TALABABA:

Ang arao ay mapayapa, at ang hang̃in ay ayon sa canilang patutung̃uhan, caya caracaraca,y, di na nila maquita ang ciudad nang Hamburgo; at nang sumunod na arao ay na sa calauacan na sila nang dagat. Ang lupa,y, unti-unting nanaualà sa canilang mang̃a mata; datapoua,t, ¡laquing pagcagulat ni Robinson sa pagcaquitang uala siyang natatanao sa caliua,t, canan, sa licod at harapan, cundi pulos na tubig, at sa itaas naman ay lang̃it!

Ang arao ay mapayapa, at ang hang̃in ay ayon sa canilang patutung̃uhan, caya caracaraca,y, di na nila maquita ang ciudad nang Hamburgo; at nang sumunod na arao ay na sa calauacan na sila nang dagat. Ang lupa,y, unti-unting nanaualà sa canilang mang̃a mata; datapoua,t, ¡laquing pagcagulat ni Robinson sa pagcaquitang uala siyang natatanao sa caliua,t, canan, sa licod at harapan, cundi pulos na tubig, at sa itaas naman ay lang̃it!

Si Teodora.Marahil ay iya,y, totoong mariquit pagmasdan.Ang Ina.Hindi malayong iyong mapagmasdan ng̃ayong mang̃a ilang arao ang naquita ni Robinson.Si Teodora.Cung gayo,y, ¿tayo pô baga naman ay paparoon?Si Ramon.Paparoon tayo cung ating isasaloob ang pagtuturò sa atin nang Geografia, at capag natutuhan natin ang pagpapalipatlipat sa iba,t, ibang lugar.Ang Ama.Cung sa lagui ninyong pagsusumaquit sa paggaua, at sa inyong casiyahan sa pagcain at sa paginom ay magcaroon nang lacas ang inyong catua-an, nang mangyaring cayo,y, macapaglayag doon, marahil ay tayo,y, macapagpasial isang arao hangang Travemunda, na doonang mulà nang dagat na tinatauag na Báltico.Ang Lahat.¡Oh, totoong buti cung gayon!Ang Ama.Diya,y, lululan tayo, at tayo,y, dadalhin sa dagat hangang sa may icaapat na leguas.(Capagcaring̃ig nito,y, agad nagtindigang lahat, at niyacap sa liig ang canilang ama. May naglalambitin sa caniyang camay, at mayroong yumayacap sa caniyang mang̃a paa, na ipinaquiquilala ang canilang mang̃a catouaan sa paglulucsahan at pagtatacbuhan.)Si Luisa.¿Ipagsasama po naman ninyo aco?Ang Ina.Oo, cung sacali,t, icao ay malacas na, na sucat cang madala roon.Si Luisa.Datapoua,t totoong malayò, ¿ano pô, di pô baga ganoon? Marahil ay malayò pa sa Vandesbec,[1]na tinatahanan nang Sr. Claudio, at nang isang Caballlero na may isang bahay na malaqui, at isang halamanan na totoong malaqui, malaquing di palac sa halamanan natin. Aco,y, naparoon na niyong arao na humahanap tayo nang mang̃a batóng sarisaring culay; at niong....Ang ama. At niong pinanonood natin ang pagaararo nang lupa.Si Luisa. Oo ng̃a pò; at niong tayo,y, pumasoc sa pandayang malapit sa daan.Ang ama. At tayo,y, umaquiat sa guiling̃an.Si Luisa. ¡Aba! oo ng̃a pò: doon inilacpac nang hang̃in ang aquing sombrero.Ang ama. Ang sombrero na pinulot at iniabot sa iyo nang batà sa guiling̃an.Si Luisa. Yao,y, isang batang mabuti, ¿ano pô?Ang ama. Isang batang totoong mabuti, na nagpautang sa atin nang loob, cahi,t, di tayo niya naquiquilala.Si Luisa. ¿At inyo pò baga namang guinanti?Ang ama. Oo: ang baua,t, isa ay dapat gumanti sa nagpapautang sa atin nang loob. Datapoua,t, tila nalilimutan natin si Robinson. Magmadali tayo,t, cung hindi, ay di na natin siya aabutan, sa pagca,t, parang inalilipad ang caniyang paglayag.

Si Teodora.Marahil ay iya,y, totoong mariquit pagmasdan.

Ang Ina.Hindi malayong iyong mapagmasdan ng̃ayong mang̃a ilang arao ang naquita ni Robinson.

Si Teodora.Cung gayo,y, ¿tayo pô baga naman ay paparoon?

Si Ramon.Paparoon tayo cung ating isasaloob ang pagtuturò sa atin nang Geografia, at capag natutuhan natin ang pagpapalipatlipat sa iba,t, ibang lugar.

Ang Ama.Cung sa lagui ninyong pagsusumaquit sa paggaua, at sa inyong casiyahan sa pagcain at sa paginom ay magcaroon nang lacas ang inyong catua-an, nang mangyaring cayo,y, macapaglayag doon, marahil ay tayo,y, macapagpasial isang arao hangang Travemunda, na doonang mulà nang dagat na tinatauag na Báltico.

Ang Lahat.¡Oh, totoong buti cung gayon!

Ang Ama.Diya,y, lululan tayo, at tayo,y, dadalhin sa dagat hangang sa may icaapat na leguas.(Capagcaring̃ig nito,y, agad nagtindigang lahat, at niyacap sa liig ang canilang ama. May naglalambitin sa caniyang camay, at mayroong yumayacap sa caniyang mang̃a paa, na ipinaquiquilala ang canilang mang̃a catouaan sa paglulucsahan at pagtatacbuhan.)

Si Luisa.¿Ipagsasama po naman ninyo aco?

Ang Ina.Oo, cung sacali,t, icao ay malacas na, na sucat cang madala roon.

Si Luisa.Datapoua,t totoong malayò, ¿ano pô, di pô baga ganoon? Marahil ay malayò pa sa Vandesbec,[1]na tinatahanan nang Sr. Claudio, at nang isang Caballlero na may isang bahay na malaqui, at isang halamanan na totoong malaqui, malaquing di palac sa halamanan natin. Aco,y, naparoon na niyong arao na humahanap tayo nang mang̃a batóng sarisaring culay; at niong....

Ang ama. At niong pinanonood natin ang pagaararo nang lupa.

Si Luisa. Oo ng̃a pò; at niong tayo,y, pumasoc sa pandayang malapit sa daan.

Ang ama. At tayo,y, umaquiat sa guiling̃an.

Si Luisa. ¡Aba! oo ng̃a pò: doon inilacpac nang hang̃in ang aquing sombrero.

Ang ama. Ang sombrero na pinulot at iniabot sa iyo nang batà sa guiling̃an.

Si Luisa. Yao,y, isang batang mabuti, ¿ano pô?

Ang ama. Isang batang totoong mabuti, na nagpautang sa atin nang loob, cahi,t, di tayo niya naquiquilala.

Si Luisa. ¿At inyo pò baga namang guinanti?

Ang ama. Oo: ang baua,t, isa ay dapat gumanti sa nagpapautang sa atin nang loob. Datapoua,t, tila nalilimutan natin si Robinson. Magmadali tayo,t, cung hindi, ay di na natin siya aabutan, sa pagca,t, parang inalilipad ang caniyang paglayag.

Dalauang arao ay nagcaroon sila nang mabuting panahon at mabuting hang̃in. Sa icatlong arao ay nagdilim ang lang̃it at ang dagat, at nararagdagan nang nararagdagan ang dilim, at saca humihip ang hang̃ing totoong malacas. Cung minsa,y, totoong manining̃as ang quidlat, naanaqui tila nagaalab ang lang̃it; cung minsa,y, totoong nagdidilim na anaqui hating gabi; sacá sumusunod ang ualang licat na culog; catacottacot ang ulán, na anaqui ibinubuhos, at ang alon ay catacottacot na parang bundoc.¡Cung ating maquiquita ang linucsco-lucso nang sasac-yan! Sinasalubong nang isang mataas na alon na iquinatataas; sacá biglang ibinubulid sa cailaliman. Ang mang̃a tauo,y, humahanap nang macapitan, at nang houag silang mang̃ahulog sa guiniuang guiuang nang sasac-yan. Si Robinson na hindi datihan sa mang̃a bagay na ito, ay totoong nalulà, ualang licat ang pagsusucá na halos mamatay.

Dalauang arao ay nagcaroon sila nang mabuting panahon at mabuting hang̃in. Sa icatlong arao ay nagdilim ang lang̃it at ang dagat, at nararagdagan nang nararagdagan ang dilim, at saca humihip ang hang̃ing totoong malacas. Cung minsa,y, totoong manining̃as ang quidlat, naanaqui tila nagaalab ang lang̃it; cung minsa,y, totoong nagdidilim na anaqui hating gabi; sacá sumusunod ang ualang licat na culog; catacottacot ang ulán, na anaqui ibinubuhos, at ang alon ay catacottacot na parang bundoc.

¡Cung ating maquiquita ang linucsco-lucso nang sasac-yan! Sinasalubong nang isang mataas na alon na iquinatataas; sacá biglang ibinubulid sa cailaliman. Ang mang̃a tauo,y, humahanap nang macapitan, at nang houag silang mang̃ahulog sa guiniuang guiuang nang sasac-yan. Si Robinson na hindi datihan sa mang̃a bagay na ito, ay totoong nalulà, ualang licat ang pagsusucá na halos mamatay.

Si Juan. Ito ang caniyang napalâ.Ang ama. «¡Ay ama,t, ina co! ang palaguing isinisigao ni Robinson: cailan ma,y, di na ninyo aco maquiquita. ¡Laquing capalamarahan ang guinaua co sa pagbibigay sa inyo nang ganitong capighatian!»

Si Juan. Ito ang caniyang napalâ.

