VIANG ARAW NI LOLENGMadaling-arawng̃linggo. Noon ang ganap na ika labing walong Mayo ni Dolores. Mula sa pinto ng̃ Simbahan sa Pako ay dalawang babai yaong lumabas. ¡Mg̃a pusong banal yata! At lumakad silang patung̃o sa daang Pas. Ang maliwanag na tanglaw sa daan, ay siyang nagsabing yaon ay si Dolores kasama ni kapitana Martina. Galing silang nagsimba na pinasalamatan sa Diyos, ang masayang pagsapit ng̃ kaarawan ni Loleng. Ang malamig na simoy ng̃ hang̃in, ang mg̃a patak ng̃ hamog sa damo, at ang liwanag ng̃ ilaw sa daan, ay siyang unang naghandog ng̃ maligayang bati sa mapalad na dalaga.Dumatal sila sa bahay na ang lahat ay nagsisikilos na. Ang tunogng̃pinggan, taginting ng̃ kubyertos, at sagitsit ng̃ mantika ay siyang unang maririnig. Bago mapupuna ang bang̃o na isinasabog ng̃ hang̃in: ang amoy ng̃ ginisa. Kung minsan ay namamaibabaw din ang iyukan ng̃ mg̃a inahin, tandang at kapon na manok. Ito ang mg̃a martir ng̃ pista. Ang lalong maing̃ay at di maipagkakaila ay ang iyak ng̃ baboy. Tatlo ang pinatay noon.Sa kabahayan naman ay iba ang kilusan. Ang tinig ni kapitang Andoy ay siyang naghahari. Utos dito, utos doon ang ginagawa. Lagatok naman ng̃ mg̃a upuan, at lagaslas ng̃ dahong saging na ikinukuskos sa sahig, ay siyang sumasagot. Gayon na lamang ang paghahanda.Sa siwang ng̃ mg̃a bundok sa silang̃an ay masayang dumudung̃aw ang bukang liwayway. Marahang tumatakas ang dilim at panglaw. Ang galak at liwanag naman ang bumabang̃on. Mana’y boong ningning na sumikat ang ilaw ng̃ sangkatauhan, upang batiin marahil ang dalagang sapupo ng̃ tuwa sa araw na yaon.Ang mg̃a taong naglalakad sa daang Sagat, ay napapatigil sa tapat ng̃ bahayni kapitang Andoy. Pawang humahang̃a sa napakakisig na pagkagayak. Mahahalagang enkahe ang naglawit sa itaas ng̃ mg̃a durung̃awan. Sa gitna nito’y malapad na lasong rosas ang pinagbuhol ng̃ bikas paroparo. Sa mg̃a haligi ng̃ kabahayan ay tungkos ng̃ sarisaring bulaklak ang naglawit. Magagarang san pransisko ang halamang nagtanod sa mg̃a pinto.—Dapat ng̃ang pagubusan ng̃ kaya si Loleng—ang wika ng̃ isang napatigil—sapagka’t siya ay bugtong na anak ni kapitang Andoy.Ilang sandali pa ang nakaraan, bago sumipot si Beteng. Makisig na makisig ang binata at masayangmasaya na pumanhik.—Kay aga ng̃ buwisit na ito!—ang nasabi sa sarili ni Loleng ng̃uni’t masayang sumalubong—Tuloy kayo.—Maligayang bati po—ang bung̃ad na wika ni Beteng at kinamayan ang dalaga.—Salamat po.—Magandang araw po mang Andoy—ang paggalang nito sa kapitan.—Tuloy kayo—ang tugon naman ng̃ tinukoy.Nagtuloy ang makisig na binata. At kung gaano ang bikas niya noong masalubong natin sa daan Looban ay lalo at higit ng̃ayon. Ang buhok ay hating hati at ang mukha ay pinahiran ng̃ pulbos. Bagong korbata na naman ang nakabitin sa liig, datapwa’t walang alinlang̃ang buhat sa almasenng̃Siyap sa Eskolta. Ang ternong lana ng̃ pusong gumilas, ay siyang nagbabansag ng kabusugan niya sa pananalapi. Ng̃uni’t ang lalong kapunapuna, ay ang malalaking brilyante na nagniningning sa dibdib at mg̃a daliri. «Inubos ang peseta!», ang sabi ng̃a ni Dolores sa sarili. Subali’t lalo siyang namangha noong buksan ang balutang dala, na anya’y:—Aling Loleng kung kayo man ay nagagalak sa pagsapit ng̃ inyong araw, ay lalo at higit ako. Ang katunayang di magkasya sa puso ko ang tuwa, ay di na matutuhan kung alin sa likha ng̃ tao o likha ng̃ katalagahan ang pipiliin kong ihandog sa inyong mg̃a yapak. Pagyamanin mo po ang nakaya ng̃ inyong lingkod.Pandidilat ng̃ mata ni kapitang Andoy;matulin na paglabas ni kapitana Martina; at isang «salamat po» lamang ni Dolores, ang tumugon sa mahabang talumpati ng̃ binata. Samantalang mula sa pinto ay maraming mukha ang nakasung̃aw na sabik makakita ng̃ handog ni Beteng. Yaon ang mg̃a katulong sa paghahanda, at mg̃a kapit-bahay na katapatang loob. Ang matandang kapitana na inip sa matagal na pagkalas ng̃ tali, ay tumulong kay Beteng bago bumulalas:—Kay ganda nito!At itinaas ng̃ kanyang kamay, ang isang alpiler na may malaking bató, saka tinitigan ng̃ papikitpikit pa. Ang mg̃a nanonood, maging si kapitang Andoy, ay napipilan. Si Dolores naman ay pinapagpapawis ng̃ pang̃ing̃imi. Nahihiya na di maintindihan. Lalo namang sumisigla si Beteng ng̃ pagtatanghal ng̃ kanyang handog. Sa ibabaw ng̃ mesang marmol ay inihanay na lahat upang hang̃aan ng̃ nagsisiting̃in.—Kay dami naman!—ang wika ni kapitang Andoy, nang mamalas niya ang mg̃a botelya ng̃ pabang̃o, ang kaha ng̃ pulbos, ang magarang pulbera, angsalaming pangmesa, ang sutlang pamaypay, at ang isang dosenang panyolitong nagpuputian.—Inubos na niyong hinakot ang tinda sa Eskolta!—ang bulalas uli ni kapitana Martina, na idinuro sa alampay ni Dolores ang mahalagang alpiler.—Aba!—ang magkakatulad namang paghang̃a ng̃ ilan. Noon lamang sila nakamalas ng̃ gayong mg̃a alay. At isa isang nagsilabas upang ipagpatuloy ang ginagawa.Gayon man ang paghang̃a sa mg̃a handog ni Beteng ay lugi rin siya. Oo, lugi siya, sapagka’t bahagya ng̃ bayaran ng̃ ng̃iti ng̃ kanyang iniirog. Ng̃uni’t palibhasa’y dalagang Tagalog, ang yumi, hinhin at kadakilaan ng̃ asal, ay di rin nasusupil ng̃ pagkawalang loob kay Beteng. Si Dolores ay si Dolores din. Siya rin ang dalagang mapanghalina. Ang katotohanan ay ang anyaya niya kay Beteng:—Tayo po ay magagahan muna.—Salamat po—ang tugon ng̃ binata.—Kung di kayo magaagahan dito, ay di ko namang tatanggapin ang mg̃a handog na iyan—ang tampo ng̃ dalaga.—Naku naman!—ang ng̃iti ni Beteng.—Siya ng̃a; tayo na muna magagahan—ang dugtong ni kapitang Andoy.—Salamat po—ang ulit ng̃ binata.—Anong salamat? Tayo na—ang salo ng̃ kapitana Martina.—Nakatapos na po—ang tanggi rin ni Beteng.—Ay ano kung nakatapos?—ang sambot ni Dolores—Ang agahan natin ay laan sa nakatapos na.—Busog pa po ako—ang ayaw ng̃ binata.—Hindi naman handa sa gutom ang agahan dito—ang pagtatanggol ng̃ dalaga.Natapos ang pakunwari ng̃ binata sa ganap na pagsuko. At ilang sandali pa ay napanood nang humihigop ng̃ sikulate at nagpapahid ng̃ mantikilya sa tinapay.—Sinapul na mabuti ang handa!—ang wika ng̃ isang batang utusan na sumisilip mula sa kusina—¡Pati agahan ay tinodas na!...—Hayop! ¡Hayop!—ang parang tugon naman ni kapitana Martina na nakahuli sa sumisilip at nilapirot ang taynga.—Aray!... ¡aray!...—ang iyak na lamang ng̃ nadakip.Salamat sa pagdatal ng̃ ilang panauhin, at binitiwan din ng̃ kapitana ang nahuli. Pumasok at sumalubong ng̃ boong galak. Ang dumating ay dalawang dalaga at isang binata. Tumayo si Dolores sa mesa at pinakapilit na makisalo ang mg̃a bagong panhik. Ilang sandali pa ay anim katao na yaong magkakasalo.Sarisaring mg̃a biro, sarisaring mg̃a pagpuri ang naghari sa boong pagkakainan. Minsan ay mamayani si kapitang Andoy, at kung minsan ay mamaibabaw si Beteng. Datapwa’t si Dolores ay ng̃iti lamang ang inilalaban. Matagal-tagal din bago sila nagkatapos.Noon nama’y matindi na ang sikat ng̃ araw. Dating at dating na ang panauhin. Kanina ay mg̃a dalaga. Ng̃ayon ay mg̃a binata. Mamiya’y dalaga na naman. At marahil ay binata ang susunod. Dapat magkagayon: sapagka’t araw ng̃ bulaklak ay bulaklak din ang dapat magdiwang. At kung saan natitipon ang mg̃a bulaklak ay doon nagkakagulo ang mg̃a bubuyog at paroparo.Halos sikip na ang bahay ni kapitang Andoy. Bawa’t dumatal ay «maligayang bati» ang namumulas sa mg̃a labi. Datapwa’tsi Artemyo, ang binatang giliw ng̃ ipinagdidiwang, ang pusong lalong mapalad, ay di pa sumisipot. Gayon man ay di kapunapuna ang pagkawala nito sapagka’t si Dolores lamang marahil ang di nakalilimot. Ang kapunapuna ay ang di pagsipot pa ng̃ komparsa.—Kapitang Andoy, wala ba tayong tugtugan?—ang usisa ni Labadre, ang kanina pa’y kantiyaw ng̃ kantiyaw.