XII.

Decorative motif

Isáng lingóng singkád na pigta sa pawisat kinakabaka ang madlang pang̃anib,kahit nanglalata ang ng̃aláy na bisigay di makahinto, at nagsusumakitna ang pitóng araw'y kanyáng maisulit.Pagka't alaala ang giliw na anák,ang sintáng asawa, ang ináng naghirapó kaya'y ang madlang kandiling kaanakna walang timbulan kung di iyóng hanapna sa pagkain lang ay di pa sasapát.Di namán mangyari, sa dukhang may dang̃ál,ang gawang mang-umít sa pinápasukan,kay ng̃a't ang tang̃ing pinanánang̃ana'yyaong pinang̃anlángbayad kapagalanna di halos upa kundi limos lamang.Sapagka't ang bagay na pang̃anlángbayad,ay yaóng katimbáng ng̃ puhunanghirap,datapwa'y ang labí ng̃ sakím napilakna hindi marunong humati ng̃ sapát,ay di nababagay saupangpag tawag.Iyán ang matimping kampón ni Minerva,iyán ang may tagláy ng̃ igiginhawanitong Sangsinukob; silá, silang siláang nagpapayaman, ng̃uni't alimuranang mg̃a puhunang may gútom buwaya.Silá ang kaulóng ng̃ Nang̃ang̃asiwang̃ itó'y abutin ng̃ ating si Teta,silá ang katung̃ong nagmamakaawana huwag nang gawín iyong pagbababasa dating upahá't kabayaráng takda.Datapwa, ang ganid, sa wikang matigás,(labis pa sa bagsík ng̃ sadyang may pilak)ay inalimura iyong mahihirap,at saka matapos pang̃alán ng̃ tamáday di ibinigáy ang ukol na bayad.—Kayó'y mg̃a hungháng, mg̃a waláng isip,ibig pang lumampás sa puhunang kabig;kung ayaw tumangáp ng̃ upa kong nais,kayó ang bahala; ng̃ayón di'y umalísat baka abutin ang akó'y magalit.At biglang iniwan ang mg̃a kausap,matapos masambít ang ilán pang sumbát,(na ating natalós sa dakong itaas);doon na nangyaring si Teta'y hinarápna ang katapusá'y tampál na malakás.Siya ay iniwan na hilóhiló paniyong namumuhing mahinhíng dalaga,dapwa'y nang magbalík ang diwang nágitlá'ynag-alab ang poot at ang pinagmurá'yang mg̃a upaháng kapulong na una.At saka nagbihis ng̃ lubhang madali,sinunda't hinabol iyong mananahi,hindi na ininó ang pamimighating̃ mg̃a upaháng nang̃aglulungatíngibigáy ang upang ukol sa nayari.¿Iláng mg̃a lunó't matandang magulang,iláng mg̃a anák at asawang hirangang hindi kakain sa gayóng inasalniyong walang ling̃ap!? Kaya 't pinasukandin ng̃ pagng̃ing̃itng̃it ang mg̃a upahán.Sumadilidili, na bago makitangdayukdók ang madlang anák at asawaay dapat utang̃in ang buhay na dalániyong walang awa't walang kaluluwangpinalalamon na ay nanínila pa.Yayamang wala ring mg̃a kahatulánsukat tuntunín sa pagayóng bagay,lubós nang tinangkang silá ang humirangng̃ bagay at kapit na kaparusahándoon sa tao ng̃a'y may~asal halimaw.Ang mahinbíng batis na binabalung̃anng̃ lináw na tubig na pang-patíd uhaw'ynag-aanyong baha kapag hinalang̃an ...¿ang puso pa kayang marunong magdamdámang hindi sumubó kapag hinahalay?Kaya't sabaysabáy na wari'y iisánang sinundán iyong budhing palamara;nagsabáy na lahát, na poot ang dalá ...iiay ... ng̃ sa alab ay mang̃ahás sumugbá!!iiay ... ng̃ madaanan ng̃ along masiglá!!

Isáng lingóng singkád na pigta sa pawisat kinakabaka ang madlang pang̃anib,kahit nanglalata ang ng̃aláy na bisigay di makahinto, at nagsusumakitna ang pitóng araw'y kanyáng maisulit.

Isáng lingóng singkád na pigta sa pawis

at kinakabaka ang madlang pang̃anib,

kahit nanglalata ang ng̃aláy na bisig

ay di makahinto, at nagsusumakit

na ang pitóng araw'y kanyáng maisulit.

Pagka't alaala ang giliw na anák,ang sintáng asawa, ang ináng naghirapó kaya'y ang madlang kandiling kaanakna walang timbulan kung di iyóng hanapna sa pagkain lang ay di pa sasapát.

Pagka't alaala ang giliw na anák,

ang sintáng asawa, ang ináng naghirap

ó kaya'y ang madlang kandiling kaanak

na walang timbulan kung di iyóng hanap

na sa pagkain lang ay di pa sasapát.

Di namán mangyari, sa dukhang may dang̃ál,ang gawang mang-umít sa pinápasukan,kay ng̃a't ang tang̃ing pinanánang̃ana'yyaong pinang̃anlángbayad kapagalanna di halos upa kundi limos lamang.

Di namán mangyari, sa dukhang may dang̃ál,

ang gawang mang-umít sa pinápasukan,

kay ng̃a't ang tang̃ing pinanánang̃ana'y

yaong pinang̃anlángbayad kapagalan

na di halos upa kundi limos lamang.

Sapagka't ang bagay na pang̃anlángbayad,ay yaóng katimbáng ng̃ puhunanghirap,datapwa'y ang labí ng̃ sakím napilakna hindi marunong humati ng̃ sapát,ay di nababagay saupangpag tawag.

Sapagka't ang bagay na pang̃anlángbayad,

ay yaóng katimbáng ng̃ puhunanghirap,

datapwa'y ang labí ng̃ sakím napilak

na hindi marunong humati ng̃ sapát,

ay di nababagay saupangpag tawag.

Iyán ang matimping kampón ni Minerva,iyán ang may tagláy ng̃ igiginhawanitong Sangsinukob; silá, silang siláang nagpapayaman, ng̃uni't alimuranang mg̃a puhunang may gútom buwaya.

Iyán ang matimping kampón ni Minerva,

iyán ang may tagláy ng̃ igiginhawa

nitong Sangsinukob; silá, silang silá

ang nagpapayaman, ng̃uni't alimura

nang mg̃a puhunang may gútom buwaya.

Silá ang kaulóng ng̃ Nang̃ang̃asiwang̃ itó'y abutin ng̃ ating si Teta,silá ang katung̃ong nagmamakaawana huwag nang gawín iyong pagbababasa dating upahá't kabayaráng takda.

Silá ang kaulóng ng̃ Nang̃ang̃asiwa

ng̃ itó'y abutin ng̃ ating si Teta,

silá ang katung̃ong nagmamakaawa

na huwag nang gawín iyong pagbababa

sa dating upahá't kabayaráng takda.

Datapwa, ang ganid, sa wikang matigás,(labis pa sa bagsík ng̃ sadyang may pilak)ay inalimura iyong mahihirap,at saka matapos pang̃alán ng̃ tamáday di ibinigáy ang ukol na bayad.

Datapwa, ang ganid, sa wikang matigás,

(labis pa sa bagsík ng̃ sadyang may pilak)

ay inalimura iyong mahihirap,

at saka matapos pang̃alán ng̃ tamád

ay di ibinigáy ang ukol na bayad.

—Kayó'y mg̃a hungháng, mg̃a waláng isip,ibig pang lumampás sa puhunang kabig;kung ayaw tumangáp ng̃ upa kong nais,kayó ang bahala; ng̃ayón di'y umalísat baka abutin ang akó'y magalit.

—Kayó'y mg̃a hungháng, mg̃a waláng isip,

ibig pang lumampás sa puhunang kabig;

kung ayaw tumangáp ng̃ upa kong nais,

kayó ang bahala; ng̃ayón di'y umalís

at baka abutin ang akó'y magalit.

At biglang iniwan ang mg̃a kausap,matapos masambít ang ilán pang sumbát,(na ating natalós sa dakong itaas);doon na nangyaring si Teta'y hinarápna ang katapusá'y tampál na malakás.

At biglang iniwan ang mg̃a kausap,

matapos masambít ang ilán pang sumbát,

(na ating natalós sa dakong itaas);

doon na nangyaring si Teta'y hinaráp

na ang katapusá'y tampál na malakás.

Siya ay iniwan na hilóhiló paniyong namumuhing mahinhíng dalaga,dapwa'y nang magbalík ang diwang nágitlá'ynag-alab ang poot at ang pinagmurá'yang mg̃a upaháng kapulong na una.

Siya ay iniwan na hilóhiló pa

niyong namumuhing mahinhíng dalaga,

dapwa'y nang magbalík ang diwang nágitlá'y

nag-alab ang poot at ang pinagmurá'y

ang mg̃a upaháng kapulong na una.

At saka nagbihis ng̃ lubhang madali,sinunda't hinabol iyong mananahi,hindi na ininó ang pamimighating̃ mg̃a upaháng nang̃aglulungatíngibigáy ang upang ukol sa nayari.

