Pagbalican natin si Robinson, at talastasin ninyo na niong mapatuyò na niya ang damô, ay muling ibinunton nang masinsin nang houag maano sa hang̃in at ulan, sa pagca,t, caniyang linag-yan nang pinacabubong na cauayan, para nang guinagauà nang mang̃a pastor sa canilang mang̃a cubo na naquita ninyo na nababalot nang dayami. Guinugol niya ang mang̃a sumunod na arao sa pagtitipon nang cahoy na tuyô na inaacala niyang cailang̃an; at saca hinucay niya ang caniyang silong. Sa catapusa,y, pinulot niya ang lahat nang mang̃a dayap na hinog, na nang̃alalaglag sa pagugà niya sa punò, at itinagò niya,t, nang magamit sa panahon nang taglamig; dito,y, napayapà na caniyang loob, sa pagca,t, inacalà niyang sapát na ang caniyang inihanda sa totoong taglamig.Datapoua,t, magtatapus na ang bouan nang Octubre, ay hindi pa nararamdamanang calamigan na totoo niyang quinatatacutan; datapoua,t, totoong naguulan na tila gumuguhô ang lang̃it. Totoong nalilingatong dahil dito si Robinson, at totoo niyang ipinagpipighati ang pagcaculong sa caniyang tahanan na mahabang panahon na parang isang nabibilango; sa pagca,t, mahiguit sa labing limang arao na di siya lumalabas sa caniyang yung̃ib, cundi sa pagparoon lamang sa caniyang silong, sa bunton nang damo at sa batis, sa pagcuha nang tubig at cacanin na quinacailang̃an niya at nang caniyang mang̃a hayop.¡Labis nang tagal at calumbaylumbay ang paquiramdam niya sa mang̃a oras na nagdaraan, dahil sa caniyang pagiisa at, dahil sa ualá siyang magauang pagcalibang̃an! Di sucat maisip, mang̃a anac co, cung gaano ang caniyang cahirapan. Cung mayroong magbibigay sa caniya nang isang libro, ó isang pliegong papel, pluma at tintero, ay maligayang ipagpipilit niya sa baua,t, pliego ang isang arao nang caniyang buhay. ¡Sa aba co! ang uiniuica niyang inuulitulit; ¡pagcaualang isip co noong aco,y, bata, na inaari cong ang pagbasa at pagsulat ay isang caabalahang nacayayamot, at ang pagcaulang gauà ay isang bagay na nacaalio! Ang lalong nacababagot na libro ay aariin co ng̃ayong isang cayamanan: sa isang pliegong papel at sa isang tintero na macuha co ay hindi co ipapalit sa paguiguing hari.Sa boong panahong ualà siyang guinagauà at siya,y, nayayamot ay napipilitan siyang maglibang sa mang̃a gauang hindi pa niya nararanasan. Matagal nang panahong caniyang iniisip ang paraan nang paggauà nang isang palayoc at isang ilauan, na totoong paquiquinabang̃an niya, at icaaauas nang caniyang caralitaan. Baga ma,t, totoong naguuulan, ay lumabas siyang nagtatacbo sa paghanap nang lupà, at pinasimulan niya ang paggauà nang palayoc.Dapat nating matalastas na hindi muna lumabas na magaling, at sa una niyang paggauà ay nasisirà; datapoua,t, sa pagca,t, ualà siyang magauang bagay na lalong mahalaga, ay guinauà niyang libang̃an ang paggauà nang palayoc: at capag inacalà niyang yari na, ng̃unit may naquiquita siyang casiraan, ay binabago niya, at guinagauang muli. Guinugol niya ang ilang arao sa paglilibang sa gauang ito, hangan sa mayari ang palayoc at ilauan ó tinghoy na totoong mabuti ang pagcacagauà, Inilagay niya sa caniyang cusina na malapit sa apuy, at nang tumigas at matuyò, at saca ipinatuloy ang paggauà nang ibang mang̃a palayoc at caualì na iba,t, iba ang lalaqui at pagcayari, na dahil dito,y, nabibihasa siya nang paggauà.Hindi tumitila ang paguulan, at napilitan si Robinson na magisip nang cung ano ang caniyang gagau-in sa panahong yaon, at nang siya,y, maligtas sa cayamutan nang ualang guinagauà. Ang una niyang pinagcalibang̃an ay ang paggauà nang lambat. May marami siyang natitipong mang̃a pisi, ó mang̃a baguing na maliliit na parang abacá; at palibhasa,y, may labis, siyang panahon at calamigan nang ulo sa pagaaral nang paggauà nang lambat na macaualo ó macasampuong sinisira niya, sa pagca,t, hindi cadaling lumabas na magaling, ay sa catapusa,y, natumpacan niya ang tunay na paraan nang paggauà, at sa casipagan niya ay totoong nabihasa siya, para nang mang̃a babayi ó mang̃a batang gumagauà dito nang lambat. Tunay ng̃a,t, naisipan niya ang paggauà nang isang casangcapang cahoy, na pinutol nang caniyang sundang na bató, at guinauà niyang parang ihauan; at sa paraang ito ay nacagauà siya nang isanglambat, na sucat paquinabang̃an, para nang mang̃a guinagauà nating lambat dito.Capagdaca nama,y, bumungô sa caniyang pagiisip ang paggauà nang isang panà at ilang mang̃a palasô. ¡Oh! ¡Totoong malaqui ang caniyang caligayahan sa pagcaisip nang bagay na ito, at sa pagcadilidili sa malaquing capaquinabang̃ang cacamtan niya sa caniyang panà! Sa pagca,t, mapapanà niya ang mang̃a hayop na llama, ó mang̃a ibon, at ang lalo pang sucat niyang paquinabang̃an, ay maliligtas siya sa catampalasanan nang mang̃a tauong bundoc na bacá sacali balang arao ay tampalasanin siya. Sa malaqui niyang cainipan, na ang ibig niya,y, maquitang mayari na ang caniyang pana, ay nagmadaling lumabas, na hindi inalumana ang ulan at hang̃in sa paghanap nang cahoy na quinacailang̃an.Di sucat nating paniualaan na ang alin mang cahoy ay nagagauang panà: napagtalastas niya na quinacailang̃ang humanap siya nang matigas na cahoy, ng̃uni,t, mababaluctot, upang cung mahubog na, at umigcas naman nang malacas.Nang macaquita na siya nang isang cahoy na matigas at mahuhubog, ay dinala niya sa caniyang tahanan, at caracaraca,y, pinasimulan na niya ang caniyang paggauà; datapoua,t, ¡laquing paghihirap niya sa caualan nang isang sundang na bacal! macadalauang puong tagâ bago niya malinis ang cahoy, na dito,y, sa isang tagà lamang ay sucat na sa itac na may patalim: at caya ng̃a, bagama,t, maghapong ualang tiguil siya nang paggauà nito na di niya binibitinan, ay naguing cailing̃an ang ualong arao bago natapus. Ang ibang mang̃a batang naquiquilala co ay hindi nagcacaroon nang ganitong cayamutan nang ulo.
Pagbalican natin si Robinson, at talastasin ninyo na niong mapatuyò na niya ang damô, ay muling ibinunton nang masinsin nang houag maano sa hang̃in at ulan, sa pagca,t, caniyang linag-yan nang pinacabubong na cauayan, para nang guinagauà nang mang̃a pastor sa canilang mang̃a cubo na naquita ninyo na nababalot nang dayami. Guinugol niya ang mang̃a sumunod na arao sa pagtitipon nang cahoy na tuyô na inaacala niyang cailang̃an; at saca hinucay niya ang caniyang silong. Sa catapusa,y, pinulot niya ang lahat nang mang̃a dayap na hinog, na nang̃alalaglag sa pagugà niya sa punò, at itinagò niya,t, nang magamit sa panahon nang taglamig; dito,y, napayapà na caniyang loob, sa pagca,t, inacalà niyang sapát na ang caniyang inihanda sa totoong taglamig.
Datapoua,t, magtatapus na ang bouan nang Octubre, ay hindi pa nararamdamanang calamigan na totoo niyang quinatatacutan; datapoua,t, totoong naguulan na tila gumuguhô ang lang̃it. Totoong nalilingatong dahil dito si Robinson, at totoo niyang ipinagpipighati ang pagcaculong sa caniyang tahanan na mahabang panahon na parang isang nabibilango; sa pagca,t, mahiguit sa labing limang arao na di siya lumalabas sa caniyang yung̃ib, cundi sa pagparoon lamang sa caniyang silong, sa bunton nang damo at sa batis, sa pagcuha nang tubig at cacanin na quinacailang̃an niya at nang caniyang mang̃a hayop.
¡Labis nang tagal at calumbaylumbay ang paquiramdam niya sa mang̃a oras na nagdaraan, dahil sa caniyang pagiisa at, dahil sa ualá siyang magauang pagcalibang̃an! Di sucat maisip, mang̃a anac co, cung gaano ang caniyang cahirapan. Cung mayroong magbibigay sa caniya nang isang libro, ó isang pliegong papel, pluma at tintero, ay maligayang ipagpipilit niya sa baua,t, pliego ang isang arao nang caniyang buhay. ¡Sa aba co! ang uiniuica niyang inuulitulit; ¡pagcaualang isip co noong aco,y, bata, na inaari cong ang pagbasa at pagsulat ay isang caabalahang nacayayamot, at ang pagcaulang gauà ay isang bagay na nacaalio! Ang lalong nacababagot na libro ay aariin co ng̃ayong isang cayamanan: sa isang pliegong papel at sa isang tintero na macuha co ay hindi co ipapalit sa paguiguing hari.
Sa boong panahong ualà siyang guinagauà at siya,y, nayayamot ay napipilitan siyang maglibang sa mang̃a gauang hindi pa niya nararanasan. Matagal nang panahong caniyang iniisip ang paraan nang paggauà nang isang palayoc at isang ilauan, na totoong paquiquinabang̃an niya, at icaaauas nang caniyang caralitaan. Baga ma,t, totoong naguuulan, ay lumabas siyang nagtatacbo sa paghanap nang lupà, at pinasimulan niya ang paggauà nang palayoc.
Dapat nating matalastas na hindi muna lumabas na magaling, at sa una niyang paggauà ay nasisirà; datapoua,t, sa pagca,t, ualà siyang magauang bagay na lalong mahalaga, ay guinauà niyang libang̃an ang paggauà nang palayoc: at capag inacalà niyang yari na, ng̃unit may naquiquita siyang casiraan, ay binabago niya, at guinagauang muli. Guinugol niya ang ilang arao sa paglilibang sa gauang ito, hangan sa mayari ang palayoc at ilauan ó tinghoy na totoong mabuti ang pagcacagauà, Inilagay niya sa caniyang cusina na malapit sa apuy, at nang tumigas at matuyò, at saca ipinatuloy ang paggauà nang ibang mang̃a palayoc at caualì na iba,t, iba ang lalaqui at pagcayari, na dahil dito,y, nabibihasa siya nang paggauà.
Hindi tumitila ang paguulan, at napilitan si Robinson na magisip nang cung ano ang caniyang gagau-in sa panahong yaon, at nang siya,y, maligtas sa cayamutan nang ualang guinagauà. Ang una niyang pinagcalibang̃an ay ang paggauà nang lambat. May marami siyang natitipong mang̃a pisi, ó mang̃a baguing na maliliit na parang abacá; at palibhasa,y, may labis, siyang panahon at calamigan nang ulo sa pagaaral nang paggauà nang lambat na macaualo ó macasampuong sinisira niya, sa pagca,t, hindi cadaling lumabas na magaling, ay sa catapusa,y, natumpacan niya ang tunay na paraan nang paggauà, at sa casipagan niya ay totoong nabihasa siya, para nang mang̃a babayi ó mang̃a batang gumagauà dito nang lambat. Tunay ng̃a,t, naisipan niya ang paggauà nang isang casangcapang cahoy, na pinutol nang caniyang sundang na bató, at guinauà niyang parang ihauan; at sa paraang ito ay nacagauà siya nang isanglambat, na sucat paquinabang̃an, para nang mang̃a guinagauà nating lambat dito.
Capagdaca nama,y, bumungô sa caniyang pagiisip ang paggauà nang isang panà at ilang mang̃a palasô. ¡Oh! ¡Totoong malaqui ang caniyang caligayahan sa pagcaisip nang bagay na ito, at sa pagcadilidili sa malaquing capaquinabang̃ang cacamtan niya sa caniyang panà! Sa pagca,t, mapapanà niya ang mang̃a hayop na llama, ó mang̃a ibon, at ang lalo pang sucat niyang paquinabang̃an, ay maliligtas siya sa catampalasanan nang mang̃a tauong bundoc na bacá sacali balang arao ay tampalasanin siya. Sa malaqui niyang cainipan, na ang ibig niya,y, maquitang mayari na ang caniyang pana, ay nagmadaling lumabas, na hindi inalumana ang ulan at hang̃in sa paghanap nang cahoy na quinacailang̃an.
Di sucat nating paniualaan na ang alin mang cahoy ay nagagauang panà: napagtalastas niya na quinacailang̃ang humanap siya nang matigas na cahoy, ng̃uni,t, mababaluctot, upang cung mahubog na, at umigcas naman nang malacas.
