Nang manhik sa "Hospital General" sina Elsa, manang Magda at donya Basilia, ay dili ang hindi nila napansin na may isang alin~gasn~gas na nangyayari sa bulwagang laan sa m~ga maysakit, na babae.
N~guni't kung ano ang sanhi n~g ligamgam na iyon ay hindi na nila hinan~gad alamin. Sapagka't samantalang nagkakaisa n~g paniwala ang dalawang matanda na yao'y likha lamang marahil n~g sinomang may mabigat na sakit na kaipala'y naghihin~galo o naghihirap na, bagay na di sasalang pangkaraniwan sa m~ga pagamutang paris niyon, ang tan~ging nagsisikip naman sa puso n~g mestisa ay ang masidhing pananabik na makarating siya kaagad sa piling n~g makatang kanyang pinakaiibig.
Tuloytuloy n~ga silang nasok sa silid na kinararatayan n~g makatang si Tirso, at ito ay dinatnan nilang sa malas ay payapang nahihimbing.
Napuna ni Elsa na ang manang, matapos anianinawin ang mukhang bahagyang nakalitaw sa nakapabalibid na m~ga taling kayo sa ulo n~g natutulog, ay lihim na kumalabit sa kamay ni donya Basilia, at mandi'y itinanong kung sino ang maysakit na iyon. Si donya Basilia nama'y nagkibit lamang n~g balikat sa halip na tumugon. Hinihintayhintay niyang ang pamangking mestisa ang magpakilala kay manang Magda. N~guni't ang lahat ay parang gumagalang sa kahimbin~gang kinapapalautan n~g makatang nararatay. At halos walang ibig na magbuka n~g bibig.
Subali't ... ¿bakit kaya baga't napagmasdan nilang may n~giting gumuhit sa labing maputla n~g lalaking yaon?
¿Nakagising kaya o nananaginip?
Lumapit si Elsa sa dakong ulunan, at saka tumawag:
—Tirso....
Dapwa't ang lalaki ay hindi sumagot,
—¿Sinong Tirso iyan?—ang di napigilang usisa n~g manang kay donya Basilia, pagkarinig sa pan~galang iyon.
—Asawa ni Elsa ...—patutok sa tayn~gang pakli n~g tinanong
—¿Asawa?—ang pamanghang ulit sa marahang turing n~g matandang manang.—¿Diyata n~ga baga at nagasawa na ang inyong pamangkin?
Tuman~go na lamang si donya Basilia, at sa isang hudyat ay waring sinabing "Mamaya na ninyo malalamang lahat".
At kaginsaginsa'y nakita na namang bahagyang tumawa ang makatang kalong n~g pagkakahimbing, bago pagkatapos ay umun~gol muna at saka gumalaw ang maputlang labing tila bumubulong.
—Hindi n~ga sasalang siya'y nan~gan~garap,—ang wikang namitiw sa bibig ni Elsa.—Ang buhay n~ga nama'y isang pan~gan~garap na walang pagsawa ...—anya pa.
Subali at ¿anong m~ga pamimigkas ang narinig nila?
¡Mahiwagang tula!
Natulig si Elsa n~g gayon na lamang nang maunlinigan ang ganitong saad:
Teang ko, Teang ko, ang biro ng palad
sa ati'y huwag mong ipagalapaap;
naririto ako't hanggang huling sukat
n~g ating daratni'y sumisintang tapat.
¿At tumatangis ka? ... Ang luha mong iya'y
tipirin sinta ko't di pa kailangan,
sa piling ng aking malamig na bangkay
saka mo na roon guguling minsanan....
Ang isip mo't diwa'y papanumbalikin
sa pagmamahal ko't payapa tang hintin
ang muling pagngiti ng buwa't bituin.
Bayaan ta munang itaboy sa dagat
ng mga buhawi ang dilim ng ulap,
at saka lakbayin ang lupang mapalad.
¡Panibagong tinik na biglang humalang sa lumuluwag nang paghin~ga ni Elsa!...
¿Diyata't hanggang sa m~ga sandaling mabin~git sa labi n~g libin~gan ang buhay ni Tirso ay si Teang din ang laman n~g diwa't katalatalamitam n~g kanyang kaluluwa?
¡Gaanong paghihinagpis na naman ang sumambilat sa puso n~g mestisang walang palad sa pagibig sa pagkarinig n~g tulang yaon na ang bawa't pantig ay busog na sumisibat sa kanyang m~ga tayn~ga!...
At, ang paghihinagpis ay lalong nagulol nang marinig niya ang may baklang tanong n~g matandang manang:
—Elsa, ¿sinong Teang ang aking narinig na tinatawagtawag?
—....
Mahabang sandaling walang kumikibo sa loob n~g silid. Sa m~ga matang nanggigilalas n~g mamang at sa nahihiyang nahahapis na mukha n~g mestisa, ay nabasa ni donya Basilia ang di mailarawang pangyayaring likha n~g mahiwagang tulang kabibigkas n~g makata.
