I

IMGA PUSONG NAMANDAW NG KAPWA PUSOAng kapanglawang naghari ng̃ gabing yaon sa isang nayon ng̃ Pako ay binulahaw ng̃ pagtapat ng̃ ilang pusong namamandaw ng̃ kapwa puso. Noon ay isa sa mg̃a gabi ng̃ Enero; gabing napakalungkot, palibhasa’y mang̃ilangng̃ilang bituin lamang na nagbabansag ng̃ kadakilaan ng̃ Diyos, ang nagaantilaw sa nagtatampong lang̃it. Ang buwan noon ay nagmaramot ng̃ kanyang liwanag, at aywan kung saang sulok ng̃ kalawakan nagkubli ang kaibigan ng̃ gabi. Samantalang ang mg̃a kuliglig at panggabing ibon ay umaawit ng̃ tagumpay, ang mg̃a bulaklak naman ay ipinagpapalalo angkanilang bang̃o, alindog, at halimuyak. Ng̃uni’t, sa lahat ng̃ ito ay namamaibabaw ang tinig ng̃ mg̃a kalulwang idinadaing ang pagirog, gayong ang bahay na tinatapatan ay waring libing̃ang lahat ay natatahimik.Natapos ang pangbung̃ad na tugtog. Isinunod naman ang isangmagandang gabi pongkundiman. At dito’y tinawagan na ang dalagang pinipintuho. Sa pamamagitan ng̃ malalambing na tinig, ay naunawa ng̃ lahat ng̃ doroon, na si Dolores pala ang dinadaing̃an.Pagkatapos ng̃ kundimang yaon, ay siya nang pagbubukas ng̃ lang̃it. Ang lapat na durung̃awan ng̃ bahay na tahimik ay nabuklat. Isang diwata ng̃ bagong panahon, isang bituing mayaman sa ganda, ay siyang tumanglaw sa mg̃a pusong mapagpuyat; nagsabog ng̃ liwanag at tuwa.—Magandang gabi po!—ang magalang na bati ng̃ lahat ng̃ na sa lupa.—Magandang gabi po naman!—ang magiliw na tumbas ng̃ binibini—Tuloy kayo!... ¡tuloy!...Ang bahay na may kaliitan ay nagsikip sa labing tatlong kalulwang umakyat sa lang̃it.Ilang sandali lamang ang nakaraan at namayani na naman ang bigwela, biyolin, bandurya at plauta. Ang kaniláng tunog na tagapagtaboy ng̃ hapis, ay minsan pang nagtanghal ng̃ gilas.Sa isang dako naman ng̃ harapang yaon, ang magandang si Dolores, ay nagsasabog ng̃ kanyang yaman: ng̃ dilag at hinhin. Ang maayos na tabas ng̃ mukha ay napapatung̃an ng̃ maiitim na buhok. Ang mapupulang pisng̃i ay tumatapat sa matingkad na itim ng̃ kilay. Malalagong pilik-mata ang nagaalaga sa maamong malas. Isang katatagang tang̃os ng̃ ilong ang nagmamalaki sa madugong mg̃a labi. At nagiinamang mga ng̃ipin ang bakod ng̃ katamtamang bibig na binubukalan ng̃ magigiliw na pananalita.Samantalangangmg̃a kaharap ay isinasaloob ang pagpapasarap sa kanilang tugtugin, si Dolores naman ay isinasabog ang kanyang mg̃a sulyap at titig. Inisaisang lihim na minasdan ang mg̃a binatang yaon. Ang puso niya’y sisikdosikdo; parang giniginaw na nilalagnat. Alang̃ang magmalaki at alang̃ang mang̃imi.Sa isang dako naman, ay payapangnakikinig ang isang ginoo. Matabang sa mukha ay nababasa ang kagulang̃an na. Siya ay si kapitang Andoy na ama ni Dolores; ang kilala sa pang̃alang Alehandro Balderrama. Siya ay isa sa mg̃a kinaaalangalang̃anan sa daang yaon ng̃ Sagat. Baga man lipas na ay kapitan pa rin ang tawag sa kanya. Sa tabi nito ay mukhang napopoot, nakasimang̃ot, at maasim na maasim ang mukha, ng̃ kapitana Martina, ang ali ni Dolores. Marahil ay dahil sa pagkabulahaw sa kanyang tulog. Liban sa tatlong ito, kay Dolores, sa kanyang ama, at sa kanyang ali, lahat na ng̃doroonay kabilang na ng̃ mg̃a namamandaw ng̃ puso.«Loleng nalulungkot ako!...» ang manay siyang bung̃ad na kundiman noong binatang tagaawit. Isang malumbay na tugtog ang isinaliw naman ng̃ bigwela. Si Dolores ay napaling̃on sa di kinukusa at naabala tuloy na magpasigarilyo. Ang puso niya’y lalong nilagnat, at pinawisan siya ng̃ malamig. Irap naman ang itinugon ni kapitana Martina. At matapos ang magiliw na awit sa «...ay, Loleng ng̃ buhay ko!...»—Aling Loleng—ang saad ng̃ isang makisigna binatang kanina pa, ay mapupupuna na, na siya ang may patapat—ipinakikilala ko sa inyo ang aking kaibigan—at iniharap ang binatang umawit.—Bagong lingkod mo po;—ang sambot ng̃ ipinakilala.—Artemyo de la Pas.—Salamat po;—ang magiliw na tugon ng̃ dalaga—gayon din po naman: Dolores Balderrama.At sila’y nagkamayan, hanggang sa naipakilala ang lahat. Habang si kapitana Martina, ay lalong nagnining̃as ang poot, si Beteng naman, ang binatang may paharana, ay parang nagmamalaki sa kanyang mg̃a kaibigan. Bawa’t makasiping ay binulung̃an ng̃ «¿Bagay na ba sa akin?» Lihim na tatawa at panakaw na tititig sa masayang mukha ni Dolores. Hindi mapalagáy ang binata. Sa lahat ay masasayáng ng̃iti ang iniuukol. Palipatlipat ng̃ upo, at sa labing-dalawáng kasama ay siyá ang lalong masigla at nagtatalík sa galák.Ang katahimikan ay ginambala na naman ng̃ tugtugan. Parang sinasadyang binibiro ang pagkaasim ng̃ mukha ng̃ kapitana Martina. Ng̃uni’t ¡himala yata at biglang nagbago ang kunot na noo, noongmadinig na muli ang panambitan ni Artemyo! Masayang nakiumpok at siniping̃an ang kanyang ipinagmamalaking si Dolores.“Ay Loleng! ay Loleng!...ako’y mamamatay...kung hahabagin moang daing ng̃ buhay...”Iyan ang simula ng̃ mapanglaw na pagdaing, balot ng̃ taos na hinagpis, at sa tinig na waring nalulunod sa hirap.Sa kalagitnaan, ay nagpahalata ng̃ panibugho; panibugho na bung̃a ng̃ pagmamahal; at pagmamahal na likha ng̃ pagirog. Anya’y:Kung tumititig kasa ibang binata,ang buhay ko Lolengay papanaw yata...Lalong sinasal ng̃ pagtibok ang puso ni Dolores. Waring kinikiliti naman si kapitana Martina. Gayong nakang̃iti ng̃ galak ang inaantok na kapitang Andoy. Patuloy naman sa pagsasaloob ng̃ tugtog yaong labing tatlong panauhin.Napalaot ng̃ napalaot yaong si Artemyo sa pagawit. Halos tinig na lamang niya ang nagdidiwang sa loob ng̃ bahay. Dahil sa sarap ng̃ kundiman, kung minsan ay itirik ang mata sa ilaw na nakabitin. Ng̃uni’t lalong marami ang lihim na sulyap niya kay Dolores, ang nahuhuli ni matandang Martina.“Sa paglalaro mong̃ mg̃a bulaklakgunitain lamangang aba kong palad...”Iyan ang patuloy ng̃ binatang Artemyo sa kanyang pamamaibabaw. Sinasamantala naman itó ni Beteng upang kaulayawin ang kanyang pinopoon.