XIX

XIXPaghihigantí ng Dang̃álGayón na lang ang pagmamahal ni aling Tinay sa kanyáng anák, gayón na lang ang pagkabúlag ng̃ kanyang pag-ibig, na kahì ma’t alam niyáng siyá’y sasalansáng sa isáng mahigpit na utos, kahì ma’t alam niyang siya’y pilit na uusigin, at magdurusa sa bilangguan, ay hindî nangyáring huwag pagbigyán-loób ang kahulíhulihang bilin ng̃ táng̃ing bulaklák ng̃ kanyáng pag-ibig, ang katapustapusang hibík ng̃ isáng pusòng bayáni—ng̃ isang pusòng makabayan, ang pahimakás na hilíng ng̃ pinaglagakán ng̃ boô niyang pag-ása, ang kahulíhulíhang tibók ng̃ búhay niyaóng masunurin, masipag, mabaít, at magalang na anák, na sa gitnâ ng̃ gayóng katandáan, ay siyáng ligaya ng̃ kanyáng matá, paraluman ng̃ mg̃a pang̃arap, at dang̃ál ng̃ kanyáng pagka-iná.Lahát halos ng̃ mg̃a kamag-ának at mg̃a kaibigan ni aling Tinay ay nagkakaisang di mabuti ang kanyang inaakalàng pagsunod sa bilin ni Florante.—“Alalahánin mo, Tinay”—anilá—“na tayo’y nasásakóp ng̃ ibáng kapangyarihan. Anggagawin mo ay isang malinaw na paglapastang̃an, isang talampákang paghamon sa pamunúang amerikano!”—“Ay anó sa ákin?”—ang tugon namán ni aling Tinay sagitnâng̃ pagpipighatî—“Anó sa ákin ang kapangyaríhang iyan, anó ang lakás ng̃ pamunúan, anó ang bisà ng̃ isáng mabang̃ís na útos, anóng kailang̃ang magdúsa sa harap ng̃ tagubilin ng̃ mahal kong anák?”—“Tinay, maghúnos dilì ka; ikaw ay nabubulágan.”—“Masasábi ninyó iyán sapagka’t siya ay di ninyó anák, sapagká’t kayó ay di naghírap sa kanyá, sapagka’t di ninyo alám ang halagá ng̃ aking Florante!”Si aling Tinay ay humagulhól ng̃ iyák kagáya ng̃ isáng batàng musmos.—“Ang nakakahirap sa iyó, Tinay”—anang isáng matandâng lalaki—“ay napadádaig ka sa mg̃a udyók ng̃ pusò: áyaw kang mang̃atwíran nang mahináhon. Makiníg ka sumandalî. Si Florante ay naghihing̃alô ná nang hiling̃in ang tungkol sa bandilà, hindî ba?... Kung gayo’y dápat mong tantuin na kapag ang tao ay naghihing̃alô, ang pag-íisip niya’y humihinà, lumalabò, nakalilimot, at...”—“Siyana ná, tio Kulás”—ang biglâng pútol ni áling Tinay—“Masasáyang lang ang inyóngmg̃a salitâ sa ákin. Dapat ninyóng matalastás na nóon pa mang araw, ay nabanggit na rin sa akin ng̃ anak ko, ang kanyang náis na kapag siya’y namatay, ay huwag papalamutihan ang kanyáng ataúl ng̃ anó pa man maliban na ng̃â lang sa isáng bandilàng pilipino...“Ah, magpahing̃á kayó, mg̃a pusòng mahihinà! Di ninyó batid ang linaláyon ni Florante!... Ibig ipakíta ng̃ anák ko na walâng bandilà siyáng iginagálang, at walâng kapangyarihan siyang niyuyukûan kundî ang bandilà’t kapangyaríhan ng̃ Tinubúang Lupà!“Ibig niyáng ipahiwatig na di ang lahat ng̃ utos ng̃ pamunúan ay dápat sundín; na kapág ang isáng kautusan ay walâ sa matwid, ang magtaás ng̃ noo, ang magmatigás, ang tumutol, ay di isáng kasalanan, kundî isáng átas ng̃ kabayanihan, isang tandâ ng̃ katinuán, isang taták ng̃ karang̃álan!”...Si tandâng Kulás ay napang̃ang̃a’t sukat. Kailán má’y di niyá naapuhap sa kanyáng gunita; ni natunghan sa lalòng malalim niyang panaginip ang larawan ng̃ isáng babáe na pinúpulásan sa mg̃a labì ng̃ gayong mg̃a salitâng sakdál ng̃ titigás!Iiling-iling na lumayô sa harap ni aling Tinay.—“Eh, eh! Katakot-takot na babáe itó!”—ang tang̃ing naibulóng sa kanyang sarili.Ibig ni aling Tinay, áywan kun bákit, na kapag namatay ang isáng táo, ay málibing kaagád; áayaw ng̃ búrol-búrol. Dahil dito’y kanyáng inihayág na ang libing ni Florante ay idadáos sa ika ánim na oras ng̃ umaga ng̃ araw ding iyon ng̃ pagkamatay.Nagbubukang liwaywáy.Sa tapát ng̃ namatayang báhay ay may isáng binatàng luksâng-luksâ, nakatung̃ó, nakasalikód kamay, at walang tigil ng̃ kayayaó’t dito. Banayad ang mg̃a hakbáng. Kagaya ng̃ isang may iniisip na malálim. Walâng kamalákmalák ay biglang napatigil. Tining̃alâ ang isang kimpal na alapáap sa mukhâ ng̃ lang̃it, at pinagalaw-galáw ang úlo na animo’y may kinákausap doon.Sino ang binatàng ito? Si Faure. Pakinggan natin ang tibok ng̃ kanyang damdamin:“Florante, kay ligáya mo ng̃ayon!—Nilisan mo na itóng Lupàng maligalig—at ng̃ayo’y náriyan ka na sa Bayan ng̃ kapayapaán, sa Báyan ng̃ pagkakápantáypantáy, diyán sa walângnaghahari kundî ang isáng Bathalàng sumasagisag sa banál na Katwiran...“Oh, laki ng̃ kaibhán ng̃ iyóng kalagáyan, kay sa ámin dito sa lupà.“Kayó diyán ay tahimik, walâng íring̃an, walâng paghihigantí, iisa ang pananampalataya, iisa ang damdamin, waláng sinusunod kungdî iisang bandilà, waláng iginagalang kungdi iisang dambanà; ang bandilà ng̃ Matwid at ang dambanà ng̃ Katotohanan...“Samantalang kamí sa bahaging itó ng̃ Sangdaigdig, ay walang nalalasap sa tuwituwi na, kungdi ang mapaít na latak ng̃ buhay. Sa lahat ng̃ dako ay himutók, pananáng̃is, panambitan, hinagpís ng̃ mg̃a ináapí, ng̃ mg̃a tinaksíl na sawing palad, ng̃ mg̃a isinilang sa baníg ng̃ hirap, na kahima’t may katutubong karapata’t dang̃al ay lagì na lang niyuyurakan, dinadayà, hinahamakhamak, dinudustadusta... ng̃ mg̃a palalòng mapagmataás na nangbubúlag at nang-aalipin...“Ah! sinong nagbabatá ng̃ ganitong kalagayan namin ang di makapagsasábing kayóng naririyan ay mapapalad?“Kung gayon...“Bakit itatang̃is ang inyong pagpanaw?“Bakit ipagluluksâ ang inyóng paglípat sa kabilang búhay?“Mahang̃a’y—ipagsayá, pagka’t nariyan kayó sa lubós na kapayapaan.“Ng̃uni’t—¡sinung̃áling!—Bakit di mapigil ang pagluhà niyaring pusò tuwi kong magugunitâ ang mapangláw na tinig niyaong bating̃áw?“Ah! Sapagka’t ang tinig na iyon ay nagsasabing si Florante na giliw kong kaibigan ay pumanaw sa akin. Sapagka’t ang tinig na iyon ay nagsasabing nalagasan na naman ng̃ isáng kawal ang kabinataan—iyáng kabinatàang sa araw ng̃ bukas ay siyang magtatagúyod at magsasanggalang sa isáng Bayang mahinà’t hapô upang huwag muling mahulog sa hukay ng̃ pagkaaba.“Ng̃uni’t...“Kung dini sa Lupa’y nagkakailang̃an ang ating lahì ng̃ hukbó ng̃ mg̃a bayani upang makapagtanggol sa kanyang Karang̃alan, Kalayaan at Buhay, diyan namán sa Lang̃it ay nagkakailang̃an siya ng̃ mg̃a kinatawán upang idaláng̃in sa haráp ni Bathalà ang kanyang ganáp na Katúbusan!“Idalang̃in ang Katúbusan!—ang Katúbusan ng̃ isang Bayang laging nanglulumó ang puso sa hápis at uhaw sa tunay na ginhawa; ang katúbusan ng̃ isang lahìng pinipilit ng̃ walang karapatán sa isang kalagayang salung̃át sa kanyang ninanasà at lagì nang pang̃arap.“Idalang̃in ang Katubúsan!“Sa dakilàng tungkuling ito, ay huwag nawang makalimot ang mg̃a kaluluwang pilipino na lumuluwalhatì sa kabilang búhay...”Ang binatá’y mulíng tumung̃ó, lumákad nang kauntî, bago dinúkot sa bulsá ang kanyáng orasán. Mag-iíkaánim ná ng̃ umága. Si Faure ay nanhík.¡Kay panglaw doon sa bahay! Bihiráng matá ang walâng patak ng̃ luhà; bawa’t mukhâ ay larawan ng̃ isáng di masayod na lumbáy ng̃ kalulwá; sa bawa’t labì ay walâng pumupúlas kundî pawàng pagkahabág, panghihináyang, panaláng̃in, mg̃a buntong-hining̃á...¡Kay kapal ng̃ mg̃a makikipaglibíng! Ang malakíng báhay ni Florante ay lumíit sa karamihan ng̃ táo. Lahát halos ng̃ mg̃a kaanib sa “Dakilàng Mithî” ay nahandoón. Si Gerardo lang ang walâ, papaano’y noon mg̃a sandaling iyon ay karárating lang niyá sa Maynilà.Ika ánim na ganáp ng̃ umága nang ipanáog ang ataúl, na pinápalamutihan ng̃ isang matandâ at malápad na Bandilàng Pilipino.Sa sambahan muna dinalá ang bangkay. Nang mulîng málabás, at nang tutung̃úhin na ang libing̃an, ay siyáng pagdatíng ng̃... (¡sinasabi na ng̃â bá ni tandâng Kulás!)... limáng kayumangging kawal ng̃ konstabulario at isángputêng pinunò, na taglay sa báywang ang isáng kumíkináng na sandata na sa kahabaan ay humíhiláhod sa lupà!...Nagdidilim ang mukhâ ng̃ pinunò. Nang malapit sa ataul ay daglíng tumigil, nilabnót, iniwálat at niyurákan ang Bandilà!Isángkasíngbilís ng̃ lintík ang noón din ay humaráp sa walâng-pitagang pinunò, at walâng sabi-sabi’y ikinintál pagdáka sa mukhâ nitó ang dalawâng sampál na sunód.¡Kinilabútan ang láhat!¡Gulóng katákot-tákot!¡Ang gayóng kapang̃ahasán ng̃ isangkayumanggisa isang nakasableng pute, hanggá nang hanggá ay noón lang násaksihan ng̃ mg̃a táong iyon!Sa sumunód na sandalî, ang Lakás at ang Kapangyarihan ná, ang siyang nagharì.Ang kayumanggíng pang̃ahás ay pinagsunggabánan ng̃ mg̃a kawal ng̃ pamahalàan. Mg̃a dágok, tadyák, tung̃áyaw, pagláit, ang naghatid sa kanyá sa bilanggúan.¡Kataka-taká ang kapal ng̃ táo na natípon sa sigalot na itó! Boông báyan halos! Karamíhan sa kanilá ay mg̃a lálaki—mg̃a laláking may mg̃a bísig at pag-iisip!... Gayón ma’y lahát ay walâng ginawâ kundî ang tumang̃á, manóod! mang̃iníg!! mamutlâ!!! matákot!!!!Untî-untîng naáyos ang guló. Ang nabagabag na libíng ay naipatúloy din.Noóng gabíng iyon, ang pinunò ng̃ “Konstable” ay dinalaw ng̃ isang kakilákilabot na panagínip. Isáng bangkáy ang napaginipan niyang tumayô nang dahan-dahan, lumákad, humaráp sa kanyá, itináas ang dalawângkamay at nagkakangdidilat sa pagsigaw ng̃: “Mane, Thecel, Phares!”Sa katakutan yatà at pagkágulantáng ang makisig na pinunò ay kamuntî nang makálundág sa dung̃awán ng̃ kanyáng silid.XXSiElíngat si Gerardo.Katanghalìang tapát.Sa isáng báhay na malíit at sa tabí ng̃ isáng dung̃awán, ay nakaupông magkaharáp si Elena at ang bathalà ng̃ kanyáng pusò, na noón lamang dumating.Ang binibini’y walâng kakibôkibô; nakatitíg sa dibdib ni Gerardo ang mapupung̃ay niyang matá, na pára bagáng pinipilit na mahuláan ang mg̃a damdaming doo’y nakukulóng. Ang binatà nama’y nakatung̃ó, kagát ang labì, sapúpo ang malápad na nóo ng̃ kánang kamáy, at... walâ ding imík; ang maminsan-minsang pagbuntóng-hining̃á, ang nagsisikláb na paning̃ín, ang nagdidilím na mukhâ, ang nóong kunót ay nagkákaisa sa pagpapahiwátig na hindî kaligayáhan ang itinitibók ng̃ pusò. Anó ang nangyayari sa táong itó? Dinadalaw kayâ ng̃ panibughó? Nagsisisi kayâ sa isáng nagawâng kasalanan?—“Ang mg̃a taksil!”—Itó ang nawikà ni Gerardo pagkaraan ng̃ ilang sandalî.—“Nagawâ nila iyón, at,.. diyatà nama’t ang bayang iya’y nakatiís?... Wala na namáng ginawâ kungdîang humalukipkip? Diyatà ba nama’t walâ ni isáng tumulong, walâ ni isáng nagsanggálang kay Faure? Walâ ba roón sina Leon, siná Marcelo? Walâ ba ni isáng laláki?”Si Elena ay íiling-iling na sumagót:—“Pusòng laláki?... Ay, Gerardo! Ni isa’y walâ! Siná Leon ay handoóng lahát.”—“Ng̃uni’t sa ng̃alan ng̃ Diyós, ano ang kaniláng ginawâ?”—“Walâng walâ kundî ang tuming̃ín!”—“Oh, tuming̃ín! tuming̃ín!!”—ang mapangláw na úlit ng̃ binatà.—“At patí bagá siná Leon ay nakiting̃ín? Díyata’t ang mg̃a ginoóng iyán na kung tawagi’y mg̃a makabayan—silá na sa tuwing magtatalumpati’y walâng ipinang̃ang̃alandákan kundidugo hangga’tkailang̃an!—díyata’t ang mg̃a ginoóng iya’y nakiting̃ín patí? Oh, tuming̃ín! Mang̃alandákan! Talagá bagáng táyo’y hanggán diyan na lang? Pulós na dilà at matá na lámang ang gagamítin? Ang áting bagáng mg̃a bísig sa habang panahon ay pananatilíhin sa pagkakahalukipkip? Di na bagá tayo magkakalóob na sila’y igaláw?...“Oh báyan! báyan!! Násaán ang iyóng dang̃al?... Násaán ang iyóng lakás?“Makapangyarihan ka sa lahát, ng̃uni’t,”—“Diyós lang ang makapangyayári sa kanyá;”—ang kaagad ay ipinútol ni Elíng.—“Ang mg̃amapanglúpig na táo at ibáng báyan ay hindî! Di ba gayón, Gerardo?”—“Túnay ang sábi mo, dapwa’t di siyang nangyayári.”—“Sawîng pálad na lahì ang átin!”Ang binata’y mulíng tumung̃ó at mulíng napipi. Nakaráan ang iláng sandalî. Kaginsaginsa’y itinaás ang úlo, at tumindíg.—“Bakit, Gerardo?”—ang usisà ni Elíng—“Anó angnangyayárisa iyó? Bakit ka nagkákaganyán?”—“Walâ, Elena! Akó muna’y magpapaalam.”—“Bákit, saán ka páparoón?”—“Walâ, may gágawin lang akó.”—“Matutulung̃an ba kitá?”—“Maraming salámat, Elíng!”—“Ano ang gágawin mo?”—“Tútupad ng̃ isáng katungkulan.”—“May miting ka bang dadaluhan?”—“Walâ.”—“Alíng katungkulan ang sinasábi mo?”—“Si Faure ay hahang̃úin ko sa bilangúan!...”—“Hahang̃úin mo?... sa bilangúan?”—“Oo, Elena, ililigtas ko, ililigtas kong pilit ang may loób na nagtanggol sa Dakilàng Watáwat!... Isáng kautusáng di tumpák sapagka’t udyók ng̃ simbuyó ng̃ loob, ang nagbabáwal sa paggamit ng̃ Bandilàng Pilipino;ng̃uni’t hindî dáhil sa pagbabáwal na iyán, ay maáarì nang siya’y yurákyurákan at dustâdustâin ng̃ síno mang harì-harìang ganid... Oh hindî!... Iyán ang watáwat na pinagkamatayáng sagipín ni Rizal, ni Bonifacio, at ng̃ libo-libo pang bayani ng̃ ating Kalayàan. Dahil sa watáwat na iyán nagpakamatáy ang aking nunò, ang aking mahál na amá, at mg̃a kapatíd!... At sakâ ng̃ayo’y hahamákin? Ah!... Ang pagtatanggól ni Faure ay isáng gawâng dakilà! isang kabayaníhan!... Dápat ko siyang abulúyan. Palalayáin ko at palalayáin ko kaagád ang bayáning laláki!”—“At papáno ang iyóng gágawin?”—“Kun hindî siya makúha sa pamamagitan ng̃ malulumánay at mapayapàng pang̃ang̃atwiran,... dadaánin ko sa dahás! Dahás ang sa kanya’y nagpások doón, maaárìng dahás lamang ang sa kanya’y magpápalabas!”Ang boses ni Gerardo ay nang̃ing̃inig. Ang mg̃a matá niyá ay nakapang̃ing̃ilabot.Si Elena’y kagyat namutlâ at warì baga’y nangliliít sa kanyáng pagkakáupô.—“Diyós ko!”—anya—“Ano ang iyong gagawín, Gerardo? Ako’y nahihintakútan!”