¡Oh, pagkalungkotlungkot na sandali ang tinatawid noon n~g mestisang kailan man yata'y hindi na magtitikim n~g kaluwalhatian, n~g ganap at lubos na kaluwalhatian sa pagibig!...
Naroroon siya nang umagang iyon upang ipagparan~galan sa dalawang matanda ang lalaking ayon sa una niyang pahayag ay siyang pinagtiwalaang magari n~g kanyang n~gala't kapurihan, datapwa't nang ang pagpapakilala'y halos bubukhin na lamang sa kanyang m~ga labi, ay... saka niya tinanggap ang isang katunayan n~g kanyang walanghanggang pagkasiphayo at pagkapawakawak n~g pagkababae niya at dilang pagasa....
Madilim na madilim n~ga ang nakikita ni Elsa nang m~ga sandaling yaon. Sa kanyang ulana'y waring nararamdaman niyang ang lan~git ay bumababa't tila danggan sa kanyang nanglalatang katawan, at sa kanyang paana'y parang natutunghang nunuka ang lupa't kung baga sa ganid ay anyong siya'y sisilain hanggang sa magkadurogdurog ang balangkas n~g kanyang kahalihalinang alindog....
Sa laki n~g panghihilakbot sa harap n~g kanyang naguguniguni'y tinangka n~g mestisa ang sumigaw n~g ubos lakas upang sa gayo'y tumighaw ang kanyang nagsisikip na paghin~ga, nguni't kung tayahin niya'y may bikig siya sa leeg at ang dila niya'y hindi makapalag sa dami n~g gapos....
Salamat na lamang at kaginsaginsa'y nagmulat n~g mata ang makatang galing sa pananaginip.
Nagisnan ni Tirsong sa may paanan niya'y dalawang matanda ang nagbubulun~gan, subali't di niya namamalayang sa dakong ulunan ay naroon si Elsang malamlam ang mukha sa taglay na hapis.
Upang mapakimatyagan ang pinagbubulun~ga'y muling pumikit ang nararatay. At noon di'y kanyang naulinigan na sa may ulunan niya'y nagbungtonghinin~ga si Elsa. Bigla siyang pumihit at lumin~gap sa dakong kinaringgan n~g nasabing buntonghinin~ga. At namasdan niyang malungkot na malungkot na nakapan~galumbaba ang kanyang mestisa.
—Elsa ...—ang unang pumasnaw sa bibig ni Tirso ... ¿Kanina ka pa ba?—ang dugtong na tanong.
—N~gayon lamang ...—- malumbay na sagot.
—¿Ang iyong kasama?
—Sina manang Magda at tia Basilia.
Ang dalawang matanda'y marahang lumapit sa naguusap. Sinalubong naman n~g makatang nakahiga n~g isang malugod at magalang na n~giti.
—¿Kumusta?—ang may kapalagayang loob na bati ni donya Basilia na parang inaaming hindi na iba sa kanya ang lalaking iyon.
—Mabuti na po naman daw, ayon sa mediko ...—mabanayad na pakli ni Tirso.
—Nanaginip ka yata,—ang wika pa n~g matandang iyong ale ni Elsa, samantalang ang mamang nama'y napapatun~gan~gang hindi makaimik.
Nagitla si Tirso sa gayong sinabi.
¿Bakit kaya't nalalaman yata n~g matandang iyon ang panaginip niya? ¿Binigkas kaya niya n~g malakas ang tulang maliwanag pang nalilimbag sa kanyang pangtanda? ¡Oh, baka narinig na ni Elsa ang pagkakabanggit niya sa n~galan ni Teang!...
Sa hangad na matiyak ang tunay na nangyari'y hinagisan n~g mapun~gay na sulyap ang mukha ni Elsa. ¡Ah, tila n~ga nababanghay ang isang panibughong hindi karaniwan! ¡Hindi n~ga sasalang narinig ni Elsa! ¡Kay samang pagkakatoon!
Ibig niyang aruin ang kanyang mestisa ay hindi magawa, pagka't may m~ga kaharap. At ¿hindi kaya naman napakinggan n~g manang ang n~galan ni Teang na nababanggit sa kanyang tula? ¿At ano kaya ang palapalagay n~g matandang ito sa tulang yaong bunga n~g pangarap?
—Paglabas mo rito ay sa aming bahay kayo magtitira.—ang makasandali'y narinig na naman ni Tirsong sinasabi ni donya Basilia.—Ganito ang pinagkasunduan na namin ni Elsa, samantalang hindi pa kayo napapanhik sa bahay n~g kanyang kapatid sa Pasay.
Humigit-kumulang ay nahulaan n~g lalaki ang taglay na kahulugan n~g m~ga salitang yaon. Kaya't ni kataga n~g pagayon, ni kataga n~g pagtutol, ay wala siyang isinagot. Ang ibig niyang mangyari, kung magagawa lamang, ay ibaling na sa iba ang kanilang paguusap.
