V

V¡WALANG SALA! ¡ANG TAGUMPAY AY ATIN!Maligayang umaga noon. Sa Looban, daang tumutumbok sa malaking pagawaan ng̃ tabako, ay maraming kawal ng̃ pawis ang nagmamadalían. Sa una’y langkay ng̃ mg̃a babai; sa dako roon ay nagsusumugod na mg̃a lalaki; sa dako rito ay sunodsunod na may mg̃a kagulang̃an na; at sa huli ay mg̃a dalaga at binatang pawang nagtatalik sa galak. Walang alinlang̃ang sarisaring bagay ang napaguusapan. Minsan ay may nagtatalumpati sa pagtatanggol sa kanyang ipinaglalaban. Minsan ay pumutok ang halakhakan. Ganyan ang mapupuna sa alin mang pangkatin.Sa karamihan ay may namumukod na dalawang lalaki. Ang isa ay may magarang gayak; pulus na puti ang suot at korbatang sutlang granate ang nakatali sa liig. Isang sombrerong kalasyaw ang nakatakip sa ulo, na lalong nagbibigay ganda sa mayamang tabas ng̃ mukha. ¡Kay kintab ng̃ sapatos na abelyana! At ¡kay lapad ng̃ liston! Sa bikas at pananamit ay nagbabansag ng̃ kalwagan sa buhay. Samantalang ang isa ay nakabarong intsik lamang. Lumang luma na ang pahang sunong. At isang tsinelas na kupas na ang kulay ang nagtatanggol sa paa. Naglalarawan ng̃ karalitaan. Yaon, ang makisig, ay ang binatang Beteng. At ito ang anak-dalita, ay si Simon. Sa agos ng̃ mg̃a manggagawa sa Tabakalera ay napaanod sila.—Sa linggo na ang araw ni Loleng—ang sabi ni Beteng kay Simón.—Oh, ¿handa na po ba ang komparsa natin?—ang tanong naman nito.—Hindi ko ng̃a po matiyak kaya ko po kayo inabang̃an.—Bakit po?—Mangyari’y naparoon ako kagabi kina Dolores ay ibinalita sa akin ni kapitanaMartina, na si Artemyo raw ay nang̃ako rin ng̃ komparsa.—Lalong magaling. Ng̃ayon tayo magsusubukan ng̃ gilas. Upang makilala ang inyong katayugan kay Artemyo ay dapat kayong iyagapay sa kanya. Walang salang magbibigti siya sa kahihiyaan....—Huwag tayong umasa.—Bakit po?—Hindi ko pa natitiyak na mabuti ang ating komparsa. Malaon ko nang kinausap sila at hindi ko na hinarap uli.—Tiyakin mo po; at nang mapatabi ang gigirigiring iyan....—Bah! Kung lumabas na magaling ang kanyang dala, ay ¿di naagawan tayo ng̃ dang̃al?—Hindi po! ¡Magagaling tumugtog ang tao natin! Tiyakin mo po lamang ay di na kayo dapat magalaala pa.—Baka tayo mabitin ah!...—Sa ano pong dahilan?—Kung di tayo siputin.—Bakit po? ¿Nauulol ba sila? ¿Binayaran at dí sisipot? ¿Magkano po ba ang ibinayad ninyo?—Wala pa akong ibinibigay kung hindi limang piso lamang na ibibili raw ng̃ kuwerdas.—Sa tao po, ¿magkano ang isa?—Huwag ko raw pong alalahanin.—Iyan ang masama. Ang mabuti ay bayaran natin; upang kung hindi sila sumipot ay magkaroon tayo ng̃ bibig.—Gayon din po ang naisip ko kagabi kaya ninais kong makausap kayo....Isang malakas na sigaw na¡tabi!ang lumagot sa salitaan. Noon ay humahagibis ang dalawang karitela na naguunahan. Ang una’y pawang dalaga ang lulan, at ang huli’y pawang binata naman.Luming̃on at tumabi ang dalawang naguusap, bago nagpatuloy si Beteng:—Kasama rin lamang ninyo riyan sa Kompanya ang pinaka maestro nila, ay kausapin lamang ninyong mabuti kung mangyayari.—Opo, at titiyakin ko.—Ibigay mo po lamang ito—at dumukut sa bulsa ng̃ isang papel na sasampuin—sabihin ninyong para sigarilyo lamang iyan.—Kay dami naman!—Daragdagan ko pa po iyan, mapuri lamang tayo ni kapitang Andoy.—Walang sala! ¡Ang tagumpay ay atin! ¿Alin daw po bang komparsa ang kinuha naman ni Artemyo?—Hindi ko po masabi.—Tiyak daw po bang sisipot?—Marahil. ¿Mang̃ang̃ako ba iyon ng̃ papaano? Mawawalan ba ng̃ kakilalang komparsa iyon, ay sa siya ay isang artista.—Hindi rin siya dapat humara sa ating dadalhin.—At mabuti namang magdala siya, upang mapalapat ang kanyang kapang̃ahasang bumanggá sa tapayan.Na sa tapat na sila ng̃ Tabakalera.Kapwa sila tumigil at tumayo sa tabing daan. Noon ay dating at dating ang kawal ng̃ paggawa. Babai at lalaki, dalaga at bagongtao, matanda at bata, ang nagsisisipot. ¡Kay daming anak ng̃ pawis!—Ano pong oras ang sasabihin kong ipagkikita natin sa linggo?—ang mana’y tanong ni Simon.—Ika siyam ng̃ umaga. Doon na tayo magtagpo sa bahay nila Loleng—ang tugon ng̃ kausap.—Sasabihin ko po.—Baka malimutan ninyo?—Hindi po.—Baka tayo mabitin?—Huwag mo pong alalahanin. Ako ang bahala.—Walang sala! ¡Ang tagumpay ay atin!Nagtuloy ng̃ pumasok si Simón sa malaking pagawaan. Si Beteng ay yumaon naman. Hanggang doon natapos ang usap ng̃ dalawang magkatiyap.