Nang macaquita na siya nang isang cahoy na matigas at mahuhubog, ay dinala niya sa caniyang tahanan, at caracaraca,y, pinasimulan na niya ang caniyang paggauà; datapoua,t, ¡laquing paghihirap niya sa caualan nang isang sundang na bacal! macadalauang puong tagâ bago niya malinis ang cahoy, na dito,y, sa isang tagà lamang ay sucat na sa itac na may patalim: at caya ng̃a, bagama,t, maghapong ualang tiguil siya nang paggauà nito na di niya binibitinan, ay naguing cailing̃an ang ualong arao bago natapus. Ang ibang mang̃a batang naquiquilala co ay hindi nagcacaroon nang ganitong cayamutan nang ulo.
Si Teodora.(Na quinacausap ang caniyang, mang̃a casama.)Ang bagay na ito,y, sinasabi nang ating ama sa atin.Ang ama. Natumpacan mo, Teodora. ¿At ano ang inyong acalà? ¿di baga totoo ang uica co?Si Teodora. Oo pô; datapoua,t, magmula ng̃ayon, ay capag pinasimulan co ang anomang gauà ay ipatutuloy co nang ipatutuloy hangan sa matapus.Ang ama. Ganito ng̃a ang magaling, sa pagca,t, sa paraang ito,y, napaiguing totoo si Robinson, caya ng̃a nagcaroon siya nang di mamagcanong caligayahan nang maquita niyang sa icasiam na arao nayari na ang caniyang panà, na ualà nangculang cundi ang busog at mang̃a palasò. Cung caniyang naisipan ang paggauà nang panà niong macapatay siya nang hayop na llama, marahil ay titicman niyang gauing busog; sa pagca,t, natatalastas niyang magaling na sa Europa ay ang caraniuang guinagauang busog ay ang bituca nang tupa; datapoua,t, sa caualan nang bituca, ay pinili niya ang lubid na lalong matibay, at saca isinunod niya ang paggauà nang palasò. ¡Gaano caya ang pagpapasalamat niya sa magbibigay sa caniya nang capirasong bacal na sucat mailagay sa dulo! Datapoua,t, nang pinagiisipisip niya na ualang masasapit ang caniyang nasà, ay siya,y, na sa sa pintô nang caniyang yung̃ib at caniyang ilalagay sa dulo nang palasò, cahit hindi man bacal, nagcataong nailing̃on niya ang caniyang mata sa capirasong guintô, na parang ualang cabuluhang bagay ay nacalagay lamang sa lupà. Sinicaran niya ang capirasong guintò, at ang uicà niya, ay maguing bacal ca, cung ibig mong quita,y, pahalagahan. Capagcauicà nito ay hindi man lamang tiningnang mulî.
Si Teodora.(Na quinacausap ang caniyang, mang̃a casama.)Ang bagay na ito,y, sinasabi nang ating ama sa atin.
Ang ama. Natumpacan mo, Teodora. ¿At ano ang inyong acalà? ¿di baga totoo ang uica co?
Si Teodora. Oo pô; datapoua,t, magmula ng̃ayon, ay capag pinasimulan co ang anomang gauà ay ipatutuloy co nang ipatutuloy hangan sa matapus.
Ang ama. Ganito ng̃a ang magaling, sa pagca,t, sa paraang ito,y, napaiguing totoo si Robinson, caya ng̃a nagcaroon siya nang di mamagcanong caligayahan nang maquita niyang sa icasiam na arao nayari na ang caniyang panà, na ualà nangculang cundi ang busog at mang̃a palasò. Cung caniyang naisipan ang paggauà nang panà niong macapatay siya nang hayop na llama, marahil ay titicman niyang gauing busog; sa pagca,t, natatalastas niyang magaling na sa Europa ay ang caraniuang guinagauang busog ay ang bituca nang tupa; datapoua,t, sa caualan nang bituca, ay pinili niya ang lubid na lalong matibay, at saca isinunod niya ang paggauà nang palasò. ¡Gaano caya ang pagpapasalamat niya sa magbibigay sa caniya nang capirasong bacal na sucat mailagay sa dulo! Datapoua,t, nang pinagiisipisip niya na ualang masasapit ang caniyang nasà, ay siya,y, na sa sa pintô nang caniyang yung̃ib at caniyang ilalagay sa dulo nang palasò, cahit hindi man bacal, nagcataong nailing̃on niya ang caniyang mata sa capirasong guintô, na parang ualang cabuluhang bagay ay nacalagay lamang sa lupà. Sinicaran niya ang capirasong guintò, at ang uicà niya, ay maguing bacal ca, cung ibig mong quita,y, pahalagahan. Capagcauicà nito ay hindi man lamang tiningnang mulî.
Sa caniyang caiisip, ay naalaalang naring̃ig niyang minsan, na ang guinagamitnang mang̃a tauong bundoc na pinacadulo nang sibat at palasò ay ang mang̃a tinic nang isdang malalaqui, at ang mang̃a bató namang matutulis, at pinasaya niya sa loob na matularan sila, at saca gumauà naman siya nang isang pinacasibat.Capagcaisip nito ay napa sa tabi nang dagat, doo,y, nagcapalad naman siya na nacaquita nang mang̃a tinic nang isdang caniyang hinahanap; namulot naman siya nang mang̃a batong inaacalà niyang mababagay sa gagau-in niyang sibat; pagcatapus ay pumutol siya nang isang matouid at mahabang cahoy na gagau-ing tangcay, saca umoui sa caniyang tahanan na basang basà ang catauan.Mang̃a ilang arao ay nayari niya ang mang̃a palasò at sibat; ang dulo nang sibat ay batong totoong matulis, at ang dulo nang mang̃a palasò ay ang mang̃a tinic nang isdà, at sa punò ay tinalian niya nang mang̃a pacpac nang ibon, sa pagca,t, sa ganitong paraan ay tumatacbong magaling.Tinicman niya ang caniyang panà, at inacalà niyang bagama,t, nagcuculang nang ilang bagay na quinacailang̃an, na cung ualang casangcapan ay hindi sucatmayari, gayon ma,y, inacala niyang sucat nang maipanà niya sa ibon at sa iba pang mang̃a hayop, at sinapantaha pa niyang masusugatan niya nang panà niyang yaon ang isang tauong bundoc na hubad, cung lumapit sa caniyang magaling. Datapoua,t, ang totoong iquinaliligaya niya ay ang caniyang sibat.At saca linapitan naman ang caniyang tinghay at mang̃a palayoc at caualing lupa, na sa pagca,t, naquita niyang tuyò na, ay caniyang gagamitin; dahil dito,y, linag-yan niya ang isang cauali nang capirasong tabà na quinuha niya sa mang̃a hayop na llama, na ang isip niya,y, cung matunao ay magagamit niyang pinacalang̃is. Datapoua,t, totoong sumamâ ang caniyang loob nang maquita niyang matunao ang tabâ ay tumatagas sa caniyang cauali, na caonting caonti lamang ang natira. Dito,y, napaghulohulo niya na gayon din ang mangyayari sa caniyang tinghoy at ibang mang̃a cauali at palayoc.Totoong malaqui ang caniyang capighatian, at baquit inaasamasam na niya na siya,y, macacacain nang sopas, at macacaroon siya nang ilao sa gabi; datapoua,t, naquita na ninyo na madaling napaui ang caniyang pagasa.
Sa caniyang caiisip, ay naalaalang naring̃ig niyang minsan, na ang guinagamitnang mang̃a tauong bundoc na pinacadulo nang sibat at palasò ay ang mang̃a tinic nang isdang malalaqui, at ang mang̃a bató namang matutulis, at pinasaya niya sa loob na matularan sila, at saca gumauà naman siya nang isang pinacasibat.
Capagcaisip nito ay napa sa tabi nang dagat, doo,y, nagcapalad naman siya na nacaquita nang mang̃a tinic nang isdang caniyang hinahanap; namulot naman siya nang mang̃a batong inaacalà niyang mababagay sa gagau-in niyang sibat; pagcatapus ay pumutol siya nang isang matouid at mahabang cahoy na gagau-ing tangcay, saca umoui sa caniyang tahanan na basang basà ang catauan.
Mang̃a ilang arao ay nayari niya ang mang̃a palasò at sibat; ang dulo nang sibat ay batong totoong matulis, at ang dulo nang mang̃a palasò ay ang mang̃a tinic nang isdà, at sa punò ay tinalian niya nang mang̃a pacpac nang ibon, sa pagca,t, sa ganitong paraan ay tumatacbong magaling.
Tinicman niya ang caniyang panà, at inacalà niyang bagama,t, nagcuculang nang ilang bagay na quinacailang̃an, na cung ualang casangcapan ay hindi sucatmayari, gayon ma,y, inacala niyang sucat nang maipanà niya sa ibon at sa iba pang mang̃a hayop, at sinapantaha pa niyang masusugatan niya nang panà niyang yaon ang isang tauong bundoc na hubad, cung lumapit sa caniyang magaling. Datapoua,t, ang totoong iquinaliligaya niya ay ang caniyang sibat.
At saca linapitan naman ang caniyang tinghay at mang̃a palayoc at caualing lupa, na sa pagca,t, naquita niyang tuyò na, ay caniyang gagamitin; dahil dito,y, linag-yan niya ang isang cauali nang capirasong tabà na quinuha niya sa mang̃a hayop na llama, na ang isip niya,y, cung matunao ay magagamit niyang pinacalang̃is. Datapoua,t, totoong sumamâ ang caniyang loob nang maquita niyang matunao ang tabâ ay tumatagas sa caniyang cauali, na caonting caonti lamang ang natira. Dito,y, napaghulohulo niya na gayon din ang mangyayari sa caniyang tinghoy at ibang mang̃a cauali at palayoc.
Totoong malaqui ang caniyang capighatian, at baquit inaasamasam na niya na siya,y, macacacain nang sopas, at macacaroon siya nang ilao sa gabi; datapoua,t, naquita na ninyo na madaling napaui ang caniyang pagasa.
Si Enrique.Totoo ng̃a pô na malaquing capighatian ang cacamtan sa pagcaquitang naualang cabuluhan ang caniyang pinagpaguran na mahabang arao.Ang ama.Ualà ng̃ang pagsala, at mayroong mang̃a tauo na mayayamot na at babasaguin na ang lahat. Datapoua,t, si Robinson ay mayroon nang caunting catiisan, at tinica niyang matibay na cailan ma,y, di gagauà nang anomang bagay na pasapiao lamang, cailan ma,t, mangyaring magaua niyang magaling.
Si Enrique.Totoo ng̃a pô na malaquing capighatian ang cacamtan sa pagcaquitang naualang cabuluhan ang caniyang pinagpaguran na mahabang arao.
Ang ama.Ualà ng̃ang pagsala, at mayroong mang̃a tauo na mayayamot na at babasaguin na ang lahat. Datapoua,t, si Robinson ay mayroon nang caunting catiisan, at tinica niyang matibay na cailan ma,y, di gagauà nang anomang bagay na pasapiao lamang, cailan ma,t, mangyaring magaua niyang magaling.
Umupo siya sa isang suloc na caniyang pinagiisipan, (gayon ang tauag niya sa isang suloc nang caniyang yung̃ib, na caraniuang pinapasucan niya capag may pinagcucurong anomang bagay na mahalaga) at pinasimulan niya ang pagcamot sa noo.Hindi pa nagtitiguil ang laguing paguulan, at caya lamang nagliuanag ang lang̃it ay nang macaraan na ang dalauang bouan. Inacalà ni Robinson na pasisimulan na ang panahon nang totoong taglamig ó invierno, datapoua,t, nacaraan na. Naquiquita niya nang malaquing pagtataca na ang primavera, ang panahon bagang pamumulaclac at pagusbong nang mang̃a bagong halaman ay pinasisimulanna; ito,y, isang bagay na hindi niya malirip, at cahit caniyang naquita ay tila hindi pa mapaniualaan. Ang bagay na ito, aniya, ay nagtuturò sa aquin na di co dapat salahin pagdaca ang anomang bagay na di co mapaguari.
Umupo siya sa isang suloc na caniyang pinagiisipan, (gayon ang tauag niya sa isang suloc nang caniyang yung̃ib, na caraniuang pinapasucan niya capag may pinagcucurong anomang bagay na mahalaga) at pinasimulan niya ang pagcamot sa noo.
Hindi pa nagtitiguil ang laguing paguulan, at caya lamang nagliuanag ang lang̃it ay nang macaraan na ang dalauang bouan. Inacalà ni Robinson na pasisimulan na ang panahon nang totoong taglamig ó invierno, datapoua,t, nacaraan na. Naquiquita niya nang malaquing pagtataca na ang primavera, ang panahon bagang pamumulaclac at pagusbong nang mang̃a bagong halaman ay pinasisimulanna; ito,y, isang bagay na hindi niya malirip, at cahit caniyang naquita ay tila hindi pa mapaniualaan. Ang bagay na ito, aniya, ay nagtuturò sa aquin na di co dapat salahin pagdaca ang anomang bagay na di co mapaguari.
