VII

VIIANG PAGKAKATAONG LALONG MASAKLAPHapon na noon ng̃ araw ni Loleng. Ang panauhin nila ay mg̃a katulong na lamang. Ang pagsasaya ay natapos sa di oras, dahil sa sigalot na nangyari.—Bah!—ang nasabi na lamang ni Artemyo nang siya’y dumating na lahat ay natatahimik. Ang durung̃awan man ng̃ bahay ay nakalapat. Isa mang tao ay wala siyang mamalas. Tunog ng̃ pinggan sa labas ang kanyang napupuna. Nagalang̃anin tuloy na magpatao po. Subali’t noong siya’y tatalikod na lamang ay nakarinig ng̃:—Mang Artemyo, tuloy kayo! ¿Ano po ba ang balita?Ang kapitana Martina pala ang tumawag kaya’t pumanhik ang binata.—Bakit ng̃ayon lamang kayo?—ang bati naman ni Loleng na buhat sa silid.—Bakit naman nagkatapos agad?—ang usisa ng̃ binata.—Nagkasakit sa nerbiyos si Andoy—ang salo ng̃ kapitana—Nariyan sa silid na binabantayan ni doktor Borlong̃an. Malubhang totoo.—Diyata!—ang taka ni Artemyo.—Nasindak kay mang Simon—ang patunay ni Dolores—Bakit talagang may sakit sa puso.—Ang nangyari po’y ganito—ang pagbabalita na ni Artemyo—Nang̃ako rito, o kay kapitang Andoy, si Beteng ng̃ komparsa. Ang komparsa pong yaon ay pinang̃ang̃asiwaan ng̃ isang nagng̃ang̃alang Tomas. Si Beteng, upang matiyak na sisipot dito ang komparsa, ay nagbigay pa ng̃ salapi. Si Simon po naman ang nagdala, sapagka’t ito ang kasama ng̃ Tomas sa hanapbuhay. Nagkasundo di umano sila, at tinanggap daw po ang pinakaupa. Ng̃uni’t kanina raw po ayantay ng̃ antay si Simon ay walang sumisipot. Hinanap daw po si Tomas at nakita sa bilyar. Inusisa raw po nito kung bakit di tumupad sa salitaan. Sapagka’t si Tomas daw po ay napagtatalo ay di raw hinarap si Simon. Sa gayon ay sumubo na ang poot ng̃ sumundo. Isang kung sino naman ang bumulong daw kay Simon na “talagang hindi sila sasama sa inyo sapagka’t salitaang ibibitin kayo.” Lalong nagdilim daw po ang isip ni Simon. Nagbunot na raw po ng̃ kortapluma at nilabnot ang damit sa dibdib ni Tomas. “¿Sasama ka o hindi?” ang makapangyarihan daw na tanong. “¡Huwag ka ng̃ang buwisit!” ang tugon daw naman ni Tomás, “¡Hayan ang salapi mo!” at inihagis daw po ang pabuya. Sapat na yaon upang si Simon ay gumamit ng̃ patalim. Tinarakan na raw po sa tapat ng̃ puso si Tomas....—Hesus!—ang pahiyaw ni kapitana Martina.—Di namatay?—ang saad naman ni Loleng.—Mangyari pa po! ¿Di ba ninyo narinig ang hagibis ng̃ ambulansiya?—ang tanong pa ni Artemyo.—Narinig nga namin at siya tuloy nagtaboy ng̃ maraming panauhin—ang saad ng̃ kapitana.—Bakit sinabi ni mang Simon kay Beteng na narito ang umaagaw ng̃ kanyáng dang̃al?—ang usisa pa ni Loleng.—Ipinalagay po marahil nila na si Pastor o ako ang nagsulsol kay Tomas, na huwag sumipot.—Patawarin ng̃ Diyos!—ang saad ni kapitana Martina, at hinarap si Dolores—ipaghanda mo sila ng̃ mirindal.—Huwag na po. Marami pong salamat—ang maagap na pagayaw ni Artemyo.—Hindi manyayari; kakain at kakain kayo—ang pasya ng̃ kapitana.Si Dolores nama’y yumaon na upang ipaghanda ang irog. Ilang sandali lamang ay magiliw na nagsabing:—Tayo na.—Huwag na po—ang pasalamat ng̃ binata.—Hala na—ang yaya naman ng̃ kapitana.Sa kapipilit ay tumayo rin si Artemyo. Silang tatlo ay nagharap sa lamesa. Sumungkit si Dolores ng̃ mantikilya at ipinahid sa tinapay ng̃ binata. Nilagyan naman ng̃ kapitana Martina ng̃ keso angpinggan nito. Ng̃uni’t noong isusubo na lamang ni Artemyo ang biskuwit na isinahok sa mainit na sikulate ay nabigla sila sa tawag na:—Kapitana! ¡Kapitana! ¡Dolores! ¡Dolores! ¡Madali kayo at mamamatay na ang kapitan!...Madaling gumibik ang tatlo. Unahang pumasok sa silid ng̃ kapitan. Isang higit na lamang ng̃ balikat ang kanilang namalas, at:—Patay na!—ang saad ng̃ doktor.Malakas na hagulhol ng̃ magali ang nagbalita sa boong kabahayan, ng̃ masaklap na pagyaon ni kapitang Andoy. Dumagsa sa silid ang tao mula sa labas. Madlang kapitbahay ay nagsidalo rin.Samantalang nagsisitang̃is halos ang lahat, si Artemyo ay pagal na pagal namang inaaliw ang kanyang pinopoon. Sa pagkahandusay sa isang upuan ni Loleng, ay boong giliw niyang pinapaypayan. Pinipisilpisil ang mg̃a daliri at hinahaplos ang mukha. Walang malay naman ang dinaklot ng̃ pighati.Isang sandali pa ang lumipas at tinanghal nang bangkay, ang kanikanina lamang ay tinawag na kapitang Andoy.Sa isáng silid ay nagkulóng na naglapat ng̃ pinto ang magali. Mula roon ay umaling̃awng̃aw ang malumbay na pagtang̃is nila sa dagok ng̃ palad.¡Kay saklap na naging kaarawan ni Loleng! ¡Nagsimula sa galak at natapos sa mapait na pagluha! ¡Sawing palad na pagkakataon!