—Mayroon—ang tugon ng̃ tinanong—Dalawa ang nang̃ako sa akin.—Saan po naroon?—Hindi pa dumarating.—Ika sampu na po ah?—Maaga pa.—Baka lawit ang púsod ng̃ mg̃a nang̃akong iyan!...—Hindi po naman!—ang pagdaramdam na halo ni Beteng.—Biro ko po lamang iyon. Patawarin ninyo ako—at tinapos sa halakhak.Di na sumagot si Beteng at dumung̃aw upang tanawin marahil ang kanyang komparsa. Datapwa’t wala siyang namalas at ni si Simon ay di sumisipot. “¿Bakit kaya?” ang naitanong sa sarili. Siya rin ang sumagot “Maaga pa naman.” Atnaupong muli na ipinako ang malas kay Dolores.—Kay ganda ng̃ lang̃it ko!—ang inipit na sigaw ng̃ kalulwa. At mula sa ulo hanggang paa ay pinanooran niya, ang gumugulo sa kanyang buhay at pagkatao.Si Dolores, kung talaga mang may katutubong ganda, ay higit at lalo pa noon. Batid niyang siya lamang ang magiging panoorin sa kasayahan, kaya bumikas ng̃ dapat maging bikas. Ang damit na isinoot ay yaong talagang bagay sa kanyang ganda: kulay bughaw.—Loleng—ang saad ni Labadre—kay dami mong kandidato ay wala na bang nagalay sa iyo ng̃ tutugtog?—Ayaw ko ng̃a niyan!—ang yamot ng̃ pinagukulan.—Hindi ba?—ang patigas ni Labadre—may artista ka, may estudyante ka, may pintor ka, may....—Mayroon ng̃ lahat!—ang patalo ni Dolores.Tawanan at titigan ang itinugon ng̃ lahat. Siyang pagsipot ng̃ anim na dalagang nagpapang̃agaw sa dilag. Ang gayak ay paraparang ternong bughaw. Yaon ay mg̃abituinng̃ “Kami Naman.”Batian at kamayan ang nangyari. At naupo na naman ang lahat.—Wala pa hanggang ng̃ayon ang komparsa!—ang kantiyaw na naman ni Labadre, matapos magpausok ng̃ tabako at makapagpaindayog sa kulumpiyó.—Tanghali na ng̃a—ang dugtong ni kapitang Andoy.—Sayang ang mg̃a sandaling nakararaan!—ang patuloy pa ni Labadre.Si Beteng ay parang iniinis. Nabakla tuloy na baka di na ng̃a sumipot ang komparsa. Hindi na mapalagay ang binata. Dudung̃aw; uupo; tatayo; at lalabas na lamang ang gawa.Ang mg̃a bubuyog ay patuloy sa pakikipagbulung̃an sa mg̃a bulaklak. Ganap na kaligayahan ang inaawit nila. Bawa’t isa’y kinalalarawanan ng̃ galak, tuwa, aliw.May mg̃a binatang palipatlipat ng̃ upo. At may mg̃a dalagang nagbabanalbanalan. May mg̃a bagong taong bibig at matá lamang ang kumikilos. At may mg̃a dalagang kamay lamang ang pinagagalaw sa pamamaypay. Ano pa’t halohalo na: ang mabait at ang malikot.Si Dolores man ay masayang masayarin. Samantalang si kapitana Martina ay lakad dito, lakad doon. Pumasok, lumabas, ang ginanap na tungkulin.—Ano bang komparsa iyan?—ang di mapakaling bulas na naman ng̃ bibig ni Labadre—¿hanggang ng̃ayon ay wala pa?...—Antabayanan natin—ang alalay naman ni kapitang Andoy.—Sus!—ang payamot na ni Labadre—sinasabi ko’t lawit yata ang púsod ng̃ mg̃a nangako....—Mang Beteng, ¿anong oras po ba darating?—ang usisa na ni kapitang Andoy.Pinawisan ng̃ malamig ang binata at matagal din bago nakasagot:—Ang sabi ko po ay ika walo.—Bakit wala pa hanggang ng̃ayon?—ang lahók ni Labadre.—Talagang gayon po tayong pilipino: pag sinabing ika walo ay antayin mo sa ika labing dalawa....—ang katwiran ni Beteng.—Samakatwid ay mamiya pa sila darating—ang pandidilat na ni Labadre.—Malaking sisté!—ang yamot na ni kapitang Andoy—¡Pati si Artemyo ay nawala na ah!...Nagbing̃ibing̃ihan si Beteng ng̃uni’tnaglalagablab ang loob. Ang poot niya ay kay Labadre nabubuhos. «¿Sino bang hayop ito?» ang tanong sa sarili. ¡Kay luwag ng̃ kuwelyo! ¡Kay iksi ng̃ amerikana! ¡Tambakan yata ng̃ basura ang bibig sa walang sawang pagng̃ang̃a! Pausok ng̃ pausok ng̃ tabako at bibig na lamang niya ang naririnig. Sulot ng̃ sulot sa kapitang Andoy na parang binubaeng gumigiri. Dapat ng̃ang kainisan ni Beteng. Kung hindi sa kanya, kay Labadre, ay di pa lubhang maiinip ang ama ng̃ kanyang Dolores.—Kapitang Andoy,—ang pagitna na naman ni Labadre—kung batid ko lamang na walang tugtugan ay ako sana ang nagdala...—Bakit po? ¿Wala po bang tugtugan?—ang usisa ng̃ ilang kaharap.—Mayroon—ang tugon ng̃ kapitang Andoy—darating na.—Sunduin ko yata?—ang putol ni Beteng.—Huwag na po—ang pakunwari ni Dolores.Ang sagot na ito ng̃ binibini ay nakapagbawas din ng̃ kaba ng̃ dibdib ni Beteng. Paano’t paano ma’y nakabuhay dinng̃ kanyang loob. Lubha pa noong pumasok si kapitana Martina na nagsabing:—Loleng, samantalang wala pa ang mg̃a komparsa, ay ilabas mo ang iyong alpá at aliwin mo ang iyong mg̃a kaibigan.—Siya ng̃a po.—Yaon ang magaling.—Ang inaantay namin.—Halana.Gayon ang naging tugunan ng̃ lahat na pawang nagpako ng̃ malas sa dalagang ipinagbubunyi. Sa likod nito ay namaibabaw din si Labadre. Anya’y:—Ilabas mo’t marami tayong paaawitin dito. Hayan si Nitang, ang tiple sa Mandaluyon, si Berang, ang dang̃al ng̃ Tangke, si Siyon ang buhay ng̃ “Kumilos Tayo,” at....—Silang lahat na!—ang dugtong ni kapitang Andoy.—Siya ng̃a po, siya ng̃a po—ang ayon ng̃ mg̃a binata.—Bah! ¡bah! ¡bah!—ang pagtanggi ng̃ mg̃a dalaga.Ayaw pa sana si Dolores na ilabas ang kanyang alpá, dahil sa pagkatig sa kanyang mg̃a kabaro, ng̃uni’t napilitan din.Ilang sandali pa ang lumipas at nagdiwang na ang mg̃a daliri ni Dolores. Mahabang palakpakan ang tumapos.—Talagang ang dalaga ni kapitang Andoy, ay madadala na sa esposisyon sa Panamá—ang pagpuri ni Labadre.—Naman!—ang salo ni kapitana Martina at ni Dolores.—Walang biro: ang mayaman sa ganda at mayaman sa talino, ay talagang pang-esposisyon—ang patuloy ni Labadre—Ng̃uni’t.... ¿wala pa ang mg̃a komparsa?Si Beteng na naman ang natisod. “¡Kulog na matanda ito!” ang bulong, “¡hindi na napagod ang bibig!” Salamat at nagbago ng̃ salita si Labadre:—Nitang, tiple ng̃ Mandaluyon, ikaw naman ng̃ayon.—Si mang Labadre naman—ang patumpik ng̃ pinagukulan.—Halana; isang kundimang makalaglag matsing—ang pilit ni Labadre—Loleng, tugtugan mo.Nagpalakpakan ang mg̃a panauhin, ng̃uni’t si Nitang ay ayaw pa rin. Ang dalagang sibol sa lang̃it ng̃ Pilipinas ay talagang gayon. May talino man ay hindi ipinagpaparanya. Bagkus ikinukublihabangnapipita. Lalo na’t pagpuri at paghang̃a ang ipaghahalungkat.Mana’y isang matining na tinig ang nagpatahimik sa lahat. Umaawit si Nitang at sinasaliwan ni Loleng. Si Labadre ay napatigil din. Sinamantala naman ni Beteng ang pagpanaog upang salubung̃in marahil ang komparsa.Sa panulukan ng̃ mg̃a daan Sagat at Penyapransiya, ay doon tumanaw si Beteng. Sarisaring guniguni ang lumaro na sa binata noong hindi niya mamalas ang inaantay. ¿Biniro kaya siya ng̃ komparsa? ¿Talaga kayang di na sisipot? ¿Ano ang ginawa ni Simon sa salapi? Ganyang mg̃a tanong ang di niya matugon. Nang̃ang̃awit naman sa pagtanaw sa wala, ang kanyang malas.Minsan ay magning̃as ang poot kay Labadre. Kung wala ang taong yaon ay di gaanong mapupuná ni kapitang Andoy ang di pagsipot ng̃ komparsa. Ang kapitan ay nawiwiling makipagusap sa mg̃a panauhin. Datapwa’t laging sinusulot ng̃ masalitang matanda. Ito ang nagpapalaki ng̃ sunog. Ang kanyang pagkatao ay nabing̃it tuloy sa pilapil ng̃ kahihiyaan.Si Simón naman ang nahagilap ng̃ alaala. ¿Pinagtaksilan kaya siya? Hindi mangyayari. Kagabi lamang ay ika labingisa na ng̃ umalis sa bahay ni Beteng. At sinabi nitong naibigay niya ang salapi at tinanggap naman. ¿Saan naroon? Marahil ay tinitipon ang manunugtog. Walang sala; pagka’t pinainum pa niya ng̃ herés, bago umalis.Humakbangng̃ ilan ang binata at idinukot sa bulsa ang kamay. Tumanaw na naman sa malayo, ng̃uni’t wala pa rin. “Mg̃a tao na namang iyon, ¿di kaya inaalala ang kahihiyan ko?” ang tanong na magisa. Tinanggap ang salapi at ¿di sisipot? ¡Malaking pagkukulang sa pagsasama! Datapwa’t ¿ano ang magagawa ni Beteng? Siya’y nagaanyaya lamang. ¿Ang salapi? Yaon ay pabuya lamang. Iba ang upa sa pabuya. Kung upa, kahi’t umulan ay sisipot sa takdang oras. Sapagka’t pabuya, ay daratal kung kailan sipagin. ¡Utang na loob pa!Inip na inip na ang binata. Pumagitna na naman sa daan at muling tumanaw. Wala pa rin. Si Simon man aywalarin. ¿Tuluyan na kayang mabibitin ang kaawaawa? Sumisikdo ang loob; sumasasalang tibok ng̃ puso; nang̃ang̃apos ang hining̃a. ¡Mahirap na talaga ang mabing̃it sa kahihiyan!Waring nabuksan ang lang̃it kay Beteng nang marinig niya ang tunog ng̃ bigwela. Walang alinlang̃ang yaon ay kina kapitang Andoy. Halos ay tumakbo ang binata sa galak. Matulin na pumanhik. Lalong sikip na ang bahay na bago ng̃ kapitan. Noon ay nagsasayawan na. Taas ang noo, lantad ang mukha, na dumulog sa harapang yaon. Ng̃uni’t ¡kay laking pagkabigo! Ang tumutugtog pala ay hindi ang komparsang kanyang inaantay, kung hindi ang orkesta ni Artemyo at ni Pastor. Napipi at napamangha ang binata. Lalong ibinaon siya ng̃ kahihiyaan. Malalamig na patak ng̃ pawis ang umaliw sa kanya. Ang mata naman ng̃ mg̃a kaharap ay parang umuuyam sakaawaawa.