VIII

VIIIMGA NALUGMOK SA LIWANAG NG BUWANGabing maligaya. Ang buwan noon ay parang nabibitin sa lang̃it. Nagpapalalo ng̃ kanyang yaman. Sa daan Sagat naman noon, ay magulong maguló ang mg̃a bata. May tubigan, may taguan, at kung ano-ano pang laro ang ginaganap. Nakikipaglamay sila sa liwanag na kaayaaya. Noon ang ika pitong gabi ng̃ dasal na patungkol kay kapitang Andoy. Kaya’t kung sino-sinong manang at manong ang nagsisidatal. At lalong marami ang dalaga at binatang mg̃a kaibigan ni Dolores.Ang masamyong halimuyak ng̃ mg̃adama-de-notse, sa halamanan ni Loleng,ay sumusuob noon, at bumabati sa mg̃a alindog na panauhing patung̃o sa dasal. Ang mg̃a panggabing paroparo, o mga pusong palaboy ng̃ pagibig, ay naglisaw naman sa daan at inaabang̃an ang kanikanilang bulaklak. ¡Sayang ng̃a naman ang pagkakataon!Mula naman sa lang̃it ay nagkislapkislap ang mg̃a hiyas ng̃ kalawakan. Mg̃a bituing waring nagsasaad nasinusubukan namin kayo. Hang̃in lamang marahil ang nakababatid ng̃ kanilang isinasaloob.Mana’y tatlong lalaki ang sa daang Erran ay waring nagaaliw na naglalakad. Sila ay si Artemyo, si Pastor at si Labadre. Makikipagdasal ding gaya ng̃ mg̃a sinundang gabi.—Hiyanghiya siya noon—ang saad ni Labadre—wala pa kayo ay talagang iniinis ko na.—Bakit naman?—ang salo ni Artemyo—baka tuloy isinaloob na tayo ay magkakasapakat.—Maano yaon?—ang sabad ni Pastor.—Hindi—ang matwid ni Labadre—Batid naman ng̃ lahat na tayo ay di pa magkakakilala noon.—Kung sakali man ay sa pang̃alan lamang—ang lagot ni Pastor.Lumiko sila sa daang San Tiyago.—Magtapatan ng̃a tayo—ang hamon ni Labadre—¿ano ang ikinagalit ninyo kay Beteng?—Galit kay Beteng!—ang pagtataka ni Artemyo—Ni sa guniguni ay wala akong galit sa kanya. Pilitin ko man yata ang mapoot ay di mangyayari.—Sus!—ang di paniniwala ni Labadre.—Talagang totoo kaibigan.—Ako ang magtatapat—ang agaw ni Pastor—¿Bakit ba ako magbubulaan?—Hala ng̃a—ang sambot ni Labadre.—Ang masama ay dapat bungkalin—ang patuloy ni Pastor—Ang magtakip sa isang kasamaan ay ginagawa lamang ng̃ mg̃a taksil.—Siyang totoo—ang ayon ni Labadre.—Sapagka’t kami ay hindi taksil ay sasabihin ko ang katotohanan—ang dugtong pa ni Pastor—makasama o makabuti man sa amin.—Iyan ang lalaki!—ang pagpuri ni Labadre.—Hatulan mo:—ang simula na ni Pastor.—Si Beteng ay dinaig nito sa pang̃ing̃ibigkay Loleng. Dahil doon ay sarisaring paninirá ang kanilang inasal. At pati ako ay binantang sapakatin. Ng̃uni’t di pumayag ang puso ko. Nabigo ang kanilang amuki. Sila ni Simón ang nagkasundong mabuti. Ako naman, palibhasa’y di maamin ng̃ aking sarili ang pagagaw ng̃ dang̃al nito, ay siya ko namang inagapayanan. Hanggang sa loob ng̃ Samahang «Kumilos Tayo» ay nagpanagupa kaming mabuti. ¿Doon ba naman ay sukat alisan ng̃ tungkol at itiwalag ito?...—Hindi lamang yaon—ang putol ni Artemyo—inilathala pa sa mg̃a pahayagan na ako raw ay magdaraya, magnanakaw, at....—Si Beteng ba o si Simón ang naglathala?—ang tanong ni Labadre.—Si Beteng; nakalagda pa eh—ang patuloy ni Pastor—Ang nasapit ay nabagsak ang Samahan. Paano’y maraming nagsitiwalag at dinamdam ang nangyari. ¿Biro ba ninyong kahihiyan, yaon?