XV KABANATASINAGPANG ANG PAINKAILAN ma’t si Maneng ay may isang himaling ay hindi natatahimik samantalang di napalulugdan ang pita.At nang mga sandaling ito’y binubuko niya kung ano ang mabuting paraan upang ang magandang taga Bokawe ay pagtamasahan yayamang ang pakikiayon ay ipinagkatiwala na rin lamang sa kaniyang himok.Yaong ugaling halaghag na kinahihimalingan niya ay hindi magpatahimik.Nakalikmo sa isang likmuang tikwasin at nakapatong sa kaliwang tuhod ang kanang paa at ang isang pahayagan ay hinahanapan mandin ng balita; nguni’t ang kaniyang ala-ala ay naglalayag na kasalukuyan sa lawak at ligoy ng mga pakana na kaniyang binubuko upang ipagtagumpay ang nasa niyang ang dilag ni Binay ay pagsamantalahang pupulin, kahit na sa kabila noo’y magugol ang gaano man.Katapat ng kaniyang likmuan ang isang sopa na kinahihiligan ng isang kaibigang may malaya ring gawi na bilang sinasangunian niya sa binabalak na balahong pagbubuliran kay Binay.—Paano po kaya ang mabuting paraan sa babaing yaon, Kabisang Terio?Si Kabisang Terio ay isang matandangpusakalna sa gulang na apat na puong taon ay may tatlong puong anak na pawangpanganay. Isang bihasa sa sining na mandaya; kaya’t siyang ipinatawag ni Maneng upang hingan ng hatol.—Napasagot na ba ninyo ng: Oo?—anang matanda.—Yaon po’yde cahon. Wala pa po akong babaing linigawan na sumagot sa akin ng ayaw.—Eh bakit hindi ninyo hingan ng isang tagpuan?... Tatanggi po kaya kung ito’y inyong hingin?—Hiningan ko na po at di rin naman tumangi, nguni’t...—Para pala naman kayong di lalaki. Di yata’t tumangap na ng anyaya ninyo sa tagpuan ay di pa ninyo naitirik ang watawat ng tagumpay?—Hindi ko magagawa, Kabisang Terio ang gumawa ng ano man nang walang lubos na pahintulot. Ang hinihintay ko’y boong puso at walang tutol na ihandog sa akin ang saro ng ligaya.—Eh ano ang tugon niya ng inyong hingin sa huli ninyong tagpuan?—Isang talinhaga, Kabisang Terio.—Isang talinhaga?—Opo isang talinhagang makatuwiran.—Na ano po?—Na kung maipakikita ko raw pong sariwa ang tuhog na bulaklak na kaniyang sanla sa akin ay makaaasa akong kamatayan ma’y kanyang tatahakin sa aking kahilingan.—Ay ano po ang isinagot ninyo?—Ang pagwawalang kibo po.—Yaon po’y bugtong, mang Maneng, baka hindi ninyo naturingan.—Hindi po ba ang ibig sabihin noo’y pakasalan ko siya?—Yaon na nga ang kauuwian noon sa pagka’t yaon lamang ang tunay at matibay na tanda na ang pag-ibig, na sa bagay pa ito’y ang bulaklak, ay di malalanta.—Yan ang nakababahala sa akin, Kabisang Terio. Hindi ako matahimik kung hindi ko siya kakamtan at ipalalagay kong napaka-hangal ako.—Inumangan na po ba ninyo ng salapi?—Hindi masisilo ng salapi Kabisang Terio. Napakaingatsa karangalan na hindi mapapantayan ng anomang yamang mahahaka.—Iisa ang daan mang Maneng. Dayain.—Dayain po?—Opo, dayain. Sundin ninyong lahat ang nasa, lunurin ninyo sa pakitang loob at gawin ninyong maging kailangan niya kayo sa buhay.—Napagkikilalang hindi ninyo nakikilala ang kaluluwa ng babaing yaon. Siya’y lubhang mainit na umibig; sabik marahil makipagkita; nguni’t batong buhay mandin na di dumaramdam ang kanyang puso. Iisa ang kanyang pangungusap, at laging mapalalo na laging umuuwi sa gayari; “Hindi ako natatakot sa sasabihin ng sino man; nguni’t iniingatan ko ang ako’y masisi ng sariling budhiâ€. Sa pag-ibig Kabisang Terio, si Binay, ay isang matatag. Kung ako lamang ay handa nang matali, disin ay napabilango na ako sa kanyang piling.