II

IIHINDI NAPAWASTONG PAGTITIYAPDoon sa kabilang dulo ng̃ daang Sagat, sa hanay din ng̃ inuuwian ng̃ mapanghalinang si Dolores, ay dalawang lalaki yaong ipinagtatanong si Beteng. Sa isáng magandang tahanan, doón silá pumanhík, sapagka’t yaón ang itinuro sa kanilá ng̃ napagsanggunian.—Mg̃a kaibigan—ang buhat sa itaas ay kanilang narinig—tulóy kayo, tulóy kayo....—Magandang araw po mang Beteng—ang bati namán ng̃ dalawá.Silá’y pumanhík at ginanáp ang karaniwang kumustahan. Matapos ilapat ni Beteng ang pinto ay nagsaád ng̃ ganito:—Malakíng suliranin ang gumuguló sa isip ko, kaya inabala ko kayong ipinatawag.Sa inyong pang̃ang̃ailang̃an ay nalalaan namán ako.—Salamat po—ang salo ni Pastor na isá sa mg̃a panauhin.—Sapagka’t kayo’y inaári kong mg̃a kapatid ay sa inyo ko dapat ipagtapat.—Ipatuloy mo po—ang pakli ni Simón, na kasama ni Pastor.—Malaon nang ang puso ko’y pinapagdudusa ni Dolores—ang patuloy ni Beteng—ng̃uni’t ¡kay pait ng̃ nasasapit ko!... ¡Pawang tiwali! At kagabi lamang ay hinarana namin, ng̃uni’t gaya rin ng̃ dati, ay pawang paglibak sa akin ang aking napala....—Bakit po?—ang tanong ni Pastor.—Di ba kayo pinaakyat?—ang usisa ni Simón.—Pinatuloy kami, dili ang hindi—ang patlang ni Beteng—ng̃uni’t ang pagkapatuloy sa amin, ay siyang lalong nagbansag ng̃ kaapihan ko. Opo, kaapihan, pagka’t sukat bang itanóng sa akin ni Dolores na kung bakit pa raw ako sumama roon....—Yaon po’y ugali na ng̃ dalaga: lahat ng̃ nais nilang sabihin ay dinadaan sa hinampo—ang putol ni Simón.—Hindi kaibigan,—ang tutol ni Beteng—pagka’t malaon ng̃ kumukulili sa taing̃a ko, na si Artemyong aking pinakikiusapang siyang umawit sa aming pagtapat doon, ay siya daw ang napupusuan ng̃ babaing yaon, gayong ito ay wala namang pagibig sa kanya.—Ganyan din po ang balita ko—ang pagayon ni Pastor—ng̃uni’t, kailan ma’y di ako naniwala.—Sino po bang Artemyo yaon?—ang pagsisiyasat ni Simón.—Ang kalihim sa Samahang “Kumilos Tayo”—ang tugon ni Pastor—yaon bang nagtalumpati sa inyong nayon noong ipagdiwang si Rizal. May magandang pang̃ang̃atawan at....—Yaon pala—ang salo ni Simón—Kakilala ko po yaon at ako man ay kasapi rin sa “Kumilos Tayo.” ¿Diyata’t siya ang naiibigan? ¿Si Artemyo? ¿Ang artista? Aywan ko rin...—at tinapos sa iling at ng̃iti ang kanyang pagkamangha; iling na nagpapahayag ng̃ pagpapawalang saysay kay Artemyo, at ng̃iti na nagtatanghal ng̃ paglibak sa pagkatao noon.Ang dalawang kaharap ay napatigil. Nabasa nila sa mukha ni Simón na siyaay may natatarok na lilim ni Artemyo. At di pinalagpas ni Beteng. Sinamantalá ang pagkakataón.—Bakit po?—ang simula—¿may nalalaman ba kayong alimuom ni Artemyo?—Sus!—ang buntong hining̃a ni Simón—¡Si Artemyo! ¿At bakit hindi ko malalaman ang kanyang lihim? Siya ay isang konduktor sa trambiya noong araw na dahil sa nahuli sa pagumit ay pinalayas tuloy ng̃ empresa. Isang taong nagpagalagala sa pagbibilang ng̃ bato, na kung kanikanino nang̃ung̃utang ng̃ makakain. Napasok na artista, at ang manakanakang pagtayo sa entablado ay siyang ipinagmamalaki ng̃ayon. Gayong ang tinig ay tinig kanduli at kung umawit ay parang bumabasa ng̃ Pasyon....—Ha!¡ha!¡ha!—ang tawa ni Beteng.—Aywan ko—ang tanggi ni Pastor—sa akin ay mabuting kaibigan si Artemyo.—Mabuti kung mayroon—ang salo ni Simón—ng̃uni’t kung wala ay masama.