The Project Gutenberg eBook ofBulalakaw ng Pag-asaThis ebook is for the use of anyone anywhere in the United States and most other parts of the world at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this ebook or online atwww.gutenberg.org. If you are not located in the United States, you will have to check the laws of the country where you are located before using this eBook.Title: Bulalakaw ng Pag-asaAuthor: Ismael A. AmadoRelease date: April 14, 2011 [eBook #35868]Most recently updated: February 6, 2020Language: TagalogCredits: Produced by Tamiko I. Rollings, Jeroen Hellingman and theOnline Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net/for Project Gutenberg (This file was produced from imagesgenerously made available by the Digital and MultimediaCenter, Michigan State University Libraries.)*** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK BULALAKAW NG PAG-ASA ***
This ebook is for the use of anyone anywhere in the United States and most other parts of the world at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this ebook or online atwww.gutenberg.org. If you are not located in the United States, you will have to check the laws of the country where you are located before using this eBook.
Title: Bulalakaw ng Pag-asaAuthor: Ismael A. AmadoRelease date: April 14, 2011 [eBook #35868]Most recently updated: February 6, 2020Language: TagalogCredits: Produced by Tamiko I. Rollings, Jeroen Hellingman and theOnline Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net/for Project Gutenberg (This file was produced from imagesgenerously made available by the Digital and MultimediaCenter, Michigan State University Libraries.)
Title: Bulalakaw ng Pag-asa
Author: Ismael A. Amado
Author: Ismael A. Amado
Release date: April 14, 2011 [eBook #35868]Most recently updated: February 6, 2020
Language: Tagalog
Credits: Produced by Tamiko I. Rollings, Jeroen Hellingman and theOnline Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net/for Project Gutenberg (This file was produced from imagesgenerously made available by the Digital and MultimediaCenter, Michigan State University Libraries.)
*** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK BULALAKAW NG PAG-ASA ***
Ismael A. AmadoBulalakaw ñg Pag-AsaMga Pañgunang TalataNiIñigo Ed. RegaladoBulalakaw ng Pág-AsaSinulat niIsmael A. Amadonoong mga unang araw ng kanyang pagkabinata nang ang kanyang gulang ay lalabing walong taón lamang.Mga Paunang Talata niIñigo Ed. RegaladoMga Paunang TalataGiliw na Mangbabasa:Kung sa pagtunghay mo ng mga akdang paris nitó ay wala kang ibáng nais kungdi libañgín ang iyóng kalulwa sa mga pangyayaring tinatawid ng dalawáng pusong nag-iibigan; dalhin ang panimdim sa silíd na pinaglalaguyuan ng mga kalulwang pinagtali ng pag-ibig; mabatíd ang mga hiwaga ng pagmamahalan ng magkasi na karaniwang ibinubuhay ng ating mga mañgañgatha; kung iyán lamang ang iyong hañgád, ay huwag ka nang magpatuloy ng pagbuklat sa mga dahon ng kathang itó, pagka’t pananaktan ka lamang ng ulo at maaaksayahan ng panahón: ang aklat na itó’y hindi makatutugon sa iyóng pita. Itó’y bulaklak na waláng bañgó, ñguni’t bulaklak. Itó’y parang lañgit na walang buwan ni tala, ni mga bítuing nakaaaliw sa naninimdim na puso; ñguni’t may araw na nakapapaso’t nakasusunog sa maninipis na balát.Datapuwa’t kung ang layon mo’y dumamá ng isáng sugat na dinamdam ng ating bayan; humanap ng isáng buháy na adhika upang pag-arala’t dilidilihin; mag-aral ng mga makabayang halimbawa upang ituro sa ibá alang-alang sa kapakanán ng ating Lahi; kung iyán ang iyóng pita ay buklatín mong isa-isa angmga dahon ng kasaysayang itó, matiyaga mong tunghan ang kaniyang talata, pagka’t titibók ang iyong puso at mabubuhay na lalu’t lalo ang mga símulaing inaalagaan mo sa dibdib. Ito’y sigáng nagdiriñgas ñguni’t hindi nakatutupok. Ito’y súnog na naglalagablab; ñguni’t waláng mga alipatong sukat pañganibang makapagpapalakí ng apoy. Wala: ang layon ng sumulat ay bumuu, hindi gumiba.Sa pamamagitan ng mga paunang talatang itó ay sukat nang mahinuha ng sinomán ang nilalaman ngBulalakaw ng Pag-asa: Pag-asa sa isang Bayang matibay na mapapatayo at hindi sa isang Pag-ibig na balót ng mga pagpapakunwari. Ito’y pañgarap; ñguni’t yao’y katotohanan.Gayon man, ang pagkakalabas ñgayon ng aklat na itó ay nañgañgailañgan ng isang paliwanag. Palibhasa’y akó—marahil—ang unang sumaksi sa pagkakasulat ng mga unang dahon nitó, kaya siyang napitang tumungkol ng kailañgang pagpapaaninaw kung anó’t ang isáng akdang limbag na noon pang Agosto ng 1909 ay ñgayon lamang natuluyang palabasín at ipagbibilí sa mga aklatan.AngBulalakaw ng Pag-asaay natapos sa limbagan noon pa ñgang 1909. Inaaklat na lamang ang kaniyang mga salin nang ang kumatha’y tumanggap ng mahihigpit na payobuhat sa maraming “nakatataas” sa kaniya, at kung bagá sa isáng sumisintang ibig mag-asawa, ang nangyari sa kumatha’y natira sa pananabik, pagka’t nang dumulóg sa magkakasal, ito’y nagkaít ng tulong at iminatuwid na bukód sa “menor de edad” ay wala pang “konsentimiento” ang mga magulang. Ang kasál ay naurong. O sa lalong maliwanag: ang aklat ay hindi lumabas. Pinigil ang pagpapalabas.Bakit?Ang sabi ng nañgagpayo: masama ang panahon, sa papawiri’y naglipád-lipad ang mga ibong mangdaragit ... ang mga sisiw ay kailañgang mañgagtago upang huwag mapahamak. Nang mga araw na yao’y sariwang-sariwa pa ang usapín ng “Muling Pagsilang”, at pinag-aalinlañganan ng marami ang katibayan ng malayang paglalathala ng anománg babasahin, magíng ito’y aklat o pahayagan kaya. At ... sa pakikibagay sa panahon—hindi sa takot—ang kumatha nitó’y dinaíg ng makatuwirang payo at ang kaniyang aklat ay malaong natulog sa “isang madilím na silid”.Buhat noon, ang pañgalan ng kumatha, na, nang mga araw na sinabi’y hinañgaan ng Bayang Tagalog dahil sa matatapang niyang lathalang lumalabas sa mga pahayagan, ay naligpit na rin at di na napagdiníg. ¿Saan naroon si Ismael A. Amado? ¿Saan naroonang batang manunulat na tubo sa San Mateo? Kasalukuyang hinahanap ng sumusulat nitó ang katugunan sa mga tanóng na iyan, nang walang anú-anó’y sa sisipót at inilalahad sa akin ang kaniyang palad.—Isang mahigpit na kamáy at yakap, kaibigan—ang wika niya sa akin;—akó’y maglalayág na patuñgo sa Amerika.