Si Juan. Datapoua,t, ¿paano pong guinagaua niyang pagpapalabas sa loob nang bacuran?Ang ama. Totoo ang sabi mo: nacalimutan cong di naipahayag na sa isang tabi nang bagong bacuran, ay may isang munting pintô, ng̃unit, sucat malabasan at mapasucan nang mang̃a hayop na yaon cung yuyucod. Sa dacong labas ay mahirap maquita ang pintong yaon, at dacong loob ay sinasarhang matibay ni Robinson cung gabi nang pinagsalasalang sang̃a. Totoong mariquit panoorin ang pagoui ni Robinson sa caniyang tahanan na ang nang̃ung̃una,y, ang maamong hayop at nacatatalastas nang daan na pagdating nang caniyang pang̃inoon, capagdating sa pintò ay tumitiguil at nang maibis siya nang pasan, pagcatapus ay pumapasoc na nacayucod, at saca sumusunod kay Robinson.
Si Juan. Datapoua,t, ¿paano pong guinagaua niyang pagpapalabas sa loob nang bacuran?
Ang ama. Totoo ang sabi mo: nacalimutan cong di naipahayag na sa isang tabi nang bagong bacuran, ay may isang munting pintô, ng̃unit, sucat malabasan at mapasucan nang mang̃a hayop na yaon cung yuyucod. Sa dacong labas ay mahirap maquita ang pintong yaon, at dacong loob ay sinasarhang matibay ni Robinson cung gabi nang pinagsalasalang sang̃a. Totoong mariquit panoorin ang pagoui ni Robinson sa caniyang tahanan na ang nang̃ung̃una,y, ang maamong hayop at nacatatalastas nang daan na pagdating nang caniyang pang̃inoon, capagdating sa pintò ay tumitiguil at nang maibis siya nang pasan, pagcatapus ay pumapasoc na nacayucod, at saca sumusunod kay Robinson.
Datapoua,t, ¿ano ang sasabihin co sa pagsalubong nang mang̃a inacay sa canilang ina? Caracaraca,y, sinasalubong siya, na ipinahahayag ang canilang catotouaan nang paglucso at pagsigao; nagdudumali naman nang pagsalubong sa canilang pang̃inoon. Natotouang di hamak si Robinson sa gayong asal nang caniyang mang̃a hayop, tulad sa isang ama sa pagcaquitang di magcamayao ang caniyang mang̃a anac, sa pagcaquitang siya,y, bagong dating, na mahaba nangpanahong di siya naquiquita at muli niyang yayacapin sila.
Datapoua,t, ¿ano ang sasabihin co sa pagsalubong nang mang̃a inacay sa canilang ina? Caracaraca,y, sinasalubong siya, na ipinahahayag ang canilang catotouaan nang paglucso at pagsigao; nagdudumali naman nang pagsalubong sa canilang pang̃inoon. Natotouang di hamak si Robinson sa gayong asal nang caniyang mang̃a hayop, tulad sa isang ama sa pagcaquitang di magcamayao ang caniyang mang̃a anac, sa pagcaquitang siya,y, bagong dating, na mahaba nangpanahong di siya naquiquita at muli niyang yayacapin sila.
Si Basilio. Tunay ng̃a at totoong nacatotoua, at bucod dito,y, naguiguing isang aral sa atin ang pagganting loob nang mg̃a hayop sa tauong nagmamahal sa canila.Ang ama. Tungcol sa bagay na iyan ay may marami at mang̃a catacatacang halimbauà, na mapipilitan tayong magacalà na tila tunay na sila,y, mayroong pagiisip na para nang tauo, cung ualang mang̃a ibang catunayan na nagpapatotoong uala ng̃a siyang pagiisip.Si Enrique. Caya ng̃a, sa ating librito nang Moral ay sinasalitâ ang pagganting loob nang leon sa tauong bumunot nang tinic sa caniyang paa.Si Teodora. Ay, naalaala co na. At yao,y, isang leong totoong magaling, sa pagca totoong umiibg sa tauong nagcauang gauà sa caniya; at pagcatapus ay minsang sila,y, nagquita, ay sa gayong matatampalasan niya, ay hindi inanó: ibig cong magcaroon nang isang leong munti, cung gayon ang asal nang lahat.Ang ama. Mang̃a anac co, ng̃ayo,y, nalilimutan natin si Robinson, at quinalilibang̃an natin ang caniyang historia, itiguilmuna natin ng̃ayon, at saca na natin ipagtuloy sa ibang arao.Si Teodora. Houag pò, houag pò, caunti pa pong salitâ cay Robinson.Ang ama. Tumigas na ang caniyang mang̃a ladrillo na magagaua niyang pader, at sa caualan nang apog, ay humanap siya nang lupà. Isang manipis at malinis na bató ang guinaua niyang sandoc; at sa pagnanasa niyang magcaroon nang lahat nang casangcapan nang cantero ay nagpumilit siyang gumauà na cahit papaano.Si Nicolás. Oo pô, at naquita namin ang mang̃a casangcapang iyan.Ang ama. Yayamang siya,y, mayroon nang mang̃a ladrillo,t, casangcapan, ay ipinapasan niya ang mang̃a quinacailang̃an niyang ladrillo sa caniyang hayop.Si Juan. Datapoua,t ¿paano ang gagau-in niyang pagpapasan sa hayop na llama nang mang̃a ladrillo?Ang ama. Mahirap ninyong mahulaan; datapoua,t, sasabihin co sa inyo.
Si Basilio. Tunay ng̃a at totoong nacatotoua, at bucod dito,y, naguiguing isang aral sa atin ang pagganting loob nang mg̃a hayop sa tauong nagmamahal sa canila.
Ang ama. Tungcol sa bagay na iyan ay may marami at mang̃a catacatacang halimbauà, na mapipilitan tayong magacalà na tila tunay na sila,y, mayroong pagiisip na para nang tauo, cung ualang mang̃a ibang catunayan na nagpapatotoong uala ng̃a siyang pagiisip.
Si Enrique. Caya ng̃a, sa ating librito nang Moral ay sinasalitâ ang pagganting loob nang leon sa tauong bumunot nang tinic sa caniyang paa.
Si Teodora. Ay, naalaala co na. At yao,y, isang leong totoong magaling, sa pagca totoong umiibg sa tauong nagcauang gauà sa caniya; at pagcatapus ay minsang sila,y, nagquita, ay sa gayong matatampalasan niya, ay hindi inanó: ibig cong magcaroon nang isang leong munti, cung gayon ang asal nang lahat.
Ang ama. Mang̃a anac co, ng̃ayo,y, nalilimutan natin si Robinson, at quinalilibang̃an natin ang caniyang historia, itiguilmuna natin ng̃ayon, at saca na natin ipagtuloy sa ibang arao.
Si Teodora. Houag pò, houag pò, caunti pa pong salitâ cay Robinson.
Ang ama. Tumigas na ang caniyang mang̃a ladrillo na magagaua niyang pader, at sa caualan nang apog, ay humanap siya nang lupà. Isang manipis at malinis na bató ang guinaua niyang sandoc; at sa pagnanasa niyang magcaroon nang lahat nang casangcapan nang cantero ay nagpumilit siyang gumauà na cahit papaano.
Si Nicolás. Oo pô, at naquita namin ang mang̃a casangcapang iyan.
Ang ama. Yayamang siya,y, mayroon nang mang̃a ladrillo,t, casangcapan, ay ipinapasan niya ang mang̃a quinacailang̃an niyang ladrillo sa caniyang hayop.
Si Juan. Datapoua,t ¿paano ang gagau-in niyang pagpapasan sa hayop na llama nang mang̃a ladrillo?
Ang ama. Mahirap ninyong mahulaan; datapoua,t, sasabihin co sa inyo.
Malaon nang panahong iniisip ni Robinson cung gaanong capaquinabang̃an ang caniyang cacamtan sa pagcatutong gumauà nang buslò; datapoua,t, nang siya,y, batà pa ay pinauaualan niyang halaga ang paggauà nang mang̃a manlalala nang buslò, na inaari niyang totoong madali, na para naman nang inaacalà niya sa mang̃a ibang bagay. Gayon ma,y, sa pagca,t, siya,y, natumpac nang gumauà nang balancas nang caniyang payong, nang matapus ay pinagaralan niyang matagal sa mang̃a oras na ualà siyang guinagaua ang paglala nang buslò hangan sa natutuhan niya na macayari siya nang isang buslong may catibayan. Natatalastas na ninyo na ang macagauà nang isang daan. Si Robinson ay gumauà nang dalaua, pinagcabit at inilagay na pinapagtimbang sa licod nang caniyang hayop na llama.
Malaon nang panahong iniisip ni Robinson cung gaanong capaquinabang̃an ang caniyang cacamtan sa pagcatutong gumauà nang buslò; datapoua,t, nang siya,y, batà pa ay pinauaualan niyang halaga ang paggauà nang mang̃a manlalala nang buslò, na inaari niyang totoong madali, na para naman nang inaacalà niya sa mang̃a ibang bagay. Gayon ma,y, sa pagca,t, siya,y, natumpac nang gumauà nang balancas nang caniyang payong, nang matapus ay pinagaralan niyang matagal sa mang̃a oras na ualà siyang guinagaua ang paglala nang buslò hangan sa natutuhan niya na macayari siya nang isang buslong may catibayan. Natatalastas na ninyo na ang macagauà nang isang daan. Si Robinson ay gumauà nang dalaua, pinagcabit at inilagay na pinapagtimbang sa licod nang caniyang hayop na llama.
Si Juan. ¡Ay ama co! matotouà acong magaral na maglala nang buslò.Ang ama. At aco naman, Juan. Isang arao ay paparituhin natin ang isang manlalala nang buslò, at tayo ay paturò sa caniya.Si Juan. Mabuti pò; at cung gayo,y, gagauà aco nang isang canastillong totoong mariquit na ibibigay co cay Luisa.Si Luisa. Aco po,y magaaral naman: ¿ibig pò baga ninyo, ama co?Ang ama. Malaqui ang ibig co; at iyong mapapaquinabang̃an. Mangyayari ng̃ang sa atin ay marapat ang paglalala nangbuslò, sa mang̃a oras na nagsasalità aco sa inyo nang anomang historia, at ualà tayong nagagaua na pinagcacalibang̃an.
Si Juan. ¡Ay ama co! matotouà acong magaral na maglala nang buslò.
Ang ama. At aco naman, Juan. Isang arao ay paparituhin natin ang isang manlalala nang buslò, at tayo ay paturò sa caniya.
Si Juan. Mabuti pò; at cung gayo,y, gagauà aco nang isang canastillong totoong mariquit na ibibigay co cay Luisa.
Si Luisa. Aco po,y magaaral naman: ¿ibig pò baga ninyo, ama co?
Ang ama. Malaqui ang ibig co; at iyong mapapaquinabang̃an. Mangyayari ng̃ang sa atin ay marapat ang paglalala nangbuslò, sa mang̃a oras na nagsasalità aco sa inyo nang anomang historia, at ualà tayong nagagaua na pinagcacalibang̃an.
Totoong madali ang pagcayari ni Robinson sa bago niyang guinagauà, at naibang̃on na ang isang panig nang pader, at nailagay na ang simiento nang cabilang panig, ay siyang pagcacataon na may nangyari sa caniyang biglang biglâ na isang bagay na di niya nagugunitâ at di nararanasranasan na sa isang sandali ay nasira ang lahat niyang binabantà at napaui ang lahat niyang pagasa.
Totoong madali ang pagcayari ni Robinson sa bago niyang guinagauà, at naibang̃on na ang isang panig nang pader, at nailagay na ang simiento nang cabilang panig, ay siyang pagcacataon na may nangyari sa caniyang biglang biglâ na isang bagay na di niya nagugunitâ at di nararanasranasan na sa isang sandali ay nasira ang lahat niyang binabantà at napaui ang lahat niyang pagasa.