—Aling Loleng,—ang wika—talaga pong sa kaibigan kong iyan ay ipinagkakatiwala ko ang aking boong buhay...—Gayon pala!—ang sambot ni Dolores—na ipinagkatiwala na ninyo sa kanya ang boong buhay ninyo, ay ¿bakit pa kayo sumama rito?—Ba!—ang tutol ni Beteng—ang ibig kong sabihin ay ipinagkakatiwala kong siya na ang dumaing ng̃ hirap ko...—Sapagka’t ang damdamin ng̃ puso ni Pedro ay maidadaing ng̃ bibíg ni Huwan....—Napopoot ba kayo?—ang maamong tanong ni Beteng na nakahalatang totoong mailap si Dolores. Napuna niyang ang mg̃a tugon sa kanya ay nasasaputan ng̃ suliranin.—Bakit ako mapopoot?—ang pakli ng̃ dalaga—sa ang katotohana’y ariin mang biro; ay ipinagtatapat kong walang itatagal ang aking puso sa kanyang panambitan....“Di ka na naawasa aking pagdaing:buhay ng̃ buhay koligaya at aliw...”Ang waring pakikihalobilo ng̃ kundiman na ikinauntol ng̃ pagsasalaysay ni Dolores. Sandali silang nanahimik, bago nagsalita si Beteng ng̃:—Diyata’t ¿wala kayong itatagal sa kanyang panambitan?—Kung wariin ko—ang salo ng̃ dalaga.—Sa gayo’y namamanaag na ang aking tagumpay!—At bakit po?—Di ba sinabi ninyong nahahabag ang puso ninyo sa kanyang panambitan?—Opo.—Di nababagbag na ang loob ninyo sa akin? Sapagka’t ang daing ni Artemyo ay siyang daing ko....—Gayon po ba?—Sinabi ko na pong ipinagkakatiwala ko sa kanya ang boong buhay ko.—Ah, ¡mali kayo! ¡Iba si Artemyo kay Beteng! Ang daing ni Artemyo ay buhat sa kanyang puso kaya ang pagkahabag doon, ay pagkahabag sa kanyang pagkatao.....—Nagbibiro yata kayo!—Hindi. At ¿bakit ko kayo bibiruin?—Aling Loleng!—Talagang totoo: ang puso ko’y nababagbag sa kanyang panambitan. ¡Kay tamis niyang umawit! ¡Kay sarap dumaing!—Aling Loleng!¡Nilulunod ninyo ako!...Hindi sumagot ang dalaga ng̃uni’t ang malas ang pinapagsalita. Tinitigan si Beteng ng̃ titig na makahulugan. Aywan kung bakit kinuha nito ang kanyang sombrero at matuling umalis. Nilisan ang kanyang mg̃a kaibigan at kasama ng̃ walang pasintabi. Sa katamisanng̃ kundiman ni Artemyo ay di naman siya napuna. Liban kay Dolores, angmahinhingsi Loleng, ay walang nakaino. Ito lamang ang nakatatarok na si Beteng ay yumaong may taglay na poot at banta. May poot sapagka’t nabigla siya sa mg̃a tugon ni Dolores. At may banta sapagka’t nalalamang̃an siya ni Artemyo. Anaki’y isáng bayang nilubugán ng̃ araw ang dibdib niyáng binabayó ng̃ pagng̃ing̃itng̃it.“Titigil na namanako sa pagdaing,na nagaantabayng̃ awa mo Loleng...”Diyan natapos ang malungkot ng̃uni’t magiliw na kundiman, na dinaluhan ng̃ nakakikiliting taginting ng̃ bigwela at biyolin.Hindi napigilan ni kapitana Martina ang kanyang palakpak; datapwa’t si kapitang Andoy ay tinalo na tuloy ng̃ antok.—Salamat po—ang magiliw na sabi ng̃ ating dalaga, bago pinagukulan si Artemyo ng̃—¡Kay buti pala ninyong umawit!...—Baka kung ano na po iyan?—ang may hiyang pakli ng̃ binatang pinuri.Ang usisaang “¿nahan si Beteng?” ay siyang pumigil sa dalaga upang tugunin ang binata. Isa’t isa’y nagtanung̃an. Sa tanóng ay tanong din ang itinutumbas. Kaya’t nagdiwang ang aling̃asng̃as at lahat, liban kay Dolores at sa nakakatulog na kapitang Andoy, ay pinagharian ng̃ pagtataka.—Marahil ay may sumundo—ang saad ni kapitana Martina.—Magpaalam na tayo—ang lihim namang anyaya ng̃ may hawak ng̃ bigwela sa kanyang katabi.—Siya ng̃a—angayonnaman nito.—Tayo na—ang ulit ng̃ isa.—Gabi na tayo—ang patuloy ng̃ iba.At lahat ay pinatahimik na naman ng̃ tagingting ng̃ tuwa. Tumugtog sila ng̃ isang pangwakas. Si Artemyo noon ay napatabi.—Aalis na ba kayo?—ang tanong ni Dolores sa mapalad na binata.—Opo,—ang tugon nito—sapagka’t totoong mababagabag kayo.—Wala po kayong aalalahanin.—Salamat po.—Kayo pala’y kinatawan ni mang Beteng—ang may ng̃iting salaysay ng̃ dalaga.—Siya pong totoo.—Di ang inawit ninyo’y parang inawit nila?—Gayon ng̃a po.—At ang panambitan ninyo ay panambitan nila?—Yaon po ang dapat.—Nagkasala ako!—ang waring hinampo ng̃ dakilang babai—boong akala ko’y lahat ng̃ inyong inawit ay bukal sa inyong puso, mula sa ubod ng̃ inyong buhay!...Kinabahan si Artemyo ng̃ marinig ito. Ang puso niya’y di mapalagay. Parang binabayo ang kanyang dibdib. Sampung paghing̃a ay nang̃ang̃apos. ¡Kaawaawang kalulwá sagitnang̃ kagipitan! At ang boóng pagkatao niya’y dagling sumuko sa gayóng dilág. Subali’t ang kapalaran ay itinapat siya sa landas na dapat tuntunin. At anya’y:—Ikaw po ang masusunod: maiyuukol mo saan man ibigin, at di malilihis ang iyong akala...Hindi tumugon ang dalaga at sinamantala ni Artemyo:—Aling Loleng, kung batid mo lamang ang itinitibok ng̃ aking loob, ang iniluluha ng̃ aking puso, ay sasabihin mong ako’y sinung̃aling....—At hindi ba kayo sinung̃aling?—ang dugtong ng̃ dalaga—¿Di ba kasinung̃aling̃an ang maglahad ng̃ wala sa loob?—Wala sa loób!—Kayo na rin po ang nagsabi.—Yaon po’y lambing lamang ng̃ pusong nagtataglay ng̃ hiya.... Isang pakunwari ng̃ pagibig na nagaalang̃an sa dakila mong ganda....—Nagaalang̃an?—Opo, aling Loleng, at baka di maging dapat na maglingkod sa inyo....Tinotoo na ni Artemyo ang pang̃ung̃umpisal. Nilimot na niya ang kanyang tungkulin. Hindi na naaalaalang siya ay kasangkapan ni Beteng. Wala na sa gunitang siya ay bibig lamang ng̃ kanyang kaibigan.Si Dolores, ang mabining dalaga na sumuko ang puso sa mg̃a pagawit ni Artemyo, ay parang nagayuma. Sa kanyang mukha at pang̃ung̃usap ay nalalarawan ang paggiliw na nabihag ng̃ mapalad na binata.Sa pagtititigan ng̃ dalawang kalulwa ay natapos ang pangwakas na tugtog. Ang mg̃a namamandaw ng̃ puso ay nagtayuan na. Isa’t isang nagpaalam at nakipagkamay sa bunying binibini. Ang pagkakataon ay di sinayang ni Artemyo. Siya ang nagpahuli sa lahat. Kinamayan niya ng̃ boong higpit si Dolores at dinamdam naman nito ang katuturan noon. Mg̃a titig nila ang nagpalitan ng̃ damdamin ng̃ kanilang dibdib.Doon natapos ang masayang gabi.