VIIANG PAGKAKATAONG LALONG MASAKLAP

Hapon na noon ng̃ araw ni Loleng. Ang panauhin nila ay mg̃a katulong na lamang. Ang pagsasaya ay natapos sa di oras, dahil sa sigalot na nangyari.—Bah!—ang nasabi na lamang ni Artemyo nang siya’y dumating na lahat ay natatahimik. Ang durung̃awan man ng̃ bahay ay nakalapat. Isa mang tao ay wala siyang mamalas. Tunog ng̃ pinggan sa labas ang kanyang napupuna. Nagalang̃anin tuloy na magpatao po. Subali’t noong siya’y tatalikod na lamang ay nakarinig ng̃:—Mang Artemyo, tuloy kayo! ¿Ano po ba ang balita?Ang kapitana Martina pala ang tumawag kaya’t pumanhik ang binata.—Bakit ng̃ayon lamang kayo?—ang bati naman ni Loleng na buhat sa silid.—Bakit naman nagkatapos agad?—ang usisa ng̃ binata.—Nagkasakit sa nerbiyos si Andoy—ang salo ng̃ kapitana—Nariyan sa silid na binabantayan ni doktor Borlong̃an. Malubhang totoo.—Diyata!—ang taka ni Artemyo.—Nasindak kay mang Simon—ang patunay ni Dolores—Bakit talagang may sakit sa puso.—Ang nangyari po’y ganito—ang pagbabalita na ni Artemyo—Nang̃ako rito, o kay kapitang Andoy, si Beteng ng̃ komparsa. Ang komparsa pong yaon ay pinang̃ang̃asiwaan ng̃ isang nagng̃ang̃alang Tomas. Si Beteng, upang matiyak na sisipot dito ang komparsa, ay nagbigay pa ng̃ salapi. Si Simon po naman ang nagdala, sapagka’t ito ang kasama ng̃ Tomas sa hanapbuhay. Nagkasundo di umano sila, at tinanggap daw po ang pinakaupa. Ng̃uni’t kanina raw po ayantay ng̃ antay si Simon ay walang sumisipot. Hinanap daw po si Tomas at nakita sa bilyar. Inusisa raw po nito kung bakit di tumupad sa salitaan. Sapagka’t si Tomas daw po ay napagtatalo ay di raw hinarap si Simon. Sa gayon ay sumubo na ang poot ng̃ sumundo. Isang kung sino naman ang bumulong daw kay Simon na “talagang hindi sila sasama sa inyo sapagka’t salitaang ibibitin kayo.” Lalong nagdilim daw po ang isip ni Simon. Nagbunot na raw po ng̃ kortapluma at nilabnot ang damit sa dibdib ni Tomas. “¿Sasama ka o hindi?” ang makapangyarihan daw na tanong. “¡Huwag ka ng̃ang buwisit!” ang tugon daw naman ni Tomás, “¡Hayan ang salapi mo!” at inihagis daw po ang pabuya. Sapat na yaon upang si Simon ay gumamit ng̃ patalim. Tinarakan na raw po sa tapat ng̃ puso si Tomas....—Hesus!—ang pahiyaw ni kapitana Martina.—Di namatay?—ang saad naman ni Loleng.—Mangyari pa po! ¿Di ba ninyo narinig ang hagibis ng̃ ambulansiya?—ang tanong pa ni Artemyo.—Narinig nga namin at siya tuloy nagtaboy ng̃ maraming panauhin—ang saad ng̃ kapitana.—Bakit sinabi ni mang Simon kay Beteng na narito ang umaagaw ng̃ kanyáng dang̃al?—ang usisa pa ni Loleng.—Ipinalagay po marahil nila na si Pastor o ako ang nagsulsol kay Tomas, na huwag sumipot.—Patawarin ng̃ Diyos!—ang saad ni kapitana Martina, at hinarap si Dolores—ipaghanda mo sila ng̃ mirindal.