X

XSA LAOT NG HAPISTumatakas na noon ang tuwa at marahang humahalili ang lungkot. Ang ilaw ng̃ sangdaigdig ay sumisibsib na noon sa kalunuran. Iba’t ibang bikas at kulay ng̃ ulap ang napapanood sa kaitaasan. Samantalang sa lupa ang tinig ng̃ panglaw ay namamayani na. Datapwa’t lumalo pa sa looban nila Dolores, doon sa halamanang kinakitaang natin sa kanya noong siya’y nagaaliw at nagpapalipas ng̃ isang mapanglaw na hapon. Oo; doon ay lumalo pa ang lungkot; paano’y naroon si Dolores at dinidilig ng̃ patak ng̃ luha ang kanyang alagang mg̃a tanim.—Ay!—ang buntong hining̃a—¡Kay saklap ng̃ buhay!...Tinutop ng̃ dalawang palad ang kanyang mukha bago nagpatuloy:—Halos kahapon lamang ay kasalo at kaulayaw ko ang aking Ama, ng̃ayon ay na sa lang̃it na.... ¡Kay pait gunigunihin!Tinapos sa isang masaklap at malalim na¡ay!... Ang perlas na luha ay naguunahang bumalong sa mg̃a malas ng̃ kaawaawa at sa di kinukusa ay napatanaw sa kaitaasan.—Lang̃it, oh, natung̃ong lang̃it.... Kung turan ng̃ mg̃a makata, ikaw ay maawain. Kung sabihin ng̃ mg̃a maralita, ikaw ay mapagkandili. Ng̃uni’t ang katotohanan ay inagaw mo ang boo kong kalwalhatian. Wala kang inalabi sa akin kung hindi isang pusong nalulunod sa hapis at isang pagibig na nabibilibid ng̃ mg̃a himutok. Sa ganap na pang̃ung̃ulila ay tinatawanan mo ako, ng̃ayon....At tumung̃o, tung̃ongtung̃o, na sa masidhing pananaig ng̃ lungkot ay napasandig sa puno ng̃ kamuning. Noon ay may isang ibong nagparinig sa kanya ng̃ lalong mapapanglaw na dalit. Sa puso ni Dolores ay lalong nagugat ang lumbay.Paano’y nagunita niya ang mg̃a awit ni Artemyo, si Artemyong artista, ang kanyang kapapanaw na giliw.Lumakad ang ulilang kalulwa at dumulog sa kanyang mg̃a sampagitang noon ay naghahandog ng̃ kawiliwiling bang̃o. Isa isang hinagkan ng̃ nalulungkot na dalaga.—Kayo, kayong mg̃a sumaksi sa lihim ng̃ buhay, kayong naging aliwan ng̃ aking giliw, halana, halana, aliwin ninyo ang ulila sa lahat ng̃ kaligayahan.... At tayo’y magsalong magalaala sa kanya....Marahang pinuti ang mapapalad na bulaklak. Sa lumang luklukan ay malungkot na naupo ang dalaga. Dito naglaro sa kanyang isipan ang lalong maligayang dahon ng̃ kasaysayan ng̃ kanyang buhay sa pagka binibini. Hinalungkat ng̃ kanyang alaala ang hapong pagtatalik niya sa galak. Noon ay araw ng̃ Huwebes. Siya at si Artemyo ay kapwa pinalaya ng̃ palad. Ang kanyang ali ay nakatulog yata sa pangginge. Doon ng̃a, sa halamanang yaon, at sa luklukan ding yaon, sila ni Artemyo ay lihim na sumumpa, sa harap ng̃ kanilang dang̃al at sa ng̃alan ng̃ kanilang pagkatao. Angmg̃a puso nila ay kapwa ipinasulat na maging busabos at ipinakilalang pang̃inoon din naman. Ano pa’t noon niya binitiwan ang «oo» ng̃ kanyang pagibig. At noon din siya pinang̃akuan ni Artemyo ng̃ lalong matamis na pagmamahal. Sa ikapagtitibay nito, ay isinanla sa kanya ang isang singsing na hanggang ng̃ayon ay nagniningning pa sa kanyang mg̃a daliri.