XXVIII KABANATAANG PAGGUHO NG TAHANANPAGKATAPOS na masiyasat ni Mang Donato na ama ni Binay ang patunay ng kanilang pagiisang palad at makapagmalas na pawang kasaganaan ang ibinabadha sa lahat ng sulok ng tahanan ni Maneng ay nasisiyahang nagwika:—Pagpalain kayo ng Panginoon, mga anak ko, at nawa’y manatili kayo sa kaligayahan.At binigkis sa yakap ang dalawang anak na pinagpapala.Yumaon pagkalipas ng isang sandali, na di binigyang sagwil bahagya man ang inaakala niyang mga nananabik na bagong magasawa, sa pulot at gata ng bagong kalagayan.Nguni’t sa katotohanan si Maneng ay lalong dinalaw ng balisa. Ang lihim na lihim na kasal niya kay Binay ay bunyag na ngayon.Paano kaya siya sa harap ng kapisanan, paano ang gagawin niyang pakikiharap sa maganak ni Selmo at higit sa lahat ng ito ay paano ang gagawin niya upang ang kanyang mahal na si Nati ay manatili sa katahimikan.Hinagkan si Binay ng boong tamis, at napaalam na sandali upang lutasin ang kanyang mga nabibiting suliranin.At parang nakahinga si Maneng nang siya’y hagkan ng malamig na simoy at nagiisang malayo kay Binay, malayo kay Nati, naaawa kay Mameng at sumusumpa kay Orang.Oh... ang buntong hininga ni Maneng—at binilisan ang takbo ngautona pinalilipad halos.Binagtas ang mga lansangan; wala siyang anomang napapansin. Sa kanyang diwa’y nagsisikip ang isang mahigpitna suliranin ng kanyang buhay at sa gayong pagwawari ay parang hiyaw na tuwi na sa kanyang pangdingig, parang kidlat na gumuguhit sa kanyang pantanaw ang gayari:Ang araw ngayon ay iyo bukas ay di mo malaman kung para sa kangino.At sa kanyang puso’y kumalat ang isang karamdamang nakaaaliw sa kanyang diwa at nagbalak ng isang balak sa sarili:“Kung ang sasakyan ko’y ibinubuno ng alon, ipinaghahampasan ng sigwa, at pinapaslang ng walang pitagan kong maitim na tala; kung natatalastas kong ang kaya ng tao ay lubhang maliit, ang diwa ay nagkakait ng tanglaw at ang puso’y tumitibok ng pangamba, ano ang aking magagawa?”At nagbago ang hantungan ng diwa at pinasiyahang bumili ng isang bagong tahanan na mapagpugaran ni Binay. Hindi dapat na sinomang babai, kasakdalang kanya mang sinasamba halos, kahit na si Nati pa, na sukdulan ng kanyang pitagan, ay tulutan na ang kanyang tahanan ay dalawin.Damdam ba niya’y ang babai ay laging nagdadala sa kanyang tahanan ng ligalig, kaya’t panibulos na nagtatag ng panibagong tahanan na laan sa kanyang taga Bukawe.At salapi palibhasa ang namahala ay karakarakang nakapagtayo ng isang munting langit sa MangaAvenuesa Santa Mesa, at sa dambana ng tahanang yaon ang Pintakasi ay si Binay.Pagkatapos na mailipat sa bagong tahanan ang taga Bukawe, ang tunay niyang asawa sa harap ng mga batas, ang babaing masaya na laging masunurin sa kay Maneng sa lahat ng hibo ng kalupaan, ay lumiham kay Nati ng isang lalang, upang maitago ang kanyang magusot na pamumuhay: Gayari ang nasa liham ni Maneng:“Nati ko; aking Nati:”“Hindi ako tumelegrama pagdating dito pagka’t iniilagan ko na matalastas ng nanay ang ating binabalak na paglalakbay.”