XIII KABANATAKUNG MAGLARO ANG PUSO

XIII KABANATAKUNG MAGLARO ANG PUSO—MANENG—ang ulit sa sarile ni Binay na parang may isang malungkot na ala-alang napupukaw.—Ang ginoong yaon ay di miminsan kong nakita; ang gayong tingig ay hindi bago sa aking pangdingig. Saan ko nakilala ang taong yaon?Ang talumpati ni Maneng ay nagsimula sa kagitingan ng mga babaing Bokawe, niyang mga babaing nakalimot sa manang ugali na: “ang bahay at simbahan lamang ang dapat marating”; mga babaing dapat uliranin ng lahat, sa pagka’t ang kanilang mga dila ay di natatalian, ang kanilang galawan sa pagtatangol ng karapatan ng kanilang anak ay lubhang malawak na maaasahan ng lubhang mapakinabang na bunga.Ang puso ni Binay ay sumisikdo ng sikdong nagbabalita ng isang bagong bagay na dadanasin sa buhay.Si Maneng sa piling ni Tomas na kaniyang kasintahan ay isang malaking tao sa lahat ng anyo ng buhay. Lalong mainam ang tindig, lalong mabikas, mataas ang uri at paham mandin sangayon sa mga bigkas niyang animo’y matamis at pigta sa pulot; nguni’t namumulupot na parang ulango sa mga taong kaniyang tinutuligsa.Nang ang miting ay natapos ay wala nang naging bulaklak ng usapan sa lahat ng dako kungdi ang talumpati ni Maneng.At si Tomas nang málapit sa umpukan nila Binay ay nagsabing:—Napakadalawa ang talim ng mga pangungusap ng palalong yaon—tinutukoy niya si Maneng.—Ang kanyang ipinahayag ay nasasalig sa mga simulaing matitibay—ang tugon ni Binay.—Alin ang simulaing matitibay na tinukoy mo?—Ang kanyang ipinahayag na sapolitikaay di dapat tuligsain ang mga tao kundi ang kanilang mga pananalig at batayan na itinitimpalak ng kanilang mga hayag na gawa na di maililihim.—Ah!... Yang paraang yan ay totoong napakalawak; kung baga sa mandidigma ang ganyan ay naghahanda ng uurungan, hindi niya tinitiyak ang tagumpay na sarili, kungdi ang tagumpay ng kalaban.—Hindi ko napansin kung saan mo hinagilap ang hinuha mong iyan. Ang napansin ko at di ako namamali ay ang sinabi ni Maneng na: si Osmeña, ay lálaki ng malaking malaki kung siya nating papananagutin at siyang dadaganan ng sagutin na dapat lamang panagutan ng bayang nasionalista. Ang aking isinasakdal sa iyo bayang Bokawe—anya—ay ang kalaswaang inaasal ng mga nasionalista ngayong sila’y maakiyat sa kapangyarihan; masdan ninyo ang kanilang mga gawa gaya ng gawa ng isang lapian at di gaya ng gawa ng iisang tao. Sa kanilang pagka-nasionalista ay sinikangan nila ang mga manghahalal sa Maynila na nasionalista rin dahilan lamang sa aayaw doon nglukban; at anglukbanna ipinipilit na kanilang ihandog ay talaga yatang matamis sa mga nasionalistang pinagpala, kaya si Lukban din ang kanilang pilit na binibihisan hangang sa ngayo’y magkaroon na ng tawag na “Veto” na kung mabibigla ka’y masasabi mong “Veto-veto”.—Ginang,—ang pakutiyang tawag ni Tomas—Buhat pa po kailan kayo nagingAbogadang inyongdefendidongsi Maneng? Kay haba po ng inyong natandaan sa kaniyang talumpati na nagpapakilalang siya lamang ninyong pinagukulan ng boo ninyong pagiisip.—At buhat kailan po naman, Ginoo, kayo nagkaroon ng kapangyarihan sa mga kaisipan ng inyong kapuwa?—Talagang ang salapi nga nama’y malakas at makapangyarihan.—Ay ano ba ang ibig mong sabihin noon Tomás?—Na si Manéng ay mayaman.—Kung mayaman ay ano?Ang tudyuhan ng dalawang dating magkasintahan ay umasim ng umasim hangang sa sina Montenegro, Mendoza, Sandiko at iba pa ay dumating. Huling huling sumungaw si Maneng na parang hindi kasali sa talaan ng mga “leader” baga man siya’y isang bantog na mananalumpati. Si Binay sa nasang lalong pasakitang loob si Tomas ay umumpok sa kinalalagyang dako ni Maneng at di naglaon at silang dalawa na lamang ang nagusap.—Natanto ko po kay Angko mahal na binibini, na ako’y may malaking utang sa inyo, at ang gayong bagay ay ihinihingi ko sa inyong pahintulot na mabayaran ko ng isang dalaw sa inyong tahanan bukas ng hapon—ang sabi ni Maneng ng boong pitagan.—May utang kayo sa akin ang sabi ninyo at idinugtong pang ang maysabi sa inyo ng gayon ay si Angko? Sino pong Angko at anong utang ang inyong sinasabi?