Decorative motif
De las sucedáneos ó equivalentes puestos en este Tratado en lugar de los que trae Tissot en su Obra.
Asclepias. En Filipinas he visto muchas especies de Asclepias, pero no me he atrevido á proponer ninguna de ellas por las razones que se pueden ver en Rozier. En su lugar he puesto la Aristoloquia que supone Tissot ser sucedáneo.
Borraja=(Sigang dagat). Esta planta, nombrada así por el indio, es borraja verdadera; pero no la de España. Es muy pelosa y de mucho jugo; las hojas muy tiernas se pueden comer cocidas. Es la llamadaBorago indicapor Linneo.
Cálamo aromático=(Tagbac). Esta planta es bien conocida de los naturales. En los libros del país pasa porcálamo aromático; pero no lo es sino laRenealmiade Linneo. Aunque no es elcálamo, no puede ser dañoso su uso, como lo está indicando su olor, y por ocupar en la naturaleza un lugar entre eljengibrey otras plantas semejantes; y aún puede ser mejor que el mismo cálamo.
Cebada=(Arroz en cáscara). Así lo previene Clain y Tissot; y una esperiencia continua me ha enseñado ser un equivalente excelente, á lo menos para los indios.
Cerrajas=(Tagolinao). Así se halla escrito en los libros del país; pero eltagolinaono es especie deSonchus, sino otra cosa distinta. Sin embargo sin el más mínimo recelo puede tomarse interiormente, como lo acredita la misma experiencia.
Chicoria=(Dilang usa). Los indios, llamandilang usa, sigang dagatytabacotabacohanuna planta cuyas hojas están pegadas á la tierra, pero la caña de las flores sube derecha. Otros llamansigang dagatá una especie de borraja, y así se ha de entender en este libro.Dilang usano es chicoria; pero se puede tomar interiormente sin riesgo alguno; sus hojas se comen cocidas. (Clain no llamadilang usaá la chicoria, sinosigang dagat, y así debe enmendarse lo dicho en la primera impresión).
Quina=(ObatóMacabuhay). La quina es una especie deSmilax, y también lo es elobat: elmacabuhayes una especie de Menispermo; pero por ser ya usadas consuceso en Medicina y conocidas en las islas estas dos plantas, las he puesto en lugar de la quina, que es difícil adquirir lejos de Manila.
Cicuta=(Talamponay). En Filipinas yo no sé que es la Cicuta; á lo menos yo no la he podido encontrar. En este supuesto y siendo indispensable poner un equivalente de ella en este tratado para la curación del Cancro, observé que en la disertación de Linneo intituladaMedicamenta Graveolentia, se propone para aquel caso laDaturade la cual es una especie la que los indios llamantalamponay. No era suficiente el que yo la propusiese; era demás necesario señalar la dósis. Para esto empezé á experimentarla en mi mismo, empezando por cantidades muy pequeñas. De este modo he llegedo á tomar en un dia y de una vez sola el peso de una dracma ó de un real de las hojas: y si alguno acostumbrado ya á su uso, quiere tomarla dos veces al dia, mucho más habiendo motivo grande para hacerlo, no dudo que podrá tomar más del peso de un real. Lo que he experimentado, pues, en mi mismo es lo siguiente: 1.º Se ha de usar deltalamponayverde, que nace de suyo encualquiera parte, y cuya flor es blanca, y no del morado que suelen plantar los indios en sus casas, pues usan exteriormente de sus hojas, aplicándolas á los abscesos ó apostemas en el principio para repeler, cuya virtud tienen efectivamente. 2.º La hoja verde (después de pesada la cantidad) se muele simplemente en una taza de loza con un palito pequeño, y se hace píldoras, como guisantes de grandes de modo que se puedan tragar fácilmente enteras, echando cada una en media cucharada de agua fria. 3.º Es malo masticar la hoja; pues de este modo, aun una cantidad de ocho granos de trigo causará vahidos de cabeza: es, pues, necesario hacerla píldoras ó pelotillas como he dicho, y tragarlas enteras; de este modo nada malo absolutamente se advierte ni se siente, y se puede tomar una cantidad grande; pero siempre es preciso que el enfermo empieze por poco, y que aumente todos los dias la dosis, mientras no sienta alguna novedad. 4.º En algunas indisposiciones del estómago es un remedio eficaz y pronto, y establece un órden admirable en las funciones de aquella víscera y de los intestinos, abre el apetito, provoca una traspiración muy suave, proporciona un sueño regular y tranquilo, y me parece también (aunque no lo puedo asegurar todavía de cierto) que calma al momento los dolores reumáticos. 5.º Algunos indios, y aún algunas mugeres, lo han tomado del mismo modo, y han sentido sus buenos efectos. 6.º Los dolores del cancro los calma seguramente, aunque ignoro si el largo uso de las píldoras podrán causar la curación entera de este mal, pues mis observaciones no llegan más que hasta este punto. Despues de la impresión primera de este libro he logrado ver un ejemplo pasmoso de la vida de esta planta. Una muger casada del pueblo de Bauang habia perdido las partes interiores de la nariz con una llaga pésima, que se iba extendiendo. Por de fuera no se notaba sino que la nariz se iba hundiendo hacia abajo. La enferma no podía andar sin mucho trabajo, por que con el movimiento se estremecia la llaga, y le causaba mucho tormento. En este estado tomó eltalamponay, en píldoras; y aunque en las dos primeras semanas apenas sintió alivio, despues de unos cuatro meses le consiguió tan grande que se curó perfectamente, y vive hoy dia con mucha salud. Fuese cancro ú otra cosa su enfermedad,ello es que sanó del todo. 7.º A falta del Opio y del Laúdano pueden servir dichas píldoras de equivalente muy bueno.
Concluyo que para proponer esta planta no he procedido de ligero, sino fundado en la autoridad de un hombre tan grande como Linneo y en la experiencia. Por tanto en lugar de encargar con Rozier que se procure extirpar esta planta perjudicial, aconsejaré que procure cada uno tener un pié en un rincon de su huerto. Todos saben lo que es el opio, el láudano, la belladona, la cicuta; y sin embargo de llamarse tósigos, son unos medicamentos heróicos tomados en la dosis conveniente: luego la dosis, y no las plantas, es lo que puede hacer daño. Uno que comiese una cantidad excesiva de alimento, tal vez moriria.Vidit Deus cuncta quæ fecerat, et erant valde bona.
ElTalamponayes especie de Datura, y se acerca mucho á la llamadaMetalpor los Botánicos. Las ramas de la planta son dicotomas ó ahorquilladas. La flor es de una pieza muy grande, y se abre por la noche. El fruto está erizado de puntas é inclinado hacia la tierra. Las hojas son lampiñas, de un verde pálido, y con ángulos en las orillas. Sus propiedades son muy raras, y poreso la manda extirpar Rozier.
Por ningun caso deben tomarse sus semillas interiormente para dormir, pues su uso es muy peligroso. Á excepción de las ovejas, que he visto con admiración comen con ansia el fruto, ningun animal toca á esta planta.
Coclearia=(Taquip suso, ó taquip cohol). Esta planta, se ha escrito en el país, que sonberros, y en efecto tiene su sabor, pero en realidad eltaquip susono es sino una especie deHidrocotile.
Contrayerba=(Dusay ó Guisol). Esta planta, tomada interiormente, no puede ser dañosa, sin embargo de que no es la contrayerba como han escrito algunos en Filipinas; pues habiendo yo logrado ver unas flores de ella, he observado que es una especie de Kæmpferia.
Escila=(Bacong). Así Clain en el lugar citado, en donde trae el modo de preparar la raiz. Dos plantas conocen los indios con el nombre deBacong: la una es en efecto laEscila, y ésta es la que se debe usar. Su raiz tiene cascos como la cebolla. La otra planta no esEscila, sino especie deHypoxis. Su raiz no tiene cascos, y no se debe usar de ella. Por esta semejanza en losnombres se dijo en la primera impresión que elbacongno eraEscila. También creo que, además de las dos plantas dichas, hay otra ú otras que el Indio llamabacong.
Espíritu de azufre=(El zumo de limon con miel ó con jarabe de verdolagas). Así se previene en el apéndice de los sucedáneos en la Obra dicha de Tissot: y debo advertir que es un equivalente admirable y digno de usarse.