“Linulutas kong kasalukuyan ang mga kinakailangan upang huwag tayong dalawin ng gipit sa paglalayag sa paglilibot sa boong daigdig, upang doo’y tuklasin ang ligaya na ikinakait sa atin sa sariling lupa; at sa silong ng ibang langit, doon marahiltayo tutunghan ng buwang lalong maliwanag, ng mga bituwin na lalong maniningning, at ang pagtatamasa ay di ikakait sa atin ng ating malupit na tadhana.”“Umaasa ako Nati, na doo’y di tayo gagambalain ng mga ala-alang mapanglaw ng aking kahapon, at palibhasa ay wala tayo doong kakilala man lamang, ang pagmamahal ko’y mauubos sa iyo at ikaw naman sa akin ay maguubos ng iyong ganap na pagmamahal. Hindi ba Nati?”“Napakasaklap ng patlang na ito ng ating kasalukuyan. Ang pagkawalay ko sa iyo’y lubhang napakalungkot sa akin at ang aking mga sandali dini sa Maynila ay nagiging malalawig at kalunos-lunos. Dini ay wala ang mga hunihan ng mga ibon, ang matuling lagaslas ng tubig sa mga batisan, ang lagitikan ng mga siit kung ginagahasa ng hangin at ang kahanga-hangang katahimikan pagdungaw ng gabi upang tayo ay malayang tulutan na makapagbubo ng samyo nang lalong banal na pagiibigan. Dito ay pawang ingay ang namamayani. Mga kaaway na dibdib ang sa kahilingan ng mabuting gawi ay yinayakap. Mga tampalasang kamay na may dungis pa ng balaraw na handang papaglagusin sa ating puso ang kinakamayan ng boong higpit. Mga ngiting pilit at pinagaralan, at ang pagkukunwari’y siyang pangkasalukuyan. Isang walang katapusang balatkayo na di ko matatalima.”“Nguni’t ang lahat ng ito’y tulong-tulong na nagtataboy sa atin upang tahakin ang malalawak na dagat at sa ibang lupa, humanap ng ibang simoy, ibang kaugalian at doo’y itayo ang mga muog ng ating gusali ng ligaya na matibay na matibay.”“Kung di ko pipigilin ang panitik ko Nati, kung ikaw ang aking kinakaulayaw, ay maging papel man yata ang malawak na langit at maging tinta ang kalawakan ng dagat ay di mandin matatapos ang sa iyo’y ibig kong ibalita.”“Nguni’t huwag nating aksayahin ang panahon, ang kislapdaw ng ngiti ay sasandali lamang na dumudungaw sa mga labi samantalang ang bakas ng kapanglawan ay di yumayao karakaraka sa ating anyo.”“Maghintay ka nga at ang ating mabubuting sandali aynamimitak na.”“Ang laging iyo,”MANENG.Busog sa kasayahang binasa ni Nati ang liham ni Maneng, at binubusog sa halik, samantalang binabasang paulit-ulit at sinisinag doon ang kaluluwang matimtiman at pusong mairugin ng giliw niyang si Maneng.Noon, malayo man siya kay Maneng, ay nararamdaman niya na nasa kanyang piling mandin sa lahat ng sandali at binabalot siya ngwalangmaliw na ala-ala. Ang pangungulilang saglit ay di naghari sa kanyangkaramdaman, nguni’t ang luha ng galak ay nagsusumungaw sa kanyang mata.Maya-maya’y isang liham na naman ang dumating.Ang puso niya’y sumikdong muli pa.—Talagang si Maneng—anya—ay napakamairugin—at binuksan ng boong ingat ang sobre:Anang liham:“Ginang:”“Huwag mo pong pagtakhan ang kapangahasang ito; nguni’t ang isang tapat na kakilala ay di dapat maghalukipkip at di dalidaling sumaklolo kung ang isang iginagalang ng boong pagmamahal ay nababalaan ng isang sakuna.”“Ang kalakip pongpilasng Pahayagan ay siya nang magtatapat sa inyo ng di ko masabi; sapagka’t ako’y natitigilan sa bangis ng katotohanan.”TOMAS.