—Siya ng̃a—ang ayon ni Labadre.—Mula na noon—ang dugtong ni Pastor—ay inabatan ko na siya. Inabatanko, ako lamang, sapagka’t ito ay ayaw makipatol.—Bakit makikipatol ay napapabuti na siya?—ang biro ni Labadre.—Hindi naman—ang ng̃iti ni Artemyo.—Nang mabalitaan ko ang araw ni Loleng—ang giit din ni Pastor—ay nilakad ko ang komparsa niyang inanyayahan upang huwag sumipot. Sa mabuting salita ay di lamang pumayag na sila ay di sisipot, kung hindi nang̃ako pang sa amin sasama. Datapwa’t inakala kong pang̃it ang gayon. Kaya pinaurong ko ang kanilang pagparoon, at humanap na ako ng̃ orkesta....—Ah! ¡Labis ang pagkaganti ninyo!—ang hatol ni Labadre—¡Malakas na sampal ang inyong ginawa! ¡Ng̃uni’t ... patas na kayo!—Nakalalamang pa kami—ang habol ni Pastor.—Mangyari pa!sainyo tumining ang pagpuri ng̃ lahat—ang ayon ni Labadre.Noon ay na sa tapat na sila ng̃ tahanan ni Beteng. Madilim ang bahay at wala ni kalatis mang marinig. Tahimik namang lumagpas ang tatlo. At lumiko sila sa daang Sagat.—Kumusta naman kayo ni Loleng?—ang usisa na naman ni Labadre—Banta ko’y nakasapit na kayo sa lupang pang̃ako....—Malayong malayo—ang tugon ni Artemyo.—Ang turo ko sa kanya—ang dugtong ni Pastor—ay pagkaraan ng̃ dasal sa nasirang kapitan ay umaklás na sila....—Bakit pa aaklas?—ang tanong ni Labadre—Magpamanhikan na lamang at ako....Hindi natapos ang pananalita ni Labadre, at sunodsunod na, bumulagta ang tatlong magkakasama. Isang lalaki ang nanampalasan. Saksak dito, tarak doon ang ginawa. Nang̃akatimbuwang na’y di pa tinirahan ng̃ búhay. Sa isang sandali, ito ay naganap. Bago napakilala yaong mamamatay:—Ako’y si Beteng! ¡Si Silbestre Santos! ¡Ang lalaking isinubo ninyo sa kahihiyan! ¡Wala akong ginawa kun di maning̃il! ¡Ako na rin ang hahanap ng̃ katarung̃an!...Inihagis ang hawak na balaraw. Yumaon ang lalaking naghiganti. Nilisan sa liwanag ng̃ buwan ang tatlong bangkay.Ang ulo ni Artemyo ay napatong sa dibdib ni Labadre. Si Pastor naman ay nakabulagtá sa may dalawang dipang layo. Ang dugo ng̃ mg̃a sawi ay parang idinilig sa pook ng̃ sakuna.—Tatlong bangkay!—Inutás si Artemyo!—Sino ang pumatay!—Pinatay si Labadre!—Hinarang!—Tinapos si Pastor!Ganyang mg̃a aling̃awng̃aw ang sa ilang saglit lamang ay gumuló na sa bayan ng̃ Pako. Ang tao sa mg̃a sine, ay unahan ng̃ paglabas. Maging mg̃a pulis ay gulonggulong. ¿Ang dasal pa kaya kina kapitana Martina ang hindi naligalig? Naligalig din. Naligalig ng̃ gayon na lamang. Takbuhan sila sa pagpanaog.—Ay!—ang buntong hining̃a ni Loleng, nang mamalas niya ang bangkay ng̃ kanyang giliw at nagunahan nang pumulas ang luha....Ang kahihiyan ay sinupil ng̃ pagibig. At ang lakas nito ay namayani na naman noon. Niyakap ni Dolores ang bangkay ni Artemyo. Inihiga sa kanyangkandung̃an. Luha naman ang itinulong ni kapitana Martina. At lahat ay nagtaglay ng̃ habag sa busabos ng̃ pagibig; kay Loleng na nagtanghal ng̃ di karaniwan sa mata ng̃ madla. Mabilís na umaagos ang kanyáng luha, na nagbabansag ng̃ matayog na kadakilaan ng̃ kanyang puso, at magtatanghal ng̃ taimtim na pagdaramdam ng̃ kanyáng kalulwa.

