FIN.

Nota.Cun ang jabón sa castila,i, hindimaputi, hindi sucat gamitin; ang jabóng mapula ó ang may iba,t, ibang color ay masama.

Ang timbang pisongmercurioóazoguengmalinis na ualang calahoc, pati nang timbang dalauang pisongmanticangbago nangbaboy,sampon nang timbang saicaualong trementina de Venecia. Itong tatlong bagay babayuhin nang babayuhin nang mahabang panahon hangan sa maguing ungüento, at hangan di maaninao muntiman ang mercurio.

Nota.Itong gamot na ito ay bibilhin sa botica. Ng̃uni sapagca cun minsan, ualang masugo sa botica, ay marali itong isang ungüento na isa rin ang cabagsican. Ang timbang pisongmercurio ó azogue,at ang timbang tatlong salaping manticang bago nang baboy, sampon nang timbang isang salapingsebonangbaca ó tupa, ósacalabaoman, bayuhing maigui hangan sa di maaninao ang mercurio. Itong isang ungüento,i, magagaua mo sa bahay, cun icao mayroon nang ing̃at na mercurio, na yao,i, mura cun bilhin sa botica.

Cun gagaua ca nangextractonang anomang damo, ó balat nang cahoy, etc. ay gayon ang paraan: Yaong damong yaon, ó ang balat nang cahoy na cucunan nangextracto(ang balat nangditasa halimbaua) lulutuin mo sa palioc sa tubig, bago hang̃uin doon ang balat, capag naluto nang maigui. Saca huhulugan mo uli yaong ding tubig nang ibang balat nangditarin, na lulutuin para noong una. Hahang̃uin mo naman itong ibang balat, at iba pa ang iyong lulutuin doon din sa dating tubig Saca pababayaan mo sa mahinang apoy ang palioc, hangan sa maiga ang lahat na tubig. Pagca yari na yaon, at malamig na ang palioc, ay iyong alisin ang natira sa ilalim, at itago mo sa botellang may taquip na daluro, sapagca yaon angextracto.

Nota.Cun baga ang iyong cucunan nangextractoay damong malata,t, matubig ay bayuhin mo muna,t, pigain, at ang gata noon ay isama mo sa tubig, at lutuin sa palioc sa mahinang apoy, hangan maiga ang tubig para nang uica cong una.

Cun gagaua ca nang pinang̃ang̃anlangpiedra de culebra,ay ang isang sung̃ay nangusaidoon mo sa horno nang tinapay, hangan sa masunog at umitim; at cun yao,i, napuputol na nang camay, magaling ang pagcasunog. Cun ibig mo naman, ay tabunan mo nang maraming ipa nang palay ang sung̃ay nangusa,at pagca namatay ang apoy at malamig na ang lahat, alisin mo ang sung̃ay, at iyong basaguin. Saca gagauin mong mang̃a caputol na mumunting ganga saicapat ó cahati calaqui, na quiquiquilin mo, ó papaguihin mo, nang pumantay ang isang muc-ha, at nang luminis at magca hichura.

Ang timbang saicaualong ugat nangcontrayerba(dusu ó dusug ó guisol) at ang timbang labingdalauang butil na palay nangingo(asafétida) sampon nang ualo capatac nang gata nangdayap,ay dicdiquin mong casama nang timbang saicaualongbulaclac nang alagaoat cauntingazúcar,yaonbagang inaacala mong maniniya, nang maboo ang lahat na binayo. Itong gamot na ito,i, minsanang lonoquin nang maysaquit.

Ang timbang dalauang piso nang laman nang bung̃a nangsampalocilalahoc sa isang tagayang tubig na cungmuculo pa, at pag malamig lamig na ang tubig, ay sasalain. Cun ualang bung̃a nangsampaloc,ang isang dacot na malaqui nang mang̃a dahon nang cahoy na-aari rin, cun lutuin sa dalauang tagayang tubig hangan sa maiga ang calahati.

Ang pag-gaua nang pinang̃ang̃anlan dito sa Filipinas nalimonada ó cajeladaay gayon: Ang gata nang dalaua ó tatlong dayap isinasama sa isa ó sa dalauang tagayang tubig, at dinoroonan nangazúcar(ó pulot man cun ualang azúcar) nang tumamis. Gayon din ang pag-gaua nangcajelada;dalandan lamang ang gagamitin.

