V

Decorative motif

Decorative motif

Nang kinabukasan at gabing madilimsa isang libing̃a'y naglalamay mandin,yaong si Ruperto;sa kinalagakan ng̃ bangkay ni Tuningdoon nakaluhod ng̃ lubhang taimtim.Ang kapayaang naghahari doonay ginagambala ng̃ kanyang pagtaghoy:«¡Ay, sawi kong palad!...»wikang naghinagpis saka idinugtong«¡buhay ng̃ buhay ko, patawad oh, poon!...»At bago tumayong yumakap sa kurus,luhang mapapait sa mata'y nanagos,matimyas na halikkanyang iginawad saka naghimutok«¡Tuning ng̃ buhay ko, tanggapin mo irog!...Iyan ay sagisag ng̃ aking pagibigat nariyan ka man sa bayang tahimikay di nililimotat sa bawa't tibok ng̃ puso sa dibdibpang̃alan mo lamang, siyang nasasambit.....»Mana'y napailag naganyong bayani,lumayo sa kurus at ipinagsabi:«¡Pusong magdaraya!...¡papatayin kita! ¡hayo na't magsisi!...¡kulang palad ka ng̃a, nasawing babai!...»Sandaling tumigil at tumawatawa,«¡Aba si Tuning ko, kay ganda mo pala!...»sa harap ng̃ kurusay muling lumuhog at humalik siya«¡Tanggapin mo irog at lambing ng̃ sinta!...»Anaki'y napasong biglang itinulakng̃ kurus na yaon noong kulang palad«¡Abá si Tuning ko!...at nagtatampo na, sa aking pagliyag ...¡ha!... ¡ha!... ¡ha!... ¡ay kahabaghabag!...Hayo na, hayo na, gapasin ang lugodnaito ang yaman, kandung̃in mo irog;¡aba't ng̃uming̃iti!...¡pusong magdaraya, salawahang loob,papatayin kita, dapat kang matapos!...At kung ang gaya mo, ay pababayaanglumawig sa mundo ng̃ dalita't lumbayay di malalagot,ang mg̃a panaghoy, ang mg̃a sumpaan ...¡aba si Tuning ko, nahihiya naman!...Ng̃uni't huwag Tuning, huwag kang tumañgis,ang pagsisisi mo'y aking naririnig;datapwa't irog ko,umahon ka rito't ako ay hahaliksa mg̃a pisng̃i mong sakdalan ng̃ dikit ...¿Di ka makalabás? sandaling magantayat babawasan ko ang tabon ng̃ hukay.»Lumapit sa kurus,tinutop ang noong wari'y nagninilaytuloy na binunot ang tanda ng̃ patay.«Kaunti na lamang, Tuning ng̃ buhay ko,huwag kang mainip at makakamtan mo;mithing kayamanan,aking hahawiin ang tabon sa iyo ...»at nagkukutkot ng̃ang anaki ay aso.Sa dulong silang̃an nama'y namanaagmasayang liwayway ng̃ araw ng̃ bukas,doon sa libing̃anay siyang pagpasok noong kulang paladbinatang si Osong, sawi sa pagliyag.Kanyang aaliwin ang dusa ng̃ loobdahil sa pagasang sinawi ng̃ lungkot;sa boong magdamag,ay di mang nagalay ng̃ munting pagtulogkung di pawang sakit, dalita't himutok.Subali't nabiglang natigil sa landasabang si Ruperto'y nang kanyang mamalasna nagkukukutkotdoon sa libing̃an noong kulang paladkasaliw sa hibik ang luhang nanatak.Ng̃uni't di napigil, sigabo ng̃ poot,patakbong lumapit sa nagkukukutkot;«¿Sino kang pang̃ahas,lilong gagambala, kay Tuning kong irog?na namamayapa sa kanyang pagtulog?...»Tugon ng̃ Rupertong wikang tumatang̃is«¡Ay Tuning!... ¡ay Tuning! ¡maawa ka lang̃it!...»at tuloy lumuhod,sa harap ni Osong at siya'y humalikkasabay ng̃ yakap na lubhang mahigpit.Ang poot ni Osong, lalong naglagablabkanyang iniwaksi, ang pagkakayakap;abang si Ruperto,sa maruming lupa'y nasubasob agadat napahandusay sa libing ng̃ liyag.Sinakyan ni Osong; pinigil sa batokat ang sundang niya'y madaling binunot,bago iniyakmang«¡Papatayin kita!... ¡dapat kang mataposnang makilala mo kung sino ang Diyos!...¿At bakit nang̃ahas dito sa libing̃an?¿bakit huhukayin ang sinta ng̃ buhay?¡pusong walang bait!kahi't anong sama, ng̃ taong sino mankapagka namatay, dapat mong igalang..»«¡Tuning ko! ¡Tuning ko!» ang nagiging tugon«¡oh, anong lupit mo, kay lakas mo ng̃ayon!.»tinablan ng̃ sindak,ang ating binatang may ng̃itng̃it na Osong,at ang yapus niya'y ¡tunay palang ulol!Tumang̃is ang puso, nagluksa ang dibdib,sisi, habag, hapis, sa kanya'y naniig,kaya't ibinang̃on;«¡Diyos ko! ¡Diyos ko! ¡mahabaging lang̃it,pawa na bang gabi, itong tinatawid!...At bago niyakap, kaharap na baliw«Sa aking inasal ako'y patawarin ...»tumbas ni Rupertoay isang mataos, halik na mariin,«¡Tuning ng̃ buhay ko, kay sarap mo giliw!...»«¡Diyos ko! ¡Diyos ko!» ang hibik ng̃ Osong,«¡pagkalupitlupit lakad ng̃ panahon!...»at kanyang inakayabang si Ruperto't wikang idinugtong«¡Tayo na! ¡tayo na!...» at sila'y yumaon.Habang lumalakad, dalawa'y nagsabayna isinusumpa ang abang namatay:«¡Oh, Tuning! ¡oh, Tuning!...¡ikaw ng̃a ang sanhi ng̃ lahat ng̃ lumbayng̃ayo'y tinatawid nitong aming buhay!...At pawa ng̃ gabing lubhang masusung̃itna kasindaksindak, tanghalan ng̃ sakit,ang siyang sa ng̃ayo'ylaging nilalayag ng̃ palad na amis,ikaw, ikaw Tuning, ang dahil ng̃ hapis ...Ng̃uni't masaklap man ang nasapit naminglaging naglalayag sa gabing madilim,pumayapa lamangikaw sa tahimik, mapanglaw na libingat sa amin yao'y kapalaran na rin ...»At doon natapos, ang lahat ng̃ sumpadoon din tumulo mapait na luha;¡oh, kahabaghabagna palad ni Tuning, babaing naabanatang̃i ang lang̃it, siyang nagluluksa!...¡Oh, taksil na pita sa dang̃al at yaman,ang lahat ng̃ ito'y iyong kasalanan;ang busabusin mo,kahi't man umidlip doon sa libing̃ansumpang sunodsunod, walang katapusan!...Pagka't sa bayan mang sinilang̃an niya,bawa't makabatid ay napapatawaat tang̃i sa sumpa,paghabag, pagiring ay isusunod pa:¡Nasawing Pagasa!... ¡Nasawing Pagasa!...