—Isipinninyongmabuti mang Maneng. Isipin po ninyong mabuti’tang magasawa’y di biro.Nang mga sandaling ito’y nasok si Gorio at dalawang sulat ang isinakamay ni Maneng.Ginapak ni Maneng ang sobre at ang unang sulat ay nagsasabi ng gayari:“Maneng:“Ano ang nangyayari sa iyo at ang mag-ina mo ay hindi mo na naala-ala. Kung makailan akong magpabilin upang ipasundo ka, nguni’t minsan ma’y hindi nagkapalad ang inutusan ko na ikaw ay matagpuan. Alin sa dalawa o ako’y pinagtatapatan o ako’y di sinunod; kaya nangyaring ako’y sumulat sa iyo kahit na kabilin-bilinan mong huwag akong susulat ano mang mangyari.“Papaanhin mo naman kung ang init ng iyong pagyupyop ay ikinakait mo na mandin. Alalahanin mo sana na ang luha ang lagi kong kasalo-salo sa pagkain, kasiping ko sa pagtulog at kaulayaw naming mag-ina sa araw at gabi.“Buhat nang ang bata ay sumilang sa maliwanag ay kinatakutan mo manding makita at di na ako nagkapalad na kita’y masilayan pang muli.“Ano ba ang ipinagtatampo mo aking Maneng?“Nalalaman kong ang nanay ay totoong napakabigat sa loob mo, nguni’t minsan ma’y di ka nagpahalata sa akin. Ang tatay nama’y isa pa. Oo, sila’y napakalabis; nguni’t maitatapon ko kaya sila?“Parine ka sana Maneng kahit na sasandali. Yupyupan mo si Nene, na naghihintay ng iyong init at makikita mong ang ligayang maging ama ay napakasarap. Siya lamang ang umaaliw sa akin tuwina. Ang kaniyang maliliit na mga kamay ay palagi ng nakaangat at parang humihingi ng halik at ang bango niya’y hindi lumilipas at hindi ka sasawa na makipaglaro sa sinungaling na sangol natin.“Huwag mong akalain na dahil sa dalawang buwan na ang lumipas, kaya kita pinaparirini, ay dahilan lamang sa kailangan ko ang kuwalta; hindi. Ang kaonti kong natitipid na napapautang sa mga magiisda, sa tubo lamang ay nakapagtatago pa ako ng kaonti.“Umiyak na si nene.“Adios Maneng. Paparini ka, hane?â€Ang iyongORANG.Sinabayan ng punit ang sulat pagkabasa at nagkiskis ngfosforoat ipinalamon sa apoy.—Bakit?—ani Kabisang Terio.—Naku.... Kung padadala kayo sa suyo niyang linikhang mahaba ang buhok na kung tawagi’y babai, ay mahuhulog kayo sa balong malalim at lulumutin ang ulo ninyo roon.—Bakit napakainam po bang maglamyos?—Ang akala ninyo’y totoo ang sinasabi; nguni’t alalahanin ninyong sa tunay na katotohanan, ay kayo’y mapapadual... Naku talagang ayoko nang makipagtalo riyan sa babai. Sa babalutin kayo sa katamisan ng pananalita at luha hangang kayo’y maalipin;—at pinunit ang sobre ng pangalawang liham.Ito ang nababasa:“Maneng niyaring buhay:“Kay sarap ng magmahalan at magkasamang mangarap ng gising kapuwa at sa lahat ng dako ay tulain ang sumasatitig.“Hayon masdan mo. Sa dako roo’y animo ahas na pilak na gumagapang ang mumunting ilog na umaahon sa mga bukirin upang hagkan ang talampakan ng mga lalong tagong halaman. Kay inam, ano, hindi ba? At ang halamang maawain ay linalaglagan siya ng mga hinog na bulaklak na kanyang yinayakap at itinatakas hangang sila’y kapuwa may buhay. Kay inam na halimbawa na panalaminan ng nangagsisiibig.