Ang timbang anim na butil na palay nangtártaro eméticotutunauin sa sangpouong tazang tubig. Ang maysaquit ay paiinumin muna nang isang taza lamang; at cun hindi sungmuca siya cun malauon lauon, ay saca big-yan pa sìya nang isa pang taza, at atuhin cun susuca na caya. Cun hindi rin sungmusuca, ay isa pang taza ang ibibigay hangan sumuca. Cun ang maysaquit ay sungmuca nang macaapat ó macalima, ay houag nang ipainom sa caniya ang ibang tubig na natira. Bucod dito,i, cailang̃ang pacatandaan nang mangagamot, na pag ang maysaquit ay sungmusuca na, ay capilitang totoo na big-yan nang tubig na malacuco, nang houag mahirapan siya nang pagsuca; maigui rin ang tubig na pinaglagaan nang manzanilla.

Nota.Itong pasucang ito,i, bibilhin sa botica datapoua hindi lubhang bagay sa tagalog. Hindi sucat pasucahin ang lungmulura nang dugo, ang linuluslusan, ang mahina ang dibdib, ó ang totoong mataba ang catauan, ang binubusan nang dugo, ang napainom na nang pasuca at hindisungmuca, ang babaying pinananaugan ng̃ bouan, ang buntis, at ang bagong nacapang̃anac. Yaong mang̃a maysaquit na yaon ay magaling purgahin sa pasucahin.

Nota.Cun ualang mapagquitaan nangtártaro emético,na-aari ang pinang̃ang̃anlangpacupis, ó taboboc, ó salagsalag, ó pocotpocot,(coloquíntida, ó pepinillo de san Gregorio.)

Ang timbang ualong butil na trigo, ó palay noong tilapocotnang damong yaon, ay ibinababad sa apat na tazang tubig hangan sa matapos ang pagdarasal nang isangAma namin,at saca itinatapon yaon ding ibinabad; ang maysaquit ay paiinumin nang isa nang isang taza, at hindi ipinauubos doong minsanan ang apat na taza, maca hindi cailang̃an sa caniya ang gayong carami. Ang gaua nang iba,i, sa isa lamang tazang tubig ibinababad angsalagsalag;saca dalaua nang dalauang cuchara cun inumin.

Ang mangagamot ay mag-iing̃at sa caniyang bahay noong tila pacot nang pacupis, nang may magamit, cun mayroong pasusucahing tauo; sapagca yao,i, totoong galing na pasuca.

Nota.Cun baga napacatapang ang pasuca, at ang maysaquit ay lumulubha dahilan doon, ay gagamutin para nang turo sa párrafo 445.

Ang timbang tatlong pouo at limang butil na trigo nangipecacuana ó bejuquillo,ay ilalagay sa calahating tazang tubig, at ipaiinom sa maysaquit.

Nota.Cun ualangipecacuana,ang ituturo co ng̃ayo,i, na-aari, at totoong buti.

Ang balat nang cahoy na pinang̃ang̃anlangiguioóaguiotimbang saicaualo. Ang balat nangiguio,ay ibinibilad muna sa arauan, bago bayuhing maigui, at paraanin sa sinamay na pino. Itong pasuca,i, bagay sa lalaquing matanda,t, malacas. Cun uala pang labing ualong taong edad ang maysaquit, ay binabauasan nang caunti ang saicaualo; at cun uala pang sangpouong taon, ang timbang calahating saicaualo,i, babauasan pa mandin nang caunti. Sa batang may tatlong taon sucat na roon ang sa icalabing-anim na bahagui nang isang saicapat, ó ang halagang isang cuarta.

Nota.Cun baga napacatapang ang pasuca, at ang maysaquit ay lungmulubha gaua noon, ay gagamutin agad para nang turo sa párrafo 445.

Ang parapit na guinagamit sa castila ay gayon: Ang timbang pisonglebadura,i,sinasamahan nang cauntingsuca,sampon nang timbang isang salapingcantáridasna yao,i, catulad nang lang̃ao na malaqui na pinang̃ang̃anlang bang̃iao. Ng̃uni ang ugaling gamitin nang mang̃a mangagamot dito sa Filipinas, ay ang bot-o nangmostazana canilang binabayo muna bago samahan nangbauang at asin,sampon nang cauntingtinapay.Sa mang̃a bata, sapagca manipis ang balat, ay sucat na roon anglebadurangpanis at ang cauntingsuca.

Nota.Magagaua namang parapit ang dahon nangzapote prieto,ang ugat nang malungay, ang ugat nang sangdicquit, ang dahon nangapoyapoyan,ang dagta nanghaviliat ang iba pa.