—Marahil ng̃a—ang katig ni Beteng—sapagka’t kung makailan ko nang makasama, ni minsan man ay di pa gumasta. Maging sa pagsakay namin sa trambiya, maging sa pagkain namin ng̃ sorbetes,ay ¿maanong pabalat-bung̃a man lamang na magkunwaring dumukot sa bulsa?—Ano ang hahanapin ninyo sa taong nagsasamantala?—ang masayang ikinabit ni Simón.—Hindi gayon—ang tutol ni Pastor at hinarap si Beteng—Kayo ang nagaanyaya sa kanya ay talagang kayo ang dapat gumasta. Salamat at di kayo sinising̃il sa kanyang abala at pagod....—Mang Pastor!—ang tugon ni Simón—¿pinagtatanggol ba ninyo si Artemyo?—Hindi po. Ipinaaalaala ko lamang ang ipinaguutos ng̃ dakilang asal.—At ¿kami pa pala ang lumalabas sa magandang ugali?—ang usisa ni Beteng.—Hindi ko po sinasabi ang gayon—ang salag ni Pastor—ng̃uni’t ipinagugunita kong sa bibig ng̃ mg̃a lalaki ay alang̃ang maglaro ang buhay ng̃ kapuwa. Mg̃a babai lamang ang naguututang dila. Mg̃a musmos lamang ang nagng̃ung̃usuan.—How! ¡pshe!—ang putol ni Simón—Talaga pong si Artemyo ay lahi ng̃ taksil: siya’y kapangpang̃an.—Tama. Iyan ang totoo—ang dugtongni Beteng—pinapaghahari ang kanyang pagkakapangpang̃an.—Mg̃a kaibigan—ang mainit ng̃ saad ni Pastor—¡Huwag ninyong hamakin ang kanyang lahi! Kapangpang̃an man at Tagalog ay iisa ng̃ uri, at ang sumira ng̃ pagiisang iyan, ay yaon ang taksil na dapat pang̃ilagan. Ang taong pumapatay ng̃ pagdadamayan ng̃ Pilipino ay yaon ang kalaban ng̃ bayan. Ang kalulwang nagtatanim ng̃ pagiiring̃an ay siyang uod na sumisira ng̃ laya at pagasa ng̃ lahat....—Matutulis pong salita iyan!—ang pakli ni Simón.—Nakasusugat ka po!—ang dugtong ni Beteng.—Hindi, mg̃a kaibigan—ang ganti ni Pastor—kailan ma’y di ko magagawa ang sumugat sa kapatid. Ng̃uni’t, oo; makikipaglaban ako sa kanino mang nagbibinhi ng̃ pagiiring̃an. Ang buhay ko’y aking itinataya lubha pa’t ang pagiiring̃an ay ipupunla dahil lamang sa inggit sa isang lalaking kinakandong ng̃ palad....—Na sa ibang bahay ka po!—ang paalaala ni Beteng—huwag ninyong lubusin ang pagalipusta sa mg̃a kaharap.—Sa bahay na pinaghaharian ng̃ dilim ay doon ko dinadala ang ilaw!—ang matapang na sagot ni Pastor.—Pawang kaululan ang sinabi ninyo!—ang tumbas ni Simón.—Utang na loob ay manaog na kayo—ang taboy naman ni Beteng.Tumayo si Pastor ng̃ boong pagng̃ing̃itng̃it. Ang malas niya’y naglalagablab. Maliksing kinuha ang kanyang sombrero at anya’y:—Dapat ninyo akong itáboy; dapat ninyo akong turang ulol; sapagka’t ang gurong nagtuturo ay talagang kalaban ng̃ mg̃a musmos na tinuturuan.... Nakilala ko na kayó ay dapat namán ninyó akóng makilala.... Paalam sa inyo ng̃uni’t alalahaning ako’y natatalaga sa ano mang mangyayari....Titig lamang ang isinagot ng̃ dalawa. Kaya’t pumanaw na nagpuputok ang dibdib ni Pastor. Samantalang nawawala ang kanyang yabag ay patuloy sa pagwalang imik ang dalawang nilisan.—Mang Simón—ang mana’y saad ni Beteng—yumaong galit na galit ang abogado ni Artemyo.—Walang kailang̃an—ang tugon nito—¡Ibabagsak natin sila!...—Iyan ang kanina pa’y inaantay kong pumilas sa inyong labi....Kumuha ng̃ kahon ng̃ tabako si Beteng at inalok ang kaharap. Kapwa sila nagsuso at minsang pinagbuti ang upo. Bago naganasang marahil ay yumari ng̃ paghihiganti. Panahon lamang ang makapagbubungkal ng̃ lihim.Isang mahigpit na kamayan ang tumapos ng̃ salitaan. At taglay ang galak ng̃ pagasa na naghiwalay ang dalawang nagtiyap.

