa sa mg̃a may mataas na uri at may tang̃ing pananalaysay. Siya ang kumatha ng̃ dulang “Bagong Kristo” na nagtamo ng̃ isang gantingpalang panulat na ginto. Siya rin ang lumikha ng̃ bantog na dulang “Kahapon, Ng̃ayon at Bukas”; dahil sa kagiting̃an ng̃ dulang ito ay piniit siya ng̃ Pamahalaang Amerikano. Siya ang sumasagot kung ano ang unang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”.(Tunghayan ang dahong ika 19)Dahil sa bagyong nanalanta sa Sebú noong Oktubre ng̃ 1912, ang “Kami Naman” ay nagsimula ng̃ pakikisama sa bayan. Binahaybahay na tinawagan ang maawaing pusó ng̃ pilipino sa Sapote, at lumikom ng̃ isang halagang iniabuloy sa mg̃a nasawi. At dahil sa pagkamatay ng̃ ilang angkan ng̃ mg̃a kanayon na kapwa anak-dalita, ay dumulog na naman ang “Kami Naman” sa bahaybahay upangabuluyan ang kapatid na dinatnan ng̃ palad. Dapat talastasing ang mg̃a unang inabuluyan ng̃ “Kami Naman” ay mg̃a taong ni ayaw man lamang makiyakap sa Samahang ito.Sa ikapapaanyo ng̃ damayan ay bumalangkas ng̃ mg̃a batas na susundin ng̃ magkakapatid; at mula ng̃ unang araw ng̃ Disyembre ng̃ 1912 ay nagsimula sa pag-iral. Marami rin ang mg̃a namatay at namatayang mg̃a kapatid. Sa malinis at maselan na pang̃ang̃asiwa ng̃ Ing̃atyamang si G. Dario Malonzo, lahat ay pawang tumanggap ng̃ abuloy na nararapat. Walang nabinbin sa kanyang karapatan, bagkus ang lahat ay pawang nagtamo ng̃ nauukol sa kanila sa lalong madaling panahon.Dumatal ang ika 30 ng̃ Disyembre ng̃ 1912, araw na ipinang̃ing̃ilin ng̃ lahat ng̃ pilipino. Ang “Kami Naman” at ang nayong Sapote ay nagtuwang sa pagbubunyi sa lalong dakilang taga Silang̃an. Nagdaos ng̃ isang dulang hayag, nagkaroon ng̃ tugtugan, nagilaw ang boong nayon at nagtayo ng̃ mg̃a arko. Ang lalong kapunapuna ay ang pagiisa ng̃ nayon na pawang parol ng̃ “Kami Naman” ang ginamit. At natapos sa ganap na kasyahang loob ng̃ lahat. Ang salaping lumabis sa pagdiriwang ay inihandog sa “Kami Naman” ng̃ kapulung̃an ng̃ nayon, na parang ganting pala sa maayos na pang̃ang̃asiwa sa pagdiriwang.Sumunod na ibinunsod ng̃ Samahan ay ang balak ni G. Marcelino Dizon na lumikom ng̃ isang kusang ambagan upang ibili ng̃ kasangkapang pang-apula ng̃ sunog. Nakatagpo ang balak na ito ng̃ mg̃a balakid at binaka ng̃ ilang di nasisiyahan. Gayon man ay pinang̃atawanan din ng̃ Samahan at nakabili rin ng̃ mg̃a palakol at timba na magagamit karakaraka sa isang simula ng̃ sunog. Hanggang ng̃ayon ay nakatanghal at nakahanda ang mg̃a kasangkapang ito sa nayong Sapote.Ang munisipyo ng̃ Maynila ay siya namang hinarap ng̃ “Kami Naman”. Sunodsunod na daing at kahiling̃an ang iniharap upang ang nayong kinatatayuan ng̃ Samahan ay ipaayos. Pinilit na maglagay man lamang ng̃ gripo, sapagka’t noon ay nagkakahalaga ng̃ anim ó limang sentimos ang bawa’t dalawang timba ng̃ inumin sa pook na yaon. Bihirang linggo ang walang panawagan sa pitak ng̃ pahayagan sa Maynila. At humangga sa paglalagay ng̃a ng̃ gripo at pagtatakda ng̃ pamahalaan ng̃ apat na libong piso sa ikaaayos ng̃ nayon. Ito ang lalong malaking tagumpay na tinamo ng̃ “Kami Naman”.Upang iligtas sa sakit ang mg̃a kanayon dahil sa malabis na paglulusak sa pook ng̃ Sapote, ang “Kami Naman” ay nagtayo ng̃ mg̃a tulayang kawayan sa tulong ng̃ nayon.G. Honorato H. de LaraG. Honorato H. de Lara(Tunghayan ang dahong ika 21)Nang hakutin ng̃ mg̃a sanitaryo ang mg̃a kawani sa Limbagan ng̃ Pamahalaan at kulung̃in sa Pagamutang San Lasaro, dahil sa mikrobyo ng̃ dipterya, ang “Kami Naman” ay siyang tang̃i at kusang umabuloy sa mg̃a napinsalaang yaon. Wala ni isang kasapi sa “Kami Naman” na napalahok doon, datapwa’t ginawa ang pagdamay sa paniniwalang magkakapatid na lahat ang mahirap. At ito’y tinugon ng̃ di gagaanong pasalamat ng̃ mg̃a dinamayan. Noon ay Marzo ng̃ 1913.Sa gayong mg̃a ipinakisama ng̃ “Kami Naman” sa bayan ay marahang sumusung̃aw ang kanyang kabantugan. At lalo pang nabantog siya pagkatapos ipagbunyi ang ika isang taong buhay ng̃ Samahan. Paano’y dalawang araw na ginawa ang kasayahan: ika 13 at ika 14 ng̃ Septiyembre ng̃ 1913. Nagbukas ng̃ timpalak ng mg̃a dula at gilasan ng̃ artista, na siyang kaunaunahang timpalak na may ganitong uri na idinaos sa sangkapuluang Pilipinas. Nagdaos pa ng̃ isang misang alaala sa lahat ng̃ mg̃a kasaping nang̃amatay sa ilalim ng̃ watawat ng̃ “Kami Naman”. Nagkaroon ng̃ binyag at kumpil at maghapong mg̃a palaro. Ang nabantog na banda ng̃ Meralko ay siyang tumugtog. At tinapos ang kasayahan sa isang magiliw na salosalong kapatid. Alinsunod sa mg̃a pahayagan dito sa Maynila ay mahigit na apat na libongtao ang dumalo sa mg̃a pagdiriwang na yaon. Dapat namang magkatotoo, pagka’t may mg̃a nagtayo pa ng̃ mg̃a tindahan at lahat halos ng̃ tahanan sa Sapote ay may kanikanyang handa. Ano pa’t ang pagdiriwang ng̃ “Kami Naman” ay naging parang pista ng̃ nayon. Sapul na noon ang “Kami Naman” ay nabantog na ng̃ gayon na lamang at ang lalong nakatawag sa diwa ng̃ marami ay ang mg̃a kartelong nagsabit sa trambiya na nagbansag ng̃ kasiglahang ipamamalas ng̃ “Kami Naman”.Ang isa pa sa mg̃a pagdiriwang ng̃ Samahang ito na hinang̃aan din ng̃ madla ay ang pagtatanghal ng̃ mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman”. Ginanap noong ika 21 ng̃ Disyembre ng̃ 1913, sa Dulaang Angel sa Singalong. Mahigit sa tatlong libong tao ang nanood. At noon ay minsan pang itinampok ang mayamang uri ng̃ mg̃a babaing pilipina.G. Rosendo S. CruzG. Rosendo S. CruzKumatha ng̃ “Tuntunin ng̃ Pulong” na ikalawang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dakong ika 19)Sa mg̃a pamamahayag ng̃ bayan ang “Kami Naman” ay palaging nakikilahok; ng̃uni’t pakikilahok na di sa gayongayon na lamang, kung hindi pakikilahokna kapunapuna; yaong nakapagpaparing̃al at umaani ng̃ papuri. Kung walang karrosa ang “Kami Naman” ay nakalulan naman sa sasakyan ang kanyang mg̃a kinatawan. Datapwa’t hindi sa iisang sasakyan lamang kung hindi sa pito o labing apat kaya. At sa loob ng̃ dalawang taon ay labing dalawang ganting pala angtinamo ng̃ “Kami Naman”. ¿Ano pang sigla ang hahanapin? ¿Ano pang kilos ang magagawa? Wala na. Hanggan diyan na lamang talaga ang isang samahan.Kasabay ang pagsisigasig na magtamo ng̃ lalo at lalong karang̃alan, ang “Kami Naman” ay nagpapakatatag sa kanyang tayo. Inakala ng̃ Pangulong De los Reyes na ang pagkakaibaiba ng̃ hilig ng̃ mg̃a kasapi ay dapat tapatan ng̃ kanikanyang ikasisiyang loob. Dahil dito ay binahagi niya ang “Kami Naman” sa iba’t ibang Lupon na may kanikanyang uri, layon, pananalapi, at mg̃a kaanib.Ang unang Lupon ay ang Damayan. Magabuloy sa namatay o namatayang kasapi ang layon. Lupon sa Kalakal ang pang̃alawa at nagsimula ng̃ pagkilos noong Pebrero ng̃ 1913. Disyembre ng̃ 1913 itinatag ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin na binubuo ng̃ pawang mapanghalinang binibini. Sila ay mg̃a kasaping pangdang̃al sa “Kami Naman”. Disyembre ring yaon ng̃ itatag ang Lupon sa Pagpapalakas. Bago sumipot ang masikap at masiglang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat.Lahat ng̃ lupon na ito ay nagtanghal ng̃ kanikanyang lakas at magagawa. Bawa’t isa’y naghandog ng̃ matatayog na papuri sa boong Samahan. At sa lubos na paghang̃a ng̃ isang kasapi sa “Ilog Beata” sa kakisigan ng̃ “Kami Naman” ay tinula niya ang kasunod:G. Ramon S. TorresG. Ramon S. TorresKalihim Tagapahayag ng̃ Samahan ng̃ mg̃a mananagalog na “Ilog Beata” at tumula ng̃ tulang “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 12)“KAMI NAMAN”Bayang inaapi, ako’y nananaligna ang bawa’t sikat ng araw sa lang̃it,taglay ang tinig mong malungkot na tinig.At iya’y hindi ko matalos kung bakitikaw’y lumuluha, ikaw’y tumatang̃isgayong may lakas ka’t may Bayaning Bisig.Subali’t hintay ka;aking ibubuhayang isang alagad na dapat asahan.Luming̃on ka roon, sa dakong Timuganat mamamalas mong na nawawagaywayang isang Bandilang kapitapitaganng kilala’t bantog na ang KAMI NAMAN.Yao’y Kapisanang sagana sa lahat,sagana sa dunong, sagana sa lakasat hindi marunong matakot sa tawagng kanyang kalabang mayaman sa gilas,pagka’t alam niya’t kanyang natatatapna ang Mundong ito’y Mundo ng̃ pang̃arap.Isang Kapisanang ang bawa’t kasapiay may siglang taglay na kahilihili:isang Kapisanang ang hakbang ay lagingtung̃o sa pagsulong, tung̃o sa lwalhati:sapagka’t ang kanyang darakilang Mithi’yitanggol ang api: matwid ay maghari.Yao’y binubuu ng dukha’t mayamanng mangmang at paham, bata at may gulang,sapagka’t ang kanyang isang patakaranna salig sa loob noong Kapisanan,ang dukha’y ibang̃on, ang aba’y tulung̃an,wala ni mataas; pawang pantaypantay.At, ito’y tulain ng̃ mg̃a makata,dakila sa lalong Samahang dakila,maningning sa lalong maningning na tala;at sapagka’t ito’y butihing diwata,ako, ikaw, sila, ang lahat na’y pawanamang gumigiliw at nagsisihang̃a.KayFrancisco Dizondapat kilalaninang pagkakatatag ng̃ napakagitingna Samahang yaong may tang̃ing layunin:siya ang pumukaw, siya ang gumisingsa nang̃atutulog na mga damdamingna nang̃alalang̃o sa pagkakahimbing.Angel de los Reyes: iyan ang pamagatng kanyang pang̃ulo nang ito’y matanyag;Rosendo S. Cruz:isa ring masikap;Yaman na ang Bayan sa gitna ng gubatay hindi nagtamo ng magandang paladkung kaya nangyaring yao’y itinatag.Hindi ba’t ang taong likha ni Bathalaay taglay sa kanyang pagsipot sa lupaang mga Tuntuni’t Batas ng Paglaya?Kung ito’y totoo: ¿bakit lumuluhatayong naririto? Pang̃arap ng̃a yatalamang ang umasa’t maghintay sa wala.Hindi lamang yoon para sa lalakikung hindi laan din sa mga babai:naron siPascuala Pintorna may iwingng̃iti na ang bawa’t ng̃iti ay pagkasi;naron siConchita; at isa pang saksi,siAnitanglaging dinidilidili.Nang̃agsapisapi ang mga binata,ang kadalagaha’y humalo sa hakana ang Lang̃it nati’y itanghal, ipala,sapagka’t ang ating darakilang nasa’yibang̃on ang bayan nating lumuluha’thumarap sa lalong malakas sa lupa.Oo nga at tunay na dito’y nagkalatang mga Samaha’t Kapisanang tanyagsubali’t tulutang aking maisaadna ang KAMI NAMAN Samahang mahirap,sa matuling agos ng luha ng palad,ay ito ang siyang darampi, huhugas.Ramon S. TorresTaga “Ilog-Beata”.Tundo, Maynila, K. P.Sa likod ng̃ mg̃a papuring ito sa “Kami Naman” ay mayroon namang mg̃a naiinis sa di maalamang sanhi. Aywan kung anong suliranin ang nagbubuyo at ang mg̃a ito ay nagpapakaimbi sa pagwawasak ng̃ Samahan. Kinakalaban ang sariling damdamin, niyuyurakan ang sariling dang̃al, at binubulag ang sariling paning̃in. Hindi pa man ipinang̃ang̃anak ang “Kami Naman” ay binanta ng̃ lasunin. Sa kanila ang lahat ng̃ kilos ng̃ “KamiNaman” ay pawang hindi matwid. Salamat sa pusong matimpi ng̃ Pang̃ulong De los Reyes at di man siya natukso. Salamat din sa kalamigang loob ng̃ mg̃a kasapi at di man sila nabalino. Talagang gayon: ang tao habang natatanyag ay lalong dumadami ang kaaway. At ang Samahan upang mabuhay kung minsa’y dapat magkaroon ng̃ mg̃a kalaban.G. Sofronio G. CalderonG. Sofronio G. CalderonGuro ng Wikang Tagalog sa Young Men’s Christian Association at isa sa mg̃a humahang̃a sa “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 17)Kung paanong sa kasaysayan ng̃ Pilipinas ay may isangsiglo oscuroo isang daang taong madilim, ang “Kami Naman”ay nagkaroon din. Dahil sa katapang̃an ng̃ isang kalulwa at dahil sa pagkatupad ng̃ wikang ang pagtitiwala’y nakamamatay, ay nagkaroon ng̃ isang maaling̃awng̃aw na usapin ang mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Dapat malamang ang usapin ay sa ilang tao lamang at di ng̃ boong Samahan. Ang Pang̃ulo at ang Ing̃atyaman ay kapuwa inupasalaang umano’y mg̃a magnanakaw. Hinubaran ng̃ puri at tinanghal na mg̃a magdaraya. Hindi na kinilala ang pagkatao ng̃ mg̃a nagbintang at pinagbibintang̃an. Hindi na siniyasat ang kasaysayan ng̃ isa’t isa. ¡Kay taas na ganting pala sa nagpapakamatay sa pagtataguyod ng̃ isang Samahan! Sa gayo’y umawit ng̃ tagumpay ang mg̃a sumasamantala sa sigalot. Ang pagkatagpo nila ng̃ babaing lumabag sa kanyang kahinhinan ay siyang nagpatibay sa paguusig na ito. Ng̃uni’t sa pitak ng̃ mg̃a pahayagan ay tahasang inilahad ni G. De los Reyes, ang boong nangyari. At sa likod ng̃ sigalot na ito ang mg̃a umusig din ang nagpapahayag na batid nilang walang salaping nawawala. Ano pa’t paghihiganti o pagkainis lamang ang kanilang ginawa. Matapat na awa ang dapat iyukol sa namamatay sa pagtupad sa kanyang pananalig....Ipalagay ng̃ ang Pang̃ulong De los Reyes at ang Ing̃atyamang Malonzo, ay nagkasala; bulagin na natin ang ating dang̃al at bing̃ihin na natin ang atingdamdamin; aminin ng̃ sila’y nagkamali: ¿ano ng̃ayon? ¿Anong kapinsalaan mayroon sa Samahan? ¿Ang G. De los Reyes ba at ang G. Malonzo ang “Kami Naman”? ¿Sila bang dalawa ang bumubuo ng̃ Samahan? ¡Hindi! ¡Hindi! At ang sumamba sa gayon ay walang pagsampataya sa kanyang dang̃al....Upang pabulaanan pa ang kumalat na balita, na ang “Kami Naman” ay naligalig, ay na ito naman ang bahagi ng̃ ilang salaysay ni G. De los Reyes:“....Sa isang Samahang na walang tumitiwalag ni itinitiwalag na kaanib, ang Samahang iyan ay buo, matatag, at buhay. Iyan ay pinaghaharian ng kapayapaan at sapupo ng lalong matamis, dalisay, at matimyas na pagkakapatiran....”Palibhasa’y lubos ang pagtitiwala ng̃ mg̃a kaanib sa “Kami Naman” sa kanilang Pang̃ulo at Ing̃atyaman ang Samahan ay di mang naligalig sa sigalot na nangyari sa mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Bagkus lalong nagibayo ang sikap at sigla. At upang lalong mapaayos ang Damayan ay itinigil ng̃ may dalawang buwan. Ang Damayan lamang ang itinigil dahil sa pagbibitiw ng̃ tungkulin ni G. De los Reyes. Pagkatapos ayusin ay naghahalili ng̃ Pamahalaan ng̃ Samahan. Ano pa’t malaking kabulaanan ang ipinamamansag ng̃ iba na nalansag na raw ang “Kami Naman”. Hindi, hindi nalalansag. Hayan at kumilos ng̃ boongsigla at boong ningning. Gaya rin ng̃ dati ay nakatayo pa ang kanyang mg̃a haligi.Bb. Fausta CortesBb. Fausta CortesPang̃ulo ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat at siyang kumatha ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” na ikatlong aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 21)Sa kabantugan ng̃ “Kami Naman” ay malaki ang naitutulong ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Nagbukas ito ng̃ isang aklatan sa kapakinabang̃an ng̃ lahat. Kasapi at hindi sa “Kami Naman” ay binibigyan ng̃ laya. Doon ay sarisaring pahayagan at iba’t ibang aklat ang nagaantabay sa kahi’t kanino.Bukod sa pagsisikap ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” na makapagpalabas ng̃ mg̃a akda, ay naguukol din ng̃ panahon sa paglilinang ng̃ wikang tagalog. Ang katotohana’y napalaban na sila sa tanyag naAklatang Barusog. Ang mg̃a taga “Kami Naman” ay ayaw gumalang sa pagpatay ng̃ N sa piling ng̃ G̃. Ano pa’t hindi sila kaayon samodangang ANG ay isulat ng̃ AG̃ (pinatay ang N). Ang mg̃a tagaAklatang Barusogay nagtanggol naman sa kabilang panig.Sa mg̃a ikinilos na ito ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” ay kinilala ni G. Sofronio G. Calderon ang kanilang pagsusumakit. At na ito ang isa niyang lathala na tumutukoy sa:KAPAKANAN ÑG WIKANG TAGALOGIto ng̃ang wikang Tagalog, itong wika nina Solima’t Lakandula, nila Balagtas at Pilapil, nila Rizal na ng̃ayo’y kasalukuyang pinagmamasakitanngAklatangKAMI NAMAN,ay hindi lihim, at sa katunayan ay nariyan ang lagda ng mga bantog na mananalaysay na kumilala ng kasakdalan ng wikang ito, palibhasa’y ang wikang Tagalog ay isang wikang may sariling likas, may sariling ganda, may sariling yaman at isang wikang maipagbabadiya ng tanang saloobin at damdaming sumasapuso’t ísip ng tao; anopa’t sa katagang sabi, itong wikang Tagalog na ating kinamulatan, nilakhan at pinaka kaluluwa ng ating bayan ay may dakilang kapakanan ayon sa pagkakaakma’t pagkakabalangkas sa isang paraang tumpak at kagilagilalas.Sofronio G. Calderón.Dahil sa talino ng̃ isa sa mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman” ang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ay nagkamit ng̃ karang̃alang sa “Kami Naman” nanggaling ang ikatlo sa mg̃a babaing pilipina na kumatha ng̃ kasaysayan. Iyan ay si Bb. Pascuala Pintor na sumulat ng̃ nobelang “Tagumpay ng̃ Api”, na siyang unang aklat na pinalabas ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Kung ¿ano ang “Tagumpay ng̃ Api”? ang isang liham ni G. Aurelio Tolentino ang dapat sumagot:“Bb. Pascuala Pintor.“Mahal na binibini:“Tinanggap ko po at pinasasalamatan ang mahalagang handog ninyo sa akin, isang salin ng inyong matalinong nobelang “Tagumpay ng Apí”.“Kulang ang lahat ng papuring kaya kong sabihin, upang tumbasan ang hiwagang sarap ng aklat na nabanggit. Bukod sa talagang maykalugodlugod na ganda sa pagkakahanay ng mga salitang bihis ng kanyang mayayamang isipan, ay naghahandog pa sa damdamin ng ulirang buhay na gaya ng kay Teban, aralan gaya ng kay Titay at katarungang gaya ng kay Mameng at kay Leon.“Palibhasa’y marami na ang mga nobelang Tagalog; dahil sa mga mahahalaga rin naman ay maitutulad sa isang kuwintas na gintong sinasagisag ng bagong buhay. Ang “Tagumpay ng Apí”, ngayong mapakituhog sa kuwintas na iyan, ay naging pinakamaluningning na «relicariong» tinampakan ng makikinang na batong diamante, at may mahal na laman sa loob, ang buhay na larawan ng kabaitang nagtagumpay sa dagok ng kapaslangang binigti ng katarungan ng sariling damdamin.“Naghihintay pagutusan ang talisuyo nilang si“Aurelio Tolentino.“Maynila, ika 30 ng Junio ng 1914.”Sumunod na pinalabas ng̃ mg̃a manunulat ng̃ “Kami Naman” ang aklat ni G. Rosendo S. Cruz. “Tuntunin ng̃ Pulong” ang pamagat at gaya rin ng̃ “Tagumpay ng̃ Api” ay nagtamo ng̃ mg̃a bati at papuri. Isa na rito ang kalatas ng̃ isang taga Malabon, Rizal, na si G. Amado Jacinto. Aniya’y“Malabon, Rizal, S. P.“Ika 30 ng Okt., 1914.“G. Rosendo S. Cruz.“Mahal na kaibigan: Tinanggap ko ang isang salin ng iyong mahalaga at munting aklat na ang pamagat ay “Tuntunin ng Pulong”, at ako’y nagpapasalamat ng marami.“Rosendo, ang iyong aklat, sa ganang sarili ko, ay dapat mong ipagkapuri. ¿At bakit? Sapagka’tsa aklat mong itong maliit at mura lamangaymayroon kang isang dakilang bagay na matuturo. At ito’y ang pagpapakilala mo sa iba, na ang kahalagahan ng isang katha’y wala sa kapal at sa laki, kundi nasauriat saka salayon:uringsiyang bilang pinakapagaari ng isang aklat, atlayonnamang siyang tunay na ariariang kinapapalamnan ng dañgal ng isang kumatha.“Anguringtinutukoy ko rito ñgayon ay hindi ang tungkol sa kalinisan o karumham ngliteratura, kundi ang kungnakapagtuturoohindi nakapagtuturo; at ang sa layon nama’y kungmabutiohíndi, samakatuwid ay kung angpakinabañgano makinabang lamang.“Kapag ang isang aklat ñga’y may uring nakapagtuturo at may mabuting layon, para sa akin ay sukat na, upang kalugdan kong basahin at hanggang sa purihin pa pati ng kumatha.“¡At lalo pa marahil, kung ang kumathang iya’y isang kaibigang katulad mo! ¿Hindi ba?“Tungkol sa pagbabasa ng mga aklat ay aking maipagtatapat sa iyong ako ñga’y mayroon ng kakaibang panglasa kay sa dati, at ang sabi ko’y ganito, sapagka’t hindi na ako nalulugod ñgayon sa mga Felipe Trigo at Eduardo Zamacois, diyan sa mga mapaglarawan at mapaglikha ng mga kuwadrong nakapagpapagalaw ng laman at nakapagpapakalam ng balat, na sa mahinang loob ay sapat makapagdulot ngisangmasidhing pagkakilití; kundi doon na unti-unting nawiwili ang aking loob sa mga Heberto Spencer at Samanuel Smiles, sa mga Noé Porter at Tomas Stanley.“At dahil sa ganitong pagbabago ng aking hilig, ay huwag ilalaki ng iyong loob na ipalagay at sabihing kong ang aklat mo’y lalo pang kapuri-puri kay sa di iisa’t dadalawang naghahalaga riyan ng 40 at 50sentimos, sa pagka’t ang iyo’y nakatutulongsa pagtitipidng panahon ng mga samahan kung sila’y may pinagpupuluñgan, samantalang ang mga yao’y pawangmgaawitding mistula ng nakalipas na panahon natin,ibañga lamang angpañgalan,anyoatbihis; dapuwa’y sing-isa ring walang nagagawa kundi ang magparami ng mga pañgahas, pilyo, at palalo.“Iyan ang mga sanhi, kung kaya’t baga man may kulang at di mo binuó ang “Tuntunin ng Pulong” na iyong sinulat, ay hinahandugandinkita ng isang maligayang bati, na kasabay ng pakikikamay ko’y tanggapin mo rito sa tapat,at natatalaga mong kaibigan.(May lagda.) “Amado Jacinto.”Ang ikatlong aklat na ipinalimbag ay ang “Agawan ng̃ Dang̃al” na akda naman ni Bb. Fausta Cortes. Ang nagpanukala’t nagtatag ng̃ mg̃a balitang “Ilaw at Panitik”, “Aklatang Barusog” (mg̃a Samahan ng̃ mg̃a manunulat na tagalog) at “Hijos del Siglo” na si G. Honorato H. de Lara ay siyang nagpakilala sa madla kung ano ang “Agawan ng̃ Dang̃al”.Isangligang̃indoor base ballang itinanyag naman ng̃ Lupon sa Pagpapalakas. AngbituingConcepcion Magallanes ay siyang naghagis ng̃ unang pukol ng̃ bola. Limangteamang lumaro at ito’y ang “Marte”, “Katubusan”, “Sinag Kapuluan”, “Makabayan”, at “Kami Naman”. Ang “Marte” ang nagtamo ng̃ tang̃ing gantingpala.Ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin ay kalabisan ng̃ sabihin pa kung ano ang nagawa at ginagawa. Sukat ang ipagtapat na utang sa mg̃a “bituing” ito, ang lahat ng̃ ikinilos ng̃ “Kami Naman”.Paano’y sila ang buhay at kalulwa ng̃ Samahan.Patuloy sa magiliw na pagdadamayan ang Lupon sa Damayan.Ng̃uni’tangLupon sa Kalakal ay napahimbing. Ang Lupon na ito lamang ang nagmintis. Gayon ma’y nakapagtayo rin ng̃ tindahan noong Febrero ng̃ 1913, baga man nabuhay ng̃ may anim na buwan lamang.Sa mg̃a kasiglahang ito ng̃ mg̃a lupon ng̃ “Kami Naman” ang Samahan ay palaging nakapagwawasiwas ng̃ watawat ng̃ tagumpay sa lahat ng̃ kanyang balak. At man sa tuwing bago siyang panukala, ang mg̃a pahayagan ay nang̃agsabing «Bagong maningning na dahon na naman ang mapaparagdag sa hinahang̃aang kasaysayan ng̃ “Kami Naman”.»At dapat namang dakilain ang “Kami Naman”, palibhasa’y isang samahang nakikipagkapatiran sa lahat, sampu sa mg̃a nagpapakaimbi sa pagpatay sa kanya. Kung totoo mang may mg̃a kamaliang nagawa ay totoo rin namang lalong marami ang tumpak na pinang̃atawanan.Diyan natapos ang dalawang taong pamamahala ni G. Angel de los Reyes na nagwagi sa tatlong halalang sunod-sunod sa pagka Pang̃ulo ng̃ Samahan.¡¡¡Panahon ang humatol sa magiging kapalaran ng̃ mg̃a samahang katulad ng̃ “Kami Naman”!!!HANGGATalaan ng NilalamanSA TUTUNGHAYPATALASTASPANGUNANG HAKA NI G. Rosendo S. CruzVSA MGA BITUIN NG “KAMI NAMAN”IXI.MGA PUSONG NAMANDAW NG KAPWA PUSO13II.HINDI NAPAWASTONG PAGTITIYAP27III.MGA HALIK NG PAGIROG35IV.MASIGASIG NA KILOS NI PASTOR53V.¡WALANG SALA! ¡ANG TAGUMPAY AY ATIN!61VI.ANG ARAW NI LOLENG67VII.ANG PAGKAKATAONG LALONG MASAKLAP90VIII.MGA NALUGMOK SA LIWANAG NG BUWAN96IX.BALIW NA NAGSASABI NG KATOTOHANAN104X.SA LAOT NG HAPIS113KoloponMga Maaaring GamitThis eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of theProject Gutenberg Licenseincluded with this eBook or online atwww.gutenberg.org.This eBook is produced by the Online Distributed Proofreading Team atwww.pgdp.net.Agawan ng Dangalis a Tagalog romance novel published by a socio-civic youth organization called Kami Naman. Aside from the novel, this book contains a section on the history of Kami Naman.In the novel, Beteng, a rich young man, is a suitor of a beautiful maiden named Dolores (Loleng). Artemyo acts as Beteng’s “bridge,” serenading Loleng to win Beteng her affection. Unfortunately for Beteng, Loleng falls for Artemyo instead. Beteng is hurt by Loleng’s rejection and sets out to tarnish Artemyo’s reputation, or rob him of honor (agawan siya ng dangal).Pagkaka-enkowdScans of this work are available from the Internet Archive (copy1).Tala ng mga Ginawang Pagbabago2011-02-01 Started.Mga Di-Nakapaloob na ReperensiyaAng elektronikong aklat na ito ng Proyektong Gutenberg ay may mga reperensiyang hindi nakapaloob. Ang mga link para sa mga ito ay maaaring hindi gumana.Mga PagwawastoAng mga sumusunod ay ang mga pagwawastong ginawa sa teksto:PahinaOrihinalPagwawastoVIng̃niVIIsarilesariliVIIIsuliraninsuliraningVIIIbagaybaga’yXAGAWANGAGAWAN15ang̃ang16doorondoroon19,69,77—21,30,30,123[Wala sa orihinal]¡22mahinhinmahinhing23áyonayon24ginagitna36,49,51,52,67,68,110,3ngng̃37pinakikibang̃anpinakikinabang̃an40isasadisasaad40Luming̃osLuming̃on53,78,91,98[Wala sa orihinal]—53kanyang̃kanyang54,59,123,N.A.[Wala sa orihinal].55namangnaman70ning̃78[Wala sa orihinal]¿81habanhabang83HumakbanHumakbang83waláwala84kaawawakaawaawa84nisi88Bala na’yBalana’y100sa sasa105na nana107kanilang̃kanilang112ItangisItang̃is121NGNG̃122hangalhang̃al123ngang̃a124saansaang125hanggahanggang125mgamg̃a126[Wala sa orihinal],126hinahang̃aanhinahang̃aang127binigyangbinigyan128magbibinhinagbibinhi129IlangIlan129nasana sa130JairesJaurès130kong ng̃ako ng̃ang131nakikitanakikilala131[Wala sa orihinal][...]132bayangbayan134magandangmaayos naN.A.NGÑG5,22ng̃ang10nakapunapunana kapunapuna12:;14NamsnNaman18KAMI-NAMANKAMI NAMAN20iayay20isagisang20sapagtitipidsa pagtitipid21dingdin21.,