—“Bakit, Elena? Hindî ba matwid ang aking úusigin?”—“Ipagpalagáy ko nang matwíd, subali’y bákit ka gagámit ng̃ dahás?”—“Hindî akó gagámit kundî kailang̃an; at ang lahát, kapag kailáng̃an ay dapat pang̃áhasán!”—“Dápat pang̃ahasán hanggáng di nalalábag sa mg̃a útos!”—“Oo, kung ang mg̃a útos na iya’y nasasálig na lahát sa katwiran!...“Matwíd ba ang ginawâng pag-lúpig at ang pagkábilanggo kay Faure?”—“Siya’y nagbúhat ng̃ kamáy sa kanyang kapwà!”—“Túnay! Dapwa’t bákit? Ah! Sapagka’t ang gánid na iyón sa kanyáng pagyúrak sa Dakilàng Watáwat, ay niyurakan ang púri, ang dang̃ál, ang kálulwá ng̃ boông Kapilipinuhan!...“Ah! Hindî mg̃a sampál ang sa kanya’y dápat igantí! Oh, dapat siyang magpasalámat at siya’y nasa sa gitnâ ng̃ mg̃a táongmatiisinatmababait. Dápat siyáng magpasalámat at.... Kung nagkátaon, oh! ¡ang báyang iyan na binubúlag ng̃ kaduwágan, ay nakamálas ng̃ mg̃a paták.... niring dugô!”—“Oh, Gerardo! Ikaw, kung minsán, ay kakilákilábot!Pinanglálamig mo akó!”—“Bakit, Elena? Natatakot ka bang mamatay akó sa pagtataguyod sa púri ng̃ mahál na Bandilà?”—“Oh hindî, Gerardo! Alám mo nang angpinakamatamís kong pang̃árap, ang pinakamaálab na nais niríng pusò na sa iyóng iyó lang umaása, ay ang makita kang namamayáni sa ikatutubós at ikalalayà ng̃ tinubúang lupà, ang makíta kang bangkáy sa piling ng̃ Sagisag ng̃ áting Búhay!... Hindî kailang̃ang ako’y maulíla sa iyó, hindî kailáng̃ang ako’y magdúsa, hindî kailáng̃ang ako’y magluksâ, tumáng̃is, at mag-isá sa habàng panáhon! Titiisín ko ang lahat álang-álang sa Inang-Báyan!”Napang̃itî si Gerardo. Ang mg̃a pang̃ung̃usap na iyón ay sumagád hanggang pusò niyá. Kinintalan ng̃ isang halík sa nóo ang kanyang paralúman, bago tinabánan ang nanglalamíg na kamay nitó.—“Maráming salamat, Elíng,”—anya—“Ng̃ayon ay tulutan mo nang ako’y yumáo.”—“Hintáy muna, Ardíng”—ang magíliw na samó ng̃ binibini—“Hindî mo pa nasásagót ang tanóng ko sa iyó kanina.”—“Alín iyón?”—“Ang pagpapalayà kay Faure. Sakali’t di mo matamó ang iyong hang̃ad sa pamamagitan ng̃ mabuting salitaan, papáno ang iyong gagawín?”—“Ah, sakâ mo na maaaláman!”—“Sabihin mo ng̃ayón sa ákin!”—“Sakâ ná!”Si Gerardo ay hindi na napapígil at nanáog agád. Si Elíng nama’y walâng nagawâ kungdî ang dumúng̃aw, sundan ng̃ ting̃in ang binatà, bilang̃in ang kanyang mg̃a hakbáng, at masdán kung saán siyá tutung̃o.Nang si Gerardo’y hindî maabót ng̃ kanyang matá, ang binibini’y mulíng humílig sa dúyan at inahágis ang ala-ála sa salitáan kang̃ína niláng dalawa.—“May katwiran si Ardíng!”—ang pabuntóng-hining̃áng nábigkas sa sarili, pagkaráan ng̃ ilang sandalî—“Kay hírap ng̃â namán ng̃ walâng kalayàan! Kung ang Pilipinas ay malayà, ang mg̃a gayong panglulúpig, at pag-alipustâ sa ating dang̃ál ay hindî mangyayari...“Kasákitsákit at pagkápait-pait na kalagáyan itong átin.“Ng̃uni’t lagì na ba lang táyo sa ganitó,—lagì na ba lang susúkot-súkot sa ilalim ng̃ isáng watawat na hindî átin? Lagì na ba lang talúnan at apí itóng áting báyan?...“Oh, hindî! Hindî, hindí mangyayari ang gayón! Nang lalang̃in ang Pilipinas ay hindî isinulat sa kanyang mukhâ ang pamagat naalipin. Hindî nilalang ang táo upang bumusábos ó pabúsábos sa ibá! Ang pagka-kayumanggí ng̃ ating balát ay hindî tandâ ng̃ isang kapalárangmababà; iyán ay búng̃a ng̃ sing̃aw ng̃ ating mg̃a kaparáng̃an at bundók!“Oh, di mangyayaring ang kalagáyan nating itó ay sa habang panahón ná! Ang Kasaysayan ng̃ Sangsinúkob ay boông linaw na inauúlat ang katotohánan na, kapag ang isang báyang nasasakúpan ay natútong huming̃î ng̃ kalayàan at pagsasarili, kapag ang báyang iyan ay napatunayan sa gawâ ang karapatán niyá sa minimithîng mg̃a biyayà,—ang báyang iyan madalî ó maláon, sa pamamagitan ó ng̃ kapayapàan ó ng̃ paghihimagsík, ay pilit na kakamtán ang kanyang nilaláyon....“May nagsasábing nagkakailáng̃an mulî ng̃ isáng paghihimagsík sa Pilipinas, upang mátamo ang pagsasariling pinipita.“Hindî akó sang-ayon sa gayóng madugông paghahakà. Hindî nararapat, hindî napapanahón, ni hindî kailáng̃an ang isáng paghihimagsík. Ang patalim ay dapat lamang hawakan kapág napadiwarà ná ang kahulihulíhang patak ng̃ pag-asa sa mapayapà at makatwirang pamamanhik sa báyang nakasasakop. Ang Pilipinas ay may pag-asa pa... Ako’y nananálig na may isang dakilàng Amerika na, sapagka’t may puri at dang̃al ay di papáyag magpakailan man na siya’y sumpâ-sumpáin ng̃ isang báyang inamis, at tawag-tawágingmagdaraya! bulaan!taksil! magnanakaw!... Ako’y nananálig na sapagka’t siya’y namayani at nagbuhos ng̃ dugông sarili sa dambanà ng̃ Kalayáan, ang báyang Amerikáno ay di malilinláng ang isang lahìng sa twî-twî na’y uháw sa isang malayàng búhay! Ako’y nananalíg na, sapagka’t siya’y matalino at hindî mangmang ang Amérika ay hindî magpapakáulól na magbibing̃ibing̃ihan sa mg̃a ipinagsisigáwang áral, balà at sumbát ng̃ Kasaysayan ng̃ Sangdaigdig. Ako’y nananálig na hindî siya magpapakáulól na papáris sa ipinamalas na mg̃a hidwâng kaasálan ng̃ mapanglúpig na Inglaterra at ng̃ mapangbusábos na España!“Oo, ang Pilipinas, ay mayroón pa ng̃âng pag-ása! At dahil dito’y isang katiwalìang dî mapatatáwad ang bumang̃on ng̃ayón at maghimagsík!“Ng̃uni’t... sa haráp ng̃ mg̃a pagdayà, pagláit,at pagdustâ sa dang̃ál ng̃ bayan, sa harap ng̃ mg̃a panglulupig at mg̃a kaasalang hidwâ na ginagawî dito ng̃ mg̃a harìharìan, ¿ay sino kayâ ang di mang̃ang̃ambá, sino kayâ ang di sasagìan sa gunitâ ng̃ maiitim na guníguní at madudugông ala-ala?...“Ah!... Pag ganyán nang ganyán, kapag di napútol ang mg̃a ganyang gawâ, kapag ang mg̃a nasaitaas ay di susugpuin ang kanilá dingkasagwâan, kapag ang mg̃a daing, hibik at sigaw ng̃ nang̃a saibabâ ay di didinggín... oh! ¿sino ang makapagsasabi, kapág nagkagayón ná?.... ¡Maaárì na ang Bayang iyan na ulirán sa pagtitiis, ay di makabatá sa anták ng̃ sugat!!... ¡Maaárì na ang Bayang iyan ay mabúlag sa laot ng̃ kanyang pagkaamis!!... ¡Maaárì na siya’y makalimot sa sarili, makalimot sa Diyos, makalimot na siya’y mahinà!... ¡¡Maaarì na ang mabang̃ís niyang dugô ay mágising at... kumulô!! ¡Maaárìng sumipót diyan ang mg̃a Bonifacio, ang mg̃a Elias, ang mg̃a Simoun, ang mg̃a Matanglawin, ang mg̃a Kabisang Tales!!...“Oh! Kapag nagkátaón!!...“Pagkasaklapsakláp na dilidilihin!...“Oh huwag! huwag, makatwirang Lang̃it! huwag tulutang mangyari ang gayong pagkapaitpait na bágay!!”...Ganitó ang mg̃a paghahakang sunod-sunod na sumagì sa pag-iisip ni Elena—mg̃a paghahakang kaipala’y dulot sa kanya ng̃ tang̃ang aklát na kinababasahan sa likod ng̃ mg̃a salitáng: “Noli me TángereatEl Filibusterismo.”XXIMatwíd ó Baluktót?Hating-gabí.Kinúkubkob ang boông báyan ng̃ isáng kadilimang nakapanghihilakbót.Ulap na sakdál ng̃ itím ang nagpápasung̃ít sa mukhâ ng̃ láng̃it.Walâ ni buwán, ni bitúin, ni talà. Ang lahát ng̃ mg̃a kaigá-igáyang hiyás na iyán ng̃ kalang̃itan ay áayaw pasilay, nagtatagòng parapara na anaki’y nagtatampó, nagsasawà at nasusuklám ná sa mapagkunwarî, at magdarayàng Sangkataúhan...Máliban sa manakâ-nakâng táhulan ng̃ mg̃a áso, maliban sa mg̃a idinahák-dahák at iniubó-ubó ng̃ mg̃a natutuyô, máliban sa huni ng̃ sári-sáring ibong nagdapò sa mg̃a púnong kahoy, maliban diya’y walâ ng̃ ing̃ay na madidinig.Lahát ay katahimíkan, dilím, kapanglawán.Sa isáng súlok ng̃ pinakaplazaó liwasán ng̃ Libís, ay may isáng táong nakatayô. Sino siya? Aywan. Ang kanyáng nóo, mg̃a matá at hanggang ilóng ay natataklubán ng̃ malapad napardyás ng̃ sambalilo; samantaláng ang babà nama’y nakukublí sa mahabàng pangliíg ng̃ kanyáng kapote.Ang pang̃ing̃iníg ng̃ katawán, ang pang̃ang̃atál ng̃ mg̃a labì, ang hawak na balaráw, ay paraparang nagpapahiwatig na ang táong itó ay maygagawin! may gágawíng isang bagay na kakilakilábot!...Nagkakanghahabà ang liíg ng̃ lalaki sa pagtanaw sa isang bahay na nakatayô sa kabilang panig ng̃ liwasán. Ang pintô ng̃ bahay ay nakabukás at sa loób ng̃ sílong ay may isáng ílaw na maliit. Sino ang nasa báhay na iyon? Ang kasintahan kayâ ng̃ lalaki? Ng̃uni’t bakit ang laláking ito ay may tagláy na sandata, bakit gayón na lang ang pang̃ing̃iníg ng̃ kanyáng kataúhan? Naglilo kayâ ang iniíbig? At itó bagá ang gabíng napilì niya úpang idáos ang paghihigantí?... Baká namán hindî, baká namán hindî naglílo ang kanyáng sinisintá, kundî may isáng taksil na ibig maglugsò noóng gabíng iyón sa púri ng̃ búhay ng̃ kanyáng búhay?Aywán din ng̃â.Samantala’y ating masdán ang mg̃a kílos ng̃ laláki. Hindî na siya ng̃ayón nakatigil, lumalákad ná at tinutung̃o ang báhay.Ang báhay na itó ay may tánod palá! isang nakabaril na ng̃ayo’y lumabás sa silong atlumuklók sa isang bangkô na nása sa labás ng̃ pintùan.Sandalî nating matyagan ang tánod. Siya’y may katandâan ná. Bukód pa sa pandak, ang katawán niya’y hukót at payát na payát. Ang mg̃a matá, ay di lang nagpapahiwatig na ang katawáng iyón ay pinanáwan ná ng̃ lahát ng̃ siglá, ng̃ lahat ng̃ ínit; inihahayág din namán nilá ang katotohanánan na, angkahabághabágna tánod ay may dalawáng gabí nang di nakatitikím ng̃ túlog.Sabíhin pa ba! Sa gayóng pátag at tahimik na pagkakaupô ay walâ siyáng nararamdamán kundî ang sa kanyang balintataw, ay ikínulbit-kulbít ni áling Antók; walâ siyáng nauulinígan kundî ang mahinhíng áwit ni Antok din; walâ siyáng nakikita kundî ang kanya ring kumaring Antok na sásayawsayaw at pupúng̃aypúng̃ay sa kanyang haráp.Ang bayáning bantay ay humikáb nang sunód-sunód; untî-untîng nalitó; untî-untîng umamín kay Antok; untî-untîng nayukáyok...Na siya’yguardiaat dahil dito’y di dapatyumukayok? Ay ano naman kun siya’yguardia, sa ang pinag-guguardiahannamán eh, iisa-isa at nakukulóng sa isang kulung̃an—isáng kulúng̃ang bakal ang mg̃a réhas, at nakasusì pa, at ang susì, ay nasa loob ng̃ kanyang bulsá?Na, baká siya’y lusúbin ng̃ mg̃a kaaway, samantálangnayuyukayok? Hús! Ay anó iyon? Gasino ná ang kalabitín ang kanyang baríl at gasino ná ang humiyáw ng̃ “Magnanákaw!!”Na, baká siya’y masubukan ng̃teniente—ng̃tenientengmabang̃ís?... Pshe! Síno ang masusubúkan—siyá? siyá na kung matulog eh kay bábaw-bábaw, na sa isang kaluskós ng̃ dagâ, sa isáng ing̃ít ng̃ bubwit, ay nagigising? At síno ang susúbok? angteniente?—angtenientenglumákad lang eh, nayáyanig ang lupà,—angtenientengwalâng tigil ng̃ ká-uubó at kadadahák, angtenientengpaglákad eh, humihilahod sa lupà ang sable—paghiláhod na kay ing̃ay-ing̃ay—ing̃ay na bumubuláhaw sa mg̃a áso, hanggáng mg̃a manók—mg̃a manók at áso na kapág nagpuputák at nagtatahól ay pilit na ikagigísing ng̃ lalòng matákaw sa pagtúlog?—Iyan angtenientengmakasusúbok sa kanyá?... Malayòng malayò, sing-layò ng̃ lang̃it sa lupà!At sakâ, bukód sa rito,mayukayokman siya, ay hindî naman tangkâ niyá angmatulogah! ¡¡Kundî angumigliplang ah!! ¿Ay anó angiglip?...Sa dúlo ng̃ mg̃a ganitóng paghahakà ang bibig ng̃ bantáy ay dáhandáhang nábuka, angmondo’ydáhandáhang nalímot at dáhandáhang tumulò ang ... aywan kung anó... mulâ sa... aywan kung saán.At sa gitnâ ng̃ gayóng pagkábuka ng̃ bibíg, sa gitnâ ng̃ gayóng pagkalímot samondo, sa gitnâ ng̃ gayóng pagtulò ng̃ ... aywan kung anó—ay siyangpagsulpótsa liwánag ng̃ ilaw, at paglundág sa kanyáng haráp ng̃ lálaking kanina’y tatayôtayô sa isang súlok ng̃ liwasán—ng̃ laláking may háwak na balaráw—balaráw na ng̃ayo’y nakatiín sa sikmurà ng̃ tánod!Ang nágulantang sa kanyáng pakikiuláyaw kay Antok, ay walâng nagawa kundî ang umígtad sa pagkakaupô, ipagng̃ang̃áhang lalò ang bibig at pandilatin ang mg̃a matá!Ang salitang “Magnanákaw!” ay hindî maisigaw!Ang baríl ay hindî mákalabít!—“Isáng kilos, isáng sigáw, at ikáw ay patay!”—ang pasalubong ng̃ kanyáng panaúhin...—“Naku pô!” ang marahang tugón.—“Ibíbigay mo ang bilanggô ó hindî?”—“Naku pô!”—“Sstt!... Sagutín akó... at madalî!”—“Ay papáno pô bá... ang gágawin ko sa iyá’y... itiniwalà... sa ákin!”—“Huwag mag-alaala... Ililigtás kitá... ako’y nang̃ang̃akò sa ilálim ng̃ áking dang̃ál.”—“Ay bakâ pô ako’y inyóng ululín... ay kaawà-awà pô...”—“Ha? at ipinalalagáy mo akong magdarayà?”—“Naku pô! hindi pô! patawád pô!”—“Anó? Ibibigáymoang bilanggô ó hindî?”—“Ay inakú pô! Huwag mo pong ididiín ang sundáng, at parang hinahalúkay ang aking tiyán!”—“Maúlit ka! Ibibigáy mo ó hindî?”—“Ibibigáy pô!”Noón din ay lumayà si Faure! Sa bugsô ng̃ ligaya, at pagmamahalan ang dalawáng magkatoto ay waláng naigáwad na pasalubong sa bawa’t isá kundî ang pipíng pagyayakapán.Kasáma ang tánod na kagyát nilísan ng̃ dalawá ang bilanggúan.Kinabukásan angtenientengyumúrak nang walâng patumanggâ sa Bandilàng Pilipino, ay nabalitàng patáy.Isang talibóng daw ang nakatárak sa dibdib ng̃ kahabaghabag na lumaláng sa kanya ring pagkasawî...Si Faure ay nakatákas sa ibang lupáin.Doón sa mg̃a kaparang̃á’t bundók ng̃ mg̃a báyang malalayà—doón sa di kilala ang kapangyarihan ng̃ táo sa kapwà tao,—doón sa di abót ng̃ mapanglúpig na mg̃a útos ng̃ isang pamahalàang mapagbusábos—doón siyá naniráhan,sa pilíng ng̃ mg̃a Tell, nang panátag ang pusò, payapà ang kalulwá’t pagiísip,—malayà katulad ng̃ ibon sa himpapawid,—maligáya katulad ng̃ bulaklák na hinahagkán ng̃ hamóg....WAKASNGBulalákaw ng̃ Pag-ása.