V¡WALANG SALA! ¡ANG TAGUMPAY AY ATIN!

Maligayang umaga noon. Sa Looban, daang tumutumbok sa malaking pagawaan ng̃ tabako, ay maraming kawal ng̃ pawis ang nagmamadalían. Sa una’y langkay ng̃ mg̃a babai; sa dako roon ay nagsusumugod na mg̃a lalaki; sa dako rito ay sunodsunod na may mg̃a kagulang̃an na; at sa huli ay mg̃a dalaga at binatang pawang nagtatalik sa galak. Walang alinlang̃ang sarisaring bagay ang napaguusapan. Minsan ay may nagtatalumpati sa pagtatanggol sa kanyang ipinaglalaban. Minsan ay pumutok ang halakhakan. Ganyan ang mapupuna sa alin mang pangkatin.Sa karamihan ay may namumukod na dalawang lalaki. Ang isa ay may magarang gayak; pulus na puti ang suot at korbatang sutlang granate ang nakatali sa liig. Isang sombrerong kalasyaw ang nakatakip sa ulo, na lalong nagbibigay ganda sa mayamang tabas ng̃ mukha. ¡Kay kintab ng̃ sapatos na abelyana! At ¡kay lapad ng̃ liston! Sa bikas at pananamit ay nagbabansag ng̃ kalwagan sa buhay. Samantalang ang isa ay nakabarong intsik lamang. Lumang luma na ang pahang sunong. At isang tsinelas na kupas na ang kulay ang nagtatanggol sa paa. Naglalarawan ng̃ karalitaan. Yaon, ang makisig, ay ang binatang Beteng. At ito ang anak-dalita, ay si Simon. Sa agos ng̃ mg̃a manggagawa sa Tabakalera ay napaanod sila.—Sa linggo na ang araw ni Loleng—ang sabi ni Beteng kay Simón.—Oh, ¿handa na po ba ang komparsa natin?—ang tanong naman nito.—Hindi ko ng̃a po matiyak kaya ko po kayo inabang̃an.—Bakit po?—Mangyari’y naparoon ako kagabi kina Dolores ay ibinalita sa akin ni kapitanaMartina, na si Artemyo raw ay nang̃ako rin ng̃ komparsa.—Lalong magaling. Ng̃ayon tayo magsusubukan ng̃ gilas. Upang makilala ang inyong katayugan kay Artemyo ay dapat kayong iyagapay sa kanya. Walang salang magbibigti siya sa kahihiyaan....—Huwag tayong umasa.—Bakit po?—Hindi ko pa natitiyak na mabuti ang ating komparsa. Malaon ko nang kinausap sila at hindi ko na hinarap uli.—Tiyakin mo po; at nang mapatabi ang gigirigiring iyan....—Bah! Kung lumabas na magaling ang kanyang dala, ay ¿di naagawan tayo ng̃ dang̃al?—Hindi po! ¡Magagaling tumugtog ang tao natin! Tiyakin mo po lamang ay di na kayo dapat magalaala pa.—Baka tayo mabitin ah!...—Sa ano pong dahilan?—Kung di tayo siputin.—Bakit po? ¿Nauulol ba sila? ¿Binayaran at dí sisipot? ¿Magkano po ba ang ibinayad ninyo?—Wala pa akong ibinibigay kung hindi limang piso lamang na ibibili raw ng̃ kuwerdas.—Sa tao po, ¿magkano ang isa?—Huwag ko raw pong alalahanin.—Iyan ang masama. Ang mabuti ay bayaran natin; upang kung hindi sila sumipot ay magkaroon tayo ng̃ bibig.