At saka nagbihis ng̃ lubhang madali,

sinunda't hinabol iyong mananahi,

hindi na ininó ang pamimighati

ng̃ mg̃a upaháng nang̃aglulungatíng

ibigáy ang upang ukol sa nayari.

¿Iláng mg̃a lunó't matandang magulang,iláng mg̃a anák at asawang hirangang hindi kakain sa gayóng inasalniyong walang ling̃ap!? Kaya 't pinasukandin ng̃ pagng̃ing̃itng̃it ang mg̃a upahán.

¿Iláng mg̃a lunó't matandang magulang,

iláng mg̃a anák at asawang hirang

ang hindi kakain sa gayóng inasal

niyong walang ling̃ap!? Kaya 't pinasukan

din ng̃ pagng̃ing̃itng̃it ang mg̃a upahán.

Sumadilidili, na bago makitangdayukdók ang madlang anák at asawaay dapat utang̃in ang buhay na dalániyong walang awa't walang kaluluwangpinalalamon na ay nanínila pa.

Sumadilidili, na bago makitang

dayukdók ang madlang anák at asawa

ay dapat utang̃in ang buhay na dalá

niyong walang awa't walang kaluluwang

pinalalamon na ay nanínila pa.

Yayamang wala ring mg̃a kahatulánsukat tuntunín sa pagayóng bagay,lubós nang tinangkang silá ang humirangng̃ bagay at kapit na kaparusahándoon sa tao ng̃a'y may~asal halimaw.

Yayamang wala ring mg̃a kahatulán

sukat tuntunín sa pagayóng bagay,

lubós nang tinangkang silá ang humirang

ng̃ bagay at kapit na kaparusahán

doon sa tao ng̃a'y may~asal halimaw.

Ang mahinbíng batis na binabalung̃anng̃ lináw na tubig na pang-patíd uhaw'ynag-aanyong baha kapag hinalang̃an ...¿ang puso pa kayang marunong magdamdámang hindi sumubó kapag hinahalay?

Ang mahinbíng batis na binabalung̃an

ng̃ lináw na tubig na pang-patíd uhaw'y

nag-aanyong baha kapag hinalang̃an ...

¿ang puso pa kayang marunong magdamdám

ang hindi sumubó kapag hinahalay?

Kaya't sabaysabáy na wari'y iisánang sinundán iyong budhing palamara;nagsabáy na lahát, na poot ang dalá ...iiay ... ng̃ sa alab ay mang̃ahás sumugbá!!iiay ... ng̃ madaanan ng̃ along masiglá!!

Kaya't sabaysabáy na wari'y iisá

nang sinundán iyong budhing palamara;

nagsabáy na lahát, na poot ang dalá ...

iiay ... ng̃ sa alab ay mang̃ahás sumugbá!!

iiay ... ng̃ madaanan ng̃ along masiglá!!

Decorative motif

Silá'y iwan nati't muling pagbalikánang tahanang dampa ng̃ mag-ináng hirang,doo'y nag-iisá ang maysakít lamangpagka't ang binata'y sandaling lumisan.Samantala namáng siya'y nag-iisáat nag-aantabáy sa anák na sintá,libong panalang̃in ang sumaalalaupang magkapalad ang bunsong dalaga.Aniya'y mangyaring ang hatíd na tahiay magíng mainam, doon sa may ari,upang bayaran na, nang siya'y mádaliat huwag gabihín sa kanyáng pag-uwi.Kaya't ng̃ mátanáw ang giliw na bunso'ysumaligaya na ang sumikdóng puso,ng̃uni't anóng lakí ng̃ dusang bumugsonang makita niyang luha'y tumutulo.Halos nápahiyaw at halos nátindígsa kinahihigáng sirasirang baníg,na, sabay ang wikang—¿Anó, Teta? ¿Bakit?¿anó ang nangyari't ikaw'y tumatang̃is?—Iná ko! Iná ko! Tayo'y walang palad!—ang sagót ni Teta't sabáy napayakapsa giliw na iná——¿Anó't umiiyakka?——Akó'y sinuba niyong taong sukáb;Pagka't di inamin ang haing pagsintá,niyong walang budhí't taong palamara,na kung kaya lamang nagpagawa paláay upang masunód ang masamang pita.Ng̃uni't nang tumangí akó't di umaminay pinagtangkaáng akó'y gahasain,salamat na lamang at aking napigilsa bilís ng̃ isang tampál na maríin.Dito inihayag niyong binibiniang lahát ng̃ bagay na mg̃a nangyari,dapwa'y sa gitna pa niyong pagsasabiay siyang pagdatíng ng̃ lilong lalaki.Na tagláy sa loob ang paghigantihániyong binibining sa kanyá'y tumampáló kung dili kaya'y sa tulong ng̃ yamanay nasang bulagin ang mg̃a magulang.Pagka't di bihira ang amá ó inána pagkakatanáw sa munting halagáay silá pang agád ang nag-áabóy nasa puri ng̃ isáng anák na dalaga.Dapwa'y hindi pa man halos nakapasoksa munting pintuan ang buhóng na loobay biglang náhinto, nang̃iníg ang tuhod,at munti na sanang siya'y nápaluhód.Sapagka't nákitang sa kanyá ang titigniyong nápatayong babaing maysakít ...yaón ang babai na kanyáng inamís!...yaón ang babaing sa kanyá'y nanalig!...Ang pang̃alan niya na maydongkaugnáykung bukhín sa labi ng̃ mg̃a upahán,doon ay náding̃íg sa bibíg ni Atangna may halong ng̃itng̃it at dustang paghalay.—Ang lalaking iyan—ang sabi ni Teta—ang sa akin iná'y ibig gumahasa,—Taong walang budhi!—aní ng̃ matanda—¿at nang̃ahás ka pa na dito'y magsadya?...Di ka na nang̃iming dito'y makaratíngna akay ng̃ iyong pagnanasang halíng?¿di ka na pinasok niyong salagimsímkung sino ang iyóng tinangkang gahisín?Nang dahil sa iyo: ang bukó'y bumuká'tnang magíng bulaklák ay agád nalantá,at saka sa ng̃ayó'y pagnanasaan pana iyong halayin ang nipót na bung̃a?Ang lalong masiba't may taksíl na loobay hihigtán mo pa kung sa pagkabuktót;marahil námali, sa iyo, ang Diyos, ...ginawa kang tao'y bagay magíng hayop!...Marami pa sanang bubukhín sa bibígyaong bumabakás ng̃ matindíng sulít;ng̃uni't nápahinto sapagka't náding̃ígang guló sa daan; sigawa't paglait.Sangdaang katao, humigít kumulang,ang nagsisidatíng at naghihiyawan;at ang bawa't isá'y may hawak na urangna ipangbubugbóg sa kinagalitan.¿Nasaan—anilá—iyang walang ling̃ap,taong mapang-apí sa mg̃a mahirap?Náding̃íg ang gayón ng̃ mayamang oslák;pinasók ang budhi ng̃ malakíng sindák.Luming̃asling̃as na at sumulingsuling,waring humahanap ng̃ dapat tung̃uhin,litó na ang isip, puso'y nalalagím,pagka't nákilalang siya'y pápatayín.Hindi na mangyaring siya'y makatananpagka't nalilibíd ng̃ tao ang bahayat bawa't sandaling ipag-alinlang̃anay isáng lundág pa ng̃ kasakunaan.Kaya't nang matantong wala nang pag-asa'tsaan man tumung̃o'y kamatayan niya,nanikluhód agád sa haráp ni Ata'thuming̃ing saklolo na iligtás siya.¡Iyon ang mayamang sa tulong ng̃ pilakay laging umapí sa mg̃a mahirap!¡Iyon ang mayaman!... Ng̃ayó'y nasisindáksa haráp ng̃ mg̃a palaging hinabág!...Mákita ang gayón ng̃ babaing galítna lunónglunó na ang dating mabang̃is,panasukang awa't ang dating inibigay pinapagkanlóng sa sulok ng̃ silíd.Kisápmatá lamang, at, kung di'y nag-abotang kinagalita't ang mg̃a may poot;sandali na lamang at disi'y nataposang buhay ng̃ tao na mapangbusabos.

Silá'y iwan nati't muling pagbalikánang tahanang dampa ng̃ mag-ináng hirang,doo'y nag-iisá ang maysakít lamangpagka't ang binata'y sandaling lumisan.

Silá'y iwan nati't muling pagbalikán

ang tahanang dampa ng̃ mag-ináng hirang,

doo'y nag-iisá ang maysakít lamang

pagka't ang binata'y sandaling lumisan.

Samantala namáng siya'y nag-iisáat nag-aantabáy sa anák na sintá,libong panalang̃in ang sumaalalaupang magkapalad ang bunsong dalaga.

Samantala namáng siya'y nag-iisá

at nag-aantabáy sa anák na sintá,

libong panalang̃in ang sumaalala

upang magkapalad ang bunsong dalaga.

Aniya'y mangyaring ang hatíd na tahiay magíng mainam, doon sa may ari,upang bayaran na, nang siya'y mádaliat huwag gabihín sa kanyáng pag-uwi.

Aniya'y mangyaring ang hatíd na tahi

ay magíng mainam, doon sa may ari,

upang bayaran na, nang siya'y mádali

at huwag gabihín sa kanyáng pag-uwi.