XIXPaghihigantí ng Dang̃álGayón na lang ang pagmamahal ni aling Tinay sa kanyáng anák, gayón na lang ang pagkabúlag ng̃ kanyang pag-ibig, na kahì ma’t alam niyáng siyá’y sasalansáng sa isáng mahigpit na utos, kahì ma’t alam niyang siya’y pilit na uusigin, at magdurusa sa bilangguan, ay hindî nangyáring huwag pagbigyán-loób ang kahulíhulihang bilin ng̃ táng̃ing bulaklák ng̃ kanyáng pag-ibig, ang katapustapusang hibík ng̃ isáng pusòng bayáni—ng̃ isang pusòng makabayan, ang pahimakás na hilíng ng̃ pinaglagakán ng̃ boô niyang pag-ása, ang kahulíhulíhang tibók ng̃ búhay niyaóng masunurin, masipag, mabaít, at magalang na anák, na sa gitnâ ng̃ gayóng katandáan, ay siyáng ligaya ng̃ kanyáng matá, paraluman ng̃ mg̃a pang̃arap, at dang̃ál ng̃ kanyáng pagka-iná.Lahát halos ng̃ mg̃a kamag-ának at mg̃a kaibigan ni aling Tinay ay nagkakaisang di mabuti ang kanyang inaakalàng pagsunod sa bilin ni Florante.—“Alalahánin mo, Tinay”—anilá—“na tayo’y nasásakóp ng̃ ibáng kapangyarihan. Anggagawin mo ay isang malinaw na paglapastang̃an, isang talampákang paghamon sa pamunúang amerikano!”—“Ay anó sa ákin?”—ang tugon namán ni aling Tinay sagitnâng̃ pagpipighatî—“Anó sa ákin ang kapangyaríhang iyan, anó ang lakás ng̃ pamunúan, anó ang bisà ng̃ isáng mabang̃ís na útos, anóng kailang̃ang magdúsa sa harap ng̃ tagubilin ng̃ mahal kong anák?”—“Tinay, maghúnos dilì ka; ikaw ay nabubulágan.”—“Masasábi ninyó iyán sapagka’t siya ay di ninyó anák, sapagká’t kayó ay di naghírap sa kanyá, sapagka’t di ninyo alám ang halagá ng̃ aking Florante!”Si aling Tinay ay humagulhól ng̃ iyák kagáya ng̃ isáng batàng musmos.—“Ang nakakahirap sa iyó, Tinay”—anang isáng matandâng lalaki—“ay napadádaig ka sa mg̃a udyók ng̃ pusò: áyaw kang mang̃atwíran nang mahináhon. Makiníg ka sumandalî. Si Florante ay naghihing̃alô ná nang hiling̃in ang tungkol sa bandilà, hindî ba?... Kung gayo’y dápat mong tantuin na kapag ang tao ay naghihing̃alô, ang pag-íisip niya’y humihinà, lumalabò, nakalilimot, at...”—“Siyana ná, tio Kulás”—ang biglâng pútol ni áling Tinay—“Masasáyang lang ang inyóngmg̃a salitâ sa ákin. Dapat ninyóng matalastás na nóon pa mang araw, ay nabanggit na rin sa akin ng̃ anak ko, ang kanyang náis na kapag siya’y namatay, ay huwag papalamutihan ang kanyáng ataúl ng̃ anó pa man maliban na ng̃â lang sa isáng bandilàng pilipino...“Ah, magpahing̃á kayó, mg̃a pusòng mahihinà! Di ninyó batid ang linaláyon ni Florante!... Ibig ipakíta ng̃ anák ko na walâng bandilà siyáng iginagálang, at walâng kapangyarihan siyang niyuyukûan kundî ang bandilà’t kapangyaríhan ng̃ Tinubúang Lupà!“Ibig niyáng ipahiwatig na di ang lahat ng̃ utos ng̃ pamunúan ay dápat sundín; na kapág ang isáng kautusan ay walâ sa matwid, ang magtaás ng̃ noo, ang magmatigás, ang tumutol, ay di isáng kasalanan, kundî isáng átas ng̃ kabayanihan, isang tandâ ng̃ katinuán, isang taták ng̃ karang̃álan!”...Si tandâng Kulás ay napang̃ang̃a’t sukat. Kailán má’y di niyá naapuhap sa kanyáng gunita; ni natunghan sa lalòng malalim niyang panaginip ang larawan ng̃ isáng babáe na pinúpulásan sa mg̃a labì ng̃ gayong mg̃a salitâng sakdál ng̃ titigás!Iiling-iling na lumayô sa harap ni aling Tinay.—“Eh, eh! Katakot-takot na babáe itó!”—ang tang̃ing naibulóng sa kanyang sarili.Ibig ni aling Tinay, áywan kun bákit, na kapag namatay ang isáng táo, ay málibing kaagád; áayaw ng̃ búrol-búrol. Dahil dito’y kanyáng inihayág na ang libing ni Florante ay idadáos sa ika ánim na oras ng̃ umaga ng̃ araw ding iyon ng̃ pagkamatay.Nagbubukang liwaywáy.Sa tapát ng̃ namatayang báhay ay may isáng binatàng luksâng-luksâ, nakatung̃ó, nakasalikód kamay, at walang tigil ng̃ kayayaó’t dito. Banayad ang mg̃a hakbáng. Kagaya ng̃ isang may iniisip na malálim. Walâng kamalákmalák ay biglang napatigil. Tining̃alâ ang isang kimpal na alapáap sa mukhâ ng̃ lang̃it, at pinagalaw-galáw ang úlo na animo’y may kinákausap doon.Sino ang binatàng ito? Si Faure. Pakinggan natin ang tibok ng̃ kanyang damdamin:“Florante, kay ligáya mo ng̃ayon!—Nilisan mo na itóng Lupàng maligalig—at ng̃ayo’y náriyan ka na sa Bayan ng̃ kapayapaán, sa Báyan ng̃ pagkakápantáypantáy, diyán sa walângnaghahari kundî ang isáng Bathalàng sumasagisag sa banál na Katwiran...“Oh, laki ng̃ kaibhán ng̃ iyóng kalagáyan, kay sa ámin dito sa lupà.“Kayó diyán ay tahimik, walâng íring̃an, walâng paghihigantí, iisa ang pananampalataya, iisa ang damdamin, waláng sinusunod kungdî iisang bandilà, waláng iginagalang kungdi iisang dambanà; ang bandilà ng̃ Matwid at ang dambanà ng̃ Katotohanan...“Samantalang kamí sa bahaging itó ng̃ Sangdaigdig, ay walang nalalasap sa tuwituwi na, kungdi ang mapaít na latak ng̃ buhay. Sa lahat ng̃ dako ay himutók, pananáng̃is, panambitan, hinagpís ng̃ mg̃a ináapí, ng̃ mg̃a tinaksíl na sawing palad, ng̃ mg̃a isinilang sa baníg ng̃ hirap, na kahima’t may katutubong karapata’t dang̃al ay lagì na lang niyuyurakan, dinadayà, hinahamakhamak, dinudustadusta... ng̃ mg̃a palalòng mapagmataás na nangbubúlag at nang-aalipin...“Ah! sinong nagbabatá ng̃ ganitong kalagayan namin ang di makapagsasábing kayóng naririyan ay mapapalad?“Kung gayon...“Bakit itatang̃is ang inyong pagpanaw?“Bakit ipagluluksâ ang inyóng paglípat sa kabilang búhay?“Mahang̃a’y—ipagsayá, pagka’t nariyan kayó sa lubós na kapayapaan.“Ng̃uni’t—¡sinung̃áling!—Bakit di mapigil ang pagluhà niyaring pusò tuwi kong magugunitâ ang mapangláw na tinig niyaong bating̃áw?“Ah! Sapagka’t ang tinig na iyon ay nagsasabing si Florante na giliw kong kaibigan ay pumanaw sa akin. Sapagka’t ang tinig na iyon ay nagsasabing nalagasan na naman ng̃ isáng kawal ang kabinataan—iyáng kabinatàang sa araw ng̃ bukas ay siyang magtatagúyod at magsasanggalang sa isáng Bayang mahinà’t hapô upang huwag muling mahulog sa hukay ng̃ pagkaaba.“Ng̃uni’t...“Kung dini sa Lupa’y nagkakailang̃an ang ating lahì ng̃ hukbó ng̃ mg̃a bayani upang makapagtanggol sa kanyang Karang̃alan, Kalayaan at Buhay, diyan namán sa Lang̃it ay nagkakailang̃an siya ng̃ mg̃a kinatawán upang idaláng̃in sa haráp ni Bathalà ang kanyang ganáp na Katúbusan!“Idalang̃in ang Katúbusan!—ang Katúbusan ng̃ isang Bayang laging nanglulumó ang puso sa hápis at uhaw sa tunay na ginhawa; ang katúbusan ng̃ isang lahìng pinipilit ng̃ walang karapatán sa isang kalagayang salung̃át sa kanyang ninanasà at lagì nang pang̃arap.“Idalang̃in ang Katubúsan!“Sa dakilàng tungkuling ito, ay huwag nawang makalimot ang mg̃a kaluluwang pilipino na lumuluwalhatì sa kabilang búhay...”Ang binatá’y mulíng tumung̃ó, lumákad nang kauntî, bago dinúkot sa bulsá ang kanyáng orasán. Mag-iíkaánim ná ng̃ umága. Si Faure ay nanhík.¡Kay panglaw doon sa bahay! Bihiráng matá ang walâng patak ng̃ luhà; bawa’t mukhâ ay larawan ng̃ isáng di masayod na lumbáy ng̃ kalulwá; sa bawa’t labì ay walâng pumupúlas kundî pawàng pagkahabág, panghihináyang, panaláng̃in, mg̃a buntong-hining̃á...¡Kay kapal ng̃ mg̃a makikipaglibíng! Ang malakíng báhay ni Florante ay lumíit sa karamihan ng̃ táo. Lahát halos ng̃ mg̃a kaanib sa “Dakilàng Mithî” ay nahandoón. Si Gerardo lang ang walâ, papaano’y noon mg̃a sandaling iyon ay karárating lang niyá sa Maynilà.Ika ánim na ganáp ng̃ umága nang ipanáog ang ataúl, na pinápalamutihan ng̃ isang matandâ at malápad na Bandilàng Pilipino.Sa sambahan muna dinalá ang bangkay. Nang mulîng málabás, at nang tutung̃úhin na ang libing̃an, ay siyáng pagdatíng ng̃... (¡sinasabi na ng̃â bá ni tandâng Kulás!)... limáng kayumangging kawal ng̃ konstabulario at isángputêng pinunò, na taglay sa báywang ang isáng kumíkináng na sandata na sa kahabaan ay humíhiláhod sa lupà!...Nagdidilim ang mukhâ ng̃ pinunò. Nang malapit sa ataul ay daglíng tumigil, nilabnót, iniwálat at niyurákan ang Bandilà!Isángkasíngbilís ng̃ lintík ang noón din ay humaráp sa walâng-pitagang pinunò, at walâng sabi-sabi’y ikinintál pagdáka sa mukhâ nitó ang dalawâng sampál na sunód.¡Kinilabútan ang láhat!¡Gulóng katákot-tákot!¡Ang gayóng kapang̃ahasán ng̃ isangkayumanggisa isang nakasableng pute, hanggá nang hanggá ay noón lang násaksihan ng̃ mg̃a táong iyon!Sa sumunód na sandalî, ang Lakás at ang Kapangyarihan ná, ang siyang nagharì.Ang kayumanggíng pang̃ahás ay pinagsunggabánan ng̃ mg̃a kawal ng̃ pamahalàan. Mg̃a dágok, tadyák, tung̃áyaw, pagláit, ang naghatid sa kanyá sa bilanggúan.¡Kataka-taká ang kapal ng̃ táo na natípon sa sigalot na itó! Boông báyan halos! Karamíhan sa kanilá ay mg̃a lálaki—mg̃a laláking may mg̃a bísig at pag-iisip!... Gayón ma’y lahát ay walâng ginawâ kundî ang tumang̃á, manóod! mang̃iníg!! mamutlâ!!! matákot!!!!Untî-untîng naáyos ang guló. Ang nabagabag na libíng ay naipatúloy din.Noóng gabíng iyon, ang pinunò ng̃ “Konstable” ay dinalaw ng̃ isang kakilákilabot na panagínip. Isáng bangkáy ang napaginipan niyang tumayô nang dahan-dahan, lumákad, humaráp sa kanyá, itináas ang dalawângkamay at nagkakangdidilat sa pagsigaw ng̃: “Mane, Thecel, Phares!”Sa katakutan yatà at pagkágulantáng ang makisig na pinunò ay kamuntî nang makálundág sa dung̃awán ng̃ kanyáng silid.