—Naito na pala si mang Beteng!—ang bulalas ni Labadre—¿nahan ang inyong komparsa? ¡Wala! ¡Nilagpasan kayo ni Artemyo!...Walang naitugonsiBeteng kung hindi sarisaring banta. Poot kay Artemyo, sapagka’t napaibabawan na naman siya.Galit kay Labadre, dahil sa lagi siyang hinihiya at ibinibilad. Ng̃itng̃it kay Simón at sa komparsa, sanhi sa siya’y isinubo sa kahihiyaan. Gayon ma’y nagbakasakali ring daratal. At pinilit ang ng̃iting nagsaad kay kapitang Andoy:—Nahuli ang komparsa natin.—Tanghali na ng̃a—ang tugón naman ng̃ pinagukulan.—Nahan mang Beteng ang inyong komparsa?—ang pagitna na naman ni Labadre—¿mayroon ba o wala?—Mayroon—ang salo ni kapitana Martina na noon ay abalang abala—Ito namang si Labadre, ¿hindi pa ba kayo nasisiyahan sa orkestang iyan?—Bah! Iba po ang komparsa ni mang Beteng sa orkesta ni mang Artemyo—ang tugon ni Labadre.Patuloy naman sa pagtugtog ang orkesta, at patuloy din sa pagikot sa sayaw ang mg̃a bubuyog at bulaklak. Si Loleng naman at si Artemyo ang nagsasarili; kaya lalong naglalagablab ang poot ni Beteng. Paano’y dinadarang ng̃ panibugho. Gayon ma’y nagtatagumpay din ang dakilang asal. Nagkamayan dinang dalawang binata. Kay Pastor ma’y parang walang ano mang bigat ng̃ loob.Natapos ang sayawan. Pumutok ang serbesa. Lalong namayani si Labadre. Datapwa’t si Beteng ay parang nauupos na kandila. Lahat ay nakamata sa kanya o kay Artemyo kaya.—Malaking pagkabigo!—ang pagkakalat na naman ni Labadre—¡Napeste na yata ang komparsa ni mang Beteng!Halakhakan ang itinugón ng̃ lahat. Ang binatang tinukoy ay maputlang maputla. Isang babai lamang yaong nakasagot:—Si mang Labadre naman; itinatanghal ninyo ang lalaong dakila sa ating panauhin....—Lalong dadakila kung sumipot ang komparsa—ang patlang ni Labadre.—Sisipot din—ang pagtatanggol ni kapitang Andoy.Walang imik at nakahalukipkip si Artemyo sa piling ni Pastor. Kapwa sila nagpapausok ng̃ tabako.—Sayang!—ang saad na naman ni Labadre—Mabuti, kapitang Andoy, at nagkaroon kayo ng̃ isang Artemyo, disin ay nabitin tayong lahat.... ¡Sa akin ay siArtemyo ang lalong dakilang panauhin ng̃ayon!...—Salamat po—ang salo ng̃ pinuri.—Ehem,—ang tikim naman ng̃ ilán na ginanti ng̃ kindat ng̃ ibang nakababatid ng̃ lihim.Dadaluhing̃in na sana ni Beteng ang Labadreng kanina pa’y kinaiinisan na niya, kung hindi dumatal na humahang̃os at may dugo sa damit si Simón.—Mang Beteng!—ang wika—¡Humawak ka po ng̃ patalim at ibang̃on natin ang iyong kahihiyan! ¡Narito ang umaagaw ng̃ iyong dangal! ¡Ang isa ay napatay ko na!—Ano ang nangyari? ¡Simón!—ang gulat na tanong ni Beteng.—Kailang̃ang pumatay ka po ng̃ tao pagka’t ang dang̃al mo ay inaagaw ng̃ iba!Boong tapang na isinaad na labis na nakatulig sa lahat ng̃ nakikinig. Si Beteng ay lalong naupos. Si Labadre man ay napipilan din. Maging si kapitang Andoy, maging si kapitana Martina, ay napako sa pagkamangha. Ang magandang Dolores ay nangliit sa takot. Sino ma’ywalang nakaimik. Isa isang minalas ni Simon ang panauhin. Hinanap ng̃ kanyang mata ang mg̃a kaaway ng̃ kanyang katoto.Sa gayong anyo, na lahat ay natitigilan, ay sumipot ang mg̃a alagad, ng̃ pamamayapa, ang kinatawan ng̃ pamahalaan. Tinutok ng̃ rebolber si Simon na:—Bitiwan mo ang iyong patalim!Binitiwan naman nito. Pinulot ng̃ isa sa mg̃a tiktik. Kinawit naman sa kamay ng̃ isa si Simon. At magalang silang yumaon. Si Beteng ay sumama naman sa dinakip. At ang aling̃asng̃as ay lalong naghari.Isa’t isa’y lumapit ng̃ayon kay Artemyo at kay Pastor.Balana’ynag-usisa kung ano ang nangyari. Ng̃uni’t sa lahat ng̃ tanong ay pawang «aywan» ang sagot. At yumaon na rin ang magkaibigan, matapos magpasintabi kay Dolores at sa lahat ng̃ panauhin.—Baka di na kayo bumalik?—ang huling tanong ni Loleng.—Babalik; sandali lamang kami—ang tugón ng̃ dalawáng nagmamadali.Sarisaring hinagap ng̃ayon ang naghari sa kasayahan. Bulong dito, bulong doon, ang nangyari. Si Labadre nama’y lumikha na ng̃ kung ano anong mg̃a hiwaga na sing̃aw marahil ng̃ alak.

VIANG ARAW NI LOLENG
Madaling-arawng̃linggo. Noon ang ganap na ika labing walong Mayo ni Dolores. Mula sa pinto ng̃ Simbahan sa Pako ay dalawang babai yaong lumabas. ¡Mg̃a pusong banal yata! At lumakad silang patung̃o sa daang Pas. Ang maliwanag na tanglaw sa daan, ay siyang nagsabing yaon ay si Dolores kasama ni kapitana Martina. Galing silang nagsimba na pinasalamatan sa Diyos, ang masayang pagsapit ng̃ kaarawan ni Loleng. Ang malamig na simoy ng̃ hang̃in, ang mg̃a patak ng̃ hamog sa damo, at ang liwanag ng̃ ilaw sa daan, ay siyang unang naghandog ng̃ maligayang bati sa mapalad na dalaga.Dumatal sila sa bahay na ang lahat ay nagsisikilos na. Ang tunogng̃pinggan, taginting ng̃ kubyertos, at sagitsit ng̃ mantika ay siyang unang maririnig. Bago mapupuna ang bang̃o na isinasabog ng̃ hang̃in: ang amoy ng̃ ginisa. Kung minsan ay namamaibabaw din ang iyukan ng̃ mg̃a inahin, tandang at kapon na manok. Ito ang mg̃a martir ng̃ pista. Ang lalong maing̃ay at di maipagkakaila ay ang iyak ng̃ baboy. Tatlo ang pinatay noon.Sa kabahayan naman ay iba ang kilusan. Ang tinig ni kapitang Andoy ay siyang naghahari. Utos dito, utos doon ang ginagawa. Lagatok naman ng̃ mg̃a upuan, at lagaslas ng̃ dahong saging na ikinukuskos sa sahig, ay siyang sumasagot. Gayon na lamang ang paghahanda.Sa siwang ng̃ mg̃a bundok sa silang̃an ay masayang dumudung̃aw ang bukang liwayway. Marahang tumatakas ang dilim at panglaw. Ang galak at liwanag naman ang bumabang̃on. Mana’y boong ningning na sumikat ang ilaw ng̃ sangkatauhan, upang batiin marahil ang dalagang sapupo ng̃ tuwa sa araw na yaon.Ang mg̃a taong naglalakad sa daang Sagat, ay napapatigil sa tapat ng̃ bahayni kapitang Andoy. Pawang humahang̃a sa napakakisig na pagkagayak. Mahahalagang enkahe ang naglawit sa itaas ng̃ mg̃a durung̃awan. Sa gitna nito’y malapad na lasong rosas ang pinagbuhol ng̃ bikas paroparo. Sa mg̃a haligi ng̃ kabahayan ay tungkos ng̃ sarisaring bulaklak ang naglawit. Magagarang san pransisko ang halamang nagtanod sa mg̃a pinto.—Dapat ng̃ang pagubusan ng̃ kaya si Loleng—ang wika ng̃ isang napatigil—sapagka’t siya ay bugtong na anak ni kapitang Andoy.Ilang sandali pa ang nakaraan, bago sumipot si Beteng. Makisig na makisig ang binata at masayangmasaya na pumanhik.—Kay aga ng̃ buwisit na ito!—ang nasabi sa sarili ni Loleng ng̃uni’t masayang sumalubong—Tuloy kayo.—Maligayang bati po—ang bung̃ad na wika ni Beteng at kinamayan ang dalaga.—Salamat po.—Magandang araw po mang Andoy—ang paggalang nito sa kapitan.