Dumating ng̃a siya sa lupà; datapoua,t, bigla siyang naghimatay, at nalaong oras na di siya nacaalam nang pagcatauo. Sa catapusa,y, pinagsaulan, nagbang̃on at nagting̃inting̃in.... Datapoua,t, ¡laquing saquit! ang daong, ang bangcà, ang caniyang mang̃a casamahan ay naualang lahat: ualang natitirang anoman cung di ilang mang̃a tablang pisang pisang na ipinapadpad nang alon sa tabi. At siya lamang ang hindi namatay.Nang̃ing̃inig siya, at nalilitó sa guitna nang caligayahan at catacutan, naniclohod siya; at itinaas ang mang̃a camay sa lang̃it, ay napasalamat nang malacas na tumutulò ang luhà sa Pang̃inoon nang lang̃it at lupà, at sa masintahing Vírgen dahil sa tang̃ing biyayang pagliligtas sa caniya.
Dumating ng̃a siya sa lupà; datapoua,t, bigla siyang naghimatay, at nalaong oras na di siya nacaalam nang pagcatauo. Sa catapusa,y, pinagsaulan, nagbang̃on at nagting̃inting̃in.... Datapoua,t, ¡laquing saquit! ang daong, ang bangcà, ang caniyang mang̃a casamahan ay naualang lahat: ualang natitirang anoman cung di ilang mang̃a tablang pisang pisang na ipinapadpad nang alon sa tabi. At siya lamang ang hindi namatay.
Nang̃ing̃inig siya, at nalilitó sa guitna nang caligayahan at catacutan, naniclohod siya; at itinaas ang mang̃a camay sa lang̃it, ay napasalamat nang malacas na tumutulò ang luhà sa Pang̃inoon nang lang̃it at lupà, at sa masintahing Vírgen dahil sa tang̃ing biyayang pagliligtas sa caniya.
Si Enrique. Datapouà nama,t, ¿baquit iniligtas ng̃ayon si Robinson lamang, at pinabayaang mamatay ang lahat?Ang ama. At sabihin mo sa aquin, Enrique, ¿maipahahayag mo sa aquing palagui ang cadahilanan na cung baquit caming mang̃a matatandâ na tunay na umiibig sa inyo ay guinagauâ namin sa inyo ang gayo,t, gayong bagay?Si Enrique. Hindi pò.Ang ama. Ilagay natin sa halimbauà. Niyong arao na ang panahon ay mabuti at ibig nating lahat na magalio sa halamanan nang mang̃a fresas, ¿ay ano ang aquing guinauà?Si Enrique. Hindi co nalilimutan: si Nicolás ay natira sa bahay; at aco,y, pinaparoon sa Vandesbec, at hindi halamanan nang mang̃a fresas.Ang ama.¿At baquit nagbang̃is aco cay Nicolás, na hindi co pinayagang sumama sa atin?Si Nicolás.Ah! natatalastas cong magaling, sa pagca,t, sinundò aco ni Roberto at dinala aco sa bahay nang aquing mang̃a pinsan, na matagal náng hindi co sila naquiquita.Ang ama.At ¿di caya lalò cang naalio roon sa cung icao ay sumama sa pagcaroon sa halamanan?Si Nicolás.Mangyari pô.Ang ama.Cung gayo,y, tingnan mo: natatalastas cong hahanapin ca ni Roberto; at caya ng̃a ipinagutos co na icao ay matira sa bahay. At icao, Enrique, ¿sino ang naquita mo sa Vandesbec?Si Enrique.Ang aquing ama at aquing ina na naroon.Ang ama.Ito naman ay naaalaman co, at tingnan mo at inutusan quita sa Vandesbec, at hindi sa halamanan nang mang̃a fresas. Hindi ninyo natatalastas ang mang̃a cadahilanan at aquing adhicà. Datapoua,t, itatanong ninyo sa aquin, ¿cung baquit hindi co sinabi sa inyo ang mang̃a cadahilanang ito?Si Enrique. Nang lalò caming maligaya, cung maquita namin ang aming mang̃a magulang at mang̃a pinsan na hindi namin inaasahan.Ang ama. Ito ng̃a ang catotohanan. At ng̃ayon, mang̃a anac co, ¿inaacalà baga ninyong di iibiguin nang Dios ang caniyang mang̃a anac, sa macatouid, ay ang lahat nang mang̃a tauo, na para nang pagibig man lamang namin sa inyo?Si Teodora. Tunay ng̃a pò, at lalong malaqui pa ang pagibig nang Dios sa pagibig ninyo.Ang ama. At ¿di mamacailang inulit-ulit co sa inyo, na natatalastas at naquiquilala nang Dios ang lahat na mahiguit sa atin, mang̃a hamac na capal, na sa ating mapurol na caisipan ay madalas na di natin naaalaman ang nauucol sa atin?Si Enrique. Pinaniniualaan co; sa pagca,t, ang Dios ay mayroong isang carunung̃ang ualang hangan, at natatalastas ang lahat nang mangyayari; datapoua,t, tayo,y, hindi.Ang ama. Cung sa bagay ay totoong iniibig nang Dios ang lahat nang mang̃a tauo, at baquit totoong marunong, na siya lamang ang nacaaalam nang tunay nanararapat sa atin, ¿baquit caya di niya gagau-in ang icagagaling natin?Si Teodora. Mangyayari pa na di siyang palagui niyang gagau-in.Ang ama. Datapoua,t, itatanong cong muli sa inyo: ¿sucat caya nating matalastas na palagui ang mang̃a cadahilanan na cung baquit guinagauà sa atin nang Dios ang gayo,t, gayong bagay?Si Enrique. Sa bagay na iya,y, quinacailang̃an na tayo,y, dumunong na para nang Dios.Ang ama. Cung gayon, Enrique, ¿ibig mo pa bagang ulitin ang itinanong mo sa aquin, na cung baquit iniligtas nang Dios si Robinson, at pinabayaang namatay ang iba?Si Enrique. Hindi pò; sa pagca,t, naquiquilala co náng yao,y, isang tauong hang̃al.Ang ama. Paniualaan ng̃a natin, na ualang pagsalang may cadahilanang inaadhicâ ang Dios sa pagpapahintulot na mamatay ang lahat nang mang̃a tauo, at ualang maligtas cundi si Robinson lamang. Mapaghahacahacà natin cung ano ang mang̃a cadahilanang yaon; datapoua,t, houag natin acalaing ating natumpacan ang paghulà. Mangyayari, sa halimbauà, na natatalastas nang Dios na ang mahabang buhay ay icapapacasamá niyong mang̃a tauong inibig niyang mang̃amatay; magdaralita nang malalaquing cahirapan, ó magugumon sa pagcacasala; at caya ng̃a inibig niyang sila,y, dalhin sa cabilang buhay, at ang canilang caloloua ay inilagay sa isang lugar, na pag nagcataon ay lalò pa silang mapapalad sa cung sila,y, mabuhay dito sa mundo. Tungcol cay Robinson, marahil caya ining̃atan ang caniyang buhay, ay nang ang mang̃a cahirapan ay maguing parang maestrong magturò sa caniya: sa pagca,t, ang Dios ay Amang catouidtouiran, ay guinagamit naman niya ang mang̃a cahirapan nang icapagbagong buhay nang mang̃a tauo, cung hindi macapucao sa canila ang cagaling̃an niyang ualang hangan.
Si Enrique. Datapouà nama,t, ¿baquit iniligtas ng̃ayon si Robinson lamang, at pinabayaang mamatay ang lahat?
Ang ama. At sabihin mo sa aquin, Enrique, ¿maipahahayag mo sa aquing palagui ang cadahilanan na cung baquit caming mang̃a matatandâ na tunay na umiibig sa inyo ay guinagauâ namin sa inyo ang gayo,t, gayong bagay?
Si Enrique. Hindi pò.
Ang ama. Ilagay natin sa halimbauà. Niyong arao na ang panahon ay mabuti at ibig nating lahat na magalio sa halamanan nang mang̃a fresas, ¿ay ano ang aquing guinauà?
Si Enrique. Hindi co nalilimutan: si Nicolás ay natira sa bahay; at aco,y, pinaparoon sa Vandesbec, at hindi halamanan nang mang̃a fresas.
Ang ama.¿At baquit nagbang̃is aco cay Nicolás, na hindi co pinayagang sumama sa atin?
Si Nicolás.Ah! natatalastas cong magaling, sa pagca,t, sinundò aco ni Roberto at dinala aco sa bahay nang aquing mang̃a pinsan, na matagal náng hindi co sila naquiquita.
Ang ama.At ¿di caya lalò cang naalio roon sa cung icao ay sumama sa pagcaroon sa halamanan?
Si Nicolás.Mangyari pô.
Ang ama.Cung gayo,y, tingnan mo: natatalastas cong hahanapin ca ni Roberto; at caya ng̃a ipinagutos co na icao ay matira sa bahay. At icao, Enrique, ¿sino ang naquita mo sa Vandesbec?
Si Enrique.Ang aquing ama at aquing ina na naroon.
Ang ama.Ito naman ay naaalaman co, at tingnan mo at inutusan quita sa Vandesbec, at hindi sa halamanan nang mang̃a fresas. Hindi ninyo natatalastas ang mang̃a cadahilanan at aquing adhicà. Datapoua,t, itatanong ninyo sa aquin, ¿cung baquit hindi co sinabi sa inyo ang mang̃a cadahilanang ito?
Si Enrique. Nang lalò caming maligaya, cung maquita namin ang aming mang̃a magulang at mang̃a pinsan na hindi namin inaasahan.
Ang ama. Ito ng̃a ang catotohanan. At ng̃ayon, mang̃a anac co, ¿inaacalà baga ninyong di iibiguin nang Dios ang caniyang mang̃a anac, sa macatouid, ay ang lahat nang mang̃a tauo, na para nang pagibig man lamang namin sa inyo?
Si Teodora. Tunay ng̃a pò, at lalong malaqui pa ang pagibig nang Dios sa pagibig ninyo.
Ang ama. At ¿di mamacailang inulit-ulit co sa inyo, na natatalastas at naquiquilala nang Dios ang lahat na mahiguit sa atin, mang̃a hamac na capal, na sa ating mapurol na caisipan ay madalas na di natin naaalaman ang nauucol sa atin?
Si Enrique. Pinaniniualaan co; sa pagca,t, ang Dios ay mayroong isang carunung̃ang ualang hangan, at natatalastas ang lahat nang mangyayari; datapoua,t, tayo,y, hindi.
Ang ama. Cung sa bagay ay totoong iniibig nang Dios ang lahat nang mang̃a tauo, at baquit totoong marunong, na siya lamang ang nacaaalam nang tunay nanararapat sa atin, ¿baquit caya di niya gagau-in ang icagagaling natin?
Si Teodora. Mangyayari pa na di siyang palagui niyang gagau-in.
Ang ama. Datapoua,t, itatanong cong muli sa inyo: ¿sucat caya nating matalastas na palagui ang mang̃a cadahilanan na cung baquit guinagauà sa atin nang Dios ang gayo,t, gayong bagay?
Si Enrique. Sa bagay na iya,y, quinacailang̃an na tayo,y, dumunong na para nang Dios.
Ang ama. Cung gayon, Enrique, ¿ibig mo pa bagang ulitin ang itinanong mo sa aquin, na cung baquit iniligtas nang Dios si Robinson, at pinabayaang namatay ang iba?
Si Enrique. Hindi pò; sa pagca,t, naquiquilala co náng yao,y, isang tauong hang̃al.
Ang ama. Paniualaan ng̃a natin, na ualang pagsalang may cadahilanang inaadhicâ ang Dios sa pagpapahintulot na mamatay ang lahat nang mang̃a tauo, at ualang maligtas cundi si Robinson lamang. Mapaghahacahacà natin cung ano ang mang̃a cadahilanang yaon; datapoua,t, houag natin acalaing ating natumpacan ang paghulà. Mangyayari, sa halimbauà, na natatalastas nang Dios na ang mahabang buhay ay icapapacasamá niyong mang̃a tauong inibig niyang mang̃amatay; magdaralita nang malalaquing cahirapan, ó magugumon sa pagcacasala; at caya ng̃a inibig niyang sila,y, dalhin sa cabilang buhay, at ang canilang caloloua ay inilagay sa isang lugar, na pag nagcataon ay lalò pa silang mapapalad sa cung sila,y, mabuhay dito sa mundo. Tungcol cay Robinson, marahil caya ining̃atan ang caniyang buhay, ay nang ang mang̃a cahirapan ay maguing parang maestrong magturò sa caniya: sa pagca,t, ang Dios ay Amang catouidtouiran, ay guinagamit naman niya ang mang̃a cahirapan nang icapagbagong buhay nang mang̃a tauo, cung hindi macapucao sa canila ang cagaling̃an niyang ualang hangan.
Houag ninyong calimutan ito, mang̃a anac cong iniibig: na sa inyong buhay ay mangyayaring dumating sa inyo ang mang̃a bagay na hindi ninyo naaalaman. Cung gayo,y, bucod na di dapat ninyong salicsiquin ang pinagcacadahilanan, ay sabihin ninyo sa inyong sarili: «natatalastas nang Dios ang lalong nararapat sa aquin; at titiisin cong maligaya ang pagsuboc na guinagauà niya sa aquing loob. Angmang̃a bagay na ito,y, ipinahahatid sa aquin nang lalò acong bumuti: pagpipilitan co ng̃ang aco,y, magcagayon, at tutulung̃an aco nang Dios sa pagpipilit na ito.»
Houag ninyong calimutan ito, mang̃a anac cong iniibig: na sa inyong buhay ay mangyayaring dumating sa inyo ang mang̃a bagay na hindi ninyo naaalaman. Cung gayo,y, bucod na di dapat ninyong salicsiquin ang pinagcacadahilanan, ay sabihin ninyo sa inyong sarili: «natatalastas nang Dios ang lalong nararapat sa aquin; at titiisin cong maligaya ang pagsuboc na guinagauà niya sa aquing loob. Angmang̃a bagay na ito,y, ipinahahatid sa aquin nang lalò acong bumuti: pagpipilitan co ng̃ang aco,y, magcagayon, at tutulung̃an aco nang Dios sa pagpipilit na ito.»
Si Enrique. ¿At ito baga ang isinasaloob ni Robinson sa caguipitang yaon?Ang ama. Oo: nang siya,y, macaalis na sa gayong daquilang capang̃aniban na icalalagot nang hining̃a, at nang maquita niyang ualà siyang casama sinoman, ay dito dinamdam sa caibuturan nang caniyang pusò ang casam-an nang caniyang caugalian; dito naniclohod at humihing̃ing patauad sa Macapangyarihan dahil sa caniyang mang̃a casucaban, at nagtiticang totoo nang magbabago nang buhay, at cailan ma,y, di na gagauang muli nang nalalaban sa caniyang conciencia.Si Nicolás. Datapoua,t, ¿pagcatapus ay anong guinauà?Ang ama. Nang macaraan na ang unang silacbo nang touà sa pagcalicas nang caniyang buhay, ay pinasimulan ang pagdidilidili sa cahabaghabag niyang calagayan. Pinagling̃apling̃ap ang titig, ay ualang maquitang ibang bagay cundi mang̃a caparang̃ang punô nang damó at mang̃a punong cahoy na ualang bung̃a, atualang mapaghalatang anoman na may tumahang tauo sa lupang yaon.
Si Enrique. ¿At ito baga ang isinasaloob ni Robinson sa caguipitang yaon?
Ang ama. Oo: nang siya,y, macaalis na sa gayong daquilang capang̃aniban na icalalagot nang hining̃a, at nang maquita niyang ualà siyang casama sinoman, ay dito dinamdam sa caibuturan nang caniyang pusò ang casam-an nang caniyang caugalian; dito naniclohod at humihing̃ing patauad sa Macapangyarihan dahil sa caniyang mang̃a casucaban, at nagtiticang totoo nang magbabago nang buhay, at cailan ma,y, di na gagauang muli nang nalalaban sa caniyang conciencia.
Si Nicolás. Datapoua,t, ¿pagcatapus ay anong guinauà?
Ang ama. Nang macaraan na ang unang silacbo nang touà sa pagcalicas nang caniyang buhay, ay pinasimulan ang pagdidilidili sa cahabaghabag niyang calagayan. Pinagling̃apling̃ap ang titig, ay ualang maquitang ibang bagay cundi mang̃a caparang̃ang punô nang damó at mang̃a punong cahoy na ualang bung̃a, atualang mapaghalatang anoman na may tumahang tauo sa lupang yaon.
Totoong caquilaquilabot ang caniyang calagayan sa pagtahan doong nacaisaisa sa isang lupang di niya naquiquitaquita; datapoua,t, nang̃alisag ang caniyang buhoc, nang caniyang maalaalang doo,y, ualang tumatahang tauo nang mahusay, cundi mg̃a ganid na hayop at mang̃a tauong bundoc na dahil dito,y, di mapalagay muntî man.
Totoong caquilaquilabot ang caniyang calagayan sa pagtahan doong nacaisaisa sa isang lupang di niya naquiquitaquita; datapoua,t, nang̃alisag ang caniyang buhoc, nang caniyang maalaalang doo,y, ualang tumatahang tauo nang mahusay, cundi mg̃a ganid na hayop at mang̃a tauong bundoc na dahil dito,y, di mapalagay muntî man.
Si Cárlos.¿Baquit pô? ¿mayroon pô baga namang mang̃a tauong bundoc ó bulobundoquin?Si Juan.Oo, Cárlos. ¿Di mo nariring̃ig naman maminsanminsan tungcol sa bagay na iyan? Doon sa malayong malayò ay may mang̃a tauong parang mang̃a hayop ...Si Teodora.Ang mang̃a tauong yaon ay hubò at hubad: caya ng̃a acalain mo cung paano sila ...Si Enrique.Oo; at ualang naaalaman, na hindi man lamang macagauà nang isang bahay, hindi macapaghalaman at hindi macapagararo nang isang buquid.Si Luisa.Ang quinacain ay lamangcati at isdang hilao. ¿Hindi pô baga ganoon, ama co, ang salità ninyo sa amin?Si Juan.Totoo ng̃a. ¿At maniniualà ca na yaong mang̃a caauaauang tauo ay hindiman lamang naaalaman cung sino ang lumalang sa canila, at ualà namang macapagpahayag?Si Enrique.Caya ng̃a, totoo silang malulupit, na ang iba sa canila ay cumacain nang laman nang tauo.Si Cárlos.¡Ay totoong masasamang tauo sila!Ang ama.¡Totoong mang̃a cahabaghabag na tauo! ang sasabihin mo. Dapat ng̃a silang cahabagan sa pagca,t, sa canila,y, ualang magturong sinoman, at nabubuhay silang parang mang̃a hayop.Si Cárlos.¿Naparirito cayang mamacanacà sila?Ang ama.Hindi: ang lupang tinatahanan pa nitong mang̃a cahabaghabag, na capouà natin tauo, ay totoong malayô, na cailan ma,y, hindi sila macaparirito sa Europa; at sa arao arao ay nababauasan sila, sapagca ang ibang mang̃a tauong matalas ang isip ay nang̃agsasadiyang napaparoon sa canila, at tinuturoan sila nang catotoohanan at nang mabubuting caugalian.Si Enrique.¿Cung sa bagay ay may mang̃a tauong bundoc doon sa lupang quinapadparan ni Robinson?Ang ama.Ito ang hindi pa niya maalaman;datapoua,t, sa pagca,t, naring̃ig niya na may tumatahang tauong bundoc sa mang̃a pulò nang bahaguing yaon nang mundo, ay totoong natatacot siya na baca mayroon naman sa tinatahanan niya; at ito,y, totoong nacapang̃ing̃ilabot sa caniya, na iquinapang̃ing̃inig nang boong catauan.Si Teodora.Pinaniniualaan co: sa pagca,t, hindi biro ang matagpuan ang mang̃a tauong bundoc.Ang ama.Sa pang̃ing̃ilabot ay hindi siya macagalao: ang camunting ing̃ay ay quinatatacutan niya, at iquinapang̃ang̃alisag nang caniyang buhoc; datapoua,t, sa malaquing cauhauan ay napilitan siyang gumalao, at nang totoong hindi na niya matiis ay siya,y, lumacad na nagpalibotlibot sa paghanap nang isang batis, hangan sa siya,y, nagcapalad na nacaquita nang isang bucal nang tubig na totoong masarap at malinao, na iquinapauî nang caniyang cauhauan.Si Teodora.¡Ah, gaano ang touà co!Ang ama.Nagpasalamat sa Pang̃inoong Dios si Robinson, at inaasahan naman na ipagcacaloob sa caniya ang pagcaquita nang macacain. Di, aniya, aco pababayaang mamatay nang gutom niyong Pang̃inoong nagpapacain sa mang̃a ibon sa impapauid. Sa catunaya,y, hindi ang gutom ang nacapagpapahirap sa caniya, sa pagca,t, dahil sa capighatian at catacutan ay parang nalilimutan niya ang gauing pagcain. Ang lalò niyang pinipita,y, ang pagpapahing̃alay; sa pagca,t, sa totoong panghihinà sa di mamagcanong cahirapang caniyang pinagdaanan, ay bahaguia na lamang macatayò. Gayon ma,y, quinacailang̃an ang paghanap nang caniyang matutulugan sa gabing yaon. Cung siya,y, matulog sa lupà ay di malayong siya,y, lapitan nang mang̃a tauong bundoc, ó mang̃a halimao, ay siya,y, lamunin. Anino man ay ualà siyang maquita saan man nang bahay, cubo man ó yung̃ib. Nananang̃is siyang ualang caaliuan, at hindi niya maalaman cung ano ang caniyang gagauin. Sa catapusa,y, pinasiya niya sa loob na tularan ang mang̃a ibon, na humanap siya nang sisilung̃an sa ibabao nang alin mang punong cahoy; at hindi nalaon at nacaquita siya nang isang punò nang cahoy, na malagò at mayabong ang mang̃a sang̃a, na doo,y, macauupò siya at macahihilig pa; baga ma,t, totoong mahirap. Umac-yat na siya, nanalang̃in sa Dios, humilig na at saca natulog. Sa pagtulog ay napapang̃arap niya ang lahatnang caniyang sinapit nang siya,y, mabagbag, balisang balisa sa bung̃ang tulog na ito, na parang naquiquita ang matataas na daluyon, at ang pagcalubog nang sasac-yan; tila nariring̃ig niya ang pagsisigauan at pananaghoy nang mang̃a tauo na nababagbag. Tila naquiquita niya ang canìyang mang̃a magulang na sinasalacay nang totoong malaquing hapis at capighatian; na dahil sa caniya,y, nananang̃is at nananaghoy at itinataas ang mang̃a camay sa lang̃it. Pinagpauisan si Robinson nang malamig, at malacas na napasigao nang ganito:Narito aco, mang̃a magulang co, narito aco; at capagcauicà nito ay ibig niyang magpatirapà sa canilang mang̃a paanan, at naaalimpung̃atan ay gumalao, siya ng̃ang pagcahulog sa punò nang cahoy.Si Luisa. ¡Ay! caauaauà si Robinson!Si Teodora. ¡A Dios! at namatay na, natapus na ang salità.Ang ama. Nagcapalad siyang hindi nahulog sa caitaasan nang cahoy, at sa lupang caniyang linacpacan ay totoong malagò ang damó, caya hindi totoong nasactan. Ang dinamdam lamang ay ang sangcap nang caniyang catauan na tumamà sa pagcahulog; datapoua,t, inarì niyang ualanganoman ang saquit na ito cung ihahalimbauà sa caniyang napanaguinìp. Muling umac-yat sa punò nang cahoy, doo,y, nagpahing̃alay hangan sa namanaag ang arao, at samantalang pinagcucurocurò niya ang paraang icaquiquita nang anomang pagcain. Salat na salat siya sa lahat nang quinacain natin dito sa Europa: ualà siyang tinapay, ualà siyang lamang cati, ualà siyang gulay, ualà siyang gatas; at cahit macaquita nang anomang sucat lutoin sa palayoc ó sa ihauan, ay ualà namang apuy, ualang ihauan at palayoc naman. Ang lahat na punò nang cahoy na caniyang naquita ay hindi namumung̃a, at ang naguiguing cagamitan lamang sa mang̃a cahoy na yaon ay ang ilutò sa tubig, at nang maguing tinà.
Si Cárlos.¿Baquit pô? ¿mayroon pô baga namang mang̃a tauong bundoc ó bulobundoquin?
Si Juan.Oo, Cárlos. ¿Di mo nariring̃ig naman maminsanminsan tungcol sa bagay na iyan? Doon sa malayong malayò ay may mang̃a tauong parang mang̃a hayop ...
Si Teodora.Ang mang̃a tauong yaon ay hubò at hubad: caya ng̃a acalain mo cung paano sila ...
Si Enrique.Oo; at ualang naaalaman, na hindi man lamang macagauà nang isang bahay, hindi macapaghalaman at hindi macapagararo nang isang buquid.
Si Luisa.Ang quinacain ay lamangcati at isdang hilao. ¿Hindi pô baga ganoon, ama co, ang salità ninyo sa amin?
Si Juan.Totoo ng̃a. ¿At maniniualà ca na yaong mang̃a caauaauang tauo ay hindiman lamang naaalaman cung sino ang lumalang sa canila, at ualà namang macapagpahayag?
Si Enrique.Caya ng̃a, totoo silang malulupit, na ang iba sa canila ay cumacain nang laman nang tauo.
Si Cárlos.¡Ay totoong masasamang tauo sila!
Ang ama.¡Totoong mang̃a cahabaghabag na tauo! ang sasabihin mo. Dapat ng̃a silang cahabagan sa pagca,t, sa canila,y, ualang magturong sinoman, at nabubuhay silang parang mang̃a hayop.
Si Cárlos.¿Naparirito cayang mamacanacà sila?
Ang ama.Hindi: ang lupang tinatahanan pa nitong mang̃a cahabaghabag, na capouà natin tauo, ay totoong malayô, na cailan ma,y, hindi sila macaparirito sa Europa; at sa arao arao ay nababauasan sila, sapagca ang ibang mang̃a tauong matalas ang isip ay nang̃agsasadiyang napaparoon sa canila, at tinuturoan sila nang catotoohanan at nang mabubuting caugalian.
Si Enrique.¿Cung sa bagay ay may mang̃a tauong bundoc doon sa lupang quinapadparan ni Robinson?
Ang ama.Ito ang hindi pa niya maalaman;datapoua,t, sa pagca,t, naring̃ig niya na may tumatahang tauong bundoc sa mang̃a pulò nang bahaguing yaon nang mundo, ay totoong natatacot siya na baca mayroon naman sa tinatahanan niya; at ito,y, totoong nacapang̃ing̃ilabot sa caniya, na iquinapang̃ing̃inig nang boong catauan.
Si Teodora.Pinaniniualaan co: sa pagca,t, hindi biro ang matagpuan ang mang̃a tauong bundoc.
Ang ama.Sa pang̃ing̃ilabot ay hindi siya macagalao: ang camunting ing̃ay ay quinatatacutan niya, at iquinapang̃ang̃alisag nang caniyang buhoc; datapoua,t, sa malaquing cauhauan ay napilitan siyang gumalao, at nang totoong hindi na niya matiis ay siya,y, lumacad na nagpalibotlibot sa paghanap nang isang batis, hangan sa siya,y, nagcapalad na nacaquita nang isang bucal nang tubig na totoong masarap at malinao, na iquinapauî nang caniyang cauhauan.
Si Teodora.¡Ah, gaano ang touà co!
Ang ama.Nagpasalamat sa Pang̃inoong Dios si Robinson, at inaasahan naman na ipagcacaloob sa caniya ang pagcaquita nang macacain. Di, aniya, aco pababayaang mamatay nang gutom niyong Pang̃inoong nagpapacain sa mang̃a ibon sa impapauid. Sa catunaya,y, hindi ang gutom ang nacapagpapahirap sa caniya, sa pagca,t, dahil sa capighatian at catacutan ay parang nalilimutan niya ang gauing pagcain. Ang lalò niyang pinipita,y, ang pagpapahing̃alay; sa pagca,t, sa totoong panghihinà sa di mamagcanong cahirapang caniyang pinagdaanan, ay bahaguia na lamang macatayò. Gayon ma,y, quinacailang̃an ang paghanap nang caniyang matutulugan sa gabing yaon. Cung siya,y, matulog sa lupà ay di malayong siya,y, lapitan nang mang̃a tauong bundoc, ó mang̃a halimao, ay siya,y, lamunin. Anino man ay ualà siyang maquita saan man nang bahay, cubo man ó yung̃ib. Nananang̃is siyang ualang caaliuan, at hindi niya maalaman cung ano ang caniyang gagauin. Sa catapusa,y, pinasiya niya sa loob na tularan ang mang̃a ibon, na humanap siya nang sisilung̃an sa ibabao nang alin mang punong cahoy; at hindi nalaon at nacaquita siya nang isang punò nang cahoy, na malagò at mayabong ang mang̃a sang̃a, na doo,y, macauupò siya at macahihilig pa; baga ma,t, totoong mahirap. Umac-yat na siya, nanalang̃in sa Dios, humilig na at saca natulog. Sa pagtulog ay napapang̃arap niya ang lahatnang caniyang sinapit nang siya,y, mabagbag, balisang balisa sa bung̃ang tulog na ito, na parang naquiquita ang matataas na daluyon, at ang pagcalubog nang sasac-yan; tila nariring̃ig niya ang pagsisigauan at pananaghoy nang mang̃a tauo na nababagbag. Tila naquiquita niya ang canìyang mang̃a magulang na sinasalacay nang totoong malaquing hapis at capighatian; na dahil sa caniya,y, nananang̃is at nananaghoy at itinataas ang mang̃a camay sa lang̃it. Pinagpauisan si Robinson nang malamig, at malacas na napasigao nang ganito:Narito aco, mang̃a magulang co, narito aco; at capagcauicà nito ay ibig niyang magpatirapà sa canilang mang̃a paanan, at naaalimpung̃atan ay gumalao, siya ng̃ang pagcahulog sa punò nang cahoy.
Si Luisa. ¡Ay! caauaauà si Robinson!
Si Teodora. ¡A Dios! at namatay na, natapus na ang salità.
Ang ama. Nagcapalad siyang hindi nahulog sa caitaasan nang cahoy, at sa lupang caniyang linacpacan ay totoong malagò ang damó, caya hindi totoong nasactan. Ang dinamdam lamang ay ang sangcap nang caniyang catauan na tumamà sa pagcahulog; datapoua,t, inarì niyang ualanganoman ang saquit na ito cung ihahalimbauà sa caniyang napanaguinìp. Muling umac-yat sa punò nang cahoy, doo,y, nagpahing̃alay hangan sa namanaag ang arao, at samantalang pinagcucurocurò niya ang paraang icaquiquita nang anomang pagcain. Salat na salat siya sa lahat nang quinacain natin dito sa Europa: ualà siyang tinapay, ualà siyang lamang cati, ualà siyang gulay, ualà siyang gatas; at cahit macaquita nang anomang sucat lutoin sa palayoc ó sa ihauan, ay ualà namang apuy, ualang ihauan at palayoc naman. Ang lahat na punò nang cahoy na caniyang naquita ay hindi namumung̃a, at ang naguiguing cagamitan lamang sa mang̃a cahoy na yaon ay ang ilutò sa tubig, at nang maguing tinà.
Nang ualang maalamang gau-in si Robinson, ay nanaog sa punò nang cahoy, at sa malaquing cagutuman, sa pagca,t, hindi cumain nang anoman na maghapon at magdamag, ay nagpalibotlibot cung saan-saan; datapoua,t, ualang maquita cundi mang̃a cahoy at mang̃a halamang ualang bung̃a. Dito na sinalacay siya nang totoong malaquing capighatian. ¿Sa bagay ay ualà acong casasapitan, aniya, cundi ang mamatay nang gutom? ito ang isinisigao at inahihibic sa lang̃it. Gayon ma,y, ang cagutuman din ang parang nagpalacas sa caniyang loob na libutin niya ang tabing dagat, at nang siya,y, macaquita nang anomang macacain. Datapoua,t, ang lahat niyang capaguran ay nauaualang cabuluhan, sa pagca,t, ualà siyang naquiquita cundi mang̃a cahoy na ualang bung̃a, mang̃a halaman at buhang̃in. Nang nanghihinà na at di macagulapay, at di na macalacad ay nasubsob ang muc-hà sa lupà: at ang luha,y, bumabagalbal, na ninanasang maanong namatay na siya sa dagat, houag lamang niyang sapitin ang gayong caralitaan. Tumatalaga náng antayin sa gayong calagayan ang isang matagal at mabang̃is na camatayan, na para nang mamatay sa gutom, di caguinsa-guinsa ay nacaquita siya nang isang ibon na tinatauag na Alcon marino na dumaguit nang isdà at quinain. Caracaraca,y, naalaala niya itong mang̃a verso na minsan niyang nabasa:Yaong Pang̃inoon na lubhang maauainsa mang̃a uac man ay nagpapacain:¿di caya marapat na asahan natinnating mang̃a tauo nang boong pagguilio?Dili mangyaring di parang isinusurotsa caniyang muc-hà ang caculang̃an nang caniyang pagasa sa auà at pagcacaling̃a nang Dios; at pagdaca,y, nagbang̃on, na tinicang lumacad hangan sa macacayanan, linibot na sinalicsic ang boong tabi nang dagat, baca sacali ay macaquita siya nang sucat macain.Sa catapusa,y, nacaquita siya sa ibabao nang buhang̃in nang ilang mang̃a talucap nang talaba; at dalidali siyang lumapit at tiningnan cung may talaba doon. Nasunduan ng̃a niya nang malaquing caligayahan.
Nang ualang maalamang gau-in si Robinson, ay nanaog sa punò nang cahoy, at sa malaquing cagutuman, sa pagca,t, hindi cumain nang anoman na maghapon at magdamag, ay nagpalibotlibot cung saan-saan; datapoua,t, ualang maquita cundi mang̃a cahoy at mang̃a halamang ualang bung̃a. Dito na sinalacay siya nang totoong malaquing capighatian. ¿Sa bagay ay ualà acong casasapitan, aniya, cundi ang mamatay nang gutom? ito ang isinisigao at inahihibic sa lang̃it. Gayon ma,y, ang cagutuman din ang parang nagpalacas sa caniyang loob na libutin niya ang tabing dagat, at nang siya,y, macaquita nang anomang macacain. Datapoua,t, ang lahat niyang capaguran ay nauaualang cabuluhan, sa pagca,t, ualà siyang naquiquita cundi mang̃a cahoy na ualang bung̃a, mang̃a halaman at buhang̃in. Nang nanghihinà na at di macagulapay, at di na macalacad ay nasubsob ang muc-hà sa lupà: at ang luha,y, bumabagalbal, na ninanasang maanong namatay na siya sa dagat, houag lamang niyang sapitin ang gayong caralitaan. Tumatalaga náng antayin sa gayong calagayan ang isang matagal at mabang̃is na camatayan, na para nang mamatay sa gutom, di caguinsa-guinsa ay nacaquita siya nang isang ibon na tinatauag na Alcon marino na dumaguit nang isdà at quinain. Caracaraca,y, naalaala niya itong mang̃a verso na minsan niyang nabasa:
Yaong Pang̃inoon na lubhang maauainsa mang̃a uac man ay nagpapacain:¿di caya marapat na asahan natinnating mang̃a tauo nang boong pagguilio?
Yaong Pang̃inoon na lubhang maauainsa mang̃a uac man ay nagpapacain:¿di caya marapat na asahan natinnating mang̃a tauo nang boong pagguilio?
Yaong Pang̃inoon na lubhang maauain
sa mang̃a uac man ay nagpapacain:
¿di caya marapat na asahan natin
nating mang̃a tauo nang boong pagguilio?
Dili mangyaring di parang isinusurotsa caniyang muc-hà ang caculang̃an nang caniyang pagasa sa auà at pagcacaling̃a nang Dios; at pagdaca,y, nagbang̃on, na tinicang lumacad hangan sa macacayanan, linibot na sinalicsic ang boong tabi nang dagat, baca sacali ay macaquita siya nang sucat macain.
Sa catapusa,y, nacaquita siya sa ibabao nang buhang̃in nang ilang mang̃a talucap nang talaba; at dalidali siyang lumapit at tiningnan cung may talaba doon. Nasunduan ng̃a niya nang malaquing caligayahan.
Si Juan. ¿Ang mang̃a talaba pô baga,y, na sa sa lupà?Ang ama. Hindi, anac co; nabubuhay sa dagat, at naniniquit sa mang̃a bató.
Si Juan. ¿Ang mang̃a talaba pô baga,y, na sa sa lupà?
Ang ama. Hindi, anac co; nabubuhay sa dagat, at naniniquit sa mang̃a bató.
Malaquing totoo ang caligayahan ni Robinson sa pagcaquita nang icapapaui nang cagutumang nacapagpahirap sa caniya, gayon ma,y, cacaunti ang talaba na di sucat macapauing lubos nang caniyang cagutuman. Ang lalong di niya icatahimic ay cung saan siya magcacanlong sa mang̃a haharaping arao, at nang houag siyang tampalasain nang mang̃a tauong bundoc at mababang̃is na hayop; sa pagca,t, ang una niyang sinilung̃an ay totoong mahirap, na ang pagcagunità lamang ay iquinapang̃ing̃inig niya, cung gayon ang gagau-in niyang pagtulog sa habang panahon. Pinagdilidili niya itong caniyang calagayan, at totoong lipos siya nang cahirapan at casalatan ay ualà siyang matutuhang gauin, at muling napagahis sa calumbayan na para nang dati. ¿Anong nahitâ co, ang uicà sa caniyang sarili, sa pagcaligtas co sa cagutuman, cung sa gabing ito,y, marahil ay lalamunin aco nang mang̃a halimao?Tila totoong totoo (tingnan ninyo ang calacasan nang guniguni) na mayroong lumapit sa caniya na isang mabang̃is na tigre, na nacabuca ang bung̃ang̃a, at sasacmalin siya. Nang inaacalà nang siya,y, quinagat nang tigre sa batoc ay napasigao siya nang malacas:¡Ay mang̃a magulang co!at nahapay sa lupà at naghimatay. Malaong nahahandusay, at naquiquilaban sa isang malaquing capighatian hangang sa caniyang maisipan na dapat niyang ilagay ang caniyang pagasa sa Ama sa calang̃itan na caniyang dinadalang̃inan nang mataimtim na loob. Dahil dito,y, nacabang̃on, at lumacad na humanap nang isang yung̃ib na sucat niyang masilung̃an.Datapoua,t, ¿Alin cayang bahagui nang América ang quinadoroonan niya? ¿Sa panatag cayang lupà, ó sa isang pulò? Itoang hindi pa niya natatalastas; datapoua,t, nacatanao siya nang isang bundoc na caniyang linapitan, naquiquita niya sa mang̃a daang caniyang linalacaran ay ualang halaman na may bung̃a na sucat macain; at sa baua,t sandali ay lalong nauululan ang caniyang capighatian.Di mamagcanong pagod ang tiniis bago nacarating sa taluctoc nang bundoc, na hindi naman totoong mataas, magmulà doo,y, napapagmasdan ang maraming leguas sa palibotlibot. Naquita niya ang lalò pa niyang iquinababalisa, na totoo ng̃ang siya,y, na sa isang pulò; sa pagca,t, sa lahat nang naaabot nang caniyang ting̃in ay ualà siyang naquiquita cundi dalaua ó tatlong pulò na lumilitao sa dagat, na ang layò ay may ilang leguas. ¡Sa aba co! ang sigao niya,t, napataas ang mang̃a camay sa lang̃it. ¿Diyata,t, mabubuhay acong nauaualay sa ibang mang̃a tauo, nacaisaisang ualang casamang sinoman, ualà nang pagasang macaalis pa cailan man sa ilang na ito, ualang pagasang maquita co naman ang mang̃a nagpipighati cong magulang, at nang macahing̃i aco nang tauad sa aquing casalanan? ¿Di co na caya muling mariring̃ig ang cauiliuiling voces nang isa cong catoto, nang isa cong capouà? Datapoua,t, nararapat sa aquin ang capahamacang ito. ¡Cataastaasang Dios! ang idinagdag niyang sabi, ang iyong mang̃a caisipan ay catouidtouiran; at dili dapat na aco,y, maghinanaquit; sa pagca,t, aco rin ang nagibig na houag magcamit nang isang magandang capalaran. Capagca uicà nito, ay nagticang tiisin at batahin ang mang̃a cahirapan, at humihing̃ing auà sa Dios na big-yan siya nang catibayan nang loob sa pagtitiis.Nagmamacaauà naman sa maalindog at mapagcalarang Virgen na siya,y, caling̃ain sa iláng na yaon, na ualang sucat macasamang sinoman; pinagtibay niya ang pag-asa sa Ina nang auà, na siyang lalong malacas na taga pamamaguitan sa caniyang Anac: yayamang ang mapalad na Virgeng ito ang pinacaibig niyang Ina at caramaydamay sa madlang cahirapan nang siya,y, nabubuhay dito sa lupà. Nanauagan naman sa maloualhating cay S. José at sa Arcang̃el S. Rafael na caniyang mang̃a pintacasi.
Malaquing totoo ang caligayahan ni Robinson sa pagcaquita nang icapapaui nang cagutumang nacapagpahirap sa caniya, gayon ma,y, cacaunti ang talaba na di sucat macapauing lubos nang caniyang cagutuman. Ang lalong di niya icatahimic ay cung saan siya magcacanlong sa mang̃a haharaping arao, at nang houag siyang tampalasain nang mang̃a tauong bundoc at mababang̃is na hayop; sa pagca,t, ang una niyang sinilung̃an ay totoong mahirap, na ang pagcagunità lamang ay iquinapang̃ing̃inig niya, cung gayon ang gagau-in niyang pagtulog sa habang panahon. Pinagdilidili niya itong caniyang calagayan, at totoong lipos siya nang cahirapan at casalatan ay ualà siyang matutuhang gauin, at muling napagahis sa calumbayan na para nang dati. ¿Anong nahitâ co, ang uicà sa caniyang sarili, sa pagcaligtas co sa cagutuman, cung sa gabing ito,y, marahil ay lalamunin aco nang mang̃a halimao?
Tila totoong totoo (tingnan ninyo ang calacasan nang guniguni) na mayroong lumapit sa caniya na isang mabang̃is na tigre, na nacabuca ang bung̃ang̃a, at sasacmalin siya. Nang inaacalà nang siya,y, quinagat nang tigre sa batoc ay napasigao siya nang malacas:¡Ay mang̃a magulang co!at nahapay sa lupà at naghimatay. Malaong nahahandusay, at naquiquilaban sa isang malaquing capighatian hangang sa caniyang maisipan na dapat niyang ilagay ang caniyang pagasa sa Ama sa calang̃itan na caniyang dinadalang̃inan nang mataimtim na loob. Dahil dito,y, nacabang̃on, at lumacad na humanap nang isang yung̃ib na sucat niyang masilung̃an.
Datapoua,t, ¿Alin cayang bahagui nang América ang quinadoroonan niya? ¿Sa panatag cayang lupà, ó sa isang pulò? Itoang hindi pa niya natatalastas; datapoua,t, nacatanao siya nang isang bundoc na caniyang linapitan, naquiquita niya sa mang̃a daang caniyang linalacaran ay ualang halaman na may bung̃a na sucat macain; at sa baua,t sandali ay lalong nauululan ang caniyang capighatian.
Di mamagcanong pagod ang tiniis bago nacarating sa taluctoc nang bundoc, na hindi naman totoong mataas, magmulà doo,y, napapagmasdan ang maraming leguas sa palibotlibot. Naquita niya ang lalò pa niyang iquinababalisa, na totoo ng̃ang siya,y, na sa isang pulò; sa pagca,t, sa lahat nang naaabot nang caniyang ting̃in ay ualà siyang naquiquita cundi dalaua ó tatlong pulò na lumilitao sa dagat, na ang layò ay may ilang leguas. ¡Sa aba co! ang sigao niya,t, napataas ang mang̃a camay sa lang̃it. ¿Diyata,t, mabubuhay acong nauaualay sa ibang mang̃a tauo, nacaisaisang ualang casamang sinoman, ualà nang pagasang macaalis pa cailan man sa ilang na ito, ualang pagasang maquita co naman ang mang̃a nagpipighati cong magulang, at nang macahing̃i aco nang tauad sa aquing casalanan? ¿Di co na caya muling mariring̃ig ang cauiliuiling voces nang isa cong catoto, nang isa cong capouà? Datapoua,t, nararapat sa aquin ang capahamacang ito. ¡Cataastaasang Dios! ang idinagdag niyang sabi, ang iyong mang̃a caisipan ay catouidtouiran; at dili dapat na aco,y, maghinanaquit; sa pagca,t, aco rin ang nagibig na houag magcamit nang isang magandang capalaran. Capagca uicà nito, ay nagticang tiisin at batahin ang mang̃a cahirapan, at humihing̃ing auà sa Dios na big-yan siya nang catibayan nang loob sa pagtitiis.
Nagmamacaauà naman sa maalindog at mapagcalarang Virgen na siya,y, caling̃ain sa iláng na yaon, na ualang sucat macasamang sinoman; pinagtibay niya ang pag-asa sa Ina nang auà, na siyang lalong malacas na taga pamamaguitan sa caniyang Anac: yayamang ang mapalad na Virgeng ito ang pinacaibig niyang Ina at caramaydamay sa madlang cahirapan nang siya,y, nabubuhay dito sa lupà. Nanauagan naman sa maloualhating cay S. José at sa Arcang̃el S. Rafael na caniyang mang̃a pintacasi.
Si Luisa. Totoong magaling ang guinauà ni Robinson sa pagsasacdal sa Pang̃inoong Dios na siya lamang macapagbibigay sa caniya nang caaliuan; sa pagca,t, sa iba,y, ualà siyang mapapaquinabang na anoman.Ang ama.¿At anong masasapit niya, cundi niya natatalastas na ang Dios ay siyang Ama nang lahat nang mang̃a tauo, na ualang hangan ang cagaling̃an at mangyayaring lahat ang bala niyang ibiguin, at siya,y, sumasalahat na? Ualang pagsalang di siya mamamatay sa tacot at capighatian, cundi siya naturuan nang mang̃a catotoohanang ito, na siyang dapat nating paglag-yan nang boong pagasa.
Si Luisa. Totoong magaling ang guinauà ni Robinson sa pagsasacdal sa Pang̃inoong Dios na siya lamang macapagbibigay sa caniya nang caaliuan; sa pagca,t, sa iba,y, ualà siyang mapapaquinabang na anoman.
Ang ama.¿At anong masasapit niya, cundi niya natatalastas na ang Dios ay siyang Ama nang lahat nang mang̃a tauo, na ualang hangan ang cagaling̃an at mangyayaring lahat ang bala niyang ibiguin, at siya,y, sumasalahat na? Ualang pagsalang di siya mamamatay sa tacot at capighatian, cundi siya naturuan nang mang̃a catotoohanang ito, na siyang dapat nating paglag-yan nang boong pagasa.
Nang pagsaulan lacas si Robinson, ay ipinatuloy ang caniyang paglibot sa bundoc; datapoua,t, sa gayong catagal ay ualang quinasapitan ang caniyang pagpilit na macaquita nang isang tutulugan at mapang̃anlung̃an. Sa catapusa,y, dumating sa isang mababang burol na ang harapa,y, parang isang cutà, at nang caniyang pagmasdang magaling, ay naquita niya na ualang laman ang loob, ng̃uni,t, hindi naman totoong malalim, at ang pinapasucan ay may caquiputan. Cung siya,y, may barreta, ay madali niyang mapalalalim ang lubac na yaon, na halos ay batong lahat, at nang maguing tahanan niya; datapoua,t, ualà siya nang mang̃a casangcapang ito, at ang quinacailang̃an ay gumauà siya.Sa catapusa,y, nang siya,y, macapagisipisip na ay nag-uicà siya nang ganito sa sarili. Ang mang̃a cahoy na naquiquita co rito ay mangyayaring mabunot at maitanim na muli sa ibang lugar. Cung mangyayaring mahucay co nang camay ang ilang maliliit na cahoy at mailipat co sa harap nitong lubác, na sa macatouid ay nang maguing parang bacod; at cung magsilalaqui ay mangyayari acong matulog sa loob nitong naturang lubác nang boong capanatagan na para acong na sa isang bahay; sa pagca,t, sa dacong licod ay aco,y, macacanlong sa mang̃a batóng parang cutà, sa harap ay gayon din naman, at sa magcabilang taguiliran ay macucubcob aco nang itinanim cong bacod.Naliligaya siyang lubhà sa pagcaquita nang caniyang tutulugan, at pasisimulan na ang ninanasà niyang pagbabacod; datapoua,t, lalong naululan ang caniyang caligayahan, sa pagca,t, may naquita siyang isang batis na ang tubig ay toong malinao, na nalalapit sa lugar na inaacalà niyang tutulugan. Dalidali siyang uminom nang tubig na yaon, sa pagca,t, siya,y, totoo nang nauuhao sa malaquing capaguran nang calalacad niya sa init nang arao.
Nang pagsaulan lacas si Robinson, ay ipinatuloy ang caniyang paglibot sa bundoc; datapoua,t, sa gayong catagal ay ualang quinasapitan ang caniyang pagpilit na macaquita nang isang tutulugan at mapang̃anlung̃an. Sa catapusa,y, dumating sa isang mababang burol na ang harapa,y, parang isang cutà, at nang caniyang pagmasdang magaling, ay naquita niya na ualang laman ang loob, ng̃uni,t, hindi naman totoong malalim, at ang pinapasucan ay may caquiputan. Cung siya,y, may barreta, ay madali niyang mapalalalim ang lubac na yaon, na halos ay batong lahat, at nang maguing tahanan niya; datapoua,t, ualà siya nang mang̃a casangcapang ito, at ang quinacailang̃an ay gumauà siya.
Sa catapusa,y, nang siya,y, macapagisipisip na ay nag-uicà siya nang ganito sa sarili. Ang mang̃a cahoy na naquiquita co rito ay mangyayaring mabunot at maitanim na muli sa ibang lugar. Cung mangyayaring mahucay co nang camay ang ilang maliliit na cahoy at mailipat co sa harap nitong lubác, na sa macatouid ay nang maguing parang bacod; at cung magsilalaqui ay mangyayari acong matulog sa loob nitong naturang lubác nang boong capanatagan na para acong na sa isang bahay; sa pagca,t, sa dacong licod ay aco,y, macacanlong sa mang̃a batóng parang cutà, sa harap ay gayon din naman, at sa magcabilang taguiliran ay macucubcob aco nang itinanim cong bacod.
Naliligaya siyang lubhà sa pagcaquita nang caniyang tutulugan, at pasisimulan na ang ninanasà niyang pagbabacod; datapoua,t, lalong naululan ang caniyang caligayahan, sa pagca,t, may naquita siyang isang batis na ang tubig ay toong malinao, na nalalapit sa lugar na inaacalà niyang tutulugan. Dalidali siyang uminom nang tubig na yaon, sa pagca,t, siya,y, totoo nang nauuhao sa malaquing capaguran nang calalacad niya sa init nang arao.
Si Teodora.¿Cung sa bagay ay totoong mainit sa pulóng yaon?Ang ama.Sucat mo nang mapagcurocuró. Tingnan mo ang mapa, sa lugar na ito nalalagay ang pulô nang mang̃a Caribes, at isa sa mang̃a pulóng iyan tila siyang tinahanan ni Robinson. Malasin mo na ang mang̃a pulóng ito ay hindi nalalayò doon sa quinatatapatan at tinatamaan nang matouid na sicat nang arao, at dahil dito,y, totoong catacottacot ang init nang arao doon.
Si Teodora.¿Cung sa bagay ay totoong mainit sa pulóng yaon?
Ang ama.Sucat mo nang mapagcurocuró. Tingnan mo ang mapa, sa lugar na ito nalalagay ang pulô nang mang̃a Caribes, at isa sa mang̃a pulóng iyan tila siyang tinahanan ni Robinson. Malasin mo na ang mang̃a pulóng ito ay hindi nalalayò doon sa quinatatapatan at tinatamaan nang matouid na sicat nang arao, at dahil dito,y, totoong catacottacot ang init nang arao doon.
Pinasimulan na ng̃a ang pagbunot nang mang̃a cahoy, bagama,t, totoo siyang nahihirapan, at camay lamang ang caniyang inahuhucay, at malilipat niya sa inaacalà niyang tatahanan. Dito,y, quinacailang̃ang hucayin niya nang camay ang pagtataniman; at sa pagca,t, quinacailang̃an nang mahahabang panahon sa pagtatanim na ito, sa pagca ng̃a,t, ualà siyang naitanim cundi lima ó anim na punong cahoy lamang hang̃an sa lumubog ang arao. Sa cagutuma,y, napilitan siyang nagbalic sa tabi nang dagat sa paghanap nang ilang talaba; datapoua,t, nagcataon naman sa paglaqui nang tubig, ay ualà siyang naquita, at napilitan siyang natulog na di humahapon, at ang caniyang tinulugan ay yaon ding cahoy na caniyang quinahulugan, hangan sa di mayari anginaacalà niyang tahanan. Diyan na ng̃a siya natulog, at nang houag siyang mahulog ay tinali ang caniyang catauan sa sang̃ang caniyang hihiligan; at nang matapus nang maipagtagubilin niya ang caniyang buhay sa Maycapal ay matahimic nang natulog.
Pinasimulan na ng̃a ang pagbunot nang mang̃a cahoy, bagama,t, totoo siyang nahihirapan, at camay lamang ang caniyang inahuhucay, at malilipat niya sa inaacalà niyang tatahanan. Dito,y, quinacailang̃ang hucayin niya nang camay ang pagtataniman; at sa pagca,t, quinacailang̃an nang mahahabang panahon sa pagtatanim na ito, sa pagca ng̃a,t, ualà siyang naitanim cundi lima ó anim na punong cahoy lamang hang̃an sa lumubog ang arao. Sa cagutuma,y, napilitan siyang nagbalic sa tabi nang dagat sa paghanap nang ilang talaba; datapoua,t, nagcataon naman sa paglaqui nang tubig, ay ualà siyang naquita, at napilitan siyang natulog na di humahapon, at ang caniyang tinulugan ay yaon ding cahoy na caniyang quinahulugan, hangan sa di mayari anginaacalà niyang tahanan. Diyan na ng̃a siya natulog, at nang houag siyang mahulog ay tinali ang caniyang catauan sa sang̃ang caniyang hihiligan; at nang matapus nang maipagtagubilin niya ang caniyang buhay sa Maycapal ay matahimic nang natulog.
Si Juan.Natuto siya sa pagtatali nang caniyang catauan sa sang̃á.Ang ama.Ang pagcacailang̃an ay ina nang mabuting caisipan; at cundi dahil dito ay ilang bagay ang matututuhan natin. Caya ng̃a nang macapangyarihang Maycapal na ang lupà at tayo naman, habang tayo,y, nagcacaroon nang sarisaring cailang̃an, ay binig-yan tayo nang pagcucurò, at nang matacpan natin ang mang̃a cailang̃ang yaon sa pamag-itan nang mabubuting paraan, at caya ng̃a parang naguiguing utang natin sa mang̃a pagcacailang̃ang ito ang ating pagcatuto at casipagan; sa pagca,t, cung isusubo na lamang nating sa ating bibig ang mang̃a cacaning lutò na, cung ang mang̃a bahay, cung ang mang̃a hihigan, mang̃a cacanin, at ang lahat nang quinacailang̃an sa ating icabubuhay ay lumabas sa lupang yari na; ay cung sa bagay ay ualá tayong gagau-ing anoman cundi cumain, uminom at matulog, at hangan sa camatayan ay ualàtayong namumuang̃an anoman na parang mang̃a hayop. Tingnan ninyo ang daquilang carunung̃an nang Dios, na ating namamasdan sa lahat nang caniyang guinagauà na icalalagui nang sangsinucuban.
Si Juan.Natuto siya sa pagtatali nang caniyang catauan sa sang̃á.
Ang ama.Ang pagcacailang̃an ay ina nang mabuting caisipan; at cundi dahil dito ay ilang bagay ang matututuhan natin. Caya ng̃a nang macapangyarihang Maycapal na ang lupà at tayo naman, habang tayo,y, nagcacaroon nang sarisaring cailang̃an, ay binig-yan tayo nang pagcucurò, at nang matacpan natin ang mang̃a cailang̃ang yaon sa pamag-itan nang mabubuting paraan, at caya ng̃a parang naguiguing utang natin sa mang̃a pagcacailang̃ang ito ang ating pagcatuto at casipagan; sa pagca,t, cung isusubo na lamang nating sa ating bibig ang mang̃a cacaning lutò na, cung ang mang̃a bahay, cung ang mang̃a hihigan, mang̃a cacanin, at ang lahat nang quinacailang̃an sa ating icabubuhay ay lumabas sa lupang yari na; ay cung sa bagay ay ualá tayong gagau-ing anoman cundi cumain, uminom at matulog, at hangan sa camatayan ay ualàtayong namumuang̃an anoman na parang mang̃a hayop. Tingnan ninyo ang daquilang carunung̃an nang Dios, na ating namamasdan sa lahat nang caniyang guinagauà na icalalagui nang sangsinucuban.
Datapoua,t, sucat na ng̃ayon, mang̃a anac co, tayo,y, magpasial dito sa cauiliuiling caparang̃an, at bucas ay tingnan natin cung ano ang guinagauà ni Robinson.
Datapoua,t, sucat na ng̃ayon, mang̃a anac co, tayo,y, magpasial dito sa cauiliuiling caparang̃an, at bucas ay tingnan natin cung ano ang guinagauà ni Robinson.
Ang ama. Ng̃ayon, mang̃a anac co, ¿saan natin iniuan cahapon si Robinson?Si Juan. Natutulog sa cahoy na para nang uac sa fábula.Ang ama. Oo ng̃a. Cung gayo,y, dapat mong maalaman na siya,y, nacatulog nang matahimic sa gabing yaon, na di nahulog at di naalimpung̃atan. Nang quinaumagaha,y, napatung̃o pagdaca sa tabing dagat sa paghanap nang mang̃a talaba, at ang nasa,y, madaling magbabalic siya at ipatutuloy ang caniyang pagbabacod; datapoua,t, sa pagca,t, naiba siya nang daan, ay nagcapalad siyang nacaquita nangisang cahoy, na may isang bung̃ang totoong malaqui, na di pa niya naquiquilala cung ano yaon. Ang laqui nang naturang bung̃a ay humiguit cumulang sa ulo nang isang tauo, na cung alisin ang unang balat ay may lumalabas na bunót; datapoua,t, ang loob ay totoong matigas na para nang talucap nang pagóng, caya ng̃a pagdaca,y, inacala ni Robinson na magagauà niyang mangcoc. Ang pinacaubod ay malambot at masarap. Sa nagugutom na para ni Robinson ay totoong masarap na pagcain ito; datapoua,t, nang hindi magcasiya sa caniya ang iisa, ay pumitas pang mulî at cumain nang isa pa; at sa malaquing ligaya,y, natulô ang luhà dahil sa pagcaing caniyang napalaran, itinaas ang caniyang mata sa lang̃it, tandà nang caniyang pagpapasalamat.
Ang ama. Ng̃ayon, mang̃a anac co, ¿saan natin iniuan cahapon si Robinson?
Si Juan. Natutulog sa cahoy na para nang uac sa fábula.
Ang ama. Oo ng̃a. Cung gayo,y, dapat mong maalaman na siya,y, nacatulog nang matahimic sa gabing yaon, na di nahulog at di naalimpung̃atan. Nang quinaumagaha,y, napatung̃o pagdaca sa tabing dagat sa paghanap nang mang̃a talaba, at ang nasa,y, madaling magbabalic siya at ipatutuloy ang caniyang pagbabacod; datapoua,t, sa pagca,t, naiba siya nang daan, ay nagcapalad siyang nacaquita nangisang cahoy, na may isang bung̃ang totoong malaqui, na di pa niya naquiquilala cung ano yaon. Ang laqui nang naturang bung̃a ay humiguit cumulang sa ulo nang isang tauo, na cung alisin ang unang balat ay may lumalabas na bunót; datapoua,t, ang loob ay totoong matigas na para nang talucap nang pagóng, caya ng̃a pagdaca,y, inacala ni Robinson na magagauà niyang mangcoc. Ang pinacaubod ay malambot at masarap. Sa nagugutom na para ni Robinson ay totoong masarap na pagcain ito; datapoua,t, nang hindi magcasiya sa caniya ang iisa, ay pumitas pang mulî at cumain nang isa pa; at sa malaquing ligaya,y, natulô ang luhà dahil sa pagcaing caniyang napalaran, itinaas ang caniyang mata sa lang̃it, tandà nang caniyang pagpapasalamat.
Totoong malaqui ang cahoy na yaon; at humihilic nang bung̃a, datapoua,t, ang casam-an lamang ay nacaisaisa sa lugar na yaon.
Totoong malaqui ang cahoy na yaon; at humihilic nang bung̃a, datapoua,t, ang casam-an lamang ay nacaisaisa sa lugar na yaon.
Si Teodora.¿At anong bagay na cahoy yaon na dito sa atin ay ualà?Ang ama.Yaon ay niyog, na ang caraniuan ay tumutubò sa India Oriental, at totoong mararami rin naman sa mang̃a pulô sa América.
Si Teodora.¿At anong bagay na cahoy yaon na dito sa atin ay ualà?
Ang ama.Yaon ay niyog, na ang caraniuan ay tumutubò sa India Oriental, at totoong mararami rin naman sa mang̃a pulô sa América.
Totoong naligaya si Robinson sa pagquita nito; datapoua,t, hindi pinabayaan ang pagparoon sa tabing dagat, at tiningnan niya cung may talaba. Nacaquita nang ilan; datapoua,t, hindi macasasapat na caniyang canin; at caya ng̃a totoong nagpasalamat sa Dios, sa pagca,t, pinagcalooban siya sa arao na yaon nang ibang cacanin. Itinagò niya ang mang̃a talaba na talagang tatanghalian, at ipinatuloy ang caniyang pagbabacod.Siya,y, nacaquita sa tabi nang dagat nang isang malaquing talaba, na nagamit niyang panghucay, at iquinadaling lubhà nang caniyang pagbabacod. Nacaquita naman siya nang isang halaman na may maraming totoong maliliit na baguing na parang abacá. Cung sa ibang panahon niya naquita disin, ay pauaualang halaga; datapoua,t, sa pagca,t, niyon ay ang lahat ay minamalas niya at sinisiyasat na magaling, pati nang lalong caliitliitang bagay na sucat paquinabang̃an. Sa pagasa niyang magagamit niya ang baguing na yaon, ay cumuha siya nang marami at caniyang tinalian at ibinabad. Napagmasdan niya nang mang̃a ilang arao naquita niyang lumalambot sa tubig ang pinacabaloc; at ang guinauà niya,y, inihalayhay sa arao. Sacá nang matuyo,y, caniyang pinucpoc nang isang punong cahoy at lumabas ang tila abacá. Nang siya,y, matumpac sa gauang ito, ay pinasimulan na ang paggauà nang lubid na, baga ma,t, hindi totoong pilí sa pagca,t, ualà siyang gantala; gayon ma,y, totoong matibay na sucat niyang maitali ang caniyang talaba sa dulo nang capisang na cahoy; at caya ng̃a nagcaroon siya nang isang casangcapan sa paghucay. Ipinatuloy niya ang caniyang pagbabacod hangan sa caniyang nasarhan ang boong palibot nang inaacalà niyang tatahanan. Datapoua,t, sa pagca,t, ang isang hanay lamang nang mang̃a cahoy na yaon ay totoong mahinà, ay pinagpilitan niya, cahit anong pagod, na magcaroon pa nang isang hanay na para nang nauna. Sacà pinagtalitali ang mang̃a sang̃a nang dalauang hanay na bacod; at naisipan pa niya na pataasin ang lupà sa pag-itan nang dalauang bacod; dahil dito,y, totoong tumibay, na lubhang mahirap maibual.Dinidilig niya sa umaga,t, hapon nang tubig sa malapit na batis ang caniyang tanim, na guinauang pandilig ang cabaac na bauo. At di pa nalalaong lubhà ay naquita niya nang malaquing touà na nanariuà at umusbong na ang mang̃a halaman na caligaligayang tingnan.Nang mayari na ang caniyang bacod, ay guinugol ang boong maghapon sa pagpili nang lubid na malaqui, na quinauà niyang hagdan na totoong pinacaigui.
Totoong naligaya si Robinson sa pagquita nito; datapoua,t, hindi pinabayaan ang pagparoon sa tabing dagat, at tiningnan niya cung may talaba. Nacaquita nang ilan; datapoua,t, hindi macasasapat na caniyang canin; at caya ng̃a totoong nagpasalamat sa Dios, sa pagca,t, pinagcalooban siya sa arao na yaon nang ibang cacanin. Itinagò niya ang mang̃a talaba na talagang tatanghalian, at ipinatuloy ang caniyang pagbabacod.
Siya,y, nacaquita sa tabi nang dagat nang isang malaquing talaba, na nagamit niyang panghucay, at iquinadaling lubhà nang caniyang pagbabacod. Nacaquita naman siya nang isang halaman na may maraming totoong maliliit na baguing na parang abacá. Cung sa ibang panahon niya naquita disin, ay pauaualang halaga; datapoua,t, sa pagca,t, niyon ay ang lahat ay minamalas niya at sinisiyasat na magaling, pati nang lalong caliitliitang bagay na sucat paquinabang̃an. Sa pagasa niyang magagamit niya ang baguing na yaon, ay cumuha siya nang marami at caniyang tinalian at ibinabad. Napagmasdan niya nang mang̃a ilang arao naquita niyang lumalambot sa tubig ang pinacabaloc; at ang guinauà niya,y, inihalayhay sa arao. Sacá nang matuyo,y, caniyang pinucpoc nang isang punong cahoy at lumabas ang tila abacá. Nang siya,y, matumpac sa gauang ito, ay pinasimulan na ang paggauà nang lubid na, baga ma,t, hindi totoong pilí sa pagca,t, ualà siyang gantala; gayon ma,y, totoong matibay na sucat niyang maitali ang caniyang talaba sa dulo nang capisang na cahoy; at caya ng̃a nagcaroon siya nang isang casangcapan sa paghucay. Ipinatuloy niya ang caniyang pagbabacod hangan sa caniyang nasarhan ang boong palibot nang inaacalà niyang tatahanan. Datapoua,t, sa pagca,t, ang isang hanay lamang nang mang̃a cahoy na yaon ay totoong mahinà, ay pinagpilitan niya, cahit anong pagod, na magcaroon pa nang isang hanay na para nang nauna. Sacà pinagtalitali ang mang̃a sang̃a nang dalauang hanay na bacod; at naisipan pa niya na pataasin ang lupà sa pag-itan nang dalauang bacod; dahil dito,y, totoong tumibay, na lubhang mahirap maibual.
Dinidilig niya sa umaga,t, hapon nang tubig sa malapit na batis ang caniyang tanim, na guinauang pandilig ang cabaac na bauo. At di pa nalalaong lubhà ay naquita niya nang malaquing touà na nanariuà at umusbong na ang mang̃a halaman na caligaligayang tingnan.
Nang mayari na ang caniyang bacod, ay guinugol ang boong maghapon sa pagpili nang lubid na malaqui, na quinauà niyang hagdan na totoong pinacaigui.
Si Enrique.¿At an-hin baga niya ang hagdanan?Ang ama.Ng̃ayon mo maaalaman. Ang caniyang adhicâ ay houag magcaroon nang pintuan ang caniyang tahanan, at babatbatin niya nang bacod ang munting bucás na caniyang pinapasucan.Si Enrique.Datapoua,t, ¿paanong gagauin niya ang pagpasoc at paglabas?Ang ama.Ito ng̃a ang iguinauà niya nang isang hagdang lubid. Dapat nating acalain na ang pinacaburól nang caniyang tinatahanan ay ang taas may dalauang lampas tauo, at sa ibabao ay may isang punong cahoy. Dito itinali ang caniyang hagdan; at pinalauit hangan sa loob nang ang pagpanhic at pagpanaog; at nang maquitang lumabas na magaling, ay caniyang linuang̃an ang lubac nang buról, nang maguing pinacasilid niya. Caniyang pinagcurò na ang mang̃a camay niya lamang ay hindi maaari sa gauang ito; datapoua,t, ¿ano ang caniyang gagauin? Naguing cailang̃an na pagpilitan niyang humanap nang isang casangcapan; dahil dito,y, siya,y, naparoon sa isang lugar na caniyang quinaquitaan nang maraming mang̃a batong verde, na yao,y, totoong matitigas. Pumili siya, at nacatagpò siya nang isa na totoo niyang iquinatouà, sa pagca catulad nang palacol na may talim, at ang lalò pa,y, sa pagca,t, may butas na pagsosootan nang tangcay. Namasdan niyang mangyayaring gamitin niyang parang palacol, cung caniyang mapalaqui nang caunti ang butas; at dahil dito,y, cumuha siya nang isang batong munti at mahabà na siyang isinusulot niya at ipinagpapalaqui nang butas; sacá sinulutan niya nang capisang na cahoy na matibay na naguing tangcay; at caniyang tinalian na pinacahigpit niyong baguing na sinabi na natin.
Si Enrique.¿At an-hin baga niya ang hagdanan?
Ang ama.Ng̃ayon mo maaalaman. Ang caniyang adhicâ ay houag magcaroon nang pintuan ang caniyang tahanan, at babatbatin niya nang bacod ang munting bucás na caniyang pinapasucan.
Si Enrique.Datapoua,t, ¿paanong gagauin niya ang pagpasoc at paglabas?
Ang ama.Ito ng̃a ang iguinauà niya nang isang hagdang lubid. Dapat nating acalain na ang pinacaburól nang caniyang tinatahanan ay ang taas may dalauang lampas tauo, at sa ibabao ay may isang punong cahoy. Dito itinali ang caniyang hagdan; at pinalauit hangan sa loob nang ang pagpanhic at pagpanaog; at nang maquitang lumabas na magaling, ay caniyang linuang̃an ang lubac nang buról, nang maguing pinacasilid niya. Caniyang pinagcurò na ang mang̃a camay niya lamang ay hindi maaari sa gauang ito; datapoua,t, ¿ano ang caniyang gagauin? Naguing cailang̃an na pagpilitan niyang humanap nang isang casangcapan; dahil dito,y, siya,y, naparoon sa isang lugar na caniyang quinaquitaan nang maraming mang̃a batong verde, na yao,y, totoong matitigas. Pumili siya, at nacatagpò siya nang isa na totoo niyang iquinatouà, sa pagca catulad nang palacol na may talim, at ang lalò pa,y, sa pagca,t, may butas na pagsosootan nang tangcay. Namasdan niyang mangyayaring gamitin niyang parang palacol, cung caniyang mapalaqui nang caunti ang butas; at dahil dito,y, cumuha siya nang isang batong munti at mahabà na siyang isinusulot niya at ipinagpapalaqui nang butas; sacá sinulutan niya nang capisang na cahoy na matibay na naguing tangcay; at caniyang tinalian na pinacahigpit niyong baguing na sinabi na natin.
Pagcatapus ay caniyang tinicmang pinalacol ang isang munting cahoy, at sa pagca,t, naquita niyang nabual ay natouà siyang di hamac. Sa sanglibo mang piso,y, hindi niya maibibigay ang caniyang palacol dahil sa malaquing capaquinabang̃ang caniyang inaasahan.Nacacuha siya sa mang̃a bató nang dalaua pa, na maacalà niyang paquiquinabang̃an at magagamit sa anomang gagauin. Ang isa ay natutulad sa mang̃a pamucol, at ang isa,y, maicli ng̃unit,t, malaqui at matulis sa dacong dulo na parang tanat. Capouà dinala ni Robinson sa caniyang tahanan, na ang nasà niya,y, ipatuloy ang caniyang guinagauà.Nauastong totoo siya nang paggauà, na ang batóng tagadulo ay ibinabaon niya sa lupà at pinupucpoc niya nang pamucol ay naaalis at nahuhucay niya ang mang̃a bató na nababaon doon; at sa ilang arao lamang ay caniyang nalinis at napaluang yaong lubac na inaacalà niyang gau-ing silid. Sacá siya humacot nang maraming damó at ibinilad niya sa arao. Nang maquita niyang natuyò na ay ipinasoc sa caniyang lungâ at guinauà niyang parang banig; at dito sa caniyang naisipang ito ay nacatulog siya nang pahiga na parang tauo, at di para nang mang̃a naunang gabi na siya,y, natutulog sa mang̃a sang̃a nang cahoy na parang ibon. ¡Laquing caguinhauahan, ang mangyaring maihilig ang pagod na catauan sa isang hihigang damó! ¡O cung matalastas, aniya, nang aquing mang̃a cababayan cung anong hirap ang umupongmagdamag sa sang̃a nang cahoy gabigabi! ¡Gaanong pagpapahalaga ang gagau-in sa canilang capalaran na nacacatulog nang matahimic sa malalambot na hihigan at ualang pang̃anib na mahulog! Hindi pararaanin marahil ang isang arao na di nagpapasalamat sa Pang̃inoong Dios dahil dito at sa mang̃a iba pang caguinhauahan nila.Sa sumusunod na arao, sa pagca,t, lingong pang̃ilin, ay guinugol niya sa pananalang̃in, na habang oras siyang nacaluhod, at nacataas sa lang̃it ang caniyang luhaluhaang mata, at hinihing̃i niya sa Dios na siya,y, patauarin sa caniyang mang̃a camalian, at pagpalain at aliuin ang caniyang cahabaghabag na mang̃a magulang. Inuulitulit niya sa Maycapal na macapangyarihan ang catunayan nang caniyang pagquilala sa mang̃a cahang̃ahang̃ang tulong na ipinagcaloob sa caniya sa gayong calunoslunos na caguipitan, para nang pagcaualay niya sa lahat nang tauo; at ipinang̃ang̃aco niyang muli,t, muli ang pamimintuhong parang masunuring anac.
Pagcatapus ay caniyang tinicmang pinalacol ang isang munting cahoy, at sa pagca,t, naquita niyang nabual ay natouà siyang di hamac. Sa sanglibo mang piso,y, hindi niya maibibigay ang caniyang palacol dahil sa malaquing capaquinabang̃ang caniyang inaasahan.
Nacacuha siya sa mang̃a bató nang dalaua pa, na maacalà niyang paquiquinabang̃an at magagamit sa anomang gagauin. Ang isa ay natutulad sa mang̃a pamucol, at ang isa,y, maicli ng̃unit,t, malaqui at matulis sa dacong dulo na parang tanat. Capouà dinala ni Robinson sa caniyang tahanan, na ang nasà niya,y, ipatuloy ang caniyang guinagauà.
Nauastong totoo siya nang paggauà, na ang batóng tagadulo ay ibinabaon niya sa lupà at pinupucpoc niya nang pamucol ay naaalis at nahuhucay niya ang mang̃a bató na nababaon doon; at sa ilang arao lamang ay caniyang nalinis at napaluang yaong lubac na inaacalà niyang gau-ing silid. Sacá siya humacot nang maraming damó at ibinilad niya sa arao. Nang maquita niyang natuyò na ay ipinasoc sa caniyang lungâ at guinauà niyang parang banig; at dito sa caniyang naisipang ito ay nacatulog siya nang pahiga na parang tauo, at di para nang mang̃a naunang gabi na siya,y, natutulog sa mang̃a sang̃a nang cahoy na parang ibon. ¡Laquing caguinhauahan, ang mangyaring maihilig ang pagod na catauan sa isang hihigang damó! ¡O cung matalastas, aniya, nang aquing mang̃a cababayan cung anong hirap ang umupongmagdamag sa sang̃a nang cahoy gabigabi! ¡Gaanong pagpapahalaga ang gagau-in sa canilang capalaran na nacacatulog nang matahimic sa malalambot na hihigan at ualang pang̃anib na mahulog! Hindi pararaanin marahil ang isang arao na di nagpapasalamat sa Pang̃inoong Dios dahil dito at sa mang̃a iba pang caguinhauahan nila.
Sa sumusunod na arao, sa pagca,t, lingong pang̃ilin, ay guinugol niya sa pananalang̃in, na habang oras siyang nacaluhod, at nacataas sa lang̃it ang caniyang luhaluhaang mata, at hinihing̃i niya sa Dios na siya,y, patauarin sa caniyang mang̃a camalian, at pagpalain at aliuin ang caniyang cahabaghabag na mang̃a magulang. Inuulitulit niya sa Maycapal na macapangyarihan ang catunayan nang caniyang pagquilala sa mang̃a cahang̃ahang̃ang tulong na ipinagcaloob sa caniya sa gayong calunoslunos na caguipitan, para nang pagcaualay niya sa lahat nang tauo; at ipinang̃ang̃aco niyang muli,t, muli ang pamimintuhong parang masunuring anac.
Si Luisa. ¡Aba, at bungmubuti na si Robinson!Ang ama. Natatalastas nang Dios na iya,y, magbabago nang asal, cung macaranassiya nang mang̃a cahirapan; at caya ng̃a pinaticman sa caniya. Tingnan mo ng̃a ang inaasal sa atin nang Amang na sa lang̃it; hindi dahil sa cagalitan cundi dahil sa malaquing caauaan, caya pinadadalhan tayo manaca naca nang mang̃a cahirapan, na sa caniyang maauaing camay ay mabibisang lunas, at natatalastas niyang quinacailang̃an sa icagagaling nang mang̃a saquit nang ating mang̃a caloloua. Natatacot si Robinson na macalimutan ang pagcasunodsunod nang mang̃a arao sa sanglingo, ay inisip na gumaua nang isang calendario.Si Juan. ¿Ano po? ¿isang calendario?Ang ama. Oo, isang calendario, na bagama,t, hindi maipalimbag, at hindi naman totoong mabuti para nang atin dito sa Europa; datapoua,t, sucat icabilang nang mang̃a arao.Si Juan. ¿At paano ang guinauà?Ang ama. Yamang ualang papel at iba pang cailang̃an sa pagsulat, at pumili nang apat na punong cahoy na malilinis ang balat at hindi nagcacalayolayo. Ang pinaca malaqui sa mang̃a cahoy na ito ay guinuguhitan touing hapon nang isang batóng matulis, tandang nacaraan na ang arao. Pagdating nang icapitong guhit, aynatatalastas na niyang natapus na ang isang lingo; at ang guinauà niya,y, guinuguhitan naman nang isang guhit ang sumunod na cahoy, na ang cahuluga,y, isang lingo. Itong icalauang cahoy ay capag naguhitan na ang macaapat, ay guinuguhitan nang isa ang icatlong cahoy, na ang cahuluga,y, isang bouan; at sa catapusa,y, capag naguhitan na nang labing dalaua ang cahoy, na ito ay lumilipat sa icapat na cahoy na guinuguhitan nang isa, na ang cahuluga,y, isang taon.Si Enrique. Datapoua,t, hindi ang lahat nang buan ay nagcacapara nang dalang arao: may bouang tatatlong puo, at may bóuang tatlong puo at isa. ¿Paanong matatalastas ni Robinson at dalang arao nang baua,t, isang bouan?Ang ama. Binibilang sa mang̃a daliri.Si Juan. ¿Pagbilang sa mang̃a daliri?Ang ama. Gayon ng̃a; at ituturo co sa inyo, cung ibig ninyong matutuhan.Ang Lahat. Oo ng̃a pò.Ang ama. Cung gayo,y, paquimatiagan ninyo aco. Iticom ninyo ang caliuang camay, at hipuin ninyo nang isang daliri ang mang̃a butó at ang pag-itan lubac; at casabay ninyong sasabihin sa paghipo ang mang̃a ng̃alan nang mang̃a bouan nasunodsunod. Ang bouang tumatama sa butó, ay may tatlong puo,t, isang arao; at ang tumatama sa lubac ay tatlong puo; liban na lamang ang Febrero, na cailan ma,y, di dumarating sa tatlong puong arao, sa pagca,t, mayroon lamang dalauang puo at ualo, at minsan sa touing icapat na taon ay dalauang puo,t, siyam na arao.
Si Luisa. ¡Aba, at bungmubuti na si Robinson!
Ang ama. Natatalastas nang Dios na iya,y, magbabago nang asal, cung macaranassiya nang mang̃a cahirapan; at caya ng̃a pinaticman sa caniya. Tingnan mo ng̃a ang inaasal sa atin nang Amang na sa lang̃it; hindi dahil sa cagalitan cundi dahil sa malaquing caauaan, caya pinadadalhan tayo manaca naca nang mang̃a cahirapan, na sa caniyang maauaing camay ay mabibisang lunas, at natatalastas niyang quinacailang̃an sa icagagaling nang mang̃a saquit nang ating mang̃a caloloua. Natatacot si Robinson na macalimutan ang pagcasunodsunod nang mang̃a arao sa sanglingo, ay inisip na gumaua nang isang calendario.
Si Juan. ¿Ano po? ¿isang calendario?
Ang ama. Oo, isang calendario, na bagama,t, hindi maipalimbag, at hindi naman totoong mabuti para nang atin dito sa Europa; datapoua,t, sucat icabilang nang mang̃a arao.
Si Juan. ¿At paano ang guinauà?
Ang ama. Yamang ualang papel at iba pang cailang̃an sa pagsulat, at pumili nang apat na punong cahoy na malilinis ang balat at hindi nagcacalayolayo. Ang pinaca malaqui sa mang̃a cahoy na ito ay guinuguhitan touing hapon nang isang batóng matulis, tandang nacaraan na ang arao. Pagdating nang icapitong guhit, aynatatalastas na niyang natapus na ang isang lingo; at ang guinauà niya,y, guinuguhitan naman nang isang guhit ang sumunod na cahoy, na ang cahuluga,y, isang lingo. Itong icalauang cahoy ay capag naguhitan na ang macaapat, ay guinuguhitan nang isa ang icatlong cahoy, na ang cahuluga,y, isang bouan; at sa catapusa,y, capag naguhitan na nang labing dalaua ang cahoy, na ito ay lumilipat sa icapat na cahoy na guinuguhitan nang isa, na ang cahuluga,y, isang taon.
Si Enrique. Datapoua,t, hindi ang lahat nang buan ay nagcacapara nang dalang arao: may bouang tatatlong puo, at may bóuang tatlong puo at isa. ¿Paanong matatalastas ni Robinson at dalang arao nang baua,t, isang bouan?
Ang ama. Binibilang sa mang̃a daliri.
Si Juan. ¿Pagbilang sa mang̃a daliri?
Ang ama. Gayon ng̃a; at ituturo co sa inyo, cung ibig ninyong matutuhan.
Ang Lahat. Oo ng̃a pò.
Ang ama. Cung gayo,y, paquimatiagan ninyo aco. Iticom ninyo ang caliuang camay, at hipuin ninyo nang isang daliri ang mang̃a butó at ang pag-itan lubac; at casabay ninyong sasabihin sa paghipo ang mang̃a ng̃alan nang mang̃a bouan nasunodsunod. Ang bouang tumatama sa butó, ay may tatlong puo,t, isang arao; at ang tumatama sa lubac ay tatlong puo; liban na lamang ang Febrero, na cailan ma,y, di dumarating sa tatlong puong arao, sa pagca,t, mayroon lamang dalauang puo at ualo, at minsan sa touing icapat na taon ay dalauang puo,t, siyam na arao.
Pinasimulan na ng̃a niya ang pagbilang sa butó nang daliring hintuturò, na siyang lalong nalalapit sa hinlalaqui, at hinipò nang isang daliri sa canan, casabay ang pagsasabi nang unang bouan nang taon, ang Enero baga. Cung sa bagay ¿ilang arao ang dala nang Enero?
Pinasimulan na ng̃a niya ang pagbilang sa butó nang daliring hintuturò, na siyang lalong nalalapit sa hinlalaqui, at hinipò nang isang daliri sa canan, casabay ang pagsasabi nang unang bouan nang taon, ang Enero baga. Cung sa bagay ¿ilang arao ang dala nang Enero?
Si Juan. Tatlong puo at isa.Ang ama. Ipatutuloy co ang pagbilang sa butó at sa lubac; at icao, Juan, ay sasagot sa aquin cung ilan ang dalang arao nang baua,t, bouan. Ipatuloy natin. Febrero ...Si Juan. Ang Febrero,y, dapat magcaroon nang tatlong puong arao; datapoua,t, uala cundi cung minsa,y, dalauang puo,t, ualo lamang, at cung minsa,y, dalauang puo,t, siyam.Ang ama. ¿Ang Marzo ilan ang dalang arao?Si Juan. Tatlong puo,t, isa.Ang ama. Ang Abril ...Si Juan. Tatlong puo ...Ang ama. Ang Mayo ...Si Juan. Tatlong puo,t, isa.Ang ama. Ang Junio ...Si Juan. Tatlong puo.Ang ama. Ang Julio ...Si Juan. Tatlong puo,t, isa.Ang ama. Ang Agosto ... (Pasisimulang muli ang pagbilang sa butó nang hintuturò)Si Juan. Tatlong puo,t, isa.Ang ama. Ang Setiembre ...Si Juan. Tatlong puo.Ang ama. Ang Octubre ...Si Juan. Tatlong puo,t, isa.Ang ama. Ang Noviembre ...Si Juan. Tatlong puo.Ang ama. Ang Diciembre ...Si Juan. Tatlong puo,t, isa.Ang ama. ¿Naquita mo na, Enrique, na ualang pagcacamali ang ating calendario? Nararapat matutuhan ang mang̃a bagay na ito, na manacânaca,y, totoong cailang̃an.Si Juan. Hindi co na calilimutan.Si Enrique. Aco man; at totoong natalastas cong lahat.Ang ama. Sa paraang ito,y, napaging̃atanni Robinson ang pagcacasunodsunod nang arao, bouan at taon, at nang matalastas niya ang arao nang lingo, at nang caniyang maipang̃ilin, para nang ibang mang̃a cristiano.
Si Juan. Tatlong puo at isa.
Ang ama. Ipatutuloy co ang pagbilang sa butó at sa lubac; at icao, Juan, ay sasagot sa aquin cung ilan ang dalang arao nang baua,t, bouan. Ipatuloy natin. Febrero ...
Si Juan. Ang Febrero,y, dapat magcaroon nang tatlong puong arao; datapoua,t, uala cundi cung minsa,y, dalauang puo,t, ualo lamang, at cung minsa,y, dalauang puo,t, siyam.
Ang ama. ¿Ang Marzo ilan ang dalang arao?
Si Juan. Tatlong puo,t, isa.
Ang ama. Ang Abril ...
Si Juan. Tatlong puo ...
Ang ama. Ang Mayo ...
Si Juan. Tatlong puo,t, isa.
Ang ama. Ang Junio ...
