Si Cárlos.Mangyayari pong cumain siya nang lamang cating pinaasuhan, na di nacailang̃an ang ihao pa ó ilutò pa.Ang ama.At ¿ano ang ipagpapausoc niya?Si Cárlos.Oo ng̃a pô pala; hindi co pô naisipan ang bagay na yaon.Ang ama.Gayon ma,y, di niya pinagsisihan ang pagcagauà niya nang mang̃a palayoc at caualing lupà, sa pagca,t, magagauà man lamang niya na sisidlan nang gatas; at bucod sa rito,y, may pinaggamitan pa siya sa mang̃a palayoc at caualing ito na aquing sasabihin. Natatalastas niya na ang mang̃a patatas ay lalong masarap cung samahan nang manticà, at sa pagca,t, quinacailang̃an ang isangcubeto, sa macatouid ay isang sisidlang cahoy, na di niya magagauà, ay pinalitan niya ang caculang̃ang ito nang isang palayoc na malaqui, na doo,y, tinipon niya ang lahat nang gatas na inaacalà niyang casucatan. Pagcatapus ay gumauà nang isang panghalucay na cahoy na may butas sa guitnâ, at doo,y, sinulutan niya nang capirasong tangcay; at dito na niya minulan ang paghalò na ualang tahan, hangan sa nabucod ang mantequilla sa gatas. Pagcatapus ay hinugasan niya nang tubig na malinis, linag-yan niya nang asin at linamas.
Si Cárlos.Mangyayari pong cumain siya nang lamang cating pinaasuhan, na di nacailang̃an ang ihao pa ó ilutò pa.
Ang ama.At ¿ano ang ipagpapausoc niya?
Si Cárlos.Oo ng̃a pô pala; hindi co pô naisipan ang bagay na yaon.
Ang ama.Gayon ma,y, di niya pinagsisihan ang pagcagauà niya nang mang̃a palayoc at caualing lupà, sa pagca,t, magagauà man lamang niya na sisidlan nang gatas; at bucod sa rito,y, may pinaggamitan pa siya sa mang̃a palayoc at caualing ito na aquing sasabihin. Natatalastas niya na ang mang̃a patatas ay lalong masarap cung samahan nang manticà, at sa pagca,t, quinacailang̃an ang isangcubeto, sa macatouid ay isang sisidlang cahoy, na di niya magagauà, ay pinalitan niya ang caculang̃ang ito nang isang palayoc na malaqui, na doo,y, tinipon niya ang lahat nang gatas na inaacalà niyang casucatan. Pagcatapus ay gumauà nang isang panghalucay na cahoy na may butas sa guitnâ, at doo,y, sinulutan niya nang capirasong tangcay; at dito na niya minulan ang paghalò na ualang tahan, hangan sa nabucod ang mantequilla sa gatas. Pagcatapus ay hinugasan niya nang tubig na malinis, linag-yan niya nang asin at linamas.
Dito,y, totoo siyang naliligaya sa pagcasunod nang caniyang nasà; datapoua,t, nang ibig na niyang camtan ang bung̃a nang caniyang casipagan, ay naalaalang sapilitan siyang mang̃ing̃ilin sa pagcainnang patatas, sa pagca,t, ualang apuy na pagihauan; ito,y, isang bagay na sa pagmamadalî niya ay di na niya naisip. Ng̃ayo,y, mayroon na siyang mantequilla, datapoua,t, ang quinuculang sa caniya ay ang ihahalò; tinitingnan niya,t, ninanasang canin; datapoua,t, nang di niya macain ay siya,y, nalumbay na para nang dati. Tunay ng̃a,t, mangyayaring cumain siya nang talaba, gatas, níyog at lamangcating hilao na binugbog; datapoua,t, ¿di caya mangyayaring culang̃in siya balang arao? Ang totoong dinaramdam niya ay hindi niya maalaman ang paraan na icaguiguinhaua nang caunti nang caniyang capalaran.¿Ano cayang bagay ang gagau-in niya ng̃ayon? Nagauà na niya yaong lahat nang bagay na sucat magauà nang caniyang camay, baga ma,t, ualang casangcapan; inaacalà na niyang ualà na siyang natitirang gagau-in; totoong mahirap na bagay na sa acalain lamang ay quinayayamutan na niya; totoong nagauî siya sa paggauà at sa pagsasamantala nang panahon. Totoong madalas niyang sabihin na caya nabago ang mang̃a masasamâ niyang caugalian, ay sa pagca,t, napipilitan siyang gumauà nang mang̃a bagayna caniyang quinacailang̃an, habang siya,y, nabubuhay na nacaisaisa. Ang laguing casipagan, aniya, ay ina nang maraming cabanalan, para nang laguing catamaran ay ina nang lahat na masasamang caasalan.
Dito,y, totoo siyang naliligaya sa pagcasunod nang caniyang nasà; datapoua,t, nang ibig na niyang camtan ang bung̃a nang caniyang casipagan, ay naalaalang sapilitan siyang mang̃ing̃ilin sa pagcainnang patatas, sa pagca,t, ualang apuy na pagihauan; ito,y, isang bagay na sa pagmamadalî niya ay di na niya naisip. Ng̃ayo,y, mayroon na siyang mantequilla, datapoua,t, ang quinuculang sa caniya ay ang ihahalò; tinitingnan niya,t, ninanasang canin; datapoua,t, nang di niya macain ay siya,y, nalumbay na para nang dati. Tunay ng̃a,t, mangyayaring cumain siya nang talaba, gatas, níyog at lamangcating hilao na binugbog; datapoua,t, ¿di caya mangyayaring culang̃in siya balang arao? Ang totoong dinaramdam niya ay hindi niya maalaman ang paraan na icaguiguinhaua nang caunti nang caniyang capalaran.
¿Ano cayang bagay ang gagau-in niya ng̃ayon? Nagauà na niya yaong lahat nang bagay na sucat magauà nang caniyang camay, baga ma,t, ualang casangcapan; inaacalà na niyang ualà na siyang natitirang gagau-in; totoong mahirap na bagay na sa acalain lamang ay quinayayamutan na niya; totoong nagauî siya sa paggauà at sa pagsasamantala nang panahon. Totoong madalas niyang sabihin na caya nabago ang mang̃a masasamâ niyang caugalian, ay sa pagca,t, napipilitan siyang gumauà nang mang̃a bagayna caniyang quinacailang̃an, habang siya,y, nabubuhay na nacaisaisa. Ang laguing casipagan, aniya, ay ina nang maraming cabanalan, para nang laguing catamaran ay ina nang lahat na masasamang caasalan.
Si Luisa.Totoong mabuti ang uicà niya; capag ang isang tauo,y, ualang guinagauà, ay ualang naiisipan cundi ang mang̃a cabuhung̃an.Ang ama.At dahil dito,y, inihahatol sa mang̃a batà, na agapang hiratihin sa paggauà, yayamang cung ano ang ating pagcabataan ay siya nating pagcacatandaan. Sundin ninyo, mang̃a anac co, ang hatol na ito, at cailan ma,y, di ninyo pagsisisihan.
Si Luisa.Totoong mabuti ang uicà niya; capag ang isang tauo,y, ualang guinagauà, ay ualang naiisipan cundi ang mang̃a cabuhung̃an.
Ang ama.At dahil dito,y, inihahatol sa mang̃a batà, na agapang hiratihin sa paggauà, yayamang cung ano ang ating pagcabataan ay siya nating pagcacatandaan. Sundin ninyo, mang̃a anac co, ang hatol na ito, at cailan ma,y, di ninyo pagsisisihan.
Ang caauaauà nating Robinson ay nagpapalipatlipat sa iba,t, ibang lugar at nang siya,y, may magauà, at nang mailagan ang catamaran, sa catapusa,y, natagpuan niya ang sucat magauang totoong mahalaga. ¿Mahuhulaan caya ninyo cung ano yaon?
Ang caauaauà nating Robinson ay nagpapalipatlipat sa iba,t, ibang lugar at nang siya,y, may magauà, at nang mailagan ang catamaran, sa catapusa,y, natagpuan niya ang sucat magauang totoong mahalaga. ¿Mahuhulaan caya ninyo cung ano yaon?
