III

IIIMGA HALIK NG PAGIROGNagbabang̃uhang sampagita, bulaklak na nagpuputían, yaong tinutuhog ni Dolores, sa halamanan nila. Nagiisa siyang noon ay nagaaliw at pinalilipas ang mapanglaw na hapon. Sa isang upuang kawayan ay doon pinagbubuti ang pagyari ng̃ isang kuwintas. Ang samyo na idinudulot ng̃ mg̃a ilang-ilang, ay sumusuob sa mabining dalaga. Marahan namang humahalik sa kanyang mg̃a pisng̃i ang simoy ng̃ hang̃ing nagmumula sa bukid. Samantalang sa kanyang ulunan, ay namamaypay ang masingsing dahon ng̃ kamuning.Ang dilag ni Loleng noon ay lalong tumingkad kay sa dati. Bagay na bagay ang bagong gayak sa mayamang ganda ng̃ kanyang pagka binibini. Sa biglang malas lamang ay mahuhulaan nang siya’y bago pa lamang dumudung̃aw sa pinto ng̃ pagibig. At upang patotohanang naninibago ang kanyang puso sa pagtibok ng̃ buhay sa pagkadalaga, ay masayang umaawit at sinasamyo ang mapapalad na sampagita.—Kay bang̃o ninyo!—ang di napigilang wika at nilang̃ap ang samyong̃kanyang tinutuhog—¡Kay puti ninyo! ¡Kay dunong ng̃ Diyos!...Siya rin ang sumagot:—Talagang kayo ay pinagyaman ng̃ kalikasan! ¡Walang haring makapagsusuot ng̃ inyong gayak! ¡Sutla na di nilikha ng̃ kamay! At ¡puti, puting parang busilak!...Dinugtung̃an pa rin:—Hindi lamang iyan ang inyong yaman. Sa samyo, bang̃o, halimuyak, ay kahanay kayo ng̃ mg̃a pang̃unahing bulaklak na ipinagmamalaki ng̃ katalagahan....Tinapos sa:—Sa ulo, batok, at dibdib ng̃ mg̃a dalaga sa Silang̃anan, ay ginagamit kayong palamuti, katimbang ng̃ rubi, perlas, at brilyante ng̃ mg̃a dalaga sa Kalunuran. Yaon ay binibili ng̃ daan, libo, o yutang salapi, ng̃uni’t kayo ay ipinagpapalit sa isa o dalawang sentimos lamang. ¡Kay taas ng̃ agwat ng̃ halaga! Gayon ma’y lalong matayog ang inyong uri. Sila’y nagagamit lamang ng̃ nakaririwasa, samantalang kayo aypinakikinabang̃anng̃ lalong dukha at ng̃ lalong mayaman. Ikinahihiya silang igayak ng̃ mg̃a dahop sa salapi, datapwa’t kayo ay ikinararang̃al ng̃ lahat....At malaong nilang̃ap na naman ang mapapalad na sampagita. Mana’y pinanood at kinausap:—Gaano man ang inyong yaman, gaano man ang inyong dilag, ay di ko rin ipagpapalit sa inyo ang aking pinakamamahal sa buhay, ang giliw ng̃ puso ko, si Artemyo ng̃ aking pagibig....Isang halik ang biglang lumagot sa kanyang pang̃ung̃usap; halik na tumunog sa kanyang pisng̃i; halik na kaunaunahang idinulot ng̃ pagibig. Nagulat at napaling̃on ang ating dalaga. Subali’tnapatung̃ó na lamang at pumatak ang luha, noong mapagtanto niyang si Artemyo pala ang nagbigay ng̃ ligalig.—Loleng!—ang bati nito—napoot ka yata....—Di ko akalain...!—ang tugon naman ng̃ binibini.—Huwag; huwag kang magalit. Tinugon ko lamang ang utos ng̃ aking pagsintá. Kanina pa ako rito na nagsusubók sa iyo. Napanood ko ang lahat ng̃ iyong ikinilos. Ang puso ko’y nilang̃o ng̃ tamis. At nakagawa tuloy ng̃ kalapastang̃anan....Patuloy sa pagkatung̃o ang binibini. Nahihiya o napopoot mandin sa nangyari. Talagang gayon ang dalagang Tagalog. Malambing̃in ng̃uni’t matampuhin. Magiliw datapwa’t maselan. Sa di pagimik ay sarisaring katuturan ang maipalalagay.—Loleng—ang muling saad ni Artemyo—kahapon lamang binihis mo ang aking puso, ng̃ayon ay muli na namang pagdudusahin. ¡Kay sawing palad ko!...Hinawakan ang kamay ni Loleng na may hawak na sampagita. Naupo sa piling nito at sinapupo sa likod angdalaga ng̃ kaliwang kamay. Bago nagpatuloy:—Napakawalang awa ka! Parang tinakaw mo lamang ako sa galak. Mabuti pang di hamak ang di ako pinang̃akuan ng̃ pagibig, kay sa naturang giliw ay nilulunod sa kapighatian....—Ikaw ang may sala—ang marahang patlang ni Dolores—¿hindi ba kahapo’y isinumpa mong ako’y iyong igagalang?—Tunay. At siya ko namang ginaganap...—Paggalang pala ang iyong inasal!—Hindi ba?—Paglapastang̃an!—Na naman!—At di ba pagapi sa dang̃al?—Loleng, huwag mong isaloob ang gayon. Ang paggalang ay kapatid ng̃ pagibig. May halik ang paggalang at may halik ang pagibig. Ang halik ng̃ paggalang ay idinadampi sa damit, sa paa, ó sa kamay. Ang halik ng̃ pagibig ay sa noó, sa pisng̃i, ó sa kapuwa labi inilalagak. Pumili ka ng̃ayon; ¿alin ang ibig ng̃ Loleng ko?—Ang halik ng̃ paggalang—ang masaya nang tumbas ng̃ binibini.—Loleng, ¡lalong napopoot ka! Hagkan ko ang iyong damit ay tuturan mong kita’y nilalaro. Hagkan ko ang iyong paa, ay sasabihin mong kita’y inuuyam. Hagkan ko ang iyong kamay ayisasaadmong kita’y binibiro....Isang ng̃iti at isang titig ang iginanti ng̃ pusong nagtampo. Nagpalaot naman si Artemyo.—Sapilitan, irog ko, na ang pipiliin mo ay ang halik ng̃ pagibig. Siya kong ginanap, tanda ng̃ aking pagmamahal. Doon ay kalakip na rin ang paggalang na aking ipinang̃ako kahapon.—Lahat ng̃ matwid ay na sa iyo!—Sapagka’t ako ay taong may katwiran....—Sinung̃aling!...Isang malakas na tawag na “Loleng” ang gumambala sa paguulayaw ng̃ dalawa. Yaon ang makapangyarihang tinig ni kapitana Martina.Luming̃onang tinawagan, bago nagpaalam sa kasi:—Artemyo, tinatawag na ako ng̃ Tiyang.—Lilisanin mo ba ako?—ang lambing naman ng̃ binata.—Pumanhik tayong dalawa.—Baka di maganda ang gayon?—Mauuna ako’t sumunod ka mamiya.—Mabuti pa.—Aantabayanan kita?—Asahan mo.At tumalikod ang binibini matapos ihandog sa giliw ang isang kumpol ng̃ sampagita. Handog na waring walang katuturan, ng̃uni’t minahal ni Artemyo. Sapagka’t yaon ay nilagakan muna ng̃ isang halik ng̃ kanyang pinopoon. At sinasamyo ng̃ binata samantalang pinanonood niya ang pagyaon ni Dolores.Noon nama’y naglilikom na ng̃ liwanag ang ilaw ng̃ sangdaigdig. Ang dilim ay marahang nagbubuka ng̃ pakpak. Nagsisimula na ng̃ pagawit ang panglaw at lungkot ng̃ gabi. Mana’y marahang namumukadkad sa kaitaasan ang mg̃a sampagita sa bukid ng̃ Diyos, iyang mg̃a bituing nagpapagunita ng̃ luwalhati sa kabilang buhay.Malaong sandali pa ang lumipas, bago narinig ang:—Magandang gabi po—na patao ni Artemyo upang tumupad sa pang̃ako.—Magandang gabi po naman—ang pakunwaringsalubong ni Dolores—Tuloy kayo....Pumanhik ang panauhin at nagtuloy sa salas. Doon ay inabot niya si kapitana Martina. Nagbigay ng̃ galang at payapang naupo. Si Dolores naman ay naupo na rin. Ito ang nagbukas ng̃ salitaan:—Saan po kayo nanggaling?—Doon po sa bahay.—Ng̃ayon lamang kayo naligaw dito ah—ang pang̃atlo ni kapitana Martina.—Bakit naman po?—ang tutol ng̃ binata.—Noong lamang isang linggo ay narito kami.—Siya ng̃a pala—ang patalo na ng̃ kapitana—at noon ng̃a pala kayo nagharana. Hanggang ng̃ayon ay di ko pa nalilimot yaong inawit ni mang Huwan naayaw ko sa intsik....At tinapos sa halakhak. Tawa rin ang itinugon ng̃ dalawang kapulong.—Bakit po ba hindi ninyo kasama noon si mang Beteng?—ang usisa ng̃ binibini.—Ayaw na pong makibarkada sa amin—ang tugon ni Artemyo.—Kung ilan nang haranahan iyan na di nakakasama yaon eh....—ang katig ng̃ kapitana.—Napupuna ko ng̃a rin—ang dugtong ng̃ dalaga.—At ¿bakit di mo mapupuna?—ang biro ng̃ ali—sa iyon lamang ang itinatang̃i mo....—Ang Tiyang naman!—ang tanggi ni Loleng.—Ehem!—ang salo ni Artemyo.—Siya; kung ayaw ka ng̃ itinatang̃i ay minamahal...—ang dugtong ng̃ kapitana.—Nagkatabas tuloy!—ang tawa ng̃ binata natin.Isang makahulugang irap ang inihagis ng̃ dalaga kay Artemyo. Ginanti naman nito ng̃ isang titig. Ano pa’t mg̃a mata ang pinapagusap. At sa mukha nila ay nababasa ang pagkainip sa matandang kaharap. Salamat at ito ay mapagbigay at nataunang nanalo noon sa pangginge; kaya malamig ang ulo at binigyang panahon ang dalawang puso upang magulayaw. Lumabas ang kapitana at nilisan ang mg̃a kausap. Lumaya ang dalawang pusong nagtatalik sa galak.