Hipecacuanha=(Iguío ó Aguío). Entre una gran multitud de plantas que trae Clain en su tratado para vomitar, he escogido eliguíoóaguío, únicamente por requerirse poca dosis. Eliguío, árbol que jamás apreciaremos dignamente, y más conocido en lo antiguo que lo que es en el dia, por lo que me ha enseñando una larga experiencia, es un vomitivo admirable, y en mi concepto específico seguro en las calenturas pútridas. Es una especie deTurrœa. De él hace mil elogios el P. Fr. Ignacio de Mercado, religioso agustino, en un manuscrito suyo. La corteza que es la que se usa, es un poco amarga, y su olor algo desagradable. En Filipinas tenemos la verdadera Hipecacuanha, que es laPsychotria pubescensdeLinneo, pero como por desgracia no es conocida, ¿qué adelantaba yo con proponerla?
Hojas de Sen=(AcapulcoóSontíngóCatanda). Las hojas de Sen son una especie deCassia, de las cuales he visto varias en Filipinas. Exceptuando la Cañafístula, que es una de ellas, las demás purgan poco. El motivo que he tenido para proponer elAcapulco, que es la especieAlatade Linneo, es por ser planta común y conocida, y por que su virtud purgativa es más notable que en las otras especies, aunque tampoco muy grande.
Jalapa. LaJalapa, lashojas de Seny elCremor, que señala Tissot en su excelente purga del número 21, son ingredientes que solamente en Manila podrá encontrar el indio: y así los que viven lejos de la capital, tienen que contentarse con los vegetales purgantes ya conocidos y usados en el país, que son los mismos que se proponen en aquel número como suplentes. Se toman solos, y tambien combinados de diversos modos. Otros infinitos purgantes indígenos con muy varias preparaciones hay propuestos en los libros del país; y ojalá nuestrossabios Facultativos se tomasen el trabajo de analizarlos, y de instruirnos de su uso más ventajoso, en lo que harian una obra muy grata á los ojos de Dios, y de infinito bien para los pobres indios, y aun para todos los que vivimos en las Islas; pues yo estoy íntimamente persuadido á que un suceso feliz coronaria sus esfuerzos.
Malvas=(Colotan). La planta llamada por los naturalescolotan ó colotcolotanno es malva, sino una especie deurena, que tiene una glándula pequeña en la vena del medio en la página inferior de hoja, y es la que Linneo llamaurena multifida. No obstante esto, como pertenece á la familia de las plantas malvaceas, puede muy bien usarse. Además de esto, hay una especie de malva verdadera; pero como el indio no la conoce ni la da nombre, no la he propuesto. También debo advertir que muchas veces toman los naturales por equivocación en lugar delcolotanuna especie deTriumffela; pero por laglándulade la parte inferior de la hoja de que hablé arriba se conoce el yerro. Tampoco están hendidas las hojas de esta otra planta.
Mercurio=(el Mercurio con manteca ysebo en rama). Los Facultativos tendrán mucho que censurar aquí, cuando, en lugar de latrementina de Veneciaque propone Tissot en el número 28, he propuesto el sebo. Pero se han de hacer el cargo de que no siendo en Manila, en las provincias es imposible adquirir aquel ingrediente por falta de boticas y tiendas de semejantes drogas. Aún el mercurio solamente se debe á la piedad del Cura. Por otra parte yo no lo he propuesto más que para la mordedura del perro rabioso; y en esta parte los efectos maravillosos, que he visto con el mercurio preparado con la manteca y el sebo, son los mismos que promete Tissot. Ninguno se ha muerto hasta ahora, aunque han sido algunas docenas los mordidos que se han curado de aquel modo, y uno de ellos acometido ya de los accidentes de la muerte. Es verdad que el sebo tiene el olor fastidioso un poco; pero en Filipinas donde no hay otra cosa mejor (tal vez la habrá, pero nadie se dedica á buscarla), es preciso pasar por ello; mucho más cuando la manteca, manteniéndose fluida siempre por razón del calor, no presenta una materia apta en esta tierra para envolver en si misma al mercurio; pero añadiéndola elsebo se incorpora muy bien.
Orozuz ó Regaliza=(Saga). La planta llamadasaga, conocida de todos, no es elorozuz, sino una especie deAbrus. En las islas se substituye en lugar de orozuz, y por esto tambien yo la he puesto en este libro, pero como las hojas tienen un sabor más notable que la raiz, en lugar de tomar ésta, he aconsejado que se use de las hojas.
Pez(Emplasto de)=(La brea de la tierra). En las toses y otros afectos del pecho, es un equivalente admirable, igualmente que en el Croup de los niños, y aún en el reuma etc.
Quina=(Dita). Laditano es quina: es elEchites scholarisde Linneo. Este árbol precioso es muy conocido y muy común, y lo seria todavía más, si los indios no cortaran por desgracia muchos para hacer artesillas de su madera, que es muy fácil de trabajar. Por una muy larga serie de experimentos, puedo afirmar que es un equivalente admirable de la quina, y tal vez más apropósito para este país. Cuantos elogios pueda yo hacer de sus virtudes siempre serán escasos.
En todas las especies de calenturas, en las ligeras indisposiciones de estómago, en lasAphtas, y en todos los casos en quepuede hacer tendencia á la corrupción, desempeña con perfección las funciones de la misma quina. Se puede administrar si se quiere en la misma dósis y del mismo modo que ella. Á los que tengan recelo de usar de ladita, les diré: que algunas mugeres toman, por consejo de los Curanderos de la tierra, la leche que destila de la corteza herida en algunas enfermedades propias de su sexo. La leche del árbol es cabalmente lo peor que se puede tomar de él: por tanto usando de la corteza despojada de su leche y seca al sol, ninguna sospecha debe quedar de su inocencia.
Algunos dirán, que podia haber propuesto otros amargos que producen las Islas, tales como elMacabuhay, elMacaisa, elManungal, laSumaóAbutra, alCayutana, laPepitadeS. Ignacio, etc. Á esto respondo, que yo no quiero quitarles su mérito á estos amargos y á otros que conozco; digo únicamente que mis investigaciones solamente han tenido por objeto ladita, y habiendo hallado que corresponde perfectamente, á mis deseos, y siendo por otra parte un árbol bien conocido, no me he cuidado mucho de extender misobservaciones sobre los otros.
Debo finalmente advertir que laditaflorece solamente en abril, (á lo menos así sucede en la provincia de Batangas.) El fruto consiste en dos folículos largos más de un pié, retorcidos como un cordel, y delgados como una paja de centeno, y dentro están alojadas las semillas en hilera. Las semillas tienen como medio dedo de largo, y en cada extremo están dotadas de un milano; por esta sola señal se conocerá el árbol fácilmente.
Salago=(Uno de los ingredientes de la purga número 21). Es laDaphne fœtida. Sus flores son amarillas, bastante bellas. El fruto maduro es encarnado. En Batangas las flores delsalago, son más pequeñas, feas y tristes. En los bosques se da otra especie que es laIndicacon las flores amontonadas (creo que son blancas) en cabezuela. Yo hablo de la primera especie conocida y usada en Bulacán. Tómase regularmente en píldoras hechas con los polvos de las hojas y miga de pan. Para un hombre robusto basta el peso de cuatro granos de las hojitas. Purga los humores gruesos.
Salvia=(Sambong). Ningún parentesco tiene elsambong, que es una especie deconiza, con lasalvia. Sin embargo como elsambong, es ya tan usado y conocido en el país, y se substituye frecuentemente en lugar de la otra planta, no he querido variar nada.
Sauco=(Alagao). Ninguna cosa se ha repetido tanto en los libros del país, como el que elalagaoes elsaucode Europa: sin embargo de que no hay afinidad alguna entre ellos. Elalagaoes laPremnade Linneo.
Las flores delalagao, administradas en la misma dosis y en los mismos casos en que se prescribe el sauco, de ninguna manera son dañosas, aunque se den á los niños, como yo lo he visto muchas veces. Ningún recelo, pues, debe haber en continuar en su uso, y podrá producir los mismos efectos que el sauco aunque de otro modo. En los resfriados y calenturillas originadas de destemplanza del cuerpo, así como en la traspiración obstruida hace bellísimos efectos; y por tanto los indios hoy dia guardan en sus casas las flores secas. La corteza hace orinar mucho.
Semilla ó semen contra=(Niogniogan). En lugar de lasemilla ó semen contra, recomendada por los Facultativos para la expulsión de las lombrices, he puesto el fruto del arbusto llamado por los indiosniogniogan. Es elQuisqualisde Linneo, y reconocido por excelente para el efecto.
Tártaro emético=(Salagsalag ó Pacupis ó Pepinillo de San Gregorio). En lugar del tártaro emético, que es difícil adquirir léjos de Manila, y que no es muy conveniente ande en manos de indios, he propuesto la planta llamada como dije arriba. Es un vomitivo excelente, y más activo que elYguio. Los indios están instruidos en su manejo. Es laTrichosanthes amara.
