IXBALIW NA NAGSASABI NG KATOTOHANANWaring mg̃a salarín na hinahakot ang mg̃a manglilimbag sa limbagan ng̃ Pamahalaan, at dinadala noon sa pagamutan ng̃ San Lásaro. Dahil sa pagkamatay ng̃ isang kasama, sa sakit nadipterya, ay muntik ng̃ ikulong ang lahat ng̃ kawani sa boong limbagan. Kuwarentenas diumano ang kailang̃an, sapagka’t mapang̃anib na sakit angdipterya. Ang mikrobyo raw noon ay totoong mabisang makahawa. Ganyan ang pasya ng̃ matatalinong doktor sa Kagawaran ng̃ Karunung̃an. At naganap ang pasya, baga man kay daming anak ng̃ dalita ang napinsalaan.Lungkot, pighati, hinagpis, pamamanglaw, iyan ang lumalaro sa mg̃a kaawaawa na ikinulong sa isang kamalignani lamok ay di makapasok. May tumatang̃is at may tumatawa. Datapwa’t ... ¿ano pa? Pagtang̃is na inililihim at pagtawang pilit lamang. Ang iba’y malungkot na inaalaala ang asawa. Ang iba’y iniluluha ang mg̃a anak. At ang iba nama’y mapanglaw na ginugunita ang kanilang pinopoon sa buhay, ang lang̃it ng̃ kanilang pagibig. Kung minsan sa hinagpis na ¡ay! ay buntong hining̃ang ¡ay! din ang tugon....At ¿bakit di sila mamamanglaw? Tunay; sila’y malalakas pa kay sa humakot sa kanila. Paano’y wala namang sakít. Subali’t ang pagkawalay sa mg̃a pinakamamahal sa buhay, ang masabing sila ay may mikrobyo ng̃dipterya, ay labis nang makapanglumó ng̃ puso. Isa lamang dito ay sapat nang sumupil sa kanilang lakas.Noón ay isang hapong mapanglaw.Salamat sa pagdalaw ng̃ ilang mg̃a kasama at kamaganak, ay nababawasan ang kanilang lungkot.Salamat din naman sa mg̃a alaala ng̃“Kami Naman”, na paano’t paano ma’y ikinaaaliw nila. Ang masasarap na biskuwit, welga, at sigarilyo, na abuloy ng̃ Samahang yaon sa Pako, ay nakatutugon din kahi’t bahagya sa kanilang hapis. Paano’y tanda yaon ng̃ pagmamahal; pagmamahal na ibinuyo ng̃ pagibig; at pagibig na likha ng̃ banal na pagkakapatiran.—Ano ang naisipan ng̃ “Kami Naman” at nagpadala rito ng̃ abuloy?—ang tanong ng̃ isa.—Wala. Tumupad lamang sila sa kanilang tungkulin. Dumamay sa kapatid—ang paliwanag ng̃ nakasalamin.—Tayo ba’y kapatid nila? ¿Hindi naman tayo kasapi?—ang patlang ng̃ iba.—Oo. Kapatid nila tayo; kasapi man at hindi sa kanilang Samahan. Sapagka’t ang mahihirap ay magkakapatid na lahat. Kung paanong ang mahirap ay walang bayan, ay gayon din na walang lipi. Bayan niya ang Sangsinukob at lipi niya ang Sangkatauhan....—Tama!—Mabuhay!—Katwiran!Ganyan ang itinugon ng̃ ilan at tinapos sa palakpak na pagpuri ng̃ lahat.—¡Mg̃a kapatid!—ang malakas na hiyaw nakanilangnarinig.Natahimik ang lahat. Sila’y nagsidulog sa durung̃awan. At mula roo’y napanood nila kung sino ang sumigaw. Isang baliw sa kulung̃an ng̃ mg̃a sawing palad. Na sa bahay na katapat ng̃ kanilang kinapipiitan. Mula sa durung̃awan noon ay isang talumpati ang binigkas sa kanila:—Mg̃a kapatid: Itigil ninyo ang pagawit ng̃ galak. Ang dapat magalak ay ang nasisiyahan sa buhay. Samantalang tayo ay naghihikahos: gipít sa lahat ng̃ kailang̃an; dahop sa salapi; uhaw sa paglaya; ay pawang pighati ang ating dalitin... Sapagka’t, sapagka’t, sapagka’t siyang bagay sa ating kalagayan....