“Nguni’t ano yaong aking nakikita. Kay inam na paroparong paligid-ligid at padapo-dapo sa mga bukang bulaklak na sinisimsiman nila ng samyo at tamis. Gayon kaya ang pag-ibig? Salawahan kung gayon. Hindi ba Maneng?“At Maneng, ako pala’y nanaginip:“Ako raw ay may isang halamang bumunga ng isang kay gandang bunga, ninasa kong tikman, nguni’t... Oh kay askad. Animo ba’y tinipon ng kanyang ganda ang askad. Namunga uli at nang manibalang na ay tinikman kong pamuli, at asim naman ang namayani. Kay ganda; nguni’t kay asimasim. At hinintay ko uling bumunga. Iginalang ko ang kabiglawan, nang manibalang na’y pinagyaman ko at iningatan hangang mahinog... at Oh! kay tamis marahil... ¡kay sarap kaipala! ¡Kay linamnam!“Hindi ko pa kinakain.“Kailan mo ba nasang ating pagsaluhan?â€Ang iyongBINAY.—Oh tignan ninyo Kabisang Terio ang sulat na iyan. Kay talas ng matang magwari at kay bihasang mag tahi tahi ng mga halimbawa.At binasa ni Kabisang Terio ng basang panalangin, animo ba’y may sakit na malubha si Maneng, na nakikinyig ng taimtim sa puso. Animo ba’y nasasarapan din si Kabisang Terio.At di nga ba si Maneng ay may-sakit at sakit na walang lunas kungdi ang tagumpay ng pita?Ilang lingo ang nakaraan at si Binay at si Maneng kahit lihim na lihim ay nagisang puso sa harap ng isang Pastor Protestante, sa kapilyang nasaAvenida Rizal.Pinagkasunduan nilang manatiling samantala sa dati nilang kalagayan, huwag ipagmakaingay na parang walang ano mang nababago: Tatak ng bagong panahon.

XV KABANATASINAGPANG ANG PAIN
KAILAN ma’t si Maneng ay may isang himaling ay hindi natatahimik samantalang di napalulugdan ang pita.
At nang mga sandaling ito’y binubuko niya kung ano ang mabuting paraan upang ang magandang taga Bokawe ay pagtamasahan yayamang ang pakikiayon ay ipinagkatiwala na rin lamang sa kaniyang himok.
Yaong ugaling halaghag na kinahihimalingan niya ay hindi magpatahimik.
Nakalikmo sa isang likmuang tikwasin at nakapatong sa kaliwang tuhod ang kanang paa at ang isang pahayagan ay hinahanapan mandin ng balita; nguni’t ang kaniyang ala-ala ay naglalayag na kasalukuyan sa lawak at ligoy ng mga pakana na kaniyang binubuko upang ipagtagumpay ang nasa niyang ang dilag ni Binay ay pagsamantalahang pupulin, kahit na sa kabila noo’y magugol ang gaano man.
Katapat ng kaniyang likmuan ang isang sopa na kinahihiligan ng isang kaibigang may malaya ring gawi na bilang sinasangunian niya sa binabalak na balahong pagbubuliran kay Binay.
—Paano po kaya ang mabuting paraan sa babaing yaon, Kabisang Terio?
Si Kabisang Terio ay isang matandangpusakalna sa gulang na apat na puong taon ay may tatlong puong anak na pawangpanganay. Isang bihasa sa sining na mandaya; kaya’t siyang ipinatawag ni Maneng upang hingan ng hatol.
—Napasagot na ba ninyo ng: Oo?—anang matanda.
—Yaon po’yde cahon. Wala pa po akong babaing linigawan na sumagot sa akin ng ayaw.
—Eh bakit hindi ninyo hingan ng isang tagpuan?... Tatanggi po kaya kung ito’y inyong hingin?
—Hiningan ko na po at di rin naman tumangi, nguni’t...
—Para pala naman kayong di lalaki. Di yata’t tumangap na ng anyaya ninyo sa tagpuan ay di pa ninyo naitirik ang watawat ng tagumpay?