Ang dalauang dacot nang talbos nangajenjosat ang isa pang gayon nang talbos nangmanzanilla,i,ihuhulog sa tatlong tagayang tubig na cungmuculo pa; saca pinababayaang lumamig bago salain.

Ang timbang saicaualong ruibarbo at ang isang gayon dingcrémor.

Ang timbang tatlong bahaguingcrémorat ang timbang saicapat naipecacuana, ó bejuquillo,ay hahaluin capoua, at gagauing anim na bahagui.

Nota.Cun ualangipecacuana,i,magagamit ang balat nangiguio ó aguiotimbang saicapat, na isasama sa tatlong bahaguingcrémor,at gagauing anim na inom. Basahin mo ang aquing sinabi sa número 35, na bagay sa balat nangiguio.

Ang timbang tatlo ó apat na pisong tubig nangapog(ayon sa turo sa número 79) ay sasamahan nang timbang isang salaping tubig na pinaglagaan nangquina(Dita.)

Nota.Sa saquit na lagnat nasucab,ang tubig sa dita sasamahan nang dalauang cucharang alac sa misa. Hindi casangcapan dito ang tubig sa apog.

Ang timbang saicaualo nang ugat nangcontrayerba(dusu, ó dusog, ó guisol) at ang ga sangpouo capatac nang gata nangdayap,ay babayuhin mong casama nang timbang saicaualong bulaclac nangalagaoat cauntingazúcar;saca bobooin mo ang lahat, at minsanang ipacain sa maysaquit.

Nota.Cun mayroongalcanforang timbang sangpouong butil na palay noon, ay ihahalili sa gata nangdayap,sapagca maigui pa sa roon.

Ang balat nang ugat nangtimbang̃an, ó malaube ó timbangtimbang̃an(aristoloquia) babayuhin nang babayuhin, at sasamahan nang caunting jarabe nang balat nangdalandan ó cahel.Ang timbang calahati noon ay isang inom. Ito,i, isangpinaca triaca.

Ang timbang isang salapingmercuriongtunay, at ang timbang isang salapi ring pulot ay babayuhin capoua, hangan di maaninao ang mercurio, bago lag-yan pa nang timbang cahatingsabón castilaat tinapay. Saca maghuhulog ca pa mandin doon nang timbang pisongruibarbongbinayo, at cauntingjarabenangazúcarlamang at tubig, bago yaong lahat na bagay na magcalahoc ay gauin mong mang̃apíldorasó pelotillas, na ang timbang nang baua,t, isa,i, limang butil na palay. Cun ibig mo ang matapang pa sa roo,i, damihan mo angmercuriohangan maguing piso ang timbang. Ito,i, turo ni Buchan.

Nota.Hindi sucat gamitin ang jabón sa castila na hindi maputi.

Ang ungüento sa galis ay gayon ang paggaua: ang isang dacot na malaqui nang dahon nangmanquit,at ang isa pang dacot nang talbos nangpapayasampon nang isa pa namang dacot nang dahon nangapaliya,ay lulutuin mong maigui sa calahating gatang nalang̃is ó lana.Saca sasalain at lalag-yan mo nang timbang pisong pagquit, bago isaoli mo sa apoy, at pagcatunao na ang pagquit ay huhulugan mong mamaya-maya nang timbang apat na pisongazufreng binayo.Itong ungüentong ito,i, madaling macauala nang galis.

Nota1. Cun ualangazufre,ang iyong gagauin ay itong isa. Maglaga ca sa palioc nang dahon nanglimalima ó galamay amo:at yaong tubig na yaon cun malamig na, ay saluquin mo nang tabo, ay iyong ibuhos sa galis, at pabayaang mabubo, nang houag mong ibuhos uli ang minsang umanod doon. Ang galis ay bubucal nang malacas; datapoua mauauala, cun gauin mo yaong ilang arao, ayon sa turo ni Clain.

Nota.2. Ang isang gamot naman, na totoong galing sa galis, ay gayon: Angtimbang apat na pisong dahon at sang̃a nang damong pinang̃ang̃anlangsangdicquitay ilaga mo nang isang oras calauon sa apat na botella at calahating tubig, sampon nang timbang apat na piso rin dahon nangculutan,at siya ang ibabasa mong mainit-init sa galis, na macalaua maghapon, pag pinurga muna ang maysaquit, at sa loob nang ilang arao ay mauauala ang galis.