IIHINDI NAPAWASTONG PAGTITIYAP

Doon sa kabilang dulo ng̃ daang Sagat, sa hanay din ng̃ inuuwian ng̃ mapanghalinang si Dolores, ay dalawang lalaki yaong ipinagtatanong si Beteng. Sa isáng magandang tahanan, doón silá pumanhík, sapagka’t yaón ang itinuro sa kanilá ng̃ napagsanggunian.—Mg̃a kaibigan—ang buhat sa itaas ay kanilang narinig—tulóy kayo, tulóy kayo....—Magandang araw po mang Beteng—ang bati namán ng̃ dalawá.Silá’y pumanhík at ginanáp ang karaniwang kumustahan. Matapos ilapat ni Beteng ang pinto ay nagsaád ng̃ ganito:—Malakíng suliranin ang gumuguló sa isip ko, kaya inabala ko kayong ipinatawag.Sa inyong pang̃ang̃ailang̃an ay nalalaan namán ako.—Salamat po—ang salo ni Pastor na isá sa mg̃a panauhin.—Sapagka’t kayo’y inaári kong mg̃a kapatid ay sa inyo ko dapat ipagtapat.—Ipatuloy mo po—ang pakli ni Simón, na kasama ni Pastor.—Malaon nang ang puso ko’y pinapagdudusa ni Dolores—ang patuloy ni Beteng—ng̃uni’t ¡kay pait ng̃ nasasapit ko!... ¡Pawang tiwali! At kagabi lamang ay hinarana namin, ng̃uni’t gaya rin ng̃ dati, ay pawang paglibak sa akin ang aking napala....—Bakit po?—ang tanong ni Pastor.—Di ba kayo pinaakyat?—ang usisa ni Simón.—Pinatuloy kami, dili ang hindi—ang patlang ni Beteng—ng̃uni’t ang pagkapatuloy sa amin, ay siyang lalong nagbansag ng̃ kaapihan ko. Opo, kaapihan, pagka’t sukat bang itanóng sa akin ni Dolores na kung bakit pa raw ako sumama roon....—Yaon po’y ugali na ng̃ dalaga: lahat ng̃ nais nilang sabihin ay dinadaan sa hinampo—ang putol ni Simón.—Hindi kaibigan,—ang tutol ni Beteng—pagka’t malaon ng̃ kumukulili sa taing̃a ko, na si Artemyong aking pinakikiusapang siyang umawit sa aming pagtapat doon, ay siya daw ang napupusuan ng̃ babaing yaon, gayong ito ay wala namang pagibig sa kanya.—Ganyan din po ang balita ko—ang pagayon ni Pastor—ng̃uni’t, kailan ma’y di ako naniwala.—Sino po bang Artemyo yaon?—ang pagsisiyasat ni Simón.—Ang kalihim sa Samahang “Kumilos Tayo”—ang tugon ni Pastor—yaon bang nagtalumpati sa inyong nayon noong ipagdiwang si Rizal. May magandang pang̃ang̃atawan at....—Yaon pala—ang salo ni Simón—Kakilala ko po yaon at ako man ay kasapi rin sa “Kumilos Tayo.” ¿Diyata’t siya ang naiibigan? ¿Si Artemyo? ¿Ang artista? Aywan ko rin...—at tinapos sa iling at ng̃iti ang kanyang pagkamangha; iling na nagpapahayag ng̃ pagpapawalang saysay kay Artemyo, at ng̃iti na nagtatanghal ng̃ paglibak sa pagkatao noon.Ang dalawang kaharap ay napatigil. Nabasa nila sa mukha ni Simón na siyaay may natatarok na lilim ni Artemyo. At di pinalagpas ni Beteng. Sinamantalá ang pagkakataón.—Bakit po?—ang simula—¿may nalalaman ba kayong alimuom ni Artemyo?—Sus!—ang buntong hining̃a ni Simón—¡Si Artemyo! ¿At bakit hindi ko malalaman ang kanyang lihim? Siya ay isang konduktor sa trambiya noong araw na dahil sa nahuli sa pagumit ay pinalayas tuloy ng̃ empresa. Isang taong nagpagalagala sa pagbibilang ng̃ bato, na kung kanikanino nang̃ung̃utang ng̃ makakain. Napasok na artista, at ang manakanakang pagtayo sa entablado ay siyang ipinagmamalaki ng̃ayon. Gayong ang tinig ay tinig kanduli at kung umawit ay parang bumabasa ng̃ Pasyon....—Ha!¡ha!¡ha!—ang tawa ni Beteng.—Aywan ko—ang tanggi ni Pastor—sa akin ay mabuting kaibigan si Artemyo.—Mabuti kung mayroon—ang salo ni Simón—ng̃uni’t kung wala ay masama.