XIXPaghihigantí ng Dang̃ál

Gayón na lang ang pagmamahal ni aling Tinay sa kanyáng anák, gayón na lang ang pagkabúlag ng̃ kanyang pag-ibig, na kahì ma’t alam niyáng siyá’y sasalansáng sa isáng mahigpit na utos, kahì ma’t alam niyang siya’y pilit na uusigin, at magdurusa sa bilangguan, ay hindî nangyáring huwag pagbigyán-loób ang kahulíhulihang bilin ng̃ táng̃ing bulaklák ng̃ kanyáng pag-ibig, ang katapustapusang hibík ng̃ isáng pusòng bayáni—ng̃ isang pusòng makabayan, ang pahimakás na hilíng ng̃ pinaglagakán ng̃ boô niyang pag-ása, ang kahulíhulíhang tibók ng̃ búhay niyaóng masunurin, masipag, mabaít, at magalang na anák, na sa gitnâ ng̃ gayóng katandáan, ay siyáng ligaya ng̃ kanyáng matá, paraluman ng̃ mg̃a pang̃arap, at dang̃ál ng̃ kanyáng pagka-iná.Lahát halos ng̃ mg̃a kamag-ának at mg̃a kaibigan ni aling Tinay ay nagkakaisang di mabuti ang kanyang inaakalàng pagsunod sa bilin ni Florante.—“Alalahánin mo, Tinay”—anilá—“na tayo’y nasásakóp ng̃ ibáng kapangyarihan. Anggagawin mo ay isang malinaw na paglapastang̃an, isang talampákang paghamon sa pamunúang amerikano!”—“Ay anó sa ákin?”—ang tugon namán ni aling Tinay sagitnâng̃ pagpipighatî—“Anó sa ákin ang kapangyaríhang iyan, anó ang lakás ng̃ pamunúan, anó ang bisà ng̃ isáng mabang̃ís na útos, anóng kailang̃ang magdúsa sa harap ng̃ tagubilin ng̃ mahal kong anák?”—“Tinay, maghúnos dilì ka; ikaw ay nabubulágan.”—“Masasábi ninyó iyán sapagka’t siya ay di ninyó anák, sapagká’t kayó ay di naghírap sa kanyá, sapagka’t di ninyo alám ang halagá ng̃ aking Florante!”Si aling Tinay ay humagulhól ng̃ iyák kagáya ng̃ isáng batàng musmos.—“Ang nakakahirap sa iyó, Tinay”—anang isáng matandâng lalaki—“ay napadádaig ka sa mg̃a udyók ng̃ pusò: áyaw kang mang̃atwíran nang mahináhon. Makiníg ka sumandalî. Si Florante ay naghihing̃alô ná nang hiling̃in ang tungkol sa bandilà, hindî ba?... Kung gayo’y dápat mong tantuin na kapag ang tao ay naghihing̃alô, ang pag-íisip niya’y humihinà, lumalabò, nakalilimot, at...”—“Siyana ná, tio Kulás”—ang biglâng pútol ni áling Tinay—“Masasáyang lang ang inyóngmg̃a salitâ sa ákin. Dapat ninyóng matalastás na nóon pa mang araw, ay nabanggit na rin sa akin ng̃ anak ko, ang kanyang náis na kapag siya’y namatay, ay huwag papalamutihan ang kanyáng ataúl ng̃ anó pa man maliban na ng̃â lang sa isáng bandilàng pilipino...“Ah, magpahing̃á kayó, mg̃a pusòng mahihinà! Di ninyó batid ang linaláyon ni Florante!... Ibig ipakíta ng̃ anák ko na walâng bandilà siyáng iginagálang, at walâng kapangyarihan siyang niyuyukûan kundî ang bandilà’t kapangyaríhan ng̃ Tinubúang Lupà!“Ibig niyáng ipahiwatig na di ang lahat ng̃ utos ng̃ pamunúan ay dápat sundín; na kapág ang isáng kautusan ay walâ sa matwid, ang magtaás ng̃ noo, ang magmatigás, ang tumutol, ay di isáng kasalanan, kundî isáng átas ng̃ kabayanihan, isang tandâ ng̃ katinuán, isang taták ng̃ karang̃álan!”...Si tandâng Kulás ay napang̃ang̃a’t sukat. Kailán má’y di niyá naapuhap sa kanyáng gunita; ni natunghan sa lalòng malalim niyang panaginip ang larawan ng̃ isáng babáe na pinúpulásan sa mg̃a labì ng̃ gayong mg̃a salitâng sakdál ng̃ titigás!Iiling-iling na lumayô sa harap ni aling Tinay.—“Eh, eh! Katakot-takot na babáe itó!”—ang tang̃ing naibulóng sa kanyang sarili.Ibig ni aling Tinay, áywan kun bákit, na kapag namatay ang isáng táo, ay málibing kaagád; áayaw ng̃ búrol-búrol. Dahil dito’y kanyáng inihayág na ang libing ni Florante ay idadáos sa ika ánim na oras ng̃ umaga ng̃ araw ding iyon ng̃ pagkamatay.Nagbubukang liwaywáy.Sa tapát ng̃ namatayang báhay ay may isáng binatàng luksâng-luksâ, nakatung̃ó, nakasalikód kamay, at walang tigil ng̃ kayayaó’t dito. Banayad ang mg̃a hakbáng. Kagaya ng̃ isang may iniisip na malálim. Walâng kamalákmalák ay biglang napatigil. Tining̃alâ ang isang kimpal na alapáap sa mukhâ ng̃ lang̃it, at pinagalaw-galáw ang úlo na animo’y may kinákausap doon.Sino ang binatàng ito? Si Faure. Pakinggan natin ang tibok ng̃ kanyang damdamin:“Florante, kay ligáya mo ng̃ayon!—Nilisan mo na itóng Lupàng maligalig—at ng̃ayo’y náriyan ka na sa Bayan ng̃ kapayapaán, sa Báyan ng̃ pagkakápantáypantáy, diyán sa walângnaghahari kundî ang isáng Bathalàng sumasagisag sa banál na Katwiran...“Oh, laki ng̃ kaibhán ng̃ iyóng kalagáyan, kay sa ámin dito sa lupà.“Kayó diyán ay tahimik, walâng íring̃an, walâng paghihigantí, iisa ang pananampalataya, iisa ang damdamin, waláng sinusunod kungdî iisang bandilà, waláng iginagalang kungdi iisang dambanà; ang bandilà ng̃ Matwid at ang dambanà ng̃ Katotohanan...“Samantalang kamí sa bahaging itó ng̃ Sangdaigdig, ay walang nalalasap sa tuwituwi na, kungdi ang mapaít na latak ng̃ buhay. Sa lahat ng̃ dako ay himutók, pananáng̃is, panambitan, hinagpís ng̃ mg̃a ináapí, ng̃ mg̃a tinaksíl na sawing palad, ng̃ mg̃a isinilang sa baníg ng̃ hirap, na kahima’t may katutubong karapata’t dang̃al ay lagì na lang niyuyurakan, dinadayà, hinahamakhamak, dinudustadusta... ng̃ mg̃a palalòng mapagmataás na nangbubúlag at nang-aalipin...“Ah! sinong nagbabatá ng̃ ganitong kalagayan namin ang di makapagsasábing kayóng naririyan ay mapapalad?“Kung gayon...“Bakit itatang̃is ang inyong pagpanaw?“Bakit ipagluluksâ ang inyóng paglípat sa kabilang búhay?“Mahang̃a’y—ipagsayá, pagka’t nariyan kayó sa lubós na kapayapaan.“Ng̃uni’t—¡sinung̃áling!—Bakit di mapigil ang pagluhà niyaring pusò tuwi kong magugunitâ ang mapangláw na tinig niyaong bating̃áw?“Ah! Sapagka’t ang tinig na iyon ay nagsasabing si Florante na giliw kong kaibigan ay pumanaw sa akin. Sapagka’t ang tinig na iyon ay nagsasabing nalagasan na naman ng̃ isáng kawal ang kabinataan—iyáng kabinatàang sa araw ng̃ bukas ay siyang magtatagúyod at magsasanggalang sa isáng Bayang mahinà’t hapô upang huwag muling mahulog sa hukay ng̃ pagkaaba.“Ng̃uni’t...“Kung dini sa Lupa’y nagkakailang̃an ang ating lahì ng̃ hukbó ng̃ mg̃a bayani upang makapagtanggol sa kanyang Karang̃alan, Kalayaan at Buhay, diyan namán sa Lang̃it ay nagkakailang̃an siya ng̃ mg̃a kinatawán upang idaláng̃in sa haráp ni Bathalà ang kanyang ganáp na Katúbusan!“Idalang̃in ang Katúbusan!—ang Katúbusan ng̃ isang Bayang laging nanglulumó ang puso sa hápis at uhaw sa tunay na ginhawa; ang katúbusan ng̃ isang lahìng pinipilit ng̃ walang karapatán sa isang kalagayang salung̃át sa kanyang ninanasà at lagì nang pang̃arap.“Idalang̃in ang Katubúsan!“Sa dakilàng tungkuling ito, ay huwag nawang makalimot ang mg̃a kaluluwang pilipino na lumuluwalhatì sa kabilang búhay...”Ang binatá’y mulíng tumung̃ó, lumákad nang kauntî, bago dinúkot sa bulsá ang kanyáng orasán. Mag-iíkaánim ná ng̃ umága. Si Faure ay nanhík.¡Kay panglaw doon sa bahay! Bihiráng matá ang walâng patak ng̃ luhà; bawa’t mukhâ ay larawan ng̃ isáng di masayod na lumbáy ng̃ kalulwá; sa bawa’t labì ay walâng pumupúlas kundî pawàng pagkahabág, panghihináyang, panaláng̃in, mg̃a buntong-hining̃á...¡Kay kapal ng̃ mg̃a makikipaglibíng! Ang malakíng báhay ni Florante ay lumíit sa karamihan ng̃ táo. Lahát halos ng̃ mg̃a kaanib sa “Dakilàng Mithî” ay nahandoón. Si Gerardo lang ang walâ, papaano’y noon mg̃a sandaling iyon ay karárating lang niyá sa Maynilà.Ika ánim na ganáp ng̃ umága nang ipanáog ang ataúl, na pinápalamutihan ng̃ isang matandâ at malápad na Bandilàng Pilipino.Sa sambahan muna dinalá ang bangkay. Nang mulîng málabás, at nang tutung̃úhin na ang libing̃an, ay siyáng pagdatíng ng̃... (¡sinasabi na ng̃â bá ni tandâng Kulás!)... limáng kayumangging kawal ng̃ konstabulario at isángputêng pinunò, na taglay sa báywang ang isáng kumíkináng na sandata na sa kahabaan ay humíhiláhod sa lupà!...Nagdidilim ang mukhâ ng̃ pinunò. Nang malapit sa ataul ay daglíng tumigil, nilabnót, iniwálat at niyurákan ang Bandilà!Isángkasíngbilís ng̃ lintík ang noón din ay humaráp sa walâng-pitagang pinunò, at walâng sabi-sabi’y ikinintál pagdáka sa mukhâ nitó ang dalawâng sampál na sunód.¡Kinilabútan ang láhat!¡Gulóng katákot-tákot!¡Ang gayóng kapang̃ahasán ng̃ isangkayumanggisa isang nakasableng pute, hanggá nang hanggá ay noón lang násaksihan ng̃ mg̃a táong iyon!Sa sumunód na sandalî, ang Lakás at ang Kapangyarihan ná, ang siyang nagharì.Ang kayumanggíng pang̃ahás ay pinagsunggabánan ng̃ mg̃a kawal ng̃ pamahalàan. Mg̃a dágok, tadyák, tung̃áyaw, pagláit, ang naghatid sa kanyá sa bilanggúan.¡Kataka-taká ang kapal ng̃ táo na natípon sa sigalot na itó! Boông báyan halos! Karamíhan sa kanilá ay mg̃a lálaki—mg̃a laláking may mg̃a bísig at pag-iisip!... Gayón ma’y lahát ay walâng ginawâ kundî ang tumang̃á, manóod! mang̃iníg!! mamutlâ!!! matákot!!!!Untî-untîng naáyos ang guló. Ang nabagabag na libíng ay naipatúloy din.Noóng gabíng iyon, ang pinunò ng̃ “Konstable” ay dinalaw ng̃ isang kakilákilabot na panagínip. Isáng bangkáy ang napaginipan niyang tumayô nang dahan-dahan, lumákad, humaráp sa kanyá, itináas ang dalawângkamay at nagkakangdidilat sa pagsigaw ng̃: “Mane, Thecel, Phares!”Sa katakutan yatà at pagkágulantáng ang makisig na pinunò ay kamuntî nang makálundág sa dung̃awán ng̃ kanyáng silid.

Gayón na lang ang pagmamahal ni aling Tinay sa kanyáng anák, gayón na lang ang pagkabúlag ng̃ kanyang pag-ibig, na kahì ma’t alam niyáng siyá’y sasalansáng sa isáng mahigpit na utos, kahì ma’t alam niyang siya’y pilit na uusigin, at magdurusa sa bilangguan, ay hindî nangyáring huwag pagbigyán-loób ang kahulíhulihang bilin ng̃ táng̃ing bulaklák ng̃ kanyáng pag-ibig, ang katapustapusang hibík ng̃ isáng pusòng bayáni—ng̃ isang pusòng makabayan, ang pahimakás na hilíng ng̃ pinaglagakán ng̃ boô niyang pag-ása, ang kahulíhulíhang tibók ng̃ búhay niyaóng masunurin, masipag, mabaít, at magalang na anák, na sa gitnâ ng̃ gayóng katandáan, ay siyáng ligaya ng̃ kanyáng matá, paraluman ng̃ mg̃a pang̃arap, at dang̃ál ng̃ kanyáng pagka-iná.

Lahát halos ng̃ mg̃a kamag-ának at mg̃a kaibigan ni aling Tinay ay nagkakaisang di mabuti ang kanyang inaakalàng pagsunod sa bilin ni Florante.

—“Alalahánin mo, Tinay”—anilá—“na tayo’y nasásakóp ng̃ ibáng kapangyarihan. Anggagawin mo ay isang malinaw na paglapastang̃an, isang talampákang paghamon sa pamunúang amerikano!”

—“Ay anó sa ákin?”—ang tugon namán ni aling Tinay sagitnâng̃ pagpipighatî—“Anó sa ákin ang kapangyaríhang iyan, anó ang lakás ng̃ pamunúan, anó ang bisà ng̃ isáng mabang̃ís na útos, anóng kailang̃ang magdúsa sa harap ng̃ tagubilin ng̃ mahal kong anák?”

—“Tinay, maghúnos dilì ka; ikaw ay nabubulágan.”

—“Masasábi ninyó iyán sapagka’t siya ay di ninyó anák, sapagká’t kayó ay di naghírap sa kanyá, sapagka’t di ninyo alám ang halagá ng̃ aking Florante!”

Si aling Tinay ay humagulhól ng̃ iyák kagáya ng̃ isáng batàng musmos.

—“Ang nakakahirap sa iyó, Tinay”—anang isáng matandâng lalaki—“ay napadádaig ka sa mg̃a udyók ng̃ pusò: áyaw kang mang̃atwíran nang mahináhon. Makiníg ka sumandalî. Si Florante ay naghihing̃alô ná nang hiling̃in ang tungkol sa bandilà, hindî ba?... Kung gayo’y dápat mong tantuin na kapag ang tao ay naghihing̃alô, ang pag-íisip niya’y humihinà, lumalabò, nakalilimot, at...”

—“Siyana ná, tio Kulás”—ang biglâng pútol ni áling Tinay—“Masasáyang lang ang inyóngmg̃a salitâ sa ákin. Dapat ninyóng matalastás na nóon pa mang araw, ay nabanggit na rin sa akin ng̃ anak ko, ang kanyang náis na kapag siya’y namatay, ay huwag papalamutihan ang kanyáng ataúl ng̃ anó pa man maliban na ng̃â lang sa isáng bandilàng pilipino...

“Ah, magpahing̃á kayó, mg̃a pusòng mahihinà! Di ninyó batid ang linaláyon ni Florante!... Ibig ipakíta ng̃ anák ko na walâng bandilà siyáng iginagálang, at walâng kapangyarihan siyang niyuyukûan kundî ang bandilà’t kapangyaríhan ng̃ Tinubúang Lupà!

“Ibig niyáng ipahiwatig na di ang lahat ng̃ utos ng̃ pamunúan ay dápat sundín; na kapág ang isáng kautusan ay walâ sa matwid, ang magtaás ng̃ noo, ang magmatigás, ang tumutol, ay di isáng kasalanan, kundî isáng átas ng̃ kabayanihan, isang tandâ ng̃ katinuán, isang taták ng̃ karang̃álan!”...

Si tandâng Kulás ay napang̃ang̃a’t sukat. Kailán má’y di niyá naapuhap sa kanyáng gunita; ni natunghan sa lalòng malalim niyang panaginip ang larawan ng̃ isáng babáe na pinúpulásan sa mg̃a labì ng̃ gayong mg̃a salitâng sakdál ng̃ titigás!

Iiling-iling na lumayô sa harap ni aling Tinay.

—“Eh, eh! Katakot-takot na babáe itó!”—ang tang̃ing naibulóng sa kanyang sarili.

Ibig ni aling Tinay, áywan kun bákit, na kapag namatay ang isáng táo, ay málibing kaagád; áayaw ng̃ búrol-búrol. Dahil dito’y kanyáng inihayág na ang libing ni Florante ay idadáos sa ika ánim na oras ng̃ umaga ng̃ araw ding iyon ng̃ pagkamatay.

Nagbubukang liwaywáy.

Sa tapát ng̃ namatayang báhay ay may isáng binatàng luksâng-luksâ, nakatung̃ó, nakasalikód kamay, at walang tigil ng̃ kayayaó’t dito. Banayad ang mg̃a hakbáng. Kagaya ng̃ isang may iniisip na malálim. Walâng kamalákmalák ay biglang napatigil. Tining̃alâ ang isang kimpal na alapáap sa mukhâ ng̃ lang̃it, at pinagalaw-galáw ang úlo na animo’y may kinákausap doon.

Sino ang binatàng ito? Si Faure. Pakinggan natin ang tibok ng̃ kanyang damdamin:

“Florante, kay ligáya mo ng̃ayon!—Nilisan mo na itóng Lupàng maligalig—at ng̃ayo’y náriyan ka na sa Bayan ng̃ kapayapaán, sa Báyan ng̃ pagkakápantáypantáy, diyán sa walângnaghahari kundî ang isáng Bathalàng sumasagisag sa banál na Katwiran...

“Oh, laki ng̃ kaibhán ng̃ iyóng kalagáyan, kay sa ámin dito sa lupà.

“Kayó diyán ay tahimik, walâng íring̃an, walâng paghihigantí, iisa ang pananampalataya, iisa ang damdamin, waláng sinusunod kungdî iisang bandilà, waláng iginagalang kungdi iisang dambanà; ang bandilà ng̃ Matwid at ang dambanà ng̃ Katotohanan...

“Samantalang kamí sa bahaging itó ng̃ Sangdaigdig, ay walang nalalasap sa tuwituwi na, kungdi ang mapaít na latak ng̃ buhay. Sa lahat ng̃ dako ay himutók, pananáng̃is, panambitan, hinagpís ng̃ mg̃a ináapí, ng̃ mg̃a tinaksíl na sawing palad, ng̃ mg̃a isinilang sa baníg ng̃ hirap, na kahima’t may katutubong karapata’t dang̃al ay lagì na lang niyuyurakan, dinadayà, hinahamakhamak, dinudustadusta... ng̃ mg̃a palalòng mapagmataás na nangbubúlag at nang-aalipin...

“Ah! sinong nagbabatá ng̃ ganitong kalagayan namin ang di makapagsasábing kayóng naririyan ay mapapalad?

“Kung gayon...

“Bakit itatang̃is ang inyong pagpanaw?

“Bakit ipagluluksâ ang inyóng paglípat sa kabilang búhay?

“Mahang̃a’y—ipagsayá, pagka’t nariyan kayó sa lubós na kapayapaan.

“Ng̃uni’t—¡sinung̃áling!—Bakit di mapigil ang pagluhà niyaring pusò tuwi kong magugunitâ ang mapangláw na tinig niyaong bating̃áw?

“Ah! Sapagka’t ang tinig na iyon ay nagsasabing si Florante na giliw kong kaibigan ay pumanaw sa akin. Sapagka’t ang tinig na iyon ay nagsasabing nalagasan na naman ng̃ isáng kawal ang kabinataan—iyáng kabinatàang sa araw ng̃ bukas ay siyang magtatagúyod at magsasanggalang sa isáng Bayang mahinà’t hapô upang huwag muling mahulog sa hukay ng̃ pagkaaba.

“Ng̃uni’t...

“Kung dini sa Lupa’y nagkakailang̃an ang ating lahì ng̃ hukbó ng̃ mg̃a bayani upang makapagtanggol sa kanyang Karang̃alan, Kalayaan at Buhay, diyan namán sa Lang̃it ay nagkakailang̃an siya ng̃ mg̃a kinatawán upang idaláng̃in sa haráp ni Bathalà ang kanyang ganáp na Katúbusan!

“Idalang̃in ang Katúbusan!—ang Katúbusan ng̃ isang Bayang laging nanglulumó ang puso sa hápis at uhaw sa tunay na ginhawa; ang katúbusan ng̃ isang lahìng pinipilit ng̃ walang karapatán sa isang kalagayang salung̃át sa kanyang ninanasà at lagì nang pang̃arap.

“Idalang̃in ang Katubúsan!

“Sa dakilàng tungkuling ito, ay huwag nawang makalimot ang mg̃a kaluluwang pilipino na lumuluwalhatì sa kabilang búhay...”

Ang binatá’y mulíng tumung̃ó, lumákad nang kauntî, bago dinúkot sa bulsá ang kanyáng orasán. Mag-iíkaánim ná ng̃ umága. Si Faure ay nanhík.

¡Kay panglaw doon sa bahay! Bihiráng matá ang walâng patak ng̃ luhà; bawa’t mukhâ ay larawan ng̃ isáng di masayod na lumbáy ng̃ kalulwá; sa bawa’t labì ay walâng pumupúlas kundî pawàng pagkahabág, panghihináyang, panaláng̃in, mg̃a buntong-hining̃á...

¡Kay kapal ng̃ mg̃a makikipaglibíng! Ang malakíng báhay ni Florante ay lumíit sa karamihan ng̃ táo. Lahát halos ng̃ mg̃a kaanib sa “Dakilàng Mithî” ay nahandoón. Si Gerardo lang ang walâ, papaano’y noon mg̃a sandaling iyon ay karárating lang niyá sa Maynilà.

Ika ánim na ganáp ng̃ umága nang ipanáog ang ataúl, na pinápalamutihan ng̃ isang matandâ at malápad na Bandilàng Pilipino.

Sa sambahan muna dinalá ang bangkay. Nang mulîng málabás, at nang tutung̃úhin na ang libing̃an, ay siyáng pagdatíng ng̃... (¡sinasabi na ng̃â bá ni tandâng Kulás!)... limáng kayumangging kawal ng̃ konstabulario at isángputêng pinunò, na taglay sa báywang ang isáng kumíkináng na sandata na sa kahabaan ay humíhiláhod sa lupà!...

Nagdidilim ang mukhâ ng̃ pinunò. Nang malapit sa ataul ay daglíng tumigil, nilabnót, iniwálat at niyurákan ang Bandilà!

Isángkasíngbilís ng̃ lintík ang noón din ay humaráp sa walâng-pitagang pinunò, at walâng sabi-sabi’y ikinintál pagdáka sa mukhâ nitó ang dalawâng sampál na sunód.

¡Kinilabútan ang láhat!

¡Gulóng katákot-tákot!

¡Ang gayóng kapang̃ahasán ng̃ isangkayumanggisa isang nakasableng pute, hanggá nang hanggá ay noón lang násaksihan ng̃ mg̃a táong iyon!

Sa sumunód na sandalî, ang Lakás at ang Kapangyarihan ná, ang siyang nagharì.

Ang kayumanggíng pang̃ahás ay pinagsunggabánan ng̃ mg̃a kawal ng̃ pamahalàan. Mg̃a dágok, tadyák, tung̃áyaw, pagláit, ang naghatid sa kanyá sa bilanggúan.

¡Kataka-taká ang kapal ng̃ táo na natípon sa sigalot na itó! Boông báyan halos! Karamíhan sa kanilá ay mg̃a lálaki—mg̃a laláking may mg̃a bísig at pag-iisip!... Gayón ma’y lahát ay walâng ginawâ kundî ang tumang̃á, manóod! mang̃iníg!! mamutlâ!!! matákot!!!!