—Katwiran!—ang bulung̃an ng̃ mg̃a nakikinig.—Makinig tayo!—ang saway ng̃ ilan.—Sa buhay na ito ng̃ mg̃a pang̃arap—patuloy ng̃ nagtatalumpati—ay talagang pawang katiwalian ang malimit mapanood. Ang mahirap ay nasisiyahan sa kanyang kahirapan, ng̃uni’t ang mayaman ay di nabubusog sa kanyang kayamanan. Gayong ang dapat mangyari aymasiyahan ang masalapi sa kanyang kasaganaan, at dumaing ang dukha sa kanyang kadahupan. Subuking iwasto ang lakad ng̃ buhay: tumahimik ang mayroon; magsigasig ang wala: at ang puso ng̃ maralita ay hindi na tatang̃is....—Totoo—ang turing ng̃ ilang nakikinig.—Makamahirap pa!—ang paghang̃a ng̃ iba.—Bayan ko—ang hiyaw na naman ng̃ baliw—¿Kailan pa mapapanatag ang iyong kapalaran? ¿Habang panahon na ba ang iyong pagtitiis? ¿Talaga bang isinumpa ka sa kaapihan? ¿Bakit di ka kumilos? ¿Ano ang kabuluhan ng̃ iyong lakas? ¡Walang kalayaang inililimos! ¡Ang ipinamimigay ay ang kalabisan ng̃ nagbibigay! Ano pa’t ang layang inaantay mo, ay ¡ang labi ng̃ pang̃inoon! Datapwa’t alalahanin mong may mg̃a labi, na ni hayop ay tumatanggi.... At ang bayang labi ng̃ kapwa bayan, ay mahina. ¡Walang kasing hina! Marupok. ¡Walang kasing dupok! ¡Parang salamin lamang! ¡Sayang ang iyong matatalino! ¡Sayang ang iyong matatapang! ¡Masdan mo’t isa isang nagsisitulog sa libing̃an! ¿Bakit di mo samantalahin ang kanilang lakas? Kung angtao ay sumipot upang makipagagawan sa buhay, ang bayan ay nilikha upang makipaglaban sa karapatan....—Iyan ang ulol na nagsasabi ng̃ katotohanan!—ang pagtataka ng̃ mg̃a nakikinig.—Sino kaya iyan?—ang tanong ng̃ iba.Ang baliw naman ay lalong gumilas sa paglalahad ng̃ mg̃a nangyayari. Kumuha ng̃ pisi at sa dulo’y itinali ang kanyang panyolitong puti. Inilawit sa rehas. Binayaang iniwagayway ng̃ hang̃in. At malakas na sinabing:—Hayan ang watawat ng̃ pagsuko! ¡Hayan ang sagisag ng̃ pananahimik! Batiin ninyo at igalang. Mahalin ninyo at ibigin. Kung iyan ang ating ilaladlad sa gitna ng̃ digmaan ay unahan tayo ng̃ paghawak. Datapwa’t kung pula, tanda ng̃ paglaban, ay nagtuturuan tayo. ¡Magdarayang tapang!...Sandaling natigilan. Bago nagpatuloy:—Bandila ng̃ kapayapaan! Ang kapangyarihan mo ay nagdidiwang sa ibabaw ng̃ maliit at api. Nagdidiwang, sapagka’t nasisiyahan sila sa kanilang kaliitan at kaapihan. Datapwa’t sa malalakas at manglulupig, ang kapangyarihanmo’y hindi makapamayani. Hindi makapamayani, sapagka’t di pa sila nabubusog sa kanilang tayog at kadakilaan. Dapat lumaganap sa lahat ang iyong lakas. ¡Masupil mo nawa ang sangkatauhan!...Noon ay papaalis na ang mg̃a dalaw. Nang mapuna ng̃ baliw ang pagyaon ng̃ ilang dalaga, ay maliksing hinigit ang kanyang watawat. Nagpugay sa mg̃a paalis, na anya’y:—Paalam mg̃a dalaga ng̃ lahi, masamyong bulaklak ng̃ bayan. Dahil sa inyong dilag ang libo mang buhay ay ipasasawi. Si Plorante’y naging Plorante dahil kay Laura; si Ibarra’y naging Ibarra dahil kay Marya Klara; ako naman ay magiging ako dahil sa kagandahan ninyo. Paalam mg̃a pang̃arap ng̃ aking puso. Taglayin ninyo ang alaala ng̃ inyong sawing lingkod....