VIII KABANATAPAGTATAPAT—NASA Kolehio ka pa noon at ang kapisanan ay di pa nagkakapalad na sumilay sa iyong hiwagang ganda. Bago magbakasiyon ang mga nagaaral ay binawian ng buhay ang pinagpipitaganan kong mahal mong ama, na sanhi ng unang pagtatama ng ating malas na ikaw ay dalaga na, nguni’t ang mata mo’y pigta sa luha ang puso mo’y iniinis ng sakit, kaya’t wala akong nasabi kungdi: “Ako po’y nakikiramay”. At ang kamay mo’y iniabot mo sa akin na tandang napasasalamat, bagamang ang mga labi mo’y di pinulasan ni isang salita man lamang. Nakasaklit ang kamay ko sa baiwang ni Selmo, na tapat at mahal ko sa tanang kababata at hinahandugan ko ng aliw...... Kay lupit na kaugalian na naguutos sa atin, na sa mga gayong sandali ay magliponlipon; para bagang ang pagdamay na yaon sa kadalamhatian ng mga naulila at pinapanawan ng lalong pinakamamahal sa buhay ay dapat panoorin o saksihan man lamang nino mang kaibigan o kakilala.—Maniwala ka Nati—ang patuloy—na, nang mga sandaling yaon, kungdi lamang natatakot akong maparatangang isang masamang kaibigan at di tapat na kapwa bata, maniwala ka Nati, na bawa’t luhang nanalong sa mga mata mo, sa mga mata ni Selmo at sa mga mata ng nangungulila mong ina ay umiinis sa aki’t naguudyok mandin na lisan ko ang inyong malungkotna tahanan, at ako’y yumaon na nga sana. Kay panglaw na ala-ala ng aking napupukaw!Ang binibini ay tumungo at idinampi ang kanyang panyo sa mga mata upang salubungin ang mga luhang naguunahang dumungaw.—Talastas ko Nati na ang bagay na ating pinaguusapan ay labas na labas sa ala-alang itong napupukaw ko ngayon; nguni’t dito ko sisimulan at nang magkaroon ng lalong dakilang uri... Huwag kang tumangis.Naaala-ala ko pa hangang ngayon ang mga pangaral ng nasira mong ama sa aming dalawa ni Selmo kung siya’y dinadaanan ko upang kami ay maglibot sa madadawag na landasin ng buhay.Aniya:“Ang babai ay isang bato balaning bumabatak sa mga lalaki; lumayo kayo sa kanila, sa layong ang bisa ng kanilang lakas ay huwag umabot sa inyo, sa pagka’t kung kayo ay mabalot ng kanilang mga panghalina ay mahirap nang lubha ang sa kaniya’y humiwalay”.—Ang ama mo—ang dugtong ni Maneng—ay isang dalubhasang talaisip, nguni’t ako’y isang aralang aayaw maniwala, at di dumingig sa mga aral ng Guro. At pagdating sa lansangan, ay nagkabiyak bunga kami ni Selmo; tumungo siya sa ibang landas at ako naman ay sa iba rin. Isang Sirena ang aking kinahulugan, hindi ko napansin ang kanyang mababang uri. Sinilaw ako ng kanyang ganda. Ipinagtatapat ko sa iyo Nati na siya’y maganda; at sinumpaan kong sa kaniya’y magsuob ng dalisay na pag-ibig.—Luksa kayo noon at ang laging pagdalaw ko sa inyong bahay ay napigil—ang patuloy.