Original Title Page.AKLATAN ÑG “KAMI NAMAN”BAKAS ÑG SAMAHANÓ ANG UNANGBAHAGI ÑG KASAYSAYAN ÑG“KAMI NAMAN”(SAMAHAN ÑG MAHIHIRAP)SAPUL SA PAGKATATAG HANGGANG SA WAKAS ÑG PAMAMAHALA NI G. A. DE LOS REYESSINULAT NIBb. GORGONIA DE LEONIKA APAT NA AKLAT ÑG AKLATAN ÑGKAMI NAMANLUPON NG MGA MANUNULAT(1915)AKLATAN ÑG “KAMI NAMAN” 1045, DAANG ANAKÑGBAYAN (Dating “CREMATORIO”), PAKO, MAYNILA, K. P.PAUNAWAAng aklat na ito ay nilimbag sa dalawang ayos: nilimbag na kalakip ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” at nilimbag na may sariling balat ó takip. Sino mang magnais na magkaroon ay makabibili sa mg̃a bilihan ng̃ aklat dito sa Maynila, sa halagang isang peseta (₱0.20). Ang mg̃a na sa lalawigan ay makapagbibilin sa Aklatan ng̃ “Kami Naman” sa halagang kahati (₱0.25).Ipalilimbag din ang pang̃alawang bahagi at magtataglay ng̃ mg̃a larawan; gaya ng̃ larawan ni G. Apolonio Umping, G. Paulino Centeno, at iba pang may halaga sa “Kami Naman”.G. Francisco V. DizonG. Francisco V. DizonAng nagtatag ng̃ “Kami Naman” at nagíng unang Pang̃ulo ng̃ Samahang ito.(Tunghayan ang dahong ika 3)BAKAS ÑG SAMAHANO ANG UNANG BAHAGI ÑG KASAYSAYAN ÑG“KAMI NAMAN”(SAMAHAN ÑG MAHIHIRAP)SAPUL SA PAGKATATAG HANGGANG SA WAKAS ÑG PAÑGUÑGULO NI G. ANGEL DE LOS REYES.Sinulat ni Bb. Gorgonia de Leon.Noon ay ika 25 ng̃ Agosto ng̃ 1912. Sa umagang yaon ay isang panahong tagulan ang nagisnan ng̃ mg̃a taga Pako. Ang liwanag ng̃ ilaw ng̃ sangdaigdig ay di mang makagitaw sa makapal na ulap sa pang̃onorin. Nabigo ang mg̃a ibong sa tuwing umaga’y nagpupuri sa bagong liwayway. Walang nasisiyahan sa mg̃a sandaling yaon kung hindi ang mg̃a bulaklak na nagpapakasawa sa ulang hindi tumitila. Noon nasiyahan ang kanilang uhaw. ¿Ilan kayang puso’t kalulwa ang sumusumpa noon sa panahon dahil sa pagkapinsala ng̃ kanilang tipan?Datapwa’t nagmasung̃it man noon ang panahon, ay may isang binatang nagtatanghal ng̃ kanyang kagiting̃an. Siya ay si G. Francisco V. Dizon, kawal ng̃ bagong kabihasnan. Siya ang lalong nagsikap na magsabog ng̃ liwanag ng̃ araw ng̃ sigla ng̃ kabataan sa nayonng̃Sapote sa Pako. Ang ulan ay di niya ikinabalino,bagkus sa pamamagitan ng̃ isang payong ay isa isang sinusundo ang kanyang mg̃a kaibigan upang magtulongtulong sa pagbalangkas ng̃ isang Samahan. Ano pa’t walang alinlang̃ang dapat sabihin na utang sa kanya ang kilusang yaon ng̃ kabataan.Sa isang tahanan sa nayon ng̃ Sapote, Pako, Maynila, ay doon nagkatipon ang ilang magkakapanalig. At sa pang̃ung̃ulo ng̃a ni G. Dizon, ay sumipot sa silong ng̃ lang̃it ng̃ Pilipinas ang isang bigkis ng̃ kabataang pilipino. Sa mungkahi ni G. Luciano Suarez ay bininyagan ng̃ “Kabataang Sikat”. At, palibhasa’y pawang tinitibukan ng̃ isang pusong uhaw sa dunong at aliw, ang mg̃a nagkakatipong yaon, ay «magpalakas at magpatalino» ang pinagsaligan ng̃ pagkabuo ng̃ Samahan. Aralan ang mg̃a pinagkaitan ng̃ ilaw ng̃ dunong at aliwin ang mg̃a ulila sa ligaya, iyan ang tang̃ing layon. At sa gayon ay nayari ang balak ni G. Dizon. Dapat alalahaning kinabukasan ng̃ araw na yaon, ay siyang ika 26 ng̃ Agosto, araw na napakaningning sa dahon ng̃ kasaysayan ng̃ Pilipinas, sapagka’t siyang araw ng̃ unang pagsigaw ng̃ kalayaan ng̃ bayang api ng̃ kapwa bayan.G. Amado Jacinto.G. Amado Jacinto.Naging Pang̃ulo ng̃ Samahang “Mapagsikap” sa Malabon, Rizal(Tunghayan ang dahong ika 19)Nang sumunód na Linggo, unang araw ng̃ Septiyembre, ay nagpulong na muli ang mg̃a nagsisigasig sa pagbang̃on ng̃ “Kabataang Sikat”. Sa mungkahi ni G.Angel de los Reyes, ay binago ang pamagat at pinalitán ng̃ “Kami Naman”. “Kami Naman” ang ipinamagat, sapagka’t sa ibabaw ng̃ kalansay ng̃ mg̃a samahang nabuwag na, ang ibig sabihin ay “Kami namanang magtutuloy ng̃ layong itaguyod ang buhay ng̃ mahihirap sa tugatog ng̃ dang̃al”....Katulad din ng̃ ibang mg̃a Samahan at Kapisanan ay inabot ng̃ sakit naning̃as-kugonang “Kami Naman”. Salamat sa ilang matatalinong manggagamot at ang sakit ay naihanap din ng̃ lunas. Baga man ang “Kami Naman” noon ay para ng̃ bangkay na malamig, dahil sa pagpapabaya ng̃ ilan, ay muling sumigla. At noong ika 19 ng̃ Oktubre ng̃ taong 1912 rin, ay nagbitiw ng̃ tungkulin si G. Francisco V. Dizon at si G. Angel de los Reyes ang napahalili, na naging Pang̃ulo ng̃ Samahan.Ang bagong pang̃asiwaan ay nagpahayag noon din ng bagong palakad at binago na patianglayon ng̃ “Kami Naman”. Boong puso namang pinagtibay ng̃ lahat at sinalubong ng̃ magiliw na palakpakan.Ang mapanglaw na daing ng̃ mahirap, ang malungkot na taghoy ng̃ api, ang malumbay na hibik ng̃ mahina, iyan, iyan ang nagbukas ng̃ bagong isipan sa puso at diwa ng̃ bagong Pang̃ulo. Binago ng̃a ang dating saligan ng̃ Samahan. Ang layongmagliwaliwatmagpatalinoay dinagdagan ng̃pagdadamayan. Sagayon, ay hindi pawang kabataan lamang ang yumakap sa “Kami Naman”, kung hindi sampu ng̃ may mg̃a gulang na ay nakitulong.“Buhayin ang naghihingng̃along pagkakapatiran” ang naging saligan na ng̃ “Kami Naman”. At ang naging pananalig ay “Ang hirap ay bung̃a ng̃ kapabayaan, at na sa tiyagá ang pagtatagumpay”.Kapalaran mandin ang siyang sumubaybay sa bagong pang̃asiwaan at ng̃ sumunod na Sabado ng̃ pagkahalal sa kanila ay nagtanyag na ng̃ kanilang di karaniwang lakas at magagawa. Sa bahay paaralan sa daang Dart, Pako, ay ginanap ang pagtatanghal ng̃ Samahan. Sa lamayang yaon ay may apat na raang tao ang dumaló. Ilang matatalino at litaw na mananalumpati ang nagpaningning sa pagdiriwang. (Ang buong tala ng̃ kasayahang yaon ay matutunghayan sa pang̃alawang aklat ng̃ Aklatang “Kami Naman” naTuntunin ng̃ Pulong.)G. Aurelio TolentinoG. Aurelio TolentinoBantog na mandudula, matalinong manunulat at matapang na mamamahayag. Sa larang̃an ng̃ pananagalog ay kinikilalang isa sa mg̃a may mataas na uri at may tang̃ing pananalaysay. Siya ang kumatha ng̃ dulang “Bagong Kristo” na nagtamo ng̃ isang gantingpalang panulat na ginto. Siya rin ang lumikha ng̃ bantog na dulang “Kahapon, Ng̃ayon at Bukas”; dahil sa kagiting̃an ng̃ dulang ito ay piniit siya ng̃ Pamahalaang Amerikano. Siya ang sumasagot kung ano ang unang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”.(Tunghayan ang dahong ika 19)Dahil sa bagyong nanalanta sa Sebú noong Oktubre ng̃ 1912, ang “Kami Naman” ay nagsimula ng̃ pakikisama sa bayan. Binahaybahay na tinawagan ang maawaing pusó ng̃ pilipino sa Sapote, at lumikom ng̃ isang halagang iniabuloy sa mg̃a nasawi. At dahil sa pagkamatay ng̃ ilang angkan ng̃ mg̃a kanayon na kapwa anak-dalita, ay dumulog na naman ang “Kami Naman” sa bahaybahay upangabuluyan ang kapatid na dinatnan ng̃ palad. Dapat talastasing ang mg̃a unang inabuluyan ng̃ “Kami Naman” ay mg̃a taong ni ayaw man lamang makiyakap sa Samahang ito.Sa ikapapaanyo ng̃ damayan ay bumalangkas ng̃ mg̃a batas na susundin ng̃ magkakapatid; at mula ng̃ unang araw ng̃ Disyembre ng̃ 1912 ay nagsimula sa pag-iral. Marami rin ang mg̃a namatay at namatayang mg̃a kapatid. Sa malinis at maselan na pang̃ang̃asiwa ng̃ Ing̃atyamang si G. Dario Malonzo, lahat ay pawang tumanggap ng̃ abuloy na nararapat. Walang nabinbin sa kanyang karapatan, bagkus ang lahat ay pawang nagtamo ng̃ nauukol sa kanila sa lalong madaling panahon.Dumatal ang ika 30 ng̃ Disyembre ng̃ 1912, araw na ipinang̃ing̃ilin ng̃ lahat ng̃ pilipino. Ang “Kami Naman” at ang nayong Sapote ay nagtuwang sa pagbubunyi sa lalong dakilang taga Silang̃an. Nagdaos ng̃ isang dulang hayag, nagkaroon ng̃ tugtugan, nagilaw ang boong nayon at nagtayo ng̃ mg̃a arko. Ang lalong kapunapuna ay ang pagiisa ng̃ nayon na pawang parol ng̃ “Kami Naman” ang ginamit. At natapos sa ganap na kasyahang loob ng̃ lahat. Ang salaping lumabis sa pagdiriwang ay inihandog sa “Kami Naman” ng̃ kapulung̃an ng̃ nayon, na parang ganting pala sa maayos na pang̃ang̃asiwa sa pagdiriwang.Sumunod na ibinunsod ng̃ Samahan ay ang balak ni G. Marcelino Dizon na lumikom ng̃ isang kusang ambagan upang ibili ng̃ kasangkapang pang-apula ng̃ sunog. Nakatagpo ang balak na ito ng̃ mg̃a balakid at binaka ng̃ ilang di nasisiyahan. Gayon man ay pinang̃atawanan din ng̃ Samahan at nakabili rin ng̃ mg̃a palakol at timba na magagamit karakaraka sa isang simula ng̃ sunog. Hanggang ng̃ayon ay nakatanghal at nakahanda ang mg̃a kasangkapang ito sa nayong Sapote.Ang munisipyo ng̃ Maynila ay siya namang hinarap ng̃ “Kami Naman”. Sunodsunod na daing at kahiling̃an ang iniharap upang ang nayong kinatatayuan ng̃ Samahan ay ipaayos. Pinilit na maglagay man lamang ng̃ gripo, sapagka’t noon ay nagkakahalaga ng̃ anim ó limang sentimos ang bawa’t dalawang timba ng̃ inumin sa pook na yaon. Bihirang linggo ang walang panawagan sa pitak ng̃ pahayagan sa Maynila. At humangga sa paglalagay ng̃a ng̃ gripo at pagtatakda ng̃ pamahalaan ng̃ apat na libong piso sa ikaaayos ng̃ nayon. Ito ang lalong malaking tagumpay na tinamo ng̃ “Kami Naman”.Upang iligtas sa sakit ang mg̃a kanayon dahil sa malabis na paglulusak sa pook ng̃ Sapote, ang “Kami Naman” ay nagtayo ng̃ mg̃a tulayang kawayan sa tulong ng̃ nayon.G. Honorato H. de LaraG. Honorato H. de Lara(Tunghayan ang dahong ika 21)Nang hakutin ng̃ mg̃a sanitaryo ang mg̃a kawani sa Limbagan ng̃ Pamahalaan at kulung̃in sa Pagamutang San Lasaro, dahil sa mikrobyo ng̃ dipterya, ang “Kami Naman” ay siyang tang̃i at kusang umabuloy sa mg̃a napinsalaang yaon. Wala ni isang kasapi sa “Kami Naman” na napalahok doon, datapwa’t ginawa ang pagdamay sa paniniwalang magkakapatid na lahat ang mahirap. At ito’y tinugon ng̃ di gagaanong pasalamat ng̃ mg̃a dinamayan. Noon ay Marzo ng̃ 1913.Sa gayong mg̃a ipinakisama ng̃ “Kami Naman” sa bayan ay marahang sumusung̃aw ang kanyang kabantugan. At lalo pang nabantog siya pagkatapos ipagbunyi ang ika isang taong buhay ng̃ Samahan. Paano’y dalawang araw na ginawa ang kasayahan: ika 13 at ika 14 ng̃ Septiyembre ng̃ 1913. Nagbukas ng̃ timpalak ng mg̃a dula at gilasan ng̃ artista, na siyang kaunaunahang timpalak na may ganitong uri na idinaos sa sangkapuluang Pilipinas. Nagdaos pa ng̃ isang misang alaala sa lahat ng̃ mg̃a kasaping nang̃amatay sa ilalim ng̃ watawat ng̃ “Kami Naman”. Nagkaroon ng̃ binyag at kumpil at maghapong mg̃a palaro. Ang nabantog na banda ng̃ Meralko ay siyang tumugtog. At tinapos ang kasayahan sa isang magiliw na salosalong kapatid. Alinsunod sa mg̃a pahayagan dito sa Maynila ay mahigit na apat na libongtao ang dumalo sa mg̃a pagdiriwang na yaon. Dapat namang magkatotoo, pagka’t may mg̃a nagtayo pa ng̃ mg̃a tindahan at lahat halos ng̃ tahanan sa Sapote ay may kanikanyang handa. Ano pa’t ang pagdiriwang ng̃ “Kami Naman” ay naging parang pista ng̃ nayon. Sapul na noon ang “Kami Naman” ay nabantog na ng̃ gayon na lamang at ang lalong nakatawag sa diwa ng̃ marami ay ang mg̃a kartelong nagsabit sa trambiya na nagbansag ng̃ kasiglahang ipamamalas ng̃ “Kami Naman”.Ang isa pa sa mg̃a pagdiriwang ng̃ Samahang ito na hinang̃aan din ng̃ madla ay ang pagtatanghal ng̃ mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman”. Ginanap noong ika 21 ng̃ Disyembre ng̃ 1913, sa Dulaang Angel sa Singalong. Mahigit sa tatlong libong tao ang nanood. At noon ay minsan pang itinampok ang mayamang uri ng̃ mg̃a babaing pilipina.G. Rosendo S. CruzG. Rosendo S. CruzKumatha ng̃ “Tuntunin ng̃ Pulong” na ikalawang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dakong ika 19)Sa mg̃a pamamahayag ng̃ bayan ang “Kami Naman” ay palaging nakikilahok; ng̃uni’t pakikilahok na di sa gayongayon na lamang, kung hindi pakikilahokna kapunapuna; yaong nakapagpaparing̃al at umaani ng̃ papuri. Kung walang karrosa ang “Kami Naman” ay nakalulan naman sa sasakyan ang kanyang mg̃a kinatawan. Datapwa’t hindi sa iisang sasakyan lamang kung hindi sa pito o labing apat kaya. At sa loob ng̃ dalawang taon ay labing dalawang ganting pala angtinamo ng̃ “Kami Naman”. ¿Ano pang sigla ang hahanapin? ¿Ano pang kilos ang magagawa? Wala na. Hanggan diyan na lamang talaga ang isang samahan.Kasabay ang pagsisigasig na magtamo ng̃ lalo at lalong karang̃alan, ang “Kami Naman” ay nagpapakatatag sa kanyang tayo. Inakala ng̃ Pangulong De los Reyes na ang pagkakaibaiba ng̃ hilig ng̃ mg̃a kasapi ay dapat tapatan ng̃ kanikanyang ikasisiyang loob. Dahil dito ay binahagi niya ang “Kami Naman” sa iba’t ibang Lupon na may kanikanyang uri, layon, pananalapi, at mg̃a kaanib.Ang unang Lupon ay ang Damayan. Magabuloy sa namatay o namatayang kasapi ang layon. Lupon sa Kalakal ang pang̃alawa at nagsimula ng̃ pagkilos noong Pebrero ng̃ 1913. Disyembre ng̃ 1913 itinatag ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin na binubuo ng̃ pawang mapanghalinang binibini. Sila ay mg̃a kasaping pangdang̃al sa “Kami Naman”. Disyembre ring yaon ng̃ itatag ang Lupon sa Pagpapalakas. Bago sumipot ang masikap at masiglang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat.Lahat ng̃ lupon na ito ay nagtanghal ng̃ kanikanyang lakas at magagawa. Bawa’t isa’y naghandog ng̃ matatayog na papuri sa boong Samahan. At sa lubos na paghang̃a ng̃ isang kasapi sa “Ilog Beata” sa kakisigan ng̃ “Kami Naman” ay tinula niya ang kasunod:G. Ramon S. TorresG. Ramon S. TorresKalihim Tagapahayag ng̃ Samahan ng̃ mg̃a mananagalog na “Ilog Beata” at tumula ng̃ tulang “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 12)“KAMI NAMAN”Bayang inaapi, ako’y nananaligna ang bawa’t sikat ng araw sa lang̃it,taglay ang tinig mong malungkot na tinig.At iya’y hindi ko matalos kung bakitikaw’y lumuluha, ikaw’y tumatang̃isgayong may lakas ka’t may Bayaning Bisig.Subali’t hintay ka;aking ibubuhayang isang alagad na dapat asahan.Luming̃on ka roon, sa dakong Timuganat mamamalas mong na nawawagaywayang isang Bandilang kapitapitaganng kilala’t bantog na ang KAMI NAMAN.Yao’y Kapisanang sagana sa lahat,sagana sa dunong, sagana sa lakasat hindi marunong matakot sa tawagng kanyang kalabang mayaman sa gilas,pagka’t alam niya’t kanyang natatatapna ang Mundong ito’y Mundo ng̃ pang̃arap.Isang Kapisanang ang bawa’t kasapiay may siglang taglay na kahilihili:isang Kapisanang ang hakbang ay lagingtung̃o sa pagsulong, tung̃o sa lwalhati:sapagka’t ang kanyang darakilang Mithi’yitanggol ang api: matwid ay maghari.Yao’y binubuu ng dukha’t mayamanng mangmang at paham, bata at may gulang,sapagka’t ang kanyang isang patakaranna salig sa loob noong Kapisanan,ang dukha’y ibang̃on, ang aba’y tulung̃an,wala ni mataas; pawang pantaypantay.At, ito’y tulain ng̃ mg̃a makata,dakila sa lalong Samahang dakila,maningning sa lalong maningning na tala;at sapagka’t ito’y butihing diwata,ako, ikaw, sila, ang lahat na’y pawanamang gumigiliw at nagsisihang̃a.KayFrancisco Dizondapat kilalaninang pagkakatatag ng̃ napakagitingna Samahang yaong may tang̃ing layunin:siya ang pumukaw, siya ang gumisingsa nang̃atutulog na mga damdamingna nang̃alalang̃o sa pagkakahimbing.Angel de los Reyes: iyan ang pamagatng kanyang pang̃ulo nang ito’y matanyag;Rosendo S. Cruz:isa ring masikap;Yaman na ang Bayan sa gitna ng gubatay hindi nagtamo ng magandang paladkung kaya nangyaring yao’y itinatag.Hindi ba’t ang taong likha ni Bathalaay taglay sa kanyang pagsipot sa lupaang mga Tuntuni’t Batas ng Paglaya?Kung ito’y totoo: ¿bakit lumuluhatayong naririto? Pang̃arap ng̃a yatalamang ang umasa’t maghintay sa wala.Hindi lamang yoon para sa lalakikung hindi laan din sa mga babai:naron siPascuala Pintorna may iwingng̃iti na ang bawa’t ng̃iti ay pagkasi;naron siConchita; at isa pang saksi,siAnitanglaging dinidilidili.Nang̃agsapisapi ang mga binata,ang kadalagaha’y humalo sa hakana ang Lang̃it nati’y itanghal, ipala,sapagka’t ang ating darakilang nasa’yibang̃on ang bayan nating lumuluha’thumarap sa lalong malakas sa lupa.Oo nga at tunay na dito’y nagkalatang mga Samaha’t Kapisanang tanyagsubali’t tulutang aking maisaadna ang KAMI NAMAN Samahang mahirap,sa matuling agos ng luha ng palad,ay ito ang siyang darampi, huhugas.Ramon S. TorresTaga “Ilog-Beata”.Tundo, Maynila, K. P.Sa likod ng̃ mg̃a papuring ito sa “Kami Naman” ay mayroon namang mg̃a naiinis sa di maalamang sanhi. Aywan kung anong suliranin ang nagbubuyo at ang mg̃a ito ay nagpapakaimbi sa pagwawasak ng̃ Samahan. Kinakalaban ang sariling damdamin, niyuyurakan ang sariling dang̃al, at binubulag ang sariling paning̃in. Hindi pa man ipinang̃ang̃anak ang “Kami Naman” ay binanta ng̃ lasunin. Sa kanila ang lahat ng̃ kilos ng̃ “KamiNaman” ay pawang hindi matwid. Salamat sa pusong matimpi ng̃ Pang̃ulong De los Reyes at di man siya natukso. Salamat din sa kalamigang loob ng̃ mg̃a kasapi at di man sila nabalino. Talagang gayon: ang tao habang natatanyag ay lalong dumadami ang kaaway. At ang Samahan upang mabuhay kung minsa’y dapat magkaroon ng̃ mg̃a kalaban.G. Sofronio G. CalderonG. Sofronio G. CalderonGuro ng Wikang Tagalog sa Young Men’s Christian Association at isa sa mg̃a humahang̃a sa “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 17)Kung paanong sa kasaysayan ng̃ Pilipinas ay may isangsiglo oscuroo isang daang taong madilim, ang “Kami Naman”ay nagkaroon din. Dahil sa katapang̃an ng̃ isang kalulwa at dahil sa pagkatupad ng̃ wikang ang pagtitiwala’y nakamamatay, ay nagkaroon ng̃ isang maaling̃awng̃aw na usapin ang mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Dapat malamang ang usapin ay sa ilang tao lamang at di ng̃ boong Samahan. Ang Pang̃ulo at ang Ing̃atyaman ay kapuwa inupasalaang umano’y mg̃a magnanakaw. Hinubaran ng̃ puri at tinanghal na mg̃a magdaraya. Hindi na kinilala ang pagkatao ng̃ mg̃a nagbintang at pinagbibintang̃an. Hindi na siniyasat ang kasaysayan ng̃ isa’t isa. ¡Kay taas na ganting pala sa nagpapakamatay sa pagtataguyod ng̃ isang Samahan! Sa gayo’y umawit ng̃ tagumpay ang mg̃a sumasamantala sa sigalot. Ang pagkatagpo nila ng̃ babaing lumabag sa kanyang kahinhinan ay siyang nagpatibay sa paguusig na ito. Ng̃uni’t sa pitak ng̃ mg̃a pahayagan ay tahasang inilahad ni G. De los Reyes, ang boong nangyari. At sa likod ng̃ sigalot na ito ang mg̃a umusig din ang nagpapahayag na batid nilang walang salaping nawawala. Ano pa’t paghihiganti o pagkainis lamang ang kanilang ginawa. Matapat na awa ang dapat iyukol sa namamatay sa pagtupad sa kanyang pananalig....Ipalagay ng̃ ang Pang̃ulong De los Reyes at ang Ing̃atyamang Malonzo, ay nagkasala; bulagin na natin ang ating dang̃al at bing̃ihin na natin ang atingdamdamin; aminin ng̃ sila’y nagkamali: ¿ano ng̃ayon? ¿Anong kapinsalaan mayroon sa Samahan? ¿Ang G. De los Reyes ba at ang G. Malonzo ang “Kami Naman”? ¿Sila bang dalawa ang bumubuo ng̃ Samahan? ¡Hindi! ¡Hindi! At ang sumamba sa gayon ay walang pagsampataya sa kanyang dang̃al....Upang pabulaanan pa ang kumalat na balita, na ang “Kami Naman” ay naligalig, ay na ito naman ang bahagi ng̃ ilang salaysay ni G. De los Reyes:“....Sa isang Samahang na walang tumitiwalag ni itinitiwalag na kaanib, ang Samahang iyan ay buo, matatag, at buhay. Iyan ay pinaghaharian ng kapayapaan at sapupo ng lalong matamis, dalisay, at matimyas na pagkakapatiran....”Palibhasa’y lubos ang pagtitiwala ng̃ mg̃a kaanib sa “Kami Naman” sa kanilang Pang̃ulo at Ing̃atyaman ang Samahan ay di mang naligalig sa sigalot na nangyari sa mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Bagkus lalong nagibayo ang sikap at sigla. At upang lalong mapaayos ang Damayan ay itinigil ng̃ may dalawang buwan. Ang Damayan lamang ang itinigil dahil sa pagbibitiw ng̃ tungkulin ni G. De los Reyes. Pagkatapos ayusin ay naghahalili ng̃ Pamahalaan ng̃ Samahan. Ano pa’t malaking kabulaanan ang ipinamamansag ng̃ iba na nalansag na raw ang “Kami Naman”. Hindi, hindi nalalansag. Hayan at kumilos ng̃ boongsigla at boong ningning. Gaya rin ng̃ dati ay nakatayo pa ang kanyang mg̃a haligi.Bb. Fausta CortesBb. Fausta CortesPang̃ulo ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat at siyang kumatha ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” na ikatlong aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 21)Sa kabantugan ng̃ “Kami Naman” ay malaki ang naitutulong ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Nagbukas ito ng̃ isang aklatan sa kapakinabang̃an ng̃ lahat. Kasapi at hindi sa “Kami Naman” ay binibigyan ng̃ laya. Doon ay sarisaring pahayagan at iba’t ibang aklat ang nagaantabay sa kahi’t kanino.Bukod sa pagsisikap ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” na makapagpalabas ng̃ mg̃a akda, ay naguukol din ng̃ panahon sa paglilinang ng̃ wikang tagalog. Ang katotohana’y napalaban na sila sa tanyag naAklatang Barusog. Ang mg̃a taga “Kami Naman” ay ayaw gumalang sa pagpatay ng̃ N sa piling ng̃ G̃. Ano pa’t hindi sila kaayon samodangang ANG ay isulat ng̃ AG̃ (pinatay ang N). Ang mg̃a tagaAklatang Barusogay nagtanggol naman sa kabilang panig.Sa mg̃a ikinilos na ito ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” ay kinilala ni G. Sofronio G. Calderon ang kanilang pagsusumakit. At na ito ang isa niyang lathala na tumutukoy sa:KAPAKANAN ÑG WIKANG TAGALOGIto ng̃ang wikang Tagalog, itong wika nina Solima’t Lakandula, nila Balagtas at Pilapil, nila Rizal na ng̃ayo’y kasalukuyang pinagmamasakitanngAklatangKAMI NAMAN,ay hindi lihim, at sa katunayan ay nariyan ang lagda ng mga bantog na mananalaysay na kumilala ng kasakdalan ng wikang ito, palibhasa’y ang wikang Tagalog ay isang wikang may sariling likas, may sariling ganda, may sariling yaman at isang wikang maipagbabadiya ng tanang saloobin at damdaming sumasapuso’t ísip ng tao; anopa’t sa katagang sabi, itong wikang Tagalog na ating kinamulatan, nilakhan at pinaka kaluluwa ng ating bayan ay may dakilang kapakanan ayon sa pagkakaakma’t pagkakabalangkas sa isang paraang tumpak at kagilagilalas.Sofronio G. Calderón.Dahil sa talino ng̃ isa sa mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman” ang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ay nagkamit ng̃ karang̃alang sa “Kami Naman” nanggaling ang ikatlo sa mg̃a babaing pilipina na kumatha ng̃ kasaysayan. Iyan ay si Bb. Pascuala Pintor na sumulat ng̃ nobelang “Tagumpay ng̃ Api”, na siyang unang aklat na pinalabas ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Kung ¿ano ang “Tagumpay ng̃ Api”? ang isang liham ni G. Aurelio Tolentino ang dapat sumagot:“Bb. Pascuala Pintor.“Mahal na binibini:“Tinanggap ko po at pinasasalamatan ang mahalagang handog ninyo sa akin, isang salin ng inyong matalinong nobelang “Tagumpay ng Apí”.“Kulang ang lahat ng papuring kaya kong sabihin, upang tumbasan ang hiwagang sarap ng aklat na nabanggit. Bukod sa talagang maykalugodlugod na ganda sa pagkakahanay ng mga salitang bihis ng kanyang mayayamang isipan, ay naghahandog pa sa damdamin ng ulirang buhay na gaya ng kay Teban, aralan gaya ng kay Titay at katarungang gaya ng kay Mameng at kay Leon.“Palibhasa’y marami na ang mga nobelang Tagalog; dahil sa mga mahahalaga rin naman ay maitutulad sa isang kuwintas na gintong sinasagisag ng bagong buhay. Ang “Tagumpay ng Apí”, ngayong mapakituhog sa kuwintas na iyan, ay naging pinakamaluningning na «relicariong» tinampakan ng makikinang na batong diamante, at may mahal na laman sa loob, ang buhay na larawan ng kabaitang nagtagumpay sa dagok ng kapaslangang binigti ng katarungan ng sariling damdamin.“Naghihintay pagutusan ang talisuyo nilang si“Aurelio Tolentino.“Maynila, ika 30 ng Junio ng 1914.”Sumunod na pinalabas ng̃ mg̃a manunulat ng̃ “Kami Naman” ang aklat ni G. Rosendo S. Cruz. “Tuntunin ng̃ Pulong” ang pamagat at gaya rin ng̃ “Tagumpay ng̃ Api” ay nagtamo ng̃ mg̃a bati at papuri. Isa na rito ang kalatas ng̃ isang taga Malabon, Rizal, na si G. Amado Jacinto. Aniya’y“Malabon, Rizal, S. P.“Ika 30 ng Okt., 1914.“G. Rosendo S. Cruz.“Mahal na kaibigan: Tinanggap ko ang isang salin ng iyong mahalaga at munting aklat na ang pamagat ay “Tuntunin ng Pulong”, at ako’y nagpapasalamat ng marami.“Rosendo, ang iyong aklat, sa ganang sarili ko, ay dapat mong ipagkapuri. ¿At bakit? Sapagka’tsa aklat mong itong maliit at mura lamangaymayroon kang isang dakilang bagay na matuturo. At ito’y ang pagpapakilala mo sa iba, na ang kahalagahan ng isang katha’y wala sa kapal at sa laki, kundi nasauriat saka salayon:uringsiyang bilang pinakapagaari ng isang aklat, atlayonnamang siyang tunay na ariariang kinapapalamnan ng dañgal ng isang kumatha.“Anguringtinutukoy ko rito ñgayon ay hindi ang tungkol sa kalinisan o karumham ngliteratura, kundi ang kungnakapagtuturoohindi nakapagtuturo; at ang sa layon nama’y kungmabutiohíndi, samakatuwid ay kung angpakinabañgano makinabang lamang.“Kapag ang isang aklat ñga’y may uring nakapagtuturo at may mabuting layon, para sa akin ay sukat na, upang kalugdan kong basahin at hanggang sa purihin pa pati ng kumatha.“¡At lalo pa marahil, kung ang kumathang iya’y isang kaibigang katulad mo! ¿Hindi ba?“Tungkol sa pagbabasa ng mga aklat ay aking maipagtatapat sa iyong ako ñga’y mayroon ng kakaibang panglasa kay sa dati, at ang sabi ko’y ganito, sapagka’t hindi na ako nalulugod ñgayon sa mga Felipe Trigo at Eduardo Zamacois, diyan sa mga mapaglarawan at mapaglikha ng mga kuwadrong nakapagpapagalaw ng laman at nakapagpapakalam ng balat, na sa mahinang loob ay sapat makapagdulot ngisangmasidhing pagkakilití; kundi doon na unti-unting nawiwili ang aking loob sa mga Heberto Spencer at Samanuel Smiles, sa mga Noé Porter at Tomas Stanley.“At dahil sa ganitong pagbabago ng aking hilig, ay huwag ilalaki ng iyong loob na ipalagay at sabihing kong ang aklat mo’y lalo pang kapuri-puri kay sa di iisa’t dadalawang naghahalaga riyan ng 40 at 50sentimos, sa pagka’t ang iyo’y nakatutulongsa pagtitipidng panahon ng mga samahan kung sila’y may pinagpupuluñgan, samantalang ang mga yao’y pawangmgaawitding mistula ng nakalipas na panahon natin,ibañga lamang angpañgalan,anyoatbihis; dapuwa’y sing-isa ring walang nagagawa kundi ang magparami ng mga pañgahas, pilyo, at palalo.“Iyan ang mga sanhi, kung kaya’t baga man may kulang at di mo binuó ang “Tuntunin ng Pulong” na iyong sinulat, ay hinahandugandinkita ng isang maligayang bati, na kasabay ng pakikikamay ko’y tanggapin mo rito sa tapat,at natatalaga mong kaibigan.(May lagda.) “Amado Jacinto.”Ang ikatlong aklat na ipinalimbag ay ang “Agawan ng̃ Dang̃al” na akda naman ni Bb. Fausta Cortes. Ang nagpanukala’t nagtatag ng̃ mg̃a balitang “Ilaw at Panitik”, “Aklatang Barusog” (mg̃a Samahan ng̃ mg̃a manunulat na tagalog) at “Hijos del Siglo” na si G. Honorato H. de Lara ay siyang nagpakilala sa madla kung ano ang “Agawan ng̃ Dang̃al”.Isangligang̃indoor base ballang itinanyag naman ng̃ Lupon sa Pagpapalakas. AngbituingConcepcion Magallanes ay siyang naghagis ng̃ unang pukol ng̃ bola. Limangteamang lumaro at ito’y ang “Marte”, “Katubusan”, “Sinag Kapuluan”, “Makabayan”, at “Kami Naman”. Ang “Marte” ang nagtamo ng̃ tang̃ing gantingpala.Ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin ay kalabisan ng̃ sabihin pa kung ano ang nagawa at ginagawa. Sukat ang ipagtapat na utang sa mg̃a “bituing” ito, ang lahat ng̃ ikinilos ng̃ “Kami Naman”.Paano’y sila ang buhay at kalulwa ng̃ Samahan.Patuloy sa magiliw na pagdadamayan ang Lupon sa Damayan.Ng̃uni’tangLupon sa Kalakal ay napahimbing. Ang Lupon na ito lamang ang nagmintis. Gayon ma’y nakapagtayo rin ng̃ tindahan noong Febrero ng̃ 1913, baga man nabuhay ng̃ may anim na buwan lamang.Sa mg̃a kasiglahang ito ng̃ mg̃a lupon ng̃ “Kami Naman” ang Samahan ay palaging nakapagwawasiwas ng̃ watawat ng̃ tagumpay sa lahat ng̃ kanyang balak. At man sa tuwing bago siyang panukala, ang mg̃a pahayagan ay nang̃agsabing «Bagong maningning na dahon na naman ang mapaparagdag sa hinahang̃aang kasaysayan ng̃ “Kami Naman”.»At dapat namang dakilain ang “Kami Naman”, palibhasa’y isang samahang nakikipagkapatiran sa lahat, sampu sa mg̃a nagpapakaimbi sa pagpatay sa kanya. Kung totoo mang may mg̃a kamaliang nagawa ay totoo rin namang lalong marami ang tumpak na pinang̃atawanan.Diyan natapos ang dalawang taong pamamahala ni G. Angel de los Reyes na nagwagi sa tatlong halalang sunod-sunod sa pagka Pang̃ulo ng̃ Samahan.¡¡¡Panahon ang humatol sa magiging kapalaran ng̃ mg̃a samahang katulad ng̃ “Kami Naman”!!!HANGGATalaan ng NilalamanSA TUTUNGHAYPATALASTASPANGUNANG HAKA NI G. Rosendo S. CruzVSA MGA BITUIN NG “KAMI NAMAN”IXI.MGA PUSONG NAMANDAW NG KAPWA PUSO13II.HINDI NAPAWASTONG PAGTITIYAP27III.MGA HALIK NG PAGIROG35IV.MASIGASIG NA KILOS NI PASTOR53V.¡WALANG SALA! ¡ANG TAGUMPAY AY ATIN!61VI.ANG ARAW NI LOLENG67VII.ANG PAGKAKATAONG LALONG MASAKLAP90VIII.MGA NALUGMOK SA LIWANAG NG BUWAN96IX.BALIW NA NAGSASABI NG KATOTOHANAN104X.SA LAOT NG HAPIS113KoloponMga Maaaring GamitThis eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of theProject Gutenberg Licenseincluded with this eBook or online atwww.gutenberg.org.This eBook is produced by the Online Distributed Proofreading Team atwww.pgdp.net.Agawan ng Dangalis a Tagalog romance novel published by a socio-civic youth organization called Kami Naman. Aside from the novel, this book contains a section on the history of Kami Naman.In the novel, Beteng, a rich young man, is a suitor of a beautiful maiden named Dolores (Loleng). Artemyo acts as Beteng’s “bridge,” serenading Loleng to win Beteng her affection. Unfortunately for Beteng, Loleng falls for Artemyo instead. Beteng is hurt by Loleng’s rejection and sets out to tarnish Artemyo’s reputation, or rob him of honor (agawan siya ng dangal).Pagkaka-enkowdScans of this work are available from the Internet Archive (copy1).Tala ng mga Ginawang Pagbabago2011-02-01 Started.Mga Di-Nakapaloob na ReperensiyaAng elektronikong aklat na ito ng Proyektong Gutenberg ay may mga reperensiyang hindi nakapaloob. Ang mga link para sa mga ito ay maaaring hindi gumana.Mga PagwawastoAng mga sumusunod ay ang mga pagwawastong ginawa sa teksto:PahinaOrihinalPagwawastoVIng̃niVIIsarilesariliVIIIsuliraninsuliraningVIIIbagaybaga’yXAGAWANGAGAWAN15ang̃ang16doorondoroon19,69,77—21,30,30,123[Wala sa orihinal]¡22mahinhinmahinhing23áyonayon24ginagitna36,49,51,52,67,68,110,3ngng̃37pinakikibang̃anpinakikinabang̃an40isasadisasaad40Luming̃osLuming̃on53,78,91,98[Wala sa orihinal]—53kanyang̃kanyang54,59,123,N.A.[Wala sa orihinal].55namangnaman70ning̃78[Wala sa orihinal]¿81habanhabang83HumakbanHumakbang83waláwala84kaawawakaawaawa84nisi88Bala na’yBalana’y100sa sasa105na nana107kanilang̃kanilang112ItangisItang̃is121NGNG̃122hangalhang̃al123ngang̃a124saansaang125hanggahanggang125mgamg̃a126[Wala sa orihinal],126hinahang̃aanhinahang̃aang127binigyangbinigyan128magbibinhinagbibinhi129IlangIlan129nasana sa130JairesJaurès130kong ng̃ako ng̃ang131nakikitanakikilala131[Wala sa orihinal][...]132bayangbayan134magandangmaayos naN.A.NGÑG5,22ng̃ang10nakapunapunana kapunapuna12:;14NamsnNaman18KAMI-NAMANKAMI NAMAN20iayay20isagisang20sapagtitipidsa pagtitipid21dingdin21.,
Original Title Page.
AKLATAN ÑG “KAMI NAMAN”
BAKAS ÑG SAMAHAN
Ó ANG UNANGBAHAGI ÑG KASAYSAYAN ÑG
“KAMI NAMAN”
(SAMAHAN ÑG MAHIHIRAP)
SAPUL SA PAGKATATAG HANGGANG SA WAKAS ÑG PAMAMAHALA NI G. A. DE LOS REYES
SINULAT NI
Bb. GORGONIA DE LEON
IKA APAT NA AKLAT ÑG AKLATAN ÑG
KAMI NAMANLUPON NG MGA MANUNULAT
(1915)
AKLATAN ÑG “KAMI NAMAN” 1045, DAANG ANAKÑGBAYAN (Dating “CREMATORIO”), PAKO, MAYNILA, K. P.