—Hindi ko magagawa, Kabisang Terio ang gumawa ng ano man nang walang lubos na pahintulot. Ang hinihintay ko’y boong puso at walang tutol na ihandog sa akin ang saro ng ligaya.
—Eh ano ang tugon niya ng inyong hingin sa huli ninyong tagpuan?
—Isang talinhaga, Kabisang Terio.
—Isang talinhaga?
—Opo isang talinhagang makatuwiran.
—Na ano po?
—Na kung maipakikita ko raw pong sariwa ang tuhog na bulaklak na kaniyang sanla sa akin ay makaaasa akong kamatayan ma’y kanyang tatahakin sa aking kahilingan.
—Ay ano po ang isinagot ninyo?
—Ang pagwawalang kibo po.
—Yaon po’y bugtong, mang Maneng, baka hindi ninyo naturingan.
—Hindi po ba ang ibig sabihin noo’y pakasalan ko siya?
—Yaon na nga ang kauuwian noon sa pagka’t yaon lamang ang tunay at matibay na tanda na ang pag-ibig, na sa bagay pa ito’y ang bulaklak, ay di malalanta.
—Yan ang nakababahala sa akin, Kabisang Terio. Hindi ako matahimik kung hindi ko siya kakamtan at ipalalagay kong napaka-hangal ako.
—Inumangan na po ba ninyo ng salapi?
—Hindi masisilo ng salapi Kabisang Terio. Napakaingatsa karangalan na hindi mapapantayan ng anomang yamang mahahaka.
—Iisa ang daan mang Maneng. Dayain.
—Dayain po?
—Opo, dayain. Sundin ninyong lahat ang nasa, lunurin ninyo sa pakitang loob at gawin ninyong maging kailangan niya kayo sa buhay.
—Napagkikilalang hindi ninyo nakikilala ang kaluluwa ng babaing yaon. Siya’y lubhang mainit na umibig; sabik marahil makipagkita; nguni’t batong buhay mandin na di dumaramdam ang kanyang puso. Iisa ang kanyang pangungusap, at laging mapalalo na laging umuuwi sa gayari; “Hindi ako natatakot sa sasabihin ng sino man; nguni’t iniingatan ko ang ako’y masisi ng sariling budhiâ€. Sa pag-ibig Kabisang Terio, si Binay, ay isang matatag. Kung ako lamang ay handa nang matali, disin ay napabilango na ako sa kanyang piling.
—Isipinninyongmabuti mang Maneng. Isipin po ninyong mabuti’tang magasawa’y di biro.
Nang mga sandaling ito’y nasok si Gorio at dalawang sulat ang isinakamay ni Maneng.
Ginapak ni Maneng ang sobre at ang unang sulat ay nagsasabi ng gayari:
“Maneng:
“Ano ang nangyayari sa iyo at ang mag-ina mo ay hindi mo na naala-ala. Kung makailan akong magpabilin upang ipasundo ka, nguni’t minsan ma’y hindi nagkapalad ang inutusan ko na ikaw ay matagpuan. Alin sa dalawa o ako’y pinagtatapatan o ako’y di sinunod; kaya nangyaring ako’y sumulat sa iyo kahit na kabilin-bilinan mong huwag akong susulat ano mang mangyari.
“Papaanhin mo naman kung ang init ng iyong pagyupyop ay ikinakait mo na mandin. Alalahanin mo sana na ang luha ang lagi kong kasalo-salo sa pagkain, kasiping ko sa pagtulog at kaulayaw naming mag-ina sa araw at gabi.
“Buhat nang ang bata ay sumilang sa maliwanag ay kinatakutan mo manding makita at di na ako nagkapalad na kita’y masilayan pang muli.
“Ano ba ang ipinagtatampo mo aking Maneng?
“Nalalaman kong ang nanay ay totoong napakabigat sa loob mo, nguni’t minsan ma’y di ka nagpahalata sa akin. Ang tatay nama’y isa pa. Oo, sila’y napakalabis; nguni’t maitatapon ko kaya sila?