—Malambing̃in pa—ang saad ng̃ isang nakikinig.—Parang hindi ulol—ang pasya ng̃ iba.—Siya ng̃a—ang ayonng̃ilan.Nagpatuloy naman ang baliw; ng̃uni’t iba na ang uri ng̃ isinasaad. Ang tinig man ay tinig panambitan na:—Loleng ng̃ buhay ko! ¡Dolores ng̃ aking kaluluwa! Halika’t pawiin mo ang lungkot ng̃ iyong alipin. Dahil sa kagandahan mo, tampok ng̃ pagibig, ako ay naging mamamatay. ¡Limang buhay ang inutang ko!...At naghinagpis ng̃:—Ay, kapalaran! ¡Napakadilim ng̃ gabi na aking nilalamay! ¡Nakamatay ako sa di kinukusa! ¡Kaibigang Artemyo, katotong Pastor, kasamang Labadre, mg̃a kulang palad na naparamay sa aking kasawian!... ¡Simón! ¡Simón! ¡Simón! ¡Huwag kang mahapis diyan sa bilibid! ¡Ang pagdurusa mo’y tanda ng̃ iyong pagkamatapat na katulong! ¡Sa gaya mo, buhay man ay maipagkakatiwala!... ¡Ang kayamanan ko’y manahin mong lahat!... At magdiwang ka ng̃ boong galak....Nilagot ang salita sa halakhak. Nagpatuloy pa rin:—Ako si Beteng! ¡Si Silbestre Santos! ¡Limang buhay ang aking inutang! ¡Apat ang inutas ko ng̃ patalim at isa ang namatay sa takot sa aking ginawa! ¡Kay Tomás ay ako ang pumatay! ¡Hindi si Simon! ¡Palayain ninyo siya! Si Simón ay kinasangkapan ko lamang sa pagpatay.¡Si Tomás ang unang tinampalasan ng̃ marahas kong loób! ¡Kay Artemyo, kay Pastor, kay Labadre, ay ako rin ang pumatay! ¡Si kapitang Andoy man ay namatay sa pagkasindak sa sakuna! ¡Ano pa’t dahil din sa akin! ¡Oo; inaamin kong limang buhay ang aking utang, kaya’t ako na rin ang humanap ng̃ katarung̃an!...At tinapos ang talumpati sa:—¡Pagibig! ¡Pagibig! ¡Itang̃ismo ang mg̃a sinawi ng̃ iyong lakas at kapangyarihan!.... ¡Dalaga! ¡Dalaga! ¡Alalahanin mo ang mg̃a nalugmok dahil sa iyong kagandahan!...

IXBALIW NA NAGSASABI NG KATOTOHANAN
Waring mg̃a salarín na hinahakot ang mg̃a manglilimbag sa limbagan ng̃ Pamahalaan, at dinadala noon sa pagamutan ng̃ San Lásaro. Dahil sa pagkamatay ng̃ isang kasama, sa sakit nadipterya, ay muntik ng̃ ikulong ang lahat ng̃ kawani sa boong limbagan. Kuwarentenas diumano ang kailang̃an, sapagka’t mapang̃anib na sakit angdipterya. Ang mikrobyo raw noon ay totoong mabisang makahawa. Ganyan ang pasya ng̃ matatalinong doktor sa Kagawaran ng̃ Karunung̃an. At naganap ang pasya, baga man kay daming anak ng̃ dalita ang napinsalaan.Lungkot, pighati, hinagpis, pamamanglaw, iyan ang lumalaro sa mg̃a kaawaawa na ikinulong sa isang kamalignani lamok ay di makapasok. May tumatang̃is at may tumatawa. Datapwa’t ... ¿ano pa? Pagtang̃is na inililihim at pagtawang pilit lamang. Ang iba’y malungkot na inaalaala ang asawa. Ang iba’y iniluluha ang mg̃a anak. At ang iba nama’y mapanglaw na ginugunita ang kanilang pinopoon sa buhay, ang lang̃it ng̃ kanilang pagibig. Kung