—At angBulalakaw ng Pag-asa?—ang pamangha kong tanong.—Aywan ko kung saan naparoon, at aywan ko rin kung ano ang kaniyang kahihinatnan. Marahil ay sinunog na nilá.Nakaraan ang mga buwan at taón. At... patí na akong isá sa matatalik na kaibigan ng naglalayag ay hindi tumanggap ng kahi’t anóng balita. Parang namatáy sa larañgan ng Panitikang Tagalog ang pañgalang Ismael A. Amado!Walang anú-anó, pagkaraan ng ilang taón, ay napabalitang ang manunulat na tagá San Mateo ay dumating, matapos makapag-aral sa Amerika. Sa una naming pagkikita’y wala kamíng napag-usapan kungdi ang kaniyang “nakatulog” naBulalakaw... Ang kaibigan ko’y napañgiti lamang at nagpahayag ng ganito:—AngBulalakaw ng Pag-asaay dinatnan ko pa sa aking silíd, naroong nagtalaksan; ñguni’t marahil ipasusunog ko na. Kaysama ng pagkakasulat at akóng itó ang una-unang nakakakilala ñgayon ng kasamaan, hindi lamang ng pagkakasulat, kungdi lalu’t higít ng iláng isipang doo’y aking inilarawan.¡Sayang na aklat!Gayón man, salamat sa pagpapayo ng maraming kamanunulat sa wikang tagalog, at si Amado’y napilitang sumunod sa kanilang adhika.—Natalo akó kaibigan,—ang wika sa akin.—AngBulalakaw ng Pag-asaay tila ipaaaklat ko rin; ñguni’t hindi na upang masunod ang una kong hañgarin, kungdi upang makatulong na lamang sa pagpapayaman ng mga aklat na nasusulat sa ating sariling wika. Dapat mong mabatíd na akó ang una-unang kumikilala na ang aklat na iyá’y hindi nababagay sa panahong itó ng pagtutuluñgán at mabuting pagsasama ng sinasakop at nakasasakop. Ang paglalathala ko nitó’y buñga na lamang ng aking nais na magkaroon ng kahi’t isáng aklat na magpapaalala ng mga nangyari ng panahong nakapaiibabaw rito ang katuwiran ng lakás at di ang lakás ng katuwiran. Alaala sa panahong iyan, at wala... Iyán lamang ang nagbunsod sa akin upang ipaaklat ang maralita kongBulalakaw.At narito’t pinaaklat ñga at ñgayo’y buong pusong inihahandóg sa mga giliw na mangbabasa.Gaya nang nasabi na sa dakong unahan nito, angBulalakaw ng Pag-asaay limbag na noon pang Agosto ng 1909. Mula noon hangga ñgayon ay mahigit nang siyam na taón ang nakararaan. Kung ang naturang aklat ay isá lamang buñgang kahoy, nanatili man ang magandang kulay, marahil ay tuyo na’t walang katas. Sukat ng makuro ng mga mangbabasa na ang aklat na ito, dahil sa ganiyang pangyayari, ay wala ng katas na pangkasalukuyan. Gayon man, palibhasa’y buháy ang mga pangyayaring tinutukoy sa aklat, ito’y maaaring pakinabañgan ng sinomang may ibig makinabang.¿May katañgian ang aklat na ito? Sa ganang akin ay mayroon, ñguni’t wala.Datapuwa’t may isang dakilang katañgian: nakahambing siya ni Kristong umano’y nabuhay na muli, matapos malibing sa hukay.¿Marami kayang kamalian? Sa ganang akin, ay marami rin; ñguni’t wala. Marami, sapagka’t talagang marami. At wala, sapagka’t ang kumatha na rin ang una-unang nagsasabing napakasama ng pagkakayari sa aklat na ito.Nguni’t sinabi ko na: kailañgang isaalang-alang natin ang pangyayaring ang aklat na ito’y sinulat ng kumatha noong bago siya magtuñgo sa Estados Unidos at kaya lamang niya pinalabas ñgayon ay sapagka’t siya’y napilitan.Gaya nang nasasabí na sa dakong unahan nito, ang layon ng sumulat sa aklat na itó’y dakila sa lalong dakila: itanim sa puso ng lahat ng Pilipino ang pag-ibig sa Tinubuang Lupa. Lamang ay mapapansing ang sumulat, ay wala sa kanyang sarili nang ito’y sulatin. Manapa’y pinapagsasalita siya ni Rizal, minsa’y sa pamamagítan ni Elias sa “Noli Me Tángere” at kadalasa’y sa pamamagitan ni Simoun sa “Filibusterismo”. Ang wika niya: “... kinakailañgang mátanim sa puso at mabatid ng bawa’t Pilipino, na ang una at hulíng tungkulin niya sa iyo (sa Bayan) ay ang matutong gumiba, gumutay, tumupok, nang walang kapañgipañgimi, sa dapat igiba, gutayin at tupukin”. Nguni’t ang kumatha’y may katwiran. ¿Ano’t hindi iukilkil tuwi na ang makabuluhang aral ni Rizal, hinggil sa Bayan at sa Lahi?Ang mga giliw na mangbabasa’y hindi naman dapat mag-isip na ang kathang ito’y nakakatang sa mga pag-iisip ni Rizal. Ni hindi maituturing na hañgo. Ni plahio! Ni ano pa man! Kung baga sa paghahasik, ang mga isipang naririya’y tinipon ng ating Bayani sa isang sisidlán at isinasabog namán ni Amado, hindi upang aksayahin, kungdi upang itanim at nang tumubo, mamulaklák at mamuñga.May isang mañgañgathang nakabasa nanitongBulalakaw ng Pag-asana sa aki’y nagpahiwatig na karamihan pang mga isipan ng kumatha ay hañgo sa ilang isipan ni Rizal, tungkol sa Bayan natin. Ako’y hindi naniniwala sa bagay na itó, pagka’t kung magkakaganyan ay matitiyák nating angBusabos ng Paladni Aguilar ay plahio saResurrecciónni Tolstoy, itó nama’y plahio rin saLa Dama de las Cameliasni Dumas ... At, itó namán, angDama de las Camelias, na isang kathang nagtamó ng papuri sa sangdaigdig ay isang plahio lamang sa isang dramang hapón na pinamagatangKami Ya-Giyé. Ang “argumento” ng mga kathang iyan na aking binanggit ay halos nañgagkakaisa: si Celso ni Rita ay siya ring si Neclindeff ni Maslova saResurrección; ñguni’t si Neclindeff ni Maslova ay siya ring si Armando ni Margarita saLa Dama de las Camelias; datapwa’t ang Armandong itó ay siya ri’t di iba ang Giyé ni O’Hare sa dramang hapóngKami Ya-Giyé, na, unang di hamak saLa Dama; ñguni’t kailan ma’y walang nañgahas na magsabing ang walang kamatayang kathang iyán ni Alejandro Dumas (anák) ay plahio lamang sa isang dramang hapón.Ang totoo, sa ganang akin, sa apat na panulukan ng Sandaigdig, ay di nawawalán ng dalawa kataong nagkakaisa ng isipan sa iisang araw at oras. Ang mga isipan niAmado ay may sariling uri at taták, kay sa mga pañguñgusap ni Rizal sa mga labi ni Elias at ni Simoun.Sa anu’t anó man, ang aklat ay narito’t yari na. Sa pañgalan kong sarili’y buong pitagang inihahandog sa mga giliw na mangbabasa at sila na ang bahalang humatol.Opo, hatulan ninyo ang aklat na itong kinalalarawan ng isang pusong pinag-aalaban ng pag-ibig sa Tinubuang Lupa, ng isang dibdib na pinatitibok ng dalisay na pagsinta sa Lahi, ng isang kaluluwang pinadadakila ng adhikang mapatayo ang isang Bayan matibay at malinis, sa ibabaw ng mga labi ng isang Bayang bulók at pinaghaharían ng mga kasamaan.Iñigo Ed. Regalado,Tagapamatnugot ngAng Mithi.
