IV

IVMASIGASIG NA KILOS NI PASTOR—Mga kaibigan—ang bati ni Pastor sa mg̃a kasamangkanyanginabot sa isang kamalig sa daang Penyapransiya, doon din sa Pako, na nagsasanay ng̃ pagtugtog—¿kayo yata ang dadalhin ni Beteng sa bahay nila kapitang Andoy?—Oo—ang tugon ng̃ may bigwela.—Utang na loob ay huwag kayong sumama—ang patuloy ni Pastor—at ibitin ninyo sa kahihiyan ang taong yaon...—Bakit?—ang sambot ng̃ may gitarra.—Mangyari ay kung ano anong paninira ang ginagawa kay Artemyo—ang tugon ng̃ Pastor—at kayo ay dadalhin doon upang patunayang lalong malakas siya kay Artemyo. ¿Yaon ba ay gawa ng̃ kasama?—Ang lagay pala ay nagkagalit sila ni Artemyo?—ang usisa ng̃ nakasalamin.—Oo—ang paliwanag ni Pastor—at ang pinagmulan ay dahil kay Dolores.—Ano ang nangyari?—ang pagkamangha ng̃ lahat.Luming̃on muna si Pastor, bago sumagot:—Lubhang katawatawa.—Bakit?—ang pagkasabik ng̃ ilan.—Makinig kayo—ang patlang ni Pastor.—Si Artemyo ay palaging niyayaya ni Beteng upang haranahin si Dolores, dahil sa ito ay artista at may mayamang tinig. Siya, si Artemyo, ang palaging pinaaawit sa kanilang pagtapat. Ng̃uni’t si Dolores ay di rin mahabag sa kaawaawang Beteng. Ang pista pa nito ay si Artemyo ang napusuan. Ano pa’t ang tulay ay siyang naibigan.—Aha!—ang pagtataka ng̃ may dalang biyolin.—Siya ng̃a—ang ayon naman ng̃ may hawak na gitarra—at noong magharana kami noon araw doon, ay umalis iyang si Beteng nang hindi man lamang nagpaalam sa amin.—Nakahalata marahil!—ang hatol ng̃ may katandaan na.—Nakita na ninyo?—ang habol naman ni Pastor—Pati kayo ay hinahamak gayong nang̃ung̃utang lamang ng̃ loob.—Ano ang magagawa natin sa taong walang turing?—ang tanong ng̃ may hawak ng̃ bigwela na malaon na yatang may poot kay Beteng.—Gayon pala! ¿Bakit pa kayo sasama sa kanya?—ang ulos ni Pastor.—Ipagmamalaki lamang kayo at pagkatapos ay diyan na kayo...—Bakitnamanpumatol si Artemyo?—ang usisa ng̃ isa.—Tao namang ito!—ang agaw ng̃ kasamahan din—¿May manok bang tumanggi sa palay?—At ¿ano naman ang dapat itawag sa lalaking iniibig ng̃ babai ay nagwawalang bahala?—ang tanong ni Pastor.—Binubai!—ang maagap na salo ng̃ may katandaan.Isang matunog na halakhakan ang pumutok.—Samakatwid—ang hadlang ni Pastor—ay tumupad lamang si Artemyo sa kanyang tungkulin upang huwag matawag na binabai...—Katwiran—ang hatol ng̃ marami.—Bakit nagagalit si Beteng at sinisiraang mabuti si Artemyo?—ang tanong pa rin ni Pastor.—Paano’y naagawan ng̃ tuson!—ang salo na naman ng̃ mapagsiste.Panibagong halakhakan na naman.—Isang sagot ng̃ayon mg̃a kasama—ang saad ni Pastor—¿sino ng̃ayon ang dapat samahan, si Artemyo ó si Beteng?—Bakit ba? ¿Magdadala rin ba ng̃ komparsa si Artemyo?—ang usisa ng̃ isa.—Binabalak ko sana—ang tugon ni Pastor—pagka’t totoo akong nasakitan noong sabihing si Artemyo raw ay taksil dahil sa kapangpang̃an...—Sinabi ni Beteng ang gayon?—ang pandidilat ng̃ isang kapangpang̃ang bandurista.—Maniwala ka kasama—ang patigas ng̃ tinanong—at kaya sinabi ang gayon ay dahil sa nabigo sila sa akin. Ako’y inamuki nila ni Simon, upang agawan ng̃ dang̃al si Artemyo, datapwa’t nagkagalit lamang kami sapagka’t di ako pumayag...