Untî-untîng naáyos ang guló. Ang nabagabag na libíng ay naipatúloy din.

Noóng gabíng iyon, ang pinunò ng̃ “Konstable” ay dinalaw ng̃ isang kakilákilabot na panagínip. Isáng bangkáy ang napaginipan niyang tumayô nang dahan-dahan, lumákad, humaráp sa kanyá, itináas ang dalawângkamay at nagkakangdidilat sa pagsigaw ng̃: “Mane, Thecel, Phares!”

Sa katakutan yatà at pagkágulantáng ang makisig na pinunò ay kamuntî nang makálundág sa dung̃awán ng̃ kanyáng silid.

XXSiElíngat si Gerardo.Katanghalìang tapát.Sa isáng báhay na malíit at sa tabí ng̃ isáng dung̃awán, ay nakaupông magkaharáp si Elena at ang bathalà ng̃ kanyáng pusò, na noón lamang dumating.Ang binibini’y walâng kakibôkibô; nakatitíg sa dibdib ni Gerardo ang mapupung̃ay niyang matá, na pára bagáng pinipilit na mahuláan ang mg̃a damdaming doo’y nakukulóng. Ang binatà nama’y nakatung̃ó, kagát ang labì, sapúpo ang malápad na nóo ng̃ kánang kamáy, at... walâ ding imík; ang maminsan-minsang pagbuntóng-hining̃á, ang nagsisikláb na paning̃ín, ang nagdidilím na mukhâ, ang nóong kunót ay nagkákaisa sa pagpapahiwátig na hindî kaligayáhan ang itinitibók ng̃ pusò. Anó ang nangyayari sa táong itó? Dinadalaw kayâ ng̃ panibughó? Nagsisisi kayâ sa isáng nagawâng kasalanan?—“Ang mg̃a taksil!”—Itó ang nawikà ni Gerardo pagkaraan ng̃ ilang sandalî.—“Nagawâ nila iyón, at,.. diyatà nama’t ang bayang iya’y nakatiís?... Wala na namáng ginawâ kungdîang humalukipkip? Diyatà ba nama’t walâ ni isáng tumulong, walâ ni isáng nagsanggálang kay Faure? Walâ ba roón sina Leon, siná Marcelo? Walâ ba ni isáng laláki?”Si Elena ay íiling-iling na sumagót:—“Pusòng laláki?... Ay, Gerardo! Ni isa’y walâ! Siná Leon ay handoóng lahát.”—“Ng̃uni’t sa ng̃alan ng̃ Diyós, ano ang kaniláng ginawâ?”—“Walâng walâ kundî ang tuming̃ín!”—“Oh, tuming̃ín! tuming̃ín!!”—ang mapangláw na úlit ng̃ binatà.—“At patí bagá siná Leon ay nakiting̃ín? Díyata’t ang mg̃a ginoóng iyán na kung tawagi’y mg̃a makabayan—silá na sa tuwing magtatalumpati’y walâng ipinang̃ang̃alandákan kundidugo hangga’tkailang̃an!—díyata’t ang mg̃a ginoóng iya’y nakiting̃ín patí? Oh, tuming̃ín! Mang̃alandákan! Talagá bagáng táyo’y hanggán diyan na lang? Pulós na dilà at matá na lámang ang gagamítin? Ang áting bagáng mg̃a bísig sa habang panahon ay pananatilíhin sa pagkakahalukipkip? Di na bagá tayo magkakalóob na sila’y igaláw?...“Oh báyan! báyan!! Násaán ang iyóng dang̃al?... Násaán ang iyóng lakás?“Makapangyarihan ka sa lahát, ng̃uni’t,”—“Diyós lang ang makapangyayári sa kanyá;”—ang kaagad ay ipinútol ni Elíng.—“Ang mg̃amapanglúpig na táo at ibáng báyan ay hindî! Di ba gayón, Gerardo?”—“Túnay ang sábi mo, dapwa’t di siyang nangyayári.”—“Sawîng pálad na lahì ang átin!”Ang binata’y mulíng tumung̃ó at mulíng napipi. Nakaráan ang iláng sandalî. Kaginsaginsa’y itinaás ang úlo, at tumindíg.—“Bakit, Gerardo?”—ang usisà ni Elíng—“Anó angnangyayárisa iyó? Bakit ka nagkákaganyán?”—“Walâ, Elena! Akó muna’y magpapaalam.”—“Bákit, saán ka páparoón?”—“Walâ, may gágawin lang akó.”—“Matutulung̃an ba kitá?”—“Maraming salámat, Elíng!”—“Ano ang gágawin mo?”—“Tútupad ng̃ isáng katungkulan.”—“May miting ka bang dadaluhan?”—“Walâ.”—“Alíng katungkulan ang sinasábi mo?”—“Si Faure ay hahang̃úin ko sa bilangúan!...”—“Hahang̃úin mo?... sa bilangúan?”—“Oo, Elena, ililigtas ko, ililigtas kong pilit ang may loób na nagtanggol sa Dakilàng Watáwat!... Isáng kautusáng di tumpák sapagka’t udyók ng̃ simbuyó ng̃ loob, ang nagbabáwal sa paggamit ng̃ Bandilàng Pilipino;ng̃uni’t hindî dáhil sa pagbabáwal na iyán, ay maáarì nang siya’y yurákyurákan at dustâdustâin ng̃ síno mang harì-harìang ganid... Oh hindî!... Iyán ang watáwat na pinagkamatayáng sagipín ni Rizal, ni Bonifacio, at ng̃ libo-libo pang bayani ng̃ ating Kalayàan. Dahil sa watáwat na iyán nagpakamatáy ang aking nunò, ang aking mahál na amá, at mg̃a kapatíd!... At sakâ ng̃ayo’y hahamákin? Ah!... Ang pagtatanggól ni Faure ay isáng gawâng dakilà! isang kabayaníhan!... Dápat ko siyang abulúyan. Palalayáin ko at palalayáin ko kaagád ang bayáning laláki!”—“At papáno ang iyóng gágawin?”—“Kun hindî siya makúha sa pamamagitan ng̃ malulumánay at mapayapàng pang̃ang̃atwiran,... dadaánin ko sa dahás! Dahás ang sa kanya’y nagpások doón, maaárìng dahás lamang ang sa kanya’y magpápalabas!”Ang boses ni Gerardo ay nang̃ing̃inig. Ang mg̃a matá niyá ay nakapang̃ing̃ilabot.Si Elena’y kagyat namutlâ at warì baga’y nangliliít sa kanyáng pagkakáupô.—“Diyós ko!”—anya—“Ano ang iyong gagawín, Gerardo? Ako’y nahihintakútan!”—“Bakit, Elena? Hindî ba matwid ang aking úusigin?”—“Ipagpalagáy ko nang matwíd, subali’y bákit ka gagámit ng̃ dahás?”—“Hindî akó gagámit kundî kailang̃an; at ang lahát, kapag kailáng̃an ay dapat pang̃áhasán!”—“Dápat pang̃ahasán hanggáng di nalalábag sa mg̃a útos!”—“Oo, kung ang mg̃a útos na iya’y nasasálig na lahát sa katwiran!...“Matwíd ba ang ginawâng pag-lúpig at ang pagkábilanggo kay Faure?”—“Siya’y nagbúhat ng̃ kamáy sa kanyang kapwà!”—“Túnay! Dapwa’t bákit? Ah! Sapagka’t ang gánid na iyón sa kanyáng pagyúrak sa Dakilàng Watáwat, ay niyurakan ang púri, ang dang̃ál, ang kálulwá ng̃ boông Kapilipinuhan!...“Ah! Hindî mg̃a sampál ang sa kanya’y dápat igantí! Oh, dapat siyang magpasalámat at siya’y nasa sa gitnâ ng̃ mg̃a táongmatiisinatmababait. Dápat siyáng magpasalámat at.... Kung nagkátaon, oh! ¡ang báyang iyan na binubúlag ng̃ kaduwágan, ay nakamálas ng̃ mg̃a paták.... niring dugô!”—“Oh, Gerardo! Ikaw, kung minsán, ay kakilákilábot!Pinanglálamig mo akó!”—“Bakit, Elena? Natatakot ka bang mamatay akó sa pagtataguyod sa púri ng̃ mahál na Bandilà?”—“Oh hindî, Gerardo! Alám mo nang angpinakamatamís kong pang̃árap, ang pinakamaálab na nais niríng pusò na sa iyóng iyó lang umaása, ay ang makita kang namamayáni sa ikatutubós at ikalalayà ng̃ tinubúang lupà, ang makíta kang bangkáy sa piling ng̃ Sagisag ng̃ áting Búhay!... Hindî kailang̃ang ako’y maulíla sa iyó, hindî kailáng̃ang ako’y magdúsa, hindî kailáng̃ang ako’y magluksâ, tumáng̃is, at mag-isá sa habàng panáhon! Titiisín ko ang lahat álang-álang sa Inang-Báyan!”Napang̃itî si Gerardo. Ang mg̃a pang̃ung̃usap na iyón ay sumagád hanggang pusò niyá. Kinintalan ng̃ isang halík sa nóo ang kanyang paralúman, bago tinabánan ang nanglalamíg na kamay nitó.—“Maráming salamat, Elíng,”—anya—“Ng̃ayon ay tulutan mo nang ako’y yumáo.”—“Hintáy muna, Ardíng”—ang magíliw na samó ng̃ binibini—“Hindî mo pa nasásagót ang tanóng ko sa iyó kanina.”—“Alín iyón?”—“Ang pagpapalayà kay Faure. Sakali’t di mo matamó ang iyong hang̃ad sa pamamagitan ng̃ mabuting salitaan, papáno ang iyong gagawín?”—“Ah, sakâ mo na maaaláman!”—“Sabihin mo ng̃ayón sa ákin!”—“Sakâ ná!”Si Gerardo ay hindi na napapígil at nanáog agád. Si Elíng nama’y walâng nagawâ kungdî ang dumúng̃aw, sundan ng̃ ting̃in ang binatà, bilang̃in ang kanyang mg̃a hakbáng, at masdán kung saán siyá tutung̃o.Nang si Gerardo’y hindî maabót ng̃ kanyang matá, ang binibini’y mulíng humílig sa dúyan at inahágis ang ala-ála sa salitáan kang̃ína niláng dalawa.—“May katwiran si Ardíng!”—ang pabuntóng-hining̃áng nábigkas sa sarili, pagkaráan ng̃ ilang sandalî—“Kay hírap ng̃â namán ng̃ walâng kalayàan! Kung ang Pilipinas ay malayà, ang mg̃a gayong panglulúpig, at pag-alipustâ sa ating dang̃ál ay hindî mangyayari...“Kasákitsákit at pagkápait-pait na kalagáyan itong átin.“Ng̃uni’t lagì na ba lang táyo sa ganitó,—lagì na ba lang susúkot-súkot sa ilalim ng̃ isáng watawat na hindî átin? Lagì na ba lang talúnan at apí itóng áting báyan?...“Oh, hindî! Hindî, hindí mangyayari ang gayón! Nang lalang̃in ang Pilipinas ay hindî isinulat sa kanyang mukhâ ang pamagat naalipin. Hindî nilalang ang táo upang bumusábos ó pabúsábos sa ibá! Ang pagka-kayumanggí ng̃ ating balát ay hindî tandâ ng̃ isang kapalárangmababà; iyán ay búng̃a ng̃ sing̃aw ng̃ ating mg̃a kaparáng̃an at bundók!“Oh, di mangyayaring ang kalagáyan nating itó ay sa habang panahón ná! Ang Kasaysayan ng̃ Sangsinúkob ay boông linaw na inauúlat ang katotohánan na, kapag ang isang báyang nasasakúpan ay natútong huming̃î ng̃ kalayàan at pagsasarili, kapag ang báyang iyan ay napatunayan sa gawâ ang karapatán niyá sa minimithîng mg̃a biyayà,—ang báyang iyan madalî ó maláon, sa pamamagitan ó ng̃ kapayapàan ó ng̃ paghihimagsík, ay pilit na kakamtán ang kanyang nilaláyon....“May nagsasábing nagkakailáng̃an mulî ng̃ isáng paghihimagsík sa Pilipinas, upang mátamo ang pagsasariling pinipita.“Hindî akó sang-ayon sa gayóng madugông paghahakà. Hindî nararapat, hindî napapanahón, ni hindî kailáng̃an ang isáng paghihimagsík. Ang patalim ay dapat lamang hawakan kapág napadiwarà ná ang kahulihulíhang patak ng̃ pag-asa sa mapayapà at makatwirang pamamanhik sa báyang nakasasakop. Ang Pilipinas ay may pag-asa pa... Ako’y nananálig na may isang dakilàng Amerika na, sapagka’t may puri at dang̃al ay di papáyag magpakailan man na siya’y sumpâ-sumpáin ng̃ isang báyang inamis, at tawag-tawágingmagdaraya! bulaan!taksil! magnanakaw!... Ako’y nananálig na sapagka’t siya’y namayani at nagbuhos ng̃ dugông sarili sa dambanà ng̃ Kalayáan, ang báyang Amerikáno ay di malilinláng ang isang lahìng sa twî-twî na’y uháw sa isang malayàng búhay! Ako’y nananalíg na, sapagka’t siya’y matalino at hindî mangmang ang Amérika ay hindî magpapakáulól na magbibing̃ibing̃ihan sa mg̃a ipinagsisigáwang áral, balà at sumbát ng̃ Kasaysayan ng̃ Sangdaigdig. Ako’y nananálig na hindî siya magpapakáulól na papáris sa ipinamalas na mg̃a hidwâng kaasálan ng̃ mapanglúpig na Inglaterra at ng̃ mapangbusábos na España!“Oo, ang Pilipinas, ay mayroón pa ng̃âng pag-ása! At dahil dito’y isang katiwalìang dî mapatatáwad ang bumang̃on ng̃ayón at maghimagsík!“Ng̃uni’t... sa haráp ng̃ mg̃a pagdayà, pagláit,at pagdustâ sa dang̃ál ng̃ bayan, sa harap ng̃ mg̃a panglulupig at mg̃a kaasalang hidwâ na ginagawî dito ng̃ mg̃a harìharìan, ¿ay sino kayâ ang di mang̃ang̃ambá, sino kayâ ang di sasagìan sa gunitâ ng̃ maiitim na guníguní at madudugông ala-ala?...“Ah!... Pag ganyán nang ganyán, kapag di napútol ang mg̃a ganyang gawâ, kapag ang mg̃a nasaitaas ay di susugpuin ang kanilá dingkasagwâan, kapag ang mg̃a daing, hibik at sigaw ng̃ nang̃a saibabâ ay di didinggín... oh! ¿sino ang makapagsasabi, kapág nagkagayón ná?.... ¡Maaárì na ang Bayang iyan na ulirán sa pagtitiis, ay di makabatá sa anták ng̃ sugat!!... ¡Maaárì na ang Bayang iyan ay mabúlag sa laot ng̃ kanyang pagkaamis!!... ¡Maaárì na siya’y makalimot sa sarili, makalimot sa Diyos, makalimot na siya’y mahinà!... ¡¡Maaarì na ang mabang̃ís niyang dugô ay mágising at... kumulô!! ¡Maaárìng sumipót diyan ang mg̃a Bonifacio, ang mg̃a Elias, ang mg̃a Simoun, ang mg̃a Matanglawin, ang mg̃a Kabisang Tales!!...“Oh! Kapag nagkátaón!!...“Pagkasaklapsakláp na dilidilihin!...“Oh huwag! huwag, makatwirang Lang̃it! huwag tulutang mangyari ang gayong pagkapaitpait na bágay!!”...Ganitó ang mg̃a paghahakang sunod-sunod na sumagì sa pag-iisip ni Elena—mg̃a paghahakang kaipala’y dulot sa kanya ng̃ tang̃ang aklát na kinababasahan sa likod ng̃ mg̃a salitáng: “Noli me TángereatEl Filibusterismo.”

XXSiElíngat si Gerardo.