PAUNAWAAng aklat na ito ay nilimbag sa dalawang ayos: nilimbag na kalakip ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” at nilimbag na may sariling balat ó takip. Sino mang magnais na magkaroon ay makabibili sa mg̃a bilihan ng̃ aklat dito sa Maynila, sa halagang isang peseta (₱0.20). Ang mg̃a na sa lalawigan ay makapagbibilin sa Aklatan ng̃ “Kami Naman” sa halagang kahati (₱0.25).Ipalilimbag din ang pang̃alawang bahagi at magtataglay ng̃ mg̃a larawan; gaya ng̃ larawan ni G. Apolonio Umping, G. Paulino Centeno, at iba pang may halaga sa “Kami Naman”.G. Francisco V. DizonG. Francisco V. DizonAng nagtatag ng̃ “Kami Naman” at nagíng unang Pang̃ulo ng̃ Samahang ito.(Tunghayan ang dahong ika 3)BAKAS ÑG SAMAHANO ANG UNANG BAHAGI ÑG KASAYSAYAN ÑG“KAMI NAMAN”(SAMAHAN ÑG MAHIHIRAP)SAPUL SA PAGKATATAG HANGGANG SA WAKAS ÑG PAÑGUÑGULO NI G. ANGEL DE LOS REYES.Sinulat ni Bb. Gorgonia de Leon.Noon ay ika 25 ng̃ Agosto ng̃ 1912. Sa umagang yaon ay isang panahong tagulan ang nagisnan ng̃ mg̃a taga Pako. Ang liwanag ng̃ ilaw ng̃ sangdaigdig ay di mang makagitaw sa makapal na ulap sa pang̃onorin. Nabigo ang mg̃a ibong sa tuwing umaga’y nagpupuri sa bagong liwayway. Walang nasisiyahan sa mg̃a sandaling yaon kung hindi ang mg̃a bulaklak na nagpapakasawa sa ulang hindi tumitila. Noon nasiyahan ang kanilang uhaw. ¿Ilan kayang puso’t kalulwa ang sumusumpa noon sa panahon dahil sa pagkapinsala ng̃ kanilang tipan?Datapwa’t nagmasung̃it man noon ang panahon, ay may isang binatang nagtatanghal ng̃ kanyang kagiting̃an. Siya ay si G. Francisco V. Dizon, kawal ng̃ bagong kabihasnan. Siya ang lalong nagsikap na magsabog ng̃ liwanag ng̃ araw ng̃ sigla ng̃ kabataan sa nayonng̃Sapote sa Pako. Ang ulan ay di niya ikinabalino,bagkus sa pamamagitan ng̃ isang payong ay isa isang sinusundo ang kanyang mg̃a kaibigan upang magtulongtulong sa pagbalangkas ng̃ isang Samahan. Ano pa’t walang alinlang̃ang dapat sabihin na utang sa kanya ang kilusang yaon ng̃ kabataan.Sa isang tahanan sa nayon ng̃ Sapote, Pako, Maynila, ay doon nagkatipon ang ilang magkakapanalig. At sa pang̃ung̃ulo ng̃a ni G. Dizon, ay sumipot sa silong ng̃ lang̃it ng̃ Pilipinas ang isang bigkis ng̃ kabataang pilipino. Sa mungkahi ni G. Luciano Suarez ay bininyagan ng̃ “Kabataang Sikat”. At, palibhasa’y pawang tinitibukan ng̃ isang pusong uhaw sa dunong at aliw, ang mg̃a nagkakatipong yaon, ay «magpalakas at magpatalino» ang pinagsaligan ng̃ pagkabuo ng̃ Samahan. Aralan ang mg̃a pinagkaitan ng̃ ilaw ng̃ dunong at aliwin ang mg̃a ulila sa ligaya, iyan ang tang̃ing layon. At sa gayon ay nayari ang balak ni G. Dizon. Dapat alalahaning kinabukasan ng̃ araw na yaon, ay siyang ika 26 ng̃ Agosto, araw na napakaningning sa dahon ng̃ kasaysayan ng̃ Pilipinas, sapagka’t siyang araw ng̃ unang pagsigaw ng̃ kalayaan ng̃ bayang api ng̃ kapwa bayan.G. Amado Jacinto.G. Amado Jacinto.Naging Pang̃ulo ng̃ Samahang “Mapagsikap” sa Malabon, Rizal(Tunghayan ang dahong ika 19)Nang sumunód na Linggo, unang araw ng̃ Septiyembre, ay nagpulong na muli ang mg̃a nagsisigasig sa pagbang̃on ng̃ “Kabataang Sikat”. Sa mungkahi ni G.Angel de los Reyes, ay binago ang pamagat at pinalitán ng̃ “Kami Naman”. “Kami Naman” ang ipinamagat, sapagka’t sa ibabaw ng̃ kalansay ng̃ mg̃a samahang nabuwag na, ang ibig sabihin ay “Kami namanang magtutuloy ng̃ layong itaguyod ang buhay ng̃ mahihirap sa tugatog ng̃ dang̃al”....Katulad din ng̃ ibang mg̃a Samahan at Kapisanan ay inabot ng̃ sakit naning̃as-kugonang “Kami Naman”. Salamat sa ilang matatalinong manggagamot at ang sakit ay naihanap din ng̃ lunas. Baga man ang “Kami Naman” noon ay para ng̃ bangkay na malamig, dahil sa pagpapabaya ng̃ ilan, ay muling sumigla. At noong ika 19 ng̃ Oktubre ng̃ taong 1912 rin, ay nagbitiw ng̃ tungkulin si G. Francisco V. Dizon at si G. Angel de los Reyes ang napahalili, na naging Pang̃ulo ng̃ Samahan.Ang bagong pang̃asiwaan ay nagpahayag noon din ng bagong palakad at binago na patianglayon ng̃ “Kami Naman”. Boong puso namang pinagtibay ng̃ lahat at sinalubong ng̃ magiliw na palakpakan.Ang mapanglaw na daing ng̃ mahirap, ang malungkot na taghoy ng̃ api, ang malumbay na hibik ng̃ mahina, iyan, iyan ang nagbukas ng̃ bagong isipan sa puso at diwa ng̃ bagong Pang̃ulo. Binago ng̃a ang dating saligan ng̃ Samahan. Ang layongmagliwaliwatmagpatalinoay dinagdagan ng̃pagdadamayan. Sagayon, ay hindi pawang kabataan lamang ang yumakap sa “Kami Naman”, kung hindi sampu ng̃ may mg̃a gulang na ay nakitulong.“Buhayin ang naghihingng̃along pagkakapatiran” ang naging saligan na ng̃ “Kami Naman”. At ang naging pananalig ay “Ang hirap ay bung̃a ng̃ kapabayaan, at na sa tiyagá ang pagtatagumpay”.Kapalaran mandin ang siyang sumubaybay sa bagong pang̃asiwaan at ng̃ sumunod na Sabado ng̃ pagkahalal sa kanila ay nagtanyag na ng̃ kanilang di karaniwang lakas at magagawa. Sa bahay paaralan sa daang Dart, Pako, ay ginanap ang pagtatanghal ng̃ Samahan. Sa lamayang yaon ay may apat na raang tao ang dumaló. Ilang matatalino at litaw na mananalumpati ang nagpaningning sa pagdiriwang. (Ang buong tala ng̃ kasayahang yaon ay matutunghayan sa pang̃alawang aklat ng̃ Aklatang “Kami Naman” naTuntunin ng̃ Pulong.)G. Aurelio TolentinoG. Aurelio TolentinoBantog na mandudula, matalinong manunulat at matapang na mamamahayag. Sa larang̃an ng̃ pananagalog ay kinikilalang isa sa mg̃a may mataas na uri at may tang̃ing pananalaysay. Siya ang kumatha ng̃ dulang “Bagong Kristo” na nagtamo ng̃ isang gantingpalang panulat na ginto. Siya rin ang lumikha ng̃ bantog na dulang “Kahapon, Ng̃ayon at Bukas”; dahil sa kagiting̃an ng̃ dulang ito ay piniit siya ng̃ Pamahalaang Amerikano. Siya ang sumasagot kung ano ang unang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”.(Tunghayan ang dahong ika 19)Dahil sa bagyong nanalanta sa Sebú noong Oktubre ng̃ 1912, ang “Kami Naman” ay nagsimula ng̃ pakikisama sa bayan. Binahaybahay na tinawagan ang maawaing pusó ng̃ pilipino sa Sapote, at lumikom ng̃ isang halagang iniabuloy sa mg̃a nasawi. At dahil sa pagkamatay ng̃ ilang angkan ng̃ mg̃a kanayon na kapwa anak-dalita, ay dumulog na naman ang “Kami Naman” sa bahaybahay upangabuluyan ang kapatid na dinatnan ng̃ palad. Dapat talastasing ang mg̃a unang inabuluyan ng̃ “Kami Naman” ay mg̃a taong ni ayaw man lamang makiyakap sa Samahang ito.Sa ikapapaanyo ng̃ damayan ay bumalangkas ng̃ mg̃a batas na susundin ng̃ magkakapatid; at mula ng̃ unang araw ng̃ Disyembre ng̃ 1912 ay nagsimula sa pag-iral. Marami rin ang mg̃a namatay at namatayang mg̃a kapatid. Sa malinis at maselan na pang̃ang̃asiwa ng̃ Ing̃atyamang si G. Dario Malonzo, lahat ay pawang tumanggap ng̃ abuloy na nararapat. Walang nabinbin sa kanyang karapatan, bagkus ang lahat ay pawang nagtamo ng̃ nauukol sa kanila sa lalong madaling panahon.Dumatal ang ika 30 ng̃ Disyembre ng̃ 1912, araw na ipinang̃ing̃ilin ng̃ lahat ng̃ pilipino. Ang “Kami Naman” at ang nayong Sapote ay nagtuwang sa pagbubunyi sa lalong dakilang taga Silang̃an. Nagdaos ng̃ isang dulang hayag, nagkaroon ng̃ tugtugan, nagilaw ang boong nayon at nagtayo ng̃ mg̃a arko. Ang lalong kapunapuna ay ang pagiisa ng̃ nayon na pawang parol ng̃ “Kami Naman” ang ginamit. At natapos sa ganap na kasyahang loob ng̃ lahat. Ang salaping lumabis sa pagdiriwang ay inihandog sa “Kami Naman” ng̃ kapulung̃an ng̃ nayon, na parang ganting pala sa maayos na pang̃ang̃asiwa sa pagdiriwang.Sumunod na ibinunsod ng̃ Samahan ay ang balak ni G. Marcelino Dizon na lumikom ng̃ isang kusang ambagan upang ibili ng̃ kasangkapang pang-apula ng̃ sunog. Nakatagpo ang balak na ito ng̃ mg̃a balakid at binaka ng̃ ilang di nasisiyahan. Gayon man ay pinang̃atawanan din ng̃ Samahan at nakabili rin ng̃ mg̃a palakol at timba na magagamit karakaraka sa isang simula ng̃ sunog. Hanggang ng̃ayon ay nakatanghal at nakahanda ang mg̃a kasangkapang ito sa nayong Sapote.Ang munisipyo ng̃ Maynila ay siya namang hinarap ng̃ “Kami Naman”. Sunodsunod na daing at kahiling̃an ang iniharap upang ang nayong kinatatayuan ng̃ Samahan ay ipaayos. Pinilit na maglagay man lamang ng̃ gripo, sapagka’t noon ay nagkakahalaga ng̃ anim ó limang sentimos ang bawa’t dalawang timba ng̃ inumin sa pook na yaon. Bihirang linggo ang walang panawagan sa pitak ng̃ pahayagan sa Maynila. At humangga sa paglalagay ng̃a ng̃ gripo at pagtatakda ng̃ pamahalaan ng̃ apat na libong piso sa ikaaayos ng̃ nayon. Ito ang lalong malaking tagumpay na tinamo ng̃ “Kami Naman”.Upang iligtas sa sakit ang mg̃a kanayon dahil sa malabis na paglulusak sa pook ng̃ Sapote, ang “Kami Naman” ay nagtayo ng̃ mg̃a tulayang kawayan sa tulong ng̃ nayon.G. Honorato H. de LaraG. Honorato H. de Lara(Tunghayan ang dahong ika 21)Nang hakutin ng̃ mg̃a sanitaryo ang mg̃a kawani sa Limbagan ng̃ Pamahalaan at kulung̃in sa Pagamutang San Lasaro, dahil sa mikrobyo ng̃ dipterya, ang “Kami Naman” ay siyang tang̃i at kusang umabuloy sa mg̃a napinsalaang yaon. Wala ni isang kasapi sa “Kami Naman” na napalahok doon, datapwa’t ginawa ang pagdamay sa paniniwalang magkakapatid na lahat ang mahirap. At ito’y tinugon ng̃ di gagaanong pasalamat ng̃ mg̃a dinamayan. Noon ay Marzo ng̃ 1913.Sa gayong mg̃a ipinakisama ng̃ “Kami Naman” sa bayan ay marahang sumusung̃aw ang kanyang kabantugan. At lalo pang nabantog siya pagkatapos ipagbunyi ang ika isang taong buhay ng̃ Samahan. Paano’y dalawang araw na ginawa ang kasayahan: ika 13 at ika 14 ng̃ Septiyembre ng̃ 1913. Nagbukas ng̃ timpalak ng mg̃a dula at gilasan ng̃ artista, na siyang kaunaunahang timpalak na may ganitong uri na idinaos sa sangkapuluang Pilipinas. Nagdaos pa ng̃ isang misang alaala sa lahat ng̃ mg̃a kasaping nang̃amatay sa ilalim ng̃ watawat ng̃ “Kami Naman”. Nagkaroon ng̃ binyag at kumpil at maghapong mg̃a palaro. Ang nabantog na banda ng̃ Meralko ay siyang tumugtog. At tinapos ang kasayahan sa isang magiliw na salosalong kapatid. Alinsunod sa mg̃a pahayagan dito sa Maynila ay mahigit na apat na libongtao ang dumalo sa mg̃a pagdiriwang na yaon. Dapat namang magkatotoo, pagka’t may mg̃a nagtayo pa ng̃ mg̃a tindahan at lahat halos ng̃ tahanan sa Sapote ay may kanikanyang handa. Ano pa’t ang pagdiriwang ng̃ “Kami Naman” ay naging parang pista ng̃ nayon. Sapul na noon ang “Kami Naman” ay nabantog na ng̃ gayon na lamang at ang lalong nakatawag sa diwa ng̃ marami ay ang mg̃a kartelong nagsabit sa trambiya na nagbansag ng̃ kasiglahang ipamamalas ng̃ “Kami Naman”.Ang isa pa sa mg̃a pagdiriwang ng̃ Samahang ito na hinang̃aan din ng̃ madla ay ang pagtatanghal ng̃ mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman”. Ginanap noong ika 21 ng̃ Disyembre ng̃ 1913, sa Dulaang Angel sa Singalong. Mahigit sa tatlong libong tao ang nanood. At noon ay minsan pang itinampok ang mayamang uri ng̃ mg̃a babaing pilipina.G. Rosendo S. CruzG. Rosendo S. CruzKumatha ng̃ “Tuntunin ng̃ Pulong” na ikalawang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dakong ika 19)Sa mg̃a pamamahayag ng̃ bayan ang “Kami Naman” ay palaging nakikilahok; ng̃uni’t pakikilahok na di sa gayongayon na lamang, kung hindi pakikilahokna kapunapuna; yaong nakapagpaparing̃al at umaani ng̃ papuri. Kung walang karrosa ang “Kami Naman” ay nakalulan naman sa sasakyan ang kanyang mg̃a kinatawan. Datapwa’t hindi sa iisang sasakyan lamang kung hindi sa pito o labing apat kaya. At sa loob ng̃ dalawang taon ay labing dalawang ganting pala angtinamo ng̃ “Kami Naman”. ¿Ano pang sigla ang hahanapin? ¿Ano pang kilos ang magagawa? Wala na. Hanggan diyan na lamang talaga ang isang samahan.Kasabay ang pagsisigasig na magtamo ng̃ lalo at lalong karang̃alan, ang “Kami Naman” ay nagpapakatatag sa kanyang tayo. Inakala ng̃ Pangulong De los Reyes na ang pagkakaibaiba ng̃ hilig ng̃ mg̃a kasapi ay dapat tapatan ng̃ kanikanyang ikasisiyang loob. Dahil dito ay binahagi niya ang “Kami Naman” sa iba’t ibang Lupon na may kanikanyang uri, layon, pananalapi, at mg̃a kaanib.Ang unang Lupon ay ang Damayan. Magabuloy sa namatay o namatayang kasapi ang layon. Lupon sa Kalakal ang pang̃alawa at nagsimula ng̃ pagkilos noong Pebrero ng̃ 1913. Disyembre ng̃ 1913 itinatag ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin na binubuo ng̃ pawang mapanghalinang binibini. Sila ay mg̃a kasaping pangdang̃al sa “Kami Naman”. Disyembre ring yaon ng̃ itatag ang Lupon sa Pagpapalakas. Bago sumipot ang masikap at masiglang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat.Lahat ng̃ lupon na ito ay nagtanghal ng̃ kanikanyang lakas at magagawa. Bawa’t isa’y naghandog ng̃ matatayog na papuri sa boong Samahan. At sa lubos na paghang̃a ng̃ isang kasapi sa “Ilog Beata” sa kakisigan ng̃ “Kami Naman” ay tinula niya ang kasunod:G. Ramon S. TorresG. Ramon S. TorresKalihim Tagapahayag ng̃ Samahan ng̃ mg̃a mananagalog na “Ilog Beata” at tumula ng̃ tulang “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 12)“KAMI NAMAN”Bayang inaapi, ako’y nananaligna ang bawa’t sikat ng araw sa lang̃it,taglay ang tinig mong malungkot na tinig.At iya’y hindi ko matalos kung bakitikaw’y lumuluha, ikaw’y tumatang̃isgayong may lakas ka’t may Bayaning Bisig.Subali’t hintay ka;aking ibubuhayang isang alagad na dapat asahan.Luming̃on ka roon, sa dakong Timuganat mamamalas mong na nawawagaywayang isang Bandilang kapitapitaganng kilala’t bantog na ang KAMI NAMAN.Yao’y Kapisanang sagana sa lahat,sagana sa dunong, sagana sa lakasat hindi marunong matakot sa tawagng kanyang kalabang mayaman sa gilas,pagka’t alam niya’t kanyang natatatapna ang Mundong ito’y Mundo ng̃ pang̃arap.Isang Kapisanang ang bawa’t kasapiay may siglang taglay na kahilihili:isang Kapisanang ang hakbang ay lagingtung̃o sa pagsulong, tung̃o sa lwalhati:sapagka’t ang kanyang darakilang Mithi’yitanggol ang api: matwid ay maghari.Yao’y binubuu ng dukha’t mayamanng mangmang at paham, bata at may gulang,sapagka’t ang kanyang isang patakaranna salig sa loob noong Kapisanan,ang dukha’y ibang̃on, ang aba’y tulung̃an,wala ni mataas; pawang pantaypantay.At, ito’y tulain ng̃ mg̃a makata,dakila sa lalong Samahang dakila,maningning sa lalong maningning na tala;at sapagka’t ito’y butihing diwata,ako, ikaw, sila, ang lahat na’y pawanamang gumigiliw at nagsisihang̃a.KayFrancisco Dizondapat kilalaninang pagkakatatag ng̃ napakagitingna Samahang yaong may tang̃ing layunin:siya ang pumukaw, siya ang gumisingsa nang̃atutulog na mga damdamingna nang̃alalang̃o sa pagkakahimbing.Angel de los Reyes: iyan ang pamagatng kanyang pang̃ulo nang ito’y matanyag;Rosendo S. Cruz:isa ring masikap;Yaman na ang Bayan sa gitna ng gubatay hindi nagtamo ng magandang paladkung kaya nangyaring yao’y itinatag.Hindi ba’t ang taong likha ni Bathalaay taglay sa kanyang pagsipot sa lupaang mga Tuntuni’t Batas ng Paglaya?Kung ito’y totoo: ¿bakit lumuluhatayong naririto? Pang̃arap ng̃a yatalamang ang umasa’t maghintay sa wala.Hindi lamang yoon para sa lalakikung hindi laan din sa mga babai:naron siPascuala Pintorna may iwingng̃iti na ang bawa’t ng̃iti ay pagkasi;naron siConchita; at isa pang saksi,siAnitanglaging dinidilidili.Nang̃agsapisapi ang mga binata,ang kadalagaha’y humalo sa hakana ang Lang̃it nati’y itanghal, ipala,sapagka’t ang ating darakilang nasa’yibang̃on ang bayan nating lumuluha’thumarap sa lalong malakas sa lupa.Oo nga at tunay na dito’y nagkalatang mga Samaha’t Kapisanang tanyagsubali’t tulutang aking maisaadna ang KAMI NAMAN Samahang mahirap,sa matuling agos ng luha ng palad,ay ito ang siyang darampi, huhugas.Ramon S. TorresTaga “Ilog-Beata”.Tundo, Maynila, K. P.Sa likod ng̃ mg̃a papuring ito sa “Kami Naman” ay mayroon namang mg̃a naiinis sa di maalamang sanhi. Aywan kung anong suliranin ang nagbubuyo at ang mg̃a ito ay nagpapakaimbi sa pagwawasak ng̃ Samahan. Kinakalaban ang sariling damdamin, niyuyurakan ang sariling dang̃al, at binubulag ang sariling paning̃in. Hindi pa man ipinang̃ang̃anak ang “Kami Naman” ay binanta ng̃ lasunin. Sa kanila ang lahat ng̃ kilos ng̃ “KamiNaman” ay pawang hindi matwid. Salamat sa pusong matimpi ng̃ Pang̃ulong De los Reyes at di man siya natukso. Salamat din sa kalamigang loob ng̃ mg̃a kasapi at di man sila nabalino. Talagang gayon: ang tao habang natatanyag ay lalong dumadami ang kaaway. At ang Samahan upang mabuhay kung minsa’y dapat magkaroon ng̃ mg̃a kalaban.G. Sofronio G. CalderonG. Sofronio G. CalderonGuro ng Wikang Tagalog sa Young Men’s Christian Association at isa sa mg̃a humahang̃a sa “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 17)Kung paanong sa kasaysayan ng̃ Pilipinas ay may isangsiglo oscuroo isang daang taong madilim, ang “Kami Naman”ay nagkaroon din. Dahil sa katapang̃an ng̃ isang kalulwa at dahil sa pagkatupad ng̃ wikang ang pagtitiwala’y nakamamatay, ay nagkaroon ng̃ isang maaling̃awng̃aw na usapin ang mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Dapat malamang ang usapin ay sa ilang tao lamang at di ng̃ boong Samahan. Ang Pang̃ulo at ang Ing̃atyaman ay kapuwa inupasalaang umano’y mg̃a magnanakaw. Hinubaran ng̃ puri at tinanghal na mg̃a magdaraya. Hindi na kinilala ang pagkatao ng̃ mg̃a nagbintang at pinagbibintang̃an. Hindi na siniyasat ang kasaysayan ng̃ isa’t isa. ¡Kay taas na ganting pala sa nagpapakamatay sa pagtataguyod ng̃ isang Samahan! Sa gayo’y umawit ng̃ tagumpay ang mg̃a sumasamantala sa sigalot. Ang pagkatagpo nila ng̃ babaing lumabag sa kanyang kahinhinan ay siyang nagpatibay sa paguusig na ito. Ng̃uni’t sa pitak ng̃ mg̃a pahayagan ay tahasang inilahad ni G. De los Reyes, ang boong nangyari. At sa likod ng̃ sigalot na ito ang mg̃a umusig din ang nagpapahayag na batid nilang walang salaping nawawala. Ano pa’t paghihiganti o pagkainis lamang ang kanilang ginawa. Matapat na awa ang dapat iyukol sa namamatay sa pagtupad sa kanyang pananalig....Ipalagay ng̃ ang Pang̃ulong De los Reyes at ang Ing̃atyamang Malonzo, ay nagkasala; bulagin na natin ang ating dang̃al at bing̃ihin na natin ang atingdamdamin; aminin ng̃ sila’y nagkamali: ¿ano ng̃ayon? ¿Anong kapinsalaan mayroon sa Samahan? ¿Ang G. De los Reyes ba at ang G. Malonzo ang “Kami Naman”? ¿Sila bang dalawa ang bumubuo ng̃ Samahan? ¡Hindi! ¡Hindi! At ang sumamba sa gayon ay walang pagsampataya sa kanyang dang̃al....Upang pabulaanan pa ang kumalat na balita, na ang “Kami Naman” ay naligalig, ay na ito naman ang bahagi ng̃ ilang salaysay ni G. De los Reyes:“....Sa isang Samahang na walang tumitiwalag ni itinitiwalag na kaanib, ang Samahang iyan ay buo, matatag, at buhay. Iyan ay pinaghaharian ng kapayapaan at sapupo ng lalong matamis, dalisay, at matimyas na pagkakapatiran....”Palibhasa’y lubos ang pagtitiwala ng̃ mg̃a kaanib sa “Kami Naman” sa kanilang Pang̃ulo at Ing̃atyaman ang Samahan ay di mang naligalig sa sigalot na nangyari sa mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Bagkus lalong nagibayo ang sikap at sigla. At upang lalong mapaayos ang Damayan ay itinigil ng̃ may dalawang buwan. Ang Damayan lamang ang itinigil dahil sa pagbibitiw ng̃ tungkulin ni G. De los Reyes. Pagkatapos ayusin ay naghahalili ng̃ Pamahalaan ng̃ Samahan. Ano pa’t malaking kabulaanan ang ipinamamansag ng̃ iba na nalansag na raw ang “Kami Naman”. Hindi, hindi nalalansag. Hayan at kumilos ng̃ boongsigla at boong ningning. Gaya rin ng̃ dati ay nakatayo pa ang kanyang mg̃a haligi.Bb. Fausta CortesBb. Fausta CortesPang̃ulo ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat at siyang kumatha ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” na ikatlong aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 21)Sa kabantugan ng̃ “Kami Naman” ay malaki ang naitutulong ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Nagbukas ito ng̃ isang aklatan sa kapakinabang̃an ng̃ lahat. Kasapi at hindi sa “Kami Naman” ay binibigyan ng̃ laya. Doon ay sarisaring pahayagan at iba’t ibang aklat ang nagaantabay sa kahi’t kanino.Bukod sa pagsisikap ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” na makapagpalabas ng̃ mg̃a akda, ay naguukol din ng̃ panahon sa paglilinang ng̃ wikang tagalog. Ang katotohana’y napalaban na sila sa tanyag naAklatang Barusog. Ang mg̃a taga “Kami Naman” ay ayaw gumalang sa pagpatay ng̃ N sa piling ng̃ G̃. Ano pa’t hindi sila kaayon samodangang ANG ay isulat ng̃ AG̃ (pinatay ang N). Ang mg̃a tagaAklatang Barusogay nagtanggol naman sa kabilang panig.Sa mg̃a ikinilos na ito ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” ay kinilala ni G. Sofronio G. Calderon ang kanilang pagsusumakit. At na ito ang isa niyang lathala na tumutukoy sa:KAPAKANAN ÑG WIKANG TAGALOGIto ng̃ang wikang Tagalog, itong wika nina Solima’t Lakandula, nila Balagtas at Pilapil, nila Rizal na ng̃ayo’y kasalukuyang pinagmamasakitanngAklatangKAMI NAMAN,ay hindi lihim, at sa katunayan ay nariyan ang lagda ng mga bantog na mananalaysay na kumilala ng kasakdalan ng wikang ito, palibhasa’y ang wikang Tagalog ay isang wikang may sariling likas, may sariling ganda, may sariling yaman at isang wikang maipagbabadiya ng tanang saloobin at damdaming sumasapuso’t ísip ng tao; anopa’t sa katagang sabi, itong wikang Tagalog na ating kinamulatan, nilakhan at pinaka kaluluwa ng ating bayan ay may dakilang kapakanan ayon sa pagkakaakma’t pagkakabalangkas sa isang paraang tumpak at kagilagilalas.Sofronio G. Calderón.Dahil sa talino ng̃ isa sa mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman” ang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ay nagkamit ng̃ karang̃alang sa “Kami Naman” nanggaling ang ikatlo sa mg̃a babaing pilipina na kumatha ng̃ kasaysayan. Iyan ay si Bb. Pascuala Pintor na sumulat ng̃ nobelang “Tagumpay ng̃ Api”, na siyang unang aklat na pinalabas ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Kung ¿ano ang “Tagumpay ng̃ Api”? ang isang liham ni G. Aurelio Tolentino ang dapat sumagot:“Bb. Pascuala Pintor.“Mahal na binibini:“Tinanggap ko po at pinasasalamatan ang mahalagang handog ninyo sa akin, isang salin ng inyong matalinong nobelang “Tagumpay ng Apí”.“Kulang ang lahat ng papuring kaya kong sabihin, upang tumbasan ang hiwagang sarap ng aklat na nabanggit. Bukod sa talagang maykalugodlugod na ganda sa pagkakahanay ng mga salitang bihis ng kanyang mayayamang isipan, ay naghahandog pa sa damdamin ng ulirang buhay na gaya ng kay Teban, aralan gaya ng kay Titay at katarungang gaya ng kay Mameng at kay Leon.“Palibhasa’y marami na ang mga nobelang Tagalog; dahil sa mga mahahalaga rin naman ay maitutulad sa isang kuwintas na gintong sinasagisag ng bagong buhay. Ang “Tagumpay ng Apí”, ngayong mapakituhog sa kuwintas na iyan, ay naging pinakamaluningning na «relicariong» tinampakan ng makikinang na batong diamante, at may mahal na laman sa loob, ang buhay na larawan ng kabaitang nagtagumpay sa dagok ng kapaslangang binigti ng katarungan ng sariling damdamin.“Naghihintay pagutusan ang talisuyo nilang si“Aurelio Tolentino.“Maynila, ika 30 ng Junio ng 1914.”Sumunod na pinalabas ng̃ mg̃a manunulat ng̃ “Kami Naman” ang aklat ni G. Rosendo S. Cruz. “Tuntunin ng̃ Pulong” ang pamagat at gaya rin ng̃ “Tagumpay ng̃ Api” ay nagtamo ng̃ mg̃a bati at papuri. Isa na rito ang kalatas ng̃ isang taga Malabon, Rizal, na si G. Amado Jacinto. Aniya’y“Malabon, Rizal, S. P.“Ika 30 ng Okt., 1914.“G. Rosendo S. Cruz.“Mahal na kaibigan: Tinanggap ko ang isang salin ng iyong mahalaga at munting aklat na ang pamagat ay “Tuntunin ng Pulong”, at ako’y nagpapasalamat ng marami.“Rosendo, ang iyong aklat, sa ganang sarili ko, ay dapat mong ipagkapuri. ¿At bakit? Sapagka’tsa aklat mong itong maliit at mura lamangaymayroon kang isang dakilang bagay na matuturo. At ito’y ang pagpapakilala mo sa iba, na ang kahalagahan ng isang katha’y wala sa kapal at sa laki, kundi nasauriat saka salayon:uringsiyang bilang pinakapagaari ng isang aklat, atlayonnamang siyang tunay na ariariang kinapapalamnan ng dañgal ng isang kumatha.“Anguringtinutukoy ko rito ñgayon ay hindi ang tungkol sa kalinisan o karumham ngliteratura, kundi ang kungnakapagtuturoohindi nakapagtuturo; at ang sa layon nama’y kungmabutiohíndi, samakatuwid ay kung angpakinabañgano makinabang lamang.“Kapag ang isang aklat ñga’y may uring nakapagtuturo at may mabuting layon, para sa akin ay sukat na, upang kalugdan kong basahin at hanggang sa purihin pa pati ng kumatha.“¡At lalo pa marahil, kung ang kumathang iya’y isang kaibigang katulad mo! ¿Hindi ba?“Tungkol sa pagbabasa ng mga aklat ay aking maipagtatapat sa iyong ako ñga’y mayroon ng kakaibang panglasa kay sa dati, at ang sabi ko’y ganito, sapagka’t hindi na ako nalulugod ñgayon sa mga Felipe Trigo at Eduardo Zamacois, diyan sa mga mapaglarawan at mapaglikha ng mga kuwadrong nakapagpapagalaw ng laman at nakapagpapakalam ng balat, na sa mahinang loob ay sapat makapagdulot ngisangmasidhing pagkakilití; kundi doon na unti-unting nawiwili ang aking loob sa mga Heberto Spencer at Samanuel Smiles, sa mga Noé Porter at Tomas Stanley.“At dahil sa ganitong pagbabago ng aking hilig, ay huwag ilalaki ng iyong loob na ipalagay at sabihing kong ang aklat mo’y lalo pang kapuri-puri kay sa di iisa’t dadalawang naghahalaga riyan ng 40 at 50sentimos, sa pagka’t ang iyo’y nakatutulongsa pagtitipidng panahon ng mga samahan kung sila’y may pinagpupuluñgan, samantalang ang mga yao’y pawangmgaawitding mistula ng nakalipas na panahon natin,ibañga lamang angpañgalan,anyoatbihis; dapuwa’y sing-isa ring walang nagagawa kundi ang magparami ng mga pañgahas, pilyo, at palalo.“Iyan ang mga sanhi, kung kaya’t baga man may kulang at di mo binuó ang “Tuntunin ng Pulong” na iyong sinulat, ay hinahandugandinkita ng isang maligayang bati, na kasabay ng pakikikamay ko’y tanggapin mo rito sa tapat,at natatalaga mong kaibigan.(May lagda.) “Amado Jacinto.”Ang ikatlong aklat na ipinalimbag ay ang “Agawan ng̃ Dang̃al” na akda naman ni Bb. Fausta Cortes. Ang nagpanukala’t nagtatag ng̃ mg̃a balitang “Ilaw at Panitik”, “Aklatang Barusog” (mg̃a Samahan ng̃ mg̃a manunulat na tagalog) at “Hijos del Siglo” na si G. Honorato H. de Lara ay siyang nagpakilala sa madla kung ano ang “Agawan ng̃ Dang̃al”.Isangligang̃indoor base ballang itinanyag naman ng̃ Lupon sa Pagpapalakas. AngbituingConcepcion Magallanes ay siyang naghagis ng̃ unang pukol ng̃ bola. Limangteamang lumaro at ito’y ang “Marte”, “Katubusan”, “Sinag Kapuluan”, “Makabayan”, at “Kami Naman”. Ang “Marte” ang nagtamo ng̃ tang̃ing gantingpala.Ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin ay kalabisan ng̃ sabihin pa kung ano ang nagawa at ginagawa. Sukat ang ipagtapat na utang sa mg̃a “bituing” ito, ang lahat ng̃ ikinilos ng̃ “Kami Naman”.Paano’y sila ang buhay at kalulwa ng̃ Samahan.Patuloy sa magiliw na pagdadamayan ang Lupon sa Damayan.Ng̃uni’tangLupon sa Kalakal ay napahimbing. Ang Lupon na ito lamang ang nagmintis. Gayon ma’y nakapagtayo rin ng̃ tindahan noong Febrero ng̃ 1913, baga man nabuhay ng̃ may anim na buwan lamang.Sa mg̃a kasiglahang ito ng̃ mg̃a lupon ng̃ “Kami Naman” ang Samahan ay palaging nakapagwawasiwas ng̃ watawat ng̃ tagumpay sa lahat ng̃ kanyang balak. At man sa tuwing bago siyang panukala, ang mg̃a pahayagan ay nang̃agsabing «Bagong maningning na dahon na naman ang mapaparagdag sa hinahang̃aang kasaysayan ng̃ “Kami Naman”.»At dapat namang dakilain ang “Kami Naman”, palibhasa’y isang samahang nakikipagkapatiran sa lahat, sampu sa mg̃a nagpapakaimbi sa pagpatay sa kanya. Kung totoo mang may mg̃a kamaliang nagawa ay totoo rin namang lalong marami ang tumpak na pinang̃atawanan.Diyan natapos ang dalawang taong pamamahala ni G. Angel de los Reyes na nagwagi sa tatlong halalang sunod-sunod sa pagka Pang̃ulo ng̃ Samahan.¡¡¡Panahon ang humatol sa magiging kapalaran ng̃ mg̃a samahang katulad ng̃ “Kami Naman”!!!HANGGATalaan ng NilalamanSA TUTUNGHAYPATALASTASPANGUNANG HAKA NI G. Rosendo S. CruzVSA MGA BITUIN NG “KAMI NAMAN”IXI.MGA PUSONG NAMANDAW NG KAPWA PUSO13II.HINDI NAPAWASTONG PAGTITIYAP27III.MGA HALIK NG PAGIROG35IV.MASIGASIG NA KILOS NI PASTOR53V.¡WALANG SALA! ¡ANG TAGUMPAY AY ATIN!61VI.ANG ARAW NI LOLENG67VII.ANG PAGKAKATAONG LALONG MASAKLAP90VIII.MGA NALUGMOK SA LIWANAG NG BUWAN96IX.BALIW NA NAGSASABI NG KATOTOHANAN104X.SA LAOT NG HAPIS113KoloponMga Maaaring GamitThis eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of theProject Gutenberg Licenseincluded with this eBook or online atwww.gutenberg.org.This eBook is produced by the Online Distributed Proofreading Team atwww.pgdp.net.Agawan ng Dangalis a Tagalog romance novel published by a socio-civic youth organization called Kami Naman. Aside from the novel, this book contains a section on the history of Kami Naman.In the novel, Beteng, a rich young man, is a suitor of a beautiful maiden named Dolores (Loleng). Artemyo acts as Beteng’s “bridge,” serenading Loleng to win Beteng her affection. Unfortunately for Beteng, Loleng falls for Artemyo instead. Beteng is hurt by Loleng’s rejection and sets out to tarnish Artemyo’s reputation, or rob him of honor (agawan siya ng dangal).Pagkaka-enkowdScans of this work are available from the Internet Archive (copy1).Tala ng mga Ginawang Pagbabago2011-02-01 Started.Mga Di-Nakapaloob na ReperensiyaAng elektronikong aklat na ito ng Proyektong Gutenberg ay may mga reperensiyang hindi nakapaloob. Ang mga link para sa mga ito ay maaaring hindi gumana.Mga PagwawastoAng mga sumusunod ay ang mga pagwawastong ginawa sa teksto:PahinaOrihinalPagwawastoVIng̃niVIIsarilesariliVIIIsuliraninsuliraningVIIIbagaybaga’yXAGAWANGAGAWAN15ang̃ang16doorondoroon19,69,77—21,30,30,123[Wala sa orihinal]¡22mahinhinmahinhing23áyonayon24ginagitna36,49,51,52,67,68,110,3ngng̃37pinakikibang̃anpinakikinabang̃an40isasadisasaad40Luming̃osLuming̃on53,78,91,98[Wala sa orihinal]—53kanyang̃kanyang54,59,123,N.A.[Wala sa orihinal].55namangnaman70ning̃78[Wala sa orihinal]¿81habanhabang83HumakbanHumakbang83waláwala84kaawawakaawaawa84nisi88Bala na’yBalana’y100sa sasa105na nana107kanilang̃kanilang112ItangisItang̃is121NGNG̃122hangalhang̃al123ngang̃a124saansaang125hanggahanggang125mgamg̃a126[Wala sa orihinal],126hinahang̃aanhinahang̃aang127binigyangbinigyan128magbibinhinagbibinhi129IlangIlan129nasana sa130JairesJaurès130kong ng̃ako ng̃ang131nakikitanakikilala131[Wala sa orihinal][...]132bayangbayan134magandangmaayos naN.A.NGÑG5,22ng̃ang10nakapunapunana kapunapuna12:;14NamsnNaman18KAMI-NAMANKAMI NAMAN20iayay20isagisang20sapagtitipidsa pagtitipid21dingdin21.,
PAUNAWA