—Sa inyo ako sasama—ang pagkukusa na ng̃ banduristang kapangpang̃an.—Ako man—ang habol ng̃ may hawak na biyolin.—Ibilang na rin ninyo ako—ang sunod ng̃ may plauta.—Welga na tayong lahat—ang sabi naman ng̃ isa.—Welga! ¡Welga! ¡Welga!—ang sagutan na ng̃ lahat.—Mabuhay si Artemyo!—ang sabi naman ni Pastor.—Mabuhay! ¡Mabuhay! ¡Mabuhay!At tumugtog sila ng̃ isang masarap na tugtugin, tanda ng̃ tagumpay ni Artemyo. Galak na galak naman si Pastor. Samantala’y nagpapaindayog na mabuti ang tinig ng̃ biyolin.Natapos ang pamamayani ng̃ bigwela at ang bibig na naman ni Pastor ang narinig.—Upang malubos ang ating galak ay huwag ninyong sasabihin kay Beteng na hindi na kayo sasama sa kanya.—Siya ng̃a—ang ayon ng̃ iba.—Ang sarap niyan ay magaantay siya ng̃ wala!—ang salo ng̃ isa.—Gayon ang dapat sa taong umaagaw ng̃ dang̃al—ang katig ni Pastor—Ibitin sa kahihiyan. Isubo sa kagipitan.—May balita pa akong nilalakad daw ni Simon na si Artemyo ay alisan ng̃ tungkulin sa “Kumilos Tayo”—ang saad ng̃ isang kanina pa’y ibig maglahad.—Iyan ay pakana ni Beteng—ang sagot ni Pastor—¿Ano raw ang dahilan?—Sarisari—ang salo ng̃ tinanong—Hindi raw dapat bigyan ng̃ tungkulin dito ang isang dapo lamang. Kabagongbago raw dito, ay nais nang lagpasan ang mg̃a kanayon. Isang bata raw lamang ay ibig nang maghari. Kung minsan ay sinasabing mapagsamantala raw. Ang salapi raw ng̃ Samahan ay kinukupit. Marami at napakarami pa ang dung̃is na ipinupukol sa mukha ni Artemyo.—Narinig na ninyo!—ang saad ni Pastor—Linawin natin: hindi raw dapat bigyan ng̃ tungkulin ang isang dapo. Katwiran, ng̃uni’t ¿bakit nila natitiis ang mg̃a dapong naghahari sa ating bayan? At ¿dapo ba si Artemyo? ¿Ano kung kapangpang̃an siya? ¿Hindi ba pilipino rin? ¿Maaari bang magsarili ang Tagalog nang ang Kapangpang̃an ay hindi? ¡Napakarupok na pagkukuro! Ang masasabi ko’y nakikilala nila ang dapong kapatid din nila, datapwa’t hindi nilanakikilala ang tunay na dapong dito ay tumawid. Kung nakikilala man ay kinatatakutan. Ngayon at kalahi ay halos sakmalin. Ng̃uni’t kung maputi, kahi’t na lumapastang̃an, ay ng̃ining̃itian din. Sinusurot, dinuduro at pinamumukhaan ang kabalat, subali’t ang dayo ay saka lamang mamura kung nakatalikod....—Siyang totoo—ang tang̃o ng̃ ilan.—Kabagongbago’y nais nang lagpasan ang mg̃a kanayon?—ang dugtong ni Pastor.—Pasalamat tayo at hindi pa man ay nagpapakita na ng̃ lakas at magagawa. Kung kaya siya lalagpas sa taga rito, ay sapagka’t dapat siyang lumagpas. Ano man ang gawin ni Artemyo, kung talagang magaling sila, ay sila rin ang mamaibabaw. Ang iba pang dahilan ay pawa nang paninira na mg̃a isip-lamok lamang ang mananampalataya....—Ang inggit ay talagang nakalilikha ng̃ sarisaring paninira—ang payo ng̃ may katandaan.—Kaya matakot at mang̃ilag tayo—ang ayon ng̃ iba.—Walang sasama kay Beteng—ang paalaalang muli ng̃ banduristang kapangpang̃an....—Wala! ¡Wala! ¡Wala!—ang ayon ng̃ lahat at pinamayani na naman ang kanilang mg̃a hawak na kilabot ng̃ panglaw, taga taboy ng̃ lungkot at lumilikha ng̃ tuwa: ang biyolin, bigwela at bandurya.