Ang ina.At capagcauicà nito ¿hindi caya natulog?Si Teodora.Hindi pô, at cami po,y, hindi pa nagaantoc.Ang ama.Tungcol sa bagay na iyan ay ualà acong balità; datapoua,t, sa dating historia nang pagcatahan ni Robinson sa pulóng yaon, ay ualang nangyaring anomang bagay sa arao na yaon; inaacalà co na nang matapus na niyang mapagcurocurò ang paraan nang houag tumagas ang caniyang palayoc, ay siya,y, natulog na. Ito rin naman ang gagau-in natin hangang mamaya, nang tayo,y, maguising na maaga.
Ang ina.At capagcauicà nito ¿hindi caya natulog?
Si Teodora.Hindi pô, at cami po,y, hindi pa nagaantoc.
Ang ama.Tungcol sa bagay na iyan ay ualà acong balità; datapoua,t, sa dating historia nang pagcatahan ni Robinson sa pulóng yaon, ay ualang nangyaring anomang bagay sa arao na yaon; inaacalà co na nang matapus na niyang mapagcurocurò ang paraan nang houag tumagas ang caniyang palayoc, ay siya,y, natulog na. Ito rin naman ang gagau-in natin hangang mamaya, nang tayo,y, maguising na maaga.
TALABABA:[5]Sa Europa, cung panahon nang taglamig ay nalalagas ang mang̃a dahon nang mang̃a halaman na parang patay, at hindi nagsisipamung̃a sa panahong yaon.
[5]Sa Europa, cung panahon nang taglamig ay nalalagas ang mang̃a dahon nang mang̃a halaman na parang patay, at hindi nagsisipamung̃a sa panahong yaon.
[5]Sa Europa, cung panahon nang taglamig ay nalalagas ang mang̃a dahon nang mang̃a halaman na parang patay, at hindi nagsisipamung̃a sa panahong yaon.
Si Juan.Ng̃ayon po,y, cung malagay aco sana sa lugar ni Robinson.Ang ama.¿Ibig mo baga?Si Juan.Oo pô, sa pagca,t, mayroon ang lahat na mang̃a quinacailang̃an, at natitira siya sa isang lugar na totoong magaling, na ualang totoong taglamig ó invierno.Ang ama.¿Cung sa bagay ay nasa sa caniya ang lahat niyang quinacailang̃an?Si Juan.¿Di pô baga siya,y, mayroong patatas, at lamang cati, at asin, at dayap, at isdà, at pagong, at talaba, at gatas na caniyang guinagatas sa mang̃a hayop na llama? ¿Di pô baga siya macagagauà nang mantica at queso?Ang ama.Mangyayari ng̃ayong mang̃a ilang arao ay macagauà siya.Si Juan.¿At di pô baga naman mayroon siyang isang panà at isang sibat; at ang lalonglalo pa ay mayroon siyang isang mabuting tahanan? ¿Cung gayon ano pa ang iibiguin?Ang ama.Ang lahat nang ito,y, quiniquilala at pinahahalagahan ni Robinson nang ualang hangan, at pinasasalamatang macalilibo sa Dios; at gayon ma,y, ibibigay niya ang calahati nang mang̃a arao nang caniyang buhay sa natitira, cung pagcacalooban siyang may dumating na isang sasac-yan nang siya,y, macaoui sa canilang bayan.Si Juan. Datapoua,t, sabihin pô ninyo sa aquin. ¿ano pong quinuculang sa caniya?Ang ama. Maraming bagay, totoong marami, at halos masasabi co sa iyo na quinuculang siya sa lahat nang bagay. Uala siya niyong mang̃a cagaling̃an na iquina-paguiguing mapalad nang tauo dito sa mundo: uala siya sa casamahan nang mang̃a tauo, uala siyang caìbigan, uala siyang capoua tauong sucat ibiguin at umibig sa caniya. Nalalayô siya sa caniyang mang̃a magulang, na totoong nagpipighati dahil sa pagcaualà niya, naualay siya sa caniyang mang̃a catoto, na ualà ng̃ang pagasang sucat pa niyang maquita cailan man, nalalayò siya sa lahat nang tauo dito sa lupa ... ¡Cahabaghabag na Robinson sa gayong cahambalhambal na calagayan! ¿Cahit ano bagang casaganaan niya sa lahat nang bagay dito sa lupa, ay ipagcacamit caya niya nang caaliuan? Ticman mong minsan na icao ay lumagay na isang arao sa isang suloc na ualang casama sinoman, at maquiquilala mo cung ano ang mabuhay na nagiisa.
Si Juan.Ng̃ayon po,y, cung malagay aco sana sa lugar ni Robinson.
Ang ama.¿Ibig mo baga?
Si Juan.Oo pô, sa pagca,t, mayroon ang lahat na mang̃a quinacailang̃an, at natitira siya sa isang lugar na totoong magaling, na ualang totoong taglamig ó invierno.
Ang ama.¿Cung sa bagay ay nasa sa caniya ang lahat niyang quinacailang̃an?
Si Juan.¿Di pô baga siya,y, mayroong patatas, at lamang cati, at asin, at dayap, at isdà, at pagong, at talaba, at gatas na caniyang guinagatas sa mang̃a hayop na llama? ¿Di pô baga siya macagagauà nang mantica at queso?
Ang ama.Mangyayari ng̃ayong mang̃a ilang arao ay macagauà siya.
Si Juan.¿At di pô baga naman mayroon siyang isang panà at isang sibat; at ang lalonglalo pa ay mayroon siyang isang mabuting tahanan? ¿Cung gayon ano pa ang iibiguin?
Ang ama.Ang lahat nang ito,y, quiniquilala at pinahahalagahan ni Robinson nang ualang hangan, at pinasasalamatang macalilibo sa Dios; at gayon ma,y, ibibigay niya ang calahati nang mang̃a arao nang caniyang buhay sa natitira, cung pagcacalooban siyang may dumating na isang sasac-yan nang siya,y, macaoui sa canilang bayan.
Si Juan. Datapoua,t, sabihin pô ninyo sa aquin. ¿ano pong quinuculang sa caniya?
Ang ama. Maraming bagay, totoong marami, at halos masasabi co sa iyo na quinuculang siya sa lahat nang bagay. Uala siya niyong mang̃a cagaling̃an na iquina-paguiguing mapalad nang tauo dito sa mundo: uala siya sa casamahan nang mang̃a tauo, uala siyang caìbigan, uala siyang capoua tauong sucat ibiguin at umibig sa caniya. Nalalayô siya sa caniyang mang̃a magulang, na totoong nagpipighati dahil sa pagcaualà niya, naualay siya sa caniyang mang̃a catoto, na ualà ng̃ang pagasang sucat pa niyang maquita cailan man, nalalayò siya sa lahat nang tauo dito sa lupa ... ¡Cahabaghabag na Robinson sa gayong cahambalhambal na calagayan! ¿Cahit ano bagang casaganaan niya sa lahat nang bagay dito sa lupa, ay ipagcacamit caya niya nang caaliuan? Ticman mong minsan na icao ay lumagay na isang arao sa isang suloc na ualang casama sinoman, at maquiquilala mo cung ano ang mabuhay na nagiisa.
Bucod dito,y, hindi pa niya natatacpan ang ibang mang̃a cailang̃an na nacapagbibigay hirap sa caniya. Ang lahat nang damit na nasa catauan ay naaagnasgulagulanit, at hindi niya maalaman cung paano ang dapat niyang gau-ing paggauà nang bago.
Bucod dito,y, hindi pa niya natatacpan ang ibang mang̃a cailang̃an na nacapagbibigay hirap sa caniya. Ang lahat nang damit na nasa catauan ay naaagnasgulagulanit, at hindi niya maalaman cung paano ang dapat niyang gau-ing paggauà nang bago.
Si Nicolás. Cahit ualang damit ay mangyayari siyang tumahan sa isang pulò, na totoong mainit, at doo,y, hindi nagdaraan ang invierno ó totoong taglamig.Si Luisa. ¿Paano? ¿lalacad baga siyang hubad doon?Ang ama. Totoo ng̃a,t, hindi quinacailang̃an ang damit, sa pagca,t, doo,y, hindi totoong malamig; datapoua,t, quinacailang̃an ang siya,y, maligtas sa mang̃a lamoc na totoong marami sa pulóng yaon. Ang mang̃a lamoc doon ay totoong masasaquit sisiguid at totoong pinahihirapan ang mang̃a nagsisitahan doon, at namamagâ ang lugar na masiguid at totoong masaquit na para nang siguid nang bubuyog at pucyutan; at caya ng̃a ang muc-hâ at camay ni Robinson ay palaguing namamagâ. Tingnan ninyo cung gaano ang caniyang sindac, nang maquitang naaagnas na ang caniyang damit.
Si Nicolás. Cahit ualang damit ay mangyayari siyang tumahan sa isang pulò, na totoong mainit, at doo,y, hindi nagdaraan ang invierno ó totoong taglamig.
Si Luisa. ¿Paano? ¿lalacad baga siyang hubad doon?
Ang ama. Totoo ng̃a,t, hindi quinacailang̃an ang damit, sa pagca,t, doo,y, hindi totoong malamig; datapoua,t, quinacailang̃an ang siya,y, maligtas sa mang̃a lamoc na totoong marami sa pulóng yaon. Ang mang̃a lamoc doon ay totoong masasaquit sisiguid at totoong pinahihirapan ang mang̃a nagsisitahan doon, at namamagâ ang lugar na masiguid at totoong masaquit na para nang siguid nang bubuyog at pucyutan; at caya ng̃a ang muc-hâ at camay ni Robinson ay palaguing namamagâ. Tingnan ninyo cung gaano ang caniyang sindac, nang maquitang naaagnas na ang caniyang damit.
Ang bagay na ito at ang daquilang pagnanasang maquita ang caniyang mang̃a magulang, ó ang macasama naman nang mang̃a tauo, ay dahil sa mang̃a bagay na ito,y, napipilitan siyang magbuntong hining̃a sa touitoui nang mailing̃ap ang matang lumuluhà sa malauac na dagat, na ualà siyang naquiquita cundi ang tubig at lang̃it lamang. ¡Gaano ang casayahan nang caniyang pusò, na napadadala sa magdarayang pagasa cung nacaquiquita sa impapauid nang isang munting ulap, na sa caniyang guniguni ay inaaring isang sasac yan ná naglalayag! At capag napagquilala ang caniyang camalian, ¡ay gaano ang pagbagalbal nang luhà sa caniyang mang̃a mata, at parang iniinis ang caniyang pusong nagbabalic sa caniyang tahanan!
Ang bagay na ito at ang daquilang pagnanasang maquita ang caniyang mang̃a magulang, ó ang macasama naman nang mang̃a tauo, ay dahil sa mang̃a bagay na ito,y, napipilitan siyang magbuntong hining̃a sa touitoui nang mailing̃ap ang matang lumuluhà sa malauac na dagat, na ualà siyang naquiquita cundi ang tubig at lang̃it lamang. ¡Gaano ang casayahan nang caniyang pusò, na napadadala sa magdarayang pagasa cung nacaquiquita sa impapauid nang isang munting ulap, na sa caniyang guniguni ay inaaring isang sasac yan ná naglalayag! At capag napagquilala ang caniyang camalian, ¡ay gaano ang pagbagalbal nang luhà sa caniyang mang̃a mata, at parang iniinis ang caniyang pusong nagbabalic sa caniyang tahanan!
Si Luisa. Ang nararapat niyang gau-in ay magsacdal sa Dios, na marahil ay padadalhan siya nang isang sasac-yan.Ang ama. Ganito ng̃a ang caniyang guinagauà; datapoua,t, idinadagdag na palagui ang ganitong pang̃ung̃usap:houag mong papangyarihin, Pang̃inoon co, ang calooban co, cundi ang calooban mo.
Si Luisa. Ang nararapat niyang gau-in ay magsacdal sa Dios, na marahil ay padadalhan siya nang isang sasac-yan.
Ang ama. Ganito ng̃a ang caniyang guinagauà; datapoua,t, idinadagdag na palagui ang ganitong pang̃ung̃usap:houag mong papangyarihin, Pang̃inoon co, ang calooban co, cundi ang calooban mo.
Sa pagaalaala ní Robinson, na bacá sacali ay mayroong dumaan sa malapit sa caniyang pulò, ó matiguil caya doon ang alin mang sasac-yan sa oras na siya,y, nalalayô sa tabi nang dagat, ay inacalà niyang maglagay sa isang pulô nang isang tandâ na pagcaquilanlan nang alin mangsasac-yan doon ay magdaan, na doo,y, may humihing̃i nang tulong. Nagtayò ng̃a roon nang isang mahabang cahoy na binitinan nang isang bandilà.
Sa pagaalaala ní Robinson, na bacá sacali ay mayroong dumaan sa malapit sa caniyang pulò, ó matiguil caya doon ang alin mang sasac-yan sa oras na siya,y, nalalayô sa tabi nang dagat, ay inacalà niyang maglagay sa isang pulô nang isang tandâ na pagcaquilanlan nang alin mangsasac-yan doon ay magdaan, na doo,y, may humihing̃i nang tulong. Nagtayò ng̃a roon nang isang mahabang cahoy na binitinan nang isang bandilà.