Ang aklat na ito ay nilimbag sa dalawang ayos: nilimbag na kalakip ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” at nilimbag na may sariling balat ó takip. Sino mang magnais na magkaroon ay makabibili sa mg̃a bilihan ng̃ aklat dito sa Maynila, sa halagang isang peseta (₱0.20). Ang mg̃a na sa lalawigan ay makapagbibilin sa Aklatan ng̃ “Kami Naman” sa halagang kahati (₱0.25).Ipalilimbag din ang pang̃alawang bahagi at magtataglay ng̃ mg̃a larawan; gaya ng̃ larawan ni G. Apolonio Umping, G. Paulino Centeno, at iba pang may halaga sa “Kami Naman”.G. Francisco V. DizonG. Francisco V. DizonAng nagtatag ng̃ “Kami Naman” at nagíng unang Pang̃ulo ng̃ Samahang ito.(Tunghayan ang dahong ika 3)BAKAS ÑG SAMAHANO ANG UNANG BAHAGI ÑG KASAYSAYAN ÑG“KAMI NAMAN”(SAMAHAN ÑG MAHIHIRAP)SAPUL SA PAGKATATAG HANGGANG SA WAKAS ÑG PAÑGUÑGULO NI G. ANGEL DE LOS REYES.Sinulat ni Bb. Gorgonia de Leon.Noon ay ika 25 ng̃ Agosto ng̃ 1912. Sa umagang yaon ay isang panahong tagulan ang nagisnan ng̃ mg̃a taga Pako. Ang liwanag ng̃ ilaw ng̃ sangdaigdig ay di mang makagitaw sa makapal na ulap sa pang̃onorin. Nabigo ang mg̃a ibong sa tuwing umaga’y nagpupuri sa bagong liwayway. Walang nasisiyahan sa mg̃a sandaling yaon kung hindi ang mg̃a bulaklak na nagpapakasawa sa ulang hindi tumitila. Noon nasiyahan ang kanilang uhaw. ¿Ilan kayang puso’t kalulwa ang sumusumpa noon sa panahon dahil sa pagkapinsala ng̃ kanilang tipan?Datapwa’t nagmasung̃it man noon ang panahon, ay may isang binatang nagtatanghal ng̃ kanyang kagiting̃an. Siya ay si G. Francisco V. Dizon, kawal ng̃ bagong kabihasnan. Siya ang lalong nagsikap na magsabog ng̃ liwanag ng̃ araw ng̃ sigla ng̃ kabataan sa nayonng̃Sapote sa Pako. Ang ulan ay di niya ikinabalino,bagkus sa pamamagitan ng̃ isang payong ay isa isang sinusundo ang kanyang mg̃a kaibigan upang magtulongtulong sa pagbalangkas ng̃ isang Samahan. Ano pa’t walang alinlang̃ang dapat sabihin na utang sa kanya ang kilusang yaon ng̃ kabataan.Sa isang tahanan sa nayon ng̃ Sapote, Pako, Maynila, ay doon nagkatipon ang ilang magkakapanalig. At sa pang̃ung̃ulo ng̃a ni G. Dizon, ay sumipot sa silong ng̃ lang̃it ng̃ Pilipinas ang isang bigkis ng̃ kabataang pilipino. Sa mungkahi ni G. Luciano Suarez ay bininyagan ng̃ “Kabataang Sikat”. At, palibhasa’y pawang tinitibukan ng̃ isang pusong uhaw sa dunong at aliw, ang mg̃a nagkakatipong yaon, ay «magpalakas at magpatalino» ang pinagsaligan ng̃ pagkabuo ng̃ Samahan. Aralan ang mg̃a pinagkaitan ng̃ ilaw ng̃ dunong at aliwin ang mg̃a ulila sa ligaya, iyan ang tang̃ing layon. At sa gayon ay nayari ang balak ni G. Dizon. Dapat alalahaning kinabukasan ng̃ araw na yaon, ay siyang ika 26 ng̃ Agosto, araw na napakaningning sa dahon ng̃ kasaysayan ng̃ Pilipinas, sapagka’t siyang araw ng̃ unang pagsigaw ng̃ kalayaan ng̃ bayang api ng̃ kapwa bayan.G. Amado Jacinto.G. Amado Jacinto.Naging Pang̃ulo ng̃ Samahang “Mapagsikap” sa Malabon, Rizal(Tunghayan ang dahong ika 19)Nang sumunód na Linggo, unang araw ng̃ Septiyembre, ay nagpulong na muli ang mg̃a nagsisigasig sa pagbang̃on ng̃ “Kabataang Sikat”. Sa mungkahi ni G.Angel de los Reyes, ay binago ang pamagat at pinalitán ng̃ “Kami Naman”. “Kami Naman” ang ipinamagat, sapagka’t sa ibabaw ng̃ kalansay ng̃ mg̃a samahang nabuwag na, ang ibig sabihin ay “Kami namanang magtutuloy ng̃ layong itaguyod ang buhay ng̃ mahihirap sa tugatog ng̃ dang̃al”....Katulad din ng̃ ibang mg̃a Samahan at Kapisanan ay inabot ng̃ sakit naning̃as-kugonang “Kami Naman”. Salamat sa ilang matatalinong manggagamot at ang sakit ay naihanap din ng̃ lunas. Baga man ang “Kami Naman” noon ay para ng̃ bangkay na malamig, dahil sa pagpapabaya ng̃ ilan, ay muling sumigla. At noong ika 19 ng̃ Oktubre ng̃ taong 1912 rin, ay nagbitiw ng̃ tungkulin si G. Francisco V. Dizon at si G. Angel de los Reyes ang napahalili, na naging Pang̃ulo ng̃ Samahan.Ang bagong pang̃asiwaan ay nagpahayag noon din ng bagong palakad at binago na patianglayon ng̃ “Kami Naman”. Boong puso namang pinagtibay ng̃ lahat at sinalubong ng̃ magiliw na palakpakan.Ang mapanglaw na daing ng̃ mahirap, ang malungkot na taghoy ng̃ api, ang malumbay na hibik ng̃ mahina, iyan, iyan ang nagbukas ng̃ bagong isipan sa puso at diwa ng̃ bagong Pang̃ulo. Binago ng̃a ang dating saligan ng̃ Samahan. Ang layongmagliwaliwatmagpatalinoay dinagdagan ng̃pagdadamayan. Sagayon, ay hindi pawang kabataan lamang ang yumakap sa “Kami Naman”, kung hindi sampu ng̃ may mg̃a gulang na ay nakitulong.“Buhayin ang naghihingng̃along pagkakapatiran” ang naging saligan na ng̃ “Kami Naman”. At ang naging pananalig ay “Ang hirap ay bung̃a ng̃ kapabayaan, at na sa tiyagá ang pagtatagumpay”.Kapalaran mandin ang siyang sumubaybay sa bagong pang̃asiwaan at ng̃ sumunod na Sabado ng̃ pagkahalal sa kanila ay nagtanyag na ng̃ kanilang di karaniwang lakas at magagawa. Sa bahay paaralan sa daang Dart, Pako, ay ginanap ang pagtatanghal ng̃ Samahan. Sa lamayang yaon ay may apat na raang tao ang dumaló. Ilang matatalino at litaw na mananalumpati ang nagpaningning sa pagdiriwang. (Ang buong tala ng̃ kasayahang yaon ay matutunghayan sa pang̃alawang aklat ng̃ Aklatang “Kami Naman” naTuntunin ng̃ Pulong.)G. Aurelio TolentinoG. Aurelio TolentinoBantog na mandudula, matalinong manunulat at matapang na mamamahayag. Sa larang̃an ng̃ pananagalog ay kinikilalang isa sa mg̃a may mataas na uri at may tang̃ing pananalaysay. Siya ang kumatha ng̃ dulang “Bagong Kristo” na nagtamo ng̃ isang gantingpalang panulat na ginto. Siya rin ang lumikha ng̃ bantog na dulang “Kahapon, Ng̃ayon at Bukas”; dahil sa kagiting̃an ng̃ dulang ito ay piniit siya ng̃ Pamahalaang Amerikano. Siya ang sumasagot kung ano ang unang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”.(Tunghayan ang dahong ika 19)Dahil sa bagyong nanalanta sa Sebú noong Oktubre ng̃ 1912, ang “Kami Naman” ay nagsimula ng̃ pakikisama sa bayan. Binahaybahay na tinawagan ang maawaing pusó ng̃ pilipino sa Sapote, at lumikom ng̃ isang halagang iniabuloy sa mg̃a nasawi. At dahil sa pagkamatay ng̃ ilang angkan ng̃ mg̃a kanayon na kapwa anak-dalita, ay dumulog na naman ang “Kami Naman” sa bahaybahay upangabuluyan ang kapatid na dinatnan ng̃ palad. Dapat talastasing ang mg̃a unang inabuluyan ng̃ “Kami Naman” ay mg̃a taong ni ayaw man lamang makiyakap sa Samahang ito.Sa ikapapaanyo ng̃ damayan ay bumalangkas ng̃ mg̃a batas na susundin ng̃ magkakapatid; at mula ng̃ unang araw ng̃ Disyembre ng̃ 1912 ay nagsimula sa pag-iral. Marami rin ang mg̃a namatay at namatayang mg̃a kapatid. Sa malinis at maselan na pang̃ang̃asiwa ng̃ Ing̃atyamang si G. Dario Malonzo, lahat ay pawang tumanggap ng̃ abuloy na nararapat. Walang nabinbin sa kanyang karapatan, bagkus ang lahat ay pawang nagtamo ng̃ nauukol sa kanila sa lalong madaling panahon.Dumatal ang ika 30 ng̃ Disyembre ng̃ 1912, araw na ipinang̃ing̃ilin ng̃ lahat ng̃ pilipino. Ang “Kami Naman” at ang nayong Sapote ay nagtuwang sa pagbubunyi sa lalong dakilang taga Silang̃an. Nagdaos ng̃ isang dulang hayag, nagkaroon ng̃ tugtugan, nagilaw ang boong nayon at nagtayo ng̃ mg̃a arko. Ang lalong kapunapuna ay ang pagiisa ng̃ nayon na pawang parol ng̃ “Kami Naman” ang ginamit. At natapos sa ganap na kasyahang loob ng̃ lahat. Ang salaping lumabis sa pagdiriwang ay inihandog sa “Kami Naman” ng̃ kapulung̃an ng̃ nayon, na parang ganting pala sa maayos na pang̃ang̃asiwa sa pagdiriwang.Sumunod na ibinunsod ng̃ Samahan ay ang balak ni G. Marcelino Dizon na lumikom ng̃ isang kusang ambagan upang ibili ng̃ kasangkapang pang-apula ng̃ sunog. Nakatagpo ang balak na ito ng̃ mg̃a balakid at binaka ng̃ ilang di nasisiyahan. Gayon man ay pinang̃atawanan din ng̃ Samahan at nakabili rin ng̃ mg̃a palakol at timba na magagamit karakaraka sa isang simula ng̃ sunog. Hanggang ng̃ayon ay nakatanghal at nakahanda ang mg̃a kasangkapang ito sa nayong Sapote.Ang munisipyo ng̃ Maynila ay siya namang hinarap ng̃ “Kami Naman”. Sunodsunod na daing at kahiling̃an ang iniharap upang ang nayong kinatatayuan ng̃ Samahan ay ipaayos. Pinilit na maglagay man lamang ng̃ gripo, sapagka’t noon ay nagkakahalaga ng̃ anim ó limang sentimos ang bawa’t dalawang timba ng̃ inumin sa pook na yaon. Bihirang linggo ang walang panawagan sa pitak ng̃ pahayagan sa Maynila. At humangga sa paglalagay ng̃a ng̃ gripo at pagtatakda ng̃ pamahalaan ng̃ apat na libong piso sa ikaaayos ng̃ nayon. Ito ang lalong malaking tagumpay na tinamo ng̃ “Kami Naman”.Upang iligtas sa sakit ang mg̃a kanayon dahil sa malabis na paglulusak sa pook ng̃ Sapote, ang “Kami Naman” ay nagtayo ng̃ mg̃a tulayang kawayan sa tulong ng̃ nayon.G. Honorato H. de LaraG. Honorato H. de Lara(Tunghayan ang dahong ika 21)Nang hakutin ng̃ mg̃a sanitaryo ang mg̃a kawani sa Limbagan ng̃ Pamahalaan at kulung̃in sa Pagamutang San Lasaro, dahil sa mikrobyo ng̃ dipterya, ang “Kami Naman” ay siyang tang̃i at kusang umabuloy sa mg̃a napinsalaang yaon. Wala ni isang kasapi sa “Kami Naman” na napalahok doon, datapwa’t ginawa ang pagdamay sa paniniwalang magkakapatid na lahat ang mahirap. At ito’y tinugon ng̃ di gagaanong pasalamat ng̃ mg̃a dinamayan. Noon ay Marzo ng̃ 1913.Sa gayong mg̃a ipinakisama ng̃ “Kami Naman” sa bayan ay marahang sumusung̃aw ang kanyang kabantugan. At lalo pang nabantog siya pagkatapos ipagbunyi ang ika isang taong buhay ng̃ Samahan. Paano’y dalawang araw na ginawa ang kasayahan: ika 13 at ika 14 ng̃ Septiyembre ng̃ 1913. Nagbukas ng̃ timpalak ng mg̃a dula at gilasan ng̃ artista, na siyang kaunaunahang timpalak na may ganitong uri na idinaos sa sangkapuluang Pilipinas. Nagdaos pa ng̃ isang misang alaala sa lahat ng̃ mg̃a kasaping nang̃amatay sa ilalim ng̃ watawat ng̃ “Kami Naman”. Nagkaroon ng̃ binyag at kumpil at maghapong mg̃a palaro. Ang nabantog na banda ng̃ Meralko ay siyang tumugtog. At tinapos ang kasayahan sa isang magiliw na salosalong kapatid. Alinsunod sa mg̃a pahayagan dito sa Maynila ay mahigit na apat na libongtao ang dumalo sa mg̃a pagdiriwang na yaon. Dapat namang magkatotoo, pagka’t may mg̃a nagtayo pa ng̃ mg̃a tindahan at lahat halos ng̃ tahanan sa Sapote ay may kanikanyang handa. Ano pa’t ang pagdiriwang ng̃ “Kami Naman” ay naging parang pista ng̃ nayon. Sapul na noon ang “Kami Naman” ay nabantog na ng̃ gayon na lamang at ang lalong nakatawag sa diwa ng̃ marami ay ang mg̃a kartelong nagsabit sa trambiya na nagbansag ng̃ kasiglahang ipamamalas ng̃ “Kami Naman”.Ang isa pa sa mg̃a pagdiriwang ng̃ Samahang ito na hinang̃aan din ng̃ madla ay ang pagtatanghal ng̃ mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman”. Ginanap noong ika 21 ng̃ Disyembre ng̃ 1913, sa Dulaang Angel sa Singalong. Mahigit sa tatlong libong tao ang nanood. At noon ay minsan pang itinampok ang mayamang uri ng̃ mg̃a babaing pilipina.G. Rosendo S. CruzG. Rosendo S. CruzKumatha ng̃ “Tuntunin ng̃ Pulong” na ikalawang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dakong ika 19)Sa mg̃a pamamahayag ng̃ bayan ang “Kami Naman” ay palaging nakikilahok; ng̃uni’t pakikilahok na di sa gayongayon na lamang, kung hindi pakikilahokna kapunapuna; yaong nakapagpaparing̃al at umaani ng̃ papuri. Kung walang karrosa ang “Kami Naman” ay nakalulan naman sa sasakyan ang kanyang mg̃a kinatawan. Datapwa’t hindi sa iisang sasakyan lamang kung hindi sa pito o labing apat kaya. At sa loob ng̃ dalawang taon ay labing dalawang ganting pala angtinamo ng̃ “Kami Naman”. ¿Ano pang sigla ang hahanapin? ¿Ano pang kilos ang magagawa? Wala na. Hanggan diyan na lamang talaga ang isang samahan.Kasabay ang pagsisigasig na magtamo ng̃ lalo at lalong karang̃alan, ang “Kami Naman” ay nagpapakatatag sa kanyang tayo. Inakala ng̃ Pangulong De los Reyes na ang pagkakaibaiba ng̃ hilig ng̃ mg̃a kasapi ay dapat tapatan ng̃ kanikanyang ikasisiyang loob. Dahil dito ay binahagi niya ang “Kami Naman” sa iba’t ibang Lupon na may kanikanyang uri, layon, pananalapi, at mg̃a kaanib.Ang unang Lupon ay ang Damayan. Magabuloy sa namatay o namatayang kasapi ang layon. Lupon sa Kalakal ang pang̃alawa at nagsimula ng̃ pagkilos noong Pebrero ng̃ 1913. Disyembre ng̃ 1913 itinatag ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin na binubuo ng̃ pawang mapanghalinang binibini. Sila ay mg̃a kasaping pangdang̃al sa “Kami Naman”. Disyembre ring yaon ng̃ itatag ang Lupon sa Pagpapalakas. Bago sumipot ang masikap at masiglang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat.Lahat ng̃ lupon na ito ay nagtanghal ng̃ kanikanyang lakas at magagawa. Bawa’t isa’y naghandog ng̃ matatayog na papuri sa boong Samahan. At sa lubos na paghang̃a ng̃ isang kasapi sa “Ilog Beata” sa kakisigan ng̃ “Kami Naman” ay tinula niya ang kasunod:G. Ramon S. TorresG. Ramon S. TorresKalihim Tagapahayag ng̃ Samahan ng̃ mg̃a mananagalog na “Ilog Beata” at tumula ng̃ tulang “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 12)“KAMI NAMAN”Bayang inaapi, ako’y nananaligna ang bawa’t sikat ng araw sa lang̃it,taglay ang tinig mong malungkot na tinig.At iya’y hindi ko matalos kung bakitikaw’y lumuluha, ikaw’y tumatang̃isgayong may lakas ka’t may Bayaning Bisig.Subali’t hintay ka;aking ibubuhayang isang alagad na dapat asahan.Luming̃on ka roon, sa dakong Timuganat mamamalas mong na nawawagaywayang isang Bandilang kapitapitaganng kilala’t bantog na ang KAMI NAMAN.Yao’y Kapisanang sagana sa lahat,sagana sa dunong, sagana sa lakasat hindi marunong matakot sa tawagng kanyang kalabang mayaman sa gilas,pagka’t alam niya’t kanyang natatatapna ang Mundong ito’y Mundo ng̃ pang̃arap.Isang Kapisanang ang bawa’t kasapiay may siglang taglay na kahilihili:isang Kapisanang ang hakbang ay lagingtung̃o sa pagsulong, tung̃o sa lwalhati:sapagka’t ang kanyang darakilang Mithi’yitanggol ang api: matwid ay maghari.Yao’y binubuu ng dukha’t mayamanng mangmang at paham, bata at may gulang,sapagka’t ang kanyang isang patakaranna salig sa loob noong Kapisanan,ang dukha’y ibang̃on, ang aba’y tulung̃an,wala ni mataas; pawang pantaypantay.At, ito’y tulain ng̃ mg̃a makata,dakila sa lalong Samahang dakila,maningning sa lalong maningning na tala;at sapagka’t ito’y butihing diwata,ako, ikaw, sila, ang lahat na’y pawanamang gumigiliw at nagsisihang̃a.KayFrancisco Dizondapat kilalaninang pagkakatatag ng̃ napakagitingna Samahang yaong may tang̃ing layunin:siya ang pumukaw, siya ang gumisingsa nang̃atutulog na mga damdamingna nang̃alalang̃o sa pagkakahimbing.Angel de los Reyes: iyan ang pamagatng kanyang pang̃ulo nang ito’y matanyag;Rosendo S. Cruz:isa ring masikap;Yaman na ang Bayan sa gitna ng gubatay hindi nagtamo ng magandang paladkung kaya nangyaring yao’y itinatag.Hindi ba’t ang taong likha ni Bathalaay taglay sa kanyang pagsipot sa lupaang mga Tuntuni’t Batas ng Paglaya?Kung ito’y totoo: ¿bakit lumuluhatayong naririto? Pang̃arap ng̃a yatalamang ang umasa’t maghintay sa wala.Hindi lamang yoon para sa lalakikung hindi laan din sa mga babai:naron siPascuala Pintorna may iwingng̃iti na ang bawa’t ng̃iti ay pagkasi;naron siConchita; at isa pang saksi,siAnitanglaging dinidilidili.Nang̃agsapisapi ang mga binata,ang kadalagaha’y humalo sa hakana ang Lang̃it nati’y itanghal, ipala,sapagka’t ang ating darakilang nasa’yibang̃on ang bayan nating lumuluha’thumarap sa lalong malakas sa lupa.Oo nga at tunay na dito’y nagkalatang mga Samaha’t Kapisanang tanyagsubali’t tulutang aking maisaadna ang KAMI NAMAN Samahang mahirap,sa matuling agos ng luha ng palad,ay ito ang siyang darampi, huhugas.Ramon S. TorresTaga “Ilog-Beata”.Tundo, Maynila, K. P.Sa likod ng̃ mg̃a papuring ito sa “Kami Naman” ay mayroon namang mg̃a naiinis sa di maalamang sanhi. Aywan kung anong suliranin ang nagbubuyo at ang mg̃a ito ay nagpapakaimbi sa pagwawasak ng̃ Samahan. Kinakalaban ang sariling damdamin, niyuyurakan ang sariling dang̃al, at binubulag ang sariling paning̃in. Hindi pa man ipinang̃ang̃anak ang “Kami Naman” ay binanta ng̃ lasunin. Sa kanila ang lahat ng̃ kilos ng̃ “KamiNaman” ay pawang hindi matwid. Salamat sa pusong matimpi ng̃ Pang̃ulong De los Reyes at di man siya natukso. Salamat din sa kalamigang loob ng̃ mg̃a kasapi at di man sila nabalino. Talagang gayon: ang tao habang natatanyag ay lalong dumadami ang kaaway. At ang Samahan upang mabuhay kung minsa’y dapat magkaroon ng̃ mg̃a kalaban.G. Sofronio G. CalderonG. Sofronio G. CalderonGuro ng Wikang Tagalog sa Young Men’s Christian Association at isa sa mg̃a humahang̃a sa “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 17)Kung paanong sa kasaysayan ng̃ Pilipinas ay may isangsiglo oscuroo isang daang taong madilim, ang “Kami Naman”ay nagkaroon din. Dahil sa katapang̃an ng̃ isang kalulwa at dahil sa pagkatupad ng̃ wikang ang pagtitiwala’y nakamamatay, ay nagkaroon ng̃ isang maaling̃awng̃aw na usapin ang mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Dapat malamang ang usapin ay sa ilang tao lamang at di ng̃ boong Samahan. Ang Pang̃ulo at ang Ing̃atyaman ay kapuwa inupasalaang umano’y mg̃a magnanakaw. Hinubaran ng̃ puri at tinanghal na mg̃a magdaraya. Hindi na kinilala ang pagkatao ng̃ mg̃a nagbintang at pinagbibintang̃an. Hindi na siniyasat ang kasaysayan ng̃ isa’t isa. ¡Kay taas na ganting pala sa nagpapakamatay sa pagtataguyod ng̃ isang Samahan! Sa gayo’y umawit ng̃ tagumpay ang mg̃a sumasamantala sa sigalot. Ang pagkatagpo nila ng̃ babaing lumabag sa kanyang kahinhinan ay siyang nagpatibay sa paguusig na ito. Ng̃uni’t sa pitak ng̃ mg̃a pahayagan ay tahasang inilahad ni G. De los Reyes, ang boong nangyari. At sa likod ng̃ sigalot na ito ang mg̃a umusig din ang nagpapahayag na batid nilang walang salaping nawawala. Ano pa’t paghihiganti o pagkainis lamang ang kanilang ginawa. Matapat na awa ang dapat iyukol sa namamatay sa pagtupad sa kanyang pananalig....Ipalagay ng̃ ang Pang̃ulong De los Reyes at ang Ing̃atyamang Malonzo, ay nagkasala; bulagin na natin ang ating dang̃al at bing̃ihin na natin ang atingdamdamin; aminin ng̃ sila’y nagkamali: ¿ano ng̃ayon? ¿Anong kapinsalaan mayroon sa Samahan? ¿Ang G. De los Reyes ba at ang G. Malonzo ang “Kami Naman”? ¿Sila bang dalawa ang bumubuo ng̃ Samahan? ¡Hindi! ¡Hindi! At ang sumamba sa gayon ay walang pagsampataya sa kanyang dang̃al....Upang pabulaanan pa ang kumalat na balita, na ang “Kami Naman” ay naligalig, ay na ito naman ang bahagi ng̃ ilang salaysay ni G. De los Reyes:“....Sa isang Samahang na walang tumitiwalag ni itinitiwalag na kaanib, ang Samahang iyan ay buo, matatag, at buhay. Iyan ay pinaghaharian ng kapayapaan at sapupo ng lalong matamis, dalisay, at matimyas na pagkakapatiran....”Palibhasa’y lubos ang pagtitiwala ng̃ mg̃a kaanib sa “Kami Naman” sa kanilang Pang̃ulo at Ing̃atyaman ang Samahan ay di mang naligalig sa sigalot na nangyari sa mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Bagkus lalong nagibayo ang sikap at sigla. At upang lalong mapaayos ang Damayan ay itinigil ng̃ may dalawang buwan. Ang Damayan lamang ang itinigil dahil sa pagbibitiw ng̃ tungkulin ni G. De los Reyes. Pagkatapos ayusin ay naghahalili ng̃ Pamahalaan ng̃ Samahan. Ano pa’t malaking kabulaanan ang ipinamamansag ng̃ iba na nalansag na raw ang “Kami Naman”. Hindi, hindi nalalansag. Hayan at kumilos ng̃ boongsigla at boong ningning. Gaya rin ng̃ dati ay nakatayo pa ang kanyang mg̃a haligi.Bb. Fausta CortesBb. Fausta CortesPang̃ulo ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat at siyang kumatha ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” na ikatlong aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 21)Sa kabantugan ng̃ “Kami Naman” ay malaki ang naitutulong ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Nagbukas ito ng̃ isang aklatan sa kapakinabang̃an ng̃ lahat. Kasapi at hindi sa “Kami Naman” ay binibigyan ng̃ laya. Doon ay sarisaring pahayagan at iba’t ibang aklat ang nagaantabay sa kahi’t kanino.Bukod sa pagsisikap ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” na makapagpalabas ng̃ mg̃a akda, ay naguukol din ng̃ panahon sa paglilinang ng̃ wikang tagalog. Ang katotohana’y napalaban na sila sa tanyag naAklatang Barusog. Ang mg̃a taga “Kami Naman” ay ayaw gumalang sa pagpatay ng̃ N sa piling ng̃ G̃. Ano pa’t hindi sila kaayon samodangang ANG ay isulat ng̃ AG̃ (pinatay ang N). Ang mg̃a tagaAklatang Barusogay nagtanggol naman sa kabilang panig.Sa mg̃a ikinilos na ito ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” ay kinilala ni G. Sofronio G. Calderon ang kanilang pagsusumakit. At na ito ang isa niyang lathala na tumutukoy sa:KAPAKANAN ÑG WIKANG TAGALOGIto ng̃ang wikang Tagalog, itong wika nina Solima’t Lakandula, nila Balagtas at Pilapil, nila Rizal na ng̃ayo’y kasalukuyang pinagmamasakitanngAklatangKAMI NAMAN,ay hindi lihim, at sa katunayan ay nariyan ang lagda ng mga bantog na mananalaysay na kumilala ng kasakdalan ng wikang ito, palibhasa’y ang wikang Tagalog ay isang wikang may sariling likas, may sariling ganda, may sariling yaman at isang wikang maipagbabadiya ng tanang saloobin at damdaming sumasapuso’t ísip ng tao; anopa’t sa katagang sabi, itong wikang Tagalog na ating kinamulatan, nilakhan at pinaka kaluluwa ng ating bayan ay may dakilang kapakanan ayon sa pagkakaakma’t pagkakabalangkas sa isang paraang tumpak at kagilagilalas.Sofronio G. Calderón.Dahil sa talino ng̃ isa sa mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman” ang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ay nagkamit ng̃ karang̃alang sa “Kami Naman” nanggaling ang ikatlo sa mg̃a babaing pilipina na kumatha ng̃ kasaysayan. Iyan ay si Bb. Pascuala Pintor na sumulat ng̃ nobelang “Tagumpay ng̃ Api”, na siyang unang aklat na pinalabas ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Kung ¿ano ang “Tagumpay ng̃ Api”? ang isang liham ni G. Aurelio Tolentino ang dapat sumagot:“Bb. Pascuala Pintor.“Mahal na binibini:“Tinanggap ko po at pinasasalamatan ang mahalagang handog ninyo sa akin, isang salin ng inyong matalinong nobelang “Tagumpay ng Apí”.“Kulang ang lahat ng papuring kaya kong sabihin, upang tumbasan ang hiwagang sarap ng aklat na nabanggit. Bukod sa talagang maykalugodlugod na ganda sa pagkakahanay ng mga salitang bihis ng kanyang mayayamang isipan, ay naghahandog pa sa damdamin ng ulirang buhay na gaya ng kay Teban, aralan gaya ng kay Titay at katarungang gaya ng kay Mameng at kay Leon.“Palibhasa’y marami na ang mga nobelang Tagalog; dahil sa mga mahahalaga rin naman ay maitutulad sa isang kuwintas na gintong sinasagisag ng bagong buhay. Ang “Tagumpay ng Apí”, ngayong mapakituhog sa kuwintas na iyan, ay naging pinakamaluningning na «relicariong» tinampakan ng makikinang na batong diamante, at may mahal na laman sa loob, ang buhay na larawan ng kabaitang nagtagumpay sa dagok ng kapaslangang binigti ng katarungan ng sariling damdamin.“Naghihintay pagutusan ang talisuyo nilang si“Aurelio Tolentino.“Maynila, ika 30 ng Junio ng 1914.”Sumunod na pinalabas ng̃ mg̃a manunulat ng̃ “Kami Naman” ang aklat ni G. Rosendo S. Cruz. “Tuntunin ng̃ Pulong” ang pamagat at gaya rin ng̃ “Tagumpay ng̃ Api” ay nagtamo ng̃ mg̃a bati at papuri. Isa na rito ang kalatas ng̃ isang taga Malabon, Rizal, na si G. Amado Jacinto. Aniya’y“Malabon, Rizal, S. P.“Ika 30 ng Okt., 1914.“G. Rosendo S. Cruz.“Mahal na kaibigan: Tinanggap ko ang isang salin ng iyong mahalaga at munting aklat na ang pamagat ay “Tuntunin ng Pulong”, at ako’y nagpapasalamat ng marami.“Rosendo, ang iyong aklat, sa ganang sarili ko, ay dapat mong ipagkapuri. ¿At bakit? Sapagka’tsa aklat mong itong maliit at mura lamangaymayroon kang isang dakilang bagay na matuturo. At ito’y ang pagpapakilala mo sa iba, na ang kahalagahan ng isang katha’y wala sa kapal at sa laki, kundi nasauriat saka salayon:uringsiyang bilang pinakapagaari ng isang aklat, atlayonnamang siyang tunay na ariariang kinapapalamnan ng dañgal ng isang kumatha.“Anguringtinutukoy ko rito ñgayon ay hindi ang tungkol sa kalinisan o karumham ngliteratura, kundi ang kungnakapagtuturoohindi nakapagtuturo; at ang sa layon nama’y kungmabutiohíndi, samakatuwid ay kung angpakinabañgano makinabang lamang.“Kapag ang isang aklat ñga’y may uring nakapagtuturo at may mabuting layon, para sa akin ay sukat na, upang kalugdan kong basahin at hanggang sa purihin pa pati ng kumatha.“¡At lalo pa marahil, kung ang kumathang iya’y isang kaibigang katulad mo! ¿Hindi ba?“Tungkol sa pagbabasa ng mga aklat ay aking maipagtatapat sa iyong ako ñga’y mayroon ng kakaibang panglasa kay sa dati, at ang sabi ko’y ganito, sapagka’t hindi na ako nalulugod ñgayon sa mga Felipe Trigo at Eduardo Zamacois, diyan sa mga mapaglarawan at mapaglikha ng mga kuwadrong nakapagpapagalaw ng laman at nakapagpapakalam ng balat, na sa mahinang loob ay sapat makapagdulot ngisangmasidhing pagkakilití; kundi doon na unti-unting nawiwili ang aking loob sa mga Heberto Spencer at Samanuel Smiles, sa mga Noé Porter at Tomas Stanley.“At dahil sa ganitong pagbabago ng aking hilig, ay huwag ilalaki ng iyong loob na ipalagay at sabihing kong ang aklat mo’y lalo pang kapuri-puri kay sa di iisa’t dadalawang naghahalaga riyan ng 40 at 50sentimos, sa pagka’t ang iyo’y nakatutulongsa pagtitipidng panahon ng mga samahan kung sila’y may pinagpupuluñgan, samantalang ang mga yao’y pawangmgaawitding mistula ng nakalipas na panahon natin,ibañga lamang angpañgalan,anyoatbihis; dapuwa’y sing-isa ring walang nagagawa kundi ang magparami ng mga pañgahas, pilyo, at palalo.“Iyan ang mga sanhi, kung kaya’t baga man may kulang at di mo binuó ang “Tuntunin ng Pulong” na iyong sinulat, ay hinahandugandinkita ng isang maligayang bati, na kasabay ng pakikikamay ko’y tanggapin mo rito sa tapat,at natatalaga mong kaibigan.(May lagda.) “Amado Jacinto.”Ang ikatlong aklat na ipinalimbag ay ang “Agawan ng̃ Dang̃al” na akda naman ni Bb. Fausta Cortes. Ang nagpanukala’t nagtatag ng̃ mg̃a balitang “Ilaw at Panitik”, “Aklatang Barusog” (mg̃a Samahan ng̃ mg̃a manunulat na tagalog) at “Hijos del Siglo” na si G. Honorato H. de Lara ay siyang nagpakilala sa madla kung ano ang “Agawan ng̃ Dang̃al”.Isangligang̃indoor base ballang itinanyag naman ng̃ Lupon sa Pagpapalakas. AngbituingConcepcion Magallanes ay siyang naghagis ng̃ unang pukol ng̃ bola. Limangteamang lumaro at ito’y ang “Marte”, “Katubusan”, “Sinag Kapuluan”, “Makabayan”, at “Kami Naman”. Ang “Marte” ang nagtamo ng̃ tang̃ing gantingpala.Ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin ay kalabisan ng̃ sabihin pa kung ano ang nagawa at ginagawa. Sukat ang ipagtapat na utang sa mg̃a “bituing” ito, ang lahat ng̃ ikinilos ng̃ “Kami Naman”.Paano’y sila ang buhay at kalulwa ng̃ Samahan.Patuloy sa magiliw na pagdadamayan ang Lupon sa Damayan.Ng̃uni’tangLupon sa Kalakal ay napahimbing. Ang Lupon na ito lamang ang nagmintis. Gayon ma’y nakapagtayo rin ng̃ tindahan noong Febrero ng̃ 1913, baga man nabuhay ng̃ may anim na buwan lamang.Sa mg̃a kasiglahang ito ng̃ mg̃a lupon ng̃ “Kami Naman” ang Samahan ay palaging nakapagwawasiwas ng̃ watawat ng̃ tagumpay sa lahat ng̃ kanyang balak. At man sa tuwing bago siyang panukala, ang mg̃a pahayagan ay nang̃agsabing «Bagong maningning na dahon na naman ang mapaparagdag sa hinahang̃aang kasaysayan ng̃ “Kami Naman”.»At dapat namang dakilain ang “Kami Naman”, palibhasa’y isang samahang nakikipagkapatiran sa lahat, sampu sa mg̃a nagpapakaimbi sa pagpatay sa kanya. Kung totoo mang may mg̃a kamaliang nagawa ay totoo rin namang lalong marami ang tumpak na pinang̃atawanan.Diyan natapos ang dalawang taong pamamahala ni G. Angel de los Reyes na nagwagi sa tatlong halalang sunod-sunod sa pagka Pang̃ulo ng̃ Samahan.¡¡¡Panahon ang humatol sa magiging kapalaran ng̃ mg̃a samahang katulad ng̃ “Kami Naman”!!!HANGGATalaan ng NilalamanSA TUTUNGHAYPATALASTASPANGUNANG HAKA NI G. Rosendo S. CruzVSA MGA BITUIN NG “KAMI NAMAN”IXI.MGA PUSONG NAMANDAW NG KAPWA PUSO13II.HINDI NAPAWASTONG PAGTITIYAP27III.MGA HALIK NG PAGIROG35IV.MASIGASIG NA KILOS NI PASTOR53V.¡WALANG SALA! ¡ANG TAGUMPAY AY ATIN!61VI.ANG ARAW NI LOLENG67VII.ANG PAGKAKATAONG LALONG MASAKLAP90VIII.MGA NALUGMOK SA LIWANAG NG BUWAN96IX.BALIW NA NAGSASABI NG KATOTOHANAN104X.SA LAOT NG HAPIS113KoloponMga Maaaring GamitThis eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of theProject Gutenberg Licenseincluded with this eBook or online atwww.gutenberg.org.This eBook is produced by the Online Distributed Proofreading Team atwww.pgdp.net.Agawan ng Dangalis a Tagalog romance novel published by a socio-civic youth organization called Kami Naman. Aside from the novel, this book contains a section on the history of Kami Naman.In the novel, Beteng, a rich young man, is a suitor of a beautiful maiden named Dolores (Loleng). Artemyo acts as Beteng’s “bridge,” serenading Loleng to win Beteng her affection. Unfortunately for Beteng, Loleng falls for Artemyo instead. Beteng is hurt by Loleng’s rejection and sets out to tarnish Artemyo’s reputation, or rob him of honor (agawan siya ng dangal).Pagkaka-enkowdScans of this work are available from the Internet Archive (copy1).Tala ng mga Ginawang Pagbabago2011-02-01 Started.Mga Di-Nakapaloob na ReperensiyaAng elektronikong aklat na ito ng Proyektong Gutenberg ay may mga reperensiyang hindi nakapaloob. Ang mga link para sa mga ito ay maaaring hindi gumana.Mga PagwawastoAng mga sumusunod ay ang mga pagwawastong ginawa sa teksto:PahinaOrihinalPagwawastoVIng̃niVIIsarilesariliVIIIsuliraninsuliraningVIIIbagaybaga’yXAGAWANGAGAWAN15ang̃ang16doorondoroon19,69,77—21,30,30,123[Wala sa orihinal]¡22mahinhinmahinhing23áyonayon24ginagitna36,49,51,52,67,68,110,3ngng̃37pinakikibang̃anpinakikinabang̃an40isasadisasaad40Luming̃osLuming̃on53,78,91,98[Wala sa orihinal]—53kanyang̃kanyang54,59,123,N.A.[Wala sa orihinal].55namangnaman70ning̃78[Wala sa orihinal]¿81habanhabang83HumakbanHumakbang83waláwala84kaawawakaawaawa84nisi88Bala na’yBalana’y100sa sasa105na nana107kanilang̃kanilang112ItangisItang̃is121NGNG̃122hangalhang̃al123ngang̃a124saansaang125hanggahanggang125mgamg̃a126[Wala sa orihinal],126hinahang̃aanhinahang̃aang127binigyangbinigyan128magbibinhinagbibinhi129IlangIlan129nasana sa130JairesJaurès130kong ng̃ako ng̃ang131nakikitanakikilala131[Wala sa orihinal][...]132bayangbayan134magandangmaayos naN.A.NGÑG5,22ng̃ang10nakapunapunana kapunapuna12:;14NamsnNaman18KAMI-NAMANKAMI NAMAN20iayay20isagisang20sapagtitipidsa pagtitipid21dingdin21.,
Ang aklat na ito ay nilimbag sa dalawang ayos: nilimbag na kalakip ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” at nilimbag na may sariling balat ó takip. Sino mang magnais na magkaroon ay makabibili sa mg̃a bilihan ng̃ aklat dito sa Maynila, sa halagang isang peseta (₱0.20). Ang mg̃a na sa lalawigan ay makapagbibilin sa Aklatan ng̃ “Kami Naman” sa halagang kahati (₱0.25).Ipalilimbag din ang pang̃alawang bahagi at magtataglay ng̃ mg̃a larawan; gaya ng̃ larawan ni G. Apolonio Umping, G. Paulino Centeno, at iba pang may halaga sa “Kami Naman”.
G. Francisco V. DizonG. Francisco V. DizonAng nagtatag ng̃ “Kami Naman” at nagíng unang Pang̃ulo ng̃ Samahang ito.(Tunghayan ang dahong ika 3)
G. Francisco V. Dizon
Ang nagtatag ng̃ “Kami Naman” at nagíng unang Pang̃ulo ng̃ Samahang ito.