IVMASIGASIG NA KILOS NI PASTOR

—Mga kaibigan—ang bati ni Pastor sa mg̃a kasamangkanyanginabot sa isang kamalig sa daang Penyapransiya, doon din sa Pako, na nagsasanay ng̃ pagtugtog—¿kayo yata ang dadalhin ni Beteng sa bahay nila kapitang Andoy?—Oo—ang tugon ng̃ may bigwela.—Utang na loob ay huwag kayong sumama—ang patuloy ni Pastor—at ibitin ninyo sa kahihiyan ang taong yaon...—Bakit?—ang sambot ng̃ may gitarra.—Mangyari ay kung ano anong paninira ang ginagawa kay Artemyo—ang tugon ng̃ Pastor—at kayo ay dadalhin doon upang patunayang lalong malakas siya kay Artemyo. ¿Yaon ba ay gawa ng̃ kasama?—Ang lagay pala ay nagkagalit sila ni Artemyo?—ang usisa ng̃ nakasalamin.—Oo—ang paliwanag ni Pastor—at ang pinagmulan ay dahil kay Dolores.—Ano ang nangyari?—ang pagkamangha ng̃ lahat.Luming̃on muna si Pastor, bago sumagot:—Lubhang katawatawa.—Bakit?—ang pagkasabik ng̃ ilan.—Makinig kayo—ang patlang ni Pastor.—Si Artemyo ay palaging niyayaya ni Beteng upang haranahin si Dolores, dahil sa ito ay artista at may mayamang tinig. Siya, si Artemyo, ang palaging pinaaawit sa kanilang pagtapat. Ng̃uni’t si Dolores ay di rin mahabag sa kaawaawang Beteng. Ang pista pa nito ay si Artemyo ang napusuan. Ano pa’t ang tulay ay siyang naibigan.—Aha!—ang pagtataka ng̃ may dalang biyolin.—Siya ng̃a—ang ayon naman ng̃ may hawak na gitarra—at noong magharana kami noon araw doon, ay umalis iyang si Beteng nang hindi man lamang nagpaalam sa amin.—Nakahalata marahil!—ang hatol ng̃ may katandaan na.—Nakita na ninyo?—ang habol naman ni Pastor—Pati kayo ay hinahamak gayong nang̃ung̃utang lamang ng̃ loob.—Ano ang magagawa natin sa taong walang turing?—ang tanong ng̃ may hawak ng̃ bigwela na malaon na yatang may poot kay Beteng.—Gayon pala! ¿Bakit pa kayo sasama sa kanya?—ang ulos ni Pastor.—Ipagmamalaki lamang kayo at pagkatapos ay diyan na kayo...—Bakitnamanpumatol si Artemyo?—ang usisa ng̃ isa.—Tao namang ito!—ang agaw ng̃ kasamahan din—¿May manok bang tumanggi sa palay?—At ¿ano naman ang dapat itawag sa lalaking iniibig ng̃ babai ay nagwawalang bahala?—ang tanong ni Pastor.—Binubai!—ang maagap na salo ng̃ may katandaan.Isang matunog na halakhakan ang pumutok.—Samakatwid—ang hadlang ni Pastor—ay tumupad lamang si Artemyo sa kanyang tungkulin upang huwag matawag na binabai...—Katwiran—ang hatol ng̃ marami.—Bakit nagagalit si Beteng at sinisiraang mabuti si Artemyo?—ang tanong pa rin ni Pastor.—Paano’y naagawan ng̃ tuson!—ang salo na naman ng̃ mapagsiste.Panibagong halakhakan na naman.—Isang sagot ng̃ayon mg̃a kasama—ang saad ni Pastor—¿sino ng̃ayon ang dapat samahan, si Artemyo ó si Beteng?—Bakit ba? ¿Magdadala rin ba ng̃ komparsa si Artemyo?—ang usisa ng̃ isa.—Binabalak ko sana—ang tugon ni Pastor—pagka’t totoo akong nasakitan noong sabihing si Artemyo raw ay taksil dahil sa kapangpang̃an...—Sinabi ni Beteng ang gayon?—ang pandidilat ng̃ isang kapangpang̃ang bandurista.—Maniwala ka kasama—ang patigas ng̃ tinanong—at kaya sinabi ang gayon ay dahil sa nabigo sila sa akin. Ako’y inamuki nila ni Simon, upang agawan ng̃ dang̃al si Artemyo, datapwa’t nagkagalit lamang kami sapagka’t di ako pumayag...