Si Juan.Cung aco sana,y, siya, ay maaalaman co na cung ano ang aquing gagau-in.Ang ama.Cung gayo,y, sabihin cung ano ang iyong naisipan.Si Juan. Ang gagau-in co sana,y, ang paglilinis nang mang̃a balat nang hayop na llama, at nang houag acong pahírapan nang cagaspang̃an nang balat, at aalisin co ang balahibo, at nang houag acong totoong mainitan, baquit ang pulóng yaon ay totoong mainit.Ang ama. Datapoua,t, ¿ano ang cacasangcapanin mo sa paggauà nito?Si Nicolás. Cung gayon po,y, ¿aling bagay ang pinilì niyang gagau-in?Ang ama. Iniisip niya gabi,t, arao cung mangyayaring macagauà nang isang munting bangcà.Si Juan. ¿Baquit pò?Ang ama. Dahil sa isang bagay na totoong mahirap at totoong mahalaga, ang pagpipilit bagang macabalic sa casamahan nang mang̃a tauo, at nang siya,y, maca-ualà doon sa capanglaopanglao na pag-iisa, na magmulà noong siya,y, maualan nang apuy ay lalò siyang nalulungcot.
Si Juan.Cung aco sana,y, siya, ay maaalaman co na cung ano ang aquing gagau-in.
Ang ama.Cung gayo,y, sabihin cung ano ang iyong naisipan.
Si Juan. Ang gagau-in co sana,y, ang paglilinis nang mang̃a balat nang hayop na llama, at nang houag acong pahírapan nang cagaspang̃an nang balat, at aalisin co ang balahibo, at nang houag acong totoong mainitan, baquit ang pulóng yaon ay totoong mainit.
Ang ama. Datapoua,t, ¿ano ang cacasangcapanin mo sa paggauà nito?
Si Nicolás. Cung gayon po,y, ¿aling bagay ang pinilì niyang gagau-in?
Ang ama. Iniisip niya gabi,t, arao cung mangyayaring macagauà nang isang munting bangcà.
Si Juan. ¿Baquit pò?
Ang ama. Dahil sa isang bagay na totoong mahirap at totoong mahalaga, ang pagpipilit bagang macabalic sa casamahan nang mang̃a tauo, at nang siya,y, maca-ualà doon sa capanglaopanglao na pag-iisa, na magmulà noong siya,y, maualan nang apuy ay lalò siyang nalulungcot.
Inaacalà niya na hindi nalalayong lubha sa caniyang pulò ang lupang América; at cung siya,y, mangyaring magcaroon nang isang bangcâ, cahit anong liit, ay tumatalaga na siyang sumagui sa alin mang pang̃anib, at tumauid doon cung mangyayari. Sa malaqui niyang pagnanasà, aylumabas siya isang arao sa paghanap nang alin mang punong cahoy, na caniyang mahuhucay at nang caniyang magauang bangcâ; at dahil dito,y, nilibot niya ang ibang lugar nang pulô na di pa niya nasasapit hangan niyon, napagmalas niya ang ibang halaman na di niya naquiquilala, at ninasà niyang tingan cung caniyang macacain. Natagpuan niya, bucod sa ibang mang̃a bagay, ang mang̃a ilang tangcay nang mais.
Inaacalà niya na hindi nalalayong lubha sa caniyang pulò ang lupang América; at cung siya,y, mangyaring magcaroon nang isang bangcâ, cahit anong liit, ay tumatalaga na siyang sumagui sa alin mang pang̃anib, at tumauid doon cung mangyayari. Sa malaqui niyang pagnanasà, aylumabas siya isang arao sa paghanap nang alin mang punong cahoy, na caniyang mahuhucay at nang caniyang magauang bangcâ; at dahil dito,y, nilibot niya ang ibang lugar nang pulô na di pa niya nasasapit hangan niyon, napagmalas niya ang ibang halaman na di niya naquiquilala, at ninasà niyang tingan cung caniyang macacain. Natagpuan niya, bucod sa ibang mang̃a bagay, ang mang̃a ilang tangcay nang mais.
Si Nicolás. ¿Para pô baga niyong naroroon sa ating halamanan?Ang ama. Ganoon din ng̃a. Pinagtac-han niya ang calac-han nang mang̃a pusò, na ang iba,y, may dalauang daang butil na toong malalaqui at nagcacadiquitdiquit. Inacalà niya agad na sa mang̃a butil na yaon ay magagauang pagcain at tinapay naman. Datapoua,t, ¿paano ang gagau-in niyang pagliguis? At cung ualang apuy ¿paano ang gagau-in niyang paglulutò nang tinapay? Baga ma,t, inaacalà niyang hindi maaari, ay namitas siya nang ilang pusò, at ang nasa niya,y, itanim ang mang̃a butil. ¿Sino, aniya, ang nacaaalam, cung sa calaunan ay paquiquinabang̃an co ito?
Si Nicolás. ¿Para pô baga niyong naroroon sa ating halamanan?
Ang ama. Ganoon din ng̃a. Pinagtac-han niya ang calac-han nang mang̃a pusò, na ang iba,y, may dalauang daang butil na toong malalaqui at nagcacadiquitdiquit. Inacalà niya agad na sa mang̃a butil na yaon ay magagauang pagcain at tinapay naman. Datapoua,t, ¿paano ang gagau-in niyang pagliguis? At cung ualang apuy ¿paano ang gagau-in niyang paglulutò nang tinapay? Baga ma,t, inaacalà niyang hindi maaari, ay namitas siya nang ilang pusò, at ang nasa niya,y, itanim ang mang̃a butil. ¿Sino, aniya, ang nacaaalam, cung sa calaunan ay paquiquinabang̃an co ito?
Itinuloy niya ang paglacad, at nacaquita naman siya nang isang cahoy na may bung̃ang nabibiting parang pusò, na hindi niya naquiquilala; at nang bucsan niya ang isa, ay naquita niya sa loob ang mang̃a apat na puong tila almendras na totoong malalaqui. Baga ma,t, inacalà niyang hindi mabuti ang lasa, ay itinagò niya sa supot ang ilang mang̃a bung̃ang hinog.
Itinuloy niya ang paglacad, at nacaquita naman siya nang isang cahoy na may bung̃ang nabibiting parang pusò, na hindi niya naquiquilala; at nang bucsan niya ang isa, ay naquita niya sa loob ang mang̃a apat na puong tila almendras na totoong malalaqui. Baga ma,t, inacalà niyang hindi mabuti ang lasa, ay itinagò niya sa supot ang ilang mang̃a bung̃ang hinog.
Si Juan. ¿At ano pô ang mang̃a almendras na yaon?Ang ama. Mang̃a butil nang cacao na guinagauang siculate.Si Nicolás. Mabuti ng̃a, at siya,y, macaiinom na nang siculate.Ang ama. Dahandahan tayo. Caunaunaha,y, hindi natatalastas ni Robinson na yao,y, cacao. Sacá quinacailang̃an na ibusá, liguisin, at haluan nang asucal, na ualà siya; at houag na nating sabihin ang canela at iba pang bagay na caraniuang inihahalò, at nang magcalasa ang siculate sa pagca,t, ang caualan nitong ma~nga bagay na ito ay hindi sucat maitulad sa caualan nang apuy.
Si Juan. ¿At ano pô ang mang̃a almendras na yaon?
Ang ama. Mang̃a butil nang cacao na guinagauang siculate.
Si Nicolás. Mabuti ng̃a, at siya,y, macaiinom na nang siculate.
Ang ama. Dahandahan tayo. Caunaunaha,y, hindi natatalastas ni Robinson na yao,y, cacao. Sacá quinacailang̃an na ibusá, liguisin, at haluan nang asucal, na ualà siya; at houag na nating sabihin ang canela at iba pang bagay na caraniuang inihahalò, at nang magcalasa ang siculate sa pagca,t, ang caualan nitong ma~nga bagay na ito ay hindi sucat maitulad sa caualan nang apuy.