—Singsing ng̃ giliw ko! ¡Kaputol na ginto at batong nagniningning! ¡Hiyas, na tang̃ing pamana sa akin, ng̃ aking pang̃inoon at buhay! ¡Lalong nadudurog ang puso ko, kung mapanood ka ng̃ aking malas! ¡Ang nakaraan ay ipinatatanaw mo at ibinabalik mo ako sa aking kahapon! ¡Sa lang̃it ka na tutubusin ng̃ nagsanla sa iyo!...Tanda ng̃ pagkalunos sa hiyas ng̃ kanyang kasi, ay magiliw na hinagkan ito. Kaya itinirik ang mata sa kalawakan at waring hibang na kinausap ang bumihag sa kanyang puso:—Artemyo, bayaan mong alalahanin ka ng̃ nagmamahal sa iyo....Noon ay nagsipotsipot na sa kaitaasan ang mg̃a hiyas ng̃ gabi, ang mg̃a brilyanteng̃ malapad na lambong ng̃ dilim. At sa gitna ng̃ gayong kalungkutan, sa pamamayani ng̃ aling̃awng̃aw, ay mg̃a piping hibik na¡ay!ang waring nahihiging̃an. Yaon ang hinagpis ng̃ pusong sapupo ng̃ sakit, ni Dolores na di na mabata ang pait na ipinalalasap sa kanya ng̃ palad....Kinabukasan, sa libing̃an sa Singgalong, ay dalawang babai ang pumasok. Pusong busabos ng̃ pighati, kalulwang alipin ng̃ hapis, ang kanilang dala. Kapwa luksangluksa, nagbabansag ng̃ sakit na nilalasap ng̃ buhay. Marahang nagsisilakad at nakatung̃ong tulad sa mg̃a banal. Sila ay si Dolores at si kapitana Martina.Si Dolores? Oo. ¡Si Dolores! Si Dolores Balderrama; ang tala sa daang Sagat sa Pako, dalagang nakabighani sa maraming pusong palaboy ng̃ pagibig. Ng̃uni’t hindi na siya si Dolores na larawan ng̃ ganda; hindi na siya ang bituing kalaro ng̃ kaligayahan. Siya ng̃ayon ay si Dolores na nagpipighati; ang dalagang yapus ng̃ matinding biro ng̃ kapalaran.Si kapitana Martina ang kasama? Oo. ¡Ang kapitana Martina! Ang mahal na asawa ng̃ nasirang kapitang Andoy. Datapwa’t hindi na siya ang kapitanangmapagsiste: matandang sa lagi na’y masaya. Siya ng̃ayon ay babaing sapupo ng̃ lungkot, matandang ulila sa galak.Oh, panahon, kay dali mong magbago ng̃ anyo!Noon ay hapong napakalungkot. Sa libing̃an ay ganap na nagdidiwang ang pananahimik. Pamamanglaw lamang ang doo’y nakapangyayari. Ang mg̃a krus na tanda ng̃ patay ang tang̃ing tanod ng̃ mg̃a nagpapahing̃alay. May mang̃ilang ibong nagsisihuni, ng̃uni’t ¿ano pa? huning nakapagdadagdag ng̃ lungkot sa mg̃a ulila ng̃ pinakamamahal.Lumapit sila sa libing ni kapitang Andoy. Inilagak ang ilang bulaklak ng̃ biyoleta, na dinilig muna ng̃ luha. Doon ay naiwang tumatang̃is si kapitana Martina na pinagyayaman ang libing ng̃ bunying kapitan.Si Dolores ay doon naman lumuhod sa harap ng̃ krus ni Artemyo. Ang bulaklak na dala bago inilagak ay hinagkan muna. Nauna pang pumatak ang mg̃a luha ng̃ kaawaawa.Kay lungkot na panoorin!—Artemyo!—ang wika—¡Bayaan mong sa iyong pananahimik ay paminsanminsangalalahanin ka, ng̃ pusong di nakalilimot! ¡Naging sawi ka man sa iyong palad, ay dakila ka naman sa alaala ng̃ iyong iniwan! ¡Diyan na! ¡Diyan na sa bayang payapa awitin natin ang tamis ng̃ pagibig!... ¡Ang kapalaran ay di matutulan!...At sa pisng̃i ng̃ dalaga ay marahang umaagos ang mg̃a patak ng̃ luha; mg̃a luhang pangalaala...¡Kay tamis ng̃ kamatayan kung gayon ang pagmamahal ng̃ mauulila!...WAKAS