Subali't nan~gagkatigilan silang parapara nang maulinigan nilang patuloy na lumulubha ang ligalig na nangyayari sa isang bahagi n~g gusaling iyon.
Ang dalawang matanda ay siyang unang nakapuna sa gayong paglubha, sapagka't mula sa dun~gawan n~g silid ni Tirso sa "Floor No. 3" ay natin~gatin~gala nilang marami ang taong nagkakagulo sa "Floor No. 6" na nauukol sa m~ga babae.
—Elsa,—ang tawag n~g manang sa mestisa,—may pinagkakaguluhan sa ibayong kuwarto sa dakong itaas.
—Marahil po'y isang may malubhang sakit na naghihin~galo na,—ang tugon n~g tinukoy.
—¡Kaawaawa naman! ¡Nakapan~gumpisal na lamang sana!—ang padalan~gin pang saad ni manang Magda.
—¿Bakit n~ga kaya't nan~gagtatakbuhan ang m~ga mediko'tnursena doon ang tun~go?—ang tanong pa rin ni donya Basilia.
—Marahil n~ga po'y mayroong malubha ang karamdaman,—ang ayon ni Tirso sa narinig kay Elsa.
—Kung gayon lamang ay ¿bakit kay dami pang mediko ang kailan~gang magulo?
—Kung ako n~ga marahil ang maghihin~galo ay walang maliligalig na sinoman ...—ang may pahagkis na saad n~g mestisa.
—Maaaring magkagayon,—ang sunggab n~g nakaratay, kung ako ang mauunang mamatay sa iyo. Datapwa't ... Elsa, kung mamamatay ba naman ako ay ¿magagambala ka?
—¡Kung magusap ang m~ga batang ito!—ang himig pasaway na inihadlang ni donya Basilia.—Nasa talaga n~g Dios ang asawa mo, Elsa, at hindi kayo nararapat maggamitan n~g ganyang pan~gun~gusap.
Ang mestisa ay hindi na naman umimik. Ang makata lamang ang tumugon:
—Wala po namang anoman ang pinaguusapan namin ...—mahiyahiyang wika na nilakipan n~g isang masayang n~giti.
—¿Ano n~ga ba ang inyong dinaramdam, at bakit baga may tali kayo sa ulo?—itinanong naman n~g manang.
Saka lamang naipaliwanag ni donya Basilia sa kanyang kumare ang kanyang natatalos sa bagay na iyon. At sa ginawang paguulat n~g ale ni Elsa tungkol sa naging sanhi n~g pagkaratay sa pagamutan ni Tirso, ay napaguwiuwi n~g makatang ito na ang pagkakabalita n~g naturang mestisa ay talagang napakasal na sila nang gabing sinundan.
Hindi siya kumibo.
Siyang pagakabukas n~g pinto n~g silid. At isangnursena humihin~gal ang biglang humarap sa kanilang tatlo.
—Ipagpatawad po nila ang pagkakapasok ko,—ang magalang na bati sa m~ga dinatnan, at saka lumapit sa nakahiga't ito ay tinanong:—Kayo si G. Tirso Silveira, ¿ano po?
—Ako n~ga po,—malumanay na tugon n~g lalaki.
—¿Ano po ang kanilang sadya?—ang katlo naman ni Elsangnurseang hinarap.—Siya n~ga si Tirso Silveira, ang aking asawa,—ang pakilala pa.
Biglang natilihan ang tinurangnursenang marin~gig ang sabi n~g mestisa. "¿Sino ang tunay na asawa n~g lalaking ito?" ang di sasalang naibulong sa sarili sa laki n~g mangha.
—¿Ano n~ga ba ang maipaglilingkod?—ang tanong pa ni Elsa, samantalang nakikimatyag sa salitaan ang dalawang matanda.
Maikling sandali pa ang namagitan bago nakasagot ang tinukoy.
—Ipagpatawad po nilang sabihin ko na sa kaibayong kuwarto ay isang babaeng tila nasisiraan n~g bait ang naghihihiyaw at bumabanggit n~g inyong pan~galan,—ang wikang kay Tirso nakatin~gin.—At kayo ay ipinakikiabot, tinatawag n~g ubos lakas, at waring napaliligtas sa isang malaking kapahamakan ... ¿Itinutulot ba ninyong ipakuha ko kayo rito at sandaling sumaglit sa kinaroroonan n~g babaeng sinabi?
—¿Ano po ang pan~galan?—ang panabay na usisa n~g dalawang magkumare.
—Hindi ko naitanong sa kasamahan naming nagbabantay sa kanya, n~guni't inaakala kong makikilala ninyo pagdating natin doon.
Napaban~gon si Tirsong hindi na naghintay n~g sinomang aalalay sa kanyang nanghihihang katawan. N~guni't gaputok may hindi nagsasalita. Sa liblib na pitak n~g kanyang dibdib, hindi sasalang may sinasarili siyang isang malaking lihim.
—¿Ibig mo bang pumaroon?—ang tanong ni Elsang tila may balisa, na rin sa gunamgunam.
