XXI KABANATAKAILAN TAYO PAKAKASAL?MAGDAMAG na papihit-pihit si Maneng sa kanyang malambot na hihigan; ginugunita ang magusot na suliranin ng buhay na likha ng pagkakataon. Ang kanyang maling sapantaha kay Nati na inakala niyang siyang naggawad ng imperdible ay bumabalisa ng gayon na lamang; at sa isang kapusukan na hindi niya pinagtatakhan, si Tomás ay nasa pagamutan ngayon at siya ang dahil. Pagkakataon din ang naghatid sa kanya upang si Mameng ay samyoing di kinukusa, at ang palad na di pa nasisiyahan mandin ay iliniwanag pa sa kanya ang magusot na kasaysayan ngimperdiblena nang magkalupit-lupit ay ang babaing ngayo’y asawa na niya bagaman lihim na lihim ay siyang di tapat sa kanyang pag-ibig at pangalang kanyang ikinatiwala.Mga pakana ito ng magusot niyang palad na naghahatid sa kanya sa pook ng lagim, bagamang siya’y kasalukuyang lumulutang sa mga alo ng kapanahunan.Parang isang mahabangpelikulana humaharap sa kanya nang gabing yaon ang kapalaran ng mga birhen niya, na may iba’t ibang anyo at kiyas.Si Orang at si Binay na kakampi ng kataksilan sa kanyang mga malas ay nasa kabilang dako. Tumatangis ang una na nakayupyop sa kanyang sanggol. Si Binay ang pangalawa ay nagagalak na ipinagwawagi ang kasulatan ng kanilang pagiisang puso.Sa kabilang dako ay si Nati na natutupok sa panibughodahil sa pangyayaring di inaantabayanan nang gabing yaon, at ang kulang palad na si Mameng ay walang ibang panimbulan sa lawak ng pagkasawi kungdi ang tangisan ng lihim na lihim ang kanyang pagkapariwara.Wala siya nang kaligayahang makahayag man lamang at makapagsabingAng makata ko ay si Maneng.Nagsisikip sa ulo ni Maneng ang kaniyang kapalaran na napakagusot at anya sa sarili: Kung si Orang ay naging isang babaing tapat, sana’y natipid ang pagdaloy ng maraming luha; sana’y kakaunting puso ang tumangis at kaipala’y di ako ang sanhi.At pinilit na hinanap siMorfeo, nguni’t ang Diyos na yaon ng pag-idlip ay mailap sa kanya at magdamag siyang pinagtampuhan.Si Nati ay balisang balisa rin, ibig niyang makita si Maneng. Ibig niyang mabasa sa anyo noon ang bakás ng mga nangyari ng gabi ng mgaBIRO. Ibig niyang maringig na muli pa ang bulong na:INIIBIG KITAsa kabila ng hinala na angimperdibleay ibinigay niya kay Tomas, yaong binatang pagkakilala na niya ay panay nang sigalot ang dulot sa kanilang kalagayan.At si Nati ay nagtindig at sumulat kay Maneng ng gayari:“Maneng niyaring buhay:“Magdamag akong di pinatulog ng pangyayaring nagdaan.“Talaga nga yatang sa pagkakamali nagbubuhat ang ikinasasawi ng tao.“Nagkamali ako ng pagkagawad ngimperdiblena ala-ala mo sa akin, sa babaing nasawi na ating nabangga noong paroon tayo sa Marilao, kamaliang naghatid sa iyo sa isang panibughong lihim hangga sa mabulalas at isang kulang palad ang natampalasan. Ito’y natanto ko kay Mameng.“Nagkamali akong muli nang pakikipagpalit ng balatkayo sa aking pinsan, at kamaliang naghatid sa akinsa nalalamanmona di koikaidlip sandali man.“Parini kang agad Maneng ko at pabulaanan mo ang aking mga sapantaha. Kawawa naman si Mameng na hindi ko pa pinaniwalaan kahit na ano ang sabihin sa akin. Kung bakit bumigatna biglang bigla ang loob ko sa kanya, gayong kung siya ay napanganyaya man ay walang ibang may kasalanan kung di ako.