Si Juan. ¿At saan pò quinuha ang bandilang iyan?Ang ama. Sasabihin co sa iyo. Naquiquita niyang masamâ na ang lagay nang caniyang barò, na di na niya maisoot na muli; at quinuha niya ang pinacamalaquing piraso, at ibinitin niya sa caitaasan nang mahabang cahoy na caniyang itinayò. Sacá ninanasà niyang masaquit na lag-yan nang sulat iyong cahoy na caniyang itinayo nang mapagquilalang maliuanag ang mahigpit niyang cailang̃an; datapoua,t, ¿paanong gagau-in niya ito? Ang nacaisa isang paraan na caniyang magagauà ay ang sulatan niya nang dulo nang caniyang sundang na bató; datapoua,t, ang lalong mahirap ay ang caniyang matalastas cung anong uica ang caniyang ilalagay. Cung isulat niya sa uicang francés ó inglés, ay mangyayaring dumating ang isang sasac-yang holandés, castila ó portugués, at marahil ay sinoman sa mang̃a nasasacay ay hindi nacatatalastas nang mang̃a pang̃ung̃usap na yaon sa capalaran niya,y, naalaala ang ilang mang̃a uicanglatin na itinuro sa caniya sa alisagà niyang pagaaral, na dahil dito,y, naipahayag ang caniyang inaacalà.Si Juan. Datapoua,t, ¿mauunauà caya ito nang mang̃a tauong nasasacay sa daong, na bacá sacali maparaan doon?Ang ama. Dapat mong matalastas na ang uicang latin, baga ma,t, hindi ipinang̃ung̃usap sa alin mang lugar, gayon man ay nacacalat at napaguunauà sa lahat nang nacion sa Europa: at halos ang lahat nang tauo na may camunting pinagaralan, ay macatatalastas nang caunti nang uicang ito. Naaayon ng̃a sa catouiran ang pagasa ni Robinson, na ang alin mang sasac-yan na doo,y, mapasadsad, ay hindi mauaualan nang macatatalastas nang caniyang isinulat na uicang latin.Si Juan. ¿At ano pò ang isinulat na yaon?Ang ama. Ito ang isinulat:Ferte opem misero Robinson.¿Natatalastas mo baga ito, Juan?Si Juan. Ang cahulugan pò nito,y, Tulung̃an ninyo ang caauaauang si Robinson.Ang ama. Ualang totoo siyang pinaghihirapan, para nang pagcasira nang caniyang sapin at medias, at ang mang̃a lamoc ay sinisiguid na mainam ang caniyang paa na di niya maitiguil sa saquít; datapoua,t,sa boong panahon nang paguulan ay dumaming totoo ang mang̃a hayop na ito, at dahil sa canilang mang̃a siguid ay namamagâ ang caniyang muc-hâ, mang̃a camay at paa.
Si Juan. ¿At saan pò quinuha ang bandilang iyan?
Ang ama. Sasabihin co sa iyo. Naquiquita niyang masamâ na ang lagay nang caniyang barò, na di na niya maisoot na muli; at quinuha niya ang pinacamalaquing piraso, at ibinitin niya sa caitaasan nang mahabang cahoy na caniyang itinayò. Sacá ninanasà niyang masaquit na lag-yan nang sulat iyong cahoy na caniyang itinayo nang mapagquilalang maliuanag ang mahigpit niyang cailang̃an; datapoua,t, ¿paanong gagau-in niya ito? Ang nacaisa isang paraan na caniyang magagauà ay ang sulatan niya nang dulo nang caniyang sundang na bató; datapoua,t, ang lalong mahirap ay ang caniyang matalastas cung anong uica ang caniyang ilalagay. Cung isulat niya sa uicang francés ó inglés, ay mangyayaring dumating ang isang sasac-yang holandés, castila ó portugués, at marahil ay sinoman sa mang̃a nasasacay ay hindi nacatatalastas nang mang̃a pang̃ung̃usap na yaon sa capalaran niya,y, naalaala ang ilang mang̃a uicanglatin na itinuro sa caniya sa alisagà niyang pagaaral, na dahil dito,y, naipahayag ang caniyang inaacalà.
Si Juan. Datapoua,t, ¿mauunauà caya ito nang mang̃a tauong nasasacay sa daong, na bacá sacali maparaan doon?
Ang ama. Dapat mong matalastas na ang uicang latin, baga ma,t, hindi ipinang̃ung̃usap sa alin mang lugar, gayon man ay nacacalat at napaguunauà sa lahat nang nacion sa Europa: at halos ang lahat nang tauo na may camunting pinagaralan, ay macatatalastas nang caunti nang uicang ito. Naaayon ng̃a sa catouiran ang pagasa ni Robinson, na ang alin mang sasac-yan na doo,y, mapasadsad, ay hindi mauaualan nang macatatalastas nang caniyang isinulat na uicang latin.
Si Juan. ¿At ano pò ang isinulat na yaon?
Ang ama. Ito ang isinulat:Ferte opem misero Robinson.¿Natatalastas mo baga ito, Juan?
Si Juan. Ang cahulugan pò nito,y, Tulung̃an ninyo ang caauaauang si Robinson.
Ang ama. Ualang totoo siyang pinaghihirapan, para nang pagcasira nang caniyang sapin at medias, at ang mang̃a lamoc ay sinisiguid na mainam ang caniyang paa na di niya maitiguil sa saquít; datapoua,t,sa boong panahon nang paguulan ay dumaming totoo ang mang̃a hayop na ito, at dahil sa canilang mang̃a siguid ay namamagâ ang caniyang muc-hâ, mang̃a camay at paa.
¡Di mamacailang siya,y, umupò sa suloc na caniyang pinagcucuruan, at nang caniyang mapagisipisip ang mang̃a paraan nang pagcacaroon nang damit! datapoua,t, ualà siyang napapaquinabang; cailan man ay siya,y, quinuculang nang alin mang casangcapan at nang ucol na carunung̃an, nang mangyaring caniyang macamtan ang lalò niyang ninanasà at ang lalò niyang quinacailang̃an.Cung gagau-in niyang damit ang mang̃a balat nang mang̃a hayop na llama ay inaacala niyang siyang lalong madaling paraan; datapoua,t, ang mang̃a balat ay magagaspang at matitigas, at cailan man ay hindi niya natalastas, at di man pinagmasdan niya cung paano ang guinagauà nang mang̃a nagpapalambot nang balat, at cung sacali ma,t, natutuhan niya ang bagay na ito, ay ualà naman siyang carayom at sinulid na maitahi, at nang macagauà siya nang papaano mang damit.Gayon ma,y, totoong malaqui ang caniyang pagcacailang̃an, sa pagca,t, saarao ma,t, sa gabi ay hindi siya pinababayaan nang mang̃a lamoc at iba pang hayop na naniniguid, na cung di niya lalag-yan nang paraan sapilitang siya,y, mamamatay.
¡Di mamacailang siya,y, umupò sa suloc na caniyang pinagcucuruan, at nang caniyang mapagisipisip ang mang̃a paraan nang pagcacaroon nang damit! datapoua,t, ualà siyang napapaquinabang; cailan man ay siya,y, quinuculang nang alin mang casangcapan at nang ucol na carunung̃an, nang mangyaring caniyang macamtan ang lalò niyang ninanasà at ang lalò niyang quinacailang̃an.
Cung gagau-in niyang damit ang mang̃a balat nang mang̃a hayop na llama ay inaacala niyang siyang lalong madaling paraan; datapoua,t, ang mang̃a balat ay magagaspang at matitigas, at cailan man ay hindi niya natalastas, at di man pinagmasdan niya cung paano ang guinagauà nang mang̃a nagpapalambot nang balat, at cung sacali ma,t, natutuhan niya ang bagay na ito, ay ualà naman siyang carayom at sinulid na maitahi, at nang macagauà siya nang papaano mang damit.
Gayon ma,y, totoong malaqui ang caniyang pagcacailang̃an, sa pagca,t, saarao ma,t, sa gabi ay hindi siya pinababayaan nang mang̃a lamoc at iba pang hayop na naniniguid, na cung di niya lalag-yan nang paraan sapilitang siya,y, mamamatay.
Si Enrique.At ¿anong dahil at quinapal nang Dios iyang mang̃a ualang casaysayang hayop, na ualang guinagauà cundi ang pahirapan tayo?Ang ama.Maitatanong co naman sa iyo, ¿baquit linalang ca nang Dios, at aco naman, at ang lahat nang tauo? Ang caniyang cagaling̃an ay totoong daquila, na hindi inibig na siya lamang ang mapalad, cundi inibig naman na pati nang caniyang mang̃a quinapal ay maguing mapalad. At itong mang̃a hayop na pinauaualan mong halaga, ¿di caya nagcacamit naman nang canilang capalaran at caguinhauahan?Si Enrique.Oo pô, sa pagca,t, naquiquita natin na naliligaya sa caliuanagan nang arao at sa cainitang tinatangap sa caniya, at naliligaya naman sa canilang quinacain at sa iba pang maraming bagay.Ang ama.Cung gayo,y, dito mo mapagcucurò, na linalang sila nang Dios, nang magcamit sila dito sa lupà nang mang̃a caguinhauahang iyan at nang capalarangsucat macamtan nila. ¿Di caya ito,y, isang panucalà na carapatdapatan sa isang Dios na cagalinggaling̃an at lubhang maauàin?Si Enrique.Totoo ng̃a pô; datapoua,t, ang ibig cong sabihin; ay mangyayaring houag lalang̃in nang Dios yaong mang̃a hayop na nacapagpapahirap canino man.Ang ama.Magpasalamat ca sa Dios at hindi guinauà ang gayong bagay.Si Enrique.¿At baquit pô?Ang ama.Sa pagca,t, cung iyan ang caniyang guinauà, ay icao man, aco man, at sino man sa atin ay hindi mabubuhay sa mundo, sa pagca,t, tayong mang̃a tauo ang siyang lalong nacapagpapahirap. Hindi lamang ating alipin ang ibang may caramdaman at buhay, cundi naman pinapatay natin sa toui nating maibigan, at nang ating macain ang canilang laman, at nang ating paquinabang̃an ang canilang balat, cung minsan nama,y, nang houag tayong siguirin, ó cung minsa,y, maraanan lamang natin ay pinapatay natin, at sa catapusa,y, cahit ualang cadahilanang ayon sa catouiran ay pinapatay natin. Cung sa bagay, ¿di lalong may catouiran ang mang̃a hayop, sa pagtanong na cung baquit linalang nang Dios ang tauo na totoong malupit at tampalasan sacanila? At ¿anong isasagot mo sa isang lang̃ao na tumanong nang ganito?Si Enrique.Iyon pô ang hindi co naaalaman.Ang ama.Paquingan mo, at aquing sasagutin ang tanong nang lang̃ao: ang iyong tanong ay totoong pang̃ahas, at maliuanag na napagtatalastas na ualà cang pagiisip na sucat macapagcurò; sa pagca,t, cundi gayon, ay sucat na lamang ang sandaling pagiisip, na ang Dios, dahil lamang sa caniyang cagaling̃an ay linic-hà ang caniyang mang̃a quinapal, na ang isa ay magcacailang̃an sa isa at nang mabuhay, yayamang ang mang̃a halaman at mang̃a bung̃a nang cahoy ay dili sucat na macabusog sa sarisaring hayop na nang̃abubuhay. Nang mangyaring ang boong mundo ay mabuhay, yayamang sa tubig, sa lupa at sa hang̃in ay may mang̃a hayop na nang̃aliligaya sa canilang cabuhayan, at nang houag naman dumaming lubha ang alin mang bagay na hayop na macasasamâ sa iba; ay inibig nang ualang hangang carunung̃an nang Dios na ang isa,y, macain nang iba. At caya ng̃a icao, lang̃ao, na iniitit mo ang dugò nang ibang mang̃a hayop, at pati man nang dugò naming mang̃a tauo, ¿baquit mo aariing masamâ ang icao,y, hulihin nang gagamba, at icao ay canin nang lang̃aylang̃ayan?
Si Enrique.At ¿anong dahil at quinapal nang Dios iyang mang̃a ualang casaysayang hayop, na ualang guinagauà cundi ang pahirapan tayo?
Ang ama.Maitatanong co naman sa iyo, ¿baquit linalang ca nang Dios, at aco naman, at ang lahat nang tauo? Ang caniyang cagaling̃an ay totoong daquila, na hindi inibig na siya lamang ang mapalad, cundi inibig naman na pati nang caniyang mang̃a quinapal ay maguing mapalad. At itong mang̃a hayop na pinauaualan mong halaga, ¿di caya nagcacamit naman nang canilang capalaran at caguinhauahan?
Si Enrique.Oo pô, sa pagca,t, naquiquita natin na naliligaya sa caliuanagan nang arao at sa cainitang tinatangap sa caniya, at naliligaya naman sa canilang quinacain at sa iba pang maraming bagay.