—Gayon din po ang naisip ko kagabi kaya ninais kong makausap kayo....Isang malakas na sigaw na¡tabi!ang lumagot sa salitaan. Noon ay humahagibis ang dalawang karitela na naguunahan. Ang una’y pawang dalaga ang lulan, at ang huli’y pawang binata naman.Luming̃on at tumabi ang dalawang naguusap, bago nagpatuloy si Beteng:—Kasama rin lamang ninyo riyan sa Kompanya ang pinaka maestro nila, ay kausapin lamang ninyong mabuti kung mangyayari.—Opo, at titiyakin ko.—Ibigay mo po lamang ito—at dumukut sa bulsa ng̃ isang papel na sasampuin—sabihin ninyong para sigarilyo lamang iyan.—Kay dami naman!—Daragdagan ko pa po iyan, mapuri lamang tayo ni kapitang Andoy.—Walang sala! ¡Ang tagumpay ay atin! ¿Alin daw po bang komparsa ang kinuha naman ni Artemyo?—Hindi ko po masabi.—Tiyak daw po bang sisipot?—Marahil. ¿Mang̃ang̃ako ba iyon ng̃ papaano? Mawawalan ba ng̃ kakilalang komparsa iyon, ay sa siya ay isang artista.—Hindi rin siya dapat humara sa ating dadalhin.—At mabuti namang magdala siya, upang mapalapat ang kanyang kapang̃ahasang bumanggá sa tapayan.Na sa tapat na sila ng̃ Tabakalera.Kapwa sila tumigil at tumayo sa tabing daan. Noon ay dating at dating ang kawal ng̃ paggawa. Babai at lalaki, dalaga at bagongtao, matanda at bata, ang nagsisisipot. ¡Kay daming anak ng̃ pawis!—Ano pong oras ang sasabihin kong ipagkikita natin sa linggo?—ang mana’y tanong ni Simon.—Ika siyam ng̃ umaga. Doon na tayo magtagpo sa bahay nila Loleng—ang tugon ng̃ kausap.—Sasabihin ko po.—Baka malimutan ninyo?—Hindi po.—Baka tayo mabitin?—Huwag mo pong alalahanin. Ako ang bahala.—Walang sala! ¡Ang tagumpay ay atin!Nagtuloy ng̃ pumasok si Simón sa malaking pagawaan. Si Beteng ay yumaon naman. Hanggang doon natapos ang usap ng̃ dalawang magkatiyap.

Maligayang umaga noon. Sa Looban, daang tumutumbok sa malaking pagawaan ng̃ tabako, ay maraming kawal ng̃ pawis ang nagmamadalían. Sa una’y langkay ng̃ mg̃a babai; sa dako roon ay nagsusumugod na mg̃a lalaki; sa dako rito ay sunodsunod na may mg̃a kagulang̃an na; at sa huli ay mg̃a dalaga at binatang pawang nagtatalik sa galak. Walang alinlang̃ang sarisaring bagay ang napaguusapan. Minsan ay may nagtatalumpati sa pagtatanggol sa kanyang ipinaglalaban. Minsan ay pumutok ang halakhakan. Ganyan ang mapupuna sa alin mang pangkatin.

Sa karamihan ay may namumukod na dalawang lalaki. Ang isa ay may magarang gayak; pulus na puti ang suot at korbatang sutlang granate ang nakatali sa liig. Isang sombrerong kalasyaw ang nakatakip sa ulo, na lalong nagbibigay ganda sa mayamang tabas ng̃ mukha. ¡Kay kintab ng̃ sapatos na abelyana! At ¡kay lapad ng̃ liston! Sa bikas at pananamit ay nagbabansag ng̃ kalwagan sa buhay. Samantalang ang isa ay nakabarong intsik lamang. Lumang luma na ang pahang sunong. At isang tsinelas na kupas na ang kulay ang nagtatanggol sa paa. Naglalarawan ng̃ karalitaan. Yaon, ang makisig, ay ang binatang Beteng. At ito ang anak-dalita, ay si Simon. Sa agos ng̃ mg̃a manggagawa sa Tabakalera ay napaanod sila.