—Sa inyo ako sasama—ang pagkukusa na ng̃ banduristang kapangpang̃an.—Ako man—ang habol ng̃ may hawak na biyolin.—Ibilang na rin ninyo ako—ang sunod ng̃ may plauta.—Welga na tayong lahat—ang sabi naman ng̃ isa.—Welga! ¡Welga! ¡Welga!—ang sagutan na ng̃ lahat.—Mabuhay si Artemyo!—ang sabi naman ni Pastor.—Mabuhay! ¡Mabuhay! ¡Mabuhay!At tumugtog sila ng̃ isang masarap na tugtugin, tanda ng̃ tagumpay ni Artemyo. Galak na galak naman si Pastor. Samantala’y nagpapaindayog na mabuti ang tinig ng̃ biyolin.Natapos ang pamamayani ng̃ bigwela at ang bibig na naman ni Pastor ang narinig.—Upang malubos ang ating galak ay huwag ninyong sasabihin kay Beteng na hindi na kayo sasama sa kanya.—Siya ng̃a—ang ayon ng̃ iba.—Ang sarap niyan ay magaantay siya ng̃ wala!—ang salo ng̃ isa.—Gayon ang dapat sa taong umaagaw ng̃ dang̃al—ang katig ni Pastor—Ibitin sa kahihiyan. Isubo sa kagipitan.—May balita pa akong nilalakad daw ni Simon na si Artemyo ay alisan ng̃ tungkulin sa “Kumilos Tayo”—ang saad ng̃ isang kanina pa’y ibig maglahad.—Iyan ay pakana ni Beteng—ang sagot ni Pastor—¿Ano raw ang dahilan?—Sarisari—ang salo ng̃ tinanong—Hindi raw dapat bigyan ng̃ tungkulin dito ang isang dapo lamang. Kabagongbago raw dito, ay nais nang lagpasan ang mg̃a kanayon. Isang bata raw lamang ay ibig nang maghari. Kung minsan ay sinasabing mapagsamantala raw. Ang salapi raw ng̃ Samahan ay kinukupit. Marami at napakarami pa ang dung̃is na ipinupukol sa mukha ni Artemyo.—Narinig na ninyo!—ang saad ni Pastor—Linawin natin: hindi raw dapat bigyan ng̃ tungkulin ang isang dapo. Katwiran, ng̃uni’t ¿bakit nila natitiis ang mg̃a dapong naghahari sa ating bayan? At ¿dapo ba si Artemyo? ¿Ano kung kapangpang̃an siya? ¿Hindi ba pilipino rin? ¿Maaari bang magsarili ang Tagalog nang ang Kapangpang̃an ay hindi? ¡Napakarupok na pagkukuro! Ang masasabi ko’y nakikilala nila ang dapong kapatid din nila, datapwa’t hindi nilanakikilala ang tunay na dapong dito ay tumawid. Kung nakikilala man ay kinatatakutan. Ngayon at kalahi ay halos sakmalin. Ng̃uni’t kung maputi, kahi’t na lumapastang̃an, ay ng̃ining̃itian din. Sinusurot, dinuduro at pinamumukhaan ang kabalat, subali’t ang dayo ay saka lamang mamura kung nakatalikod....—Siyang totoo—ang tang̃o ng̃ ilan.—Kabagongbago’y nais nang lagpasan ang mg̃a kanayon?—ang dugtong ni Pastor.—Pasalamat tayo at hindi pa man ay nagpapakita na ng̃ lakas at magagawa. Kung kaya siya lalagpas sa taga rito, ay sapagka’t dapat siyang lumagpas. Ano man ang gawin ni Artemyo, kung talagang magaling sila, ay sila rin ang mamaibabaw. Ang iba pang dahilan ay pawa nang paninira na mg̃a isip-lamok lamang ang mananampalataya....—Ang inggit ay talagang nakalilikha ng̃ sarisaring paninira—ang payo ng̃ may katandaan.—Kaya matakot at mang̃ilag tayo—ang ayon ng̃ iba.—Walang sasama kay Beteng—ang paalaalang muli ng̃ banduristang kapangpang̃an....—Wala! ¡Wala! ¡Wala!—ang ayon ng̃ lahat at pinamayani na naman ang kanilang mg̃a hawak na kilabot ng̃ panglaw, taga taboy ng̃ lungkot at lumilikha ng̃ tuwa: ang biyolin, bigwela at bandurya.