Si Juan. ¿Ano pò ang sacunang yaon?Si Luisa. Natapus na: dumating ang mang̃a tauong damó, at siya,y, nilamon.Si Teodora. ¡Dios co! ¿Tunay ng̃a pô baga na siya,y, nilamon, ama ko?Ang ama. Hindi: hindi iyan, cundi ibang bagay na totoong quinatacutan niya para nang cung iihao siyang buháy niyong mang̃a tauong damo.Si Juan. Maanong sabihin pò ninyo sa amin, at aco,y, nang̃ing̃inig nang tacot.Ang ama. Niyon ay gabi na; ang bouan ay totoong nagliliuanag, humihihip ang palaypalay na hang̃in, at ang boong sangsinucuban ay na sa isang daquilang capayapaan. Si Robinson ay sa capaguransa caniyang mang̃a guinagauà, ay naghihilighiligang matahimic sa caniyang hihigan na na sa caniyang paanan ang caniyang mang̃a hayop; at siya,y, nacalilimot na, at napapanaguinip na para nang caraniuang nangyayari sa caniya ang caniyang mang̃a iniibig na magulang, caguinsaguinsa,y, ... Datapoua,t, houag nating ipatuloy itong nangyayaring caquilaquilabot, at baca inyong mapanaguinip ay magcaroon cayo nang caligaligan sa gabing ito.Ang lahat.¡Ay sayang na sayang!Ang ama.Itiguil natin ng̃ayon ang bagay na ito, at ang isipin natin ay ang macalilibang sa inyo, at nang matapus ang arao sa caligayahan, yayamang ang naguing pasimulâ ay sa caligayahan din, at sa pagca,t, pinabayaan nang Dios na pacamtan sa atin.
Si Juan. ¿Ano pò ang sacunang yaon?
Si Luisa. Natapus na: dumating ang mang̃a tauong damó, at siya,y, nilamon.
Si Teodora. ¡Dios co! ¿Tunay ng̃a pô baga na siya,y, nilamon, ama ko?
Ang ama. Hindi: hindi iyan, cundi ibang bagay na totoong quinatacutan niya para nang cung iihao siyang buháy niyong mang̃a tauong damo.
Si Juan. Maanong sabihin pò ninyo sa amin, at aco,y, nang̃ing̃inig nang tacot.
Ang ama. Niyon ay gabi na; ang bouan ay totoong nagliliuanag, humihihip ang palaypalay na hang̃in, at ang boong sangsinucuban ay na sa isang daquilang capayapaan. Si Robinson ay sa capaguransa caniyang mang̃a guinagauà, ay naghihilighiligang matahimic sa caniyang hihigan na na sa caniyang paanan ang caniyang mang̃a hayop; at siya,y, nacalilimot na, at napapanaguinip na para nang caraniuang nangyayari sa caniya ang caniyang mang̃a iniibig na magulang, caguinsaguinsa,y, ... Datapoua,t, houag nating ipatuloy itong nangyayaring caquilaquilabot, at baca inyong mapanaguinip ay magcaroon cayo nang caligaligan sa gabing ito.
Ang lahat.¡Ay sayang na sayang!
Ang ama.Itiguil natin ng̃ayon ang bagay na ito, at ang isipin natin ay ang macalilibang sa inyo, at nang matapus ang arao sa caligayahan, yayamang ang naguing pasimulâ ay sa caligayahan din, at sa pagca,t, pinabayaan nang Dios na pacamtan sa atin.
Hali cayo, mang̃a anac co, tayo,y, magalio na sandali sa ating jardin, at alagaan natin ang ating mang̃a bulaclac; yayamang hangang ng̃ayon ay hindi pa natin nadadalao.
Hali cayo, mang̃a anac co, tayo,y, magalio na sandali sa ating jardin, at alagaan natin ang ating mang̃a bulaclac; yayamang hangang ng̃ayon ay hindi pa natin nadadalao.
Magmulâ nang salitin nang ama ang caquilaquilabot na sasapitin ni Robinson, na di mapagcuro nang mang̃a batà, ay nagcaroon nang totoong maraming caabalahan, na nacaraan ang maraming hapon na di nagcalouagang ipatuloy ang historia.Totoong naiinip ang mang̃a batà, ibig matalastas cung ano ang nangyari sa caauaauang cay Robinson, at ipagpapalit na malouag ang canilang trompo ó ang lalong minamahal na laroan, macaquita lamang nang magsasalitâ sa canila nang nangyari cay Robinson sa gabing yaon, na hindi ipinatuloy na sinalitâ nang canilang ama. Datapoua,t, ang casam-an ay sino ma,y, di macapagsalitâ sa canila cundi ang canilang ama lamang, ng̃uni,t, di minamarapat na salitin, hangan sa siya,y, matahimic, at nang masalitâ niya nang boong cahusayan.Hangang di nasisiyasat ang bagay na ito, ay ualang malamang gau-in ang mang̃a batà nang paghuhulohulò; mayroong nagsasabi nang ganito, at ang iba nama,y,ganoon; datapoua,t, sino ma,y, di macatuclas nang tunay na nangyari, at sa pagca ng̃a,t, di nila natatalastas.¿At baquit ayao pa pô ninyong paalaman sa amin? ang tanong nila. Ang sagot nang ama,y, sa pagca,t, may cabagayan.Ang mang̃a batà, na sa mabuting pagcaturò ay nahihirating tumahimic capag ganoon ang isinagot nang canilang ama, ay hindi na umuulit na tumanong, at nagtiis na naghintay cung cailan sasalitin sa canila ang lihim na yaon.Datapoua,t, sa pagca,t, ang mang̃a tauong may cabaitan ay madaling macapaguauari nang na sa sa loob nang mang̃a batà, ay capagdaca,y, natalastas nang ama sa muc-hâ nang caniyang mang̃a tinuturoan, na itinatanong nang baua,t, isa sa canilang sarili. ¿At baquit ipagcacait nang ating ama itong ating ninanasà? ¿Anong cahirapan sa caniya ang sabihin sa atin ang ating icatotoua? Inacala niyang mabuting ipahayag niya nang mahusay; at caya ng̃a ganito ang sinabi: nang matalastas ninyong hindi sa caayauan cong magbigay sa inyo nang icalulugod, at ang itiniguil co ang historiang yaon, ay sa pagca,t, mayroon tayo ng̃ayong mang̃a mahalagang bagay na gagau-in, ng̃ayon, mang̃a anac co, maghanda cayo, at bucas nang umagang umaga ay tayo,y, paparoon sa Travemunda sa tabi nang dagat Báltico.—¿Sa Travemunda pò baga tayo paroroon? na malapit sa dagat Báltico? ¿Bucas pò baga nang umaga? ¿At aco pò baga nama,y, macacasama? ang tanong nang baua,t, isa sa mang̃a batà.Pinaoohan silang lahat; di masabi ang pagcacaing̃ay nila. ¡Paparoon tayo sa Travemunda! ¡Paparoon tayo sa Travemunda! ¿Saan naroroon ang aquing tungcod, Juanito, saan naroon ang aquing mang̃a bota? magmadali tayo: dalhin ang cepillo; ang suclay; magdala tayo nang damit na malinis. Sa pagcacaing̃ay sa boong bahay, ay halos hindi magcarinigan.Ang lahat ay humahanda sa pagalis sa quinabucasan, at sa malaquing catouaan nila ay hindi magcaintindihan. Totoong pinaghirapan ang pagpapatulog sa canila sa gabing yaon: sa pagca,t, totoong nagugulo sila, at ang ibig ay magumaga na.Nang quinabucasa,y, pinasimulan na ang pagcacaing̃ay nang boong bahay; at nagguiguising̃an sila hangan sa nagbang̃ong lahat.Bucod tang̃i ang ama na di nagpapaquita nang caligayahan, quinucusot ang matá at naguica nang ganito: ¡ay, mang̃a anac co, malaquing caligayahan ang cacamtan co sa inyo, cung aco,y, inyong pababayaang houag tuparin ang aquing ipinang̃acò!—«¿Ano pong pang̃aco yaon?» ang tanong nang lahat nang mang̃a batà na napapang̃ang̃a ang bibig, na tila nang̃atatacot.
Magmulâ nang salitin nang ama ang caquilaquilabot na sasapitin ni Robinson, na di mapagcuro nang mang̃a batà, ay nagcaroon nang totoong maraming caabalahan, na nacaraan ang maraming hapon na di nagcalouagang ipatuloy ang historia.
Totoong naiinip ang mang̃a batà, ibig matalastas cung ano ang nangyari sa caauaauang cay Robinson, at ipagpapalit na malouag ang canilang trompo ó ang lalong minamahal na laroan, macaquita lamang nang magsasalitâ sa canila nang nangyari cay Robinson sa gabing yaon, na hindi ipinatuloy na sinalitâ nang canilang ama. Datapoua,t, ang casam-an ay sino ma,y, di macapagsalitâ sa canila cundi ang canilang ama lamang, ng̃uni,t, di minamarapat na salitin, hangan sa siya,y, matahimic, at nang masalitâ niya nang boong cahusayan.
Hangang di nasisiyasat ang bagay na ito, ay ualang malamang gau-in ang mang̃a batà nang paghuhulohulò; mayroong nagsasabi nang ganito, at ang iba nama,y,ganoon; datapoua,t, sino ma,y, di macatuclas nang tunay na nangyari, at sa pagca ng̃a,t, di nila natatalastas.
¿At baquit ayao pa pô ninyong paalaman sa amin? ang tanong nila. Ang sagot nang ama,y, sa pagca,t, may cabagayan.
Ang mang̃a batà, na sa mabuting pagcaturò ay nahihirating tumahimic capag ganoon ang isinagot nang canilang ama, ay hindi na umuulit na tumanong, at nagtiis na naghintay cung cailan sasalitin sa canila ang lihim na yaon.
Datapoua,t, sa pagca,t, ang mang̃a tauong may cabaitan ay madaling macapaguauari nang na sa sa loob nang mang̃a batà, ay capagdaca,y, natalastas nang ama sa muc-hâ nang caniyang mang̃a tinuturoan, na itinatanong nang baua,t, isa sa canilang sarili. ¿At baquit ipagcacait nang ating ama itong ating ninanasà? ¿Anong cahirapan sa caniya ang sabihin sa atin ang ating icatotoua? Inacala niyang mabuting ipahayag niya nang mahusay; at caya ng̃a ganito ang sinabi: nang matalastas ninyong hindi sa caayauan cong magbigay sa inyo nang icalulugod, at ang itiniguil co ang historiang yaon, ay sa pagca,t, mayroon tayo ng̃ayong mang̃a mahalagang bagay na gagau-in, ng̃ayon, mang̃a anac co, maghanda cayo, at bucas nang umagang umaga ay tayo,y, paparoon sa Travemunda sa tabi nang dagat Báltico.
—¿Sa Travemunda pò baga tayo paroroon? na malapit sa dagat Báltico? ¿Bucas pò baga nang umaga? ¿At aco pò baga nama,y, macacasama? ang tanong nang baua,t, isa sa mang̃a batà.
Pinaoohan silang lahat; di masabi ang pagcacaing̃ay nila. ¡Paparoon tayo sa Travemunda! ¡Paparoon tayo sa Travemunda! ¿Saan naroroon ang aquing tungcod, Juanito, saan naroon ang aquing mang̃a bota? magmadali tayo: dalhin ang cepillo; ang suclay; magdala tayo nang damit na malinis. Sa pagcacaing̃ay sa boong bahay, ay halos hindi magcarinigan.
Ang lahat ay humahanda sa pagalis sa quinabucasan, at sa malaquing catouaan nila ay hindi magcaintindihan. Totoong pinaghirapan ang pagpapatulog sa canila sa gabing yaon: sa pagca,t, totoong nagugulo sila, at ang ibig ay magumaga na.
Nang quinabucasa,y, pinasimulan na ang pagcacaing̃ay nang boong bahay; at nagguiguising̃an sila hangan sa nagbang̃ong lahat.
Bucod tang̃i ang ama na di nagpapaquita nang caligayahan, quinucusot ang matá at naguica nang ganito: ¡ay, mang̃a anac co, malaquing caligayahan ang cacamtan co sa inyo, cung aco,y, inyong pababayaang houag tuparin ang aquing ipinang̃acò!—«¿Ano pong pang̃aco yaon?» ang tanong nang lahat nang mang̃a batà na napapang̃ang̃a ang bibig, na tila nang̃atatacot.
Ang ama. Sa ipinang̃aco co sa inyong tayo,y, paroroon sa Travemunda.
Ang ama. Sa ipinang̃aco co sa inyong tayo,y, paroroon sa Travemunda.
Naragdagan ang catacutan: sinoma,y, di macapang̃usap nang cataga man lamang.Pinagcurocurò co sa gabing ito, na isang malaquing caululan ang paglacad natin ng̃ayon.
Naragdagan ang catacutan: sinoma,y, di macapang̃usap nang cataga man lamang.
Pinagcurocurò co sa gabing ito, na isang malaquing caululan ang paglacad natin ng̃ayon.