(Tunghayan ang dahong ika 3)
BAKAS ÑG SAMAHANO ANG UNANG BAHAGI ÑG KASAYSAYAN ÑG“KAMI NAMAN”(SAMAHAN ÑG MAHIHIRAP)SAPUL SA PAGKATATAG HANGGANG SA WAKAS ÑG PAÑGUÑGULO NI G. ANGEL DE LOS REYES.Sinulat ni Bb. Gorgonia de Leon.Noon ay ika 25 ng̃ Agosto ng̃ 1912. Sa umagang yaon ay isang panahong tagulan ang nagisnan ng̃ mg̃a taga Pako. Ang liwanag ng̃ ilaw ng̃ sangdaigdig ay di mang makagitaw sa makapal na ulap sa pang̃onorin. Nabigo ang mg̃a ibong sa tuwing umaga’y nagpupuri sa bagong liwayway. Walang nasisiyahan sa mg̃a sandaling yaon kung hindi ang mg̃a bulaklak na nagpapakasawa sa ulang hindi tumitila. Noon nasiyahan ang kanilang uhaw. ¿Ilan kayang puso’t kalulwa ang sumusumpa noon sa panahon dahil sa pagkapinsala ng̃ kanilang tipan?Datapwa’t nagmasung̃it man noon ang panahon, ay may isang binatang nagtatanghal ng̃ kanyang kagiting̃an. Siya ay si G. Francisco V. Dizon, kawal ng̃ bagong kabihasnan. Siya ang lalong nagsikap na magsabog ng̃ liwanag ng̃ araw ng̃ sigla ng̃ kabataan sa nayonng̃Sapote sa Pako. Ang ulan ay di niya ikinabalino,bagkus sa pamamagitan ng̃ isang payong ay isa isang sinusundo ang kanyang mg̃a kaibigan upang magtulongtulong sa pagbalangkas ng̃ isang Samahan. Ano pa’t walang alinlang̃ang dapat sabihin na utang sa kanya ang kilusang yaon ng̃ kabataan.Sa isang tahanan sa nayon ng̃ Sapote, Pako, Maynila, ay doon nagkatipon ang ilang magkakapanalig. At sa pang̃ung̃ulo ng̃a ni G. Dizon, ay sumipot sa silong ng̃ lang̃it ng̃ Pilipinas ang isang bigkis ng̃ kabataang pilipino. Sa mungkahi ni G. Luciano Suarez ay bininyagan ng̃ “Kabataang Sikat”. At, palibhasa’y pawang tinitibukan ng̃ isang pusong uhaw sa dunong at aliw, ang mg̃a nagkakatipong yaon, ay «magpalakas at magpatalino» ang pinagsaligan ng̃ pagkabuo ng̃ Samahan. Aralan ang mg̃a pinagkaitan ng̃ ilaw ng̃ dunong at aliwin ang mg̃a ulila sa ligaya, iyan ang tang̃ing layon. At sa gayon ay nayari ang balak ni G. Dizon. Dapat alalahaning kinabukasan ng̃ araw na yaon, ay siyang ika 26 ng̃ Agosto, araw na napakaningning sa dahon ng̃ kasaysayan ng̃ Pilipinas, sapagka’t siyang araw ng̃ unang pagsigaw ng̃ kalayaan ng̃ bayang api ng̃ kapwa bayan.G. Amado Jacinto.G. Amado Jacinto.Naging Pang̃ulo ng̃ Samahang “Mapagsikap” sa Malabon, Rizal(Tunghayan ang dahong ika 19)Nang sumunód na Linggo, unang araw ng̃ Septiyembre, ay nagpulong na muli ang mg̃a nagsisigasig sa pagbang̃on ng̃ “Kabataang Sikat”. Sa mungkahi ni G.Angel de los Reyes, ay binago ang pamagat at pinalitán ng̃ “Kami Naman”. “Kami Naman” ang ipinamagat, sapagka’t sa ibabaw ng̃ kalansay ng̃ mg̃a samahang nabuwag na, ang ibig sabihin ay “Kami namanang magtutuloy ng̃ layong itaguyod ang buhay ng̃ mahihirap sa tugatog ng̃ dang̃al”....Katulad din ng̃ ibang mg̃a Samahan at Kapisanan ay inabot ng̃ sakit naning̃as-kugonang “Kami Naman”. Salamat sa ilang matatalinong manggagamot at ang sakit ay naihanap din ng̃ lunas. Baga man ang “Kami Naman” noon ay para ng̃ bangkay na malamig, dahil sa pagpapabaya ng̃ ilan, ay muling sumigla. At noong ika 19 ng̃ Oktubre ng̃ taong 1912 rin, ay nagbitiw ng̃ tungkulin si G. Francisco V. Dizon at si G. Angel de los Reyes ang napahalili, na naging Pang̃ulo ng̃ Samahan.Ang bagong pang̃asiwaan ay nagpahayag noon din ng bagong palakad at binago na patianglayon ng̃ “Kami Naman”. Boong puso namang pinagtibay ng̃ lahat at sinalubong ng̃ magiliw na palakpakan.Ang mapanglaw na daing ng̃ mahirap, ang malungkot na taghoy ng̃ api, ang malumbay na hibik ng̃ mahina, iyan, iyan ang nagbukas ng̃ bagong isipan sa puso at diwa ng̃ bagong Pang̃ulo. Binago ng̃a ang dating saligan ng̃ Samahan. Ang layongmagliwaliwatmagpatalinoay dinagdagan ng̃pagdadamayan. Sagayon, ay hindi pawang kabataan lamang ang yumakap sa “Kami Naman”, kung hindi sampu ng̃ may mg̃a gulang na ay nakitulong.“Buhayin ang naghihingng̃along pagkakapatiran” ang naging saligan na ng̃ “Kami Naman”. At ang naging pananalig ay “Ang hirap ay bung̃a ng̃ kapabayaan, at na sa tiyagá ang pagtatagumpay”.Kapalaran mandin ang siyang sumubaybay sa bagong pang̃asiwaan at ng̃ sumunod na Sabado ng̃ pagkahalal sa kanila ay nagtanyag na ng̃ kanilang di karaniwang lakas at magagawa. Sa bahay paaralan sa daang Dart, Pako, ay ginanap ang pagtatanghal ng̃ Samahan. Sa lamayang yaon ay may apat na raang tao ang dumaló. Ilang matatalino at litaw na mananalumpati ang nagpaningning sa pagdiriwang. (Ang buong tala ng̃ kasayahang yaon ay matutunghayan sa pang̃alawang aklat ng̃ Aklatang “Kami Naman” naTuntunin ng̃ Pulong.)G. Aurelio TolentinoG. Aurelio TolentinoBantog na mandudula, matalinong manunulat at matapang na mamamahayag. Sa larang̃an ng̃ pananagalog ay kinikilalang isa sa mg̃a may mataas na uri at may tang̃ing pananalaysay. Siya ang kumatha ng̃ dulang “Bagong Kristo” na nagtamo ng̃ isang gantingpalang panulat na ginto. Siya rin ang lumikha ng̃ bantog na dulang “Kahapon, Ng̃ayon at Bukas”; dahil sa kagiting̃an ng̃ dulang ito ay piniit siya ng̃ Pamahalaang Amerikano. Siya ang sumasagot kung ano ang unang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”.(Tunghayan ang dahong ika 19)Dahil sa bagyong nanalanta sa Sebú noong Oktubre ng̃ 1912, ang “Kami Naman” ay nagsimula ng̃ pakikisama sa bayan. Binahaybahay na tinawagan ang maawaing pusó ng̃ pilipino sa Sapote, at lumikom ng̃ isang halagang iniabuloy sa mg̃a nasawi. At dahil sa pagkamatay ng̃ ilang angkan ng̃ mg̃a kanayon na kapwa anak-dalita, ay dumulog na naman ang “Kami Naman” sa bahaybahay upangabuluyan ang kapatid na dinatnan ng̃ palad. Dapat talastasing ang mg̃a unang inabuluyan ng̃ “Kami Naman” ay mg̃a taong ni ayaw man lamang makiyakap sa Samahang ito.Sa ikapapaanyo ng̃ damayan ay bumalangkas ng̃ mg̃a batas na susundin ng̃ magkakapatid; at mula ng̃ unang araw ng̃ Disyembre ng̃ 1912 ay nagsimula sa pag-iral. Marami rin ang mg̃a namatay at namatayang mg̃a kapatid. Sa malinis at maselan na pang̃ang̃asiwa ng̃ Ing̃atyamang si G. Dario Malonzo, lahat ay pawang tumanggap ng̃ abuloy na nararapat. Walang nabinbin sa kanyang karapatan, bagkus ang lahat ay pawang nagtamo ng̃ nauukol sa kanila sa lalong madaling panahon.Dumatal ang ika 30 ng̃ Disyembre ng̃ 1912, araw na ipinang̃ing̃ilin ng̃ lahat ng̃ pilipino. Ang “Kami Naman” at ang nayong Sapote ay nagtuwang sa pagbubunyi sa lalong dakilang taga Silang̃an. Nagdaos ng̃ isang dulang hayag, nagkaroon ng̃ tugtugan, nagilaw ang boong nayon at nagtayo ng̃ mg̃a arko. Ang lalong kapunapuna ay ang pagiisa ng̃ nayon na pawang parol ng̃ “Kami Naman” ang ginamit. At natapos sa ganap na kasyahang loob ng̃ lahat. Ang salaping lumabis sa pagdiriwang ay inihandog sa “Kami Naman” ng̃ kapulung̃an ng̃ nayon, na parang ganting pala sa maayos na pang̃ang̃asiwa sa pagdiriwang.Sumunod na ibinunsod ng̃ Samahan ay ang balak ni G. Marcelino Dizon na lumikom ng̃ isang kusang ambagan upang ibili ng̃ kasangkapang pang-apula ng̃ sunog. Nakatagpo ang balak na ito ng̃ mg̃a balakid at binaka ng̃ ilang di nasisiyahan. Gayon man ay pinang̃atawanan din ng̃ Samahan at nakabili rin ng̃ mg̃a palakol at timba na magagamit karakaraka sa isang simula ng̃ sunog. Hanggang ng̃ayon ay nakatanghal at nakahanda ang mg̃a kasangkapang ito sa nayong Sapote.Ang munisipyo ng̃ Maynila ay siya namang hinarap ng̃ “Kami Naman”. Sunodsunod na daing at kahiling̃an ang iniharap upang ang nayong kinatatayuan ng̃ Samahan ay ipaayos. Pinilit na maglagay man lamang ng̃ gripo, sapagka’t noon ay nagkakahalaga ng̃ anim ó limang sentimos ang bawa’t dalawang timba ng̃ inumin sa pook na yaon. Bihirang linggo ang walang panawagan sa pitak ng̃ pahayagan sa Maynila. At humangga sa paglalagay ng̃a ng̃ gripo at pagtatakda ng̃ pamahalaan ng̃ apat na libong piso sa ikaaayos ng̃ nayon. Ito ang lalong malaking tagumpay na tinamo ng̃ “Kami Naman”.Upang iligtas sa sakit ang mg̃a kanayon dahil sa malabis na paglulusak sa pook ng̃ Sapote, ang “Kami Naman” ay nagtayo ng̃ mg̃a tulayang kawayan sa tulong ng̃ nayon.G. Honorato H. de LaraG. Honorato H. de Lara(Tunghayan ang dahong ika 21)Nang hakutin ng̃ mg̃a sanitaryo ang mg̃a kawani sa Limbagan ng̃ Pamahalaan at kulung̃in sa Pagamutang San Lasaro, dahil sa mikrobyo ng̃ dipterya, ang “Kami Naman” ay siyang tang̃i at kusang umabuloy sa mg̃a napinsalaang yaon. Wala ni isang kasapi sa “Kami Naman” na napalahok doon, datapwa’t ginawa ang pagdamay sa paniniwalang magkakapatid na lahat ang mahirap. At ito’y tinugon ng̃ di gagaanong pasalamat ng̃ mg̃a dinamayan. Noon ay Marzo ng̃ 1913.Sa gayong mg̃a ipinakisama ng̃ “Kami Naman” sa bayan ay marahang sumusung̃aw ang kanyang kabantugan. At lalo pang nabantog siya pagkatapos ipagbunyi ang ika isang taong buhay ng̃ Samahan. Paano’y dalawang araw na ginawa ang kasayahan: ika 13 at ika 14 ng̃ Septiyembre ng̃ 1913. Nagbukas ng̃ timpalak ng mg̃a dula at gilasan ng̃ artista, na siyang kaunaunahang timpalak na may ganitong uri na idinaos sa sangkapuluang Pilipinas. Nagdaos pa ng̃ isang misang alaala sa lahat ng̃ mg̃a kasaping nang̃amatay sa ilalim ng̃ watawat ng̃ “Kami Naman”. Nagkaroon ng̃ binyag at kumpil at maghapong mg̃a palaro. Ang nabantog na banda ng̃ Meralko ay siyang tumugtog. At tinapos ang kasayahan sa isang magiliw na salosalong kapatid. Alinsunod sa mg̃a pahayagan dito sa Maynila ay mahigit na apat na libongtao ang dumalo sa mg̃a pagdiriwang na yaon. Dapat namang magkatotoo, pagka’t may mg̃a nagtayo pa ng̃ mg̃a tindahan at lahat halos ng̃ tahanan sa Sapote ay may kanikanyang handa. Ano pa’t ang pagdiriwang ng̃ “Kami Naman” ay naging parang pista ng̃ nayon. Sapul na noon ang “Kami Naman” ay nabantog na ng̃ gayon na lamang at ang lalong nakatawag sa diwa ng̃ marami ay ang mg̃a kartelong nagsabit sa trambiya na nagbansag ng̃ kasiglahang ipamamalas ng̃ “Kami Naman”.Ang isa pa sa mg̃a pagdiriwang ng̃ Samahang ito na hinang̃aan din ng̃ madla ay ang pagtatanghal ng̃ mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman”. Ginanap noong ika 21 ng̃ Disyembre ng̃ 1913, sa Dulaang Angel sa Singalong. Mahigit sa tatlong libong tao ang nanood. At noon ay minsan pang itinampok ang mayamang uri ng̃ mg̃a babaing pilipina.G. Rosendo S. CruzG. Rosendo S. CruzKumatha ng̃ “Tuntunin ng̃ Pulong” na ikalawang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dakong ika 19)Sa mg̃a pamamahayag ng̃ bayan ang “Kami Naman” ay palaging nakikilahok; ng̃uni’t pakikilahok na di sa gayongayon na lamang, kung hindi pakikilahokna kapunapuna; yaong nakapagpaparing̃al at umaani ng̃ papuri. Kung walang karrosa ang “Kami Naman” ay nakalulan naman sa sasakyan ang kanyang mg̃a kinatawan. Datapwa’t hindi sa iisang sasakyan lamang kung hindi sa pito o labing apat kaya. At sa loob ng̃ dalawang taon ay labing dalawang ganting pala angtinamo ng̃ “Kami Naman”. ¿Ano pang sigla ang hahanapin? ¿Ano pang kilos ang magagawa? Wala na. Hanggan diyan na lamang talaga ang isang samahan.Kasabay ang pagsisigasig na magtamo ng̃ lalo at lalong karang̃alan, ang “Kami Naman” ay nagpapakatatag sa kanyang tayo. Inakala ng̃ Pangulong De los Reyes na ang pagkakaibaiba ng̃ hilig ng̃ mg̃a kasapi ay dapat tapatan ng̃ kanikanyang ikasisiyang loob. Dahil dito ay binahagi niya ang “Kami Naman” sa iba’t ibang Lupon na may kanikanyang uri, layon, pananalapi, at mg̃a kaanib.Ang unang Lupon ay ang Damayan. Magabuloy sa namatay o namatayang kasapi ang layon. Lupon sa Kalakal ang pang̃alawa at nagsimula ng̃ pagkilos noong Pebrero ng̃ 1913. Disyembre ng̃ 1913 itinatag ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin na binubuo ng̃ pawang mapanghalinang binibini. Sila ay mg̃a kasaping pangdang̃al sa “Kami Naman”. Disyembre ring yaon ng̃ itatag ang Lupon sa Pagpapalakas. Bago sumipot ang masikap at masiglang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat.Lahat ng̃ lupon na ito ay nagtanghal ng̃ kanikanyang lakas at magagawa. Bawa’t isa’y naghandog ng̃ matatayog na papuri sa boong Samahan. At sa lubos na paghang̃a ng̃ isang kasapi sa “Ilog Beata” sa kakisigan ng̃ “Kami Naman” ay tinula niya ang kasunod:G. Ramon S. TorresG. Ramon S. TorresKalihim Tagapahayag ng̃ Samahan ng̃ mg̃a mananagalog na “Ilog Beata” at tumula ng̃ tulang “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 12)“KAMI NAMAN”Bayang inaapi, ako’y nananaligna ang bawa’t sikat ng araw sa lang̃it,taglay ang tinig mong malungkot na tinig.At iya’y hindi ko matalos kung bakitikaw’y lumuluha, ikaw’y tumatang̃isgayong may lakas ka’t may Bayaning Bisig.Subali’t hintay ka;aking ibubuhayang isang alagad na dapat asahan.Luming̃on ka roon, sa dakong Timuganat mamamalas mong na nawawagaywayang isang Bandilang kapitapitaganng kilala’t bantog na ang KAMI NAMAN.Yao’y Kapisanang sagana sa lahat,sagana sa dunong, sagana sa lakasat hindi marunong matakot sa tawagng kanyang kalabang mayaman sa gilas,pagka’t alam niya’t kanyang natatatapna ang Mundong ito’y Mundo ng̃ pang̃arap.Isang Kapisanang ang bawa’t kasapiay may siglang taglay na kahilihili:isang Kapisanang ang hakbang ay lagingtung̃o sa pagsulong, tung̃o sa lwalhati:sapagka’t ang kanyang darakilang Mithi’yitanggol ang api: matwid ay maghari.Yao’y binubuu ng dukha’t mayamanng mangmang at paham, bata at may gulang,sapagka’t ang kanyang isang patakaranna salig sa loob noong Kapisanan,ang dukha’y ibang̃on, ang aba’y tulung̃an,wala ni mataas; pawang pantaypantay.At, ito’y tulain ng̃ mg̃a makata,dakila sa lalong Samahang dakila,maningning sa lalong maningning na tala;at sapagka’t ito’y butihing diwata,ako, ikaw, sila, ang lahat na’y pawanamang gumigiliw at nagsisihang̃a.KayFrancisco Dizondapat kilalaninang pagkakatatag ng̃ napakagitingna Samahang yaong may tang̃ing layunin:siya ang pumukaw, siya ang gumisingsa nang̃atutulog na mga damdamingna nang̃alalang̃o sa pagkakahimbing.Angel de los Reyes: iyan ang pamagatng kanyang pang̃ulo nang ito’y matanyag;Rosendo S. Cruz:isa ring masikap;Yaman na ang Bayan sa gitna ng gubatay hindi nagtamo ng magandang paladkung kaya nangyaring yao’y itinatag.Hindi ba’t ang taong likha ni Bathalaay taglay sa kanyang pagsipot sa lupaang mga Tuntuni’t Batas ng Paglaya?Kung ito’y totoo: ¿bakit lumuluhatayong naririto? Pang̃arap ng̃a yatalamang ang umasa’t maghintay sa wala.Hindi lamang yoon para sa lalakikung hindi laan din sa mga babai:naron siPascuala Pintorna may iwingng̃iti na ang bawa’t ng̃iti ay pagkasi;naron siConchita; at isa pang saksi,siAnitanglaging dinidilidili.Nang̃agsapisapi ang mga binata,ang kadalagaha’y humalo sa hakana ang Lang̃it nati’y itanghal, ipala,sapagka’t ang ating darakilang nasa’yibang̃on ang bayan nating lumuluha’thumarap sa lalong malakas sa lupa.Oo nga at tunay na dito’y nagkalatang mga Samaha’t Kapisanang tanyagsubali’t tulutang aking maisaadna ang KAMI NAMAN Samahang mahirap,sa matuling agos ng luha ng palad,ay ito ang siyang darampi, huhugas.Ramon S. TorresTaga “Ilog-Beata”.Tundo, Maynila, K. P.Sa likod ng̃ mg̃a papuring ito sa “Kami Naman” ay mayroon namang mg̃a naiinis sa di maalamang sanhi. Aywan kung anong suliranin ang nagbubuyo at ang mg̃a ito ay nagpapakaimbi sa pagwawasak ng̃ Samahan. Kinakalaban ang sariling damdamin, niyuyurakan ang sariling dang̃al, at binubulag ang sariling paning̃in. Hindi pa man ipinang̃ang̃anak ang “Kami Naman” ay binanta ng̃ lasunin. Sa kanila ang lahat ng̃ kilos ng̃ “KamiNaman” ay pawang hindi matwid. Salamat sa pusong matimpi ng̃ Pang̃ulong De los Reyes at di man siya natukso. Salamat din sa kalamigang loob ng̃ mg̃a kasapi at di man sila nabalino. Talagang gayon: ang tao habang natatanyag ay lalong dumadami ang kaaway. At ang Samahan upang mabuhay kung minsa’y dapat magkaroon ng̃ mg̃a kalaban.G. Sofronio G. CalderonG. Sofronio G. CalderonGuro ng Wikang Tagalog sa Young Men’s Christian Association at isa sa mg̃a humahang̃a sa “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 17)Kung paanong sa kasaysayan ng̃ Pilipinas ay may isangsiglo oscuroo isang daang taong madilim, ang “Kami Naman”ay nagkaroon din. Dahil sa katapang̃an ng̃ isang kalulwa at dahil sa pagkatupad ng̃ wikang ang pagtitiwala’y nakamamatay, ay nagkaroon ng̃ isang maaling̃awng̃aw na usapin ang mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Dapat malamang ang usapin ay sa ilang tao lamang at di ng̃ boong Samahan. Ang Pang̃ulo at ang Ing̃atyaman ay kapuwa inupasalaang umano’y mg̃a magnanakaw. Hinubaran ng̃ puri at tinanghal na mg̃a magdaraya. Hindi na kinilala ang pagkatao ng̃ mg̃a nagbintang at pinagbibintang̃an. Hindi na siniyasat ang kasaysayan ng̃ isa’t isa. ¡Kay taas na ganting pala sa nagpapakamatay sa pagtataguyod ng̃ isang Samahan! Sa gayo’y umawit ng̃ tagumpay ang mg̃a sumasamantala sa sigalot. Ang pagkatagpo nila ng̃ babaing lumabag sa kanyang kahinhinan ay siyang nagpatibay sa paguusig na ito. Ng̃uni’t sa pitak ng̃ mg̃a pahayagan ay tahasang inilahad ni G. De los Reyes, ang boong nangyari. At sa likod ng̃ sigalot na ito ang mg̃a umusig din ang nagpapahayag na batid nilang walang salaping nawawala. Ano pa’t paghihiganti o pagkainis lamang ang kanilang ginawa. Matapat na awa ang dapat iyukol sa namamatay sa pagtupad sa kanyang pananalig....Ipalagay ng̃ ang Pang̃ulong De los Reyes at ang Ing̃atyamang Malonzo, ay nagkasala; bulagin na natin ang ating dang̃al at bing̃ihin na natin ang atingdamdamin; aminin ng̃ sila’y nagkamali: ¿ano ng̃ayon? ¿Anong kapinsalaan mayroon sa Samahan? ¿Ang G. De los Reyes ba at ang G. Malonzo ang “Kami Naman”? ¿Sila bang dalawa ang bumubuo ng̃ Samahan? ¡Hindi! ¡Hindi! At ang sumamba sa gayon ay walang pagsampataya sa kanyang dang̃al....Upang pabulaanan pa ang kumalat na balita, na ang “Kami Naman” ay naligalig, ay na ito naman ang bahagi ng̃ ilang salaysay ni G. De los Reyes:“....Sa isang Samahang na walang tumitiwalag ni itinitiwalag na kaanib, ang Samahang iyan ay buo, matatag, at buhay. Iyan ay pinaghaharian ng kapayapaan at sapupo ng lalong matamis, dalisay, at matimyas na pagkakapatiran....”Palibhasa’y lubos ang pagtitiwala ng̃ mg̃a kaanib sa “Kami Naman” sa kanilang Pang̃ulo at Ing̃atyaman ang Samahan ay di mang naligalig sa sigalot na nangyari sa mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Bagkus lalong nagibayo ang sikap at sigla. At upang lalong mapaayos ang Damayan ay itinigil ng̃ may dalawang buwan. Ang Damayan lamang ang itinigil dahil sa pagbibitiw ng̃ tungkulin ni G. De los Reyes. Pagkatapos ayusin ay naghahalili ng̃ Pamahalaan ng̃ Samahan. Ano pa’t malaking kabulaanan ang ipinamamansag ng̃ iba na nalansag na raw ang “Kami Naman”. Hindi, hindi nalalansag. Hayan at kumilos ng̃ boongsigla at boong ningning. Gaya rin ng̃ dati ay nakatayo pa ang kanyang mg̃a haligi.Bb. Fausta CortesBb. Fausta CortesPang̃ulo ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat at siyang kumatha ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” na ikatlong aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 21)Sa kabantugan ng̃ “Kami Naman” ay malaki ang naitutulong ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Nagbukas ito ng̃ isang aklatan sa kapakinabang̃an ng̃ lahat. Kasapi at hindi sa “Kami Naman” ay binibigyan ng̃ laya. Doon ay sarisaring pahayagan at iba’t ibang aklat ang nagaantabay sa kahi’t kanino.Bukod sa pagsisikap ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” na makapagpalabas ng̃ mg̃a akda, ay naguukol din ng̃ panahon sa paglilinang ng̃ wikang tagalog. Ang katotohana’y napalaban na sila sa tanyag naAklatang Barusog. Ang mg̃a taga “Kami Naman” ay ayaw gumalang sa pagpatay ng̃ N sa piling ng̃ G̃. Ano pa’t hindi sila kaayon samodangang ANG ay isulat ng̃ AG̃ (pinatay ang N). Ang mg̃a tagaAklatang Barusogay nagtanggol naman sa kabilang panig.Sa mg̃a ikinilos na ito ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” ay kinilala ni G. Sofronio G. Calderon ang kanilang pagsusumakit. At na ito ang isa niyang lathala na tumutukoy sa:KAPAKANAN ÑG WIKANG TAGALOGIto ng̃ang wikang Tagalog, itong wika nina Solima’t Lakandula, nila Balagtas at Pilapil, nila Rizal na ng̃ayo’y kasalukuyang pinagmamasakitanngAklatangKAMI NAMAN,ay hindi lihim, at sa katunayan ay nariyan ang lagda ng mga bantog na mananalaysay na kumilala ng kasakdalan ng wikang ito, palibhasa’y ang wikang Tagalog ay isang wikang may sariling likas, may sariling ganda, may sariling yaman at isang wikang maipagbabadiya ng tanang saloobin at damdaming sumasapuso’t ísip ng tao; anopa’t sa katagang sabi, itong wikang Tagalog na ating kinamulatan, nilakhan at pinaka kaluluwa ng ating bayan ay may dakilang kapakanan ayon sa pagkakaakma’t pagkakabalangkas sa isang paraang tumpak at kagilagilalas.Sofronio G. Calderón.Dahil sa talino ng̃ isa sa mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman” ang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ay nagkamit ng̃ karang̃alang sa “Kami Naman” nanggaling ang ikatlo sa mg̃a babaing pilipina na kumatha ng̃ kasaysayan. Iyan ay si Bb. Pascuala Pintor na sumulat ng̃ nobelang “Tagumpay ng̃ Api”, na siyang unang aklat na pinalabas ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Kung ¿ano ang “Tagumpay ng̃ Api”? ang isang liham ni G. Aurelio Tolentino ang dapat sumagot:“Bb. Pascuala Pintor.“Mahal na binibini:“Tinanggap ko po at pinasasalamatan ang mahalagang handog ninyo sa akin, isang salin ng inyong matalinong nobelang “Tagumpay ng Apí”.“Kulang ang lahat ng papuring kaya kong sabihin, upang tumbasan ang hiwagang sarap ng aklat na nabanggit. Bukod sa talagang maykalugodlugod na ganda sa pagkakahanay ng mga salitang bihis ng kanyang mayayamang isipan, ay naghahandog pa sa damdamin ng ulirang buhay na gaya ng kay Teban, aralan gaya ng kay Titay at katarungang gaya ng kay Mameng at kay Leon.“Palibhasa’y marami na ang mga nobelang Tagalog; dahil sa mga mahahalaga rin naman ay maitutulad sa isang kuwintas na gintong sinasagisag ng bagong buhay. Ang “Tagumpay ng Apí”, ngayong mapakituhog sa kuwintas na iyan, ay naging pinakamaluningning na «relicariong» tinampakan ng makikinang na batong diamante, at may mahal na laman sa loob, ang buhay na larawan ng kabaitang nagtagumpay sa dagok ng kapaslangang binigti ng katarungan ng sariling damdamin.“Naghihintay pagutusan ang talisuyo nilang si“Aurelio Tolentino.“Maynila, ika 30 ng Junio ng 1914.”Sumunod na pinalabas ng̃ mg̃a manunulat ng̃ “Kami Naman” ang aklat ni G. Rosendo S. Cruz. “Tuntunin ng̃ Pulong” ang pamagat at gaya rin ng̃ “Tagumpay ng̃ Api” ay nagtamo ng̃ mg̃a bati at papuri. Isa na rito ang kalatas ng̃ isang taga Malabon, Rizal, na si G. Amado Jacinto. Aniya’y“Malabon, Rizal, S. P.“Ika 30 ng Okt., 1914.“G. Rosendo S. Cruz.“Mahal na kaibigan: Tinanggap ko ang isang salin ng iyong mahalaga at munting aklat na ang pamagat ay “Tuntunin ng Pulong”, at ako’y nagpapasalamat ng marami.“Rosendo, ang iyong aklat, sa ganang sarili ko, ay dapat mong ipagkapuri. ¿At bakit? Sapagka’tsa aklat mong itong maliit at mura lamangaymayroon kang isang dakilang bagay na matuturo. At ito’y ang pagpapakilala mo sa iba, na ang kahalagahan ng isang katha’y wala sa kapal at sa laki, kundi nasauriat saka salayon:uringsiyang bilang pinakapagaari ng isang aklat, atlayonnamang siyang tunay na ariariang kinapapalamnan ng dañgal ng isang kumatha.“Anguringtinutukoy ko rito ñgayon ay hindi ang tungkol sa kalinisan o karumham ngliteratura, kundi ang kungnakapagtuturoohindi nakapagtuturo; at ang sa layon nama’y kungmabutiohíndi, samakatuwid ay kung angpakinabañgano makinabang lamang.“Kapag ang isang aklat ñga’y may uring nakapagtuturo at may mabuting layon, para sa akin ay sukat na, upang kalugdan kong basahin at hanggang sa purihin pa pati ng kumatha.“¡At lalo pa marahil, kung ang kumathang iya’y isang kaibigang katulad mo! ¿Hindi ba?“Tungkol sa pagbabasa ng mga aklat ay aking maipagtatapat sa iyong ako ñga’y mayroon ng kakaibang panglasa kay sa dati, at ang sabi ko’y ganito, sapagka’t hindi na ako nalulugod ñgayon sa mga Felipe Trigo at Eduardo Zamacois, diyan sa mga mapaglarawan at mapaglikha ng mga kuwadrong nakapagpapagalaw ng laman at nakapagpapakalam ng balat, na sa mahinang loob ay sapat makapagdulot ngisangmasidhing pagkakilití; kundi doon na unti-unting nawiwili ang aking loob sa mga Heberto Spencer at Samanuel Smiles, sa mga Noé Porter at Tomas Stanley.“At dahil sa ganitong pagbabago ng aking hilig, ay huwag ilalaki ng iyong loob na ipalagay at sabihing kong ang aklat mo’y lalo pang kapuri-puri kay sa di iisa’t dadalawang naghahalaga riyan ng 40 at 50sentimos, sa pagka’t ang iyo’y nakatutulongsa pagtitipidng panahon ng mga samahan kung sila’y may pinagpupuluñgan, samantalang ang mga yao’y pawangmgaawitding mistula ng nakalipas na panahon natin,ibañga lamang angpañgalan,anyoatbihis; dapuwa’y sing-isa ring walang nagagawa kundi ang magparami ng mga pañgahas, pilyo, at palalo.“Iyan ang mga sanhi, kung kaya’t baga man may kulang at di mo binuó ang “Tuntunin ng Pulong” na iyong sinulat, ay hinahandugandinkita ng isang maligayang bati, na kasabay ng pakikikamay ko’y tanggapin mo rito sa tapat,at natatalaga mong kaibigan.(May lagda.) “Amado Jacinto.”Ang ikatlong aklat na ipinalimbag ay ang “Agawan ng̃ Dang̃al” na akda naman ni Bb. Fausta Cortes. Ang nagpanukala’t nagtatag ng̃ mg̃a balitang “Ilaw at Panitik”, “Aklatang Barusog” (mg̃a Samahan ng̃ mg̃a manunulat na tagalog) at “Hijos del Siglo” na si G. Honorato H. de Lara ay siyang nagpakilala sa madla kung ano ang “Agawan ng̃ Dang̃al”.Isangligang̃indoor base ballang itinanyag naman ng̃ Lupon sa Pagpapalakas. AngbituingConcepcion Magallanes ay siyang naghagis ng̃ unang pukol ng̃ bola. Limangteamang lumaro at ito’y ang “Marte”, “Katubusan”, “Sinag Kapuluan”, “Makabayan”, at “Kami Naman”. Ang “Marte” ang nagtamo ng̃ tang̃ing gantingpala.Ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin ay kalabisan ng̃ sabihin pa kung ano ang nagawa at ginagawa. Sukat ang ipagtapat na utang sa mg̃a “bituing” ito, ang lahat ng̃ ikinilos ng̃ “Kami Naman”.Paano’y sila ang buhay at kalulwa ng̃ Samahan.Patuloy sa magiliw na pagdadamayan ang Lupon sa Damayan.Ng̃uni’tangLupon sa Kalakal ay napahimbing. Ang Lupon na ito lamang ang nagmintis. Gayon ma’y nakapagtayo rin ng̃ tindahan noong Febrero ng̃ 1913, baga man nabuhay ng̃ may anim na buwan lamang.Sa mg̃a kasiglahang ito ng̃ mg̃a lupon ng̃ “Kami Naman” ang Samahan ay palaging nakapagwawasiwas ng̃ watawat ng̃ tagumpay sa lahat ng̃ kanyang balak. At man sa tuwing bago siyang panukala, ang mg̃a pahayagan ay nang̃agsabing «Bagong maningning na dahon na naman ang mapaparagdag sa hinahang̃aang kasaysayan ng̃ “Kami Naman”.»At dapat namang dakilain ang “Kami Naman”, palibhasa’y isang samahang nakikipagkapatiran sa lahat, sampu sa mg̃a nagpapakaimbi sa pagpatay sa kanya. Kung totoo mang may mg̃a kamaliang nagawa ay totoo rin namang lalong marami ang tumpak na pinang̃atawanan.Diyan natapos ang dalawang taong pamamahala ni G. Angel de los Reyes na nagwagi sa tatlong halalang sunod-sunod sa pagka Pang̃ulo ng̃ Samahan.¡¡¡Panahon ang humatol sa magiging kapalaran ng̃ mg̃a samahang katulad ng̃ “Kami Naman”!!!HANGGATalaan ng NilalamanSA TUTUNGHAYPATALASTASPANGUNANG HAKA NI G. Rosendo S. CruzVSA MGA BITUIN NG “KAMI NAMAN”IXI.MGA PUSONG NAMANDAW NG KAPWA PUSO13II.HINDI NAPAWASTONG PAGTITIYAP27III.MGA HALIK NG PAGIROG35IV.MASIGASIG NA KILOS NI PASTOR53V.¡WALANG SALA! ¡ANG TAGUMPAY AY ATIN!61VI.ANG ARAW NI LOLENG67VII.ANG PAGKAKATAONG LALONG MASAKLAP90VIII.MGA NALUGMOK SA LIWANAG NG BUWAN96IX.BALIW NA NAGSASABI NG KATOTOHANAN104X.SA LAOT NG HAPIS113KoloponMga Maaaring GamitThis eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of theProject Gutenberg Licenseincluded with this eBook or online atwww.gutenberg.org.This eBook is produced by the Online Distributed Proofreading Team atwww.pgdp.net.Agawan ng Dangalis a Tagalog romance novel published by a socio-civic youth organization called Kami Naman. Aside from the novel, this book contains a section on the history of Kami Naman.In the novel, Beteng, a rich young man, is a suitor of a beautiful maiden named Dolores (Loleng). Artemyo acts as Beteng’s “bridge,” serenading Loleng to win Beteng her affection. Unfortunately for Beteng, Loleng falls for Artemyo instead. Beteng is hurt by Loleng’s rejection and sets out to tarnish Artemyo’s reputation, or rob him of honor (agawan siya ng dangal).Pagkaka-enkowdScans of this work are available from the Internet Archive (copy1).Tala ng mga Ginawang Pagbabago2011-02-01 Started.Mga Di-Nakapaloob na ReperensiyaAng elektronikong aklat na ito ng Proyektong Gutenberg ay may mga reperensiyang hindi nakapaloob. Ang mga link para sa mga ito ay maaaring hindi gumana.Mga PagwawastoAng mga sumusunod ay ang mga pagwawastong ginawa sa teksto:PahinaOrihinalPagwawastoVIng̃niVIIsarilesariliVIIIsuliraninsuliraningVIIIbagaybaga’yXAGAWANGAGAWAN15ang̃ang16doorondoroon19,69,77—21,30,30,123[Wala sa orihinal]¡22mahinhinmahinhing23áyonayon24ginagitna36,49,51,52,67,68,110,3ngng̃37pinakikibang̃anpinakikinabang̃an40isasadisasaad40Luming̃osLuming̃on53,78,91,98[Wala sa orihinal]—53kanyang̃kanyang54,59,123,N.A.[Wala sa orihinal].55namangnaman70ning̃78[Wala sa orihinal]¿81habanhabang83HumakbanHumakbang83waláwala84kaawawakaawaawa84nisi88Bala na’yBalana’y100sa sasa105na nana107kanilang̃kanilang112ItangisItang̃is121NGNG̃122hangalhang̃al123ngang̃a124saansaang125hanggahanggang125mgamg̃a126[Wala sa orihinal],126hinahang̃aanhinahang̃aang127binigyangbinigyan128magbibinhinagbibinhi129IlangIlan129nasana sa130JairesJaurès130kong ng̃ako ng̃ang131nakikitanakikilala131[Wala sa orihinal][...]132bayangbayan134magandangmaayos naN.A.NGÑG5,22ng̃ang10nakapunapunana kapunapuna12:;14NamsnNaman18KAMI-NAMANKAMI NAMAN20iayay20isagisang20sapagtitipidsa pagtitipid21dingdin21.,
BAKAS ÑG SAMAHAN