Ang ungüento sa buni gagauin mo nang gayon: Magtunao ca sa cauali nangpagquit at sahing,at pagca tunao na,i, hulugan mo nang azufreng binayo.

Nota.Magaling din angsahing na maputina sinamahan nang pulot. Itong lahat ay turo ni Clain. Ng̃uni ang ungüentong turo ni Tissot ay ito. Magtunao ca sa cauali nang timbang pisong pagquit; pagcatunao ay hulugan mo nang ilang capatac na lang̃is, at yari na ang ungüento. Ang isang caputol na damit na lienzo,i, ibabad mo dito, at yaon ang itatapal mo sa buni.

Ang pag-gaua nang pinang̃ang̃anlang ungüentoamarilloay gayon: Magtunao ca sa apoy nangsahing na maputi, pagquit na dilao, sebo nang baca, lana at manticana magcasingdami ang lahat. Pagca tunao na yao,i, hulugan mo nang binayong ugat nangdilaona ang timbang noon ay ang sa icapouong bahagui nang ibang mang̃a bagay. Ito,i, turo ni Clain.

Ang timbang pisongsal de sedlitz,at ang timbang dalauang pisong laman ng̃ bung̃a nangsampaloc,ay ilalaga sa calahating tagayang tubig; pagca tunao na angsampaloc,sasalain. Ito,i, dalauang inom, na ang pag-itan nang isa,t, isa,i, calahating oras.

Nota.Cun ualangsal de sedlitzangsampaloclamang ang gagamitin.

Ang ualong pouong patac nangláudano líquido de Sindenham,at ang timbang limang salaping tubig satorongil(maliana ó mayana). Itong gamot ay bibilhin sa botica. Ang isang cuchara,i, isang inom.

Nota.Cun baga nauauala ó hungmihina na ang pagsuca nang maysaquit nang mapainom siya noong minsan ó macalaua, ó macaitlo, ay itahan na ang pagpapainom noon.

Ang timbang tatlong pisongmaná,sampon ng̃ timbang dalauang puong butil na palay nasalitre,tutunauin sa isang tagayangsueronang gatas.

Ang paraan nang pag-gaua nangsueronang gatas ay gayon: Ang dalauang tagayang gatas nang vaca, ó cambing ó tupa, ilagay sa palioc sa mahinang apoy at huhulugan ng̃ isa ó dalaua, ó tatlong cucharang sucang matapang, ó gata nangdayapcun ualangsuca;pagca hungmiualay na ang lalong mabigat, at napailalim, sasalain ang lahat sa sinamay at yaong tubig na malinao linao, dungmaraan sa sinamay yaon ang pinang̃ang̃anlangsuero.

Ang timbang saicapat naruibarbongbinayo.

Ang timbang pisongazufrengbinayo, ang timbang saicapat nasal amoniacosampon nang timbang dalauang pisong manticang bago nang baboy babayuhin maiguing maigui sa babay-an ó sa luzong.

Cun mayroong maysaquit na pasisipsipin nang sing̃ao nang mainit natubig ó suca,ang casangcapang gagamitin doon sa gauang yaon, ay gayon: Cun mayroong sisidlang may suso, para nangticuan ó charera,ay yaon ang maigui sa lahat. Cun uala,i, na-aari ang isangtabong cauayan,na binubutasan sa taguiliran sa dacong itaas, nang masootan doon isang caputol na cauayang munti, na munti rin ang butas, na, yaon ang ipapasoc nang maysaquit sa caniyang bibig, nang macasipsipsiya nang sing̃ao nang mainit na tubig na isisilid sa tabo.

Ang tubig ay hindi pina-aabot doon sa butas nang taguiliran, maca magpatuloy sa bibig nang maysaquit ang mainit na tubig.

Ang tabo,i, tinatacpan naman nang isang sinamay na madalang. Ang pagsipsip nang mainit na tubig, ay sucat pagpilitang gauin, sapagca malaqui ang cabagsican noong gamot na yaon, at ang isa pa ay ualang liuag gauin.

Ang timbang pisonglibao,ó nang pinagquiquilan nangbacalna ualang patalim na inag-ag sa sinamay na masinsin, at ang timbang piso ringazúcar,sampon nang timbang isang salapinganísna bayong maigui, ay gagauing dalauang pouo at apat na bahagui; ang isang bahagui ay minsang lonoquin. Ang maysaquit isang oras bago cumain cun umaga, cun tanghali, at cun gab-i, binibig-yan nang isang bahagui.