minsan sa hinagpis na ¡ay! ay buntong hining̃ang ¡ay! din ang tugon....At ¿bakit di sila mamamanglaw? Tunay; sila’y malalakas pa kay sa humakot sa kanila. Paano’y wala namang sakít. Subali’t ang pagkawalay sa mg̃a pinakamamahal sa buhay, ang masabing sila ay may mikrobyo ng̃dipterya, ay labis nang makapanglumó ng̃ puso. Isa lamang dito ay sapat nang sumupil sa kanilang lakas.Noón ay isang hapong mapanglaw.Salamat sa pagdalaw ng̃ ilang mg̃a kasama at kamaganak, ay nababawasan ang kanilang lungkot.Salamat din naman sa mg̃a alaala ng̃“Kami Naman”, na paano’t paano ma’y ikinaaaliw nila. Ang masasarap na biskuwit, welga, at sigarilyo, na abuloy ng̃ Samahang yaon sa Pako, ay nakatutugon din kahi’t bahagya sa kanilang hapis. Paano’y tanda yaon ng̃ pagmamahal; pagmamahal na ibinuyo ng̃ pagibig; at pagibig na likha ng̃ banal na pagkakapatiran.—Ano ang naisipan ng̃ “Kami Naman” at nagpadala rito ng̃ abuloy?—ang tanong ng̃ isa.—Wala. Tumupad lamang sila sa kanilang tungkulin. Dumamay sa kapatid—ang paliwanag ng̃ nakasalamin.—Tayo ba’y kapatid nila? ¿Hindi naman tayo kasapi?—ang patlang ng̃ iba.—Oo. Kapatid nila tayo; kasapi man at hindi sa kanilang Samahan. Sapagka’t ang mahihirap ay magkakapatid na lahat. Kung paanong ang mahirap ay walang bayan, ay gayon din na walang lipi. Bayan niya ang Sangsinukob at lipi niya ang Sangkatauhan....—Tama!—Mabuhay!—Katwiran!Ganyan ang itinugon ng̃ ilan at tinapos sa palakpak na pagpuri ng̃ lahat.—¡Mg̃a kapatid!—ang malakas na hiyaw nakanilangnarinig.Natahimik ang lahat. Sila’y nagsidulog sa durung̃awan. At mula roo’y napanood nila kung sino ang sumigaw. Isang baliw sa kulung̃an ng̃ mg̃a sawing palad. Na sa bahay na katapat ng̃ kanilang kinapipiitan. Mula sa durung̃awan noon ay isang talumpati ang binigkas sa kanila:—Mg̃a kapatid: Itigil ninyo ang pagawit ng̃ galak. Ang dapat magalak ay ang nasisiyahan sa buhay. Samantalang tayo ay naghihikahos: gipít sa lahat ng̃ kailang̃an; dahop sa salapi; uhaw sa paglaya; ay pawang pighati ang ating dalitin... Sapagka’t, sapagka’t, sapagka’t siyang bagay sa ating kalagayan....—Katwiran!—ang bulung̃an ng̃ mg̃a nakikinig.—Makinig tayo!—ang saway ng̃ ilan.—Sa buhay na ito ng̃ mg̃a pang̃arap—patuloy ng̃ nagtatalumpati—ay talagang pawang katiwalian ang malimit mapanood. Ang mahirap ay nasisiyahan sa kanyang kahirapan, ng̃uni’t ang mayaman ay di nabubusog sa kanyang kayamanan. Gayong ang dapat mangyari aymasiyahan ang masalapi sa kanyang kasaganaan, at dumaing ang dukha sa kanyang kadahupan. Subuking iwasto ang lakad ng̃ buhay: tumahimik ang mayroon; magsigasig ang wala: at ang puso ng̃ maralita ay hindi na tatang̃is....—Totoo—ang turing ng̃ ilang nakikinig.—Makamahirap pa!—ang paghang̃a ng̃ iba.