Sa catapusa,y, nacaquita si Robinson nang isang cahoy na totoong malaqui, na di niya naquiquilala na para rin nang cacao. Ang bung̃a ay totoong malaqui napara nang niyog; datapoua,t, ualang matigas na balat, at ualà namang bunót, at ang boong bung̃a ay nacacain na totoong masarap. Ang cahoy na yaon ay iba ang lagay sa niyog, sa pagca,t, ang niyog ay mayroong isang punò at sa itaas ay ang mang̃a dahon ay parang bung̃a; datapoua,t, ang cahoy na yaon ay may maraming sang̃á na nababalot nang mang̃a dahon. Nang tumagal ay napagquilala, na ang cahoy na yaon ang tinatauag nacahoy nang tínapay, na caya tínatauag na ganoon, ay sa pagca,t, ang caniyang bung̃a ay siyang pinacatinapay nang mang̃a tauong bundoc.Minamasdan niya na ang punò nang cahoy na yaon, dahil sa caniyang catandaan ay hucáy na ang cabilang tabí; dahil dito,y, inacalà niyang yaon ang totoong mabuting gau-ing bangcâ, cung mangyayaring maihahapay niya at malalaliman nang hucay. Datapoua,t, ¿baquit puputulin ang isang cahoy na totoo niyang paquiquinabang̃an? Baquit siya,y, nagaalang̃an cung siya,y, macagaugauà nang isang bangcâ ó hindi. Ang pagcucurong ito,y, totoong nacapagpahinà nang caniyang loob; at nang matapus na niyang mapagtimbang timbang cung dapat putulin ó hindi, ay tinandaan niyang magaling ang lugar na quinatatamnan nang cahoy, at umouî siyang nagcacadalaua ang caniyang loob sa isang bagay na dapat pagcuruing magaling.Nang ipatuloy niya ang caniyang paglacad ay natagpuan niya ang ninanasà niyang mahabang panahon, ísang pugad baga nang loro, na totoong nacatouà sa caniya. Ang maliliit na inacay na totoong nacatatacot at may mang̃a bag-uis na, ay nang̃agliparan: liban na lamang sa isa na di totoong malicsi ay napahuli cay Robinson, na totoong natouà sa pagcahuling ito, higuit sa cung siya,y, macatagpò nang isang cayamanan, at siya,y, nagtuloy na sa caniyang tahanan.
Sa catapusa,y, nacaquita si Robinson nang isang cahoy na totoong malaqui, na di niya naquiquilala na para rin nang cacao. Ang bung̃a ay totoong malaqui napara nang niyog; datapoua,t, ualang matigas na balat, at ualà namang bunót, at ang boong bung̃a ay nacacain na totoong masarap. Ang cahoy na yaon ay iba ang lagay sa niyog, sa pagca,t, ang niyog ay mayroong isang punò at sa itaas ay ang mang̃a dahon ay parang bung̃a; datapoua,t, ang cahoy na yaon ay may maraming sang̃á na nababalot nang mang̃a dahon. Nang tumagal ay napagquilala, na ang cahoy na yaon ang tinatauag nacahoy nang tínapay, na caya tínatauag na ganoon, ay sa pagca,t, ang caniyang bung̃a ay siyang pinacatinapay nang mang̃a tauong bundoc.
Minamasdan niya na ang punò nang cahoy na yaon, dahil sa caniyang catandaan ay hucáy na ang cabilang tabí; dahil dito,y, inacalà niyang yaon ang totoong mabuting gau-ing bangcâ, cung mangyayaring maihahapay niya at malalaliman nang hucay. Datapoua,t, ¿baquit puputulin ang isang cahoy na totoo niyang paquiquinabang̃an? Baquit siya,y, nagaalang̃an cung siya,y, macagaugauà nang isang bangcâ ó hindi. Ang pagcucurong ito,y, totoong nacapagpahinà nang caniyang loob; at nang matapus na niyang mapagtimbang timbang cung dapat putulin ó hindi, ay tinandaan niyang magaling ang lugar na quinatatamnan nang cahoy, at umouî siyang nagcacadalaua ang caniyang loob sa isang bagay na dapat pagcuruing magaling.
Nang ipatuloy niya ang caniyang paglacad ay natagpuan niya ang ninanasà niyang mahabang panahon, ísang pugad baga nang loro, na totoong nacatouà sa caniya. Ang maliliit na inacay na totoong nacatatacot at may mang̃a bag-uis na, ay nang̃agliparan: liban na lamang sa isa na di totoong malicsi ay napahuli cay Robinson, na totoong natouà sa pagcahuling ito, higuit sa cung siya,y, macatagpò nang isang cayamanan, at siya,y, nagtuloy na sa caniyang tahanan.
Si Luisa. ¿At ano pong mapapaquinabang niya sa isang loro?Ang ama. Ibig niyang turuan nang ilang mang̃a pang̃ung̃usap, at nang siya,y, mauiling maquinig nang isang voces na para nang sa tauo. Tayo na nabubuhay na casama nang íbang mang̃a tauo, at sa lahat nang oras ay nacacamtan natin ang pagcaquita at pagcaring̃ig sa ibang may pagiisip na para natin, at macacausap natin sila ay inaacalà nating ualang cabuluhan yaong paglilibang na ninanasà ni Robinson cung mangyaring mapaquingan niya ang pang̃ung̃usap nang isang loro; datapoua,t, cung tayo,y, lumagay sa caniyang quinalalag-yan, at matatalastas natin na ang inaacalà natin ng̃ayon na isang bagay na ualang casaysayan, ay tunay na caaliuan niyong nalulungcot na tauong nacaisaisa.
Si Luisa. ¿At ano pong mapapaquinabang niya sa isang loro?
Ang ama. Ibig niyang turuan nang ilang mang̃a pang̃ung̃usap, at nang siya,y, mauiling maquinig nang isang voces na para nang sa tauo. Tayo na nabubuhay na casama nang íbang mang̃a tauo, at sa lahat nang oras ay nacacamtan natin ang pagcaquita at pagcaring̃ig sa ibang may pagiisip na para natin, at macacausap natin sila ay inaacalà nating ualang cabuluhan yaong paglilibang na ninanasà ni Robinson cung mangyaring mapaquingan niya ang pang̃ung̃usap nang isang loro; datapoua,t, cung tayo,y, lumagay sa caniyang quinalalag-yan, at matatalastas natin na ang inaacalà natin ng̃ayon na isang bagay na ualang casaysayan, ay tunay na caaliuan niyong nalulungcot na tauong nacaisaisa.
Bahaguia na lamang dumating sa caniyang tinatahanan, ay inisip ang paggauà nang isang culong̃an na paglalag-yan nang bago niyang casama; inilagay sa siping nang caniyang hihigan, at nahigà siyang natotouà, na parang nacaquita nang isang caibigan.
Bahaguia na lamang dumating sa caniyang tinatahanan, ay inisip ang paggauà nang isang culong̃an na paglalag-yan nang bago niyang casama; inilagay sa siping nang caniyang hihigan, at nahigà siyang natotouà, na parang nacaquita nang isang caibigan.