—Sinong Tomas ito—ani Nati—at ugaling babai palibhasa na hangad na mataho ang tanang bagay kahit na lasong pangpatay ang taglay noon ay binasa angpilasng Pahayagang kalakip ng sulat.ISANG MAUGONG NA ALINGAW-NGAW“Kumakalat ang balita na ang Kagawaran ng Tagausig (Fiscalia) ay nababalinong kasalukuyan sa isang maingay na usapin na nasa kanyang kamay ngayon.”“Umano’y ang tanyag na mangangalakal na siG.Manuel San Juan na nakipagisang puso kayBb.Natividad Lopez ay nagsisikap na kasalukuyan upang iliblib sa pamagitan ng paglalagalag sa ibang lupain ang una niyang kasal na sinumpaan sa isang magandang taga Bokawe na nagngangalang Severina Francisco. Ang mga kagawad ay di umiidlip at may mga kautusan nang ilinagda upang sagwilan ang nagnanasang maglaro sa mga batas na umiiral.”“Ang mga sumusunod na kasulatan ay siyang mga patunay na ang nasabing Ginoo, na nasiraan mandin ng bait sa mga panghalinang dilag ng dalawang babai, ay nakagawa ng isang kalapastanganan.”“Ang isang kasal, gaya ng makita sa siping ilinathala namin ay idinaos ng biglaan at ginanap ng isang Pastor Protestante at ang pangalawa ay sa bahay ng binibining huling pinakasalan na ganap ng Cura sa mataong bayan Tundo, nang ang nasabing babai ay nabibingit sa kamatayan.”LAGING-DILAT.Naguló ang ulo ni Nati, ang diwa niya ay nalitó, ang puso niya ay linunod ng pighati at ang hininga ay sandaling pumanaw.At nang siya’y pagsaulan ng bait ay ang mairuging ina, si Balong Tayang ang siyang sa kanya’y tanging sumaklolo.—Maneng—ang hibik ni Nati—Maneng, saan naroon si Maneng? Tawagin si Maneng nanay.At si aling Tayang ay agad nagpadala ng isang telegrama sa Maynila. Gayari ang nasasaad:Anselmo Lopez,Tundo, Maynila,K. P.Parine kang agad at ibalita kay Maneng na si Nati ay malubha.Tayang.

XXVIII KABANATAANG PAGGUHO NG TAHANAN
PAGKATAPOS na masiyasat ni Mang Donato na ama ni Binay ang patunay ng kanilang pagiisang palad at makapagmalas na pawang kasaganaan ang ibinabadha sa lahat ng sulok ng tahanan ni Maneng ay nasisiyahang nagwika:
—Pagpalain kayo ng Panginoon, mga anak ko, at nawa’y manatili kayo sa kaligayahan.
At binigkis sa yakap ang dalawang anak na pinagpapala.
Yumaon pagkalipas ng isang sandali, na di binigyang sagwil bahagya man ang inaakala niyang mga nananabik na bagong magasawa, sa pulot at gata ng bagong kalagayan.
Nguni’t sa katotohanan si Maneng ay lalong dinalaw ng balisa. Ang lihim na lihim na kasal niya kay Binay ay bunyag na ngayon.
Paano kaya siya sa harap ng kapisanan, paano ang gagawin niyang pakikiharap sa maganak ni Selmo at higit sa lahat ng ito ay paano ang gagawin niya upang ang kanyang mahal na si Nati ay manatili sa katahimikan.
Hinagkan si Binay ng boong tamis, at napaalam na sandali upang lutasin ang kanyang mga nabibiting suliranin.
At parang nakahinga si Maneng nang siya’y hagkan ng malamig na simoy at nagiisang malayo kay Binay, malayo kay Nati, naaawa kay Mameng at sumusumpa kay Orang.
Oh... ang buntong hininga ni Maneng—at binilisan ang takbo ngautona pinalilipad halos.
Binagtas ang mga lansangan; wala siyang anomang napapansin. Sa kanyang diwa’y nagsisikip ang isang mahigpitna suliranin ng kanyang buhay at sa gayong pagwawari ay parang hiyaw na tuwi na sa kanyang pangdingig, parang kidlat na gumuguhit sa kanyang pantanaw ang gayari:
Ang araw ngayon ay iyo bukas ay di mo malaman kung para sa kangino.