—Bayan ko—ang hiyaw na naman ng̃ baliw—¿Kailan pa mapapanatag ang iyong kapalaran? ¿Habang panahon na ba ang iyong pagtitiis? ¿Talaga bang isinumpa ka sa kaapihan? ¿Bakit di ka kumilos? ¿Ano ang kabuluhan ng̃ iyong lakas? ¡Walang kalayaang inililimos! ¡Ang ipinamimigay ay ang kalabisan ng̃ nagbibigay! Ano pa’t ang layang inaantay mo, ay ¡ang labi ng̃ pang̃inoon! Datapwa’t alalahanin mong may mg̃a labi, na ni hayop ay tumatanggi.... At ang bayang labi ng̃ kapwa bayan, ay mahina. ¡Walang kasing hina! Marupok. ¡Walang kasing dupok! ¡Parang salamin lamang! ¡Sayang ang iyong matatalino! ¡Sayang ang iyong matatapang! ¡Masdan mo’t isa isang nagsisitulog sa libing̃an! ¿Bakit di mo samantalahin ang kanilang lakas? Kung angtao ay sumipot upang makipagagawan sa buhay, ang bayan ay nilikha upang makipaglaban sa karapatan....—Iyan ang ulol na nagsasabi ng̃ katotohanan!—ang pagtataka ng̃ mg̃a nakikinig.—Sino kaya iyan?—ang tanong ng̃ iba.Ang baliw naman ay lalong gumilas sa paglalahad ng̃ mg̃a nangyayari. Kumuha ng̃ pisi at sa dulo’y itinali ang kanyang panyolitong puti. Inilawit sa rehas. Binayaang iniwagayway ng̃ hang̃in. At malakas na sinabing:—Hayan ang watawat ng̃ pagsuko! ¡Hayan ang sagisag ng̃ pananahimik! Batiin ninyo at igalang. Mahalin ninyo at ibigin. Kung iyan ang ating ilaladlad sa gitna ng̃ digmaan ay unahan tayo ng̃ paghawak. Datapwa’t kung pula, tanda ng̃ paglaban, ay nagtuturuan tayo. ¡Magdarayang tapang!...Sandaling natigilan. Bago nagpatuloy:—Bandila ng̃ kapayapaan! Ang kapangyarihan mo ay nagdidiwang sa ibabaw ng̃ maliit at api. Nagdidiwang, sapagka’t nasisiyahan sila sa kanilang kaliitan at kaapihan. Datapwa’t sa malalakas at manglulupig, ang kapangyarihanmo’y hindi makapamayani. Hindi makapamayani, sapagka’t di pa sila nabubusog sa kanilang tayog at kadakilaan. Dapat lumaganap sa lahat ang iyong lakas. ¡Masupil mo nawa ang sangkatauhan!...Noon ay papaalis na ang mg̃a dalaw. Nang mapuna ng̃ baliw ang pagyaon ng̃ ilang dalaga, ay maliksing hinigit ang kanyang watawat. Nagpugay sa mg̃a paalis, na anya’y:—Paalam mg̃a dalaga ng̃ lahi, masamyong bulaklak ng̃ bayan. Dahil sa inyong dilag ang libo mang buhay ay ipasasawi. Si Plorante’y naging Plorante dahil kay Laura; si Ibarra’y naging Ibarra dahil kay Marya Klara; ako naman ay magiging ako dahil sa kagandahan ninyo. Paalam mg̃a pang̃arap ng̃ aking puso. Taglayin ninyo ang alaala ng̃ inyong sawing lingkod....—Malambing̃in pa—ang saad ng̃ isang nakikinig.—Parang hindi ulol—ang pasya ng̃ iba.—Siya ng̃a—ang ayonng̃ilan.Nagpatuloy naman ang baliw; ng̃uni’t iba na ang uri ng̃ isinasaad. Ang tinig man ay tinig panambitan na:—Loleng ng̃ buhay ko! ¡Dolores ng̃ aking kaluluwa! Halika’t pawiin mo ang lungkot ng̃ iyong alipin. Dahil sa kagandahan mo, tampok ng̃ pagibig, ako ay naging mamamatay. ¡Limang buhay ang inutang ko!...At naghinagpis ng̃:—Ay, kapalaran! ¡Napakadilim ng̃ gabi na aking nilalamay! ¡Nakamatay ako sa di kinukusa! ¡Kaibigang Artemyo, katotong Pastor, kasamang Labadre, mg̃a kulang palad na naparamay sa aking kasawian!... ¡Simón! ¡Simón! ¡Simón! ¡Huwag kang mahapis diyan sa bilibid! ¡Ang pagdurusa mo’y tanda ng̃ iyong pagkamatapat na katulong! ¡Sa gaya mo, buhay man ay maipagkakatiwala!... ¡Ang kayamanan ko’y manahin mong lahat!... At magdiwang ka ng̃ boong galak....Nilagot ang salita sa halakhak. Nagpatuloy pa rin:—Ako si Beteng! ¡Si Silbestre Santos! ¡Limang buhay ang aking inutang! ¡Apat ang inutas ko ng̃ patalim at isa ang namatay sa takot sa aking ginawa! ¡Kay Tomás ay ako ang pumatay! ¡Hindi si Simon! ¡Palayain ninyo siya! Si Simón ay kinasangkapan ko lamang sa pagpatay.