—Marahil ng̃a—ang katig ni Beteng—sapagka’t kung makailan ko nang makasama, ni minsan man ay di pa gumasta. Maging sa pagsakay namin sa trambiya, maging sa pagkain namin ng̃ sorbetes,ay ¿maanong pabalat-bung̃a man lamang na magkunwaring dumukot sa bulsa?—Ano ang hahanapin ninyo sa taong nagsasamantala?—ang masayang ikinabit ni Simón.—Hindi gayon—ang tutol ni Pastor at hinarap si Beteng—Kayo ang nagaanyaya sa kanya ay talagang kayo ang dapat gumasta. Salamat at di kayo sinising̃il sa kanyang abala at pagod....—Mang Pastor!—ang tugon ni Simón—¿pinagtatanggol ba ninyo si Artemyo?—Hindi po. Ipinaaalaala ko lamang ang ipinaguutos ng̃ dakilang asal.—At ¿kami pa pala ang lumalabas sa magandang ugali?—ang usisa ni Beteng.—Hindi ko po sinasabi ang gayon—ang salag ni Pastor—ng̃uni’t ipinagugunita kong sa bibig ng̃ mg̃a lalaki ay alang̃ang maglaro ang buhay ng̃ kapuwa. Mg̃a babai lamang ang naguututang dila. Mg̃a musmos lamang ang nagng̃ung̃usuan.—How! ¡pshe!—ang putol ni Simón—Talaga pong si Artemyo ay lahi ng̃ taksil: siya’y kapangpang̃an.—Tama. Iyan ang totoo—ang dugtongni Beteng—pinapaghahari ang kanyang pagkakapangpang̃an.—Mg̃a kaibigan—ang mainit ng̃ saad ni Pastor—¡Huwag ninyong hamakin ang kanyang lahi! Kapangpang̃an man at Tagalog ay iisa ng̃ uri, at ang sumira ng̃ pagiisang iyan, ay yaon ang taksil na dapat pang̃ilagan. Ang taong pumapatay ng̃ pagdadamayan ng̃ Pilipino ay yaon ang kalaban ng̃ bayan. Ang kalulwang nagtatanim ng̃ pagiiring̃an ay siyang uod na sumisira ng̃ laya at pagasa ng̃ lahat....—Matutulis pong salita iyan!—ang pakli ni Simón.—Nakasusugat ka po!—ang dugtong ni Beteng.—Hindi, mg̃a kaibigan—ang ganti ni Pastor—kailan ma’y di ko magagawa ang sumugat sa kapatid. Ng̃uni’t, oo; makikipaglaban ako sa kanino mang nagbibinhi ng̃ pagiiring̃an. Ang buhay ko’y aking itinataya lubha pa’t ang pagiiring̃an ay ipupunla dahil lamang sa inggit sa isang lalaking kinakandong ng̃ palad....—Na sa ibang bahay ka po!—ang paalaala ni Beteng—huwag ninyong lubusin ang pagalipusta sa mg̃a kaharap.—Sa bahay na pinaghaharian ng̃ dilim ay doon ko dinadala ang ilaw!—ang matapang na sagot ni Pastor.—Pawang kaululan ang sinabi ninyo!—ang tumbas ni Simón.—Utang na loob ay manaog na kayo—ang taboy naman ni Beteng.Tumayo si Pastor ng̃ boong pagng̃ing̃itng̃it. Ang malas niya’y naglalagablab. Maliksing kinuha ang kanyang sombrero at anya’y:—Dapat ninyo akong itáboy; dapat ninyo akong turang ulol; sapagka’t ang gurong nagtuturo ay talagang kalaban ng̃ mg̃a musmos na tinuturuan.... Nakilala ko na kayó ay dapat namán ninyó akóng makilala.... Paalam sa inyo ng̃uni’t alalahaning ako’y natatalaga sa ano mang mangyayari....Titig lamang ang isinagot ng̃ dalawa. Kaya’t pumanaw na nagpuputok ang dibdib ni Pastor. Samantalang nawawala ang kanyang yabag ay patuloy sa pagwalang imik ang dalawang nilisan.—Mang Simón—ang mana’y saad ni Beteng—yumaong galit na galit ang abogado ni Artemyo.—Walang kailang̃an—ang tugon nito—¡Ibabagsak natin sila!...—Iyan ang kanina pa’y inaantay kong pumilas sa inyong labi....Kumuha ng̃ kahon ng̃ tabako si Beteng at inalok ang kaharap. Kapwa sila nagsuso at minsang pinagbuti ang upo. Bago naganasang marahil ay yumari ng̃ paghihiganti. Panahon lamang ang makapagbubungkal ng̃ lihim.Isang mahigpit na kamayan ang tumapos ng̃ salitaan. At taglay ang galak ng̃ pagasa na naghiwalay ang dalawang nagtiyap.