—Isang bagay pong hindi mapaguusapan ng sangdalian kaya ako humihingi sa inyo ng pahintulot at kung kailangan pa’y magsasabi din ako sa inyong mga magulang, lalong lalo na sa inyong ama, kahit hindi ko pa nakikilala upang malaman ninyong ang nasa ko’y tapat.—Sayang po’t si tatang ay wala po rine at palagi sa Meykawayan, kung naririne po disi’y nagkaroon ako ng karangalang ipakilala sa inyo. Siya po’y may malayang pananalig na gaya ko rin.—Sa Meykawayan!—ang ulit ni Maneng—¡Meykawayan! Oh malaking suliranin ang handog sa akin ng bayang yaon.—Sa Meykawayan. Talaga pong sa mga binata ang lahat halos ng bayan ay may suliranin. Marahil po’y may Celia kayo roon?—Celia po at sa Meykawayan?... Opo may matuwid kayo. Doon ako nakakita ng unang hiwagang mahigit pa kay Celia, ng taga Panginay na si Kiko, ngunit ako’y isang hangal, hindi ako makata, ang umawit ay isang sining na di ko kilala at ang Celiang nakita ko ay parang kinain ng laho; nawalang animo’y ulap na itinaboy ng hangin, nguni’t walang pinagibhan sa pangarap na muli akong pinalad na sa kaniya’y sumilay.—Maaari po bang makilala Ginoo? Marami po akong kakilala sa Meykawayan na mababayani nating kung kailangan ang tulong.—Bakit po hinde? Makikilala po ninyo bukas kung pahintulot ninyong ako’y makaparine.Sa lahat ng ito ay parang nasa isang hurno na nabalisa mandin si Tomás.Si Binay ay napakaganda sa malas ni Maneng. Ang kanyang malalamang dibdib, na nasisinag sa maninipis na barong madadalang, ang bilugan niyang katawan at mabilog ding bisig, ang kulot niyang buhok, ang kaniyang kiring lalawigan at malayang kaugalian, mainam na pakikiharap; ang lahat ng yaon ay tulong tulong na sumilo kay Maneng na nang mga sandaling yaon ay bihag na bihag na ng talaghay ni Binay.Ang patalim na kuko ng panibugho gayon din ang matatalas na pangil noon ay kasalukuyang humihimay sa puso ni Tomas. At ang isang ginintuang pangarap na busog sa pangako ay nagpasiglang lalo kay Binay.Nang ang mga panauhin ay yumaon nang lahat ay mapitagang lumapit si Tomas at anya:—Binay ang imperdible mong kaloob sa akin ay maaasahan mong igagawa ko ng isang malungkot na kasaysayan.—Yao’y di ko kaloob sa iyo; dapat mong malaman na di ko maipagkakaloob kangino man ang kaloob lamang sa akin, kaya’t kung mangyayari, utang na loob, na aking kikilanlin sa iyo ay mangyaring isauli lamang sa akin. Sinasabi ko na nga bang may kahulugan ang mapilinghingi mo.—Hindi mo kaloob sa akin anginaasahankong isang sanla?—Hindi, Tomas, hindi nga.—Sa sanla man at sa hindi; ang isang bagay na galing sa iyo ay pahintulutan mong akingmahalin pa...—Mahalin!....—Oo, Binay mahalin ang iyong imperdible.—Yao’y hindi akin inuulit ko sa iyo at ipinaala-ala ko rin na yaon ay hiniram mo lamang sa akin. Isauli mo sana, hane Tomas.—Binabawi mo ba?—Kung gayon ang ibig mong ipalagay ay maaari. Nakapangungupinyo ka naman.—Tila ka may ipinagmamalaki Binay.—Kahit na wala... At kung mayroon ma’y ano?—Talagang ang kiyas nga naman ng pilak. ¡Oh! ang tanikalang ginto ay kay daling ipanali...—Tomas...... Labis na yata iyan.—Kulang pa Binay; kulang pa.—Ang boong galit na animo’y baliw na sagot ng binata:—Kulangpalahat yaon. At kung magagawa kong luran sa mukha, sa harap mo, ang hamak na si Maneng, kungdi lamang ang gayon ay isang kaimbihan, nakita mo sanangginawa ko.—Labis na yan, murahing patalikod ang isang tao ay nalalaman mong di ko pahihintulutan, kaya yumaon ka na. Yumaon ka na Tomas.—Ang imperdible ay di na masasauli sa iyo kahit saan tayo dumating. Ang letra noo’y “M” at “S”, at animo’y “Nati” ang may-bigay sa iyo noon. Hindi ko mapaniwalaan. Malaman mong yao’y isang hiwaga para sa akin. Isang suliraning balot ng lihim at ngayon lamang nagliliwanag. Ang imperdibleng yao’y ipapalpal ko sa kaniyang mukha nang malaman niya kung gaano kahirap tumangis ang puso.—Hindi mo gagawin ang gayon Tomas. Wala siyang kinalaman sa imperdible.—Gagawin ko alang-alang sa aking karangalan.—Huwag, hindi dapat.—Saka mo makikita, Binay; saka mo makikita.At yumaong gaya ng isangfrancesna di man nagpaalam.