“Parine ka sana Maneng kahit na sasandali. Yupyupan mo si Nene, na naghihintay ng iyong init at makikita mong ang ligayang maging ama ay napakasarap. Siya lamang ang umaaliw sa akin tuwina. Ang kaniyang maliliit na mga kamay ay palagi ng nakaangat at parang humihingi ng halik at ang bango niya’y hindi lumilipas at hindi ka sasawa na makipaglaro sa sinungaling na sangol natin.
“Huwag mong akalain na dahil sa dalawang buwan na ang lumipas, kaya kita pinaparirini, ay dahilan lamang sa kailangan ko ang kuwalta; hindi. Ang kaonti kong natitipid na napapautang sa mga magiisda, sa tubo lamang ay nakapagtatago pa ako ng kaonti.
“Umiyak na si nene.
“Adios Maneng. Paparini ka, hane?â€
Ang iyongORANG.
Sinabayan ng punit ang sulat pagkabasa at nagkiskis ngfosforoat ipinalamon sa apoy.
—Bakit?—ani Kabisang Terio.
—Naku.... Kung padadala kayo sa suyo niyang linikhang mahaba ang buhok na kung tawagi’y babai, ay mahuhulog kayo sa balong malalim at lulumutin ang ulo ninyo roon.
—Bakit napakainam po bang maglamyos?
—Ang akala ninyo’y totoo ang sinasabi; nguni’t alalahanin ninyong sa tunay na katotohanan, ay kayo’y mapapadual... Naku talagang ayoko nang makipagtalo riyan sa babai. Sa babalutin kayo sa katamisan ng pananalita at luha hangang kayo’y maalipin;—at pinunit ang sobre ng pangalawang liham.
Ito ang nababasa:
“Maneng niyaring buhay:
“Kay sarap ng magmahalan at magkasamang mangarap ng gising kapuwa at sa lahat ng dako ay tulain ang sumasatitig.
“Hayon masdan mo. Sa dako roo’y animo ahas na pilak na gumagapang ang mumunting ilog na umaahon sa mga bukirin upang hagkan ang talampakan ng mga lalong tagong halaman. Kay inam, ano, hindi ba? At ang halamang maawain ay linalaglagan siya ng mga hinog na bulaklak na kanyang yinayakap at itinatakas hangang sila’y kapuwa may buhay. Kay inam na halimbawa na panalaminan ng nangagsisiibig.
“Nguni’t ano yaong aking nakikita. Kay inam na paroparong paligid-ligid at padapo-dapo sa mga bukang bulaklak na sinisimsiman nila ng samyo at tamis. Gayon kaya ang pag-ibig? Salawahan kung gayon. Hindi ba Maneng?
“At Maneng, ako pala’y nanaginip:
“Ako raw ay may isang halamang bumunga ng isang kay gandang bunga, ninasa kong tikman, nguni’t... Oh kay askad. Animo ba’y tinipon ng kanyang ganda ang askad. Namunga uli at nang manibalang na ay tinikman kong pamuli, at asim naman ang namayani. Kay ganda; nguni’t kay asimasim. At hinintay ko uling bumunga. Iginalang ko ang kabiglawan, nang manibalang na’y pinagyaman ko at iningatan hangang mahinog... at Oh! kay tamis marahil... ¡kay sarap kaipala! ¡Kay linamnam!
“Hindi ko pa kinakain.
“Kailan mo ba nasang ating pagsaluhan?â€
Ang iyongBINAY.
—Oh tignan ninyo Kabisang Terio ang sulat na iyan. Kay talas ng matang magwari at kay bihasang mag tahi tahi ng mga halimbawa.
At binasa ni Kabisang Terio ng basang panalangin, animo ba’y may sakit na malubha si Maneng, na nakikinyig ng taimtim sa puso. Animo ba’y nasasarapan din si Kabisang Terio.
At di nga ba si Maneng ay may-sakit at sakit na walang lunas kungdi ang tagumpay ng pita?
Ilang lingo ang nakaraan at si Binay at si Maneng kahit lihim na lihim ay nagisang puso sa harap ng isang Pastor Protestante, sa kapilyang nasaAvenida Rizal.
Pinagkasunduan nilang manatiling samantala sa dati nilang kalagayan, huwag ipagmakaingay na parang walang ano mang nababago: Tatak ng bagong panahon.