Ismael A. AmadoBulalakaw ñg Pag-AsaMga Pañgunang TalataNiIñigo Ed. Regalado
Ismael A. Amado
Bulalakaw ñg Pag-Asa
Bulalakaw ñg Pag-Asa
Mga Pañgunang TalataNiIñigo Ed. Regalado
Bulalakaw ng Pág-AsaSinulat niIsmael A. Amadonoong mga unang araw ng kanyang pagkabinata nang ang kanyang gulang ay lalabing walong taón lamang.Mga Paunang Talata niIñigo Ed. Regalado
Bulalakaw ng Pág-Asa
Bulalakaw ng Pág-Asa
Sinulat niIsmael A. Amadonoong mga unang araw ng kanyang pagkabinata nang ang kanyang gulang ay lalabing walong taón lamang.Mga Paunang Talata niIñigo Ed. Regalado
Mga Paunang TalataGiliw na Mangbabasa:Kung sa pagtunghay mo ng mga akdang paris nitó ay wala kang ibáng nais kungdi libañgín ang iyóng kalulwa sa mga pangyayaring tinatawid ng dalawáng pusong nag-iibigan; dalhin ang panimdim sa silíd na pinaglalaguyuan ng mga kalulwang pinagtali ng pag-ibig; mabatíd ang mga hiwaga ng pagmamahalan ng magkasi na karaniwang ibinubuhay ng ating mga mañgañgatha; kung iyán lamang ang iyong hañgád, ay huwag ka nang magpatuloy ng pagbuklat sa mga dahon ng kathang itó, pagka’t pananaktan ka lamang ng ulo at maaaksayahan ng panahón: ang aklat na itó’y hindi makatutugon sa iyóng pita. Itó’y bulaklak na waláng bañgó, ñguni’t bulaklak. Itó’y parang lañgit na walang buwan ni tala, ni mga bítuing nakaaaliw sa naninimdim na puso; ñguni’t may araw na nakapapaso’t nakasusunog sa maninipis na balát.Datapuwa’t kung ang layon mo’y dumamá ng isáng sugat na dinamdam ng ating bayan; humanap ng isáng buháy na adhika upang pag-arala’t dilidilihin; mag-aral ng mga makabayang halimbawa upang ituro sa ibá alang-alang sa kapakanán ng ating Lahi; kung iyán ang iyóng pita ay buklatín mong isa-isa angmga dahon ng kasaysayang itó, matiyaga mong tunghan ang kaniyang talata, pagka’t titibók ang iyong puso at mabubuhay na lalu’t lalo ang mga símulaing inaalagaan mo sa dibdib. Ito’y sigáng nagdiriñgas ñguni’t hindi nakatutupok. Ito’y súnog na naglalagablab; ñguni’t waláng mga alipatong sukat pañganibang makapagpapalakí ng apoy. Wala: ang layon ng sumulat ay bumuu, hindi gumiba.Sa pamamagitan ng mga paunang talatang itó ay sukat nang mahinuha ng sinomán ang nilalaman ngBulalakaw ng Pag-asa: Pag-asa sa isang Bayang matibay na mapapatayo at hindi sa isang Pag-ibig na balót ng mga pagpapakunwari. Ito’y pañgarap; ñguni’t yao’y katotohanan.Gayon man, ang pagkakalabas ñgayon ng aklat na itó ay nañgañgailañgan ng isang paliwanag. Palibhasa’y akó—marahil—ang unang sumaksi sa pagkakasulat ng mga unang dahon nitó, kaya siyang napitang tumungkol ng kailañgang pagpapaaninaw kung anó’t ang isáng akdang limbag na noon pang Agosto ng 1909 ay ñgayon lamang natuluyang palabasín at ipagbibilí sa mga aklatan.AngBulalakaw ng Pag-asaay natapos sa limbagan noon pa ñgang 1909. Inaaklat na lamang ang kaniyang mga salin nang ang kumatha’y tumanggap ng mahihigpit na payobuhat sa maraming “nakatataas” sa kaniya, at kung bagá sa isáng sumisintang ibig mag-asawa, ang nangyari sa kumatha’y natira sa pananabik, pagka’t nang dumulóg sa magkakasal, ito’y nagkaít ng tulong at iminatuwid na bukód sa “menor de edad” ay wala pang “konsentimiento” ang mga magulang. Ang kasál ay naurong. O sa lalong maliwanag: ang aklat ay hindi lumabas. Pinigil ang pagpapalabas.Bakit?Ang sabi ng nañgagpayo: masama ang panahon, sa papawiri’y naglipád-lipad ang mga ibong mangdaragit ... ang mga sisiw ay kailañgang mañgagtago upang huwag mapahamak. Nang mga araw na yao’y sariwang-sariwa pa ang usapín ng “Muling Pagsilang”, at pinag-aalinlañganan ng marami ang katibayan ng malayang paglalathala ng anománg babasahin, magíng ito’y aklat o pahayagan kaya. At ... sa pakikibagay sa panahon—hindi sa takot—ang kumatha nitó’y dinaíg ng makatuwirang payo at ang kaniyang aklat ay malaong natulog sa “isang madilím na silid”.Buhat noon, ang pañgalan ng kumatha, na, nang mga araw na sinabi’y hinañgaan ng Bayang Tagalog dahil sa matatapang niyang lathalang lumalabas sa mga pahayagan, ay naligpit na rin at di na napagdiníg. ¿Saan naroon si Ismael A. Amado? ¿Saan naroonang batang manunulat na tubo sa San Mateo? Kasalukuyang hinahanap ng sumusulat nitó ang katugunan sa mga tanóng na iyan, nang walang anú-anó’y sa sisipót at inilalahad sa akin ang kaniyang palad.—Isang mahigpit na kamáy at yakap, kaibigan—ang wika niya sa akin;—akó’y maglalayág na patuñgo sa Amerika.—At angBulalakaw ng Pag-asa?—ang pamangha kong tanong.—Aywan ko kung saan naparoon, at aywan ko rin kung ano ang kaniyang kahihinatnan. Marahil ay sinunog na nilá.Nakaraan ang mga buwan at taón. At... patí na akong isá sa matatalik na kaibigan ng naglalayag ay hindi tumanggap ng kahi’t anóng balita. Parang namatáy sa larañgan ng Panitikang Tagalog ang pañgalang Ismael A. Amado!Walang anú-anó, pagkaraan ng ilang taón, ay napabalitang ang manunulat na tagá San Mateo ay dumating, matapos makapag-aral sa Amerika. Sa una naming pagkikita’y wala kamíng napag-usapan kungdi ang kaniyang “nakatulog” naBulalakaw... Ang kaibigan ko’y napañgiti lamang at nagpahayag ng ganito:—AngBulalakaw ng Pag-asaay dinatnan ko pa sa aking silíd, naroong nagtalaksan; ñguni’t marahil ipasusunog ko na. Kaysama ng pagkakasulat at akóng itó ang una-unang nakakakilala ñgayon ng kasamaan, hindi lamang ng pagkakasulat, kungdi lalu’t higít ng iláng isipang doo’y aking inilarawan.