IMGA PUSONG NAMANDAW NG KAPWA PUSO

Ang kapanglawang naghari ng̃ gabing yaon sa isang nayon ng̃ Pako ay binulahaw ng̃ pagtapat ng̃ ilang pusong namamandaw ng̃ kapwa puso. Noon ay isa sa mg̃a gabi ng̃ Enero; gabing napakalungkot, palibhasa’y mang̃ilangng̃ilang bituin lamang na nagbabansag ng̃ kadakilaan ng̃ Diyos, ang nagaantilaw sa nagtatampong lang̃it. Ang buwan noon ay nagmaramot ng̃ kanyang liwanag, at aywan kung saang sulok ng̃ kalawakan nagkubli ang kaibigan ng̃ gabi. Samantalang ang mg̃a kuliglig at panggabing ibon ay umaawit ng̃ tagumpay, ang mg̃a bulaklak naman ay ipinagpapalalo angkanilang bang̃o, alindog, at halimuyak. Ng̃uni’t, sa lahat ng̃ ito ay namamaibabaw ang tinig ng̃ mg̃a kalulwang idinadaing ang pagirog, gayong ang bahay na tinatapatan ay waring libing̃ang lahat ay natatahimik.Natapos ang pangbung̃ad na tugtog. Isinunod naman ang isangmagandang gabi pongkundiman. At dito’y tinawagan na ang dalagang pinipintuho. Sa pamamagitan ng̃ malalambing na tinig, ay naunawa ng̃ lahat ng̃ doroon, na si Dolores pala ang dinadaing̃an.Pagkatapos ng̃ kundimang yaon, ay siya nang pagbubukas ng̃ lang̃it. Ang lapat na durung̃awan ng̃ bahay na tahimik ay nabuklat. Isang diwata ng̃ bagong panahon, isang bituing mayaman sa ganda, ay siyang tumanglaw sa mg̃a pusong mapagpuyat; nagsabog ng̃ liwanag at tuwa.—Magandang gabi po!—ang magalang na bati ng̃ lahat ng̃ na sa lupa.—Magandang gabi po naman!—ang magiliw na tumbas ng̃ binibini—Tuloy kayo!... ¡tuloy!...Ang bahay na may kaliitan ay nagsikip sa labing tatlong kalulwang umakyat sa lang̃it.Ilang sandali lamang ang nakaraan at namayani na naman ang bigwela, biyolin, bandurya at plauta. Ang kaniláng tunog na tagapagtaboy ng̃ hapis, ay minsan pang nagtanghal ng̃ gilas.Sa isang dako naman ng̃ harapang yaon, ang magandang si Dolores, ay nagsasabog ng̃ kanyang yaman: ng̃ dilag at hinhin. Ang maayos na tabas ng̃ mukha ay napapatung̃an ng̃ maiitim na buhok. Ang mapupulang pisng̃i ay tumatapat sa matingkad na itim ng̃ kilay. Malalagong pilik-mata ang nagaalaga sa maamong malas. Isang katatagang tang̃os ng̃ ilong ang nagmamalaki sa madugong mg̃a labi. At nagiinamang mga ng̃ipin ang bakod ng̃ katamtamang bibig na binubukalan ng̃ magigiliw na pananalita.Samantalangangmg̃a kaharap ay isinasaloob ang pagpapasarap sa kanilang tugtugin, si Dolores naman ay isinasabog ang kanyang mg̃a sulyap at titig. Inisaisang lihim na minasdan ang mg̃a binatang yaon. Ang puso niya’y sisikdosikdo; parang giniginaw na nilalagnat. Alang̃ang magmalaki at alang̃ang mang̃imi.Sa isang dako naman, ay payapangnakikinig ang isang ginoo. Matabang sa mukha ay nababasa ang kagulang̃an na. Siya ay si kapitang Andoy na ama ni Dolores; ang kilala sa pang̃alang Alehandro Balderrama. Siya ay isa sa mg̃a kinaaalangalang̃anan sa daang yaon ng̃ Sagat. Baga man lipas na ay kapitan pa rin ang tawag sa kanya. Sa tabi nito ay mukhang napopoot, nakasimang̃ot, at maasim na maasim ang mukha, ng̃ kapitana Martina, ang ali ni Dolores. Marahil ay dahil sa pagkabulahaw sa kanyang tulog. Liban sa tatlong ito, kay Dolores, sa kanyang ama, at sa kanyang ali, lahat na ng̃doroonay kabilang na ng̃ mg̃a namamandaw ng̃ puso.«Loleng nalulungkot ako!...» ang manay siyang bung̃ad na kundiman noong binatang tagaawit. Isang malumbay na tugtog ang isinaliw naman ng̃ bigwela. Si Dolores ay napaling̃on sa di kinukusa at naabala tuloy na magpasigarilyo. Ang puso niya’y lalong nilagnat, at pinawisan siya ng̃ malamig. Irap naman ang itinugon ni kapitana Martina. At matapos ang magiliw na awit sa «...ay, Loleng ng̃ buhay ko!...»—Aling Loleng—ang saad ng̃ isang makisigna binatang kanina pa, ay mapupupuna na, na siya ang may patapat—ipinakikilala ko sa inyo ang aking kaibigan—at iniharap ang binatang umawit.—Bagong lingkod mo po;—ang sambot ng̃ ipinakilala.—Artemyo de la Pas.