—Waring hindi batid ng̃ ali mo ang ating lihim?—ang saad ni Artemyo.—Hindi, at maging̃at ka—ang tugon ni Dolores.—Naparito na ba si Beteng?—Oo. Di ko pa pala naibabalita sa iyo na sila ay nagharana rito.—Kailan?—Noong Huwebes ng̃ gabi.—Sino sino sila?—Wala akong nakilala; ng̃uni’t sa inyong magkakasama noong araw, ay si Beteng lamang ang kasama.—Nagsarili na!—Hindi lamang iyon. Sumulat pa sa Tatay na ikaw daw ay alipin lamang. Nagsisilbing-kanin ka raw sa kanya, kaya di ka dapat tanggapin dito.Napipi at namutla sa galit ang nabiglang binata. Ang binigkas na yaon ng̃ kanyang kasi ay naging matunog na kulog sa kanyang pangdinig. Siya ay nangliit. Aywan kung inapi ng̃ kahihiyan ó sinupil ng̃ poot. Datapwa’t sa pagyaon ng̃ ilang sandali ang mukha niya’y naging maamo. Tulad sa nagkasalang humihing̃i ng̃ tawad.—Salamat na lamang—ang patuloy ng̃ dalaga—at ako ang nakatanggap. Kaya,ni ang Tatay, ni ang Tiyang, ni sino pa man dito, ay walang nakabatid.—Nahan ang liham?—ang mana’y usisa ni Artemyo.—Sinunog ko.—Bakit mo sinunog?—Sapagka’t gawa ng̃ taksil.—Di mo na ipinabasa sa akin?—Baka pa matunghayan ng̃ iba.—Bakit mo nalamang sulat niya?—Dahil sa may lagda.—Nilagdaan!—Maniwala ka.—Ng̃ pang̃alan niya!—Tunay.—Kay tapang!—Duwag, ang sabihin mo.—Sayang at di ko nakita!—Huwag na.—Nananalig ka naman?—Hindi! ¡Hinding hindi!—Bakit?—Sapagka’t walang katotohanan.—Totoo yaon!—Ano sa akin?—Tapat ang sumbong niya.—Walang ano man.—Paniwalaan mo!—Ipalagay mong ako’y naniniwala. Maging totoo nang busabos ka niya, ¿ano ng̃ayon? ¿Ang pagibig ba’y nahahadlang̃an ng̃ mg̃a bagay na iyan?—Dolores!—Kung ang pagirog mo ay naigigiba ng̃ inggit at imbot, ang pagibig ko ay hindi. Matibay. Kasingtibay ng̃ moog. Kamatayan lamang ang makapagwawalat.—Bulaan!—Masusubok mo rin.—Nasubok ko na. Sa isang halik lamang ay pinatulo mo na ang iyong luha....—Sapagka’t nalunos ako sa aking pagkadalaga.—Di lalong malulunos ka sa palad mong tatamuhin ng̃ isang busabos?—Kabila man ng̃ busabos, kung iniirog ko at minamahal, sa akin ay daig pa ang haring na sa trono ng̃ luwalhati.—Diyata?—Tunay.—Ang katunayan?—Kinamit mo na.—Yaon bang tinamo sa lakas-loob; halik na itinang̃is ng̃ hinagkan, ay siya mong patunay?—Sapat na yaon.—Ang pagibig ay walang kabusugan!—Hindi pa panahon.—Lahat ng̃ sandali ay dapat pakinabang̃an.—Sa iba nang pagkakataon.—Naipagpapaliban pala ang sanla ng̃ pagibig....At tinapos sa pagpisil ng̃ kamay ng̃ binibini. Tumayo ang binata at nagling̃on-likod. Ang dalaga ay kinabahan at umiwas na:—Hayun ang Tiyang!—Mamatay na tayo!At boong tapang na inilagda ni Artemyo ang pang̃alawang halik ng̃ pagirog sa mapulang pisng̃i ni Dolores. Ito ay nagitla, subali’t nang matiyak na di sila napuna ng̃ kapitana Martina ay magiliw na nagsabing:—Pang̃ahas ka rin!—Kay palad ko ng̃ayon!—ang galak ni Artemyo—Sa gabing ito nahawi ang dilim ng̃ aking pagasa. Nababanaag ko na ang liwayway ng̃ aking kapalaran. Datapwa’t, Loleng, Loleng, huwag ka sanang padadala sa dila ng̃ mg̃a umaagaw ng̃ aking dang̃al....—Hindi, at isinasamo ko sa iyonghuwag mo nang mababanggit kay mang Beteng ang liham niya sa Tatay.—Asahan mo.—Ilagan mo sana ang sigalot.—Huwag kang magalaala.—Talagang gayon ang kalulwang sawi sa pagibig. Parang ulol na di nalalaman ang ginagawa. Awa ang dapat ihandog sa kanila.—Siyang totoo.—Naku, sukat bang siraan ka! At sira pa namang kahahalataan ng̃ pagkaimbi....—Kay pang̃it!—Sawing palad na lalaki!Ang orasang nakasabit sa dakong itaas ng̃ pinto, ay nakisagot din. Walong pantig ng̃ kanyang batingting ang pinaltik. Ang oras ng̃ pagaalaala sa mg̃a kalulwa sa purgatoryo’y siyang ibinansag.—Ika walo na pala!—ang saad ni Artemyo na dinukot at minasdan ang kanyang orasan.—Ay ¿ano kung ika walo na?—ang putol ng dalaga—¿naiinip ka ba?—Naiinip? ¿Mainip ako sa piling mo? Loleng, kung makukuha ko lamang ang aking puso, at ihaharap ko sa iyo, ay makikita mong sabik na sabik sa iyongdilag at pagmamahal. Nais ay matali na sa puso mo kung mangyayari...—Bulaan!—Hindi. Talagang wala akong pinapang̃arap, kung di ang pagbabagong buhay natin. Maging malaya tayo sa pagduduyan sa tuwa... Ng̃uni’t samantalang di pa namimitak ang ating araw, ay sumunod na muna tayo sa palakad ng̃ panahon.Hindi tumugon ang dalaga sapagka’t noon ay sa susung̃aw sa pinto si kapitana Martina.—Maalaala ko pala—ang wika nito—huwag kayong mawawala sa isang linggo, at ating ipagdidiwang̃ ang kaarawan ni Loleng.—Sa isang Linggo po?—ang tanong ni Artemyo.—Sa ika 21 ng̃ kasalukuyan—ang salo naman ng̃ dalaga.—Bulaklak ng̃a pala kayo ng̃ Mayo—ang pagpuri ng̃ binata.—Kaya po kasingganda ng̃ kamya—ang dugtong ng̃ kapitana.—Ang Tiyang naman!—ang hinampo ni Loleng—para pa tayong taga Palanyag.—Kung ayaw ka ng̃ kamya ay asusena. Kung ayaw kang̃asusena ay sampagita.Kung ayaw ka ng̃ sampagita ay rosal. Alin man ang iyong piliin ay bagay sa iyong kagandahan—ang pagtatanggol ng̃ kapitana na lubhang nawiwiling biruin ang kanyang alaga.—Siya ng̃a—ang ayon ni Artemyo.—Siya na kayo—ang salag ni Dolores.Napatigil ang salitaan sapagka’t noon ay may narinig silang yabag. Ilang sandali lamang na nagdiwang ang pananahimik at napagsino na ng̃ tatlo. Tinig ni kapitang Andoy ang kanilang napansin. Hindi nagkabula ang palagay. Sumipot sa pinto ang matanda. Sinalubong naman ni Artemyo ng̃ bati ng̃ paggalang.—Nakasabay ko po ng̃ayon si mang Beteng—ang balita nito.—Saan?—ang usisa ng̃ kapitana.—Sa trambiya—ang patuloy ng̃ matandang Andoy—at sinabi sa aking magdadala siya rito ng̃ komparsa sa araw mo Loleng.—Ehem! ¡ehem! ¡ehem!—ang tikim ng̃ kapitana.Nagtitigan naman ang dalawang pusong naglilihim. Bago nagng̃itian ng̃ ng̃iti ng̃ kasyahang loob.—Hindi raw ikahihiya sa mg̃a panauhin ang kanyang dadalhin dito—ang dugtongpa ng̃ nagbalita—marahil daw ay mg̃a labing anim katao.—Kay dami! ¡Talagang pang̃atawanan!—ang tuwa ng̃ kapitana—Kayo mang Artemyo, magdala rin kayo.—Na naman ang Tiyang...—ang hadlang ng̃ dalaga.—Ito ng̃a naman—ang habol ng̃ kapitang Andoy na hinarap ang mapagsisteng asawa.—Susubukin ko po—ang tugon naman ng̃ binata.—Baka matuloy!—ang pakli ng̃ kapitana—Biro ko lamang iyon.—Titingnan ko rin po—ang saad ni Artemyo na napapasubo.—Huwag na—ang pigil naman ni kapitang Andoy—sapagka’t sapat na ang dadalhin ni mang Beteng. Bakit nababalitaan kong waring may bigatng̃loob sa inyo, ay baka kung ano pa ang ipakahulugan noon.—Siya ng̃a—ang ayon ni Dolores.Hindi nakasagot si Artemyo. Namutla at napipi. Sumikdo ang loob. Marahang sumusubo ang pagng̃ing̃itng̃it. Titig na lamang ang ipinukol kay Dolores. Ito naman na nakaramdam ng̃ kagipitan noonay sinamantala ang pagtatanggol sa giliw. Anya’y:—Dumalo na lamang kayo at isama ninyo ang inyong mga kaibigan.—Maaasahan po—ang pakli ng̃ binata.—Baka di kayo sumipot?—ang habol ng̃ kapitana Martina.—Baka pang̃akong napako iyan—ang salo naman ng̃ kapitang Andoy—bakit na sa Pako pa naman tayo.—Hindi po—ang sagot ni Artemyo—maaasahan po ninyo.At tumayong kinuha ang kanyang sombrero bago nagpaalam.—Aalis na ba kayo?—ang saad ng̃ kapitana.—Maaga pa naman—ang dugtong ng̃ kapitang Andoy.—Mayroon pa po kaming paroroonan—ang pakunwari ng̃ binata.Kinamayan ang tatlong lilisanin. Nanaog na nalulunod ang puso. Sumisinghap sa tuwa at sumisinghap sa galit. Naluluoy sa tuwa dahil sa pagtatamong̃halik ng̃ pagirog. Nilalagnat sa galit dahil sa paninira ni Beteng. Gayon ma’y tahimik na yumaon ang kalulwang itinaguyod ng̃ mapalad na pagkakataon.