Nang kinabukasan at gabing madilimsa isang libing̃a'y naglalamay mandin,yaong si Ruperto;sa kinalagakan ng̃ bangkay ni Tuningdoon nakaluhod ng̃ lubhang taimtim.

Nang kinabukasan at gabing madilim

sa isang libing̃a'y naglalamay mandin,

yaong si Ruperto;

sa kinalagakan ng̃ bangkay ni Tuning

doon nakaluhod ng̃ lubhang taimtim.

Ang kapayaang naghahari doonay ginagambala ng̃ kanyang pagtaghoy:«¡Ay, sawi kong palad!...»wikang naghinagpis saka idinugtong«¡buhay ng̃ buhay ko, patawad oh, poon!...»

Ang kapayaang naghahari doon

ay ginagambala ng̃ kanyang pagtaghoy:

«¡Ay, sawi kong palad!...»

wikang naghinagpis saka idinugtong

«¡buhay ng̃ buhay ko, patawad oh, poon!...»

At bago tumayong yumakap sa kurus,luhang mapapait sa mata'y nanagos,matimyas na halikkanyang iginawad saka naghimutok«¡Tuning ng̃ buhay ko, tanggapin mo irog!...

At bago tumayong yumakap sa kurus,

luhang mapapait sa mata'y nanagos,

matimyas na halik

kanyang iginawad saka naghimutok

«¡Tuning ng̃ buhay ko, tanggapin mo irog!...