O ANG UNANG BAHAGI ÑG KASAYSAYAN ÑG“KAMI NAMAN”(SAMAHAN ÑG MAHIHIRAP)SAPUL SA PAGKATATAG HANGGANG SA WAKAS ÑG PAÑGUÑGULO NI G. ANGEL DE LOS REYES.Sinulat ni Bb. Gorgonia de Leon.Noon ay ika 25 ng̃ Agosto ng̃ 1912. Sa umagang yaon ay isang panahong tagulan ang nagisnan ng̃ mg̃a taga Pako. Ang liwanag ng̃ ilaw ng̃ sangdaigdig ay di mang makagitaw sa makapal na ulap sa pang̃onorin. Nabigo ang mg̃a ibong sa tuwing umaga’y nagpupuri sa bagong liwayway. Walang nasisiyahan sa mg̃a sandaling yaon kung hindi ang mg̃a bulaklak na nagpapakasawa sa ulang hindi tumitila. Noon nasiyahan ang kanilang uhaw. ¿Ilan kayang puso’t kalulwa ang sumusumpa noon sa panahon dahil sa pagkapinsala ng̃ kanilang tipan?Datapwa’t nagmasung̃it man noon ang panahon, ay may isang binatang nagtatanghal ng̃ kanyang kagiting̃an. Siya ay si G. Francisco V. Dizon, kawal ng̃ bagong kabihasnan. Siya ang lalong nagsikap na magsabog ng̃ liwanag ng̃ araw ng̃ sigla ng̃ kabataan sa nayonng̃Sapote sa Pako. Ang ulan ay di niya ikinabalino,bagkus sa pamamagitan ng̃ isang payong ay isa isang sinusundo ang kanyang mg̃a kaibigan upang magtulongtulong sa pagbalangkas ng̃ isang Samahan. Ano pa’t walang alinlang̃ang dapat sabihin na utang sa kanya ang kilusang yaon ng̃ kabataan.Sa isang tahanan sa nayon ng̃ Sapote, Pako, Maynila, ay doon nagkatipon ang ilang magkakapanalig. At sa pang̃ung̃ulo ng̃a ni G. Dizon, ay sumipot sa silong ng̃ lang̃it ng̃ Pilipinas ang isang bigkis ng̃ kabataang pilipino. Sa mungkahi ni G. Luciano Suarez ay bininyagan ng̃ “Kabataang Sikat”. At, palibhasa’y pawang tinitibukan ng̃ isang pusong uhaw sa dunong at aliw, ang mg̃a nagkakatipong yaon, ay «magpalakas at magpatalino» ang pinagsaligan ng̃ pagkabuo ng̃ Samahan. Aralan ang mg̃a pinagkaitan ng̃ ilaw ng̃ dunong at aliwin ang mg̃a ulila sa ligaya, iyan ang tang̃ing layon. At sa gayon ay nayari ang balak ni G. Dizon. Dapat alalahaning kinabukasan ng̃ araw na yaon, ay siyang ika 26 ng̃ Agosto, araw na napakaningning sa dahon ng̃ kasaysayan ng̃ Pilipinas, sapagka’t siyang araw ng̃ unang pagsigaw ng̃ kalayaan ng̃ bayang api ng̃ kapwa bayan.G. Amado Jacinto.G. Amado Jacinto.Naging Pang̃ulo ng̃ Samahang “Mapagsikap” sa Malabon, Rizal(Tunghayan ang dahong ika 19)Nang sumunód na Linggo, unang araw ng̃ Septiyembre, ay nagpulong na muli ang mg̃a nagsisigasig sa pagbang̃on ng̃ “Kabataang Sikat”. Sa mungkahi ni G.Angel de los Reyes, ay binago ang pamagat at pinalitán ng̃ “Kami Naman”. “Kami Naman” ang ipinamagat, sapagka’t sa ibabaw ng̃ kalansay ng̃ mg̃a samahang nabuwag na, ang ibig sabihin ay “Kami namanang magtutuloy ng̃ layong itaguyod ang buhay ng̃ mahihirap sa tugatog ng̃ dang̃al”....Katulad din ng̃ ibang mg̃a Samahan at Kapisanan ay inabot ng̃ sakit naning̃as-kugonang “Kami Naman”. Salamat sa ilang matatalinong manggagamot at ang sakit ay naihanap din ng̃ lunas. Baga man ang “Kami Naman” noon ay para ng̃ bangkay na malamig, dahil sa pagpapabaya ng̃ ilan, ay muling sumigla. At noong ika 19 ng̃ Oktubre ng̃ taong 1912 rin, ay nagbitiw ng̃ tungkulin si G. Francisco V. Dizon at si G. Angel de los Reyes ang napahalili, na naging Pang̃ulo ng̃ Samahan.Ang bagong pang̃asiwaan ay nagpahayag noon din ng bagong palakad at binago na patianglayon ng̃ “Kami Naman”. Boong puso namang pinagtibay ng̃ lahat at sinalubong ng̃ magiliw na palakpakan.Ang mapanglaw na daing ng̃ mahirap, ang malungkot na taghoy ng̃ api, ang malumbay na hibik ng̃ mahina, iyan, iyan ang nagbukas ng̃ bagong isipan sa puso at diwa ng̃ bagong Pang̃ulo. Binago ng̃a ang dating saligan ng̃ Samahan. Ang layongmagliwaliwatmagpatalinoay dinagdagan ng̃pagdadamayan. Sagayon, ay hindi pawang kabataan lamang ang yumakap sa “Kami Naman”, kung hindi sampu ng̃ may mg̃a gulang na ay nakitulong.“Buhayin ang naghihingng̃along pagkakapatiran” ang naging saligan na ng̃ “Kami Naman”. At ang naging pananalig ay “Ang hirap ay bung̃a ng̃ kapabayaan, at na sa tiyagá ang pagtatagumpay”.Kapalaran mandin ang siyang sumubaybay sa bagong pang̃asiwaan at ng̃ sumunod na Sabado ng̃ pagkahalal sa kanila ay nagtanyag na ng̃ kanilang di karaniwang lakas at magagawa. Sa bahay paaralan sa daang Dart, Pako, ay ginanap ang pagtatanghal ng̃ Samahan. Sa lamayang yaon ay may apat na raang tao ang dumaló. Ilang matatalino at litaw na mananalumpati ang nagpaningning sa pagdiriwang. (Ang buong tala ng̃ kasayahang yaon ay matutunghayan sa pang̃alawang aklat ng̃ Aklatang “Kami Naman” naTuntunin ng̃ Pulong.)G. Aurelio TolentinoG. Aurelio TolentinoBantog na mandudula, matalinong manunulat at matapang na mamamahayag. Sa larang̃an ng̃ pananagalog ay kinikilalang isa sa mg̃a may mataas na uri at may tang̃ing pananalaysay. Siya ang kumatha ng̃ dulang “Bagong Kristo” na nagtamo ng̃ isang gantingpalang panulat na ginto. Siya rin ang lumikha ng̃ bantog na dulang “Kahapon, Ng̃ayon at Bukas”; dahil sa kagiting̃an ng̃ dulang ito ay piniit siya ng̃ Pamahalaang Amerikano. Siya ang sumasagot kung ano ang unang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”.(Tunghayan ang dahong ika 19)Dahil sa bagyong nanalanta sa Sebú noong Oktubre ng̃ 1912, ang “Kami Naman” ay nagsimula ng̃ pakikisama sa bayan. Binahaybahay na tinawagan ang maawaing pusó ng̃ pilipino sa Sapote, at lumikom ng̃ isang halagang iniabuloy sa mg̃a nasawi. At dahil sa pagkamatay ng̃ ilang angkan ng̃ mg̃a kanayon na kapwa anak-dalita, ay dumulog na naman ang “Kami Naman” sa bahaybahay upangabuluyan ang kapatid na dinatnan ng̃ palad. Dapat talastasing ang mg̃a unang inabuluyan ng̃ “Kami Naman” ay mg̃a taong ni ayaw man lamang makiyakap sa Samahang ito.Sa ikapapaanyo ng̃ damayan ay bumalangkas ng̃ mg̃a batas na susundin ng̃ magkakapatid; at mula ng̃ unang araw ng̃ Disyembre ng̃ 1912 ay nagsimula sa pag-iral. Marami rin ang mg̃a namatay at namatayang mg̃a kapatid. Sa malinis at maselan na pang̃ang̃asiwa ng̃ Ing̃atyamang si G. Dario Malonzo, lahat ay pawang tumanggap ng̃ abuloy na nararapat. Walang nabinbin sa kanyang karapatan, bagkus ang lahat ay pawang nagtamo ng̃ nauukol sa kanila sa lalong madaling panahon.Dumatal ang ika 30 ng̃ Disyembre ng̃ 1912, araw na ipinang̃ing̃ilin ng̃ lahat ng̃ pilipino. Ang “Kami Naman” at ang nayong Sapote ay nagtuwang sa pagbubunyi sa lalong dakilang taga Silang̃an. Nagdaos ng̃ isang dulang hayag, nagkaroon ng̃ tugtugan, nagilaw ang boong nayon at nagtayo ng̃ mg̃a arko. Ang lalong kapunapuna ay ang pagiisa ng̃ nayon na pawang parol ng̃ “Kami Naman” ang ginamit. At natapos sa ganap na kasyahang loob ng̃ lahat. Ang salaping lumabis sa pagdiriwang ay inihandog sa “Kami Naman” ng̃ kapulung̃an ng̃ nayon, na parang ganting pala sa maayos na pang̃ang̃asiwa sa pagdiriwang.Sumunod na ibinunsod ng̃ Samahan ay ang balak ni G. Marcelino Dizon na lumikom ng̃ isang kusang ambagan upang ibili ng̃ kasangkapang pang-apula ng̃ sunog. Nakatagpo ang balak na ito ng̃ mg̃a balakid at binaka ng̃ ilang di nasisiyahan. Gayon man ay pinang̃atawanan din ng̃ Samahan at nakabili rin ng̃ mg̃a palakol at timba na magagamit karakaraka sa isang simula ng̃ sunog. Hanggang ng̃ayon ay nakatanghal at nakahanda ang mg̃a kasangkapang ito sa nayong Sapote.Ang munisipyo ng̃ Maynila ay siya namang hinarap ng̃ “Kami Naman”. Sunodsunod na daing at kahiling̃an ang iniharap upang ang nayong kinatatayuan ng̃ Samahan ay ipaayos. Pinilit na maglagay man lamang ng̃ gripo, sapagka’t noon ay nagkakahalaga ng̃ anim ó limang sentimos ang bawa’t dalawang timba ng̃ inumin sa pook na yaon. Bihirang linggo ang walang panawagan sa pitak ng̃ pahayagan sa Maynila. At humangga sa paglalagay ng̃a ng̃ gripo at pagtatakda ng̃ pamahalaan ng̃ apat na libong piso sa ikaaayos ng̃ nayon. Ito ang lalong malaking tagumpay na tinamo ng̃ “Kami Naman”.Upang iligtas sa sakit ang mg̃a kanayon dahil sa malabis na paglulusak sa pook ng̃ Sapote, ang “Kami Naman” ay nagtayo ng̃ mg̃a tulayang kawayan sa tulong ng̃ nayon.G. Honorato H. de LaraG. Honorato H. de Lara(Tunghayan ang dahong ika 21)Nang hakutin ng̃ mg̃a sanitaryo ang mg̃a kawani sa Limbagan ng̃ Pamahalaan at kulung̃in sa Pagamutang San Lasaro, dahil sa mikrobyo ng̃ dipterya, ang “Kami Naman” ay siyang tang̃i at kusang umabuloy sa mg̃a napinsalaang yaon. Wala ni isang kasapi sa “Kami Naman” na napalahok doon, datapwa’t ginawa ang pagdamay sa paniniwalang magkakapatid na lahat ang mahirap. At ito’y tinugon ng̃ di gagaanong pasalamat ng̃ mg̃a dinamayan. Noon ay Marzo ng̃ 1913.Sa gayong mg̃a ipinakisama ng̃ “Kami Naman” sa bayan ay marahang sumusung̃aw ang kanyang kabantugan. At lalo pang nabantog siya pagkatapos ipagbunyi ang ika isang taong buhay ng̃ Samahan. Paano’y dalawang araw na ginawa ang kasayahan: ika 13 at ika 14 ng̃ Septiyembre ng̃ 1913. Nagbukas ng̃ timpalak ng mg̃a dula at gilasan ng̃ artista, na siyang kaunaunahang timpalak na may ganitong uri na idinaos sa sangkapuluang Pilipinas. Nagdaos pa ng̃ isang misang alaala sa lahat ng̃ mg̃a kasaping nang̃amatay sa ilalim ng̃ watawat ng̃ “Kami Naman”. Nagkaroon ng̃ binyag at kumpil at maghapong mg̃a palaro. Ang nabantog na banda ng̃ Meralko ay siyang tumugtog. At tinapos ang kasayahan sa isang magiliw na salosalong kapatid. Alinsunod sa mg̃a pahayagan dito sa Maynila ay mahigit na apat na libongtao ang dumalo sa mg̃a pagdiriwang na yaon. Dapat namang magkatotoo, pagka’t may mg̃a nagtayo pa ng̃ mg̃a tindahan at lahat halos ng̃ tahanan sa Sapote ay may kanikanyang handa. Ano pa’t ang pagdiriwang ng̃ “Kami Naman” ay naging parang pista ng̃ nayon. Sapul na noon ang “Kami Naman” ay nabantog na ng̃ gayon na lamang at ang lalong nakatawag sa diwa ng̃ marami ay ang mg̃a kartelong nagsabit sa trambiya na nagbansag ng̃ kasiglahang ipamamalas ng̃ “Kami Naman”.Ang isa pa sa mg̃a pagdiriwang ng̃ Samahang ito na hinang̃aan din ng̃ madla ay ang pagtatanghal ng̃ mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman”. Ginanap noong ika 21 ng̃ Disyembre ng̃ 1913, sa Dulaang Angel sa Singalong. Mahigit sa tatlong libong tao ang nanood. At noon ay minsan pang itinampok ang mayamang uri ng̃ mg̃a babaing pilipina.G. Rosendo S. CruzG. Rosendo S. CruzKumatha ng̃ “Tuntunin ng̃ Pulong” na ikalawang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dakong ika 19)Sa mg̃a pamamahayag ng̃ bayan ang “Kami Naman” ay palaging nakikilahok; ng̃uni’t pakikilahok na di sa gayongayon na lamang, kung hindi pakikilahokna kapunapuna; yaong nakapagpaparing̃al at umaani ng̃ papuri. Kung walang karrosa ang “Kami Naman” ay nakalulan naman sa sasakyan ang kanyang mg̃a kinatawan. Datapwa’t hindi sa iisang sasakyan lamang kung hindi sa pito o labing apat kaya. At sa loob ng̃ dalawang taon ay labing dalawang ganting pala angtinamo ng̃ “Kami Naman”. ¿Ano pang sigla ang hahanapin? ¿Ano pang kilos ang magagawa? Wala na. Hanggan diyan na lamang talaga ang isang samahan.Kasabay ang pagsisigasig na magtamo ng̃ lalo at lalong karang̃alan, ang “Kami Naman” ay nagpapakatatag sa kanyang tayo. Inakala ng̃ Pangulong De los Reyes na ang pagkakaibaiba ng̃ hilig ng̃ mg̃a kasapi ay dapat tapatan ng̃ kanikanyang ikasisiyang loob. Dahil dito ay binahagi niya ang “Kami Naman” sa iba’t ibang Lupon na may kanikanyang uri, layon, pananalapi, at mg̃a kaanib.Ang unang Lupon ay ang Damayan. Magabuloy sa namatay o namatayang kasapi ang layon. Lupon sa Kalakal ang pang̃alawa at nagsimula ng̃ pagkilos noong Pebrero ng̃ 1913. Disyembre ng̃ 1913 itinatag ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin na binubuo ng̃ pawang mapanghalinang binibini. Sila ay mg̃a kasaping pangdang̃al sa “Kami Naman”. Disyembre ring yaon ng̃ itatag ang Lupon sa Pagpapalakas. Bago sumipot ang masikap at masiglang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat.Lahat ng̃ lupon na ito ay nagtanghal ng̃ kanikanyang lakas at magagawa. Bawa’t isa’y naghandog ng̃ matatayog na papuri sa boong Samahan. At sa lubos na paghang̃a ng̃ isang kasapi sa “Ilog Beata” sa kakisigan ng̃ “Kami Naman” ay tinula niya ang kasunod:G. Ramon S. TorresG. Ramon S. TorresKalihim Tagapahayag ng̃ Samahan ng̃ mg̃a mananagalog na “Ilog Beata” at tumula ng̃ tulang “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 12)“KAMI NAMAN”Bayang inaapi, ako’y nananaligna ang bawa’t sikat ng araw sa lang̃it,taglay ang tinig mong malungkot na tinig.At iya’y hindi ko matalos kung bakitikaw’y lumuluha, ikaw’y tumatang̃isgayong may lakas ka’t may Bayaning Bisig.Subali’t hintay ka;aking ibubuhayang isang alagad na dapat asahan.Luming̃on ka roon, sa dakong Timuganat mamamalas mong na nawawagaywayang isang Bandilang kapitapitaganng kilala’t bantog na ang KAMI NAMAN.Yao’y Kapisanang sagana sa lahat,sagana sa dunong, sagana sa lakasat hindi marunong matakot sa tawagng kanyang kalabang mayaman sa gilas,pagka’t alam niya’t kanyang natatatapna ang Mundong ito’y Mundo ng̃ pang̃arap.Isang Kapisanang ang bawa’t kasapiay may siglang taglay na kahilihili:isang Kapisanang ang hakbang ay lagingtung̃o sa pagsulong, tung̃o sa lwalhati:sapagka’t ang kanyang darakilang Mithi’yitanggol ang api: matwid ay maghari.Yao’y binubuu ng dukha’t mayamanng mangmang at paham, bata at may gulang,sapagka’t ang kanyang isang patakaranna salig sa loob noong Kapisanan,ang dukha’y ibang̃on, ang aba’y tulung̃an,wala ni mataas; pawang pantaypantay.At, ito’y tulain ng̃ mg̃a makata,dakila sa lalong Samahang dakila,maningning sa lalong maningning na tala;at sapagka’t ito’y butihing diwata,ako, ikaw, sila, ang lahat na’y pawanamang gumigiliw at nagsisihang̃a.KayFrancisco Dizondapat kilalaninang pagkakatatag ng̃ napakagitingna Samahang yaong may tang̃ing layunin:siya ang pumukaw, siya ang gumisingsa nang̃atutulog na mga damdamingna nang̃alalang̃o sa pagkakahimbing.Angel de los Reyes: iyan ang pamagatng kanyang pang̃ulo nang ito’y matanyag;Rosendo S. Cruz:isa ring masikap;Yaman na ang Bayan sa gitna ng gubatay hindi nagtamo ng magandang paladkung kaya nangyaring yao’y itinatag.Hindi ba’t ang taong likha ni Bathalaay taglay sa kanyang pagsipot sa lupaang mga Tuntuni’t Batas ng Paglaya?Kung ito’y totoo: ¿bakit lumuluhatayong naririto? Pang̃arap ng̃a yatalamang ang umasa’t maghintay sa wala.Hindi lamang yoon para sa lalakikung hindi laan din sa mga babai:naron siPascuala Pintorna may iwingng̃iti na ang bawa’t ng̃iti ay pagkasi;naron siConchita; at isa pang saksi,siAnitanglaging dinidilidili.Nang̃agsapisapi ang mga binata,ang kadalagaha’y humalo sa hakana ang Lang̃it nati’y itanghal, ipala,sapagka’t ang ating darakilang nasa’yibang̃on ang bayan nating lumuluha’thumarap sa lalong malakas sa lupa.Oo nga at tunay na dito’y nagkalatang mga Samaha’t Kapisanang tanyagsubali’t tulutang aking maisaadna ang KAMI NAMAN Samahang mahirap,sa matuling agos ng luha ng palad,ay ito ang siyang darampi, huhugas.Ramon S. TorresTaga “Ilog-Beata”.Tundo, Maynila, K. P.Sa likod ng̃ mg̃a papuring ito sa “Kami Naman” ay mayroon namang mg̃a naiinis sa di maalamang sanhi. Aywan kung anong suliranin ang nagbubuyo at ang mg̃a ito ay nagpapakaimbi sa pagwawasak ng̃ Samahan. Kinakalaban ang sariling damdamin, niyuyurakan ang sariling dang̃al, at binubulag ang sariling paning̃in. Hindi pa man ipinang̃ang̃anak ang “Kami Naman” ay binanta ng̃ lasunin. Sa kanila ang lahat ng̃ kilos ng̃ “KamiNaman” ay pawang hindi matwid. Salamat sa pusong matimpi ng̃ Pang̃ulong De los Reyes at di man siya natukso. Salamat din sa kalamigang loob ng̃ mg̃a kasapi at di man sila nabalino. Talagang gayon: ang tao habang natatanyag ay lalong dumadami ang kaaway. At ang Samahan upang mabuhay kung minsa’y dapat magkaroon ng̃ mg̃a kalaban.G. Sofronio G. CalderonG. Sofronio G. CalderonGuro ng Wikang Tagalog sa Young Men’s Christian Association at isa sa mg̃a humahang̃a sa “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 17)Kung paanong sa kasaysayan ng̃ Pilipinas ay may isangsiglo oscuroo isang daang taong madilim, ang “Kami Naman”ay nagkaroon din. Dahil sa katapang̃an ng̃ isang kalulwa at dahil sa pagkatupad ng̃ wikang ang pagtitiwala’y nakamamatay, ay nagkaroon ng̃ isang maaling̃awng̃aw na usapin ang mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Dapat malamang ang usapin ay sa ilang tao lamang at di ng̃ boong Samahan. Ang Pang̃ulo at ang Ing̃atyaman ay kapuwa inupasalaang umano’y mg̃a magnanakaw. Hinubaran ng̃ puri at tinanghal na mg̃a magdaraya. Hindi na kinilala ang pagkatao ng̃ mg̃a nagbintang at pinagbibintang̃an. Hindi na siniyasat ang kasaysayan ng̃ isa’t isa. ¡Kay taas na ganting pala sa nagpapakamatay sa pagtataguyod ng̃ isang Samahan! Sa gayo’y umawit ng̃ tagumpay ang mg̃a sumasamantala sa sigalot. Ang pagkatagpo nila ng̃ babaing lumabag sa kanyang kahinhinan ay siyang nagpatibay sa paguusig na ito. Ng̃uni’t sa pitak ng̃ mg̃a pahayagan ay tahasang inilahad ni G. De los Reyes, ang boong nangyari. At sa likod ng̃ sigalot na ito ang mg̃a umusig din ang nagpapahayag na batid nilang walang salaping nawawala. Ano pa’t paghihiganti o pagkainis lamang ang kanilang ginawa. Matapat na awa ang dapat iyukol sa namamatay sa pagtupad sa kanyang pananalig....Ipalagay ng̃ ang Pang̃ulong De los Reyes at ang Ing̃atyamang Malonzo, ay nagkasala; bulagin na natin ang ating dang̃al at bing̃ihin na natin ang atingdamdamin; aminin ng̃ sila’y nagkamali: ¿ano ng̃ayon? ¿Anong kapinsalaan mayroon sa Samahan? ¿Ang G. De los Reyes ba at ang G. Malonzo ang “Kami Naman”? ¿Sila bang dalawa ang bumubuo ng̃ Samahan? ¡Hindi! ¡Hindi! At ang sumamba sa gayon ay walang pagsampataya sa kanyang dang̃al....Upang pabulaanan pa ang kumalat na balita, na ang “Kami Naman” ay naligalig, ay na ito naman ang bahagi ng̃ ilang salaysay ni G. De los Reyes:“....Sa isang Samahang na walang tumitiwalag ni itinitiwalag na kaanib, ang Samahang iyan ay buo, matatag, at buhay. Iyan ay pinaghaharian ng kapayapaan at sapupo ng lalong matamis, dalisay, at matimyas na pagkakapatiran....”Palibhasa’y lubos ang pagtitiwala ng̃ mg̃a kaanib sa “Kami Naman” sa kanilang Pang̃ulo at Ing̃atyaman ang Samahan ay di mang naligalig sa sigalot na nangyari sa mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Bagkus lalong nagibayo ang sikap at sigla. At upang lalong mapaayos ang Damayan ay itinigil ng̃ may dalawang buwan. Ang Damayan lamang ang itinigil dahil sa pagbibitiw ng̃ tungkulin ni G. De los Reyes. Pagkatapos ayusin ay naghahalili ng̃ Pamahalaan ng̃ Samahan. Ano pa’t malaking kabulaanan ang ipinamamansag ng̃ iba na nalansag na raw ang “Kami Naman”. Hindi, hindi nalalansag. Hayan at kumilos ng̃ boongsigla at boong ningning. Gaya rin ng̃ dati ay nakatayo pa ang kanyang mg̃a haligi.Bb. Fausta CortesBb. Fausta CortesPang̃ulo ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat at siyang kumatha ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” na ikatlong aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 21)Sa kabantugan ng̃ “Kami Naman” ay malaki ang naitutulong ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Nagbukas ito ng̃ isang aklatan sa kapakinabang̃an ng̃ lahat. Kasapi at hindi sa “Kami Naman” ay binibigyan ng̃ laya. Doon ay sarisaring pahayagan at iba’t ibang aklat ang nagaantabay sa kahi’t kanino.Bukod sa pagsisikap ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” na makapagpalabas ng̃ mg̃a akda, ay naguukol din ng̃ panahon sa paglilinang ng̃ wikang tagalog. Ang katotohana’y napalaban na sila sa tanyag naAklatang Barusog. Ang mg̃a taga “Kami Naman” ay ayaw gumalang sa pagpatay ng̃ N sa piling ng̃ G̃. Ano pa’t hindi sila kaayon samodangang ANG ay isulat ng̃ AG̃ (pinatay ang N). Ang mg̃a tagaAklatang Barusogay nagtanggol naman sa kabilang panig.Sa mg̃a ikinilos na ito ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” ay kinilala ni G. Sofronio G. Calderon ang kanilang pagsusumakit. At na ito ang isa niyang lathala na tumutukoy sa:KAPAKANAN ÑG WIKANG TAGALOGIto ng̃ang wikang Tagalog, itong wika nina Solima’t Lakandula, nila Balagtas at Pilapil, nila Rizal na ng̃ayo’y kasalukuyang pinagmamasakitanngAklatangKAMI NAMAN,ay hindi lihim, at sa katunayan ay nariyan ang lagda ng mga bantog na mananalaysay na kumilala ng kasakdalan ng wikang ito, palibhasa’y ang wikang Tagalog ay isang wikang may sariling likas, may sariling ganda, may sariling yaman at isang wikang maipagbabadiya ng tanang saloobin at damdaming sumasapuso’t ísip ng tao; anopa’t sa katagang sabi, itong wikang Tagalog na ating kinamulatan, nilakhan at pinaka kaluluwa ng ating bayan ay may dakilang kapakanan ayon sa pagkakaakma’t pagkakabalangkas sa isang paraang tumpak at kagilagilalas.Sofronio G. Calderón.Dahil sa talino ng̃ isa sa mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman” ang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ay nagkamit ng̃ karang̃alang sa “Kami Naman” nanggaling ang ikatlo sa mg̃a babaing pilipina na kumatha ng̃ kasaysayan. Iyan ay si Bb. Pascuala Pintor na sumulat ng̃ nobelang “Tagumpay ng̃ Api”, na siyang unang aklat na pinalabas ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Kung ¿ano ang “Tagumpay ng̃ Api”? ang isang liham ni G. Aurelio Tolentino ang dapat sumagot:“Bb. Pascuala Pintor.“Mahal na binibini:“Tinanggap ko po at pinasasalamatan ang mahalagang handog ninyo sa akin, isang salin ng inyong matalinong nobelang “Tagumpay ng Apí”.“Kulang ang lahat ng papuring kaya kong sabihin, upang tumbasan ang hiwagang sarap ng aklat na nabanggit. Bukod sa talagang maykalugodlugod na ganda sa pagkakahanay ng mga salitang bihis ng kanyang mayayamang isipan, ay naghahandog pa sa damdamin ng ulirang buhay na gaya ng kay Teban, aralan gaya ng kay Titay at katarungang gaya ng kay Mameng at kay Leon.“Palibhasa’y marami na ang mga nobelang Tagalog; dahil sa mga mahahalaga rin naman ay maitutulad sa isang kuwintas na gintong sinasagisag ng bagong buhay. Ang “Tagumpay ng Apí”, ngayong mapakituhog sa kuwintas na iyan, ay naging pinakamaluningning na «relicariong» tinampakan ng makikinang na batong diamante, at may mahal na laman sa loob, ang buhay na larawan ng kabaitang nagtagumpay sa dagok ng kapaslangang binigti ng katarungan ng sariling damdamin.“Naghihintay pagutusan ang talisuyo nilang si“Aurelio Tolentino.“Maynila, ika 30 ng Junio ng 1914.”Sumunod na pinalabas ng̃ mg̃a manunulat ng̃ “Kami Naman” ang aklat ni G. Rosendo S. Cruz. “Tuntunin ng̃ Pulong” ang pamagat at gaya rin ng̃ “Tagumpay ng̃ Api” ay nagtamo ng̃ mg̃a bati at papuri. Isa na rito ang kalatas ng̃ isang taga Malabon, Rizal, na si G. Amado Jacinto. Aniya’y“Malabon, Rizal, S. P.“Ika 30 ng Okt., 1914.“G. Rosendo S. Cruz.“Mahal na kaibigan: Tinanggap ko ang isang salin ng iyong mahalaga at munting aklat na ang pamagat ay “Tuntunin ng Pulong”, at ako’y nagpapasalamat ng marami.“Rosendo, ang iyong aklat, sa ganang sarili ko, ay dapat mong ipagkapuri. ¿At bakit? Sapagka’tsa aklat mong itong maliit at mura lamangaymayroon kang isang dakilang bagay na matuturo. At ito’y ang pagpapakilala mo sa iba, na ang kahalagahan ng isang katha’y wala sa kapal at sa laki, kundi nasauriat saka salayon:uringsiyang bilang pinakapagaari ng isang aklat, atlayonnamang siyang tunay na ariariang kinapapalamnan ng dañgal ng isang kumatha.“Anguringtinutukoy ko rito ñgayon ay hindi ang tungkol sa kalinisan o karumham ngliteratura, kundi ang kungnakapagtuturoohindi nakapagtuturo; at ang sa layon nama’y kungmabutiohíndi, samakatuwid ay kung angpakinabañgano makinabang lamang.“Kapag ang isang aklat ñga’y may uring nakapagtuturo at may mabuting layon, para sa akin ay sukat na, upang kalugdan kong basahin at hanggang sa purihin pa pati ng kumatha.“¡At lalo pa marahil, kung ang kumathang iya’y isang kaibigang katulad mo! ¿Hindi ba?“Tungkol sa pagbabasa ng mga aklat ay aking maipagtatapat sa iyong ako ñga’y mayroon ng kakaibang panglasa kay sa dati, at ang sabi ko’y ganito, sapagka’t hindi na ako nalulugod ñgayon sa mga Felipe Trigo at Eduardo Zamacois, diyan sa mga mapaglarawan at mapaglikha ng mga kuwadrong nakapagpapagalaw ng laman at nakapagpapakalam ng balat, na sa mahinang loob ay sapat makapagdulot ngisangmasidhing pagkakilití; kundi doon na unti-unting nawiwili ang aking loob sa mga Heberto Spencer at Samanuel Smiles, sa mga Noé Porter at Tomas Stanley.“At dahil sa ganitong pagbabago ng aking hilig, ay huwag ilalaki ng iyong loob na ipalagay at sabihing kong ang aklat mo’y lalo pang kapuri-puri kay sa di iisa’t dadalawang naghahalaga riyan ng 40 at 50sentimos, sa pagka’t ang iyo’y nakatutulongsa pagtitipidng panahon ng mga samahan kung sila’y may pinagpupuluñgan, samantalang ang mga yao’y pawangmgaawitding mistula ng nakalipas na panahon natin,ibañga lamang angpañgalan,anyoatbihis; dapuwa’y sing-isa ring walang nagagawa kundi ang magparami ng mga pañgahas, pilyo, at palalo.“Iyan ang mga sanhi, kung kaya’t baga man may kulang at di mo binuó ang “Tuntunin ng Pulong” na iyong sinulat, ay hinahandugandinkita ng isang maligayang bati, na kasabay ng pakikikamay ko’y tanggapin mo rito sa tapat,at natatalaga mong kaibigan.(May lagda.) “Amado Jacinto.”Ang ikatlong aklat na ipinalimbag ay ang “Agawan ng̃ Dang̃al” na akda naman ni Bb. Fausta Cortes. Ang nagpanukala’t nagtatag ng̃ mg̃a balitang “Ilaw at Panitik”, “Aklatang Barusog” (mg̃a Samahan ng̃ mg̃a manunulat na tagalog) at “Hijos del Siglo” na si G. Honorato H. de Lara ay siyang nagpakilala sa madla kung ano ang “Agawan ng̃ Dang̃al”.Isangligang̃indoor base ballang itinanyag naman ng̃ Lupon sa Pagpapalakas. AngbituingConcepcion Magallanes ay siyang naghagis ng̃ unang pukol ng̃ bola. Limangteamang lumaro at ito’y ang “Marte”, “Katubusan”, “Sinag Kapuluan”, “Makabayan”, at “Kami Naman”. Ang “Marte” ang nagtamo ng̃ tang̃ing gantingpala.Ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin ay kalabisan ng̃ sabihin pa kung ano ang nagawa at ginagawa. Sukat ang ipagtapat na utang sa mg̃a “bituing” ito, ang lahat ng̃ ikinilos ng̃ “Kami Naman”.Paano’y sila ang buhay at kalulwa ng̃ Samahan.Patuloy sa magiliw na pagdadamayan ang Lupon sa Damayan.Ng̃uni’tangLupon sa Kalakal ay napahimbing. Ang Lupon na ito lamang ang nagmintis. Gayon ma’y nakapagtayo rin ng̃ tindahan noong Febrero ng̃ 1913, baga man nabuhay ng̃ may anim na buwan lamang.Sa mg̃a kasiglahang ito ng̃ mg̃a lupon ng̃ “Kami Naman” ang Samahan ay palaging nakapagwawasiwas ng̃ watawat ng̃ tagumpay sa lahat ng̃ kanyang balak. At man sa tuwing bago siyang panukala, ang mg̃a pahayagan ay nang̃agsabing «Bagong maningning na dahon na naman ang mapaparagdag sa hinahang̃aang kasaysayan ng̃ “Kami Naman”.»At dapat namang dakilain ang “Kami Naman”, palibhasa’y isang samahang nakikipagkapatiran sa lahat, sampu sa mg̃a nagpapakaimbi sa pagpatay sa kanya. Kung totoo mang may mg̃a kamaliang nagawa ay totoo rin namang lalong marami ang tumpak na pinang̃atawanan.Diyan natapos ang dalawang taong pamamahala ni G. Angel de los Reyes na nagwagi sa tatlong halalang sunod-sunod sa pagka Pang̃ulo ng̃ Samahan.¡¡¡Panahon ang humatol sa magiging kapalaran ng̃ mg̃a samahang katulad ng̃ “Kami Naman”!!!HANGGATalaan ng NilalamanSA TUTUNGHAYPATALASTASPANGUNANG HAKA NI G. Rosendo S. CruzVSA MGA BITUIN NG “KAMI NAMAN”IXI.MGA PUSONG NAMANDAW NG KAPWA PUSO13II.HINDI NAPAWASTONG PAGTITIYAP27III.MGA HALIK NG PAGIROG35IV.MASIGASIG NA KILOS NI PASTOR53V.¡WALANG SALA! ¡ANG TAGUMPAY AY ATIN!61VI.ANG ARAW NI LOLENG67VII.ANG PAGKAKATAONG LALONG MASAKLAP90VIII.MGA NALUGMOK SA LIWANAG NG BUWAN96IX.BALIW NA NAGSASABI NG KATOTOHANAN104X.SA LAOT NG HAPIS113KoloponMga Maaaring GamitThis eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of theProject Gutenberg Licenseincluded with this eBook or online atwww.gutenberg.org.This eBook is produced by the Online Distributed Proofreading Team atwww.pgdp.net.Agawan ng Dangalis a Tagalog romance novel published by a socio-civic youth organization called Kami Naman. Aside from the novel, this book contains a section on the history of Kami Naman.In the novel, Beteng, a rich young man, is a suitor of a beautiful maiden named Dolores (Loleng). Artemyo acts as Beteng’s “bridge,” serenading Loleng to win Beteng her affection. Unfortunately for Beteng, Loleng falls for Artemyo instead. Beteng is hurt by Loleng’s rejection and sets out to tarnish Artemyo’s reputation, or rob him of honor (agawan siya ng dangal).Pagkaka-enkowdScans of this work are available from the Internet Archive (copy1).Tala ng mga Ginawang Pagbabago2011-02-01 Started.Mga Di-Nakapaloob na ReperensiyaAng elektronikong aklat na ito ng Proyektong Gutenberg ay may mga reperensiyang hindi nakapaloob. Ang mga link para sa mga ito ay maaaring hindi gumana.Mga PagwawastoAng mga sumusunod ay ang mga pagwawastong ginawa sa teksto:PahinaOrihinalPagwawastoVIng̃niVIIsarilesariliVIIIsuliraninsuliraningVIIIbagaybaga’yXAGAWANGAGAWAN15ang̃ang16doorondoroon19,69,77—21,30,30,123[Wala sa orihinal]¡22mahinhinmahinhing23áyonayon24ginagitna36,49,51,52,67,68,110,3ngng̃37pinakikibang̃anpinakikinabang̃an40isasadisasaad40Luming̃osLuming̃on53,78,91,98[Wala sa orihinal]—53kanyang̃kanyang54,59,123,N.A.[Wala sa orihinal].55namangnaman70ning̃78[Wala sa orihinal]¿81habanhabang83HumakbanHumakbang83waláwala84kaawawakaawaawa84nisi88Bala na’yBalana’y100sa sasa105na nana107kanilang̃kanilang112ItangisItang̃is121NGNG̃122hangalhang̃al123ngang̃a124saansaang125hanggahanggang125mgamg̃a126[Wala sa orihinal],126hinahang̃aanhinahang̃aang127binigyangbinigyan128magbibinhinagbibinhi129IlangIlan129nasana sa130JairesJaurès130kong ng̃ako ng̃ang131nakikitanakikilala131[Wala sa orihinal][...]132bayangbayan134magandangmaayos naN.A.NGÑG5,22ng̃ang10nakapunapunana kapunapuna12:;14NamsnNaman18KAMI-NAMANKAMI NAMAN20iayay20isagisang20sapagtitipidsa pagtitipid21dingdin21.,
O ANG UNANG BAHAGI ÑG KASAYSAYAN ÑG
“KAMI NAMAN”
(SAMAHAN ÑG MAHIHIRAP)
SAPUL SA PAGKATATAG HANGGANG SA WAKAS ÑG PAÑGUÑGULO NI G. ANGEL DE LOS REYES.
Sinulat ni Bb. Gorgonia de Leon.
Noon ay ika 25 ng̃ Agosto ng̃ 1912. Sa umagang yaon ay isang panahong tagulan ang nagisnan ng̃ mg̃a taga Pako. Ang liwanag ng̃ ilaw ng̃ sangdaigdig ay di mang makagitaw sa makapal na ulap sa pang̃onorin. Nabigo ang mg̃a ibong sa tuwing umaga’y nagpupuri sa bagong liwayway. Walang nasisiyahan sa mg̃a sandaling yaon kung hindi ang mg̃a bulaklak na nagpapakasawa sa ulang hindi tumitila. Noon nasiyahan ang kanilang uhaw. ¿Ilan kayang puso’t kalulwa ang sumusumpa noon sa panahon dahil sa pagkapinsala ng̃ kanilang tipan?
Datapwa’t nagmasung̃it man noon ang panahon, ay may isang binatang nagtatanghal ng̃ kanyang kagiting̃an. Siya ay si G. Francisco V. Dizon, kawal ng̃ bagong kabihasnan. Siya ang lalong nagsikap na magsabog ng̃ liwanag ng̃ araw ng̃ sigla ng̃ kabataan sa nayonng̃Sapote sa Pako. Ang ulan ay di niya ikinabalino,bagkus sa pamamagitan ng̃ isang payong ay isa isang sinusundo ang kanyang mg̃a kaibigan upang magtulongtulong sa pagbalangkas ng̃ isang Samahan. Ano pa’t walang alinlang̃ang dapat sabihin na utang sa kanya ang kilusang yaon ng̃ kabataan.
Sa isang tahanan sa nayon ng̃ Sapote, Pako, Maynila, ay doon nagkatipon ang ilang magkakapanalig. At sa pang̃ung̃ulo ng̃a ni G. Dizon, ay sumipot sa silong ng̃ lang̃it ng̃ Pilipinas ang isang bigkis ng̃ kabataang pilipino. Sa mungkahi ni G. Luciano Suarez ay bininyagan ng̃ “Kabataang Sikat”. At, palibhasa’y pawang tinitibukan ng̃ isang pusong uhaw sa dunong at aliw, ang mg̃a nagkakatipong yaon, ay «magpalakas at magpatalino» ang pinagsaligan ng̃ pagkabuo ng̃ Samahan. Aralan ang mg̃a pinagkaitan ng̃ ilaw ng̃ dunong at aliwin ang mg̃a ulila sa ligaya, iyan ang tang̃ing layon. At sa gayon ay nayari ang balak ni G. Dizon. Dapat alalahaning kinabukasan ng̃ araw na yaon, ay siyang ika 26 ng̃ Agosto, araw na napakaningning sa dahon ng̃ kasaysayan ng̃ Pilipinas, sapagka’t siyang araw ng̃ unang pagsigaw ng̃ kalayaan ng̃ bayang api ng̃ kapwa bayan.
G. Amado Jacinto.G. Amado Jacinto.Naging Pang̃ulo ng̃ Samahang “Mapagsikap” sa Malabon, Rizal(Tunghayan ang dahong ika 19)
G. Amado Jacinto.
Naging Pang̃ulo ng̃ Samahang “Mapagsikap” sa Malabon, Rizal
(Tunghayan ang dahong ika 19)
Nang sumunód na Linggo, unang araw ng̃ Septiyembre, ay nagpulong na muli ang mg̃a nagsisigasig sa pagbang̃on ng̃ “Kabataang Sikat”. Sa mungkahi ni G.Angel de los Reyes, ay binago ang pamagat at pinalitán ng̃ “Kami Naman”. “Kami Naman” ang ipinamagat, sapagka’t sa ibabaw ng̃ kalansay ng̃ mg̃a samahang nabuwag na, ang ibig sabihin ay “Kami namanang magtutuloy ng̃ layong itaguyod ang buhay ng̃ mahihirap sa tugatog ng̃ dang̃al”....
Katulad din ng̃ ibang mg̃a Samahan at Kapisanan ay inabot ng̃ sakit naning̃as-kugonang “Kami Naman”. Salamat sa ilang matatalinong manggagamot at ang sakit ay naihanap din ng̃ lunas. Baga man ang “Kami Naman” noon ay para ng̃ bangkay na malamig, dahil sa pagpapabaya ng̃ ilan, ay muling sumigla. At noong ika 19 ng̃ Oktubre ng̃ taong 1912 rin, ay nagbitiw ng̃ tungkulin si G. Francisco V. Dizon at si G. Angel de los Reyes ang napahalili, na naging Pang̃ulo ng̃ Samahan.
Ang bagong pang̃asiwaan ay nagpahayag noon din ng bagong palakad at binago na patianglayon ng̃ “Kami Naman”. Boong puso namang pinagtibay ng̃ lahat at sinalubong ng̃ magiliw na palakpakan.
Ang mapanglaw na daing ng̃ mahirap, ang malungkot na taghoy ng̃ api, ang malumbay na hibik ng̃ mahina, iyan, iyan ang nagbukas ng̃ bagong isipan sa puso at diwa ng̃ bagong Pang̃ulo. Binago ng̃a ang dating saligan ng̃ Samahan. Ang layongmagliwaliwatmagpatalinoay dinagdagan ng̃pagdadamayan. Sagayon, ay hindi pawang kabataan lamang ang yumakap sa “Kami Naman”, kung hindi sampu ng̃ may mg̃a gulang na ay nakitulong.
“Buhayin ang naghihingng̃along pagkakapatiran” ang naging saligan na ng̃ “Kami Naman”. At ang naging pananalig ay “Ang hirap ay bung̃a ng̃ kapabayaan, at na sa tiyagá ang pagtatagumpay”.
Kapalaran mandin ang siyang sumubaybay sa bagong pang̃asiwaan at ng̃ sumunod na Sabado ng̃ pagkahalal sa kanila ay nagtanyag na ng̃ kanilang di karaniwang lakas at magagawa. Sa bahay paaralan sa daang Dart, Pako, ay ginanap ang pagtatanghal ng̃ Samahan. Sa lamayang yaon ay may apat na raang tao ang dumaló. Ilang matatalino at litaw na mananalumpati ang nagpaningning sa pagdiriwang. (Ang buong tala ng̃ kasayahang yaon ay matutunghayan sa pang̃alawang aklat ng̃ Aklatang “Kami Naman” naTuntunin ng̃ Pulong.)
G. Aurelio TolentinoG. Aurelio TolentinoBantog na mandudula, matalinong manunulat at matapang na mamamahayag. Sa larang̃an ng̃ pananagalog ay kinikilalang isa sa mg̃a may mataas na uri at may tang̃ing pananalaysay. Siya ang kumatha ng̃ dulang “Bagong Kristo” na nagtamo ng̃ isang gantingpalang panulat na ginto. Siya rin ang lumikha ng̃ bantog na dulang “Kahapon, Ng̃ayon at Bukas”; dahil sa kagiting̃an ng̃ dulang ito ay piniit siya ng̃ Pamahalaang Amerikano. Siya ang sumasagot kung ano ang unang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”.(Tunghayan ang dahong ika 19)
G. Aurelio Tolentino
Bantog na mandudula, matalinong manunulat at matapang na mamamahayag. Sa larang̃an ng̃ pananagalog ay kinikilalang isa sa mg̃a may mataas na uri at may tang̃ing pananalaysay. Siya ang kumatha ng̃ dulang “Bagong Kristo” na nagtamo ng̃ isang gantingpalang panulat na ginto. Siya rin ang lumikha ng̃ bantog na dulang “Kahapon, Ng̃ayon at Bukas”; dahil sa kagiting̃an ng̃ dulang ito ay piniit siya ng̃ Pamahalaang Amerikano. Siya ang sumasagot kung ano ang unang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”.
(Tunghayan ang dahong ika 19)
Dahil sa bagyong nanalanta sa Sebú noong Oktubre ng̃ 1912, ang “Kami Naman” ay nagsimula ng̃ pakikisama sa bayan. Binahaybahay na tinawagan ang maawaing pusó ng̃ pilipino sa Sapote, at lumikom ng̃ isang halagang iniabuloy sa mg̃a nasawi. At dahil sa pagkamatay ng̃ ilang angkan ng̃ mg̃a kanayon na kapwa anak-dalita, ay dumulog na naman ang “Kami Naman” sa bahaybahay upangabuluyan ang kapatid na dinatnan ng̃ palad. Dapat talastasing ang mg̃a unang inabuluyan ng̃ “Kami Naman” ay mg̃a taong ni ayaw man lamang makiyakap sa Samahang ito.
Sa ikapapaanyo ng̃ damayan ay bumalangkas ng̃ mg̃a batas na susundin ng̃ magkakapatid; at mula ng̃ unang araw ng̃ Disyembre ng̃ 1912 ay nagsimula sa pag-iral. Marami rin ang mg̃a namatay at namatayang mg̃a kapatid. Sa malinis at maselan na pang̃ang̃asiwa ng̃ Ing̃atyamang si G. Dario Malonzo, lahat ay pawang tumanggap ng̃ abuloy na nararapat. Walang nabinbin sa kanyang karapatan, bagkus ang lahat ay pawang nagtamo ng̃ nauukol sa kanila sa lalong madaling panahon.
Dumatal ang ika 30 ng̃ Disyembre ng̃ 1912, araw na ipinang̃ing̃ilin ng̃ lahat ng̃ pilipino. Ang “Kami Naman” at ang nayong Sapote ay nagtuwang sa pagbubunyi sa lalong dakilang taga Silang̃an. Nagdaos ng̃ isang dulang hayag, nagkaroon ng̃ tugtugan, nagilaw ang boong nayon at nagtayo ng̃ mg̃a arko. Ang lalong kapunapuna ay ang pagiisa ng̃ nayon na pawang parol ng̃ “Kami Naman” ang ginamit. At natapos sa ganap na kasyahang loob ng̃ lahat. Ang salaping lumabis sa pagdiriwang ay inihandog sa “Kami Naman” ng̃ kapulung̃an ng̃ nayon, na parang ganting pala sa maayos na pang̃ang̃asiwa sa pagdiriwang.
Sumunod na ibinunsod ng̃ Samahan ay ang balak ni G. Marcelino Dizon na lumikom ng̃ isang kusang ambagan upang ibili ng̃ kasangkapang pang-apula ng̃ sunog. Nakatagpo ang balak na ito ng̃ mg̃a balakid at binaka ng̃ ilang di nasisiyahan. Gayon man ay pinang̃atawanan din ng̃ Samahan at nakabili rin ng̃ mg̃a palakol at timba na magagamit karakaraka sa isang simula ng̃ sunog. Hanggang ng̃ayon ay nakatanghal at nakahanda ang mg̃a kasangkapang ito sa nayong Sapote.
Ang munisipyo ng̃ Maynila ay siya namang hinarap ng̃ “Kami Naman”. Sunodsunod na daing at kahiling̃an ang iniharap upang ang nayong kinatatayuan ng̃ Samahan ay ipaayos. Pinilit na maglagay man lamang ng̃ gripo, sapagka’t noon ay nagkakahalaga ng̃ anim ó limang sentimos ang bawa’t dalawang timba ng̃ inumin sa pook na yaon. Bihirang linggo ang walang panawagan sa pitak ng̃ pahayagan sa Maynila. At humangga sa paglalagay ng̃a ng̃ gripo at pagtatakda ng̃ pamahalaan ng̃ apat na libong piso sa ikaaayos ng̃ nayon. Ito ang lalong malaking tagumpay na tinamo ng̃ “Kami Naman”.
Upang iligtas sa sakit ang mg̃a kanayon dahil sa malabis na paglulusak sa pook ng̃ Sapote, ang “Kami Naman” ay nagtayo ng̃ mg̃a tulayang kawayan sa tulong ng̃ nayon.
G. Honorato H. de LaraG. Honorato H. de Lara(Tunghayan ang dahong ika 21)
G. Honorato H. de Lara
(Tunghayan ang dahong ika 21)
Nang hakutin ng̃ mg̃a sanitaryo ang mg̃a kawani sa Limbagan ng̃ Pamahalaan at kulung̃in sa Pagamutang San Lasaro, dahil sa mikrobyo ng̃ dipterya, ang “Kami Naman” ay siyang tang̃i at kusang umabuloy sa mg̃a napinsalaang yaon. Wala ni isang kasapi sa “Kami Naman” na napalahok doon, datapwa’t ginawa ang pagdamay sa paniniwalang magkakapatid na lahat ang mahirap. At ito’y tinugon ng̃ di gagaanong pasalamat ng̃ mg̃a dinamayan. Noon ay Marzo ng̃ 1913.