Todo lo dicho en este artículo no lo he escrito para los indios, sino para satisfacer á los reparos que puedan oponer á los sucedáneos los españoles instruidos, en cuyas manos venga á parar este libro.
Decorative motif
Itong librong quinasusulatan nang mang̃a paraan nang pag-gamot sa mang̃a maysaquit ay gaua nang totoong dunong na tauo na si Tissot ang ng̃alan, at inialay niya sa mang̃a maysaquit na nagtatahan sa buquid ó sa mang̃a nayong malalayo sa bayan. Caya doon sa boong Europa hindi lamang ang hindi Médico, cundi pati nang mang̃a matataas na Médico ay canilang minamahal at pinupuring totoo: sapagca malinao at mariquit ang pagsasaysay nang mang̃a sarisaring nararamdaman nang nang̃agcacasaquit nang iba,t, iba, na dahil doon sa pagsasaysay na yao,i, sinoman macahuhula,t, macacaquilala cun anong bagay na saquit ang tungmama sa tauo. Ang isa pa roo,i, ang caramihang gamot na ipinagbibilin niya sa mang̃a mangagamot, ay ualang liuag hanapin.
Caya ng̃a yata, nang dumating saaquing camay itong caguilaguilalas na libro,i, pagcaraca aquing isinalin sa uicang tagalog, aua co sa mang̃a mahihirap na maysaquit na tagalog. Houag isipin ninyo, na yaong mang̃a gamot na nabibilin dito,i, ualang cabagsican, sapagca ualang liuag gauin. Bagcus yaong mang̃a mangagamot na nagtuturo sa mang̃a maysaquit nang mang̃a maliliuag, at nang cun anoano ang pang̃alan, ay sila ang hindi maalam, at sila rin ang nananampalasan sa buhay nang mang̃a tauong caauaaua; at bucod dito canilang pinagdarayaan at pinag-gugulan nang malaqui, bago hindi cailang̃an.
Gayon din cun inyong ituloy gauin yaong mang̃a cadatihan ninyong pag-gamot na cun papaano, at yaong mang̃a painom na at ang mang̃a tapaltapal, inyong quinabisanhan hanga ng̃ayon, ay houag cayong umasang magpapagaling sa mang̃a maysaquit. Itong libro at ang mang̃a nabibilin dito,i, yaon ang catungculan ninyong pagpilitan sundín, at totoong daling maquiquita ninyo ang caniyang galing.
Nang mang̃a gamot na cailang̃ang ihanda,t, ing̃atan nang Médicong tagalog sa caniyang bahay.
Ang isang botellang balat nangDitangbinayo, at ag-ag sa sinamay na masinsin. Yaong botella,i, doroonan nang taquip na daluro.
Ang isang botellang balat nangIguiona babayohin din at aag-aguin sa sinamay na masinsin. Ang botella,i, tatacpan nang dalurong mahigpit. Maminsanminsan hang̃oin doon angIguioat ibilad.
Ang ilang bung̃a nangSalagsalag ó Pacupis(Pepinillo de San Gregorio), napapaltan nang bago taontaon.
Ang isang balaong̃ang dahon nangSalago,at ang isa pang balaong̃ang dahon nangAcapulco ó Sonting.Itong lahat na damo ay tuyo cun gagamitin.
Ang isang botellangCremorna bibilhin sa Maynila.
Ang halagang apat na pisongManána bibilhin din sa Maynila.
Ang timbang anim, ó sangpuong pisongMercuriona yao,i, bibilhin sa Maynila, at itatago sa garrafa. Ang mercurio,i, cailang̃an sa quinagat nang asong ol-ol.
Ang isang botellangSalitre,na pati ito,i, bibilhin sa Maynila.
Ang ilangPepitani S. Ignacio, ó sa Catbalogan.
Ang ilang caputol na sung̃ay nang usa, na sinunog.
Ang halagang dalauang pisongRuibarbo,na babayohin at itatago sa botella.
Ang isang magaling na timbang̃ang munti. Cun masama ang timbang̃an, hindi sucat gamitin, at cun minsan ang gamot na titimbang̃in doon, ay macacamatay sa maysaquit. Masama naman ang timbang̃ang malaqui, lalo pa cun cacaonti ang titimbang̃in doon.
Ang ilang sang̃a,t, ugat nangBulacan.Ang mang̃a sang̃a,i, gangadaliri calaqui, na pagpuputlinputlin at ibibilad nang malauon sampon nang ugat, bago itago sa paliyoc na may taquip na ibibitin sa suloc nang cosina. Itong damo,i, cucunin pag natuyo ang bung̃a.
Ang mang̃a dahilan iquinapagcacasaquit nang tauo.
Párrafo I.Ang unang nacacapagcasaquit sa tauo, ay ang calacasan nang pag-gaua; yaon bagang tauong nagsasaquit gumaua, na ualang tahan arao-arao, na hindi nagpapahing̃a. Cun minsan ang gayong tauo,i, manhihina, at manlalata, at maliuag magsauli sa caniyang datihang lagay na magaling; cun minsan naman magcacasaquit nanggarrotillo ó sintac,ó maguiguing ética caya. Datapoua,t, cun hindi ma-aari ang di siya gumaua, uminom siya nangsuero,ó gatas nang baca, ó calabao: ó cun maliuag sa caniya ito,i, uminom nang tubig na dinoonan nang sa icatlongbahaguiagsuca.Ang mang̃a babayi ay maraling magcasaquit, gaua nang paghabi, ó pananahi, ó pagdurugtong nang abacá, sapagca mahirap ang calagayan nang catauan doon sa pag-gaua noong mang̃a gauang yaon. Ang bagay sa canila, ay manaog sa lupa arao-arao, at magtanim nang anomang bagay na damo doon; cun gayon ang sing̃ao nang lupa, ang paghipo nang mang̃a damo, at ang paglibang nang loob ay totoong macababauas nang canilang hirap.
2. Ang nagcasaquit dahil sa cainaman nang pag-gaua, cun minsan yungmayayat at natutuyo ang catauan; at ang gamot sa saquit na ito,i, angsuerona iinomin nang malauong panahon; saca ang baños nang tubig na malacoco; at cun mahabang arao guinaua na ito, ang isusunod sa catapusan ay anggatasnang baca, calabao, ó cambing. Ang mang̃a bagay na maiinit pati nang matubig ó magatas hindi maigui sa saquit na ito.
3. Mayroong isa pang bagay na cahinaan ó cayayatang dala nang caual-an, ó caruc-haan, cun ang hanap nang tauo,i, hindi magcasiyang canin: ó cun hindi magaling ang quinacain, ó cun masama angtubig, at saca nahihirapan nang pag-gaua. Ang bagay sa saquit na ito,i, ang magaling na cacanin, at ang caontingalac.
4. Mayroong ibang tauo, na caya nagcacasaquit, sapagca siya,i, nagpahing̃a ó napatahan sa quinalalag-yang malamig cun siya,i, napagod, at galing sa malaquing gaua: caalam-alam ang masasapit niya ang siya,i, urung̃an nang pauis nang catauan. Cun minsan itong sing̃ao nang catauan na talagang lalabas, ay napapasaloob, at nacacahila nang mang̃agarrotillo, ética, sintacó mang̃acólico.Marami ang namamatay dahilan dito. Pag sungmasamá ang damdam at nahahalata na ang dahilan nang saquit ay ang pagtahan sa malamig, ang maysaquit cucunan nang dugo pagcaraca, babañosan nang tubig na malahining̃a, at paiinomin nang bilin sa número 1, na malacoco cun inumin. Masamang painumin nang gamot na papauis, at lalaqui ang saquit.
5. Gayon ding pinagmumul-an nang pagcacasaquit ang malamig na tubig na iniinom nang tauo cun siya,i, nainitang totoo. Caya cun minsan ay nagcacasaquit nanggarrotillo, ética, ó cólico:cun minsan namamaga ang atay at ang tiyan, ó sungmusuca, ó hindi maihi, at parating bibilingbiling sa hihigan, na di macatahan. Ang nagcacasaquit nang gayon, cucunang agad nang maraming dugo, saca babañosan sa tubig na malacoco. Susumpitin ang maysaquit nang tubig na malacoco na may caontinggatas;paiinoming parati nang tubig na malacoco rin, na ang sa icalimang bahagui ay gatas; cun ualang gatas, paiinumin nang bilin sa número 2; lalag-yan naman nang mang̃a basahang babad sa tubig na mainit-init sa liig, sa dibdib at sa tiyan.
6. Cun minsan ang tauo,i, inaabot nang ulan sa daan, at ang mabuting gauin niya pagdating sa bahay, ay magbihis siya at maligo agad sa malacocong tubig nang houag siyang magcasaquit; at cun lag-yan nang caontingsabónang tubig, lalo pang mabuti. Ito lamang gamot na ito macacauala cun minsan nangcólico, ó sintacnang tauo pagca nabasá ang caniyang mang̃a paa.