¡Si Tomás ang unang tinampalasan ng̃ marahas kong loób! ¡Kay Artemyo, kay Pastor, kay Labadre, ay ako rin ang pumatay! ¡Si kapitang Andoy man ay namatay sa pagkasindak sa sakuna! ¡Ano pa’t dahil din sa akin! ¡Oo; inaamin kong limang buhay ang aking utang, kaya’t ako na rin ang humanap ng̃ katarung̃an!...At tinapos ang talumpati sa:—¡Pagibig! ¡Pagibig! ¡Itang̃ismo ang mg̃a sinawi ng̃ iyong lakas at kapangyarihan!.... ¡Dalaga! ¡Dalaga! ¡Alalahanin mo ang mg̃a nalugmok dahil sa iyong kagandahan!...
Waring mg̃a salarín na hinahakot ang mg̃a manglilimbag sa limbagan ng̃ Pamahalaan, at dinadala noon sa pagamutan ng̃ San Lásaro. Dahil sa pagkamatay ng̃ isang kasama, sa sakit nadipterya, ay muntik ng̃ ikulong ang lahat ng̃ kawani sa boong limbagan. Kuwarentenas diumano ang kailang̃an, sapagka’t mapang̃anib na sakit angdipterya. Ang mikrobyo raw noon ay totoong mabisang makahawa. Ganyan ang pasya ng̃ matatalinong doktor sa Kagawaran ng̃ Karunung̃an. At naganap ang pasya, baga man kay daming anak ng̃ dalita ang napinsalaan.
Lungkot, pighati, hinagpis, pamamanglaw, iyan ang lumalaro sa mg̃a kaawaawa na ikinulong sa isang kamalignani lamok ay di makapasok. May tumatang̃is at may tumatawa. Datapwa’t ... ¿ano pa? Pagtang̃is na inililihim at pagtawang pilit lamang. Ang iba’y malungkot na inaalaala ang asawa. Ang iba’y iniluluha ang mg̃a anak. At ang iba nama’y mapanglaw na ginugunita ang kanilang pinopoon sa buhay, ang lang̃it ng̃ kanilang pagibig. Kung minsan sa hinagpis na ¡ay! ay buntong hining̃ang ¡ay! din ang tugon....
At ¿bakit di sila mamamanglaw? Tunay; sila’y malalakas pa kay sa humakot sa kanila. Paano’y wala namang sakít. Subali’t ang pagkawalay sa mg̃a pinakamamahal sa buhay, ang masabing sila ay may mikrobyo ng̃dipterya, ay labis nang makapanglumó ng̃ puso. Isa lamang dito ay sapat nang sumupil sa kanilang lakas.
Noón ay isang hapong mapanglaw.
Salamat sa pagdalaw ng̃ ilang mg̃a kasama at kamaganak, ay nababawasan ang kanilang lungkot.
Salamat din naman sa mg̃a alaala ng̃“Kami Naman”, na paano’t paano ma’y ikinaaaliw nila. Ang masasarap na biskuwit, welga, at sigarilyo, na abuloy ng̃ Samahang yaon sa Pako, ay nakatutugon din kahi’t bahagya sa kanilang hapis. Paano’y tanda yaon ng̃ pagmamahal; pagmamahal na ibinuyo ng̃ pagibig; at pagibig na likha ng̃ banal na pagkakapatiran.
—Ano ang naisipan ng̃ “Kami Naman” at nagpadala rito ng̃ abuloy?—ang tanong ng̃ isa.
—Wala. Tumupad lamang sila sa kanilang tungkulin. Dumamay sa kapatid—ang paliwanag ng̃ nakasalamin.