Ang ama. «¡Ay ama,t, ina co! ang palaguing isinisigao ni Robinson: cailan ma,y, di na ninyo aco maquiquita. ¡Laquing capalamarahan ang guinaua co sa pagbibigay sa inyo nang ganitong capighatian!»

Saca biglang naring̃ig na umalatiit sa ilalim nang cubierta ó carang. «¡Mahabag ca pô sa amin. Pang̃inoon namin!» ang isinisigao nang mang̃a marinero, na nang̃amumutlang di hamac. ¿Ano iyan? ¿ano ang nangyari? ang tanong ni Robinson, na halos mamatay sa tacot.—¡Caauaaua tayo! ang tugon sa caniya: tayo,y, mamamatay: ibinual nang culog ang palong trinquete, (sa macatouid, ay isa sa mang̃a tatlong árbol na matotouid nang isang sasac-yan, itong nabali ay siyang lalong nalalapit sa daong) at ang árbol mayor ay bahaguia na lamang tumatayò, na cailang̃ang putulin at ihulog sa tubig.«¡Tayo,y, mamamatay!» ang uicà nang isang na sa bodega: «ang sasac-yan ay mapupunò nang tubig.»Capagcaring̃ig nito ni Robinson na nacaupò sa camarote, ay naghimatay. Ang lahat ay nagsipaglimas, at nang cung mangyayari ay houag lumubog ang sasac-yan. Nang maquita nang isang marinero na si Robinson lamang ang hindi cumiquibò, ay siya,y, itinulac, at pinagsabihan na cung siya lamang ang hindi gagaua nang anoman.Tinicman ni Robinson na siya,y, nagbang̃on, cahi,t, totoong nanghihinà, at siya nama,y, naquilimas. Sa oras na ito,y, nagutos ang Capitan na magpaputoc nang cañon, at nang cung may nalalapit na ibang sasac-yan ay nang matalastas ang capang̃anibang quinalalag-yan nila. Hindi natalastas ni Robinson ang dahilan nang putoc na yaon, ay inacalang nabiac angsasac-yan, at dahil dito,y, muling naghimatay. May isang marinero na sa maquitang hindi siya cumiquilos ay itinulac siya,t, sinicaran at inacalang siya,y, patay.Sinasaquit ang paglilimas, datapoua,t, ang tubig ay lalong dumarami, at ualang inaantay cundi ang lumubog ang sasac-yan. Nang mangyaring gumaangaan, ay inihaguis sa dagat ang mang̃a bagay na hindi nila totoong quinacailang̃an, para nang mang̃a cañon, mang̃a cahoy at iba pa; datapoua,t, uala ring quinasapitan. Naring̃ig nang isang sasac-yan ang putoc nang cañon na palatandaan na may humihing̃ing tulong na ibang sasac-yan, at inilapit sa canila ang isang bangcá at nang maligtas ang mang̃a tauo; datapoua,t, ang bangcang ito,y, hindi macalapit, sa pagca,t, totoong malacas ang alon. Sa catapusa,y, nacalapit din sa popa ó huli at sila,y, hinaguisan nang lubid nang na sa pang̃anib na sasac-yan, at sa paraang ito,y, nailapit na mabuti ang bangcà at caracaraca,y, nagsilipat na lahat. Si Robinson na hindi macatayó ay inihaguis sa bangcà nang ibang mang̃a marinerong may auà sa caniya.Bahaguia na lamang nacagagaod, ayang sasac-yan na hindi pa nalalayò sa canila ay lumubog. Mabuti na lamang at pumayapà na ang panahon, at cundi ay lalamunin din nang alon ang bangcang punô nang tauo. Nang macaraan na sa di mamagcanong capang̃aniban, ay dumating din sa isang sasac-yan, at doon sila,y, pinalulan.

Saca biglang naring̃ig na umalatiit sa ilalim nang cubierta ó carang. «¡Mahabag ca pô sa amin. Pang̃inoon namin!» ang isinisigao nang mang̃a marinero, na nang̃amumutlang di hamac. ¿Ano iyan? ¿ano ang nangyari? ang tanong ni Robinson, na halos mamatay sa tacot.—¡Caauaaua tayo! ang tugon sa caniya: tayo,y, mamamatay: ibinual nang culog ang palong trinquete, (sa macatouid, ay isa sa mang̃a tatlong árbol na matotouid nang isang sasac-yan, itong nabali ay siyang lalong nalalapit sa daong) at ang árbol mayor ay bahaguia na lamang tumatayò, na cailang̃ang putulin at ihulog sa tubig.

«¡Tayo,y, mamamatay!» ang uicà nang isang na sa bodega: «ang sasac-yan ay mapupunò nang tubig.»

Capagcaring̃ig nito ni Robinson na nacaupò sa camarote, ay naghimatay. Ang lahat ay nagsipaglimas, at nang cung mangyayari ay houag lumubog ang sasac-yan. Nang maquita nang isang marinero na si Robinson lamang ang hindi cumiquibò, ay siya,y, itinulac, at pinagsabihan na cung siya lamang ang hindi gagaua nang anoman.

Tinicman ni Robinson na siya,y, nagbang̃on, cahi,t, totoong nanghihinà, at siya nama,y, naquilimas. Sa oras na ito,y, nagutos ang Capitan na magpaputoc nang cañon, at nang cung may nalalapit na ibang sasac-yan ay nang matalastas ang capang̃anibang quinalalag-yan nila. Hindi natalastas ni Robinson ang dahilan nang putoc na yaon, ay inacalang nabiac angsasac-yan, at dahil dito,y, muling naghimatay. May isang marinero na sa maquitang hindi siya cumiquilos ay itinulac siya,t, sinicaran at inacalang siya,y, patay.

Sinasaquit ang paglilimas, datapoua,t, ang tubig ay lalong dumarami, at ualang inaantay cundi ang lumubog ang sasac-yan. Nang mangyaring gumaangaan, ay inihaguis sa dagat ang mang̃a bagay na hindi nila totoong quinacailang̃an, para nang mang̃a cañon, mang̃a cahoy at iba pa; datapoua,t, uala ring quinasapitan. Naring̃ig nang isang sasac-yan ang putoc nang cañon na palatandaan na may humihing̃ing tulong na ibang sasac-yan, at inilapit sa canila ang isang bangcá at nang maligtas ang mang̃a tauo; datapoua,t, ang bangcang ito,y, hindi macalapit, sa pagca,t, totoong malacas ang alon. Sa catapusa,y, nacalapit din sa popa ó huli at sila,y, hinaguisan nang lubid nang na sa pang̃anib na sasac-yan, at sa paraang ito,y, nailapit na mabuti ang bangcà at caracaraca,y, nagsilipat na lahat. Si Robinson na hindi macatayó ay inihaguis sa bangcà nang ibang mang̃a marinerong may auà sa caniya.

Bahaguia na lamang nacagagaod, ayang sasac-yan na hindi pa nalalayò sa canila ay lumubog. Mabuti na lamang at pumayapà na ang panahon, at cundi ay lalamunin din nang alon ang bangcang punô nang tauo. Nang macaraan na sa di mamagcanong capang̃aniban, ay dumating din sa isang sasac-yan, at doon sila,y, pinalulan.

Si Teodora. Mabuti na lamang at ang mang̃a tauong ito,y, di nang̃alunod.Si Nicolás. ¡Totoong aco,y, nagaalaala at baca ng̃a mang̃alunod sila!Si Luisa. Cung gayo,y, madadalâ si Robinson, at hindi na gagauang mulî nang gayong capang̃ahasan.Ang ina. Ito rin ang inaacalà co; at marahil ay magcacabait na.Si Enrique. ¿At ano ang guinagaua sa caniya?Ang ama. Ang sasac-yang linipatan nila ay napatung̃o sa Lóndres. Nang macaraan ang apat na arao ay na sa sa uauà na sila nang Támesis; at sa icalimang arao ay dumoong na sila sa tapat nang ciudad nang Lóndres.Si Cárlos. ¿Ano pong cahulugan niyong uicang Támesis?Si Basilio. Ang Támesis ay isang ilog na Ingalaterra, na para naman nang ilog natin ditong Albis, na pinapasucan sa dagat at hindi nalalayô sa Lóndres. Capag nalalapit na sa dagat ang isang ilog ay tinatauag na uauà.Ang ama. Ang lahat ay nagsiahon sa lupà nang malaquing touà at naligtas sila sa capang̃aniban. Datapoua,t, ang unang guinauà ni Robinson ay ang panonood nang daquilang ciudad nang Lóndres, at nacalimutan ang caniyang sasapitín. Gayon ma,y, siya,y, nagdamdam cagutuman, at napagtalastas niya na ang pagtirá sa ciudad nang Lóndres ay hindi nacabubusog; at caya ng̃a inisip niyang siya,y, magsalità sa Capitan, at ipagmacaauà niyang siya,y, ipagsalo. Tinangap siya nang Capitan nang magandang loob, at quinasalo sa pagcain, at habang sila,y, cungmacain ay itinanong cay Robinson cung ano ang dahilang iquinaparoon niya sa Lóndres, at cung ano ang ninanasa niyang gau-in doon. Sinalitâ sa caniya ni Robinson nang maliuanag, na caya siya naglayag ay sa pagaalio lamang, at idinugtong pang nang̃ahas siya nang ualang pahintulot ang caniyang mang̃a magulang, at ng̃ayo,y, ualâ náng matutuhang gau-in.

Si Teodora. Mabuti na lamang at ang mang̃a tauong ito,y, di nang̃alunod.

Si Nicolás. ¡Totoong aco,y, nagaalaala at baca ng̃a mang̃alunod sila!

Si Luisa. Cung gayo,y, madadalâ si Robinson, at hindi na gagauang mulî nang gayong capang̃ahasan.

Ang ina. Ito rin ang inaacalà co; at marahil ay magcacabait na.

Si Enrique. ¿At ano ang guinagaua sa caniya?