Katanghalìang tapát.Sa isáng báhay na malíit at sa tabí ng̃ isáng dung̃awán, ay nakaupông magkaharáp si Elena at ang bathalà ng̃ kanyáng pusò, na noón lamang dumating.Ang binibini’y walâng kakibôkibô; nakatitíg sa dibdib ni Gerardo ang mapupung̃ay niyang matá, na pára bagáng pinipilit na mahuláan ang mg̃a damdaming doo’y nakukulóng. Ang binatà nama’y nakatung̃ó, kagát ang labì, sapúpo ang malápad na nóo ng̃ kánang kamáy, at... walâ ding imík; ang maminsan-minsang pagbuntóng-hining̃á, ang nagsisikláb na paning̃ín, ang nagdidilím na mukhâ, ang nóong kunót ay nagkákaisa sa pagpapahiwátig na hindî kaligayáhan ang itinitibók ng̃ pusò. Anó ang nangyayari sa táong itó? Dinadalaw kayâ ng̃ panibughó? Nagsisisi kayâ sa isáng nagawâng kasalanan?—“Ang mg̃a taksil!”—Itó ang nawikà ni Gerardo pagkaraan ng̃ ilang sandalî.—“Nagawâ nila iyón, at,.. diyatà nama’t ang bayang iya’y nakatiís?... Wala na namáng ginawâ kungdîang humalukipkip? Diyatà ba nama’t walâ ni isáng tumulong, walâ ni isáng nagsanggálang kay Faure? Walâ ba roón sina Leon, siná Marcelo? Walâ ba ni isáng laláki?”Si Elena ay íiling-iling na sumagót:—“Pusòng laláki?... Ay, Gerardo! Ni isa’y walâ! Siná Leon ay handoóng lahát.”—“Ng̃uni’t sa ng̃alan ng̃ Diyós, ano ang kaniláng ginawâ?”—“Walâng walâ kundî ang tuming̃ín!”—“Oh, tuming̃ín! tuming̃ín!!”—ang mapangláw na úlit ng̃ binatà.—“At patí bagá siná Leon ay nakiting̃ín? Díyata’t ang mg̃a ginoóng iyán na kung tawagi’y mg̃a makabayan—silá na sa tuwing magtatalumpati’y walâng ipinang̃ang̃alandákan kundidugo hangga’tkailang̃an!—díyata’t ang mg̃a ginoóng iya’y nakiting̃ín patí? Oh, tuming̃ín! Mang̃alandákan! Talagá bagáng táyo’y hanggán diyan na lang? Pulós na dilà at matá na lámang ang gagamítin? Ang áting bagáng mg̃a bísig sa habang panahon ay pananatilíhin sa pagkakahalukipkip? Di na bagá tayo magkakalóob na sila’y igaláw?...“Oh báyan! báyan!! Násaán ang iyóng dang̃al?... Násaán ang iyóng lakás?“Makapangyarihan ka sa lahát, ng̃uni’t,”—“Diyós lang ang makapangyayári sa kanyá;”—ang kaagad ay ipinútol ni Elíng.—“Ang mg̃amapanglúpig na táo at ibáng báyan ay hindî! Di ba gayón, Gerardo?”—“Túnay ang sábi mo, dapwa’t di siyang nangyayári.”—“Sawîng pálad na lahì ang átin!”Ang binata’y mulíng tumung̃ó at mulíng napipi. Nakaráan ang iláng sandalî. Kaginsaginsa’y itinaás ang úlo, at tumindíg.—“Bakit, Gerardo?”—ang usisà ni Elíng—“Anó angnangyayárisa iyó? Bakit ka nagkákaganyán?”—“Walâ, Elena! Akó muna’y magpapaalam.”—“Bákit, saán ka páparoón?”—“Walâ, may gágawin lang akó.”—“Matutulung̃an ba kitá?”—“Maraming salámat, Elíng!”—“Ano ang gágawin mo?”—“Tútupad ng̃ isáng katungkulan.”—“May miting ka bang dadaluhan?”—“Walâ.”—“Alíng katungkulan ang sinasábi mo?”—“Si Faure ay hahang̃úin ko sa bilangúan!...”—“Hahang̃úin mo?... sa bilangúan?”—“Oo, Elena, ililigtas ko, ililigtas kong pilit ang may loób na nagtanggol sa Dakilàng Watáwat!... Isáng kautusáng di tumpák sapagka’t udyók ng̃ simbuyó ng̃ loob, ang nagbabáwal sa paggamit ng̃ Bandilàng Pilipino;ng̃uni’t hindî dáhil sa pagbabáwal na iyán, ay maáarì nang siya’y yurákyurákan at dustâdustâin ng̃ síno mang harì-harìang ganid... Oh hindî!... Iyán ang watáwat na pinagkamatayáng sagipín ni Rizal, ni Bonifacio, at ng̃ libo-libo pang bayani ng̃ ating Kalayàan. Dahil sa watáwat na iyán nagpakamatáy ang aking nunò, ang aking mahál na amá, at mg̃a kapatíd!... At sakâ ng̃ayo’y hahamákin? Ah!... Ang pagtatanggól ni Faure ay isáng gawâng dakilà! isang kabayaníhan!... Dápat ko siyang abulúyan. Palalayáin ko at palalayáin ko kaagád ang bayáning laláki!”—“At papáno ang iyóng gágawin?”—“Kun hindî siya makúha sa pamamagitan ng̃ malulumánay at mapayapàng pang̃ang̃atwiran,... dadaánin ko sa dahás! Dahás ang sa kanya’y nagpások doón, maaárìng dahás lamang ang sa kanya’y magpápalabas!”Ang boses ni Gerardo ay nang̃ing̃inig. Ang mg̃a matá niyá ay nakapang̃ing̃ilabot.Si Elena’y kagyat namutlâ at warì baga’y nangliliít sa kanyáng pagkakáupô.—“Diyós ko!”—anya—“Ano ang iyong gagawín, Gerardo? Ako’y nahihintakútan!”—“Bakit, Elena? Hindî ba matwid ang aking úusigin?”—“Ipagpalagáy ko nang matwíd, subali’y bákit ka gagámit ng̃ dahás?”—“Hindî akó gagámit kundî kailang̃an; at ang lahát, kapag kailáng̃an ay dapat pang̃áhasán!”—“Dápat pang̃ahasán hanggáng di nalalábag sa mg̃a útos!”—“Oo, kung ang mg̃a útos na iya’y nasasálig na lahát sa katwiran!...“Matwíd ba ang ginawâng pag-lúpig at ang pagkábilanggo kay Faure?”—“Siya’y nagbúhat ng̃ kamáy sa kanyang kapwà!”—“Túnay! Dapwa’t bákit? Ah! Sapagka’t ang gánid na iyón sa kanyáng pagyúrak sa Dakilàng Watáwat, ay niyurakan ang púri, ang dang̃ál, ang kálulwá ng̃ boông Kapilipinuhan!...“Ah! Hindî mg̃a sampál ang sa kanya’y dápat igantí! Oh, dapat siyang magpasalámat at siya’y nasa sa gitnâ ng̃ mg̃a táongmatiisinatmababait. Dápat siyáng magpasalámat at.... Kung nagkátaon, oh! ¡ang báyang iyan na binubúlag ng̃ kaduwágan, ay nakamálas ng̃ mg̃a paták.... niring dugô!”—“Oh, Gerardo! Ikaw, kung minsán, ay kakilákilábot!Pinanglálamig mo akó!”—“Bakit, Elena? Natatakot ka bang mamatay akó sa pagtataguyod sa púri ng̃ mahál na Bandilà?”—“Oh hindî, Gerardo! Alám mo nang angpinakamatamís kong pang̃árap, ang pinakamaálab na nais niríng pusò na sa iyóng iyó lang umaása, ay ang makita kang namamayáni sa ikatutubós at ikalalayà ng̃ tinubúang lupà, ang makíta kang bangkáy sa piling ng̃ Sagisag ng̃ áting Búhay!... Hindî kailang̃ang ako’y maulíla sa iyó, hindî kailáng̃ang ako’y magdúsa, hindî kailáng̃ang ako’y magluksâ, tumáng̃is, at mag-isá sa habàng panáhon! Titiisín ko ang lahat álang-álang sa Inang-Báyan!”Napang̃itî si Gerardo. Ang mg̃a pang̃ung̃usap na iyón ay sumagád hanggang pusò niyá. Kinintalan ng̃ isang halík sa nóo ang kanyang paralúman, bago tinabánan ang nanglalamíg na kamay nitó.—“Maráming salamat, Elíng,”—anya—“Ng̃ayon ay tulutan mo nang ako’y yumáo.”—“Hintáy muna, Ardíng”—ang magíliw na samó ng̃ binibini—“Hindî mo pa nasásagót ang tanóng ko sa iyó kanina.”—“Alín iyón?”—“Ang pagpapalayà kay Faure. Sakali’t di mo matamó ang iyong hang̃ad sa pamamagitan ng̃ mabuting salitaan, papáno ang iyong gagawín?”—“Ah, sakâ mo na maaaláman!”—“Sabihin mo ng̃ayón sa ákin!”—“Sakâ ná!”Si Gerardo ay hindi na napapígil at nanáog agád. Si Elíng nama’y walâng nagawâ kungdî ang dumúng̃aw, sundan ng̃ ting̃in ang binatà, bilang̃in ang kanyang mg̃a hakbáng, at masdán kung saán siyá tutung̃o.Nang si Gerardo’y hindî maabót ng̃ kanyang matá, ang binibini’y mulíng humílig sa dúyan at inahágis ang ala-ála sa salitáan kang̃ína niláng dalawa.—“May katwiran si Ardíng!”—ang pabuntóng-hining̃áng nábigkas sa sarili, pagkaráan ng̃ ilang sandalî—“Kay hírap ng̃â namán ng̃ walâng kalayàan! Kung ang Pilipinas ay malayà, ang mg̃a gayong panglulúpig, at pag-alipustâ sa ating dang̃ál ay hindî mangyayari...“Kasákitsákit at pagkápait-pait na kalagáyan itong átin.“Ng̃uni’t lagì na ba lang táyo sa ganitó,—lagì na ba lang susúkot-súkot sa ilalim ng̃ isáng watawat na hindî átin? Lagì na ba lang talúnan at apí itóng áting báyan?...“Oh, hindî! Hindî, hindí mangyayari ang gayón! Nang lalang̃in ang Pilipinas ay hindî isinulat sa kanyang mukhâ ang pamagat naalipin. Hindî nilalang ang táo upang bumusábos ó pabúsábos sa ibá! Ang pagka-kayumanggí ng̃ ating balát ay hindî tandâ ng̃ isang kapalárangmababà; iyán ay búng̃a ng̃ sing̃aw ng̃ ating mg̃a kaparáng̃an at bundók!“Oh, di mangyayaring ang kalagáyan nating itó ay sa habang panahón ná! Ang Kasaysayan ng̃ Sangsinúkob ay boông linaw na inauúlat ang katotohánan na, kapag ang isang báyang nasasakúpan ay natútong huming̃î ng̃ kalayàan at pagsasarili, kapag ang báyang iyan ay napatunayan sa gawâ ang karapatán niyá sa minimithîng mg̃a biyayà,—ang báyang iyan madalî ó maláon, sa pamamagitan ó ng̃ kapayapàan ó ng̃ paghihimagsík, ay pilit na kakamtán ang kanyang nilaláyon....“May nagsasábing nagkakailáng̃an mulî ng̃ isáng paghihimagsík sa Pilipinas, upang mátamo ang pagsasariling pinipita.“Hindî akó sang-ayon sa gayóng madugông paghahakà. Hindî nararapat, hindî napapanahón, ni hindî kailáng̃an ang isáng paghihimagsík. Ang patalim ay dapat lamang hawakan kapág napadiwarà ná ang kahulihulíhang patak ng̃ pag-asa sa mapayapà at makatwirang pamamanhik sa báyang nakasasakop. Ang Pilipinas ay may pag-asa pa... Ako’y nananálig na may isang dakilàng Amerika na, sapagka’t may puri at dang̃al ay di papáyag magpakailan man na siya’y sumpâ-sumpáin ng̃ isang báyang inamis, at tawag-tawágingmagdaraya! bulaan!taksil! magnanakaw!... Ako’y nananálig na sapagka’t siya’y namayani at nagbuhos ng̃ dugông sarili sa dambanà ng̃ Kalayáan, ang báyang Amerikáno ay di malilinláng ang isang lahìng sa twî-twî na’y uháw sa isang malayàng búhay! Ako’y nananalíg na, sapagka’t siya’y matalino at hindî mangmang ang Amérika ay hindî magpapakáulól na magbibing̃ibing̃ihan sa mg̃a ipinagsisigáwang áral, balà at sumbát ng̃ Kasaysayan ng̃ Sangdaigdig. Ako’y nananálig na hindî siya magpapakáulól na papáris sa ipinamalas na mg̃a hidwâng kaasálan ng̃ mapanglúpig na Inglaterra at ng̃ mapangbusábos na España!“Oo, ang Pilipinas, ay mayroón pa ng̃âng pag-ása! At dahil dito’y isang katiwalìang dî mapatatáwad ang bumang̃on ng̃ayón at maghimagsík!“Ng̃uni’t... sa haráp ng̃ mg̃a pagdayà, pagláit,at pagdustâ sa dang̃ál ng̃ bayan, sa harap ng̃ mg̃a panglulupig at mg̃a kaasalang hidwâ na ginagawî dito ng̃ mg̃a harìharìan, ¿ay sino kayâ ang di mang̃ang̃ambá, sino kayâ ang di sasagìan sa gunitâ ng̃ maiitim na guníguní at madudugông ala-ala?...“Ah!... Pag ganyán nang ganyán, kapag di napútol ang mg̃a ganyang gawâ, kapag ang mg̃a nasaitaas ay di susugpuin ang kanilá dingkasagwâan, kapag ang mg̃a daing, hibik at sigaw ng̃ nang̃a saibabâ ay di didinggín... oh! ¿sino ang makapagsasabi, kapág nagkagayón ná?.... ¡Maaárì na ang Bayang iyan na ulirán sa pagtitiis, ay di makabatá sa anták ng̃ sugat!!... ¡Maaárì na ang Bayang iyan ay mabúlag sa laot ng̃ kanyang pagkaamis!!... ¡Maaárì na siya’y makalimot sa sarili, makalimot sa Diyos, makalimot na siya’y mahinà!... ¡¡Maaarì na ang mabang̃ís niyang dugô ay mágising at... kumulô!! ¡Maaárìng sumipót diyan ang mg̃a Bonifacio, ang mg̃a Elias, ang mg̃a Simoun, ang mg̃a Matanglawin, ang mg̃a Kabisang Tales!!...“Oh! Kapag nagkátaón!!...“Pagkasaklapsakláp na dilidilihin!...“Oh huwag! huwag, makatwirang Lang̃it! huwag tulutang mangyari ang gayong pagkapaitpait na bágay!!”...Ganitó ang mg̃a paghahakang sunod-sunod na sumagì sa pag-iisip ni Elena—mg̃a paghahakang kaipala’y dulot sa kanya ng̃ tang̃ang aklát na kinababasahan sa likod ng̃ mg̃a salitáng: “Noli me TángereatEl Filibusterismo.”

Katanghalìang tapát.

Sa isáng báhay na malíit at sa tabí ng̃ isáng dung̃awán, ay nakaupông magkaharáp si Elena at ang bathalà ng̃ kanyáng pusò, na noón lamang dumating.

Ang binibini’y walâng kakibôkibô; nakatitíg sa dibdib ni Gerardo ang mapupung̃ay niyang matá, na pára bagáng pinipilit na mahuláan ang mg̃a damdaming doo’y nakukulóng. Ang binatà nama’y nakatung̃ó, kagát ang labì, sapúpo ang malápad na nóo ng̃ kánang kamáy, at... walâ ding imík; ang maminsan-minsang pagbuntóng-hining̃á, ang nagsisikláb na paning̃ín, ang nagdidilím na mukhâ, ang nóong kunót ay nagkákaisa sa pagpapahiwátig na hindî kaligayáhan ang itinitibók ng̃ pusò. Anó ang nangyayari sa táong itó? Dinadalaw kayâ ng̃ panibughó? Nagsisisi kayâ sa isáng nagawâng kasalanan?

—“Ang mg̃a taksil!”—Itó ang nawikà ni Gerardo pagkaraan ng̃ ilang sandalî.—“Nagawâ nila iyón, at,.. diyatà nama’t ang bayang iya’y nakatiís?... Wala na namáng ginawâ kungdîang humalukipkip? Diyatà ba nama’t walâ ni isáng tumulong, walâ ni isáng nagsanggálang kay Faure? Walâ ba roón sina Leon, siná Marcelo? Walâ ba ni isáng laláki?”

Si Elena ay íiling-iling na sumagót:

—“Pusòng laláki?... Ay, Gerardo! Ni isa’y walâ! Siná Leon ay handoóng lahát.”

—“Ng̃uni’t sa ng̃alan ng̃ Diyós, ano ang kaniláng ginawâ?”

—“Walâng walâ kundî ang tuming̃ín!”

—“Oh, tuming̃ín! tuming̃ín!!”—ang mapangláw na úlit ng̃ binatà.—“At patí bagá siná Leon ay nakiting̃ín? Díyata’t ang mg̃a ginoóng iyán na kung tawagi’y mg̃a makabayan—silá na sa tuwing magtatalumpati’y walâng ipinang̃ang̃alandákan kundidugo hangga’tkailang̃an!—díyata’t ang mg̃a ginoóng iya’y nakiting̃ín patí? Oh, tuming̃ín! Mang̃alandákan! Talagá bagáng táyo’y hanggán diyan na lang? Pulós na dilà at matá na lámang ang gagamítin? Ang áting bagáng mg̃a bísig sa habang panahon ay pananatilíhin sa pagkakahalukipkip? Di na bagá tayo magkakalóob na sila’y igaláw?...

“Oh báyan! báyan!! Násaán ang iyóng dang̃al?... Násaán ang iyóng lakás?

“Makapangyarihan ka sa lahát, ng̃uni’t,”

—“Diyós lang ang makapangyayári sa kanyá;”—ang kaagad ay ipinútol ni Elíng.—“Ang mg̃amapanglúpig na táo at ibáng báyan ay hindî! Di ba gayón, Gerardo?”

—“Túnay ang sábi mo, dapwa’t di siyang nangyayári.”

—“Sawîng pálad na lahì ang átin!”

Ang binata’y mulíng tumung̃ó at mulíng napipi. Nakaráan ang iláng sandalî. Kaginsaginsa’y itinaás ang úlo, at tumindíg.

—“Bakit, Gerardo?”—ang usisà ni Elíng—“Anó angnangyayárisa iyó? Bakit ka nagkákaganyán?”

—“Walâ, Elena! Akó muna’y magpapaalam.”

—“Bákit, saán ka páparoón?”

—“Walâ, may gágawin lang akó.”

—“Matutulung̃an ba kitá?”

—“Maraming salámat, Elíng!”

—“Ano ang gágawin mo?”

—“Tútupad ng̃ isáng katungkulan.”

—“May miting ka bang dadaluhan?”

—“Walâ.”

—“Alíng katungkulan ang sinasábi mo?”

—“Si Faure ay hahang̃úin ko sa bilangúan!...”

—“Hahang̃úin mo?... sa bilangúan?”

—“Oo, Elena, ililigtas ko, ililigtas kong pilit ang may loób na nagtanggol sa Dakilàng Watáwat!... Isáng kautusáng di tumpák sapagka’t udyók ng̃ simbuyó ng̃ loob, ang nagbabáwal sa paggamit ng̃ Bandilàng Pilipino;ng̃uni’t hindî dáhil sa pagbabáwal na iyán, ay maáarì nang siya’y yurákyurákan at dustâdustâin ng̃ síno mang harì-harìang ganid... Oh hindî!... Iyán ang watáwat na pinagkamatayáng sagipín ni Rizal, ni Bonifacio, at ng̃ libo-libo pang bayani ng̃ ating Kalayàan. Dahil sa watáwat na iyán nagpakamatáy ang aking nunò, ang aking mahál na amá, at mg̃a kapatíd!... At sakâ ng̃ayo’y hahamákin? Ah!... Ang pagtatanggól ni Faure ay isáng gawâng dakilà! isang kabayaníhan!... Dápat ko siyang abulúyan. Palalayáin ko at palalayáin ko kaagád ang bayáning laláki!”

—“At papáno ang iyóng gágawin?”

—“Kun hindî siya makúha sa pamamagitan ng̃ malulumánay at mapayapàng pang̃ang̃atwiran,... dadaánin ko sa dahás! Dahás ang sa kanya’y nagpások doón, maaárìng dahás lamang ang sa kanya’y magpápalabas!”

Ang boses ni Gerardo ay nang̃ing̃inig. Ang mg̃a matá niyá ay nakapang̃ing̃ilabot.

Si Elena’y kagyat namutlâ at warì baga’y nangliliít sa kanyáng pagkakáupô.

—“Diyós ko!”—anya—“Ano ang iyong gagawín, Gerardo? Ako’y nahihintakútan!”

—“Bakit, Elena? Hindî ba matwid ang aking úusigin?”

—“Ipagpalagáy ko nang matwíd, subali’y bákit ka gagámit ng̃ dahás?”