IIIMGA HALIK NG PAGIROG

Nagbabang̃uhang sampagita, bulaklak na nagpuputían, yaong tinutuhog ni Dolores, sa halamanan nila. Nagiisa siyang noon ay nagaaliw at pinalilipas ang mapanglaw na hapon. Sa isang upuang kawayan ay doon pinagbubuti ang pagyari ng̃ isang kuwintas. Ang samyo na idinudulot ng̃ mg̃a ilang-ilang, ay sumusuob sa mabining dalaga. Marahan namang humahalik sa kanyang mg̃a pisng̃i ang simoy ng̃ hang̃ing nagmumula sa bukid. Samantalang sa kanyang ulunan, ay namamaypay ang masingsing dahon ng̃ kamuning.Ang dilag ni Loleng noon ay lalong tumingkad kay sa dati. Bagay na bagay ang bagong gayak sa mayamang ganda ng̃ kanyang pagka binibini. Sa biglang malas lamang ay mahuhulaan nang siya’y bago pa lamang dumudung̃aw sa pinto ng̃ pagibig. At upang patotohanang naninibago ang kanyang puso sa pagtibok ng̃ buhay sa pagkadalaga, ay masayang umaawit at sinasamyo ang mapapalad na sampagita.—Kay bang̃o ninyo!—ang di napigilang wika at nilang̃ap ang samyong̃kanyang tinutuhog—¡Kay puti ninyo! ¡Kay dunong ng̃ Diyos!...Siya rin ang sumagot:—Talagang kayo ay pinagyaman ng̃ kalikasan! ¡Walang haring makapagsusuot ng̃ inyong gayak! ¡Sutla na di nilikha ng̃ kamay! At ¡puti, puting parang busilak!...Dinugtung̃an pa rin:—Hindi lamang iyan ang inyong yaman. Sa samyo, bang̃o, halimuyak, ay kahanay kayo ng̃ mg̃a pang̃unahing bulaklak na ipinagmamalaki ng̃ katalagahan....Tinapos sa:—Sa ulo, batok, at dibdib ng̃ mg̃a dalaga sa Silang̃anan, ay ginagamit kayong palamuti, katimbang ng̃ rubi, perlas, at brilyante ng̃ mg̃a dalaga sa Kalunuran. Yaon ay binibili ng̃ daan, libo, o yutang salapi, ng̃uni’t kayo ay ipinagpapalit sa isa o dalawang sentimos lamang. ¡Kay taas ng̃ agwat ng̃ halaga! Gayon ma’y lalong matayog ang inyong uri. Sila’y nagagamit lamang ng̃ nakaririwasa, samantalang kayo aypinakikinabang̃anng̃ lalong dukha at ng̃ lalong mayaman. Ikinahihiya silang igayak ng̃ mg̃a dahop sa salapi, datapwa’t kayo ay ikinararang̃al ng̃ lahat....At malaong nilang̃ap na naman ang mapapalad na sampagita. Mana’y pinanood at kinausap:—Gaano man ang inyong yaman, gaano man ang inyong dilag, ay di ko rin ipagpapalit sa inyo ang aking pinakamamahal sa buhay, ang giliw ng̃ puso ko, si Artemyo ng̃ aking pagibig....Isang halik ang biglang lumagot sa kanyang pang̃ung̃usap; halik na tumunog sa kanyang pisng̃i; halik na kaunaunahang idinulot ng̃ pagibig. Nagulat at napaling̃on ang ating dalaga. Subali’tnapatung̃ó na lamang at pumatak ang luha, noong mapagtanto niyang si Artemyo pala ang nagbigay ng̃ ligalig.—Loleng!—ang bati nito—napoot ka yata....—Di ko akalain...!—ang tugon naman ng̃ binibini.—Huwag; huwag kang magalit. Tinugon ko lamang ang utos ng̃ aking pagsintá. Kanina pa ako rito na nagsusubók sa iyo. Napanood ko ang lahat ng̃ iyong ikinilos. Ang puso ko’y nilang̃o ng̃ tamis. At nakagawa tuloy ng̃ kalapastang̃anan....Patuloy sa pagkatung̃o ang binibini. Nahihiya o napopoot mandin sa nangyari. Talagang gayon ang dalagang Tagalog. Malambing̃in ng̃uni’t matampuhin. Magiliw datapwa’t maselan. Sa di pagimik ay sarisaring katuturan ang maipalalagay.—Loleng—ang muling saad ni Artemyo—kahapon lamang binihis mo ang aking puso, ng̃ayon ay muli na namang pagdudusahin. ¡Kay sawing palad ko!...Hinawakan ang kamay ni Loleng na may hawak na sampagita. Naupo sa piling nito at sinapupo sa likod angdalaga ng̃ kaliwang kamay. Bago nagpatuloy:—Napakawalang awa ka! Parang tinakaw mo lamang ako sa galak. Mabuti pang di hamak ang di ako pinang̃akuan ng̃ pagibig, kay sa naturang giliw ay nilulunod sa kapighatian....—Ikaw ang may sala—ang marahang patlang ni Dolores—¿hindi ba kahapo’y isinumpa mong ako’y iyong igagalang?—Tunay. At siya ko namang ginaganap...—Paggalang pala ang iyong inasal!—Hindi ba?—Paglapastang̃an!—Na naman!—At di ba pagapi sa dang̃al?—Loleng, huwag mong isaloob ang gayon. Ang paggalang ay kapatid ng̃ pagibig. May halik ang paggalang at may halik ang pagibig. Ang halik ng̃ paggalang ay idinadampi sa damit, sa paa, ó sa kamay. Ang halik ng̃ pagibig ay sa noó, sa pisng̃i, ó sa kapuwa labi inilalagak. Pumili ka ng̃ayon; ¿alin ang ibig ng̃ Loleng ko?—Ang halik ng̃ paggalang—ang masaya nang tumbas ng̃ binibini.—Loleng, ¡lalong napopoot ka! Hagkan ko ang iyong damit ay tuturan mong kita’y nilalaro. Hagkan ko ang iyong paa, ay sasabihin mong kita’y inuuyam. Hagkan ko ang iyong kamay ayisasaadmong kita’y binibiro....Isang ng̃iti at isang titig ang iginanti ng̃ pusong nagtampo. Nagpalaot naman si Artemyo.—Sapilitan, irog ko, na ang pipiliin mo ay ang halik ng̃ pagibig. Siya kong ginanap, tanda ng̃ aking pagmamahal. Doon ay kalakip na rin ang paggalang na aking ipinang̃ako kahapon.—Lahat ng̃ matwid ay na sa iyo!—Sapagka’t ako ay taong may katwiran....—Sinung̃aling!...Isang malakas na tawag na “Loleng” ang gumambala sa paguulayaw ng̃ dalawa. Yaon ang makapangyarihang tinig ni kapitana Martina.Luming̃onang tinawagan, bago nagpaalam sa kasi:—Artemyo, tinatawag na ako ng̃ Tiyang.—Lilisanin mo ba ako?