—Tayo ba’y kapatid nila? ¿Hindi naman tayo kasapi?—ang patlang ng̃ iba.
—Oo. Kapatid nila tayo; kasapi man at hindi sa kanilang Samahan. Sapagka’t ang mahihirap ay magkakapatid na lahat. Kung paanong ang mahirap ay walang bayan, ay gayon din na walang lipi. Bayan niya ang Sangsinukob at lipi niya ang Sangkatauhan....
—Tama!
—Mabuhay!
—Katwiran!
Ganyan ang itinugon ng̃ ilan at tinapos sa palakpak na pagpuri ng̃ lahat.
—¡Mg̃a kapatid!—ang malakas na hiyaw nakanilangnarinig.
Natahimik ang lahat. Sila’y nagsidulog sa durung̃awan. At mula roo’y napanood nila kung sino ang sumigaw. Isang baliw sa kulung̃an ng̃ mg̃a sawing palad. Na sa bahay na katapat ng̃ kanilang kinapipiitan. Mula sa durung̃awan noon ay isang talumpati ang binigkas sa kanila:
—Mg̃a kapatid: Itigil ninyo ang pagawit ng̃ galak. Ang dapat magalak ay ang nasisiyahan sa buhay. Samantalang tayo ay naghihikahos: gipít sa lahat ng̃ kailang̃an; dahop sa salapi; uhaw sa paglaya; ay pawang pighati ang ating dalitin... Sapagka’t, sapagka’t, sapagka’t siyang bagay sa ating kalagayan....
—Katwiran!—ang bulung̃an ng̃ mg̃a nakikinig.
—Makinig tayo!—ang saway ng̃ ilan.
—Sa buhay na ito ng̃ mg̃a pang̃arap—patuloy ng̃ nagtatalumpati—ay talagang pawang katiwalian ang malimit mapanood. Ang mahirap ay nasisiyahan sa kanyang kahirapan, ng̃uni’t ang mayaman ay di nabubusog sa kanyang kayamanan. Gayong ang dapat mangyari aymasiyahan ang masalapi sa kanyang kasaganaan, at dumaing ang dukha sa kanyang kadahupan. Subuking iwasto ang lakad ng̃ buhay: tumahimik ang mayroon; magsigasig ang wala: at ang puso ng̃ maralita ay hindi na tatang̃is....
—Totoo—ang turing ng̃ ilang nakikinig.
—Makamahirap pa!—ang paghang̃a ng̃ iba.
—Bayan ko—ang hiyaw na naman ng̃ baliw—¿Kailan pa mapapanatag ang iyong kapalaran? ¿Habang panahon na ba ang iyong pagtitiis? ¿Talaga bang isinumpa ka sa kaapihan? ¿Bakit di ka kumilos? ¿Ano ang kabuluhan ng̃ iyong lakas? ¡Walang kalayaang inililimos! ¡Ang ipinamimigay ay ang kalabisan ng̃ nagbibigay! Ano pa’t ang layang inaantay mo, ay ¡ang labi ng̃ pang̃inoon! Datapwa’t alalahanin mong may mg̃a labi, na ni hayop ay tumatanggi.... At ang bayang labi ng̃ kapwa bayan, ay mahina. ¡Walang kasing hina! Marupok. ¡Walang kasing dupok! ¡Parang salamin lamang! ¡Sayang ang iyong matatalino! ¡Sayang ang iyong matatapang! ¡Masdan mo’t isa isang nagsisitulog sa libing̃an! ¿Bakit di mo samantalahin ang kanilang lakas? Kung angtao ay sumipot upang makipagagawan sa buhay, ang bayan ay nilikha upang makipaglaban sa karapatan....
—Iyan ang ulol na nagsasabi ng̃ katotohanan!—ang pagtataka ng̃ mg̃a nakikinig.
—Sino kaya iyan?—ang tanong ng̃ iba.
Ang baliw naman ay lalong gumilas sa paglalahad ng̃ mg̃a nangyayari. Kumuha ng̃ pisi at sa dulo’y itinali ang kanyang panyolitong puti. Inilawit sa rehas. Binayaang iniwagayway ng̃ hang̃in. At malakas na sinabing:
—Hayan ang watawat ng̃ pagsuko! ¡Hayan ang sagisag ng̃ pananahimik! Batiin ninyo at igalang. Mahalin ninyo at ibigin. Kung iyan ang ating ilaladlad sa gitna ng̃ digmaan ay unahan tayo ng̃ paghawak. Datapwa’t kung pula, tanda ng̃ paglaban, ay nagtuturuan tayo. ¡Magdarayang tapang!...