—Huwag na po. Marami pong salamat—ang maagap na pagayaw ni Artemyo.—Hindi manyayari; kakain at kakain kayo—ang pasya ng̃ kapitana.Si Dolores nama’y yumaon na upang ipaghanda ang irog. Ilang sandali lamang ay magiliw na nagsabing:—Tayo na.—Huwag na po—ang pasalamat ng̃ binata.—Hala na—ang yaya naman ng̃ kapitana.Sa kapipilit ay tumayo rin si Artemyo. Silang tatlo ay nagharap sa lamesa. Sumungkit si Dolores ng̃ mantikilya at ipinahid sa tinapay ng̃ binata. Nilagyan naman ng̃ kapitana Martina ng̃ keso angpinggan nito. Ng̃uni’t noong isusubo na lamang ni Artemyo ang biskuwit na isinahok sa mainit na sikulate ay nabigla sila sa tawag na:—Kapitana! ¡Kapitana! ¡Dolores! ¡Dolores! ¡Madali kayo at mamamatay na ang kapitan!...Madaling gumibik ang tatlo. Unahang pumasok sa silid ng̃ kapitan. Isang higit na lamang ng̃ balikat ang kanilang namalas, at:—Patay na!—ang saad ng̃ doktor.Malakas na hagulhol ng̃ magali ang nagbalita sa boong kabahayan, ng̃ masaklap na pagyaon ni kapitang Andoy. Dumagsa sa silid ang tao mula sa labas. Madlang kapitbahay ay nagsidalo rin.Samantalang nagsisitang̃is halos ang lahat, si Artemyo ay pagal na pagal namang inaaliw ang kanyang pinopoon. Sa pagkahandusay sa isang upuan ni Loleng, ay boong giliw niyang pinapaypayan. Pinipisilpisil ang mg̃a daliri at hinahaplos ang mukha. Walang malay naman ang dinaklot ng̃ pighati.Isang sandali pa ang lumipas at tinanghal nang bangkay, ang kanikanina lamang ay tinawag na kapitang Andoy.Sa isáng silid ay nagkulóng na naglapat ng̃ pinto ang magali. Mula roon ay umaling̃awng̃aw ang malumbay na pagtang̃is nila sa dagok ng̃ palad.¡Kay saklap na naging kaarawan ni Loleng! ¡Nagsimula sa galak at natapos sa mapait na pagluha! ¡Sawing palad na pagkakataon!

Hapon na noon ng̃ araw ni Loleng. Ang panauhin nila ay mg̃a katulong na lamang. Ang pagsasaya ay natapos sa di oras, dahil sa sigalot na nangyari.

—Bah!—ang nasabi na lamang ni Artemyo nang siya’y dumating na lahat ay natatahimik. Ang durung̃awan man ng̃ bahay ay nakalapat. Isa mang tao ay wala siyang mamalas. Tunog ng̃ pinggan sa labas ang kanyang napupuna. Nagalang̃anin tuloy na magpatao po. Subali’t noong siya’y tatalikod na lamang ay nakarinig ng̃:

—Mang Artemyo, tuloy kayo! ¿Ano po ba ang balita?

Ang kapitana Martina pala ang tumawag kaya’t pumanhik ang binata.

—Bakit ng̃ayon lamang kayo?—ang bati naman ni Loleng na buhat sa silid.

—Bakit naman nagkatapos agad?—ang usisa ng̃ binata.

—Nagkasakit sa nerbiyos si Andoy—ang salo ng̃ kapitana—Nariyan sa silid na binabantayan ni doktor Borlong̃an. Malubhang totoo.

—Diyata!—ang taka ni Artemyo.

—Nasindak kay mang Simon—ang patunay ni Dolores—Bakit talagang may sakit sa puso.