—Ibig kong lumapit sa tumatawag ...—nanghihin~gapos na sambot n~g maysakit.
—Kung gayon po'y magpapakuha ako n~gayon din n~g inyong sasakyan,—anangnursena maliksing lumabas.
Halos di naglipat sandali't dumating ang sasakyang kinuha na iginugulong n~g dalawang lalaki.
—Ihihilig po kayo rito,—ang wika n~g masipag nanurse.
—Huwag na po,—ang tanggi ni Tirso,—ako'y lalakad na lamang....
—Baka kayo mapagod na totoo....
—Kaya ko na ang aking katawan.
At pagkasambit nito'y marahan nang tumindig at umanyong lalakad.
—Akbayan mo, Elsa,—ang utos n~g ale.
Subali't ang utos na iya'y tila hindi narinig n~g pamangking pinagsabihan, sapagka't ang buong pagiisip nito ay ganap na nabuhos noon sa pagtatanong sa sarili kung sino n~ga ang babaeng iyon na ibinabalitang tumatawag sa n~galan ni Tirso.
—¿Sino n~ga ba ang babaeng yaon?—ang ulit pang tanong ni donya Basilia.
—Aywan n~ga po ba,—ang sambot n~gnursehabang sila'y samasamang lumalakad sa lagusang palipat sa ibang bulwagan.—N~guni't ang sabihanang narinig ko ay kagabi idinating ditong may kasamang isang lalaking sugatan sa loob n~g isangambulancia, galing sa Intramuros at itinelepono n~g isang pulis.
Nagibayo ang sikdo n~g puso ni Elsa, pagkarinig sa m~ga pahayag n~gnurse.
¿Diyata n~ga kaya't yaon na ang babaeng walang malaytaong nakapiling ni Tirso sa loob n~gambulanciangnakasagasa n~g kalesa?...
Isang iglap na lamang at mapagkikilala kung siya ay sino....
Natatakot, sumisigaw, tumatan~gis....
Alan~gang malinaw ang isip at alan~gang nahihibang; unat at taas ang m~ga kamay na tila nalulunod at tumatawag n~g makasagip; m~ga matang halos magkanglulusot sa laki n~g sindak, na parang nakakikita n~g isang kapan~ganyayaang mahirap iwasan; m~ga patak n~g luhang pabugsobugsong nanaloy sa humpak n~g pisn~gi: mukhang kahabaghabag na nakikipan~gagaw sa kulay n~g suka; samongsamong na buhok na wari'y dinaanan n~g matinding buhawi; katawang pumapalag na anaki'y nagpupumiglas makatakas sa kamay na yumayapos ... iyan ang sa biglaang paglalarawa'y siyang pagaanyo n~g babaeng yaon na kinabubuntahan nang umagang iyon n~g dilang pagkagulumihanan sa "Hospital General".
M~ga medikong manakanakang nagtatanong, m~ganurseswalang matutuhang gawin sa pagaaruga; maraming maysakit na nagban~guna't lumapit sa isang dulo n~g bulwagang pinagbubuhatan n~g alin~gawn~gaw; saka iba pang m~ga kawaning takangtaka sa nangyayari, ang m~ga pan~gunang saksi sa ganyang anyo at m~ga kilos n~g tinurang maysakit na tumatawag sa n~galan ni Tirso.
At ang sinasabi sa gumagaralgal at pauntolutol na tinig ay nabubuo sa ganitong m~ga katagang halos di maunawaan gayong maliliwanag:
—¡Asawa ko! ¡Asawa ko! ¿Saan ka naroon? ¿Nahan ang awa mo?... ¡Halika! ¡Tirso! ¡Halika! ... ¡Ikaw lamang ang makapagliligtas sa akin sa kapahamakang ito!...
—¿Sinong Tirso ang inyong hinahanap?—ang tanong n~g isang manggagamot na kaharap doon.
—¡Si Tirso Silveira! ¡Ang aking asawa! ... ¡Ay Tirso! ¿Nasaan ka n~gayon? ¡Parito ka't lin~gapin mo ang aking napagsapit!...
Marinig ito n~g isangnurse, ay madali n~gang nanaog na nagtungo sa silid n~g makatang nasa ibang bahagi n~g gusaling iyon.
Samantala'y patuloy ang m~ga pagtataka, at patuloy ang m~ga pagsusumigaw n~g abang maysakit na di nagsasabi kung siya ay sino.