Ang ama. Ang sasac-yang linipatan nila ay napatung̃o sa Lóndres. Nang macaraan ang apat na arao ay na sa sa uauà na sila nang Támesis; at sa icalimang arao ay dumoong na sila sa tapat nang ciudad nang Lóndres.

Si Cárlos. ¿Ano pong cahulugan niyong uicang Támesis?

Si Basilio. Ang Támesis ay isang ilog na Ingalaterra, na para naman nang ilog natin ditong Albis, na pinapasucan sa dagat at hindi nalalayô sa Lóndres. Capag nalalapit na sa dagat ang isang ilog ay tinatauag na uauà.

Ang ama. Ang lahat ay nagsiahon sa lupà nang malaquing touà at naligtas sila sa capang̃aniban. Datapoua,t, ang unang guinauà ni Robinson ay ang panonood nang daquilang ciudad nang Lóndres, at nacalimutan ang caniyang sasapitín. Gayon ma,y, siya,y, nagdamdam cagutuman, at napagtalastas niya na ang pagtirá sa ciudad nang Lóndres ay hindi nacabubusog; at caya ng̃a inisip niyang siya,y, magsalità sa Capitan, at ipagmacaauà niyang siya,y, ipagsalo. Tinangap siya nang Capitan nang magandang loob, at quinasalo sa pagcain, at habang sila,y, cungmacain ay itinanong cay Robinson cung ano ang dahilang iquinaparoon niya sa Lóndres, at cung ano ang ninanasa niyang gau-in doon. Sinalitâ sa caniya ni Robinson nang maliuanag, na caya siya naglayag ay sa pagaalio lamang, at idinugtong pang nang̃ahas siya nang ualang pahintulot ang caniyang mang̃a magulang, at ng̃ayo,y, ualâ náng matutuhang gau-in.

«Hindi pala naaalaman nang iyong mang̃a magulang.» ang uicà nang nagugulumihanang Capitan; at nahulog sa camay ang cuchillong guinagamit niya sa pagcain. «¡Dios co! maanong naalaman co muna ang bagay na ito. Paniualaan mo aco, pang̃ahas na binatà; na cung napagalaman co ito sa Hamburgo, disin ay di quita tinangap sa aquing sasac-yan, cahit aco,y, hinandogan mo nang isang millon.» Ibinabâ ni Robinson ang mang̃a matá; ang cahihiyan ay napagquilala sa caniyang muc-hà, at hindi macaimic.Ang may puring Capitan nang sasac-yan, ay ipinatuloy ang pagpapahayag sa caniya nang lahat niyang camalian. Sinabi sa caniya, na cailan ma,y, hindi siya maguiguing mapalad, liban na lamang cung baguhin niya ang caniyang loob, at huming̃ing tauad sa caniyang mang̃a magulang. Si Robinson nama,y, umiiyac.«Datapoua,t, ¿anong dapat cong gau-in?» ang tanong ni Robinson.—«¿Anong dapat mong gau-in?» ang sagot nang Capitan: «magsauli ca sa bahay nang iyong mang̃a magulang, humalic ca sa canilang mang̃a paa, at huming̃i cang tauad dahil sa iyong mang̃a camalian, para nang isang anac na may mabuting turò.»

«Hindi pala naaalaman nang iyong mang̃a magulang.» ang uicà nang nagugulumihanang Capitan; at nahulog sa camay ang cuchillong guinagamit niya sa pagcain. «¡Dios co! maanong naalaman co muna ang bagay na ito. Paniualaan mo aco, pang̃ahas na binatà; na cung napagalaman co ito sa Hamburgo, disin ay di quita tinangap sa aquing sasac-yan, cahit aco,y, hinandogan mo nang isang millon.» Ibinabâ ni Robinson ang mang̃a matá; ang cahihiyan ay napagquilala sa caniyang muc-hà, at hindi macaimic.

Ang may puring Capitan nang sasac-yan, ay ipinatuloy ang pagpapahayag sa caniya nang lahat niyang camalian. Sinabi sa caniya, na cailan ma,y, hindi siya maguiguing mapalad, liban na lamang cung baguhin niya ang caniyang loob, at huming̃ing tauad sa caniyang mang̃a magulang. Si Robinson nama,y, umiiyac.

«Datapoua,t, ¿anong dapat cong gau-in?» ang tanong ni Robinson.—«¿Anong dapat mong gau-in?» ang sagot nang Capitan: «magsauli ca sa bahay nang iyong mang̃a magulang, humalic ca sa canilang mang̃a paa, at huming̃i cang tauad dahil sa iyong mang̃a camalian, para nang isang anac na may mabuting turò.»

Si Luisa. Ah! iniibig cong totoo ang Capitang iyan. ¡Totoong mabuting tauo siya!Ang ama. Ang guinaua niya,y, ang dapat nating gau-ing lahat, capag naquiquita natin na ang ating capouâ tauo ay nagcacamit nang anomang camalian: itinurò niya cay Robinson ang pagganap nang caniyang catungculan.

Si Luisa. Ah! iniibig cong totoo ang Capitang iyan. ¡Totoong mabuting tauo siya!

Ang ama. Ang guinaua niya,y, ang dapat nating gau-ing lahat, capag naquiquita natin na ang ating capouâ tauo ay nagcacamit nang anomang camalian: itinurò niya cay Robinson ang pagganap nang caniyang catungculan.

«¿Ibig ninyong aco,y, ihatid na mulî sa Hamburgo?» ang tanong ni Robinson sa Capitan.—«¿Paanong paghahatid co sa iyo? ¿Nalimutan mo na baga na ang aquing sasac-yan ay nalubog? Hanggang hindi aco macabili nang iba, ay hindi aco macababalic, at marahil ay totoong magtatagal ca dito, cung yaon ang hihintin mo. Icao,y, nararapat na lumulan sa unang sasac-yan na patutung̃o sa Hamburgo, at houag mong palibanin ng̃ayon ó bucas.»—«Ng̃uni,t, ualà acong salapi,» ang uica ni Robison.—«Cunin mo, ang sagot nang Capitan, itong mang̃aguinea.»

«¿Ibig ninyong aco,y, ihatid na mulî sa Hamburgo?» ang tanong ni Robinson sa Capitan.—«¿Paanong paghahatid co sa iyo? ¿Nalimutan mo na baga na ang aquing sasac-yan ay nalubog? Hanggang hindi aco macabili nang iba, ay hindi aco macababalic, at marahil ay totoong magtatagal ca dito, cung yaon ang hihintin mo. Icao,y, nararapat na lumulan sa unang sasac-yan na patutung̃o sa Hamburgo, at houag mong palibanin ng̃ayon ó bucas.»—«Ng̃uni,t, ualà acong salapi,» ang uica ni Robison.—«Cunin mo, ang sagot nang Capitan, itong mang̃aguinea.»

Si Teodora. ¿Ano ang ma~ngaguinea?Ang ama. Angguineaay salaping guintô na guinagamit sa Inglaterra, at ipaquiquita co sa iyo ang isa, capag tayo,y, nagbalic sa bahay.Si Juan. Ating ipatuloy.Ang ama. «Narito ng̃a, ang uicà nang Capitan, itong mang̃aguineana ipinahihiram co sa iyo; cahit aco,y, may malaquing cailang̃an nang caunting salaping natira sa aquin. Paroon ca sa lalauigan, at itanong mo cung magcanong ibabayad sa pagsacay sa sasac-yan. Cung tunay ang pagbabago nang loob mo, ay pagpapalain nang Dios ang iyong pagouî, na di para nang pagparito mo.»—Pagcatapus ay quinamayan na siya,y, magcaroon nang isang payapang paglayag. Lumacad na si Robinson ...Si Nicolás. ¿Cung sa bagay ay oouî na sa caniyang bahay? Á Dios; cung gayo,y, tapus na ang salità, at ang isip co,y, ng̃ayon lamang pinasisimulan.Ang ina. ¿At di mo iquinatotouâ, Nicolás na siya,y, magbalic sa bahay nang caniyang mang̃a magulang, at nang mapayapà ang catacot-tacot na pagcalingatong at pagcasindac nila?Si Ramon. ¿At di mo iquinaliligaya ang pagcatalastas niya nang caniyang camalian, at nang houag namang gauing mulì?Si Nicolás. Oo ng̃a, datapoua,t, gayon ma,y, ang acalà co ay may mangyayari sa caniya na sucat nating icaalio.Ang ama. Hintay ca muna, at hindi pa natin masasapit. Paquingan natin ang mang̃a nangyari sa caniya.

Si Teodora. ¿Ano ang ma~ngaguinea?

Ang ama. Angguineaay salaping guintô na guinagamit sa Inglaterra, at ipaquiquita co sa iyo ang isa, capag tayo,y, nagbalic sa bahay.

Si Juan. Ating ipatuloy.

Ang ama. «Narito ng̃a, ang uicà nang Capitan, itong mang̃aguineana ipinahihiram co sa iyo; cahit aco,y, may malaquing cailang̃an nang caunting salaping natira sa aquin. Paroon ca sa lalauigan, at itanong mo cung magcanong ibabayad sa pagsacay sa sasac-yan. Cung tunay ang pagbabago nang loob mo, ay pagpapalain nang Dios ang iyong pagouî, na di para nang pagparito mo.»—Pagcatapus ay quinamayan na siya,y, magcaroon nang isang payapang paglayag. Lumacad na si Robinson ...

Si Nicolás. ¿Cung sa bagay ay oouî na sa caniyang bahay? Á Dios; cung gayo,y, tapus na ang salità, at ang isip co,y, ng̃ayon lamang pinasisimulan.

Ang ina. ¿At di mo iquinatotouâ, Nicolás na siya,y, magbalic sa bahay nang caniyang mang̃a magulang, at nang mapayapà ang catacot-tacot na pagcalingatong at pagcasindac nila?