Ang lahat.Nang̃asasamáan nang loob, at pinipiguil ang luhà.¿At baquit pò?Ang ama. Sasabihin co sa inyo ang aquing catouiran, at aco,y, pahihinunod sa marapatin ninyo. Ang unang una,y, sa pagca,t, mang̃a ilang arao nang humihihip ang amihan, na nagtataboy nang malacas sa dagat nang lahat nang tubig nang ilog Trava, na ang sasac-yang papasoc at lalabas sa uaua nang Travemunda, ay may malaquing capang̃aniban ¿anong cailang̃an at lalagay tayo sa capang̃aniban dahil sa isang pagaalio lamang?Si Juan. Mangyayari pô namang magbago ng̃ayon nang hang̃in.Ang ama. Ang icalaua,y, may isa pa acong naisipan. Mangyayaring iliban natin mang̃a sangbouan ang ating paglacad, sa pagca,t, siyang capanahunan nang pagpasoc nang isdang arenque sa Baltico na nangagaling sa Glasial, at dumadating ang sangbunton sa uaua nang ilog na Trava, na doo,y, hindi pinaghihirapan ang paghuli nang totoong maraming isdâ. ¿Di caya magcacaroon cayo nang isang malaquing caligayahan sa panonood nang pang̃ing̃isdâ?Si Nicolás. Oo pò; datapoua,t, gayon man pô ...Ang ama. Paquimatiagan pa ninyo ng̃ayon ang lalò pang malaquing catouiran. ¿Ano ang sasabihin sa atin nang ating mang̃a caibigan na si Mateo at si Fernando, na sa loob nang isang bouan ay darating dito sa bahay, cung canilang matalastas na tayo,y, nagsipagalio doon, na di na natin inantay sila? ¡Laquing pagdaramdam nila sa touing sasalitin natin ang ating caaliuan doon! Sa catunaya,y, sisisihin tayo nang ating pusò na cung baquit hindi natin guinauà sa canila ang nìnanasà nating gau-in sa atin.¿At dahil dito,y, ano ang minamarapat ninyo?
Ang lahat.Nang̃asasamáan nang loob, at pinipiguil ang luhà.¿At baquit pò?
Ang ama. Sasabihin co sa inyo ang aquing catouiran, at aco,y, pahihinunod sa marapatin ninyo. Ang unang una,y, sa pagca,t, mang̃a ilang arao nang humihihip ang amihan, na nagtataboy nang malacas sa dagat nang lahat nang tubig nang ilog Trava, na ang sasac-yang papasoc at lalabas sa uaua nang Travemunda, ay may malaquing capang̃aniban ¿anong cailang̃an at lalagay tayo sa capang̃aniban dahil sa isang pagaalio lamang?
Si Juan. Mangyayari pô namang magbago ng̃ayon nang hang̃in.
Ang ama. Ang icalaua,y, may isa pa acong naisipan. Mangyayaring iliban natin mang̃a sangbouan ang ating paglacad, sa pagca,t, siyang capanahunan nang pagpasoc nang isdang arenque sa Baltico na nangagaling sa Glasial, at dumadating ang sangbunton sa uaua nang ilog na Trava, na doo,y, hindi pinaghihirapan ang paghuli nang totoong maraming isdâ. ¿Di caya magcacaroon cayo nang isang malaquing caligayahan sa panonood nang pang̃ing̃isdâ?
Si Nicolás. Oo pò; datapoua,t, gayon man pô ...
Ang ama. Paquimatiagan pa ninyo ng̃ayon ang lalò pang malaquing catouiran. ¿Ano ang sasabihin sa atin nang ating mang̃a caibigan na si Mateo at si Fernando, na sa loob nang isang bouan ay darating dito sa bahay, cung canilang matalastas na tayo,y, nagsipagalio doon, na di na natin inantay sila? ¡Laquing pagdaramdam nila sa touing sasalitin natin ang ating caaliuan doon! Sa catunaya,y, sisisihin tayo nang ating pusò na cung baquit hindi natin guinauà sa canila ang nìnanasà nating gau-in sa atin.¿At dahil dito,y, ano ang minamarapat ninyo?
Dito,y, ualang nacasagot sino man.Ipinatuloy nang ama.Natatalastas na ninyo na cailan ma,y, hindi aco nagpapacasira sa pang̃ung̃usap; at caya ng̃a cung nagpipilit cayo, ay lumacad tayo; datapoua,t, cusang cayo,y, napahihinuhod na aco,y, maligtas sa aquing capang̃acuan, ay isang malaquing caaliuan ang ibibigay ninyo sa aquin, at sa ating dalauang catoto na ating inaantay, at pati sa inyo naman. ¿Ng̃ayo,y, sabihin ninyo ang inyong minamarapat?
Dito,y, ualang nacasagot sino man.
Ipinatuloy nang ama.Natatalastas na ninyo na cailan ma,y, hindi aco nagpapacasira sa pang̃ung̃usap; at caya ng̃a cung nagpipilit cayo, ay lumacad tayo; datapoua,t, cusang cayo,y, napahihinuhod na aco,y, maligtas sa aquing capang̃acuan, ay isang malaquing caaliuan ang ibibigay ninyo sa aquin, at sa ating dalauang catoto na ating inaantay, at pati sa inyo naman. ¿Ng̃ayo,y, sabihin ninyo ang inyong minamarapat?
Ang lahat. Hihintin pò namin, ang sagot nila, at naliban ang canilang paglacad.
Ang lahat. Hihintin pò namin, ang sagot nila, at naliban ang canilang paglacad.
Ating mapaguunaua na marami sa mang̃a batà ang papipilitan lamang sa pagsunod, at hangan tanghali na hindi sila naquiquitaan nang cahit calahati nang dating casayahan, ito,y, naguing dahil na sila,y, pang̃usapan nang canilang ama nang ganito:
Ating mapaguunaua na marami sa mang̃a batà ang papipilitan lamang sa pagsunod, at hangan tanghali na hindi sila naquiquitaan nang cahit calahati nang dating casayahan, ito,y, naguing dahil na sila,y, pang̃usapan nang canilang ama nang ganito:
Ang ama. Ang nangyari sa inyo ng̃ayon, mang̃a anac co, ay mangyayari sa inyong macaisang libo habang cayo,y, nabubuhay. Totoong cayo,y, umaasa sa alin mang cagaling̃an at caguinhauahan dito sa lupa:totoong napapanatag ang inyong pagasa, at pinagnanasaan ninyong masaquit na maganap. Datapoua,t, sa oras na inaacala na ninyong maaabot na nang camay ang inyong capalaran, ay ang carunung̃ang ualang hangan nang Dios ay hindi sinusunod ang inyong nasà, at nasisira ang inyong pagasa.
Ang ama. Ang nangyari sa inyo ng̃ayon, mang̃a anac co, ay mangyayari sa inyong macaisang libo habang cayo,y, nabubuhay. Totoong cayo,y, umaasa sa alin mang cagaling̃an at caguinhauahan dito sa lupa:totoong napapanatag ang inyong pagasa, at pinagnanasaan ninyong masaquit na maganap. Datapoua,t, sa oras na inaacala na ninyong maaabot na nang camay ang inyong capalaran, ay ang carunung̃ang ualang hangan nang Dios ay hindi sinusunod ang inyong nasà, at nasisira ang inyong pagasa.
Anong mang̃a catouiran ang tinataglay nang inyong Ama sa lang̃it sa pagaasal sa inyo nang ganito, ay bihirang bihira ninyong maquiquilala nang totoong maliuanag, at di para nang pagcaquilala ninyo nang mang̃a catouiran co caya di natutuloy ang ating pagparoon sa Travemunda, sa panahong totoong nagugulo ang inyong loob, at lubos ninyong inaasahan; sa pagca,t, ang Dios na ualang hangan nang carunung̃an, ay natatalastas ang darating, cahit anong layò pa, at totoong madalas na ipinahihintulot niya sa icagagaling natin, na tayo,y, datnan nang mang̃a bagay na hindi natin napagtatalastas ang cagaling̃an hangan sa malaong panahon, at madalas ay hangan sa icalauang buhay. Datapoua,t, ang aquing pagpapatalastas ay hindi nalalayô, at sa mangyayari lamang sa loob nang isang bouan. Ng̃ayo,y, cung sa inyong cabataan ay anglahat nang mangyayari ay maaayon sa inyong caibigan, cung ang lahat ay mangyayari sa oras na inyong inaantay, ¡ay totoong samà nang inyong pagcacaugalian, mang̃a anac co! ¡mahihirati sa masamâ ang inyong pusò! ¡Laquing pagdaramdam ninyo sa touing mangyayari ang anomang bagay na hindi ninyo naiibigan at macasasamâ nang inyong loob! at sa catunaya,y, darating ang panahon na inyong mararanasan, para nang nararanasang lahat nang mang̃a tauo; sa pagca,t, magpahangang ng̃ayon ay uala pa sa lupa na isa mang tauong macapagsabi na ang lahat niyang ninanasà ay nangyayaring lahat.At ng̃ayo,y, ¿sabihin ninyo sa aquin, mang̃a anac co, cung ano ang inyong gagau-in? Uala na cundi ang cayo,y, maghirati sa pagcauala nang alin mang caguinhauahan cahit ang lalong ninanasà; ang pagtatagumpay na ito,y, inyong paghihirapan cung bagobago pa, pagcatapus ay di na ninyo lubhang mamabigatin; at sa cauulit ay magcacaroon cayo nang isang catibayan nang loob, na sa boong buhay ninyo,y, inyong matitiis na mapayapa ang mang̃a cahirapan ó caralitaang ipahahatid sa inyo nang marunong at maauaing may ari nang capalaran nang lahat nang tauo.Sa paraang ito,y, natatalastas ninyo, mang̃a anac co, ang cadahilanan na caming mang̃a punò, ay di na namin ipinagcacaloob sa inyo ang anomang caaliuan, at cung minsan pa,y, ipinaglilihim namin sa inyo ang mang̃a catouiran sa paggauà nang gayon; na ang caraniuang pinacadaquila, ay ang pagtuturô sa inyo nang pagtitiis at pagpapacatibay nang loob, na siyang mang̃a cabanalang quinacailang̃an sa pagdaraan dito sa maralitang buhay.Ng̃ayon nama,y, mapagcucurò ninyo cung baquit di co ipinatuloy na mang̃a ilang arao ang pagsasalitâ nang mang̃a cahang̃ahang̃ang nangyari sa ating Robinson. Natatalastas na ninyo na hindi aco cuculang̃in nang panahon nang pagsasalitâ sa inyo niyon man lamang na capanglaopanglao na nangyari sa caniya na quinatiguilan natin, at totoong hindi ninyo mapagcurò. Datapoua,t, hindi inibig na sabihin sa inyo ang bagay na ito, cahit aco,y, inaamoamò ninyo; baga ma,t, nagcacailang̃an naman aco na magpiguil nang sariling calooban sa pagcacait sa inyo nang anomang bagay. Hindi quinuculang aconang mabuting calooban sa pagbibigay lugod sa inyo: cung gayo,y, ¿anong dahil nito, Luisa?
Anong mang̃a catouiran ang tinataglay nang inyong Ama sa lang̃it sa pagaasal sa inyo nang ganito, ay bihirang bihira ninyong maquiquilala nang totoong maliuanag, at di para nang pagcaquilala ninyo nang mang̃a catouiran co caya di natutuloy ang ating pagparoon sa Travemunda, sa panahong totoong nagugulo ang inyong loob, at lubos ninyong inaasahan; sa pagca,t, ang Dios na ualang hangan nang carunung̃an, ay natatalastas ang darating, cahit anong layò pa, at totoong madalas na ipinahihintulot niya sa icagagaling natin, na tayo,y, datnan nang mang̃a bagay na hindi natin napagtatalastas ang cagaling̃an hangan sa malaong panahon, at madalas ay hangan sa icalauang buhay. Datapoua,t, ang aquing pagpapatalastas ay hindi nalalayô, at sa mangyayari lamang sa loob nang isang bouan. Ng̃ayo,y, cung sa inyong cabataan ay anglahat nang mangyayari ay maaayon sa inyong caibigan, cung ang lahat ay mangyayari sa oras na inyong inaantay, ¡ay totoong samà nang inyong pagcacaugalian, mang̃a anac co! ¡mahihirati sa masamâ ang inyong pusò! ¡Laquing pagdaramdam ninyo sa touing mangyayari ang anomang bagay na hindi ninyo naiibigan at macasasamâ nang inyong loob! at sa catunaya,y, darating ang panahon na inyong mararanasan, para nang nararanasang lahat nang mang̃a tauo; sa pagca,t, magpahangang ng̃ayon ay uala pa sa lupa na isa mang tauong macapagsabi na ang lahat niyang ninanasà ay nangyayaring lahat.