¡Sayang na aklat!Gayón man, salamat sa pagpapayo ng maraming kamanunulat sa wikang tagalog, at si Amado’y napilitang sumunod sa kanilang adhika.—Natalo akó kaibigan,—ang wika sa akin.—AngBulalakaw ng Pag-asaay tila ipaaaklat ko rin; ñguni’t hindi na upang masunod ang una kong hañgarin, kungdi upang makatulong na lamang sa pagpapayaman ng mga aklat na nasusulat sa ating sariling wika. Dapat mong mabatíd na akó ang una-unang kumikilala na ang aklat na iyá’y hindi nababagay sa panahong itó ng pagtutuluñgán at mabuting pagsasama ng sinasakop at nakasasakop. Ang paglalathala ko nitó’y buñga na lamang ng aking nais na magkaroon ng kahi’t isáng aklat na magpapaalala ng mga nangyari ng panahong nakapaiibabaw rito ang katuwiran ng lakás at di ang lakás ng katuwiran. Alaala sa panahong iyan, at wala... Iyán lamang ang nagbunsod sa akin upang ipaaklat ang maralita kongBulalakaw.At narito’t pinaaklat ñga at ñgayo’y buong pusong inihahandóg sa mga giliw na mangbabasa.Gaya nang nasabi na sa dakong unahan nito, angBulalakaw ng Pag-asaay limbag na noon pang Agosto ng 1909. Mula noon hangga ñgayon ay mahigit nang siyam na taón ang nakararaan. Kung ang naturang aklat ay isá lamang buñgang kahoy, nanatili man ang magandang kulay, marahil ay tuyo na’t walang katas. Sukat ng makuro ng mga mangbabasa na ang aklat na ito, dahil sa ganiyang pangyayari, ay wala ng katas na pangkasalukuyan. Gayon man, palibhasa’y buháy ang mga pangyayaring tinutukoy sa aklat, ito’y maaaring pakinabañgan ng sinomang may ibig makinabang.¿May katañgian ang aklat na ito? Sa ganang akin ay mayroon, ñguni’t wala.Datapuwa’t may isang dakilang katañgian: nakahambing siya ni Kristong umano’y nabuhay na muli, matapos malibing sa hukay.¿Marami kayang kamalian? Sa ganang akin, ay marami rin; ñguni’t wala. Marami, sapagka’t talagang marami. At wala, sapagka’t ang kumatha na rin ang una-unang nagsasabing napakasama ng pagkakayari sa aklat na ito.Nguni’t sinabi ko na: kailañgang isaalang-alang natin ang pangyayaring ang aklat na ito’y sinulat ng kumatha noong bago siya magtuñgo sa Estados Unidos at kaya lamang niya pinalabas ñgayon ay sapagka’t siya’y napilitan.Gaya nang nasasabí na sa dakong unahan nito, ang layon ng sumulat sa aklat na itó’y dakila sa lalong dakila: itanim sa puso ng lahat ng Pilipino ang pag-ibig sa Tinubuang Lupa. Lamang ay mapapansing ang sumulat, ay wala sa kanyang sarili nang ito’y sulatin. Manapa’y pinapagsasalita siya ni Rizal, minsa’y sa pamamagítan ni Elias sa “Noli Me Tángere” at kadalasa’y sa pamamagitan ni Simoun sa “Filibusterismo”. Ang wika niya: “... kinakailañgang mátanim sa puso at mabatid ng bawa’t Pilipino, na ang una at hulíng tungkulin niya sa iyo (sa Bayan) ay ang matutong gumiba, gumutay, tumupok, nang walang kapañgipañgimi, sa dapat igiba, gutayin at tupukin”. Nguni’t ang kumatha’y may katwiran. ¿Ano’t hindi iukilkil tuwi na ang makabuluhang aral ni Rizal, hinggil sa Bayan at sa Lahi?Ang mga giliw na mangbabasa’y hindi naman dapat mag-isip na ang kathang ito’y nakakatang sa mga pag-iisip ni Rizal. Ni hindi maituturing na hañgo. Ni plahio! Ni ano pa man! Kung baga sa paghahasik, ang mga isipang naririya’y tinipon ng ating Bayani sa isang sisidlán at isinasabog namán ni Amado, hindi upang aksayahin, kungdi upang itanim at nang tumubo, mamulaklák at mamuñga.May isang mañgañgathang nakabasa nanitongBulalakaw ng Pag-asana sa aki’y nagpahiwatig na karamihan pang mga isipan ng kumatha ay hañgo sa ilang isipan ni Rizal, tungkol sa Bayan natin. Ako’y hindi naniniwala sa bagay na itó, pagka’t kung magkakaganyan ay matitiyák nating angBusabos ng Paladni Aguilar ay plahio saResurrecciónni Tolstoy, itó nama’y plahio rin saLa Dama de las Cameliasni Dumas ... At, itó namán, angDama de las Camelias, na isang kathang nagtamó ng papuri sa sangdaigdig ay isang plahio lamang sa isang dramang hapón na pinamagatangKami Ya-Giyé. Ang “argumento” ng mga kathang iyan na aking binanggit ay halos nañgagkakaisa: si Celso ni Rita ay siya ring si Neclindeff ni Maslova saResurrección; ñguni’t si Neclindeff ni Maslova ay siya ring si Armando ni Margarita saLa Dama de las Camelias; datapwa’t ang Armandong itó ay siya ri’t di iba ang Giyé ni O’Hare sa dramang hapóngKami Ya-Giyé, na, unang di hamak saLa Dama; ñguni’t kailan ma’y walang nañgahas na magsabing ang walang kamatayang kathang iyán ni Alejandro Dumas (anák) ay plahio lamang sa isang dramang hapón.Ang totoo, sa ganang akin, sa apat na panulukan ng Sandaigdig, ay di nawawalán ng dalawa kataong nagkakaisa ng isipan sa iisang araw at oras. Ang mga isipan niAmado ay may sariling uri at taták, kay sa mga pañguñgusap ni Rizal sa mga labi ni Elias at ni Simoun.Sa anu’t anó man, ang aklat ay narito’t yari na. Sa pañgalan kong sarili’y buong pitagang inihahandog sa mga giliw na mangbabasa at sila na ang bahalang humatol.Opo, hatulan ninyo ang aklat na itong kinalalarawan ng isang pusong pinag-aalaban ng pag-ibig sa Tinubuang Lupa, ng isang dibdib na pinatitibok ng dalisay na pagsinta sa Lahi, ng isang kaluluwang pinadadakila ng adhikang mapatayo ang isang Bayan matibay at malinis, sa ibabaw ng mga labi ng isang Bayang bulók at pinaghaharían ng mga kasamaan.Iñigo Ed. Regalado,Tagapamatnugot ngAng Mithi.