Ang ama.Cung gayo,y, dito mo mapagcucurò, na linalang sila nang Dios, nang magcamit sila dito sa lupà nang mang̃a caguinhauahang iyan at nang capalarangsucat macamtan nila. ¿Di caya ito,y, isang panucalà na carapatdapatan sa isang Dios na cagalinggaling̃an at lubhang maauàin?
Si Enrique.Totoo ng̃a pô; datapoua,t, ang ibig cong sabihin; ay mangyayaring houag lalang̃in nang Dios yaong mang̃a hayop na nacapagpapahirap canino man.
Ang ama.Magpasalamat ca sa Dios at hindi guinauà ang gayong bagay.
Si Enrique.¿At baquit pô?
Ang ama.Sa pagca,t, cung iyan ang caniyang guinauà, ay icao man, aco man, at sino man sa atin ay hindi mabubuhay sa mundo, sa pagca,t, tayong mang̃a tauo ang siyang lalong nacapagpapahirap. Hindi lamang ating alipin ang ibang may caramdaman at buhay, cundi naman pinapatay natin sa toui nating maibigan, at nang ating macain ang canilang laman, at nang ating paquinabang̃an ang canilang balat, cung minsan nama,y, nang houag tayong siguirin, ó cung minsa,y, maraanan lamang natin ay pinapatay natin, at sa catapusa,y, cahit ualang cadahilanang ayon sa catouiran ay pinapatay natin. Cung sa bagay, ¿di lalong may catouiran ang mang̃a hayop, sa pagtanong na cung baquit linalang nang Dios ang tauo na totoong malupit at tampalasan sacanila? At ¿anong isasagot mo sa isang lang̃ao na tumanong nang ganito?
Si Enrique.Iyon pô ang hindi co naaalaman.
Ang ama.Paquingan mo, at aquing sasagutin ang tanong nang lang̃ao: ang iyong tanong ay totoong pang̃ahas, at maliuanag na napagtatalastas na ualà cang pagiisip na sucat macapagcurò; sa pagca,t, cundi gayon, ay sucat na lamang ang sandaling pagiisip, na ang Dios, dahil lamang sa caniyang cagaling̃an ay linic-hà ang caniyang mang̃a quinapal, na ang isa ay magcacailang̃an sa isa at nang mabuhay, yayamang ang mang̃a halaman at mang̃a bung̃a nang cahoy ay dili sucat na macabusog sa sarisaring hayop na nang̃abubuhay. Nang mangyaring ang boong mundo ay mabuhay, yayamang sa tubig, sa lupa at sa hang̃in ay may mang̃a hayop na nang̃aliligaya sa canilang cabuhayan, at nang houag naman dumaming lubha ang alin mang bagay na hayop na macasasamâ sa iba; ay inibig nang ualang hangang carunung̃an nang Dios na ang isa,y, macain nang iba. At caya ng̃a icao, lang̃ao, na iniitit mo ang dugò nang ibang mang̃a hayop, at pati man nang dugò naming mang̃a tauo, ¿baquit mo aariing masamâ ang icao,y, hulihin nang gagamba, at icao ay canin nang lang̃aylang̃ayan?
¿Anong uica mo rito, Enrique? cung ang lang̃ao ay may pagiisip, ¿di caya pahihinuhod sa sagot na ito?
¿Anong uica mo rito, Enrique? cung ang lang̃ao ay may pagiisip, ¿di caya pahihinuhod sa sagot na ito?
Si Enrique. Aco,y, totoong napahihinuhod.Ang ama. Cung gayo,y, pagbalican natin ng̃ayon ang ating Robinson. Sa malaquing caguipitan niya, ay guinugol ang buo niyang casipagan sa pagpapalambot nang balat nang hayop na llama sa caniyang sundang na bató: ang unang guinauà ay isang sapin, at pagcatapus ay gumauà nang pinacamedias, baga ma,t, totoong masamâ ang pagcagauà. Sa pagca,t, di mangyari niyang tahiin, ay binutasan na lamang at caniyang tinalian nang capirasong lubid, na ilinapat niya sa caniyang paa, na baga ma,t, totoo siyang pinahihirapan; at cahit caniyang ilinabas ang may balahibo, ay toui na,y, nararamdaman niya ang malaquing cainitan sa paa, at ang matigas na balat ay nacagagasgas nang caniyang paa sa munti siyang lumacad. Gayon ma,y, minamagaan niya ang cahirapang ito sa mang̃a siguid nang mang̃a lamoc.
Si Enrique. Aco,y, totoong napahihinuhod.
Ang ama. Cung gayo,y, pagbalican natin ng̃ayon ang ating Robinson. Sa malaquing caguipitan niya, ay guinugol ang buo niyang casipagan sa pagpapalambot nang balat nang hayop na llama sa caniyang sundang na bató: ang unang guinauà ay isang sapin, at pagcatapus ay gumauà nang pinacamedias, baga ma,t, totoong masamâ ang pagcagauà. Sa pagca,t, di mangyari niyang tahiin, ay binutasan na lamang at caniyang tinalian nang capirasong lubid, na ilinapat niya sa caniyang paa, na baga ma,t, totoo siyang pinahihirapan; at cahit caniyang ilinabas ang may balahibo, ay toui na,y, nararamdaman niya ang malaquing cainitan sa paa, at ang matigas na balat ay nacagagasgas nang caniyang paa sa munti siyang lumacad. Gayon ma,y, minamagaan niya ang cahirapang ito sa mang̃a siguid nang mang̃a lamoc.
Ang capirasong balat, na totoong matibay at matamboc ay guinauà niyang máscara na linag-yan niya nang dalauang butas sa dalauang matá, at isang butas sa bibig nang siya,y, macahing̃a. At yayamang nagauà na niya ito, ay hindi pinabayaang di mayari ang isang pinacabarò at isang pinacasalaual: tunay ng̃a at totoong mahirap gau-in ito; datapoua,t, ¿aling bagay ang nacacamtan nang ualang capaguran? ¿At aling cahirapan ang di nagagahis nang casipagan at catiisan? Sa catunaya,y, naquita ni Robinson nang boong caligayahan na nayari ang caniyang gauà.Ang caniyang pinacabarò ay tatlong pirapiraso, dalauang piraso sa dalauang camay at isang piraso sa catauan, na paraparang natatali: ang caniyang pinacasalaual ay dalaua namang piraso, sa harapan at sa licoran, na nang̃atatali rin: at nang matapus na niyang maisoot ang bago niyang damit ay itinagò niya ang sirasirang lumang damit, at ang caniyang nasá ay isoot sa mang̃a malalaquing capiestahan, at nang caniyang maipagdang̃al ang mang̃a cumpleaños nang caniyang mang̃a magulang.Di sucat masabi at catacatacang anyò ni Robinson sa damit na yaon, at ang mang̃a sandata at casangcapan na caniyangdala: nababalot magmulâ sa paa hangan sa ulo nang may balahibong balat; nasasacbat sa licod ang malaquing palacol na bató; nasasabit sa balicat ang caniyang supot, ang caniyang panà at mang̃a palasô; tang̃an sa caniyang canang camay ang caniyang sibat na totoong mahabà; sa caliuang camay ay ang caniyang payong na dahon nang niyog; at isang sombrero na parang buslong matulis ang dulo na nababalot nang balat nang hayop. Pagisipisipin ninyo cung ano ang maguiguing lagay niya. Sino mang macaquita sa caniya ay hindi macapagsasabi ni sa ilàlim nang damit na yaon ay natatagò ang isang tauong may pagiisip; at pati siya ay hindi natiis ang pagtataua nang maquita ang caniyang anyò nang siya,y, manalamin sa isang tubig na malinao.Sa pagnanasà niyang ipatuloy ang paggauà niya nang palayoc, ay gumauà siya sa sandaling panahon nang hurno; at nang maticman niya agad na cung sa carahasan nang apuy na nacuculong ay magcaroon nang pinacabarnis ang lupa, ipinasoc sa naturang hurno ang caniyang mang̃a palayoc at mang̃a cauali, at untiunting dinadagdagan nang apuy hangan sa nagalab ang boong hurno. Pagcatapusna caniyang maapuyan sa loob nang maghapong arao, ay pinabayaan niyang untiunting nagbauas ang init at nang caniyang maquita cung ano ang masasapit. ¿At ano caya ang nangyari? Ang unang palayoc ay hindi rin nagcabarnis, cahit anong casipagan ang caniyang guìnauà; gayon din ang icalaua at ang lahat naman; datapoua,t, nang caniyang pagmalasin ay natagpuan niya na ang isang cauali sa pinacapuit ay may pinacabarnis.Inacalà niyang ito,y, isang bagay na di sucat mapagcuro. ¿Ano cayang bagay aniya, na ang isa lamang na ito ang magcacaroon nang barnis at ang iba,y, hindi yayamang ang lahat nang ito,y, iisa ring lupa, at iniluto sa iisa ring hurno? Matagal na pinagisip niya ito; datapoua,t, sa calaunan ay caniyang natagpuan ang cadahilanan, na naalaala niya na may caunting asin na nailagay siya sa caualing yaon, niyong isoot niya sa hurno: at dito inacalà niya na ang asin ang naguing dahil nang barnis na yaon.
Ang capirasong balat, na totoong matibay at matamboc ay guinauà niyang máscara na linag-yan niya nang dalauang butas sa dalauang matá, at isang butas sa bibig nang siya,y, macahing̃a. At yayamang nagauà na niya ito, ay hindi pinabayaang di mayari ang isang pinacabarò at isang pinacasalaual: tunay ng̃a at totoong mahirap gau-in ito; datapoua,t, ¿aling bagay ang nacacamtan nang ualang capaguran? ¿At aling cahirapan ang di nagagahis nang casipagan at catiisan? Sa catunaya,y, naquita ni Robinson nang boong caligayahan na nayari ang caniyang gauà.
Ang caniyang pinacabarò ay tatlong pirapiraso, dalauang piraso sa dalauang camay at isang piraso sa catauan, na paraparang natatali: ang caniyang pinacasalaual ay dalaua namang piraso, sa harapan at sa licoran, na nang̃atatali rin: at nang matapus na niyang maisoot ang bago niyang damit ay itinagò niya ang sirasirang lumang damit, at ang caniyang nasá ay isoot sa mang̃a malalaquing capiestahan, at nang caniyang maipagdang̃al ang mang̃a cumpleaños nang caniyang mang̃a magulang.
Di sucat masabi at catacatacang anyò ni Robinson sa damit na yaon, at ang mang̃a sandata at casangcapan na caniyangdala: nababalot magmulâ sa paa hangan sa ulo nang may balahibong balat; nasasacbat sa licod ang malaquing palacol na bató; nasasabit sa balicat ang caniyang supot, ang caniyang panà at mang̃a palasô; tang̃an sa caniyang canang camay ang caniyang sibat na totoong mahabà; sa caliuang camay ay ang caniyang payong na dahon nang niyog; at isang sombrero na parang buslong matulis ang dulo na nababalot nang balat nang hayop. Pagisipisipin ninyo cung ano ang maguiguing lagay niya. Sino mang macaquita sa caniya ay hindi macapagsasabi ni sa ilàlim nang damit na yaon ay natatagò ang isang tauong may pagiisip; at pati siya ay hindi natiis ang pagtataua nang maquita ang caniyang anyò nang siya,y, manalamin sa isang tubig na malinao.
Sa pagnanasà niyang ipatuloy ang paggauà niya nang palayoc, ay gumauà siya sa sandaling panahon nang hurno; at nang maticman niya agad na cung sa carahasan nang apuy na nacuculong ay magcaroon nang pinacabarnis ang lupa, ipinasoc sa naturang hurno ang caniyang mang̃a palayoc at mang̃a cauali, at untiunting dinadagdagan nang apuy hangan sa nagalab ang boong hurno. Pagcatapusna caniyang maapuyan sa loob nang maghapong arao, ay pinabayaan niyang untiunting nagbauas ang init at nang caniyang maquita cung ano ang masasapit. ¿At ano caya ang nangyari? Ang unang palayoc ay hindi rin nagcabarnis, cahit anong casipagan ang caniyang guìnauà; gayon din ang icalaua at ang lahat naman; datapoua,t, nang caniyang pagmalasin ay natagpuan niya na ang isang cauali sa pinacapuit ay may pinacabarnis.
Inacalà niyang ito,y, isang bagay na di sucat mapagcuro. ¿Ano cayang bagay aniya, na ang isa lamang na ito ang magcacaroon nang barnis at ang iba,y, hindi yayamang ang lahat nang ito,y, iisa ring lupa, at iniluto sa iisa ring hurno? Matagal na pinagisip niya ito; datapoua,t, sa calaunan ay caniyang natagpuan ang cadahilanan, na naalaala niya na may caunting asin na nailagay siya sa caualing yaon, niyong isoot niya sa hurno: at dito inacalà niya na ang asin ang naguing dahil nang barnis na yaon.