At ng̃ayo,y, ¿sabihin ninyo sa aquin, mang̃a anac co, cung ano ang inyong gagau-in? Uala na cundi ang cayo,y, maghirati sa pagcauala nang alin mang caguinhauahan cahit ang lalong ninanasà; ang pagtatagumpay na ito,y, inyong paghihirapan cung bagobago pa, pagcatapus ay di na ninyo lubhang mamabigatin; at sa cauulit ay magcacaroon cayo nang isang catibayan nang loob, na sa boong buhay ninyo,y, inyong matitiis na mapayapa ang mang̃a cahirapan ó caralitaang ipahahatid sa inyo nang marunong at maauaing may ari nang capalaran nang lahat nang tauo.
Sa paraang ito,y, natatalastas ninyo, mang̃a anac co, ang cadahilanan na caming mang̃a punò, ay di na namin ipinagcacaloob sa inyo ang anomang caaliuan, at cung minsan pa,y, ipinaglilihim namin sa inyo ang mang̃a catouiran sa paggauà nang gayon; na ang caraniuang pinacadaquila, ay ang pagtuturô sa inyo nang pagtitiis at pagpapacatibay nang loob, na siyang mang̃a cabanalang quinacailang̃an sa pagdaraan dito sa maralitang buhay.
Ng̃ayon nama,y, mapagcucurò ninyo cung baquit di co ipinatuloy na mang̃a ilang arao ang pagsasalitâ nang mang̃a cahang̃ahang̃ang nangyari sa ating Robinson. Natatalastas na ninyo na hindi aco cuculang̃in nang panahon nang pagsasalitâ sa inyo niyon man lamang na capanglaopanglao na nangyari sa caniya na quinatiguilan natin, at totoong hindi ninyo mapagcurò. Datapoua,t, hindi inibig na sabihin sa inyo ang bagay na ito, cahit aco,y, inaamoamò ninyo; baga ma,t, nagcacailang̃an naman aco na magpiguil nang sariling calooban sa pagcacait sa inyo nang anomang bagay. Hindi quinuculang aconang mabuting calooban sa pagbibigay lugod sa inyo: cung gayo,y, ¿anong dahil nito, Luisa?
Si Luisa. Sa pagca,t, quinacailang̃an pô namin ang cami,y, matutong magtiis.Ang ama. Hindi ng̃a ibang bagay, at cung mayroon cayong sucat pasalamatan sa aquin balang arao, ay itong paghihirati co sa ínyo na cayo,y, matutong magtiis, cundi ninyo quinacamtan ang totoo ninyong pinagnanasaan.
Si Luisa. Sa pagca,t, quinacailang̃an pô namin ang cami,y, matutong magtiis.
Ang ama. Hindi ng̃a ibang bagay, at cung mayroon cayong sucat pasalamatan sa aquin balang arao, ay itong paghihirati co sa ínyo na cayo,y, matutong magtiis, cundi ninyo quinacamtan ang totoo ninyong pinagnanasaan.
Nang macaraan ang mang̃a ilang arao na di napagsasalitaan ang tungcol cay Robinson, ay dumating ang ninanasang oras nang ama na big-yang caaliuan ang nagbatang loob nang mang̃a batà, at ipinatuloy ang pagsasalitâ nang historia nang ganito:Gabi na ng̃a, para nang sinabi co sa inyo, at si Robinson ay nahihigang matahimic sa caniyang hihigang damong tuyô na casama nang maamó niyang hayop, nanaguinip na para nang nacaugalian niya, anaqui quinacausap ang caniyang mang̃a magulang, di caguinsaguinsa,y, nayanig nang malacas ang lupa, at naring̃ig ang isang madagundong na ugong, na may casamang malalacas na patac, na parang nagsabaysabay. Naguising si Robinson naquiniquilabutan, at di niya maalaman cung ano ang nangyayari, at cung ano ang caniyang gagau-in. Hindi naghuhumpay ang sunodsunod na culog, at gayon din naman ang isang marahas na sigua na nagpapabual nang mang̃a cahoy, at sampo nang mang̃a bató, at pinaaalon ang nagng̃ang̃alit na dagat hangan sa cailaliman. Nalilingatong ang mang̃a elementos, at tila nang̃agaauay ang sangsinucuban. Sa malaquing catacutan, ay lumabas si Robinson sa caniyang yung̃ib, at ganito rin naman ang guinaua nang mang̃a natatacot niyang hayop; datapoua,t, bahaguia na lamang nacalalabas, ay biglang lumagpac ang mang̃a malalaquing bató na pinacabubong nang caniyang yung̃ib sa tapat nang caniyang hinihigan, na umugong nang caquilaquilabot. Si Robinson dala nang malaquing catacutan ay nagtatacbo sa pintò nang caniyang bacuran, at nagsisunod naman ang mang̃a caauaaua niyang hayop.Ang naisipan niya,y, umaquiat siya sa isang malapit na bundoc, sa isang tabi na inaacala niyang hindi siya malalagpacan nang mang̃a nabubual na cahoy, at nang houag siyang mamatay. Nang siya,y, napatutung̃o na roon, ay naquita niyanang malaquing catacutan na nabuca ang bundoc at bumubuga ang asó, ning̃as, abo, mang̃a bató, at isang bagay na mainit at malambot na tinatauag nalava. Cahima,t, lubhang mabilis ang caniyang pagtacbo, ay bahaguia na lamang siya nacaligtas sa capang̃anibang ito; sa pagca,t, ang nagnining̃as na lava, ay lubhang marahas na parang agos, at ibinubuga sa magcabicabila ang mang̃a pisang pisang na bató na bumabacsac na parang ulan.Nagpatuloy siya nang pagtacbo sa tabi nang dagat, at ang acala niya,y, ualang malaquing capang̃aniban doon; datapoua,t, doo,y, siya,y, inaantay nang isang casacunaan. Isang marahas na ipoipo, na humigop nang maraming tubig, na sa cabigatan ay biglang lumagpac, na naguing isang malacas na ulan, na iquinaapao nang tubig sa sandaling panahon sa lupang yaon.Si Robinso,y, nangyaring nacaaquiat sa isang cahoy nang totoong malaquing cahirapan; datapoua,t, ang mang̃a caauaaua niyang hayop ay natang̃ay nang marahas na agos. ¡Ah, gaanong pagpipighati nang pusò ni Robinson sa caauaaua nilang pagung̃al! Nang mangyaring houagmamatay ang mang̃a cahabaghabag niyang hayop ay ilalagay sana niya sa pang̃anib ang caniyang buhay, cung hindi totoong napalayo, dahil sa catulinan nang agos.Nagtagal pa nang mang̃a ilang minuto ang lindol; at saca biglang tumiguil. Humipá ang sigua, ang pagbuga nang apuy sa nabucang lupa ay untiunting nauauala; tumiguil ang ugong, at sa loob nang calahating oras ay cumati ang tubig.
Nang macaraan ang mang̃a ilang arao na di napagsasalitaan ang tungcol cay Robinson, ay dumating ang ninanasang oras nang ama na big-yang caaliuan ang nagbatang loob nang mang̃a batà, at ipinatuloy ang pagsasalitâ nang historia nang ganito:
Gabi na ng̃a, para nang sinabi co sa inyo, at si Robinson ay nahihigang matahimic sa caniyang hihigang damong tuyô na casama nang maamó niyang hayop, nanaguinip na para nang nacaugalian niya, anaqui quinacausap ang caniyang mang̃a magulang, di caguinsaguinsa,y, nayanig nang malacas ang lupa, at naring̃ig ang isang madagundong na ugong, na may casamang malalacas na patac, na parang nagsabaysabay. Naguising si Robinson naquiniquilabutan, at di niya maalaman cung ano ang nangyayari, at cung ano ang caniyang gagau-in. Hindi naghuhumpay ang sunodsunod na culog, at gayon din naman ang isang marahas na sigua na nagpapabual nang mang̃a cahoy, at sampo nang mang̃a bató, at pinaaalon ang nagng̃ang̃alit na dagat hangan sa cailaliman. Nalilingatong ang mang̃a elementos, at tila nang̃agaauay ang sangsinucuban. Sa malaquing catacutan, ay lumabas si Robinson sa caniyang yung̃ib, at ganito rin naman ang guinaua nang mang̃a natatacot niyang hayop; datapoua,t, bahaguia na lamang nacalalabas, ay biglang lumagpac ang mang̃a malalaquing bató na pinacabubong nang caniyang yung̃ib sa tapat nang caniyang hinihigan, na umugong nang caquilaquilabot. Si Robinson dala nang malaquing catacutan ay nagtatacbo sa pintò nang caniyang bacuran, at nagsisunod naman ang mang̃a caauaaua niyang hayop.
Ang naisipan niya,y, umaquiat siya sa isang malapit na bundoc, sa isang tabi na inaacala niyang hindi siya malalagpacan nang mang̃a nabubual na cahoy, at nang houag siyang mamatay. Nang siya,y, napatutung̃o na roon, ay naquita niyanang malaquing catacutan na nabuca ang bundoc at bumubuga ang asó, ning̃as, abo, mang̃a bató, at isang bagay na mainit at malambot na tinatauag nalava. Cahima,t, lubhang mabilis ang caniyang pagtacbo, ay bahaguia na lamang siya nacaligtas sa capang̃anibang ito; sa pagca,t, ang nagnining̃as na lava, ay lubhang marahas na parang agos, at ibinubuga sa magcabicabila ang mang̃a pisang pisang na bató na bumabacsac na parang ulan.
Nagpatuloy siya nang pagtacbo sa tabi nang dagat, at ang acala niya,y, ualang malaquing capang̃aniban doon; datapoua,t, doo,y, siya,y, inaantay nang isang casacunaan. Isang marahas na ipoipo, na humigop nang maraming tubig, na sa cabigatan ay biglang lumagpac, na naguing isang malacas na ulan, na iquinaapao nang tubig sa sandaling panahon sa lupang yaon.
Si Robinso,y, nangyaring nacaaquiat sa isang cahoy nang totoong malaquing cahirapan; datapoua,t, ang mang̃a caauaaua niyang hayop ay natang̃ay nang marahas na agos. ¡Ah, gaanong pagpipighati nang pusò ni Robinson sa caauaaua nilang pagung̃al! Nang mangyaring houagmamatay ang mang̃a cahabaghabag niyang hayop ay ilalagay sana niya sa pang̃anib ang caniyang buhay, cung hindi totoong napalayo, dahil sa catulinan nang agos.
Nagtagal pa nang mang̃a ilang minuto ang lindol; at saca biglang tumiguil. Humipá ang sigua, ang pagbuga nang apuy sa nabucang lupa ay untiunting nauauala; tumiguil ang ugong, at sa loob nang calahating oras ay cumati ang tubig.
Si Teodora.¡Salamat sa Dios at nacaraan na ito! ¡caauaaua si Robinson! ¡Caauaaua ang mang̃a hayop!Si Luisa.¡Totoong malaqui ang pagcagulat nila!Si Carlos.¿At baquit pô lumilindol ang lupa?Si Juan.Matagal nang panahon sinabi iyan nang ating ama; datapoua,t, uala ca rito niyon.Ang ama.Ipaaninao mo sa caniya, Juan.Si Juan.Tingnan mo; sa ilalim nang lupa ay may maraming totoong malalaquing lung̃â, na parang mang̃a yung̃ib; at itong mang̃a lungang ito ay punò nang hang̃in at mang̃a init nang lupa, ó mang̃a sing̃ao. At diyan nama,y, may mang̃a asupre, at iba pang mang̃a bagay na cung minsa,y,nagiinit at nagnining̃as capag nalamigan.Si Teodora.¿At baquit nagiinit at nagnining̃as sa calamigan?Si Juan.¿Di mo naquiquita na ang apuy capag binusan nang tubig ay tila cumuculà, at capag mainit ang arao at umulan ay ang isinising̃a ay mainit? Gayon din naman sa ilalim nang lupa ay nagiinit ang mang̃a bagay na naroon, capag inaabot nang tubig, at capag nagiinit na sa mang̃a lungang yaon, ay ang hang̃in na ibig lumabas ay ualang paglabasan, at sa pagiibig lumabas ay ito ang inililindol nang lupa, na cung minsan ay pumuputoc at nalalahang ang lupa, at sa lahang na ito ay lumalabas ang mang̃a asupre at iba pang bagay na nagnining̃as.Ang ama.Ang dito sa mang̃a bagay na nagnining̃as, para nang mang̃a bato, mang̃a tingâ, bacal at iba pa ay nangagaling yaong tinatauag nalava. Nabasa cong minsan sa isang libro, na sino ma,y, macagagaua nang isang bundocbunducan na bumubuga nang apuy. Cung ibig ninyong maquita, ay ating ticmang isang arao.Ang lahat.Oo pô.Si Juan.¿At paano pô ang paggauà nito?Ang ama.Huhucay sa lupang basà, at bubusan nang asupre at pinagquiquilan nangbacal, at ang mang̃a bagay na ito,y, nag iinit na cusà, at dito naquiquita ang pagcatotoo na cung baquit may lumalabas na apuy sa mang̃a bundoc.