“Parine ka Maneng sa lalong madaling panahon at hanguin mo ako sa lawak na ito ng kapighatian.“At ako’y may ibabalita sa iyo na isang malaking bagay na iyong ikagagalak. Hindi ko maipagkatiwala sa liham ang lihim na ito. Ibig kong basahin sa iyong mga mata ang dudungaw na ligaya kung ang balitang ito’y iyong tanggapin.“Hulaan mo Maneng kung anong mabuting balita yaon, at sa unang pagkikita natin ay siya mo agad sabihin sa akin, hane?“Pipilitin kong huwag mahalata ni Mameng na ako’y nagaalinlangan sa kanyang kalinisan at kung nais mong mailigtas siya sa maling sapantahang ito ay parine kang agad at pabulaanan mo nang mawala sa aking gunita ang makasalanang paratang na tumutupok sa aking kalolua.“Tanggapin mo ang talagang iyo lamang na ala-ala ng iyong”NATIAt pagkaumaga’y dalidaling dumalo si Maneng sa tahanan nina Selmo, pagkatangap ng liham.Si Mameng ang tinamaang unang-una ng kaniyang malas, ang mukha ay namamarak at mandi’y magdamag na naglamay.Kawawang si Mameng na hindi man lamang maisilay ang titig sa makisig na binata.Sino ang makapagsasabi na ang binatang yaon ay siya na lamang laman ng diwa ng apat na dalagang bayani ng ating kasaysayan?At sino ang di maniwala sa mga lalang ng panibugho sangayon sa iba’t ibang anyo na dinadanas ni Maneng?Kung nababasa lamang natin sa mga pangyayari ang mga bunga ng maling hinala, kaipala’y iniwasan natin na huwag tayong maging parang isang kasangkapan na iyinayari ng Tadhana ng kapangyayaan ng mga walang malay na madalas na maging sawi.Disin ay naiwasan nating ang maraming kalunos-lunos na pangyayari na pawang utang sa mabilis nating hatol.[Duplikadong teksto]Di naglipat sandali at dumating si Nati at ang dalawang puso’y nagkaniig:—Ako’y binalisa ng iyong sulat Nati, at narito ako upang hugasan agad-agad ang marurumi at makasalanang sapantaha mo laban sa kulang palad na siMameng. Siya ay isang matimtimang babai, tapat na pinsan at taga-pagtanggol mo tuwina. Nalalaman mo bang maykasalananka sa akin?—Si Maneng nang mga sandaling yaon ay guro ng kabulaanan.—Ano yaon?—Angimperdiblenggawad ko sa iyo ay hindi mo minahal dahilan lamang sa galing sa akin. Ano?—Maneng, huwag mong sabihin yaon. Angimperdibleay ipinagkaloob ko sa babaing kamuntik mo nang mapatay. At bagaman ako’y nabigla nang pagkakaloob ng isang bagay na ala-ala mo, ay inaasahan kong yaon ay di mo dapat na ikagalit.—Kung hindi ipinaliwanag sa akin ni Mameng, disin ay sinumpa na kita. At talagang iliniligtas din tayo ni Bathala; at kung nagkataong ikaw ang aking natagpuan nang mga sandalingyaon na si Tomas ay pinagulong gulong ko sa palamigang “La Campana”, kaipala’y nalagot ang tanikala ng ating pagiibigan; nguni’t nakatagpo ka ng isang tagapagtanggol: si Mameng.—Salamat na lamang Maneng at naniwala ka, disin ay naging sawi ako kung napadala ka sa iyong maling sapantaha. Maala-ala ko Maneng, nahulaan mo ba ang aking ibabalita sa iyo?—Ano yaon Nati, tunay na hindi ko mahulaan. Ano kaya yaon?—Ilapit mo ang tainga mo at aking ibubulong.... . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .—Nakú?...Si Maneng ay parang binusan ng tubig sa balitang tinanggap.