—Salamat po;—ang magiliw na tugon ng̃ dalaga—gayon din po naman: Dolores Balderrama.At sila’y nagkamayan, hanggang sa naipakilala ang lahat. Habang si kapitana Martina, ay lalong nagnining̃as ang poot, si Beteng naman, ang binatang may paharana, ay parang nagmamalaki sa kanyang mg̃a kaibigan. Bawa’t makasiping ay binulung̃an ng̃ «¿Bagay na ba sa akin?» Lihim na tatawa at panakaw na tititig sa masayang mukha ni Dolores. Hindi mapalagáy ang binata. Sa lahat ay masasayáng ng̃iti ang iniuukol. Palipatlipat ng̃ upo, at sa labing-dalawáng kasama ay siyá ang lalong masigla at nagtatalík sa galák.Ang katahimikan ay ginambala na naman ng̃ tugtugan. Parang sinasadyang binibiro ang pagkaasim ng̃ mukha ng̃ kapitana Martina. Ng̃uni’t ¡himala yata at biglang nagbago ang kunot na noo, noongmadinig na muli ang panambitan ni Artemyo! Masayang nakiumpok at siniping̃an ang kanyang ipinagmamalaking si Dolores.“Ay Loleng! ay Loleng!...ako’y mamamatay...kung hahabagin moang daing ng̃ buhay...”Iyan ang simula ng̃ mapanglaw na pagdaing, balot ng̃ taos na hinagpis, at sa tinig na waring nalulunod sa hirap.Sa kalagitnaan, ay nagpahalata ng̃ panibugho; panibugho na bung̃a ng̃ pagmamahal; at pagmamahal na likha ng̃ pagirog. Anya’y:Kung tumititig kasa ibang binata,ang buhay ko Lolengay papanaw yata...Lalong sinasal ng̃ pagtibok ang puso ni Dolores. Waring kinikiliti naman si kapitana Martina. Gayong nakang̃iti ng̃ galak ang inaantok na kapitang Andoy. Patuloy naman sa pagsasaloob ng̃ tugtog yaong labing tatlong panauhin.Napalaot ng̃ napalaot yaong si Artemyo sa pagawit. Halos tinig na lamang niya ang nagdidiwang sa loob ng̃ bahay. Dahil sa sarap ng̃ kundiman, kung minsan ay itirik ang mata sa ilaw na nakabitin. Ng̃uni’t lalong marami ang lihim na sulyap niya kay Dolores, ang nahuhuli ni matandang Martina.“Sa paglalaro mong̃ mg̃a bulaklakgunitain lamangang aba kong palad...”Iyan ang patuloy ng̃ binatang Artemyo sa kanyang pamamaibabaw. Sinasamantala naman itó ni Beteng upang kaulayawin ang kanyang pinopoon.—Aling Loleng,—ang wika—talaga pong sa kaibigan kong iyan ay ipinagkakatiwala ko ang aking boong buhay...—Gayon pala!—ang sambot ni Dolores—na ipinagkatiwala na ninyo sa kanya ang boong buhay ninyo, ay ¿bakit pa kayo sumama rito?—Ba!—ang tutol ni Beteng—ang ibig kong sabihin ay ipinagkakatiwala kong siya na ang dumaing ng̃ hirap ko...—Sapagka’t ang damdamin ng̃ puso ni Pedro ay maidadaing ng̃ bibíg ni Huwan....—Napopoot ba kayo?—ang maamong tanong ni Beteng na nakahalatang totoong mailap si Dolores. Napuna niyang ang mg̃a tugon sa kanya ay nasasaputan ng̃ suliranin.—Bakit ako mapopoot?—ang pakli ng̃ dalaga—sa ang katotohana’y ariin mang biro; ay ipinagtatapat kong walang itatagal ang aking puso sa kanyang panambitan....“Di ka na naawasa aking pagdaing:buhay ng̃ buhay koligaya at aliw...”Ang waring pakikihalobilo ng̃ kundiman na ikinauntol ng̃ pagsasalaysay ni Dolores. Sandali silang nanahimik, bago nagsalita si Beteng ng̃:—Diyata’t ¿wala kayong itatagal sa kanyang panambitan?—Kung wariin ko—ang salo ng̃ dalaga.—Sa gayo’y namamanaag na ang aking tagumpay!—At bakit po?—Di ba sinabi ninyong nahahabag ang puso ninyo sa kanyang panambitan?—Opo.—Di nababagbag na ang loob ninyo sa akin? Sapagka’t ang daing ni Artemyo ay siyang daing ko....—Gayon po ba?—Sinabi ko na pong ipinagkakatiwala ko sa kanya ang boong buhay ko.—Ah, ¡mali kayo! ¡Iba si Artemyo kay Beteng! Ang daing ni Artemyo ay buhat sa kanyang puso kaya ang pagkahabag doon, ay pagkahabag sa kanyang pagkatao.....—Nagbibiro yata kayo!—Hindi. At ¿bakit ko kayo bibiruin?—Aling Loleng!—Talagang totoo: ang puso ko’y nababagbag sa kanyang panambitan. ¡Kay tamis niyang umawit! ¡Kay sarap dumaing!—Aling Loleng!