Si Teodora.¡Salamat sa Dios at nacaraan na ito! ¡caauaaua si Robinson! ¡Caauaaua ang mang̃a hayop!
Si Luisa.¡Totoong malaqui ang pagcagulat nila!
Si Carlos.¿At baquit pô lumilindol ang lupa?
Si Juan.Matagal nang panahon sinabi iyan nang ating ama; datapoua,t, uala ca rito niyon.
Ang ama.Ipaaninao mo sa caniya, Juan.
Si Juan.Tingnan mo; sa ilalim nang lupa ay may maraming totoong malalaquing lung̃â, na parang mang̃a yung̃ib; at itong mang̃a lungang ito ay punò nang hang̃in at mang̃a init nang lupa, ó mang̃a sing̃ao. At diyan nama,y, may mang̃a asupre, at iba pang mang̃a bagay na cung minsa,y,nagiinit at nagnining̃as capag nalamigan.
Si Teodora.¿At baquit nagiinit at nagnining̃as sa calamigan?
Si Juan.¿Di mo naquiquita na ang apuy capag binusan nang tubig ay tila cumuculà, at capag mainit ang arao at umulan ay ang isinising̃a ay mainit? Gayon din naman sa ilalim nang lupa ay nagiinit ang mang̃a bagay na naroon, capag inaabot nang tubig, at capag nagiinit na sa mang̃a lungang yaon, ay ang hang̃in na ibig lumabas ay ualang paglabasan, at sa pagiibig lumabas ay ito ang inililindol nang lupa, na cung minsan ay pumuputoc at nalalahang ang lupa, at sa lahang na ito ay lumalabas ang mang̃a asupre at iba pang bagay na nagnining̃as.
Ang ama.Ang dito sa mang̃a bagay na nagnining̃as, para nang mang̃a bato, mang̃a tingâ, bacal at iba pa ay nangagaling yaong tinatauag nalava. Nabasa cong minsan sa isang libro, na sino ma,y, macagagaua nang isang bundocbunducan na bumubuga nang apuy. Cung ibig ninyong maquita, ay ating ticmang isang arao.
Ang lahat.Oo pô.
Si Juan.¿At paano pô ang paggauà nito?
Ang ama.Huhucay sa lupang basà, at bubusan nang asupre at pinagquiquilan nangbacal, at ang mang̃a bagay na ito,y, nag iinit na cusà, at dito naquiquita ang pagcatotoo na cung baquit may lumalabas na apuy sa mang̃a bundoc.
Samantalang si Robinson ay bumababa sa cahoy ay ang caniyang loob ay totoong nagpipighati at totoong nalulupaypay sa casacunaang sa caniya,y, nangyari, na disi na naisipan tuloy na magpasalamat sa nagligtas sa caniyang muli sa isang malaquing capang̃aniban na sucat icamatay. Tunay ng̃a,t, ang caniyang calagayan ay totoong cahabaghabag mahiguit sa dati. Ang caniyang yung̃ib, na nacaisaisang tinatahanan magpahangan sa arao na yaon, ay humuhò na, at tila di na niya matatahanan cailan man: ang mang̃a maamò at minamahal niyang hayop ay natang̃ay nang tubig at inaacala niyang nang̃amatay na ang lahat nang caniyang mang̃a gauà ay nasira at naualang cabuluhan ang caniyang inaacalà. Baga ma,t, ang bundoc ay hindi na bumubuga nang apuy, ay sumising̃ao na paitaas ang isang maitim at macapal na asó, na tila magmula niyaon ay ang bundoc na yao,y, naguing volcan. Sa bagay na ito,y, ¿paanong pangyayari na tumaban doon si Robinson nang iisa mang sandali na di quiniquilabutan angloob? ¿Di caya nasisindac siya na baca cung lumindol na naman ay bumuga ang apuy? Totoong nasira ang caniyang loob sa capighatian; at bago magsacdal sa Dios, na síya lamang batis nang tunay na caaliuan, ay ang caniyang hinaharap lamang ay ang sasapitin niyang caralitaan, na inaacala niyang di na matatapus.Lumapit sa punò nang cahoy na caniyang binabaan; at doo,y, nanambitan nang calumbaylumbay na mang̃a paghibic, na nangagaling sa nagsisicsic niyang pusò at nagpalumagui na ualang munting caaliuan sa gayong calagayan, hangan sa mamanaag ang arao na nagpapaquilala nang paguumaga.
Samantalang si Robinson ay bumababa sa cahoy ay ang caniyang loob ay totoong nagpipighati at totoong nalulupaypay sa casacunaang sa caniya,y, nangyari, na disi na naisipan tuloy na magpasalamat sa nagligtas sa caniyang muli sa isang malaquing capang̃aniban na sucat icamatay. Tunay ng̃a,t, ang caniyang calagayan ay totoong cahabaghabag mahiguit sa dati. Ang caniyang yung̃ib, na nacaisaisang tinatahanan magpahangan sa arao na yaon, ay humuhò na, at tila di na niya matatahanan cailan man: ang mang̃a maamò at minamahal niyang hayop ay natang̃ay nang tubig at inaacala niyang nang̃amatay na ang lahat nang caniyang mang̃a gauà ay nasira at naualang cabuluhan ang caniyang inaacalà. Baga ma,t, ang bundoc ay hindi na bumubuga nang apuy, ay sumising̃ao na paitaas ang isang maitim at macapal na asó, na tila magmula niyaon ay ang bundoc na yao,y, naguing volcan. Sa bagay na ito,y, ¿paanong pangyayari na tumaban doon si Robinson nang iisa mang sandali na di quiniquilabutan angloob? ¿Di caya nasisindac siya na baca cung lumindol na naman ay bumuga ang apuy? Totoong nasira ang caniyang loob sa capighatian; at bago magsacdal sa Dios, na síya lamang batis nang tunay na caaliuan, ay ang caniyang hinaharap lamang ay ang sasapitin niyang caralitaan, na inaacala niyang di na matatapus.
Lumapit sa punò nang cahoy na caniyang binabaan; at doo,y, nanambitan nang calumbaylumbay na mang̃a paghibic, na nangagaling sa nagsisicsic niyang pusò at nagpalumagui na ualang munting caaliuan sa gayong calagayan, hangan sa mamanaag ang arao na nagpapaquilala nang paguumaga.
Si Teodora. Ng̃ayon co naquita na may catouiran ang ating ama.Si Ramon. ¿At baquit?Si Teodora. Inaacala cong di pa nalalaon na si Robinson, sa pagca,t, nagbago nang asal, ay catouirang hang̃oin na siya nang Dios sa mang̃a cahirapan sa pulóng yaon; at ang sagot nang ating ama, ay ang Pang̃inoong Dios ang siyang nacaaalam sa lahat, at hindi nararapat na ating bulaan ang caniyang calooban. Datapoua,t, ng̃ayo,y, naquiquita co na si Robinson ay hindi pa umaasa nang dapat sa Dios, atnauucol na houag muna siyang hang̃oin sa pulóng yaon.Si Nicolás. Ganito rin naman ang inaacala co, at caya hindi co siya iniibig na para nang dati.Ang ama. Uastò ang inyong pagdidilidili mang̃a anac co, sa pagca,t, naquiquita nating tunay na si Robinson ay hindi pa napupuspos niyong matibay at ualang pagmamalio na pagasang anac sa Maycapal nang matapus nang caniyang matangap ang maliuanag na catotohanan nang caniyang cagaling̃an at carunung̃an. Datapoua,t, bago natin siya sisihin, ay lumagay tayo sa caniyang calagayan, at siyasatin natin ang ating sariling consciencia, na tumanong tayo sa ating sarili, na cung lalong magaling ang ating gagau-in cung tayo,y, nalalagay sa calagayan ni Robinson. ¿Ano ang acalà mo, Nicolás? cung icao baga,y, si Robinson, ¿ay magcacaroon ca caya nang lalong malaquing pagasa na mahiguit sa caniya?Si Nicolás.(Sumagot siya nang marahan at pacumbaba.)¿Ano pô ang quinaalaman co?Ang ama. Alalahanin mo na niyong icao ay magcasaquit nang malubhâ sa mata at naguing cailang̃an ang tapalan nang cantárida, ay ipinagtiis mo nang malaquing hapdi. Maaalaala mo na ang caculang̃an nang iyong pagtitiis at cahinaan nang iyong loob, baga ma,t, ang iyong saquit ay tumagal nang tatlong arao lamang. Inaacalà co na ng̃ayong icao ay lumalaqui laqui na ay mababatá mo nang lalong malaquing catiisan ang gayong saquit; datapoua,t, ¿magcacaroon ca baga niyong catibayan at capacumbabaan nang loob na quinacailang̃an sa pagbabatá niyong lahat na dinadalita nang caauaauang si Robinson? ¿Ano ang uica mo dito? inaacalà co na ang dimo pagimic ay siyang tunay na casagutan sa itinatanong co sa iyo. Sa pagca,t, (sálamat sa Dios) cailan ma,y, di mo sinapit ang mang̃a caralitaan nang caauaauang si Robinson, ay hindi mo masasabi cung ano ang iyong dadamdamin at aasalin cung nagcagayon ca. At caya ng̃a ang dapat nating gau-in, ay tayo,y, mahirati sa pagtitiis nang mang̃a munting cahirapan, na marahil ay ipagcacamit natin nang catiisan at pagasa sa cagaling̃an nang Dios, at nang cung masanay ang ating loob, ay mangyaring tiisin natin ang lalong mang̃a malalaquing cahirapan na minamarapat nang Dios na ipahatid sa atin.
Si Teodora. Ng̃ayon co naquita na may catouiran ang ating ama.
Si Ramon. ¿At baquit?
Si Teodora. Inaacala cong di pa nalalaon na si Robinson, sa pagca,t, nagbago nang asal, ay catouirang hang̃oin na siya nang Dios sa mang̃a cahirapan sa pulóng yaon; at ang sagot nang ating ama, ay ang Pang̃inoong Dios ang siyang nacaaalam sa lahat, at hindi nararapat na ating bulaan ang caniyang calooban. Datapoua,t, ng̃ayo,y, naquiquita co na si Robinson ay hindi pa umaasa nang dapat sa Dios, atnauucol na houag muna siyang hang̃oin sa pulóng yaon.
Si Nicolás. Ganito rin naman ang inaacala co, at caya hindi co siya iniibig na para nang dati.
Ang ama. Uastò ang inyong pagdidilidili mang̃a anac co, sa pagca,t, naquiquita nating tunay na si Robinson ay hindi pa napupuspos niyong matibay at ualang pagmamalio na pagasang anac sa Maycapal nang matapus nang caniyang matangap ang maliuanag na catotohanan nang caniyang cagaling̃an at carunung̃an. Datapoua,t, bago natin siya sisihin, ay lumagay tayo sa caniyang calagayan, at siyasatin natin ang ating sariling consciencia, na tumanong tayo sa ating sarili, na cung lalong magaling ang ating gagau-in cung tayo,y, nalalagay sa calagayan ni Robinson. ¿Ano ang acalà mo, Nicolás? cung icao baga,y, si Robinson, ¿ay magcacaroon ca caya nang lalong malaquing pagasa na mahiguit sa caniya?
Si Nicolás.(Sumagot siya nang marahan at pacumbaba.)¿Ano pô ang quinaalaman co?