7. Ang isa pang iquinasasama nang catauan nang tauo,i, ang pag-inom nang alac. Ang tauong totoong ungmiinom nang alac, maraling tumanda; cun minsan hinihica, ó namamaga ang dibdib at nagcacasaquit nang bagaybagay na saquit, na maliuag mauala, sapagca hindimatablan nang gamot ang caniyang payat na catauan.
8. Nacasasama naman sa catauan nang tauo ang pagcain nang bung̃a nang cahoy na hindi pa hinog na totoo.
9. Mayroong isa pa manding masama, na marahil canin nang tagarito sa Filipinas, yaong bagang itinitinda, na ang pang̃ala,i, suman, empanada, oocan, calamay, madhoya, ó tinapay na hindi alza, na paraparang nacasisira sa sicmura; at saca nanhihila nang lagnat, mang̃a bicat, at sarisaring sibol sa catauan nang tauo.
Ang mang̃a dahilang iquinalalaqui nang mang̃a saquit nang tauo.
10. Ang salang pag-gamot sa maysaquit, yaon ang totoong iquinalalaqui nang caniyang saquit: cun minsan pinipilit mapauisan ang maysaquit; at ang lahat na bagay na mainit guinagaua, at ipinaiinom doon, sapagca ang isip nang maraming tauo,i, ang pagpauis ay nacauauala sa lahat na saquit. Datapoua,i, mayroong mang̃a saquit, na hindi bagay doonang pauis, sapagca hinahacot nang pauis ang pinacatubig na calahoc nang dugo, at caya ang dugo,i, lumalapot, natutuyo,t, umiinit. Caya ng̃a yata hindi bagay sa nalalagnat angtriaca,angalac,at ang lahat na nacacapagpapauis sa tauo.
11. Ang mang̃a maysaquit tinatabing̃an, quinucumutan, linilibutan nang maraming tauo, sinasarhan naman ang lahat na pinto,t, dung̃auan; itong lahat na gauang ito,i, nacacahirap sa maysaquit, at nacacalubha sa caniya; na ang ualang saquit ma,i, hindi macacapagtiis noon. Caya masamang gauin yaong mang̃a gauang yaon, lalo na cun ang idinaraying nang maysaquit ay ang init, at cun naquiquita namang tuyo ang caniyang balat, ang mang̃a labi, ang dila, at ang lalamuhan at saca mapula ang ihi, at cun ang ibig niyang totoo ay ang mang̃a bagay na malamig.
12. Ang ipinacacain sa maysaquit, ay isa namang nacasasama sa caniya. Ang isip nang nag-aalaga sa maysaquit na yaon ay mamamatay, cundi pacanin nang mang̃a bagay na magaling; caya binibigyan nang masarap na sabao, itlog, broas, carne, at nang iba pa, na paraparang masama sa maysaquit, at caya na-aalamang masama, ay cun minsa,i, lungmalaqui ang lagnat pagca cain noon: ó siya,i, sungmusuca, nag-iilaguin, nasisira ang bait, at linalabsan nang mancha, para nang pinaiinom mandin nang lason. Caya gayo,i, sapagca anomang isilid sa sicmura nang tauo na may dumi sa loob, nabubuloc pagdaca at nacasasama bagcus sa caniya. Cailang̃ang linisin muna ang sicmura, at painomin ang nalalagnat nang mang̃a bagay na nacacatunao nang mang̃a malalagquit na dumi doon.Uala isamang nalalagnat na tauo na namatay dahil sa gutom:at alin mang nalalagnat, di man pacanin nang anoman sa loob nang ilang lingo, hindi ma-aano, houag lamang maual-an siya nang tubig.
Caya pacatalastasing maigui nang mang-gagamot, na yaong maysaquit na marumi ang dila, na nananab-ang nang pagcain, at mapait ang bibig; ang dungmoroal, ang parating mabaho ang hining̃a, pati nang ini-iilaguin, ito anaquing ganitong maysaquit ay hindi sucat big-yan nangcarne, sabao, itlog, triaca,at nang iba pang mang̃a maiinit: at hindi mangyayaring macuha yaong duming malagquitsa sicmura, cundí painumin nang maraming totoong tubig na nacacatunao noon. At nang maalaman cun anong ipaiinom doon, ay basahin dito sa libro ang mang̃a bilin doon sa sariling capítulo nang saquit na yaon.
13. Catungculan namang maalaman nang nag-aalaga sa maysaquit, na masamang purgahin siya ó pasucahin pagca bagong nagcasaquit: cun minsan ang pasuca sa mang̃a saquit na iba,t, iba nacacasira,t, nacacahirap sasicmura, sa bagaat saatay,at nagdadala nang ibang masama. Ang purga nacacasama,t, nacacagulo sa lahat na bituca, na yaon ang iquinamamatay nang tauo. At nang maalaman cun cailan bagay sa maysaquit ang purga at ang pasuca, hanapin ang pang̃alan nang saquit dito sa libro sa caniyang capítulo at doon sasabihin ang gagauin.
Nota.Dahil sa casam-an nang pag-gamot sa mang̃a maysaquit dito sa Filipinas, ang maraming tagalog ay idinaraying nilang may matigas sa canilang tiyan; at bagamán hindi nacacamatay yaong saquit na yao,i, cun minsan nacagugulo sa mang̃a catungculan nang sicmura,t, bituca. Itong saquit na ito,i, maliuag gamutin; magaling doon angsuero número 17, ang píldoras número 18, pati nang sa 57; maigui rin ang mang̃a gulay at ang mang̃asaguingetc. na nacagagaling-galing cun malaon.
Ang gagauin nang tauo, capag nararamdaman, na siya,i, magcacasaquit na.
14. Caya mahahalata nang tauo na malapit na siyang magcasaquit, cun hindi siya malicsi, ó masipag na para nang dati; cun nananab-ang nang pagcain; cun masaquit-saquit ang sicmura; cun madaling mapagod, ó cun mabig-at ang caniyang ulo, ó cun mahaba ang tulog, datapoua,t, hindi mahimbing; cun siya,i, ga namamanglao, at masaquit nang caunti ang dibdib; cun inurung̃an nang pauis, ó cun madali siyang pauisan; cun hindi husay ang pagtiboc nang pulso, ó cun siya,i, guiniguinao na parati. Cun gayon ang mang̃a nararamdam nang may catauan, malapit na siyang magcasaquit.
15. Pagca ganoon ang damdam, ang gagauin niya,i, houag titiquim siya nang carne, sabao, ó itlog; ó alac; houag siyangmagsasaquit gumaua: inomin niya ang bilin sa numero 1 ó 2, ga dalaua ó tatlong botella carami maghapon: cun aayao siya doo,i, uminom nang tubig na malacuco na huhulugan nang cauntingsuca. Cun ualangsuca, ang dalauang botellang tubig na malacuco ay doonan nang caunting asín, at yaon ang inomin. Cun baga mayroongpulotay mabuting lag-yan ang tubig nang tatlo ó apat na cuchara noon. Magaling naman ang tubig na pinagbabaran nangbulaclacnangalagao; na-aari pati angsuerongmalinao. Saca siya,i, magsumpit nang tubig na malacuco, ó nang bilin sa número 5. Cun gayon ang gaua nang tauo cun sungmasama ang damdam, magpatuloy man ang caniyang pagcacasaquit, caalam-alam hindi siya lulubha.
Ang mahusay na gaua sa may mang̃a malalaquing saquit.
16. Touing sasabihin dito sa librong ito, na ang maysaquitilalagay sa husay, gagauin ang lahat na nauutos dito tungcol sa cacani,t, iinumin noon, at sa isusumpitsa caniya; at caya tambing sinasabi co dito nang houag cong uliting parati doon sa casaysayan nang baua,t, isang saquit.
17. Cun ang tauo,i, maysaquit na, at ang init at ang lagnat ay totoong nararamdaman na, ang mahusay na susundin ay ganito. Houag lilibutin nang tauong marami ang maysaquit, at masama ang ing̃ay at ang init doon sa tinatahanan niya. Cailang̃an namang mahang̃inan ang silid; datapoua,t, houag ilagay ang maysaquit doon sa dinaraanan nang hang̃in; touing iihi, ó mag-iilaguin, itatapon agad ang dumi; cun baga pacacanin ang maysaquit, ang ipacain doo,i, ang tinapay na dinurog sa tubig na marami; ang tubig na may tinapay, pacuculoin sa apoy hangan sa matunao ang tinapay, saca sasalain, at siya lamang ang iinomin niya. Cun ualang tinapay, na-aari anglinugaoat ang basabasa. Masama ang harina nang trigo, sapagca hindi pa luto sa apoy.