Mga Paunang Talata
Giliw na Mangbabasa:Kung sa pagtunghay mo ng mga akdang paris nitó ay wala kang ibáng nais kungdi libañgín ang iyóng kalulwa sa mga pangyayaring tinatawid ng dalawáng pusong nag-iibigan; dalhin ang panimdim sa silíd na pinaglalaguyuan ng mga kalulwang pinagtali ng pag-ibig; mabatíd ang mga hiwaga ng pagmamahalan ng magkasi na karaniwang ibinubuhay ng ating mga mañgañgatha; kung iyán lamang ang iyong hañgád, ay huwag ka nang magpatuloy ng pagbuklat sa mga dahon ng kathang itó, pagka’t pananaktan ka lamang ng ulo at maaaksayahan ng panahón: ang aklat na itó’y hindi makatutugon sa iyóng pita. Itó’y bulaklak na waláng bañgó, ñguni’t bulaklak. Itó’y parang lañgit na walang buwan ni tala, ni mga bítuing nakaaaliw sa naninimdim na puso; ñguni’t may araw na nakapapaso’t nakasusunog sa maninipis na balát.Datapuwa’t kung ang layon mo’y dumamá ng isáng sugat na dinamdam ng ating bayan; humanap ng isáng buháy na adhika upang pag-arala’t dilidilihin; mag-aral ng mga makabayang halimbawa upang ituro sa ibá alang-alang sa kapakanán ng ating Lahi; kung iyán ang iyóng pita ay buklatín mong isa-isa angmga dahon ng kasaysayang itó, matiyaga mong tunghan ang kaniyang talata, pagka’t titibók ang iyong puso at mabubuhay na lalu’t lalo ang mga símulaing inaalagaan mo sa dibdib. Ito’y sigáng nagdiriñgas ñguni’t hindi nakatutupok. Ito’y súnog na naglalagablab; ñguni’t waláng mga alipatong sukat pañganibang makapagpapalakí ng apoy. Wala: ang layon ng sumulat ay bumuu, hindi gumiba.Sa pamamagitan ng mga paunang talatang itó ay sukat nang mahinuha ng sinomán ang nilalaman ngBulalakaw ng Pag-asa: Pag-asa sa isang Bayang matibay na mapapatayo at hindi sa isang Pag-ibig na balót ng mga pagpapakunwari. Ito’y pañgarap; ñguni’t yao’y katotohanan.Gayon man, ang pagkakalabas ñgayon ng aklat na itó ay nañgañgailañgan ng isang paliwanag. Palibhasa’y akó—marahil—ang unang sumaksi sa pagkakasulat ng mga unang dahon nitó, kaya siyang napitang tumungkol ng kailañgang pagpapaaninaw kung anó’t ang isáng akdang limbag na noon pang Agosto ng 1909 ay ñgayon lamang natuluyang palabasín at ipagbibilí sa mga aklatan.AngBulalakaw ng Pag-asaay natapos sa limbagan noon pa ñgang 1909. Inaaklat na lamang ang kaniyang mga salin nang ang kumatha’y tumanggap ng mahihigpit na payobuhat sa maraming “nakatataas” sa kaniya, at kung bagá sa isáng sumisintang ibig mag-asawa, ang nangyari sa kumatha’y natira sa pananabik, pagka’t nang dumulóg sa magkakasal, ito’y nagkaít ng tulong at iminatuwid na bukód sa “menor de edad” ay wala pang “konsentimiento” ang mga magulang. Ang kasál ay naurong. O sa lalong maliwanag: ang aklat ay hindi lumabas. Pinigil ang pagpapalabas.Bakit?Ang sabi ng nañgagpayo: masama ang panahon, sa papawiri’y naglipád-lipad ang mga ibong mangdaragit ... ang mga sisiw ay kailañgang mañgagtago upang huwag mapahamak. Nang mga araw na yao’y sariwang-sariwa pa ang usapín ng “Muling Pagsilang”, at pinag-aalinlañganan ng marami ang katibayan ng malayang paglalathala ng anománg babasahin, magíng ito’y aklat o pahayagan kaya. At ... sa pakikibagay sa panahon—hindi sa takot—ang kumatha nitó’y dinaíg ng makatuwirang payo at ang kaniyang aklat ay malaong natulog sa “isang madilím na silid”.Buhat noon, ang pañgalan ng kumatha, na, nang mga araw na sinabi’y hinañgaan ng Bayang Tagalog dahil sa matatapang niyang lathalang lumalabas sa mga pahayagan, ay naligpit na rin at di na napagdiníg. ¿Saan naroon si Ismael A. Amado? ¿Saan naroonang batang manunulat na tubo sa San Mateo? Kasalukuyang hinahanap ng sumusulat nitó ang katugunan sa mga tanóng na iyan, nang walang anú-anó’y sa sisipót at inilalahad sa akin ang kaniyang palad.—Isang mahigpit na kamáy at yakap, kaibigan—ang wika niya sa akin;—akó’y maglalayág na patuñgo sa Amerika.—At angBulalakaw ng Pag-asa?—ang pamangha kong tanong.—Aywan ko kung saan naparoon, at aywan ko rin kung ano ang kaniyang kahihinatnan. Marahil ay sinunog na nilá.Nakaraan ang mga buwan at taón. At... patí na akong isá sa matatalik na kaibigan ng naglalayag ay hindi tumanggap ng kahi’t anóng balita. Parang namatáy sa larañgan ng Panitikang Tagalog ang pañgalang Ismael A. Amado!Walang anú-anó, pagkaraan ng ilang taón, ay napabalitang ang manunulat na tagá San Mateo ay dumating, matapos makapag-aral sa Amerika. Sa una naming pagkikita’y wala kamíng napag-usapan kungdi ang kaniyang “nakatulog” naBulalakaw... Ang kaibigan ko’y napañgiti lamang at nagpahayag ng ganito:—AngBulalakaw ng Pag-asaay dinatnan ko pa sa aking silíd, naroong nagtalaksan; ñguni’t marahil ipasusunog ko na. Kaysama ng pagkakasulat at akóng itó ang una-unang nakakakilala ñgayon ng kasamaan, hindi lamang ng pagkakasulat, kungdi lalu’t higít ng iláng isipang doo’y aking inilarawan.¡Sayang na aklat!Gayón man, salamat sa pagpapayo ng maraming kamanunulat sa wikang tagalog, at si Amado’y napilitang sumunod sa kanilang adhika.—Natalo akó kaibigan,—ang wika sa akin.