—Mga kaibigan—ang bati ni Pastor sa mg̃a kasamangkanyanginabot sa isang kamalig sa daang Penyapransiya, doon din sa Pako, na nagsasanay ng̃ pagtugtog—¿kayo yata ang dadalhin ni Beteng sa bahay nila kapitang Andoy?

—Oo—ang tugon ng̃ may bigwela.

—Utang na loob ay huwag kayong sumama—ang patuloy ni Pastor—at ibitin ninyo sa kahihiyan ang taong yaon...

—Bakit?—ang sambot ng̃ may gitarra.

—Mangyari ay kung ano anong paninira ang ginagawa kay Artemyo—ang tugon ng̃ Pastor—at kayo ay dadalhin doon upang patunayang lalong malakas siya kay Artemyo. ¿Yaon ba ay gawa ng̃ kasama?

—Ang lagay pala ay nagkagalit sila ni Artemyo?—ang usisa ng̃ nakasalamin.

—Oo—ang paliwanag ni Pastor—at ang pinagmulan ay dahil kay Dolores.

—Ano ang nangyari?—ang pagkamangha ng̃ lahat.

Luming̃on muna si Pastor, bago sumagot:

—Lubhang katawatawa.

—Bakit?—ang pagkasabik ng̃ ilan.

—Makinig kayo—ang patlang ni Pastor.

—Si Artemyo ay palaging niyayaya ni Beteng upang haranahin si Dolores, dahil sa ito ay artista at may mayamang tinig. Siya, si Artemyo, ang palaging pinaaawit sa kanilang pagtapat. Ng̃uni’t si Dolores ay di rin mahabag sa kaawaawang Beteng. Ang pista pa nito ay si Artemyo ang napusuan. Ano pa’t ang tulay ay siyang naibigan.

—Aha!—ang pagtataka ng̃ may dalang biyolin.

—Siya ng̃a—ang ayon naman ng̃ may hawak na gitarra—at noong magharana kami noon araw doon, ay umalis iyang si Beteng nang hindi man lamang nagpaalam sa amin.

—Nakahalata marahil!—ang hatol ng̃ may katandaan na.

—Nakita na ninyo?—ang habol naman ni Pastor—Pati kayo ay hinahamak gayong nang̃ung̃utang lamang ng̃ loob.

—Ano ang magagawa natin sa taong walang turing?—ang tanong ng̃ may hawak ng̃ bigwela na malaon na yatang may poot kay Beteng.

—Gayon pala! ¿Bakit pa kayo sasama sa kanya?—ang ulos ni Pastor.—Ipagmamalaki lamang kayo at pagkatapos ay diyan na kayo...

—Bakitnamanpumatol si Artemyo?—ang usisa ng̃ isa.

—Tao namang ito!—ang agaw ng̃ kasamahan din—¿May manok bang tumanggi sa palay?

—At ¿ano naman ang dapat itawag sa lalaking iniibig ng̃ babai ay nagwawalang bahala?—ang tanong ni Pastor.

—Binubai!—ang maagap na salo ng̃ may katandaan.

Isang matunog na halakhakan ang pumutok.

—Samakatwid—ang hadlang ni Pastor—ay tumupad lamang si Artemyo sa kanyang tungkulin upang huwag matawag na binabai...

—Katwiran—ang hatol ng̃ marami.

—Bakit nagagalit si Beteng at sinisiraang mabuti si Artemyo?—ang tanong pa rin ni Pastor.

—Paano’y naagawan ng̃ tuson!—ang salo na naman ng̃ mapagsiste.

Panibagong halakhakan na naman.

—Isang sagot ng̃ayon mg̃a kasama—ang saad ni Pastor—¿sino ng̃ayon ang dapat samahan, si Artemyo ó si Beteng?

—Bakit ba? ¿Magdadala rin ba ng̃ komparsa si Artemyo?—ang usisa ng̃ isa.

—Binabalak ko sana—ang tugon ni Pastor—pagka’t totoo akong nasakitan noong sabihing si Artemyo raw ay taksil dahil sa kapangpang̃an...

—Sinabi ni Beteng ang gayon?—ang pandidilat ng̃ isang kapangpang̃ang bandurista.

—Maniwala ka kasama—ang patigas ng̃ tinanong—at kaya sinabi ang gayon ay dahil sa nabigo sila sa akin. Ako’y inamuki nila ni Simon, upang agawan ng̃ dang̃al si Artemyo, datapwa’t nagkagalit lamang kami sapagka’t di ako pumayag...