18. Mapacacain naman ang maysaquit nang mang̃a bung̃ang hinog nang cahoy, di man lutuin; datapoua,t, ang hilao pa hindi sucat ipacain sa tauo, cundi pacalutuin muna sa tubig. Caya angsaguingang mang̃a,ates, angalbay, angduhatangsapinit,angdalandan,at ang iba pang bung̃ang hinog na hinog nang cahoy, ay macacain nang maysaquit, sapagca macaguiguinhaua sa caniya yaon.
19. Ang maysaquit painumin nang malimit nang alin man doon sa sinabi co na sa párrafo 15.
20. Cun hindi nananabing macadalaua arao-arao ang maysaquit, ay cailang̃ang sumpiting minsan man lamang touin arao, nang bilin sa número 5; at yaon din ang gagauin cun hindi marami ang inaiihi, ó cun mapula ang ihi, ó cun tila naghuhunghang ang maysaquit, ó cun malaquing totoo ang lagnat, at masaquit ang ulo,t, bay-auang, ó cun ibig sumucang parati. Ang minsang sumpitin ang tauo ay magaling pa sa inomin niya ang apat na gayón tubig; caya sucat pagpilitang gauin sa maysaquit itong ganitong pagsumpit, palibhasa,i, nacacaguinhaua sa caniya; houag lamang gauin cun pinapauisan. Sa librong ito ay sasabihin co, cun anong magaling isumpit sa baua,t, isang saquit.
21. Cun baga nacacacaya ang maysaquit, magaling ang siya,i, bumang̃on sa hihigang maminsanminsan, sapagca ito,i, nacacabauas nang saquit nang ulo, at anglagnat ay ungmoonti, at ang isa pa roo,i, madaling umihi, pag nagbang̃on ang tauo.
22. Arao-arao papalitan ang damit nang hihigan, at ang sa maysaquit, datapoua,i, houag ihahalili roon ang hindi toyong-toyo.
Ang gagauin nang maysaquit na magaling-galing na.
23. Cun ang tauo,i, nacalalo na sa pang̃anib nang saquit at maigui-igui na, itong mang̃a bilin dito ang susundin, maca siya,i, umuling magcasaquit. Houag cumain siya nang marami, sapagca hindi macacayanan nang caniyang sicmura. Ang caniyang cacanin ay ang isang bagay lamang, at houag ang sarisari. Houag siyang iinom nang maraming tubig, sapagca hindi lalacas ang caniyang sicmura, at cun minsan nacacapamaga sa paa yaong pag-inom nang marami; saca ang maysaquit na magaling-galing na, ay bagay sa caniya ang siya,i, lumacad na parati ó sumacay sa cabayo. Cacaonti lamang ang caniyang cacanin cun gab-i. Cun baga namamagaang caniyang paa, houag alomanahin yaon, at mauauala pag siya,i, lumacad, at gumaling na totoo. Cun hindi nananabi minsan man lamang touing icalauang arao cailang̃ang sumpitin, at lalo pa cun sungmasaquit ang ulo, at mainit ang caniyang pagcaramdam.
24. Cun baga magaling-galing man ang maysaquit, hindi pa siya lumalacas, cundi parating mahina, at ang sicmura ay gulo, at maminsanminsan ga nalalagnat na, iinumin niya maghapon ang bilin sa número 14, timbang tatlong bahagui. Houag naman siyang magsasaoli sa datihang gaua, hangan hindi pa siya malacas na totoo.
Ang saquit na Pulmoníang totoo, na ang baga sa loob nang dibdib nang tauo,i, ang masaquit, at yaon din cun minsan ang pinangagaling̃an nang ética.
25. Pinang̃ang̃alang Pulmoníang totoo yaong saquit na yaon, na ang baga sa loob nang dibdib nang tauo, siya ang namamaga, na anaqui may sisibol doon. Palibhasa,i, hindi maquita ang naroroon sa loobnang catauan nang tauo, caya lamang nahahalata na mayroong saquit sa baga nang tauo, sapagca cun minsan naguiguinao ang maysaquit, at parating balisa na hindi mandin macatahan; saca ang humahalili sa guinao na yao,i, ang init, na may calahoc na siya,i, pinang̃ing̃ilabutan nang guinao; ang pulso,i, matulin, malacas, puno, matigas, at husay, cun hindi malalaqui ang saquit; cun malaqui ang saquit, ang pulso,i, munti malambot at gulo; dumaraying ang may catauan, na masaquit saquit ang isang̃ cabilang dibdib; cun minsan ang uica niya, na anaqui mayroong siyang mabigat sa ibabao nang puso; cun minsan ang boong cataua,i, masaquit, at lalo pa ang bay-auang; hindi lumagay ang maysaquit cundi tihaya at bihirangbihira doon sa nagcacasaquit nang gayong saquit, ang nacacatahan nang pataguilid; nag-uubo ang may catauan cun minsan, na ualang inilulura; cun minsan dungmarahac na may dugong casama; mabig-at ang caniyang ulo; nasisira cun minsan ang bait; ang muc-ha,i, namumula at cun minsan hindi, bagcus nag-iiba sa dati, na cun gayo,i, mapang̃anib ang buhay nang maysaquit; ang mang̃a labi, ang dila, ang ng̃alang̃ala, pati nang balat ay tuyo; mainitang hining̃a; ang inaiihi niya ay caunti at mapula cun bago, cun malauo,i, marami at hindi lubhang mapula, at mayroong latac; nauuhao ang maysaquit at cun minsan ibig niyang sumuca; datapoua,t, hindi sucat big-yan nang pasuca, at mamamatay cun pasucahin. Touing gab-i lungmalaqui ang init at ang pag-uubo na ualang nacucuha. Ang ilinulura ay may dugong caunting casama, na sa icapitong arao nauauala. Cun minsan ang saquit nang baga,i, ungmaabot hangan sa lalamunan, na hindi macalunoc ang maysaquit, at caya ang isip niya,i, mayroon siyanggarrotillo.
26. Cun ang saquit ay malaquing totoo, ay hindi macahing̃a ang maysaquit cundi locloc; ang pulso,i, totoong unti at maralas; nang̃ing̃itim ang muc-ha, pati nang dila; tungmiting̃in ang maysaquit sa magcabicabila; hindi mapalagay; sira ang bait; ang isang cabilang camay cun minsa,i, patay na di maiquibo; linalabasan nang manchang murado sa dibdib at liig cun siya,i, lungmulubha, at namamatay tuloy.
27. Cun ang gayong saquit ay bigla,t, malaqui, cun ang pagca guinao ay malauon, at ang maysaquit ay totoong naiinitan pagca nacaraan ang guinao, cunang ulo,i, nasisira pagcaraca, cun ang may saquit ay nag-iilaguin nang darag-is, ó pinapauisan nang marami; ó cun totoong tuyo ang balat, ó nag-iiba,t, sungmasama ang hichura nang muc-ha, at hindi dungmarahac, ó cun lungmulura, ay dugo lamang ang lungmalabas, ay nasasapang̃anib ang maysaquit.
28. Ilalagay agad ang maysaquitsa husay(Capítulo 4.) Houag paiinumin nang malamig na totoo; iinumin niya ang bilin sa número 2, ó ang sa número 7, na lalo pang magaling. Susumpiting macadalaua man lamang arao-arao nang bilin sa número 5. Pag nacaraan ang guinao, sasangrahan pagcaraca, na ang dugong cucunin, ay timbang labing dalauang piso, ó labing apat cun ang maysaquit ay bata pa at malacas; itong pagcuha nang dugo siya ang bagay na gamot dito.
29. Cun ang lagay nang maysaquit ay para nang sinabi co sa párrafo 25, yaong pagsasangrang yaon ay macacaguinhauang madali sa caniya; datapoua cun sa loob nang ilang oras ungmooli ang saquit, ay sasangrahang uli ang maysaquit, at cucunan nang timbang labing dalaua ring pisong dugo; ito,i, sucat na caalam-alam; datapoua cun baga sa loob nang sampuong oras ó calahating arao lungmulubha ay cunan pa mandin nang dugo. Gayon din, cun baga nang tauaguin ang médico, may ilang arao nang maysaquit ang tauo, at malaqui ang caniyang lagnat, cun mahirap ang paghing̃a, at hindi dungmarahac, ó cun dumahac ay dugo lamang ang nacucuha, ay sasangrahan din, may sampuong arao man ang caniyang pagcacasaquit. Doon sa dugong nacucuha sa nagcacasaquit nangPulmonía, mayroong naquiquitang anaqui balat na maputi sa ibabao; cun minsan nama,i, ualang balat na gayón.