Ang ama. Sa pagtauag co sa inyo ng̃ayon mang̃a anac co, ay hindi co inantay na dumating ang caraniuang oras, sa pagca,t, bago co pasimulan ang pagsasalaysay nang aquing historia, ay mayroon acong isasangunì sa inyo na isang bagay na totoong mahalaga, at ibig cong maring̃ig ang inyong pasiya.Si Basilio. Naririto na pô caming lahat na tumatalagang sumunod sa inyo.Si Ramon. ¿At ano pong bagay ang ibig ninyong isanguni sa amin?Ang ama. Tungcol sa ipinagaalinglang̃an ni Robinson sa boong magdamag, di niya iquinacatulog sumandali man.Si Cárlos. ¿Ano pô baga yaon?Ang ama. Ang caniyang ipinagaalinglang̃an ay cung caniyang puputulin ó hindi angcahoy nang tinapayna naquita niya cahapon nang hapon, yayamang di niya natatalastas cung matutumpacan niya ó hindi ang paggauá nang bangcá.Si Juan. Cung sa ganang aquin ay hindi co pahahamacan ang cahoy na yaon.Si Basilio. Cung aco,y, ibubual co.Ang ama. Mayroon na tayong dalauang acalang nagcacaalit: ang isa,y, putulin na at ang isa,y, houag. Paquingan natin ang acalà nang iba.Si Ramon. Inaayunan co ang acalà ni Juan.Si Cárlos. Aco pô naman; di dapat putulin ang cahoy.Si Enrique. Dapat putulin; sa pagca,t, quinacailang̃an ni Robinson ang isang bangcá.Si Nicolas. Gayon din pô naman ang uicà co.Ang ama. Nagcacaparis ang ating mang̃acaisipan; caya ang nagiibig na putulin ang cahoy ay lumipat sa aquing canan, ang ayao ay lumipat sa aquing caliuà.—Totoong magaling: yayamang cayo,y, nasa calalag-yan na, ay paquingan natin ang catouiran nang baua,t, isa. Magsasalitang una si Juan; at sasabihin sa atin na cung baquit ibig na houag putulin ang cahoy.Si Juan. Sa pagca,t, namumung̃a nang totoong masarap, at cacaunti ang cahoy na yaon sa pulóng yaon.Si Basilio. Yao,y, isang cahoy na matanda at ucab na, at di na maglalaong panahon ang caniyang pamumung̃a.Si Juan. ¿Baquit mo natalastas? Cahit ucab sa isang tabi, ¿di caya maraming cahoy ang naquiquita nating may malaquing hucay sa punò, ay namumung̃a ring mahabang panahon?Si Nicolás. Dapat pasupling̃an ni Robinson ang ilang sang̃a nang cahoy na yaon, para nang guinauà niya sa mang̃a niyog; at cung gayo,y, cahit ihapay niya, ay may matitira sa caniya nang mang̃a cahoy na yaon.Si Ramon. Oo; ualà ng̃ang dapat gau-in cundi ang pasupling̃an! At ¿madali caya mamung̃a ang mang̃a cahoy? Marahil mang̃a apat ó limang taon bago mamung̃a.Si Enrique. Datapoua,t, ¿di caya lalong magaling ang magcaroon si Robinson nang isang bangcà at nang siya,y, macapagbalic sa casamahan nang ibang mang̃a tauo, nang houag siyang mapalagui na nacaisa isa sa pagtirá sa pulóng yaon, na ang caniyang quinacain ay ang bung̃a nang cahoy?Si Juan. Cung ang bangcà ay magagauá agad, ay dapat sanang putulin; datapoua,t, nacaisa isang palacol na bató ang caniya, ay ¿paano ang gagau-ing pagputol niyong cahoy na totoong malaqui? ¿Paano ang gagau-ing paghucay?Si Basilio. Cung siya,y, magtitiyagá nang paggauà at di magbabalisausauin, ay inaasahan cong mayayari niya.Si Ramon. Datapoua,t, cung ualà siyang layag sa caniyang daong, ¿paano ang caniyang gagau-in?Si Nicolás. Magdala siya nang gaod.Si Carlos. Mabuting totoo palá. At ¿cung mabali ang caniyang gaod, ó cung mapagod siya? ¿Hindi mo naaaalaala ang nangyari niyong tayo,y, nasasacay sa isang paraoparauan, noong tayo,y, nalalapit sa Travemunda sa dagat nang Báltico, at sa pagca,t, nabali ang gaod nang isang marinero? Ay sinabi sa atin niyon nang atingama, na cung mabali sa dacong itaas, na di na mangyaring igaod, ay di tayo maisasadsad sa lupà nang mang̃a marinero sa isang gaod lamang.Si Basilio. Oo ng̃a; datapoua,t, yao,y, isang bangcang malaqui, na quinalululanan nating labing ualo catauo; sucat na lamang ang magcaroon si Robinson nang dalauang gaod ay macaaalis na sa pulóng yaon.Ang ama. Naquita na ninyo, mang̃a anac co, na ang bagay na iyan ay totoong mahirap acalain. Lahat nang catouirang inyong sinabi ay naacalà na ni Robinson at sa ganang magdamag ay pinagcucuro niya ang baua,t, isa sa lahat na yaon; sa pagca,t, ang pagsisiyasat cung nararapat na gau-in ó houag ang alinmang bagay, ay siyang tinatauag na pagcucurò. Magmulà nang maranasan niya ang masamáng quinasapitan nang caniyang capang̃ahasan na paglibot sa mundo, at pinabayaan niya ang bahay nang caniyang mang̃a magulang, mulà na niyon ay caniyang sinusunod na parang isang utos, na houag gumauà nang anomang caliitliitang bagay, cundi muna mapagcurong magaling, at sa pagsunod niya sa utos na ito tungcol sa bagay na hinaharap, ay napaggunamgunam niya anglahat nang cabagayan, at napagunaua niya na ang dapat siyasatin, ay cung cabaitan baga ang lisanin ang isang tunay na paquinabang, baga ma,t, maliit, dahilan sa paghanap nang isang capaquinabang̃ang malaqui, cahit hindi natatalastas cung macacamtan cung hindi. Dahilan dito,y, bumungò sa caniyang pagiisip ang fábula nang aso na nagdaraan sa ilog na may lalang lamangcati ...Si Cárlos. Iyan po,y, nasasaulo co. Paquingan ninyo,t, aquing sasabihin:
Ang ama. Sa pagtauag co sa inyo ng̃ayon mang̃a anac co, ay hindi co inantay na dumating ang caraniuang oras, sa pagca,t, bago co pasimulan ang pagsasalaysay nang aquing historia, ay mayroon acong isasangunì sa inyo na isang bagay na totoong mahalaga, at ibig cong maring̃ig ang inyong pasiya.
Si Basilio. Naririto na pô caming lahat na tumatalagang sumunod sa inyo.
Si Ramon. ¿At ano pong bagay ang ibig ninyong isanguni sa amin?
Ang ama. Tungcol sa ipinagaalinglang̃an ni Robinson sa boong magdamag, di niya iquinacatulog sumandali man.
Si Cárlos. ¿Ano pô baga yaon?
Ang ama. Ang caniyang ipinagaalinglang̃an ay cung caniyang puputulin ó hindi angcahoy nang tinapayna naquita niya cahapon nang hapon, yayamang di niya natatalastas cung matutumpacan niya ó hindi ang paggauá nang bangcá.
Si Juan. Cung sa ganang aquin ay hindi co pahahamacan ang cahoy na yaon.
Si Basilio. Cung aco,y, ibubual co.
Ang ama. Mayroon na tayong dalauang acalang nagcacaalit: ang isa,y, putulin na at ang isa,y, houag. Paquingan natin ang acalà nang iba.
Si Ramon. Inaayunan co ang acalà ni Juan.
Si Cárlos. Aco pô naman; di dapat putulin ang cahoy.
Si Enrique. Dapat putulin; sa pagca,t, quinacailang̃an ni Robinson ang isang bangcá.
Si Nicolas. Gayon din pô naman ang uicà co.
Ang ama. Nagcacaparis ang ating mang̃acaisipan; caya ang nagiibig na putulin ang cahoy ay lumipat sa aquing canan, ang ayao ay lumipat sa aquing caliuà.—Totoong magaling: yayamang cayo,y, nasa calalag-yan na, ay paquingan natin ang catouiran nang baua,t, isa. Magsasalitang una si Juan; at sasabihin sa atin na cung baquit ibig na houag putulin ang cahoy.
Si Juan. Sa pagca,t, namumung̃a nang totoong masarap, at cacaunti ang cahoy na yaon sa pulóng yaon.
Si Basilio. Yao,y, isang cahoy na matanda at ucab na, at di na maglalaong panahon ang caniyang pamumung̃a.
Si Juan. ¿Baquit mo natalastas? Cahit ucab sa isang tabi, ¿di caya maraming cahoy ang naquiquita nating may malaquing hucay sa punò, ay namumung̃a ring mahabang panahon?
Si Nicolás. Dapat pasupling̃an ni Robinson ang ilang sang̃a nang cahoy na yaon, para nang guinauà niya sa mang̃a niyog; at cung gayo,y, cahit ihapay niya, ay may matitira sa caniya nang mang̃a cahoy na yaon.
Si Ramon. Oo; ualà ng̃ang dapat gau-in cundi ang pasupling̃an! At ¿madali caya mamung̃a ang mang̃a cahoy? Marahil mang̃a apat ó limang taon bago mamung̃a.
Si Enrique. Datapoua,t, ¿di caya lalong magaling ang magcaroon si Robinson nang isang bangcà at nang siya,y, macapagbalic sa casamahan nang ibang mang̃a tauo, nang houag siyang mapalagui na nacaisa isa sa pagtirá sa pulóng yaon, na ang caniyang quinacain ay ang bung̃a nang cahoy?
Si Juan. Cung ang bangcà ay magagauá agad, ay dapat sanang putulin; datapoua,t, nacaisa isang palacol na bató ang caniya, ay ¿paano ang gagau-ing pagputol niyong cahoy na totoong malaqui? ¿Paano ang gagau-ing paghucay?
Si Basilio. Cung siya,y, magtitiyagá nang paggauà at di magbabalisausauin, ay inaasahan cong mayayari niya.
Si Ramon. Datapoua,t, cung ualà siyang layag sa caniyang daong, ¿paano ang caniyang gagau-in?
Si Nicolás. Magdala siya nang gaod.
Si Carlos. Mabuting totoo palá. At ¿cung mabali ang caniyang gaod, ó cung mapagod siya? ¿Hindi mo naaaalaala ang nangyari niyong tayo,y, nasasacay sa isang paraoparauan, noong tayo,y, nalalapit sa Travemunda sa dagat nang Báltico, at sa pagca,t, nabali ang gaod nang isang marinero? Ay sinabi sa atin niyon nang atingama, na cung mabali sa dacong itaas, na di na mangyaring igaod, ay di tayo maisasadsad sa lupà nang mang̃a marinero sa isang gaod lamang.