—MANENG—ang ulit sa sarile ni Binay na parang may isang malungkot na ala-alang napupukaw.—Ang ginoong yaon ay di miminsan kong nakita; ang gayong tingig ay hindi bago sa aking pangdingig. Saan ko nakilala ang taong yaon?

Ang talumpati ni Maneng ay nagsimula sa kagitingan ng mga babaing Bokawe, niyang mga babaing nakalimot sa manang ugali na: “ang bahay at simbahan lamang ang dapat marating”; mga babaing dapat uliranin ng lahat, sa pagka’t ang kanilang mga dila ay di natatalian, ang kanilang galawan sa pagtatangol ng karapatan ng kanilang anak ay lubhang malawak na maaasahan ng lubhang mapakinabang na bunga.

Ang puso ni Binay ay sumisikdo ng sikdong nagbabalita ng isang bagong bagay na dadanasin sa buhay.

Si Maneng sa piling ni Tomas na kaniyang kasintahan ay isang malaking tao sa lahat ng anyo ng buhay. Lalong mainam ang tindig, lalong mabikas, mataas ang uri at paham mandin sangayon sa mga bigkas niyang animo’y matamis at pigta sa pulot; nguni’t namumulupot na parang ulango sa mga taong kaniyang tinutuligsa.

Nang ang miting ay natapos ay wala nang naging bulaklak ng usapan sa lahat ng dako kungdi ang talumpati ni Maneng.

At si Tomas nang málapit sa umpukan nila Binay ay nagsabing:

—Napakadalawa ang talim ng mga pangungusap ng palalong yaon—tinutukoy niya si Maneng.

—Ang kanyang ipinahayag ay nasasalig sa mga simulaing matitibay—ang tugon ni Binay.

—Alin ang simulaing matitibay na tinukoy mo?

—Ang kanyang ipinahayag na sapolitikaay di dapat tuligsain ang mga tao kundi ang kanilang mga pananalig at batayan na itinitimpalak ng kanilang mga hayag na gawa na di maililihim.

