Ang salitang "KAMI" ay nagagamit n~g kahit, iisa't walang kasama, at siyang palaging kagamitan n~g m~ga maririkit managalog, gaya rin n~g salitang "SILA" na ginagamit at ipinapalit sa salitang "KAYO". Sa katunayan n~ga ay marikit pakingan ang PAALAM NA PU KÁMI SA KANILA" kay sa "PAALAM NA PU AKO SA INYO". Marikit pakingan ang "Magtuloy poSILAdine saAMIN" Kay sa "Magtuloy pu KAYO dini sa AKIN".

[7]
Kung hindi pa nalalaman n~g pinagpapa-alaman ang pan~galan n~g nagpapa-alam, ay kailan~gan sabihin.
Kung hindi pa nalalaman n~g pinagpapa-alaman ang pan~galan n~g nagpapa-alam, ay kailan~gan sabihin.
[8]
Mga Liham
Mga Liham
(LIHAM SA M~GA NAG-AASAWA).
M~ga G. G. Miguel Bantog at
Esther Dalisay.
M~ga piling kaibigan.
Tangapin pu nila ang masigabong tua na ambag niaring loob sa ikaliligaya hangang buhay nang kani lang malugod na pagiisang puso.
Ninanais ku po n~g taimtim sa calooban na abuluyan sila n~g lan~git n~g saganang biaya.
Na sa panunuyo.
Feliza Ilawdagat
Octubre 15-1906.
(LIHAM SA M~GA LUMULUSOK)
G. Jacob Pinkian.
Piling katoto:
Hinatdan kita n~g masayáng paonlak dahil sa paglusok mo sa iyong pinapasukan.
Ninanais kong ikaw ay dumakila sa íkadadan~gal nitong ating lupang tinubuan.
Sumasa-iyo.
Abdon Sinagaraw
Octubre 15-1906
(LIHAM SA NAMAMATAYAN)
G. Concepción Panghalina
Mahal na Ginoo:
Uma-anib pu ako n~g tunay na pagdamay sa kahapisang inilagak sa inyo n~g kamatayang sumamsam n~g mahalagang buhay n~g inyong nasirang kapatid.
¡Sumalan~git nawa siya!
Mag-utos pu sila.
Alberto Manin~gas
Octubre 15-1906.
(LIHAM SA KAPAN~GANACAN)
Ninay na giliw:
Binabati kita n~g boong tua dahil sa araw n~g iyong kapan~ganakan. Uma-anib ako sa iyon~g malugod na kasayahan at ninanais ko n~g taos sa puso na lumawig nawa ang iyong buhay sa gitna n~g lalong maligayang kapalaran:
Tangapin mo ang aking masintahing halik.
Ang iyong
Iday.
Octubre 15-1906.
G. CESAR PAN~GILINAN.
Mahal na Ginoo:
Ikinadadan~gal ku po ang aking pag-anib sa inyong malugod na kasayahan, dahil sa malubay na pagsupling n~g inyong giliw na asawa.
Ninanais kong ang bagong supling ay lumago, mamulaklak at magbun~ga sa ikagiginhawa n~g bayan.
Na sa pagpipitagan,
Leonardo Tagabundok.
Octubre 15-1906.