Iyan ay sagisag ng̃ aking pagibigat nariyan ka man sa bayang tahimikay di nililimotat sa bawa't tibok ng̃ puso sa dibdibpang̃alan mo lamang, siyang nasasambit.....»

Iyan ay sagisag ng̃ aking pagibig

at nariyan ka man sa bayang tahimik

ay di nililimot

at sa bawa't tibok ng̃ puso sa dibdib

pang̃alan mo lamang, siyang nasasambit.....»

Mana'y napailag naganyong bayani,lumayo sa kurus at ipinagsabi:«¡Pusong magdaraya!...¡papatayin kita! ¡hayo na't magsisi!...¡kulang palad ka ng̃a, nasawing babai!...»

Mana'y napailag naganyong bayani,

lumayo sa kurus at ipinagsabi:

«¡Pusong magdaraya!...

¡papatayin kita! ¡hayo na't magsisi!...

¡kulang palad ka ng̃a, nasawing babai!...»

Sandaling tumigil at tumawatawa,«¡Aba si Tuning ko, kay ganda mo pala!...»sa harap ng̃ kurusay muling lumuhog at humalik siya«¡Tanggapin mo irog at lambing ng̃ sinta!...»

Sandaling tumigil at tumawatawa,

«¡Aba si Tuning ko, kay ganda mo pala!...»

sa harap ng̃ kurus

ay muling lumuhog at humalik siya

«¡Tanggapin mo irog at lambing ng̃ sinta!...»

Anaki'y napasong biglang itinulakng̃ kurus na yaon noong kulang palad«¡Abá si Tuning ko!...at nagtatampo na, sa aking pagliyag ...¡ha!... ¡ha!... ¡ha!... ¡ay kahabaghabag!...

Anaki'y napasong biglang itinulak

ng̃ kurus na yaon noong kulang palad

«¡Abá si Tuning ko!...

at nagtatampo na, sa aking pagliyag ...

¡ha!... ¡ha!... ¡ha!... ¡ay kahabaghabag!...

Hayo na, hayo na, gapasin ang lugodnaito ang yaman, kandung̃in mo irog;¡aba't ng̃uming̃iti!...¡pusong magdaraya, salawahang loob,papatayin kita, dapat kang matapos!...

Hayo na, hayo na, gapasin ang lugod

naito ang yaman, kandung̃in mo irog;

¡aba't ng̃uming̃iti!...

¡pusong magdaraya, salawahang loob,

papatayin kita, dapat kang matapos!...

At kung ang gaya mo, ay pababayaanglumawig sa mundo ng̃ dalita't lumbayay di malalagot,ang mg̃a panaghoy, ang mg̃a sumpaan ...¡aba si Tuning ko, nahihiya naman!...

At kung ang gaya mo, ay pababayaang

lumawig sa mundo ng̃ dalita't lumbay

ay di malalagot,

ang mg̃a panaghoy, ang mg̃a sumpaan ...

¡aba si Tuning ko, nahihiya naman!...

Ng̃uni't huwag Tuning, huwag kang tumañgis,ang pagsisisi mo'y aking naririnig;datapwa't irog ko,umahon ka rito't ako ay hahaliksa mg̃a pisng̃i mong sakdalan ng̃ dikit ...

Ng̃uni't huwag Tuning, huwag kang tumañgis,

ang pagsisisi mo'y aking naririnig;

datapwa't irog ko,

umahon ka rito't ako ay hahalik

sa mg̃a pisng̃i mong sakdalan ng̃ dikit ...

¿Di ka makalabás? sandaling magantayat babawasan ko ang tabon ng̃ hukay.»Lumapit sa kurus,tinutop ang noong wari'y nagninilaytuloy na binunot ang tanda ng̃ patay.

¿Di ka makalabás? sandaling magantay

at babawasan ko ang tabon ng̃ hukay.»

Lumapit sa kurus,

tinutop ang noong wari'y nagninilay

tuloy na binunot ang tanda ng̃ patay.

«Kaunti na lamang, Tuning ng̃ buhay ko,huwag kang mainip at makakamtan mo;mithing kayamanan,aking hahawiin ang tabon sa iyo ...»at nagkukutkot ng̃ang anaki ay aso.

«Kaunti na lamang, Tuning ng̃ buhay ko,

huwag kang mainip at makakamtan mo;

mithing kayamanan,

aking hahawiin ang tabon sa iyo ...»

at nagkukutkot ng̃ang anaki ay aso.