Ang timbang isang salaping pinagquiquilan nangbacalna ualang calauang; ang isang calahating dacot nangrudaat ang isa namang calahating dacot nangmatricaria(rosas del Japón) sampon nang timbang cahatingjalapa (bulacan sa Cebú)ibabad na maghapon at magdamag sa isang tagayangalacsa misa, bago salain. Iinomin nang maysaquit ang calahating tazang mahiguit, isang oras bago cumain cun umaga, cun tanghali, at cun gab-i.

Ang timbang dalauang pisong pinagquiquilan nang bacal, at ang timbang isang salapingrudangtuyo, sampon nang timbang isang salapi ringanís,na binayong maigui, ay isasama sa cauntingpulot; ang timbang tatlong bahagui noon ay lolonoquin nang maysaquit maghapon. Ang timbang saicapat minsang lonoquin.

Ang timbang pisong píldoras nangextractonangcicutana bibilhin sa botica. Ang maysaquit ay pinalolon-oc muna nang timbang tatlong butil na palay noon; quinabucasan nang umaga, ay binibig-yan nang timbang tatlong butil; saca arao-arao, cun hindi nacacasama sa caniya yaong gamot na yao,i, dinaramihan nang caunti, hangan sa siya,i, macalon-oc nang malaqui sa loob nang isang arao.

Nota.Sapagca dito sa Filipinas ualang cicuta, ay magaling gamitin ang pinang̃ang̃alangtalampunay(metel) sapagca ang uica nang mang̃a marurunong, na totoong galing yaon sa mang̃acancro.Caya ng̃a yata,i, maiguing gauin ang isusunod co dito ng̃ayon: Ang dahon nang talampunay na maputi, (yaon bagang talampunay na hindi morado) babayohing maigui, at gagauing pelotillas ó píldoras na malaqui pa sa balatong (mongo.)

Cun aayao cang tumimbang nang ibibigay sa maysaquit, ang isangcahating pilacidoon mo sa ibabao nang isang dahon, nang talampunay at putulin mong palibot.Ang lapad nang isang cahati ay ualong butil na palay ang timbang.

Ang pag-gamit nitong gamot na ito,i, ualang liuag. Ang isang pelotilla noon ilagay mo sa isang cucharang tubig na malamig, at ipalon-oc mo sa maysaquit; houag lamang palonoquin nang marami noon ang maysaquit, sapagca itong damong ito,i, matapang pa sacicuta.Ang cagaling̃ang ipalon-oc sa maysaquit sa unang arao ay ang timbang ualong butil na palay. Cun hindi nacacaano sa caniya yaon ay big-yan nang timbang labingdalauang butil; at cun hindi rin masama sa caniya yaon ay damihan arao-arao, para nang guinagauasa cicuta,hangang sa siya,i, macalon-oc maghapon nang timbang saicapat, ó nang caniyang macayanan. Datapoua pagca ang maysaquit ay pinalon-oc nang talampunay, sa loob nang isang lingo, ay itinatahan muna itong gamot na ito, at cun nacalalo ang ualong arao ay itinutuloy para nang dati. Caya guinagaua ito nang houag mamihasa ang sicmura, doon sa gamot na yaon. Angtalampunayhindi nacacaano sa sicmura, at hindi rin nacacaibay; houag lamang ng̃uyain, cundi boo cun lonoquin. Itong gamot ayaquing guinagamit na parati sa aquin ding catauan, sapagca namasdan cong magaling sa binabalingtamad.

Nota.Itong gamot hindi sucat gamitin nang babaying buntis.

Ang timbang pisong ugat nanggrama(cauacauayan) at ang timbang piso rin ng̃ ugat nangchicoria(dilang usa) lulutuing sumandaling oras calauon sa isang tagayang tubig. Itong tubig na ito,i, huhulugan ng̃ timbang isang salapingsal de sedlitz,sampon nang timbang dalauang pisongmaná.Pagca tunao na,i, sasalain, at touing dalauang oras iinumin nang maysaquit ang isang taza. Cun nacarang ang dalaua ó tatlong arao, ay inuuling guinagaua yaon din.

Ang laman nang tinapay at ang bulaclac nangmanzanilla,ay babayuhin mong may casamanggatas,bago lag-yan nang timbang saicapat nasabónsa castila sa baua,t, isang tapal. Yaong tapal na yao,i, papaltang macaapat maghapon nang ibang bago.