VIIIMGA NALUGMOK SA LIWANAG NG BUWAN

Gabing maligaya. Ang buwan noon ay parang nabibitin sa lang̃it. Nagpapalalo ng̃ kanyang yaman. Sa daan Sagat naman noon, ay magulong maguló ang mg̃a bata. May tubigan, may taguan, at kung ano-ano pang laro ang ginaganap. Nakikipaglamay sila sa liwanag na kaayaaya. Noon ang ika pitong gabi ng̃ dasal na patungkol kay kapitang Andoy. Kaya’t kung sino-sinong manang at manong ang nagsisidatal. At lalong marami ang dalaga at binatang mg̃a kaibigan ni Dolores.Ang masamyong halimuyak ng̃ mg̃adama-de-notse, sa halamanan ni Loleng,ay sumusuob noon, at bumabati sa mg̃a alindog na panauhing patung̃o sa dasal. Ang mg̃a panggabing paroparo, o mga pusong palaboy ng̃ pagibig, ay naglisaw naman sa daan at inaabang̃an ang kanikanilang bulaklak. ¡Sayang ng̃a naman ang pagkakataon!Mula naman sa lang̃it ay nagkislapkislap ang mg̃a hiyas ng̃ kalawakan. Mg̃a bituing waring nagsasaad nasinusubukan namin kayo. Hang̃in lamang marahil ang nakababatid ng̃ kanilang isinasaloob.Mana’y tatlong lalaki ang sa daang Erran ay waring nagaaliw na naglalakad. Sila ay si Artemyo, si Pastor at si Labadre. Makikipagdasal ding gaya ng̃ mg̃a sinundang gabi.—Hiyanghiya siya noon—ang saad ni Labadre—wala pa kayo ay talagang iniinis ko na.—Bakit naman?—ang salo ni Artemyo—baka tuloy isinaloob na tayo ay magkakasapakat.—Maano yaon?—ang sabad ni Pastor.—Hindi—ang matwid ni Labadre—Batid naman ng̃ lahat na tayo ay di pa magkakakilala noon.—Kung sakali man ay sa pang̃alan lamang—ang lagot ni Pastor.Lumiko sila sa daang San Tiyago.—Magtapatan ng̃a tayo—ang hamon ni Labadre—¿ano ang ikinagalit ninyo kay Beteng?—Galit kay Beteng!—ang pagtataka ni Artemyo—Ni sa guniguni ay wala akong galit sa kanya. Pilitin ko man yata ang mapoot ay di mangyayari.—Sus!—ang di paniniwala ni Labadre.—Talagang totoo kaibigan.—Ako ang magtatapat—ang agaw ni Pastor—¿Bakit ba ako magbubulaan?—Hala ng̃a—ang sambot ni Labadre.—Ang masama ay dapat bungkalin—ang patuloy ni Pastor—Ang magtakip sa isang kasamaan ay ginagawa lamang ng̃ mg̃a taksil.—Siyang totoo—ang ayon ni Labadre.—Sapagka’t kami ay hindi taksil ay sasabihin ko ang katotohanan—ang dugtong pa ni Pastor—makasama o makabuti man sa amin.—Iyan ang lalaki!—ang pagpuri ni Labadre.—Hatulan mo:—ang simula na ni Pastor.—Si Beteng ay dinaig nito sa pang̃ing̃ibigkay Loleng. Dahil doon ay sarisaring paninirá ang kanilang inasal. At pati ako ay binantang sapakatin. Ng̃uni’t di pumayag ang puso ko. Nabigo ang kanilang amuki. Sila ni Simón ang nagkasundong mabuti. Ako naman, palibhasa’y di maamin ng̃ aking sarili ang pagagaw ng̃ dang̃al nito, ay siya ko namang inagapayanan. Hanggang sa loob ng̃ Samahang «Kumilos Tayo» ay nagpanagupa kaming mabuti. ¿Doon ba naman ay sukat alisan ng̃ tungkol at itiwalag ito?...—Hindi lamang yaon—ang putol ni Artemyo—inilathala pa sa mg̃a pahayagan na ako raw ay magdaraya, magnanakaw, at....—Si Beteng ba o si Simón ang naglathala?—ang tanong ni Labadre.—Si Beteng; nakalagda pa eh—ang patuloy ni Pastor—Ang nasapit ay nabagsak ang Samahan. Paano’y maraming nagsitiwalag at dinamdam ang nangyari. ¿Biro ba ninyong kahihiyan, yaon?