XSA LAOT NG HAPIS

Tumatakas na noon ang tuwa at marahang humahalili ang lungkot. Ang ilaw ng̃ sangdaigdig ay sumisibsib na noon sa kalunuran. Iba’t ibang bikas at kulay ng̃ ulap ang napapanood sa kaitaasan. Samantalang sa lupa ang tinig ng̃ panglaw ay namamayani na. Datapwa’t lumalo pa sa looban nila Dolores, doon sa halamanang kinakitaang natin sa kanya noong siya’y nagaaliw at nagpapalipas ng̃ isang mapanglaw na hapon. Oo; doon ay lumalo pa ang lungkot; paano’y naroon si Dolores at dinidilig ng̃ patak ng̃ luha ang kanyang alagang mg̃a tanim.—Ay!—ang buntong hining̃a—¡Kay saklap ng̃ buhay!...Tinutop ng̃ dalawang palad ang kanyang mukha bago nagpatuloy:—Halos kahapon lamang ay kasalo at kaulayaw ko ang aking Ama, ng̃ayon ay na sa lang̃it na.... ¡Kay pait gunigunihin!Tinapos sa isang masaklap at malalim na¡ay!... Ang perlas na luha ay naguunahang bumalong sa mg̃a malas ng̃ kaawaawa at sa di kinukusa ay napatanaw sa kaitaasan.—Lang̃it, oh, natung̃ong lang̃it.... Kung turan ng̃ mg̃a makata, ikaw ay maawain. Kung sabihin ng̃ mg̃a maralita, ikaw ay mapagkandili. Ng̃uni’t ang katotohanan ay inagaw mo ang boo kong kalwalhatian. Wala kang inalabi sa akin kung hindi isang pusong nalulunod sa hapis at isang pagibig na nabibilibid ng̃ mg̃a himutok. Sa ganap na pang̃ung̃ulila ay tinatawanan mo ako, ng̃ayon....At tumung̃o, tung̃ongtung̃o, na sa masidhing pananaig ng̃ lungkot ay napasandig sa puno ng̃ kamuning. Noon ay may isang ibong nagparinig sa kanya ng̃ lalong mapapanglaw na dalit. Sa puso ni Dolores ay lalong nagugat ang lumbay.Paano’y nagunita niya ang mg̃a awit ni Artemyo, si Artemyong artista, ang kanyang kapapanaw na giliw.Lumakad ang ulilang kalulwa at dumulog sa kanyang mg̃a sampagitang noon ay naghahandog ng̃ kawiliwiling bang̃o. Isa isang hinagkan ng̃ nalulungkot na dalaga.—Kayo, kayong mg̃a sumaksi sa lihim ng̃ buhay, kayong naging aliwan ng̃ aking giliw, halana, halana, aliwin ninyo ang ulila sa lahat ng̃ kaligayahan.... At tayo’y magsalong magalaala sa kanya....Marahang pinuti ang mapapalad na bulaklak. Sa lumang luklukan ay malungkot na naupo ang dalaga. Dito naglaro sa kanyang isipan ang lalong maligayang dahon ng̃ kasaysayan ng̃ kanyang buhay sa pagka binibini. Hinalungkat ng̃ kanyang alaala ang hapong pagtatalik niya sa galak. Noon ay araw ng̃ Huwebes. Siya at si Artemyo ay kapwa pinalaya ng̃ palad. Ang kanyang ali ay nakatulog yata sa pangginge. Doon ng̃a, sa halamanang yaon, at sa luklukan ding yaon, sila ni Artemyo ay lihim na sumumpa, sa harap ng̃ kanilang dang̃al at sa ng̃alan ng̃ kanilang pagkatao. Angmg̃a puso nila ay kapwa ipinasulat na maging busabos at ipinakilalang pang̃inoon din naman. Ano pa’t noon niya binitiwan ang «oo» ng̃ kanyang pagibig. At noon din siya pinang̃akuan ni Artemyo ng̃ lalong matamis na pagmamahal. Sa ikapagtitibay nito, ay isinanla sa kanya ang isang singsing na hanggang ng̃ayon ay nagniningning pa sa kanyang mg̃a daliri.