—ang lambing naman ng̃ binata.—Pumanhik tayong dalawa.—Baka di maganda ang gayon?—Mauuna ako’t sumunod ka mamiya.—Mabuti pa.—Aantabayanan kita?—Asahan mo.At tumalikod ang binibini matapos ihandog sa giliw ang isang kumpol ng̃ sampagita. Handog na waring walang katuturan, ng̃uni’t minahal ni Artemyo. Sapagka’t yaon ay nilagakan muna ng̃ isang halik ng̃ kanyang pinopoon. At sinasamyo ng̃ binata samantalang pinanonood niya ang pagyaon ni Dolores.Noon nama’y naglilikom na ng̃ liwanag ang ilaw ng̃ sangdaigdig. Ang dilim ay marahang nagbubuka ng̃ pakpak. Nagsisimula na ng̃ pagawit ang panglaw at lungkot ng̃ gabi. Mana’y marahang namumukadkad sa kaitaasan ang mg̃a sampagita sa bukid ng̃ Diyos, iyang mg̃a bituing nagpapagunita ng̃ luwalhati sa kabilang buhay.Malaong sandali pa ang lumipas, bago narinig ang:—Magandang gabi po—na patao ni Artemyo upang tumupad sa pang̃ako.—Magandang gabi po naman—ang pakunwaringsalubong ni Dolores—Tuloy kayo....Pumanhik ang panauhin at nagtuloy sa salas. Doon ay inabot niya si kapitana Martina. Nagbigay ng̃ galang at payapang naupo. Si Dolores naman ay naupo na rin. Ito ang nagbukas ng̃ salitaan:—Saan po kayo nanggaling?—Doon po sa bahay.—Ng̃ayon lamang kayo naligaw dito ah—ang pang̃atlo ni kapitana Martina.—Bakit naman po?—ang tutol ng̃ binata.—Noong lamang isang linggo ay narito kami.—Siya ng̃a pala—ang patalo na ng̃ kapitana—at noon ng̃a pala kayo nagharana. Hanggang ng̃ayon ay di ko pa nalilimot yaong inawit ni mang Huwan naayaw ko sa intsik....At tinapos sa halakhak. Tawa rin ang itinugon ng̃ dalawang kapulong.—Bakit po ba hindi ninyo kasama noon si mang Beteng?—ang usisa ng̃ binibini.—Ayaw na pong makibarkada sa amin—ang tugon ni Artemyo.—Kung ilan nang haranahan iyan na di nakakasama yaon eh....—ang katig ng̃ kapitana.—Napupuna ko ng̃a rin—ang dugtong ng̃ dalaga.—At ¿bakit di mo mapupuna?—ang biro ng̃ ali—sa iyon lamang ang itinatang̃i mo....—Ang Tiyang naman!—ang tanggi ni Loleng.—Ehem!—ang salo ni Artemyo.—Siya; kung ayaw ka ng̃ itinatang̃i ay minamahal...—ang dugtong ng̃ kapitana.—Nagkatabas tuloy!—ang tawa ng̃ binata natin.Isang makahulugang irap ang inihagis ng̃ dalaga kay Artemyo. Ginanti naman nito ng̃ isang titig. Ano pa’t mg̃a mata ang pinapagusap. At sa mukha nila ay nababasa ang pagkainip sa matandang kaharap. Salamat at ito ay mapagbigay at nataunang nanalo noon sa pangginge; kaya malamig ang ulo at binigyang panahon ang dalawang puso upang magulayaw. Lumabas ang kapitana at nilisan ang mg̃a kausap. Lumaya ang dalawang pusong nagtatalik sa galak.—Waring hindi batid ng̃ ali mo ang ating lihim?—ang saad ni Artemyo.—Hindi, at maging̃at ka—ang tugon ni Dolores.—Naparito na ba si Beteng?—Oo. Di ko pa pala naibabalita sa iyo na sila ay nagharana rito.—Kailan?—Noong Huwebes ng̃ gabi.—Sino sino sila?—Wala akong nakilala; ng̃uni’t sa inyong magkakasama noong araw, ay si Beteng lamang ang kasama.—Nagsarili na!—Hindi lamang iyon. Sumulat pa sa Tatay na ikaw daw ay alipin lamang. Nagsisilbing-kanin ka raw sa kanya, kaya di ka dapat tanggapin dito.Napipi at namutla sa galit ang nabiglang binata. Ang binigkas na yaon ng̃ kanyang kasi ay naging matunog na kulog sa kanyang pangdinig. Siya ay nangliit. Aywan kung inapi ng̃ kahihiyan ó sinupil ng̃ poot. Datapwa’t sa pagyaon ng̃ ilang sandali ang mukha niya’y naging maamo. Tulad sa nagkasalang humihing̃i ng̃ tawad.—Salamat na lamang—ang patuloy ng̃ dalaga—at ako ang nakatanggap. Kaya,ni ang Tatay, ni ang Tiyang, ni sino pa man dito, ay walang nakabatid.—Nahan ang liham?—ang mana’y usisa ni Artemyo.—Sinunog ko.—Bakit mo sinunog?—Sapagka’t gawa ng̃ taksil.—Di mo na ipinabasa sa akin?—Baka pa matunghayan ng̃ iba.—Bakit mo nalamang sulat niya?—Dahil sa may lagda.—Nilagdaan!—Maniwala ka.—Ng̃ pang̃alan niya!—Tunay.—Kay tapang!—Duwag, ang sabihin mo.—Sayang at di ko nakita!—Huwag na.—Nananalig ka naman?—Hindi! ¡Hinding hindi!—Bakit?—Sapagka’t walang katotohanan.—Totoo yaon!—Ano sa akin?—Tapat ang sumbong niya.—Walang ano man.—Paniwalaan mo!—Ipalagay mong ako’y naniniwala. Maging totoo nang busabos ka niya, ¿ano ng̃ayon? ¿Ang pagibig ba’y nahahadlang̃an ng̃ mg̃a bagay na iyan?—Dolores!—Kung ang pagirog mo ay naigigiba ng̃ inggit at imbot, ang pagibig ko ay hindi. Matibay. Kasingtibay ng̃ moog. Kamatayan lamang ang makapagwawalat.—Bulaan!—Masusubok mo rin.—Nasubok ko na. Sa isang halik lamang ay pinatulo mo na ang iyong luha....—Sapagka’t nalunos ako sa aking pagkadalaga.—Di lalong malulunos ka sa palad mong tatamuhin ng̃ isang busabos?—Kabila man ng̃ busabos, kung iniirog ko at minamahal, sa akin ay daig pa ang haring na sa trono ng̃ luwalhati.—Diyata?—Tunay.—Ang katunayan?—Kinamit mo na.—Yaon bang tinamo sa lakas-loob; halik na itinang̃is ng̃ hinagkan, ay siya mong patunay?—Sapat na yaon.—Ang pagibig ay walang kabusugan!—Hindi pa panahon.—Lahat ng̃ sandali ay dapat pakinabang̃an.—Sa iba nang pagkakataon.—Naipagpapaliban pala ang sanla ng̃ pagibig....At tinapos sa pagpisil ng̃ kamay ng̃ binibini. Tumayo ang binata at nagling̃on-likod. Ang dalaga ay kinabahan at umiwas na:—Hayun ang Tiyang!