Nota.Maigui rin ang tapal nangcicuta,na cun bibilhin sa botica, ang hihing̃in doo,i,emplasto de cicuta.Ng̃uni madali namang itapal ang isang caputol na dahon nang talampunay na yaon ay casing galing nang cicuta, ayon sa turo ni Linneo.

Ang cicutang tuyo ay isisilid sa isang unan, ó supot na munti; saca lulutuing sumandaling oras calauon sa tubig, bago pigain at itapal. Touing icalauang oras inaiinit uli doon din sa tubig na yaon.

Nota.Sapagca dito sa Filipinas ualangcicuta,ay iyong gamitin ang dahon nang talampunay, at sundin ang lahat na bilin sa númerong ito.

Ang timbang cahati nang taquip nangsihi,na ang pang̃alan doo,i,bouanbouanan,at ang timbang apat na butil na palay nangcanela,ay gagauing ualong bahagui. Ang isang bahagui noon ay inihuhulog sa isang cucharang may lamang gatas ó tubig, at ipinaiinom sa bata bago sumoso.

Nota.Ang taquip nangsihiibinababad muna nang malauon sa tubig sa ulan, na arao-arao pinapaltan nang ibang bago; saca binabayong maiguing maigui sa babay-ang bato, at inaag-ag sa sinamay na masinsin.

Ang pag-gaua nang ungüeento nanghagonoyay gayon: Bumayo ca nang dahon nanghagonoy,na maminsan minsan papatacan mo nanglang̃is ó lana;saca magtunao ca nang caunting pagquit, at pagca tunao na,i, ihuhulog mo roon yaong binayo monghagonoy,at yari na ang ungüento.

Ang ungüento nangllanten(lantin,) ay gayon din ang pag-gaua.

Nota,Cun baga sugat ang tatapalan ay hindi cailang̃ang doonan nang pagquit anghagonoy.

Gumaua ca nang isang tazang jarabe nangchicoria(dilang usa) bago samahan mo nang timbang calahatingmaná.Ang bata,i, pinaiinom na maminsan minsan nangcalahating cuchara noon. Cun ang bata,i, mayroong dalauang taon, ay dinarami damihan ang ipinaiinom doon.

Bumayo ca nang timbang cahatingalbayaldengcasabay nang timbang isang salapingsuca,sampon nang tatlong cucharanglang̃is ó lana.Ang pang̃alan dito aynutrido;at ang timbang piso noon ay isasama mo sapulanang isangitlog,at cun malaqui angitlog,ay sa calahati lamang.

Magtunao ca sa apoy nang timbang apat na pisong pagquit na maputi; pagca tunao na,i, hulugan mo nang isang cucharang lang̃is. Dito sa guinaua mongungüento,ay magbabad ca nang ilang caputol na lienzong luma, at patuyuin mo, na yaon ang itatapal sa may saquit.

Nota.Sa saquit na almorranas, capítulo 41, ay bagay naman itong isang pinaca ungüento. Maghulog ca sa isang botella nang isang tazanglanaat bung̃ang hinog nangapaliya(amargoso) na aalisan mo muna nangbot-o; ibilad mo sa arao ang botella nang isang lingo calauon, bago salain at itago sa botellang may taquip.

Ang pinang̃ang̃alangungüento blancoay gayon ang paggaua: Ang timbang dalauang pisonglang̃is,at ang timbang cahatingpagquitna maputi, tutunauin sa apoy. Pagca tunao na, ay budburan mo nang timbang pisongalbayalde,at haloing parati, bago doonan mo naman nang timbang cahatingsucaó timbang cahati pa nang gata nangdayap,cun ibig mo. Pagca halo nang maigui, ay itago mo sa botellang may taquip na daluro, ó ibubu mo sa papel.

Cun magaling ang panahon ay hanapin mo yaongcolatcolat,ó tila cabuting tungmutubo saalibangbang,ó sa ibang mang̃a cahoy. Ang unang balat noong tila cabuti, ay inaalis nang matalas na sundang. Yaong ibang natitira,i, binubugbug ó pinapalo nang cahoy, hangan lumambot. Ang isang caputol nito, ay yaon ang itatapal sa mang̃a sugat nang maampat ang dugo.

Ang timbang apat na pisong laman ng̃ tinapay, at ang dalauang dacot nang bulaclac nangalagaosampon nang isang dacot namanzanilla,ay lulutuin hangang lumapot sa tubig, na ang calahati ay suca.