Sa dulong silang̃an nama'y namanaagmasayang liwayway ng̃ araw ng̃ bukas,doon sa libing̃anay siyang pagpasok noong kulang paladbinatang si Osong, sawi sa pagliyag.

Sa dulong silang̃an nama'y namanaag

masayang liwayway ng̃ araw ng̃ bukas,

doon sa libing̃an

ay siyang pagpasok noong kulang palad

binatang si Osong, sawi sa pagliyag.

Kanyang aaliwin ang dusa ng̃ loobdahil sa pagasang sinawi ng̃ lungkot;sa boong magdamag,ay di mang nagalay ng̃ munting pagtulogkung di pawang sakit, dalita't himutok.

Kanyang aaliwin ang dusa ng̃ loob

dahil sa pagasang sinawi ng̃ lungkot;

sa boong magdamag,

ay di mang nagalay ng̃ munting pagtulog

kung di pawang sakit, dalita't himutok.

Subali't nabiglang natigil sa landasabang si Ruperto'y nang kanyang mamalasna nagkukukutkotdoon sa libing̃an noong kulang paladkasaliw sa hibik ang luhang nanatak.

Subali't nabiglang natigil sa landas

abang si Ruperto'y nang kanyang mamalas

na nagkukukutkot

doon sa libing̃an noong kulang palad

kasaliw sa hibik ang luhang nanatak.

Ng̃uni't di napigil, sigabo ng̃ poot,patakbong lumapit sa nagkukukutkot;«¿Sino kang pang̃ahas,lilong gagambala, kay Tuning kong irog?na namamayapa sa kanyang pagtulog?...»

Ng̃uni't di napigil, sigabo ng̃ poot,

patakbong lumapit sa nagkukukutkot;

«¿Sino kang pang̃ahas,

lilong gagambala, kay Tuning kong irog?

na namamayapa sa kanyang pagtulog?...»

Tugon ng̃ Rupertong wikang tumatang̃is«¡Ay Tuning!... ¡ay Tuning! ¡maawa ka lang̃it!...»at tuloy lumuhod,sa harap ni Osong at siya'y humalikkasabay ng̃ yakap na lubhang mahigpit.

Tugon ng̃ Rupertong wikang tumatang̃is

«¡Ay Tuning!... ¡ay Tuning! ¡maawa ka lang̃it!...»

at tuloy lumuhod,

sa harap ni Osong at siya'y humalik

kasabay ng̃ yakap na lubhang mahigpit.

Ang poot ni Osong, lalong naglagablabkanyang iniwaksi, ang pagkakayakap;abang si Ruperto,sa maruming lupa'y nasubasob agadat napahandusay sa libing ng̃ liyag.

Ang poot ni Osong, lalong naglagablab

kanyang iniwaksi, ang pagkakayakap;

abang si Ruperto,

sa maruming lupa'y nasubasob agad

at napahandusay sa libing ng̃ liyag.

Sinakyan ni Osong; pinigil sa batokat ang sundang niya'y madaling binunot,bago iniyakmang«¡Papatayin kita!... ¡dapat kang mataposnang makilala mo kung sino ang Diyos!...

Sinakyan ni Osong; pinigil sa batok

at ang sundang niya'y madaling binunot,

bago iniyakmang

«¡Papatayin kita!... ¡dapat kang matapos

nang makilala mo kung sino ang Diyos!...

¿At bakit nang̃ahas dito sa libing̃an?¿bakit huhukayin ang sinta ng̃ buhay?¡pusong walang bait!kahi't anong sama, ng̃ taong sino mankapagka namatay, dapat mong igalang..»

¿At bakit nang̃ahas dito sa libing̃an?

¿bakit huhukayin ang sinta ng̃ buhay?

¡pusong walang bait!

kahi't anong sama, ng̃ taong sino man

kapagka namatay, dapat mong igalang..»

«¡Tuning ko! ¡Tuning ko!» ang nagiging tugon«¡oh, anong lupit mo, kay lakas mo ng̃ayon!.»tinablan ng̃ sindak,ang ating binatang may ng̃itng̃it na Osong,at ang yapus niya'y ¡tunay palang ulol!

«¡Tuning ko! ¡Tuning ko!» ang nagiging tugon

«¡oh, anong lupit mo, kay lakas mo ng̃ayon!.»

tinablan ng̃ sindak,

ang ating binatang may ng̃itng̃it na Osong,

at ang yapus niya'y ¡tunay palang ulol!