—¡Patawarin mo ang aking m~ga pagkakamali! ¡Limutin mo ang aking m~ga pagkukulang! ¡Oo, Tirso, inaamin ko ang pagkabulag n~g aking paniwala at ang pagkapatun~go ko sa ligaw na landas! ... ¡Minarapat kong tumalikod sa layaw n~g mundo at sampu n~g sumpang isinangla sa iyo ay aking hinamak, sa pagaakalang kabanalang dakila itong aking pinagsakitang marating! Datapwa't ... ¡hindi pala! ¡AngBeaterio, na nang una'y itinuring kong isangParaisona katatagpuan n~g dilang luwalhati n~g babaeng banal, ay siya palang tunay na impiyerno sa balat n~g lupa, isang parusahang kinasasadlakan n~g m~ga nahihibuan n~g buktot na hatol! ¡Ang m~ga taong itong kung sabihin n~g aking m~ga ninuno'y matapat na alagad n~g Kabanalang sinugo n~g Dios upang maghasik sa daigdigang ito n~g malusog na binhi n~g Dakilang Asal, at di umano pa'y m~ga tagapagakay sa m~ga kinapal na ninitang ginhawa, ay wala pala kundi m~ga kasumpasumpang kawa n~g Pagpapakunwari na sa tulong n~g balatkayong Tumpak na Pananampalataya'y nagiging halimaw na laging uhaw na mapagsamantala sa puri at dan~gal n~g kahima't sinong mahulog sa kanilang inuumang na lambat! ... ¡Ah, n~gayon ko nakilala ang malaking pagkakamaling aking nagawa laban sa iyo, asawa ko! ¡Dahil sa iyong pagkakasapi sa isang Kapisanang di ko nakilala, pagkasaping ayon sa paring di ko nahulaang may imbot, pala sa aking pagkababae'y sukat daw upang ikaw'y pangdirihan n~g sinomang gaya kong may loob sa Dios, minarapat ko ang sa iyo'y lumimot ... pinagsisihan ko n~g gayon na lamang ang pagkakilala sa iyo ... aking ininis sa sariling dibdib ang pagsintang tumibok na kusa sa mura kong puso ... at ang kadalisayan n~g aking pan~gako ay kusang hinamak at pinapagmaliw n~g lubuslubusan ...! ¡Patawad n~ga, Tirso, ang hinihin~gi sa iyo nitong asawa mong nagbabalik-loob!...
At, habang hindi naglulubay n~g kasasalita ang babaeng iyon na kahi't pagbawalan ay para ring di nakaririnig, sa isang hiwalay na umpok n~g ilang kataong kabilang sa m~ga nalilimpi sa palibid n~g tinurang babae, ay siya namang pinananayn~gahan ang ganitong pahayag n~g manggagamot na umaaming siyang kasama saambulancianang gabing nagdaan:
—Dinatnan kong ang babaeng iya'y walang ulirat na nakalugmok sa harap n~g pulis na tumelepono rito kagabi; hindi masabi n~g pulis na iyon ni n~g sinoman sa ilan pa kataong nagmamalas sa kanya, kung siya ay sino at kung saan galing. Pagdaka'y nakita na lamang daw n~g pulis na susuraysuray na sumasalubong at napasasaklolo sa kanya, n~guni't pagkalapit ay bigla na lamang napahandusay. Nang aking siyasati'y may ilang bugbog sa katawan, na mahihinuhang gawa n~g pagkakahulog mula sa alinmang mataas na lugal. Ang amingambulanciangikinuha sa kanya ay nakasagasa naman sa raan n~g isang kalesa. At sa banggaang iyo'y isang lalaki ang nasawi. Walang malaytaong ito'y dinala rin namin, kasama n~g isang mestisang pagdating dito ay nagpahayag na asawa niya. Ipinatala n~g tinurang mestisa na ang pan~galan n~g kanyang asawa ay Tirso Silveira. At n~gayo'y ... ¡hayan at Tirso Silveira rin ang isinisigaw n~g babaeng iyan!
—¡Kay laking hiwaga!—ang nagpalipatlipat sa isa't isang bibig.
Kapagkuwa'y narinig na namang nagsisisigaw ang babae.
—¡Oh, Tirso! ¡Narito na naman ang halimaw na ganid! ¡Narito't anyong ako'y gagahasain! ¡Iligtas mo ako, Tirso! ¡Halika!...
Siyang pagsipot sa bulwagang iyon n~g lalaking pinagpatalastasa't sinundo n~gnursekasunod si Elsa, si donya Basilia at si manang Magda.
Pagkairinig sa huling pagibik na iya'y ang manang ang una at boong liksing nakalapit, n~guni't si Tirso ma'y naroon na ring hawak sa bisig ni Elsa.
—¡Anak ko!
At sa loob n~g isang pikitmata halos ay tambing nang dinuhapang na niyakap n~g matanda ang abang maysakit. N~guni't ito ay waring di nakakikilala n~g tao't parang walang naririnig na anoman. Nasa m~ga bisig na n~g matanda, ay isang sigaw pa, sigaw na ubos lakas, ang narinig n~g lahat.
—¿Nasaan ka, Tirso? ¡¡Tirso!!...
Mabilis na tulad sa kidlat, ang tinawag na di pa natatanaw n~g nagpapagibik ay biglang nagkawala sa, pagkakapigil n~g kaakbay na mestisa at parang limbas na dumaluhong sa harap niyon, kasabay n~g tawag na:
—¡Teang!
Si Teang ang maysakit. At sa tawag na ito ay waring natauha't pinagsaulan n~g lakas n~g katawan at linaw n~g isip.