—Kami ni Selmo ay magkita dili, panahong ikinalaya kong magpasasa sa tagayan ng maitim kong kapalaran. Naniwala ako gaya ng sapantaha mo, na, ako’y kaniyang iniibig, kaya’t nang muli ninyong buksan ang inyong mga pintuan at magkapalad akong muli ninyong makahalobilo sa inyong lipunan ay nagbaka sa aking puso ang iba’t ibang damdamin. Ang lalaki ay talagang salawahan at halos lahat ng babaing tamaan ng malas ay nasang bathalain. At ako’yisang lalaking di naligtas sa kasalanang yaon, at ang kagandahan mo ay bumalisa sa akin ng gayon nalamang, bagamang sa harapan mo ay di ako nagsasalita; di ako nagpapahayag. Naging dungo ako tuwina at pinalayulayuan kitang parang kinatatakutan. Tinika kong sariling tangisan ang aking pag-ibig, yayamang wala sa panahon ay naialay ko na sa iba; nguni’t ang gayo’y di ko napaglabanan. Sumapit ang sandali na naidaing ko sa iyo ang damdamin ng puso na di mo man diningig ng lubusan, ay di mo naman itinakwil. Naaala-ala mo ito at di mo malilimutan, at sa dapat na ako’y palulong ay lumayo ako ng lumayo; di miminsang nakarating sa akin ang sinasabi mong ako’y malaking tao dahilan sa ako’y mayaman, at ang gayon ay pinapapasok ko sa isang tainga at pinalalabas sa pangalawa, pagka’t ikaw naman ay mayaman din na gaya ko. Nagkausap pa tayong muli. Ito’y magdadalawang buwan ngayon... Noong magpista sa Santa Cruz. Naaala-ala mopa ba?At ang parungit mo’y gayari: “¡Talagang malaking tao!” Nalalaman kong ako’y binigyan mo ng isang anino na umakibat sa akin tuwina at nang malaman mo ang ibig mong malaman ay nanglamig ang pakikiharap mo sa akin, nguni’t ako’y patuloy din sa patumbetumbeleng na pagsuyo na kailan ma’y di mo nagipit na sa iyo’y magtapat. At di mo pa rin ako itinatakwil.Ang binibini ay taos na taos sa loob nang pakikingig kay Maneng at ito nama’y nagpatuloy:—Lumakad ang panahon na di mapigilpigilan. Ang aking lihim ay mabubunyag na. Ang tanging kublihan na nasa kong panghawakan, upang makipag isang puso sa kaniya ay di malalaunan at sisilay na sa sangmaliwanag. Handa na akong matali sa loob ng bahay, paalipin sa isang puso, magmahal at mahalin. At ang mapanganib na sandali ay dumating, ang kabuwanan ay sumapit, at nang ang pintuan ng bilanguan na pagiging ama ay papasukin ko na, ang aking mabuting tala ay nagising, isinakamay ko sa isang pagkakataon ang isang bungkos na sulat na di ko nabasang makalawa. Ako’y ginising sa isang mahimbing na tulog at napagtanto kongsiya, ang inaakala mong inibig ay isangtaksil. Binulag niya yaring mga mata.At sa pagka’t si Nati, ng mga sandaling yaon, na iba’t ibang karamdaman ang dinadanas samantalang di natatapos ang salaysay, ay di umiimik, ay binuksan ang kalupi na dinukot sa lokbotang dakong likod ng salawal at iniabot kay Nati ang mga liham na sanhi ng kanyang pagsumpa kay Orang. At ang sabi: Nariyan ang patotoo.Binasa ni Nati ng boong bilis ang tatlong liham at pagkatapos ay tiningnan si Maneng ng boong tamis.Ang kanilang mga mata ay nagusap ng lihim.—Ngayon,—ang basag ni Maneng sa katahimikan.—Naniniwala ka na? Ngayon ano ang hatol mo sa akin? Di ba ako’y malayang makapamintuho sa iyo ng walang kabalabalakid? May lakas ka pa bang ako’y itakwil?Bilang tugon ni Nati ay itiningala ang kanyang mukha at nang muli pang gawaran ni Maneng ng puspos pag-giliw na halik, niyaong halik na di nakaw kundi lubos na kapahintulutan; at sinilo ang liig niya ng mga bisig ni Nati at ang dalawang labi nila’ynagdaopna malaong sandali, at ang kanilang mga puso’y nagkaramdaman ng tibok.Ang araw ay lumiblib sa kalunuran at ipinagkatiwala sa nagmamadaling gabi ang kanilang palad.