30. Cun ang damdam nang maysaquit ay para nang sinabi co sa párrafo 26, ang pagsasangra,i, hindi macacagaling, cundi macasasama sa caniya cun minsan. Caya mapang̃anib ang caniyang lagay; datapoua ang gagauin doo,i, gayon.
31. Arao-arao babañusan hangan tuhod ang maysaquit nang calahating oras calauon sa tubig na malacuco, at saca cucumutang maigui.
32. Touing icalauang oras iinumin niya ang bilin sa número 8, na siya ang totoong magaling na gamot.
33. Sisipsipin niya ang singao nangtubig na mainit para nang turo sa número 53. Cun malubha na ang maysaquit, hindi ang sing̃ao nang tubig, cundi ang sasuca,siya ang sipsipin nang malauong panahon.
34. Magaling ding lag-yan ang maysaquit sa dibdib at sa liig nang bilin sa número 9.
35. Cun ang lagnat ay totoong laqui paiinumin touing oras nang bilin sa número 10, ga isang cuchara carami, na maisasama doon sa datihang ipinaiinòm sa caniya.
36. Cun lungmulubha ang maysaquit, ó cun para nang dati ang caniyang lagay, yaon ding mang̃a sinabi co ng̃ayon, siya ang ituloy gauin doon, at cun baga gumagaling-galing sa icatlo, sa icapat ó sa icalimang arao, at hindi lubhang malaqui ang pag-uubo, cun uala nang maraming dugong calahoc ang inilulura, cun guinha-guinhaua naman ang paghing̃a, at malinao sa rati ang caniyang ulo, cun ang ihi ay marami na,t, hindi na totoong pula; ang gagauin lamang doo,i,ilalagay sa husay,at susumpitin ang maysaquit touing hapon. Cun minsan dinaraanan nang malaquing hirap ang maysaquit sa icapat na arao.
37. Ang saquit naPulmoníaay nauauala,t, nacucuha sa paglura, at sa pag-ihi: dito sa ihi nang maysaquit sa dacong icapitong arao mayroong naquiquitang latac na marami, na ang color ay maputing itim, at cun minsan nana ang nadoroon. Saca hungmahalili ang pauis na nacagagaling sa maysaquit. Bago gumaling-galing ang maysaquit, dinaraanan siya nang hirap na malaqui, na nacatatacot sa nag-aalaga sa caniya. Caya gayón ay ang pinaca camandag nang saquit gungmagala sa catauan; datapoua,t, cun guinagamot nang husay ang maysaquit, hindi maano; at cun siya,i, dumahac, umihi,t, pauisan, mauauala yaong hirap na yaon. Caya cun daanan noong hirap na malaqui, houag big-yan nang mang̃acordial, triaca, castor, ruda,at macacasama bagcus doon. Ang gagauin lamang, ay susumpitin ang maysaquit nang bilin sa número 5, at doroonan nang basahang babad sa malacucong tubig sa tiyan, at sa bay-auang; bucod dito ang guinagauang dati doo,i, itutuloy na para nang dati. Masama sa gayong saquit ang pasuca, ang purga, at ang mang̃a bagay na nagpapatulog; sapagca ang guinagamot noong gayo,i, naguiguingéticongtotoo.
38. Cun guinagamot nang husay ang maysaquit sa loob nang mang̃a labing apat na arao gungmagaling-galing na siya, at cun ibig niyang cumain, sundin ang bilin sa capítulo 5; datapoua,t, cun mapait ang bibig, cun mabigat ang ulo, at nananab-ang nang pagcain, cailang̃an siyang purgahin nang bilin sa número 11.
39. Cun minsa,i, binabaling̃oyng̃oy ang maysaquit na ito,i, magaling sa caniya; caya houag ampatin ang dugo, at tatahan siyang cusa. Cun minsan naman nag-iilaguin ang maysaquit, na ang lungmalabas ay madilao; datapoua hindi masama ito.
40. Cun biglang nauala,t, tungmahan ang pagdahac, at ang maysaquit ay dinaraanang uli nang hirap at lungmulubha, ay sasangrahang agad sa camay, cun baga hindi siya quinunan na nang maraming dugo. Pasipsipin namang parati nang sing̃ao nang tubig na mainit at suca; at paiinomin nang bilin sa número 2. Ito ang gagauin sa maysaquit na malacas pa, na hindi pa nalalauong magcasaquit. Datapoua cun mahina na at lauon nang maysaquit, at nacunan na nang maraming dugo, houag nang sangrahan, cundi lagyan nang parapit sa dalauang binti, at paiinomin nang̃ bilin sa número 12.
41. Cun ang maysaquit ay hindi guinamot nang paanyo, at hindi mauala ang pamamaga nang baga; lungmulubha siya, at sinisibulan nangbagadoon sa caniyang baga, at itong tungmutubo roo,i, pinang̃ang̃anlangVómicasa uicang Castila. Ang gagauin doo,i, ganito:
Ang gagauin sa maysaquit na may sibol doon sa caniyang baga.
42. Caya naquiquilala, na ang nagcacasaquit nangPulmonía,may sibol sa caniyang baga, sapagca nacalalo na ang labing apat na arao nang caniyang pagcacasaquit, at hindi pa siya dinaraanan nang malacas na paglura, pag-ihi, pag-iilaguin, ó hindi siya pinauisan. Caya hindi pa siya gungmagaling-galing bagcus ang lagnat ay para nang̃ dati; matulin ang pulso, at cun minsan mahina at malambot; datapoua,t, cun minsan nama,i, matigas, at ga nag-aalon-alon; ang paghing̃a ay mahirap; pinang̃ing̃ilabutan nang guinao na maminsanminsan; gab-i gab-i lungmalaqui ang lagnat; ang pisng̃i ay mapula; tuyo ang mang̃a labi, at nauuhao ang maysaquit. Saca pagca nacapagnana na ang sibol sa baga, sungmasama pa mandin ang damdam nang maysaquit; parati nang nag-uubo, at sa touing cumibo,i, lungmalacas ang ubo; cun minsa,i, natatacot siyang humiga nang tihaya, at hindi macatulog; saca cun minsa,i, pinapauisan sa dibdib at sa muc-ha; ang ihi ay mapulapula na anaqui may bula, ó lang̃is sa ibabao; mapait ang bibig, lungmulubog ang mata, at cun minsa,i, lungmalabo.
43. Cun ang sibol sa loob ungmaabot hangan sa ibabao nang baga, at bucod dito hindi lubhang malalim, cun pumutoc ay nabububo ang nana sa loob nang dibdib sa pag-itan nang baga at tad-yang; itong pagca putoc ay mahirap, cun ang sibol ay malaqui, sapagca biglang lalabas ang maraming nana, at namamatay tambing ang maysaquit. Datapoua,t, cun ang butas nang sibol ay munti nang macaputoc na, at ang maysaquit ay malacas pa, mailulura niya ang nanang lungmalabas, at gungmiguinhaua ang damdam. Cun minsan ang sibol ay hindi pumutoc, bagcus lungmalaqui, at ang boong baga nabubuloc at napupuno nang nana; caya mamamatay ang tauo na ualang magaua.
44. Dahil dito, cun ayon sa sinabi sa itaas sa párrafo 42, nahahalatang mayroong sibol sa baga, cailang̃ang gumaua nang capaanyoan, nang mangyaring pumutoc ang sibol nang magaling na pagputoc, nang houag mamatay ang tauo, at gayon ang gagauin.—Pasisipsipin ang maysaquit, cun baga malacas-lacas pa, nang sing̃ao nang tubig na mainit, ayon sa turo sa nómero 53 at ito,i, gagauing parati. Cun ang pagsipsip nang sing̃ao na yao,i, inaacala nang nacalambot sa sibol, paiinoming parati ang maysaquit nang maraming totoong tubig na pinaglagaan nangcebada ó palayman; maigui rin ang tubig na may calahoc na gatas. Dahilan dito sa pag-iinom nang marami, palibhasa,i, ang sicmura,i, naroong parating puno, ay malacas lumaban sabaga,at hindi pinababayaang mabubo ang nana sa dibdib, cundí pinipilit magpaitaas sa lalamunan, at cun gayo,i, mailulura nang maysaquit. Saca pinapag-uubo ang may catauan nang suca at tubig, na biglang isinusumpit sa loob nang bibig nang isang sumpit na munti, na cauayan man. Pinapag-uiuica ang maysaquit, pinasisigao, at pinatataua, haring̃ang pumutoc ang sibol. Bucod dito paiinumin din touing icalauang oras nang bilin sa número 8, ga isang cuchara carami. Mabuti ring isacay ang maysaquit sa carretón, datapoua,t, painumin muna nang maraming maraming tubig na pinaglagaan nangcebada,ópalay,cun tubig na may casamang gatas; at cun minsan itong yagyag na paglacad nang carretón nacacapagpaputoc sa sibol.