—Ang nangyari po’y ganito—ang pagbabalita na ni Artemyo—Nang̃ako rito, o kay kapitang Andoy, si Beteng ng̃ komparsa. Ang komparsa pong yaon ay pinang̃ang̃asiwaan ng̃ isang nagng̃ang̃alang Tomas. Si Beteng, upang matiyak na sisipot dito ang komparsa, ay nagbigay pa ng̃ salapi. Si Simon po naman ang nagdala, sapagka’t ito ang kasama ng̃ Tomas sa hanapbuhay. Nagkasundo di umano sila, at tinanggap daw po ang pinakaupa. Ng̃uni’t kanina raw po ayantay ng̃ antay si Simon ay walang sumisipot. Hinanap daw po si Tomas at nakita sa bilyar. Inusisa raw po nito kung bakit di tumupad sa salitaan. Sapagka’t si Tomas daw po ay napagtatalo ay di raw hinarap si Simon. Sa gayon ay sumubo na ang poot ng̃ sumundo. Isang kung sino naman ang bumulong daw kay Simon na “talagang hindi sila sasama sa inyo sapagka’t salitaang ibibitin kayo.” Lalong nagdilim daw po ang isip ni Simon. Nagbunot na raw po ng̃ kortapluma at nilabnot ang damit sa dibdib ni Tomas. “¿Sasama ka o hindi?” ang makapangyarihan daw na tanong. “¡Huwag ka ng̃ang buwisit!” ang tugon daw naman ni Tomás, “¡Hayan ang salapi mo!” at inihagis daw po ang pabuya. Sapat na yaon upang si Simon ay gumamit ng̃ patalim. Tinarakan na raw po sa tapat ng̃ puso si Tomas....

—Hesus!—ang pahiyaw ni kapitana Martina.

—Di namatay?—ang saad naman ni Loleng.

—Mangyari pa po! ¿Di ba ninyo narinig ang hagibis ng̃ ambulansiya?—ang tanong pa ni Artemyo.

—Narinig nga namin at siya tuloy nagtaboy ng̃ maraming panauhin—ang saad ng̃ kapitana.

—Bakit sinabi ni mang Simon kay Beteng na narito ang umaagaw ng̃ kanyáng dang̃al?—ang usisa pa ni Loleng.

—Ipinalagay po marahil nila na si Pastor o ako ang nagsulsol kay Tomas, na huwag sumipot.

—Patawarin ng̃ Diyos!—ang saad ni kapitana Martina, at hinarap si Dolores—ipaghanda mo sila ng̃ mirindal.

—Huwag na po. Marami pong salamat—ang maagap na pagayaw ni Artemyo.

—Hindi manyayari; kakain at kakain kayo—ang pasya ng̃ kapitana.

Si Dolores nama’y yumaon na upang ipaghanda ang irog. Ilang sandali lamang ay magiliw na nagsabing:

—Tayo na.

—Huwag na po—ang pasalamat ng̃ binata.

—Hala na—ang yaya naman ng̃ kapitana.

Sa kapipilit ay tumayo rin si Artemyo. Silang tatlo ay nagharap sa lamesa. Sumungkit si Dolores ng̃ mantikilya at ipinahid sa tinapay ng̃ binata. Nilagyan naman ng̃ kapitana Martina ng̃ keso angpinggan nito. Ng̃uni’t noong isusubo na lamang ni Artemyo ang biskuwit na isinahok sa mainit na sikulate ay nabigla sila sa tawag na:

—Kapitana! ¡Kapitana! ¡Dolores! ¡Dolores! ¡Madali kayo at mamamatay na ang kapitan!...

Madaling gumibik ang tatlo. Unahang pumasok sa silid ng̃ kapitan. Isang higit na lamang ng̃ balikat ang kanilang namalas, at:

—Patay na!—ang saad ng̃ doktor.

Malakas na hagulhol ng̃ magali ang nagbalita sa boong kabahayan, ng̃ masaklap na pagyaon ni kapitang Andoy. Dumagsa sa silid ang tao mula sa labas. Madlang kapitbahay ay nagsidalo rin.

Samantalang nagsisitang̃is halos ang lahat, si Artemyo ay pagal na pagal namang inaaliw ang kanyang pinopoon. Sa pagkahandusay sa isang upuan ni Loleng, ay boong giliw niyang pinapaypayan. Pinipisilpisil ang mg̃a daliri at hinahaplos ang mukha. Walang malay naman ang dinaklot ng̃ pighati.

Isang sandali pa ang lumipas at tinanghal nang bangkay, ang kanikanina lamang ay tinawag na kapitang Andoy.

Sa isáng silid ay nagkulóng na naglapat ng̃ pinto ang magali. Mula roon ay umaling̃awng̃aw ang malumbay na pagtang̃is nila sa dagok ng̃ palad.

¡Kay saklap na naging kaarawan ni Loleng! ¡Nagsimula sa galak at natapos sa mapait na pagluha! ¡Sawing palad na pagkakataon!

Back to IndexNext