—Tuloy kayo—ang tugon naman ng̃ tinukoy.Nagtuloy ang makisig na binata. At kung gaano ang bikas niya noong masalubong natin sa daan Looban ay lalo at higit ng̃ayon. Ang buhok ay hating hati at ang mukha ay pinahiran ng̃ pulbos. Bagong korbata na naman ang nakabitin sa liig, datapwa’t walang alinlang̃ang buhat sa almasenng̃Siyap sa Eskolta. Ang ternong lana ng̃ pusong gumilas, ay siyang nagbabansag ng kabusugan niya sa pananalapi. Ng̃uni’t ang lalong kapunapuna, ay ang malalaking brilyante na nagniningning sa dibdib at mg̃a daliri. «Inubos ang peseta!», ang sabi ng̃a ni Dolores sa sarili. Subali’t lalo siyang namangha noong buksan ang balutang dala, na anya’y:—Aling Loleng kung kayo man ay nagagalak sa pagsapit ng̃ inyong araw, ay lalo at higit ako. Ang katunayang di magkasya sa puso ko ang tuwa, ay di na matutuhan kung alin sa likha ng̃ tao o likha ng̃ katalagahan ang pipiliin kong ihandog sa inyong mg̃a yapak. Pagyamanin mo po ang nakaya ng̃ inyong lingkod.Pandidilat ng̃ mata ni kapitang Andoy;matulin na paglabas ni kapitana Martina; at isang «salamat po» lamang ni Dolores, ang tumugon sa mahabang talumpati ng̃ binata. Samantalang mula sa pinto ay maraming mukha ang nakasung̃aw na sabik makakita ng̃ handog ni Beteng. Yaon ang mg̃a katulong sa paghahanda, at mg̃a kapit-bahay na katapatang loob. Ang matandang kapitana na inip sa matagal na pagkalas ng̃ tali, ay tumulong kay Beteng bago bumulalas:—Kay ganda nito!At itinaas ng̃ kanyang kamay, ang isang alpiler na may malaking bató, saka tinitigan ng̃ papikitpikit pa. Ang mg̃a nanonood, maging si kapitang Andoy, ay napipilan. Si Dolores naman ay pinapagpapawis ng̃ pang̃ing̃imi. Nahihiya na di maintindihan. Lalo namang sumisigla si Beteng ng̃ pagtatanghal ng̃ kanyang handog. Sa ibabaw ng̃ mesang marmol ay inihanay na lahat upang hang̃aan ng̃ nagsisiting̃in.—Kay dami naman!—ang wika ni kapitang Andoy, nang mamalas niya ang mg̃a botelya ng̃ pabang̃o, ang kaha ng̃ pulbos, ang magarang pulbera, angsalaming pangmesa, ang sutlang pamaypay, at ang isang dosenang panyolitong nagpuputian.—Inubos na niyong hinakot ang tinda sa Eskolta!—ang bulalas uli ni kapitana Martina, na idinuro sa alampay ni Dolores ang mahalagang alpiler.—Aba!—ang magkakatulad namang paghang̃a ng̃ ilan. Noon lamang sila nakamalas ng̃ gayong mg̃a alay. At isa isang nagsilabas upang ipagpatuloy ang ginagawa.Gayon man ang paghang̃a sa mg̃a handog ni Beteng ay lugi rin siya. Oo, lugi siya, sapagka’t bahagya ng̃ bayaran ng̃ ng̃iti ng̃ kanyang iniirog. Ng̃uni’t palibhasa’y dalagang Tagalog, ang yumi, hinhin at kadakilaan ng̃ asal, ay di rin nasusupil ng̃ pagkawalang loob kay Beteng. Si Dolores ay si Dolores din. Siya rin ang dalagang mapanghalina. Ang katotohanan ay ang anyaya niya kay Beteng:—Tayo po ay magagahan muna.—Salamat po—ang tugon ng̃ binata.—Kung di kayo magaagahan dito, ay di ko namang tatanggapin ang mg̃a handog na iyan—ang tampo ng̃ dalaga.—Naku naman!—ang ng̃iti ni Beteng.—Siya ng̃a; tayo na muna magagahan—ang dugtong ni kapitang Andoy.—Salamat po—ang ulit ng̃ binata.—Anong salamat? Tayo na—ang salo ng̃ kapitana Martina.—Nakatapos na po—ang tanggi rin ni Beteng.—Ay ano kung nakatapos?—ang sambot ni Dolores—Ang agahan natin ay laan sa nakatapos na.—Busog pa po ako—ang ayaw ng̃ binata.—Hindi naman handa sa gutom ang agahan dito—ang pagtatanggol ng̃ dalaga.Natapos ang pakunwari ng̃ binata sa ganap na pagsuko. At ilang sandali pa ay napanood nang humihigop ng̃ sikulate at nagpapahid ng̃ mantikilya sa tinapay.—Sinapul na mabuti ang handa!—ang wika ng̃ isang batang utusan na sumisilip mula sa kusina—¡Pati agahan ay tinodas na!...—Hayop! ¡Hayop!—ang parang tugon naman ni kapitana Martina na nakahuli sa sumisilip at nilapirot ang taynga.—Aray!... ¡aray!...—ang iyak na lamang ng̃ nadakip.Salamat sa pagdatal ng̃ ilang panauhin, at binitiwan din ng̃ kapitana ang nahuli. Pumasok at sumalubong ng̃ boong galak. Ang dumating ay dalawang dalaga at isang binata. Tumayo si Dolores sa mesa at pinakapilit na makisalo ang mg̃a bagong panhik. Ilang sandali pa ay anim katao na yaong magkakasalo.Sarisaring mg̃a biro, sarisaring mg̃a pagpuri ang naghari sa boong pagkakainan. Minsan ay mamayani si kapitang Andoy, at kung minsan ay mamaibabaw si Beteng. Datapwa’t si Dolores ay ng̃iti lamang ang inilalaban. Matagal-tagal din bago sila nagkatapos.Noon nama’y matindi na ang sikat ng̃ araw. Dating at dating na ang panauhin. Kanina ay mg̃a dalaga. Ng̃ayon ay mg̃a binata. Mamiya’y dalaga na naman. At marahil ay binata ang susunod. Dapat magkagayon: sapagka’t araw ng̃ bulaklak ay bulaklak din ang dapat magdiwang. At kung saan natitipon ang mg̃a bulaklak ay doon nagkakagulo ang mg̃a bubuyog at paroparo.Halos sikip na ang bahay ni kapitang Andoy. Bawa’t dumatal ay «maligayang bati» ang namumulas sa mg̃a labi. Datapwa’tsi Artemyo, ang binatang giliw ng̃ ipinagdidiwang, ang pusong lalong mapalad, ay di pa sumisipot. Gayon man ay di kapunapuna ang pagkawala nito sapagka’t si Dolores lamang marahil ang di nakalilimot. Ang kapunapuna ay ang di pagsipot pa ng̃ komparsa.—Kapitang Andoy, wala ba tayong tugtugan?—ang usisa ni Labadre, ang kanina pa’y kantiyaw ng̃ kantiyaw.—Mayroon—ang tugon ng̃ tinanong—Dalawa ang nang̃ako sa akin.—Saan po naroon?—Hindi pa dumarating.—Ika sampu na po ah?—Maaga pa.—Baka lawit ang púsod ng̃ mg̃a nang̃akong iyan!...—Hindi po naman!—ang pagdaramdam na halo ni Beteng.—Biro ko po lamang iyon. Patawarin ninyo ako—at tinapos sa halakhak.Di na sumagot si Beteng at dumung̃aw upang tanawin marahil ang kanyang komparsa. Datapwa’t wala siyang namalas at ni si Simon ay di sumisipot. “¿Bakit kaya?” ang naitanong sa sarili. Siya rin ang sumagot “Maaga pa naman.” Atnaupong muli na ipinako ang malas kay Dolores.—Kay ganda ng̃ lang̃it ko!—ang inipit na sigaw ng̃ kalulwa. At mula sa ulo hanggang paa ay pinanooran niya, ang gumugulo sa kanyang buhay at pagkatao.Si Dolores, kung talaga mang may katutubong ganda, ay higit at lalo pa noon. Batid niyang siya lamang ang magiging panoorin sa kasayahan, kaya bumikas ng̃ dapat maging bikas. Ang damit na isinoot ay yaong talagang bagay sa kanyang ganda: kulay bughaw.—Loleng—ang saad ni Labadre—kay dami mong kandidato ay wala na bang nagalay sa iyo ng̃ tutugtog?—Ayaw ko ng̃a niyan!—ang yamot ng̃ pinagukulan.—Hindi ba?—ang patigas ni Labadre—may artista ka, may estudyante ka, may pintor ka, may....—Mayroon ng̃ lahat!—ang patalo ni Dolores.Tawanan at titigan ang itinugon ng̃ lahat. Siyang pagsipot ng̃ anim na dalagang nagpapang̃agaw sa dilag. Ang gayak ay paraparang ternong bughaw. Yaon ay mg̃abituinng̃ “Kami Naman.”Batian at kamayan ang nangyari. At naupo na naman ang lahat.—Wala pa hanggang ng̃ayon ang komparsa!—ang kantiyaw na naman ni Labadre, matapos magpausok ng̃ tabako at makapagpaindayog sa kulumpiyó.—Tanghali na ng̃a—ang dugtong ni kapitang Andoy.—Sayang ang mg̃a sandaling nakararaan!—ang patuloy pa ni Labadre.Si Beteng ay parang iniinis. Nabakla tuloy na baka di na ng̃a sumipot ang komparsa. Hindi na mapalagay ang binata. Dudung̃aw; uupo; tatayo; at lalabas na lamang ang gawa.Ang mg̃a bubuyog ay patuloy sa pakikipagbulung̃an sa mg̃a bulaklak. Ganap na kaligayahan ang inaawit nila. Bawa’t isa’y kinalalarawanan ng̃ galak, tuwa, aliw.May mg̃a binatang palipatlipat ng̃ upo. At may mg̃a dalagang nagbabanalbanalan. May mg̃a bagong taong bibig at matá lamang ang kumikilos. At may mg̃a dalagang kamay lamang ang pinagagalaw sa pamamaypay. Ano pa’t halohalo na: ang mabait at ang malikot.Si Dolores man ay masayang masayarin. Samantalang si kapitana Martina ay lakad dito, lakad doon. Pumasok, lumabas, ang ginanap na tungkulin.—Ano bang komparsa iyan?—ang di mapakaling bulas na naman ng̃ bibig ni Labadre—¿hanggang ng̃ayon ay wala pa?...—Antabayanan natin—ang alalay naman ni kapitang Andoy.