—Mamatay na tayo!At boong tapang na inilagda ni Artemyo ang pang̃alawang halik ng̃ pagirog sa mapulang pisng̃i ni Dolores. Ito ay nagitla, subali’t nang matiyak na di sila napuna ng̃ kapitana Martina ay magiliw na nagsabing:—Pang̃ahas ka rin!—Kay palad ko ng̃ayon!—ang galak ni Artemyo—Sa gabing ito nahawi ang dilim ng̃ aking pagasa. Nababanaag ko na ang liwayway ng̃ aking kapalaran. Datapwa’t, Loleng, Loleng, huwag ka sanang padadala sa dila ng̃ mg̃a umaagaw ng̃ aking dang̃al....—Hindi, at isinasamo ko sa iyonghuwag mo nang mababanggit kay mang Beteng ang liham niya sa Tatay.—Asahan mo.—Ilagan mo sana ang sigalot.—Huwag kang magalaala.—Talagang gayon ang kalulwang sawi sa pagibig. Parang ulol na di nalalaman ang ginagawa. Awa ang dapat ihandog sa kanila.—Siyang totoo.—Naku, sukat bang siraan ka! At sira pa namang kahahalataan ng̃ pagkaimbi....—Kay pang̃it!—Sawing palad na lalaki!Ang orasang nakasabit sa dakong itaas ng̃ pinto, ay nakisagot din. Walong pantig ng̃ kanyang batingting ang pinaltik. Ang oras ng̃ pagaalaala sa mg̃a kalulwa sa purgatoryo’y siyang ibinansag.—Ika walo na pala!—ang saad ni Artemyo na dinukot at minasdan ang kanyang orasan.—Ay ¿ano kung ika walo na?—ang putol ng dalaga—¿naiinip ka ba?—Naiinip? ¿Mainip ako sa piling mo? Loleng, kung makukuha ko lamang ang aking puso, at ihaharap ko sa iyo, ay makikita mong sabik na sabik sa iyongdilag at pagmamahal. Nais ay matali na sa puso mo kung mangyayari...—Bulaan!—Hindi. Talagang wala akong pinapang̃arap, kung di ang pagbabagong buhay natin. Maging malaya tayo sa pagduduyan sa tuwa... Ng̃uni’t samantalang di pa namimitak ang ating araw, ay sumunod na muna tayo sa palakad ng̃ panahon.Hindi tumugon ang dalaga sapagka’t noon ay sa susung̃aw sa pinto si kapitana Martina.—Maalaala ko pala—ang wika nito—huwag kayong mawawala sa isang linggo, at ating ipagdidiwang̃ ang kaarawan ni Loleng.—Sa isang Linggo po?—ang tanong ni Artemyo.—Sa ika 21 ng̃ kasalukuyan—ang salo naman ng̃ dalaga.—Bulaklak ng̃a pala kayo ng̃ Mayo—ang pagpuri ng̃ binata.—Kaya po kasingganda ng̃ kamya—ang dugtong ng̃ kapitana.—Ang Tiyang naman!—ang hinampo ni Loleng—para pa tayong taga Palanyag.—Kung ayaw ka ng̃ kamya ay asusena. Kung ayaw kang̃asusena ay sampagita.Kung ayaw ka ng̃ sampagita ay rosal. Alin man ang iyong piliin ay bagay sa iyong kagandahan—ang pagtatanggol ng̃ kapitana na lubhang nawiwiling biruin ang kanyang alaga.—Siya ng̃a—ang ayon ni Artemyo.—Siya na kayo—ang salag ni Dolores.Napatigil ang salitaan sapagka’t noon ay may narinig silang yabag. Ilang sandali lamang na nagdiwang ang pananahimik at napagsino na ng̃ tatlo. Tinig ni kapitang Andoy ang kanilang napansin. Hindi nagkabula ang palagay. Sumipot sa pinto ang matanda. Sinalubong naman ni Artemyo ng̃ bati ng̃ paggalang.—Nakasabay ko po ng̃ayon si mang Beteng—ang balita nito.—Saan?—ang usisa ng̃ kapitana.—Sa trambiya—ang patuloy ng̃ matandang Andoy—at sinabi sa aking magdadala siya rito ng̃ komparsa sa araw mo Loleng.—Ehem! ¡ehem! ¡ehem!—ang tikim ng̃ kapitana.Nagtitigan naman ang dalawang pusong naglilihim. Bago nagng̃itian ng̃ ng̃iti ng̃ kasyahang loob.—Hindi raw ikahihiya sa mg̃a panauhin ang kanyang dadalhin dito—ang dugtongpa ng̃ nagbalita—marahil daw ay mg̃a labing anim katao.—Kay dami! ¡Talagang pang̃atawanan!—ang tuwa ng̃ kapitana—Kayo mang Artemyo, magdala rin kayo.—Na naman ang Tiyang...—ang hadlang ng̃ dalaga.—Ito ng̃a naman—ang habol ng̃ kapitang Andoy na hinarap ang mapagsisteng asawa.—Susubukin ko po—ang tugon naman ng̃ binata.—Baka matuloy!—ang pakli ng̃ kapitana—Biro ko lamang iyon.—Titingnan ko rin po—ang saad ni Artemyo na napapasubo.—Huwag na—ang pigil naman ni kapitang Andoy—sapagka’t sapat na ang dadalhin ni mang Beteng. Bakit nababalitaan kong waring may bigatng̃loob sa inyo, ay baka kung ano pa ang ipakahulugan noon.—Siya ng̃a—ang ayon ni Dolores.Hindi nakasagot si Artemyo. Namutla at napipi. Sumikdo ang loob. Marahang sumusubo ang pagng̃ing̃itng̃it. Titig na lamang ang ipinukol kay Dolores. Ito naman na nakaramdam ng̃ kagipitan noonay sinamantala ang pagtatanggol sa giliw. Anya’y:—Dumalo na lamang kayo at isama ninyo ang inyong mga kaibigan.—Maaasahan po—ang pakli ng̃ binata.—Baka di kayo sumipot?—ang habol ng̃ kapitana Martina.—Baka pang̃akong napako iyan—ang salo naman ng̃ kapitang Andoy—bakit na sa Pako pa naman tayo.—Hindi po—ang sagot ni Artemyo—maaasahan po ninyo.At tumayong kinuha ang kanyang sombrero bago nagpaalam.—Aalis na ba kayo?—ang saad ng̃ kapitana.—Maaga pa naman—ang dugtong ng̃ kapitang Andoy.—Mayroon pa po kaming paroroonan—ang pakunwari ng̃ binata.Kinamayan ang tatlong lilisanin. Nanaog na nalulunod ang puso. Sumisinghap sa tuwa at sumisinghap sa galit. Naluluoy sa tuwa dahil sa pagtatamong̃halik ng̃ pagirog. Nilalagnat sa galit dahil sa paninira ni Beteng. Gayon ma’y tahimik na yumaon ang kalulwang itinaguyod ng̃ mapalad na pagkakataon.