¡Nilulunod ninyo ako!...Hindi sumagot ang dalaga ng̃uni’t ang malas ang pinapagsalita. Tinitigan si Beteng ng̃ titig na makahulugan. Aywan kung bakit kinuha nito ang kanyang sombrero at matuling umalis. Nilisan ang kanyang mg̃a kaibigan at kasama ng̃ walang pasintabi. Sa katamisanng̃ kundiman ni Artemyo ay di naman siya napuna. Liban kay Dolores, angmahinhingsi Loleng, ay walang nakaino. Ito lamang ang nakatatarok na si Beteng ay yumaong may taglay na poot at banta. May poot sapagka’t nabigla siya sa mg̃a tugon ni Dolores. At may banta sapagka’t nalalamang̃an siya ni Artemyo. Anaki’y isáng bayang nilubugán ng̃ araw ang dibdib niyáng binabayó ng̃ pagng̃ing̃itng̃it.“Titigil na namanako sa pagdaing,na nagaantabayng̃ awa mo Loleng...”Diyan natapos ang malungkot ng̃uni’t magiliw na kundiman, na dinaluhan ng̃ nakakikiliting taginting ng̃ bigwela at biyolin.Hindi napigilan ni kapitana Martina ang kanyang palakpak; datapwa’t si kapitang Andoy ay tinalo na tuloy ng̃ antok.—Salamat po—ang magiliw na sabi ng̃ ating dalaga, bago pinagukulan si Artemyo ng̃—¡Kay buti pala ninyong umawit!...—Baka kung ano na po iyan?—ang may hiyang pakli ng̃ binatang pinuri.Ang usisaang “¿nahan si Beteng?” ay siyang pumigil sa dalaga upang tugunin ang binata. Isa’t isa’y nagtanung̃an. Sa tanóng ay tanong din ang itinutumbas. Kaya’t nagdiwang ang aling̃asng̃as at lahat, liban kay Dolores at sa nakakatulog na kapitang Andoy, ay pinagharian ng̃ pagtataka.—Marahil ay may sumundo—ang saad ni kapitana Martina.—Magpaalam na tayo—ang lihim namang anyaya ng̃ may hawak ng̃ bigwela sa kanyang katabi.—Siya ng̃a—angayonnaman nito.—Tayo na—ang ulit ng̃ isa.—Gabi na tayo—ang patuloy ng̃ iba.At lahat ay pinatahimik na naman ng̃ tagingting ng̃ tuwa. Tumugtog sila ng̃ isang pangwakas. Si Artemyo noon ay napatabi.—Aalis na ba kayo?—ang tanong ni Dolores sa mapalad na binata.—Opo,—ang tugon nito—sapagka’t totoong mababagabag kayo.—Wala po kayong aalalahanin.—Salamat po.—Kayo pala’y kinatawan ni mang Beteng—ang may ng̃iting salaysay ng̃ dalaga.—Siya pong totoo.—Di ang inawit ninyo’y parang inawit nila?—Gayon ng̃a po.—At ang panambitan ninyo ay panambitan nila?—Yaon po ang dapat.—Nagkasala ako!—ang waring hinampo ng̃ dakilang babai—boong akala ko’y lahat ng̃ inyong inawit ay bukal sa inyong puso, mula sa ubod ng̃ inyong buhay!...Kinabahan si Artemyo ng̃ marinig ito. Ang puso niya’y di mapalagay. Parang binabayo ang kanyang dibdib. Sampung paghing̃a ay nang̃ang̃apos. ¡Kaawaawang kalulwá sagitnang̃ kagipitan! At ang boóng pagkatao niya’y dagling sumuko sa gayóng dilág. Subali’t ang kapalaran ay itinapat siya sa landas na dapat tuntunin. At anya’y:—Ikaw po ang masusunod: maiyuukol mo saan man ibigin, at di malilihis ang iyong akala...Hindi tumugon ang dalaga at sinamantala ni Artemyo:—Aling Loleng, kung batid mo lamang ang itinitibok ng̃ aking loob, ang iniluluha ng̃ aking puso, ay sasabihin mong ako’y sinung̃aling....—At hindi ba kayo sinung̃aling?—ang dugtong ng̃ dalaga—¿Di ba kasinung̃aling̃an ang maglahad ng̃ wala sa loob?—Wala sa loób!—Kayo na rin po ang nagsabi.—Yaon po’y lambing lamang ng̃ pusong nagtataglay ng̃ hiya.... Isang pakunwari ng̃ pagibig na nagaalang̃an sa dakila mong ganda....—Nagaalang̃an?—Opo, aling Loleng, at baka di maging dapat na maglingkod sa inyo....Tinotoo na ni Artemyo ang pang̃ung̃umpisal. Nilimot na niya ang kanyang tungkulin. Hindi na naaalaalang siya ay kasangkapan ni Beteng. Wala na sa gunitang siya ay bibig lamang ng̃ kanyang kaibigan.Si Dolores, ang mabining dalaga na sumuko ang puso sa mg̃a pagawit ni Artemyo, ay parang nagayuma. Sa kanyang mukha at pang̃ung̃usap ay nalalarawan ang paggiliw na nabihag ng̃ mapalad na binata.Sa pagtititigan ng̃ dalawang kalulwa ay natapos ang pangwakas na tugtog. Ang mg̃a namamandaw ng̃ puso ay nagtayuan na. Isa’t isang nagpaalam at nakipagkamay sa bunying binibini. Ang pagkakataon ay di sinayang ni Artemyo. Siya ang nagpahuli sa lahat. Kinamayan niya ng̃ boong higpit si Dolores at dinamdam naman nito ang katuturan noon. Mg̃a titig nila ang nagpalitan ng̃ damdamin ng̃ kanilang dibdib.Doon natapos ang masayang gabi.