Si Juan. ¿Tunay pô baga? ¿At ang asin pô baga ang gumauà niyon?Ang ama. Tunay ng̃a: ang natutuhan ni Robinson ay ang napagtatalastas na mahabang panahon, at siyang guinagauà saEuropa, na sa asin ay nagcacabarnis ang lupang inilulutò sa apuy. Binabasáng magaling ang mang̃a palayoc sa tubig na maalat, ó hinuhulugan ang hurnong nagnining̃as, cung gayon ang caniyang guinauà, ay ang lahat sana,y, nagcaroon nang barnis, at ito ang caniyang naranasan.
Si Juan. ¿Tunay pô baga? ¿At ang asin pô baga ang gumauà niyon?
Ang ama. Tunay ng̃a: ang natutuhan ni Robinson ay ang napagtatalastas na mahabang panahon, at siyang guinagauà saEuropa, na sa asin ay nagcacabarnis ang lupang inilulutò sa apuy. Binabasáng magaling ang mang̃a palayoc sa tubig na maalat, ó hinuhulugan ang hurnong nagnining̃as, cung gayon ang caniyang guinauà, ay ang lahat sana,y, nagcaroon nang barnis, at ito ang caniyang naranasan.
Caniyang pinaning̃as na ang hurno; binasâ na niya nang tubig na maalat ang ilang mang̃a palayoc at cauali, at ang iba,y, linag-yan niya nang asin at nang maticman niyang sabay ang dalauang paraan, datapoua,t, sa casalucuyan nang caniyang paggauà ay dinatnan siya nang isang sacunang totoo niyang iquinatacot na macalilibo: isang saquit.Naramdaman niya ang mahihigpit na saquit nang ulo, pagsisicsic nang dibdib at malaquing panghihinà sa boong catauan na sa gayong cahirapan ay ano ang masasapit nang isang tauong ualang sucat magalagà sinoman.¡Dios co! ang sigao niya ¿anong masasapit co, cung aco,y, mahigá sa banig dito na ualà sinomang mahabaguing tauo na magalagà sa aquin at tumulong, cung aco,y, manghinà; ualà cahit isang caibigan na pumahid nang malamig cong pauis, ó magbigay nang munting caguinhauanhan? ¿Ano, ang ipinagtalaga mo sa aquin, Macapangyarihang Dios?Capagcauica nang mang̃a pang̃ung̃usap na ito, sa malaquing capighatian at cahirapan, ay nabual sa lupang naghihimatay.Dito ng̃a ang mahigpit na pagsuboc nang lang̃it na ibig maticman ang caniyang catiisan, ay quinailang̃an niyang totoo na mahiguit sa una ang isang matibay at mapacumbabang pagasa sa Pang̃inoon nang dilang caauaan na sumasalahat nang bagay. Sa gayong calagayan na ualà sinomang tumulong, sa gayong panghihinà, ¿ano cayang caniyang sasapitin cundi ang mamatay na nalilipos nang di mamagcanong casalatan at cahirapan?Sa pagcahandusay sa lupa, na nacahaluquipquip nang mahigpit na halos di macapang̃usap, at di man macapagisip, ay naquiquibaca sa di mamagcanong cahirapan; at manacanacà lamang ay nacacating̃in sa lang̃it, at inahihintò ang mataos niyang paghibic, at hinihing̃an niyang tulong ang Amang Dios sa pamagitan nang maauaing Mananacop nang mang̃a tauo at nang caniyang calinislinisang Ina.Datapoua,t, ang caniya ring pagcabalisa sa saquit na caniyang tinitiis ay hindi ipinahintulot na siya,y, malagay na mahabang oras sa lupà; at caya ng̃a pinilit ang natitira niyang lacás, at ang nasà niya,y, ilapit sa caniyang hihigan, cung mangyayari, yaong mang̃a totoong cailang̃an na caniyang cacanin, bago maglubhâ ang caniyang saquit na di na macabang̃on, at di na siya macacuha nang anoman; nangyaring nailapit niya, baga ma,t, di mamagcanong cahirapan ang caniyang tiniis, sa caniyang hihigan ang dalauang bauo nang niyog na punò nang tubig, ilang mang̃a patatas na naquita niyang lutò, at apat na dayap, na siyang natira lamang sa caniyang mang̃a itinagó; bahaguia na lamang natatapus ang gauang ito, ay nahapay siya sa pagod at nahapay siya sa caniyang hihigan.Totoong icaliligaya ni Robinson na sa oras na yaon ay cunin na siya nang Dios sa buhay na ito, na biglang lagutin ang caniyang buhay, at nacapang̃ahas pang hing̃in niya ang camatayan na parang isang tang̃ing biyaya; datapoua,t, di naglaon at caniyang nagunamgunam na hindi ayon sa catouiran ang panalang̃ing ito. ¿Di caya, aniya, aco,y, anac nang Dios? ¿di caya naman siya ang aquing Ama, at Amang maauain, macapangyarihan, at sacdal nang carunung̃an? Cung gayo,y, ¿baquit cayaaco mang̃ang̃ahas na magtuturò nang gagau-in sa aquin? ¿Di caya niya natatalastas ang lalong nararapat sa aquin? At ¿di caya gagau-in niya sa aquin ang lalong nauucol sa icagagaling co? ganito ng̃a ang ualang pagsalang gagau-in sa aquin niyong maauaing Pang̃inoon. Sumapayapà ca, caloloua co; at sa ganitong pagiisa na ualang magampon ay magsacdal ca sa Macapangyarihang tagapagtangol nang mang̃a tauo sa pamag-itan nang lubhang masintahing Virgen María, at sapilitang tutulung̃an ca, oo, tutulung̃an ca sa cabuhayan at sa camatayan.Dito nanghinapang ang caniyang loob sa mang̃a paggugunamgunam na ito, na nagmamacaauà siya sa Lang̃it na siya,y, pagcalooban nang pagtitiis, nang houag siyang lubhang magdalamhati sa caralitaang yaon; datapoua,t, pinasucan siya nang isang malacás na lagnat. Cahit totoong nagbalot nang mang̃a balat nang hayop na llama ay hindi siya maginit, na tumagal ang pang̃ing̃iqui nang mang̃a dalauang oras. Sumunod ang pagiinit na parang apuy, na nanalaytay sa lahat nang mang̃a ugat, ay parang iniihao ang loob nang caniyang catauan; at sa laguing tiniboctiboc at quinabacaba nang caniyangdibdib ay parang siyang totoong napapagod. Dito sa cahambalhambal na calagayan, ay bahaguia na lamang nadampot ang isang bauong tubig at caniyang nainom, nang malamiglamigan ang nanunuyô niyang dilà. Pagcatapus ay pinagpauisan nang catacot-tacot, na nacapagbigay sa caniya nang caunting caguinhauahan; dahil dito,y, pagcatapus nang isang oras ay lumacaslacás siya nang caunti.Bumungô sa caniyang pagiisip na bacá sacali mamatay ang apuy, cung di niya dagdagan ang gatong, at pinagpilitan niya, cahit siya,y, totoong nanghihinà at nahihilo, na lumapit sa sigâ, at lag-yan niya nang mang̃a cahoy na inaacala niyang casucatan hangan sa quinabucasan, sa pagca,t, niyo,y, matagal nang lumubog ang arao. Sa boò niyang buhay ay hindi siya nacaranas nang gayong calumbaylumbay at maligalig na gabi. Ang lamig at init nang lagnat na naghahalihaliling ualang pucnat, at ang lagui at matictic na saquit nang ulo ay hindi niya nacuhang maipiquit ang mata sa boong magdamag; at caya ng̃a lalong pinaghirapan niya sa quinabucasan ang pagdaragdag nang cahoy sa caniyang sigâ.Pinagpilitan niyang dagdagan din ang cahoy nang sigà sa gabi; datapoua,t, totoong naglubhâ ang caniyang saquit na hindi na niya nacuha. Napilitan siyang ihintò ang caniyang nasà, at inari niyang ualang cabuluhan ang pagiing̃at nang caniyang apuy, sa pagca,t, inacalà niyang tila malapit na ang caniyang camatayan.Sa gabing ito,y, lalò siyang nabalisa na mahiguit sa una. Ang caniyang apuy ay napugnao na, ang tubig na na sa bauo ay lumangtot na, at si Robinson ay hindi na macapihit sa caniyang hihigan. Nang inaacalà niyang nararamdaman na niya ang mang̃a cabalisanhang tagapang̃una sa camatayan, ay pinapanghinapang niya ang caniyang loob, sa paghahanda sa camatayan sa pamag-itan nang isang mataimtim na panalang̃in, na panibagong huming̃i siya nang tauad sa Dios sa caniyang mang̃a casalanan, mapacumbabang nagpasalamat siya sa mang̃a biyayang ipinagcaloob sa caniya habang siya,y, nabubuhay, baga ma,t, di siya carapatdapat; at tang̃i naman pinasalamatan ang mang̃a cahirapang ipinahatid sa caniya na icapagbago niya nang buhay, at quinilala niyang totoong nacagaling sa caniya ang mang̃a cahirapan ito. Sacá tinapos angcaniyang mang̃a panalang̃in sa pagmamacaauà sa Dios na big-yang caaliuan at magandang capalaran ang mang̃a cahabaghabag na magulang; at nang maipagtagubilin na ang caniyang caloloua sa ualang hangang caauaan nang Maycapal, ay hinintay nang boong pagasa ang huling sandali nang caniyang buhay.Tila ang camatayan ay nagtutuling lumalapit sa caniya: nauululan ang pagcabalisa; cacabacaba nang dibdib, at untiunting naghihirap nang paghing̃a. Tila dumarating na ang caquilaquilabot na sandali; nagdamdam siya nang isang caquilaquilabot na saquít na biglang nacainis sa caniyang pusò, nagsiquip ang caniyang paghing̃a na iquinapang̃inig niya, nalung̃ayng̃ay na marahan ang ulo ni Robinson, naualan nang caramdaman, at nanlalamig ang boong catauan.—Matagal na di na nacaquibo at di nanacaimic ang mang̃a batang naquiquinig, na parang iguinalang ang pagcaalaala doon sa canilang catoto na cailan ma,y, hindi naquita. ¡Caauaauang Robinson! ang uicà nang iba na nagbubuntong hining̃a. «¡Salamat, aniya, sa Dios! ang sigao naman nang iba, at natapus na ang caniyang mang̃a cahirapan¡» At saca lumigpit nasila, at taglay sa isip ang isang paggugunamgunam at isang di maipagcailang pagdaramdam sa pagcatapus nang cauiliuiling historia dahil sa pagcamatay ni Robinson, na di pa nila inaacalang mamamatay na.
Caniyang pinaning̃as na ang hurno; binasâ na niya nang tubig na maalat ang ilang mang̃a palayoc at cauali, at ang iba,y, linag-yan niya nang asin at nang maticman niyang sabay ang dalauang paraan, datapoua,t, sa casalucuyan nang caniyang paggauà ay dinatnan siya nang isang sacunang totoo niyang iquinatacot na macalilibo: isang saquit.
Naramdaman niya ang mahihigpit na saquit nang ulo, pagsisicsic nang dibdib at malaquing panghihinà sa boong catauan na sa gayong cahirapan ay ano ang masasapit nang isang tauong ualang sucat magalagà sinoman.
¡Dios co! ang sigao niya ¿anong masasapit co, cung aco,y, mahigá sa banig dito na ualà sinomang mahabaguing tauo na magalagà sa aquin at tumulong, cung aco,y, manghinà; ualà cahit isang caibigan na pumahid nang malamig cong pauis, ó magbigay nang munting caguinhauanhan? ¿Ano, ang ipinagtalaga mo sa aquin, Macapangyarihang Dios?
Capagcauica nang mang̃a pang̃ung̃usap na ito, sa malaquing capighatian at cahirapan, ay nabual sa lupang naghihimatay.
Dito ng̃a ang mahigpit na pagsuboc nang lang̃it na ibig maticman ang caniyang catiisan, ay quinailang̃an niyang totoo na mahiguit sa una ang isang matibay at mapacumbabang pagasa sa Pang̃inoon nang dilang caauaan na sumasalahat nang bagay. Sa gayong calagayan na ualà sinomang tumulong, sa gayong panghihinà, ¿ano cayang caniyang sasapitin cundi ang mamatay na nalilipos nang di mamagcanong casalatan at cahirapan?
Sa pagcahandusay sa lupa, na nacahaluquipquip nang mahigpit na halos di macapang̃usap, at di man macapagisip, ay naquiquibaca sa di mamagcanong cahirapan; at manacanacà lamang ay nacacating̃in sa lang̃it, at inahihintò ang mataos niyang paghibic, at hinihing̃an niyang tulong ang Amang Dios sa pamagitan nang maauaing Mananacop nang mang̃a tauo at nang caniyang calinislinisang Ina.
Datapoua,t, ang caniya ring pagcabalisa sa saquit na caniyang tinitiis ay hindi ipinahintulot na siya,y, malagay na mahabang oras sa lupà; at caya ng̃a pinilit ang natitira niyang lacás, at ang nasà niya,y, ilapit sa caniyang hihigan, cung mangyayari, yaong mang̃a totoong cailang̃an na caniyang cacanin, bago maglubhâ ang caniyang saquit na di na macabang̃on, at di na siya macacuha nang anoman; nangyaring nailapit niya, baga ma,t, di mamagcanong cahirapan ang caniyang tiniis, sa caniyang hihigan ang dalauang bauo nang niyog na punò nang tubig, ilang mang̃a patatas na naquita niyang lutò, at apat na dayap, na siyang natira lamang sa caniyang mang̃a itinagó; bahaguia na lamang natatapus ang gauang ito, ay nahapay siya sa pagod at nahapay siya sa caniyang hihigan.