Si Ramon. ¿At di mo iquinaliligaya ang pagcatalastas niya nang caniyang camalian, at nang houag namang gauing mulì?

Si Nicolás. Oo ng̃a, datapoua,t, gayon ma,y, ang acalà co ay may mangyayari sa caniya na sucat nating icaalio.

Ang ama. Hintay ca muna, at hindi pa natin masasapit. Paquingan natin ang mang̃a nangyari sa caniya.

Habang siya,y, lumalacad na patung̃o sa lalauigan, ay sarisaring bagay ang pungmapasoc sa caniyang pagiisip. «¿Anong sasabihin caya nang aquing mang̃a magulang,» ang uicà niya sa sarili, «cung aco,y, magbalic sa bahay? Marahil aco,y, parurusahan nila dahil sa guinauà co. At pagtatauanan nang aquing mang̃a caquilala at iba pang mang̃a tauo ang madali cong pagbalic. Pupulaan nila aco na ualang naquita cundi dalaua ó tatlong lansang̃an sa Lóndres.» Ito at mang̃a ganganitong mang̃a bagay ang sungmasagui sa caniyang pagiisip.Cung minsa,y, hungmihintô, at parang nagmumulimuli, at hìndì mapasiya ang loob na siya,y, umalis agad; cung minsa,y, nadidilidili ang sinabi sa caniya nang Capitan; sa macatouid, cailan ma,y, di siya maguiguing mapalad, cung hindi siya magbabalic sa bahay nang caniyang mang̃a magulang. Nagsasalauahan siya nang mahabang panahon, na di maalaman cung ano ang gagauin, at gayon ma,y, nagpatuloy siya nang paglacad sa lalauigan ó hinihimpilan nang mang̃a sasac-yan. Datapoua,t, malaqui ang caniyang touà, nang matalastas na ualà pang sasac-yang patung̃o sa Hamburgo, na ibinabalità sa caniya nang isa sa mang̃a Capitan na palaguing lungmalayag sa Guinea.

Habang siya,y, lumalacad na patung̃o sa lalauigan, ay sarisaring bagay ang pungmapasoc sa caniyang pagiisip. «¿Anong sasabihin caya nang aquing mang̃a magulang,» ang uicà niya sa sarili, «cung aco,y, magbalic sa bahay? Marahil aco,y, parurusahan nila dahil sa guinauà co. At pagtatauanan nang aquing mang̃a caquilala at iba pang mang̃a tauo ang madali cong pagbalic. Pupulaan nila aco na ualang naquita cundi dalaua ó tatlong lansang̃an sa Lóndres.» Ito at mang̃a ganganitong mang̃a bagay ang sungmasagui sa caniyang pagiisip.

Cung minsa,y, hungmihintô, at parang nagmumulimuli, at hìndì mapasiya ang loob na siya,y, umalis agad; cung minsa,y, nadidilidili ang sinabi sa caniya nang Capitan; sa macatouid, cailan ma,y, di siya maguiguing mapalad, cung hindi siya magbabalic sa bahay nang caniyang mang̃a magulang. Nagsasalauahan siya nang mahabang panahon, na di maalaman cung ano ang gagauin, at gayon ma,y, nagpatuloy siya nang paglacad sa lalauigan ó hinihimpilan nang mang̃a sasac-yan. Datapoua,t, malaqui ang caniyang touà, nang matalastas na ualà pang sasac-yang patung̃o sa Hamburgo, na ibinabalità sa caniya nang isa sa mang̃a Capitan na palaguing lungmalayag sa Guinea.

Si Cárlos.¿At ano ang paglalayag sa Guinea?Ang Ama.Ipaaaninao sa iyo ni Enrique, at caniyang natatalastas.Si Enrique.¿Di mo naaalaala na may isang bahagui nang mundo na tinatauag na África? at ang Guinea ay isa sa mang̃a lugar na malapit sa dagat.Ang Ama.At sa Guinea sila naghahanap buhay. Ang tauong nagsasalitâ cay Robinson ay isa sa mang̃a Capitan sa mang̃a sasac-yang caraniuang naglalayag sa Guinea.Natotouà ang Capitan na maquipagpanayam cay Robinson, at inanyayahan siyang uminom nang isang tasang cha sa caniyang Cámara. Pungmayag naman si Robinson.Si Juan.¿Cung sa bagay ang Capitan ay marunong nang ating uica?Ang Ama.Nacalimutan cong di nasabi sa iyo, na sa Hamburgo ay natuto si Robinson nang uicang inglés, na siyang sinasalitâ sa Inglatérra.

Si Cárlos.¿At ano ang paglalayag sa Guinea?

Ang Ama.Ipaaaninao sa iyo ni Enrique, at caniyang natatalastas.

Si Enrique.¿Di mo naaalaala na may isang bahagui nang mundo na tinatauag na África? at ang Guinea ay isa sa mang̃a lugar na malapit sa dagat.

Ang Ama.At sa Guinea sila naghahanap buhay. Ang tauong nagsasalitâ cay Robinson ay isa sa mang̃a Capitan sa mang̃a sasac-yang caraniuang naglalayag sa Guinea.

Natotouà ang Capitan na maquipagpanayam cay Robinson, at inanyayahan siyang uminom nang isang tasang cha sa caniyang Cámara. Pungmayag naman si Robinson.

Si Juan.¿Cung sa bagay ang Capitan ay marunong nang ating uica?

Ang Ama.Nacalimutan cong di nasabi sa iyo, na sa Hamburgo ay natuto si Robinson nang uicang inglés, na siyang sinasalitâ sa Inglatérra.

Nang maring̃ig nang Capitan na siya,y, may nasang maglayag, at totoong dinaramdam nang caniyang loob ang pagbabalic sa Hamburgo, ay itinanong sa caniya cung ibig niyang sumama sa Guinea. Nang bago bago pa,y, quiniquilabutan si Robinson, datapoua,t, nang patutoohanan sa caniya nang Capitan na ang paglalayag nila ay totoong masayá, at ipagsasama siyang ualang bayad, na uala siyang pagcacagugulang anoman: at bucod dito,y, mangyayaring macaquita siya nang maraming salapì; ay totoong naibigan ni Robinson, at totoong nagcaroon nang malaquing nasà, na caracaraca,y, nacalimutan ang lahat na inihatol sa caniya nang may puring Capitan na taga Hamburgo, at gayon din naman ang pinagticahan niya sa loob na pagouî sa bahay nang caniyang mang̃a magulang.Datapoua,t, nang siya,y, macapagisip-isip, ay sinabi niya sa Capitan: «aco,y, ualang salapì cundi tatatlong guinea. ¿Saan co gugugulin itong caunting puhunan sa paghahanap buhay sa bayang paroroonan natin?»—«Pahihiramin quita nang anim, ang uicà nang Capitan; at mayroon ca nang sucat icapamili nang pagtutubuan nang malaqui sa Guinea, cung tayo,y, sasangayunan nang capalaran.»—«¿At ano ang nararapat cong bilhin?»ang tanong ni Robinson.—«Ang sagot nang Capitan, ay mang̃a sarisaring bagay, para nang mang̃a laroan, mang̃a abalorio, mang̃a sundang, mang̃a gunting, at iba pang mumurahin, na totoong naiibigan nang mang̃a taga África, na babayaran sa iyo nang totoong mahal; ang ibabayad sa iyo,y, guintò, garing at iba pang bagay.»Capagcaring̃ig nito, ay malaquing touà ni Robinson, at nacalimutan ang caniyang mang̃a magulang, ang caniyang mang̃a caibigan at bayan, at naguicà nang malaquíng caligayahan: «pinasisiya co na sa loob ang sumama sa iyo, maguinoong Capitan.» Nagcamay sila, tandà nang canilang pagcacasundò sa paglayag.

Nang maring̃ig nang Capitan na siya,y, may nasang maglayag, at totoong dinaramdam nang caniyang loob ang pagbabalic sa Hamburgo, ay itinanong sa caniya cung ibig niyang sumama sa Guinea. Nang bago bago pa,y, quiniquilabutan si Robinson, datapoua,t, nang patutoohanan sa caniya nang Capitan na ang paglalayag nila ay totoong masayá, at ipagsasama siyang ualang bayad, na uala siyang pagcacagugulang anoman: at bucod dito,y, mangyayaring macaquita siya nang maraming salapì; ay totoong naibigan ni Robinson, at totoong nagcaroon nang malaquing nasà, na caracaraca,y, nacalimutan ang lahat na inihatol sa caniya nang may puring Capitan na taga Hamburgo, at gayon din naman ang pinagticahan niya sa loob na pagouî sa bahay nang caniyang mang̃a magulang.

Datapoua,t, nang siya,y, macapagisip-isip, ay sinabi niya sa Capitan: «aco,y, ualang salapì cundi tatatlong guinea. ¿Saan co gugugulin itong caunting puhunan sa paghahanap buhay sa bayang paroroonan natin?»

—«Pahihiramin quita nang anim, ang uicà nang Capitan; at mayroon ca nang sucat icapamili nang pagtutubuan nang malaqui sa Guinea, cung tayo,y, sasangayunan nang capalaran.»

—«¿At ano ang nararapat cong bilhin?»ang tanong ni Robinson.—«Ang sagot nang Capitan, ay mang̃a sarisaring bagay, para nang mang̃a laroan, mang̃a abalorio, mang̃a sundang, mang̃a gunting, at iba pang mumurahin, na totoong naiibigan nang mang̃a taga África, na babayaran sa iyo nang totoong mahal; ang ibabayad sa iyo,y, guintò, garing at iba pang bagay.»

Capagcaring̃ig nito, ay malaquing touà ni Robinson, at nacalimutan ang caniyang mang̃a magulang, ang caniyang mang̃a caibigan at bayan, at naguicà nang malaquíng caligayahan: «pinasisiya co na sa loob ang sumama sa iyo, maguinoong Capitan.» Nagcamay sila, tandà nang canilang pagcacasundò sa paglayag.