—“Hindî akó gagámit kundî kailang̃an; at ang lahát, kapag kailáng̃an ay dapat pang̃áhasán!”

—“Dápat pang̃ahasán hanggáng di nalalábag sa mg̃a útos!”

—“Oo, kung ang mg̃a útos na iya’y nasasálig na lahát sa katwiran!...

“Matwíd ba ang ginawâng pag-lúpig at ang pagkábilanggo kay Faure?”

—“Siya’y nagbúhat ng̃ kamáy sa kanyang kapwà!”

—“Túnay! Dapwa’t bákit? Ah! Sapagka’t ang gánid na iyón sa kanyáng pagyúrak sa Dakilàng Watáwat, ay niyurakan ang púri, ang dang̃ál, ang kálulwá ng̃ boông Kapilipinuhan!...

“Ah! Hindî mg̃a sampál ang sa kanya’y dápat igantí! Oh, dapat siyang magpasalámat at siya’y nasa sa gitnâ ng̃ mg̃a táongmatiisinatmababait. Dápat siyáng magpasalámat at.... Kung nagkátaon, oh! ¡ang báyang iyan na binubúlag ng̃ kaduwágan, ay nakamálas ng̃ mg̃a paták.... niring dugô!”

—“Oh, Gerardo! Ikaw, kung minsán, ay kakilákilábot!Pinanglálamig mo akó!”

—“Bakit, Elena? Natatakot ka bang mamatay akó sa pagtataguyod sa púri ng̃ mahál na Bandilà?”

—“Oh hindî, Gerardo! Alám mo nang angpinakamatamís kong pang̃árap, ang pinakamaálab na nais niríng pusò na sa iyóng iyó lang umaása, ay ang makita kang namamayáni sa ikatutubós at ikalalayà ng̃ tinubúang lupà, ang makíta kang bangkáy sa piling ng̃ Sagisag ng̃ áting Búhay!... Hindî kailang̃ang ako’y maulíla sa iyó, hindî kailáng̃ang ako’y magdúsa, hindî kailáng̃ang ako’y magluksâ, tumáng̃is, at mag-isá sa habàng panáhon! Titiisín ko ang lahat álang-álang sa Inang-Báyan!”

Napang̃itî si Gerardo. Ang mg̃a pang̃ung̃usap na iyón ay sumagád hanggang pusò niyá. Kinintalan ng̃ isang halík sa nóo ang kanyang paralúman, bago tinabánan ang nanglalamíg na kamay nitó.

—“Maráming salamat, Elíng,”—anya—“Ng̃ayon ay tulutan mo nang ako’y yumáo.”

—“Hintáy muna, Ardíng”—ang magíliw na samó ng̃ binibini—“Hindî mo pa nasásagót ang tanóng ko sa iyó kanina.”

—“Alín iyón?”

—“Ang pagpapalayà kay Faure. Sakali’t di mo matamó ang iyong hang̃ad sa pamamagitan ng̃ mabuting salitaan, papáno ang iyong gagawín?”

—“Ah, sakâ mo na maaaláman!”

—“Sabihin mo ng̃ayón sa ákin!”

—“Sakâ ná!”

Si Gerardo ay hindi na napapígil at nanáog agád. Si Elíng nama’y walâng nagawâ kungdî ang dumúng̃aw, sundan ng̃ ting̃in ang binatà, bilang̃in ang kanyang mg̃a hakbáng, at masdán kung saán siyá tutung̃o.

Nang si Gerardo’y hindî maabót ng̃ kanyang matá, ang binibini’y mulíng humílig sa dúyan at inahágis ang ala-ála sa salitáan kang̃ína niláng dalawa.

—“May katwiran si Ardíng!”—ang pabuntóng-hining̃áng nábigkas sa sarili, pagkaráan ng̃ ilang sandalî—“Kay hírap ng̃â namán ng̃ walâng kalayàan! Kung ang Pilipinas ay malayà, ang mg̃a gayong panglulúpig, at pag-alipustâ sa ating dang̃ál ay hindî mangyayari...

“Kasákitsákit at pagkápait-pait na kalagáyan itong átin.

“Ng̃uni’t lagì na ba lang táyo sa ganitó,—lagì na ba lang susúkot-súkot sa ilalim ng̃ isáng watawat na hindî átin? Lagì na ba lang talúnan at apí itóng áting báyan?...

“Oh, hindî! Hindî, hindí mangyayari ang gayón! Nang lalang̃in ang Pilipinas ay hindî isinulat sa kanyang mukhâ ang pamagat naalipin. Hindî nilalang ang táo upang bumusábos ó pabúsábos sa ibá! Ang pagka-kayumanggí ng̃ ating balát ay hindî tandâ ng̃ isang kapalárangmababà; iyán ay búng̃a ng̃ sing̃aw ng̃ ating mg̃a kaparáng̃an at bundók!

“Oh, di mangyayaring ang kalagáyan nating itó ay sa habang panahón ná! Ang Kasaysayan ng̃ Sangsinúkob ay boông linaw na inauúlat ang katotohánan na, kapag ang isang báyang nasasakúpan ay natútong huming̃î ng̃ kalayàan at pagsasarili, kapag ang báyang iyan ay napatunayan sa gawâ ang karapatán niyá sa minimithîng mg̃a biyayà,—ang báyang iyan madalî ó maláon, sa pamamagitan ó ng̃ kapayapàan ó ng̃ paghihimagsík, ay pilit na kakamtán ang kanyang nilaláyon....

“May nagsasábing nagkakailáng̃an mulî ng̃ isáng paghihimagsík sa Pilipinas, upang mátamo ang pagsasariling pinipita.

“Hindî akó sang-ayon sa gayóng madugông paghahakà. Hindî nararapat, hindî napapanahón, ni hindî kailáng̃an ang isáng paghihimagsík. Ang patalim ay dapat lamang hawakan kapág napadiwarà ná ang kahulihulíhang patak ng̃ pag-asa sa mapayapà at makatwirang pamamanhik sa báyang nakasasakop. Ang Pilipinas ay may pag-asa pa... Ako’y nananálig na may isang dakilàng Amerika na, sapagka’t may puri at dang̃al ay di papáyag magpakailan man na siya’y sumpâ-sumpáin ng̃ isang báyang inamis, at tawag-tawágingmagdaraya! bulaan!taksil! magnanakaw!... Ako’y nananálig na sapagka’t siya’y namayani at nagbuhos ng̃ dugông sarili sa dambanà ng̃ Kalayáan, ang báyang Amerikáno ay di malilinláng ang isang lahìng sa twî-twî na’y uháw sa isang malayàng búhay! Ako’y nananalíg na, sapagka’t siya’y matalino at hindî mangmang ang Amérika ay hindî magpapakáulól na magbibing̃ibing̃ihan sa mg̃a ipinagsisigáwang áral, balà at sumbát ng̃ Kasaysayan ng̃ Sangdaigdig. Ako’y nananálig na hindî siya magpapakáulól na papáris sa ipinamalas na mg̃a hidwâng kaasálan ng̃ mapanglúpig na Inglaterra at ng̃ mapangbusábos na España!

“Oo, ang Pilipinas, ay mayroón pa ng̃âng pag-ása! At dahil dito’y isang katiwalìang dî mapatatáwad ang bumang̃on ng̃ayón at maghimagsík!

“Ng̃uni’t... sa haráp ng̃ mg̃a pagdayà, pagláit,at pagdustâ sa dang̃ál ng̃ bayan, sa harap ng̃ mg̃a panglulupig at mg̃a kaasalang hidwâ na ginagawî dito ng̃ mg̃a harìharìan, ¿ay sino kayâ ang di mang̃ang̃ambá, sino kayâ ang di sasagìan sa gunitâ ng̃ maiitim na guníguní at madudugông ala-ala?...

“Ah!... Pag ganyán nang ganyán, kapag di napútol ang mg̃a ganyang gawâ, kapag ang mg̃a nasaitaas ay di susugpuin ang kanilá dingkasagwâan, kapag ang mg̃a daing, hibik at sigaw ng̃ nang̃a saibabâ ay di didinggín... oh! ¿sino ang makapagsasabi, kapág nagkagayón ná?.... ¡Maaárì na ang Bayang iyan na ulirán sa pagtitiis, ay di makabatá sa anták ng̃ sugat!!... ¡Maaárì na ang Bayang iyan ay mabúlag sa laot ng̃ kanyang pagkaamis!!... ¡Maaárì na siya’y makalimot sa sarili, makalimot sa Diyos, makalimot na siya’y mahinà!... ¡¡Maaarì na ang mabang̃ís niyang dugô ay mágising at... kumulô!! ¡Maaárìng sumipót diyan ang mg̃a Bonifacio, ang mg̃a Elias, ang mg̃a Simoun, ang mg̃a Matanglawin, ang mg̃a Kabisang Tales!!...

“Oh! Kapag nagkátaón!!...

“Pagkasaklapsakláp na dilidilihin!...

“Oh huwag! huwag, makatwirang Lang̃it! huwag tulutang mangyari ang gayong pagkapaitpait na bágay!!”...

Ganitó ang mg̃a paghahakang sunod-sunod na sumagì sa pag-iisip ni Elena—mg̃a paghahakang kaipala’y dulot sa kanya ng̃ tang̃ang aklát na kinababasahan sa likod ng̃ mg̃a salitáng: “Noli me TángereatEl Filibusterismo.”

XXIMatwíd ó Baluktót?Hating-gabí.Kinúkubkob ang boông báyan ng̃ isáng kadilimang nakapanghihilakbót.Ulap na sakdál ng̃ itím ang nagpápasung̃ít sa mukhâ ng̃ láng̃it.Walâ ni buwán, ni bitúin, ni talà. Ang lahát ng̃ mg̃a kaigá-igáyang hiyás na iyán ng̃ kalang̃itan ay áayaw pasilay, nagtatagòng parapara na anaki’y nagtatampó, nagsasawà at nasusuklám ná sa mapagkunwarî, at magdarayàng Sangkataúhan...Máliban sa manakâ-nakâng táhulan ng̃ mg̃a áso, maliban sa mg̃a idinahák-dahák at iniubó-ubó ng̃ mg̃a natutuyô, máliban sa huni ng̃ sári-sáring ibong nagdapò sa mg̃a púnong kahoy, maliban diya’y walâ ng̃ ing̃ay na madidinig.Lahát ay katahimíkan, dilím, kapanglawán.Sa isáng súlok ng̃ pinakaplazaó liwasán ng̃ Libís, ay may isáng táong nakatayô. Sino siya? Aywan. Ang kanyáng nóo, mg̃a matá at hanggang ilóng ay natataklubán ng̃ malapad napardyás ng̃ sambalilo; samantaláng ang babà nama’y nakukublí sa mahabàng pangliíg ng̃ kanyáng kapote.Ang pang̃ing̃iníg ng̃ katawán, ang pang̃ang̃atál ng̃ mg̃a labì, ang hawak na balaráw, ay paraparang nagpapahiwatig na ang táong itó ay maygagawin! may gágawíng isang bagay na kakilakilábot!...Nagkakanghahabà ang liíg ng̃ lalaki sa pagtanaw sa isang bahay na nakatayô sa kabilang panig ng̃ liwasán. Ang pintô ng̃ bahay ay nakabukás at sa loób ng̃ sílong ay may isáng ílaw na maliit. Sino ang nasa báhay na iyon? Ang kasintahan kayâ ng̃ lalaki? Ng̃uni’t bakit ang laláking ito ay may tagláy na sandata, bakit gayón na lang ang pang̃ing̃iníg ng̃ kanyáng kataúhan? Naglilo kayâ ang iniíbig? At itó bagá ang gabíng napilì niya úpang idáos ang paghihigantí?... Baká namán hindî, baká namán hindî naglílo ang kanyáng sinisintá, kundî may isáng taksil na ibig maglugsò noóng gabíng iyón sa púri ng̃ búhay ng̃ kanyáng búhay?Aywán din ng̃â.Samantala’y ating masdán ang mg̃a kílos ng̃ laláki. Hindî na siya ng̃ayón nakatigil, lumalákad ná at tinutung̃o ang báhay.Ang báhay na itó ay may tánod palá! isang nakabaril na ng̃ayo’y lumabás sa silong atlumuklók sa isang bangkô na nása sa labás ng̃ pintùan.Sandalî nating matyagan ang tánod. Siya’y may katandâan ná. Bukód pa sa pandak, ang katawán niya’y hukót at payát na payát. Ang mg̃a matá, ay di lang nagpapahiwatig na ang katawáng iyón ay pinanáwan ná ng̃ lahát ng̃ siglá, ng̃ lahat ng̃ ínit; inihahayág din namán nilá ang katotohanánan na, angkahabághabágna tánod ay may dalawáng gabí nang di nakatitikím ng̃ túlog.Sabíhin pa ba! Sa gayóng pátag at tahimik na pagkakaupô ay walâ siyáng nararamdamán kundî ang sa kanyang balintataw, ay ikínulbit-kulbít ni áling Antók; walâ siyáng nauulinígan kundî ang mahinhíng áwit ni Antok din; walâ siyáng nakikita kundî ang kanya ring kumaring Antok na sásayawsayaw at pupúng̃aypúng̃ay sa kanyang haráp.Ang bayáning bantay ay humikáb nang sunód-sunód; untî-untîng nalitó; untî-untîng umamín kay Antok; untî-untîng nayukáyok...Na siya’yguardiaat dahil dito’y di dapatyumukayok? Ay ano naman kun siya’yguardia, sa ang pinag-guguardiahannamán eh, iisa-isa at nakukulóng sa isang kulung̃an—isáng kulúng̃ang bakal ang mg̃a réhas, at nakasusì pa, at ang susì, ay nasa loob ng̃ kanyang bulsá?Na, baká siya’y lusúbin ng̃ mg̃a kaaway, samantálangnayuyukayok? Hús! Ay anó iyon? Gasino ná ang kalabitín ang kanyang baríl at gasino ná ang humiyáw ng̃ “Magnanákaw!!”Na, baká siya’y masubukan ng̃teniente—ng̃tenientengmabang̃ís?... Pshe! Síno ang masusubúkan—siyá? siyá na kung matulog eh kay bábaw-bábaw, na sa isang kaluskós ng̃ dagâ, sa isáng ing̃ít ng̃ bubwit, ay nagigising? At síno ang susúbok? angteniente?—angtenientenglumákad lang eh, nayáyanig ang lupà,—angtenientengwalâng tigil ng̃ ká-uubó at kadadahák, angtenientengpaglákad eh, humihilahod sa lupà ang sable—paghiláhod na kay ing̃ay-ing̃ay—ing̃ay na bumubuláhaw sa mg̃a áso, hanggáng mg̃a manók—mg̃a manók at áso na kapág nagpuputák at nagtatahól ay pilit na ikagigísing ng̃ lalòng matákaw sa pagtúlog?—Iyan angtenientengmakasusúbok sa kanyá?... Malayòng malayò, sing-layò ng̃ lang̃it sa lupà!At sakâ, bukód sa rito,mayukayokman siya, ay hindî naman tangkâ niyá angmatulogah! ¡¡Kundî angumigliplang ah!! ¿Ay anó angiglip?...Sa dúlo ng̃ mg̃a ganitóng paghahakà ang bibig ng̃ bantáy ay dáhandáhang nábuka, angmondo’ydáhandáhang nalímot at dáhandáhang tumulò ang ... aywan kung anó... mulâ sa... aywan kung saán.At sa gitnâ ng̃ gayóng pagkábuka ng̃ bibíg, sa gitnâ ng̃ gayóng pagkalímot samondo, sa gitnâ ng̃ gayóng pagtulò ng̃ ... aywan kung anó—ay siyangpagsulpótsa liwánag ng̃ ilaw, at paglundág sa kanyáng haráp ng̃ lálaking kanina’y tatayôtayô sa isang súlok ng̃ liwasán—ng̃ laláking may háwak na balaráw—balaráw na ng̃ayo’y nakatiín sa sikmurà ng̃ tánod!Ang nágulantang sa kanyáng pakikiuláyaw kay Antok, ay walâng nagawa kundî ang umígtad sa pagkakaupô, ipagng̃ang̃áhang lalò ang bibig at pandilatin ang mg̃a matá!Ang salitang “Magnanákaw!” ay hindî maisigaw!Ang baríl ay hindî mákalabít!—“Isáng kilos, isáng sigáw, at ikáw ay patay!”—ang pasalubong ng̃ kanyáng panaúhin...—“Naku pô!” ang marahang tugón.—“Ibíbigay mo ang bilanggô ó hindî?”—“Naku pô!”—“Sstt!... Sagutín akó... at madalî!”—“Ay papáno pô bá... ang gágawin ko sa iyá’y... itiniwalà... sa ákin!”—“Huwag mag-alaala... Ililigtás kitá... ako’y nang̃ang̃akò sa ilálim ng̃ áking dang̃ál.”—“Ay bakâ pô ako’y inyóng ululín... ay kaawà-awà pô...”—“Ha? at ipinalalagáy mo akong magdarayà?”—“Naku pô! hindi pô! patawád pô!”—“Anó? Ibibigáymoang bilanggô ó hindî?”—“Ay inakú pô! Huwag mo pong ididiín ang sundáng, at parang hinahalúkay ang aking tiyán!”—“Maúlit ka! Ibibigáy mo ó hindî?”—“Ibibigáy pô!”Noón din ay lumayà si Faure! Sa bugsô ng̃ ligaya, at pagmamahalan ang dalawáng magkatoto ay waláng naigáwad na pasalubong sa bawa’t isá kundî ang pipíng pagyayakapán.Kasáma ang tánod na kagyát nilísan ng̃ dalawá ang bilanggúan.Kinabukásan angtenientengyumúrak nang walâng patumanggâ sa Bandilàng Pilipino, ay nabalitàng patáy.Isang talibóng daw ang nakatárak sa dibdib ng̃ kahabaghabag na lumaláng sa kanya ring pagkasawî...Si Faure ay nakatákas sa ibang lupáin.Doón sa mg̃a kaparang̃á’t bundók ng̃ mg̃a báyang malalayà—doón sa di kilala ang kapangyarihan ng̃ táo sa kapwà tao,—doón sa di abót ng̃ mapanglúpig na mg̃a útos ng̃ isang pamahalàang mapagbusábos—doón siyá naniráhan,sa pilíng ng̃ mg̃a Tell, nang panátag ang pusò, payapà ang kalulwá’t pagiísip,—malayà katulad ng̃ ibon sa himpapawid,—maligáya katulad ng̃ bulaklák na hinahagkán ng̃ hamóg....WAKASNGBulalákaw ng̃ Pag-ása.

XXIMatwíd ó Baluktót?