Nagbabang̃uhang sampagita, bulaklak na nagpuputían, yaong tinutuhog ni Dolores, sa halamanan nila. Nagiisa siyang noon ay nagaaliw at pinalilipas ang mapanglaw na hapon. Sa isang upuang kawayan ay doon pinagbubuti ang pagyari ng̃ isang kuwintas. Ang samyo na idinudulot ng̃ mg̃a ilang-ilang, ay sumusuob sa mabining dalaga. Marahan namang humahalik sa kanyang mg̃a pisng̃i ang simoy ng̃ hang̃ing nagmumula sa bukid. Samantalang sa kanyang ulunan, ay namamaypay ang masingsing dahon ng̃ kamuning.

Ang dilag ni Loleng noon ay lalong tumingkad kay sa dati. Bagay na bagay ang bagong gayak sa mayamang ganda ng̃ kanyang pagka binibini. Sa biglang malas lamang ay mahuhulaan nang siya’y bago pa lamang dumudung̃aw sa pinto ng̃ pagibig. At upang patotohanang naninibago ang kanyang puso sa pagtibok ng̃ buhay sa pagkadalaga, ay masayang umaawit at sinasamyo ang mapapalad na sampagita.

—Kay bang̃o ninyo!—ang di napigilang wika at nilang̃ap ang samyong̃kanyang tinutuhog—¡Kay puti ninyo! ¡Kay dunong ng̃ Diyos!...

Siya rin ang sumagot:

—Talagang kayo ay pinagyaman ng̃ kalikasan! ¡Walang haring makapagsusuot ng̃ inyong gayak! ¡Sutla na di nilikha ng̃ kamay! At ¡puti, puting parang busilak!...

Dinugtung̃an pa rin:

—Hindi lamang iyan ang inyong yaman. Sa samyo, bang̃o, halimuyak, ay kahanay kayo ng̃ mg̃a pang̃unahing bulaklak na ipinagmamalaki ng̃ katalagahan....

Tinapos sa:

—Sa ulo, batok, at dibdib ng̃ mg̃a dalaga sa Silang̃anan, ay ginagamit kayong palamuti, katimbang ng̃ rubi, perlas, at brilyante ng̃ mg̃a dalaga sa Kalunuran. Yaon ay binibili ng̃ daan, libo, o yutang salapi, ng̃uni’t kayo ay ipinagpapalit sa isa o dalawang sentimos lamang. ¡Kay taas ng̃ agwat ng̃ halaga! Gayon ma’y lalong matayog ang inyong uri. Sila’y nagagamit lamang ng̃ nakaririwasa, samantalang kayo aypinakikinabang̃anng̃ lalong dukha at ng̃ lalong mayaman. Ikinahihiya silang igayak ng̃ mg̃a dahop sa salapi, datapwa’t kayo ay ikinararang̃al ng̃ lahat....

At malaong nilang̃ap na naman ang mapapalad na sampagita. Mana’y pinanood at kinausap:

—Gaano man ang inyong yaman, gaano man ang inyong dilag, ay di ko rin ipagpapalit sa inyo ang aking pinakamamahal sa buhay, ang giliw ng̃ puso ko, si Artemyo ng̃ aking pagibig....

Isang halik ang biglang lumagot sa kanyang pang̃ung̃usap; halik na tumunog sa kanyang pisng̃i; halik na kaunaunahang idinulot ng̃ pagibig. Nagulat at napaling̃on ang ating dalaga. Subali’tnapatung̃ó na lamang at pumatak ang luha, noong mapagtanto niyang si Artemyo pala ang nagbigay ng̃ ligalig.

—Loleng!—ang bati nito—napoot ka yata....

—Di ko akalain...!—ang tugon naman ng̃ binibini.

—Huwag; huwag kang magalit. Tinugon ko lamang ang utos ng̃ aking pagsintá. Kanina pa ako rito na nagsusubók sa iyo. Napanood ko ang lahat ng̃ iyong ikinilos. Ang puso ko’y nilang̃o ng̃ tamis. At nakagawa tuloy ng̃ kalapastang̃anan....

Patuloy sa pagkatung̃o ang binibini. Nahihiya o napopoot mandin sa nangyari. Talagang gayon ang dalagang Tagalog. Malambing̃in ng̃uni’t matampuhin. Magiliw datapwa’t maselan. Sa di pagimik ay sarisaring katuturan ang maipalalagay.

—Loleng—ang muling saad ni Artemyo—kahapon lamang binihis mo ang aking puso, ng̃ayon ay muli na namang pagdudusahin. ¡Kay sawing palad ko!...

Hinawakan ang kamay ni Loleng na may hawak na sampagita. Naupo sa piling nito at sinapupo sa likod angdalaga ng̃ kaliwang kamay. Bago nagpatuloy:

—Napakawalang awa ka! Parang tinakaw mo lamang ako sa galak. Mabuti pang di hamak ang di ako pinang̃akuan ng̃ pagibig, kay sa naturang giliw ay nilulunod sa kapighatian....

—Ikaw ang may sala—ang marahang patlang ni Dolores—¿hindi ba kahapo’y isinumpa mong ako’y iyong igagalang?

—Tunay. At siya ko namang ginaganap...

—Paggalang pala ang iyong inasal!

—Hindi ba?

—Paglapastang̃an!

—Na naman!

—At di ba pagapi sa dang̃al?

—Loleng, huwag mong isaloob ang gayon. Ang paggalang ay kapatid ng̃ pagibig. May halik ang paggalang at may halik ang pagibig. Ang halik ng̃ paggalang ay idinadampi sa damit, sa paa, ó sa kamay. Ang halik ng̃ pagibig ay sa noó, sa pisng̃i, ó sa kapuwa labi inilalagak. Pumili ka ng̃ayon; ¿alin ang ibig ng̃ Loleng ko?