—Siya ng̃a—ang ayon ni Labadre.—Mula na noon—ang dugtong ni Pastor—ay inabatan ko na siya. Inabatanko, ako lamang, sapagka’t ito ay ayaw makipatol.—Bakit makikipatol ay napapabuti na siya?—ang biro ni Labadre.—Hindi naman—ang ng̃iti ni Artemyo.—Nang mabalitaan ko ang araw ni Loleng—ang giit din ni Pastor—ay nilakad ko ang komparsa niyang inanyayahan upang huwag sumipot. Sa mabuting salita ay di lamang pumayag na sila ay di sisipot, kung hindi nang̃ako pang sa amin sasama. Datapwa’t inakala kong pang̃it ang gayon. Kaya pinaurong ko ang kanilang pagparoon, at humanap na ako ng̃ orkesta....—Ah! ¡Labis ang pagkaganti ninyo!—ang hatol ni Labadre—¡Malakas na sampal ang inyong ginawa! ¡Ng̃uni’t ... patas na kayo!—Nakalalamang pa kami—ang habol ni Pastor.—Mangyari pa!sainyo tumining ang pagpuri ng̃ lahat—ang ayon ni Labadre.Noon ay na sa tapat na sila ng̃ tahanan ni Beteng. Madilim ang bahay at wala ni kalatis mang marinig. Tahimik namang lumagpas ang tatlo. At lumiko sila sa daang Sagat.—Kumusta naman kayo ni Loleng?—ang usisa na naman ni Labadre—Banta ko’y nakasapit na kayo sa lupang pang̃ako....—Malayong malayo—ang tugon ni Artemyo.—Ang turo ko sa kanya—ang dugtong ni Pastor—ay pagkaraan ng̃ dasal sa nasirang kapitan ay umaklás na sila....—Bakit pa aaklas?—ang tanong ni Labadre—Magpamanhikan na lamang at ako....Hindi natapos ang pananalita ni Labadre, at sunodsunod na, bumulagta ang tatlong magkakasama. Isang lalaki ang nanampalasan. Saksak dito, tarak doon ang ginawa. Nang̃akatimbuwang na’y di pa tinirahan ng̃ búhay. Sa isang sandali, ito ay naganap. Bago napakilala yaong mamamatay:—Ako’y si Beteng! ¡Si Silbestre Santos! ¡Ang lalaking isinubo ninyo sa kahihiyan! ¡Wala akong ginawa kun di maning̃il! ¡Ako na rin ang hahanap ng̃ katarung̃an!...Inihagis ang hawak na balaraw. Yumaon ang lalaking naghiganti. Nilisan sa liwanag ng̃ buwan ang tatlong bangkay.Ang ulo ni Artemyo ay napatong sa dibdib ni Labadre. Si Pastor naman ay nakabulagtá sa may dalawang dipang layo. Ang dugo ng̃ mg̃a sawi ay parang idinilig sa pook ng̃ sakuna.—Tatlong bangkay!—Inutás si Artemyo!—Sino ang pumatay!—Pinatay si Labadre!—Hinarang!—Tinapos si Pastor!Ganyang mg̃a aling̃awng̃aw ang sa ilang saglit lamang ay gumuló na sa bayan ng̃ Pako. Ang tao sa mg̃a sine, ay unahan ng̃ paglabas. Maging mg̃a pulis ay gulonggulong. ¿Ang dasal pa kaya kina kapitana Martina ang hindi naligalig? Naligalig din. Naligalig ng̃ gayon na lamang. Takbuhan sila sa pagpanaog.—Ay!—ang buntong hining̃a ni Loleng, nang mamalas niya ang bangkay ng̃ kanyang giliw at nagunahan nang pumulas ang luha....Ang kahihiyan ay sinupil ng̃ pagibig. At ang lakas nito ay namayani na naman noon. Niyakap ni Dolores ang bangkay ni Artemyo. Inihiga sa kanyangkandung̃an. Luha naman ang itinulong ni kapitana Martina. At lahat ay nagtaglay ng̃ habag sa busabos ng̃ pagibig; kay Loleng na nagtanghal ng̃ di karaniwan sa mata ng̃ madla. Mabilís na umaagos ang kanyáng luha, na nagbabansag ng̃ matayog na kadakilaan ng̃ kanyang puso, at magtatanghal ng̃ taimtim na pagdaramdam ng̃ kanyáng kalulwa.