—AngBulalakaw ng Pag-asaay tila ipaaaklat ko rin; ñguni’t hindi na upang masunod ang una kong hañgarin, kungdi upang makatulong na lamang sa pagpapayaman ng mga aklat na nasusulat sa ating sariling wika. Dapat mong mabatíd na akó ang una-unang kumikilala na ang aklat na iyá’y hindi nababagay sa panahong itó ng pagtutuluñgán at mabuting pagsasama ng sinasakop at nakasasakop. Ang paglalathala ko nitó’y buñga na lamang ng aking nais na magkaroon ng kahi’t isáng aklat na magpapaalala ng mga nangyari ng panahong nakapaiibabaw rito ang katuwiran ng lakás at di ang lakás ng katuwiran. Alaala sa panahong iyan, at wala... Iyán lamang ang nagbunsod sa akin upang ipaaklat ang maralita kongBulalakaw.At narito’t pinaaklat ñga at ñgayo’y buong pusong inihahandóg sa mga giliw na mangbabasa.Gaya nang nasabi na sa dakong unahan nito, angBulalakaw ng Pag-asaay limbag na noon pang Agosto ng 1909. Mula noon hangga ñgayon ay mahigit nang siyam na taón ang nakararaan. Kung ang naturang aklat ay isá lamang buñgang kahoy, nanatili man ang magandang kulay, marahil ay tuyo na’t walang katas. Sukat ng makuro ng mga mangbabasa na ang aklat na ito, dahil sa ganiyang pangyayari, ay wala ng katas na pangkasalukuyan. Gayon man, palibhasa’y buháy ang mga pangyayaring tinutukoy sa aklat, ito’y maaaring pakinabañgan ng sinomang may ibig makinabang.¿May katañgian ang aklat na ito? Sa ganang akin ay mayroon, ñguni’t wala.Datapuwa’t may isang dakilang katañgian: nakahambing siya ni Kristong umano’y nabuhay na muli, matapos malibing sa hukay.¿Marami kayang kamalian? Sa ganang akin, ay marami rin; ñguni’t wala. Marami, sapagka’t talagang marami. At wala, sapagka’t ang kumatha na rin ang una-unang nagsasabing napakasama ng pagkakayari sa aklat na ito.Nguni’t sinabi ko na: kailañgang isaalang-alang natin ang pangyayaring ang aklat na ito’y sinulat ng kumatha noong bago siya magtuñgo sa Estados Unidos at kaya lamang niya pinalabas ñgayon ay sapagka’t siya’y napilitan.Gaya nang nasasabí na sa dakong unahan nito, ang layon ng sumulat sa aklat na itó’y dakila sa lalong dakila: itanim sa puso ng lahat ng Pilipino ang pag-ibig sa Tinubuang Lupa. Lamang ay mapapansing ang sumulat, ay wala sa kanyang sarili nang ito’y sulatin. Manapa’y pinapagsasalita siya ni Rizal, minsa’y sa pamamagítan ni Elias sa “Noli Me Tángere” at kadalasa’y sa pamamagitan ni Simoun sa “Filibusterismo”. Ang wika niya: “... kinakailañgang mátanim sa puso at mabatid ng bawa’t Pilipino, na ang una at hulíng tungkulin niya sa iyo (sa Bayan) ay ang matutong gumiba, gumutay, tumupok, nang walang kapañgipañgimi, sa dapat igiba, gutayin at tupukin”. Nguni’t ang kumatha’y may katwiran. ¿Ano’t hindi iukilkil tuwi na ang makabuluhang aral ni Rizal, hinggil sa Bayan at sa Lahi?Ang mga giliw na mangbabasa’y hindi naman dapat mag-isip na ang kathang ito’y nakakatang sa mga pag-iisip ni Rizal. Ni hindi maituturing na hañgo. Ni plahio! Ni ano pa man! Kung baga sa paghahasik, ang mga isipang naririya’y tinipon ng ating Bayani sa isang sisidlán at isinasabog namán ni Amado, hindi upang aksayahin, kungdi upang itanim at nang tumubo, mamulaklák at mamuñga.May isang mañgañgathang nakabasa nanitongBulalakaw ng Pag-asana sa aki’y nagpahiwatig na karamihan pang mga isipan ng kumatha ay hañgo sa ilang isipan ni Rizal, tungkol sa Bayan natin. Ako’y hindi naniniwala sa bagay na itó, pagka’t kung magkakaganyan ay matitiyák nating angBusabos ng Paladni Aguilar ay plahio saResurrecciónni Tolstoy, itó nama’y plahio rin saLa Dama de las Cameliasni Dumas ... At, itó namán, angDama de las Camelias, na isang kathang nagtamó ng papuri sa sangdaigdig ay isang plahio lamang sa isang dramang hapón na pinamagatangKami Ya-Giyé. Ang “argumento” ng mga kathang iyan na aking binanggit ay halos nañgagkakaisa: si Celso ni Rita ay siya ring si Neclindeff ni Maslova saResurrección; ñguni’t si Neclindeff ni Maslova ay siya ring si Armando ni Margarita saLa Dama de las Camelias; datapwa’t ang Armandong itó ay siya ri’t di iba ang Giyé ni O’Hare sa dramang hapóngKami Ya-Giyé, na, unang di hamak saLa Dama; ñguni’t kailan ma’y walang nañgahas na magsabing ang walang kamatayang kathang iyán ni Alejandro Dumas (anák) ay plahio lamang sa isang dramang hapón.Ang totoo, sa ganang akin, sa apat na panulukan ng Sandaigdig, ay di nawawalán ng dalawa kataong nagkakaisa ng isipan sa iisang araw at oras. Ang mga isipan niAmado ay may sariling uri at taták, kay sa mga pañguñgusap ni Rizal sa mga labi ni Elias at ni Simoun.Sa anu’t anó man, ang aklat ay narito’t yari na. Sa pañgalan kong sarili’y buong pitagang inihahandog sa mga giliw na mangbabasa at sila na ang bahalang humatol.Opo, hatulan ninyo ang aklat na itong kinalalarawan ng isang pusong pinag-aalaban ng pag-ibig sa Tinubuang Lupa, ng isang dibdib na pinatitibok ng dalisay na pagsinta sa Lahi, ng isang kaluluwang pinadadakila ng adhikang mapatayo ang isang Bayan matibay at malinis, sa ibabaw ng mga labi ng isang Bayang bulók at pinaghaharían ng mga kasamaan.Iñigo Ed. Regalado,Tagapamatnugot ngAng Mithi.