Tumang̃is ang puso, nagluksa ang dibdib,sisi, habag, hapis, sa kanya'y naniig,kaya't ibinang̃on;«¡Diyos ko! ¡Diyos ko! ¡mahabaging lang̃it,pawa na bang gabi, itong tinatawid!...

Tumang̃is ang puso, nagluksa ang dibdib,

sisi, habag, hapis, sa kanya'y naniig,

kaya't ibinang̃on;

«¡Diyos ko! ¡Diyos ko! ¡mahabaging lang̃it,

pawa na bang gabi, itong tinatawid!...

At bago niyakap, kaharap na baliw«Sa aking inasal ako'y patawarin ...»tumbas ni Rupertoay isang mataos, halik na mariin,«¡Tuning ng̃ buhay ko, kay sarap mo giliw!...»

At bago niyakap, kaharap na baliw

«Sa aking inasal ako'y patawarin ...»

tumbas ni Ruperto

ay isang mataos, halik na mariin,

«¡Tuning ng̃ buhay ko, kay sarap mo giliw!...»

«¡Diyos ko! ¡Diyos ko!» ang hibik ng̃ Osong,«¡pagkalupitlupit lakad ng̃ panahon!...»at kanyang inakayabang si Ruperto't wikang idinugtong«¡Tayo na! ¡tayo na!...» at sila'y yumaon.

«¡Diyos ko! ¡Diyos ko!» ang hibik ng̃ Osong,

«¡pagkalupitlupit lakad ng̃ panahon!...»

at kanyang inakay

abang si Ruperto't wikang idinugtong

«¡Tayo na! ¡tayo na!...» at sila'y yumaon.

Habang lumalakad, dalawa'y nagsabayna isinusumpa ang abang namatay:«¡Oh, Tuning! ¡oh, Tuning!...¡ikaw ng̃a ang sanhi ng̃ lahat ng̃ lumbayng̃ayo'y tinatawid nitong aming buhay!...

Habang lumalakad, dalawa'y nagsabay

na isinusumpa ang abang namatay:

«¡Oh, Tuning! ¡oh, Tuning!...

¡ikaw ng̃a ang sanhi ng̃ lahat ng̃ lumbay

ng̃ayo'y tinatawid nitong aming buhay!...

At pawa ng̃ gabing lubhang masusung̃itna kasindaksindak, tanghalan ng̃ sakit,ang siyang sa ng̃ayo'ylaging nilalayag ng̃ palad na amis,ikaw, ikaw Tuning, ang dahil ng̃ hapis ...

At pawa ng̃ gabing lubhang masusung̃it

na kasindaksindak, tanghalan ng̃ sakit,

ang siyang sa ng̃ayo'y

laging nilalayag ng̃ palad na amis,

ikaw, ikaw Tuning, ang dahil ng̃ hapis ...

Ng̃uni't masaklap man ang nasapit naminglaging naglalayag sa gabing madilim,pumayapa lamangikaw sa tahimik, mapanglaw na libingat sa amin yao'y kapalaran na rin ...»

Ng̃uni't masaklap man ang nasapit naming

laging naglalayag sa gabing madilim,

pumayapa lamang

ikaw sa tahimik, mapanglaw na libing

at sa amin yao'y kapalaran na rin ...»

At doon natapos, ang lahat ng̃ sumpadoon din tumulo mapait na luha;¡oh, kahabaghabagna palad ni Tuning, babaing naabanatang̃i ang lang̃it, siyang nagluluksa!...

At doon natapos, ang lahat ng̃ sumpa

doon din tumulo mapait na luha;

¡oh, kahabaghabag

na palad ni Tuning, babaing naaba

natang̃i ang lang̃it, siyang nagluluksa!...

¡Oh, taksil na pita sa dang̃al at yaman,ang lahat ng̃ ito'y iyong kasalanan;ang busabusin mo,kahi't man umidlip doon sa libing̃ansumpang sunodsunod, walang katapusan!...

¡Oh, taksil na pita sa dang̃al at yaman,

ang lahat ng̃ ito'y iyong kasalanan;

ang busabusin mo,

kahi't man umidlip doon sa libing̃an

sumpang sunodsunod, walang katapusan!...