—Sus!—ang payamot na ni Labadre—sinasabi ko’t lawit yata ang púsod ng̃ mg̃a nangako....—Mang Beteng, ¿anong oras po ba darating?—ang usisa na ni kapitang Andoy.Pinawisan ng̃ malamig ang binata at matagal din bago nakasagot:—Ang sabi ko po ay ika walo.—Bakit wala pa hanggang ng̃ayon?—ang lahók ni Labadre.—Talagang gayon po tayong pilipino: pag sinabing ika walo ay antayin mo sa ika labing dalawa....—ang katwiran ni Beteng.—Samakatwid ay mamiya pa sila darating—ang pandidilat na ni Labadre.—Malaking sisté!—ang yamot na ni kapitang Andoy—¡Pati si Artemyo ay nawala na ah!...Nagbing̃ibing̃ihan si Beteng ng̃uni’tnaglalagablab ang loob. Ang poot niya ay kay Labadre nabubuhos. «¿Sino bang hayop ito?» ang tanong sa sarili. ¡Kay luwag ng̃ kuwelyo! ¡Kay iksi ng̃ amerikana! ¡Tambakan yata ng̃ basura ang bibig sa walang sawang pagng̃ang̃a! Pausok ng̃ pausok ng̃ tabako at bibig na lamang niya ang naririnig. Sulot ng̃ sulot sa kapitang Andoy na parang binubaeng gumigiri. Dapat ng̃ang kainisan ni Beteng. Kung hindi sa kanya, kay Labadre, ay di pa lubhang maiinip ang ama ng̃ kanyang Dolores.—Kapitang Andoy,—ang pagitna na naman ni Labadre—kung batid ko lamang na walang tugtugan ay ako sana ang nagdala...—Bakit po? ¿Wala po bang tugtugan?—ang usisa ng̃ ilang kaharap.—Mayroon—ang tugon ng̃ kapitang Andoy—darating na.—Sunduin ko yata?—ang putol ni Beteng.—Huwag na po—ang pakunwari ni Dolores.Ang sagot na ito ng̃ binibini ay nakapagbawas din ng̃ kaba ng̃ dibdib ni Beteng. Paano’t paano ma’y nakabuhay dinng̃ kanyang loob. Lubha pa noong pumasok si kapitana Martina na nagsabing:—Loleng, samantalang wala pa ang mg̃a komparsa, ay ilabas mo ang iyong alpá at aliwin mo ang iyong mg̃a kaibigan.—Siya ng̃a po.—Yaon ang magaling.—Ang inaantay namin.—Halana.Gayon ang naging tugunan ng̃ lahat na pawang nagpako ng̃ malas sa dalagang ipinagbubunyi. Sa likod nito ay namaibabaw din si Labadre. Anya’y:—Ilabas mo’t marami tayong paaawitin dito. Hayan si Nitang, ang tiple sa Mandaluyon, si Berang, ang dang̃al ng̃ Tangke, si Siyon ang buhay ng̃ “Kumilos Tayo,” at....—Silang lahat na!—ang dugtong ni kapitang Andoy.—Siya ng̃a po, siya ng̃a po—ang ayon ng̃ mg̃a binata.—Bah! ¡bah! ¡bah!—ang pagtanggi ng̃ mg̃a dalaga.Ayaw pa sana si Dolores na ilabas ang kanyang alpá, dahil sa pagkatig sa kanyang mg̃a kabaro, ng̃uni’t napilitan din.Ilang sandali pa ang lumipas at nagdiwang na ang mg̃a daliri ni Dolores. Mahabang palakpakan ang tumapos.—Talagang ang dalaga ni kapitang Andoy, ay madadala na sa esposisyon sa Panamá—ang pagpuri ni Labadre.—Naman!—ang salo ni kapitana Martina at ni Dolores.—Walang biro: ang mayaman sa ganda at mayaman sa talino, ay talagang pang-esposisyon—ang patuloy ni Labadre—Ng̃uni’t.... ¿wala pa ang mg̃a komparsa?Si Beteng na naman ang natisod. “¡Kulog na matanda ito!” ang bulong, “¡hindi na napagod ang bibig!” Salamat at nagbago ng̃ salita si Labadre:—Nitang, tiple ng̃ Mandaluyon, ikaw naman ng̃ayon.—Si mang Labadre naman—ang patumpik ng̃ pinagukulan.—Halana; isang kundimang makalaglag matsing—ang pilit ni Labadre—Loleng, tugtugan mo.Nagpalakpakan ang mg̃a panauhin, ng̃uni’t si Nitang ay ayaw pa rin. Ang dalagang sibol sa lang̃it ng̃ Pilipinas ay talagang gayon. May talino man ay hindi ipinagpaparanya. Bagkus ikinukublihabangnapipita. Lalo na’t pagpuri at paghang̃a ang ipaghahalungkat.Mana’y isang matining na tinig ang nagpatahimik sa lahat. Umaawit si Nitang at sinasaliwan ni Loleng. Si Labadre ay napatigil din. Sinamantala naman ni Beteng ang pagpanaog upang salubung̃in marahil ang komparsa.Sa panulukan ng̃ mg̃a daan Sagat at Penyapransiya, ay doon tumanaw si Beteng. Sarisaring guniguni ang lumaro na sa binata noong hindi niya mamalas ang inaantay. ¿Biniro kaya siya ng̃ komparsa? ¿Talaga kayang di na sisipot? ¿Ano ang ginawa ni Simon sa salapi? Ganyang mg̃a tanong ang di niya matugon. Nang̃ang̃awit naman sa pagtanaw sa wala, ang kanyang malas.Minsan ay magning̃as ang poot kay Labadre. Kung wala ang taong yaon ay di gaanong mapupuná ni kapitang Andoy ang di pagsipot ng̃ komparsa. Ang kapitan ay nawiwiling makipagusap sa mg̃a panauhin. Datapwa’t laging sinusulot ng̃ masalitang matanda. Ito ang nagpapalaki ng̃ sunog. Ang kanyang pagkatao ay nabing̃it tuloy sa pilapil ng̃ kahihiyaan.Si Simón naman ang nahagilap ng̃ alaala. ¿Pinagtaksilan kaya siya? Hindi mangyayari. Kagabi lamang ay ika labingisa na ng̃ umalis sa bahay ni Beteng. At sinabi nitong naibigay niya ang salapi at tinanggap naman. ¿Saan naroon? Marahil ay tinitipon ang manunugtog. Walang sala; pagka’t pinainum pa niya ng̃ herés, bago umalis.Humakbangng̃ ilan ang binata at idinukot sa bulsa ang kamay. Tumanaw na naman sa malayo, ng̃uni’t wala pa rin. “Mg̃a tao na namang iyon, ¿di kaya inaalala ang kahihiyan ko?” ang tanong na magisa. Tinanggap ang salapi at ¿di sisipot? ¡Malaking pagkukulang sa pagsasama! Datapwa’t ¿ano ang magagawa ni Beteng? Siya’y nagaanyaya lamang. ¿Ang salapi? Yaon ay pabuya lamang. Iba ang upa sa pabuya. Kung upa, kahi’t umulan ay sisipot sa takdang oras. Sapagka’t pabuya, ay daratal kung kailan sipagin. ¡Utang na loob pa!Inip na inip na ang binata. Pumagitna na naman sa daan at muling tumanaw. Wala pa rin. Si Simon man aywalarin. ¿Tuluyan na kayang mabibitin ang kaawaawa? Sumisikdo ang loob; sumasasalang tibok ng̃ puso; nang̃ang̃apos ang hining̃a. ¡Mahirap na talaga ang mabing̃it sa kahihiyan!Waring nabuksan ang lang̃it kay Beteng nang marinig niya ang tunog ng̃ bigwela. Walang alinlang̃ang yaon ay kina kapitang Andoy. Halos ay tumakbo ang binata sa galak. Matulin na pumanhik. Lalong sikip na ang bahay na bago ng̃ kapitan. Noon ay nagsasayawan na. Taas ang noo, lantad ang mukha, na dumulog sa harapang yaon. Ng̃uni’t ¡kay laking pagkabigo! Ang tumutugtog pala ay hindi ang komparsang kanyang inaantay, kung hindi ang orkesta ni Artemyo at ni Pastor. Napipi at napamangha ang binata. Lalong ibinaon siya ng̃ kahihiyaan. Malalamig na patak ng̃ pawis ang umaliw sa kanya. Ang mata naman ng̃ mg̃a kaharap ay parang umuuyam sakaawaawa.—Naito na pala si mang Beteng!—ang bulalas ni Labadre—¿nahan ang inyong komparsa? ¡Wala! ¡Nilagpasan kayo ni Artemyo!...Walang naitugonsiBeteng kung hindi sarisaring banta. Poot kay Artemyo, sapagka’t napaibabawan na naman siya.Galit kay Labadre, dahil sa lagi siyang hinihiya at ibinibilad. Ng̃itng̃it kay Simón at sa komparsa, sanhi sa siya’y isinubo sa kahihiyaan. Gayon ma’y nagbakasakali ring daratal. At pinilit ang ng̃iting nagsaad kay kapitang Andoy:—Nahuli ang komparsa natin.—Tanghali na ng̃a—ang tugón naman ng̃ pinagukulan.—Nahan mang Beteng ang inyong komparsa?—ang pagitna na naman ni Labadre—¿mayroon ba o wala?—Mayroon—ang salo ni kapitana Martina na noon ay abalang abala—Ito namang si Labadre, ¿hindi pa ba kayo nasisiyahan sa orkestang iyan?—Bah! Iba po ang komparsa ni mang Beteng sa orkesta ni mang Artemyo—ang tugon ni Labadre.Patuloy naman sa pagtugtog ang orkesta, at patuloy din sa pagikot sa sayaw ang mg̃a bubuyog at bulaklak. Si Loleng naman at si Artemyo ang nagsasarili; kaya lalong naglalagablab ang poot ni Beteng. Paano’y dinadarang ng̃ panibugho. Gayon ma’y nagtatagumpay din ang dakilang asal. Nagkamayan dinang dalawang binata. Kay Pastor ma’y parang walang ano mang bigat ng̃ loob.Natapos ang sayawan. Pumutok ang serbesa. Lalong namayani si Labadre. Datapwa’t si Beteng ay parang nauupos na kandila. Lahat ay nakamata sa kanya o kay Artemyo kaya.—Malaking pagkabigo!—ang pagkakalat na naman ni Labadre—¡Napeste na yata ang komparsa ni mang Beteng!Halakhakan ang itinugón ng̃ lahat. Ang binatang tinukoy ay maputlang maputla. Isang babai lamang yaong nakasagot:—Si mang Labadre naman; itinatanghal ninyo ang lalaong dakila sa ating panauhin....