—Oo,—ang dugtong ni Nati—at kinakailangang lutasin mo kung kailan natin pagiisahin ang ating puso nang huwag mabunyag ang lihim. Kailan tayo pakakasal?Kung isang lintik ang bumagsak sa harapan ni Maneng ay di marahil nabahala ng gayon na lamang; ngunit....... ¡Ama na naman!... At kailangang pakasalan si Nati, upang maikubli ang lihim na yaong nagtitimpalak ng kanyang kasalanan.Si Selmo ay mahal ni Maneng at di ibig dulutan ng anomang sama ng loob, dangan at ang puso niya’y napakarupok sa harap niyang Bathalang may laman at may buto, at may mga ngiti at titig na naghahatid sa lalaki hanggang sa kahamakhamakang kalagayan.Paano ang kasal nila ni Binay? yaong inaakala niyang taksil na asawa, at lilo sa pagibig ay siyang may ganap na karapatan sa kanyang palad.Ang mga batas ay napakalupit sa ganitong mga kasalanan, kaya’t di siya nakasagot kay Nati, at anya pagkaraan ng ilang saglit:—Bahala na...—at napaalam na parang may humahabol. Nagmamadaling yumao.At ang bulong sa sarili:Bakit walang Batas na nagsasauli sa dating kalagayan ng lalaki kung ito’y pinagtataksilan ngasawa?[1].Sukat na ba ang ipagbunyagan na siya’y isangsungayan, sa pamamagitan ng pagbibilanggong ilang taon na hindi naman lumalalo sa kahatulan lamang ng Hukuman na takda ng mga batas pagka’t kinakalag naman pagdaka ngGobernador Generalsa pamamagitan ngpagpapatawad?[2].[1]Nang sulatin ang nobelang ito ay hindi pa pinagtitibay angBill de Devorcio.[2]Nang panahon niHarrison, angADULTERIOay ipinagdurusa lamang na mga ilang buwan.

XXI KABANATAKAILAN TAYO PAKAKASAL?
MAGDAMAG na papihit-pihit si Maneng sa kanyang malambot na hihigan; ginugunita ang magusot na suliranin ng buhay na likha ng pagkakataon. Ang kanyang maling sapantaha kay Nati na inakala niyang siyang naggawad ng imperdible ay bumabalisa ng gayon na lamang; at sa isang kapusukan na hindi niya pinagtatakhan, si Tomás ay nasa pagamutan ngayon at siya ang dahil. Pagkakataon din ang naghatid sa kanya upang si Mameng ay samyoing di kinukusa, at ang palad na di pa nasisiyahan mandin ay iliniwanag pa sa kanya ang magusot na kasaysayan ngimperdiblena nang magkalupit-lupit ay ang babaing ngayo’y asawa na niya bagaman lihim na lihim ay siyang di tapat sa kanyang pag-ibig at pangalang kanyang ikinatiwala.
Mga pakana ito ng magusot niyang palad na naghahatid sa kanya sa pook ng lagim, bagamang siya’y kasalukuyang lumulutang sa mga alo ng kapanahunan.
Parang isang mahabangpelikulana humaharap sa kanya nang gabing yaon ang kapalaran ng mga birhen niya, na may iba’t ibang anyo at kiyas.
Si Orang at si Binay na kakampi ng kataksilan sa kanyang mga malas ay nasa kabilang dako. Tumatangis ang una na nakayupyop sa kanyang sanggol. Si Binay ang pangalawa ay nagagalak na ipinagwawagi ang kasulatan ng kanilang pagiisang puso.
Sa kabilang dako ay si Nati na natutupok sa panibughodahil sa pangyayaring di inaantabayanan nang gabing yaon, at ang kulang palad na si Mameng ay walang ibang panimbulan sa lawak ng pagkasawi kungdi ang tangisan ng lihim na lihim ang kanyang pagkapariwara.
Wala siya nang kaligayahang makahayag man lamang at makapagsabingAng makata ko ay si Maneng.