Giliw na Mangbabasa:
Kung sa pagtunghay mo ng mga akdang paris nitó ay wala kang ibáng nais kungdi libañgín ang iyóng kalulwa sa mga pangyayaring tinatawid ng dalawáng pusong nag-iibigan; dalhin ang panimdim sa silíd na pinaglalaguyuan ng mga kalulwang pinagtali ng pag-ibig; mabatíd ang mga hiwaga ng pagmamahalan ng magkasi na karaniwang ibinubuhay ng ating mga mañgañgatha; kung iyán lamang ang iyong hañgád, ay huwag ka nang magpatuloy ng pagbuklat sa mga dahon ng kathang itó, pagka’t pananaktan ka lamang ng ulo at maaaksayahan ng panahón: ang aklat na itó’y hindi makatutugon sa iyóng pita. Itó’y bulaklak na waláng bañgó, ñguni’t bulaklak. Itó’y parang lañgit na walang buwan ni tala, ni mga bítuing nakaaaliw sa naninimdim na puso; ñguni’t may araw na nakapapaso’t nakasusunog sa maninipis na balát.
Datapuwa’t kung ang layon mo’y dumamá ng isáng sugat na dinamdam ng ating bayan; humanap ng isáng buháy na adhika upang pag-arala’t dilidilihin; mag-aral ng mga makabayang halimbawa upang ituro sa ibá alang-alang sa kapakanán ng ating Lahi; kung iyán ang iyóng pita ay buklatín mong isa-isa angmga dahon ng kasaysayang itó, matiyaga mong tunghan ang kaniyang talata, pagka’t titibók ang iyong puso at mabubuhay na lalu’t lalo ang mga símulaing inaalagaan mo sa dibdib. Ito’y sigáng nagdiriñgas ñguni’t hindi nakatutupok. Ito’y súnog na naglalagablab; ñguni’t waláng mga alipatong sukat pañganibang makapagpapalakí ng apoy. Wala: ang layon ng sumulat ay bumuu, hindi gumiba.
Sa pamamagitan ng mga paunang talatang itó ay sukat nang mahinuha ng sinomán ang nilalaman ngBulalakaw ng Pag-asa: Pag-asa sa isang Bayang matibay na mapapatayo at hindi sa isang Pag-ibig na balót ng mga pagpapakunwari. Ito’y pañgarap; ñguni’t yao’y katotohanan.
Gayon man, ang pagkakalabas ñgayon ng aklat na itó ay nañgañgailañgan ng isang paliwanag. Palibhasa’y akó—marahil—ang unang sumaksi sa pagkakasulat ng mga unang dahon nitó, kaya siyang napitang tumungkol ng kailañgang pagpapaaninaw kung anó’t ang isáng akdang limbag na noon pang Agosto ng 1909 ay ñgayon lamang natuluyang palabasín at ipagbibilí sa mga aklatan.
AngBulalakaw ng Pag-asaay natapos sa limbagan noon pa ñgang 1909. Inaaklat na lamang ang kaniyang mga salin nang ang kumatha’y tumanggap ng mahihigpit na payobuhat sa maraming “nakatataas” sa kaniya, at kung bagá sa isáng sumisintang ibig mag-asawa, ang nangyari sa kumatha’y natira sa pananabik, pagka’t nang dumulóg sa magkakasal, ito’y nagkaít ng tulong at iminatuwid na bukód sa “menor de edad” ay wala pang “konsentimiento” ang mga magulang. Ang kasál ay naurong. O sa lalong maliwanag: ang aklat ay hindi lumabas. Pinigil ang pagpapalabas.
Bakit?
Ang sabi ng nañgagpayo: masama ang panahon, sa papawiri’y naglipád-lipad ang mga ibong mangdaragit ... ang mga sisiw ay kailañgang mañgagtago upang huwag mapahamak. Nang mga araw na yao’y sariwang-sariwa pa ang usapín ng “Muling Pagsilang”, at pinag-aalinlañganan ng marami ang katibayan ng malayang paglalathala ng anománg babasahin, magíng ito’y aklat o pahayagan kaya. At ... sa pakikibagay sa panahon—hindi sa takot—ang kumatha nitó’y dinaíg ng makatuwirang payo at ang kaniyang aklat ay malaong natulog sa “isang madilím na silid”.
Buhat noon, ang pañgalan ng kumatha, na, nang mga araw na sinabi’y hinañgaan ng Bayang Tagalog dahil sa matatapang niyang lathalang lumalabas sa mga pahayagan, ay naligpit na rin at di na napagdiníg. ¿Saan naroon si Ismael A. Amado? ¿Saan naroonang batang manunulat na tubo sa San Mateo? Kasalukuyang hinahanap ng sumusulat nitó ang katugunan sa mga tanóng na iyan, nang walang anú-anó’y sa sisipót at inilalahad sa akin ang kaniyang palad.
—Isang mahigpit na kamáy at yakap, kaibigan—ang wika niya sa akin;—akó’y maglalayág na patuñgo sa Amerika.
—At angBulalakaw ng Pag-asa?—ang pamangha kong tanong.
—Aywan ko kung saan naparoon, at aywan ko rin kung ano ang kaniyang kahihinatnan. Marahil ay sinunog na nilá.
Nakaraan ang mga buwan at taón. At... patí na akong isá sa matatalik na kaibigan ng naglalayag ay hindi tumanggap ng kahi’t anóng balita. Parang namatáy sa larañgan ng Panitikang Tagalog ang pañgalang Ismael A. Amado!
Walang anú-anó, pagkaraan ng ilang taón, ay napabalitang ang manunulat na tagá San Mateo ay dumating, matapos makapag-aral sa Amerika. Sa una naming pagkikita’y wala kamíng napag-usapan kungdi ang kaniyang “nakatulog” naBulalakaw... Ang kaibigan ko’y napañgiti lamang at nagpahayag ng ganito:
—AngBulalakaw ng Pag-asaay dinatnan ko pa sa aking silíd, naroong nagtalaksan; ñguni’t marahil ipasusunog ko na. Kaysama ng pagkakasulat at akóng itó ang una-unang nakakakilala ñgayon ng kasamaan, hindi lamang ng pagkakasulat, kungdi lalu’t higít ng iláng isipang doo’y aking inilarawan.