Ang kapanglawang naghari ng̃ gabing yaon sa isang nayon ng̃ Pako ay binulahaw ng̃ pagtapat ng̃ ilang pusong namamandaw ng̃ kapwa puso. Noon ay isa sa mg̃a gabi ng̃ Enero; gabing napakalungkot, palibhasa’y mang̃ilangng̃ilang bituin lamang na nagbabansag ng̃ kadakilaan ng̃ Diyos, ang nagaantilaw sa nagtatampong lang̃it. Ang buwan noon ay nagmaramot ng̃ kanyang liwanag, at aywan kung saang sulok ng̃ kalawakan nagkubli ang kaibigan ng̃ gabi. Samantalang ang mg̃a kuliglig at panggabing ibon ay umaawit ng̃ tagumpay, ang mg̃a bulaklak naman ay ipinagpapalalo angkanilang bang̃o, alindog, at halimuyak. Ng̃uni’t, sa lahat ng̃ ito ay namamaibabaw ang tinig ng̃ mg̃a kalulwang idinadaing ang pagirog, gayong ang bahay na tinatapatan ay waring libing̃ang lahat ay natatahimik.

Natapos ang pangbung̃ad na tugtog. Isinunod naman ang isangmagandang gabi pongkundiman. At dito’y tinawagan na ang dalagang pinipintuho. Sa pamamagitan ng̃ malalambing na tinig, ay naunawa ng̃ lahat ng̃ doroon, na si Dolores pala ang dinadaing̃an.

Pagkatapos ng̃ kundimang yaon, ay siya nang pagbubukas ng̃ lang̃it. Ang lapat na durung̃awan ng̃ bahay na tahimik ay nabuklat. Isang diwata ng̃ bagong panahon, isang bituing mayaman sa ganda, ay siyang tumanglaw sa mg̃a pusong mapagpuyat; nagsabog ng̃ liwanag at tuwa.

—Magandang gabi po!—ang magalang na bati ng̃ lahat ng̃ na sa lupa.

—Magandang gabi po naman!—ang magiliw na tumbas ng̃ binibini—Tuloy kayo!... ¡tuloy!...

Ang bahay na may kaliitan ay nagsikip sa labing tatlong kalulwang umakyat sa lang̃it.

Ilang sandali lamang ang nakaraan at namayani na naman ang bigwela, biyolin, bandurya at plauta. Ang kaniláng tunog na tagapagtaboy ng̃ hapis, ay minsan pang nagtanghal ng̃ gilas.

Sa isang dako naman ng̃ harapang yaon, ang magandang si Dolores, ay nagsasabog ng̃ kanyang yaman: ng̃ dilag at hinhin. Ang maayos na tabas ng̃ mukha ay napapatung̃an ng̃ maiitim na buhok. Ang mapupulang pisng̃i ay tumatapat sa matingkad na itim ng̃ kilay. Malalagong pilik-mata ang nagaalaga sa maamong malas. Isang katatagang tang̃os ng̃ ilong ang nagmamalaki sa madugong mg̃a labi. At nagiinamang mga ng̃ipin ang bakod ng̃ katamtamang bibig na binubukalan ng̃ magigiliw na pananalita.

Samantalangangmg̃a kaharap ay isinasaloob ang pagpapasarap sa kanilang tugtugin, si Dolores naman ay isinasabog ang kanyang mg̃a sulyap at titig. Inisaisang lihim na minasdan ang mg̃a binatang yaon. Ang puso niya’y sisikdosikdo; parang giniginaw na nilalagnat. Alang̃ang magmalaki at alang̃ang mang̃imi.

Sa isang dako naman, ay payapangnakikinig ang isang ginoo. Matabang sa mukha ay nababasa ang kagulang̃an na. Siya ay si kapitang Andoy na ama ni Dolores; ang kilala sa pang̃alang Alehandro Balderrama. Siya ay isa sa mg̃a kinaaalangalang̃anan sa daang yaon ng̃ Sagat. Baga man lipas na ay kapitan pa rin ang tawag sa kanya. Sa tabi nito ay mukhang napopoot, nakasimang̃ot, at maasim na maasim ang mukha, ng̃ kapitana Martina, ang ali ni Dolores. Marahil ay dahil sa pagkabulahaw sa kanyang tulog. Liban sa tatlong ito, kay Dolores, sa kanyang ama, at sa kanyang ali, lahat na ng̃doroonay kabilang na ng̃ mg̃a namamandaw ng̃ puso.