—Singsing ng̃ giliw ko! ¡Kaputol na ginto at batong nagniningning! ¡Hiyas, na tang̃ing pamana sa akin, ng̃ aking pang̃inoon at buhay! ¡Lalong nadudurog ang puso ko, kung mapanood ka ng̃ aking malas! ¡Ang nakaraan ay ipinatatanaw mo at ibinabalik mo ako sa aking kahapon! ¡Sa lang̃it ka na tutubusin ng̃ nagsanla sa iyo!...Tanda ng̃ pagkalunos sa hiyas ng̃ kanyang kasi, ay magiliw na hinagkan ito. Kaya itinirik ang mata sa kalawakan at waring hibang na kinausap ang bumihag sa kanyang puso:—Artemyo, bayaan mong alalahanin ka ng̃ nagmamahal sa iyo....Noon ay nagsipotsipot na sa kaitaasan ang mg̃a hiyas ng̃ gabi, ang mg̃a brilyanteng̃ malapad na lambong ng̃ dilim. At sa gitna ng̃ gayong kalungkutan, sa pamamayani ng̃ aling̃awng̃aw, ay mg̃a piping hibik na¡ay!ang waring nahihiging̃an. Yaon ang hinagpis ng̃ pusong sapupo ng̃ sakit, ni Dolores na di na mabata ang pait na ipinalalasap sa kanya ng̃ palad....Kinabukasan, sa libing̃an sa Singgalong, ay dalawang babai ang pumasok. Pusong busabos ng̃ pighati, kalulwang alipin ng̃ hapis, ang kanilang dala. Kapwa luksangluksa, nagbabansag ng̃ sakit na nilalasap ng̃ buhay. Marahang nagsisilakad at nakatung̃ong tulad sa mg̃a banal. Sila ay si Dolores at si kapitana Martina.Si Dolores? Oo. ¡Si Dolores! Si Dolores Balderrama; ang tala sa daang Sagat sa Pako, dalagang nakabighani sa maraming pusong palaboy ng̃ pagibig. Ng̃uni’t hindi na siya si Dolores na larawan ng̃ ganda; hindi na siya ang bituing kalaro ng̃ kaligayahan. Siya ng̃ayon ay si Dolores na nagpipighati; ang dalagang yapus ng̃ matinding biro ng̃ kapalaran.Si kapitana Martina ang kasama? Oo. ¡Ang kapitana Martina! Ang mahal na asawa ng̃ nasirang kapitang Andoy. Datapwa’t hindi na siya ang kapitanangmapagsiste: matandang sa lagi na’y masaya. Siya ng̃ayon ay babaing sapupo ng̃ lungkot, matandang ulila sa galak.Oh, panahon, kay dali mong magbago ng̃ anyo!Noon ay hapong napakalungkot. Sa libing̃an ay ganap na nagdidiwang ang pananahimik. Pamamanglaw lamang ang doo’y nakapangyayari. Ang mg̃a krus na tanda ng̃ patay ang tang̃ing tanod ng̃ mg̃a nagpapahing̃alay. May mang̃ilang ibong nagsisihuni, ng̃uni’t ¿ano pa? huning nakapagdadagdag ng̃ lungkot sa mg̃a ulila ng̃ pinakamamahal.Lumapit sila sa libing ni kapitang Andoy. Inilagak ang ilang bulaklak ng̃ biyoleta, na dinilig muna ng̃ luha. Doon ay naiwang tumatang̃is si kapitana Martina na pinagyayaman ang libing ng̃ bunying kapitan.Si Dolores ay doon naman lumuhod sa harap ng̃ krus ni Artemyo. Ang bulaklak na dala bago inilagak ay hinagkan muna. Nauna pang pumatak ang mg̃a luha ng̃ kaawaawa.Kay lungkot na panoorin!—Artemyo!—ang wika—¡Bayaan mong sa iyong pananahimik ay paminsanminsangalalahanin ka, ng̃ pusong di nakalilimot! ¡Naging sawi ka man sa iyong palad, ay dakila ka naman sa alaala ng̃ iyong iniwan! ¡Diyan na! ¡Diyan na sa bayang payapa awitin natin ang tamis ng̃ pagibig!... ¡Ang kapalaran ay di matutulan!...At sa pisng̃i ng̃ dalaga ay marahang umaagos ang mg̃a patak ng̃ luha; mg̃a luhang pangalaala...¡Kay tamis ng̃ kamatayan kung gayon ang pagmamahal ng̃ mauulila!...WAKAS