—Ah!... Yang paraang yan ay totoong napakalawak; kung baga sa mandidigma ang ganyan ay naghahanda ng uurungan, hindi niya tinitiyak ang tagumpay na sarili, kungdi ang tagumpay ng kalaban.

—Hindi ko napansin kung saan mo hinagilap ang hinuha mong iyan. Ang napansin ko at di ako namamali ay ang sinabi ni Maneng na: si Osmeña, ay lálaki ng malaking malaki kung siya nating papananagutin at siyang dadaganan ng sagutin na dapat lamang panagutan ng bayang nasionalista. Ang aking isinasakdal sa iyo bayang Bokawe—anya—ay ang kalaswaang inaasal ng mga nasionalista ngayong sila’y maakiyat sa kapangyarihan; masdan ninyo ang kanilang mga gawa gaya ng gawa ng isang lapian at di gaya ng gawa ng iisang tao. Sa kanilang pagka-nasionalista ay sinikangan nila ang mga manghahalal sa Maynila na nasionalista rin dahilan lamang sa aayaw doon nglukban; at anglukbanna ipinipilit na kanilang ihandog ay talaga yatang matamis sa mga nasionalistang pinagpala, kaya si Lukban din ang kanilang pilit na binibihisan hangang sa ngayo’y magkaroon na ng tawag na “Veto” na kung mabibigla ka’y masasabi mong “Veto-veto”.

—Ginang,—ang pakutiyang tawag ni Tomas—Buhat pa po kailan kayo nagingAbogadang inyongdefendidongsi Maneng? Kay haba po ng inyong natandaan sa kaniyang talumpati na nagpapakilalang siya lamang ninyong pinagukulan ng boo ninyong pagiisip.

—At buhat kailan po naman, Ginoo, kayo nagkaroon ng kapangyarihan sa mga kaisipan ng inyong kapuwa?

—Talagang ang salapi nga nama’y malakas at makapangyarihan.

—Ay ano ba ang ibig mong sabihin noon Tomás?

—Na si Manéng ay mayaman.

—Kung mayaman ay ano?

Ang tudyuhan ng dalawang dating magkasintahan ay umasim ng umasim hangang sa sina Montenegro, Mendoza, Sandiko at iba pa ay dumating. Huling huling sumungaw si Maneng na parang hindi kasali sa talaan ng mga “leader” baga man siya’y isang bantog na mananalumpati. Si Binay sa nasang lalong pasakitang loob si Tomas ay umumpok sa kinalalagyang dako ni Maneng at di naglaon at silang dalawa na lamang ang nagusap.

—Natanto ko po kay Angko mahal na binibini, na ako’y may malaking utang sa inyo, at ang gayong bagay ay ihinihingi ko sa inyong pahintulot na mabayaran ko ng isang dalaw sa inyong tahanan bukas ng hapon—ang sabi ni Maneng ng boong pitagan.

—May utang kayo sa akin ang sabi ninyo at idinugtong pang ang maysabi sa inyo ng gayon ay si Angko? Sino pong Angko at anong utang ang inyong sinasabi?

—Isang bagay pong hindi mapaguusapan ng sangdalian kaya ako humihingi sa inyo ng pahintulot at kung kailangan pa’y magsasabi din ako sa inyong mga magulang, lalong lalo na sa inyong ama, kahit hindi ko pa nakikilala upang malaman ninyong ang nasa ko’y tapat.

—Sayang po’t si tatang ay wala po rine at palagi sa Meykawayan, kung naririne po disi’y nagkaroon ako ng karangalang ipakilala sa inyo. Siya po’y may malayang pananalig na gaya ko rin.

—Sa Meykawayan!—ang ulit ni Maneng—¡Meykawayan! Oh malaking suliranin ang handog sa akin ng bayang yaon.

—Sa Meykawayan. Talaga pong sa mga binata ang lahat halos ng bayan ay may suliranin. Marahil po’y may Celia kayo roon?

—Celia po at sa Meykawayan?... Opo may matuwid kayo. Doon ako nakakita ng unang hiwagang mahigit pa kay Celia, ng taga Panginay na si Kiko, ngunit ako’y isang hangal, hindi ako makata, ang umawit ay isang sining na di ko kilala at ang Celiang nakita ko ay parang kinain ng laho; nawalang animo’y ulap na itinaboy ng hangin, nguni’t walang pinagibhan sa pangarap na muli akong pinalad na sa kaniya’y sumilay.