Pagka't sa bayan mang sinilang̃an niya,bawa't makabatid ay napapatawaat tang̃i sa sumpa,paghabag, pagiring ay isusunod pa:¡Nasawing Pagasa!... ¡Nasawing Pagasa!...

Pagka't sa bayan mang sinilang̃an niya,

bawa't makabatid ay napapatawa

at tang̃i sa sumpa,

paghabag, pagiring ay isusunod pa:

¡Nasawing Pagasa!... ¡Nasawing Pagasa!...

Parañgal sa Kumatha ñg ¡Nasawing Pagasa!

Kasamang Angel!Dahil sa pagkabasa ko ng iyong kathang ¡NASAWING PAGASA! na pangapat na buñga ng iyong panulat, sa pitak ng pahayagang ANG DEMOCRACIA ay natula ko ang sumusunod:

Kasamang Angel!

Dahil sa pagkabasa ko ng iyong kathang ¡NASAWING PAGASA! na pangapat na buñga ng iyong panulat, sa pitak ng pahayagang ANG DEMOCRACIA ay natula ko ang sumusunod:

Nang ikaw ay di ko nakikilala pa'tAng ilan mong katha ay aking mabasa,Akala ko mandi'y isa kang poetangMay sapat ng̃ gulang at pagkabihasa.Oo, akala ko, ikaw'y isa na rinSa mg̃a kilalang Santos, Matanglawin,Peña, Regalado, Mariano't Ben RubenNa, inuuban na sa gayong gawain.Dahil sa ang iyong mg̃a gawang kathaAy nang̃asusulat na lahat sa tula,Mg̃a tulang hindi pangsira sa wikaAt bagkus pangayos, pangbuhay sa diwa.Ng̃uni't sa limbagan ng̃ PamahalaanNang aking mamalas iyong kabataan:Yaong paghang̃a ko'y lalong naragdaganAt halos di kita mapaniwalaan.Isang katulad mo! isang batangbataAng makayayari ng̃ maraming katha;Mg̃a kathang busog sa mg̃a hiwaga ...At bihibihira ang nakagagawa?Sinong di hahang̃a sa dunong mong angkinLalo't sa lagay mo, ikaw, uuriin?Ah! di sa pang̃alan lamang ikaw Angel!Sa puso ma't diwa ikaw ay Angel din!Angel ka ng̃ang buhat doon sa OlimpoNa pinaparito ng̃ diyos Apolo,Upang makatulong sa pagbungkal ditoNg̃ mina ng̃ Wika nating Pilipino.Na, nang̃atatago sa parang at gubatAt sa mg̃a bundok na lubhang mataas;Sa sapa at batis sa ilog at dagatNa puno ng̃ mg̃a magandang alamat.Ang kasangkapan mo na iisaisaAng nang̃agagawa ay katakataka,Sa sama'y pangbuti, sa dung̃o'y pasiglaSa sira'y pangbuo't pangaliw sa dusa.Kasangkapang laging laan sa pagdamaySa nang̃aaapi at nahihirapan,Mabait na guro sa hang̃al ó mangmang,Sulong maliwanag sa nadidiliman.¡Oh, ang íyong diwa na nagpapagawaSa iyong panitik na gintong mistula,Ng̃ mg̃a puntahing banal at dakilaSa ikabubunyi ng̃ sariling Lupa!...Bayaan mong ako'y magpilit tumugtogSa aking kudyaping mahina at paos,Tanda ng̃ paghang̃a at pagpuring lubosSa mg̃a gawa mong dakila at bantog.

Nang ikaw ay di ko nakikilala pa'tAng ilan mong katha ay aking mabasa,Akala ko mandi'y isa kang poetangMay sapat ng̃ gulang at pagkabihasa.

Nang ikaw ay di ko nakikilala pa't

Ang ilan mong katha ay aking mabasa,

Akala ko mandi'y isa kang poetang

May sapat ng̃ gulang at pagkabihasa.

Oo, akala ko, ikaw'y isa na rinSa mg̃a kilalang Santos, Matanglawin,Peña, Regalado, Mariano't Ben RubenNa, inuuban na sa gayong gawain.

Oo, akala ko, ikaw'y isa na rin

Sa mg̃a kilalang Santos, Matanglawin,

Peña, Regalado, Mariano't Ben Ruben

Na, inuuban na sa gayong gawain.