Sa gayong mg̃a ipinakisama ng̃ “Kami Naman” sa bayan ay marahang sumusung̃aw ang kanyang kabantugan. At lalo pang nabantog siya pagkatapos ipagbunyi ang ika isang taong buhay ng̃ Samahan. Paano’y dalawang araw na ginawa ang kasayahan: ika 13 at ika 14 ng̃ Septiyembre ng̃ 1913. Nagbukas ng̃ timpalak ng mg̃a dula at gilasan ng̃ artista, na siyang kaunaunahang timpalak na may ganitong uri na idinaos sa sangkapuluang Pilipinas. Nagdaos pa ng̃ isang misang alaala sa lahat ng̃ mg̃a kasaping nang̃amatay sa ilalim ng̃ watawat ng̃ “Kami Naman”. Nagkaroon ng̃ binyag at kumpil at maghapong mg̃a palaro. Ang nabantog na banda ng̃ Meralko ay siyang tumugtog. At tinapos ang kasayahan sa isang magiliw na salosalong kapatid. Alinsunod sa mg̃a pahayagan dito sa Maynila ay mahigit na apat na libongtao ang dumalo sa mg̃a pagdiriwang na yaon. Dapat namang magkatotoo, pagka’t may mg̃a nagtayo pa ng̃ mg̃a tindahan at lahat halos ng̃ tahanan sa Sapote ay may kanikanyang handa. Ano pa’t ang pagdiriwang ng̃ “Kami Naman” ay naging parang pista ng̃ nayon. Sapul na noon ang “Kami Naman” ay nabantog na ng̃ gayon na lamang at ang lalong nakatawag sa diwa ng̃ marami ay ang mg̃a kartelong nagsabit sa trambiya na nagbansag ng̃ kasiglahang ipamamalas ng̃ “Kami Naman”.
Ang isa pa sa mg̃a pagdiriwang ng̃ Samahang ito na hinang̃aan din ng̃ madla ay ang pagtatanghal ng̃ mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman”. Ginanap noong ika 21 ng̃ Disyembre ng̃ 1913, sa Dulaang Angel sa Singalong. Mahigit sa tatlong libong tao ang nanood. At noon ay minsan pang itinampok ang mayamang uri ng̃ mg̃a babaing pilipina.
G. Rosendo S. CruzG. Rosendo S. CruzKumatha ng̃ “Tuntunin ng̃ Pulong” na ikalawang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dakong ika 19)
G. Rosendo S. Cruz
Kumatha ng̃ “Tuntunin ng̃ Pulong” na ikalawang aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”
(Tunghayan ang dakong ika 19)
Sa mg̃a pamamahayag ng̃ bayan ang “Kami Naman” ay palaging nakikilahok; ng̃uni’t pakikilahok na di sa gayongayon na lamang, kung hindi pakikilahokna kapunapuna; yaong nakapagpaparing̃al at umaani ng̃ papuri. Kung walang karrosa ang “Kami Naman” ay nakalulan naman sa sasakyan ang kanyang mg̃a kinatawan. Datapwa’t hindi sa iisang sasakyan lamang kung hindi sa pito o labing apat kaya. At sa loob ng̃ dalawang taon ay labing dalawang ganting pala angtinamo ng̃ “Kami Naman”. ¿Ano pang sigla ang hahanapin? ¿Ano pang kilos ang magagawa? Wala na. Hanggan diyan na lamang talaga ang isang samahan.
Kasabay ang pagsisigasig na magtamo ng̃ lalo at lalong karang̃alan, ang “Kami Naman” ay nagpapakatatag sa kanyang tayo. Inakala ng̃ Pangulong De los Reyes na ang pagkakaibaiba ng̃ hilig ng̃ mg̃a kasapi ay dapat tapatan ng̃ kanikanyang ikasisiyang loob. Dahil dito ay binahagi niya ang “Kami Naman” sa iba’t ibang Lupon na may kanikanyang uri, layon, pananalapi, at mg̃a kaanib.
Ang unang Lupon ay ang Damayan. Magabuloy sa namatay o namatayang kasapi ang layon. Lupon sa Kalakal ang pang̃alawa at nagsimula ng̃ pagkilos noong Pebrero ng̃ 1913. Disyembre ng̃ 1913 itinatag ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin na binubuo ng̃ pawang mapanghalinang binibini. Sila ay mg̃a kasaping pangdang̃al sa “Kami Naman”. Disyembre ring yaon ng̃ itatag ang Lupon sa Pagpapalakas. Bago sumipot ang masikap at masiglang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat.
Lahat ng̃ lupon na ito ay nagtanghal ng̃ kanikanyang lakas at magagawa. Bawa’t isa’y naghandog ng̃ matatayog na papuri sa boong Samahan. At sa lubos na paghang̃a ng̃ isang kasapi sa “Ilog Beata” sa kakisigan ng̃ “Kami Naman” ay tinula niya ang kasunod:
G. Ramon S. TorresG. Ramon S. TorresKalihim Tagapahayag ng̃ Samahan ng̃ mg̃a mananagalog na “Ilog Beata” at tumula ng̃ tulang “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 12)
G. Ramon S. Torres
Kalihim Tagapahayag ng̃ Samahan ng̃ mg̃a mananagalog na “Ilog Beata” at tumula ng̃ tulang “Kami Naman”
(Tunghayan ang dahong ika 12)
“KAMI NAMAN”Bayang inaapi, ako’y nananaligna ang bawa’t sikat ng araw sa lang̃it,taglay ang tinig mong malungkot na tinig.At iya’y hindi ko matalos kung bakitikaw’y lumuluha, ikaw’y tumatang̃isgayong may lakas ka’t may Bayaning Bisig.Subali’t hintay ka;aking ibubuhayang isang alagad na dapat asahan.Luming̃on ka roon, sa dakong Timuganat mamamalas mong na nawawagaywayang isang Bandilang kapitapitaganng kilala’t bantog na ang KAMI NAMAN.Yao’y Kapisanang sagana sa lahat,sagana sa dunong, sagana sa lakasat hindi marunong matakot sa tawagng kanyang kalabang mayaman sa gilas,pagka’t alam niya’t kanyang natatatapna ang Mundong ito’y Mundo ng̃ pang̃arap.Isang Kapisanang ang bawa’t kasapiay may siglang taglay na kahilihili:isang Kapisanang ang hakbang ay lagingtung̃o sa pagsulong, tung̃o sa lwalhati:sapagka’t ang kanyang darakilang Mithi’yitanggol ang api: matwid ay maghari.Yao’y binubuu ng dukha’t mayamanng mangmang at paham, bata at may gulang,sapagka’t ang kanyang isang patakaranna salig sa loob noong Kapisanan,ang dukha’y ibang̃on, ang aba’y tulung̃an,wala ni mataas; pawang pantaypantay.At, ito’y tulain ng̃ mg̃a makata,dakila sa lalong Samahang dakila,maningning sa lalong maningning na tala;at sapagka’t ito’y butihing diwata,ako, ikaw, sila, ang lahat na’y pawanamang gumigiliw at nagsisihang̃a.KayFrancisco Dizondapat kilalaninang pagkakatatag ng̃ napakagitingna Samahang yaong may tang̃ing layunin:siya ang pumukaw, siya ang gumisingsa nang̃atutulog na mga damdamingna nang̃alalang̃o sa pagkakahimbing.Angel de los Reyes: iyan ang pamagatng kanyang pang̃ulo nang ito’y matanyag;Rosendo S. Cruz:isa ring masikap;Yaman na ang Bayan sa gitna ng gubatay hindi nagtamo ng magandang paladkung kaya nangyaring yao’y itinatag.Hindi ba’t ang taong likha ni Bathalaay taglay sa kanyang pagsipot sa lupaang mga Tuntuni’t Batas ng Paglaya?Kung ito’y totoo: ¿bakit lumuluhatayong naririto? Pang̃arap ng̃a yatalamang ang umasa’t maghintay sa wala.Hindi lamang yoon para sa lalakikung hindi laan din sa mga babai:naron siPascuala Pintorna may iwingng̃iti na ang bawa’t ng̃iti ay pagkasi;naron siConchita; at isa pang saksi,siAnitanglaging dinidilidili.Nang̃agsapisapi ang mga binata,ang kadalagaha’y humalo sa hakana ang Lang̃it nati’y itanghal, ipala,sapagka’t ang ating darakilang nasa’yibang̃on ang bayan nating lumuluha’thumarap sa lalong malakas sa lupa.Oo nga at tunay na dito’y nagkalatang mga Samaha’t Kapisanang tanyagsubali’t tulutang aking maisaadna ang KAMI NAMAN Samahang mahirap,sa matuling agos ng luha ng palad,ay ito ang siyang darampi, huhugas.Ramon S. TorresTaga “Ilog-Beata”.Tundo, Maynila, K. P.Sa likod ng̃ mg̃a papuring ito sa “Kami Naman” ay mayroon namang mg̃a naiinis sa di maalamang sanhi. Aywan kung anong suliranin ang nagbubuyo at ang mg̃a ito ay nagpapakaimbi sa pagwawasak ng̃ Samahan. Kinakalaban ang sariling damdamin, niyuyurakan ang sariling dang̃al, at binubulag ang sariling paning̃in. Hindi pa man ipinang̃ang̃anak ang “Kami Naman” ay binanta ng̃ lasunin. Sa kanila ang lahat ng̃ kilos ng̃ “KamiNaman” ay pawang hindi matwid. Salamat sa pusong matimpi ng̃ Pang̃ulong De los Reyes at di man siya natukso. Salamat din sa kalamigang loob ng̃ mg̃a kasapi at di man sila nabalino. Talagang gayon: ang tao habang natatanyag ay lalong dumadami ang kaaway. At ang Samahan upang mabuhay kung minsa’y dapat magkaroon ng̃ mg̃a kalaban.G. Sofronio G. CalderonG. Sofronio G. CalderonGuro ng Wikang Tagalog sa Young Men’s Christian Association at isa sa mg̃a humahang̃a sa “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 17)Kung paanong sa kasaysayan ng̃ Pilipinas ay may isangsiglo oscuroo isang daang taong madilim, ang “Kami Naman”ay nagkaroon din. Dahil sa katapang̃an ng̃ isang kalulwa at dahil sa pagkatupad ng̃ wikang ang pagtitiwala’y nakamamatay, ay nagkaroon ng̃ isang maaling̃awng̃aw na usapin ang mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Dapat malamang ang usapin ay sa ilang tao lamang at di ng̃ boong Samahan. Ang Pang̃ulo at ang Ing̃atyaman ay kapuwa inupasalaang umano’y mg̃a magnanakaw. Hinubaran ng̃ puri at tinanghal na mg̃a magdaraya. Hindi na kinilala ang pagkatao ng̃ mg̃a nagbintang at pinagbibintang̃an. Hindi na siniyasat ang kasaysayan ng̃ isa’t isa. ¡Kay taas na ganting pala sa nagpapakamatay sa pagtataguyod ng̃ isang Samahan! Sa gayo’y umawit ng̃ tagumpay ang mg̃a sumasamantala sa sigalot. Ang pagkatagpo nila ng̃ babaing lumabag sa kanyang kahinhinan ay siyang nagpatibay sa paguusig na ito. Ng̃uni’t sa pitak ng̃ mg̃a pahayagan ay tahasang inilahad ni G. De los Reyes, ang boong nangyari. At sa likod ng̃ sigalot na ito ang mg̃a umusig din ang nagpapahayag na batid nilang walang salaping nawawala. Ano pa’t paghihiganti o pagkainis lamang ang kanilang ginawa. Matapat na awa ang dapat iyukol sa namamatay sa pagtupad sa kanyang pananalig....Ipalagay ng̃ ang Pang̃ulong De los Reyes at ang Ing̃atyamang Malonzo, ay nagkasala; bulagin na natin ang ating dang̃al at bing̃ihin na natin ang atingdamdamin; aminin ng̃ sila’y nagkamali: ¿ano ng̃ayon? ¿Anong kapinsalaan mayroon sa Samahan? ¿Ang G. De los Reyes ba at ang G. Malonzo ang “Kami Naman”? ¿Sila bang dalawa ang bumubuo ng̃ Samahan? ¡Hindi! ¡Hindi! At ang sumamba sa gayon ay walang pagsampataya sa kanyang dang̃al....Upang pabulaanan pa ang kumalat na balita, na ang “Kami Naman” ay naligalig, ay na ito naman ang bahagi ng̃ ilang salaysay ni G. De los Reyes:“....Sa isang Samahang na walang tumitiwalag ni itinitiwalag na kaanib, ang Samahang iyan ay buo, matatag, at buhay. Iyan ay pinaghaharian ng kapayapaan at sapupo ng lalong matamis, dalisay, at matimyas na pagkakapatiran....”Palibhasa’y lubos ang pagtitiwala ng̃ mg̃a kaanib sa “Kami Naman” sa kanilang Pang̃ulo at Ing̃atyaman ang Samahan ay di mang naligalig sa sigalot na nangyari sa mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Bagkus lalong nagibayo ang sikap at sigla. At upang lalong mapaayos ang Damayan ay itinigil ng̃ may dalawang buwan. Ang Damayan lamang ang itinigil dahil sa pagbibitiw ng̃ tungkulin ni G. De los Reyes. Pagkatapos ayusin ay naghahalili ng̃ Pamahalaan ng̃ Samahan. Ano pa’t malaking kabulaanan ang ipinamamansag ng̃ iba na nalansag na raw ang “Kami Naman”. Hindi, hindi nalalansag. Hayan at kumilos ng̃ boongsigla at boong ningning. Gaya rin ng̃ dati ay nakatayo pa ang kanyang mg̃a haligi.Bb. Fausta CortesBb. Fausta CortesPang̃ulo ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat at siyang kumatha ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” na ikatlong aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 21)Sa kabantugan ng̃ “Kami Naman” ay malaki ang naitutulong ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Nagbukas ito ng̃ isang aklatan sa kapakinabang̃an ng̃ lahat. Kasapi at hindi sa “Kami Naman” ay binibigyan ng̃ laya. Doon ay sarisaring pahayagan at iba’t ibang aklat ang nagaantabay sa kahi’t kanino.Bukod sa pagsisikap ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” na makapagpalabas ng̃ mg̃a akda, ay naguukol din ng̃ panahon sa paglilinang ng̃ wikang tagalog. Ang katotohana’y napalaban na sila sa tanyag naAklatang Barusog. Ang mg̃a taga “Kami Naman” ay ayaw gumalang sa pagpatay ng̃ N sa piling ng̃ G̃. Ano pa’t hindi sila kaayon samodangang ANG ay isulat ng̃ AG̃ (pinatay ang N). Ang mg̃a tagaAklatang Barusogay nagtanggol naman sa kabilang panig.Sa mg̃a ikinilos na ito ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” ay kinilala ni G. Sofronio G. Calderon ang kanilang pagsusumakit. At na ito ang isa niyang lathala na tumutukoy sa:KAPAKANAN ÑG WIKANG TAGALOGIto ng̃ang wikang Tagalog, itong wika nina Solima’t Lakandula, nila Balagtas at Pilapil, nila Rizal na ng̃ayo’y kasalukuyang pinagmamasakitanngAklatangKAMI NAMAN,ay hindi lihim, at sa katunayan ay nariyan ang lagda ng mga bantog na mananalaysay na kumilala ng kasakdalan ng wikang ito, palibhasa’y ang wikang Tagalog ay isang wikang may sariling likas, may sariling ganda, may sariling yaman at isang wikang maipagbabadiya ng tanang saloobin at damdaming sumasapuso’t ísip ng tao; anopa’t sa katagang sabi, itong wikang Tagalog na ating kinamulatan, nilakhan at pinaka kaluluwa ng ating bayan ay may dakilang kapakanan ayon sa pagkakaakma’t pagkakabalangkas sa isang paraang tumpak at kagilagilalas.Sofronio G. Calderón.Dahil sa talino ng̃ isa sa mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman” ang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ay nagkamit ng̃ karang̃alang sa “Kami Naman” nanggaling ang ikatlo sa mg̃a babaing pilipina na kumatha ng̃ kasaysayan. Iyan ay si Bb. Pascuala Pintor na sumulat ng̃ nobelang “Tagumpay ng̃ Api”, na siyang unang aklat na pinalabas ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Kung ¿ano ang “Tagumpay ng̃ Api”? ang isang liham ni G. Aurelio Tolentino ang dapat sumagot:“Bb. Pascuala Pintor.“Mahal na binibini:“Tinanggap ko po at pinasasalamatan ang mahalagang handog ninyo sa akin, isang salin ng inyong matalinong nobelang “Tagumpay ng Apí”.“Kulang ang lahat ng papuring kaya kong sabihin, upang tumbasan ang hiwagang sarap ng aklat na nabanggit. Bukod sa talagang maykalugodlugod na ganda sa pagkakahanay ng mga salitang bihis ng kanyang mayayamang isipan, ay naghahandog pa sa damdamin ng ulirang buhay na gaya ng kay Teban, aralan gaya ng kay Titay at katarungang gaya ng kay Mameng at kay Leon.“Palibhasa’y marami na ang mga nobelang Tagalog; dahil sa mga mahahalaga rin naman ay maitutulad sa isang kuwintas na gintong sinasagisag ng bagong buhay. Ang “Tagumpay ng Apí”, ngayong mapakituhog sa kuwintas na iyan, ay naging pinakamaluningning na «relicariong» tinampakan ng makikinang na batong diamante, at may mahal na laman sa loob, ang buhay na larawan ng kabaitang nagtagumpay sa dagok ng kapaslangang binigti ng katarungan ng sariling damdamin.“Naghihintay pagutusan ang talisuyo nilang si“Aurelio Tolentino.“Maynila, ika 30 ng Junio ng 1914.”Sumunod na pinalabas ng̃ mg̃a manunulat ng̃ “Kami Naman” ang aklat ni G. Rosendo S. Cruz. “Tuntunin ng̃ Pulong” ang pamagat at gaya rin ng̃ “Tagumpay ng̃ Api” ay nagtamo ng̃ mg̃a bati at papuri. Isa na rito ang kalatas ng̃ isang taga Malabon, Rizal, na si G. Amado Jacinto. Aniya’y“Malabon, Rizal, S. P.“Ika 30 ng Okt., 1914.“G. Rosendo S. Cruz.“Mahal na kaibigan: Tinanggap ko ang isang salin ng iyong mahalaga at munting aklat na ang pamagat ay “Tuntunin ng Pulong”, at ako’y nagpapasalamat ng marami.“Rosendo, ang iyong aklat, sa ganang sarili ko, ay dapat mong ipagkapuri. ¿At bakit? Sapagka’tsa aklat mong itong maliit at mura lamangaymayroon kang isang dakilang bagay na matuturo. At ito’y ang pagpapakilala mo sa iba, na ang kahalagahan ng isang katha’y wala sa kapal at sa laki, kundi nasauriat saka salayon:uringsiyang bilang pinakapagaari ng isang aklat, atlayonnamang siyang tunay na ariariang kinapapalamnan ng dañgal ng isang kumatha.“Anguringtinutukoy ko rito ñgayon ay hindi ang tungkol sa kalinisan o karumham ngliteratura, kundi ang kungnakapagtuturoohindi nakapagtuturo; at ang sa layon nama’y kungmabutiohíndi, samakatuwid ay kung angpakinabañgano makinabang lamang.“Kapag ang isang aklat ñga’y may uring nakapagtuturo at may mabuting layon, para sa akin ay sukat na, upang kalugdan kong basahin at hanggang sa purihin pa pati ng kumatha.“¡At lalo pa marahil, kung ang kumathang iya’y isang kaibigang katulad mo! ¿Hindi ba?“Tungkol sa pagbabasa ng mga aklat ay aking maipagtatapat sa iyong ako ñga’y mayroon ng kakaibang panglasa kay sa dati, at ang sabi ko’y ganito, sapagka’t hindi na ako nalulugod ñgayon sa mga Felipe Trigo at Eduardo Zamacois, diyan sa mga mapaglarawan at mapaglikha ng mga kuwadrong nakapagpapagalaw ng laman at nakapagpapakalam ng balat, na sa mahinang loob ay sapat makapagdulot ngisangmasidhing pagkakilití; kundi doon na unti-unting nawiwili ang aking loob sa mga Heberto Spencer at Samanuel Smiles, sa mga Noé Porter at Tomas Stanley.“At dahil sa ganitong pagbabago ng aking hilig, ay huwag ilalaki ng iyong loob na ipalagay at sabihing kong ang aklat mo’y lalo pang kapuri-puri kay sa di iisa’t dadalawang naghahalaga riyan ng 40 at 50sentimos, sa pagka’t ang iyo’y nakatutulongsa pagtitipidng panahon ng mga samahan kung sila’y may pinagpupuluñgan, samantalang ang mga yao’y pawangmgaawitding mistula ng nakalipas na panahon natin,ibañga lamang angpañgalan,anyoatbihis; dapuwa’y sing-isa ring walang nagagawa kundi ang magparami ng mga pañgahas, pilyo, at palalo.“Iyan ang mga sanhi, kung kaya’t baga man may kulang at di mo binuó ang “Tuntunin ng Pulong” na iyong sinulat, ay hinahandugandinkita ng isang maligayang bati, na kasabay ng pakikikamay ko’y tanggapin mo rito sa tapat,at natatalaga mong kaibigan.(May lagda.) “Amado Jacinto.”Ang ikatlong aklat na ipinalimbag ay ang “Agawan ng̃ Dang̃al” na akda naman ni Bb. Fausta Cortes. Ang nagpanukala’t nagtatag ng̃ mg̃a balitang “Ilaw at Panitik”, “Aklatang Barusog” (mg̃a Samahan ng̃ mg̃a manunulat na tagalog) at “Hijos del Siglo” na si G. Honorato H. de Lara ay siyang nagpakilala sa madla kung ano ang “Agawan ng̃ Dang̃al”.Isangligang̃indoor base ballang itinanyag naman ng̃ Lupon sa Pagpapalakas. AngbituingConcepcion Magallanes ay siyang naghagis ng̃ unang pukol ng̃ bola. Limangteamang lumaro at ito’y ang “Marte”, “Katubusan”, “Sinag Kapuluan”, “Makabayan”, at “Kami Naman”. Ang “Marte” ang nagtamo ng̃ tang̃ing gantingpala.Ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin ay kalabisan ng̃ sabihin pa kung ano ang nagawa at ginagawa. Sukat ang ipagtapat na utang sa mg̃a “bituing” ito, ang lahat ng̃ ikinilos ng̃ “Kami Naman”.Paano’y sila ang buhay at kalulwa ng̃ Samahan.Patuloy sa magiliw na pagdadamayan ang Lupon sa Damayan.Ng̃uni’tangLupon sa Kalakal ay napahimbing. Ang Lupon na ito lamang ang nagmintis. Gayon ma’y nakapagtayo rin ng̃ tindahan noong Febrero ng̃ 1913, baga man nabuhay ng̃ may anim na buwan lamang.Sa mg̃a kasiglahang ito ng̃ mg̃a lupon ng̃ “Kami Naman” ang Samahan ay palaging nakapagwawasiwas ng̃ watawat ng̃ tagumpay sa lahat ng̃ kanyang balak. At man sa tuwing bago siyang panukala, ang mg̃a pahayagan ay nang̃agsabing «Bagong maningning na dahon na naman ang mapaparagdag sa hinahang̃aang kasaysayan ng̃ “Kami Naman”.»At dapat namang dakilain ang “Kami Naman”, palibhasa’y isang samahang nakikipagkapatiran sa lahat, sampu sa mg̃a nagpapakaimbi sa pagpatay sa kanya. Kung totoo mang may mg̃a kamaliang nagawa ay totoo rin namang lalong marami ang tumpak na pinang̃atawanan.Diyan natapos ang dalawang taong pamamahala ni G. Angel de los Reyes na nagwagi sa tatlong halalang sunod-sunod sa pagka Pang̃ulo ng̃ Samahan.¡¡¡Panahon ang humatol sa magiging kapalaran ng̃ mg̃a samahang katulad ng̃ “Kami Naman”!!!HANGGA
“KAMI NAMAN”Bayang inaapi, ako’y nananaligna ang bawa’t sikat ng araw sa lang̃it,taglay ang tinig mong malungkot na tinig.At iya’y hindi ko matalos kung bakitikaw’y lumuluha, ikaw’y tumatang̃isgayong may lakas ka’t may Bayaning Bisig.Subali’t hintay ka;aking ibubuhayang isang alagad na dapat asahan.Luming̃on ka roon, sa dakong Timuganat mamamalas mong na nawawagaywayang isang Bandilang kapitapitaganng kilala’t bantog na ang KAMI NAMAN.Yao’y Kapisanang sagana sa lahat,sagana sa dunong, sagana sa lakasat hindi marunong matakot sa tawagng kanyang kalabang mayaman sa gilas,pagka’t alam niya’t kanyang natatatapna ang Mundong ito’y Mundo ng̃ pang̃arap.Isang Kapisanang ang bawa’t kasapiay may siglang taglay na kahilihili:isang Kapisanang ang hakbang ay lagingtung̃o sa pagsulong, tung̃o sa lwalhati:sapagka’t ang kanyang darakilang Mithi’yitanggol ang api: matwid ay maghari.Yao’y binubuu ng dukha’t mayamanng mangmang at paham, bata at may gulang,sapagka’t ang kanyang isang patakaranna salig sa loob noong Kapisanan,ang dukha’y ibang̃on, ang aba’y tulung̃an,wala ni mataas; pawang pantaypantay.At, ito’y tulain ng̃ mg̃a makata,dakila sa lalong Samahang dakila,maningning sa lalong maningning na tala;at sapagka’t ito’y butihing diwata,ako, ikaw, sila, ang lahat na’y pawanamang gumigiliw at nagsisihang̃a.KayFrancisco Dizondapat kilalaninang pagkakatatag ng̃ napakagitingna Samahang yaong may tang̃ing layunin:siya ang pumukaw, siya ang gumisingsa nang̃atutulog na mga damdamingna nang̃alalang̃o sa pagkakahimbing.Angel de los Reyes: iyan ang pamagatng kanyang pang̃ulo nang ito’y matanyag;Rosendo S. Cruz:isa ring masikap;Yaman na ang Bayan sa gitna ng gubatay hindi nagtamo ng magandang paladkung kaya nangyaring yao’y itinatag.Hindi ba’t ang taong likha ni Bathalaay taglay sa kanyang pagsipot sa lupaang mga Tuntuni’t Batas ng Paglaya?Kung ito’y totoo: ¿bakit lumuluhatayong naririto? Pang̃arap ng̃a yatalamang ang umasa’t maghintay sa wala.Hindi lamang yoon para sa lalakikung hindi laan din sa mga babai:naron siPascuala Pintorna may iwingng̃iti na ang bawa’t ng̃iti ay pagkasi;naron siConchita; at isa pang saksi,siAnitanglaging dinidilidili.Nang̃agsapisapi ang mga binata,ang kadalagaha’y humalo sa hakana ang Lang̃it nati’y itanghal, ipala,sapagka’t ang ating darakilang nasa’yibang̃on ang bayan nating lumuluha’thumarap sa lalong malakas sa lupa.Oo nga at tunay na dito’y nagkalatang mga Samaha’t Kapisanang tanyagsubali’t tulutang aking maisaadna ang KAMI NAMAN Samahang mahirap,sa matuling agos ng luha ng palad,ay ito ang siyang darampi, huhugas.
Bayang inaapi, ako’y nananaligna ang bawa’t sikat ng araw sa lang̃it,taglay ang tinig mong malungkot na tinig.At iya’y hindi ko matalos kung bakitikaw’y lumuluha, ikaw’y tumatang̃isgayong may lakas ka’t may Bayaning Bisig.Subali’t hintay ka;aking ibubuhayang isang alagad na dapat asahan.Luming̃on ka roon, sa dakong Timuganat mamamalas mong na nawawagaywayang isang Bandilang kapitapitaganng kilala’t bantog na ang KAMI NAMAN.Yao’y Kapisanang sagana sa lahat,sagana sa dunong, sagana sa lakasat hindi marunong matakot sa tawagng kanyang kalabang mayaman sa gilas,pagka’t alam niya’t kanyang natatatapna ang Mundong ito’y Mundo ng̃ pang̃arap.Isang Kapisanang ang bawa’t kasapiay may siglang taglay na kahilihili:isang Kapisanang ang hakbang ay lagingtung̃o sa pagsulong, tung̃o sa lwalhati:sapagka’t ang kanyang darakilang Mithi’yitanggol ang api: matwid ay maghari.Yao’y binubuu ng dukha’t mayamanng mangmang at paham, bata at may gulang,sapagka’t ang kanyang isang patakaranna salig sa loob noong Kapisanan,ang dukha’y ibang̃on, ang aba’y tulung̃an,wala ni mataas; pawang pantaypantay.At, ito’y tulain ng̃ mg̃a makata,dakila sa lalong Samahang dakila,maningning sa lalong maningning na tala;at sapagka’t ito’y butihing diwata,ako, ikaw, sila, ang lahat na’y pawanamang gumigiliw at nagsisihang̃a.KayFrancisco Dizondapat kilalaninang pagkakatatag ng̃ napakagitingna Samahang yaong may tang̃ing layunin:siya ang pumukaw, siya ang gumisingsa nang̃atutulog na mga damdamingna nang̃alalang̃o sa pagkakahimbing.Angel de los Reyes: iyan ang pamagatng kanyang pang̃ulo nang ito’y matanyag;Rosendo S. Cruz:isa ring masikap;Yaman na ang Bayan sa gitna ng gubatay hindi nagtamo ng magandang paladkung kaya nangyaring yao’y itinatag.Hindi ba’t ang taong likha ni Bathalaay taglay sa kanyang pagsipot sa lupaang mga Tuntuni’t Batas ng Paglaya?Kung ito’y totoo: ¿bakit lumuluhatayong naririto? Pang̃arap ng̃a yatalamang ang umasa’t maghintay sa wala.Hindi lamang yoon para sa lalakikung hindi laan din sa mga babai:naron siPascuala Pintorna may iwingng̃iti na ang bawa’t ng̃iti ay pagkasi;naron siConchita; at isa pang saksi,siAnitanglaging dinidilidili.Nang̃agsapisapi ang mga binata,ang kadalagaha’y humalo sa hakana ang Lang̃it nati’y itanghal, ipala,sapagka’t ang ating darakilang nasa’yibang̃on ang bayan nating lumuluha’thumarap sa lalong malakas sa lupa.Oo nga at tunay na dito’y nagkalatang mga Samaha’t Kapisanang tanyagsubali’t tulutang aking maisaadna ang KAMI NAMAN Samahang mahirap,sa matuling agos ng luha ng palad,ay ito ang siyang darampi, huhugas.
Bayang inaapi, ako’y nananaligna ang bawa’t sikat ng araw sa lang̃it,taglay ang tinig mong malungkot na tinig.At iya’y hindi ko matalos kung bakitikaw’y lumuluha, ikaw’y tumatang̃isgayong may lakas ka’t may Bayaning Bisig.
Bayang inaapi, ako’y nananalig
na ang bawa’t sikat ng araw sa lang̃it,
taglay ang tinig mong malungkot na tinig.
At iya’y hindi ko matalos kung bakit
ikaw’y lumuluha, ikaw’y tumatang̃is
gayong may lakas ka’t may Bayaning Bisig.
Subali’t hintay ka;aking ibubuhayang isang alagad na dapat asahan.Luming̃on ka roon, sa dakong Timuganat mamamalas mong na nawawagaywayang isang Bandilang kapitapitaganng kilala’t bantog na ang KAMI NAMAN.
Subali’t hintay ka;aking ibubuhay
ang isang alagad na dapat asahan.
Luming̃on ka roon, sa dakong Timugan
at mamamalas mong na nawawagayway
ang isang Bandilang kapitapitagan
ng kilala’t bantog na ang KAMI NAMAN.
Yao’y Kapisanang sagana sa lahat,sagana sa dunong, sagana sa lakasat hindi marunong matakot sa tawagng kanyang kalabang mayaman sa gilas,pagka’t alam niya’t kanyang natatatapna ang Mundong ito’y Mundo ng̃ pang̃arap.
Yao’y Kapisanang sagana sa lahat,
sagana sa dunong, sagana sa lakas
at hindi marunong matakot sa tawag
ng kanyang kalabang mayaman sa gilas,
pagka’t alam niya’t kanyang natatatap
na ang Mundong ito’y Mundo ng̃ pang̃arap.
Isang Kapisanang ang bawa’t kasapiay may siglang taglay na kahilihili:isang Kapisanang ang hakbang ay lagingtung̃o sa pagsulong, tung̃o sa lwalhati:sapagka’t ang kanyang darakilang Mithi’yitanggol ang api: matwid ay maghari.
Isang Kapisanang ang bawa’t kasapi
ay may siglang taglay na kahilihili:
isang Kapisanang ang hakbang ay laging
tung̃o sa pagsulong, tung̃o sa lwalhati:
sapagka’t ang kanyang darakilang Mithi’y
itanggol ang api: matwid ay maghari.
Yao’y binubuu ng dukha’t mayamanng mangmang at paham, bata at may gulang,sapagka’t ang kanyang isang patakaranna salig sa loob noong Kapisanan,ang dukha’y ibang̃on, ang aba’y tulung̃an,wala ni mataas; pawang pantaypantay.
Yao’y binubuu ng dukha’t mayaman
ng mangmang at paham, bata at may gulang,
sapagka’t ang kanyang isang patakaran
na salig sa loob noong Kapisanan,
ang dukha’y ibang̃on, ang aba’y tulung̃an,
wala ni mataas; pawang pantaypantay.
At, ito’y tulain ng̃ mg̃a makata,dakila sa lalong Samahang dakila,maningning sa lalong maningning na tala;at sapagka’t ito’y butihing diwata,ako, ikaw, sila, ang lahat na’y pawanamang gumigiliw at nagsisihang̃a.
At, ito’y tulain ng̃ mg̃a makata,
dakila sa lalong Samahang dakila,
maningning sa lalong maningning na tala;
at sapagka’t ito’y butihing diwata,
ako, ikaw, sila, ang lahat na’y pawa
namang gumigiliw at nagsisihang̃a.
KayFrancisco Dizondapat kilalaninang pagkakatatag ng̃ napakagitingna Samahang yaong may tang̃ing layunin:siya ang pumukaw, siya ang gumisingsa nang̃atutulog na mga damdamingna nang̃alalang̃o sa pagkakahimbing.
KayFrancisco Dizondapat kilalanin
ang pagkakatatag ng̃ napakagiting
na Samahang yaong may tang̃ing layunin:
siya ang pumukaw, siya ang gumising
sa nang̃atutulog na mga damdaming
na nang̃alalang̃o sa pagkakahimbing.
Angel de los Reyes: iyan ang pamagatng kanyang pang̃ulo nang ito’y matanyag;Rosendo S. Cruz:isa ring masikap;Yaman na ang Bayan sa gitna ng gubatay hindi nagtamo ng magandang paladkung kaya nangyaring yao’y itinatag.
Angel de los Reyes: iyan ang pamagat
ng kanyang pang̃ulo nang ito’y matanyag;
Rosendo S. Cruz:isa ring masikap;
Yaman na ang Bayan sa gitna ng gubat
ay hindi nagtamo ng magandang palad
kung kaya nangyaring yao’y itinatag.
Hindi ba’t ang taong likha ni Bathalaay taglay sa kanyang pagsipot sa lupaang mga Tuntuni’t Batas ng Paglaya?Kung ito’y totoo: ¿bakit lumuluhatayong naririto? Pang̃arap ng̃a yatalamang ang umasa’t maghintay sa wala.
Hindi ba’t ang taong likha ni Bathala
ay taglay sa kanyang pagsipot sa lupa
ang mga Tuntuni’t Batas ng Paglaya?
Kung ito’y totoo: ¿bakit lumuluha
tayong naririto? Pang̃arap ng̃a yata
lamang ang umasa’t maghintay sa wala.
Hindi lamang yoon para sa lalakikung hindi laan din sa mga babai:naron siPascuala Pintorna may iwingng̃iti na ang bawa’t ng̃iti ay pagkasi;naron siConchita; at isa pang saksi,siAnitanglaging dinidilidili.
Hindi lamang yoon para sa lalaki
kung hindi laan din sa mga babai:
naron siPascuala Pintorna may iwing
ng̃iti na ang bawa’t ng̃iti ay pagkasi;
naron siConchita; at isa pang saksi,
siAnitanglaging dinidilidili.
Nang̃agsapisapi ang mga binata,ang kadalagaha’y humalo sa hakana ang Lang̃it nati’y itanghal, ipala,sapagka’t ang ating darakilang nasa’yibang̃on ang bayan nating lumuluha’thumarap sa lalong malakas sa lupa.
Nang̃agsapisapi ang mga binata,
ang kadalagaha’y humalo sa haka
na ang Lang̃it nati’y itanghal, ipala,
sapagka’t ang ating darakilang nasa’y
ibang̃on ang bayan nating lumuluha’t
humarap sa lalong malakas sa lupa.
Oo nga at tunay na dito’y nagkalatang mga Samaha’t Kapisanang tanyagsubali’t tulutang aking maisaadna ang KAMI NAMAN Samahang mahirap,sa matuling agos ng luha ng palad,ay ito ang siyang darampi, huhugas.
Oo nga at tunay na dito’y nagkalat
ang mga Samaha’t Kapisanang tanyag
subali’t tulutang aking maisaad
na ang KAMI NAMAN Samahang mahirap,
sa matuling agos ng luha ng palad,
ay ito ang siyang darampi, huhugas.