Doon sa kabilang dulo ng̃ daang Sagat, sa hanay din ng̃ inuuwian ng̃ mapanghalinang si Dolores, ay dalawang lalaki yaong ipinagtatanong si Beteng. Sa isáng magandang tahanan, doón silá pumanhík, sapagka’t yaón ang itinuro sa kanilá ng̃ napagsanggunian.

—Mg̃a kaibigan—ang buhat sa itaas ay kanilang narinig—tulóy kayo, tulóy kayo....

—Magandang araw po mang Beteng—ang bati namán ng̃ dalawá.

Silá’y pumanhík at ginanáp ang karaniwang kumustahan. Matapos ilapat ni Beteng ang pinto ay nagsaád ng̃ ganito:

—Malakíng suliranin ang gumuguló sa isip ko, kaya inabala ko kayong ipinatawag.Sa inyong pang̃ang̃ailang̃an ay nalalaan namán ako.

—Salamat po—ang salo ni Pastor na isá sa mg̃a panauhin.

—Sapagka’t kayo’y inaári kong mg̃a kapatid ay sa inyo ko dapat ipagtapat.

—Ipatuloy mo po—ang pakli ni Simón, na kasama ni Pastor.

—Malaon nang ang puso ko’y pinapagdudusa ni Dolores—ang patuloy ni Beteng—ng̃uni’t ¡kay pait ng̃ nasasapit ko!... ¡Pawang tiwali! At kagabi lamang ay hinarana namin, ng̃uni’t gaya rin ng̃ dati, ay pawang paglibak sa akin ang aking napala....