Si Juan. Natapus na: hindi co na caaauaan, cahit anong mangyaring sacunâ diyan sa hunghang na cay Robinson.Ang ama. ¿Diyata,t, di mo na caaauaan siyang mulî?Si Juan. Hindi na pô: yayamang siya,y, totoong tampalasan, na nuling nacalimot sa caniyang catungculan sa mang̃a magulang niya, ay nararapat namang parusahan siyang mulî nang Dios.Ang ama. ¿At inaacalà mo bagang ang isang caauaauang tauo, na nacalimot sa caniyang mang̃a magulang, at pinipilitniya ang Dios na siya,y, parusahan, at nang magbago ang caniyang loob, ay di caya dapat cahabagan? Tunay ng̃a at siya rin ang naguing dahil nang lahat nang sacunang sucat marating niya; datapoua,t, dahil dito,y, ¿di caya lalò pang iquinapaguiguing cahabaghabag niya? ¡O anac co! Yadia ca nang Dios, at caming lahat naman, sa lalong caquilaquilabot sa mang̃a capighatian, ang pagcaquilala baga na ang sinoman ay siyang nagcusang gumauà nang sauì niyang capalaran. Cailan ma,t, macariring̃ig tayo na may caauaauang tauo, ay acalain natin na siya,y, ating capatid na nasisinsay: tang̃isan natin ang caniyang capahamacan, at dalang̃inan natin sa lang̃it ang caniyang cagaling̃an.

Si Juan. Natapus na: hindi co na caaauaan, cahit anong mangyaring sacunâ diyan sa hunghang na cay Robinson.

Ang ama. ¿Diyata,t, di mo na caaauaan siyang mulî?

Si Juan. Hindi na pô: yayamang siya,y, totoong tampalasan, na nuling nacalimot sa caniyang catungculan sa mang̃a magulang niya, ay nararapat namang parusahan siyang mulî nang Dios.

Ang ama. ¿At inaacalà mo bagang ang isang caauaauang tauo, na nacalimot sa caniyang mang̃a magulang, at pinipilitniya ang Dios na siya,y, parusahan, at nang magbago ang caniyang loob, ay di caya dapat cahabagan? Tunay ng̃a at siya rin ang naguing dahil nang lahat nang sacunang sucat marating niya; datapoua,t, dahil dito,y, ¿di caya lalò pang iquinapaguiguing cahabaghabag niya? ¡O anac co! Yadia ca nang Dios, at caming lahat naman, sa lalong caquilaquilabot sa mang̃a capighatian, ang pagcaquilala baga na ang sinoman ay siyang nagcusang gumauà nang sauì niyang capalaran. Cailan ma,t, macariring̃ig tayo na may caauaauang tauo, ay acalain natin na siya,y, ating capatid na nasisinsay: tang̃isan natin ang caniyang capahamacan, at dalang̃inan natin sa lang̃it ang caniyang cagaling̃an.

Sandaling ualang umiimic na sinoman, at pagcatapus ay ipinatuloy nang ama ang pagsasalita.Nagmadaling lumacad si Robinson sa ciudad, ipinamili ang caniyang siyam na guinea nang mang̃a calacal na sinabi sa caniya nang Capitan, at ipinadala sa sasac-yan. Nang macaraang ilang arao, sa pagca,t, ang panahon ay mabuti, ay tumulac na sila, at naglayag na patung̃o sa Guinea.

Sandaling ualang umiimic na sinoman, at pagcatapus ay ipinatuloy nang ama ang pagsasalita.

Nagmadaling lumacad si Robinson sa ciudad, ipinamili ang caniyang siyam na guinea nang mang̃a calacal na sinabi sa caniya nang Capitan, at ipinadala sa sasac-yan. Nang macaraang ilang arao, sa pagca,t, ang panahon ay mabuti, ay tumulac na sila, at naglayag na patung̃o sa Guinea.

Ang ina. Tila panahon na namang nararapat na tayo,y, lumayag na patung̃o sa bahay, at tayo,y, cumain nang hapunan. Matagal náng lumubog ang arao.Si Teodora. Ualà pa acong ibig na cumain nang hapunan.Si Luisa. Aco man, lalò co pang ibig ang maquinyig.Ang ama. Bucas, bucas, mang̃a anac co, ipatutuloy natin ang pagsasalità nang nangyari cay Robinson. Ng̃ayo,y, tayo,y, cumaing maaga, na para nang dati.Ang Lahat. Tayo,y, cumain nang hapunan.

Ang ina. Tila panahon na namang nararapat na tayo,y, lumayag na patung̃o sa bahay, at tayo,y, cumain nang hapunan. Matagal náng lumubog ang arao.

Si Teodora. Ualà pa acong ibig na cumain nang hapunan.

Si Luisa. Aco man, lalò co pang ibig ang maquinyig.

Ang ama. Bucas, bucas, mang̃a anac co, ipatutuloy natin ang pagsasalità nang nangyari cay Robinson. Ng̃ayo,y, tayo,y, cumaing maaga, na para nang dati.

Ang Lahat. Tayo,y, cumain nang hapunan.

TALABABA:[1]Isang bayang ang layò sa Hamburgo ay calahating oras, hindi nalalayô sa bahay sa parang na tinatahan nang autor ay doon ipinalalagay na pinagsalitaan ang Historiang ito.

[1]Isang bayang ang layò sa Hamburgo ay calahating oras, hindi nalalayô sa bahay sa parang na tinatahan nang autor ay doon ipinalalagay na pinagsalitaan ang Historiang ito.

[1]Isang bayang ang layò sa Hamburgo ay calahating oras, hindi nalalayô sa bahay sa parang na tinatahan nang autor ay doon ipinalalagay na pinagsalitaan ang Historiang ito.

Sa icalauang arao nang hapon, ay sila,y, naparoon sa dating pinagsalitaanan, at pinatuloy nang ama ang pagsasalità:Itong bagong pagtulac ni Robinson ay totoong mabuti na para nang una. Dumaan na silang ualang munting sacunà sa Calés, sa canal na tinatauag na de la Mancha, at ng̃ayo,y, na sa sa guitnà na sila nang Océano Atlántico. Dito,y, sinalung̃at sila nang hang̃in na mahabangarao at palaguing ipinapadpad sila sa dacong América.Tingnan ninyo, mang̃a anac co: dala co ang malaquing mapa na dito,y, mamamasdan ninyong mabuti ang dapat tung̃uhin nang sasac-yan, at sa pagca,t, napilitang malayò dito dahil sa hang̃in. Sa dacong ito sana ibig macarating; datapoua,t, sa pagca sinasalung̃at nang hang̃in, ay napapatung̃o sila sa dacong América. Aquing ilaladlad ang mapa, at cung cailang̃an ay matingnan natin.Isang gabi ay sinabi nang piloto na may naquiquita siyang apuy sa dacong malayo, at bucod dito,y, may nariring̃ig siyang putoc nang cañon sa lugar ding yaon. Ang lahat ay nang̃agaquiatan sa cubierta, at naquita nila ang apuy, at naring̃ig nilang maliuanag ang putoc nang cañon, tiningnang magaling nang Capitan sa caniyang mapa; at naquitang sa lugar na yaon ay ualang lupang anoman sa loob nang sandaang leguas, at inisip nang lahat na ang apuy na yaon ay nangagaling sa isang sasac-yang nasusunog.Caracaraca,y, tinicà nilang umabuloy, at pinihit ang sasac-yan sa lugar na yaon, at di pa nalalao,y, natalastas nila ang catutoohanan na may isang sasac-yang malaqui na nagnining̃as. Pagdaca,y, nagutos ang Capitan na magpaputoc nang cañon, at nang matalastas niyong mang̃a caauaauang tauo na nalululan sa sasac-yang yaon, na nalalapit sa canila ang isang sasac-yan na madaling aabuloy sa canila. Di pa nalalaong nagpapaputoc, ay naquita nilang biglang tumapon ang sasac-yang nagnining̃as, casabay ang isang malaquing ugong, at namatay ang apuy. Dapat na matalastas na ang ning̃as ay dumating sa Santa Bárbara, sa macatouid, ay doon sa pinaglalag-yan nang pólvora sa sasac-yan.Di pa nila naaalaman cung ano ang sinapit niyong mang̃a caauaauang tauo. Ng̃uni,t, dapat hinalain na sila,y, nacalipat sa canilang mang̃a bangca bago nagputoc ang sasac-yan; dahil dito,y, hindi itiniguil nang Capitan ang pagpapaputoc nang cañon sa boong magdamag, at nang matalastas nang mang̃a na sa pang̃anib ang quinalalag-yan nang sasac-yang ibig tumulong sa canila, at ipinasabit naman ang lahat nang mang̃a farol at nang maquita nila. Sa quinabucasa,y, naquita nila sa largavista ang dalauang bangcang punó nang tauo na ipinaghahampasan nang alon. Dapat matalastas na ang hang̃in ay sual sa canila, at sila,y, nagsisigaod sa boong macacayanan nang macarating sa sasac-yan. Capagdaca,y, ipinagutos nang Capitan na ibang̃on ang bandila, at nang matalastas nila na natatalaga sa pagabuloy at pagtangap sa canila. Saca biglang inilapit ang sasac-yan sa canila; at sa loob nang calahating oras ay sila,y, inabutan.May pitong puo catauo, na babayi,t, lalaqui at mang̃a batà, at silang lahat ay pinasacay sa sasac-yan. ¡Anong diquit tingnan yaong mang̃a caauaauang tauo, niong mailigtas sa apuy at pagcalunod! ang iba,y, hungmihiguit sa malaquing toua; ang iba,y, sungmisigao na parang hindi pa natatapus ang capang̃anibang canilang pinagdaanan. Mayroong nagsisilucso sa magcabicabilà nang sasac-yan na parang mang̃a ulol; mayroong namumutlâ ang muc-hâ na ipinaquiquilala ang malaquing cadalamhatian nang canilang loob. Mayroon namang nang̃agtataua na parang hang̃al, nang̃agsasayauan at nagsisigauan sa malaquing touà; ang iba,y, hindi naman macapang̃usap na parang napipi at nang̃aualang diua, na di matutong magsalità cataga man. Cun minsa,y, naniniclohodang iba sa canila, itinataas ang mang̃a camay sa lang̃it, at nagpapasalamat nang malacas sa Pang̃inoong Dios, at halos pinaghimalaan sila sa pagcaligtas sa gayong capang̃aniban; cung minsa,y, biglang tungmitindig, pinupunit ang canilang mang̃a damit, nananang̃is at nahahapay na parang mang̃a patay, at nalalaon bago pagsaolan nang hining̃a. Ualang marinero, cahit anong tigas nang loob, na sa pagcaquita nang gayong lagay, ay di tumulò ang luhà.Doon sa mang̃a cahabaghabag na tauo ay mayroong isang Sacerdoteng batà, na natutong gumauà nang dapat gauin. Bahaguia na lamang sungmasayad ang paa sa sasac-yan, ay naniclohod at idinamag ang muc-hâ sa lupà, na parang ualang caramdaman. Dinulog siya nang Capitan at aabuluyan, na ang isip ay siya,y, naghimatay datapoua,t, sinabi sa caniya nang Sacerdote nang boong capayapaan: «pabayaan ninyo acong magpasalamat sa May-capal, sa pagca,t, inibig na cami iligtas; pagcatapus ay pasasalamatan cayo namin naman dahil sa malaqui ninyong caauaang gaua sa amin.» Dito na lungmayò ang Capitan nang malaquing galang.Ang Sacerdote ay lungmagui sa ganitonglagay na mang̃a ilang minuto; pagcatapus ay tungmindig na natotouà, hinanap ang Capitan, at ipinaquilalang muli ang caniyang pagpapasalamat. Saca hinanap ang caniyang mang̃a casamahan sa paglayag, at pinagsabihan nang ganito: «mang̃a catoto co, sumapayapà cayo. Minarapat nang Pang̃inoon nang dilang caauaan na iligtas cayo nang caniyang maauaing camay. ¿Baquit pinaliliban ninyo ang mapacumbabang paggagauad nang pagpapasalamat sa caniya dahil sa di ninyo inaasahang pagcaligtas nang inyong buhay?» Maraming nagsisunod sa cahatulang ito.Dito minulan ang pagsasalitâ na cung sino sila, at ang sa canila,y, nangyari. Ang nasunog na sasac-yan ay isang malaquing dâong francés na mang̃ang̃alacal, na naglalayang sa Quebec. Tingnan ninyo ang nangyari papatung̃o dito sa lugar nang América. Nacaquita sila nang apuy sa cámara, at biglang lungmaganap, na di nacuha nilang patayin, at ang nagaua lamang nila ay ang pagpapaputoc nang cañon, at ang paglipat sa mang̃a bangca na di na nila natalastas cung ano ang sasapitin nilang capalaran. Ang lalong daquilang capang̃aniban, na sa caquilaquilabot na sandaling yaon ay ang baca ilubogsila nang hang̃in sa dagat, yayamang ang canilang sinasac-yan ay mang̃a bangca lamang, ó baca sila,y, mamatay sa gutom at uhao, ay caunting tinapay at tubig lamang na cacanin sa mang̃a ilang arao ang canilang dalang baon.