Hating-gabí.Kinúkubkob ang boông báyan ng̃ isáng kadilimang nakapanghihilakbót.Ulap na sakdál ng̃ itím ang nagpápasung̃ít sa mukhâ ng̃ láng̃it.Walâ ni buwán, ni bitúin, ni talà. Ang lahát ng̃ mg̃a kaigá-igáyang hiyás na iyán ng̃ kalang̃itan ay áayaw pasilay, nagtatagòng parapara na anaki’y nagtatampó, nagsasawà at nasusuklám ná sa mapagkunwarî, at magdarayàng Sangkataúhan...Máliban sa manakâ-nakâng táhulan ng̃ mg̃a áso, maliban sa mg̃a idinahák-dahák at iniubó-ubó ng̃ mg̃a natutuyô, máliban sa huni ng̃ sári-sáring ibong nagdapò sa mg̃a púnong kahoy, maliban diya’y walâ ng̃ ing̃ay na madidinig.Lahát ay katahimíkan, dilím, kapanglawán.Sa isáng súlok ng̃ pinakaplazaó liwasán ng̃ Libís, ay may isáng táong nakatayô. Sino siya? Aywan. Ang kanyáng nóo, mg̃a matá at hanggang ilóng ay natataklubán ng̃ malapad napardyás ng̃ sambalilo; samantaláng ang babà nama’y nakukublí sa mahabàng pangliíg ng̃ kanyáng kapote.Ang pang̃ing̃iníg ng̃ katawán, ang pang̃ang̃atál ng̃ mg̃a labì, ang hawak na balaráw, ay paraparang nagpapahiwatig na ang táong itó ay maygagawin! may gágawíng isang bagay na kakilakilábot!...Nagkakanghahabà ang liíg ng̃ lalaki sa pagtanaw sa isang bahay na nakatayô sa kabilang panig ng̃ liwasán. Ang pintô ng̃ bahay ay nakabukás at sa loób ng̃ sílong ay may isáng ílaw na maliit. Sino ang nasa báhay na iyon? Ang kasintahan kayâ ng̃ lalaki? Ng̃uni’t bakit ang laláking ito ay may tagláy na sandata, bakit gayón na lang ang pang̃ing̃iníg ng̃ kanyáng kataúhan? Naglilo kayâ ang iniíbig? At itó bagá ang gabíng napilì niya úpang idáos ang paghihigantí?... Baká namán hindî, baká namán hindî naglílo ang kanyáng sinisintá, kundî may isáng taksil na ibig maglugsò noóng gabíng iyón sa púri ng̃ búhay ng̃ kanyáng búhay?Aywán din ng̃â.Samantala’y ating masdán ang mg̃a kílos ng̃ laláki. Hindî na siya ng̃ayón nakatigil, lumalákad ná at tinutung̃o ang báhay.Ang báhay na itó ay may tánod palá! isang nakabaril na ng̃ayo’y lumabás sa silong atlumuklók sa isang bangkô na nása sa labás ng̃ pintùan.Sandalî nating matyagan ang tánod. Siya’y may katandâan ná. Bukód pa sa pandak, ang katawán niya’y hukót at payát na payát. Ang mg̃a matá, ay di lang nagpapahiwatig na ang katawáng iyón ay pinanáwan ná ng̃ lahát ng̃ siglá, ng̃ lahat ng̃ ínit; inihahayág din namán nilá ang katotohanánan na, angkahabághabágna tánod ay may dalawáng gabí nang di nakatitikím ng̃ túlog.Sabíhin pa ba! Sa gayóng pátag at tahimik na pagkakaupô ay walâ siyáng nararamdamán kundî ang sa kanyang balintataw, ay ikínulbit-kulbít ni áling Antók; walâ siyáng nauulinígan kundî ang mahinhíng áwit ni Antok din; walâ siyáng nakikita kundî ang kanya ring kumaring Antok na sásayawsayaw at pupúng̃aypúng̃ay sa kanyang haráp.Ang bayáning bantay ay humikáb nang sunód-sunód; untî-untîng nalitó; untî-untîng umamín kay Antok; untî-untîng nayukáyok...Na siya’yguardiaat dahil dito’y di dapatyumukayok? Ay ano naman kun siya’yguardia, sa ang pinag-guguardiahannamán eh, iisa-isa at nakukulóng sa isang kulung̃an—isáng kulúng̃ang bakal ang mg̃a réhas, at nakasusì pa, at ang susì, ay nasa loob ng̃ kanyang bulsá?Na, baká siya’y lusúbin ng̃ mg̃a kaaway, samantálangnayuyukayok? Hús! Ay anó iyon? Gasino ná ang kalabitín ang kanyang baríl at gasino ná ang humiyáw ng̃ “Magnanákaw!!”Na, baká siya’y masubukan ng̃teniente—ng̃tenientengmabang̃ís?... Pshe! Síno ang masusubúkan—siyá? siyá na kung matulog eh kay bábaw-bábaw, na sa isang kaluskós ng̃ dagâ, sa isáng ing̃ít ng̃ bubwit, ay nagigising? At síno ang susúbok? angteniente?—angtenientenglumákad lang eh, nayáyanig ang lupà,—angtenientengwalâng tigil ng̃ ká-uubó at kadadahák, angtenientengpaglákad eh, humihilahod sa lupà ang sable—paghiláhod na kay ing̃ay-ing̃ay—ing̃ay na bumubuláhaw sa mg̃a áso, hanggáng mg̃a manók—mg̃a manók at áso na kapág nagpuputák at nagtatahól ay pilit na ikagigísing ng̃ lalòng matákaw sa pagtúlog?—Iyan angtenientengmakasusúbok sa kanyá?... Malayòng malayò, sing-layò ng̃ lang̃it sa lupà!At sakâ, bukód sa rito,mayukayokman siya, ay hindî naman tangkâ niyá angmatulogah! ¡¡Kundî angumigliplang ah!! ¿Ay anó angiglip?...Sa dúlo ng̃ mg̃a ganitóng paghahakà ang bibig ng̃ bantáy ay dáhandáhang nábuka, angmondo’ydáhandáhang nalímot at dáhandáhang tumulò ang ... aywan kung anó... mulâ sa... aywan kung saán.At sa gitnâ ng̃ gayóng pagkábuka ng̃ bibíg, sa gitnâ ng̃ gayóng pagkalímot samondo, sa gitnâ ng̃ gayóng pagtulò ng̃ ... aywan kung anó—ay siyangpagsulpótsa liwánag ng̃ ilaw, at paglundág sa kanyáng haráp ng̃ lálaking kanina’y tatayôtayô sa isang súlok ng̃ liwasán—ng̃ laláking may háwak na balaráw—balaráw na ng̃ayo’y nakatiín sa sikmurà ng̃ tánod!Ang nágulantang sa kanyáng pakikiuláyaw kay Antok, ay walâng nagawa kundî ang umígtad sa pagkakaupô, ipagng̃ang̃áhang lalò ang bibig at pandilatin ang mg̃a matá!Ang salitang “Magnanákaw!” ay hindî maisigaw!Ang baríl ay hindî mákalabít!—“Isáng kilos, isáng sigáw, at ikáw ay patay!”—ang pasalubong ng̃ kanyáng panaúhin...—“Naku pô!” ang marahang tugón.—“Ibíbigay mo ang bilanggô ó hindî?”—“Naku pô!”—“Sstt!... Sagutín akó... at madalî!”—“Ay papáno pô bá... ang gágawin ko sa iyá’y... itiniwalà... sa ákin!”—“Huwag mag-alaala... Ililigtás kitá... ako’y nang̃ang̃akò sa ilálim ng̃ áking dang̃ál.”—“Ay bakâ pô ako’y inyóng ululín... ay kaawà-awà pô...”—“Ha? at ipinalalagáy mo akong magdarayà?”—“Naku pô! hindi pô! patawád pô!”—“Anó? Ibibigáymoang bilanggô ó hindî?”—“Ay inakú pô! Huwag mo pong ididiín ang sundáng, at parang hinahalúkay ang aking tiyán!”—“Maúlit ka! Ibibigáy mo ó hindî?”—“Ibibigáy pô!”Noón din ay lumayà si Faure! Sa bugsô ng̃ ligaya, at pagmamahalan ang dalawáng magkatoto ay waláng naigáwad na pasalubong sa bawa’t isá kundî ang pipíng pagyayakapán.Kasáma ang tánod na kagyát nilísan ng̃ dalawá ang bilanggúan.Kinabukásan angtenientengyumúrak nang walâng patumanggâ sa Bandilàng Pilipino, ay nabalitàng patáy.Isang talibóng daw ang nakatárak sa dibdib ng̃ kahabaghabag na lumaláng sa kanya ring pagkasawî...Si Faure ay nakatákas sa ibang lupáin.Doón sa mg̃a kaparang̃á’t bundók ng̃ mg̃a báyang malalayà—doón sa di kilala ang kapangyarihan ng̃ táo sa kapwà tao,—doón sa di abót ng̃ mapanglúpig na mg̃a útos ng̃ isang pamahalàang mapagbusábos—doón siyá naniráhan,sa pilíng ng̃ mg̃a Tell, nang panátag ang pusò, payapà ang kalulwá’t pagiísip,—malayà katulad ng̃ ibon sa himpapawid,—maligáya katulad ng̃ bulaklák na hinahagkán ng̃ hamóg....WAKASNGBulalákaw ng̃ Pag-ása.

Hating-gabí.

Kinúkubkob ang boông báyan ng̃ isáng kadilimang nakapanghihilakbót.

Ulap na sakdál ng̃ itím ang nagpápasung̃ít sa mukhâ ng̃ láng̃it.

Walâ ni buwán, ni bitúin, ni talà. Ang lahát ng̃ mg̃a kaigá-igáyang hiyás na iyán ng̃ kalang̃itan ay áayaw pasilay, nagtatagòng parapara na anaki’y nagtatampó, nagsasawà at nasusuklám ná sa mapagkunwarî, at magdarayàng Sangkataúhan...

Máliban sa manakâ-nakâng táhulan ng̃ mg̃a áso, maliban sa mg̃a idinahák-dahák at iniubó-ubó ng̃ mg̃a natutuyô, máliban sa huni ng̃ sári-sáring ibong nagdapò sa mg̃a púnong kahoy, maliban diya’y walâ ng̃ ing̃ay na madidinig.

Lahát ay katahimíkan, dilím, kapanglawán.

Sa isáng súlok ng̃ pinakaplazaó liwasán ng̃ Libís, ay may isáng táong nakatayô. Sino siya? Aywan. Ang kanyáng nóo, mg̃a matá at hanggang ilóng ay natataklubán ng̃ malapad napardyás ng̃ sambalilo; samantaláng ang babà nama’y nakukublí sa mahabàng pangliíg ng̃ kanyáng kapote.

Ang pang̃ing̃iníg ng̃ katawán, ang pang̃ang̃atál ng̃ mg̃a labì, ang hawak na balaráw, ay paraparang nagpapahiwatig na ang táong itó ay maygagawin! may gágawíng isang bagay na kakilakilábot!...

Nagkakanghahabà ang liíg ng̃ lalaki sa pagtanaw sa isang bahay na nakatayô sa kabilang panig ng̃ liwasán. Ang pintô ng̃ bahay ay nakabukás at sa loób ng̃ sílong ay may isáng ílaw na maliit. Sino ang nasa báhay na iyon? Ang kasintahan kayâ ng̃ lalaki? Ng̃uni’t bakit ang laláking ito ay may tagláy na sandata, bakit gayón na lang ang pang̃ing̃iníg ng̃ kanyáng kataúhan? Naglilo kayâ ang iniíbig? At itó bagá ang gabíng napilì niya úpang idáos ang paghihigantí?... Baká namán hindî, baká namán hindî naglílo ang kanyáng sinisintá, kundî may isáng taksil na ibig maglugsò noóng gabíng iyón sa púri ng̃ búhay ng̃ kanyáng búhay?

Aywán din ng̃â.

Samantala’y ating masdán ang mg̃a kílos ng̃ laláki. Hindî na siya ng̃ayón nakatigil, lumalákad ná at tinutung̃o ang báhay.

Ang báhay na itó ay may tánod palá! isang nakabaril na ng̃ayo’y lumabás sa silong atlumuklók sa isang bangkô na nása sa labás ng̃ pintùan.

Sandalî nating matyagan ang tánod. Siya’y may katandâan ná. Bukód pa sa pandak, ang katawán niya’y hukót at payát na payát. Ang mg̃a matá, ay di lang nagpapahiwatig na ang katawáng iyón ay pinanáwan ná ng̃ lahát ng̃ siglá, ng̃ lahat ng̃ ínit; inihahayág din namán nilá ang katotohanánan na, angkahabághabágna tánod ay may dalawáng gabí nang di nakatitikím ng̃ túlog.

Sabíhin pa ba! Sa gayóng pátag at tahimik na pagkakaupô ay walâ siyáng nararamdamán kundî ang sa kanyang balintataw, ay ikínulbit-kulbít ni áling Antók; walâ siyáng nauulinígan kundî ang mahinhíng áwit ni Antok din; walâ siyáng nakikita kundî ang kanya ring kumaring Antok na sásayawsayaw at pupúng̃aypúng̃ay sa kanyang haráp.

Ang bayáning bantay ay humikáb nang sunód-sunód; untî-untîng nalitó; untî-untîng umamín kay Antok; untî-untîng nayukáyok...

Na siya’yguardiaat dahil dito’y di dapatyumukayok? Ay ano naman kun siya’yguardia, sa ang pinag-guguardiahannamán eh, iisa-isa at nakukulóng sa isang kulung̃an—isáng kulúng̃ang bakal ang mg̃a réhas, at nakasusì pa, at ang susì, ay nasa loob ng̃ kanyang bulsá?

Na, baká siya’y lusúbin ng̃ mg̃a kaaway, samantálangnayuyukayok? Hús! Ay anó iyon? Gasino ná ang kalabitín ang kanyang baríl at gasino ná ang humiyáw ng̃ “Magnanákaw!!”

Na, baká siya’y masubukan ng̃teniente—ng̃tenientengmabang̃ís?... Pshe! Síno ang masusubúkan—siyá? siyá na kung matulog eh kay bábaw-bábaw, na sa isang kaluskós ng̃ dagâ, sa isáng ing̃ít ng̃ bubwit, ay nagigising? At síno ang susúbok? angteniente?—angtenientenglumákad lang eh, nayáyanig ang lupà,—angtenientengwalâng tigil ng̃ ká-uubó at kadadahák, angtenientengpaglákad eh, humihilahod sa lupà ang sable—paghiláhod na kay ing̃ay-ing̃ay—ing̃ay na bumubuláhaw sa mg̃a áso, hanggáng mg̃a manók—mg̃a manók at áso na kapág nagpuputák at nagtatahól ay pilit na ikagigísing ng̃ lalòng matákaw sa pagtúlog?—Iyan angtenientengmakasusúbok sa kanyá?... Malayòng malayò, sing-layò ng̃ lang̃it sa lupà!

At sakâ, bukód sa rito,mayukayokman siya, ay hindî naman tangkâ niyá angmatulogah! ¡¡Kundî angumigliplang ah!! ¿Ay anó angiglip?...

Sa dúlo ng̃ mg̃a ganitóng paghahakà ang bibig ng̃ bantáy ay dáhandáhang nábuka, angmondo’ydáhandáhang nalímot at dáhandáhang tumulò ang ... aywan kung anó... mulâ sa... aywan kung saán.

At sa gitnâ ng̃ gayóng pagkábuka ng̃ bibíg, sa gitnâ ng̃ gayóng pagkalímot samondo, sa gitnâ ng̃ gayóng pagtulò ng̃ ... aywan kung anó—ay siyangpagsulpótsa liwánag ng̃ ilaw, at paglundág sa kanyáng haráp ng̃ lálaking kanina’y tatayôtayô sa isang súlok ng̃ liwasán—ng̃ laláking may háwak na balaráw—balaráw na ng̃ayo’y nakatiín sa sikmurà ng̃ tánod!

Ang nágulantang sa kanyáng pakikiuláyaw kay Antok, ay walâng nagawa kundî ang umígtad sa pagkakaupô, ipagng̃ang̃áhang lalò ang bibig at pandilatin ang mg̃a matá!

Ang salitang “Magnanákaw!” ay hindî maisigaw!

Ang baríl ay hindî mákalabít!

—“Isáng kilos, isáng sigáw, at ikáw ay patay!”—ang pasalubong ng̃ kanyáng panaúhin...

—“Naku pô!” ang marahang tugón.

—“Ibíbigay mo ang bilanggô ó hindî?”

—“Naku pô!”

—“Sstt!... Sagutín akó... at madalî!”

—“Ay papáno pô bá... ang gágawin ko sa iyá’y... itiniwalà... sa ákin!”

—“Huwag mag-alaala... Ililigtás kitá... ako’y nang̃ang̃akò sa ilálim ng̃ áking dang̃ál.”

—“Ay bakâ pô ako’y inyóng ululín... ay kaawà-awà pô...”

—“Ha? at ipinalalagáy mo akong magdarayà?”

—“Naku pô! hindi pô! patawád pô!”

—“Anó? Ibibigáymoang bilanggô ó hindî?”

—“Ay inakú pô! Huwag mo pong ididiín ang sundáng, at parang hinahalúkay ang aking tiyán!”

—“Maúlit ka! Ibibigáy mo ó hindî?”

—“Ibibigáy pô!”

Noón din ay lumayà si Faure! Sa bugsô ng̃ ligaya, at pagmamahalan ang dalawáng magkatoto ay waláng naigáwad na pasalubong sa bawa’t isá kundî ang pipíng pagyayakapán.

Kasáma ang tánod na kagyát nilísan ng̃ dalawá ang bilanggúan.

Kinabukásan angtenientengyumúrak nang walâng patumanggâ sa Bandilàng Pilipino, ay nabalitàng patáy.

Isang talibóng daw ang nakatárak sa dibdib ng̃ kahabaghabag na lumaláng sa kanya ring pagkasawî...

Si Faure ay nakatákas sa ibang lupáin.

Doón sa mg̃a kaparang̃á’t bundók ng̃ mg̃a báyang malalayà—doón sa di kilala ang kapangyarihan ng̃ táo sa kapwà tao,—doón sa di abót ng̃ mapanglúpig na mg̃a útos ng̃ isang pamahalàang mapagbusábos—doón siyá naniráhan,sa pilíng ng̃ mg̃a Tell, nang panátag ang pusò, payapà ang kalulwá’t pagiísip,—malayà katulad ng̃ ibon sa himpapawid,—maligáya katulad ng̃ bulaklák na hinahagkán ng̃ hamóg....

WAKASNGBulalákaw ng̃ Pag-ása.


Back to IndexNext