—Sa linggo na ang araw ni Loleng—ang sabi ni Beteng kay Simón.

—Oh, ¿handa na po ba ang komparsa natin?—ang tanong naman nito.

—Hindi ko ng̃a po matiyak kaya ko po kayo inabang̃an.

—Bakit po?

—Mangyari’y naparoon ako kagabi kina Dolores ay ibinalita sa akin ni kapitanaMartina, na si Artemyo raw ay nang̃ako rin ng̃ komparsa.

—Lalong magaling. Ng̃ayon tayo magsusubukan ng̃ gilas. Upang makilala ang inyong katayugan kay Artemyo ay dapat kayong iyagapay sa kanya. Walang salang magbibigti siya sa kahihiyaan....

—Huwag tayong umasa.

—Bakit po?

—Hindi ko pa natitiyak na mabuti ang ating komparsa. Malaon ko nang kinausap sila at hindi ko na hinarap uli.

—Tiyakin mo po; at nang mapatabi ang gigirigiring iyan....

—Bah! Kung lumabas na magaling ang kanyang dala, ay ¿di naagawan tayo ng̃ dang̃al?

—Hindi po! ¡Magagaling tumugtog ang tao natin! Tiyakin mo po lamang ay di na kayo dapat magalaala pa.

—Baka tayo mabitin ah!...

—Sa ano pong dahilan?

—Kung di tayo siputin.

—Bakit po? ¿Nauulol ba sila? ¿Binayaran at dí sisipot? ¿Magkano po ba ang ibinayad ninyo?

—Wala pa akong ibinibigay kung hindi limang piso lamang na ibibili raw ng̃ kuwerdas.

—Sa tao po, ¿magkano ang isa?

—Huwag ko raw pong alalahanin.

—Iyan ang masama. Ang mabuti ay bayaran natin; upang kung hindi sila sumipot ay magkaroon tayo ng̃ bibig.

—Gayon din po ang naisip ko kagabi kaya ninais kong makausap kayo....

Isang malakas na sigaw na¡tabi!ang lumagot sa salitaan. Noon ay humahagibis ang dalawang karitela na naguunahan. Ang una’y pawang dalaga ang lulan, at ang huli’y pawang binata naman.

Luming̃on at tumabi ang dalawang naguusap, bago nagpatuloy si Beteng:

—Kasama rin lamang ninyo riyan sa Kompanya ang pinaka maestro nila, ay kausapin lamang ninyong mabuti kung mangyayari.

—Opo, at titiyakin ko.

—Ibigay mo po lamang ito—at dumukut sa bulsa ng̃ isang papel na sasampuin—sabihin ninyong para sigarilyo lamang iyan.

—Kay dami naman!

—Daragdagan ko pa po iyan, mapuri lamang tayo ni kapitang Andoy.

—Walang sala! ¡Ang tagumpay ay atin! ¿Alin daw po bang komparsa ang kinuha naman ni Artemyo?

—Hindi ko po masabi.

—Tiyak daw po bang sisipot?

—Marahil. ¿Mang̃ang̃ako ba iyon ng̃ papaano? Mawawalan ba ng̃ kakilalang komparsa iyon, ay sa siya ay isang artista.

—Hindi rin siya dapat humara sa ating dadalhin.

—At mabuti namang magdala siya, upang mapalapat ang kanyang kapang̃ahasang bumanggá sa tapayan.

Na sa tapat na sila ng̃ Tabakalera.

Kapwa sila tumigil at tumayo sa tabing daan. Noon ay dating at dating ang kawal ng̃ paggawa. Babai at lalaki, dalaga at bagongtao, matanda at bata, ang nagsisisipot. ¡Kay daming anak ng̃ pawis!

—Ano pong oras ang sasabihin kong ipagkikita natin sa linggo?—ang mana’y tanong ni Simon.

—Ika siyam ng̃ umaga. Doon na tayo magtagpo sa bahay nila Loleng—ang tugon ng̃ kausap.

—Sasabihin ko po.

—Baka malimutan ninyo?

—Hindi po.

—Baka tayo mabitin?

—Huwag mo pong alalahanin. Ako ang bahala.

—Walang sala! ¡Ang tagumpay ay atin!

Nagtuloy ng̃ pumasok si Simón sa malaking pagawaan. Si Beteng ay yumaon naman. Hanggang doon natapos ang usap ng̃ dalawang magkatiyap.

Back to IndexNext