—Bakit po?—ang tanong ni Pastor.

—Di ba kayo pinaakyat?—ang usisa ni Simón.

—Pinatuloy kami, dili ang hindi—ang patlang ni Beteng—ng̃uni’t ang pagkapatuloy sa amin, ay siyang lalong nagbansag ng̃ kaapihan ko. Opo, kaapihan, pagka’t sukat bang itanóng sa akin ni Dolores na kung bakit pa raw ako sumama roon....

—Yaon po’y ugali na ng̃ dalaga: lahat ng̃ nais nilang sabihin ay dinadaan sa hinampo—ang putol ni Simón.

—Hindi kaibigan,—ang tutol ni Beteng—pagka’t malaon ng̃ kumukulili sa taing̃a ko, na si Artemyong aking pinakikiusapang siyang umawit sa aming pagtapat doon, ay siya daw ang napupusuan ng̃ babaing yaon, gayong ito ay wala namang pagibig sa kanya.

—Ganyan din po ang balita ko—ang pagayon ni Pastor—ng̃uni’t, kailan ma’y di ako naniwala.

—Sino po bang Artemyo yaon?—ang pagsisiyasat ni Simón.

—Ang kalihim sa Samahang “Kumilos Tayo”—ang tugon ni Pastor—yaon bang nagtalumpati sa inyong nayon noong ipagdiwang si Rizal. May magandang pang̃ang̃atawan at....

—Yaon pala—ang salo ni Simón—Kakilala ko po yaon at ako man ay kasapi rin sa “Kumilos Tayo.” ¿Diyata’t siya ang naiibigan? ¿Si Artemyo? ¿Ang artista? Aywan ko rin...—at tinapos sa iling at ng̃iti ang kanyang pagkamangha; iling na nagpapahayag ng̃ pagpapawalang saysay kay Artemyo, at ng̃iti na nagtatanghal ng̃ paglibak sa pagkatao noon.

Ang dalawang kaharap ay napatigil. Nabasa nila sa mukha ni Simón na siyaay may natatarok na lilim ni Artemyo. At di pinalagpas ni Beteng. Sinamantalá ang pagkakataón.

—Bakit po?—ang simula—¿may nalalaman ba kayong alimuom ni Artemyo?

—Sus!—ang buntong hining̃a ni Simón—¡Si Artemyo! ¿At bakit hindi ko malalaman ang kanyang lihim? Siya ay isang konduktor sa trambiya noong araw na dahil sa nahuli sa pagumit ay pinalayas tuloy ng̃ empresa. Isang taong nagpagalagala sa pagbibilang ng̃ bato, na kung kanikanino nang̃ung̃utang ng̃ makakain. Napasok na artista, at ang manakanakang pagtayo sa entablado ay siyang ipinagmamalaki ng̃ayon. Gayong ang tinig ay tinig kanduli at kung umawit ay parang bumabasa ng̃ Pasyon....

—Ha!¡ha!¡ha!—ang tawa ni Beteng.

—Aywan ko—ang tanggi ni Pastor—sa akin ay mabuting kaibigan si Artemyo.

—Mabuti kung mayroon—ang salo ni Simón—ng̃uni’t kung wala ay masama.

—Marahil ng̃a—ang katig ni Beteng—sapagka’t kung makailan ko nang makasama, ni minsan man ay di pa gumasta. Maging sa pagsakay namin sa trambiya, maging sa pagkain namin ng̃ sorbetes,ay ¿maanong pabalat-bung̃a man lamang na magkunwaring dumukot sa bulsa?

—Ano ang hahanapin ninyo sa taong nagsasamantala?—ang masayang ikinabit ni Simón.

—Hindi gayon—ang tutol ni Pastor at hinarap si Beteng—Kayo ang nagaanyaya sa kanya ay talagang kayo ang dapat gumasta. Salamat at di kayo sinising̃il sa kanyang abala at pagod....

—Mang Pastor!—ang tugon ni Simón—¿pinagtatanggol ba ninyo si Artemyo?