Nagsisikip sa ulo ni Maneng ang kaniyang kapalaran na napakagusot at anya sa sarili: Kung si Orang ay naging isang babaing tapat, sana’y natipid ang pagdaloy ng maraming luha; sana’y kakaunting puso ang tumangis at kaipala’y di ako ang sanhi.
At pinilit na hinanap siMorfeo, nguni’t ang Diyos na yaon ng pag-idlip ay mailap sa kanya at magdamag siyang pinagtampuhan.
Si Nati ay balisang balisa rin, ibig niyang makita si Maneng. Ibig niyang mabasa sa anyo noon ang bakás ng mga nangyari ng gabi ng mgaBIRO. Ibig niyang maringig na muli pa ang bulong na:INIIBIG KITAsa kabila ng hinala na angimperdibleay ibinigay niya kay Tomas, yaong binatang pagkakilala na niya ay panay nang sigalot ang dulot sa kanilang kalagayan.
At si Nati ay nagtindig at sumulat kay Maneng ng gayari:
“Maneng niyaring buhay:
“Magdamag akong di pinatulog ng pangyayaring nagdaan.
“Talaga nga yatang sa pagkakamali nagbubuhat ang ikinasasawi ng tao.
“Nagkamali ako ng pagkagawad ngimperdiblena ala-ala mo sa akin, sa babaing nasawi na ating nabangga noong paroon tayo sa Marilao, kamaliang naghatid sa iyo sa isang panibughong lihim hangga sa mabulalas at isang kulang palad ang natampalasan. Ito’y natanto ko kay Mameng.
“Nagkamali akong muli nang pakikipagpalit ng balatkayo sa aking pinsan, at kamaliang naghatid sa akinsa nalalamanmona di koikaidlip sandali man.
“Parini kang agad Maneng ko at pabulaanan mo ang aking mga sapantaha. Kawawa naman si Mameng na hindi ko pa pinaniwalaan kahit na ano ang sabihin sa akin. Kung bakit bumigatna biglang bigla ang loob ko sa kanya, gayong kung siya ay napanganyaya man ay walang ibang may kasalanan kung di ako.
“Parine ka Maneng sa lalong madaling panahon at hanguin mo ako sa lawak na ito ng kapighatian.
“At ako’y may ibabalita sa iyo na isang malaking bagay na iyong ikagagalak. Hindi ko maipagkatiwala sa liham ang lihim na ito. Ibig kong basahin sa iyong mga mata ang dudungaw na ligaya kung ang balitang ito’y iyong tanggapin.
“Hulaan mo Maneng kung anong mabuting balita yaon, at sa unang pagkikita natin ay siya mo agad sabihin sa akin, hane?
“Pipilitin kong huwag mahalata ni Mameng na ako’y nagaalinlangan sa kanyang kalinisan at kung nais mong mailigtas siya sa maling sapantahang ito ay parine kang agad at pabulaanan mo nang mawala sa aking gunita ang makasalanang paratang na tumutupok sa aking kalolua.
“Tanggapin mo ang talagang iyo lamang na ala-ala ng iyong”
NATI
At pagkaumaga’y dalidaling dumalo si Maneng sa tahanan nina Selmo, pagkatangap ng liham.
Si Mameng ang tinamaang unang-una ng kaniyang malas, ang mukha ay namamarak at mandi’y magdamag na naglamay.
Kawawang si Mameng na hindi man lamang maisilay ang titig sa makisig na binata.
Sino ang makapagsasabi na ang binatang yaon ay siya na lamang laman ng diwa ng apat na dalagang bayani ng ating kasaysayan?
At sino ang di maniwala sa mga lalang ng panibugho sangayon sa iba’t ibang anyo na dinadanas ni Maneng?
Kung nababasa lamang natin sa mga pangyayari ang mga bunga ng maling hinala, kaipala’y iniwasan natin na huwag tayong maging parang isang kasangkapan na iyinayari ng Tadhana ng kapangyayaan ng mga walang malay na madalas na maging sawi.
Disin ay naiwasan nating ang maraming kalunos-lunos na pangyayari na pawang utang sa mabilis nating hatol.