Totoong icaliligaya ni Robinson na sa oras na yaon ay cunin na siya nang Dios sa buhay na ito, na biglang lagutin ang caniyang buhay, at nacapang̃ahas pang hing̃in niya ang camatayan na parang isang tang̃ing biyaya; datapoua,t, di naglaon at caniyang nagunamgunam na hindi ayon sa catouiran ang panalang̃ing ito. ¿Di caya, aniya, aco,y, anac nang Dios? ¿di caya naman siya ang aquing Ama, at Amang maauain, macapangyarihan, at sacdal nang carunung̃an? Cung gayo,y, ¿baquit cayaaco mang̃ang̃ahas na magtuturò nang gagau-in sa aquin? ¿Di caya niya natatalastas ang lalong nararapat sa aquin? At ¿di caya gagau-in niya sa aquin ang lalong nauucol sa icagagaling co? ganito ng̃a ang ualang pagsalang gagau-in sa aquin niyong maauaing Pang̃inoon. Sumapayapà ca, caloloua co; at sa ganitong pagiisa na ualang magampon ay magsacdal ca sa Macapangyarihang tagapagtangol nang mang̃a tauo sa pamag-itan nang lubhang masintahing Virgen María, at sapilitang tutulung̃an ca, oo, tutulung̃an ca sa cabuhayan at sa camatayan.
Dito nanghinapang ang caniyang loob sa mang̃a paggugunamgunam na ito, na nagmamacaauà siya sa Lang̃it na siya,y, pagcalooban nang pagtitiis, nang houag siyang lubhang magdalamhati sa caralitaang yaon; datapoua,t, pinasucan siya nang isang malacás na lagnat. Cahit totoong nagbalot nang mang̃a balat nang hayop na llama ay hindi siya maginit, na tumagal ang pang̃ing̃iqui nang mang̃a dalauang oras. Sumunod ang pagiinit na parang apuy, na nanalaytay sa lahat nang mang̃a ugat, ay parang iniihao ang loob nang caniyang catauan; at sa laguing tiniboctiboc at quinabacaba nang caniyangdibdib ay parang siyang totoong napapagod. Dito sa cahambalhambal na calagayan, ay bahaguia na lamang nadampot ang isang bauong tubig at caniyang nainom, nang malamiglamigan ang nanunuyô niyang dilà. Pagcatapus ay pinagpauisan nang catacot-tacot, na nacapagbigay sa caniya nang caunting caguinhauahan; dahil dito,y, pagcatapus nang isang oras ay lumacaslacás siya nang caunti.
Bumungô sa caniyang pagiisip na bacá sacali mamatay ang apuy, cung di niya dagdagan ang gatong, at pinagpilitan niya, cahit siya,y, totoong nanghihinà at nahihilo, na lumapit sa sigâ, at lag-yan niya nang mang̃a cahoy na inaacala niyang casucatan hangan sa quinabucasan, sa pagca,t, niyo,y, matagal nang lumubog ang arao. Sa boò niyang buhay ay hindi siya nacaranas nang gayong calumbaylumbay at maligalig na gabi. Ang lamig at init nang lagnat na naghahalihaliling ualang pucnat, at ang lagui at matictic na saquit nang ulo ay hindi niya nacuhang maipiquit ang mata sa boong magdamag; at caya ng̃a lalong pinaghirapan niya sa quinabucasan ang pagdaragdag nang cahoy sa caniyang sigâ.
Pinagpilitan niyang dagdagan din ang cahoy nang sigà sa gabi; datapoua,t, totoong naglubhâ ang caniyang saquit na hindi na niya nacuha. Napilitan siyang ihintò ang caniyang nasà, at inari niyang ualang cabuluhan ang pagiing̃at nang caniyang apuy, sa pagca,t, inacalà niyang tila malapit na ang caniyang camatayan.
Sa gabing ito,y, lalò siyang nabalisa na mahiguit sa una. Ang caniyang apuy ay napugnao na, ang tubig na na sa bauo ay lumangtot na, at si Robinson ay hindi na macapihit sa caniyang hihigan. Nang inaacalà niyang nararamdaman na niya ang mang̃a cabalisanhang tagapang̃una sa camatayan, ay pinapanghinapang niya ang caniyang loob, sa paghahanda sa camatayan sa pamag-itan nang isang mataimtim na panalang̃in, na panibagong huming̃i siya nang tauad sa Dios sa caniyang mang̃a casalanan, mapacumbabang nagpasalamat siya sa mang̃a biyayang ipinagcaloob sa caniya habang siya,y, nabubuhay, baga ma,t, di siya carapatdapat; at tang̃i naman pinasalamatan ang mang̃a cahirapang ipinahatid sa caniya na icapagbago niya nang buhay, at quinilala niyang totoong nacagaling sa caniya ang mang̃a cahirapan ito. Sacá tinapos angcaniyang mang̃a panalang̃in sa pagmamacaauà sa Dios na big-yang caaliuan at magandang capalaran ang mang̃a cahabaghabag na magulang; at nang maipagtagubilin na ang caniyang caloloua sa ualang hangang caauaan nang Maycapal, ay hinintay nang boong pagasa ang huling sandali nang caniyang buhay.
Tila ang camatayan ay nagtutuling lumalapit sa caniya: nauululan ang pagcabalisa; cacabacaba nang dibdib, at untiunting naghihirap nang paghing̃a. Tila dumarating na ang caquilaquilabot na sandali; nagdamdam siya nang isang caquilaquilabot na saquít na biglang nacainis sa caniyang pusò, nagsiquip ang caniyang paghing̃a na iquinapang̃inig niya, nalung̃ayng̃ay na marahan ang ulo ni Robinson, naualan nang caramdaman, at nanlalamig ang boong catauan.
—Matagal na di na nacaquibo at di nanacaimic ang mang̃a batang naquiquinig, na parang iguinalang ang pagcaalaala doon sa canilang catoto na cailan ma,y, hindi naquita. ¡Caauaauang Robinson! ang uicà nang iba na nagbubuntong hining̃a. «¡Salamat, aniya, sa Dios! ang sigao naman nang iba, at natapus na ang caniyang mang̃a cahirapan¡» At saca lumigpit nasila, at taglay sa isip ang isang paggugunamgunam at isang di maipagcailang pagdaramdam sa pagcatapus nang cauiliuiling historia dahil sa pagcamatay ni Robinson, na di pa nila inaacalang mamamatay na.
Si Cárlos. ¿At sa hapon pong ito ay di ninyo pasisimulan sa amin ang alin mang historia?Ang ama. Sa catunaya,y, napagquiquilala ninyong lahat sa aquing muc-hâ, na aco,y, natatalaga ng̃ayong magpahayag nang isang salitâ na sucat icatuto ninyo at icaalio; yayamang tayo,y, nagcatipon sa lilim nitong punong cahoy, ay samantalang linalala natin ang ating mang̃a buslô, at nang tayo,y, mabihasa sa gauang ito, ay sasalitin co sa inyo ang isang nangyari ... ¿Canino caya nangyari ...? Cay Robinson. ¡Baquit hindi cayo macasagot!Si Cárlos. Mangyari pô; si Robinson ay namatay ...Ang ama. Dahandahan ca, Cárlos. ¿Anongquinalaman natin cung pinagsaulan nang hining̃a? ¿Hindi mo naaalaalà na niyong arao ay naacala na nating patay, at gayon man ay buhay pa?Tunay ng̃a iniuan nating naghihimatay, nacahilig ang ulo, at ualang caramdaman; datapoua,t, untiunting napapaui ang caniyang pagcaliping; untiunting nagsasauli ang caniyang mang̃a caramdaman, at nagliuanag ang caniyang pagiisip.Ang lahat. Mabuti pò, mabuti pò cun, gayon. Malaqui pong totoo ang aming caligayahan.Ang ama. Isang malalim na buntong hining̃a ang naguing unang tandà nang pagalam niya nang pagcatauo. Ibinucas ang caniyang mang̃a mata, at inaling̃ap sa magcabicabila ang mang̃a nanlalabò niyang mata nang maalaman cung saan siya naroroon. Tila nagaalinglang̃an cung siya,y, buháy ó hindi; datapoua,t, nang matalastas na siya,y, buháy, ay totoong nagpighatî siya, sa pagca,t, doon sa cahambalhambal na calagayan ay lalò pa niyang iniibig ang magtuloy siyang mamatay.
Si Cárlos. ¿At sa hapon pong ito ay di ninyo pasisimulan sa amin ang alin mang historia?
Ang ama. Sa catunaya,y, napagquiquilala ninyong lahat sa aquing muc-hâ, na aco,y, natatalaga ng̃ayong magpahayag nang isang salitâ na sucat icatuto ninyo at icaalio; yayamang tayo,y, nagcatipon sa lilim nitong punong cahoy, ay samantalang linalala natin ang ating mang̃a buslô, at nang tayo,y, mabihasa sa gauang ito, ay sasalitin co sa inyo ang isang nangyari ... ¿Canino caya nangyari ...? Cay Robinson. ¡Baquit hindi cayo macasagot!
Si Cárlos. Mangyari pô; si Robinson ay namatay ...
Ang ama. Dahandahan ca, Cárlos. ¿Anongquinalaman natin cung pinagsaulan nang hining̃a? ¿Hindi mo naaalaalà na niyong arao ay naacala na nating patay, at gayon man ay buhay pa?
Tunay ng̃a iniuan nating naghihimatay, nacahilig ang ulo, at ualang caramdaman; datapoua,t, untiunting napapaui ang caniyang pagcaliping; untiunting nagsasauli ang caniyang mang̃a caramdaman, at nagliuanag ang caniyang pagiisip.
Ang lahat. Mabuti pò, mabuti pò cun, gayon. Malaqui pong totoo ang aming caligayahan.
Ang ama. Isang malalim na buntong hining̃a ang naguing unang tandà nang pagalam niya nang pagcatauo. Ibinucas ang caniyang mang̃a mata, at inaling̃ap sa magcabicabila ang mang̃a nanlalabò niyang mata nang maalaman cung saan siya naroroon. Tila nagaalinglang̃an cung siya,y, buháy ó hindi; datapoua,t, nang matalastas na siya,y, buháy, ay totoong nagpighatî siya, sa pagca,t, doon sa cahambalhambal na calagayan ay lalò pa niyang iniibig ang magtuloy siyang mamatay.