At sa kanyang puso’y kumalat ang isang karamdamang nakaaaliw sa kanyang diwa at nagbalak ng isang balak sa sarili:
“Kung ang sasakyan ko’y ibinubuno ng alon, ipinaghahampasan ng sigwa, at pinapaslang ng walang pitagan kong maitim na tala; kung natatalastas kong ang kaya ng tao ay lubhang maliit, ang diwa ay nagkakait ng tanglaw at ang puso’y tumitibok ng pangamba, ano ang aking magagawa?”
At nagbago ang hantungan ng diwa at pinasiyahang bumili ng isang bagong tahanan na mapagpugaran ni Binay. Hindi dapat na sinomang babai, kasakdalang kanya mang sinasamba halos, kahit na si Nati pa, na sukdulan ng kanyang pitagan, ay tulutan na ang kanyang tahanan ay dalawin.
Damdam ba niya’y ang babai ay laging nagdadala sa kanyang tahanan ng ligalig, kaya’t panibulos na nagtatag ng panibagong tahanan na laan sa kanyang taga Bukawe.
At salapi palibhasa ang namahala ay karakarakang nakapagtayo ng isang munting langit sa MangaAvenuesa Santa Mesa, at sa dambana ng tahanang yaon ang Pintakasi ay si Binay.
Pagkatapos na mailipat sa bagong tahanan ang taga Bukawe, ang tunay niyang asawa sa harap ng mga batas, ang babaing masaya na laging masunurin sa kay Maneng sa lahat ng hibo ng kalupaan, ay lumiham kay Nati ng isang lalang, upang maitago ang kanyang magusot na pamumuhay: Gayari ang nasa liham ni Maneng:
“Nati ko; aking Nati:”
“Hindi ako tumelegrama pagdating dito pagka’t iniilagan ko na matalastas ng nanay ang ating binabalak na paglalakbay.”
“Linulutas kong kasalukuyan ang mga kinakailangan upang huwag tayong dalawin ng gipit sa paglalayag sa paglilibot sa boong daigdig, upang doo’y tuklasin ang ligaya na ikinakait sa atin sa sariling lupa; at sa silong ng ibang langit, doon marahiltayo tutunghan ng buwang lalong maliwanag, ng mga bituwin na lalong maniningning, at ang pagtatamasa ay di ikakait sa atin ng ating malupit na tadhana.”
“Umaasa ako Nati, na doo’y di tayo gagambalain ng mga ala-alang mapanglaw ng aking kahapon, at palibhasa ay wala tayo doong kakilala man lamang, ang pagmamahal ko’y mauubos sa iyo at ikaw naman sa akin ay maguubos ng iyong ganap na pagmamahal. Hindi ba Nati?”
“Napakasaklap ng patlang na ito ng ating kasalukuyan. Ang pagkawalay ko sa iyo’y lubhang napakalungkot sa akin at ang aking mga sandali dini sa Maynila ay nagiging malalawig at kalunos-lunos. Dini ay wala ang mga hunihan ng mga ibon, ang matuling lagaslas ng tubig sa mga batisan, ang lagitikan ng mga siit kung ginagahasa ng hangin at ang kahanga-hangang katahimikan pagdungaw ng gabi upang tayo ay malayang tulutan na makapagbubo ng samyo nang lalong banal na pagiibigan. Dito ay pawang ingay ang namamayani. Mga kaaway na dibdib ang sa kahilingan ng mabuting gawi ay yinayakap. Mga tampalasang kamay na may dungis pa ng balaraw na handang papaglagusin sa ating puso ang kinakamayan ng boong higpit. Mga ngiting pilit at pinagaralan, at ang pagkukunwari’y siyang pangkasalukuyan. Isang walang katapusang balatkayo na di ko matatalima.”
“Nguni’t ang lahat ng ito’y tulong-tulong na nagtataboy sa atin upang tahakin ang malalawak na dagat at sa ibang lupa, humanap ng ibang simoy, ibang kaugalian at doo’y itayo ang mga muog ng ating gusali ng ligaya na matibay na matibay.”
“Kung di ko pipigilin ang panitik ko Nati, kung ikaw ang aking kinakaulayaw, ay maging papel man yata ang malawak na langit at maging tinta ang kalawakan ng dagat ay di mandin matatapos ang sa iyo’y ibig kong ibalita.”