NotaNa-aari namang tapalan ang casangcapang masaquit nang mang̃a basahang babad doon sa tubig na pinaglagaan noong mang̃a gamot na yaon.

Nota.Sa saquit na sinaysay sa párrafo 272, ay magaling ang dalauang dacot naruda,ang isang dacot at calahati nang bulaclac ó dahon nangromero,at ang isang gayon ding bulaclac nanggumamela,na lulutuing maigui nang sumandaling oras calauon sa tatlong tagayang alac sa misa sa palioc na may taquip; bago pigain nang malacas. Dito sa alac na ito ay ibabad mo ang mang̃a damit na basahan na itatapal sa maysaquit. Cun baga mayroong nasactan na casucasuan, yaong iniluluto mongruda, romeroatgumamelaay samahan mo nang caunting cicuta ótalampunay.

Ang emplastodiapalma,na bibilhin sa botica.

Nota.Itong ungüento,i, tutunauin muna sa caunting lana, bago ilatag sa sugat na sinasabi sa párrafo 297.

Ang dalauang babaguing tubig at ang isang bahaguingvinagredelitargiriona bibilhin sa botica.

Ang timbang pisong ugat nanggrama(cauacauayan) at ang timbang isang salaping ugat nangchicoria(dilang usa) lulutuin sa tatlong tagayang tubig, hangan sa maiga ang isang tagayan; saca sasalain at doroonan nang timbang cahatingsalitre.

Ang timbang isang salapingcebolla albarrana(bacong) ibabad sa dalauang tagayang alac sa misa.

Ang isang dacot nang talbos nangalagao,ay samahan mo nang lasona, bago lutuin at ipacain sa maysaquit cun gab-i. Ito,i, gagauing ilang arao. Ito,i, turo ni P. Santa María. Datapoua mayroong maysaquit na hindi napupurga noon.

Ang timbang dalauang pisongajenjos,at ang timbang pisong ugat nangtagbac,(cálamo aromático) sampon nang timbang pisong bot-o nangdamoro(anís de la tierra) ibabad na maghapon at magdamag sa tatlong tagayang alac sa misa, sa palioc na may taquip sa gaboc na mainit.

Ang timbang dalauang pisong ugat nang chicoria (dilang usa) na tatadtarin muna, ay lulutuin sa tatlong tagayang tubig hangan maiga ang isang tagayan. Saca sasalain, at doroonan nang timbang cahati nangsal de Glaubero,na bibilhin sa botica.

Ang timbang pisong balat nangquinaó cun ualang quina, ang timbang isang salapingditana babayuhin muna, at ang timbang cahati nang ugat nangmalaubiótimbangtimbang̃anay lulutuin sa tatlong tagayang tubig, hangang sa maiga ang isang tagayan. Saca sasalai,t, doroonan nang timbang saicapat na salitre.

Ang timbang saicapat nang ugat nangcebolla, albarrana(bacong) ay patutuyoin muna, ayon sa turo sa número 8, bago bayuhing maiguing maigui, at ang timbang sa icaualo nang ugat nangtimbangtimbang̃anna babayuhin ding maigui, ay hahaluin capoua, at ang maysaquit palolonoquing macaapat maghapon nang timbang anim na butil na palay noon sa isang cuchara, na may alac sa misa.

Ang timbang isang salaping sabóng maputi sa castila, at ang timbang saicapat nang ugat nangbacong,(cebolla albarrana) na pinatuyo muna at binayong maigui, ay sasamahan nang caunting jarabe ng̃culantrillo,at gagaua ca nang pelotillas ó píldoras na ang timbang nang baua,t, isa ay sampong butil na palay.

Ang timbang labing anim na pisongapogsa bato ó sa cabebe, na bagong yari ay bubusan nang labing anim na tagayang tubig. Saca hahaluin mong magaling at papagtining̃in bago salain sa papel sangley. Maiinom maghapon ang isa ó dalauang tagayan noon tubig na yaon.

Nota.Itongtubignangapogcun pagbabaran nang timbang dalauang pisong dahon nangsaga,ay mabuti ring lalo cun minsan.

Ang timbang isang salaping balat nangdita(ó cun mayroongquinaang timbang piso noon) na babayuhin muna, at ang timbang cahati nang ugat nangtimbangtim-bang̃an,lulutuin sa tatlong vasong tubig hangang sa maiga ang isang vaso. Saca sasalain bago hulugan nang calahating tazang suca, ó gata nangdayapócahel.Itong gamot na ito,i, uubusing iinumin nang maysaquit sa loob nang isang arao.