—Ang halik ng̃ paggalang—ang masaya nang tumbas ng̃ binibini.

—Loleng, ¡lalong napopoot ka! Hagkan ko ang iyong damit ay tuturan mong kita’y nilalaro. Hagkan ko ang iyong paa, ay sasabihin mong kita’y inuuyam. Hagkan ko ang iyong kamay ayisasaadmong kita’y binibiro....

Isang ng̃iti at isang titig ang iginanti ng̃ pusong nagtampo. Nagpalaot naman si Artemyo.

—Sapilitan, irog ko, na ang pipiliin mo ay ang halik ng̃ pagibig. Siya kong ginanap, tanda ng̃ aking pagmamahal. Doon ay kalakip na rin ang paggalang na aking ipinang̃ako kahapon.

—Lahat ng̃ matwid ay na sa iyo!

—Sapagka’t ako ay taong may katwiran....

—Sinung̃aling!...

Isang malakas na tawag na “Loleng” ang gumambala sa paguulayaw ng̃ dalawa. Yaon ang makapangyarihang tinig ni kapitana Martina.Luming̃onang tinawagan, bago nagpaalam sa kasi:

—Artemyo, tinatawag na ako ng̃ Tiyang.

—Lilisanin mo ba ako?—ang lambing naman ng̃ binata.

—Pumanhik tayong dalawa.

—Baka di maganda ang gayon?

—Mauuna ako’t sumunod ka mamiya.

—Mabuti pa.

—Aantabayanan kita?

—Asahan mo.

At tumalikod ang binibini matapos ihandog sa giliw ang isang kumpol ng̃ sampagita. Handog na waring walang katuturan, ng̃uni’t minahal ni Artemyo. Sapagka’t yaon ay nilagakan muna ng̃ isang halik ng̃ kanyang pinopoon. At sinasamyo ng̃ binata samantalang pinanonood niya ang pagyaon ni Dolores.

Noon nama’y naglilikom na ng̃ liwanag ang ilaw ng̃ sangdaigdig. Ang dilim ay marahang nagbubuka ng̃ pakpak. Nagsisimula na ng̃ pagawit ang panglaw at lungkot ng̃ gabi. Mana’y marahang namumukadkad sa kaitaasan ang mg̃a sampagita sa bukid ng̃ Diyos, iyang mg̃a bituing nagpapagunita ng̃ luwalhati sa kabilang buhay.

Malaong sandali pa ang lumipas, bago narinig ang:

—Magandang gabi po—na patao ni Artemyo upang tumupad sa pang̃ako.

—Magandang gabi po naman—ang pakunwaringsalubong ni Dolores—Tuloy kayo....

Pumanhik ang panauhin at nagtuloy sa salas. Doon ay inabot niya si kapitana Martina. Nagbigay ng̃ galang at payapang naupo. Si Dolores naman ay naupo na rin. Ito ang nagbukas ng̃ salitaan:

—Saan po kayo nanggaling?

—Doon po sa bahay.

—Ng̃ayon lamang kayo naligaw dito ah—ang pang̃atlo ni kapitana Martina.

—Bakit naman po?—ang tutol ng̃ binata.—Noong lamang isang linggo ay narito kami.

—Siya ng̃a pala—ang patalo na ng̃ kapitana—at noon ng̃a pala kayo nagharana. Hanggang ng̃ayon ay di ko pa nalilimot yaong inawit ni mang Huwan naayaw ko sa intsik....

At tinapos sa halakhak. Tawa rin ang itinugon ng̃ dalawang kapulong.

—Bakit po ba hindi ninyo kasama noon si mang Beteng?—ang usisa ng̃ binibini.

—Ayaw na pong makibarkada sa amin—ang tugon ni Artemyo.

—Kung ilan nang haranahan iyan na di nakakasama yaon eh....—ang katig ng̃ kapitana.

—Napupuna ko ng̃a rin—ang dugtong ng̃ dalaga.

—At ¿bakit di mo mapupuna?—ang biro ng̃ ali—sa iyon lamang ang itinatang̃i mo....

—Ang Tiyang naman!—ang tanggi ni Loleng.

—Ehem!—ang salo ni Artemyo.

—Siya; kung ayaw ka ng̃ itinatang̃i ay minamahal...—ang dugtong ng̃ kapitana.

—Nagkatabas tuloy!—ang tawa ng̃ binata natin.

Isang makahulugang irap ang inihagis ng̃ dalaga kay Artemyo. Ginanti naman nito ng̃ isang titig. Ano pa’t mg̃a mata ang pinapagusap. At sa mukha nila ay nababasa ang pagkainip sa matandang kaharap. Salamat at ito ay mapagbigay at nataunang nanalo noon sa pangginge; kaya malamig ang ulo at binigyang panahon ang dalawang puso upang magulayaw. Lumabas ang kapitana at nilisan ang mg̃a kausap. Lumaya ang dalawang pusong nagtatalik sa galak.

—Waring hindi batid ng̃ ali mo ang ating lihim?—ang saad ni Artemyo.

—Hindi, at maging̃at ka—ang tugon ni Dolores.

—Naparito na ba si Beteng?

—Oo. Di ko pa pala naibabalita sa iyo na sila ay nagharana rito.

—Kailan?

—Noong Huwebes ng̃ gabi.

—Sino sino sila?

—Wala akong nakilala; ng̃uni’t sa inyong magkakasama noong araw, ay si Beteng lamang ang kasama.

—Nagsarili na!

—Hindi lamang iyon. Sumulat pa sa Tatay na ikaw daw ay alipin lamang. Nagsisilbing-kanin ka raw sa kanya, kaya di ka dapat tanggapin dito.

Napipi at namutla sa galit ang nabiglang binata. Ang binigkas na yaon ng̃ kanyang kasi ay naging matunog na kulog sa kanyang pangdinig. Siya ay nangliit. Aywan kung inapi ng̃ kahihiyan ó sinupil ng̃ poot. Datapwa’t sa pagyaon ng̃ ilang sandali ang mukha niya’y naging maamo. Tulad sa nagkasalang humihing̃i ng̃ tawad.

—Salamat na lamang—ang patuloy ng̃ dalaga—at ako ang nakatanggap. Kaya,ni ang Tatay, ni ang Tiyang, ni sino pa man dito, ay walang nakabatid.

—Nahan ang liham?—ang mana’y usisa ni Artemyo.

—Sinunog ko.

—Bakit mo sinunog?

—Sapagka’t gawa ng̃ taksil.

—Di mo na ipinabasa sa akin?

—Baka pa matunghayan ng̃ iba.

—Bakit mo nalamang sulat niya?

—Dahil sa may lagda.

—Nilagdaan!

—Maniwala ka.

—Ng̃ pang̃alan niya!

—Tunay.

—Kay tapang!

—Duwag, ang sabihin mo.

—Sayang at di ko nakita!

—Huwag na.

—Nananalig ka naman?

—Hindi! ¡Hinding hindi!

—Bakit?

—Sapagka’t walang katotohanan.

—Totoo yaon!

—Ano sa akin?

—Tapat ang sumbong niya.

—Walang ano man.

—Paniwalaan mo!

—Ipalagay mong ako’y naniniwala. Maging totoo nang busabos ka niya, ¿ano ng̃ayon? ¿Ang pagibig ba’y nahahadlang̃an ng̃ mg̃a bagay na iyan?

—Dolores!

—Kung ang pagirog mo ay naigigiba ng̃ inggit at imbot, ang pagibig ko ay hindi. Matibay. Kasingtibay ng̃ moog. Kamatayan lamang ang makapagwawalat.

—Bulaan!

—Masusubok mo rin.

—Nasubok ko na. Sa isang halik lamang ay pinatulo mo na ang iyong luha....

—Sapagka’t nalunos ako sa aking pagkadalaga.

—Di lalong malulunos ka sa palad mong tatamuhin ng̃ isang busabos?