Ang gagauin sa maysaquit, pag nacaputoc na ang sibol sa baga.
45. Doon sa oras nang pagputoc nang sibol sa baga, ang maysaquit ay lumulubha na anaqui hindi nacacaramdam. Datapoua,t, cun paamoyin nang suca, ay nasasaulan cun baga ang pagputoc nang sibol ay hindi masama, ayon sa sinabi co sa itaas sa párrafo 43; sapagca cun masama, ualang magagaua at mamamatay ang maysaquit.
46. Cun paanyo ang pagputoc nang sibol, at hindi namamatay pagcaraca ang maysaquit ang gagauin doo,i, ganito.—Cun ang inilulura nang maysaquit ay totoong malagquit at maganit, touing icalauang oras paiinominnang bilin sa número 8, ga isang cuchara carami, at cun malaonlaon, painomin naman nang isang taza nang turo sa número 13. Datapoua cun hindi malagquit at maganit ang inilulura, houag gamitin itong mang̃a bilin, cundí ang gatas nang baca, na siya lamang ang caniyang cacaning parati ó cun ibig isama sa caniyang quinacain. Saca macaapat maghapong paiinumin nang bilin sa número 14 na isinasama sa caunting tubig. Ang iinomin niyang parati, ay ang tubig na pinaglagaan nangcebada ó palay, ó ang tubig na ang sa icapat na bahagui ay gatas. Saca siya,i, lumacad arao-arao ó sumacay sa cabayong-yagyag.
47. Cun ang maysaquit ay nananabi touing icalaua ó icatlong arao, sucat na yaon; at masama ang sumpitin nang malimit.
48. Cun ang maysaquit ay nilalagnat touing hapon, at ang inilulura ay masama sa dating tingnan, sucat nang mahalata na hindi mababahao ang sugat sa baga, na cun gayon siya,i, maguiguingéticongtotoo, at mamamatay sa loob nang ilang bouán. Datapoua,i, atohin ang uica co sa itaas sa párrafo 46, at cun baga ang calacasan nang pag-uubo yaon ang di icatulog niya, painumin cun gab-i nang dalaua ó tatlong cuchara nang bilin sa número 16, na isasama sa isang basong tubig na pinaglagaan nangcebada ó palay.
49. Cun baga tungmatahan ang pagdahac nang may sibol sa baga, pasipsiping agad nang sing̃ao nang tubig na mainit ayon sa turo sa número 53; touing oras bibig-yan nang isang cuchara nang turo sa número 8 at bucod dito,i, painumin nang maraming totoo noong bilin sa número 12; at cun siya,i, nacacacaya, ay lumacad ó sumacay sa cabayo. Sasangrahan naman ang ganitong maysaquit cun siya,i, malacas pa; harí ng̃ang magsaoli ang canyang pagdahac.
50. Mayroong mang̃a maysaquit na anaqui gungmagaling; datapoua,t, ungmuuli rin silang magcasaquit; saca gungmagaling uli, bago humalili na naman doon ang pag-cacasaquit; at mahirap man itong canilang buhay, sila,i, nalalauong di iilang taon, na hindi namamatay. Caya gayón, sapagca ang sibol sa baga hindi totoong nababahao, at yao,i, naguiguing parang fuente. Cun ang ganitong maysaquit ay lauon nang gayon, ualang magauang gamot doon. Datapoua cun bago yaong saquit, ay matatalo nang gatas, at nang pagsacay sa cabayo; pati nang bilin sa número 14.
51. Sa saquit nangPulmonía, at sa naguiguingéticodahilan doon, hindi sucat gamitin angtrementina, ang mang̃abálsamo,angincienso,angalmáziga,angmirra, angcamanguian,at angbálsamonangazufre,pati yaong gamot na pinang̃ang̃anlangantiético,sapagca nacacalubha bagcus sa maysaquit yaong mang̃a bagay na yaon.
52. Cun hindi paanyo ang pagputoc nang sibol sa baga, cundi nabububo ang nana sa loob nang dibdib, hindi mailulura nang maysaquit; bagcus siya,i, mamamatay na ualang pagsala, cundi hiuain sa pagitan nang dalauang tadyang; datapoua,t, cundi siya totoong marunong na médico, houag siyang mang̃ahas gumaua noon.
53. Cun minsan ang ganoong pagsibol nangbaga,yaon ang iquinabubuloc nang baga nang tauo, at yaon din ang iquinamamatay niya.
54. Cun minsan naman hindi tungmutuloy ang pagnanana nang sibol sa baga, cundi naroong matigas na parati, na anaqui yao,i, isang bucol na hindi nag-iiba. Ang tauong may ganitong saquit, hindi gagaling na hamac, datapoua hindi lubhang nahihirapan siya.
55. Ang bagay sa ganitong lagay ay angsuero,ayon sa turo sa número 17, at angpildorasnúmero 18. Ang iinumin touing umaga,i, ang isang basangsueroat ang mang̃a dalauang puongpildoras,hangan sa apat na puo. Saca parating sisipsipin niya ang sing̃ao nang tubig na mainit número 53.
Ang Pulmonía Nang Apdo.
Nota. 1Bucod sa saquit napulmoníangtotoo na sinaysay sa capítulong ito, mayroong isa pang bagay napulmoníana ang pang̃alan doo,i,biliosa ó pulmoníanangapdo,sapagca hindi totoong pulmonía, cundí catulad nang lagnat nangapdo(Capítulo 20). Ang maysaquit ay dumurual cun minsan, at nag-iilaguin nang tila madilao at mabaho ang inilulura niya; hindi gaya nang inilulura nang nagcacasaquit nangpulmoníangtotoo, cundí madilao sa roon. Ang bibig nang maysaquit ay mapait, hindi pinapauisan siya, tila mayroong siyang nararamdamang mabigat at masaquit-saquit sa sicmurang palibot. Ang color nang muc-ha ay madilaodilao, at tila nag-iiba. Ang gamot dito ay para nangsalagnatnangapdo(Capítulo 20). Cun baga may catigasan ang pulso, ó may cainitan ang dugo, sinasangrahan ang maysaquit. Saca binibig-yan nang bilin sa número 3. Sinusumpit naman ayon sa turo doon din sa capítulo nang lagnat sabulocó lagnat nangapdo.Pagca naalaman nang totoo na uala nang catigasan ang pulso, cundí malambot na, pinaiinom nang bilin sa número 34 at cun ualang mapagquitaan nito, na-aari ang sa número 35. Ang ibang gagauin doon ay isa rin nang itinuturo sa capítulo 20, nanglagnatnangapdo.
Ang Pulmonía Falsa.
Nota. 2.Mayroong isa pang bagay naPulmoníana hindi totoo, na marahil dumaan sa mang̃a matatanda, ó sa mang̃a bata, ó sa mang̃a tauong mahina, cun bagong nagtatag-arao, na yao,i, dala nang mang̃a malalagquit na cungmacapit sa baga nang may catauan. Ang maysaquit ay nag-uubo muna nang caonti sa loob nang ilang arao, at cun lumacad ay tila masiquip siquip ang caniyang dibdib sa caniyang pagcaramdam; ang muc-ha,i, mapula sa rati; ang ibigniya ay cumaing parati at matulog, at hindi mahimbing ang caniyang pagtulog; pag nalauong ilang arao, guiniguinao siya; humahalili roon ang init; hindi siya lumagay, at lungmalaqui ang casiquipan nang dibdib. Bucod dito, hindi macatahan sa hihigan ang maysaquit, at mahirap man ang caniyang pagcaramdam, ay gumagala sa loob nang silid; ang pulso ay mahina at madalas; ang ihi cun minsan tila para nang dati; cun minsa,i, mapulapula; ang pag-uubo niya,i, munti, at maliuag dumahac; maminsanminsan nasisira ang caniyang bait; hindi macatulog nang mahimbing, at hindi naman naguiguising na totoo; ang nagcacasaquit nang ganitong saquit, cun minsan namamatay nang biglang pagcamatay, lalo pa cun matanda ang may catauan. Cun minsan lungmalaqui ang casiquipan nang dibdib, at ang may cataua,i, hindi macahing̃a cundi locloc; saca nasisira tuloy ang bait; ang pulso ay ungmoonti at dungmaralas; at pag nalaonlaon, namamatay ang maysaquit. Itong saquit ay masama; at maliuag matapatan ng gamot. Ng̃uni ang lalong mabuti roo,i, painuming parati ang maysaquit nang bilin sa número 26, ó nang sa número 12, na lalag-yan nang timbang saicaualongsalitresabaua,t, isang tagayang tubig. Touing icalauang oras bibig-yan nang isang taza nang bilin sa número 8. Saca pararapitan sa mang̃a binti nang sa número 36. Itong mang̃a gamot na ito ay hindi macasasama sa maysaquit, at cun minsan macacagaling. Ang nagcacasaquit nang gayón, cun minsan ay masamang sangrahan.