Sandaling natigilan. Bago nagpatuloy:
—Bandila ng̃ kapayapaan! Ang kapangyarihan mo ay nagdidiwang sa ibabaw ng̃ maliit at api. Nagdidiwang, sapagka’t nasisiyahan sila sa kanilang kaliitan at kaapihan. Datapwa’t sa malalakas at manglulupig, ang kapangyarihanmo’y hindi makapamayani. Hindi makapamayani, sapagka’t di pa sila nabubusog sa kanilang tayog at kadakilaan. Dapat lumaganap sa lahat ang iyong lakas. ¡Masupil mo nawa ang sangkatauhan!...
Noon ay papaalis na ang mg̃a dalaw. Nang mapuna ng̃ baliw ang pagyaon ng̃ ilang dalaga, ay maliksing hinigit ang kanyang watawat. Nagpugay sa mg̃a paalis, na anya’y:
—Paalam mg̃a dalaga ng̃ lahi, masamyong bulaklak ng̃ bayan. Dahil sa inyong dilag ang libo mang buhay ay ipasasawi. Si Plorante’y naging Plorante dahil kay Laura; si Ibarra’y naging Ibarra dahil kay Marya Klara; ako naman ay magiging ako dahil sa kagandahan ninyo. Paalam mg̃a pang̃arap ng̃ aking puso. Taglayin ninyo ang alaala ng̃ inyong sawing lingkod....
—Malambing̃in pa—ang saad ng̃ isang nakikinig.
—Parang hindi ulol—ang pasya ng̃ iba.
—Siya ng̃a—ang ayonng̃ilan.
Nagpatuloy naman ang baliw; ng̃uni’t iba na ang uri ng̃ isinasaad. Ang tinig man ay tinig panambitan na:
—Loleng ng̃ buhay ko! ¡Dolores ng̃ aking kaluluwa! Halika’t pawiin mo ang lungkot ng̃ iyong alipin. Dahil sa kagandahan mo, tampok ng̃ pagibig, ako ay naging mamamatay. ¡Limang buhay ang inutang ko!...
At naghinagpis ng̃:
—Ay, kapalaran! ¡Napakadilim ng̃ gabi na aking nilalamay! ¡Nakamatay ako sa di kinukusa! ¡Kaibigang Artemyo, katotong Pastor, kasamang Labadre, mg̃a kulang palad na naparamay sa aking kasawian!... ¡Simón! ¡Simón! ¡Simón! ¡Huwag kang mahapis diyan sa bilibid! ¡Ang pagdurusa mo’y tanda ng̃ iyong pagkamatapat na katulong! ¡Sa gaya mo, buhay man ay maipagkakatiwala!... ¡Ang kayamanan ko’y manahin mong lahat!... At magdiwang ka ng̃ boong galak....
Nilagot ang salita sa halakhak. Nagpatuloy pa rin:
—Ako si Beteng! ¡Si Silbestre Santos! ¡Limang buhay ang aking inutang! ¡Apat ang inutas ko ng̃ patalim at isa ang namatay sa takot sa aking ginawa! ¡Kay Tomás ay ako ang pumatay! ¡Hindi si Simon! ¡Palayain ninyo siya! Si Simón ay kinasangkapan ko lamang sa pagpatay.¡Si Tomás ang unang tinampalasan ng̃ marahas kong loób! ¡Kay Artemyo, kay Pastor, kay Labadre, ay ako rin ang pumatay! ¡Si kapitang Andoy man ay namatay sa pagkasindak sa sakuna! ¡Ano pa’t dahil din sa akin! ¡Oo; inaamin kong limang buhay ang aking utang, kaya’t ako na rin ang humanap ng̃ katarung̃an!...
At tinapos ang talumpati sa:
—¡Pagibig! ¡Pagibig! ¡Itang̃ismo ang mg̃a sinawi ng̃ iyong lakas at kapangyarihan!.... ¡Dalaga! ¡Dalaga! ¡Alalahanin mo ang mg̃a nalugmok dahil sa iyong kagandahan!...