—Lalong dadakila kung sumipot ang komparsa—ang patlang ni Labadre.—Sisipot din—ang pagtatanggol ni kapitang Andoy.Walang imik at nakahalukipkip si Artemyo sa piling ni Pastor. Kapwa sila nagpapausok ng̃ tabako.—Sayang!—ang saad na naman ni Labadre—Mabuti, kapitang Andoy, at nagkaroon kayo ng̃ isang Artemyo, disin ay nabitin tayong lahat.... ¡Sa akin ay siArtemyo ang lalong dakilang panauhin ng̃ayon!...—Salamat po—ang salo ng̃ pinuri.—Ehem,—ang tikim naman ng̃ ilán na ginanti ng̃ kindat ng̃ ibang nakababatid ng̃ lihim.Dadaluhing̃in na sana ni Beteng ang Labadreng kanina pa’y kinaiinisan na niya, kung hindi dumatal na humahang̃os at may dugo sa damit si Simón.—Mang Beteng!—ang wika—¡Humawak ka po ng̃ patalim at ibang̃on natin ang iyong kahihiyan! ¡Narito ang umaagaw ng̃ iyong dangal! ¡Ang isa ay napatay ko na!—Ano ang nangyari? ¡Simón!—ang gulat na tanong ni Beteng.—Kailang̃ang pumatay ka po ng̃ tao pagka’t ang dang̃al mo ay inaagaw ng̃ iba!Boong tapang na isinaad na labis na nakatulig sa lahat ng̃ nakikinig. Si Beteng ay lalong naupos. Si Labadre man ay napipilan din. Maging si kapitang Andoy, maging si kapitana Martina, ay napako sa pagkamangha. Ang magandang Dolores ay nangliit sa takot. Sino ma’ywalang nakaimik. Isa isang minalas ni Simon ang panauhin. Hinanap ng̃ kanyang mata ang mg̃a kaaway ng̃ kanyang katoto.Sa gayong anyo, na lahat ay natitigilan, ay sumipot ang mg̃a alagad, ng̃ pamamayapa, ang kinatawan ng̃ pamahalaan. Tinutok ng̃ rebolber si Simon na:—Bitiwan mo ang iyong patalim!Binitiwan naman nito. Pinulot ng̃ isa sa mg̃a tiktik. Kinawit naman sa kamay ng̃ isa si Simon. At magalang silang yumaon. Si Beteng ay sumama naman sa dinakip. At ang aling̃asng̃as ay lalong naghari.Isa’t isa’y lumapit ng̃ayon kay Artemyo at kay Pastor.Balana’ynag-usisa kung ano ang nangyari. Ng̃uni’t sa lahat ng̃ tanong ay pawang «aywan» ang sagot. At yumaon na rin ang magkaibigan, matapos magpasintabi kay Dolores at sa lahat ng̃ panauhin.—Baka di na kayo bumalik?—ang huling tanong ni Loleng.—Babalik; sandali lamang kami—ang tugón ng̃ dalawáng nagmamadali.Sarisaring hinagap ng̃ayon ang naghari sa kasayahan. Bulong dito, bulong doon, ang nangyari. Si Labadre nama’y lumikha na ng̃ kung ano anong mg̃a hiwaga na sing̃aw marahil ng̃ alak.
Madaling-arawng̃linggo. Noon ang ganap na ika labing walong Mayo ni Dolores. Mula sa pinto ng̃ Simbahan sa Pako ay dalawang babai yaong lumabas. ¡Mg̃a pusong banal yata! At lumakad silang patung̃o sa daang Pas. Ang maliwanag na tanglaw sa daan, ay siyang nagsabing yaon ay si Dolores kasama ni kapitana Martina. Galing silang nagsimba na pinasalamatan sa Diyos, ang masayang pagsapit ng̃ kaarawan ni Loleng. Ang malamig na simoy ng̃ hang̃in, ang mg̃a patak ng̃ hamog sa damo, at ang liwanag ng̃ ilaw sa daan, ay siyang unang naghandog ng̃ maligayang bati sa mapalad na dalaga.
Dumatal sila sa bahay na ang lahat ay nagsisikilos na. Ang tunogng̃pinggan, taginting ng̃ kubyertos, at sagitsit ng̃ mantika ay siyang unang maririnig. Bago mapupuna ang bang̃o na isinasabog ng̃ hang̃in: ang amoy ng̃ ginisa. Kung minsan ay namamaibabaw din ang iyukan ng̃ mg̃a inahin, tandang at kapon na manok. Ito ang mg̃a martir ng̃ pista. Ang lalong maing̃ay at di maipagkakaila ay ang iyak ng̃ baboy. Tatlo ang pinatay noon.
Sa kabahayan naman ay iba ang kilusan. Ang tinig ni kapitang Andoy ay siyang naghahari. Utos dito, utos doon ang ginagawa. Lagatok naman ng̃ mg̃a upuan, at lagaslas ng̃ dahong saging na ikinukuskos sa sahig, ay siyang sumasagot. Gayon na lamang ang paghahanda.
Sa siwang ng̃ mg̃a bundok sa silang̃an ay masayang dumudung̃aw ang bukang liwayway. Marahang tumatakas ang dilim at panglaw. Ang galak at liwanag naman ang bumabang̃on. Mana’y boong ningning na sumikat ang ilaw ng̃ sangkatauhan, upang batiin marahil ang dalagang sapupo ng̃ tuwa sa araw na yaon.
Ang mg̃a taong naglalakad sa daang Sagat, ay napapatigil sa tapat ng̃ bahayni kapitang Andoy. Pawang humahang̃a sa napakakisig na pagkagayak. Mahahalagang enkahe ang naglawit sa itaas ng̃ mg̃a durung̃awan. Sa gitna nito’y malapad na lasong rosas ang pinagbuhol ng̃ bikas paroparo. Sa mg̃a haligi ng̃ kabahayan ay tungkos ng̃ sarisaring bulaklak ang naglawit. Magagarang san pransisko ang halamang nagtanod sa mg̃a pinto.
—Dapat ng̃ang pagubusan ng̃ kaya si Loleng—ang wika ng̃ isang napatigil—sapagka’t siya ay bugtong na anak ni kapitang Andoy.
Ilang sandali pa ang nakaraan, bago sumipot si Beteng. Makisig na makisig ang binata at masayangmasaya na pumanhik.
—Kay aga ng̃ buwisit na ito!—ang nasabi sa sarili ni Loleng ng̃uni’t masayang sumalubong—Tuloy kayo.
—Maligayang bati po—ang bung̃ad na wika ni Beteng at kinamayan ang dalaga.
—Salamat po.
—Magandang araw po mang Andoy—ang paggalang nito sa kapitan.
—Tuloy kayo—ang tugon naman ng̃ tinukoy.
Nagtuloy ang makisig na binata. At kung gaano ang bikas niya noong masalubong natin sa daan Looban ay lalo at higit ng̃ayon. Ang buhok ay hating hati at ang mukha ay pinahiran ng̃ pulbos. Bagong korbata na naman ang nakabitin sa liig, datapwa’t walang alinlang̃ang buhat sa almasenng̃Siyap sa Eskolta. Ang ternong lana ng̃ pusong gumilas, ay siyang nagbabansag ng kabusugan niya sa pananalapi. Ng̃uni’t ang lalong kapunapuna, ay ang malalaking brilyante na nagniningning sa dibdib at mg̃a daliri. «Inubos ang peseta!», ang sabi ng̃a ni Dolores sa sarili. Subali’t lalo siyang namangha noong buksan ang balutang dala, na anya’y:
—Aling Loleng kung kayo man ay nagagalak sa pagsapit ng̃ inyong araw, ay lalo at higit ako. Ang katunayang di magkasya sa puso ko ang tuwa, ay di na matutuhan kung alin sa likha ng̃ tao o likha ng̃ katalagahan ang pipiliin kong ihandog sa inyong mg̃a yapak. Pagyamanin mo po ang nakaya ng̃ inyong lingkod.
Pandidilat ng̃ mata ni kapitang Andoy;matulin na paglabas ni kapitana Martina; at isang «salamat po» lamang ni Dolores, ang tumugon sa mahabang talumpati ng̃ binata. Samantalang mula sa pinto ay maraming mukha ang nakasung̃aw na sabik makakita ng̃ handog ni Beteng. Yaon ang mg̃a katulong sa paghahanda, at mg̃a kapit-bahay na katapatang loob. Ang matandang kapitana na inip sa matagal na pagkalas ng̃ tali, ay tumulong kay Beteng bago bumulalas:
—Kay ganda nito!
At itinaas ng̃ kanyang kamay, ang isang alpiler na may malaking bató, saka tinitigan ng̃ papikitpikit pa. Ang mg̃a nanonood, maging si kapitang Andoy, ay napipilan. Si Dolores naman ay pinapagpapawis ng̃ pang̃ing̃imi. Nahihiya na di maintindihan. Lalo namang sumisigla si Beteng ng̃ pagtatanghal ng̃ kanyang handog. Sa ibabaw ng̃ mesang marmol ay inihanay na lahat upang hang̃aan ng̃ nagsisiting̃in.
—Kay dami naman!—ang wika ni kapitang Andoy, nang mamalas niya ang mg̃a botelya ng̃ pabang̃o, ang kaha ng̃ pulbos, ang magarang pulbera, angsalaming pangmesa, ang sutlang pamaypay, at ang isang dosenang panyolitong nagpuputian.
—Inubos na niyong hinakot ang tinda sa Eskolta!—ang bulalas uli ni kapitana Martina, na idinuro sa alampay ni Dolores ang mahalagang alpiler.
—Aba!—ang magkakatulad namang paghang̃a ng̃ ilan. Noon lamang sila nakamalas ng̃ gayong mg̃a alay. At isa isang nagsilabas upang ipagpatuloy ang ginagawa.
Gayon man ang paghang̃a sa mg̃a handog ni Beteng ay lugi rin siya. Oo, lugi siya, sapagka’t bahagya ng̃ bayaran ng̃ ng̃iti ng̃ kanyang iniirog. Ng̃uni’t palibhasa’y dalagang Tagalog, ang yumi, hinhin at kadakilaan ng̃ asal, ay di rin nasusupil ng̃ pagkawalang loob kay Beteng. Si Dolores ay si Dolores din. Siya rin ang dalagang mapanghalina. Ang katotohanan ay ang anyaya niya kay Beteng:
—Tayo po ay magagahan muna.