Ang ugat nang valeriana pati nang catauan ay ibilad mo sa arauan. Pagca tuyo, iyong bayuhin at paraanin sa sinamay. Maiinom maghapon nang maysaquit ang timbang cahati; datapoua ang hindi pa bihasa doon houag painumin ng̃ ganoon carami; sucat na roon muna ang timbang saicaualo ó saicapat. Itong polvos ay isinasama sa tubig na malacuco. Cailang̃ang ituloy gauin itong ganitong gamot nang mababang panahon. Ang pang̃alan nang tagalog doon sa damong yaon ayanisanisan, sapagca ang bot-o noon ay tila bot-o nanganis.Ang damo,i, cungmacalat sa lupa, at ang puno,i, mapulapula.

Ang mang̃a isusunod co dito ng̃ayon ay maipupurga rin sa mang̃a maysaquit. Angcañafístulana inaalisan muna nang laman ang bung̃a. Yaong laman niyon ay pinararaan sa sinamay, at ang timbang dalauang piso, ó limang salapi noon, ay ipinaiinom sa maysaquit. Itong purga nangcañafístulabagay sa babaying nacapang̃anac; ang timbang cahati ó tatlong bahagui noon. Ang timbang cahatinghojas de senay ibabad mong magdamag sa tubig, na siya ang iinumin cun umaga.

Ang dahon nangacapulco(timbang cahati) ay ilaga mo sa dalauang tazang tubig sa mahinang apoy; pag naiga ang calahati, salai,t, pigain nang malacas, at yaon ang iinumin nang maysaquit.

Ang isang tazang tubig na pinagbabaran nang timbang saicapat naruibarbo.

Ang timbang dalauang pisongmaná,i,tunauin sa isang vasong suero nang gatas.

Ang mang̃a purgang sinabi co ng̃ayon ay gagauin lamang pagca nabibilin dito sa libro.

Decorative motif

Mang̃a, ilang tagobiling patungcol sa mang̃a gamot na ipinagbibilin dito.

1. Tungcol sa pagsasangra, sa pagpupurga at sa pagpapasuca sa mang̃a maysaquit, ay babauasan nang caunti ang mang̃a nauutosdoon sa libro, dahil sa cahinaan nang catauan nang tagalog.

2. Caya ang timbang saicaualonghojas de sen,na bilin sa número 21, ay houag nang bayuhin; cundi ihulog mo lamang sa isang tazang tubig na cunmuculo pa; at pag malamig lamig na,i, doon sa tubig na yaon ihulog mo angjalapaat angcrémor.

3. Gayon din angsalagsalag,na nadoroon sa número 34 ay sucat ang ibabad sa tubig hangang nagdarasal ca nang isangAba Guinoong Maria. Angiguiosa número 35 naman ay sucat na sa maysaquit na malacas ang timbangsaicaualong mahiguit higuitnoon. Datapoua mayroong tauo, na nacainom nang timbang saicapat, cun siya totoong lacas nang catauan. Angsampalocnúmero 47 ay houag palaloin sa timbang dalauang piso, cundi maliuag mapurga ang maysaquit.

4. Ang extracto nangtalampunayna bilin sa número 57 ay sucat na ang timbang dalauang butil na palay noon sa caunaunahang inom saca cun malauon at ualang nararamdamang masama ang maysaquit, ay bago painumin siya nang marami rami noon. Datapoua cun hindiextractocundi ang dahon ang babayuhin pagcaraca ay maiinomnang maysaquit ang timbang ualong butil na palay noon. Ang talampunay hindi sucat igamot sa babaying buntis.

5. Touing nabibilin doon ang alac sa castila yao,i,alac sa Misaang cahulugan, at hindi aguardiente.

6. Angsabongcastila (jabón) na cun minsan nauntos sa libro, yao,i, ang sabóng maputi, sapagca ang may ibang color, ay masama.

7. Sa mg̃a párrafo 445 at sa 517 yaon lamang nabibilin sa pinurga nang malacas ay anglang̃is sa castila.

Decorative motif

Libreria at Papeleria ni J. Martinez

Libreria at Papeleria ni J. Martinez

Libreria at Papeleria ni J. Martinez

Libreria at Papeleria ni J. Martinez


Back to IndexNext