—¡Ah, si Tirso!...
At noon di'y naghulagpos sa m~ga kamay ni manang Magda at matuling lumipat sa m~ga bisig n~g makata.
Halos napigil ang paghin~ga n~g tanan sa gayong hindi akalaing mapanood.
—¿Teang, ano ang nangyari sa iyo?—ang patakang tanong n~g manang, samantalang ipinan~gan~gamba sa sarili ang pagkabaliw n~g anak, ayon sa ginawang pagyakap sa lalaking itinuturing na asawa ni Elsa.—¿Bakit naparito ka? ¡Naku, bunso ko!...
Nagbalik na naman sa bisig n~g ina ang abang si Teang.
—¡Ina ko! ¡Patawarin ninyo ako!...
At ang m~ga labi'y nagpalitan n~g halik: halik n~g anak sa kamay n~g ina; at halik n~g ina sa noo n~g anak....
—¿Nagkasakit ka ba?
—Hindi po; nguni't ... ¡oh, ang m~ga taong pinaghabilinan ninyo sa akin! ¡Patawarin nawa sila ni Bathala sa di nila nalalamang kanilang ginagawa!...
—¿Sinong m~ga tao?—ang pabiglang sunggab ni Tirso.—¿At nilapastan~gan ka ba? ¡Teang ituro mo at gagawin ko ang nararapat!
—Salamat, Tirso ... Huminahon ka't napawi na ang sigwa....
—¿Lumabas ka bang kusa sa kolehio?—ang tanong na naman n~g inang manghangmangha sa nangyari sa anak.
—Opo, inang; at sa ginawi kong ito'y inuulit kong, ako'y inyong patawarin, yamang ito ang tan~ging naging kaligtasan n~g anak ninyo. ¡Ah, ayokongayoko nang mag mongha! ¡Siya n~ga, inang! ¡Mamatay na muna ako bago muling matira n~g isang saglit sa loob n~gBeaterio!... ¡Maano nawang mabunyag na sa lahat n~g m~ga kababayan natin ang alin~gasaw n~g kabulukang naluluom sa loob n~g m~ga pinid na pinto't dun~gawan n~g m~ga gusaling ito!—Saka ibinaling sa makata:—Tirso, n~gayon ko napagtalastas kung bakit inibig mong mapatiwalag ka sa bakuran n~g Papa ... ¡May labis kang katuwiran!...
Samantala, ang dinaranas na pagpupuyos n~g budhi ni Elsa, habang nagiging saksi siya n~g lahat at lahat, ay di mailalarawan n~g lalong bihasang panitik.
May puso n~ga siyang nasasabi'y di niya maalaman kung tumitibok pa nang sandaling iyon ... Ang m~ga mata niya'y naroroo't nakadilat n~ga, subali't hindi niya maturol kung may nakikita pa ... Nakikinig siya sa pook na yaon, n~guni't sa kanyang m~ga tayn~ga'y isang kawang kuliglig mandin ang nagpapanabay na tumutulig at nagpapalito sa kanyang isipan....
Datapwa, nang magsalita ang katabi niyang ale na si donya Basilia at ibulong sa kanya sa anyong tila naninisi ang "¿Anong gusot, Elsa, itong pinasok mo? ¿Napakasal ka n~ga ba sa lalaking iyan, o ako'y iyong pinaglalakuan?" ay napukaw ang kanyang kaluluwa't sa kaibuturan n~g dibdib niya'y nagban~gon ang larawan n~g kapalaran niyang inaamis ni Teang, pagkaamis na humihin~gi n~g kanyang pagtatanggol, n~g kanyang paghihiganti, n~g kanyang tanang magagawa....
Sa isang an~gat n~g ulo ay nanglilisik na naipako niya ang kanyang m~ga panin~gin sa mapagwaging anyo ni Teang sa piling ni Tirso; at wala siyang makitang anomang karapatang tinataglay n~g babaeng iyon upang umagaw n~g kaligayahan niya ... Si Teang ay isang babaeng kung kinasilawan man n~g paghan~ga ni Tirso ay nilimot na naman nito, at siya—si Elsa—ang sa wakas ay pinagsanglaan n~g lalong mahal na hiyas n~g puso at pinaghasikan n~g matimyas na punla n~g isang pagibig na wagas at dalisay. Ang punlang iyo'y inaalagaan ni Elsa na taglay ang taimtim at tunay na pagmamahal, sa pananalig na sarili niya at tan~ging siya lamang ang may kapangyarihang maghari sa pagibig n~g naturang makata ... saka n~gayon sa namamalas niya'y si Teang ang kayapos n~g m~ga bisig ni Tirso ... ¡Oh, hindi niya mababata!
—¡Tirso, sukat na ang pagbibigay!—ang malakas na wika sa nan~gan~gatal na tinig.—¡Gunitain mong naririni akong nagmamasid sa iyo!