[Duplikadong teksto]
Di naglipat sandali at dumating si Nati at ang dalawang puso’y nagkaniig:
—Ako’y binalisa ng iyong sulat Nati, at narito ako upang hugasan agad-agad ang marurumi at makasalanang sapantaha mo laban sa kulang palad na siMameng. Siya ay isang matimtimang babai, tapat na pinsan at taga-pagtanggol mo tuwina. Nalalaman mo bang maykasalananka sa akin?—Si Maneng nang mga sandaling yaon ay guro ng kabulaanan.
—Ano yaon?
—Angimperdiblenggawad ko sa iyo ay hindi mo minahal dahilan lamang sa galing sa akin. Ano?
—Maneng, huwag mong sabihin yaon. Angimperdibleay ipinagkaloob ko sa babaing kamuntik mo nang mapatay. At bagaman ako’y nabigla nang pagkakaloob ng isang bagay na ala-ala mo, ay inaasahan kong yaon ay di mo dapat na ikagalit.
—Kung hindi ipinaliwanag sa akin ni Mameng, disin ay sinumpa na kita. At talagang iliniligtas din tayo ni Bathala; at kung nagkataong ikaw ang aking natagpuan nang mga sandalingyaon na si Tomas ay pinagulong gulong ko sa palamigang “La Campana”, kaipala’y nalagot ang tanikala ng ating pagiibigan; nguni’t nakatagpo ka ng isang tagapagtanggol: si Mameng.
—Salamat na lamang Maneng at naniwala ka, disin ay naging sawi ako kung napadala ka sa iyong maling sapantaha. Maala-ala ko Maneng, nahulaan mo ba ang aking ibabalita sa iyo?
—Ano yaon Nati, tunay na hindi ko mahulaan. Ano kaya yaon?
—Ilapit mo ang tainga mo at aking ibubulong...
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
—Nakú?...
Si Maneng ay parang binusan ng tubig sa balitang tinanggap.
—Oo,—ang dugtong ni Nati—at kinakailangang lutasin mo kung kailan natin pagiisahin ang ating puso nang huwag mabunyag ang lihim. Kailan tayo pakakasal?
Kung isang lintik ang bumagsak sa harapan ni Maneng ay di marahil nabahala ng gayon na lamang; ngunit....... ¡Ama na naman!... At kailangang pakasalan si Nati, upang maikubli ang lihim na yaong nagtitimpalak ng kanyang kasalanan.
Si Selmo ay mahal ni Maneng at di ibig dulutan ng anomang sama ng loob, dangan at ang puso niya’y napakarupok sa harap niyang Bathalang may laman at may buto, at may mga ngiti at titig na naghahatid sa lalaki hanggang sa kahamakhamakang kalagayan.
Paano ang kasal nila ni Binay? yaong inaakala niyang taksil na asawa, at lilo sa pagibig ay siyang may ganap na karapatan sa kanyang palad.
Ang mga batas ay napakalupit sa ganitong mga kasalanan, kaya’t di siya nakasagot kay Nati, at anya pagkaraan ng ilang saglit:
—Bahala na...—at napaalam na parang may humahabol. Nagmamadaling yumao.
At ang bulong sa sarili:
Bakit walang Batas na nagsasauli sa dating kalagayan ng lalaki kung ito’y pinagtataksilan ngasawa?[1].
Sukat na ba ang ipagbunyagan na siya’y isangsungayan, sa pamamagitan ng pagbibilanggong ilang taon na hindi naman lumalalo sa kahatulan lamang ng Hukuman na takda ng mga batas pagka’t kinakalag naman pagdaka ngGobernador Generalsa pamamagitan ngpagpapatawad?[2].
[1]Nang sulatin ang nobelang ito ay hindi pa pinagtitibay angBill de Devorcio.[2]Nang panahon niHarrison, angADULTERIOay ipinagdurusa lamang na mga ilang buwan.
[1]Nang sulatin ang nobelang ito ay hindi pa pinagtitibay angBill de Devorcio.
[2]Nang panahon niHarrison, angADULTERIOay ipinagdurusa lamang na mga ilang buwan.