—Hindi po. Ipinaaalaala ko lamang ang ipinaguutos ng̃ dakilang asal.

—At ¿kami pa pala ang lumalabas sa magandang ugali?—ang usisa ni Beteng.

—Hindi ko po sinasabi ang gayon—ang salag ni Pastor—ng̃uni’t ipinagugunita kong sa bibig ng̃ mg̃a lalaki ay alang̃ang maglaro ang buhay ng̃ kapuwa. Mg̃a babai lamang ang naguututang dila. Mg̃a musmos lamang ang nagng̃ung̃usuan.

—How! ¡pshe!—ang putol ni Simón—Talaga pong si Artemyo ay lahi ng̃ taksil: siya’y kapangpang̃an.

—Tama. Iyan ang totoo—ang dugtongni Beteng—pinapaghahari ang kanyang pagkakapangpang̃an.

—Mg̃a kaibigan—ang mainit ng̃ saad ni Pastor—¡Huwag ninyong hamakin ang kanyang lahi! Kapangpang̃an man at Tagalog ay iisa ng̃ uri, at ang sumira ng̃ pagiisang iyan, ay yaon ang taksil na dapat pang̃ilagan. Ang taong pumapatay ng̃ pagdadamayan ng̃ Pilipino ay yaon ang kalaban ng̃ bayan. Ang kalulwang nagtatanim ng̃ pagiiring̃an ay siyang uod na sumisira ng̃ laya at pagasa ng̃ lahat....

—Matutulis pong salita iyan!—ang pakli ni Simón.

—Nakasusugat ka po!—ang dugtong ni Beteng.

—Hindi, mg̃a kaibigan—ang ganti ni Pastor—kailan ma’y di ko magagawa ang sumugat sa kapatid. Ng̃uni’t, oo; makikipaglaban ako sa kanino mang nagbibinhi ng̃ pagiiring̃an. Ang buhay ko’y aking itinataya lubha pa’t ang pagiiring̃an ay ipupunla dahil lamang sa inggit sa isang lalaking kinakandong ng̃ palad....

—Na sa ibang bahay ka po!—ang paalaala ni Beteng—huwag ninyong lubusin ang pagalipusta sa mg̃a kaharap.

—Sa bahay na pinaghaharian ng̃ dilim ay doon ko dinadala ang ilaw!—ang matapang na sagot ni Pastor.

—Pawang kaululan ang sinabi ninyo!—ang tumbas ni Simón.

—Utang na loob ay manaog na kayo—ang taboy naman ni Beteng.

Tumayo si Pastor ng̃ boong pagng̃ing̃itng̃it. Ang malas niya’y naglalagablab. Maliksing kinuha ang kanyang sombrero at anya’y:

—Dapat ninyo akong itáboy; dapat ninyo akong turang ulol; sapagka’t ang gurong nagtuturo ay talagang kalaban ng̃ mg̃a musmos na tinuturuan.... Nakilala ko na kayó ay dapat namán ninyó akóng makilala.... Paalam sa inyo ng̃uni’t alalahaning ako’y natatalaga sa ano mang mangyayari....

Titig lamang ang isinagot ng̃ dalawa. Kaya’t pumanaw na nagpuputok ang dibdib ni Pastor. Samantalang nawawala ang kanyang yabag ay patuloy sa pagwalang imik ang dalawang nilisan.

—Mang Simón—ang mana’y saad ni Beteng—yumaong galit na galit ang abogado ni Artemyo.

—Walang kailang̃an—ang tugon nito—¡Ibabagsak natin sila!...

—Iyan ang kanina pa’y inaantay kong pumilas sa inyong labi....

Kumuha ng̃ kahon ng̃ tabako si Beteng at inalok ang kaharap. Kapwa sila nagsuso at minsang pinagbuti ang upo. Bago naganasang marahil ay yumari ng̃ paghihiganti. Panahon lamang ang makapagbubungkal ng̃ lihim.

Isang mahigpit na kamayan ang tumapos ng̃ salitaan. At taglay ang galak ng̃ pagasa na naghiwalay ang dalawang nagtiyap.

Back to IndexNext