Sa icalauang arao nang hapon, ay sila,y, naparoon sa dating pinagsalitaanan, at pinatuloy nang ama ang pagsasalità:

Itong bagong pagtulac ni Robinson ay totoong mabuti na para nang una. Dumaan na silang ualang munting sacunà sa Calés, sa canal na tinatauag na de la Mancha, at ng̃ayo,y, na sa sa guitnà na sila nang Océano Atlántico. Dito,y, sinalung̃at sila nang hang̃in na mahabangarao at palaguing ipinapadpad sila sa dacong América.

Tingnan ninyo, mang̃a anac co: dala co ang malaquing mapa na dito,y, mamamasdan ninyong mabuti ang dapat tung̃uhin nang sasac-yan, at sa pagca,t, napilitang malayò dito dahil sa hang̃in. Sa dacong ito sana ibig macarating; datapoua,t, sa pagca sinasalung̃at nang hang̃in, ay napapatung̃o sila sa dacong América. Aquing ilaladlad ang mapa, at cung cailang̃an ay matingnan natin.

Isang gabi ay sinabi nang piloto na may naquiquita siyang apuy sa dacong malayo, at bucod dito,y, may nariring̃ig siyang putoc nang cañon sa lugar ding yaon. Ang lahat ay nang̃agaquiatan sa cubierta, at naquita nila ang apuy, at naring̃ig nilang maliuanag ang putoc nang cañon, tiningnang magaling nang Capitan sa caniyang mapa; at naquitang sa lugar na yaon ay ualang lupang anoman sa loob nang sandaang leguas, at inisip nang lahat na ang apuy na yaon ay nangagaling sa isang sasac-yang nasusunog.

Caracaraca,y, tinicà nilang umabuloy, at pinihit ang sasac-yan sa lugar na yaon, at di pa nalalao,y, natalastas nila ang catutoohanan na may isang sasac-yang malaqui na nagnining̃as. Pagdaca,y, nagutos ang Capitan na magpaputoc nang cañon, at nang matalastas niyong mang̃a caauaauang tauo na nalululan sa sasac-yang yaon, na nalalapit sa canila ang isang sasac-yan na madaling aabuloy sa canila. Di pa nalalaong nagpapaputoc, ay naquita nilang biglang tumapon ang sasac-yang nagnining̃as, casabay ang isang malaquing ugong, at namatay ang apuy. Dapat na matalastas na ang ning̃as ay dumating sa Santa Bárbara, sa macatouid, ay doon sa pinaglalag-yan nang pólvora sa sasac-yan.

Di pa nila naaalaman cung ano ang sinapit niyong mang̃a caauaauang tauo. Ng̃uni,t, dapat hinalain na sila,y, nacalipat sa canilang mang̃a bangca bago nagputoc ang sasac-yan; dahil dito,y, hindi itiniguil nang Capitan ang pagpapaputoc nang cañon sa boong magdamag, at nang matalastas nang mang̃a na sa pang̃anib ang quinalalag-yan nang sasac-yang ibig tumulong sa canila, at ipinasabit naman ang lahat nang mang̃a farol at nang maquita nila. Sa quinabucasa,y, naquita nila sa largavista ang dalauang bangcang punó nang tauo na ipinaghahampasan nang alon. Dapat matalastas na ang hang̃in ay sual sa canila, at sila,y, nagsisigaod sa boong macacayanan nang macarating sa sasac-yan. Capagdaca,y, ipinagutos nang Capitan na ibang̃on ang bandila, at nang matalastas nila na natatalaga sa pagabuloy at pagtangap sa canila. Saca biglang inilapit ang sasac-yan sa canila; at sa loob nang calahating oras ay sila,y, inabutan.

May pitong puo catauo, na babayi,t, lalaqui at mang̃a batà, at silang lahat ay pinasacay sa sasac-yan. ¡Anong diquit tingnan yaong mang̃a caauaauang tauo, niong mailigtas sa apuy at pagcalunod! ang iba,y, hungmihiguit sa malaquing toua; ang iba,y, sungmisigao na parang hindi pa natatapus ang capang̃anibang canilang pinagdaanan. Mayroong nagsisilucso sa magcabicabilà nang sasac-yan na parang mang̃a ulol; mayroong namumutlâ ang muc-hâ na ipinaquiquilala ang malaquing cadalamhatian nang canilang loob. Mayroon namang nang̃agtataua na parang hang̃al, nang̃agsasayauan at nagsisigauan sa malaquing touà; ang iba,y, hindi naman macapang̃usap na parang napipi at nang̃aualang diua, na di matutong magsalità cataga man. Cun minsa,y, naniniclohodang iba sa canila, itinataas ang mang̃a camay sa lang̃it, at nagpapasalamat nang malacas sa Pang̃inoong Dios, at halos pinaghimalaan sila sa pagcaligtas sa gayong capang̃aniban; cung minsa,y, biglang tungmitindig, pinupunit ang canilang mang̃a damit, nananang̃is at nahahapay na parang mang̃a patay, at nalalaon bago pagsaolan nang hining̃a. Ualang marinero, cahit anong tigas nang loob, na sa pagcaquita nang gayong lagay, ay di tumulò ang luhà.

Doon sa mang̃a cahabaghabag na tauo ay mayroong isang Sacerdoteng batà, na natutong gumauà nang dapat gauin. Bahaguia na lamang sungmasayad ang paa sa sasac-yan, ay naniclohod at idinamag ang muc-hâ sa lupà, na parang ualang caramdaman. Dinulog siya nang Capitan at aabuluyan, na ang isip ay siya,y, naghimatay datapoua,t, sinabi sa caniya nang Sacerdote nang boong capayapaan: «pabayaan ninyo acong magpasalamat sa May-capal, sa pagca,t, inibig na cami iligtas; pagcatapus ay pasasalamatan cayo namin naman dahil sa malaqui ninyong caauaang gaua sa amin.» Dito na lungmayò ang Capitan nang malaquing galang.

Ang Sacerdote ay lungmagui sa ganitonglagay na mang̃a ilang minuto; pagcatapus ay tungmindig na natotouà, hinanap ang Capitan, at ipinaquilalang muli ang caniyang pagpapasalamat. Saca hinanap ang caniyang mang̃a casamahan sa paglayag, at pinagsabihan nang ganito: «mang̃a catoto co, sumapayapà cayo. Minarapat nang Pang̃inoon nang dilang caauaan na iligtas cayo nang caniyang maauaing camay. ¿Baquit pinaliliban ninyo ang mapacumbabang paggagauad nang pagpapasalamat sa caniya dahil sa di ninyo inaasahang pagcaligtas nang inyong buhay?» Maraming nagsisunod sa cahatulang ito.