Si Basilio. Oo ng̃a; datapoua,t, yao,y, isang bangcang malaqui, na quinalululanan nating labing ualo catauo; sucat na lamang ang magcaroon si Robinson nang dalauang gaod ay macaaalis na sa pulóng yaon.
Ang ama. Naquita na ninyo, mang̃a anac co, na ang bagay na iyan ay totoong mahirap acalain. Lahat nang catouirang inyong sinabi ay naacalà na ni Robinson at sa ganang magdamag ay pinagcucuro niya ang baua,t, isa sa lahat na yaon; sa pagca,t, ang pagsisiyasat cung nararapat na gau-in ó houag ang alinmang bagay, ay siyang tinatauag na pagcucurò. Magmulà nang maranasan niya ang masamáng quinasapitan nang caniyang capang̃ahasan na paglibot sa mundo, at pinabayaan niya ang bahay nang caniyang mang̃a magulang, mulà na niyon ay caniyang sinusunod na parang isang utos, na houag gumauà nang anomang caliitliitang bagay, cundi muna mapagcurong magaling, at sa pagsunod niya sa utos na ito tungcol sa bagay na hinaharap, ay napaggunamgunam niya anglahat nang cabagayan, at napagunaua niya na ang dapat siyasatin, ay cung cabaitan baga ang lisanin ang isang tunay na paquinabang, baga ma,t, maliit, dahilan sa paghanap nang isang capaquinabang̃ang malaqui, cahit hindi natatalastas cung macacamtan cung hindi. Dahilan dito,y, bumungò sa caniyang pagiisip ang fábula nang aso na nagdaraan sa ilog na may lalang lamangcati ...
Si Cárlos. Iyan po,y, nasasaulo co. Paquingan ninyo,t, aquing sasabihin:
Sa sinomang nagnanasàpagaari nang capouàalipa,y, mauaualàang ari niyang alagà.
Sa sinomang nagnanasàpagaari nang capouàalipa,y, mauaualàang ari niyang alagà.
Sa sinomang nagnanasà
pagaari nang capouà
alipa,y, mauaualà
ang ari niyang alagà.
May isang asong sa ilog ay natauid,Camunting lamangcati,y, tang̃ay sa ng̃ipin,Nang siya sa tubig ay nananalamin,Isip ay ibang asong dalang cacanin.Inacalang inagao sa bibig niya,Datapoua,t, dito,y, nagcamalî siya,Pagca binitiuan ang caniyang dalaAt hindi nacamtan ang ninanais niya.
May isang asong sa ilog ay natauid,Camunting lamangcati,y, tang̃ay sa ng̃ipin,Nang siya sa tubig ay nananalamin,Isip ay ibang asong dalang cacanin.
May isang asong sa ilog ay natauid,
Camunting lamangcati,y, tang̃ay sa ng̃ipin,
Nang siya sa tubig ay nananalamin,
Isip ay ibang asong dalang cacanin.
Inacalang inagao sa bibig niya,Datapoua,t, dito,y, nagcamalî siya,Pagca binitiuan ang caniyang dalaAt hindi nacamtan ang ninanais niya.
Inacalang inagao sa bibig niya,
Datapoua,t, dito,y, nagcamalî siya,
Pagca binitiuan ang caniyang dala
At hindi nacamtan ang ninanais niya.
Ang ama. Natatantô naman ni Robinson ang fàbulang ito na para mo; datapoua,t, pinagcurocurò niya na ang mang̃a magsasaca,y, itinatanim ang butil na sucat paquinabang̃an, at pinababayaang mabuloc at masirà dahil sa pagasang macacamtan ang lubhang marami niyang ibubung̃a. Oo ng̃a, aniya, ang casaquiman nang aso ay ualang sucat paquinabang̃an, sa pagca,t, ninanasa niya ang isang anino na di niya aabutan, cahit ano ang caniyang gau-in. Hindi gayon ang pagasa nang mang̃a magsasacá, sa pagca,t, naaayon sa catouiran ang canilang ninanasà sa pagani nang bung̃a, baga ma,t, may sucat dumating na anomang sacunâ na ìcasirà nang pananim.
Ang ama. Natatantô naman ni Robinson ang fàbulang ito na para mo; datapoua,t, pinagcurocurò niya na ang mang̃a magsasaca,y, itinatanim ang butil na sucat paquinabang̃an, at pinababayaang mabuloc at masirà dahil sa pagasang macacamtan ang lubhang marami niyang ibubung̃a. Oo ng̃a, aniya, ang casaquiman nang aso ay ualang sucat paquinabang̃an, sa pagca,t, ninanasa niya ang isang anino na di niya aabutan, cahit ano ang caniyang gau-in. Hindi gayon ang pagasa nang mang̃a magsasacá, sa pagca,t, naaayon sa catouiran ang canilang ninanasà sa pagani nang bung̃a, baga ma,t, may sucat dumating na anomang sacunâ na ìcasirà nang pananim.
¿Di caya ito ay catulad co? Cung aco,y gumauà arao arao nang boong casipagan, ¿di caya maipang̃ang̃acò co na magagauà sacali,t, ito,y, mayari co, ¿di co caya maaasahan na aco,y, macaalis dito sa paggiisang ito, at dahil sa aquing bangcà ay aco,y, macalìlipat sa alin mang lupang may tauo?Ang pagcucurong ito,y, sa pagca,t, totoong naaayon sa caniyang pinagnasaang lubhà, ay totoo siyang sinipag, na caracaraca,y, nagbang̃on, tinangnan ang caniyang palacol, nagtacbo sa cahoy, at pinasimulan ang putol.Cung mayroong bagay na totoong matagal at totoong pinaghirapan si Robinson, ay ang pagputol nang cahoy ay siyang pinacapang̃ulo. Ang iba,y, sucat huminà ang loob; at bibitiuan ang palacol sa unang pagtagà, at aacalain na ang gauang iyon ay hindi mayayari,t, aariing ualang cabuluhan; datapoua,t, ang ating bayani cahit magibayo pa ang cahirapan at calaunan nang gauang iyon, ay hindi niya babayaan: yayamang natatalastas na natin, na inari niyang parang isang mahigpit na cautusan ang di pagsasalauahan sa paggauà nang anomang bagay ni caniyang pinagisip na magaling.Sa boong umaga,y, hindi niya linicatan ang paggauà; datapoua,t, totoong mababao pa ang caniyang natatagà sa di mabilang na caniyang pagpalacol: dito na niya mapagcucurò cung gaanong panahon ang quinacailang̃an bago niya maihapay ang cahoy at bago niya magauan, bangcâ. Sa pagcatalastas niya na ang gauang ito,y, bibilang nang maraming taon ay inacalà niyang cailang̃an na siya,y, magcaroon nang isang método ó maayos, na pagcacabahabahagui nang caniyang mang̃a gagau-in, na sa gayong oras ay gayong bagay ang gagau-in niya; sa pagca,t, naranasan niya sa sarili na ualangtotoong nacadadalî sa pagganap nang mang̃a catungculan nang isang masipag na pamumuhay, para nang uastong pagbabahagui nang panahon. Sasaysayin co sa inyong isaisa ang pagcacasunodsunod nang mang̃a guinagauà ni Robinson sa arao arao.Nagbabang̃on pamamanaag nang arao, at pagdaca,y, tinutung̃o ang calapit na batis, na doon niya hinihilamusan ang caniyang muc-hà, at hinuhugasan ang mang̃a camay, dibdib at mang̃a paa, at sa caualan nang pamunas, ay inaantay niyang matuyò nang hang̃in, at catulong sa pagcatuyong ito ang pagtacbo niyang papaouì sa caniyang tahanan. Dito,y, nagbibihis, at pagcatapus ay umaaquiat sa ibabao nang buról, na sa ibabà, nito,y, naroroon ang caniyang yung̃ib. Sa pagca,t, ualang nacapipiguil na anoman sa caniyang mang̃a matá ay inililing̃ap niya sa sarisaring cababalaghang guinauà nang Dios; at capagang caniyang loob ay itinataas na sa lang̃it sa gayong pagcaquita, ay nang̃ang̃ayupapà siyang naniniclohod, na sinasamba niya at tinatauag sa caibuturan nang pusò ang Lumic-hâ nang lahat nang bagay. Di naman niya quinalilimutang ipanalang̃in na pagcalooban nang auà ang caniyangmang̃a magulang na caniyang linisan. Dinadaing̃an naman niya, at hinihing̃ang tulong ang calinislinisan at mapagpalang Virgen na siya,y, tulung̃an, at