Nararamdaman niya ang totoo niyang cahinaan, baga ma,t, ualang casaquitang anomang nagpapahirap sa caniya, at anglagnat na totoo niyang dinaramdam, ay umouî sa pauis nang boong catauan; at nang mangyaring houag humintò ay siya,y, nagbalot nang mang̃a balat nang hayop na llama at hindi siya cumilos, hangan sa nang matapus ang calahating oras nacaramdam siya nang malaquing caguinhauahan.Hindi naglaon at sinumpong siya nang isang malaquing cauhauan; at nang siya,y, iinom, ay naquita niyang ang tubig ay lumangtot na; datapoua,t, nang maalaala niya ang mang̃a dayap, ay hinati niya ang isa, at sa pagsipsip niya nang catas, ay nabasâ at nalamigan ang nanunuyò niyang bibig; pagcatapus nito,y, di rin tumitiguil ang caniyang pagpapauis, ay siya,y, natulog nang mahimbing hangang quinaumagahan.¡Totoong maguinhaua ang paquiramdam niya doon sa mang̃a oras nang caniyang pagpahing̃alay cung inahahalintulad niya sa mang̃a saquit na nagpahirap sa caniya nang macaraang arao! Ang cabigatan nang saquit ay nacaraan na, uala na lamang natitira cundi isang daquilang cahinaan; at nacacaibig na siyang cumain, ay nagalmusal siya nang isang inihao na patatas, na pinigan nang dayap at nangmagcalasa. Ang caniyang mang̃a hayop na hindi na niya naalaalang dalauang arao, ay nagpaquita nang catouà touang bagay; sa pagca,t, humilig sa caniyang paanan, at ang isa,y, tinitingnan siyang magaling, na parang itinatanong cung ano ang caniyang lagay. Hindi cacaunting capalaran, na ang mang̃a hayop na yaon ay nangyaring nabuhay na di umiinom na mang̃a dalauang arao, sa pagca,t, cung hindi gayon ay totoong napapasamà sila sa loob nang pagcacasaquit nang canilang pang̃inoon; bucod dito,y, sa pagca,t, hindi pa siya macabang̃on at mabig-yan niya nang tubig ang caniyang mang̃a hayop ay magdaraan pa ang ilang arao na di sila iinom.Ang inahing hayop ay lumapit cay Robinson, at yayamang nalalapit na sa caniya ay pinagpilitan niyang gatasan. Ininom ang gatas nang may saquit, at ualang sala na di nacatulong nang malaqui sa caniyang paggaling yaong gatas na mainitinit pa, sa pagca,t, yayamang nagcacailang̃an nang mang̃a sustanciang pagcain, ay totoong nacabuti ng̃a sa caniya at nacaramdam siya nang malaquing caguinhauahan.Natulog siyang matahimic hangan salumubog ang arao, at nang maguising siya,y, nacaibig cumain, at yayamang ualà siyang sucat macain cundi ang mang̃a patatas na pinigan nang dayap, ay quinain niya, at pagcatapus nito,y, muling nacatulog. Ang pagtulog na ito na totoong matagal at matahimic, at ang calacasan nang catauan nang ating may saquit ay nacatulong nang di mamagcano sa caniyang paggaling, na quinabucasan ay nacabang̃on na, at nacalacad nang caunti.Bahaguia na lamang nacalabas sa caniyang yung̃ib; at nang dumating sa labas, ay itinaas ang caniyang mata sa lang̃it, sa oras na ang malamlam na sinag nang arao ay namamanaag magmulâ sa silang̃anan, naglalampas sa mang̃a mayamungmong sa mang̃a sang̃a nang cahoy, at dumarating hangan sa caniyang muc-hà, at dahil sa caiguihang init ay nacaguinhaua sa caniya. Inaacalà niyang siya,y, magaling na; at sa di mapiguil niyang caligayahan ay napasigao siya nang ganito: «¡Caibigibig na Pang̃inoon, masaganang batis nang cabuhayan! hinahandugan quita nang ualang licat na pasasalamat dahil sa cagaling̃ang ipinagcaloob mo sa aquing masdan co ang maliuanag na talà sa arao, at hang̃aan co angmang̃a gauang cababalaghan nang iyong mang̃a camay. Narito acong nang̃ang̃ayupapà na cumiquilala nang daquilà mong pagaampon, sa panahong aco,y, pinababayaan nang boong mundo; di mo pinabayaang aco,y, mamatay, at nang aco,y, mabig-yan mong panahon nang pagbabago cong buhay, at nang cung samantalahin co sa gauang itong lubhang mahalaga ang lalong caliitliitang sandali, ay humahandà aco sa alin mang oras sa pagpanao dito sa bayang cahapishapis at macarating aco sa huling darating sa tauo, na doon mo bibig-yan ang baua,t, isa nang ganti sa caniyang gauang magaling ó masamà.»Dito sa caniyang pagganting loob sa Maycapal, ay lumipat sa paggugunamgunam nang mang̃a quinapal. Pinagmamalas nang caniyang mang̃a mata ang calachan nang lang̃it, ang pananariuà nang mang̃a halamang bagong nadidilig nang hamog, ó ang caniyang mang̃a hayop na nagsisicsican sa caniya, na di lamang nagpapaquita nang caamoan, cundi naman nagpapasalamat sa caniyang paggaling. Sa pagcaquita nang bagay na yaon, na totoong catouatouà at cauiliuili, para nang dinaramdam nang isang tauong nangaling sa malayong lugar at naualang malaon,ay nuling nanunumbalic sa casamahan nang caniyang familia; ay lumambot ang caniyang pusò na iquinaluhà niya sa caligayahan.Ang hang̃in sa parang, ang pagcain nang gatas na tinubigan at ang capayapaan nang loob ay lubos na nacatulong sa caniyang cagaling̃an; at sa ilang arao ay nagsauli ang caniyang lacás, na siya,y, macapanunumbalic na sa mang̃a guinagauà niyang bagay.Ang caunaunahan niyang tiningnan at siniyasat ay ang caniyang mang̃a palayoc at caualing lupà, at nang caniyang maalaman cung ano ang nasapit. Datapoua,t, bahaguia na lamang niya nabubucsan ang hurno, ay naquita niyang ang lahat ay paraparang may barnis, na parang guinauà nang isang bihasa. Sa malaqui niyang caligayahan dahil sa pagcatumpac na ito, ay hindi man lamang niya naalaala na baga ma,t, siya,y, may palayoc at cauali ay hindi niya paquiquinabang̃an, sa pagca,t, ang quinuculang sa caniya ay ang lalong cailang̃an, ang apuy bagá. Datapoua,t, nang caniyang mapagisipisip ang bagay na ito ay siya,y, natiguilan at napatung̃ó ang ulo; cung minsan ay tinitingnan ang mang̃a palayoc at cauali, cungminsan naman ay ang mang̃a malalamig na abó nang caniyang sigá, at sa catapusa,y, nagbuntong hining̃a.Gayon ma,y, di niya pinahintulutan na siya,y, talunin nang calumbayan, at niuicà niya sa caniyang sarili; «ang Pang̃inoong Dios na nang una,y, nagbigay sa aquin nang apuy, ay may maraming paraan na mabig-yan niya aco uli; at cung inaacalà niyang mararapat, ay di pababayaang aco,y, magculang nitong bagay na totoong cailang̃an.»Dalauang bagay ang iquinaaalio niya. Ang isa,y, ang pagcatalastas na hindi na siya quinuculang nang mang̃a bagay naicaliligtas sa calamigan; at ang isa,y, baga ma,t, magmulà sa caniyang cabataan ay naugalian niya ang pagcain nang lamang cati, gayon ma,y, di na niya totoong paghihirapan na siya,y, maualan nang pagcaing yaon, sa pagca,t, sucat na sa caniya ang mang̃a bung̃ang cahoy at ang gatas nang hayop na llama.
Nararamdaman niya ang totoo niyang cahinaan, baga ma,t, ualang casaquitang anomang nagpapahirap sa caniya, at anglagnat na totoo niyang dinaramdam, ay umouî sa pauis nang boong catauan; at nang mangyaring houag humintò ay siya,y, nagbalot nang mang̃a balat nang hayop na llama at hindi siya cumilos, hangan sa nang matapus ang calahating oras nacaramdam siya nang malaquing caguinhauahan.
Hindi naglaon at sinumpong siya nang isang malaquing cauhauan; at nang siya,y, iinom, ay naquita niyang ang tubig ay lumangtot na; datapoua,t, nang maalaala niya ang mang̃a dayap, ay hinati niya ang isa, at sa pagsipsip niya nang catas, ay nabasâ at nalamigan ang nanunuyò niyang bibig; pagcatapus nito,y, di rin tumitiguil ang caniyang pagpapauis, ay siya,y, natulog nang mahimbing hangang quinaumagahan.
¡Totoong maguinhaua ang paquiramdam niya doon sa mang̃a oras nang caniyang pagpahing̃alay cung inahahalintulad niya sa mang̃a saquit na nagpahirap sa caniya nang macaraang arao! Ang cabigatan nang saquit ay nacaraan na, uala na lamang natitira cundi isang daquilang cahinaan; at nacacaibig na siyang cumain, ay nagalmusal siya nang isang inihao na patatas, na pinigan nang dayap at nangmagcalasa. Ang caniyang mang̃a hayop na hindi na niya naalaalang dalauang arao, ay nagpaquita nang catouà touang bagay; sa pagca,t, humilig sa caniyang paanan, at ang isa,y, tinitingnan siyang magaling, na parang itinatanong cung ano ang caniyang lagay. Hindi cacaunting capalaran, na ang mang̃a hayop na yaon ay nangyaring nabuhay na di umiinom na mang̃a dalauang arao, sa pagca,t, cung hindi gayon ay totoong napapasamà sila sa loob nang pagcacasaquit nang canilang pang̃inoon; bucod dito,y, sa pagca,t, hindi pa siya macabang̃on at mabig-yan niya nang tubig ang caniyang mang̃a hayop ay magdaraan pa ang ilang arao na di sila iinom.
Ang inahing hayop ay lumapit cay Robinson, at yayamang nalalapit na sa caniya ay pinagpilitan niyang gatasan. Ininom ang gatas nang may saquit, at ualang sala na di nacatulong nang malaqui sa caniyang paggaling yaong gatas na mainitinit pa, sa pagca,t, yayamang nagcacailang̃an nang mang̃a sustanciang pagcain, ay totoong nacabuti ng̃a sa caniya at nacaramdam siya nang malaquing caguinhauahan.
Natulog siyang matahimic hangan salumubog ang arao, at nang maguising siya,y, nacaibig cumain, at yayamang ualà siyang sucat macain cundi ang mang̃a patatas na pinigan nang dayap, ay quinain niya, at pagcatapus nito,y, muling nacatulog. Ang pagtulog na ito na totoong matagal at matahimic, at ang calacasan nang catauan nang ating may saquit ay nacatulong nang di mamagcano sa caniyang paggaling, na quinabucasan ay nacabang̃on na, at nacalacad nang caunti.
Bahaguia na lamang nacalabas sa caniyang yung̃ib; at nang dumating sa labas, ay itinaas ang caniyang mata sa lang̃it, sa oras na ang malamlam na sinag nang arao ay namamanaag magmulâ sa silang̃anan, naglalampas sa mang̃a mayamungmong sa mang̃a sang̃a nang cahoy, at dumarating hangan sa caniyang muc-hà, at dahil sa caiguihang init ay nacaguinhaua sa caniya. Inaacalà niyang siya,y, magaling na; at sa di mapiguil niyang caligayahan ay napasigao siya nang ganito: «¡Caibigibig na Pang̃inoon, masaganang batis nang cabuhayan! hinahandugan quita nang ualang licat na pasasalamat dahil sa cagaling̃ang ipinagcaloob mo sa aquing masdan co ang maliuanag na talà sa arao, at hang̃aan co angmang̃a gauang cababalaghan nang iyong mang̃a camay. Narito acong nang̃ang̃ayupapà na cumiquilala nang daquilà mong pagaampon, sa panahong aco,y, pinababayaan nang boong mundo; di mo pinabayaang aco,y, mamatay, at nang aco,y, mabig-yan mong panahon nang pagbabago cong buhay, at nang cung samantalahin co sa gauang itong lubhang mahalaga ang lalong caliitliitang sandali, ay humahandà aco sa alin mang oras sa pagpanao dito sa bayang cahapishapis at macarating aco sa huling darating sa tauo, na doon mo bibig-yan ang baua,t, isa nang ganti sa caniyang gauang magaling ó masamà.»
Dito sa caniyang pagganting loob sa Maycapal, ay lumipat sa paggugunamgunam nang mang̃a quinapal. Pinagmamalas nang caniyang mang̃a mata ang calachan nang lang̃it, ang pananariuà nang mang̃a halamang bagong nadidilig nang hamog, ó ang caniyang mang̃a hayop na nagsisicsican sa caniya, na di lamang nagpapaquita nang caamoan, cundi naman nagpapasalamat sa caniyang paggaling. Sa pagcaquita nang bagay na yaon, na totoong catouatouà at cauiliuili, para nang dinaramdam nang isang tauong nangaling sa malayong lugar at naualang malaon,ay nuling nanunumbalic sa casamahan nang caniyang familia; ay lumambot ang caniyang pusò na iquinaluhà niya sa caligayahan.
Ang hang̃in sa parang, ang pagcain nang gatas na tinubigan at ang capayapaan nang loob ay lubos na nacatulong sa caniyang cagaling̃an; at sa ilang arao ay nagsauli ang caniyang lacás, na siya,y, macapanunumbalic na sa mang̃a guinagauà niyang bagay.
Ang caunaunahan niyang tiningnan at siniyasat ay ang caniyang mang̃a palayoc at caualing lupà, at nang caniyang maalaman cung ano ang nasapit. Datapoua,t, bahaguia na lamang niya nabubucsan ang hurno, ay naquita niyang ang lahat ay paraparang may barnis, na parang guinauà nang isang bihasa. Sa malaqui niyang caligayahan dahil sa pagcatumpac na ito, ay hindi man lamang niya naalaala na baga ma,t, siya,y, may palayoc at cauali ay hindi niya paquiquinabang̃an, sa pagca,t, ang quinuculang sa caniya ay ang lalong cailang̃an, ang apuy bagá. Datapoua,t, nang caniyang mapagisipisip ang bagay na ito ay siya,y, natiguilan at napatung̃ó ang ulo; cung minsan ay tinitingnan ang mang̃a palayoc at cauali, cungminsan naman ay ang mang̃a malalamig na abó nang caniyang sigá, at sa catapusa,y, nagbuntong hining̃a.
Gayon ma,y, di niya pinahintulutan na siya,y, talunin nang calumbayan, at niuicà niya sa caniyang sarili; «ang Pang̃inoong Dios na nang una,y, nagbigay sa aquin nang apuy, ay may maraming paraan na mabig-yan niya aco uli; at cung inaacalà niyang mararapat, ay di pababayaang aco,y, magculang nitong bagay na totoong cailang̃an.»
Dalauang bagay ang iquinaaalio niya. Ang isa,y, ang pagcatalastas na hindi na siya quinuculang nang mang̃a bagay naicaliligtas sa calamigan; at ang isa,y, baga ma,t, magmulà sa caniyang cabataan ay naugalian niya ang pagcain nang lamang cati, gayon ma,y, di na niya totoong paghihirapan na siya,y, maualan nang pagcaing yaon, sa pagca,t, sucat na sa caniya ang mang̃a bung̃ang cahoy at ang gatas nang hayop na llama.