Tumatakas na noon ang tuwa at marahang humahalili ang lungkot. Ang ilaw ng̃ sangdaigdig ay sumisibsib na noon sa kalunuran. Iba’t ibang bikas at kulay ng̃ ulap ang napapanood sa kaitaasan. Samantalang sa lupa ang tinig ng̃ panglaw ay namamayani na. Datapwa’t lumalo pa sa looban nila Dolores, doon sa halamanang kinakitaang natin sa kanya noong siya’y nagaaliw at nagpapalipas ng̃ isang mapanglaw na hapon. Oo; doon ay lumalo pa ang lungkot; paano’y naroon si Dolores at dinidilig ng̃ patak ng̃ luha ang kanyang alagang mg̃a tanim.

—Ay!—ang buntong hining̃a—¡Kay saklap ng̃ buhay!...

Tinutop ng̃ dalawang palad ang kanyang mukha bago nagpatuloy:

—Halos kahapon lamang ay kasalo at kaulayaw ko ang aking Ama, ng̃ayon ay na sa lang̃it na.... ¡Kay pait gunigunihin!

Tinapos sa isang masaklap at malalim na¡ay!... Ang perlas na luha ay naguunahang bumalong sa mg̃a malas ng̃ kaawaawa at sa di kinukusa ay napatanaw sa kaitaasan.

—Lang̃it, oh, natung̃ong lang̃it.... Kung turan ng̃ mg̃a makata, ikaw ay maawain. Kung sabihin ng̃ mg̃a maralita, ikaw ay mapagkandili. Ng̃uni’t ang katotohanan ay inagaw mo ang boo kong kalwalhatian. Wala kang inalabi sa akin kung hindi isang pusong nalulunod sa hapis at isang pagibig na nabibilibid ng̃ mg̃a himutok. Sa ganap na pang̃ung̃ulila ay tinatawanan mo ako, ng̃ayon....

At tumung̃o, tung̃ongtung̃o, na sa masidhing pananaig ng̃ lungkot ay napasandig sa puno ng̃ kamuning. Noon ay may isang ibong nagparinig sa kanya ng̃ lalong mapapanglaw na dalit. Sa puso ni Dolores ay lalong nagugat ang lumbay.Paano’y nagunita niya ang mg̃a awit ni Artemyo, si Artemyong artista, ang kanyang kapapanaw na giliw.

Lumakad ang ulilang kalulwa at dumulog sa kanyang mg̃a sampagitang noon ay naghahandog ng̃ kawiliwiling bang̃o. Isa isang hinagkan ng̃ nalulungkot na dalaga.

—Kayo, kayong mg̃a sumaksi sa lihim ng̃ buhay, kayong naging aliwan ng̃ aking giliw, halana, halana, aliwin ninyo ang ulila sa lahat ng̃ kaligayahan.... At tayo’y magsalong magalaala sa kanya....

Marahang pinuti ang mapapalad na bulaklak. Sa lumang luklukan ay malungkot na naupo ang dalaga. Dito naglaro sa kanyang isipan ang lalong maligayang dahon ng̃ kasaysayan ng̃ kanyang buhay sa pagka binibini. Hinalungkat ng̃ kanyang alaala ang hapong pagtatalik niya sa galak. Noon ay araw ng̃ Huwebes. Siya at si Artemyo ay kapwa pinalaya ng̃ palad. Ang kanyang ali ay nakatulog yata sa pangginge. Doon ng̃a, sa halamanang yaon, at sa luklukan ding yaon, sila ni Artemyo ay lihim na sumumpa, sa harap ng̃ kanilang dang̃al at sa ng̃alan ng̃ kanilang pagkatao. Angmg̃a puso nila ay kapwa ipinasulat na maging busabos at ipinakilalang pang̃inoon din naman. Ano pa’t noon niya binitiwan ang «oo» ng̃ kanyang pagibig. At noon din siya pinang̃akuan ni Artemyo ng̃ lalong matamis na pagmamahal. Sa ikapagtitibay nito, ay isinanla sa kanya ang isang singsing na hanggang ng̃ayon ay nagniningning pa sa kanyang mg̃a daliri.