Gabing maligaya. Ang buwan noon ay parang nabibitin sa lang̃it. Nagpapalalo ng̃ kanyang yaman. Sa daan Sagat naman noon, ay magulong maguló ang mg̃a bata. May tubigan, may taguan, at kung ano-ano pang laro ang ginaganap. Nakikipaglamay sila sa liwanag na kaayaaya. Noon ang ika pitong gabi ng̃ dasal na patungkol kay kapitang Andoy. Kaya’t kung sino-sinong manang at manong ang nagsisidatal. At lalong marami ang dalaga at binatang mg̃a kaibigan ni Dolores.

Ang masamyong halimuyak ng̃ mg̃adama-de-notse, sa halamanan ni Loleng,ay sumusuob noon, at bumabati sa mg̃a alindog na panauhing patung̃o sa dasal. Ang mg̃a panggabing paroparo, o mga pusong palaboy ng̃ pagibig, ay naglisaw naman sa daan at inaabang̃an ang kanikanilang bulaklak. ¡Sayang ng̃a naman ang pagkakataon!

Mula naman sa lang̃it ay nagkislapkislap ang mg̃a hiyas ng̃ kalawakan. Mg̃a bituing waring nagsasaad nasinusubukan namin kayo. Hang̃in lamang marahil ang nakababatid ng̃ kanilang isinasaloob.

Mana’y tatlong lalaki ang sa daang Erran ay waring nagaaliw na naglalakad. Sila ay si Artemyo, si Pastor at si Labadre. Makikipagdasal ding gaya ng̃ mg̃a sinundang gabi.

—Hiyanghiya siya noon—ang saad ni Labadre—wala pa kayo ay talagang iniinis ko na.

—Bakit naman?—ang salo ni Artemyo—baka tuloy isinaloob na tayo ay magkakasapakat.

—Maano yaon?—ang sabad ni Pastor.

—Hindi—ang matwid ni Labadre—Batid naman ng̃ lahat na tayo ay di pa magkakakilala noon.

—Kung sakali man ay sa pang̃alan lamang—ang lagot ni Pastor.

Lumiko sila sa daang San Tiyago.

—Magtapatan ng̃a tayo—ang hamon ni Labadre—¿ano ang ikinagalit ninyo kay Beteng?

—Galit kay Beteng!—ang pagtataka ni Artemyo—Ni sa guniguni ay wala akong galit sa kanya. Pilitin ko man yata ang mapoot ay di mangyayari.

—Sus!—ang di paniniwala ni Labadre.

—Talagang totoo kaibigan.

—Ako ang magtatapat—ang agaw ni Pastor—¿Bakit ba ako magbubulaan?

—Hala ng̃a—ang sambot ni Labadre.

—Ang masama ay dapat bungkalin—ang patuloy ni Pastor—Ang magtakip sa isang kasamaan ay ginagawa lamang ng̃ mg̃a taksil.

—Siyang totoo—ang ayon ni Labadre.

—Sapagka’t kami ay hindi taksil ay sasabihin ko ang katotohanan—ang dugtong pa ni Pastor—makasama o makabuti man sa amin.

—Iyan ang lalaki!—ang pagpuri ni Labadre.

—Hatulan mo:—ang simula na ni Pastor.—Si Beteng ay dinaig nito sa pang̃ing̃ibigkay Loleng. Dahil doon ay sarisaring paninirá ang kanilang inasal. At pati ako ay binantang sapakatin. Ng̃uni’t di pumayag ang puso ko. Nabigo ang kanilang amuki. Sila ni Simón ang nagkasundong mabuti. Ako naman, palibhasa’y di maamin ng̃ aking sarili ang pagagaw ng̃ dang̃al nito, ay siya ko namang inagapayanan. Hanggang sa loob ng̃ Samahang «Kumilos Tayo» ay nagpanagupa kaming mabuti. ¿Doon ba naman ay sukat alisan ng̃ tungkol at itiwalag ito?...

—Hindi lamang yaon—ang putol ni Artemyo—inilathala pa sa mg̃a pahayagan na ako raw ay magdaraya, magnanakaw, at....

—Si Beteng ba o si Simón ang naglathala?—ang tanong ni Labadre.

—Si Beteng; nakalagda pa eh—ang patuloy ni Pastor—Ang nasapit ay nabagsak ang Samahan. Paano’y maraming nagsitiwalag at dinamdam ang nangyari. ¿Biro ba ninyong kahihiyan, yaon?

—Siya ng̃a—ang ayon ni Labadre.