—Salamat po—ang tugon ng̃ binata.
—Kung di kayo magaagahan dito, ay di ko namang tatanggapin ang mg̃a handog na iyan—ang tampo ng̃ dalaga.
—Naku naman!—ang ng̃iti ni Beteng.
—Siya ng̃a; tayo na muna magagahan—ang dugtong ni kapitang Andoy.
—Salamat po—ang ulit ng̃ binata.
—Anong salamat? Tayo na—ang salo ng̃ kapitana Martina.
—Nakatapos na po—ang tanggi rin ni Beteng.
—Ay ano kung nakatapos?—ang sambot ni Dolores—Ang agahan natin ay laan sa nakatapos na.
—Busog pa po ako—ang ayaw ng̃ binata.
—Hindi naman handa sa gutom ang agahan dito—ang pagtatanggol ng̃ dalaga.
Natapos ang pakunwari ng̃ binata sa ganap na pagsuko. At ilang sandali pa ay napanood nang humihigop ng̃ sikulate at nagpapahid ng̃ mantikilya sa tinapay.
—Sinapul na mabuti ang handa!—ang wika ng̃ isang batang utusan na sumisilip mula sa kusina—¡Pati agahan ay tinodas na!...
—Hayop! ¡Hayop!—ang parang tugon naman ni kapitana Martina na nakahuli sa sumisilip at nilapirot ang taynga.
—Aray!... ¡aray!...—ang iyak na lamang ng̃ nadakip.
Salamat sa pagdatal ng̃ ilang panauhin, at binitiwan din ng̃ kapitana ang nahuli. Pumasok at sumalubong ng̃ boong galak. Ang dumating ay dalawang dalaga at isang binata. Tumayo si Dolores sa mesa at pinakapilit na makisalo ang mg̃a bagong panhik. Ilang sandali pa ay anim katao na yaong magkakasalo.
Sarisaring mg̃a biro, sarisaring mg̃a pagpuri ang naghari sa boong pagkakainan. Minsan ay mamayani si kapitang Andoy, at kung minsan ay mamaibabaw si Beteng. Datapwa’t si Dolores ay ng̃iti lamang ang inilalaban. Matagal-tagal din bago sila nagkatapos.
Noon nama’y matindi na ang sikat ng̃ araw. Dating at dating na ang panauhin. Kanina ay mg̃a dalaga. Ng̃ayon ay mg̃a binata. Mamiya’y dalaga na naman. At marahil ay binata ang susunod. Dapat magkagayon: sapagka’t araw ng̃ bulaklak ay bulaklak din ang dapat magdiwang. At kung saan natitipon ang mg̃a bulaklak ay doon nagkakagulo ang mg̃a bubuyog at paroparo.
Halos sikip na ang bahay ni kapitang Andoy. Bawa’t dumatal ay «maligayang bati» ang namumulas sa mg̃a labi. Datapwa’tsi Artemyo, ang binatang giliw ng̃ ipinagdidiwang, ang pusong lalong mapalad, ay di pa sumisipot. Gayon man ay di kapunapuna ang pagkawala nito sapagka’t si Dolores lamang marahil ang di nakalilimot. Ang kapunapuna ay ang di pagsipot pa ng̃ komparsa.
—Kapitang Andoy, wala ba tayong tugtugan?—ang usisa ni Labadre, ang kanina pa’y kantiyaw ng̃ kantiyaw.
—Mayroon—ang tugon ng̃ tinanong—Dalawa ang nang̃ako sa akin.
—Saan po naroon?
—Hindi pa dumarating.
—Ika sampu na po ah?
—Maaga pa.
—Baka lawit ang púsod ng̃ mg̃a nang̃akong iyan!...
—Hindi po naman!—ang pagdaramdam na halo ni Beteng.
—Biro ko po lamang iyon. Patawarin ninyo ako—at tinapos sa halakhak.
Di na sumagot si Beteng at dumung̃aw upang tanawin marahil ang kanyang komparsa. Datapwa’t wala siyang namalas at ni si Simon ay di sumisipot. “¿Bakit kaya?” ang naitanong sa sarili. Siya rin ang sumagot “Maaga pa naman.” Atnaupong muli na ipinako ang malas kay Dolores.
—Kay ganda ng̃ lang̃it ko!—ang inipit na sigaw ng̃ kalulwa. At mula sa ulo hanggang paa ay pinanooran niya, ang gumugulo sa kanyang buhay at pagkatao.
Si Dolores, kung talaga mang may katutubong ganda, ay higit at lalo pa noon. Batid niyang siya lamang ang magiging panoorin sa kasayahan, kaya bumikas ng̃ dapat maging bikas. Ang damit na isinoot ay yaong talagang bagay sa kanyang ganda: kulay bughaw.
—Loleng—ang saad ni Labadre—kay dami mong kandidato ay wala na bang nagalay sa iyo ng̃ tutugtog?
—Ayaw ko ng̃a niyan!—ang yamot ng̃ pinagukulan.
—Hindi ba?—ang patigas ni Labadre—may artista ka, may estudyante ka, may pintor ka, may....
—Mayroon ng̃ lahat!—ang patalo ni Dolores.
Tawanan at titigan ang itinugon ng̃ lahat. Siyang pagsipot ng̃ anim na dalagang nagpapang̃agaw sa dilag. Ang gayak ay paraparang ternong bughaw. Yaon ay mg̃abituinng̃ “Kami Naman.”Batian at kamayan ang nangyari. At naupo na naman ang lahat.
—Wala pa hanggang ng̃ayon ang komparsa!—ang kantiyaw na naman ni Labadre, matapos magpausok ng̃ tabako at makapagpaindayog sa kulumpiyó.
—Tanghali na ng̃a—ang dugtong ni kapitang Andoy.
—Sayang ang mg̃a sandaling nakararaan!—ang patuloy pa ni Labadre.
Si Beteng ay parang iniinis. Nabakla tuloy na baka di na ng̃a sumipot ang komparsa. Hindi na mapalagay ang binata. Dudung̃aw; uupo; tatayo; at lalabas na lamang ang gawa.
Ang mg̃a bubuyog ay patuloy sa pakikipagbulung̃an sa mg̃a bulaklak. Ganap na kaligayahan ang inaawit nila. Bawa’t isa’y kinalalarawanan ng̃ galak, tuwa, aliw.
May mg̃a binatang palipatlipat ng̃ upo. At may mg̃a dalagang nagbabanalbanalan. May mg̃a bagong taong bibig at matá lamang ang kumikilos. At may mg̃a dalagang kamay lamang ang pinagagalaw sa pamamaypay. Ano pa’t halohalo na: ang mabait at ang malikot.
Si Dolores man ay masayang masayarin. Samantalang si kapitana Martina ay lakad dito, lakad doon. Pumasok, lumabas, ang ginanap na tungkulin.
—Ano bang komparsa iyan?—ang di mapakaling bulas na naman ng̃ bibig ni Labadre—¿hanggang ng̃ayon ay wala pa?...
—Antabayanan natin—ang alalay naman ni kapitang Andoy.
—Sus!—ang payamot na ni Labadre—sinasabi ko’t lawit yata ang púsod ng̃ mg̃a nangako....
—Mang Beteng, ¿anong oras po ba darating?—ang usisa na ni kapitang Andoy.
Pinawisan ng̃ malamig ang binata at matagal din bago nakasagot:
—Ang sabi ko po ay ika walo.
—Bakit wala pa hanggang ng̃ayon?—ang lahók ni Labadre.
—Talagang gayon po tayong pilipino: pag sinabing ika walo ay antayin mo sa ika labing dalawa....—ang katwiran ni Beteng.
—Samakatwid ay mamiya pa sila darating—ang pandidilat na ni Labadre.
—Malaking sisté!—ang yamot na ni kapitang Andoy—¡Pati si Artemyo ay nawala na ah!...
Nagbing̃ibing̃ihan si Beteng ng̃uni’tnaglalagablab ang loob. Ang poot niya ay kay Labadre nabubuhos. «¿Sino bang hayop ito?» ang tanong sa sarili. ¡Kay luwag ng̃ kuwelyo! ¡Kay iksi ng̃ amerikana! ¡Tambakan yata ng̃ basura ang bibig sa walang sawang pagng̃ang̃a! Pausok ng̃ pausok ng̃ tabako at bibig na lamang niya ang naririnig. Sulot ng̃ sulot sa kapitang Andoy na parang binubaeng gumigiri. Dapat ng̃ang kainisan ni Beteng. Kung hindi sa kanya, kay Labadre, ay di pa lubhang maiinip ang ama ng̃ kanyang Dolores.
—Kapitang Andoy,—ang pagitna na naman ni Labadre—kung batid ko lamang na walang tugtugan ay ako sana ang nagdala...
—Bakit po? ¿Wala po bang tugtugan?—ang usisa ng̃ ilang kaharap.
—Mayroon—ang tugon ng̃ kapitang Andoy—darating na.
—Sunduin ko yata?—ang putol ni Beteng.
—Huwag na po—ang pakunwari ni Dolores.
Ang sagot na ito ng̃ binibini ay nakapagbawas din ng̃ kaba ng̃ dibdib ni Beteng. Paano’t paano ma’y nakabuhay dinng̃ kanyang loob. Lubha pa noong pumasok si kapitana Martina na nagsabing:
—Loleng, samantalang wala pa ang mg̃a komparsa, ay ilabas mo ang iyong alpá at aliwin mo ang iyong mg̃a kaibigan.
—Siya ng̃a po.
—Yaon ang magaling.
—Ang inaantay namin.
—Halana.
Gayon ang naging tugunan ng̃ lahat na pawang nagpako ng̃ malas sa dalagang ipinagbubunyi. Sa likod nito ay namaibabaw din si Labadre. Anya’y:
—Ilabas mo’t marami tayong paaawitin dito. Hayan si Nitang, ang tiple sa Mandaluyon, si Berang, ang dang̃al ng̃ Tangke, si Siyon ang buhay ng̃ “Kumilos Tayo,” at....
—Silang lahat na!—ang dugtong ni kapitang Andoy.
—Siya ng̃a po, siya ng̃a po—ang ayon ng̃ mg̃a binata.
—Bah! ¡bah! ¡bah!—ang pagtanggi ng̃ mg̃a dalaga.
Ayaw pa sana si Dolores na ilabas ang kanyang alpá, dahil sa pagkatig sa kanyang mg̃a kabaro, ng̃uni’t napilitan din.Ilang sandali pa ang lumipas at nagdiwang na ang mg̃a daliri ni Dolores. Mahabang palakpakan ang tumapos.