—Kabila man ng̃ busabos, kung iniirog ko at minamahal, sa akin ay daig pa ang haring na sa trono ng̃ luwalhati.

—Diyata?

—Tunay.

—Ang katunayan?

—Kinamit mo na.

—Yaon bang tinamo sa lakas-loob; halik na itinang̃is ng̃ hinagkan, ay siya mong patunay?

—Sapat na yaon.

—Ang pagibig ay walang kabusugan!

—Hindi pa panahon.

—Lahat ng̃ sandali ay dapat pakinabang̃an.

—Sa iba nang pagkakataon.

—Naipagpapaliban pala ang sanla ng̃ pagibig....

At tinapos sa pagpisil ng̃ kamay ng̃ binibini. Tumayo ang binata at nagling̃on-likod. Ang dalaga ay kinabahan at umiwas na:

—Hayun ang Tiyang!

—Mamatay na tayo!

At boong tapang na inilagda ni Artemyo ang pang̃alawang halik ng̃ pagirog sa mapulang pisng̃i ni Dolores. Ito ay nagitla, subali’t nang matiyak na di sila napuna ng̃ kapitana Martina ay magiliw na nagsabing:

—Pang̃ahas ka rin!

—Kay palad ko ng̃ayon!—ang galak ni Artemyo—Sa gabing ito nahawi ang dilim ng̃ aking pagasa. Nababanaag ko na ang liwayway ng̃ aking kapalaran. Datapwa’t, Loleng, Loleng, huwag ka sanang padadala sa dila ng̃ mg̃a umaagaw ng̃ aking dang̃al....

—Hindi, at isinasamo ko sa iyonghuwag mo nang mababanggit kay mang Beteng ang liham niya sa Tatay.

—Asahan mo.

—Ilagan mo sana ang sigalot.

—Huwag kang magalaala.

—Talagang gayon ang kalulwang sawi sa pagibig. Parang ulol na di nalalaman ang ginagawa. Awa ang dapat ihandog sa kanila.

—Siyang totoo.

—Naku, sukat bang siraan ka! At sira pa namang kahahalataan ng̃ pagkaimbi....

—Kay pang̃it!

—Sawing palad na lalaki!

Ang orasang nakasabit sa dakong itaas ng̃ pinto, ay nakisagot din. Walong pantig ng̃ kanyang batingting ang pinaltik. Ang oras ng̃ pagaalaala sa mg̃a kalulwa sa purgatoryo’y siyang ibinansag.

—Ika walo na pala!—ang saad ni Artemyo na dinukot at minasdan ang kanyang orasan.

—Ay ¿ano kung ika walo na?—ang putol ng dalaga—¿naiinip ka ba?

—Naiinip? ¿Mainip ako sa piling mo? Loleng, kung makukuha ko lamang ang aking puso, at ihaharap ko sa iyo, ay makikita mong sabik na sabik sa iyongdilag at pagmamahal. Nais ay matali na sa puso mo kung mangyayari...

—Bulaan!

—Hindi. Talagang wala akong pinapang̃arap, kung di ang pagbabagong buhay natin. Maging malaya tayo sa pagduduyan sa tuwa... Ng̃uni’t samantalang di pa namimitak ang ating araw, ay sumunod na muna tayo sa palakad ng̃ panahon.

Hindi tumugon ang dalaga sapagka’t noon ay sa susung̃aw sa pinto si kapitana Martina.

—Maalaala ko pala—ang wika nito—huwag kayong mawawala sa isang linggo, at ating ipagdidiwang̃ ang kaarawan ni Loleng.

—Sa isang Linggo po?—ang tanong ni Artemyo.

—Sa ika 21 ng̃ kasalukuyan—ang salo naman ng̃ dalaga.

—Bulaklak ng̃a pala kayo ng̃ Mayo—ang pagpuri ng̃ binata.

—Kaya po kasingganda ng̃ kamya—ang dugtong ng̃ kapitana.

—Ang Tiyang naman!—ang hinampo ni Loleng—para pa tayong taga Palanyag.

—Kung ayaw ka ng̃ kamya ay asusena. Kung ayaw kang̃asusena ay sampagita.Kung ayaw ka ng̃ sampagita ay rosal. Alin man ang iyong piliin ay bagay sa iyong kagandahan—ang pagtatanggol ng̃ kapitana na lubhang nawiwiling biruin ang kanyang alaga.

—Siya ng̃a—ang ayon ni Artemyo.

—Siya na kayo—ang salag ni Dolores.

Napatigil ang salitaan sapagka’t noon ay may narinig silang yabag. Ilang sandali lamang na nagdiwang ang pananahimik at napagsino na ng̃ tatlo. Tinig ni kapitang Andoy ang kanilang napansin. Hindi nagkabula ang palagay. Sumipot sa pinto ang matanda. Sinalubong naman ni Artemyo ng̃ bati ng̃ paggalang.

—Nakasabay ko po ng̃ayon si mang Beteng—ang balita nito.

—Saan?—ang usisa ng̃ kapitana.

—Sa trambiya—ang patuloy ng̃ matandang Andoy—at sinabi sa aking magdadala siya rito ng̃ komparsa sa araw mo Loleng.

—Ehem! ¡ehem! ¡ehem!—ang tikim ng̃ kapitana.

Nagtitigan naman ang dalawang pusong naglilihim. Bago nagng̃itian ng̃ ng̃iti ng̃ kasyahang loob.

—Hindi raw ikahihiya sa mg̃a panauhin ang kanyang dadalhin dito—ang dugtongpa ng̃ nagbalita—marahil daw ay mg̃a labing anim katao.

—Kay dami! ¡Talagang pang̃atawanan!—ang tuwa ng̃ kapitana—Kayo mang Artemyo, magdala rin kayo.

—Na naman ang Tiyang...—ang hadlang ng̃ dalaga.

—Ito ng̃a naman—ang habol ng̃ kapitang Andoy na hinarap ang mapagsisteng asawa.

—Susubukin ko po—ang tugon naman ng̃ binata.

—Baka matuloy!—ang pakli ng̃ kapitana—Biro ko lamang iyon.

—Titingnan ko rin po—ang saad ni Artemyo na napapasubo.

—Huwag na—ang pigil naman ni kapitang Andoy—sapagka’t sapat na ang dadalhin ni mang Beteng. Bakit nababalitaan kong waring may bigatng̃loob sa inyo, ay baka kung ano pa ang ipakahulugan noon.

—Siya ng̃a—ang ayon ni Dolores.

Hindi nakasagot si Artemyo. Namutla at napipi. Sumikdo ang loob. Marahang sumusubo ang pagng̃ing̃itng̃it. Titig na lamang ang ipinukol kay Dolores. Ito naman na nakaramdam ng̃ kagipitan noonay sinamantala ang pagtatanggol sa giliw. Anya’y:

—Dumalo na lamang kayo at isama ninyo ang inyong mga kaibigan.

—Maaasahan po—ang pakli ng̃ binata.

—Baka di kayo sumipot?—ang habol ng̃ kapitana Martina.

—Baka pang̃akong napako iyan—ang salo naman ng̃ kapitang Andoy—bakit na sa Pako pa naman tayo.

—Hindi po—ang sagot ni Artemyo—maaasahan po ninyo.

At tumayong kinuha ang kanyang sombrero bago nagpaalam.

—Aalis na ba kayo?—ang saad ng̃ kapitana.

—Maaga pa naman—ang dugtong ng̃ kapitang Andoy.

—Mayroon pa po kaming paroroonan—ang pakunwari ng̃ binata.

Kinamayan ang tatlong lilisanin. Nanaog na nalulunod ang puso. Sumisinghap sa tuwa at sumisinghap sa galit. Naluluoy sa tuwa dahil sa pagtatamong̃halik ng̃ pagirog. Nilalagnat sa galit dahil sa paninira ni Beteng. Gayon ma’y tahimik na yumaon ang kalulwang itinaguyod ng̃ mapalad na pagkakataon.

Back to IndexNext