—Sa inyo ako sasama—ang pagkukusa na ng̃ banduristang kapangpang̃an.

—Ako man—ang habol ng̃ may hawak na biyolin.

—Ibilang na rin ninyo ako—ang sunod ng̃ may plauta.

—Welga na tayong lahat—ang sabi naman ng̃ isa.

—Welga! ¡Welga! ¡Welga!—ang sagutan na ng̃ lahat.

—Mabuhay si Artemyo!—ang sabi naman ni Pastor.

—Mabuhay! ¡Mabuhay! ¡Mabuhay!

At tumugtog sila ng̃ isang masarap na tugtugin, tanda ng̃ tagumpay ni Artemyo. Galak na galak naman si Pastor. Samantala’y nagpapaindayog na mabuti ang tinig ng̃ biyolin.

Natapos ang pamamayani ng̃ bigwela at ang bibig na naman ni Pastor ang narinig.

—Upang malubos ang ating galak ay huwag ninyong sasabihin kay Beteng na hindi na kayo sasama sa kanya.

—Siya ng̃a—ang ayon ng̃ iba.

—Ang sarap niyan ay magaantay siya ng̃ wala!—ang salo ng̃ isa.

—Gayon ang dapat sa taong umaagaw ng̃ dang̃al—ang katig ni Pastor—Ibitin sa kahihiyan. Isubo sa kagipitan.

—May balita pa akong nilalakad daw ni Simon na si Artemyo ay alisan ng̃ tungkulin sa “Kumilos Tayo”—ang saad ng̃ isang kanina pa’y ibig maglahad.

—Iyan ay pakana ni Beteng—ang sagot ni Pastor—¿Ano raw ang dahilan?

—Sarisari—ang salo ng̃ tinanong—Hindi raw dapat bigyan ng̃ tungkulin dito ang isang dapo lamang. Kabagongbago raw dito, ay nais nang lagpasan ang mg̃a kanayon. Isang bata raw lamang ay ibig nang maghari. Kung minsan ay sinasabing mapagsamantala raw. Ang salapi raw ng̃ Samahan ay kinukupit. Marami at napakarami pa ang dung̃is na ipinupukol sa mukha ni Artemyo.

—Narinig na ninyo!—ang saad ni Pastor—Linawin natin: hindi raw dapat bigyan ng̃ tungkulin ang isang dapo. Katwiran, ng̃uni’t ¿bakit nila natitiis ang mg̃a dapong naghahari sa ating bayan? At ¿dapo ba si Artemyo? ¿Ano kung kapangpang̃an siya? ¿Hindi ba pilipino rin? ¿Maaari bang magsarili ang Tagalog nang ang Kapangpang̃an ay hindi? ¡Napakarupok na pagkukuro! Ang masasabi ko’y nakikilala nila ang dapong kapatid din nila, datapwa’t hindi nilanakikilala ang tunay na dapong dito ay tumawid. Kung nakikilala man ay kinatatakutan. Ngayon at kalahi ay halos sakmalin. Ng̃uni’t kung maputi, kahi’t na lumapastang̃an, ay ng̃ining̃itian din. Sinusurot, dinuduro at pinamumukhaan ang kabalat, subali’t ang dayo ay saka lamang mamura kung nakatalikod....

—Siyang totoo—ang tang̃o ng̃ ilan.

—Kabagongbago’y nais nang lagpasan ang mg̃a kanayon?—ang dugtong ni Pastor.

—Pasalamat tayo at hindi pa man ay nagpapakita na ng̃ lakas at magagawa. Kung kaya siya lalagpas sa taga rito, ay sapagka’t dapat siyang lumagpas. Ano man ang gawin ni Artemyo, kung talagang magaling sila, ay sila rin ang mamaibabaw. Ang iba pang dahilan ay pawa nang paninira na mg̃a isip-lamok lamang ang mananampalataya....

—Ang inggit ay talagang nakalilikha ng̃ sarisaring paninira—ang payo ng̃ may katandaan.

—Kaya matakot at mang̃ilag tayo—ang ayon ng̃ iba.

—Walang sasama kay Beteng—ang paalaalang muli ng̃ banduristang kapangpang̃an....

—Wala! ¡Wala! ¡Wala!—ang ayon ng̃ lahat at pinamayani na naman ang kanilang mg̃a hawak na kilabot ng̃ panglaw, taga taboy ng̃ lungkot at lumilikha ng̃ tuwa: ang biyolin, bigwela at bandurya.

Back to IndexNext