houag pabayaang magcasala sa arao na yaon at sa lahat nang arao nang caniyang buhay, gayon din napaaampon cay San José, sa Angel na tagatanod, at sa mang̃a santong caniyang pintacasi, nang siya,y, iligtas sa dilang capang̃aniban nang caloloua,t, catauan sa arao na yaon, at sa mang̃a haharaping arao nang caniyang buhay. Pagcatapus siya,y, nananaog at caniyang guinagatasan ang caniyang hayop na llama, na untiunting dumarami; nagaalmusal siya nang caunting gatas na mainitinit pa; at itinatagò niya ang natitira sa caniyang pamingalan. Ito ang caniyang guinagauà sa unang oras nang umaga.Isinasacbat niya ang caniyang sandata sa pagtatangol nang caniyang buhay, at ang caniyang mang̃a casangcapan sa paggauà, nagtutuloy siya, cung oras nang pagurong nang tubig, sa tabí nang dagat, at doo,y, namumulot siya nang mang̃a talaba na cacanin sa tanghali; at cung sacali,t, oras nang pagsulong ay nagtutuloy siya sa cahoy na pinasimulan niyang pinuputol na gagau-ing bangcâ. Caraniua,y, sumusunod sa caniya ang caniyang mang̃a hayop na nang̃ing̃inain, habang siya,y, may guinagauà.Capag mang̃a á las diez na ang arao na totoong umiinit, ay napipilitang itiguil niya ang caniyang guinagauà. Nagbabalic si Robinson sa tabi nang dagat, sa paghanap nang mang̃a talaba, cung sacali,t, ualà siyang naquita cung umagang umaga, at sa paliligò naman, na caraniuang guinagauà niya macalaua maghapon, at bago mag á las doce ay nagbabalic na siya sa caniyang tahanan na casama ang caniyang mang̃a hayop.Guinagatasang mulî ang caniyang mang̃a hayop; gumagauà siya nang parang queso, at inihahandà niyang madalî ang caunti niyang pagcain, na ualà cundi capirasong quesong binasâ nang gatas, ilan talaba at calahating niyog. Ang caiguihan lamang ay hindi siya malacas cumain doon sa mainit na lugar, gaya nang caraniuang quinacain sa mang̃a malalamig na lugar; datapoua,t, sa pagca,t, nahirati mulâ sa cabataan sa pagcain nang lamangcati, ay dili mangyaring di niya hanapin; at nang mangyaring macamtan niya ang nasà niyang ito, ay angguinagauà niya,y, linulutò niya sa bubog.Habang siya,y, cumacain, ay nagaalio siya sa pagtuturò nang pang̃ung̃usap sa caniyang loro, at inuulitulit niya na di mamacailang ang isang pang̃ung̃usap, na ang nasà niya,y, matutong mang̃usap balang arao.
¿Di caya ito ay catulad co? Cung aco,y gumauà arao arao nang boong casipagan, ¿di caya maipang̃ang̃acò co na magagauà sacali,t, ito,y, mayari co, ¿di co caya maaasahan na aco,y, macaalis dito sa paggiisang ito, at dahil sa aquing bangcà ay aco,y, macalìlipat sa alin mang lupang may tauo?
Ang pagcucurong ito,y, sa pagca,t, totoong naaayon sa caniyang pinagnasaang lubhà, ay totoo siyang sinipag, na caracaraca,y, nagbang̃on, tinangnan ang caniyang palacol, nagtacbo sa cahoy, at pinasimulan ang putol.
Cung mayroong bagay na totoong matagal at totoong pinaghirapan si Robinson, ay ang pagputol nang cahoy ay siyang pinacapang̃ulo. Ang iba,y, sucat huminà ang loob; at bibitiuan ang palacol sa unang pagtagà, at aacalain na ang gauang iyon ay hindi mayayari,t, aariing ualang cabuluhan; datapoua,t, ang ating bayani cahit magibayo pa ang cahirapan at calaunan nang gauang iyon, ay hindi niya babayaan: yayamang natatalastas na natin, na inari niyang parang isang mahigpit na cautusan ang di pagsasalauahan sa paggauà nang anomang bagay ni caniyang pinagisip na magaling.
Sa boong umaga,y, hindi niya linicatan ang paggauà; datapoua,t, totoong mababao pa ang caniyang natatagà sa di mabilang na caniyang pagpalacol: dito na niya mapagcucurò cung gaanong panahon ang quinacailang̃an bago niya maihapay ang cahoy at bago niya magauan, bangcâ. Sa pagcatalastas niya na ang gauang ito,y, bibilang nang maraming taon ay inacalà niyang cailang̃an na siya,y, magcaroon nang isang método ó maayos, na pagcacabahabahagui nang caniyang mang̃a gagau-in, na sa gayong oras ay gayong bagay ang gagau-in niya; sa pagca,t, naranasan niya sa sarili na ualangtotoong nacadadalî sa pagganap nang mang̃a catungculan nang isang masipag na pamumuhay, para nang uastong pagbabahagui nang panahon. Sasaysayin co sa inyong isaisa ang pagcacasunodsunod nang mang̃a guinagauà ni Robinson sa arao arao.
Nagbabang̃on pamamanaag nang arao, at pagdaca,y, tinutung̃o ang calapit na batis, na doon niya hinihilamusan ang caniyang muc-hà, at hinuhugasan ang mang̃a camay, dibdib at mang̃a paa, at sa caualan nang pamunas, ay inaantay niyang matuyò nang hang̃in, at catulong sa pagcatuyong ito ang pagtacbo niyang papaouì sa caniyang tahanan. Dito,y, nagbibihis, at pagcatapus ay umaaquiat sa ibabao nang buról, na sa ibabà, nito,y, naroroon ang caniyang yung̃ib. Sa pagca,t, ualang nacapipiguil na anoman sa caniyang mang̃a matá ay inililing̃ap niya sa sarisaring cababalaghang guinauà nang Dios; at capagang caniyang loob ay itinataas na sa lang̃it sa gayong pagcaquita, ay nang̃ang̃ayupapà siyang naniniclohod, na sinasamba niya at tinatauag sa caibuturan nang pusò ang Lumic-hâ nang lahat nang bagay. Di naman niya quinalilimutang ipanalang̃in na pagcalooban nang auà ang caniyangmang̃a magulang na caniyang linisan. Dinadaing̃an naman niya, at hinihing̃ang tulong ang calinislinisan at mapagpalang Virgen na siya,y, tulung̃an, at houag pabayaang magcasala sa arao na yaon at sa lahat nang arao nang caniyang buhay, gayon din napaaampon cay San José, sa Angel na tagatanod, at sa mang̃a santong caniyang pintacasi, nang siya,y, iligtas sa dilang capang̃aniban nang caloloua,t, catauan sa arao na yaon, at sa mang̃a haharaping arao nang caniyang buhay. Pagcatapus siya,y, nananaog at caniyang guinagatasan ang caniyang hayop na llama, na untiunting dumarami; nagaalmusal siya nang caunting gatas na mainitinit pa; at itinatagò niya ang natitira sa caniyang pamingalan. Ito ang caniyang guinagauà sa unang oras nang umaga.
Isinasacbat niya ang caniyang sandata sa pagtatangol nang caniyang buhay, at ang caniyang mang̃a casangcapan sa paggauà, nagtutuloy siya, cung oras nang pagurong nang tubig, sa tabí nang dagat, at doo,y, namumulot siya nang mang̃a talaba na cacanin sa tanghali; at cung sacali,t, oras nang pagsulong ay nagtutuloy siya sa cahoy na pinasimulan niyang pinuputol na gagau-ing bangcâ. Caraniua,y, sumusunod sa caniya ang caniyang mang̃a hayop na nang̃ing̃inain, habang siya,y, may guinagauà.
Capag mang̃a á las diez na ang arao na totoong umiinit, ay napipilitang itiguil niya ang caniyang guinagauà. Nagbabalic si Robinson sa tabi nang dagat, sa paghanap nang mang̃a talaba, cung sacali,t, ualà siyang naquita cung umagang umaga, at sa paliligò naman, na caraniuang guinagauà niya macalaua maghapon, at bago mag á las doce ay nagbabalic na siya sa caniyang tahanan na casama ang caniyang mang̃a hayop.