Kaya't ng̃ mátanáw ang giliw na bunso'ysumaligaya na ang sumikdóng puso,ng̃uni't anóng lakí ng̃ dusang bumugsonang makita niyang luha'y tumutulo.

Kaya't ng̃ mátanáw ang giliw na bunso'y

sumaligaya na ang sumikdóng puso,

ng̃uni't anóng lakí ng̃ dusang bumugso

nang makita niyang luha'y tumutulo.

Halos nápahiyaw at halos nátindígsa kinahihigáng sirasirang baníg,na, sabay ang wikang—¿Anó, Teta? ¿Bakit?¿anó ang nangyari't ikaw'y tumatang̃is?

Halos nápahiyaw at halos nátindíg

sa kinahihigáng sirasirang baníg,

na, sabay ang wikang—¿Anó, Teta? ¿Bakit?

¿anó ang nangyari't ikaw'y tumatang̃is?

—Iná ko! Iná ko! Tayo'y walang palad!—ang sagót ni Teta't sabáy napayakapsa giliw na iná——¿Anó't umiiyakka?——Akó'y sinuba niyong taong sukáb;

—Iná ko! Iná ko! Tayo'y walang palad!—

ang sagót ni Teta't sabáy napayakap

sa giliw na iná—

—¿Anó't umiiyak

ka?—

—Akó'y sinuba niyong taong sukáb;

Pagka't di inamin ang haing pagsintá,niyong walang budhí't taong palamara,na kung kaya lamang nagpagawa paláay upang masunód ang masamang pita.

Pagka't di inamin ang haing pagsintá,

niyong walang budhí't taong palamara,

na kung kaya lamang nagpagawa palá

ay upang masunód ang masamang pita.

Ng̃uni't nang tumangí akó't di umaminay pinagtangkaáng akó'y gahasain,salamat na lamang at aking napigilsa bilís ng̃ isang tampál na maríin.

Ng̃uni't nang tumangí akó't di umamin

ay pinagtangkaáng akó'y gahasain,

salamat na lamang at aking napigil

sa bilís ng̃ isang tampál na maríin.

Dito inihayag niyong binibiniang lahát ng̃ bagay na mg̃a nangyari,dapwa'y sa gitna pa niyong pagsasabiay siyang pagdatíng ng̃ lilong lalaki.

Dito inihayag niyong binibini

ang lahát ng̃ bagay na mg̃a nangyari,

dapwa'y sa gitna pa niyong pagsasabi

ay siyang pagdatíng ng̃ lilong lalaki.

Na tagláy sa loob ang paghigantihániyong binibining sa kanyá'y tumampáló kung dili kaya'y sa tulong ng̃ yamanay nasang bulagin ang mg̃a magulang.

Na tagláy sa loob ang paghigantihán

iyong binibining sa kanyá'y tumampál

ó kung dili kaya'y sa tulong ng̃ yaman

ay nasang bulagin ang mg̃a magulang.

Pagka't di bihira ang amá ó inána pagkakatanáw sa munting halagáay silá pang agád ang nag-áabóy nasa puri ng̃ isáng anák na dalaga.

Pagka't di bihira ang amá ó iná

na pagkakatanáw sa munting halagá

ay silá pang agád ang nag-áabóy na

sa puri ng̃ isáng anák na dalaga.

Dapwa'y hindi pa man halos nakapasoksa munting pintuan ang buhóng na loobay biglang náhinto, nang̃iníg ang tuhod,at munti na sanang siya'y nápaluhód.

Dapwa'y hindi pa man halos nakapasok

sa munting pintuan ang buhóng na loob

ay biglang náhinto, nang̃iníg ang tuhod,

at munti na sanang siya'y nápaluhód.

Sapagka't nákitang sa kanyá ang titigniyong nápatayong babaing maysakít ...yaón ang babai na kanyáng inamís!...yaón ang babaing sa kanyá'y nanalig!...

Sapagka't nákitang sa kanyá ang titig

niyong nápatayong babaing maysakít ...

yaón ang babai na kanyáng inamís!...

yaón ang babaing sa kanyá'y nanalig!...

Ang pang̃alan niya na maydongkaugnáykung bukhín sa labi ng̃ mg̃a upahán,doon ay náding̃íg sa bibíg ni Atangna may halong ng̃itng̃it at dustang paghalay.

Ang pang̃alan niya na maydongkaugnáy

kung bukhín sa labi ng̃ mg̃a upahán,

doon ay náding̃íg sa bibíg ni Atang

na may halong ng̃itng̃it at dustang paghalay.

—Ang lalaking iyan—ang sabi ni Teta—ang sa akin iná'y ibig gumahasa,—Taong walang budhi!—aní ng̃ matanda—¿at nang̃ahás ka pa na dito'y magsadya?...

—Ang lalaking iyan—ang sabi ni Teta—

ang sa akin iná'y ibig gumahasa,

—Taong walang budhi!—aní ng̃ matanda—

¿at nang̃ahás ka pa na dito'y magsadya?...

Di ka na nang̃iming dito'y makaratíngna akay ng̃ iyong pagnanasang halíng?¿di ka na pinasok niyong salagimsímkung sino ang iyóng tinangkang gahisín?

Di ka na nang̃iming dito'y makaratíng

na akay ng̃ iyong pagnanasang halíng?

¿di ka na pinasok niyong salagimsím

kung sino ang iyóng tinangkang gahisín?

Nang dahil sa iyo: ang bukó'y bumuká'tnang magíng bulaklák ay agád nalantá,at saka sa ng̃ayó'y pagnanasaan pana iyong halayin ang nipót na bung̃a?

Nang dahil sa iyo: ang bukó'y bumuká't

nang magíng bulaklák ay agád nalantá,

at saka sa ng̃ayó'y pagnanasaan pa

na iyong halayin ang nipót na bung̃a?

Ang lalong masiba't may taksíl na loobay hihigtán mo pa kung sa pagkabuktót;marahil námali, sa iyo, ang Diyos, ...ginawa kang tao'y bagay magíng hayop!...

Ang lalong masiba't may taksíl na loob

ay hihigtán mo pa kung sa pagkabuktót;

marahil námali, sa iyo, ang Diyos, ...

ginawa kang tao'y bagay magíng hayop!...

Marami pa sanang bubukhín sa bibígyaong bumabakás ng̃ matindíng sulít;ng̃uni't nápahinto sapagka't náding̃ígang guló sa daan; sigawa't paglait.

Marami pa sanang bubukhín sa bibíg

yaong bumabakás ng̃ matindíng sulít;

ng̃uni't nápahinto sapagka't náding̃íg

ang guló sa daan; sigawa't paglait.

Sangdaang katao, humigít kumulang,ang nagsisidatíng at naghihiyawan;at ang bawa't isá'y may hawak na urangna ipangbubugbóg sa kinagalitan.

Sangdaang katao, humigít kumulang,

ang nagsisidatíng at naghihiyawan;

at ang bawa't isá'y may hawak na urang

na ipangbubugbóg sa kinagalitan.

¿Nasaan—anilá—iyang walang ling̃ap,taong mapang-apí sa mg̃a mahirap?Náding̃íg ang gayón ng̃ mayamang oslák;pinasók ang budhi ng̃ malakíng sindák.

¿Nasaan—anilá—iyang walang ling̃ap,

taong mapang-apí sa mg̃a mahirap?

Náding̃íg ang gayón ng̃ mayamang oslák;

pinasók ang budhi ng̃ malakíng sindák.

Luming̃asling̃as na at sumulingsuling,waring humahanap ng̃ dapat tung̃uhin,litó na ang isip, puso'y nalalagím,pagka't nákilalang siya'y pápatayín.

Luming̃asling̃as na at sumulingsuling,

waring humahanap ng̃ dapat tung̃uhin,

litó na ang isip, puso'y nalalagím,

pagka't nákilalang siya'y pápatayín.

Hindi na mangyaring siya'y makatananpagka't nalilibíd ng̃ tao ang bahayat bawa't sandaling ipag-alinlang̃anay isáng lundág pa ng̃ kasakunaan.

Hindi na mangyaring siya'y makatanan

pagka't nalilibíd ng̃ tao ang bahay

at bawa't sandaling ipag-alinlang̃an

ay isáng lundág pa ng̃ kasakunaan.

Kaya't nang matantong wala nang pag-asa'tsaan man tumung̃o'y kamatayan niya,nanikluhód agád sa haráp ni Ata'thuming̃ing saklolo na iligtás siya.

Kaya't nang matantong wala nang pag-asa't

saan man tumung̃o'y kamatayan niya,

nanikluhód agád sa haráp ni Ata't

huming̃ing saklolo na iligtás siya.

¡Iyon ang mayamang sa tulong ng̃ pilakay laging umapí sa mg̃a mahirap!¡Iyon ang mayaman!... Ng̃ayó'y nasisindáksa haráp ng̃ mg̃a palaging hinabág!...

¡Iyon ang mayamang sa tulong ng̃ pilak

ay laging umapí sa mg̃a mahirap!

¡Iyon ang mayaman!... Ng̃ayó'y nasisindák

sa haráp ng̃ mg̃a palaging hinabág!...