—Talagang ang dalaga ni kapitang Andoy, ay madadala na sa esposisyon sa Panamá—ang pagpuri ni Labadre.
—Naman!—ang salo ni kapitana Martina at ni Dolores.
—Walang biro: ang mayaman sa ganda at mayaman sa talino, ay talagang pang-esposisyon—ang patuloy ni Labadre—Ng̃uni’t.... ¿wala pa ang mg̃a komparsa?
Si Beteng na naman ang natisod. “¡Kulog na matanda ito!” ang bulong, “¡hindi na napagod ang bibig!” Salamat at nagbago ng̃ salita si Labadre:
—Nitang, tiple ng̃ Mandaluyon, ikaw naman ng̃ayon.
—Si mang Labadre naman—ang patumpik ng̃ pinagukulan.
—Halana; isang kundimang makalaglag matsing—ang pilit ni Labadre—Loleng, tugtugan mo.
Nagpalakpakan ang mg̃a panauhin, ng̃uni’t si Nitang ay ayaw pa rin. Ang dalagang sibol sa lang̃it ng̃ Pilipinas ay talagang gayon. May talino man ay hindi ipinagpaparanya. Bagkus ikinukublihabangnapipita. Lalo na’t pagpuri at paghang̃a ang ipaghahalungkat.
Mana’y isang matining na tinig ang nagpatahimik sa lahat. Umaawit si Nitang at sinasaliwan ni Loleng. Si Labadre ay napatigil din. Sinamantala naman ni Beteng ang pagpanaog upang salubung̃in marahil ang komparsa.
Sa panulukan ng̃ mg̃a daan Sagat at Penyapransiya, ay doon tumanaw si Beteng. Sarisaring guniguni ang lumaro na sa binata noong hindi niya mamalas ang inaantay. ¿Biniro kaya siya ng̃ komparsa? ¿Talaga kayang di na sisipot? ¿Ano ang ginawa ni Simon sa salapi? Ganyang mg̃a tanong ang di niya matugon. Nang̃ang̃awit naman sa pagtanaw sa wala, ang kanyang malas.
Minsan ay magning̃as ang poot kay Labadre. Kung wala ang taong yaon ay di gaanong mapupuná ni kapitang Andoy ang di pagsipot ng̃ komparsa. Ang kapitan ay nawiwiling makipagusap sa mg̃a panauhin. Datapwa’t laging sinusulot ng̃ masalitang matanda. Ito ang nagpapalaki ng̃ sunog. Ang kanyang pagkatao ay nabing̃it tuloy sa pilapil ng̃ kahihiyaan.
Si Simón naman ang nahagilap ng̃ alaala. ¿Pinagtaksilan kaya siya? Hindi mangyayari. Kagabi lamang ay ika labingisa na ng̃ umalis sa bahay ni Beteng. At sinabi nitong naibigay niya ang salapi at tinanggap naman. ¿Saan naroon? Marahil ay tinitipon ang manunugtog. Walang sala; pagka’t pinainum pa niya ng̃ herés, bago umalis.
Humakbangng̃ ilan ang binata at idinukot sa bulsa ang kamay. Tumanaw na naman sa malayo, ng̃uni’t wala pa rin. “Mg̃a tao na namang iyon, ¿di kaya inaalala ang kahihiyan ko?” ang tanong na magisa. Tinanggap ang salapi at ¿di sisipot? ¡Malaking pagkukulang sa pagsasama! Datapwa’t ¿ano ang magagawa ni Beteng? Siya’y nagaanyaya lamang. ¿Ang salapi? Yaon ay pabuya lamang. Iba ang upa sa pabuya. Kung upa, kahi’t umulan ay sisipot sa takdang oras. Sapagka’t pabuya, ay daratal kung kailan sipagin. ¡Utang na loob pa!
Inip na inip na ang binata. Pumagitna na naman sa daan at muling tumanaw. Wala pa rin. Si Simon man aywalarin. ¿Tuluyan na kayang mabibitin ang kaawaawa? Sumisikdo ang loob; sumasasalang tibok ng̃ puso; nang̃ang̃apos ang hining̃a. ¡Mahirap na talaga ang mabing̃it sa kahihiyan!
Waring nabuksan ang lang̃it kay Beteng nang marinig niya ang tunog ng̃ bigwela. Walang alinlang̃ang yaon ay kina kapitang Andoy. Halos ay tumakbo ang binata sa galak. Matulin na pumanhik. Lalong sikip na ang bahay na bago ng̃ kapitan. Noon ay nagsasayawan na. Taas ang noo, lantad ang mukha, na dumulog sa harapang yaon. Ng̃uni’t ¡kay laking pagkabigo! Ang tumutugtog pala ay hindi ang komparsang kanyang inaantay, kung hindi ang orkesta ni Artemyo at ni Pastor. Napipi at napamangha ang binata. Lalong ibinaon siya ng̃ kahihiyaan. Malalamig na patak ng̃ pawis ang umaliw sa kanya. Ang mata naman ng̃ mg̃a kaharap ay parang umuuyam sakaawaawa.
—Naito na pala si mang Beteng!—ang bulalas ni Labadre—¿nahan ang inyong komparsa? ¡Wala! ¡Nilagpasan kayo ni Artemyo!...
Walang naitugonsiBeteng kung hindi sarisaring banta. Poot kay Artemyo, sapagka’t napaibabawan na naman siya.Galit kay Labadre, dahil sa lagi siyang hinihiya at ibinibilad. Ng̃itng̃it kay Simón at sa komparsa, sanhi sa siya’y isinubo sa kahihiyaan. Gayon ma’y nagbakasakali ring daratal. At pinilit ang ng̃iting nagsaad kay kapitang Andoy:
—Nahuli ang komparsa natin.
—Tanghali na ng̃a—ang tugón naman ng̃ pinagukulan.
—Nahan mang Beteng ang inyong komparsa?—ang pagitna na naman ni Labadre—¿mayroon ba o wala?
—Mayroon—ang salo ni kapitana Martina na noon ay abalang abala—Ito namang si Labadre, ¿hindi pa ba kayo nasisiyahan sa orkestang iyan?
—Bah! Iba po ang komparsa ni mang Beteng sa orkesta ni mang Artemyo—ang tugon ni Labadre.
Patuloy naman sa pagtugtog ang orkesta, at patuloy din sa pagikot sa sayaw ang mg̃a bubuyog at bulaklak. Si Loleng naman at si Artemyo ang nagsasarili; kaya lalong naglalagablab ang poot ni Beteng. Paano’y dinadarang ng̃ panibugho. Gayon ma’y nagtatagumpay din ang dakilang asal. Nagkamayan dinang dalawang binata. Kay Pastor ma’y parang walang ano mang bigat ng̃ loob.
Natapos ang sayawan. Pumutok ang serbesa. Lalong namayani si Labadre. Datapwa’t si Beteng ay parang nauupos na kandila. Lahat ay nakamata sa kanya o kay Artemyo kaya.
—Malaking pagkabigo!—ang pagkakalat na naman ni Labadre—¡Napeste na yata ang komparsa ni mang Beteng!
Halakhakan ang itinugón ng̃ lahat. Ang binatang tinukoy ay maputlang maputla. Isang babai lamang yaong nakasagot:
—Si mang Labadre naman; itinatanghal ninyo ang lalaong dakila sa ating panauhin....
—Lalong dadakila kung sumipot ang komparsa—ang patlang ni Labadre.
—Sisipot din—ang pagtatanggol ni kapitang Andoy.
Walang imik at nakahalukipkip si Artemyo sa piling ni Pastor. Kapwa sila nagpapausok ng̃ tabako.
—Sayang!—ang saad na naman ni Labadre—Mabuti, kapitang Andoy, at nagkaroon kayo ng̃ isang Artemyo, disin ay nabitin tayong lahat.... ¡Sa akin ay siArtemyo ang lalong dakilang panauhin ng̃ayon!...
—Salamat po—ang salo ng̃ pinuri.
—Ehem,—ang tikim naman ng̃ ilán na ginanti ng̃ kindat ng̃ ibang nakababatid ng̃ lihim.
Dadaluhing̃in na sana ni Beteng ang Labadreng kanina pa’y kinaiinisan na niya, kung hindi dumatal na humahang̃os at may dugo sa damit si Simón.
—Mang Beteng!—ang wika—¡Humawak ka po ng̃ patalim at ibang̃on natin ang iyong kahihiyan! ¡Narito ang umaagaw ng̃ iyong dangal! ¡Ang isa ay napatay ko na!
—Ano ang nangyari? ¡Simón!—ang gulat na tanong ni Beteng.
—Kailang̃ang pumatay ka po ng̃ tao pagka’t ang dang̃al mo ay inaagaw ng̃ iba!
Boong tapang na isinaad na labis na nakatulig sa lahat ng̃ nakikinig. Si Beteng ay lalong naupos. Si Labadre man ay napipilan din. Maging si kapitang Andoy, maging si kapitana Martina, ay napako sa pagkamangha. Ang magandang Dolores ay nangliit sa takot. Sino ma’ywalang nakaimik. Isa isang minalas ni Simon ang panauhin. Hinanap ng̃ kanyang mata ang mg̃a kaaway ng̃ kanyang katoto.
Sa gayong anyo, na lahat ay natitigilan, ay sumipot ang mg̃a alagad, ng̃ pamamayapa, ang kinatawan ng̃ pamahalaan. Tinutok ng̃ rebolber si Simon na:
—Bitiwan mo ang iyong patalim!
Binitiwan naman nito. Pinulot ng̃ isa sa mg̃a tiktik. Kinawit naman sa kamay ng̃ isa si Simon. At magalang silang yumaon. Si Beteng ay sumama naman sa dinakip. At ang aling̃asng̃as ay lalong naghari.
Isa’t isa’y lumapit ng̃ayon kay Artemyo at kay Pastor.Balana’ynag-usisa kung ano ang nangyari. Ng̃uni’t sa lahat ng̃ tanong ay pawang «aywan» ang sagot. At yumaon na rin ang magkaibigan, matapos magpasintabi kay Dolores at sa lahat ng̃ panauhin.
—Baka di na kayo bumalik?—ang huling tanong ni Loleng.
—Babalik; sandali lamang kami—ang tugón ng̃ dalawáng nagmamadali.
Sarisaring hinagap ng̃ayon ang naghari sa kasayahan. Bulong dito, bulong doon, ang nangyari. Si Labadre nama’y lumikha na ng̃ kung ano anong mg̃a hiwaga na sing̃aw marahil ng̃ alak.