Ang ama. Alalahanin mo na niyong icao ay magcasaquit nang malubhâ sa mata at naguing cailang̃an ang tapalan nang cantárida, ay ipinagtiis mo nang malaquing hapdi. Maaalaala mo na ang caculang̃an nang iyong pagtitiis at cahinaan nang iyong loob, baga ma,t, ang iyong saquit ay tumagal nang tatlong arao lamang. Inaacalà co na ng̃ayong icao ay lumalaqui laqui na ay mababatá mo nang lalong malaquing catiisan ang gayong saquit; datapoua,t, ¿magcacaroon ca baga niyong catibayan at capacumbabaan nang loob na quinacailang̃an sa pagbabatá niyong lahat na dinadalita nang caauaauang si Robinson? ¿Ano ang uica mo dito? inaacalà co na ang dimo pagimic ay siyang tunay na casagutan sa itinatanong co sa iyo. Sa pagca,t, (sálamat sa Dios) cailan ma,y, di mo sinapit ang mang̃a caralitaan nang caauaauang si Robinson, ay hindi mo masasabi cung ano ang iyong dadamdamin at aasalin cung nagcagayon ca. At caya ng̃a ang dapat nating gau-in, ay tayo,y, mahirati sa pagtitiis nang mang̃a munting cahirapan, na marahil ay ipagcacamit natin nang catiisan at pagasa sa cagaling̃an nang Dios, at nang cung masanay ang ating loob, ay mangyaring tiisin natin ang lalong mang̃a malalaquing cahirapan na minamarapat nang Dios na ipahatid sa atin.
Naguumaga na ng̃a; at sinicatan nangbagong liuanag na nagbibigay ligaya sa lahat ang caauaauang si Robinson na nacahilig sa cahoy, at na sa isang cahabaghabag na calagayan na para nang sinabi na natin. Hindi napipiquit munti man ang caniyang mata sa boong magdamag, at ang caniyang iniisip ay cung ano ang caniyang casasapitan.Sa catapusa,y, lumacad siyang hahapayhapay, na para nang isang tauong nagaantoc, at dumating siya sa gumuhò niyang tahanan. Datapoua,t, ¡laquing caligayan ang dinamdam niya nang caniyang maquita sa tabi nang caniyang bacod!... ¿Ano caya ang caniyang naquita?... Ang caniyang mang̃a minamahal na hayop, na mabubuti at malalacas, at nang̃atototouang nang̃aglulucsuhan sa pagsalubong sa caniya. Tila di siya macapaniuala sa caniyang naquiquita; datapoua,t, inalis siya sa pagaalinlang̃an nang mang̃a naturan niyang hayop, na lumapit sa caniya, hinimuran ang caniyang camay, at ipinaquiquilala ang canilang catouaan sa pagsisigauan at paglulucsuhan nang siya,y, maquita.Si Robinson na magpahangan sa oras na yaon ay tila nauaualang diuà, ay caracaraca,y, pinagsaolan; tiningnan ang caniyang mang̃a hayop, at pagcatapus ay itinaas ang mata sa lang̃it, na lumuluhà, hindi lamang sa catouaan, cundi naman sa pagpapasalamat at pagsisisi sa di niya pagasa sa Dios; at nilarò niya ang mang̃a nagsauli sa caniyang hayop, pagcatapus ay tiningnan cung ano ang calagayan nang caniyang tahanan.
Naguumaga na ng̃a; at sinicatan nangbagong liuanag na nagbibigay ligaya sa lahat ang caauaauang si Robinson na nacahilig sa cahoy, at na sa isang cahabaghabag na calagayan na para nang sinabi na natin. Hindi napipiquit munti man ang caniyang mata sa boong magdamag, at ang caniyang iniisip ay cung ano ang caniyang casasapitan.
Sa catapusa,y, lumacad siyang hahapayhapay, na para nang isang tauong nagaantoc, at dumating siya sa gumuhò niyang tahanan. Datapoua,t, ¡laquing caligayan ang dinamdam niya nang caniyang maquita sa tabi nang caniyang bacod!... ¿Ano caya ang caniyang naquita?... Ang caniyang mang̃a minamahal na hayop, na mabubuti at malalacas, at nang̃atototouang nang̃aglulucsuhan sa pagsalubong sa caniya. Tila di siya macapaniuala sa caniyang naquiquita; datapoua,t, inalis siya sa pagaalinlang̃an nang mang̃a naturan niyang hayop, na lumapit sa caniya, hinimuran ang caniyang camay, at ipinaquiquilala ang canilang catouaan sa pagsisigauan at paglulucsuhan nang siya,y, maquita.
Si Robinson na magpahangan sa oras na yaon ay tila nauaualang diuà, ay caracaraca,y, pinagsaolan; tiningnan ang caniyang mang̃a hayop, at pagcatapus ay itinaas ang mata sa lang̃it, na lumuluhà, hindi lamang sa catouaan, cundi naman sa pagpapasalamat at pagsisisi sa di niya pagasa sa Dios; at nilarò niya ang mang̃a nagsauli sa caniyang hayop, pagcatapus ay tiningnan cung ano ang calagayan nang caniyang tahanan.
Si Enrique. ¿At baquit pò naligtas ang caniyang mang̃a hayop?Ang ama. Ualang pagsalang niyong sila,y, madala nang tubig, ay naanod sila sa isang lugar na mababao, at nang sila,y, dumating doon ay sila,y, nagtacbuhan hangan sa sila,y, dumating sa canilang tahanan.
Si Enrique. ¿At baquit pò naligtas ang caniyang mang̃a hayop?
Ang ama. Ualang pagsalang niyong sila,y, madala nang tubig, ay naanod sila sa isang lugar na mababao, at nang sila,y, dumating doon ay sila,y, nagtacbuhan hangan sa sila,y, dumating sa canilang tahanan.
Siniyasat ni Robinson ang caniyang yung̃ib; at malaqui ang panguiguilalas nang caniyang maquita na hindi totoong malaqui ang casiraan, para nang inaacala niya sa caniyang catacutan. Tunay ng̃a at gumuhò ang batong pinacabubong, na casama ang lupang quinatatamnan, datapoua,t, hindi niya totoong pagpapaguran na caniyang alisin ang gumuhò sa loob nang caniyang yung̃ib, na dahil dito,y, magcacaroon siya nang isang tahanang lalong maluang at maguinhaua na mahiguit sa dati.Bucod dito,y, may isa pang bagay na nagpapaquilalang maliuanag na di ipinahintulot nang Dios ang sacunang yaon sa pagpaparusa cay Robinson, cundi bagcus pa ng̃ang sa pagiing̃at at pagcacaling̃a sa caniya; sa pagca,t, nang siya,y, malapit na at mapagsiyasat ang lupang parang quinatatamnan niyong batong malaqui na naguiguing pinacabubong nang caniyang tahanan, ay quinilabutan siya, sa pagcaquitang nalilibot nang lupang buhaghag, na sa calaunan nang panahon ay sapilitang guguhò dahil sa cabigatan nang batong yaon at sa cabuhaghagan nang lupa. At tingnan ninyo rito ang ualang hangang carunung̃an nang Dios na nacatatalastas na cung hindi mahulog ang batong yaon sa paglindol, ay mababacsacan si Robinsong na sa loob na ualang pagsala; at caya ng̃a inibig na sa paglindol ay umugong, at sa catacutan ni Robinson ay lumabas, at cundi gayon ay sapilitang mamamatay siya.Dito matatalastas ninyo, mang̃a anac co, na quinacaling̃a siya nang Dios nang tang̃ing pagibig sa oras na inaacalà niyang siya,y, pinababayaan at quinalilimutan, at nang mangyaring siya,y, maipagadya ay guinauang casangcapan ang paglindol na caquilaquilabot, na inaacalà ni Robinson na siyang catapusan niya. Mangyayari naman sa inyo sa inyong pamumuhay ang naranasan ni Robinson, cung pagmamalasin ninyong magaling ang mang̃a guinagauang paraan nang Dios sa pagcaling̃a sa inyo; at sa alin mang calumbaylumbay na calagayan na inyong sasapitin sa mang̃a haharap na arao ay mamamasdan ninyo ang dalauang catotoohanan: ang isa ay ang mang̃a tauo,y, nagaacalang palagui na ang canilang mang̃a casacunaan ay mahiguit sa catunayan; at ang icalaua,y, caya ipinahahatid nang Dios sa atin ang anomang caralitaan ay dahil sa siyang dapat sa catouiran, na cung sa bagay ay ualang pagsalang mapapanuto sa tunay nating capalaran.
Siniyasat ni Robinson ang caniyang yung̃ib; at malaqui ang panguiguilalas nang caniyang maquita na hindi totoong malaqui ang casiraan, para nang inaacala niya sa caniyang catacutan. Tunay ng̃a at gumuhò ang batong pinacabubong, na casama ang lupang quinatatamnan, datapoua,t, hindi niya totoong pagpapaguran na caniyang alisin ang gumuhò sa loob nang caniyang yung̃ib, na dahil dito,y, magcacaroon siya nang isang tahanang lalong maluang at maguinhaua na mahiguit sa dati.
Bucod dito,y, may isa pang bagay na nagpapaquilalang maliuanag na di ipinahintulot nang Dios ang sacunang yaon sa pagpaparusa cay Robinson, cundi bagcus pa ng̃ang sa pagiing̃at at pagcacaling̃a sa caniya; sa pagca,t, nang siya,y, malapit na at mapagsiyasat ang lupang parang quinatatamnan niyong batong malaqui na naguiguing pinacabubong nang caniyang tahanan, ay quinilabutan siya, sa pagcaquitang nalilibot nang lupang buhaghag, na sa calaunan nang panahon ay sapilitang guguhò dahil sa cabigatan nang batong yaon at sa cabuhaghagan nang lupa. At tingnan ninyo rito ang ualang hangang carunung̃an nang Dios na nacatatalastas na cung hindi mahulog ang batong yaon sa paglindol, ay mababacsacan si Robinsong na sa loob na ualang pagsala; at caya ng̃a inibig na sa paglindol ay umugong, at sa catacutan ni Robinson ay lumabas, at cundi gayon ay sapilitang mamamatay siya.
Dito matatalastas ninyo, mang̃a anac co, na quinacaling̃a siya nang Dios nang tang̃ing pagibig sa oras na inaacalà niyang siya,y, pinababayaan at quinalilimutan, at nang mangyaring siya,y, maipagadya ay guinauang casangcapan ang paglindol na caquilaquilabot, na inaacalà ni Robinson na siyang catapusan niya. Mangyayari naman sa inyo sa inyong pamumuhay ang naranasan ni Robinson, cung pagmamalasin ninyong magaling ang mang̃a guinagauang paraan nang Dios sa pagcaling̃a sa inyo; at sa alin mang calumbaylumbay na calagayan na inyong sasapitin sa mang̃a haharap na arao ay mamamasdan ninyo ang dalauang catotoohanan: ang isa ay ang mang̃a tauo,y, nagaacalang palagui na ang canilang mang̃a casacunaan ay mahiguit sa catunayan; at ang icalaua,y, caya ipinahahatid nang Dios sa atin ang anomang caralitaan ay dahil sa siyang dapat sa catouiran, na cung sa bagay ay ualang pagsalang mapapanuto sa tunay nating capalaran.
Pagpilitan nating touina,y, igalangang lihim nang Amang Macapangyarihan,sa pagca,t, ang ating boong capalaranay na sa caniyang mapagpalang camay.Ang lahat nang bagay sa sangmaliuanagcapurihan niya ang ibinabansag,at sa ating pusò ay humihicayatpaglingcoran siya nang boong pagliyag.Ang lalong mapait sa caralitaanay isang biyayang tang̃i nang Maycapal,tandang maliuanag na ibig pacamtansa atin ang touang ualang catapusan.
Pagpilitan nating touina,y, igalangang lihim nang Amang Macapangyarihan,sa pagca,t, ang ating boong capalaranay na sa caniyang mapagpalang camay.
Pagpilitan nating touina,y, igalang
ang lihim nang Amang Macapangyarihan,
sa pagca,t, ang ating boong capalaran
ay na sa caniyang mapagpalang camay.
Ang lahat nang bagay sa sangmaliuanagcapurihan niya ang ibinabansag,at sa ating pusò ay humihicayatpaglingcoran siya nang boong pagliyag.
Ang lahat nang bagay sa sangmaliuanag
capurihan niya ang ibinabansag,
at sa ating pusò ay humihicayat
paglingcoran siya nang boong pagliyag.
Ang lalong mapait sa caralitaanay isang biyayang tang̃i nang Maycapal,tandang maliuanag na ibig pacamtansa atin ang touang ualang catapusan.
Ang lalong mapait sa caralitaan
ay isang biyayang tang̃i nang Maycapal,
tandang maliuanag na ibig pacamtan
sa atin ang touang ualang catapusan.
Ipinatuloy nang ama ang historia.