Mákita ang gayón ng̃ babaing galítna lunónglunó na ang dating mabang̃is,panasukang awa't ang dating inibigay pinapagkanlóng sa sulok ng̃ silíd.

Mákita ang gayón ng̃ babaing galít

na lunónglunó na ang dating mabang̃is,

panasukang awa't ang dating inibig

ay pinapagkanlóng sa sulok ng̃ silíd.

Kisápmatá lamang, at, kung di'y nag-abotang kinagalita't ang mg̃a may poot;sandali na lamang at disi'y nataposang buhay ng̃ tao na mapangbusabos.

Kisápmatá lamang, at, kung di'y nag-abot

ang kinagalita't ang mg̃a may poot;

sandali na lamang at disi'y natapos

ang buhay ng̃ tao na mapangbusabos.

Decorative motif

Lubhang mapagbatá, pipi't mapagtipídsa lalong mabigát na mg̃a pasakit,sadyáng masúnuri't hindi mapaglaít,walang hinahalay, hindi mapag-usig:sa lalong mababa'y nakikipaniigat tungkól dálita ay kanyáng kapatíd.Iyan ang mahirap: pusong mahabagin,may mayamang dibdíb sa mg̃a damdamin;hindi humahamon, ng̃uni't pag-iniríng....sa kanyáng hayakís ay walang patalím,walang kalakasang sukat makasupilni lalong matibay na di hahamakin.Ilá'y nagsipanhík sa dukhang tahanan,sa nasang máhuli ang lilong mayaman;tangka nilá mandíng doon na mápatayyaong walang pusong hindi na nagtagláyng̃ munti mang ling̃ap sa mg̃a daing̃anat pakikisamo ng̃ mg̃a upahán.Datapwa'y napigil ang sulák ng ng̃itng̃itat ang kapoota'y nagwaring lumamígnang mápaharáp na't kaniláng mámasidang mukhang maamo ng̃ ating may sakít,na sa gitna niyóng malakíng pang̃anibay nag-anyóng kuta na hindi mayaníg.—¿Anó ang layunín at dito ay hanap—ang tanóng ni Ata sa mg̃a kaharáp.—Aming inuusig iyang taong sukábnang upang patayín ...—Mg̃a walang palad!¿Anó't tutungkulín ang gawang umutásniyang mg̃a kamáy na ukol sa sipag?¿Kay lakí ba kaya ng̃ pagkakasalaat buhay kaagád ang inyóng pinita?Kayó'y mang̃agmuni at huwag padalápa pusók ng̃ loob—Magmuni'y sukat na,at higít sa labis ang aming binatádiyan sa kuhila't walang kaluluwa.Nang dahil sa amin, siya'y tumatangápng̃ malakíng tubo at úpang mataás,kamí ang sa kanyá'y nagbigáy ng̃ pilakdatapwa't ang gantíng sa amin ay gawaday ang kulang̃an pa ang datihang usapat sa kahulihan ay ayaw magbayad.Ang pinagpagaláng isáng lingóng araway ipinatigás na ayaw bayarandahil sa náhing̃ing huwag nang bawasanang dating palakad na pag-uupahán,at kung mangyayari'y kaniyang dagdagányamang námamalas itóng kahirapan.Samantalang gayón iyong pag-uusapsa ibaba namán ay lubhang masulák;walang hintóng lait ang nanánambulat:hing̃ing ipanaog yaong máninibadupáng papagkamtín ng̃ parusang tapátsa kanyáng inasal sa mg̃a mahirap.—Ipanaog dito nang agadagaran!—ang sigáw ng̃ taong nang̃asa lansang̃an;may nang̃aghahanda na ibaóng buhay,may nagpanukalang ibitin na lamangat may humihing̃ing bugbugín ang hunghángbago kaladkarín hanggáng sa mamatáy.Sa gayóng paghing̃i na lubhang marahásay muling nag-init ang nasa itaas,kaya at sa tulong ng̃ salitang tahás,nilimot na sampung pitagang ining̃atat dadaluhong nang dudumugi't sukatiyong nagtatagong hindi makalabás.Datapwa'y humadláng sa kaniláng nasaang dating may sakít at lunóng matanda:—Mang̃agmuni kayó—ang maamong wika—huwag na palulong sa biglang akalapagka't kung masunód ang inyóng adhikaay kayo ring tunay ang kaawaawa.¿Hindi bagá kayó'y may mg̃a magulang,anák at asawang pinakahihirang,na liban sa inyó'y walang aasahangsukat na katigin at ikabubuhay,sa balát ng̃ lupà? ¿Anó't ititimbángang gayóng karami sa isáng halimaw?Kung inyóng masunód ang pakay at nasaat kayó'y usigin dahil sa ginawa¿ilán ang sa inyó'y mang̃agsisiluha?¿ilán ang dudumog sa pagdadálitá?¿iláng anák ninyó ang mápapang̃angyayaat mang̃ung̃ulila ng̃ lubhang mahaba?Kayó'y pinipigil, hindi pagka't ibigna aking itangól ang taong bulisik;mahigít sa inyó ang aking tinipídnang dahil sa kanyá; kayá'y di nagtiisng̃ sumpa't tung̃ayaw, ng̃ pula at laitat pag-alipustang di dapat mákamít.Ang aba kong puso ay kanyáng dinaya,ang aking pag-asa'y nilantá nang kusa,ang madla kong luhog ay inalipusta,ang linis ko't puri ay pinakadustaat sa kabulagán ng̃ budhing kuhila'y,sa anák ding tunay, siyang gagahasa.¿Higít pa ba riyan ang inyóng tinangápna mg̃a pasakit? Ang upang katumbásng̃ sanglinggóng araw ¿magin kayang sukatsa pagkakalung̃i ng̃ puring ining̃atat pagkáhiwalay sa madlang kaanakat pamamalagi sa dálita't hirap?...Akó ang babaing kanyáng pinugayanng̃ puring malinis na minahálmahál,at ng̃ayó'y' akó rin ang nagsasangaláng ...bakít akó gayón? sapagka't alang̃ánsa sapát kong gantí, ang íisang buhay;ang nasa ko'y iyóng walang katapusán.Isáng guniguníng hindi lumilipaskahit na magbalot sa buntón ng̃ pilak,isáng pagkakutya sa sariling hagap,magíng akbáy niya sa lahát ng̃ oras,isáng wari'y hukóm na magpapahirapsaan man tumung̃o at siya'y lumagak.Ang nasa kong kamtán ay isáng higantína higít na lubha sa lalong malakí,gantíng tataglayín niyong dilidiliat sa isá niya ay mang̃aníng̃aní,at hindi na ibá ang siyang mangdirikung di siya na rin sa kanyáng sarili.Ibig kong mabuhay iyang alibugha,datapwa't sa kanyá'y ipauunawana itóng dalaga na kanyáng ninasaay anák din niya at anák kong mutya,ng̃uni't kailan ma'y hindi mápapalana tawaging amá ang isang kuhila.Sa sinabing itó'y nágitlá ang lahátat ang kalooban ay pawang naglubág,at lalo pa mandíng silá'y nang̃agulatnang sa kinanglung̃án ay biglang lumabásiyong inuusig at pinaghahanap,na luhaluhaa't paluhód ang lakad.

Lubhang mapagbatá, pipi't mapagtipídsa lalong mabigát na mg̃a pasakit,sadyáng masúnuri't hindi mapaglaít,walang hinahalay, hindi mapag-usig:sa lalong mababa'y nakikipaniigat tungkól dálita ay kanyáng kapatíd.

Lubhang mapagbatá, pipi't mapagtipíd

sa lalong mabigát na mg̃a pasakit,

sadyáng masúnuri't hindi mapaglaít,

walang hinahalay, hindi mapag-usig:

sa lalong mababa'y nakikipaniig

at tungkól dálita ay kanyáng kapatíd.

Iyan ang mahirap: pusong mahabagin,may mayamang dibdíb sa mg̃a damdamin;hindi humahamon, ng̃uni't pag-iniríng....sa kanyáng hayakís ay walang patalím,walang kalakasang sukat makasupilni lalong matibay na di hahamakin.

Iyan ang mahirap: pusong mahabagin,

may mayamang dibdíb sa mg̃a damdamin;

hindi humahamon, ng̃uni't pag-iniríng....

sa kanyáng hayakís ay walang patalím,

walang kalakasang sukat makasupil

ni lalong matibay na di hahamakin.

Ilá'y nagsipanhík sa dukhang tahanan,sa nasang máhuli ang lilong mayaman;tangka nilá mandíng doon na mápatayyaong walang pusong hindi na nagtagláyng̃ munti mang ling̃ap sa mg̃a daing̃anat pakikisamo ng̃ mg̃a upahán.

Ilá'y nagsipanhík sa dukhang tahanan,

sa nasang máhuli ang lilong mayaman;

tangka nilá mandíng doon na mápatay

yaong walang pusong hindi na nagtagláy

ng̃ munti mang ling̃ap sa mg̃a daing̃an

at pakikisamo ng̃ mg̃a upahán.

Datapwa'y napigil ang sulák ng ng̃itng̃itat ang kapoota'y nagwaring lumamígnang mápaharáp na't kaniláng mámasidang mukhang maamo ng̃ ating may sakít,na sa gitna niyóng malakíng pang̃anibay nag-anyóng kuta na hindi mayaníg.