Ang gagauin sa natutuyo ang catauan, na yao,i, pínang̃ang̃anlangconsunciónnang castila.
Nota 3.Bagaybagay ang pinagmumulan nang pagcatuyo nang catauan nang tauo, na yao,i, aquing sasaysayin ng̃ayon. Ang sibol sabaga,cun minsan siya ang pinangagaling̃an nitong saquit, ayon sa uica co na sa párrafo 48. Cun minsan gaua nangescorbuto, ó nangbicat, ó nanghica, ó nang bulutong ó ticdas. Cun minsan naman dala nang mahalay na saquit na namamahay sa catauan, na doon mahahalata, cun baga nagsusugat, ó namumutoc, ó macati ang punong catauan.
Gayón din cun ang tauo,i, parating nacuculong sa bahay na may sara ang lahat na dung̃auan; ó cun malimit gumaua nangmahalay; ó cun siya,i, natatapat sa sing̃ao nang mang̃a tinutunao na tangso; ó cun siya,i, namamanglao, ó parating pagod; ó cun nag-iisip nang mang̃a maliliuag; cun siya,i, parating pinapauisan, ó nag-iilaguin, ó ungmiihi, ó pinapanaogan nang malacas nang sa panahon cun baga babayi; ó cun siya,i, nagpasuso nang malauon, ó cun linalabasan sa punong catauan nang tubig na malapot at maputi, na yao,i, saquit din nang babayi, na pinang̃ang̃alanflúor albus.
Cun siya,i, dating linalabasan nang dugo sa puit, para nang inaalmorranas, ó cun pinapauisan sa paa ó sa catauan, ó dating binabaling̃oyng̃oy, at saca siya,i, naual-an at inurung̃an noon mang̃a yaon; ó cun hindi sumago ang fuente, cun baga may fuente, ó cun nabahao ang caniyang sugat na malauon, ó ang caniyang dating galis, buni, ó ang ibang mang̃a bagay na lumilitao sa catauan.
Ang pinalo nang malacas, ó nahulog, ó sinicaran nang hayop ang mayroong nararamdamang bucol sa tiyan, ó sa bituca, ang napupuyat, at tuloy ungmiinom nang maraming alac; ang ungmaabay sa maysaquit, na dahil doon siya,i, nasalinan nangcaniyang saquit. Ang parating locloc, at tung̃o ang ulo, para nang mang̃a sungmusulat, mang̃a sastre, zapatero, mang̃a babaying nagdurugtong nang abaca, mang̃a hungmahabi, at ang malauong cumanta ó tumugtog nang flauta. Ang cungmacain naman nang mang̃a mahanghang, ó nang mang̃a maalat ó mang̃a mabang̃o.
Cun minsan naman itong saquit ay minamana, na cun gayo,i, ualang magagauang gamot doon.
Caya cailang̃ang mag-ing̃at ang tauo, at pagca mayroon siyang naramdamang saquit para nang mang̃a sinabi co sa itaas, ay cailang̃ang siyang magpagamot na madali; maca cun pabayaan ang saquit sa catauan, ang sumunod doon sa gayón ay ang pagcatuyo nang catauan niya.
Ang nagcacasaquit nangconsunciónó ang natutuyo ang catauan ay nag-uubo muna nang ilang bouan calauon. Cun baga siya,i, dungmoroual ó sungmusuca pagca cain ay yaon ang señal na caalam-alam matutuyo ang catauan. Ganoon din cun mainit sa rati ang caniyang pagcaramdam, ó cun siquip ang dibdib, lalo pa cun siya,i, cungmiquibo; cun ang caniyang inilulura ay maalat, ó may calahoc na dugo; cun siya,i, namamanglao,cun nananab-ang nang pagcain, at nauuhao; cun ang pulso,i, matulin, malambot at munti (datapoua cun minsan matigas at puno). Ang hungmahalili rito ay ang paglura nang berdeng maputi na may casamang dugo. Ang cataua,i, ungmoonti dahil sa lagnat na ética at dahil sa pauis na malaqui, na dungmaraan sa caniya touing umaga at touing gabi. Ungmiihi pa siya nang marami, at nag-iilaguin nang malacas; na yao,i, ang iquinahihina niya. Ang mang̃a palad nang camay totoong init, at ang muc-ha,i, pungmupula pagca cain. Ang caniyang mang̃a daliri ay totoong onti; ang mang̃a cuco ay baluctot na pailalim, at nalalaglag ang buhoc. Saca ang maysaquit ay nanghihinang totoo, lungmalalim ang caniyang mata, hindi macalonoc; namamaga ang paa, at nanlalamig ang mang̃a dulo nang paa,t, camay, at ang sungmosunod doon ang camatayan.
Ang gagauin nang may catauan cun ang caniyang saquit ay bagong-bago pa, ay magbago siya nang lugar, cun baga ang caniyang tinatahanan hindi pinapasucan ó hindi natatapat na magaling sa hang̃in. Saca siya,i, magpilit sumacay na parati sa cabayo, at houag siyang hihiga na basa ang damit. Ang lahat na caniyang cacanin ay ang mang̃a ualang liuag matanao sa sicmura: caya ang bagay lamang sa caniya ay ang mang̃a gulay at ang gatas. Dito sa lupa nang Filipinas magaling ang gatas nang cabayong babayi. Na-aari naman ang gatas nang babaying tauo, at ang magaling ay doon na sumuso ang maysaquit. Ang gatas nang cabayong babayi iinumin cun mainit pa, na bagong galing sa suso. Ang isang inom ay dalauang taza, na yao,i, gagauing macaipat maghapon, ó macaitlo man lamang. Ang gatas ay doroonan nang ilang sopas na tinapay. Cun ualang gatas nang cabayong babayi na-aari ang sa baca, ó ang sa cambing; datapoua cailang̃ang alisin ang pinacataba noon. Cun ibig nang maysaquit ay masasamahan ang gatas nang caonting canin. Macacain naman nang maysaquit ang mang̃a bung̃a nang cahoy na totoong hinog para nang mang̃a atis etc. Cun baga nararamdamang mabigat sa sicmura ang gatas, ay hulugan nang caonting azucal.
Cun ang maysaquit ay nag-iilaguin dahilan sa gatas, ay cumuha ca nang mang̃a paa,t, sipit nang hipon, iyong bayohin at isama mo sa gatas.
Ang guinagaua nang iba hindi ang gatas cundi angsueronoon, siya ang iniinom. Caya cun baga nacacayanan ang suero nang sicmura nang maysaquit, ay mabuti inumin niya yaon; houag lamang uminom siya pagcaraca nang marami hangang hindi pa bihasa. Datapoua gamitin man nang maysaquit ang gatas, gamitin man ang suero hindi macagagaling sa caniya cundi ituloy gauin nang ilang bouan calauon. Maigui rin dito angtalabana yao,i, hindi lulutuin, cundí pagcaraca,i, cacaning hilao.
Dito sa Filipinas ang natutuyo ang catauan ay magaling uminom siya nangtuba sa niyog ó sa caong,datapoua houag ang maasim. Mabuti rin ang siya,i, cumain nang mang̃a sarisaring matamis na guinagaua sa mang̃a trapiche.
Itong mang̃a uica co ng̃ayon ang sucat gauin nang natutuyo ang catauan, at cun minsan siya ang nacagagaling sa marami; datapoua mayroon pang iba na turo ni Buchan na magagaua mo cun ibig mo, at cun minamagaling mo, na yaon ng̃a ang isusunod co rito.
Cun ang saquit nang pagcatuyo nang catauan ay bago pa, at totoong lacas nang pag-uubo nang may catauan ay masasangrahan siya nang umonti ang caniyangubo; at nang houag macahirap sa caniya ang pag-uubo, ay painoming maminsan minsan siya nang isang cucharang gatas nangdayapna sasamahan nang isang gayon din polot na lulutuin muna sa mahinang apoy. Ang iinuming parati nang maysaquit ay ang tubig na pinaglagaan nangmanzanilla;datapoua cun baga siya,i, lungmura nang dugo ay houag painumin noon.
Cun baga ang maysaquit mayroong sibol doon sa caniyang baga, ay basahin mo ang párrafo 42, at ang mang̃a magcasumonod doon.