Nagpasalamat sa Dios si Robinson dahil sa inaligtas siya sa bagong capang̃aniban, at maligaya nang ipinatuloy ang pagaalis niya nang mang̃a gumuhong bató sa caniyang tahanan. Hindi niya pinaghirapang totoo ang pagaalis nang lupa at batong maliliit; datapoua,t, sa cailaliman ay natitira ang isang malaquing bató; na baga ma,t, mabigat ay quinacailang̃an tila ang calacasan nang maraming tauo, nang maquilos sa quinalalag-yan.Tinicman niyang itinulac ang pinacamaliit; datapoua,t ualang quinasapitan, sa pagca,t, quinacailang̃an ang lalong malaquing lacas; at nang matantô niyang ualang casasapitan ang caniyang pagod ay di maalaman cung ano ang caniyang gagau-in.
Nagpasalamat sa Dios si Robinson dahil sa inaligtas siya sa bagong capang̃aniban, at maligaya nang ipinatuloy ang pagaalis niya nang mang̃a gumuhong bató sa caniyang tahanan. Hindi niya pinaghirapang totoo ang pagaalis nang lupa at batong maliliit; datapoua,t, sa cailaliman ay natitira ang isang malaquing bató; na baga ma,t, mabigat ay quinacailang̃an tila ang calacasan nang maraming tauo, nang maquilos sa quinalalag-yan.
Tinicman niyang itinulac ang pinacamaliit; datapoua,t ualang quinasapitan, sa pagca,t, quinacailang̃an ang lalong malaquing lacas; at nang matantô niyang ualang casasapitan ang caniyang pagod ay di maalaman cung ano ang caniyang gagau-in.
Si Juan. Cung aco,y, si Robinson ay naalaman co cung paano ang aquing gagau-in.Ang ama. Tingnan natin cung paano ang iniisip mo.Si Juan. Guinamit co sana ang isang palanca; para nang guinagaua natin niyong arao, niyong pinagugulong natin ang isang cahoy na mahaba.Si Teodora. Yao,y, hindi co naquita. ¿At ano caya angpalanca?Si Juan. Isang cahoy na mahaba at macapal, at ipinapasoc ang isang dulo sa tabi nang cahoy ó batong bubuhatin, at ilinalagay sa ilalim ang capirasong cahoy ó bató; at saca pinaglalambitinan na tiniticuas ang cabilang dulo nang cahoy nang paggugulong.Ang ama. Sa ibang arao ay ipahahayag co sa inyo ang cadahilanan nito. Paquingan ninyo ng̃ayon ang guinaua ni Robinson.
Si Juan. Cung aco,y, si Robinson ay naalaman co cung paano ang aquing gagau-in.
Ang ama. Tingnan natin cung paano ang iniisip mo.
Si Juan. Guinamit co sana ang isang palanca; para nang guinagaua natin niyong arao, niyong pinagugulong natin ang isang cahoy na mahaba.
Si Teodora. Yao,y, hindi co naquita. ¿At ano caya angpalanca?
Si Juan. Isang cahoy na mahaba at macapal, at ipinapasoc ang isang dulo sa tabi nang cahoy ó batong bubuhatin, at ilinalagay sa ilalim ang capirasong cahoy ó bató; at saca pinaglalambitinan na tiniticuas ang cabilang dulo nang cahoy nang paggugulong.
Ang ama. Sa ibang arao ay ipahahayag co sa inyo ang cadahilanan nito. Paquingan ninyo ng̃ayon ang guinaua ni Robinson.
Nang matapus na siya,y, macapagcurocurò na mahabang oras sa catapusa,y, humung̃o sa caniyang isip angpalanca; nang maalaala niyang sa caniyang cabataan ay naquiquita niya, na guinagaua nang mang̃a tauo ang gayong paraan sa pagbuhat nang anomang bagay na mabibigat, ay pinasiya sa loob na caniyang ticman.Totoong lumabas na magaling ang caniyang acala, na sa loob nang calahating oras ay nailabas na niya sa caniyang yung̃ib ang dalauang bato, na bahaguia na lamang maquiquilos nang dalauang catauo cung sa camay lamang pararaanin; at malaqui ang caniyang catouaan nang maquitang ang caniyang tahanan ay lumaquing di hamac na mahiguit na dalaua sa dati, bucod dito,y, lalong tumibay sa caniyang acala; sa pagca,t, ang naguiguing pinacapader at bubong, ay ang malaquing batóng ualang laman ang loob, na sa magcabicabila ay ualang mahahalatang butas.
Nang matapus na siya,y, macapagcurocurò na mahabang oras sa catapusa,y, humung̃o sa caniyang isip angpalanca; nang maalaala niyang sa caniyang cabataan ay naquiquita niya, na guinagaua nang mang̃a tauo ang gayong paraan sa pagbuhat nang anomang bagay na mabibigat, ay pinasiya sa loob na caniyang ticman.
Totoong lumabas na magaling ang caniyang acala, na sa loob nang calahating oras ay nailabas na niya sa caniyang yung̃ib ang dalauang bato, na bahaguia na lamang maquiquilos nang dalauang catauo cung sa camay lamang pararaanin; at malaqui ang caniyang catouaan nang maquitang ang caniyang tahanan ay lumaquing di hamac na mahiguit na dalaua sa dati, bucod dito,y, lalong tumibay sa caniyang acala; sa pagca,t, ang naguiguing pinacapader at bubong, ay ang malaquing batóng ualang laman ang loob, na sa magcabicabila ay ualang mahahalatang butas.
Si Nicolás. Datapoua,t, ¿ano pong nasapit nang caniyang gagamba?Ang ama. Natotoua aco,t, ipinaalaala mo sa aquin. ¡Caauaauang gagamba! at nalilimutan co na. Ang masasabi co lamang sa iyo, ay ualang pagsalang namatay siya sa pagguhô nang bató. Ang tunay ay hindi na naquitang mulî ni Robinson, at iquinatoua na niya ang pagcauala nito dahil siya,y, may casama nang mang̃a hayop na llama.
Si Nicolás. Datapoua,t, ¿ano pong nasapit nang caniyang gagamba?
Ang ama. Natotoua aco,t, ipinaalaala mo sa aquin. ¡Caauaauang gagamba! at nalilimutan co na. Ang masasabi co lamang sa iyo, ay ualang pagsalang namatay siya sa pagguhô nang bató. Ang tunay ay hindi na naquitang mulî ni Robinson, at iquinatoua na niya ang pagcauala nito dahil siya,y, may casama nang mang̃a hayop na llama.
Nang̃ahas siyang lumapit sa volcan, na linalabasan nang maitim na asó; datapoua,t, ¡gaano ang caniyang panguiguilalas nangmaquita ang caramihan nang mang̃a bagay na nang̃atutunao at umaagos sa linibid-libid nang volcan, at hindi pa lumalamig! hindi siya macalapit na totoo, at pinanonood niya sa isang lugar na may calayuan ang caquilaquilabot na pagusoc, sa pagca,t, pinipiguil siya nang caniyang catacutan at nang cainitan na houag siyang lumapit doon.Nang matalastas niyang ang mang̃a bagay na iniaanod nang volcan ay napatutung̃o sa lupang tinutubuan nang mang̃a patatas, quinilabutan siya sa pagiisip na baca yaong umaagos na apuy ay nacasira sa halamang yaon; at hindi siya natahimic hang̃an sa di siya nacarating doon. Pinaronan ng̃a niya ang lupang quinatatamnan nang mang̃a patatas, at di mamagcano ang caniyang catouaan nang caniyang maquitang hindi naaano; datapoua,t, sa anomang mangyari, ay inaacalà niyang magtanim nang mang̃a patatas pa sa iba,t, ibang lugar nang pulò at nang cung anoman ang mangyari ay houag siyang maualan niyong totoong mahalagang bung̃a; at baga ma,t, ayon sa inaacala niya, ay totoong malapit na ang invierno, ó taglamig, ay ang uica niya sa sarili: ¿sino ang nacatatalastas cung angmang̃a halamang ito,y, hindi naaano sa taglamig?[5]Nang matapus na siyang macapagtanim, ay hinarap niya ang paggauà nang caniyang cusina; at dito naman sa caquilaquilabot na bagay na caniyang naranasan ay naguing dahil nang isang malaqui niyang capaquinabang̃an. Sa pagca,t bucod sa mang̃a ibang bagay na ibinubuga nang volcan ay may nacacasamang mang̃a bató nang apog. Caraniua,y ang guinagauà sa mang̃a batóng ito ay sinusunog muna sa isang horno; datapoua,t, dito,y, di niya quinacailang̃an, sa pagca,t, naguiguing pinacahorno na ang volcang nagnining̃as. Si Robinson ay uala nang sucat gau-ing ibang bagay cundi ang humucay sa lupa nang isang balón, at ilagay doon ang mang̃a bató nang apog, pagcatapus ay busan nang tubig sa ibabao, at saca haluin. Capag nagauá na ito ay sucat nang magamit sa paglilichada; at hinaluan nang caunting buhang̃in ni Robinson, at dahil dito,y, naipatuloy ang caniyang gauà nang malaquing caligayahan niya.Samantalang siya,y, gumagauà ay tumiguil nang pagusoc ang volcan, dahil dito,y, nang̃ahas nang lumapit si Robinson sa bibig niyong volcan, doon niya natalastas na hangang ilalim ay malamig na, at sa pagca,t, ualà nang lumalabas camunti mang usoc, ay inacalà niyang napugnao na ang apuy sa ilalim nang lupà, at ualà na siyang sucat catacutan.Nanghinayang ang caniyang loob sa bagay na ito, at inisip niya ang paghahandâ nang babaunin sa invierno ó taglamig; dahil ditò,y, humuli siya nang ualong hayop na llama sa paraang guinauà niya nang una. Ang lahat ay caniyang pinatay, liban na lamang sa isang lalaqui na isinama niya sa tatlong maaamò na; at ibinitin sa caniyang cusina ang caramihan nang laman nang mang̃a hayop na ito, at nang caniyang mapaasuhan, datapoua,t, ibinabad muna niya sa asing mang̃a ilang arao, sa pagca,t, naalaala niyang ganito ang guinaguà nang caniyang ina sa canilang bahay.Bagama,t, labis na ang inihandâ niyang cacanin sa taglamig, ay natatacot si Robinson na bacá hindi magcasiya sa caniya, cung sacali,t, ang taglamig ay totoong mahigpit at matagal; sucat sanang macahulinang marami pang mang̃a hayop na llama; datapoua,t, humihirap nang humihirap nang paghuli, sa pagca,t, ang mang̃a hayop na yaon ay natatacot na sa silò.Quinacailang̃ang magisip nang ibang paraan sa paghuli sa canila, at natalastas ni Robinson ang paraang ito. ¡Totoo ng̃a na ang pagiisip nang tauo ay cung gagamiting magaling, para nang nararapat, ay totoong madaling gumanà nang paraan sa icatataquip nang caniyang mang̃a cailang̃an, at icararagdag nang caniyang caguinhauahan! Natatalastas niya na ang mang̃a hayop na llama sa touing masusumpung̃an niya na iinom sa batisan, ay nagtatacbuhan sa isang cagubatan sa dacong licod nang pinacamataas na lupa. Sa taguiliran nito ay may lupang natatamnan nang damo at diyan pumapanhic sa pinacaburol na ang taas ay may calahating vara. Naramdaman ni Robinson, na sa pagtacbo nang mang̃a llama, ay caraniuang nagdaraan doon; at dahil dito,y, bumungô sa caniyang pagiisip ang dapat gau-in. Sa macatouid ay humucay siya nang isang malalim na balon sa lugar na yaon, at nang cung magdaan doon ang mang̃a hayop na llama ay mang̃ahulog at maculong sa balon. Hangang tanghalinghinucay nang ualang capaguran ni Robinson ang balon; tinacpan nang ilang damo ang ibabao, at sa icalauang arao ay naquita niyang nahulog doon ang dalaua niong mang̃a hayop na totoong malalaqui.Inacalà niyang sucat na sa caniya ang caniyang inihandang pagcain; datapoua,t, uala sana siyang pagtataguan nitong caniyang baon sa panahon nang taglamig, cundi siya pinagcalooban nang lang̃it nang isang pinacasilong dahil sa paglindol; sa pagca,t, dapat nating matalastas, na sa malapit sa caniyang yung̃ib ay may gumuhong bató, na naguing parang isang yung̃ib na ang lalim ay may tatlong vara, na ang pinapasucan ay ang pinacapatio nang caniyang tahanan. Dahil dito,y, nagcaroon siya nang isang munting silid, cusina at pinacasilong, na totoong mabuti ang pagcacalagay, na parang sinadiya.Tatlo pang bagay ang hindi niya natatapus naihahandà sa panahon nang invierno ó taglamig, na inaantay niya; ang magtipon nang maraming damo na cacanin nang caniyang mang̃a hayop; ang pagtitipon nang cahoy, at ang paghucay nang lahat nang patatas na itatago niya sa caniyang silong.Ang mang̃a damó na caniyang tinipon, ay ibinunton sa harapan nang caniyang bahay, para nang naquiquita niyang guinagauà nang mang̃a magsasaca dito; at sa baua,t, paglalagay niya ay pinapaicpic nang caniyang paa at nang masinsing magaling na hindi tagusin nang ulan. Datapoua,t, natalastas niya, na siya,y, nagcamali dito; sa pagca,t, hindi niya pinatuyong mabuti muna ang damó. Sa pagca,t, cung hindi ganito ang caniyang gauin, ay sa totoong casinsinan ay magiinit at maguusoc. Hindi nariring̃ig ni Robinson ang bagay na ito niong caniyang cabataan, sa pagca,t, ualang quinacaling̃ang anoman, ay hindi niya natutohan ang mang̃a quinacailang̃an sa isang bahay nang magsasacá. Dito niya napaguari ang malaquing capaquinabang̃an nang matuto nang anomang bagay, cahit hindi niya natatalastas ang sucat paggamitan balang arao.Labis ang pagtataca ni Robinson nang maquitang umuusoc ang isang bunton nang damó: at lalò pang nanguilalas siya nang ipasoc ang caniyang camay, at maramdamang nagiinit sa loob. Inacala niyang mayroong apuy, bagama,t, hindi niya maalaman cung paano ang pagdidiquit nang sariuang damó, at cung cailan nalaglagan nang apuy.Mínulan nang pagaalis na isaisa nang damó; at totoong malaqui ang caniyang panguiguilalas nang maquitang ualang apuy, at ang lahat nang damó ay nagiinit at basabasà pa. Sa catapusa,y, napaguari niya na ang casariuaan nang damó ang siyang naguiguing dahil nang pagiinit, bagama,t, hindi niya matalastas cung paano ang pangyayari nito.