«Loleng nalulungkot ako!...» ang manay siyang bung̃ad na kundiman noong binatang tagaawit. Isang malumbay na tugtog ang isinaliw naman ng̃ bigwela. Si Dolores ay napaling̃on sa di kinukusa at naabala tuloy na magpasigarilyo. Ang puso niya’y lalong nilagnat, at pinawisan siya ng̃ malamig. Irap naman ang itinugon ni kapitana Martina. At matapos ang magiliw na awit sa «...ay, Loleng ng̃ buhay ko!...»

—Aling Loleng—ang saad ng̃ isang makisigna binatang kanina pa, ay mapupupuna na, na siya ang may patapat—ipinakikilala ko sa inyo ang aking kaibigan—at iniharap ang binatang umawit.

—Bagong lingkod mo po;—ang sambot ng̃ ipinakilala.—Artemyo de la Pas.

—Salamat po;—ang magiliw na tugon ng̃ dalaga—gayon din po naman: Dolores Balderrama.

At sila’y nagkamayan, hanggang sa naipakilala ang lahat. Habang si kapitana Martina, ay lalong nagnining̃as ang poot, si Beteng naman, ang binatang may paharana, ay parang nagmamalaki sa kanyang mg̃a kaibigan. Bawa’t makasiping ay binulung̃an ng̃ «¿Bagay na ba sa akin?» Lihim na tatawa at panakaw na tititig sa masayang mukha ni Dolores. Hindi mapalagáy ang binata. Sa lahat ay masasayáng ng̃iti ang iniuukol. Palipatlipat ng̃ upo, at sa labing-dalawáng kasama ay siyá ang lalong masigla at nagtatalík sa galák.

Ang katahimikan ay ginambala na naman ng̃ tugtugan. Parang sinasadyang binibiro ang pagkaasim ng̃ mukha ng̃ kapitana Martina. Ng̃uni’t ¡himala yata at biglang nagbago ang kunot na noo, noongmadinig na muli ang panambitan ni Artemyo! Masayang nakiumpok at siniping̃an ang kanyang ipinagmamalaking si Dolores.

“Ay Loleng! ay Loleng!...ako’y mamamatay...kung hahabagin moang daing ng̃ buhay...”

“Ay Loleng! ay Loleng!...

ako’y mamamatay...

kung hahabagin mo

ang daing ng̃ buhay...”

Iyan ang simula ng̃ mapanglaw na pagdaing, balot ng̃ taos na hinagpis, at sa tinig na waring nalulunod sa hirap.

Sa kalagitnaan, ay nagpahalata ng̃ panibugho; panibugho na bung̃a ng̃ pagmamahal; at pagmamahal na likha ng̃ pagirog. Anya’y:

Kung tumititig kasa ibang binata,ang buhay ko Lolengay papanaw yata...

Kung tumititig ka

sa ibang binata,

ang buhay ko Loleng

ay papanaw yata...

Lalong sinasal ng̃ pagtibok ang puso ni Dolores. Waring kinikiliti naman si kapitana Martina. Gayong nakang̃iti ng̃ galak ang inaantok na kapitang Andoy. Patuloy naman sa pagsasaloob ng̃ tugtog yaong labing tatlong panauhin.

Napalaot ng̃ napalaot yaong si Artemyo sa pagawit. Halos tinig na lamang niya ang nagdidiwang sa loob ng̃ bahay. Dahil sa sarap ng̃ kundiman, kung minsan ay itirik ang mata sa ilaw na nakabitin. Ng̃uni’t lalong marami ang lihim na sulyap niya kay Dolores, ang nahuhuli ni matandang Martina.

“Sa paglalaro mong̃ mg̃a bulaklakgunitain lamangang aba kong palad...”

“Sa paglalaro mo

ng̃ mg̃a bulaklak

gunitain lamang

ang aba kong palad...”

Iyan ang patuloy ng̃ binatang Artemyo sa kanyang pamamaibabaw. Sinasamantala naman itó ni Beteng upang kaulayawin ang kanyang pinopoon.

—Aling Loleng,—ang wika—talaga pong sa kaibigan kong iyan ay ipinagkakatiwala ko ang aking boong buhay...

—Gayon pala!—ang sambot ni Dolores—na ipinagkatiwala na ninyo sa kanya ang boong buhay ninyo, ay ¿bakit pa kayo sumama rito?

—Ba!—ang tutol ni Beteng—ang ibig kong sabihin ay ipinagkakatiwala kong siya na ang dumaing ng̃ hirap ko...

—Sapagka’t ang damdamin ng̃ puso ni Pedro ay maidadaing ng̃ bibíg ni Huwan....

—Napopoot ba kayo?—ang maamong tanong ni Beteng na nakahalatang totoong mailap si Dolores. Napuna niyang ang mg̃a tugon sa kanya ay nasasaputan ng̃ suliranin.

—Bakit ako mapopoot?—ang pakli ng̃ dalaga—sa ang katotohana’y ariin mang biro; ay ipinagtatapat kong walang itatagal ang aking puso sa kanyang panambitan....

“Di ka na naawasa aking pagdaing:buhay ng̃ buhay koligaya at aliw...”

“Di ka na naawa

sa aking pagdaing:

buhay ng̃ buhay ko

ligaya at aliw...”

Ang waring pakikihalobilo ng̃ kundiman na ikinauntol ng̃ pagsasalaysay ni Dolores. Sandali silang nanahimik, bago nagsalita si Beteng ng̃:

—Diyata’t ¿wala kayong itatagal sa kanyang panambitan?

—Kung wariin ko—ang salo ng̃ dalaga.

—Sa gayo’y namamanaag na ang aking tagumpay!

—At bakit po?

—Di ba sinabi ninyong nahahabag ang puso ninyo sa kanyang panambitan?

—Opo.

—Di nababagbag na ang loob ninyo sa akin? Sapagka’t ang daing ni Artemyo ay siyang daing ko....

—Gayon po ba?

—Sinabi ko na pong ipinagkakatiwala ko sa kanya ang boong buhay ko.

—Ah, ¡mali kayo! ¡Iba si Artemyo kay Beteng! Ang daing ni Artemyo ay buhat sa kanyang puso kaya ang pagkahabag doon, ay pagkahabag sa kanyang pagkatao.....

—Nagbibiro yata kayo!

—Hindi. At ¿bakit ko kayo bibiruin?