—Singsing ng̃ giliw ko! ¡Kaputol na ginto at batong nagniningning! ¡Hiyas, na tang̃ing pamana sa akin, ng̃ aking pang̃inoon at buhay! ¡Lalong nadudurog ang puso ko, kung mapanood ka ng̃ aking malas! ¡Ang nakaraan ay ipinatatanaw mo at ibinabalik mo ako sa aking kahapon! ¡Sa lang̃it ka na tutubusin ng̃ nagsanla sa iyo!...

Tanda ng̃ pagkalunos sa hiyas ng̃ kanyang kasi, ay magiliw na hinagkan ito. Kaya itinirik ang mata sa kalawakan at waring hibang na kinausap ang bumihag sa kanyang puso:

—Artemyo, bayaan mong alalahanin ka ng̃ nagmamahal sa iyo....

Noon ay nagsipotsipot na sa kaitaasan ang mg̃a hiyas ng̃ gabi, ang mg̃a brilyanteng̃ malapad na lambong ng̃ dilim. At sa gitna ng̃ gayong kalungkutan, sa pamamayani ng̃ aling̃awng̃aw, ay mg̃a piping hibik na¡ay!ang waring nahihiging̃an. Yaon ang hinagpis ng̃ pusong sapupo ng̃ sakit, ni Dolores na di na mabata ang pait na ipinalalasap sa kanya ng̃ palad....

Kinabukasan, sa libing̃an sa Singgalong, ay dalawang babai ang pumasok. Pusong busabos ng̃ pighati, kalulwang alipin ng̃ hapis, ang kanilang dala. Kapwa luksangluksa, nagbabansag ng̃ sakit na nilalasap ng̃ buhay. Marahang nagsisilakad at nakatung̃ong tulad sa mg̃a banal. Sila ay si Dolores at si kapitana Martina.

Si Dolores? Oo. ¡Si Dolores! Si Dolores Balderrama; ang tala sa daang Sagat sa Pako, dalagang nakabighani sa maraming pusong palaboy ng̃ pagibig. Ng̃uni’t hindi na siya si Dolores na larawan ng̃ ganda; hindi na siya ang bituing kalaro ng̃ kaligayahan. Siya ng̃ayon ay si Dolores na nagpipighati; ang dalagang yapus ng̃ matinding biro ng̃ kapalaran.

Si kapitana Martina ang kasama? Oo. ¡Ang kapitana Martina! Ang mahal na asawa ng̃ nasirang kapitang Andoy. Datapwa’t hindi na siya ang kapitanangmapagsiste: matandang sa lagi na’y masaya. Siya ng̃ayon ay babaing sapupo ng̃ lungkot, matandang ulila sa galak.

Oh, panahon, kay dali mong magbago ng̃ anyo!

Noon ay hapong napakalungkot. Sa libing̃an ay ganap na nagdidiwang ang pananahimik. Pamamanglaw lamang ang doo’y nakapangyayari. Ang mg̃a krus na tanda ng̃ patay ang tang̃ing tanod ng̃ mg̃a nagpapahing̃alay. May mang̃ilang ibong nagsisihuni, ng̃uni’t ¿ano pa? huning nakapagdadagdag ng̃ lungkot sa mg̃a ulila ng̃ pinakamamahal.

Lumapit sila sa libing ni kapitang Andoy. Inilagak ang ilang bulaklak ng̃ biyoleta, na dinilig muna ng̃ luha. Doon ay naiwang tumatang̃is si kapitana Martina na pinagyayaman ang libing ng̃ bunying kapitan.

Si Dolores ay doon naman lumuhod sa harap ng̃ krus ni Artemyo. Ang bulaklak na dala bago inilagak ay hinagkan muna. Nauna pang pumatak ang mg̃a luha ng̃ kaawaawa.

Kay lungkot na panoorin!

—Artemyo!—ang wika—¡Bayaan mong sa iyong pananahimik ay paminsanminsangalalahanin ka, ng̃ pusong di nakalilimot! ¡Naging sawi ka man sa iyong palad, ay dakila ka naman sa alaala ng̃ iyong iniwan! ¡Diyan na! ¡Diyan na sa bayang payapa awitin natin ang tamis ng̃ pagibig!... ¡Ang kapalaran ay di matutulan!...

At sa pisng̃i ng̃ dalaga ay marahang umaagos ang mg̃a patak ng̃ luha; mg̃a luhang pangalaala...

¡Kay tamis ng̃ kamatayan kung gayon ang pagmamahal ng̃ mauulila!...

WAKAS

Back to IndexNext