VIII KABANATAPAGTATAPAT
—NASA Kolehio ka pa noon at ang kapisanan ay di pa nagkakapalad na sumilay sa iyong hiwagang ganda. Bago magbakasiyon ang mga nagaaral ay binawian ng buhay ang pinagpipitaganan kong mahal mong ama, na sanhi ng unang pagtatama ng ating malas na ikaw ay dalaga na, nguni’t ang mata mo’y pigta sa luha ang puso mo’y iniinis ng sakit, kaya’t wala akong nasabi kungdi: “Ako po’y nakikiramay”. At ang kamay mo’y iniabot mo sa akin na tandang napasasalamat, bagamang ang mga labi mo’y di pinulasan ni isang salita man lamang. Nakasaklit ang kamay ko sa baiwang ni Selmo, na tapat at mahal ko sa tanang kababata at hinahandugan ko ng aliw...... Kay lupit na kaugalian na naguutos sa atin, na sa mga gayong sandali ay magliponlipon; para bagang ang pagdamay na yaon sa kadalamhatian ng mga naulila at pinapanawan ng lalong pinakamamahal sa buhay ay dapat panoorin o saksihan man lamang nino mang kaibigan o kakilala.
—Maniwala ka Nati—ang patuloy—na, nang mga sandaling yaon, kungdi lamang natatakot akong maparatangang isang masamang kaibigan at di tapat na kapwa bata, maniwala ka Nati, na bawa’t luhang nanalong sa mga mata mo, sa mga mata ni Selmo at sa mga mata ng nangungulila mong ina ay umiinis sa aki’t naguudyok mandin na lisan ko ang inyong malungkotna tahanan, at ako’y yumaon na nga sana. Kay panglaw na ala-ala ng aking napupukaw!
Ang binibini ay tumungo at idinampi ang kanyang panyo sa mga mata upang salubungin ang mga luhang naguunahang dumungaw.
—Talastas ko Nati na ang bagay na ating pinaguusapan ay labas na labas sa ala-alang itong napupukaw ko ngayon; nguni’t dito ko sisimulan at nang magkaroon ng lalong dakilang uri... Huwag kang tumangis.
Naaala-ala ko pa hangang ngayon ang mga pangaral ng nasira mong ama sa aming dalawa ni Selmo kung siya’y dinadaanan ko upang kami ay maglibot sa madadawag na landasin ng buhay.
Aniya:
“Ang babai ay isang bato balaning bumabatak sa mga lalaki; lumayo kayo sa kanila, sa layong ang bisa ng kanilang lakas ay huwag umabot sa inyo, sa pagka’t kung kayo ay mabalot ng kanilang mga panghalina ay mahirap nang lubha ang sa kaniya’y humiwalay”.
—Ang ama mo—ang dugtong ni Maneng—ay isang dalubhasang talaisip, nguni’t ako’y isang aralang aayaw maniwala, at di dumingig sa mga aral ng Guro. At pagdating sa lansangan, ay nagkabiyak bunga kami ni Selmo; tumungo siya sa ibang landas at ako naman ay sa iba rin. Isang Sirena ang aking kinahulugan, hindi ko napansin ang kanyang mababang uri. Sinilaw ako ng kanyang ganda. Ipinagtatapat ko sa iyo Nati na siya’y maganda; at sinumpaan kong sa kaniya’y magsuob ng dalisay na pag-ibig.