Datapwa'y napigil ang sulák ng ng̃itng̃it

at ang kapoota'y nagwaring lumamíg

nang mápaharáp na't kaniláng mámasid

ang mukhang maamo ng̃ ating may sakít,

na sa gitna niyóng malakíng pang̃anib

ay nag-anyóng kuta na hindi mayaníg.

—¿Anó ang layunín at dito ay hanap—ang tanóng ni Ata sa mg̃a kaharáp.—Aming inuusig iyang taong sukábnang upang patayín ...—Mg̃a walang palad!¿Anó't tutungkulín ang gawang umutásniyang mg̃a kamáy na ukol sa sipag?

—¿Anó ang layunín at dito ay hanap—

ang tanóng ni Ata sa mg̃a kaharáp.

—Aming inuusig iyang taong sukáb

nang upang patayín ...

—Mg̃a walang palad!

¿Anó't tutungkulín ang gawang umutás

niyang mg̃a kamáy na ukol sa sipag?

¿Kay lakí ba kaya ng̃ pagkakasalaat buhay kaagád ang inyóng pinita?Kayó'y mang̃agmuni at huwag padalápa pusók ng̃ loob—Magmuni'y sukat na,at higít sa labis ang aming binatádiyan sa kuhila't walang kaluluwa.

¿Kay lakí ba kaya ng̃ pagkakasala

at buhay kaagád ang inyóng pinita?

Kayó'y mang̃agmuni at huwag padalá

pa pusók ng̃ loob

—Magmuni'y sukat na,

at higít sa labis ang aming binatá

diyan sa kuhila't walang kaluluwa.

Nang dahil sa amin, siya'y tumatangápng̃ malakíng tubo at úpang mataás,kamí ang sa kanyá'y nagbigáy ng̃ pilakdatapwa't ang gantíng sa amin ay gawaday ang kulang̃an pa ang datihang usapat sa kahulihan ay ayaw magbayad.

Nang dahil sa amin, siya'y tumatangáp

ng̃ malakíng tubo at úpang mataás,

kamí ang sa kanyá'y nagbigáy ng̃ pilak

datapwa't ang gantíng sa amin ay gawad

ay ang kulang̃an pa ang datihang usap

at sa kahulihan ay ayaw magbayad.

Ang pinagpagaláng isáng lingóng araway ipinatigás na ayaw bayarandahil sa náhing̃ing huwag nang bawasanang dating palakad na pag-uupahán,at kung mangyayari'y kaniyang dagdagányamang námamalas itóng kahirapan.

Ang pinagpagaláng isáng lingóng araw

ay ipinatigás na ayaw bayaran

dahil sa náhing̃ing huwag nang bawasan

ang dating palakad na pag-uupahán,

at kung mangyayari'y kaniyang dagdagán

yamang námamalas itóng kahirapan.

Samantalang gayón iyong pag-uusapsa ibaba namán ay lubhang masulák;walang hintóng lait ang nanánambulat:hing̃ing ipanaog yaong máninibadupáng papagkamtín ng̃ parusang tapátsa kanyáng inasal sa mg̃a mahirap.

Samantalang gayón iyong pag-uusap

sa ibaba namán ay lubhang masulák;

walang hintóng lait ang nanánambulat:

hing̃ing ipanaog yaong máninibad

upáng papagkamtín ng̃ parusang tapát

sa kanyáng inasal sa mg̃a mahirap.

—Ipanaog dito nang agadagaran!—ang sigáw ng̃ taong nang̃asa lansang̃an;may nang̃aghahanda na ibaóng buhay,may nagpanukalang ibitin na lamangat may humihing̃ing bugbugín ang hunghángbago kaladkarín hanggáng sa mamatáy.

—Ipanaog dito nang agadagaran!—

ang sigáw ng̃ taong nang̃asa lansang̃an;

may nang̃aghahanda na ibaóng buhay,

may nagpanukalang ibitin na lamang

at may humihing̃ing bugbugín ang hungháng

bago kaladkarín hanggáng sa mamatáy.

Sa gayóng paghing̃i na lubhang marahásay muling nag-init ang nasa itaas,kaya at sa tulong ng̃ salitang tahás,nilimot na sampung pitagang ining̃atat dadaluhong nang dudumugi't sukatiyong nagtatagong hindi makalabás.

Sa gayóng paghing̃i na lubhang marahás

ay muling nag-init ang nasa itaas,

kaya at sa tulong ng̃ salitang tahás,

nilimot na sampung pitagang ining̃at

at dadaluhong nang dudumugi't sukat

iyong nagtatagong hindi makalabás.

Datapwa'y humadláng sa kaniláng nasaang dating may sakít at lunóng matanda:—Mang̃agmuni kayó—ang maamong wika—huwag na palulong sa biglang akalapagka't kung masunód ang inyóng adhikaay kayo ring tunay ang kaawaawa.

Datapwa'y humadláng sa kaniláng nasa

ang dating may sakít at lunóng matanda:

—Mang̃agmuni kayó—ang maamong wika—

huwag na palulong sa biglang akala

pagka't kung masunód ang inyóng adhika

ay kayo ring tunay ang kaawaawa.

¿Hindi bagá kayó'y may mg̃a magulang,anák at asawang pinakahihirang,na liban sa inyó'y walang aasahangsukat na katigin at ikabubuhay,sa balát ng̃ lupà? ¿Anó't ititimbángang gayóng karami sa isáng halimaw?

¿Hindi bagá kayó'y may mg̃a magulang,

anák at asawang pinakahihirang,

na liban sa inyó'y walang aasahang

sukat na katigin at ikabubuhay,

sa balát ng̃ lupà? ¿Anó't ititimbáng

ang gayóng karami sa isáng halimaw?

Kung inyóng masunód ang pakay at nasaat kayó'y usigin dahil sa ginawa¿ilán ang sa inyó'y mang̃agsisiluha?¿ilán ang dudumog sa pagdadálitá?¿iláng anák ninyó ang mápapang̃angyayaat mang̃ung̃ulila ng̃ lubhang mahaba?

Kung inyóng masunód ang pakay at nasa

at kayó'y usigin dahil sa ginawa

¿ilán ang sa inyó'y mang̃agsisiluha?

¿ilán ang dudumog sa pagdadálitá?

¿iláng anák ninyó ang mápapang̃angyaya

at mang̃ung̃ulila ng̃ lubhang mahaba?

Kayó'y pinipigil, hindi pagka't ibigna aking itangól ang taong bulisik;mahigít sa inyó ang aking tinipídnang dahil sa kanyá; kayá'y di nagtiisng̃ sumpa't tung̃ayaw, ng̃ pula at laitat pag-alipustang di dapat mákamít.

Kayó'y pinipigil, hindi pagka't ibig

na aking itangól ang taong bulisik;

mahigít sa inyó ang aking tinipíd

nang dahil sa kanyá; kayá'y di nagtiis

ng̃ sumpa't tung̃ayaw, ng̃ pula at lait

at pag-alipustang di dapat mákamít.

Ang aba kong puso ay kanyáng dinaya,ang aking pag-asa'y nilantá nang kusa,ang madla kong luhog ay inalipusta,ang linis ko't puri ay pinakadustaat sa kabulagán ng̃ budhing kuhila'y,sa anák ding tunay, siyang gagahasa.

Ang aba kong puso ay kanyáng dinaya,

ang aking pag-asa'y nilantá nang kusa,

ang madla kong luhog ay inalipusta,

ang linis ko't puri ay pinakadusta

at sa kabulagán ng̃ budhing kuhila'y,

sa anák ding tunay, siyang gagahasa.

¿Higít pa ba riyan ang inyóng tinangápna mg̃a pasakit? Ang upang katumbásng̃ sanglinggóng araw ¿magin kayang sukatsa pagkakalung̃i ng̃ puring ining̃atat pagkáhiwalay sa madlang kaanakat pamamalagi sa dálita't hirap?...

¿Higít pa ba riyan ang inyóng tinangáp

na mg̃a pasakit? Ang upang katumbás

ng̃ sanglinggóng araw ¿magin kayang sukat

sa pagkakalung̃i ng̃ puring ining̃at

at pagkáhiwalay sa madlang kaanak

at pamamalagi sa dálita't hirap?...

Akó ang babaing kanyáng pinugayanng̃ puring malinis na minahálmahál,at ng̃ayó'y' akó rin ang nagsasangaláng ...bakít akó gayón? sapagka't alang̃ánsa sapát kong gantí, ang íisang buhay;ang nasa ko'y iyóng walang katapusán.

Akó ang babaing kanyáng pinugayan

ng̃ puring malinis na minahálmahál,

at ng̃ayó'y' akó rin ang nagsasangaláng ...

bakít akó gayón? sapagka't alang̃án

sa sapát kong gantí, ang íisang buhay;

ang nasa ko'y iyóng walang katapusán.

Isáng guniguníng hindi lumilipaskahit na magbalot sa buntón ng̃ pilak,isáng pagkakutya sa sariling hagap,magíng akbáy niya sa lahát ng̃ oras,isáng wari'y hukóm na magpapahirapsaan man tumung̃o at siya'y lumagak.