Dito minulan ang pagsasalitâ na cung sino sila, at ang sa canila,y, nangyari. Ang nasunog na sasac-yan ay isang malaquing dâong francés na mang̃ang̃alacal, na naglalayang sa Quebec. Tingnan ninyo ang nangyari papatung̃o dito sa lugar nang América. Nacaquita sila nang apuy sa cámara, at biglang lungmaganap, na di nacuha nilang patayin, at ang nagaua lamang nila ay ang pagpapaputoc nang cañon, at ang paglipat sa mang̃a bangca na di na nila natalastas cung ano ang sasapitin nilang capalaran. Ang lalong daquilang capang̃aniban, na sa caquilaquilabot na sandaling yaon ay ang baca ilubogsila nang hang̃in sa dagat, yayamang ang canilang sinasac-yan ay mang̃a bangca lamang, ó baca sila,y, mamatay sa gutom at uhao, ay caunting tinapay at tubig lamang na cacanin sa mang̃a ilang arao ang canilang dalang baon.

Si Cárlos.¿At anong cailang̃an nilang magdala nang tubig, cung sila,y, na sa sa ibabao nang tubig?Ang Ama.Cárlos, ¿nacacalimutan mo na na ang tubig sa dagat ay totoong maalat at masaclap na di maiinom nino man?Si Cárlos.Oo ng̃a pala.Ang Ama.Dito sa casindacsindac na calagayan ay naring̃ig nila ang mang̃a putoc nang cañon sa isang sasac-yan; at saca naquita nila ang mang̃a nabibiting farol. Nagdaan nang calungcotlungcot ang magdamag sa pang̃ing̃ilabot at pagasa, na palagui silang sinasalung̃at nang alon, bagama,t, pinagpipilitan nilang totoo na macalapit sa isang sasac-yan. Sa catapusa,y, siyang pagliliuanag na nagbigay hanga sa canilang capighatian.

Si Cárlos.¿At anong cailang̃an nilang magdala nang tubig, cung sila,y, na sa sa ibabao nang tubig?

Ang Ama.Cárlos, ¿nacacalimutan mo na na ang tubig sa dagat ay totoong maalat at masaclap na di maiinom nino man?

Si Cárlos.Oo ng̃a pala.

Ang Ama.Dito sa casindacsindac na calagayan ay naring̃ig nila ang mang̃a putoc nang cañon sa isang sasac-yan; at saca naquita nila ang mang̃a nabibiting farol. Nagdaan nang calungcotlungcot ang magdamag sa pang̃ing̃ilabot at pagasa, na palagui silang sinasalung̃at nang alon, bagama,t, pinagpipilitan nilang totoo na macalapit sa isang sasac-yan. Sa catapusa,y, siyang pagliliuanag na nagbigay hanga sa canilang capighatian.

Sa boong oras na ito ay sinasalaguimsiman si Robinson nang mang̃a caquilaquilabot na panimdim. «¡Mang̃a lang̃it! ang uicà sa caniyang sariling loob. Cung sa mang̃a tauong ito,y, dili dapat maualan nang mang̃a calolouang totoong mabubuti, ay nacaranas sila nang daquilang casacunaan, ¡ano ang aasahan co na isang palamara sa aquing mang̃a caauaauang magulang!» Di siya patantanin nang panimdim na ito, nagdaramdam ang caniyang pusò nang isang malaquing capighatian; at namumutla,t, di macaimic, capara nang isang tauong sinisisi nang caniyang conciencia, ay nacaupong di macaquibo sa isang suloc. Binig-yan nang paginom na icaguiguinhaua ang mang̃a tauong sinaclolohan, at nang magsauli ang naualang lacás nang canilang capaguran.Pagcatapus nito,y, ang pinacapunò sa magcacasamang ito ay cungmuha nang isang supot na punò nang salapi, lumapit sa Capitan, at sinabi sa caniya, na yaon lamang ang canilang nacuha sa lungmubog nilang sasac-yan; na inihahandog sa caniyang parang isang munting tandâ nang canilang pagquilala nang utang na loob sa pagliligtas niya sa canilang buhay. «Houag ipahintulot nang Dios, ang sagot nang Capitan, na aquing tangapin ang ibinibigay ninyo. Ualà acong guinauà cundi ang inihahatol nang pagcacaauang gauà; at inaasahan co naman na siya ninyong gagauin sa amin, cung cami ang nagcaganoon.»Ualang pinaquinabang ang muli,t, muling pagpipilit nang tauong yaon na tangapin ang ibinibigay niyang salapi; sa pagca,t, ayao na totoong pumayag ang Capitan, at hining̃ing magsalità siya nang ibang bagay. Pinagusapan nila cung saan magsisiahon ang mang̃a francés na canilang sinaclolohan. Hindi nararapat na sila,y, dal-hin sa Guinea: ang una,y, sa pagca,t, totoong mabigat sa mang̃a caauaauang tauong yaon ang sila,y, pilitin sa isang mahabang paglayag na patung̃o sa isang bayan nang ualà silang cailang̃ang anoman; at ang icalaua,y, sa pagca,t, sa sasac-yan ay ualang maraming pagcain na quinacailang̃an sa gayong caraming tauo.Sa catapusa,y, pinasiya sa loob nang magandang loob na Capitan na magpaliguid nang mang̃a ilang daang leguas, at nang mapaahon yaong mang̃a caauaauang tauong canilang sinaguip sa Terranova, na doo,y, di sila mauaualan nang sasac-yan sa pagtung̃o sa Francia, sa alin man sa mang̃a sasac-yan nang mang̃a francés na nanghuhuli nang isdang bacalao.

Sa boong oras na ito ay sinasalaguimsiman si Robinson nang mang̃a caquilaquilabot na panimdim. «¡Mang̃a lang̃it! ang uicà sa caniyang sariling loob. Cung sa mang̃a tauong ito,y, dili dapat maualan nang mang̃a calolouang totoong mabubuti, ay nacaranas sila nang daquilang casacunaan, ¡ano ang aasahan co na isang palamara sa aquing mang̃a caauaauang magulang!» Di siya patantanin nang panimdim na ito, nagdaramdam ang caniyang pusò nang isang malaquing capighatian; at namumutla,t, di macaimic, capara nang isang tauong sinisisi nang caniyang conciencia, ay nacaupong di macaquibo sa isang suloc. Binig-yan nang paginom na icaguiguinhaua ang mang̃a tauong sinaclolohan, at nang magsauli ang naualang lacás nang canilang capaguran.

Pagcatapus nito,y, ang pinacapunò sa magcacasamang ito ay cungmuha nang isang supot na punò nang salapi, lumapit sa Capitan, at sinabi sa caniya, na yaon lamang ang canilang nacuha sa lungmubog nilang sasac-yan; na inihahandog sa caniyang parang isang munting tandâ nang canilang pagquilala nang utang na loob sa pagliligtas niya sa canilang buhay. «Houag ipahintulot nang Dios, ang sagot nang Capitan, na aquing tangapin ang ibinibigay ninyo. Ualà acong guinauà cundi ang inihahatol nang pagcacaauang gauà; at inaasahan co naman na siya ninyong gagauin sa amin, cung cami ang nagcaganoon.»

Ualang pinaquinabang ang muli,t, muling pagpipilit nang tauong yaon na tangapin ang ibinibigay niyang salapi; sa pagca,t, ayao na totoong pumayag ang Capitan, at hining̃ing magsalità siya nang ibang bagay. Pinagusapan nila cung saan magsisiahon ang mang̃a francés na canilang sinaclolohan. Hindi nararapat na sila,y, dal-hin sa Guinea: ang una,y, sa pagca,t, totoong mabigat sa mang̃a caauaauang tauong yaon ang sila,y, pilitin sa isang mahabang paglayag na patung̃o sa isang bayan nang ualà silang cailang̃ang anoman; at ang icalaua,y, sa pagca,t, sa sasac-yan ay ualang maraming pagcain na quinacailang̃an sa gayong caraming tauo.

Sa catapusa,y, pinasiya sa loob nang magandang loob na Capitan na magpaliguid nang mang̃a ilang daang leguas, at nang mapaahon yaong mang̃a caauaauang tauong canilang sinaguip sa Terranova, na doo,y, di sila mauaualan nang sasac-yan sa pagtung̃o sa Francia, sa alin man sa mang̃a sasac-yan nang mang̃a francés na nanghuhuli nang isdang bacalao.

Si Luisa.¿Ano ang panghuhuli nang bacalao?Si Juan.¿Di mo natatalastas ang sinasalità nang ating ama sa mang̃a bacalao na nanggagaling sa dagat na malamig, hangan sa dumating sa mang̃a cababauan sa Terranova na doon sila hinuhuli?Si Luisa.Oo ng̃a naalaala co na.Ang Ama.Dumating ng̃a sila sa Terranova, sa pagca,t, capanahunan na totoong nanghuhuli nang bacalao, ay nacatagpò sila nang mang̃a sasac-yan nang mang̃a francés na linulanan nila. Di sucat maipahayag nang bibig ang canilang pasasalamat sa magandang loob nang Capitan. Bahaguia na lamang cacalilipat sila sa sasac-yan nang mang̃a taga roon sa canila, ay sila,y, nagbalic at napatung̃o sa Guinea, sinang-ayunan naman sila nang hang̃in. Tungmatacbo ang sasac-yan sa tubig, na para nang ibong lungmilipad sa impapauid: sa sandaling panahon ay naraanan nila ang maraming leguas, at ualang totoong iquinatotouà ang ating Robinson, yayamang siya,y, totoong maiinipin, na para nang madali ang anomang bagay.

Si Luisa.¿Ano ang panghuhuli nang bacalao?