—Luksa kayo noon at ang laging pagdalaw ko sa inyong bahay ay napigil—ang patuloy.—Kami ni Selmo ay magkita dili, panahong ikinalaya kong magpasasa sa tagayan ng maitim kong kapalaran. Naniwala ako gaya ng sapantaha mo, na, ako’y kaniyang iniibig, kaya’t nang muli ninyong buksan ang inyong mga pintuan at magkapalad akong muli ninyong makahalobilo sa inyong lipunan ay nagbaka sa aking puso ang iba’t ibang damdamin. Ang lalaki ay talagang salawahan at halos lahat ng babaing tamaan ng malas ay nasang bathalain. At ako’yisang lalaking di naligtas sa kasalanang yaon, at ang kagandahan mo ay bumalisa sa akin ng gayon nalamang, bagamang sa harapan mo ay di ako nagsasalita; di ako nagpapahayag. Naging dungo ako tuwina at pinalayulayuan kitang parang kinatatakutan. Tinika kong sariling tangisan ang aking pag-ibig, yayamang wala sa panahon ay naialay ko na sa iba; nguni’t ang gayo’y di ko napaglabanan. Sumapit ang sandali na naidaing ko sa iyo ang damdamin ng puso na di mo man diningig ng lubusan, ay di mo naman itinakwil. Naaala-ala mo ito at di mo malilimutan, at sa dapat na ako’y palulong ay lumayo ako ng lumayo; di miminsang nakarating sa akin ang sinasabi mong ako’y malaking tao dahilan sa ako’y mayaman, at ang gayon ay pinapapasok ko sa isang tainga at pinalalabas sa pangalawa, pagka’t ikaw naman ay mayaman din na gaya ko. Nagkausap pa tayong muli. Ito’y magdadalawang buwan ngayon... Noong magpista sa Santa Cruz. Naaala-ala mopa ba?
At ang parungit mo’y gayari: “¡Talagang malaking tao!” Nalalaman kong ako’y binigyan mo ng isang anino na umakibat sa akin tuwina at nang malaman mo ang ibig mong malaman ay nanglamig ang pakikiharap mo sa akin, nguni’t ako’y patuloy din sa patumbetumbeleng na pagsuyo na kailan ma’y di mo nagipit na sa iyo’y magtapat. At di mo pa rin ako itinatakwil.
Ang binibini ay taos na taos sa loob nang pakikingig kay Maneng at ito nama’y nagpatuloy:—Lumakad ang panahon na di mapigilpigilan. Ang aking lihim ay mabubunyag na. Ang tanging kublihan na nasa kong panghawakan, upang makipag isang puso sa kaniya ay di malalaunan at sisilay na sa sangmaliwanag. Handa na akong matali sa loob ng bahay, paalipin sa isang puso, magmahal at mahalin. At ang mapanganib na sandali ay dumating, ang kabuwanan ay sumapit, at nang ang pintuan ng bilanguan na pagiging ama ay papasukin ko na, ang aking mabuting tala ay nagising, isinakamay ko sa isang pagkakataon ang isang bungkos na sulat na di ko nabasang makalawa. Ako’y ginising sa isang mahimbing na tulog at napagtanto kongsiya, ang inaakala mong inibig ay isangtaksil. Binulag niya yaring mga mata.
At sa pagka’t si Nati, ng mga sandaling yaon, na iba’t ibang karamdaman ang dinadanas samantalang di natatapos ang salaysay, ay di umiimik, ay binuksan ang kalupi na dinukot sa lokbotang dakong likod ng salawal at iniabot kay Nati ang mga liham na sanhi ng kanyang pagsumpa kay Orang. At ang sabi: Nariyan ang patotoo.
Binasa ni Nati ng boong bilis ang tatlong liham at pagkatapos ay tiningnan si Maneng ng boong tamis.
Ang kanilang mga mata ay nagusap ng lihim.
—Ngayon,—ang basag ni Maneng sa katahimikan.—Naniniwala ka na? Ngayon ano ang hatol mo sa akin? Di ba ako’y malayang makapamintuho sa iyo ng walang kabalabalakid? May lakas ka pa bang ako’y itakwil?
Bilang tugon ni Nati ay itiningala ang kanyang mukha at nang muli pang gawaran ni Maneng ng puspos pag-giliw na halik, niyaong halik na di nakaw kundi lubos na kapahintulutan; at sinilo ang liig niya ng mga bisig ni Nati at ang dalawang labi nila’ynagdaopna malaong sandali, at ang kanilang mga puso’y nagkaramdaman ng tibok.
Ang araw ay lumiblib sa kalunuran at ipinagkatiwala sa nagmamadaling gabi ang kanilang palad.