Ang lahat n~g mata'y napabaling at sukat sa nagbitiw n~g m~ga katagang iyang kulog manding sumambulat sa pangdinig ni Teang. At ang panggigilalas ay lalo nang nagulol at lumaganap sa tanang naroon.
Ang tin~gin ni Elsa at titig ni Teang ay nagkasagupang tulad sa dalawang sandatang nagkapingkian sa laot n~g paglalamas; dapwa't laban sa katan~giang likas sa isa't isa, sa pagkakapingking iyo'y si Elsa ang napipilan wari't siyang nagbaba n~g tin~gin, pagkapalibhasa'y may nabasa siya mandin sa m~ga balintataw ni Teang na isang katotohanang kinasilawan niya: ang katotohanan n~g pagkapariwara n~g lahat niyang pagasa.
N~guni't kay Teang, ang gayong pagyuko ni Elsa ay nagpapanumbalik naman n~g dati niyang pakikipagpalagayan sa mestisang ito, kaya't parang hindi dinaanan n~g ulap ang maaliwalas na lan~git n~g kanilang pagkikilala'y malugod niyang tinawag ang pan~galan nito.
—¡Elsa!—anya, at kasabay ang lapit na idinugtong:—Naniniwala akong kaya ka naririto'y dahilan sa akin, ¿hindi ba?
—Isinama lamang ako ni tia ...—ang may lungkot na pakli n~g mestisa.
—¿Ang ninang ko pati ay naririto?—at noon di'y pinagala ang tin~gin sa dami n~g taong nakapalibid, at hinanap si donya Basilia.
—Naririto ...—bahagya nang naitugon ni Elsa.
—¡Ah, ninang!—ang boong tuwa't pananabik na ibinati pagkakita sa hinanap, at pagdaka'y tinakbong niyakap at hinagkan sa kamay,—¡Anong himala't naparito tayong lahat!
Walang kumibo sa m~ga kaharap. Lahat ay nasa panonood at pagtataka.
Sa katotohanan, ang m~ga kilos ni Teang nang umagang iyon ay naging kapunapuna't malayo sa dati niyang asal. Marahil ay gawa n~g lagnat na nadama n~g inang umaapoy sa kanyang katawan.
Hindi hinihintay ni manang Magda na ang kanyang anak na babaeng pinalaki sa mabuting turo ay mamasdan niyang yumupyop na gayon sa dibdib n~g isang lalaking sa pagkabatid niya'y asawa pa naman n~g iba, ni Elsa. Si donya Basilia man nama'y natitilihan din n~g gayon na lamang, sa dahilang hindi niya maubos liripin sa sarili kung ano't itong lalaking sinasabing asawa ni Elsa ay siya pa namang ipinagibang kilos n~g mabait na babaeng kanyang inaanak sa namamalas n~g mestisang iyong dapat sanang masakita't magubos n~g kaya sa paguusig. At si Elsa naman, sa kanyang sarili, ay lalo nang may malaking ipinagiba. Kaikailan man ay hindi siya nan~gimi sa harap ni Teang kundi nang m~ga sandaling yaon. Samantalang si Tirso, habang nagtatagal n~g pagmamalas sa kaibigibig na alindog n~g babaeng unang nagkapan~galan sa kanyang puso, ay lalo nang napapatdahan n~g dila't sa laki n~g galak na lumulunod sa kaluluwa'y hindi makabigkas n~g isa mang kataga.
Subali't si Teang ay patuloy sa pagpapahan~ga....
Si Elsa't si donya Basilia ay hinawakan sa kamay at iniagapay sa kinatatayuan n~g inang si manang Magda sa harap n~g makata. At ang sabi pagkatapos:
—Inang, ninang, kaibigang Elsa ... huwag kayong mamangha sa ipakikilala ko: ang lalaking pinaghabilinan ko n~g aking kapalara'y naririto: si Tirso Silveira.
—¡Teang!—ang halos panabay na nasambit n~g tatlo.
—Huwag kayong magalaala: kasal na po kami....
—¡Hindi manyayari!—ang bigla't patiling hadlang n~g mestisang mistulang pinagdaupan n~g lan~git at lupa sa sandaling iyon.
—Nangyari na, Elsa ...—malumanay na tugon ni Teang.
—¡Pangahas!—ang bulalas na wika n~g nasasakitang mestisa, at umanyong duduhapan~gin ang kanyang katun~go.
—¡Dios ko!—ang tili n~g manang.
—¡Elsa!—malakas na tawag naman ni donya Basilia.
Siyang pamamagitan ni Tirso.
—Elsa ...—anya sa mahinahong pamimigkas.—Nalalaman kong si Teang ay para mong tunay na kapatid at dati kayong matalik na magkaibigan. Nalalaman ko rin na ang kaligayahan at kapalaran n~g isa sa inyo ay di lamang hindi ipagdaramdam ni ikaiinis n~g isa pa, kundi bagkus ikalulugod n~g walang pasubali. At kung sakasakali mang may nagkukulang sa sinoman sa inyong dalawa, ang pagkukulang na iya'y ipinagpaparaya rin alangalang sa katalikan n~ga n~g inyong pagsasama. Elsa, ¿hindi mo ba ikinalulugod ang kaligayahan n~g kaibigan mong si Teang?...