Dahil sa ang iyong mg̃a gawang kathaAy nang̃asusulat na lahat sa tula,Mg̃a tulang hindi pangsira sa wikaAt bagkus pangayos, pangbuhay sa diwa.

Dahil sa ang iyong mg̃a gawang katha

Ay nang̃asusulat na lahat sa tula,

Mg̃a tulang hindi pangsira sa wika

At bagkus pangayos, pangbuhay sa diwa.

Ng̃uni't sa limbagan ng̃ PamahalaanNang aking mamalas iyong kabataan:Yaong paghang̃a ko'y lalong naragdaganAt halos di kita mapaniwalaan.

Ng̃uni't sa limbagan ng̃ Pamahalaan

Nang aking mamalas iyong kabataan:

Yaong paghang̃a ko'y lalong naragdagan

At halos di kita mapaniwalaan.

Isang katulad mo! isang batangbataAng makayayari ng̃ maraming katha;Mg̃a kathang busog sa mg̃a hiwaga ...At bihibihira ang nakagagawa?

Isang katulad mo! isang batangbata

Ang makayayari ng̃ maraming katha;

Mg̃a kathang busog sa mg̃a hiwaga ...

At bihibihira ang nakagagawa?

Sinong di hahang̃a sa dunong mong angkinLalo't sa lagay mo, ikaw, uuriin?Ah! di sa pang̃alan lamang ikaw Angel!Sa puso ma't diwa ikaw ay Angel din!

Sinong di hahang̃a sa dunong mong angkin

Lalo't sa lagay mo, ikaw, uuriin?

Ah! di sa pang̃alan lamang ikaw Angel!

Sa puso ma't diwa ikaw ay Angel din!

Angel ka ng̃ang buhat doon sa OlimpoNa pinaparito ng̃ diyos Apolo,Upang makatulong sa pagbungkal ditoNg̃ mina ng̃ Wika nating Pilipino.

Angel ka ng̃ang buhat doon sa Olimpo

Na pinaparito ng̃ diyos Apolo,

Upang makatulong sa pagbungkal dito

Ng̃ mina ng̃ Wika nating Pilipino.

Na, nang̃atatago sa parang at gubatAt sa mg̃a bundok na lubhang mataas;Sa sapa at batis sa ilog at dagatNa puno ng̃ mg̃a magandang alamat.

Na, nang̃atatago sa parang at gubat

At sa mg̃a bundok na lubhang mataas;

Sa sapa at batis sa ilog at dagat

Na puno ng̃ mg̃a magandang alamat.

Ang kasangkapan mo na iisaisaAng nang̃agagawa ay katakataka,Sa sama'y pangbuti, sa dung̃o'y pasiglaSa sira'y pangbuo't pangaliw sa dusa.

Ang kasangkapan mo na iisaisa

Ang nang̃agagawa ay katakataka,

Sa sama'y pangbuti, sa dung̃o'y pasigla

Sa sira'y pangbuo't pangaliw sa dusa.

Kasangkapang laging laan sa pagdamaySa nang̃aaapi at nahihirapan,Mabait na guro sa hang̃al ó mangmang,Sulong maliwanag sa nadidiliman.

Kasangkapang laging laan sa pagdamay

Sa nang̃aaapi at nahihirapan,

Mabait na guro sa hang̃al ó mangmang,

Sulong maliwanag sa nadidiliman.

¡Oh, ang íyong diwa na nagpapagawaSa iyong panitik na gintong mistula,Ng̃ mg̃a puntahing banal at dakilaSa ikabubunyi ng̃ sariling Lupa!...

¡Oh, ang íyong diwa na nagpapagawa

Sa iyong panitik na gintong mistula,

Ng̃ mg̃a puntahing banal at dakila

Sa ikabubunyi ng̃ sariling Lupa!...

Bayaan mong ako'y magpilit tumugtogSa aking kudyaping mahina at paos,Tanda ng̃ paghang̃a at pagpuring lubosSa mg̃a gawa mong dakila at bantog.

Bayaan mong ako'y magpilit tumugtog

Sa aking kudyaping mahina at paos,

Tanda ng̃ paghang̃a at pagpuring lubos

Sa mg̃a gawa mong dakila at bantog.

Leonardo L. Gomba.

Leonardo L. Gomba.

Maynila, S.P., Abril, 1910.

Maynila, S.P., Abril, 1910.

Maynila, S.P., Abril, 1910.

Advertisement

Advertisement


Back to IndexNext