—Mula na noon—ang dugtong ni Pastor—ay inabatan ko na siya. Inabatanko, ako lamang, sapagka’t ito ay ayaw makipatol.

—Bakit makikipatol ay napapabuti na siya?—ang biro ni Labadre.

—Hindi naman—ang ng̃iti ni Artemyo.

—Nang mabalitaan ko ang araw ni Loleng—ang giit din ni Pastor—ay nilakad ko ang komparsa niyang inanyayahan upang huwag sumipot. Sa mabuting salita ay di lamang pumayag na sila ay di sisipot, kung hindi nang̃ako pang sa amin sasama. Datapwa’t inakala kong pang̃it ang gayon. Kaya pinaurong ko ang kanilang pagparoon, at humanap na ako ng̃ orkesta....

—Ah! ¡Labis ang pagkaganti ninyo!—ang hatol ni Labadre—¡Malakas na sampal ang inyong ginawa! ¡Ng̃uni’t ... patas na kayo!

—Nakalalamang pa kami—ang habol ni Pastor.

—Mangyari pa!sainyo tumining ang pagpuri ng̃ lahat—ang ayon ni Labadre.

Noon ay na sa tapat na sila ng̃ tahanan ni Beteng. Madilim ang bahay at wala ni kalatis mang marinig. Tahimik namang lumagpas ang tatlo. At lumiko sila sa daang Sagat.

—Kumusta naman kayo ni Loleng?—ang usisa na naman ni Labadre—Banta ko’y nakasapit na kayo sa lupang pang̃ako....

—Malayong malayo—ang tugon ni Artemyo.

—Ang turo ko sa kanya—ang dugtong ni Pastor—ay pagkaraan ng̃ dasal sa nasirang kapitan ay umaklás na sila....

—Bakit pa aaklas?—ang tanong ni Labadre—Magpamanhikan na lamang at ako....

Hindi natapos ang pananalita ni Labadre, at sunodsunod na, bumulagta ang tatlong magkakasama. Isang lalaki ang nanampalasan. Saksak dito, tarak doon ang ginawa. Nang̃akatimbuwang na’y di pa tinirahan ng̃ búhay. Sa isang sandali, ito ay naganap. Bago napakilala yaong mamamatay:

—Ako’y si Beteng! ¡Si Silbestre Santos! ¡Ang lalaking isinubo ninyo sa kahihiyan! ¡Wala akong ginawa kun di maning̃il! ¡Ako na rin ang hahanap ng̃ katarung̃an!...

Inihagis ang hawak na balaraw. Yumaon ang lalaking naghiganti. Nilisan sa liwanag ng̃ buwan ang tatlong bangkay.Ang ulo ni Artemyo ay napatong sa dibdib ni Labadre. Si Pastor naman ay nakabulagtá sa may dalawang dipang layo. Ang dugo ng̃ mg̃a sawi ay parang idinilig sa pook ng̃ sakuna.

—Tatlong bangkay!

—Inutás si Artemyo!

—Sino ang pumatay!

—Pinatay si Labadre!

—Hinarang!

—Tinapos si Pastor!

Ganyang mg̃a aling̃awng̃aw ang sa ilang saglit lamang ay gumuló na sa bayan ng̃ Pako. Ang tao sa mg̃a sine, ay unahan ng̃ paglabas. Maging mg̃a pulis ay gulonggulong. ¿Ang dasal pa kaya kina kapitana Martina ang hindi naligalig? Naligalig din. Naligalig ng̃ gayon na lamang. Takbuhan sila sa pagpanaog.

—Ay!—ang buntong hining̃a ni Loleng, nang mamalas niya ang bangkay ng̃ kanyang giliw at nagunahan nang pumulas ang luha....

Ang kahihiyan ay sinupil ng̃ pagibig. At ang lakas nito ay namayani na naman noon. Niyakap ni Dolores ang bangkay ni Artemyo. Inihiga sa kanyangkandung̃an. Luha naman ang itinulong ni kapitana Martina. At lahat ay nagtaglay ng̃ habag sa busabos ng̃ pagibig; kay Loleng na nagtanghal ng̃ di karaniwan sa mata ng̃ madla. Mabilís na umaagos ang kanyáng luha, na nagbabansag ng̃ matayog na kadakilaan ng̃ kanyang puso, at magtatanghal ng̃ taimtim na pagdaramdam ng̃ kanyáng kalulwa.

Back to IndexNext