Isáng guniguníng hindi lumilipas

kahit na magbalot sa buntón ng̃ pilak,

isáng pagkakutya sa sariling hagap,

magíng akbáy niya sa lahát ng̃ oras,

isáng wari'y hukóm na magpapahirap

saan man tumung̃o at siya'y lumagak.

Ang nasa kong kamtán ay isáng higantína higít na lubha sa lalong malakí,gantíng tataglayín niyong dilidiliat sa isá niya ay mang̃aníng̃aní,at hindi na ibá ang siyang mangdirikung di siya na rin sa kanyáng sarili.

Ang nasa kong kamtán ay isáng higantí

na higít na lubha sa lalong malakí,

gantíng tataglayín niyong dilidili

at sa isá niya ay mang̃aníng̃aní,

at hindi na ibá ang siyang mangdiri

kung di siya na rin sa kanyáng sarili.

Ibig kong mabuhay iyang alibugha,datapwa't sa kanyá'y ipauunawana itóng dalaga na kanyáng ninasaay anák din niya at anák kong mutya,ng̃uni't kailan ma'y hindi mápapalana tawaging amá ang isang kuhila.

Ibig kong mabuhay iyang alibugha,

datapwa't sa kanyá'y ipauunawa

na itóng dalaga na kanyáng ninasa

ay anák din niya at anák kong mutya,

ng̃uni't kailan ma'y hindi mápapala

na tawaging amá ang isang kuhila.

Sa sinabing itó'y nágitlá ang lahátat ang kalooban ay pawang naglubág,at lalo pa mandíng silá'y nang̃agulatnang sa kinanglung̃án ay biglang lumabásiyong inuusig at pinaghahanap,na luhaluhaa't paluhód ang lakad.

Sa sinabing itó'y nágitlá ang lahát

at ang kalooban ay pawang naglubág,

at lalo pa mandíng silá'y nang̃agulat

nang sa kinanglung̃án ay biglang lumabás

iyong inuusig at pinaghahanap,

na luhaluhaa't paluhód ang lakad.

Decorative motif

Yaóng nahirati sa pagpapatanghálng̃ kaniyang poot sa mg̃a upahán,ng̃ayó'y lunóng lunó, at walang masaysáyyaong mg̃a labing laging nakasigáw,liban sa pasamo't salitang marahang:—¡Patawad anák ko! ¡Patawad na Atang!—Ang aking patawád—tugón ng̃ may sakít—magpakailan ma'y hindi makakamít,sa aki'y hindi ka nagtaksíl ng̃ labiskundi sa dugo mong itinakwil, kahitwalang kasalanan kundi magíng bihissa dusa ng̃ aking nádayang pag-ibig.Mákita ang gayón, ng̃ magkakasama,na ang hinahanap ay kaharáp nilá'ydinaluhong agád; disi'y nasawi na,kung hindi humadláng ang ating dalagaat nagpumagitna sa amáng may salaat mg̃a kawaníng may masamang pita.—Mang̃ag-antáy kayó, huwag pagtulung̃ánang isá kataong hindi lumalaban:ang inyóng gágawí'y hindi nábabagaysa tungkól lalaking may kaunting dang̃álat lalo pa mandíng tiwali't alang̃ánsa kagaya ninyóng anák kasipagan.Oo't may katwirang kayó'y maghigantísapagka't ginipít ó kaya'y inapí;ng̃uni't kayo'y pawang may pusong lalaki,sa bawa't ulila'y marunong kumasi,hindi humahabág sa tungkól babaikundi bagkús pa ng̃ang mapagbigay puri.Sapól pagkabata ay aking dinaláyaong sapantaha na akó'y ulila,wala akóng tuwa liban na kay ináat ng̃ayóng nabatíd na akó'y may amá¿di yata't bigla ring aagawin siyasa sabík kong puso sa kanyáng pagsintá?Kayó'y gaya ko rin naanák-dálita,at kauri ninyó akóng namagitna;magíng balato man, sa aki'y maawa:patawarin ninyó ang amá kong mutya,¡alang alang kahit doon sa Lumikha!¡kahit alang alang sa aking pagluha!Siya'y magtitika't hindi na aasalng̃ ugaling lihís na karumaldumal;ang bahala'y akóng sa kanyá'y aakaysa tuwid na landás na dapat daananng̃ mg̃a may puso't pagling̃ap na tunaysa kagaya ninyóng mg̃a mang-aaráw.Sa salitang iyon ay muling nagbalíksa datihang anyo ang maamong tubig,naglubág ang poot, napawi ang bang̃ísniyong maawaing mg̃aanák pawis...paano'y kay gandá ng̃ huming̃ing bibígat napakaamo ang kaniyang hibík!?Kaya't yaóng dating nagtumuling bahana ibig tumabon sa daanang lupa'ymuling nagíng batis, nukál ang payapa;at saka nang̃ako ang Nang̃ang̃asiwana daragdagán pa sa upaháng takdaat pagbabayaran ang mg̃a nagawa.

Yaóng nahirati sa pagpapatanghálng̃ kaniyang poot sa mg̃a upahán,ng̃ayó'y lunóng lunó, at walang masaysáyyaong mg̃a labing laging nakasigáw,liban sa pasamo't salitang marahang:—¡Patawad anák ko! ¡Patawad na Atang!

Yaóng nahirati sa pagpapatanghál

ng̃ kaniyang poot sa mg̃a upahán,

ng̃ayó'y lunóng lunó, at walang masaysáy

yaong mg̃a labing laging nakasigáw,

liban sa pasamo't salitang marahang:

—¡Patawad anák ko! ¡Patawad na Atang!

—Ang aking patawád—tugón ng̃ may sakít—magpakailan ma'y hindi makakamít,sa aki'y hindi ka nagtaksíl ng̃ labiskundi sa dugo mong itinakwil, kahitwalang kasalanan kundi magíng bihissa dusa ng̃ aking nádayang pag-ibig.

—Ang aking patawád—tugón ng̃ may sakít—

magpakailan ma'y hindi makakamít,

sa aki'y hindi ka nagtaksíl ng̃ labis

kundi sa dugo mong itinakwil, kahit

walang kasalanan kundi magíng bihis

sa dusa ng̃ aking nádayang pag-ibig.

Mákita ang gayón, ng̃ magkakasama,na ang hinahanap ay kaharáp nilá'ydinaluhong agád; disi'y nasawi na,kung hindi humadláng ang ating dalagaat nagpumagitna sa amáng may salaat mg̃a kawaníng may masamang pita.

Mákita ang gayón, ng̃ magkakasama,

na ang hinahanap ay kaharáp nilá'y

dinaluhong agád; disi'y nasawi na,

kung hindi humadláng ang ating dalaga

at nagpumagitna sa amáng may sala

at mg̃a kawaníng may masamang pita.

—Mang̃ag-antáy kayó, huwag pagtulung̃ánang isá kataong hindi lumalaban:ang inyóng gágawí'y hindi nábabagaysa tungkól lalaking may kaunting dang̃álat lalo pa mandíng tiwali't alang̃ánsa kagaya ninyóng anák kasipagan.

—Mang̃ag-antáy kayó, huwag pagtulung̃án

ang isá kataong hindi lumalaban:

ang inyóng gágawí'y hindi nábabagay

sa tungkól lalaking may kaunting dang̃ál

at lalo pa mandíng tiwali't alang̃án

sa kagaya ninyóng anák kasipagan.

Oo't may katwirang kayó'y maghigantísapagka't ginipít ó kaya'y inapí;ng̃uni't kayo'y pawang may pusong lalaki,sa bawa't ulila'y marunong kumasi,hindi humahabág sa tungkól babaikundi bagkús pa ng̃ang mapagbigay puri.

Oo't may katwirang kayó'y maghigantí

sapagka't ginipít ó kaya'y inapí;

ng̃uni't kayo'y pawang may pusong lalaki,

sa bawa't ulila'y marunong kumasi,

hindi humahabág sa tungkól babai

kundi bagkús pa ng̃ang mapagbigay puri.

Sapól pagkabata ay aking dinaláyaong sapantaha na akó'y ulila,wala akóng tuwa liban na kay ináat ng̃ayóng nabatíd na akó'y may amá¿di yata't bigla ring aagawin siyasa sabík kong puso sa kanyáng pagsintá?

Sapól pagkabata ay aking dinalá

yaong sapantaha na akó'y ulila,

wala akóng tuwa liban na kay iná

at ng̃ayóng nabatíd na akó'y may amá

¿di yata't bigla ring aagawin siya

sa sabík kong puso sa kanyáng pagsintá?

Kayó'y gaya ko rin naanák-dálita,at kauri ninyó akóng namagitna;magíng balato man, sa aki'y maawa:patawarin ninyó ang amá kong mutya,¡alang alang kahit doon sa Lumikha!¡kahit alang alang sa aking pagluha!

Kayó'y gaya ko rin naanák-dálita,

at kauri ninyó akóng namagitna;

magíng balato man, sa aki'y maawa:

patawarin ninyó ang amá kong mutya,

¡alang alang kahit doon sa Lumikha!

¡kahit alang alang sa aking pagluha!

Siya'y magtitika't hindi na aasalng̃ ugaling lihís na karumaldumal;ang bahala'y akóng sa kanyá'y aakaysa tuwid na landás na dapat daananng̃ mg̃a may puso't pagling̃ap na tunaysa kagaya ninyóng mg̃a mang-aaráw.