Nang̃ahas siyang lumapit sa volcan, na linalabasan nang maitim na asó; datapoua,t, ¡gaano ang caniyang panguiguilalas nangmaquita ang caramihan nang mang̃a bagay na nang̃atutunao at umaagos sa linibid-libid nang volcan, at hindi pa lumalamig! hindi siya macalapit na totoo, at pinanonood niya sa isang lugar na may calayuan ang caquilaquilabot na pagusoc, sa pagca,t, pinipiguil siya nang caniyang catacutan at nang cainitan na houag siyang lumapit doon.
Nang matalastas niyang ang mang̃a bagay na iniaanod nang volcan ay napatutung̃o sa lupang tinutubuan nang mang̃a patatas, quinilabutan siya sa pagiisip na baca yaong umaagos na apuy ay nacasira sa halamang yaon; at hindi siya natahimic hang̃an sa di siya nacarating doon. Pinaronan ng̃a niya ang lupang quinatatamnan nang mang̃a patatas, at di mamagcano ang caniyang catouaan nang caniyang maquitang hindi naaano; datapoua,t, sa anomang mangyari, ay inaacalà niyang magtanim nang mang̃a patatas pa sa iba,t, ibang lugar nang pulò at nang cung anoman ang mangyari ay houag siyang maualan niyong totoong mahalagang bung̃a; at baga ma,t, ayon sa inaacala niya, ay totoong malapit na ang invierno, ó taglamig, ay ang uica niya sa sarili: ¿sino ang nacatatalastas cung angmang̃a halamang ito,y, hindi naaano sa taglamig?[5]
Nang matapus na siyang macapagtanim, ay hinarap niya ang paggauà nang caniyang cusina; at dito naman sa caquilaquilabot na bagay na caniyang naranasan ay naguing dahil nang isang malaqui niyang capaquinabang̃an. Sa pagca,t bucod sa mang̃a ibang bagay na ibinubuga nang volcan ay may nacacasamang mang̃a bató nang apog. Caraniua,y ang guinagauà sa mang̃a batóng ito ay sinusunog muna sa isang horno; datapoua,t, dito,y, di niya quinacailang̃an, sa pagca,t, naguiguing pinacahorno na ang volcang nagnining̃as. Si Robinson ay uala nang sucat gau-ing ibang bagay cundi ang humucay sa lupa nang isang balón, at ilagay doon ang mang̃a bató nang apog, pagcatapus ay busan nang tubig sa ibabao, at saca haluin. Capag nagauá na ito ay sucat nang magamit sa paglilichada; at hinaluan nang caunting buhang̃in ni Robinson, at dahil dito,y, naipatuloy ang caniyang gauà nang malaquing caligayahan niya.
Samantalang siya,y, gumagauà ay tumiguil nang pagusoc ang volcan, dahil dito,y, nang̃ahas nang lumapit si Robinson sa bibig niyong volcan, doon niya natalastas na hangang ilalim ay malamig na, at sa pagca,t, ualà nang lumalabas camunti mang usoc, ay inacalà niyang napugnao na ang apuy sa ilalim nang lupà, at ualà na siyang sucat catacutan.
Nanghinayang ang caniyang loob sa bagay na ito, at inisip niya ang paghahandâ nang babaunin sa invierno ó taglamig; dahil ditò,y, humuli siya nang ualong hayop na llama sa paraang guinauà niya nang una. Ang lahat ay caniyang pinatay, liban na lamang sa isang lalaqui na isinama niya sa tatlong maaamò na; at ibinitin sa caniyang cusina ang caramihan nang laman nang mang̃a hayop na ito, at nang caniyang mapaasuhan, datapoua,t, ibinabad muna niya sa asing mang̃a ilang arao, sa pagca,t, naalaala niyang ganito ang guinaguà nang caniyang ina sa canilang bahay.
Bagama,t, labis na ang inihandâ niyang cacanin sa taglamig, ay natatacot si Robinson na bacá hindi magcasiya sa caniya, cung sacali,t, ang taglamig ay totoong mahigpit at matagal; sucat sanang macahulinang marami pang mang̃a hayop na llama; datapoua,t, humihirap nang humihirap nang paghuli, sa pagca,t, ang mang̃a hayop na yaon ay natatacot na sa silò.
Quinacailang̃ang magisip nang ibang paraan sa paghuli sa canila, at natalastas ni Robinson ang paraang ito. ¡Totoo ng̃a na ang pagiisip nang tauo ay cung gagamiting magaling, para nang nararapat, ay totoong madaling gumanà nang paraan sa icatataquip nang caniyang mang̃a cailang̃an, at icararagdag nang caniyang caguinhauahan! Natatalastas niya na ang mang̃a hayop na llama sa touing masusumpung̃an niya na iinom sa batisan, ay nagtatacbuhan sa isang cagubatan sa dacong licod nang pinacamataas na lupa. Sa taguiliran nito ay may lupang natatamnan nang damo at diyan pumapanhic sa pinacaburol na ang taas ay may calahating vara. Naramdaman ni Robinson, na sa pagtacbo nang mang̃a llama, ay caraniuang nagdaraan doon; at dahil dito,y, bumungô sa caniyang pagiisip ang dapat gau-in. Sa macatouid ay humucay siya nang isang malalim na balon sa lugar na yaon, at nang cung magdaan doon ang mang̃a hayop na llama ay mang̃ahulog at maculong sa balon. Hangang tanghalinghinucay nang ualang capaguran ni Robinson ang balon; tinacpan nang ilang damo ang ibabao, at sa icalauang arao ay naquita niyang nahulog doon ang dalaua niong mang̃a hayop na totoong malalaqui.
Inacalà niyang sucat na sa caniya ang caniyang inihandang pagcain; datapoua,t, uala sana siyang pagtataguan nitong caniyang baon sa panahon nang taglamig, cundi siya pinagcalooban nang lang̃it nang isang pinacasilong dahil sa paglindol; sa pagca,t, dapat nating matalastas, na sa malapit sa caniyang yung̃ib ay may gumuhong bató, na naguing parang isang yung̃ib na ang lalim ay may tatlong vara, na ang pinapasucan ay ang pinacapatio nang caniyang tahanan. Dahil dito,y, nagcaroon siya nang isang munting silid, cusina at pinacasilong, na totoong mabuti ang pagcacalagay, na parang sinadiya.
Tatlo pang bagay ang hindi niya natatapus naihahandà sa panahon nang invierno ó taglamig, na inaantay niya; ang magtipon nang maraming damo na cacanin nang caniyang mang̃a hayop; ang pagtitipon nang cahoy, at ang paghucay nang lahat nang patatas na itatago niya sa caniyang silong.
Ang mang̃a damó na caniyang tinipon, ay ibinunton sa harapan nang caniyang bahay, para nang naquiquita niyang guinagauà nang mang̃a magsasaca dito; at sa baua,t, paglalagay niya ay pinapaicpic nang caniyang paa at nang masinsing magaling na hindi tagusin nang ulan. Datapoua,t, natalastas niya, na siya,y, nagcamali dito; sa pagca,t, hindi niya pinatuyong mabuti muna ang damó. Sa pagca,t, cung hindi ganito ang caniyang gauin, ay sa totoong casinsinan ay magiinit at maguusoc. Hindi nariring̃ig ni Robinson ang bagay na ito niong caniyang cabataan, sa pagca,t, ualang quinacaling̃ang anoman, ay hindi niya natutohan ang mang̃a quinacailang̃an sa isang bahay nang magsasacá. Dito niya napaguari ang malaquing capaquinabang̃an nang matuto nang anomang bagay, cahit hindi niya natatalastas ang sucat paggamitan balang arao.
Labis ang pagtataca ni Robinson nang maquitang umuusoc ang isang bunton nang damó: at lalò pang nanguilalas siya nang ipasoc ang caniyang camay, at maramdamang nagiinit sa loob. Inacala niyang mayroong apuy, bagama,t, hindi niya maalaman cung paano ang pagdidiquit nang sariuang damó, at cung cailan nalaglagan nang apuy.
Mínulan nang pagaalis na isaisa nang damó; at totoong malaqui ang caniyang panguiguilalas nang maquitang ualang apuy, at ang lahat nang damó ay nagiinit at basabasà pa. Sa catapusa,y, napaguari niya na ang casariuaan nang damó ang siyang naguiguing dahil nang pagiinit, bagama,t, hindi niya matalastas cung paano ang pangyayari nito.
Si Juan. Aco ma,y, di co mapaguari ito.Ang ama. Sa mang̃a nangyayaring ito, Juan, na catacataca ay totoong marami sa mundo; at ang pagiisip nang tauo, pagcatapus nang mahabang panahon na pag-uauariuari at pagcucurò ay natalastas na maliuanag ang tunay na cadahilanan nang mang̃a nangyayaring ito; datapoua,t, di naman natalastas na lahat. Ang pagcatalastas nang mang̃a bagay na ito ay maquiquita sa isang carunung̃an na hindi mo naaalaman man lamang cung ano ang pang̃alan. Tinatauag na Fisica. Diyan ipinaquiquilala ang nangyayari sa calamigan, para naman nang sa mang̃a ibang bagay na tinatauag na natural, na sucat pagtachan. Cung pananatilihin ninyo ang pagsisicap sa pagaaral, ay ng̃ayong mang̃ailang panahon ay ituturò co sa inyo ang naturang carunung̃an, na totoong pagcacalibang̃an ninyo. Ng̃ayo,y, ualang capacanan ang pagpapaaninao co sa inyo nang bagay na ito, sa pagca,t, di pa ninyo maabot nang pagiisip.
Si Juan. Aco ma,y, di co mapaguari ito.
Ang ama. Sa mang̃a nangyayaring ito, Juan, na catacataca ay totoong marami sa mundo; at ang pagiisip nang tauo, pagcatapus nang mahabang panahon na pag-uauariuari at pagcucurò ay natalastas na maliuanag ang tunay na cadahilanan nang mang̃a nangyayaring ito; datapoua,t, di naman natalastas na lahat. Ang pagcatalastas nang mang̃a bagay na ito ay maquiquita sa isang carunung̃an na hindi mo naaalaman man lamang cung ano ang pang̃alan. Tinatauag na Fisica. Diyan ipinaquiquilala ang nangyayari sa calamigan, para naman nang sa mang̃a ibang bagay na tinatauag na natural, na sucat pagtachan. Cung pananatilihin ninyo ang pagsisicap sa pagaaral, ay ng̃ayong mang̃ailang panahon ay ituturò co sa inyo ang naturang carunung̃an, na totoong pagcacalibang̃an ninyo. Ng̃ayo,y, ualang capacanan ang pagpapaaninao co sa inyo nang bagay na ito, sa pagca,t, di pa ninyo maabot nang pagiisip.