—Tirso ...—boong lumbay na ipinakli n~g mestisa,—¿diyata ba't isa ka pa sa magpapainom n~g lason sa akin sa tulong n~g matatamis na bulaklak n~g dila? ... At parang di alumanang sa palibid nila'y hindi kakaunting tao ang nagmamasid at nakikimatyag; ay isinusog pa sa nan~gan~gatal na, tinig:—Tapatin mo ako, Tirso: ¿hindi na ba ikaw ang Tirsong sinanglaan ko n~g lalong mahalagang hiyas n~g aking puri at nagdulot sa puso ko n~g pagasang balang araw ay sasayurin ko ang walang hanggang ... kaluwalhatian?
—¡Tirso ko!—ang sabat ni Teang na waring ... nagpaalaala n~g isang mahalagang tungkulin.
—Pumayapa ka, Teang,—ang salo n~g makata, bago pumihit na muli sa mestisa.—Elsa, ang m~ga nalilihis na hakbang ay di nararapat ipagpatuloy. Kung tunay na ako'y pinahahalagahan mo, ay inasahan kong iyong paiirugan ang isa kong samo: magpatawaran na tayo....
—¿Magpatawaran? ¿Ibig mo bang sabihi'y ipalupig ko sa babaeng, iyan ang aking dilang pagasa?...
—Hindi, Elsa; subali't ... ipinagtatapat kong taglay ni Teang ang boong karapatan sa narinig mong kanyang sinabi.
—¿At nahihibang ka ba?...
—Nahihibang ay hindi; datapwa't ... kinikilala kong ang isa't isa sa atin, Elsa, ay may kanikanyang pagkakasalang marapat patawarin n~g pinagkasalanan.
—¡Pagkakasala! ... ¿Anong pagkakasala ang ibubuhat mong aking nagawa pagkatapos na tupdin ko ang tanang itinitibok n~g aking puso sa pagkakilala sa iyo?—At sa pagsasalita n~g ganito'y; naramdaman n~g mestisang untiunting nagdidilim ang kanyang m~ga panin~gi't bahabahagyang nanglalabo ang kanyang pangwatas.
—Elsa, sa dakong iyan n~ga may bagay na dapat tayong kilalanin: na ang pakikipagtalik sa babae, kung minsan, ay nagiging paglalaro n~g apoy at sa ating pagkikilala ay sinasabi ko sa iyong ako ... ay nadarang, nasalab, napaso. Dahil dito'y patawarin mo n~ga ako, at sa lahat at lahat ay pinatatawad naman kita....
Ganap nang naglaho ang tanang namamalas n~g m~ga balintataw ni Elsa. At sa isang pikit-mata'y pabiglang nagbulalas n~g matunog na sigaw.
—¡Apoy! ...—saka nilabnot ang buhok at taas ang dalawang bisig na humarap sa madla,—¡Apoy na nakapapaso ang babae! ¡Ang babae'y nakadadarang, nakatutupok! ... ¡Ha-ha-ha-ha! ... ¡Tabi kayo't naito ang apoy! ¡Ang apoy! ... ¡Ha-ha-ha-ha-ha!...
At ang kahabaghabag na mestisa, ay naging baliw sa isang saglit....
Walang paalam, pasugod, tumatakbo at han~gos, sumisigaw at kumukumpas, humahalakhak at walang nakikilala, walang naririnig ... ang abang si Elsa ay nagmistulang bagong Sisa sa dahas n~g dagok n~g kasaliwaang palad na kanyang kinamtan....
Matulingmatuling naba at lumayas sa pagamutang iyon na animo'y salaring tumakas sa bilangguan, n~g sa likura'y nilisang ayaw mang pansinin ang di magkamayaw na tawag nina donya Basilia, manang Magda at n~g iba pang may paglin~gap sa kanya....
¡Kahambalhambal na naging wakas n~g sawingpalad na mestisang kung nakagawa man n~g malulubhang kamalian, ay walang iba kundi yaong ibinubuyo at iniuupat n~g isang pagibig na walang kapantay sa kasidhian!...
WAKAS
Maynila, K.P.,
Pebrero 7, 1920.
TALABABA:
[A]
Angfox trotna ito ay nilapatan n~g tugtugin n~g kilalang gurong si G. León Ignacio, at sa ilalim n~g pamagat na ANG MESTISA ay maaaring matagpuan sa m~ga aklatan at tindahan n~g tugtugín. Bagay na bagay sa m~ga sayawan.
Angfox trotna ito ay nilapatan n~g tugtugin n~g kilalang gurong si G. León Ignacio, at sa ilalim n~g pamagat na ANG MESTISA ay maaaring matagpuan sa m~ga aklatan at tindahan n~g tugtugín. Bagay na bagay sa m~ga sayawan.