Siya'y magtitika't hindi na aasal

ng̃ ugaling lihís na karumaldumal;

ang bahala'y akóng sa kanyá'y aakay

sa tuwid na landás na dapat daanan

ng̃ mg̃a may puso't pagling̃ap na tunay

sa kagaya ninyóng mg̃a mang-aaráw.

Sa salitang iyon ay muling nagbalíksa datihang anyo ang maamong tubig,naglubág ang poot, napawi ang bang̃ísniyong maawaing mg̃aanák pawis...paano'y kay gandá ng̃ huming̃ing bibígat napakaamo ang kaniyang hibík!?

Sa salitang iyon ay muling nagbalík

sa datihang anyo ang maamong tubig,

naglubág ang poot, napawi ang bang̃ís

niyong maawaing mg̃aanák pawis...

paano'y kay gandá ng̃ huming̃ing bibíg

at napakaamo ang kaniyang hibík!?

Kaya't yaóng dating nagtumuling bahana ibig tumabon sa daanang lupa'ymuling nagíng batis, nukál ang payapa;at saka nang̃ako ang Nang̃ang̃asiwana daragdagán pa sa upaháng takdaat pagbabayaran ang mg̃a nagawa.

Kaya't yaóng dating nagtumuling baha

na ibig tumabon sa daanang lupa'y

muling nagíng batis, nukál ang payapa;

at saka nang̃ako ang Nang̃ang̃asiwa

na daragdagán pa sa upaháng takda

at pagbabayaran ang mg̃a nagawa.

Decorative motif

Matapos ang gayóng mg̃a sálitaa'tmatapos pumayag ang mg̃a upahán,ang wikang nápalit sa dating sigawa'y¡Mabuhay ang sipag! ¡Si Teta'y mabuhay!Katuwaang lahát, sa lahát ng̃ bibígpawang kagalakán ang nang̃asasambít,dapwa'y nápatang̃ing may pataw sa dibdíbang ating si Pedro na di makaimík.Malaon nang lubhang siya'y nároroonat minamatyagán kung saan hahantóngiyong salitaan, ng̃uni't ng̃ manuynóyang lahát ng̃ bagay ...nagtagláy lingatong.Kaya't ng̃ mapuná, ang gayón, ni Tetayang hirang na sintá'y agád linapitan,pinakáusisa, hanggáng sa tinuran,ng̃ ating binata, yaong dináramdam.Siya'y maralitá't ang kaniyang hirangay hindi na dukha, anák ng̃ mayaman,¿di kaya masabing iyong pagmamahálay may halong ling̃ap sa pilak na kináng?

Matapos ang gayóng mg̃a sálitaa'tmatapos pumayag ang mg̃a upahán,ang wikang nápalit sa dating sigawa'y¡Mabuhay ang sipag! ¡Si Teta'y mabuhay!

Matapos ang gayóng mg̃a sálitaa't

matapos pumayag ang mg̃a upahán,

ang wikang nápalit sa dating sigawa'y

¡Mabuhay ang sipag! ¡Si Teta'y mabuhay!

Katuwaang lahát, sa lahát ng̃ bibígpawang kagalakán ang nang̃asasambít,dapwa'y nápatang̃ing may pataw sa dibdíbang ating si Pedro na di makaimík.

Katuwaang lahát, sa lahát ng̃ bibíg

pawang kagalakán ang nang̃asasambít,

dapwa'y nápatang̃ing may pataw sa dibdíb

ang ating si Pedro na di makaimík.

Malaon nang lubhang siya'y nároroonat minamatyagán kung saan hahantóngiyong salitaan, ng̃uni't ng̃ manuynóyang lahát ng̃ bagay ...nagtagláy lingatong.

Malaon nang lubhang siya'y nároroon

at minamatyagán kung saan hahantóng

iyong salitaan, ng̃uni't ng̃ manuynóy

ang lahát ng̃ bagay ...nagtagláy lingatong.

Kaya't ng̃ mapuná, ang gayón, ni Tetayang hirang na sintá'y agád linapitan,pinakáusisa, hanggáng sa tinuran,ng̃ ating binata, yaong dináramdam.

Kaya't ng̃ mapuná, ang gayón, ni Tetay

ang hirang na sintá'y agád linapitan,

pinakáusisa, hanggáng sa tinuran,

ng̃ ating binata, yaong dináramdam.

Siya'y maralitá't ang kaniyang hirangay hindi na dukha, anák ng̃ mayaman,¿di kaya masabing iyong pagmamahálay may halong ling̃ap sa pilak na kináng?

Siya'y maralitá't ang kaniyang hirang

ay hindi na dukha, anák ng̃ mayaman,

¿di kaya masabing iyong pagmamahál

ay may halong ling̃ap sa pilak na kináng?

Yakap na magiliw at masuyong halík, sa salitang iyon, ang siyang nápalit..... ¡Kay saráp ng̃ buhay kapag umiibig!... ............................—(Pág. 72)

Yakap na magiliw at masuyong halík,sa salitang iyon, ang siyang nápalit.....¡Kay saráp ng̃ buhay kapag umiibig!...............................—(Pág.72)

Yakap na magiliw at masuyong halík,sa salitang iyon, ang siyang nápalit.....¡Kay saráp ng̃ buhay kapag umiibig!...............................—(Pág.72)

Yakap na magiliw at masuyong halík,sa salitang iyon, ang siyang nápalit.....¡Kay saráp ng̃ buhay kapag umiibig!...............................—(Pág.72)

Yakap na magiliw at masuyong halík,

sa salitang iyon, ang siyang nápalit.....

¡Kay saráp ng̃ buhay kapag umiibig!...

............................—(Pág.72)

Anyá'y samantalang hindi magkapaladna kanyáng pantayán ang maraming pilakng̃ ama ni Tetay ay di mang̃ang̃ahásna mulíng bangitín ang kanyáng pagliyag.At siya'y tutung̃o sa malayong bayan,kung saan kikita ng̃ maraming yaman,puhunanin kahit ang sariling buhayay di liling̃unín, sa laki ng̃ pakay.Ang bawa't kaputók na pananalita,sa dibdib ni Teta, ay nagiging iwa,kaya't nang matapos ay di naapulasa kaniyáng matá ang agos ng̃ luha.—Nang akó'y hikahós—anyá—ay mapalad,walang kalungkuta't ang puso'y panatag,akó'y maligaya, kahit naghihirap,at walang damdaming ikinaiiyák.Datapwa't sa ng̃ayóng íisáng sandalipa halos na akó'y wari may salapi,¿agád agád na bang isáng dalamhatiang tataglayín ko sa ubod ng̃ budhi?Kung gayón din lamang at dahil sa akingbagong kalagayan ikáw'y maninimdím,ang lahát ng̃ iyo'y aking lilisaninkung magigíng tumbás ng̃ iyong paggiliw.—Huwag na Tetay ko, huwag ipagdamdámkung sakasakaling akó'y lumayo man,¿anó kung maghirap ng̃ mahabang arawkung sa dakong hulí'y ikáw ang katimbáng?—Kung sa dakong hulí!... at sa hulí akó!ng̃uni't una muna ang kataasan mo!Huwag lang maturang humigít sa iyo'ylalasunin mo na ang boong buhay ko!—Huwag mong damdamín; sa ngayó'y mapaitna akó'y málayo sa iyong pag-ibig,ng̃uni't sa kabila'y libolibong tamísang siyáng katumbás nitóng pagtitiís.Akó ay may puso, na kagaya mo rin,na minámapaít ang kitá'y lisanin ...datapwa'y hindi mo dapat na limutinna ang marálita'y lubhang maramdamin.Marahil, sa bawa't gamunting salita'yipagdurusa ko't lubós ikaaba,¡paano'y katulong sa bawa't paghulaang pagkakilalang ako'y marálita!?Kaya't bayaan na ang aking pagpánaw,paglayong marahil di maluluwatán ...—¡¡Hindi ng̃a maluwát, ng̃uni't kaigihanna yaríng puso ko'y magkawaraywaray!!

Anyá'y samantalang hindi magkapaladna kanyáng pantayán ang maraming pilakng̃ ama ni Tetay ay di mang̃ang̃ahásna mulíng bangitín ang kanyáng pagliyag.

Anyá'y samantalang hindi magkapalad

na kanyáng pantayán ang maraming pilak

ng̃ ama ni Tetay ay di mang̃ang̃ahás

na mulíng bangitín ang kanyáng pagliyag.

At siya'y tutung̃o sa malayong bayan,kung saan kikita ng̃ maraming yaman,puhunanin kahit ang sariling buhayay di liling̃unín, sa laki ng̃ pakay.

At siya'y tutung̃o sa malayong bayan,

kung saan kikita ng̃ maraming yaman,

puhunanin kahit ang sariling buhay

ay di liling̃unín, sa laki ng̃ pakay.

Ang bawa't kaputók na pananalita,sa dibdib ni Teta, ay nagiging iwa,kaya't nang matapos ay di naapulasa kaniyáng matá ang agos ng̃ luha.

Ang bawa't kaputók na pananalita,

sa dibdib ni Teta, ay nagiging iwa,

kaya't nang matapos ay di naapula

sa kaniyáng matá ang agos ng̃ luha.