Ramon S. TorresTaga “Ilog-Beata”.Tundo, Maynila, K. P.Sa likod ng̃ mg̃a papuring ito sa “Kami Naman” ay mayroon namang mg̃a naiinis sa di maalamang sanhi. Aywan kung anong suliranin ang nagbubuyo at ang mg̃a ito ay nagpapakaimbi sa pagwawasak ng̃ Samahan. Kinakalaban ang sariling damdamin, niyuyurakan ang sariling dang̃al, at binubulag ang sariling paning̃in. Hindi pa man ipinang̃ang̃anak ang “Kami Naman” ay binanta ng̃ lasunin. Sa kanila ang lahat ng̃ kilos ng̃ “KamiNaman” ay pawang hindi matwid. Salamat sa pusong matimpi ng̃ Pang̃ulong De los Reyes at di man siya natukso. Salamat din sa kalamigang loob ng̃ mg̃a kasapi at di man sila nabalino. Talagang gayon: ang tao habang natatanyag ay lalong dumadami ang kaaway. At ang Samahan upang mabuhay kung minsa’y dapat magkaroon ng̃ mg̃a kalaban.G. Sofronio G. CalderonG. Sofronio G. CalderonGuro ng Wikang Tagalog sa Young Men’s Christian Association at isa sa mg̃a humahang̃a sa “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 17)Kung paanong sa kasaysayan ng̃ Pilipinas ay may isangsiglo oscuroo isang daang taong madilim, ang “Kami Naman”ay nagkaroon din. Dahil sa katapang̃an ng̃ isang kalulwa at dahil sa pagkatupad ng̃ wikang ang pagtitiwala’y nakamamatay, ay nagkaroon ng̃ isang maaling̃awng̃aw na usapin ang mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Dapat malamang ang usapin ay sa ilang tao lamang at di ng̃ boong Samahan. Ang Pang̃ulo at ang Ing̃atyaman ay kapuwa inupasalaang umano’y mg̃a magnanakaw. Hinubaran ng̃ puri at tinanghal na mg̃a magdaraya. Hindi na kinilala ang pagkatao ng̃ mg̃a nagbintang at pinagbibintang̃an. Hindi na siniyasat ang kasaysayan ng̃ isa’t isa. ¡Kay taas na ganting pala sa nagpapakamatay sa pagtataguyod ng̃ isang Samahan! Sa gayo’y umawit ng̃ tagumpay ang mg̃a sumasamantala sa sigalot. Ang pagkatagpo nila ng̃ babaing lumabag sa kanyang kahinhinan ay siyang nagpatibay sa paguusig na ito. Ng̃uni’t sa pitak ng̃ mg̃a pahayagan ay tahasang inilahad ni G. De los Reyes, ang boong nangyari. At sa likod ng̃ sigalot na ito ang mg̃a umusig din ang nagpapahayag na batid nilang walang salaping nawawala. Ano pa’t paghihiganti o pagkainis lamang ang kanilang ginawa. Matapat na awa ang dapat iyukol sa namamatay sa pagtupad sa kanyang pananalig....Ipalagay ng̃ ang Pang̃ulong De los Reyes at ang Ing̃atyamang Malonzo, ay nagkasala; bulagin na natin ang ating dang̃al at bing̃ihin na natin ang atingdamdamin; aminin ng̃ sila’y nagkamali: ¿ano ng̃ayon? ¿Anong kapinsalaan mayroon sa Samahan? ¿Ang G. De los Reyes ba at ang G. Malonzo ang “Kami Naman”? ¿Sila bang dalawa ang bumubuo ng̃ Samahan? ¡Hindi! ¡Hindi! At ang sumamba sa gayon ay walang pagsampataya sa kanyang dang̃al....Upang pabulaanan pa ang kumalat na balita, na ang “Kami Naman” ay naligalig, ay na ito naman ang bahagi ng̃ ilang salaysay ni G. De los Reyes:“....Sa isang Samahang na walang tumitiwalag ni itinitiwalag na kaanib, ang Samahang iyan ay buo, matatag, at buhay. Iyan ay pinaghaharian ng kapayapaan at sapupo ng lalong matamis, dalisay, at matimyas na pagkakapatiran....”Palibhasa’y lubos ang pagtitiwala ng̃ mg̃a kaanib sa “Kami Naman” sa kanilang Pang̃ulo at Ing̃atyaman ang Samahan ay di mang naligalig sa sigalot na nangyari sa mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Bagkus lalong nagibayo ang sikap at sigla. At upang lalong mapaayos ang Damayan ay itinigil ng̃ may dalawang buwan. Ang Damayan lamang ang itinigil dahil sa pagbibitiw ng̃ tungkulin ni G. De los Reyes. Pagkatapos ayusin ay naghahalili ng̃ Pamahalaan ng̃ Samahan. Ano pa’t malaking kabulaanan ang ipinamamansag ng̃ iba na nalansag na raw ang “Kami Naman”. Hindi, hindi nalalansag. Hayan at kumilos ng̃ boongsigla at boong ningning. Gaya rin ng̃ dati ay nakatayo pa ang kanyang mg̃a haligi.Bb. Fausta CortesBb. Fausta CortesPang̃ulo ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat at siyang kumatha ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” na ikatlong aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 21)Sa kabantugan ng̃ “Kami Naman” ay malaki ang naitutulong ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Nagbukas ito ng̃ isang aklatan sa kapakinabang̃an ng̃ lahat. Kasapi at hindi sa “Kami Naman” ay binibigyan ng̃ laya. Doon ay sarisaring pahayagan at iba’t ibang aklat ang nagaantabay sa kahi’t kanino.Bukod sa pagsisikap ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” na makapagpalabas ng̃ mg̃a akda, ay naguukol din ng̃ panahon sa paglilinang ng̃ wikang tagalog. Ang katotohana’y napalaban na sila sa tanyag naAklatang Barusog. Ang mg̃a taga “Kami Naman” ay ayaw gumalang sa pagpatay ng̃ N sa piling ng̃ G̃. Ano pa’t hindi sila kaayon samodangang ANG ay isulat ng̃ AG̃ (pinatay ang N). Ang mg̃a tagaAklatang Barusogay nagtanggol naman sa kabilang panig.Sa mg̃a ikinilos na ito ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” ay kinilala ni G. Sofronio G. Calderon ang kanilang pagsusumakit. At na ito ang isa niyang lathala na tumutukoy sa:KAPAKANAN ÑG WIKANG TAGALOGIto ng̃ang wikang Tagalog, itong wika nina Solima’t Lakandula, nila Balagtas at Pilapil, nila Rizal na ng̃ayo’y kasalukuyang pinagmamasakitanngAklatangKAMI NAMAN,ay hindi lihim, at sa katunayan ay nariyan ang lagda ng mga bantog na mananalaysay na kumilala ng kasakdalan ng wikang ito, palibhasa’y ang wikang Tagalog ay isang wikang may sariling likas, may sariling ganda, may sariling yaman at isang wikang maipagbabadiya ng tanang saloobin at damdaming sumasapuso’t ísip ng tao; anopa’t sa katagang sabi, itong wikang Tagalog na ating kinamulatan, nilakhan at pinaka kaluluwa ng ating bayan ay may dakilang kapakanan ayon sa pagkakaakma’t pagkakabalangkas sa isang paraang tumpak at kagilagilalas.Sofronio G. Calderón.Dahil sa talino ng̃ isa sa mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman” ang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ay nagkamit ng̃ karang̃alang sa “Kami Naman” nanggaling ang ikatlo sa mg̃a babaing pilipina na kumatha ng̃ kasaysayan. Iyan ay si Bb. Pascuala Pintor na sumulat ng̃ nobelang “Tagumpay ng̃ Api”, na siyang unang aklat na pinalabas ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Kung ¿ano ang “Tagumpay ng̃ Api”? ang isang liham ni G. Aurelio Tolentino ang dapat sumagot:“Bb. Pascuala Pintor.“Mahal na binibini:“Tinanggap ko po at pinasasalamatan ang mahalagang handog ninyo sa akin, isang salin ng inyong matalinong nobelang “Tagumpay ng Apí”.“Kulang ang lahat ng papuring kaya kong sabihin, upang tumbasan ang hiwagang sarap ng aklat na nabanggit. Bukod sa talagang maykalugodlugod na ganda sa pagkakahanay ng mga salitang bihis ng kanyang mayayamang isipan, ay naghahandog pa sa damdamin ng ulirang buhay na gaya ng kay Teban, aralan gaya ng kay Titay at katarungang gaya ng kay Mameng at kay Leon.“Palibhasa’y marami na ang mga nobelang Tagalog; dahil sa mga mahahalaga rin naman ay maitutulad sa isang kuwintas na gintong sinasagisag ng bagong buhay. Ang “Tagumpay ng Apí”, ngayong mapakituhog sa kuwintas na iyan, ay naging pinakamaluningning na «relicariong» tinampakan ng makikinang na batong diamante, at may mahal na laman sa loob, ang buhay na larawan ng kabaitang nagtagumpay sa dagok ng kapaslangang binigti ng katarungan ng sariling damdamin.“Naghihintay pagutusan ang talisuyo nilang si“Aurelio Tolentino.“Maynila, ika 30 ng Junio ng 1914.”Sumunod na pinalabas ng̃ mg̃a manunulat ng̃ “Kami Naman” ang aklat ni G. Rosendo S. Cruz. “Tuntunin ng̃ Pulong” ang pamagat at gaya rin ng̃ “Tagumpay ng̃ Api” ay nagtamo ng̃ mg̃a bati at papuri. Isa na rito ang kalatas ng̃ isang taga Malabon, Rizal, na si G. Amado Jacinto. Aniya’y“Malabon, Rizal, S. P.“Ika 30 ng Okt., 1914.“G. Rosendo S. Cruz.“Mahal na kaibigan: Tinanggap ko ang isang salin ng iyong mahalaga at munting aklat na ang pamagat ay “Tuntunin ng Pulong”, at ako’y nagpapasalamat ng marami.“Rosendo, ang iyong aklat, sa ganang sarili ko, ay dapat mong ipagkapuri. ¿At bakit? Sapagka’tsa aklat mong itong maliit at mura lamangaymayroon kang isang dakilang bagay na matuturo. At ito’y ang pagpapakilala mo sa iba, na ang kahalagahan ng isang katha’y wala sa kapal at sa laki, kundi nasauriat saka salayon:uringsiyang bilang pinakapagaari ng isang aklat, atlayonnamang siyang tunay na ariariang kinapapalamnan ng dañgal ng isang kumatha.“Anguringtinutukoy ko rito ñgayon ay hindi ang tungkol sa kalinisan o karumham ngliteratura, kundi ang kungnakapagtuturoohindi nakapagtuturo; at ang sa layon nama’y kungmabutiohíndi, samakatuwid ay kung angpakinabañgano makinabang lamang.“Kapag ang isang aklat ñga’y may uring nakapagtuturo at may mabuting layon, para sa akin ay sukat na, upang kalugdan kong basahin at hanggang sa purihin pa pati ng kumatha.“¡At lalo pa marahil, kung ang kumathang iya’y isang kaibigang katulad mo! ¿Hindi ba?“Tungkol sa pagbabasa ng mga aklat ay aking maipagtatapat sa iyong ako ñga’y mayroon ng kakaibang panglasa kay sa dati, at ang sabi ko’y ganito, sapagka’t hindi na ako nalulugod ñgayon sa mga Felipe Trigo at Eduardo Zamacois, diyan sa mga mapaglarawan at mapaglikha ng mga kuwadrong nakapagpapagalaw ng laman at nakapagpapakalam ng balat, na sa mahinang loob ay sapat makapagdulot ngisangmasidhing pagkakilití; kundi doon na unti-unting nawiwili ang aking loob sa mga Heberto Spencer at Samanuel Smiles, sa mga Noé Porter at Tomas Stanley.“At dahil sa ganitong pagbabago ng aking hilig, ay huwag ilalaki ng iyong loob na ipalagay at sabihing kong ang aklat mo’y lalo pang kapuri-puri kay sa di iisa’t dadalawang naghahalaga riyan ng 40 at 50sentimos, sa pagka’t ang iyo’y nakatutulongsa pagtitipidng panahon ng mga samahan kung sila’y may pinagpupuluñgan, samantalang ang mga yao’y pawangmgaawitding mistula ng nakalipas na panahon natin,ibañga lamang angpañgalan,anyoatbihis; dapuwa’y sing-isa ring walang nagagawa kundi ang magparami ng mga pañgahas, pilyo, at palalo.“Iyan ang mga sanhi, kung kaya’t baga man may kulang at di mo binuó ang “Tuntunin ng Pulong” na iyong sinulat, ay hinahandugandinkita ng isang maligayang bati, na kasabay ng pakikikamay ko’y tanggapin mo rito sa tapat,at natatalaga mong kaibigan.(May lagda.) “Amado Jacinto.”Ang ikatlong aklat na ipinalimbag ay ang “Agawan ng̃ Dang̃al” na akda naman ni Bb. Fausta Cortes. Ang nagpanukala’t nagtatag ng̃ mg̃a balitang “Ilaw at Panitik”, “Aklatang Barusog” (mg̃a Samahan ng̃ mg̃a manunulat na tagalog) at “Hijos del Siglo” na si G. Honorato H. de Lara ay siyang nagpakilala sa madla kung ano ang “Agawan ng̃ Dang̃al”.Isangligang̃indoor base ballang itinanyag naman ng̃ Lupon sa Pagpapalakas. AngbituingConcepcion Magallanes ay siyang naghagis ng̃ unang pukol ng̃ bola. Limangteamang lumaro at ito’y ang “Marte”, “Katubusan”, “Sinag Kapuluan”, “Makabayan”, at “Kami Naman”. Ang “Marte” ang nagtamo ng̃ tang̃ing gantingpala.Ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin ay kalabisan ng̃ sabihin pa kung ano ang nagawa at ginagawa. Sukat ang ipagtapat na utang sa mg̃a “bituing” ito, ang lahat ng̃ ikinilos ng̃ “Kami Naman”.Paano’y sila ang buhay at kalulwa ng̃ Samahan.Patuloy sa magiliw na pagdadamayan ang Lupon sa Damayan.Ng̃uni’tangLupon sa Kalakal ay napahimbing. Ang Lupon na ito lamang ang nagmintis. Gayon ma’y nakapagtayo rin ng̃ tindahan noong Febrero ng̃ 1913, baga man nabuhay ng̃ may anim na buwan lamang.Sa mg̃a kasiglahang ito ng̃ mg̃a lupon ng̃ “Kami Naman” ang Samahan ay palaging nakapagwawasiwas ng̃ watawat ng̃ tagumpay sa lahat ng̃ kanyang balak. At man sa tuwing bago siyang panukala, ang mg̃a pahayagan ay nang̃agsabing «Bagong maningning na dahon na naman ang mapaparagdag sa hinahang̃aang kasaysayan ng̃ “Kami Naman”.»At dapat namang dakilain ang “Kami Naman”, palibhasa’y isang samahang nakikipagkapatiran sa lahat, sampu sa mg̃a nagpapakaimbi sa pagpatay sa kanya. Kung totoo mang may mg̃a kamaliang nagawa ay totoo rin namang lalong marami ang tumpak na pinang̃atawanan.Diyan natapos ang dalawang taong pamamahala ni G. Angel de los Reyes na nagwagi sa tatlong halalang sunod-sunod sa pagka Pang̃ulo ng̃ Samahan.¡¡¡Panahon ang humatol sa magiging kapalaran ng̃ mg̃a samahang katulad ng̃ “Kami Naman”!!!HANGGA
Ramon S. TorresTaga “Ilog-Beata”.
Tundo, Maynila, K. P.
Sa likod ng̃ mg̃a papuring ito sa “Kami Naman” ay mayroon namang mg̃a naiinis sa di maalamang sanhi. Aywan kung anong suliranin ang nagbubuyo at ang mg̃a ito ay nagpapakaimbi sa pagwawasak ng̃ Samahan. Kinakalaban ang sariling damdamin, niyuyurakan ang sariling dang̃al, at binubulag ang sariling paning̃in. Hindi pa man ipinang̃ang̃anak ang “Kami Naman” ay binanta ng̃ lasunin. Sa kanila ang lahat ng̃ kilos ng̃ “KamiNaman” ay pawang hindi matwid. Salamat sa pusong matimpi ng̃ Pang̃ulong De los Reyes at di man siya natukso. Salamat din sa kalamigang loob ng̃ mg̃a kasapi at di man sila nabalino. Talagang gayon: ang tao habang natatanyag ay lalong dumadami ang kaaway. At ang Samahan upang mabuhay kung minsa’y dapat magkaroon ng̃ mg̃a kalaban.
G. Sofronio G. CalderonG. Sofronio G. CalderonGuro ng Wikang Tagalog sa Young Men’s Christian Association at isa sa mg̃a humahang̃a sa “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 17)
G. Sofronio G. Calderon
Guro ng Wikang Tagalog sa Young Men’s Christian Association at isa sa mg̃a humahang̃a sa “Kami Naman”
(Tunghayan ang dahong ika 17)
Kung paanong sa kasaysayan ng̃ Pilipinas ay may isangsiglo oscuroo isang daang taong madilim, ang “Kami Naman”ay nagkaroon din. Dahil sa katapang̃an ng̃ isang kalulwa at dahil sa pagkatupad ng̃ wikang ang pagtitiwala’y nakamamatay, ay nagkaroon ng̃ isang maaling̃awng̃aw na usapin ang mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Dapat malamang ang usapin ay sa ilang tao lamang at di ng̃ boong Samahan. Ang Pang̃ulo at ang Ing̃atyaman ay kapuwa inupasalaang umano’y mg̃a magnanakaw. Hinubaran ng̃ puri at tinanghal na mg̃a magdaraya. Hindi na kinilala ang pagkatao ng̃ mg̃a nagbintang at pinagbibintang̃an. Hindi na siniyasat ang kasaysayan ng̃ isa’t isa. ¡Kay taas na ganting pala sa nagpapakamatay sa pagtataguyod ng̃ isang Samahan! Sa gayo’y umawit ng̃ tagumpay ang mg̃a sumasamantala sa sigalot. Ang pagkatagpo nila ng̃ babaing lumabag sa kanyang kahinhinan ay siyang nagpatibay sa paguusig na ito. Ng̃uni’t sa pitak ng̃ mg̃a pahayagan ay tahasang inilahad ni G. De los Reyes, ang boong nangyari. At sa likod ng̃ sigalot na ito ang mg̃a umusig din ang nagpapahayag na batid nilang walang salaping nawawala. Ano pa’t paghihiganti o pagkainis lamang ang kanilang ginawa. Matapat na awa ang dapat iyukol sa namamatay sa pagtupad sa kanyang pananalig....
Ipalagay ng̃ ang Pang̃ulong De los Reyes at ang Ing̃atyamang Malonzo, ay nagkasala; bulagin na natin ang ating dang̃al at bing̃ihin na natin ang atingdamdamin; aminin ng̃ sila’y nagkamali: ¿ano ng̃ayon? ¿Anong kapinsalaan mayroon sa Samahan? ¿Ang G. De los Reyes ba at ang G. Malonzo ang “Kami Naman”? ¿Sila bang dalawa ang bumubuo ng̃ Samahan? ¡Hindi! ¡Hindi! At ang sumamba sa gayon ay walang pagsampataya sa kanyang dang̃al....
Upang pabulaanan pa ang kumalat na balita, na ang “Kami Naman” ay naligalig, ay na ito naman ang bahagi ng̃ ilang salaysay ni G. De los Reyes:
“....Sa isang Samahang na walang tumitiwalag ni itinitiwalag na kaanib, ang Samahang iyan ay buo, matatag, at buhay. Iyan ay pinaghaharian ng kapayapaan at sapupo ng lalong matamis, dalisay, at matimyas na pagkakapatiran....”
“....Sa isang Samahang na walang tumitiwalag ni itinitiwalag na kaanib, ang Samahang iyan ay buo, matatag, at buhay. Iyan ay pinaghaharian ng kapayapaan at sapupo ng lalong matamis, dalisay, at matimyas na pagkakapatiran....”
Palibhasa’y lubos ang pagtitiwala ng̃ mg̃a kaanib sa “Kami Naman” sa kanilang Pang̃ulo at Ing̃atyaman ang Samahan ay di mang naligalig sa sigalot na nangyari sa mg̃a nagtataguyod ng̃ Samahan. Bagkus lalong nagibayo ang sikap at sigla. At upang lalong mapaayos ang Damayan ay itinigil ng̃ may dalawang buwan. Ang Damayan lamang ang itinigil dahil sa pagbibitiw ng̃ tungkulin ni G. De los Reyes. Pagkatapos ayusin ay naghahalili ng̃ Pamahalaan ng̃ Samahan. Ano pa’t malaking kabulaanan ang ipinamamansag ng̃ iba na nalansag na raw ang “Kami Naman”. Hindi, hindi nalalansag. Hayan at kumilos ng̃ boongsigla at boong ningning. Gaya rin ng̃ dati ay nakatayo pa ang kanyang mg̃a haligi.
Bb. Fausta CortesBb. Fausta CortesPang̃ulo ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat at siyang kumatha ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” na ikatlong aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”(Tunghayan ang dahong ika 21)
Bb. Fausta Cortes
Pang̃ulo ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat at siyang kumatha ng̃ “Agawan ng̃ Dang̃al” na ikatlong aklat ng̃ Aklatan ng̃ “Kami Naman”
(Tunghayan ang dahong ika 21)
Sa kabantugan ng̃ “Kami Naman” ay malaki ang naitutulong ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Nagbukas ito ng̃ isang aklatan sa kapakinabang̃an ng̃ lahat. Kasapi at hindi sa “Kami Naman” ay binibigyan ng̃ laya. Doon ay sarisaring pahayagan at iba’t ibang aklat ang nagaantabay sa kahi’t kanino.
Bukod sa pagsisikap ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” na makapagpalabas ng̃ mg̃a akda, ay naguukol din ng̃ panahon sa paglilinang ng̃ wikang tagalog. Ang katotohana’y napalaban na sila sa tanyag naAklatang Barusog. Ang mg̃a taga “Kami Naman” ay ayaw gumalang sa pagpatay ng̃ N sa piling ng̃ G̃. Ano pa’t hindi sila kaayon samodangang ANG ay isulat ng̃ AG̃ (pinatay ang N). Ang mg̃a tagaAklatang Barusogay nagtanggol naman sa kabilang panig.
Sa mg̃a ikinilos na ito ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ng̃ “Kami Naman” ay kinilala ni G. Sofronio G. Calderon ang kanilang pagsusumakit. At na ito ang isa niyang lathala na tumutukoy sa:
KAPAKANAN ÑG WIKANG TAGALOGIto ng̃ang wikang Tagalog, itong wika nina Solima’t Lakandula, nila Balagtas at Pilapil, nila Rizal na ng̃ayo’y kasalukuyang pinagmamasakitanngAklatangKAMI NAMAN,ay hindi lihim, at sa katunayan ay nariyan ang lagda ng mga bantog na mananalaysay na kumilala ng kasakdalan ng wikang ito, palibhasa’y ang wikang Tagalog ay isang wikang may sariling likas, may sariling ganda, may sariling yaman at isang wikang maipagbabadiya ng tanang saloobin at damdaming sumasapuso’t ísip ng tao; anopa’t sa katagang sabi, itong wikang Tagalog na ating kinamulatan, nilakhan at pinaka kaluluwa ng ating bayan ay may dakilang kapakanan ayon sa pagkakaakma’t pagkakabalangkas sa isang paraang tumpak at kagilagilalas.Sofronio G. Calderón.
KAPAKANAN ÑG WIKANG TAGALOGIto ng̃ang wikang Tagalog, itong wika nina Solima’t Lakandula, nila Balagtas at Pilapil, nila Rizal na ng̃ayo’y kasalukuyang pinagmamasakitanngAklatangKAMI NAMAN,ay hindi lihim, at sa katunayan ay nariyan ang lagda ng mga bantog na mananalaysay na kumilala ng kasakdalan ng wikang ito, palibhasa’y ang wikang Tagalog ay isang wikang may sariling likas, may sariling ganda, may sariling yaman at isang wikang maipagbabadiya ng tanang saloobin at damdaming sumasapuso’t ísip ng tao; anopa’t sa katagang sabi, itong wikang Tagalog na ating kinamulatan, nilakhan at pinaka kaluluwa ng ating bayan ay may dakilang kapakanan ayon sa pagkakaakma’t pagkakabalangkas sa isang paraang tumpak at kagilagilalas.Sofronio G. Calderón.
KAPAKANAN ÑG WIKANG TAGALOGIto ng̃ang wikang Tagalog, itong wika nina Solima’t Lakandula, nila Balagtas at Pilapil, nila Rizal na ng̃ayo’y kasalukuyang pinagmamasakitanngAklatangKAMI NAMAN,ay hindi lihim, at sa katunayan ay nariyan ang lagda ng mga bantog na mananalaysay na kumilala ng kasakdalan ng wikang ito, palibhasa’y ang wikang Tagalog ay isang wikang may sariling likas, may sariling ganda, may sariling yaman at isang wikang maipagbabadiya ng tanang saloobin at damdaming sumasapuso’t ísip ng tao; anopa’t sa katagang sabi, itong wikang Tagalog na ating kinamulatan, nilakhan at pinaka kaluluwa ng ating bayan ay may dakilang kapakanan ayon sa pagkakaakma’t pagkakabalangkas sa isang paraang tumpak at kagilagilalas.Sofronio G. Calderón.
KAPAKANAN ÑG WIKANG TAGALOG
Ito ng̃ang wikang Tagalog, itong wika nina Solima’t Lakandula, nila Balagtas at Pilapil, nila Rizal na ng̃ayo’y kasalukuyang pinagmamasakitanngAklatangKAMI NAMAN,ay hindi lihim, at sa katunayan ay nariyan ang lagda ng mga bantog na mananalaysay na kumilala ng kasakdalan ng wikang ito, palibhasa’y ang wikang Tagalog ay isang wikang may sariling likas, may sariling ganda, may sariling yaman at isang wikang maipagbabadiya ng tanang saloobin at damdaming sumasapuso’t ísip ng tao; anopa’t sa katagang sabi, itong wikang Tagalog na ating kinamulatan, nilakhan at pinaka kaluluwa ng ating bayan ay may dakilang kapakanan ayon sa pagkakaakma’t pagkakabalangkas sa isang paraang tumpak at kagilagilalas.Sofronio G. Calderón.
Ito ng̃ang wikang Tagalog, itong wika nina Solima’t Lakandula, nila Balagtas at Pilapil, nila Rizal na ng̃ayo’y kasalukuyang pinagmamasakitanngAklatangKAMI NAMAN,ay hindi lihim, at sa katunayan ay nariyan ang lagda ng mga bantog na mananalaysay na kumilala ng kasakdalan ng wikang ito, palibhasa’y ang wikang Tagalog ay isang wikang may sariling likas, may sariling ganda, may sariling yaman at isang wikang maipagbabadiya ng tanang saloobin at damdaming sumasapuso’t ísip ng tao; anopa’t sa katagang sabi, itong wikang Tagalog na ating kinamulatan, nilakhan at pinaka kaluluwa ng ating bayan ay may dakilang kapakanan ayon sa pagkakaakma’t pagkakabalangkas sa isang paraang tumpak at kagilagilalas.
Sofronio G. Calderón.
Dahil sa talino ng̃ isa sa mg̃a “Bituin” ng̃ “Kami Naman” ang Lupon ng̃ mg̃a Manunulat ay nagkamit ng̃ karang̃alang sa “Kami Naman” nanggaling ang ikatlo sa mg̃a babaing pilipina na kumatha ng̃ kasaysayan. Iyan ay si Bb. Pascuala Pintor na sumulat ng̃ nobelang “Tagumpay ng̃ Api”, na siyang unang aklat na pinalabas ng̃ Lupon ng̃ mg̃a Manunulat. Kung ¿ano ang “Tagumpay ng̃ Api”? ang isang liham ni G. Aurelio Tolentino ang dapat sumagot:
“Bb. Pascuala Pintor.“Mahal na binibini:“Tinanggap ko po at pinasasalamatan ang mahalagang handog ninyo sa akin, isang salin ng inyong matalinong nobelang “Tagumpay ng Apí”.“Kulang ang lahat ng papuring kaya kong sabihin, upang tumbasan ang hiwagang sarap ng aklat na nabanggit. Bukod sa talagang maykalugodlugod na ganda sa pagkakahanay ng mga salitang bihis ng kanyang mayayamang isipan, ay naghahandog pa sa damdamin ng ulirang buhay na gaya ng kay Teban, aralan gaya ng kay Titay at katarungang gaya ng kay Mameng at kay Leon.“Palibhasa’y marami na ang mga nobelang Tagalog; dahil sa mga mahahalaga rin naman ay maitutulad sa isang kuwintas na gintong sinasagisag ng bagong buhay. Ang “Tagumpay ng Apí”, ngayong mapakituhog sa kuwintas na iyan, ay naging pinakamaluningning na «relicariong» tinampakan ng makikinang na batong diamante, at may mahal na laman sa loob, ang buhay na larawan ng kabaitang nagtagumpay sa dagok ng kapaslangang binigti ng katarungan ng sariling damdamin.“Naghihintay pagutusan ang talisuyo nilang si“Aurelio Tolentino.“Maynila, ika 30 ng Junio ng 1914.”
“Bb. Pascuala Pintor.
“Mahal na binibini:
“Tinanggap ko po at pinasasalamatan ang mahalagang handog ninyo sa akin, isang salin ng inyong matalinong nobelang “Tagumpay ng Apí”.
“Kulang ang lahat ng papuring kaya kong sabihin, upang tumbasan ang hiwagang sarap ng aklat na nabanggit. Bukod sa talagang maykalugodlugod na ganda sa pagkakahanay ng mga salitang bihis ng kanyang mayayamang isipan, ay naghahandog pa sa damdamin ng ulirang buhay na gaya ng kay Teban, aralan gaya ng kay Titay at katarungang gaya ng kay Mameng at kay Leon.
“Palibhasa’y marami na ang mga nobelang Tagalog; dahil sa mga mahahalaga rin naman ay maitutulad sa isang kuwintas na gintong sinasagisag ng bagong buhay. Ang “Tagumpay ng Apí”, ngayong mapakituhog sa kuwintas na iyan, ay naging pinakamaluningning na «relicariong» tinampakan ng makikinang na batong diamante, at may mahal na laman sa loob, ang buhay na larawan ng kabaitang nagtagumpay sa dagok ng kapaslangang binigti ng katarungan ng sariling damdamin.
“Naghihintay pagutusan ang talisuyo nilang si
“Aurelio Tolentino.
“Maynila, ika 30 ng Junio ng 1914.”
Sumunod na pinalabas ng̃ mg̃a manunulat ng̃ “Kami Naman” ang aklat ni G. Rosendo S. Cruz. “Tuntunin ng̃ Pulong” ang pamagat at gaya rin ng̃ “Tagumpay ng̃ Api” ay nagtamo ng̃ mg̃a bati at papuri. Isa na rito ang kalatas ng̃ isang taga Malabon, Rizal, na si G. Amado Jacinto. Aniya’y
“Malabon, Rizal, S. P.“Ika 30 ng Okt., 1914.“G. Rosendo S. Cruz.“Mahal na kaibigan: Tinanggap ko ang isang salin ng iyong mahalaga at munting aklat na ang pamagat ay “Tuntunin ng Pulong”, at ako’y nagpapasalamat ng marami.“Rosendo, ang iyong aklat, sa ganang sarili ko, ay dapat mong ipagkapuri. ¿At bakit? Sapagka’tsa aklat mong itong maliit at mura lamangaymayroon kang isang dakilang bagay na matuturo. At ito’y ang pagpapakilala mo sa iba, na ang kahalagahan ng isang katha’y wala sa kapal at sa laki, kundi nasauriat saka salayon:uringsiyang bilang pinakapagaari ng isang aklat, atlayonnamang siyang tunay na ariariang kinapapalamnan ng dañgal ng isang kumatha.“Anguringtinutukoy ko rito ñgayon ay hindi ang tungkol sa kalinisan o karumham ngliteratura, kundi ang kungnakapagtuturoohindi nakapagtuturo; at ang sa layon nama’y kungmabutiohíndi, samakatuwid ay kung angpakinabañgano makinabang lamang.“Kapag ang isang aklat ñga’y may uring nakapagtuturo at may mabuting layon, para sa akin ay sukat na, upang kalugdan kong basahin at hanggang sa purihin pa pati ng kumatha.“¡At lalo pa marahil, kung ang kumathang iya’y isang kaibigang katulad mo! ¿Hindi ba?“Tungkol sa pagbabasa ng mga aklat ay aking maipagtatapat sa iyong ako ñga’y mayroon ng kakaibang panglasa kay sa dati, at ang sabi ko’y ganito, sapagka’t hindi na ako nalulugod ñgayon sa mga Felipe Trigo at Eduardo Zamacois, diyan sa mga mapaglarawan at mapaglikha ng mga kuwadrong nakapagpapagalaw ng laman at nakapagpapakalam ng balat, na sa mahinang loob ay sapat makapagdulot ngisangmasidhing pagkakilití; kundi doon na unti-unting nawiwili ang aking loob sa mga Heberto Spencer at Samanuel Smiles, sa mga Noé Porter at Tomas Stanley.“At dahil sa ganitong pagbabago ng aking hilig, ay huwag ilalaki ng iyong loob na ipalagay at sabihing kong ang aklat mo’y lalo pang kapuri-puri kay sa di iisa’t dadalawang naghahalaga riyan ng 40 at 50sentimos, sa pagka’t ang iyo’y nakatutulongsa pagtitipidng panahon ng mga samahan kung sila’y may pinagpupuluñgan, samantalang ang mga yao’y pawangmgaawitding mistula ng nakalipas na panahon natin,ibañga lamang angpañgalan,anyoatbihis; dapuwa’y sing-isa ring walang nagagawa kundi ang magparami ng mga pañgahas, pilyo, at palalo.“Iyan ang mga sanhi, kung kaya’t baga man may kulang at di mo binuó ang “Tuntunin ng Pulong” na iyong sinulat, ay hinahandugandinkita ng isang maligayang bati, na kasabay ng pakikikamay ko’y tanggapin mo rito sa tapat,at natatalaga mong kaibigan.(May lagda.) “Amado Jacinto.”
“Malabon, Rizal, S. P.“Ika 30 ng Okt., 1914.
“G. Rosendo S. Cruz.
“Mahal na kaibigan: Tinanggap ko ang isang salin ng iyong mahalaga at munting aklat na ang pamagat ay “Tuntunin ng Pulong”, at ako’y nagpapasalamat ng marami.
“Rosendo, ang iyong aklat, sa ganang sarili ko, ay dapat mong ipagkapuri. ¿At bakit? Sapagka’tsa aklat mong itong maliit at mura lamangaymayroon kang isang dakilang bagay na matuturo. At ito’y ang pagpapakilala mo sa iba, na ang kahalagahan ng isang katha’y wala sa kapal at sa laki, kundi nasauriat saka salayon:uringsiyang bilang pinakapagaari ng isang aklat, atlayonnamang siyang tunay na ariariang kinapapalamnan ng dañgal ng isang kumatha.
“Anguringtinutukoy ko rito ñgayon ay hindi ang tungkol sa kalinisan o karumham ngliteratura, kundi ang kungnakapagtuturoohindi nakapagtuturo; at ang sa layon nama’y kungmabutiohíndi, samakatuwid ay kung angpakinabañgano makinabang lamang.
“Kapag ang isang aklat ñga’y may uring nakapagtuturo at may mabuting layon, para sa akin ay sukat na, upang kalugdan kong basahin at hanggang sa purihin pa pati ng kumatha.
“¡At lalo pa marahil, kung ang kumathang iya’y isang kaibigang katulad mo! ¿Hindi ba?
“Tungkol sa pagbabasa ng mga aklat ay aking maipagtatapat sa iyong ako ñga’y mayroon ng kakaibang panglasa kay sa dati, at ang sabi ko’y ganito, sapagka’t hindi na ako nalulugod ñgayon sa mga Felipe Trigo at Eduardo Zamacois, diyan sa mga mapaglarawan at mapaglikha ng mga kuwadrong nakapagpapagalaw ng laman at nakapagpapakalam ng balat, na sa mahinang loob ay sapat makapagdulot ngisangmasidhing pagkakilití; kundi doon na unti-unting nawiwili ang aking loob sa mga Heberto Spencer at Samanuel Smiles, sa mga Noé Porter at Tomas Stanley.
“At dahil sa ganitong pagbabago ng aking hilig, ay huwag ilalaki ng iyong loob na ipalagay at sabihing kong ang aklat mo’y lalo pang kapuri-puri kay sa di iisa’t dadalawang naghahalaga riyan ng 40 at 50sentimos, sa pagka’t ang iyo’y nakatutulongsa pagtitipidng panahon ng mga samahan kung sila’y may pinagpupuluñgan, samantalang ang mga yao’y pawangmgaawitding mistula ng nakalipas na panahon natin,ibañga lamang angpañgalan,anyoatbihis; dapuwa’y sing-isa ring walang nagagawa kundi ang magparami ng mga pañgahas, pilyo, at palalo.
“Iyan ang mga sanhi, kung kaya’t baga man may kulang at di mo binuó ang “Tuntunin ng Pulong” na iyong sinulat, ay hinahandugandinkita ng isang maligayang bati, na kasabay ng pakikikamay ko’y tanggapin mo rito sa tapat,at natatalaga mong kaibigan.
(May lagda.) “Amado Jacinto.”
Ang ikatlong aklat na ipinalimbag ay ang “Agawan ng̃ Dang̃al” na akda naman ni Bb. Fausta Cortes. Ang nagpanukala’t nagtatag ng̃ mg̃a balitang “Ilaw at Panitik”, “Aklatang Barusog” (mg̃a Samahan ng̃ mg̃a manunulat na tagalog) at “Hijos del Siglo” na si G. Honorato H. de Lara ay siyang nagpakilala sa madla kung ano ang “Agawan ng̃ Dang̃al”.
Isangligang̃indoor base ballang itinanyag naman ng̃ Lupon sa Pagpapalakas. AngbituingConcepcion Magallanes ay siyang naghagis ng̃ unang pukol ng̃ bola. Limangteamang lumaro at ito’y ang “Marte”, “Katubusan”, “Sinag Kapuluan”, “Makabayan”, at “Kami Naman”. Ang “Marte” ang nagtamo ng̃ tang̃ing gantingpala.
Ang Lupon ng̃ mg̃a Bituin ay kalabisan ng̃ sabihin pa kung ano ang nagawa at ginagawa. Sukat ang ipagtapat na utang sa mg̃a “bituing” ito, ang lahat ng̃ ikinilos ng̃ “Kami Naman”.Paano’y sila ang buhay at kalulwa ng̃ Samahan.
Patuloy sa magiliw na pagdadamayan ang Lupon sa Damayan.
Ng̃uni’tangLupon sa Kalakal ay napahimbing. Ang Lupon na ito lamang ang nagmintis. Gayon ma’y nakapagtayo rin ng̃ tindahan noong Febrero ng̃ 1913, baga man nabuhay ng̃ may anim na buwan lamang.
Sa mg̃a kasiglahang ito ng̃ mg̃a lupon ng̃ “Kami Naman” ang Samahan ay palaging nakapagwawasiwas ng̃ watawat ng̃ tagumpay sa lahat ng̃ kanyang balak. At man sa tuwing bago siyang panukala, ang mg̃a pahayagan ay nang̃agsabing «Bagong maningning na dahon na naman ang mapaparagdag sa hinahang̃aang kasaysayan ng̃ “Kami Naman”.»
At dapat namang dakilain ang “Kami Naman”, palibhasa’y isang samahang nakikipagkapatiran sa lahat, sampu sa mg̃a nagpapakaimbi sa pagpatay sa kanya. Kung totoo mang may mg̃a kamaliang nagawa ay totoo rin namang lalong marami ang tumpak na pinang̃atawanan.
Diyan natapos ang dalawang taong pamamahala ni G. Angel de los Reyes na nagwagi sa tatlong halalang sunod-sunod sa pagka Pang̃ulo ng̃ Samahan.
¡¡¡Panahon ang humatol sa magiging kapalaran ng̃ mg̃a samahang katulad ng̃ “Kami Naman”!!!
HANGGA
Talaan ng NilalamanSA TUTUNGHAYPATALASTASPANGUNANG HAKA NI G. Rosendo S. CruzVSA MGA BITUIN NG “KAMI NAMAN”IXI.MGA PUSONG NAMANDAW NG KAPWA PUSO13II.HINDI NAPAWASTONG PAGTITIYAP27III.MGA HALIK NG PAGIROG35IV.MASIGASIG NA KILOS NI PASTOR53V.¡WALANG SALA! ¡ANG TAGUMPAY AY ATIN!61VI.ANG ARAW NI LOLENG67VII.ANG PAGKAKATAONG LALONG MASAKLAP90VIII.MGA NALUGMOK SA LIWANAG NG BUWAN96IX.BALIW NA NAGSASABI NG KATOTOHANAN104X.SA LAOT NG HAPIS113
KoloponMga Maaaring GamitThis eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of theProject Gutenberg Licenseincluded with this eBook or online atwww.gutenberg.org.This eBook is produced by the Online Distributed Proofreading Team atwww.pgdp.net.Agawan ng Dangalis a Tagalog romance novel published by a socio-civic youth organization called Kami Naman. Aside from the novel, this book contains a section on the history of Kami Naman.In the novel, Beteng, a rich young man, is a suitor of a beautiful maiden named Dolores (Loleng). Artemyo acts as Beteng’s “bridge,” serenading Loleng to win Beteng her affection. Unfortunately for Beteng, Loleng falls for Artemyo instead. Beteng is hurt by Loleng’s rejection and sets out to tarnish Artemyo’s reputation, or rob him of honor (agawan siya ng dangal).Pagkaka-enkowdScans of this work are available from the Internet Archive (copy1).Tala ng mga Ginawang Pagbabago2011-02-01 Started.Mga Di-Nakapaloob na ReperensiyaAng elektronikong aklat na ito ng Proyektong Gutenberg ay may mga reperensiyang hindi nakapaloob. Ang mga link para sa mga ito ay maaaring hindi gumana.Mga PagwawastoAng mga sumusunod ay ang mga pagwawastong ginawa sa teksto:PahinaOrihinalPagwawastoVIng̃niVIIsarilesariliVIIIsuliraninsuliraningVIIIbagaybaga’yXAGAWANGAGAWAN15ang̃ang16doorondoroon19,69,77—21,30,30,123[Wala sa orihinal]¡22mahinhinmahinhing23áyonayon24ginagitna36,49,51,52,67,68,110,3ngng̃37pinakikibang̃anpinakikinabang̃an40isasadisasaad40Luming̃osLuming̃on53,78,91,98[Wala sa orihinal]—53kanyang̃kanyang54,59,123,N.A.[Wala sa orihinal].55namangnaman70ning̃78[Wala sa orihinal]¿81habanhabang83HumakbanHumakbang83waláwala84kaawawakaawaawa84nisi88Bala na’yBalana’y100sa sasa105na nana107kanilang̃kanilang112ItangisItang̃is121NGNG̃122hangalhang̃al123ngang̃a124saansaang125hanggahanggang125mgamg̃a126[Wala sa orihinal],126hinahang̃aanhinahang̃aang127binigyangbinigyan128magbibinhinagbibinhi129IlangIlan129nasana sa130JairesJaurès130kong ng̃ako ng̃ang131nakikitanakikilala131[Wala sa orihinal][...]132bayangbayan134magandangmaayos naN.A.NGÑG5,22ng̃ang10nakapunapunana kapunapuna12:;14NamsnNaman18KAMI-NAMANKAMI NAMAN20iayay20isagisang20sapagtitipidsa pagtitipid21dingdin21.,
This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of theProject Gutenberg Licenseincluded with this eBook or online atwww.gutenberg.org.
This eBook is produced by the Online Distributed Proofreading Team atwww.pgdp.net.
Agawan ng Dangalis a Tagalog romance novel published by a socio-civic youth organization called Kami Naman. Aside from the novel, this book contains a section on the history of Kami Naman.
In the novel, Beteng, a rich young man, is a suitor of a beautiful maiden named Dolores (Loleng). Artemyo acts as Beteng’s “bridge,” serenading Loleng to win Beteng her affection. Unfortunately for Beteng, Loleng falls for Artemyo instead. Beteng is hurt by Loleng’s rejection and sets out to tarnish Artemyo’s reputation, or rob him of honor (agawan siya ng dangal).
Scans of this work are available from the Internet Archive (copy1).
Ang elektronikong aklat na ito ng Proyektong Gutenberg ay may mga reperensiyang hindi nakapaloob. Ang mga link para sa mga ito ay maaaring hindi gumana.
Ang mga sumusunod ay ang mga pagwawastong ginawa sa teksto: