Ang unang guinauà ay nagdaan siya sa punò nang niyog niya at cumuha nangdalauang buco, na isinilid niya sa caniyang supot, at bucod sa baong ito, ay nagdaan pa sa tabi nang dagat at humanap nang ilang talaba. Nang siya,y, macapagbaon na nitong dalauang pagcain at macainom na nang malamig na tubig sa batis, ay minulan na ang caniyang paglacad. Ang umaga ay mapayapa, at habang ang arao ay sumusung̃ao sa silang̃anan, na parang umaahon sa mang̃a alon nang dagat, ay nababanaagan nang masanghaya niyang sicat ang matataas na sang̃a nang cahoy; di mabilang na ibon, malalaqui,t, mumunti at sarisaring balahibò, ay nang̃agaauitan na parang binabati nila at ipinagdiriuang ang bagong paglabas nang arao. Totoong dalisay at cauiliuili ang sandaigdigan, na parang bagong cagagaling sa camay nang Dios; at ang mang̃a halaman at mang̃a bulaclac ay nagsasambulat nang canilang cabang̃ohan.Naramdaman ni Robinson na ang caniyang puso,y, napuspos nang caligayahan at pagquilala sa auà nang Maycapal. Dito, aniya, dito at sa lahat nang lugar ay ilinalathala ang capangyarihan nang Ama nang sangmaliuanag; at naquisamò siya sa pagsasaliuan nang mang̃a ibon na caniyang inauit, itong dalit sa umaga:
Ang unang guinauà ay nagdaan siya sa punò nang niyog niya at cumuha nangdalauang buco, na isinilid niya sa caniyang supot, at bucod sa baong ito, ay nagdaan pa sa tabi nang dagat at humanap nang ilang talaba. Nang siya,y, macapagbaon na nitong dalauang pagcain at macainom na nang malamig na tubig sa batis, ay minulan na ang caniyang paglacad. Ang umaga ay mapayapa, at habang ang arao ay sumusung̃ao sa silang̃anan, na parang umaahon sa mang̃a alon nang dagat, ay nababanaagan nang masanghaya niyang sicat ang matataas na sang̃a nang cahoy; di mabilang na ibon, malalaqui,t, mumunti at sarisaring balahibò, ay nang̃agaauitan na parang binabati nila at ipinagdiriuang ang bagong paglabas nang arao. Totoong dalisay at cauiliuili ang sandaigdigan, na parang bagong cagagaling sa camay nang Dios; at ang mang̃a halaman at mang̃a bulaclac ay nagsasambulat nang canilang cabang̃ohan.
Naramdaman ni Robinson na ang caniyang puso,y, napuspos nang caligayahan at pagquilala sa auà nang Maycapal. Dito, aniya, dito at sa lahat nang lugar ay ilinalathala ang capangyarihan nang Ama nang sangmaliuanag; at naquisamò siya sa pagsasaliuan nang mang̃a ibon na caniyang inauit, itong dalit sa umaga:
Daraquilang Dios, sa aqui,y, nagbigayniring pagcatauo,t, boong cagaling̃an,icao ang may ari at nacaaalamnang cabuhayan co at nang camatayan.Ang arao na ito bagong nagcacalatnang tanglao sa mundo nang masayang sinaginiaalay co nang boong pagliyagsa iyo, daraquilang Poong sacdal taas.Maamo mong mata ay iyong itunghaysa baua,t, sandali sa aba cong lagay,at iyang camay mong macapangyarihanay iligtas aco sa capanganiban.Sa lubhang matamis na aquing pagasasa caauaan mo, mapagpalang Ama,ay di itutulot aco,y, magcasalasa iyong calac-hang ualang macapara.Ang caguipitan co,y, iyong mamamalas,caruc-haa,y, sacdal at salat na salat,tangapin mo nauà ang pagod at puyatnitong si Robinson alipin mong hamac.At tutularan co ang capayapaannang mang̃a lingcod mong loob na hinusay;inaasahan ca habang nabubuhaymaguing sa ligaya at capighatian.[2]Pagca,t, natatantô ang iyong parusaay hindi sa poot, cundi sa pagsinta;ipinapalit mo ang sandaling dusasa hirap na ualang catapusa,t, hanga.Ang tauong lagui nang inaalalayannang saganang touà at caligayahanay sampo nang Dios nacacalimutanpuso,y, nahihilig sa tanang quinapal.At dili miminsang ang nagugupilingay pinupucao mo nang dusa,t, hilahil,nang houag magtuloy mabulid na tambingsa dalitang ualang pagasang hihintin.Pasalamatan ca nang sangcatauohan,pasalamatan ca nang sangdaigdigan,Dios na iisa at ualang capantay,puspos nang pagsinta sa hamac na capal.At icao, ó Virgen, na linarauanannang dilág ni Ester at pagtatangcacalsa bayan nan Judio niyong dacong araoang abang palad co nama,y, alalayan.At icao, ó Santong lubhang daraquilà,hinirang nang lang̃it sa lalaquing madlàna maguing Esposo niyong natimauàat di tinamaan nang sa salang sumpá.Tunghayan nang iyong mahabaguing mata,mapalad na Joséng Esposo ni Maria,itong si Robinsong nacaisaisasa guitnâ nang iláng at madlang pang̃amba.Gayon din sa iyo, daquilang Arcángel,lubhang mapagpalá pang̃ala,y, Rafael:iyong patnugutan sa madlang hilahilitong nananaghoy na iyong alipin.
Daraquilang Dios, sa aqui,y, nagbigayniring pagcatauo,t, boong cagaling̃an,icao ang may ari at nacaaalamnang cabuhayan co at nang camatayan.
Daraquilang Dios, sa aqui,y, nagbigay
niring pagcatauo,t, boong cagaling̃an,
icao ang may ari at nacaaalam
nang cabuhayan co at nang camatayan.
Ang arao na ito bagong nagcacalatnang tanglao sa mundo nang masayang sinaginiaalay co nang boong pagliyagsa iyo, daraquilang Poong sacdal taas.
Ang arao na ito bagong nagcacalat
nang tanglao sa mundo nang masayang sinag
iniaalay co nang boong pagliyag
sa iyo, daraquilang Poong sacdal taas.
Maamo mong mata ay iyong itunghaysa baua,t, sandali sa aba cong lagay,at iyang camay mong macapangyarihanay iligtas aco sa capanganiban.
Maamo mong mata ay iyong itunghay
sa baua,t, sandali sa aba cong lagay,
at iyang camay mong macapangyarihan
ay iligtas aco sa capanganiban.
Sa lubhang matamis na aquing pagasasa caauaan mo, mapagpalang Ama,ay di itutulot aco,y, magcasalasa iyong calac-hang ualang macapara.
Sa lubhang matamis na aquing pagasa
sa caauaan mo, mapagpalang Ama,
ay di itutulot aco,y, magcasala
sa iyong calac-hang ualang macapara.
Ang caguipitan co,y, iyong mamamalas,caruc-haa,y, sacdal at salat na salat,tangapin mo nauà ang pagod at puyatnitong si Robinson alipin mong hamac.
Ang caguipitan co,y, iyong mamamalas,
caruc-haa,y, sacdal at salat na salat,
tangapin mo nauà ang pagod at puyat
nitong si Robinson alipin mong hamac.
At tutularan co ang capayapaannang mang̃a lingcod mong loob na hinusay;inaasahan ca habang nabubuhaymaguing sa ligaya at capighatian.[2]
At tutularan co ang capayapaan
nang mang̃a lingcod mong loob na hinusay;
inaasahan ca habang nabubuhay
maguing sa ligaya at capighatian.[2]
Pagca,t, natatantô ang iyong parusaay hindi sa poot, cundi sa pagsinta;ipinapalit mo ang sandaling dusasa hirap na ualang catapusa,t, hanga.
Pagca,t, natatantô ang iyong parusa
ay hindi sa poot, cundi sa pagsinta;
ipinapalit mo ang sandaling dusa
sa hirap na ualang catapusa,t, hanga.
Ang tauong lagui nang inaalalayannang saganang touà at caligayahanay sampo nang Dios nacacalimutanpuso,y, nahihilig sa tanang quinapal.
Ang tauong lagui nang inaalalayan
nang saganang touà at caligayahan
ay sampo nang Dios nacacalimutan
puso,y, nahihilig sa tanang quinapal.
At dili miminsang ang nagugupilingay pinupucao mo nang dusa,t, hilahil,nang houag magtuloy mabulid na tambingsa dalitang ualang pagasang hihintin.
At dili miminsang ang nagugupiling
ay pinupucao mo nang dusa,t, hilahil,
nang houag magtuloy mabulid na tambing
sa dalitang ualang pagasang hihintin.
Pasalamatan ca nang sangcatauohan,pasalamatan ca nang sangdaigdigan,Dios na iisa at ualang capantay,puspos nang pagsinta sa hamac na capal.
Pasalamatan ca nang sangcatauohan,
pasalamatan ca nang sangdaigdigan,
Dios na iisa at ualang capantay,
puspos nang pagsinta sa hamac na capal.
At icao, ó Virgen, na linarauanannang dilág ni Ester at pagtatangcacalsa bayan nan Judio niyong dacong araoang abang palad co nama,y, alalayan.
At icao, ó Virgen, na linarauanan
nang dilág ni Ester at pagtatangcacal
sa bayan nan Judio niyong dacong arao
ang abang palad co nama,y, alalayan.
At icao, ó Santong lubhang daraquilà,hinirang nang lang̃it sa lalaquing madlàna maguing Esposo niyong natimauàat di tinamaan nang sa salang sumpá.
At icao, ó Santong lubhang daraquilà,
hinirang nang lang̃it sa lalaquing madlà
na maguing Esposo niyong natimauà
at di tinamaan nang sa salang sumpá.
Tunghayan nang iyong mahabaguing mata,mapalad na Joséng Esposo ni Maria,itong si Robinsong nacaisaisasa guitnâ nang iláng at madlang pang̃amba.
Tunghayan nang iyong mahabaguing mata,
mapalad na Joséng Esposo ni Maria,
itong si Robinsong nacaisaisa
sa guitnâ nang iláng at madlang pang̃amba.
Gayon din sa iyo, daquilang Arcángel,lubhang mapagpalá pang̃ala,y, Rafael:iyong patnugutan sa madlang hilahilitong nananaghoy na iyong alipin.
Gayon din sa iyo, daquilang Arcángel,
lubhang mapagpalá pang̃ala,y, Rafael:
iyong patnugutan sa madlang hilahil
itong nananaghoy na iyong alipin.
Si Teodora.¡Ay! ama co, ¿ibig baga ninyong ibigay sa aquin iyang mang̃a tulang totoong mariquit, at nang aquing mabasa at macanta touing umaga sa pagbang̃on?Ang ama.Oo.Si Ramon.Capag natutuhan mo ang letra, ay ituturo co sa iyo ang tono, at nang ating macanta.Si Nicolás.Oo ng̃a, pagaralan nating lahat.Ang ama.Nagdadalang tacot pa si Robinson sa mang̃a hayop sa bundoc at sa mang̃a tauong damó, ay pinaging̃atan niya ang pagdaan sa masusucal na gubat, at ang hinahanap niyang lacaran ay ang malilinis na caparang̃an, at nang maquita niyang madali ang ano mang bagay; datapoua,t, ang mang̃a lugar na yaon ay siyang lalong salat, na ualang sucat maquitang pagcain, caya ng̃a mahaba na ang caniyang nalalacad ay ualang naquiquitang anomang bagay na sucat ma cabayad sa caniyang capaguran.
Si Teodora.¡Ay! ama co, ¿ibig baga ninyong ibigay sa aquin iyang mang̃a tulang totoong mariquit, at nang aquing mabasa at macanta touing umaga sa pagbang̃on?
Ang ama.Oo.
Si Ramon.Capag natutuhan mo ang letra, ay ituturo co sa iyo ang tono, at nang ating macanta.
Si Nicolás.Oo ng̃a, pagaralan nating lahat.
Ang ama.Nagdadalang tacot pa si Robinson sa mang̃a hayop sa bundoc at sa mang̃a tauong damó, ay pinaging̃atan niya ang pagdaan sa masusucal na gubat, at ang hinahanap niyang lacaran ay ang malilinis na caparang̃an, at nang maquita niyang madali ang ano mang bagay; datapoua,t, ang mang̃a lugar na yaon ay siyang lalong salat, na ualang sucat maquitang pagcain, caya ng̃a mahaba na ang caniyang nalalacad ay ualang naquiquitang anomang bagay na sucat ma cabayad sa caniyang capaguran.
Sa catapusa,y, nacatanao nang ilang mang̃a halaman na inacala niyang nararapat lapitan at siyasatin. Totoong nagcacalapitlapit na naguing parang isang cagubatan, at namasdan niya na ang iba,y, may bulaclac na mapulapula, ang iba,y, mapuputi, at ang iba,y, ualang bulaclac cundi mang̃a bung̃ang mapupusiao na casinglaqui nang bayabas natin dito sa Filipinas. Quinagat niya capagdaca ang isa; datapoua,t, naquilala niyang di sucat macain, at totoong nagalit siya, na capagdaca,y, binunot niya ang halaman, at ihahaguis na sana, ay siyang pagcaquita niya sa mang̃a ugat ay may nabibiting tila mang̃a tugui na malaqui,t, munti. Inacalà niyang iyon ang tunay na bung̃a nang halaman: tinicman niya, at nang caniyang malasahang masaclap at matigas ay itinapon na sanang lahat. Datapoua,t, sumilid sa caniyang pagiisip yaong cahatulang, na di dapat nating acalain na ualang casaysayan ang ano mang bagay, sa pagca,t, di natin naquita agad ang cagaling̃an nila. Itinago na ng̃a sa caniyang supot yaong mang̃a bung̃ang tila tugui, at ipinatuloy na ang caniyang paglacad.
Sa catapusa,y, nacatanao nang ilang mang̃a halaman na inacala niyang nararapat lapitan at siyasatin. Totoong nagcacalapitlapit na naguing parang isang cagubatan, at namasdan niya na ang iba,y, may bulaclac na mapulapula, ang iba,y, mapuputi, at ang iba,y, ualang bulaclac cundi mang̃a bung̃ang mapupusiao na casinglaqui nang bayabas natin dito sa Filipinas. Quinagat niya capagdaca ang isa; datapoua,t, naquilala niyang di sucat macain, at totoong nagalit siya, na capagdaca,y, binunot niya ang halaman, at ihahaguis na sana, ay siyang pagcaquita niya sa mang̃a ugat ay may nabibiting tila mang̃a tugui na malaqui,t, munti. Inacalà niyang iyon ang tunay na bung̃a nang halaman: tinicman niya, at nang caniyang malasahang masaclap at matigas ay itinapon na sanang lahat. Datapoua,t, sumilid sa caniyang pagiisip yaong cahatulang, na di dapat nating acalain na ualang casaysayan ang ano mang bagay, sa pagca,t, di natin naquita agad ang cagaling̃an nila. Itinago na ng̃a sa caniyang supot yaong mang̃a bung̃ang tila tugui, at ipinatuloy na ang caniyang paglacad.
Si Juan.Natatalastas co na cung ano yaong mang̃a tila tuguing yaon, cung ano ang ng̃alan.Ang ama.Tingnan natin cung ano ang isip mo.Si Juan.Yaon po,y mang̃a patatas, na gayon ng̃a cung tumubò para nang sinabi ninyo.Ang ama.Sa catunaya,y, ang patatas, nacung sabihin nang iba ay papas ay caraniuang tumutubò sa América, at sinasabing doon quinuha nang isang inglés na ang pang̃ala,y, si Francisco Drakne.Si Teodora.Datapoua,t, malaquing hang̃al yaong si Robinson, na hindi nacaquiquilala nang mang̃a patatas.Ang ama.¿At icao ay baquit mo naquiquilala?Si Teodora.Sa pagca,t, aquing naquita at quinain cong madalas, namamatay aco sa pagcain nang mang̃a patatas na yaon.Ang ama.Datapoua,t, si Robinson ay hindi nacacain at di nacaquita marahil nang mang̃a patatas.Si Teodora.¿Diyata po,t, hindi?Ang ama.Hindi, sa pagca,t, ualà pang dumarating sa Alemania. Hindi pa nagdaraan ang maraming taon nang tayo,y, magtanim dito, at nauna pang nabuhay si Robinson.Si Teodora.Cung gayo,y, patauarin ninyo aco, cung aco,y, nagcasala sa caniya.Ang ama.¿Naquita mo na, Teodora, na totoong lihis sa catuiran ang biglang pagpintas sa iba? Ang caunaunahang dapat nating gauing palagui ay ang lumagay tayo sa lagay nila, at masdan natin cung sa gayong calagayan ay macagagaua tayonang higuit sa canila. Sabihin mo sa aquin: cung cailan ma,y, hindi ca nacaquita nang patatas, na hindi mo narinig na cung paano ang guinagauang paglulutò, ¿di caya matutulad ca rin cay Robinson na di mo mapagquiquilala na yao,y, quinacain?Si Teodora. Cung gayon pò ay hindi co na gagauing mulî.Ang ama. Nagpatuloy si Robinson; datapoua,t, nagdarahandahan at tila totoong may pinang̃ing̃ilagan, at houag di may cumaluscos ay natatacot siya, pati sa mang̃a cahoy na hinihipan nang hang̃in, at pagdaca,y, tinatangnan ang caniyang palacol na ipagtatangol cung baga,t, cailang̃an. Datapoua,t, sa touîtouî na,y, palagui niyang napagquiquilala na ualang cabuluhan ang caniyang quinatatacutan.
Si Juan.Natatalastas co na cung ano yaong mang̃a tila tuguing yaon, cung ano ang ng̃alan.
Ang ama.Tingnan natin cung ano ang isip mo.
Si Juan.Yaon po,y mang̃a patatas, na gayon ng̃a cung tumubò para nang sinabi ninyo.
Ang ama.Sa catunaya,y, ang patatas, nacung sabihin nang iba ay papas ay caraniuang tumutubò sa América, at sinasabing doon quinuha nang isang inglés na ang pang̃ala,y, si Francisco Drakne.
Si Teodora.Datapoua,t, malaquing hang̃al yaong si Robinson, na hindi nacaquiquilala nang mang̃a patatas.
Ang ama.¿At icao ay baquit mo naquiquilala?
Si Teodora.Sa pagca,t, aquing naquita at quinain cong madalas, namamatay aco sa pagcain nang mang̃a patatas na yaon.
Ang ama.Datapoua,t, si Robinson ay hindi nacacain at di nacaquita marahil nang mang̃a patatas.
Si Teodora.¿Diyata po,t, hindi?
Ang ama.Hindi, sa pagca,t, ualà pang dumarating sa Alemania. Hindi pa nagdaraan ang maraming taon nang tayo,y, magtanim dito, at nauna pang nabuhay si Robinson.
Si Teodora.Cung gayo,y, patauarin ninyo aco, cung aco,y, nagcasala sa caniya.
Ang ama.¿Naquita mo na, Teodora, na totoong lihis sa catuiran ang biglang pagpintas sa iba? Ang caunaunahang dapat nating gauing palagui ay ang lumagay tayo sa lagay nila, at masdan natin cung sa gayong calagayan ay macagagaua tayonang higuit sa canila. Sabihin mo sa aquin: cung cailan ma,y, hindi ca nacaquita nang patatas, na hindi mo narinig na cung paano ang guinagauang paglulutò, ¿di caya matutulad ca rin cay Robinson na di mo mapagquiquilala na yao,y, quinacain?
Si Teodora. Cung gayon pò ay hindi co na gagauing mulî.
Ang ama. Nagpatuloy si Robinson; datapoua,t, nagdarahandahan at tila totoong may pinang̃ing̃ilagan, at houag di may cumaluscos ay natatacot siya, pati sa mang̃a cahoy na hinihipan nang hang̃in, at pagdaca,y, tinatangnan ang caniyang palacol na ipagtatangol cung baga,t, cailang̃an. Datapoua,t, sa touîtouî na,y, palagui niyang napagquiquilala na ualang cabuluhan ang caniyang quinatatacutan.
Sa catapusa,y, dumating sa isang bucal, na sa tabi niyao,y, inibig niyang magpahing̃alay nang tanghalì; at umupò siya sa piling nang isang cahoy na totoong mayabong, at humahandà nang cumain, di caguinsaguinsa,y, bigla siyang nacarinig nang isang caing̃ayan sa dacong malayò na iquinagulat niyang panibago. Tuming̃in siyang quiniquilabutan sa magcabilabila at sandaling oras ay naquita niya ang isang cauan....
Sa catapusa,y, dumating sa isang bucal, na sa tabi niyao,y, inibig niyang magpahing̃alay nang tanghalì; at umupò siya sa piling nang isang cahoy na totoong mayabong, at humahandà nang cumain, di caguinsaguinsa,y, bigla siyang nacarinig nang isang caing̃ayan sa dacong malayò na iquinagulat niyang panibago. Tuming̃in siyang quiniquilabutan sa magcabilabila at sandaling oras ay naquita niya ang isang cauan....
Si Nicolás. ¿Nang mang̃a tauong bundoc caya...?Si Teodora. ¿Ó nang mang̃a tigre at mang̃a leon?Ang ama. Capouà di cayo tumamà, yaon ay isang cauan nang mang̃a hayop sa bundoc na ang laqui ay para nang usa. ¿Ibig ninyong matalastas cung anong mang̃a hayop yaon?Si Juan. Oo pô; sabihin ninyo sa amin.Ang ama. Iyan ay ang tinatauag na llama, at ang canilang tinatahanan ay ang América Meridional, na tinatauag na Perû, na nasasacop hangan sa mang̃a huling taon nang mang̃a castilà. At tauag nila sa mang̃a hayop na yaon ay carnero ó tupa, sa Perû, baga ma,t, lalong natutulad sa mang̃a maliliit na camello. Bago napagsiyasat ni Varró at ni Almagro yaong mang̃a daquilang lugar na yaon, ay ang mang̃a peruleros na tumatahan doon ay nacapagpaamò na nang llama: na guinagamit nila na parang mang̃a calabao sa pagdadala nang ano mang bagay, at ang canilang balahibo ay guinagauang cayo.Si Juan. ¿Cung sa bagay, ay ang mang̃a perulero ay hindi totoong mang̃a tauong damó na para nang ibang mang̃a indio?Ang ama. Oo ng̃a; sila at ang mang̃a americano na na sa América setentrional ay totoong mang̃a sivilisado, at may maliuanag na pagiisip, ang tinatahanan nila,y, mang̃a bahay na mabuti ang pagcayari, at bucod dito,y, nacapagtayò sila nang mang̃a simbahan at mang̃a daquilang palacio at ang namamahala sa canila ay mang̃a Gobernadores sa lugar nang mang̃a hari.
Si Nicolás. ¿Nang mang̃a tauong bundoc caya...?
Si Teodora. ¿Ó nang mang̃a tigre at mang̃a leon?
Ang ama. Capouà di cayo tumamà, yaon ay isang cauan nang mang̃a hayop sa bundoc na ang laqui ay para nang usa. ¿Ibig ninyong matalastas cung anong mang̃a hayop yaon?
Si Juan. Oo pô; sabihin ninyo sa amin.
Ang ama. Iyan ay ang tinatauag na llama, at ang canilang tinatahanan ay ang América Meridional, na tinatauag na Perû, na nasasacop hangan sa mang̃a huling taon nang mang̃a castilà. At tauag nila sa mang̃a hayop na yaon ay carnero ó tupa, sa Perû, baga ma,t, lalong natutulad sa mang̃a maliliit na camello. Bago napagsiyasat ni Varró at ni Almagro yaong mang̃a daquilang lugar na yaon, ay ang mang̃a peruleros na tumatahan doon ay nacapagpaamò na nang llama: na guinagamit nila na parang mang̃a calabao sa pagdadala nang ano mang bagay, at ang canilang balahibo ay guinagauang cayo.
Si Juan. ¿Cung sa bagay, ay ang mang̃a perulero ay hindi totoong mang̃a tauong damó na para nang ibang mang̃a indio?
Ang ama. Oo ng̃a; sila at ang mang̃a americano na na sa América setentrional ay totoong mang̃a sivilisado, at may maliuanag na pagiisip, ang tinatahanan nila,y, mang̃a bahay na mabuti ang pagcayari, at bucod dito,y, nacapagtayò sila nang mang̃a simbahan at mang̃a daquilang palacio at ang namamahala sa canila ay mang̃a Gobernadores sa lugar nang mang̃a hari.
Sa maquita ng̃a ni Robinson yaong caramihan nang mang̃a hayop, na magmulà ng̃ayon ay tatauagin nating mang̃a llama, ay nagcaroon siya nang malaquing pagcaibig na macacain nang carne ó lamang cati, sa pagca,t, matagal nang panahon na di siya nacacatiquim nito. At dahil dito,y, nagtagò siya sa punò nang cahoy, na dala niya ang caniyang palacol na bató, at sinucuban niya, na cung mayroong magdaraan doong hayop ay caniyang papalaculin.Gayon ng̃a ang nangyari; sa pagca,t, lumalacad nang ualang bahalá ang mang̃a hayop na yaon na nahihirating lumalacad nang ualang nacaliling̃atong sa canila, at napatutung̃o sa bucal, at sila,y, iinom, ay sa pagdaraan sa tabi nang cahoy na doon ay nagtatago si Robinson, ang isang pinacamaliit na totoong napalapitsa caniya, ay inabot niya nang palacol sa sandocsanducan na biglang namatay at nahandusay sa caniyang mang̃a paa.
Sa maquita ng̃a ni Robinson yaong caramihan nang mang̃a hayop, na magmulà ng̃ayon ay tatauagin nating mang̃a llama, ay nagcaroon siya nang malaquing pagcaibig na macacain nang carne ó lamang cati, sa pagca,t, matagal nang panahon na di siya nacacatiquim nito. At dahil dito,y, nagtagò siya sa punò nang cahoy, na dala niya ang caniyang palacol na bató, at sinucuban niya, na cung mayroong magdaraan doong hayop ay caniyang papalaculin.
Gayon ng̃a ang nangyari; sa pagca,t, lumalacad nang ualang bahalá ang mang̃a hayop na yaon na nahihirating lumalacad nang ualang nacaliling̃atong sa canila, at napatutung̃o sa bucal, at sila,y, iinom, ay sa pagdaraan sa tabi nang cahoy na doon ay nagtatago si Robinson, ang isang pinacamaliit na totoong napalapitsa caniya, ay inabot niya nang palacol sa sandocsanducan na biglang namatay at nahandusay sa caniyang mang̃a paa.
Si Luisa. ¡Laquing catampalasanan ang guinaua niya sa caauaauang hayop!Ang ina. ¿At baquit hindi gagauin ito?Si Luisa. Cung ualang guinagaua sa caniyang anomang masamâ ang hayop, ¿ay baquit niya pinatay?Ang ina. Mangyari, ay quinacailang̃an niya ang laman at nang caniyang macain. ¿At di mo natatalastas na tayo,y, pinahihintulutan nang Dios na gamitin natin ang mang̃a hayop, cung ating quinacailang̃an?Ang ama. Ang pumatay nang hayop nang ualang cailang̃an, ang caniyang pahirapan, ó gambalain naman, ay maliuanag na isang catampalasanan, at sino mang may mabuting pusò ay dili gumagauà nito: datapoua,t, ang paquinabang̃an natin ang isang hayop na ualang caloloua, at patayin natin nang ating macain ang caniyang laman, ay ito,y, hindi ipinagbabaual. At cung naaalaala mo pa ang ipinahayag co sa iyo niyong isang arao, ay matatalastas mo na isang cagaling̃an pa sa mang̃a hayop cung sila,y, patayin natin.Si Juan. Mangyari pò; sa pagca,t, cundinatin pinagcacailang̃an ang mang̃a hayop, ay hindi natin sila aalilain, at hindi bubuti ang canilang lagay na para ng̃ayon. ¡Ilan ang mamatay gutom sa panahon nang taglamig!Si Enrique. At lalò pang magdaralità, cung di natin patayin ay mamamatay sa saquit ó sa catandaan, sa pagca,t, sila,y, hindi nacapagtutulung̃an na para nating mang̃a tauo.Ang ama. At bucod dito,y, houag nating acalain na ang pagpatay sa mang̃a hayop ay totoong nacapagbibigay sa canila nang totoong malaquing cahirapan, para nang sapantahà natin. Hindi nila natatalastas na sila,y, papatayin, ay sila,y, payapang payapà at natotouâ hangan sa huling sandali; at ang casaquitang dinaramdam nila cung sila,y, pinapatay natin ay hindi naglalaon.
Si Luisa. ¡Laquing catampalasanan ang guinaua niya sa caauaauang hayop!
Ang ina. ¿At baquit hindi gagauin ito?
Si Luisa. Cung ualang guinagaua sa caniyang anomang masamâ ang hayop, ¿ay baquit niya pinatay?
Ang ina. Mangyari, ay quinacailang̃an niya ang laman at nang caniyang macain. ¿At di mo natatalastas na tayo,y, pinahihintulutan nang Dios na gamitin natin ang mang̃a hayop, cung ating quinacailang̃an?
Ang ama. Ang pumatay nang hayop nang ualang cailang̃an, ang caniyang pahirapan, ó gambalain naman, ay maliuanag na isang catampalasanan, at sino mang may mabuting pusò ay dili gumagauà nito: datapoua,t, ang paquinabang̃an natin ang isang hayop na ualang caloloua, at patayin natin nang ating macain ang caniyang laman, ay ito,y, hindi ipinagbabaual. At cung naaalaala mo pa ang ipinahayag co sa iyo niyong isang arao, ay matatalastas mo na isang cagaling̃an pa sa mang̃a hayop cung sila,y, patayin natin.
Si Juan. Mangyari pò; sa pagca,t, cundinatin pinagcacailang̃an ang mang̃a hayop, ay hindi natin sila aalilain, at hindi bubuti ang canilang lagay na para ng̃ayon. ¡Ilan ang mamatay gutom sa panahon nang taglamig!
Si Enrique. At lalò pang magdaralità, cung di natin patayin ay mamamatay sa saquit ó sa catandaan, sa pagca,t, sila,y, hindi nacapagtutulung̃an na para nating mang̃a tauo.
Ang ama. At bucod dito,y, houag nating acalain na ang pagpatay sa mang̃a hayop ay totoong nacapagbibigay sa canila nang totoong malaquing cahirapan, para nang sapantahà natin. Hindi nila natatalastas na sila,y, papatayin, ay sila,y, payapang payapà at natotouâ hangan sa huling sandali; at ang casaquitang dinaramdam nila cung sila,y, pinapatay natin ay hindi naglalaon.
Hangan sa mapatay ni Robinson ang isang hayop na llama, ay hindi naisipan ang paglulutò nang caniyang laman.
Hangan sa mapatay ni Robinson ang isang hayop na llama, ay hindi naisipan ang paglulutò nang caniyang laman.
Si Luisa. ¿Baquit di niya mailulutò?Ang ama. Ibig ng̃a niya; datapoua,t, ang casamaan ay salat na salat siya sa lahat nang bagay; ualà siyang ihauan, ualà siyang palayoc, at cauali man; at ang lalò pang masama,y, ualà siyang apuy.Si Luisa. Cung ualà siyang apuy ay magpaning̃as siya.Ang ama. Hindi mahirap, cung mayroon siyang isang binalol, isang bató at lulog. At natatalastas mo nang ualà siyang ano man.Si Juan. Natatalastas co ang dapat cong gauin.Ang ama. ¿Ano?Si Juan. Pinagpuyos co sana ang dalauang cauayang tuyò, para nang guinagauà nang mang̃a tauong bundoc; at sa historia nang mang̃a paglalayag ay binasa pô ninyo sa amin.Ang ama. Ito rin ang naisipan ni Robinson. Pinasan sa balicat ang hayop na yaon na caniyang pinatay, at nagbalic sa caniyang tinatahanan.
Si Luisa. ¿Baquit di niya mailulutò?
Ang ama. Ibig ng̃a niya; datapoua,t, ang casamaan ay salat na salat siya sa lahat nang bagay; ualà siyang ihauan, ualà siyang palayoc, at cauali man; at ang lalò pang masama,y, ualà siyang apuy.
Si Luisa. Cung ualà siyang apuy ay magpaning̃as siya.
Ang ama. Hindi mahirap, cung mayroon siyang isang binalol, isang bató at lulog. At natatalastas mo nang ualà siyang ano man.
Si Juan. Natatalastas co ang dapat cong gauin.
Ang ama. ¿Ano?
Si Juan. Pinagpuyos co sana ang dalauang cauayang tuyò, para nang guinagauà nang mang̃a tauong bundoc; at sa historia nang mang̃a paglalayag ay binasa pô ninyo sa amin.
Ang ama. Ito rin ang naisipan ni Robinson. Pinasan sa balicat ang hayop na yaon na caniyang pinatay, at nagbalic sa caniyang tinatahanan.
Sa pagbalic niya ay nacaquita pa nang isang bagay na iquinatouâ niya nang labis. Nacaquita siya nang pito ó ualong punò nang dayap, at nalalaglag na ang ilang bung̃ang hinog. Pinutol niya, at pagcatapus ay nilag-yan niya nang tandâ ang lugar na yaon na quinalalag-yan nang mang̃a punò nang dayap, at nagmadaling omouî sa caniyang tahanan.Ang unang guinauà nang siya,y, dumating doon ay inanitan niya yaong hayop, at ang naguing casangcapan niyang sundang ay isang matalas na batô; at saca ibinilad niya ang balat na inaacalà niyang balang arao ay caniyang paquiquinabang̃an.
Sa pagbalic niya ay nacaquita pa nang isang bagay na iquinatouâ niya nang labis. Nacaquita siya nang pito ó ualong punò nang dayap, at nalalaglag na ang ilang bung̃ang hinog. Pinutol niya, at pagcatapus ay nilag-yan niya nang tandâ ang lugar na yaon na quinalalag-yan nang mang̃a punò nang dayap, at nagmadaling omouî sa caniyang tahanan.
Ang unang guinauà nang siya,y, dumating doon ay inanitan niya yaong hayop, at ang naguing casangcapan niyang sundang ay isang matalas na batô; at saca ibinilad niya ang balat na inaacalà niyang balang arao ay caniyang paquiquinabang̃an.
Si Juan. ¿At ano ang gagauin niya sa balat?Ang ama. Maraming bagay: ang una,y, napupunit na ang caniyang sapin at medias; at caya ng̃a pinagcurò curò niya na cung sacaling di na niya maisoot, ay ang balat nang hayop na caniyang napatay ay itatali na lamang niya sa caniyang paa, at nang houag siyang totoong mahirapan sa caniyang paglacad. Ang icalaua,y, totoong iquinatatacot niya ang pagdating nang taglamig; at caya ng̃a totoong iquinatotouâ niya ang pagcacaroon nang capisang na balat na maitaquip niya sa catauan at nang houag siyang mamatay sa lamig. Tunay ng̃a na hindi na dapat siyang maghandà nang ganito, sa pagca,t, sa mang̃a lugar na yaon ay hindi malabis ang lamig na para rito.Si Teodora. ¿Sa bagay ay ualang taglamig?Ang ama. Hindi, cailan man ay hindi nararanasan ang totoong calamigan sa mang̃a bayan ó lugar na maiinit na na sa calaguitnaan nang dalauang trópico. Hindipa nalalaong sinasabi co sa inyo. ¿Di baga ninyo nalilimutan ang tauag sa mang̃a lugar na ito?Si Enrique. Tinatauag pong zona tórrida.Ang ama. Gayon ng̃a; datapoua,t, sa mang̃a lugar na yaon naman ay palagui ang ulan sa loob nang dalaua ó tatlong buan.
Si Juan. ¿At ano ang gagauin niya sa balat?
Ang ama. Maraming bagay: ang una,y, napupunit na ang caniyang sapin at medias; at caya ng̃a pinagcurò curò niya na cung sacaling di na niya maisoot, ay ang balat nang hayop na caniyang napatay ay itatali na lamang niya sa caniyang paa, at nang houag siyang totoong mahirapan sa caniyang paglacad. Ang icalaua,y, totoong iquinatatacot niya ang pagdating nang taglamig; at caya ng̃a totoong iquinatotouâ niya ang pagcacaroon nang capisang na balat na maitaquip niya sa catauan at nang houag siyang mamatay sa lamig. Tunay ng̃a na hindi na dapat siyang maghandà nang ganito, sa pagca,t, sa mang̃a lugar na yaon ay hindi malabis ang lamig na para rito.
Si Teodora. ¿Sa bagay ay ualang taglamig?
Ang ama. Hindi, cailan man ay hindi nararanasan ang totoong calamigan sa mang̃a bayan ó lugar na maiinit na na sa calaguitnaan nang dalauang trópico. Hindipa nalalaong sinasabi co sa inyo. ¿Di baga ninyo nalilimutan ang tauag sa mang̃a lugar na ito?
Si Enrique. Tinatauag pong zona tórrida.
Ang ama. Gayon ng̃a; datapoua,t, sa mang̃a lugar na yaon naman ay palagui ang ulan sa loob nang dalaua ó tatlong buan.
Ang ating Robinson ay hindi nacatatalastas nang ano man sa mang̃a bagay na ito, sa pagca,t, sa caniyang cabatáan ay ayao siyang magaral nang ano man; na sa macatouid ay ang Historia, Geografia at ang lahat ay quinacayamutan niya.
Ang ating Robinson ay hindi nacatatalastas nang ano man sa mang̃a bagay na ito, sa pagca,t, sa caniyang cabatáan ay ayao siyang magaral nang ano man; na sa macatouid ay ang Historia, Geografia at ang lahat ay quinacayamutan niya.
Si Juan. Datapoua,t, tila pò minsang nabasa namin na ang bundoc na totoong matataas, na para nang Pico de Tenerife sa Canarias, at para naman nang iba pa sa Perú, ay nacucubcob nang nieve ó namumuong tubig sa boong taon. Quinacailang̃ang doo,y, palagui ang taglamig, at gayon man ay na sa calaguitnaan ang dalauang trópico.Ang ama. May catouiran ca, Juan. Ang mang̃a totoong matataas na lugar at mang̃a bundoc ay hindi nasasaclao nang regla, sa pagca,t, sa canilang cataasan ay caraniuang mayroong nieve. ¿Natatandaan mo naman ang sinabi co sa iyo noong isang arao tungcol sa mang̃a lugar nangIndia Oriental, niyong ating pinagmamasdan ang mapa?Si Juan.¡Aha! Oo ng̃a pô ... Sa ibang mang̃a lupà doon ay sa lumacad ca lamang nang dalaua ó tatlong leguas; sa invierno ó calamigan, ay lumilipat ca sa verano ó cainitan; para sa pulò nang Ceilan, na nasasacop nang mang̃a holandeses; at gayon naman sa ibang lupa na tinatauag na ...Ang ama.Tinatauag na Peninsula Citerior ó sa daco rito nang Ganges. Dian, capag sa tabing dagat nang Malabar, sa isang bahagui nang mang̃a bundoc na tinatauag na Gates ay invierno, ay sa cabilang parte, sa Costa nang Coromandel, ay verano, at cung verano sa cabila ay dito,y, invierno. Ganito rin naman ang nangyayari sa isla de Ceram, isa sa mang̃a islas Molucas, na sa pagcalayong tatlong leguas ay nararanasan ang taginit at taglamig.
Si Juan. Datapoua,t, tila pò minsang nabasa namin na ang bundoc na totoong matataas, na para nang Pico de Tenerife sa Canarias, at para naman nang iba pa sa Perú, ay nacucubcob nang nieve ó namumuong tubig sa boong taon. Quinacailang̃ang doo,y, palagui ang taglamig, at gayon man ay na sa calaguitnaan ang dalauang trópico.
Ang ama. May catouiran ca, Juan. Ang mang̃a totoong matataas na lugar at mang̃a bundoc ay hindi nasasaclao nang regla, sa pagca,t, sa canilang cataasan ay caraniuang mayroong nieve. ¿Natatandaan mo naman ang sinabi co sa iyo noong isang arao tungcol sa mang̃a lugar nangIndia Oriental, niyong ating pinagmamasdan ang mapa?
Si Juan.¡Aha! Oo ng̃a pô ... Sa ibang mang̃a lupà doon ay sa lumacad ca lamang nang dalaua ó tatlong leguas; sa invierno ó calamigan, ay lumilipat ca sa verano ó cainitan; para sa pulò nang Ceilan, na nasasacop nang mang̃a holandeses; at gayon naman sa ibang lupa na tinatauag na ...
Ang ama.Tinatauag na Peninsula Citerior ó sa daco rito nang Ganges. Dian, capag sa tabing dagat nang Malabar, sa isang bahagui nang mang̃a bundoc na tinatauag na Gates ay invierno, ay sa cabilang parte, sa Costa nang Coromandel, ay verano, at cung verano sa cabila ay dito,y, invierno. Ganito rin naman ang nangyayari sa isla de Ceram, isa sa mang̃a islas Molucas, na sa pagcalayong tatlong leguas ay nararanasan ang taginit at taglamig.
Datapoua,t, ¿ilang leguas ang iquinalayò natin cay Robinson? Hindi sucat pagtac-han na sa cabilisan nang ating pagiisip ay ualang caliuagang macalipat tayo sa isang sandali sa ilan mang libong leguas. Magmulà sa América ay lumucso tayo sa Asia, at ng̃ayo,y, biglang naparito na naman tayo sa América sa pulò ni Robinson.Bahagya na lamang napapacnit ang balat nang hayop na llama, at nahahang̃o ang mang̃a lamang loob, ay hiniuà niya ang capirasong laman tangcang iihao. Ang una niyang guinauà ay naghanda siya nang isang iihauan, na bumunot siya nang isang punong cahoy na munti, inalisan na niya nang balat, tinulisan niya ang dulo, at saca humanap nang dalauang sang̃ang capua may salalac, na caniyang pagsasalalacan nang caniyang duruan. Tinulisan naman niya ang dulo; at nang matapus na niyang maibaon sa lupa na magcatapat; nang tinuhog na niya ang laman nang hayop, at inilagay nasasalalac, ay totoong malaqui ang caniyang caligayahan sa pagcaquita niyang lumabas na magaling ang caniyang guinagauà.Ang quinuculang lamang sa caniya ay ang lalong cailang̃an, ang apuy baga; at dahil dito,y, inisip niya ang pagpupuyos, pumutol siya nang dalauang sang̃ang tuyò, at pinasimulang ualang caliuagan ang pagpupuyos nang boong pagpipilit, na sa capagura,y, naligò sa pauis, gayon ma,y, hindi niya nasunod ang nasà, sa pagca,t, capag ang mang̃a cahoy ay nagiinit na,t, naguusoc, ay siya,y, totoong napapagod na, at napipilitang itiguil na sandali angpagpuyos; at sa pagca,t, lumalamig ang puyusan sa caniyang pagpapahing̃a, ay hindi mangyaring macacuha nang apuy at nasasayang lamang ang caniyang capaguran.Dito napagquilala niya ang totoong casalatan nang tauong nacaisa isa, at cung gaanong cagaling̃an ang quinacamtan natin sa paquiquisama sa ibang mang̃a tauo; sa pagca,t, napagcucurò na ninyo na cung may isa siya sa caniyang siping na pagcapagod niya,y, halinhan siya, ay marahil ay macacacuha sila nang apuy. Datapoua,t, dahil doon sa hindi matiis niyang pagpapahing̃a ay nasasayang ang caniyang pagod.
Datapoua,t, ¿ilang leguas ang iquinalayò natin cay Robinson? Hindi sucat pagtac-han na sa cabilisan nang ating pagiisip ay ualang caliuagang macalipat tayo sa isang sandali sa ilan mang libong leguas. Magmulà sa América ay lumucso tayo sa Asia, at ng̃ayo,y, biglang naparito na naman tayo sa América sa pulò ni Robinson.
Bahagya na lamang napapacnit ang balat nang hayop na llama, at nahahang̃o ang mang̃a lamang loob, ay hiniuà niya ang capirasong laman tangcang iihao. Ang una niyang guinauà ay naghanda siya nang isang iihauan, na bumunot siya nang isang punong cahoy na munti, inalisan na niya nang balat, tinulisan niya ang dulo, at saca humanap nang dalauang sang̃ang capua may salalac, na caniyang pagsasalalacan nang caniyang duruan. Tinulisan naman niya ang dulo; at nang matapus na niyang maibaon sa lupa na magcatapat; nang tinuhog na niya ang laman nang hayop, at inilagay nasasalalac, ay totoong malaqui ang caniyang caligayahan sa pagcaquita niyang lumabas na magaling ang caniyang guinagauà.
Ang quinuculang lamang sa caniya ay ang lalong cailang̃an, ang apuy baga; at dahil dito,y, inisip niya ang pagpupuyos, pumutol siya nang dalauang sang̃ang tuyò, at pinasimulang ualang caliuagan ang pagpupuyos nang boong pagpipilit, na sa capagura,y, naligò sa pauis, gayon ma,y, hindi niya nasunod ang nasà, sa pagca,t, capag ang mang̃a cahoy ay nagiinit na,t, naguusoc, ay siya,y, totoong napapagod na, at napipilitang itiguil na sandali angpagpuyos; at sa pagca,t, lumalamig ang puyusan sa caniyang pagpapahing̃a, ay hindi mangyaring macacuha nang apuy at nasasayang lamang ang caniyang capaguran.
Dito napagquilala niya ang totoong casalatan nang tauong nacaisa isa, at cung gaanong cagaling̃an ang quinacamtan natin sa paquiquisama sa ibang mang̃a tauo; sa pagca,t, napagcucurò na ninyo na cung may isa siya sa caniyang siping na pagcapagod niya,y, halinhan siya, ay marahil ay macacacuha sila nang apuy. Datapoua,t, dahil doon sa hindi matiis niyang pagpapahing̃a ay nasasayang ang caniyang pagod.
Si Juan.Inaacalà cong ang mang̃a tagabundoc ay nacacacuha nang apuy sa pagpupuyos.Ang ama.Tunay ng̃a,t, nacacucuha nang apuy, ng̃uni,t, bucod sa sila,y, malalacas sa atin, dahil sa tayo,y, hindi nararatihan sa mabibigat na gagau-in, ay sila,y, bihasa pa. Pumipili sila nang dalauang baac na cauayan; ang isa,y, malambot at ang isa,y, matigas; ang matigas ay siyang ipinupuyos sa malambot hangang di magcaapuy ang yamuang inilalagay nila sa ilalim.
Si Juan.Inaacalà cong ang mang̃a tagabundoc ay nacacacuha nang apuy sa pagpupuyos.
Ang ama.Tunay ng̃a,t, nacacucuha nang apuy, ng̃uni,t, bucod sa sila,y, malalacas sa atin, dahil sa tayo,y, hindi nararatihan sa mabibigat na gagau-in, ay sila,y, bihasa pa. Pumipili sila nang dalauang baac na cauayan; ang isa,y, malambot at ang isa,y, matigas; ang matigas ay siyang ipinupuyos sa malambot hangang di magcaapuy ang yamuang inilalagay nila sa ilalim.
¿Anong mapapaquinabang ni Robinson cung hindi siya marunong nang paraang ito? Sa catapusa,y, inihaguis niya ang dalauang sang̃ang caniyang pinupuyos; at nalulumbay na umupò sa caniyang pinacabanig na damo, nang̃alumbaba at humilig; at manacà naca,y, tinitingnan ang masarap na laman nang hayop na masasayang, sa pagca,t, di maihao. Naalaala niya ang pagdating nang taglamig, na nalalapit na; at pinagcucurocurò niya na cung ano ang masasapit niya sa gayong ualà siyang apuy, ay sinalacayan siya nang isang malaquing calumbayan, na iquinapagbang̃on niya at iquinapagpasial sa pagca,t, siya,y, totoong nababalisa.Sa pagca,t, naramdaman niya na parang hinahalò ang caniyang dugò sa malaquing cabalisahan, ay isinaloc niya nang malamig na tubig sa batis ang caniyang bauo, at pinigan niya nang catás nang dayap; na yao,y, totoong mabuting inumin at lunas sa caniyang calagayan.Totoong ninanasa niyang maihao ang capisang na laman nang hayop na llama; ng̃uni,t, di ng̃a mangyari. Datapoua,t, naalaala niya ang isang salitâ na ang mang̃a Tártaro, baga ma,t, tauong para natin, ay ang guinagaua,y, ang laman nanghayop ay inilalagay sa ilalim nang siya nang cabayo, saca sinasac-yan at saca sa capapatacbo ay lumalambot: ¿sinong nacaaalam, ang uicà sa caniyang sarili, cung mapalalambot co naman ang laman nang hayop sa ibang paraan?Capagcauicà nito,y, humanap nang dalauang batong malalapad na para nang caniyang palacol at ipinaguitna ang laman nang hayop sa dalauang bató, at pinasimulang pinucpoc sa ibabao. Nang lima ó anim na minuto na sa caniyang capupucpoc ay nahalata niyang nagiinit ang bató. Dito lalò niyang inululan ang capupucpoc at sa loob nang calahating oras ay sa cainitan nang bató at sa capupucpoc ay lumambot ang laman nang hayop, na inacalà niyang macacain na. Sucat nang maacalà cung ano ang maguiguing lasa nang gayong linutò sa pucpoc lamang; datapoua,t, sa cay Robinson, na mahaba nang panahong hindi nacacain nang lamang cati, ay inaari na niyang isang masarap na pagcain yaon. ¡O cayo, aniyang mang̃a cababayan co, ang uica, na caraniua,y, pinagsasauaan ninyo ang lalong masasarap na pagcain, sa pagca,t, hindi palaguing naaayon sa inyong catacauan! Cung sinapit ninyo ang aquing calagayan na mang̃a ualong arao man lamang, ¡marahil ay icatotouà ninyo ang ipinagcacaloob sa inyo nang Dios! ¡At hindi ninyo pauaualang halaga ang lalong mabubuting pagcain, na parang cayo,y, nagpapalamarang lubhà sa auà nang Pang̃inoong Dios na ang lahat ay binubusog!Nang mangyaring magcaroon nang lasa ang caniyang ulam ay pinigan niya nang catás nang dayap; at nagcaroon siya nang isang pagcain na hindi niya natiticmang mahaba nang arao, dahil dito,y, di niya quinalimutan ang pagpapasalamat sa Pang̃inoong Dios na may gauà nang lahat nang cagaling̃an dahil dito sa tang̃ing biyayà.Nang matapus nang macacain, ay sumanguni siya sa caniyang sarili, cung anong bagay ang cailang̃an niyang gauin, at nang mapasimulan niya capagdaca. Ang pagcatacot niya sa taglamig, ay parang nagtuturò sa caniya na gugulin niya ang ilang arao sa paghuli at pagpatay nang maraming mang̃a hayop na llama, at nang magcaroon siya nang maraming balat. Inacalà na niyang marami siyang mahuhuli sa caunting pagod, yayamang maaamò ang mang̃a hayop na yaon.Nahiga na si Robinson na ang ninanasa,y, ganito; at nabayaran niya nang isang mahimbing at masarap na pagtulog ang mang̃a capaguran sa arao na yaon.
¿Anong mapapaquinabang ni Robinson cung hindi siya marunong nang paraang ito? Sa catapusa,y, inihaguis niya ang dalauang sang̃ang caniyang pinupuyos; at nalulumbay na umupò sa caniyang pinacabanig na damo, nang̃alumbaba at humilig; at manacà naca,y, tinitingnan ang masarap na laman nang hayop na masasayang, sa pagca,t, di maihao. Naalaala niya ang pagdating nang taglamig, na nalalapit na; at pinagcucurocurò niya na cung ano ang masasapit niya sa gayong ualà siyang apuy, ay sinalacayan siya nang isang malaquing calumbayan, na iquinapagbang̃on niya at iquinapagpasial sa pagca,t, siya,y, totoong nababalisa.
Sa pagca,t, naramdaman niya na parang hinahalò ang caniyang dugò sa malaquing cabalisahan, ay isinaloc niya nang malamig na tubig sa batis ang caniyang bauo, at pinigan niya nang catás nang dayap; na yao,y, totoong mabuting inumin at lunas sa caniyang calagayan.
Totoong ninanasa niyang maihao ang capisang na laman nang hayop na llama; ng̃uni,t, di ng̃a mangyari. Datapoua,t, naalaala niya ang isang salitâ na ang mang̃a Tártaro, baga ma,t, tauong para natin, ay ang guinagaua,y, ang laman nanghayop ay inilalagay sa ilalim nang siya nang cabayo, saca sinasac-yan at saca sa capapatacbo ay lumalambot: ¿sinong nacaaalam, ang uicà sa caniyang sarili, cung mapalalambot co naman ang laman nang hayop sa ibang paraan?
Capagcauicà nito,y, humanap nang dalauang batong malalapad na para nang caniyang palacol at ipinaguitna ang laman nang hayop sa dalauang bató, at pinasimulang pinucpoc sa ibabao. Nang lima ó anim na minuto na sa caniyang capupucpoc ay nahalata niyang nagiinit ang bató. Dito lalò niyang inululan ang capupucpoc at sa loob nang calahating oras ay sa cainitan nang bató at sa capupucpoc ay lumambot ang laman nang hayop, na inacalà niyang macacain na. Sucat nang maacalà cung ano ang maguiguing lasa nang gayong linutò sa pucpoc lamang; datapoua,t, sa cay Robinson, na mahaba nang panahong hindi nacacain nang lamang cati, ay inaari na niyang isang masarap na pagcain yaon. ¡O cayo, aniyang mang̃a cababayan co, ang uica, na caraniua,y, pinagsasauaan ninyo ang lalong masasarap na pagcain, sa pagca,t, hindi palaguing naaayon sa inyong catacauan! Cung sinapit ninyo ang aquing calagayan na mang̃a ualong arao man lamang, ¡marahil ay icatotouà ninyo ang ipinagcacaloob sa inyo nang Dios! ¡At hindi ninyo pauaualang halaga ang lalong mabubuting pagcain, na parang cayo,y, nagpapalamarang lubhà sa auà nang Pang̃inoong Dios na ang lahat ay binubusog!
Nang mangyaring magcaroon nang lasa ang caniyang ulam ay pinigan niya nang catás nang dayap; at nagcaroon siya nang isang pagcain na hindi niya natiticmang mahaba nang arao, dahil dito,y, di niya quinalimutan ang pagpapasalamat sa Pang̃inoong Dios na may gauà nang lahat nang cagaling̃an dahil dito sa tang̃ing biyayà.
Nang matapus nang macacain, ay sumanguni siya sa caniyang sarili, cung anong bagay ang cailang̃an niyang gauin, at nang mapasimulan niya capagdaca. Ang pagcatacot niya sa taglamig, ay parang nagtuturò sa caniya na gugulin niya ang ilang arao sa paghuli at pagpatay nang maraming mang̃a hayop na llama, at nang magcaroon siya nang maraming balat. Inacalà na niyang marami siyang mahuhuli sa caunting pagod, yayamang maaamò ang mang̃a hayop na yaon.Nahiga na si Robinson na ang ninanasa,y, ganito; at nabayaran niya nang isang mahimbing at masarap na pagtulog ang mang̃a capaguran sa arao na yaon.
TALABABA:[2]Dinagdagan pa nang ualong estrofa nang tumagalog
[2]Dinagdagan pa nang ualong estrofa nang tumagalog
[2]Dinagdagan pa nang ualong estrofa nang tumagalog
Ipinatuloy nang ama ang pagasasalitá nang nangyari cay Robinson.
Ipinatuloy nang ama ang pagasasalitá nang nangyari cay Robinson.
Ang ama.Nacatulog si Robinson hangan sa matanghali na, at siya,y, napagulat nang maguising at maquitang totoong tanghali na, nagmadaling bumang̃on, at ibig lumabas nang parang sa paghuli nang mang̃a hayop na llama. Datapoua,t, nahantong ang caniyang nasà; sa pagca,t, bahaguia na lamang casusung̃ao ang caniyang ulo sa pintô nang caniyang yung̃ib, ay caracaraca,y, iniuglot.Si Luisa.¿At baquit gayon?Ang ama.Sa pagca,t, humahagunot ang ulan, at totoong malalaqui ang patac na ang sinoma,y, di nacaiisip na umalis. Pinasiya niya sa loob na hintin munang tumilà ang ulan; datapoua,t, malayong tumiguil; sa pagca,t, habang lumalaon aylalong tila ibinubuhos. Itong malacas na ulan ay may casamang totoong madalas na quidlat, na ang yung̃ib ni Robinson, baga ma,t, totoong madilim ay tila nagaalab; at ang mang̃a quidlat na yaon ay sinusundan nang totoong malacas na culog, na hindi niya nariring̃ig cailan man. Nayayanig ang lupa sa caquilaquilabot na pagputoc nang mang̃a culog, at tila inuulit nang aling̃aong̃ao sa mundo na totoong inihahaba nang ugong. Sa pagca,t, si Robinson ay ualang turò at pinagaralan, ay totoong malaqui ang caniyang tacot.Si Teodora.¿Natatacot baga sa mang̃a quidlat at sa mang̃a culog?Ang ama.Oo; at totoo siyang quiniquilabutan, na hindi niya maalaman na cung saan siya magtatagò.Si Teodora.¿At baquit siya totoong natatacot?Ang ama.Ito,y, caraniuan, sa pagca,t, ang apuy na nangagaling sa culog ay pinanggagaling̃an nang pagcacasunog at manacanaca,y, nacamamatay.Si Juan.Oo ng̃a, datapoua,t, ang mang̃a sacunang iyan ay bihirang nangyayari.Ang ama.Mulâ nang aco,y, maguing tauo ay ualà pa acong nariring̃ig na namamataysa culog[3]; at ang mang̃a sinasalitang nangyari na mang̃a sacunà ay totoong bibihirâ. At caya ng̃a bihirangbihirang matalà sa mang̃a periodico, tulad sa pagbabalità na may isang tauong, umabot na mahiguit sa sandaang taon; isang maliuanag na catotohanan na manacanacang mangyari lamang ang mang̃a sacunang ito. Tungcol dito sa mang̃a culog ay mayroon ding capang̃aniban; datapoua,t, totoong malayò na di sucat maitulad sa mang̃a capang̃aniban nang pagcahulog, sa mang̃a biglang saquit, sa mang̃a pagcacasunog at sa iba pang sucat na mangyari na masasapit natin sa baua,t, sandalî, at hindi man lamang natin iquinatatacot nang calahati nang pagcatacot ni Robinson, cung ito na lamang ang icamamatay natin nang bigla ay may malaquing cadahilanan na catacutan nating totoo; datapoua,t, ang ating buhay ay totoong marupoc, at sa loob at labas nang ating catauan ay mayroong di mabilang na bagay na iquinapaguiguing sanhi nang isang biglang camatayan, na cung catatacutan nating lahat para nang malabis na pagcatacot nang iba sa culog, ay hindi tayo macalalacad nang isang hacbang at di tayo macagagalao munti man na di magcacaroon tayo nang isang guniguning ualang casaysayan. Ang pagsacay sa cabayo, ang paglulan sa isang carruage, ang pagdaraan sa isang matuling ilog, ang paglalayag, ang pagpanhic at pagpanaog sa isang hagdan, ang pagiiuan nang ilao sa isang silid, ay mang̃a bagay na guinagauà natin nang ualang munting catacutan, gayon man ay dapat siglan tayo nang tacot dito sa mang̃a capang̃anibang totoong madalas mangyari, higuit sa tacot; na dapat taglayin sa mang̃a sacunà na nangagaling sa culog. At tunay ng̃a itong culog ay may casamang ugong na nacagugulat, at sa pagquidlat ay biglang nagliliuanag; at caya ng̃a inaacalà co na ang mang̃a di nagdidilidili, ay pinapasucan nang isang di quinucusang tacot, na hindi caraniuang taglayin sa lalong malalaquing capang̃aniban.Si Balisio.Sinabi na ninyo sa amin na ang mang̃a masasamang panahon, ang mang̃a culog at quidlat ay may malaquing cagaling̃an sa lupà, sa pagca,t, nalilinis ang hang̃in nang mang̃a masasamang sing̃ao nasucat ipagcasaquit nang mang̃a tauo, nacagagaling naman sa paglagò nang mang̃a halaman, at nacapagbabauas sa totoong malaquing cainitan. Bucod dito,y, naquiquita natin ang isang cahang̃ahang̃ang bagay sa naturaleza, na ipinaquiquita nang Maycapal, nang tayo,y, magcaroon nang galang at pangguiguilalas sa caniya.Si Luisa.¡Totoong mariquit pong bagay ang sinabi ni Basilio! ¿ibig pô baga ninyong aco,y, dalhin sa buquid cung sumasamà ang panahon, nang maquita co iyang lahat na sinabi ni Basilio? At hindi aco magdadala nang tacot.Ang Ama.Susundin co ang iyong nasà.—Si Robinson, yamang talastas na ninyo, na nagpaualang halaga sa lahat nang sucat matutuhan sa caniyang cabataan, at caya ng̃a di niya natatalastas na ang mang̃a sigua at masasamang panahon ay mang̃a biyayà nang Dios, at baga ma,t, naguiguing sanhî nang alin mang casacunaan (na naaayon sa mataas na adhicà nang caniyang carunung̃an) ay pinanggagaling̃an nang malaquing cagaling̃an, para nang sinalità ni Basilio na nacalilinis nang hang̃in, na totoong nacagagaling sa mang̃a tauo, sa mang̃a hayop at sa mang̃ahalaman. Habang nacaupò si Robinson sa isang suloc nang caniyang yung̃ib, at totoong quiniquilabutan, ay totoong naglalauà ang tubig, nagnining̃as ang mang̃a quidlat, umuugong na ualang licat ang mang̃a culog; at malapit nang tanghaling tapat ay di pa naglulubag ang casamaan nang panahon.
Ang ama.Nacatulog si Robinson hangan sa matanghali na, at siya,y, napagulat nang maguising at maquitang totoong tanghali na, nagmadaling bumang̃on, at ibig lumabas nang parang sa paghuli nang mang̃a hayop na llama. Datapoua,t, nahantong ang caniyang nasà; sa pagca,t, bahaguia na lamang casusung̃ao ang caniyang ulo sa pintô nang caniyang yung̃ib, ay caracaraca,y, iniuglot.
Si Luisa.¿At baquit gayon?
Ang ama.Sa pagca,t, humahagunot ang ulan, at totoong malalaqui ang patac na ang sinoma,y, di nacaiisip na umalis. Pinasiya niya sa loob na hintin munang tumilà ang ulan; datapoua,t, malayong tumiguil; sa pagca,t, habang lumalaon aylalong tila ibinubuhos. Itong malacas na ulan ay may casamang totoong madalas na quidlat, na ang yung̃ib ni Robinson, baga ma,t, totoong madilim ay tila nagaalab; at ang mang̃a quidlat na yaon ay sinusundan nang totoong malacas na culog, na hindi niya nariring̃ig cailan man. Nayayanig ang lupa sa caquilaquilabot na pagputoc nang mang̃a culog, at tila inuulit nang aling̃aong̃ao sa mundo na totoong inihahaba nang ugong. Sa pagca,t, si Robinson ay ualang turò at pinagaralan, ay totoong malaqui ang caniyang tacot.
Si Teodora.¿Natatacot baga sa mang̃a quidlat at sa mang̃a culog?
Ang ama.Oo; at totoo siyang quiniquilabutan, na hindi niya maalaman na cung saan siya magtatagò.
Si Teodora.¿At baquit siya totoong natatacot?
Ang ama.Ito,y, caraniuan, sa pagca,t, ang apuy na nangagaling sa culog ay pinanggagaling̃an nang pagcacasunog at manacanaca,y, nacamamatay.
Si Juan.Oo ng̃a, datapoua,t, ang mang̃a sacunang iyan ay bihirang nangyayari.
Ang ama.Mulâ nang aco,y, maguing tauo ay ualà pa acong nariring̃ig na namamataysa culog[3]; at ang mang̃a sinasalitang nangyari na mang̃a sacunà ay totoong bibihirâ. At caya ng̃a bihirangbihirang matalà sa mang̃a periodico, tulad sa pagbabalità na may isang tauong, umabot na mahiguit sa sandaang taon; isang maliuanag na catotohanan na manacanacang mangyari lamang ang mang̃a sacunang ito. Tungcol dito sa mang̃a culog ay mayroon ding capang̃aniban; datapoua,t, totoong malayò na di sucat maitulad sa mang̃a capang̃aniban nang pagcahulog, sa mang̃a biglang saquit, sa mang̃a pagcacasunog at sa iba pang sucat na mangyari na masasapit natin sa baua,t, sandalî, at hindi man lamang natin iquinatatacot nang calahati nang pagcatacot ni Robinson, cung ito na lamang ang icamamatay natin nang bigla ay may malaquing cadahilanan na catacutan nating totoo; datapoua,t, ang ating buhay ay totoong marupoc, at sa loob at labas nang ating catauan ay mayroong di mabilang na bagay na iquinapaguiguing sanhi nang isang biglang camatayan, na cung catatacutan nating lahat para nang malabis na pagcatacot nang iba sa culog, ay hindi tayo macalalacad nang isang hacbang at di tayo macagagalao munti man na di magcacaroon tayo nang isang guniguning ualang casaysayan. Ang pagsacay sa cabayo, ang paglulan sa isang carruage, ang pagdaraan sa isang matuling ilog, ang paglalayag, ang pagpanhic at pagpanaog sa isang hagdan, ang pagiiuan nang ilao sa isang silid, ay mang̃a bagay na guinagauà natin nang ualang munting catacutan, gayon man ay dapat siglan tayo nang tacot dito sa mang̃a capang̃anibang totoong madalas mangyari, higuit sa tacot; na dapat taglayin sa mang̃a sacunà na nangagaling sa culog. At tunay ng̃a itong culog ay may casamang ugong na nacagugulat, at sa pagquidlat ay biglang nagliliuanag; at caya ng̃a inaacalà co na ang mang̃a di nagdidilidili, ay pinapasucan nang isang di quinucusang tacot, na hindi caraniuang taglayin sa lalong malalaquing capang̃aniban.
Si Balisio.Sinabi na ninyo sa amin na ang mang̃a masasamang panahon, ang mang̃a culog at quidlat ay may malaquing cagaling̃an sa lupà, sa pagca,t, nalilinis ang hang̃in nang mang̃a masasamang sing̃ao nasucat ipagcasaquit nang mang̃a tauo, nacagagaling naman sa paglagò nang mang̃a halaman, at nacapagbabauas sa totoong malaquing cainitan. Bucod dito,y, naquiquita natin ang isang cahang̃ahang̃ang bagay sa naturaleza, na ipinaquiquita nang Maycapal, nang tayo,y, magcaroon nang galang at pangguiguilalas sa caniya.
Si Luisa.¡Totoong mariquit pong bagay ang sinabi ni Basilio! ¿ibig pô baga ninyong aco,y, dalhin sa buquid cung sumasamà ang panahon, nang maquita co iyang lahat na sinabi ni Basilio? At hindi aco magdadala nang tacot.
Ang Ama.Susundin co ang iyong nasà.—Si Robinson, yamang talastas na ninyo, na nagpaualang halaga sa lahat nang sucat matutuhan sa caniyang cabataan, at caya ng̃a di niya natatalastas na ang mang̃a sigua at masasamang panahon ay mang̃a biyayà nang Dios, at baga ma,t, naguiguing sanhî nang alin mang casacunaan (na naaayon sa mataas na adhicà nang caniyang carunung̃an) ay pinanggagaling̃an nang malaquing cagaling̃an, para nang sinalità ni Basilio na nacalilinis nang hang̃in, na totoong nacagagaling sa mang̃a tauo, sa mang̃a hayop at sa mang̃ahalaman. Habang nacaupò si Robinson sa isang suloc nang caniyang yung̃ib, at totoong quiniquilabutan, ay totoong naglalauà ang tubig, nagnining̃as ang mang̃a quidlat, umuugong na ualang licat ang mang̃a culog; at malapit nang tanghaling tapat ay di pa naglulubag ang casamaan nang panahon.
Hindi siya nacacaramdam nang gutom dahil sa pagcatacot; datapoua,t, naghihinagpis ang caniyang loob sa mang̃a calumbaylumbay na guniguni niya. Dumating na ang oras, aniya, na ibig nang Dios na aquing pagbayaran ang mang̃a guinauà cong casalanan. Nacaamba na ang caniyang camay sa aquin; mamamatay aco,y, hindi co maquiquita ang mang̃a caauaauà cong magulang.
Hindi siya nacacaramdam nang gutom dahil sa pagcatacot; datapoua,t, naghihinagpis ang caniyang loob sa mang̃a calumbaylumbay na guniguni niya. Dumating na ang oras, aniya, na ibig nang Dios na aquing pagbayaran ang mang̃a guinauà cong casalanan. Nacaamba na ang caniyang camay sa aquin; mamamatay aco,y, hindi co maquiquita ang mang̃a caauaauà cong magulang.
Si Ramon.Tungcol diya,y, di aco umaayon sa catoto nating si Robinson.Si Nicolás.¿Baquit?Si Ramon.¿Di caya pinagcalooban na siya nang Dios nang di mamagcanong biyayà, at nang caniyang maquilala, na yaong totoong mabuting Ama ay di nagpapabaya sa umaasa sa caniya sa boong pusò, at tunay na nagpipilit na magbagong asal? ¿Di caya siya iniligtas sa pagcalunod sa isang capang̃anibang sucat icalagot nangbuhay? ¿Di caya siya tinutunghan, at nang houag siyang mamatay sa gutom? ¡At gayon ma,y, totoong nagpapacahinang loob! ¡Ito,y, hindi mabuting gauà!Ang Ina.Gayon din ang acalà co, Ramon, datapoua,t, caauaan natin ang binatang ito. Di pa nalalaong siya,y, nagmumulimuli, at caya ng̃a di pa sucat masulong na totoo sa landas nang mabuting asal, na para nang ibang mulà sa cabataan ay tinuruan na.Ang Ama.Mabuti ang sabi mo, at pinasasalamatan quita, sa pagca,t, quinaaauaan mo ang aquing Robinson. Untiunting lalong naiibigan co siya, sa pagca,t, naquiquita cong nagbabago na nang asal. Samantalang siya,y, sinasalacay nang catacutan at cabalisahan, ay tila naglulubag ang samâ nang panahon. Habang humihinà ang culog at nagbabauas ang ulan, ay sumisibol na muli sa pusò ni Robinson ang pagasa. Inacalà niyang maipatutuloy ang caniyang paglacad; at nang quinuha na ang caniyang supot at ang caniyang palacol ay bigla siyang nagulantay at napasubasob sa lupà.Si Juan.¿Ano pô ang nangyari sa caniya?Ang Ama.Bigla niyang naring̃ig sa ibabao nang caniyang ulo ang isang caquilaquilabot na culog, nang̃inig ang lupà, at si Robinson ay nanigas na parang bangcay. Sa pagca,t, pumutoc ang isang culog sa cahoy na nasa ibabao nang yung̃ib, at sa pagcabali ay lumagapac nang malacas, na ang acalà ni Robinson ay siya,y, tinamaan. Malaong oras na di siya pinagsaulan nang loob; datapoua,t, nang caniyang matalastas na di siya naaano ay nagbang̃on; at ang una niyang naquita sa malapit sa pintò nang caniyang yung̃ib ay isang malaquing cahoy na ibinual nang culog. Isang bagong caralitaan ni Robinson. Sa pagca,t, ¿saan isasabit ang caniyang hagdan, cung nabual na boô ang cahoy, para nang inaacalà niya?
Si Ramon.Tungcol diya,y, di aco umaayon sa catoto nating si Robinson.
Si Nicolás.¿Baquit?
Si Ramon.¿Di caya pinagcalooban na siya nang Dios nang di mamagcanong biyayà, at nang caniyang maquilala, na yaong totoong mabuting Ama ay di nagpapabaya sa umaasa sa caniya sa boong pusò, at tunay na nagpipilit na magbagong asal? ¿Di caya siya iniligtas sa pagcalunod sa isang capang̃anibang sucat icalagot nangbuhay? ¿Di caya siya tinutunghan, at nang houag siyang mamatay sa gutom? ¡At gayon ma,y, totoong nagpapacahinang loob! ¡Ito,y, hindi mabuting gauà!
Ang Ina.Gayon din ang acalà co, Ramon, datapoua,t, caauaan natin ang binatang ito. Di pa nalalaong siya,y, nagmumulimuli, at caya ng̃a di pa sucat masulong na totoo sa landas nang mabuting asal, na para nang ibang mulà sa cabataan ay tinuruan na.
Ang Ama.Mabuti ang sabi mo, at pinasasalamatan quita, sa pagca,t, quinaaauaan mo ang aquing Robinson. Untiunting lalong naiibigan co siya, sa pagca,t, naquiquita cong nagbabago na nang asal. Samantalang siya,y, sinasalacay nang catacutan at cabalisahan, ay tila naglulubag ang samâ nang panahon. Habang humihinà ang culog at nagbabauas ang ulan, ay sumisibol na muli sa pusò ni Robinson ang pagasa. Inacalà niyang maipatutuloy ang caniyang paglacad; at nang quinuha na ang caniyang supot at ang caniyang palacol ay bigla siyang nagulantay at napasubasob sa lupà.
Si Juan.¿Ano pô ang nangyari sa caniya?
Ang Ama.Bigla niyang naring̃ig sa ibabao nang caniyang ulo ang isang caquilaquilabot na culog, nang̃inig ang lupà, at si Robinson ay nanigas na parang bangcay. Sa pagca,t, pumutoc ang isang culog sa cahoy na nasa ibabao nang yung̃ib, at sa pagcabali ay lumagapac nang malacas, na ang acalà ni Robinson ay siya,y, tinamaan. Malaong oras na di siya pinagsaulan nang loob; datapoua,t, nang caniyang matalastas na di siya naaano ay nagbang̃on; at ang una niyang naquita sa malapit sa pintò nang caniyang yung̃ib ay isang malaquing cahoy na ibinual nang culog. Isang bagong caralitaan ni Robinson. Sa pagca,t, ¿saan isasabit ang caniyang hagdan, cung nabual na boô ang cahoy, para nang inaacalà niya?
Nang caniyang maramdaman na tumilà na ang ulan, at ualà na siyang nariring̃ig na culog, ay nang̃ahas na lumabas. Datapoua,t, ¿ano caya ang caniyang naquita? Isang bagay na biglang iquinapagpasalamat sa Dios, iquinapuspos niya nang pagibig, at iquinahiya niya dahil sa caculang̃an nang caniyang pagasa. Sa macatouid ay ang sang̃a nang cahoy na tinamaan nang culog ay nagninig̃as, na dahil dito,y, ualà sa caniyang gunitâ ay nagcaroon siya nang lalò niyang quinacailang̃an; cung sa bagay ay nang iniisipniyang siya,y, na sa sa lalong malaquing casacunaan, ay hindi gayon, cundi lalong inaampon siya nang Dios nang isang tang̃ing biyayà.Puspos nang di malirip na pagquilala at catouaan na iquinaiiyac niya, ay nagpasalamat siya nang boong pagibig sa mapagpalang Ama nang mang̃a tauo, na cahit nagpapahintulot na mangyari ang mang̃a caquilaquilabot na bagay, ay dili ang hindi gumagauà siya nang puspos na carunung̃an at catuiran. ¡Oh! ¿gasino ang tauo, aniya, hamac na ood sa lupà, at gaano ang caniyang naaalaman, at mang̃ang̃ahas lumaban sa mang̃a ipinagtatalaga nang Dios na di sucat malirip nang sinoman?Magmulà na niyaon ay nagcaroon siya nang apuy, na di niya pinaghihirapan ang pagpapaning̃as; magmulà na niyaon ay di niya pinaghirapan ang pagiing̃at; nabuhay na siyang di lubhang nasisindac at naliligalig tungcol sa paghanap nang cacanin sa pulóng yaon.Inaliban niya ang paghuli nang mang̃a hayop na llama, na siyang pinacausá cung baga dito sa Filipinas, at ang caniyang pinang̃asiuaan lamang muna ay ang pagiing̃at nang caniyang apuy at ang paglulutò nang hayop na yaon, na magmulà sa unang arao ay iniuan niya sa ihauan.Sa pagca,t, ang apuy ay hindi umabot sa dacong ibaba nang sang̃a, na quinabibitinan nang caniyang hagdang lubid, ay mangyayaring siya,y, macasampa nang ualang pang̃anib. Ganito ng̃a ang caniyang guinauà; cumuha siya nang isang sang̃ang nagnining̃as, saca nanaog siya sa harapan nang pinapasucan sa caniyang tahanan at nagsigâ siya sa calapit nang laman nang hayop at muli siyang umaquiat nang ualang caliuagan at pinatay niya ang apuy na nagaalab sa cahoy, at caracaraca nama,y, namatay.Ng̃ayo,y, si Robinson ay naguing cosinero na, at hinahaguisan nang yaguit ang caniyang sigâ nang houag mamatay, at nagpapalibidlibid sa caniyang ihauan. Totoo siyang nauiuili sa panonood nang apuy; at inaari niyang isang mahalagang biyayà nang Dios na ipinagcaloob sa caniya, hindi lumilicat nang pagdidilidili nang daquilang capaquinabang̃an na quinacamtan nang tauo sa apuy.
Nang caniyang maramdaman na tumilà na ang ulan, at ualà na siyang nariring̃ig na culog, ay nang̃ahas na lumabas. Datapoua,t, ¿ano caya ang caniyang naquita? Isang bagay na biglang iquinapagpasalamat sa Dios, iquinapuspos niya nang pagibig, at iquinahiya niya dahil sa caculang̃an nang caniyang pagasa. Sa macatouid ay ang sang̃a nang cahoy na tinamaan nang culog ay nagninig̃as, na dahil dito,y, ualà sa caniyang gunitâ ay nagcaroon siya nang lalò niyang quinacailang̃an; cung sa bagay ay nang iniisipniyang siya,y, na sa sa lalong malaquing casacunaan, ay hindi gayon, cundi lalong inaampon siya nang Dios nang isang tang̃ing biyayà.
Puspos nang di malirip na pagquilala at catouaan na iquinaiiyac niya, ay nagpasalamat siya nang boong pagibig sa mapagpalang Ama nang mang̃a tauo, na cahit nagpapahintulot na mangyari ang mang̃a caquilaquilabot na bagay, ay dili ang hindi gumagauà siya nang puspos na carunung̃an at catuiran. ¡Oh! ¿gasino ang tauo, aniya, hamac na ood sa lupà, at gaano ang caniyang naaalaman, at mang̃ang̃ahas lumaban sa mang̃a ipinagtatalaga nang Dios na di sucat malirip nang sinoman?
Magmulà na niyaon ay nagcaroon siya nang apuy, na di niya pinaghihirapan ang pagpapaning̃as; magmulà na niyaon ay di niya pinaghirapan ang pagiing̃at; nabuhay na siyang di lubhang nasisindac at naliligalig tungcol sa paghanap nang cacanin sa pulóng yaon.
Inaliban niya ang paghuli nang mang̃a hayop na llama, na siyang pinacausá cung baga dito sa Filipinas, at ang caniyang pinang̃asiuaan lamang muna ay ang pagiing̃at nang caniyang apuy at ang paglulutò nang hayop na yaon, na magmulà sa unang arao ay iniuan niya sa ihauan.
Sa pagca,t, ang apuy ay hindi umabot sa dacong ibaba nang sang̃a, na quinabibitinan nang caniyang hagdang lubid, ay mangyayaring siya,y, macasampa nang ualang pang̃anib. Ganito ng̃a ang caniyang guinauà; cumuha siya nang isang sang̃ang nagnining̃as, saca nanaog siya sa harapan nang pinapasucan sa caniyang tahanan at nagsigâ siya sa calapit nang laman nang hayop at muli siyang umaquiat nang ualang caliuagan at pinatay niya ang apuy na nagaalab sa cahoy, at caracaraca nama,y, namatay.
Ng̃ayo,y, si Robinson ay naguing cosinero na, at hinahaguisan nang yaguit ang caniyang sigâ nang houag mamatay, at nagpapalibidlibid sa caniyang ihauan. Totoo siyang nauiuili sa panonood nang apuy; at inaari niyang isang mahalagang biyayà nang Dios na ipinagcaloob sa caniya, hindi lumilicat nang pagdidilidili nang daquilang capaquinabang̃an na quinacamtan nang tauo sa apuy.
Si Ramon.Tunay ng̃a at ang apuy ay isang larauan nang cadiosan; siyang pinacamahal sa mang̃a elemento.Ang ama.Caya ng̃a sa mang̃a bulag nagentil ó di binyagan ay isang caraniuang caugalian ang pagsamba at paggalang sa caniya. Sa Roma ay laguing iniing̃atan ang apuy sa templo nang diosa Vesta, sa Atenas ay sa templo ni Minerva, sa Delfos ay sa templo ni Apolo; at nabasa mo na cung paano ang guinagauang paggalang sa caniya sa Persia.Si Ramon.Oo ng̃a, datapoua,t, tayo na, sa auà nang Dios, ay naliliuanagan nang tunay na aral, ay natatalastas natin na ang apuy ay hindi dios, cundi isang biyayà nang Dios, na para naman nang tubig, nang lupà at nang hang̃in, na nilic-hà at nang paquinabang̃an natin.Ang ama.Sa pagcain nang nacaraang arao, niyong sinasalità co sa inyo, na ang iquinabusog ni Robinson ay ang laman nang hayop na llama na pinalambot sa capucpoc ay hindi niya inalumana ang caualan nang asin, at inaasahan niya na sa calaunan nang panahon marahil ay matatagpuan niya doon sa pulò; datapoua,t, ng̃ayon ay iquinatouà na niya ang pagparoon sa tabi nang dagat, at sumaloc siya nang isang bauo nang tubig na maalat, at siya niyang ibinasà sa laman nang hayop na llama, sa pagca,t, ualà siyang ibang asin.
Si Ramon.Tunay ng̃a at ang apuy ay isang larauan nang cadiosan; siyang pinacamahal sa mang̃a elemento.
Ang ama.Caya ng̃a sa mang̃a bulag nagentil ó di binyagan ay isang caraniuang caugalian ang pagsamba at paggalang sa caniya. Sa Roma ay laguing iniing̃atan ang apuy sa templo nang diosa Vesta, sa Atenas ay sa templo ni Minerva, sa Delfos ay sa templo ni Apolo; at nabasa mo na cung paano ang guinagauang paggalang sa caniya sa Persia.
Si Ramon.Oo ng̃a, datapoua,t, tayo na, sa auà nang Dios, ay naliliuanagan nang tunay na aral, ay natatalastas natin na ang apuy ay hindi dios, cundi isang biyayà nang Dios, na para naman nang tubig, nang lupà at nang hang̃in, na nilic-hà at nang paquinabang̃an natin.
Ang ama.Sa pagcain nang nacaraang arao, niyong sinasalità co sa inyo, na ang iquinabusog ni Robinson ay ang laman nang hayop na llama na pinalambot sa capucpoc ay hindi niya inalumana ang caualan nang asin, at inaasahan niya na sa calaunan nang panahon marahil ay matatagpuan niya doon sa pulò; datapoua,t, ng̃ayon ay iquinatouà na niya ang pagparoon sa tabi nang dagat, at sumaloc siya nang isang bauo nang tubig na maalat, at siya niyang ibinasà sa laman nang hayop na llama, sa pagca,t, ualà siyang ibang asin.
Nang inaacalà niyang lutò na ay gaano caya ang caniyang catouaan sa unang pagputol at pagsubò nang caniyang ulam, ualang sucat matalastas cundi ang para niyang hindi nacatiquim na apat na lingo nang anomang pagcaing inalulutò sa apuy, at inaacalà niyang ualà siyang sucat asahan na macacain pa nang gayong pagcain.Ang malaquing bagay na dapat matalastas ng̃ayon, ay cung paanong sucat niyang gau-in, at nang houag mamatay ang apuy.
Nang inaacalà niyang lutò na ay gaano caya ang caniyang catouaan sa unang pagputol at pagsubò nang caniyang ulam, ualang sucat matalastas cundi ang para niyang hindi nacatiquim na apat na lingo nang anomang pagcaing inalulutò sa apuy, at inaacalà niyang ualà siyang sucat asahan na macacain pa nang gayong pagcain.
Ang malaquing bagay na dapat matalastas ng̃ayon, ay cung paanong sucat niyang gau-in, at nang houag mamatay ang apuy.
Si Teodora.Iyan ay lubhang madali. ¿Mayroon pa cayang sucat gau-in para nang touî na,y, lag-yan nang cahoy?Ang ama.Totoo ng̃a; ¿datapoua,t, sa gabi at cung habang siya,y, natutulog ay biglang bumacsac ang malacas na ulan, ay anong magagauà natin?Si Luisa.Talastasin pô ninyo ang aquing sinasabi. Ang guinauà co sana,y, ang sigà ay pinanailalim co sa loob nang yung̃ib, na houag macapasoc ang tubig.Ang ama.Hindi masamang caisipan iyan; datapoua,t, ang cahirapan ay ang yung̃ib na yaon ay totoong mahigpit na bahaguia na niya matulugan. At saca ualang butas na lalabasan nang usoc, na di niya icahihing̃a.Si Luisa.¡Ay! tunay ng̃a. Sa caguipitang iyan ay hindi co siya maaalis.Si Juan.¡Tingnang ninyo ang cahirapang ito! ¡diyata,t, sa touitouî na ay siya,y, na sa isang caguipitan! di mamacailang inaacalà natin na ang caauaauang si Robinson ay nacaalis na sa cahirapan; datapoua,t, hindi ... Caguinsaguinsa,y, magcacaroon nang isang bagay na macapagpipighati sa caniya.Ang ama.Diyan mo maquiquita ang laquing cahirapan sa isang tauo na matacpan niyang magisa ang lahat nang cailang̃an, at cung gaanong capaquinabang̃an ang ibinibigay sa atin nang paquiquisama. Oo, mang̃a anac co; tayong lahat ay totoong cahabaghabag, cung ang baua,t, isa sa atin ay mabuhay nang nagiisa, at ualang tulong na maaasahan sa ibang capouà tauo. Ang sanglibong camay ay hindi macagagauà at macapaghahandà nang quinacailang̃an nang baua,t, isa sa arao arao.Si Juan.¿Ano pang uica ninyo? ¿Sanglibong camay ay di macagagauà nang quinacailang̃an nang baua,t, isa sa arao arao?Ang ama.¿Hindi ca naniniualà, Juan? tingnan natin ang quinailang̃an mo ng̃ayongarao na ito. Unauna,y, natulog ca hangang sa lumabas ang arao; at sa isang hihigang magaling; ¿dili caya gayon?Si Juan.Sa isang colchon at sa isang cumot at sa isang unan.Ang ama.Ang colchon na lamang ang ating sabihin. Ito,y, quinasusulutan nang lana ó balahibo nang tupa, na ang unang una,y, naguing cailang̃an ang pagaalilà nang tupa, at ang isa,y, pumutol nang caniyang balahibo; ang isa,y, naglaba; ang isa,y, tumimbang at nagbili; ang isa,y, naghatid sa bahay nang lanero; at muling ipinagbili nito sa colchonero, na nang mangyaring maguing colchon, ay inihanay sa isang balotan nang liensong may guhit na tinatauag na terliz. ¿At saan nangaling ang terliz?Si Juan.Guinauà nang manghahabi.Ang ama.¿At anong naguing cailang̃an paghabi?Si Juan.Ang sinulid, at isang habihan, at iba,t, iba pa.Ang ama.Sucat na. At sa paggauà nang habihan at lahat nang mang̃a casangcapan, ¿ilang camay ang naguing cailang̃an—Saca ang manghahabi ay hindi macahahabi cung ualang hinahabi; datapoua,t, ¿saan nila quinuha?Si Juan.Sa mang̃a hilandera ó lumulubid nang hinahabi.Ang ama.¿At natatalastas mo cung ilang camay ang pinagdadaanan nang lino bago mahabi, na pasisimulan sa pagtatanim nang linasa ó cañamones?Si Juan.Magdaraan sa apat ó limang camay.Ang ama.Hindi lamang sa apat ó lima cundi sa dalauang puong camay. Datapoua,t, sabihin mo sa aquin: ¿ang carayom na ipinanahi sa colchon, ay hindi baga patalim? at ang patalim ¿ay hindi baga quinucuha sa mina? At magmulà nang macuha sa mina hang̃an sa maguing carayom, ¿ilang tauo ang naguing cailang̃an? ¿Ilang mang̃a casangcapan at mang̃a máquina ang naguing cailang̃an sa paggauà nang carayom? ¿At ilang mang̃a tauo ang naguing cailang̃an sa pagtatayò nang maquina?...Si Juan.¿Saan pô tayo hahanga?Ang ama.Ng̃ayo,y, pagpisanpisanin mo at pagbilangbilang̃in ang guinugol na paggauà sa pagtatanim nang cañamo ó lino, at ang mang̃a ararong quinailang̃an nang magsasacá bago naitanim; ang sarisaring paggauà na quinacailang̃an sa paghabi; ang mang̃a naguing cailang̃an sa paglilinis nang lana, at sa paggauà nang carayom, tila ualang cabuluhang bagay; at saca ng̃ayo,y, sabihin mo sa aquin, cung natantò mo na na sa paggauà nang isang hihigan na tutulugan niyang mahinusay ay naguing cailang̃an ang sanglibong camay.Si Teodora.Tingnan ng̃a pô ninyo na di macasasapat ang sanglibong camay sa quinacailang̃an natin sa arao arao.Ang ama.Saca pagcurocuroin mo ang mang̃a ibang bagay na quinacailang̃an mo sa arao arao; bago mo sabihin sa aquin, cung sucat mong pagtachan na si Robinson ay palagui nang na sa isang malaquing caguipitan, yayamang ualang ibang camay na macatulong sa caniya, at niyong nagcacailang̃an na dito,y, iquinatatapus niyang madali nang anomang gagau-in.
Si Teodora.Iyan ay lubhang madali. ¿Mayroon pa cayang sucat gau-in para nang touî na,y, lag-yan nang cahoy?
Ang ama.Totoo ng̃a; ¿datapoua,t, sa gabi at cung habang siya,y, natutulog ay biglang bumacsac ang malacas na ulan, ay anong magagauà natin?
Si Luisa.Talastasin pô ninyo ang aquing sinasabi. Ang guinauà co sana,y, ang sigà ay pinanailalim co sa loob nang yung̃ib, na houag macapasoc ang tubig.
Ang ama.Hindi masamang caisipan iyan; datapoua,t, ang cahirapan ay ang yung̃ib na yaon ay totoong mahigpit na bahaguia na niya matulugan. At saca ualang butas na lalabasan nang usoc, na di niya icahihing̃a.
Si Luisa.¡Ay! tunay ng̃a. Sa caguipitang iyan ay hindi co siya maaalis.
Si Juan.¡Tingnang ninyo ang cahirapang ito! ¡diyata,t, sa touitouî na ay siya,y, na sa isang caguipitan! di mamacailang inaacalà natin na ang caauaauang si Robinson ay nacaalis na sa cahirapan; datapoua,t, hindi ... Caguinsaguinsa,y, magcacaroon nang isang bagay na macapagpipighati sa caniya.
Ang ama.Diyan mo maquiquita ang laquing cahirapan sa isang tauo na matacpan niyang magisa ang lahat nang cailang̃an, at cung gaanong capaquinabang̃an ang ibinibigay sa atin nang paquiquisama. Oo, mang̃a anac co; tayong lahat ay totoong cahabaghabag, cung ang baua,t, isa sa atin ay mabuhay nang nagiisa, at ualang tulong na maaasahan sa ibang capouà tauo. Ang sanglibong camay ay hindi macagagauà at macapaghahandà nang quinacailang̃an nang baua,t, isa sa arao arao.
Si Juan.¿Ano pang uica ninyo? ¿Sanglibong camay ay di macagagauà nang quinacailang̃an nang baua,t, isa sa arao arao?
Ang ama.¿Hindi ca naniniualà, Juan? tingnan natin ang quinailang̃an mo ng̃ayongarao na ito. Unauna,y, natulog ca hangang sa lumabas ang arao; at sa isang hihigang magaling; ¿dili caya gayon?
Si Juan.Sa isang colchon at sa isang cumot at sa isang unan.
Ang ama.Ang colchon na lamang ang ating sabihin. Ito,y, quinasusulutan nang lana ó balahibo nang tupa, na ang unang una,y, naguing cailang̃an ang pagaalilà nang tupa, at ang isa,y, pumutol nang caniyang balahibo; ang isa,y, naglaba; ang isa,y, tumimbang at nagbili; ang isa,y, naghatid sa bahay nang lanero; at muling ipinagbili nito sa colchonero, na nang mangyaring maguing colchon, ay inihanay sa isang balotan nang liensong may guhit na tinatauag na terliz. ¿At saan nangaling ang terliz?
Si Juan.Guinauà nang manghahabi.
Ang ama.¿At anong naguing cailang̃an paghabi?
Si Juan.Ang sinulid, at isang habihan, at iba,t, iba pa.
Ang ama.Sucat na. At sa paggauà nang habihan at lahat nang mang̃a casangcapan, ¿ilang camay ang naguing cailang̃an—Saca ang manghahabi ay hindi macahahabi cung ualang hinahabi; datapoua,t, ¿saan nila quinuha?
Si Juan.Sa mang̃a hilandera ó lumulubid nang hinahabi.
Ang ama.¿At natatalastas mo cung ilang camay ang pinagdadaanan nang lino bago mahabi, na pasisimulan sa pagtatanim nang linasa ó cañamones?
Si Juan.Magdaraan sa apat ó limang camay.
Ang ama.Hindi lamang sa apat ó lima cundi sa dalauang puong camay. Datapoua,t, sabihin mo sa aquin: ¿ang carayom na ipinanahi sa colchon, ay hindi baga patalim? at ang patalim ¿ay hindi baga quinucuha sa mina? At magmulà nang macuha sa mina hang̃an sa maguing carayom, ¿ilang tauo ang naguing cailang̃an? ¿Ilang mang̃a casangcapan at mang̃a máquina ang naguing cailang̃an sa paggauà nang carayom? ¿At ilang mang̃a tauo ang naguing cailang̃an sa pagtatayò nang maquina?...
Si Juan.¿Saan pô tayo hahanga?
Ang ama.Ng̃ayo,y, pagpisanpisanin mo at pagbilangbilang̃in ang guinugol na paggauà sa pagtatanim nang cañamo ó lino, at ang mang̃a ararong quinailang̃an nang magsasacá bago naitanim; ang sarisaring paggauà na quinacailang̃an sa paghabi; ang mang̃a naguing cailang̃an sa paglilinis nang lana, at sa paggauà nang carayom, tila ualang cabuluhang bagay; at saca ng̃ayo,y, sabihin mo sa aquin, cung natantò mo na na sa paggauà nang isang hihigan na tutulugan niyang mahinusay ay naguing cailang̃an ang sanglibong camay.
Si Teodora.Tingnan ng̃a pô ninyo na di macasasapat ang sanglibong camay sa quinacailang̃an natin sa arao arao.
Ang ama.Saca pagcurocuroin mo ang mang̃a ibang bagay na quinacailang̃an mo sa arao arao; bago mo sabihin sa aquin, cung sucat mong pagtachan na si Robinson ay palagui nang na sa isang malaquing caguipitan, yayamang ualang ibang camay na macatulong sa caniya, at niyong nagcacailang̃an na dito,y, iquinatatapus niyang madali nang anomang gagau-in.
Ang totoo niyang iquinaliligalig, ay ang paghanap nang paraan na magcaroong mulî nang apuy cung sacali,t, mamatay ang caniyang sigâ. Cung minsan ay quinacamot ang ulo sa pagpipilit nang pagcucurò nang mabuting paraan; cung minsa,y, biglang ilacpac ang camay sa pagcapagod nang caiisip; cung minsa,y, nagpapasial, na di maalaman cung ano angcaniyang gagau-in. Datapoua,t, sa catapusa,y, nailing̃ap lamang niya ang caniyang mata sa mang̃a batong nacaliliquid sa isang munting burol ay naisipan na niya ang caniyang gagau-in.
Ang totoo niyang iquinaliligalig, ay ang paghanap nang paraan na magcaroong mulî nang apuy cung sacali,t, mamatay ang caniyang sigâ. Cung minsan ay quinacamot ang ulo sa pagpipilit nang pagcucurò nang mabuting paraan; cung minsa,y, biglang ilacpac ang camay sa pagcapagod nang caiisip; cung minsa,y, nagpapasial, na di maalaman cung ano angcaniyang gagau-in. Datapoua,t, sa catapusa,y, nailing̃ap lamang niya ang caniyang mata sa mang̃a batong nacaliliquid sa isang munting burol ay naisipan na niya ang caniyang gagau-in.
Si Enrique.¿At ano caya yaon?Ang ama.May isang batong malaqui na ang taas ay mahiguit na isang vara sa lupà.Si Cárlos.¿Gaano caya ang laqui?Ang ama.Inaacalà cong may dalauang vara ang habà, isang vara ang luang at gayon din ang capal.
Si Enrique.¿At ano caya yaon?
Ang ama.May isang batong malaqui na ang taas ay mahiguit na isang vara sa lupà.
Si Cárlos.¿Gaano caya ang laqui?
Ang ama.Inaacalà cong may dalauang vara ang habà, isang vara ang luang at gayon din ang capal.