“Nguni’t huwag nating aksayahin ang panahon, ang kislapdaw ng ngiti ay sasandali lamang na dumudungaw sa mga labi samantalang ang bakas ng kapanglawan ay di yumayao karakaraka sa ating anyo.”
“Maghintay ka nga at ang ating mabubuting sandali aynamimitak na.”
“Ang laging iyo,”MANENG.
Busog sa kasayahang binasa ni Nati ang liham ni Maneng, at binubusog sa halik, samantalang binabasang paulit-ulit at sinisinag doon ang kaluluwang matimtiman at pusong mairugin ng giliw niyang si Maneng.
Noon, malayo man siya kay Maneng, ay nararamdaman niya na nasa kanyang piling mandin sa lahat ng sandali at binabalot siya ngwalangmaliw na ala-ala. Ang pangungulilang saglit ay di naghari sa kanyangkaramdaman, nguni’t ang luha ng galak ay nagsusumungaw sa kanyang mata.
Maya-maya’y isang liham na naman ang dumating.
Ang puso niya’y sumikdong muli pa.
—Talagang si Maneng—anya—ay napakamairugin—at binuksan ng boong ingat ang sobre:
Anang liham:
“Ginang:”
“Huwag mo pong pagtakhan ang kapangahasang ito; nguni’t ang isang tapat na kakilala ay di dapat maghalukipkip at di dalidaling sumaklolo kung ang isang iginagalang ng boong pagmamahal ay nababalaan ng isang sakuna.”
“Ang kalakip pongpilasng Pahayagan ay siya nang magtatapat sa inyo ng di ko masabi; sapagka’t ako’y natitigilan sa bangis ng katotohanan.”
TOMAS.
—Sinong Tomas ito—ani Nati—at ugaling babai palibhasa na hangad na mataho ang tanang bagay kahit na lasong pangpatay ang taglay noon ay binasa angpilasng Pahayagang kalakip ng sulat.
ISANG MAUGONG NA ALINGAW-NGAW
“Kumakalat ang balita na ang Kagawaran ng Tagausig (Fiscalia) ay nababalinong kasalukuyan sa isang maingay na usapin na nasa kanyang kamay ngayon.”
“Umano’y ang tanyag na mangangalakal na siG.Manuel San Juan na nakipagisang puso kayBb.Natividad Lopez ay nagsisikap na kasalukuyan upang iliblib sa pamagitan ng paglalagalag sa ibang lupain ang una niyang kasal na sinumpaan sa isang magandang taga Bokawe na nagngangalang Severina Francisco. Ang mga kagawad ay di umiidlip at may mga kautusan nang ilinagda upang sagwilan ang nagnanasang maglaro sa mga batas na umiiral.”
“Ang mga sumusunod na kasulatan ay siyang mga patunay na ang nasabing Ginoo, na nasiraan mandin ng bait sa mga panghalinang dilag ng dalawang babai, ay nakagawa ng isang kalapastanganan.”
“Ang isang kasal, gaya ng makita sa siping ilinathala namin ay idinaos ng biglaan at ginanap ng isang Pastor Protestante at ang pangalawa ay sa bahay ng binibining huling pinakasalan na ganap ng Cura sa mataong bayan Tundo, nang ang nasabing babai ay nabibingit sa kamatayan.”
LAGING-DILAT.
Naguló ang ulo ni Nati, ang diwa niya ay nalitó, ang puso niya ay linunod ng pighati at ang hininga ay sandaling pumanaw.
At nang siya’y pagsaulan ng bait ay ang mairuging ina, si Balong Tayang ang siyang sa kanya’y tanging sumaklolo.
—Maneng—ang hibik ni Nati—Maneng, saan naroon si Maneng? Tawagin si Maneng nanay.
At si aling Tayang ay agad nagpadala ng isang telegrama sa Maynila. Gayari ang nasasaad:
Anselmo Lopez,Tundo, Maynila,K. P.
Parine kang agad at ibalita kay Maneng na si Nati ay malubha.
Tayang.