Si Juan. Tatlong puo.
Ang ama. Ang Julio ...
Si Juan. Tatlong puo,t, isa.
Ang ama. Ang Agosto ... (Pasisimulang muli ang pagbilang sa butó nang hintuturò)
Si Juan. Tatlong puo,t, isa.
Ang ama. Ang Setiembre ...
Si Juan. Tatlong puo.
Ang ama. Ang Octubre ...
Si Juan. Tatlong puo,t, isa.
Ang ama. Ang Noviembre ...
Si Juan. Tatlong puo.
Ang ama. Ang Diciembre ...
Si Juan. Tatlong puo,t, isa.
Ang ama. ¿Naquita mo na, Enrique, na ualang pagcacamali ang ating calendario? Nararapat matutuhan ang mang̃a bagay na ito, na manacânaca,y, totoong cailang̃an.
Si Juan. Hindi co na calilimutan.
Si Enrique. Aco man; at totoong natalastas cong lahat.
Ang ama. Sa paraang ito,y, napaging̃atanni Robinson ang pagcacasunodsunod nang arao, bouan at taon, at nang matalastas niya ang arao nang lingo, at nang caniyang maipang̃ilin, para nang ibang mang̃a cristiano.
Sa panahong yao,y, halos naubos na niya ang mang̃a bung̃a nang niyog nang nacaisa isang puno na caniyang naquita, at totoong dumadalang na ang mang̃a talabá sa tabing dagat na di macabusog sa canya sa touing pagcain, dito na siya sinidlan nang catacutan na baca maualan siya nang pagcain.Magpahangan niyon ay hindi siya macapang̃ahas na lumayong lubha sa caniyang tahanan sa pagcatacot sa mababang̃is na hayop, at mang̃a tauong bundoc, na baca sacali,y, mayroon sa iláng na yaon; datapoua,t, sa pagcacailang̃an nang pagcain, ay lumacad siya nang may calayuan, nang macaquita ng̃a nang ibang bagay na sucat macain. Pinasiya na ng̃a sa loob na maglibot sa icalauang arao sa pamag-itan nang tulong nang Dios; at guinugol ang isang bahagui nang gabi sa paggaua nang payong.
Sa panahong yao,y, halos naubos na niya ang mang̃a bung̃a nang niyog nang nacaisa isang puno na caniyang naquita, at totoong dumadalang na ang mang̃a talabá sa tabing dagat na di macabusog sa canya sa touing pagcain, dito na siya sinidlan nang catacutan na baca maualan siya nang pagcain.
Magpahangan niyon ay hindi siya macapang̃ahas na lumayong lubha sa caniyang tahanan sa pagcatacot sa mababang̃is na hayop, at mang̃a tauong bundoc, na baca sacali,y, mayroon sa iláng na yaon; datapoua,t, sa pagcacailang̃an nang pagcain, ay lumacad siya nang may calayuan, nang macaquita ng̃a nang ibang bagay na sucat macain. Pinasiya na ng̃a sa loob na maglibot sa icalauang arao sa pamag-itan nang tulong nang Dios; at guinugol ang isang bahagui nang gabi sa paggaua nang payong.
Si Nicolás.¿At sinong nagbigay sa caniya nang cayo at ballena sa paggauà nang payong?Ang ama.Ualang cayo, ualang ballena, ualang labasa, ualang gunting, ualang carayom at ualang sinulid na guinamit siya; at gayon ma,y, nayari niya ang payong. Gumaua siya nang isang parang balantoc na baguing nang cahoy at caniyang pinaghalahalambatan na parang bilauo; at sa guitna,y, pinasacan niya nang capisang na cahoy na pinagtibay niya nang tali. Saca cumuha siya nang mang̃a talucab nang niyog at siya niyang itinaquip na pinagtalitali sa ibabao nang baguing, at ito ang guinamit niyang payong.
Si Nicolás.¿At sinong nagbigay sa caniya nang cayo at ballena sa paggauà nang payong?
Ang ama.Ualang cayo, ualang ballena, ualang labasa, ualang gunting, ualang carayom at ualang sinulid na guinamit siya; at gayon ma,y, nayari niya ang payong. Gumaua siya nang isang parang balantoc na baguing nang cahoy at caniyang pinaghalahalambatan na parang bilauo; at sa guitna,y, pinasacan niya nang capisang na cahoy na pinagtibay niya nang tali. Saca cumuha siya nang mang̃a talucab nang niyog at siya niyang itinaquip na pinagtalitali sa ibabao nang baguing, at ito ang guinamit niyang payong.
Touing macayayari siya nang anomang bagay, ay nacararamdam siya nang di malirip na caligayahan at caraniuang nasasalita niya sa sarili; ¡totoong pagcahang̃alhang̃al co sa aquing cabataan, na sinasayang co ang panahon sa ualang cabuluhang bagay! ¡Ó cung aco ng̃a,y, na sa sa Europa, at magcaroon aco sa camay nang mang̃a casangcapan na doo,y, murang mura! ¡Gaanong mang̃a bagay ang aquing magagaua! ¡Laquing pagcauili co sa paggaua nang sarili cong camay nang mang̃a casangcapang quinacailang̃an co!Sa pagca,t, may caagahan pa ay naisipan niyang gumaua nang isang supot na caniyang mapaglalag-yan nang caniyang masusumpung̃ang pagcain, at nang hindi siya mahirapan sa pagdadala. Pinagcurong sandali ang paggauà nito, at sa catapusa,y, naisip niya ang mabuting paraan. Sa mang̃a baguing na caniyang binugbog, at naguing parang abacá na sinabi co nang caniyang tinipon, ay guinauà niyang parang lambat, at ito,y, siyang guinauang supot.
Touing macayayari siya nang anomang bagay, ay nacararamdam siya nang di malirip na caligayahan at caraniuang nasasalita niya sa sarili; ¡totoong pagcahang̃alhang̃al co sa aquing cabataan, na sinasayang co ang panahon sa ualang cabuluhang bagay! ¡Ó cung aco ng̃a,y, na sa sa Europa, at magcaroon aco sa camay nang mang̃a casangcapan na doo,y, murang mura! ¡Gaanong mang̃a bagay ang aquing magagaua! ¡Laquing pagcauili co sa paggaua nang sarili cong camay nang mang̃a casangcapang quinacailang̃an co!
Sa pagca,t, may caagahan pa ay naisipan niyang gumaua nang isang supot na caniyang mapaglalag-yan nang caniyang masusumpung̃ang pagcain, at nang hindi siya mahirapan sa pagdadala. Pinagcurong sandali ang paggauà nito, at sa catapusa,y, naisip niya ang mabuting paraan. Sa mang̃a baguing na caniyang binugbog, at naguing parang abacá na sinabi co nang caniyang tinipon, ay guinauà niyang parang lambat, at ito,y, siyang guinauang supot.
Si Teodora.Ibig co namang gumauà nang isang supot.Si Nicolás.Aco naman, cung tayo,y, magcaroon nang abacá.Si Luisa.Mabuti ang inaacalà ninyo, mang̃a batà. Sa pagca,t, cung cayo,y, mapadpad sa alin mang pulò na para ni Robinson na ualang casamang sinoman, ay maaalaman na ninyo ang dapat gauin. ¿Dili pô baga totoo?Ang ama.Aco,y, natotouà na magpacasipag cayo nang ganiyan. Datapoua,t, pabayaan nating macatulog si Robinson hangang bucas, at samantala,y, titingnan co cung aco,y, matutumpac na gumauà nang isang payong na casinggaling nang caniya.
Si Teodora.Ibig co namang gumauà nang isang supot.
Si Nicolás.Aco naman, cung tayo,y, magcaroon nang abacá.
Si Luisa.Mabuti ang inaacalà ninyo, mang̃a batà. Sa pagca,t, cung cayo,y, mapadpad sa alin mang pulò na para ni Robinson na ualang casamang sinoman, ay maaalaman na ninyo ang dapat gauin. ¿Dili pô baga totoo?
Ang ama.Aco,y, natotouà na magpacasipag cayo nang ganiyan. Datapoua,t, pabayaan nating macatulog si Robinson hangang bucas, at samantala,y, titingnan co cung aco,y, matutumpac na gumauà nang isang payong na casinggaling nang caniya.
Nang magcatipon sa icalauang arao ang mang̃a nagsasalitaan sa lugar na canilang quinauiuilihan, ay naquita nilang dumating si Nicolás na totoong natotouà at nagmamagaling, at may dalang isang payongpayong̃an, na siyang pinagtac-han nang lahat. Ang guinauà niyang balangcas ay ang salaan ó calong malaqui na hiniram niya sa cocinero, at linag-yan niya nang tangcay.
Nang magcatipon sa icalauang arao ang mang̃a nagsasalitaan sa lugar na canilang quinauiuilihan, ay naquita nilang dumating si Nicolás na totoong natotouà at nagmamagaling, at may dalang isang payongpayong̃an, na siyang pinagtac-han nang lahat. Ang guinauà niyang balangcas ay ang salaan ó calong malaqui na hiniram niya sa cocinero, at linag-yan niya nang tangcay.
Ang ina.¡Totoong magaling, totoong magaling! camunti náng pagcamalán cong icao ay si Robinson.Si Juan.Aco sana nama,y, magpapaquita dito nang isang payongpayong̃an, cung magcacaroon pa aco nang sandaling oras na sucat icatapus nang paggauà.Si Teodora.Ganito rin naman sana ang nangyari sa aquin.Ang ama.Sucat na lamang ang pagcayari ni Nicolás, at nang mapatotoohanan na tayo nama,y, mangyayaring macagauà niyan. Datapoua,t, hindi totoong malaquing bagay, catoto, ang guinaua mo.Si Nicolás.Hindi co naman dinala ito rito cundi sa pagcacailang̃an, at sa pagca,t, hindi aco nacagauà sa sandaling panahon nang iba.Ang ama.(Quinuha niya sa licod nang bacod ang isang payongpayong̃ang guinaua niya, at itinanong niya.) ¿Ano caya? ¿anong ting̃in mo rito?Si Nicolás.¡Oh, iyan ang totoong mariquit!Ang ama.Aquing iing̃atan ito hangang dumating sa catapusan nang Historia, at ang matumpac na tumulad nang mang̃a bagay na gagauin ni Robinson, ay siya nating aariing Robinson dito, at ibibigay co sa caniya ang bagay na ito.Si Teodora.¿At gagaua baga naman tayo nang isang lungang para niya?Ang ama.¿At baquit hindi?Ang lahat.Cung gayo,y, magaling.Ang ama.Madaling arao pa,y, nagbang̃on na si Robinson at naghanda na sa paglacad, isinabit sa liig ang caniyang supot, nagtali sa bayauang na doon isinabit ang caniyang palacol, pinasan ang caniyang payong, at minulan na ang caniyang paglacad nang boong casiglahan nang loob.
Ang ina.¡Totoong magaling, totoong magaling! camunti náng pagcamalán cong icao ay si Robinson.
Si Juan.Aco sana nama,y, magpapaquita dito nang isang payongpayong̃an, cung magcacaroon pa aco nang sandaling oras na sucat icatapus nang paggauà.
Si Teodora.Ganito rin naman sana ang nangyari sa aquin.
Ang ama.Sucat na lamang ang pagcayari ni Nicolás, at nang mapatotoohanan na tayo nama,y, mangyayaring macagauà niyan. Datapoua,t, hindi totoong malaquing bagay, catoto, ang guinaua mo.
Si Nicolás.Hindi co naman dinala ito rito cundi sa pagcacailang̃an, at sa pagca,t, hindi aco nacagauà sa sandaling panahon nang iba.
Ang ama.(Quinuha niya sa licod nang bacod ang isang payongpayong̃ang guinaua niya, at itinanong niya.) ¿Ano caya? ¿anong ting̃in mo rito?
Si Nicolás.¡Oh, iyan ang totoong mariquit!
Ang ama.Aquing iing̃atan ito hangang dumating sa catapusan nang Historia, at ang matumpac na tumulad nang mang̃a bagay na gagauin ni Robinson, ay siya nating aariing Robinson dito, at ibibigay co sa caniya ang bagay na ito.
Si Teodora.¿At gagaua baga naman tayo nang isang lungang para niya?
Ang ama.¿At baquit hindi?
Ang lahat.Cung gayo,y, magaling.
Ang ama.Madaling arao pa,y, nagbang̃on na si Robinson at naghanda na sa paglacad, isinabit sa liig ang caniyang supot, nagtali sa bayauang na doon isinabit ang caniyang palacol, pinasan ang caniyang payong, at minulan na ang caniyang paglacad nang boong casiglahan nang loob.