Guinagatasang mulî ang caniyang mang̃a hayop; gumagauà siya nang parang queso, at inihahandà niyang madalî ang caunti niyang pagcain, na ualà cundi capirasong quesong binasâ nang gatas, ilan talaba at calahating niyog. Ang caiguihan lamang ay hindi siya malacas cumain doon sa mainit na lugar, gaya nang caraniuang quinacain sa mang̃a malalamig na lugar; datapoua,t, sa pagca,t, nahirati mulâ sa cabataan sa pagcain nang lamangcati, ay dili mangyaring di niya hanapin; at nang mangyaring macamtan niya ang nasà niyang ito, ay angguinagauà niya,y, linulutò niya sa bubog.
Habang siya,y, cumacain, ay nagaalio siya sa pagtuturò nang pang̃ung̃usap sa caniyang loro, at inuulitulit niya na di mamacailang ang isang pang̃ung̃usap, na ang nasà niya,y, matutong mang̃usap balang arao.
Si Enrique. ¿At ano pô ang ipinacacain niya sa loro?Ang ama. Ang mang̃a loro,y, capag nacacaualà, ay ang caraniuang quinacain ay mang̃a niyog, mang̃a papaya, mang̃a butó nang calabasa at iba pang mang̃a bung̃a nang cahoy; datapoua,t, ang mang̃a inaalilà, ay nahihirating cumain nang lahat halos na quinacain nang tauo; at caya ng̃a marahil ang ipinacacain ni Robinson sa caniyang loro ay gatas at niyog.
Si Enrique. ¿At ano pô ang ipinacacain niya sa loro?
Ang ama. Ang mang̃a loro,y, capag nacacaualà, ay ang caraniuang quinacain ay mang̃a niyog, mang̃a papaya, mang̃a butó nang calabasa at iba pang mang̃a bung̃a nang cahoy; datapoua,t, ang mang̃a inaalilà, ay nahihirating cumain nang lahat halos na quinacain nang tauo; at caya ng̃a marahil ang ipinacacain ni Robinson sa caniyang loro ay gatas at niyog.
Sa tanghali ay nagpapahing̃ang isang oras sa lilim, cung minsa,y, sa lugar na inaacalà niyang maguinhaua ang hihip nang hang̃in, ó cung minsan nama,y, sa caniyang yung̃ib, na nalilibot siya nang caniyang mang̃a hayop na llama, at ang loro,y, na sa sa caniyang siping. Cung minsa,y, siya,y, nacaupô at nacaharap sa caniyang mang̃a hayop na caniyang quinacausap, tulad sa isang batang nagsasalitâ sa caniyang mang̃a manícà. Totoong malaqui ang caniyang nasà na ipaquilala ang laman nang caniyang loob sa isang tauong capouà niya may pagiisip, cung minsa,y, nacacalimutan niya na ualang pagiisip ang mang̃a hayop na caniyang caharap; at capag nadiring̃ig niya na ang caniyang loro, na tinauag niyang si Pol, ay natututong mang̃usap na maliuanag nang isang pang̃ung̃usap, ay totoo siyang naliligaya, na para siyang nacariring̃ig nang pang̃ung̃usap nang tauo; at nacacalimutan niya ang pulóng caniyang tinatahanan, ang caniyang mang̃a hayop na llama at ang caniyang loro, ay naguguniguni niyang siya,y, na sa casamahan na nang mang̃a tauo. Datapoua,t, capag siya,y, nacapagmulimuli, at maalaala niyang siya,y, nacaisa isa doon sa mapanglao na ilang, ay nagbubuntong hining̃a siya, na ang uica niya,y, ¡caauaauang Robinson!Mang̃a á las dos nang hapon....
Sa tanghali ay nagpapahing̃ang isang oras sa lilim, cung minsa,y, sa lugar na inaacalà niyang maguinhaua ang hihip nang hang̃in, ó cung minsan nama,y, sa caniyang yung̃ib, na nalilibot siya nang caniyang mang̃a hayop na llama, at ang loro,y, na sa sa caniyang siping. Cung minsa,y, siya,y, nacaupô at nacaharap sa caniyang mang̃a hayop na caniyang quinacausap, tulad sa isang batang nagsasalitâ sa caniyang mang̃a manícà. Totoong malaqui ang caniyang nasà na ipaquilala ang laman nang caniyang loob sa isang tauong capouà niya may pagiisip, cung minsa,y, nacacalimutan niya na ualang pagiisip ang mang̃a hayop na caniyang caharap; at capag nadiring̃ig niya na ang caniyang loro, na tinauag niyang si Pol, ay natututong mang̃usap na maliuanag nang isang pang̃ung̃usap, ay totoo siyang naliligaya, na para siyang nacariring̃ig nang pang̃ung̃usap nang tauo; at nacacalimutan niya ang pulóng caniyang tinatahanan, ang caniyang mang̃a hayop na llama at ang caniyang loro, ay naguguniguni niyang siya,y, na sa casamahan na nang mang̃a tauo. Datapoua,t, capag siya,y, nacapagmulimuli, at maalaala niyang siya,y, nacaisa isa doon sa mapanglao na ilang, ay nagbubuntong hining̃a siya, na ang uica niya,y, ¡caauaauang Robinson!
Mang̃a á las dos nang hapon....
Si Nicolás. ¿Paano pong pagcatalastas niya nang oras cung ualà siyang orasan?Ang ama. Tinutularan niya ang mang̃a tauong bundoc, na ang minamasdan ay ang taas nang arao, at pinagaacaacalà cung anong oras.—Sa á las dos nang haponay nagbabalic sa cahoy na caniyang pinuputol, at dito sa pinacamahalaga niyang gauà ay guinugugol niya ang dalauang oras, pagcatapus ay napatutung̃ong muli sa tabing dagat sa paghanap nang talaba, ó naliligò caya cung totoong naiinitan.
Si Nicolás. ¿Paano pong pagcatalastas niya nang oras cung ualà siyang orasan?
Ang ama. Tinutularan niya ang mang̃a tauong bundoc, na ang minamasdan ay ang taas nang arao, at pinagaacaacalà cung anong oras.—Sa á las dos nang haponay nagbabalic sa cahoy na caniyang pinuputol, at dito sa pinacamahalaga niyang gauà ay guinugugol niya ang dalauang oras, pagcatapus ay napatutung̃ong muli sa tabing dagat sa paghanap nang talaba, ó naliligò caya cung totoong naiinitan.
Guinugugol ang natitirang oras nang arao sa pagtatanim sa caniyang halamanan nang mang̃a mais at patatas, at inaasahan niya na cung siya,y, magcaroong muli nang apuy, ay siyang lalong masarap niyang pagcain: cung minsa,y, pinasusupling̃an niya angcahoy nang tinapay: dinidilig niya ang mang̃a bagong supling: nagbabacod caya siya nang mang̃a halamang buháy, at nang masarhan ang caniyang halamanan, ó quinacapon caya ang mang̃a punong cahoy, na parang mang̃a bacod na nacalilibid sa harap nang caniyang tahanan, binabaluctot niya ang mang̃a sang̃ang malalambot, at nang cung lumaqui ay magbigay lilim sa caniyang tahanan.Malaquing totoo ang capighatian ni Robinson na ang pinacamahabang arao sa pulóng yaon ay hindi lumalampas sa labing tatlong oras, at sa calaguitnaan nang tagarao ó estío, na isa sa apat na estaciones nang taon sa Europa, ay gabi na ó á las siete. Sinasamantala niya ang pinacadaquilang bahaqui nang arao; at bago magtaquip silim capag ualà siyang malaquing capansanan ay nagsasanay siya....
Guinugugol ang natitirang oras nang arao sa pagtatanim sa caniyang halamanan nang mang̃a mais at patatas, at inaasahan niya na cung siya,y, magcaroong muli nang apuy, ay siyang lalong masarap niyang pagcain: cung minsa,y, pinasusupling̃an niya angcahoy nang tinapay: dinidilig niya ang mang̃a bagong supling: nagbabacod caya siya nang mang̃a halamang buháy, at nang masarhan ang caniyang halamanan, ó quinacapon caya ang mang̃a punong cahoy, na parang mang̃a bacod na nacalilibid sa harap nang caniyang tahanan, binabaluctot niya ang mang̃a sang̃ang malalambot, at nang cung lumaqui ay magbigay lilim sa caniyang tahanan.
Malaquing totoo ang capighatian ni Robinson na ang pinacamahabang arao sa pulóng yaon ay hindi lumalampas sa labing tatlong oras, at sa calaguitnaan nang tagarao ó estío, na isa sa apat na estaciones nang taon sa Europa, ay gabi na ó á las siete. Sinasamantala niya ang pinacadaquilang bahaqui nang arao; at bago magtaquip silim capag ualà siyang malaquing capansanan ay nagsasanay siya....