¡Sayang na aklat!
Gayón man, salamat sa pagpapayo ng maraming kamanunulat sa wikang tagalog, at si Amado’y napilitang sumunod sa kanilang adhika.
—Natalo akó kaibigan,—ang wika sa akin.—AngBulalakaw ng Pag-asaay tila ipaaaklat ko rin; ñguni’t hindi na upang masunod ang una kong hañgarin, kungdi upang makatulong na lamang sa pagpapayaman ng mga aklat na nasusulat sa ating sariling wika. Dapat mong mabatíd na akó ang una-unang kumikilala na ang aklat na iyá’y hindi nababagay sa panahong itó ng pagtutuluñgán at mabuting pagsasama ng sinasakop at nakasasakop. Ang paglalathala ko nitó’y buñga na lamang ng aking nais na magkaroon ng kahi’t isáng aklat na magpapaalala ng mga nangyari ng panahong nakapaiibabaw rito ang katuwiran ng lakás at di ang lakás ng katuwiran. Alaala sa panahong iyan, at wala... Iyán lamang ang nagbunsod sa akin upang ipaaklat ang maralita kongBulalakaw.
At narito’t pinaaklat ñga at ñgayo’y buong pusong inihahandóg sa mga giliw na mangbabasa.
Gaya nang nasabi na sa dakong unahan nito, angBulalakaw ng Pag-asaay limbag na noon pang Agosto ng 1909. Mula noon hangga ñgayon ay mahigit nang siyam na taón ang nakararaan. Kung ang naturang aklat ay isá lamang buñgang kahoy, nanatili man ang magandang kulay, marahil ay tuyo na’t walang katas. Sukat ng makuro ng mga mangbabasa na ang aklat na ito, dahil sa ganiyang pangyayari, ay wala ng katas na pangkasalukuyan. Gayon man, palibhasa’y buháy ang mga pangyayaring tinutukoy sa aklat, ito’y maaaring pakinabañgan ng sinomang may ibig makinabang.
¿May katañgian ang aklat na ito? Sa ganang akin ay mayroon, ñguni’t wala.Datapuwa’t may isang dakilang katañgian: nakahambing siya ni Kristong umano’y nabuhay na muli, matapos malibing sa hukay.
¿Marami kayang kamalian? Sa ganang akin, ay marami rin; ñguni’t wala. Marami, sapagka’t talagang marami. At wala, sapagka’t ang kumatha na rin ang una-unang nagsasabing napakasama ng pagkakayari sa aklat na ito.
Nguni’t sinabi ko na: kailañgang isaalang-alang natin ang pangyayaring ang aklat na ito’y sinulat ng kumatha noong bago siya magtuñgo sa Estados Unidos at kaya lamang niya pinalabas ñgayon ay sapagka’t siya’y napilitan.
Gaya nang nasasabí na sa dakong unahan nito, ang layon ng sumulat sa aklat na itó’y dakila sa lalong dakila: itanim sa puso ng lahat ng Pilipino ang pag-ibig sa Tinubuang Lupa. Lamang ay mapapansing ang sumulat, ay wala sa kanyang sarili nang ito’y sulatin. Manapa’y pinapagsasalita siya ni Rizal, minsa’y sa pamamagítan ni Elias sa “Noli Me Tángere” at kadalasa’y sa pamamagitan ni Simoun sa “Filibusterismo”. Ang wika niya: “... kinakailañgang mátanim sa puso at mabatid ng bawa’t Pilipino, na ang una at hulíng tungkulin niya sa iyo (sa Bayan) ay ang matutong gumiba, gumutay, tumupok, nang walang kapañgipañgimi, sa dapat igiba, gutayin at tupukin”. Nguni’t ang kumatha’y may katwiran. ¿Ano’t hindi iukilkil tuwi na ang makabuluhang aral ni Rizal, hinggil sa Bayan at sa Lahi?
Ang mga giliw na mangbabasa’y hindi naman dapat mag-isip na ang kathang ito’y nakakatang sa mga pag-iisip ni Rizal. Ni hindi maituturing na hañgo. Ni plahio! Ni ano pa man! Kung baga sa paghahasik, ang mga isipang naririya’y tinipon ng ating Bayani sa isang sisidlán at isinasabog namán ni Amado, hindi upang aksayahin, kungdi upang itanim at nang tumubo, mamulaklák at mamuñga.
May isang mañgañgathang nakabasa nanitongBulalakaw ng Pag-asana sa aki’y nagpahiwatig na karamihan pang mga isipan ng kumatha ay hañgo sa ilang isipan ni Rizal, tungkol sa Bayan natin. Ako’y hindi naniniwala sa bagay na itó, pagka’t kung magkakaganyan ay matitiyák nating angBusabos ng Paladni Aguilar ay plahio saResurrecciónni Tolstoy, itó nama’y plahio rin saLa Dama de las Cameliasni Dumas ... At, itó namán, angDama de las Camelias, na isang kathang nagtamó ng papuri sa sangdaigdig ay isang plahio lamang sa isang dramang hapón na pinamagatangKami Ya-Giyé. Ang “argumento” ng mga kathang iyan na aking binanggit ay halos nañgagkakaisa: si Celso ni Rita ay siya ring si Neclindeff ni Maslova saResurrección; ñguni’t si Neclindeff ni Maslova ay siya ring si Armando ni Margarita saLa Dama de las Camelias; datapwa’t ang Armandong itó ay siya ri’t di iba ang Giyé ni O’Hare sa dramang hapóngKami Ya-Giyé, na, unang di hamak saLa Dama; ñguni’t kailan ma’y walang nañgahas na magsabing ang walang kamatayang kathang iyán ni Alejandro Dumas (anák) ay plahio lamang sa isang dramang hapón.
Ang totoo, sa ganang akin, sa apat na panulukan ng Sandaigdig, ay di nawawalán ng dalawa kataong nagkakaisa ng isipan sa iisang araw at oras. Ang mga isipan niAmado ay may sariling uri at taták, kay sa mga pañguñgusap ni Rizal sa mga labi ni Elias at ni Simoun.
Sa anu’t anó man, ang aklat ay narito’t yari na. Sa pañgalan kong sarili’y buong pitagang inihahandog sa mga giliw na mangbabasa at sila na ang bahalang humatol.
Opo, hatulan ninyo ang aklat na itong kinalalarawan ng isang pusong pinag-aalaban ng pag-ibig sa Tinubuang Lupa, ng isang dibdib na pinatitibok ng dalisay na pagsinta sa Lahi, ng isang kaluluwang pinadadakila ng adhikang mapatayo ang isang Bayan matibay at malinis, sa ibabaw ng mga labi ng isang Bayang bulók at pinaghaharían ng mga kasamaan.
Iñigo Ed. Regalado,Tagapamatnugot ngAng Mithi.