—Aling Loleng!

—Talagang totoo: ang puso ko’y nababagbag sa kanyang panambitan. ¡Kay tamis niyang umawit! ¡Kay sarap dumaing!

—Aling Loleng!¡Nilulunod ninyo ako!...

Hindi sumagot ang dalaga ng̃uni’t ang malas ang pinapagsalita. Tinitigan si Beteng ng̃ titig na makahulugan. Aywan kung bakit kinuha nito ang kanyang sombrero at matuling umalis. Nilisan ang kanyang mg̃a kaibigan at kasama ng̃ walang pasintabi. Sa katamisanng̃ kundiman ni Artemyo ay di naman siya napuna. Liban kay Dolores, angmahinhingsi Loleng, ay walang nakaino. Ito lamang ang nakatatarok na si Beteng ay yumaong may taglay na poot at banta. May poot sapagka’t nabigla siya sa mg̃a tugon ni Dolores. At may banta sapagka’t nalalamang̃an siya ni Artemyo. Anaki’y isáng bayang nilubugán ng̃ araw ang dibdib niyáng binabayó ng̃ pagng̃ing̃itng̃it.

“Titigil na namanako sa pagdaing,na nagaantabayng̃ awa mo Loleng...”

“Titigil na naman

ako sa pagdaing,

na nagaantabay

ng̃ awa mo Loleng...”

Diyan natapos ang malungkot ng̃uni’t magiliw na kundiman, na dinaluhan ng̃ nakakikiliting taginting ng̃ bigwela at biyolin.

Hindi napigilan ni kapitana Martina ang kanyang palakpak; datapwa’t si kapitang Andoy ay tinalo na tuloy ng̃ antok.

—Salamat po—ang magiliw na sabi ng̃ ating dalaga, bago pinagukulan si Artemyo ng̃—¡Kay buti pala ninyong umawit!...

—Baka kung ano na po iyan?—ang may hiyang pakli ng̃ binatang pinuri.

Ang usisaang “¿nahan si Beteng?” ay siyang pumigil sa dalaga upang tugunin ang binata. Isa’t isa’y nagtanung̃an. Sa tanóng ay tanong din ang itinutumbas. Kaya’t nagdiwang ang aling̃asng̃as at lahat, liban kay Dolores at sa nakakatulog na kapitang Andoy, ay pinagharian ng̃ pagtataka.

—Marahil ay may sumundo—ang saad ni kapitana Martina.

—Magpaalam na tayo—ang lihim namang anyaya ng̃ may hawak ng̃ bigwela sa kanyang katabi.

—Siya ng̃a—angayonnaman nito.

—Tayo na—ang ulit ng̃ isa.

—Gabi na tayo—ang patuloy ng̃ iba.

At lahat ay pinatahimik na naman ng̃ tagingting ng̃ tuwa. Tumugtog sila ng̃ isang pangwakas. Si Artemyo noon ay napatabi.

—Aalis na ba kayo?—ang tanong ni Dolores sa mapalad na binata.

—Opo,—ang tugon nito—sapagka’t totoong mababagabag kayo.

—Wala po kayong aalalahanin.

—Salamat po.

—Kayo pala’y kinatawan ni mang Beteng—ang may ng̃iting salaysay ng̃ dalaga.

—Siya pong totoo.

—Di ang inawit ninyo’y parang inawit nila?

—Gayon ng̃a po.

—At ang panambitan ninyo ay panambitan nila?

—Yaon po ang dapat.

—Nagkasala ako!—ang waring hinampo ng̃ dakilang babai—boong akala ko’y lahat ng̃ inyong inawit ay bukal sa inyong puso, mula sa ubod ng̃ inyong buhay!...

Kinabahan si Artemyo ng̃ marinig ito. Ang puso niya’y di mapalagay. Parang binabayo ang kanyang dibdib. Sampung paghing̃a ay nang̃ang̃apos. ¡Kaawaawang kalulwá sagitnang̃ kagipitan! At ang boóng pagkatao niya’y dagling sumuko sa gayóng dilág. Subali’t ang kapalaran ay itinapat siya sa landas na dapat tuntunin. At anya’y:

—Ikaw po ang masusunod: maiyuukol mo saan man ibigin, at di malilihis ang iyong akala...

Hindi tumugon ang dalaga at sinamantala ni Artemyo:

—Aling Loleng, kung batid mo lamang ang itinitibok ng̃ aking loob, ang iniluluha ng̃ aking puso, ay sasabihin mong ako’y sinung̃aling....

—At hindi ba kayo sinung̃aling?—ang dugtong ng̃ dalaga—¿Di ba kasinung̃aling̃an ang maglahad ng̃ wala sa loob?

—Wala sa loób!

—Kayo na rin po ang nagsabi.

—Yaon po’y lambing lamang ng̃ pusong nagtataglay ng̃ hiya.... Isang pakunwari ng̃ pagibig na nagaalang̃an sa dakila mong ganda....

—Nagaalang̃an?

—Opo, aling Loleng, at baka di maging dapat na maglingkod sa inyo....

Tinotoo na ni Artemyo ang pang̃ung̃umpisal. Nilimot na niya ang kanyang tungkulin. Hindi na naaalaalang siya ay kasangkapan ni Beteng. Wala na sa gunitang siya ay bibig lamang ng̃ kanyang kaibigan.

Si Dolores, ang mabining dalaga na sumuko ang puso sa mg̃a pagawit ni Artemyo, ay parang nagayuma. Sa kanyang mukha at pang̃ung̃usap ay nalalarawan ang paggiliw na nabihag ng̃ mapalad na binata.

Sa pagtititigan ng̃ dalawang kalulwa ay natapos ang pangwakas na tugtog. Ang mg̃a namamandaw ng̃ puso ay nagtayuan na. Isa’t isang nagpaalam at nakipagkamay sa bunying binibini. Ang pagkakataon ay di sinayang ni Artemyo. Siya ang nagpahuli sa lahat. Kinamayan niya ng̃ boong higpit si Dolores at dinamdam naman nito ang katuturan noon. Mg̃a titig nila ang nagpalitan ng̃ damdamin ng̃ kanilang dibdib.

Doon natapos ang masayang gabi.

Back to IndexNext