Si Ramon. ¿Anong pagsasanay na caniyang guinagauà?Ang ama. ¿Ang pagbigcas nang panà, at ang paghahaguis nang sumbiling, at nang siya,y, mabihasa at maipagtangol ang buhay, cung sacali,t, siya,y, may masumpung̃ang mang̃a tauong bundoc na mang̃a mabang̃is, ó anomang hayop na ganid na totoo niyang quinatatacutan. Untiunti siyang nabihasa sa dalauang gauang ito, na cahit malayo ang caniyang pinatatamaan na casinglaqui nang piso ay bahaguia na lamang siya sumasala.
Si Ramon. ¿Anong pagsasanay na caniyang guinagauà?
Ang ama. ¿Ang pagbigcas nang panà, at ang paghahaguis nang sumbiling, at nang siya,y, mabihasa at maipagtangol ang buhay, cung sacali,t, siya,y, may masumpung̃ang mang̃a tauong bundoc na mang̃a mabang̃is, ó anomang hayop na ganid na totoo niyang quinatatacutan. Untiunti siyang nabihasa sa dalauang gauang ito, na cahit malayo ang caniyang pinatatamaan na casinglaqui nang piso ay bahaguia na lamang siya sumasala.
Pagdating nang gabi, na cung minsa,y, sa liuanag nang bouan, at cung minsa,y, sa malamlam na banaag nang mang̃a bituin, ay hinahapunan niya ang caraniuan niyang quinacain, at bago siya magpahing̃alay, ay tinitipon niya ang caniyang loob sa pagsisiyasat nang caniyang mang̃a guinaua, at tumatanong siya sa caniyang sarili: ¿ano ang pinagcagugulan mo sa arao na ito? Ng̃ayon at tumangap ca nang mang̃a bagong biyaya, ¿itinaasmo caya ang iyong mang̃a pagdidilidili sa camahalmahalang batis na pinangangaling̃an? ¿Napuspos baga ang iyong pusò nang caguilioguilio na pagibig at pagquilalang loob sa Macapangyarihang nagbigay sa iyo? ¿Nagbigay ca caya nang tandâ nang iyong pagasa sa mang̃a capighatian mo? ¿Nacacalimutan mo caya siya sa iyong mang̃a caguinhauahan? ¿Itinapon mo caya sa iyong loob ang mang̃a masasamang panimdim? ¿Pinagpilitan mo cayang supilin ang mang̃a ualang tutong nasà nang iyong pusò? Sa catagang uicà, ¿tunay baga ang pagbabagong buhay mo?Sa touinang nacasasagot at natatahimic ang caniyang conciencia sa ganito,t, iba pang mang̃a tanong, ay nagpapasalamat siya sa pinangangaling̃an nang lahat nang gracia, na tumulong sa caniya nang siya,y, masulong nang caunti sa landas nang cabanalan; datapoua,t, capag may naquiquita siyang bagay na di icatahimic nang caniyang conciencia, ay totoong nagpipighati at nagbubuntong hining̃a siya sa pagcasayang nang arao na yaon, sa pagca,t, inaacalà niyang masasayang yaong arao na ipinagisip niya ó iguinauà caya nang anomang bagay na nimamasamà niyasa pageexámen ó pagsisiyasat nang caniyang conciencia sa gabi. Sa tabi nang guhit na pinagtatandaan niya nang arao sa isang cahoy na guinagamit niyang parang calendario, ay linalag-yan niya nang isang cruz, tandà nang caniyang casalanan na ipinang̃ang̃acò niyang pacaiing̃atan nang totoo at nang houag niyang macamtang mulî.Ang paraang ito, mang̃a anac co, ang guinagamit ni Robinson sa pagbabago nang asal, at inihahatol co sa inyo na tularan ninyo ang caniyang cahalimbauà, cung iniibig ninyong cayo,y, mahirati sa paggauà nang cabanalan para nang nararapat. Magcaroon cayo touing gabi nang sandaling oras na matahimic sa pagsisiyasat ninyo nang inyong inasal sa loob nang maghapong yaon; at cung sa inyong mang̃a panimdim, uicà at gauà ay may maquita cayong anoman na di matangap nang inyong conciencia, ay itandâ ninyo sa isang munting cuaderno, nang inyong maalaalang manacanacà, at nang sa pagcaquilala ninyo nang inyong pinagcamalan, ay pacaing̃atan at pacailagan ninyong magaling sa haharaping arao. Sa ganitong pagpipilit ninyo na icababago nang alin mang asal na hindi magaling,ay mararagdagan arao arao ang toua,t, caligayahan nang inyong loob.Totoong iquinaliligaya co, mang̃a anac co, na cayo,y, totoong masunurin, at naquiquita co na ang baua,t, isa sa inyo ay lumiligpit sa iba,t, ibang punong cahoy, at guinaganap ninyo ang mahalagang hatol na ibinigay co sa inyo ng̃ayon.
Pagdating nang gabi, na cung minsa,y, sa liuanag nang bouan, at cung minsa,y, sa malamlam na banaag nang mang̃a bituin, ay hinahapunan niya ang caraniuan niyang quinacain, at bago siya magpahing̃alay, ay tinitipon niya ang caniyang loob sa pagsisiyasat nang caniyang mang̃a guinaua, at tumatanong siya sa caniyang sarili: ¿ano ang pinagcagugulan mo sa arao na ito? Ng̃ayon at tumangap ca nang mang̃a bagong biyaya, ¿itinaasmo caya ang iyong mang̃a pagdidilidili sa camahalmahalang batis na pinangangaling̃an? ¿Napuspos baga ang iyong pusò nang caguilioguilio na pagibig at pagquilalang loob sa Macapangyarihang nagbigay sa iyo? ¿Nagbigay ca caya nang tandâ nang iyong pagasa sa mang̃a capighatian mo? ¿Nacacalimutan mo caya siya sa iyong mang̃a caguinhauahan? ¿Itinapon mo caya sa iyong loob ang mang̃a masasamang panimdim? ¿Pinagpilitan mo cayang supilin ang mang̃a ualang tutong nasà nang iyong pusò? Sa catagang uicà, ¿tunay baga ang pagbabagong buhay mo?
Sa touinang nacasasagot at natatahimic ang caniyang conciencia sa ganito,t, iba pang mang̃a tanong, ay nagpapasalamat siya sa pinangangaling̃an nang lahat nang gracia, na tumulong sa caniya nang siya,y, masulong nang caunti sa landas nang cabanalan; datapoua,t, capag may naquiquita siyang bagay na di icatahimic nang caniyang conciencia, ay totoong nagpipighati at nagbubuntong hining̃a siya sa pagcasayang nang arao na yaon, sa pagca,t, inaacalà niyang masasayang yaong arao na ipinagisip niya ó iguinauà caya nang anomang bagay na nimamasamà niyasa pageexámen ó pagsisiyasat nang caniyang conciencia sa gabi. Sa tabi nang guhit na pinagtatandaan niya nang arao sa isang cahoy na guinagamit niyang parang calendario, ay linalag-yan niya nang isang cruz, tandà nang caniyang casalanan na ipinang̃ang̃acò niyang pacaiing̃atan nang totoo at nang houag niyang macamtang mulî.
Ang paraang ito, mang̃a anac co, ang guinagamit ni Robinson sa pagbabago nang asal, at inihahatol co sa inyo na tularan ninyo ang caniyang cahalimbauà, cung iniibig ninyong cayo,y, mahirati sa paggauà nang cabanalan para nang nararapat. Magcaroon cayo touing gabi nang sandaling oras na matahimic sa pagsisiyasat ninyo nang inyong inasal sa loob nang maghapong yaon; at cung sa inyong mang̃a panimdim, uicà at gauà ay may maquita cayong anoman na di matangap nang inyong conciencia, ay itandâ ninyo sa isang munting cuaderno, nang inyong maalaalang manacanacà, at nang sa pagcaquilala ninyo nang inyong pinagcamalan, ay pacaing̃atan at pacailagan ninyong magaling sa haharaping arao. Sa ganitong pagpipilit ninyo na icababago nang alin mang asal na hindi magaling,ay mararagdagan arao arao ang toua,t, caligayahan nang inyong loob.
Totoong iquinaliligaya co, mang̃a anac co, na cayo,y, totoong masunurin, at naquiquita co na ang baua,t, isa sa inyo ay lumiligpit sa iba,t, ibang punong cahoy, at guinaganap ninyo ang mahalagang hatol na ibinigay co sa inyo ng̃ayon.
CATAPUSAN NANG UNANG TOMO.