—Maaari po bang makilala Ginoo? Marami po akong kakilala sa Meykawayan na mababayani nating kung kailangan ang tulong.

—Bakit po hinde? Makikilala po ninyo bukas kung pahintulot ninyong ako’y makaparine.

Sa lahat ng ito ay parang nasa isang hurno na nabalisa mandin si Tomás.

Si Binay ay napakaganda sa malas ni Maneng. Ang kanyang malalamang dibdib, na nasisinag sa maninipis na barong madadalang, ang bilugan niyang katawan at mabilog ding bisig, ang kulot niyang buhok, ang kaniyang kiring lalawigan at malayang kaugalian, mainam na pakikiharap; ang lahat ng yaon ay tulong tulong na sumilo kay Maneng na nang mga sandaling yaon ay bihag na bihag na ng talaghay ni Binay.

Ang patalim na kuko ng panibugho gayon din ang matatalas na pangil noon ay kasalukuyang humihimay sa puso ni Tomas. At ang isang ginintuang pangarap na busog sa pangako ay nagpasiglang lalo kay Binay.

Nang ang mga panauhin ay yumaon nang lahat ay mapitagang lumapit si Tomas at anya:

—Binay ang imperdible mong kaloob sa akin ay maaasahan mong igagawa ko ng isang malungkot na kasaysayan.

—Yao’y di ko kaloob sa iyo; dapat mong malaman na di ko maipagkakaloob kangino man ang kaloob lamang sa akin, kaya’t kung mangyayari, utang na loob, na aking kikilanlin sa iyo ay mangyaring isauli lamang sa akin. Sinasabi ko na nga bang may kahulugan ang mapilinghingi mo.

—Hindi mo kaloob sa akin anginaasahankong isang sanla?

—Hindi, Tomas, hindi nga.

—Sa sanla man at sa hindi; ang isang bagay na galing sa iyo ay pahintulutan mong akingmahalin pa...

—Mahalin!....

—Oo, Binay mahalin ang iyong imperdible.

—Yao’y hindi akin inuulit ko sa iyo at ipinaala-ala ko rin na yaon ay hiniram mo lamang sa akin. Isauli mo sana, hane Tomas.

—Binabawi mo ba?

—Kung gayon ang ibig mong ipalagay ay maaari. Nakapangungupinyo ka naman.

—Tila ka may ipinagmamalaki Binay.

—Kahit na wala... At kung mayroon ma’y ano?

—Talagang ang kiyas nga naman ng pilak. ¡Oh! ang tanikalang ginto ay kay daling ipanali...

—Tomas...... Labis na yata iyan.

—Kulang pa Binay; kulang pa.—Ang boong galit na animo’y baliw na sagot ng binata:—Kulangpalahat yaon. At kung magagawa kong luran sa mukha, sa harap mo, ang hamak na si Maneng, kungdi lamang ang gayon ay isang kaimbihan, nakita mo sanangginawa ko.

—Labis na yan, murahing patalikod ang isang tao ay nalalaman mong di ko pahihintulutan, kaya yumaon ka na. Yumaon ka na Tomas.

—Ang imperdible ay di na masasauli sa iyo kahit saan tayo dumating. Ang letra noo’y “M” at “S”, at animo’y “Nati” ang may-bigay sa iyo noon. Hindi ko mapaniwalaan. Malaman mong yao’y isang hiwaga para sa akin. Isang suliraning balot ng lihim at ngayon lamang nagliliwanag. Ang imperdibleng yao’y ipapalpal ko sa kaniyang mukha nang malaman niya kung gaano kahirap tumangis ang puso.

—Hindi mo gagawin ang gayon Tomas. Wala siyang kinalaman sa imperdible.

—Gagawin ko alang-alang sa aking karangalan.

—Huwag, hindi dapat.

—Saka mo makikita, Binay; saka mo makikita.

At yumaong gaya ng isangfrancesna di man nagpaalam.

Back to IndexNext