—Nang akó'y hikahós—anyá—ay mapalad,walang kalungkuta't ang puso'y panatag,akó'y maligaya, kahit naghihirap,at walang damdaming ikinaiiyák.

—Nang akó'y hikahós—anyá—ay mapalad,

walang kalungkuta't ang puso'y panatag,

akó'y maligaya, kahit naghihirap,

at walang damdaming ikinaiiyák.

Datapwa't sa ng̃ayóng íisáng sandalipa halos na akó'y wari may salapi,¿agád agád na bang isáng dalamhatiang tataglayín ko sa ubod ng̃ budhi?

Datapwa't sa ng̃ayóng íisáng sandali

pa halos na akó'y wari may salapi,

¿agád agád na bang isáng dalamhati

ang tataglayín ko sa ubod ng̃ budhi?

Kung gayón din lamang at dahil sa akingbagong kalagayan ikáw'y maninimdím,ang lahát ng̃ iyo'y aking lilisaninkung magigíng tumbás ng̃ iyong paggiliw.

Kung gayón din lamang at dahil sa aking

bagong kalagayan ikáw'y maninimdím,

ang lahát ng̃ iyo'y aking lilisanin

kung magigíng tumbás ng̃ iyong paggiliw.

—Huwag na Tetay ko, huwag ipagdamdámkung sakasakaling akó'y lumayo man,¿anó kung maghirap ng̃ mahabang arawkung sa dakong hulí'y ikáw ang katimbáng?

—Huwag na Tetay ko, huwag ipagdamdám

kung sakasakaling akó'y lumayo man,

¿anó kung maghirap ng̃ mahabang araw

kung sa dakong hulí'y ikáw ang katimbáng?

—Kung sa dakong hulí!... at sa hulí akó!ng̃uni't una muna ang kataasan mo!Huwag lang maturang humigít sa iyo'ylalasunin mo na ang boong buhay ko!

—Kung sa dakong hulí!... at sa hulí akó!

ng̃uni't una muna ang kataasan mo!

Huwag lang maturang humigít sa iyo'y

lalasunin mo na ang boong buhay ko!

—Huwag mong damdamín; sa ngayó'y mapaitna akó'y málayo sa iyong pag-ibig,ng̃uni't sa kabila'y libolibong tamísang siyáng katumbás nitóng pagtitiís.

—Huwag mong damdamín; sa ngayó'y mapait

na akó'y málayo sa iyong pag-ibig,

ng̃uni't sa kabila'y libolibong tamís

ang siyáng katumbás nitóng pagtitiís.

Akó ay may puso, na kagaya mo rin,na minámapaít ang kitá'y lisanin ...datapwa'y hindi mo dapat na limutinna ang marálita'y lubhang maramdamin.

Akó ay may puso, na kagaya mo rin,

na minámapaít ang kitá'y lisanin ...

datapwa'y hindi mo dapat na limutin

na ang marálita'y lubhang maramdamin.

Marahil, sa bawa't gamunting salita'yipagdurusa ko't lubós ikaaba,¡paano'y katulong sa bawa't paghulaang pagkakilalang ako'y marálita!?

Marahil, sa bawa't gamunting salita'y

ipagdurusa ko't lubós ikaaba,

¡paano'y katulong sa bawa't paghula

ang pagkakilalang ako'y marálita!?

Kaya't bayaan na ang aking pagpánaw,paglayong marahil di maluluwatán ...—¡¡Hindi ng̃a maluwát, ng̃uni't kaigihanna yaríng puso ko'y magkawaraywaray!!

Kaya't bayaan na ang aking pagpánaw,

paglayong marahil di maluluwatán ...

—¡¡Hindi ng̃a maluwát, ng̃uni't kaigihan

na yaríng puso ko'y magkawaraywaray!!

Decorative motif

Ang usapan palá namá'y nábabatyágng̃ lunóng babaing nahang̃o sa hirap;sila'y linapita't saka siniyasatkung anó't malungkót iyong pag-uusap.Hindi ikinaít ng̃ ating binataang sanhi ng̃ kanyáng paglayong akala;inayunan namán ng̃ ating matandasapagka't nataya ang tuwíd na nasa.Sa gayóng nangyari, si Teta'y nagsulit;—Pumapayag akó na ikáw'y umalís,datapwa'y yayamang kitá'y iniibigakó ay sasama, saan man sumapit,—Iiwan mo akó!?—ang pabiglang turingng̃ ináng nágitlá.—¿Kami'y lilisanin?—ang tanóng ng̃ amá.—Kung di ibabalingni Pedro ang nasa. Siya ang himukin.Alám kong ang sanhi ng̃ kaniyang pakayay dahil sa akin; kaya't akó namá'ynasang makihati sa anó mang bagayna kanyáng sapitin: mamatáy, mabuhay.—Sukat na, sukát na, aking mg̃a anák—ang sabi ng̃ amá sa magkasinliyag—magmula sa ng̃ayón si Pedro'y gáganapsa aking tungkulin.—Amá ko, salamat.—Sa gayóng paraa'y hindi kailang̃anang siya'y dumayo sa ibá pang bayan;at kaming dalawá'y ...—Hahati na lamangsa ligaya ninyó—ang putol ni Atang.......................................................................Yakap na magiliw at masuyong halík,sa salitang iyon, ang siyang nápalit....¡Kay saráp ng̃ buhay kapag umiibig!...¡Pag yáon ng̃ sigwá'y kay ganda ng̃ lang̃it!...

Ang usapan palá namá'y nábabatyágng̃ lunóng babaing nahang̃o sa hirap;sila'y linapita't saka siniyasatkung anó't malungkót iyong pag-uusap.

Ang usapan palá namá'y nábabatyág

ng̃ lunóng babaing nahang̃o sa hirap;

sila'y linapita't saka siniyasat

kung anó't malungkót iyong pag-uusap.

Hindi ikinaít ng̃ ating binataang sanhi ng̃ kanyáng paglayong akala;inayunan namán ng̃ ating matandasapagka't nataya ang tuwíd na nasa.

Hindi ikinaít ng̃ ating binata

ang sanhi ng̃ kanyáng paglayong akala;

inayunan namán ng̃ ating matanda

sapagka't nataya ang tuwíd na nasa.

Sa gayóng nangyari, si Teta'y nagsulit;—Pumapayag akó na ikáw'y umalís,datapwa'y yayamang kitá'y iniibigakó ay sasama, saan man sumapit,

Sa gayóng nangyari, si Teta'y nagsulit;

—Pumapayag akó na ikáw'y umalís,

datapwa'y yayamang kitá'y iniibig

akó ay sasama, saan man sumapit,

—Iiwan mo akó!?—ang pabiglang turingng̃ ináng nágitlá.—¿Kami'y lilisanin?—ang tanóng ng̃ amá.—Kung di ibabalingni Pedro ang nasa. Siya ang himukin.

—Iiwan mo akó!?—ang pabiglang turing

ng̃ ináng nágitlá.

—¿Kami'y lilisanin?—

ang tanóng ng̃ amá.

—Kung di ibabaling

ni Pedro ang nasa. Siya ang himukin.

Alám kong ang sanhi ng̃ kaniyang pakayay dahil sa akin; kaya't akó namá'ynasang makihati sa anó mang bagayna kanyáng sapitin: mamatáy, mabuhay.

Alám kong ang sanhi ng̃ kaniyang pakay

ay dahil sa akin; kaya't akó namá'y

nasang makihati sa anó mang bagay

na kanyáng sapitin: mamatáy, mabuhay.

—Sukat na, sukát na, aking mg̃a anák—ang sabi ng̃ amá sa magkasinliyag—magmula sa ng̃ayón si Pedro'y gáganapsa aking tungkulin.—Amá ko, salamat.

—Sukat na, sukát na, aking mg̃a anák—

ang sabi ng̃ amá sa magkasinliyag—

magmula sa ng̃ayón si Pedro'y gáganap

sa aking tungkulin.

—Amá ko, salamat.

—Sa gayóng paraa'y hindi kailang̃anang siya'y dumayo sa ibá pang bayan;at kaming dalawá'y ...—Hahati na lamangsa ligaya ninyó—ang putol ni Atang.

—Sa gayóng paraa'y hindi kailang̃an

ang siya'y dumayo sa ibá pang bayan;

at kaming dalawá'y ...

—Hahati na lamang

sa ligaya ninyó—ang putol ni Atang.

......................................................................

...................................

...................................

Yakap na magiliw at masuyong halík,sa salitang iyon, ang siyang nápalit....¡Kay saráp ng̃ buhay kapag umiibig!...¡Pag yáon ng̃ sigwá'y kay ganda ng̃ lang̃it!...

Yakap na magiliw at masuyong halík,

sa salitang iyon, ang siyang nápalit....

¡Kay saráp ng̃ buhay kapag umiibig!...

¡Pag yáon ng̃ sigwá'y kay ganda ng̃ lang̃it!...

Maynila, Enero, 1907.Ginawang aklat ng̃ Disiembre ng̃ 1911

Maynila, Enero, 1907.

Ginawang aklat ng̃ Disiembre ng̃ 1911

Decorative motif


Back to IndexNext