Si Juan.¿Di mo natatalastas ang sinasalità nang ating ama sa mang̃a bacalao na nanggagaling sa dagat na malamig, hangan sa dumating sa mang̃a cababauan sa Terranova na doon sila hinuhuli?

Si Luisa.Oo ng̃a naalaala co na.

Ang Ama.Dumating ng̃a sila sa Terranova, sa pagca,t, capanahunan na totoong nanghuhuli nang bacalao, ay nacatagpò sila nang mang̃a sasac-yan nang mang̃a francés na linulanan nila. Di sucat maipahayag nang bibig ang canilang pasasalamat sa magandang loob nang Capitan. Bahaguia na lamang cacalilipat sila sa sasac-yan nang mang̃a taga roon sa canila, ay sila,y, nagbalic at napatung̃o sa Guinea, sinang-ayunan naman sila nang hang̃in. Tungmatacbo ang sasac-yan sa tubig, na para nang ibong lungmilipad sa impapauid: sa sandaling panahon ay naraanan nila ang maraming leguas, at ualang totoong iquinatotouà ang ating Robinson, yayamang siya,y, totoong maiinipin, na para nang madali ang anomang bagay.

Pagcaraan nang mang̃a ilang arao, sa pagpapatuloy nila nang paglayag na patung̃o sa dacong Timogan, ay biglang naquita nila ang isang sasac-yan na lungmalapit sa canila; at nang macaraan ang ilangsandali ay nacaring̃ig sila nang putoc nang cañon na hungmihing̃i nang tulong, at naquita nilang sira na ang palo nang trinquete at ang bauprés.

Pagcaraan nang mang̃a ilang arao, sa pagpapatuloy nila nang paglayag na patung̃o sa dacong Timogan, ay biglang naquita nila ang isang sasac-yan na lungmalapit sa canila; at nang macaraan ang ilangsandali ay nacaring̃ig sila nang putoc nang cañon na hungmihing̃i nang tulong, at naquita nilang sira na ang palo nang trinquete at ang bauprés.

Si Nicolás.¿Ano po ang bauprés?Ang Ama.Inacalà cong di mo pa nalilimutan.Si Nicolás.Naalaala co na: ang bauprés ay isang palong munti na hindi nacatayo na para nang iba; cundi nacahiga na na sa unahan nang sasac-yan, na para siyang pinaca tucâ nang daong.Ang Ama.Oo ng̃a; lungmapit ng̃a sila sa sasac-yang nasiraan; at nang malalapit nang sucat macapagabutan nang salitâ, ay nang̃agsigauan ang mang̃a na sa tabi nang sasac-yan nang calumbay lumbay, na ang uica,y, ganito: saclolohan ninyo itong sasac-yang punò nang mang̃a caauaauang tauo, na cundi ninyo cahahabagan ay mang̃amamatay.

Si Nicolás.¿Ano po ang bauprés?

Ang Ama.Inacalà cong di mo pa nalilimutan.

Si Nicolás.Naalaala co na: ang bauprés ay isang palong munti na hindi nacatayo na para nang iba; cundi nacahiga na na sa unahan nang sasac-yan, na para siyang pinaca tucâ nang daong.

Ang Ama.Oo ng̃a; lungmapit ng̃a sila sa sasac-yang nasiraan; at nang malalapit nang sucat macapagabutan nang salitâ, ay nang̃agsigauan ang mang̃a na sa tabi nang sasac-yan nang calumbay lumbay, na ang uica,y, ganito: saclolohan ninyo itong sasac-yang punò nang mang̃a caauaauang tauo, na cundi ninyo cahahabagan ay mang̃amamatay.

Itinanong sa canila cung baquit sila nagcaganoon; at sungmagot ang isa sa canila nang ganito: cami ay mang̃a inglés na napapatung̃o sa pulong tinatauag na Martinica na nasasacupan nang Francia. Tingnan ninyo, mang̃a anac co: ang Martinica ay na sa sa guitna nang América.) Cami ay maglululan nang café, atnang cami,y, nadodoong na roon at papatulác na, ay umahon ang aming Capitan at ang contra-maestre dahil sa bibili nang mang̃a ibang bagay. Habang aming inaantay ay lungmalacas na totoo ang hang̃in na may catacottacot na ipoipo, na naputol ang lubid na tali sa sinipete; at cami napatulac sa calautan nang dagat na di namin mapiguilpiguilan. Ang bagyó....

Itinanong sa canila cung baquit sila nagcaganoon; at sungmagot ang isa sa canila nang ganito: cami ay mang̃a inglés na napapatung̃o sa pulong tinatauag na Martinica na nasasacupan nang Francia. Tingnan ninyo, mang̃a anac co: ang Martinica ay na sa sa guitna nang América.) Cami ay maglululan nang café, atnang cami,y, nadodoong na roon at papatulác na, ay umahon ang aming Capitan at ang contra-maestre dahil sa bibili nang mang̃a ibang bagay. Habang aming inaantay ay lungmalacas na totoo ang hang̃in na may catacottacot na ipoipo, na naputol ang lubid na tali sa sinipete; at cami napatulac sa calautan nang dagat na di namin mapiguilpiguilan. Ang bagyó....

Si Teodora.¿At anong cahulugan nito?Ang Ama.Ang bag-yó ay isang totoong malacas na hang̃in na hungmihihip na parang ipoipo, at nangagaling sa mang̃a nagcacasalusalubong na hang̃in.

Si Teodora.¿At anong cahulugan nito?

Ang Ama.Ang bag-yó ay isang totoong malacas na hang̃in na hungmihihip na parang ipoipo, at nangagaling sa mang̃a nagcacasalusalubong na hang̃in.

Tatlong arao at tatlong gabi na di tungmatahan ang mabilis na hang̃in; nabali ang tatlo naming palo, at sinoman sa amin ay di marunong magpalacad nang sasac-yan. Siyam náng lingo na cami ay lulutanglutang sa guitna nang caragatan; natapus nang lahat ang aming baon at marami sa amin ang mamamatay sa gutom.Capagcaring̃ig nang salitang ito, ay ang mabuting loob na Capitan caracaraca,y, lumulan sa bangca, at nagdala nang camunting pagcain, saca lumipat sa cabilang sasac-yan na casama ni Robinson.Naquita nila ang mang̃a tauo sa isang calagayang cahabaghabag. Ang lahat ay nang̃agugutom, at ang iba,y, bahaguia na lamang macatayò. Datapoua,t, capagcapasoc sa cámara ... ¡Ó Dios! ¡Caquilaquilabot na bagay! isang ina na may isang anac at isang alilang batà ay nang̃acasubasob, at ayon sa canilang calagayan ay mang̃a patay na sa caculang̃an nang pagcain. Ang ina,y, naninigas na nacaupò sa calaguitnaan nang dalauang upuang nagcacatali, at nahihilig ang ulo sa isang panig nang sasac-yan: ang alila,y, nacabulagtâ sa caniyang siping na totoong habà at nacatang̃ang mahigpit sa isang paa nang mesa; ang binata,y, nacahilig sa isang hihigan, at naquiquita pa sa bibig ang capisang na balat na quinain na ang calahati.

Tatlong arao at tatlong gabi na di tungmatahan ang mabilis na hang̃in; nabali ang tatlo naming palo, at sinoman sa amin ay di marunong magpalacad nang sasac-yan. Siyam náng lingo na cami ay lulutanglutang sa guitna nang caragatan; natapus nang lahat ang aming baon at marami sa amin ang mamamatay sa gutom.

Capagcaring̃ig nang salitang ito, ay ang mabuting loob na Capitan caracaraca,y, lumulan sa bangca, at nagdala nang camunting pagcain, saca lumipat sa cabilang sasac-yan na casama ni Robinson.

Naquita nila ang mang̃a tauo sa isang calagayang cahabaghabag. Ang lahat ay nang̃agugutom, at ang iba,y, bahaguia na lamang macatayò. Datapoua,t, capagcapasoc sa cámara ... ¡Ó Dios! ¡Caquilaquilabot na bagay! isang ina na may isang anac at isang alilang batà ay nang̃acasubasob, at ayon sa canilang calagayan ay mang̃a patay na sa caculang̃an nang pagcain. Ang ina,y, naninigas na nacaupò sa calaguitnaan nang dalauang upuang nagcacatali, at nahihilig ang ulo sa isang panig nang sasac-yan: ang alila,y, nacabulagtâ sa caniyang siping na totoong habà at nacatang̃ang mahigpit sa isang paa nang mesa; ang binata,y, nacahilig sa isang hihigan, at naquiquita pa sa bibig ang capisang na balat na quinain na ang calahati.

Si Luisa.Sinasalità pò ninyo sa amin ang mang̃a bagay na totoong calumbaylumbay.Ang Ama.May catouiran ca. Hindi co naalaalang ayao cayong maquinyig nang mang̃a bagay na calumbaylumbay. Liligtaan co ang sacunáng ito.Ang Lahat.Houag pô, houag pô.Si Luisa.Ng̃ayo,y, masasalità na ninyong lahat.Ang Ama.Cung gayon ang ibig ninyo, aysasabihin co muna, cung sino ang mang̃a cahabaghabag na nahahandusay sa isang cahambalhambal na calagayan.

Si Luisa.Sinasalità pò ninyo sa amin ang mang̃a bagay na totoong calumbaylumbay.

Ang Ama.May catouiran ca. Hindi co naalaalang ayao cayong maquinyig nang mang̃a bagay na calumbaylumbay. Liligtaan co ang sacunáng ito.

Ang Lahat.Houag pô, houag pô.

Si Luisa.Ng̃ayo,y, masasalità na ninyong lahat.

Ang Ama.Cung gayon ang ibig ninyo, aysasabihin co muna, cung sino ang mang̃a cahabaghabag na nahahandusay sa isang cahambalhambal na calagayan.

Ito,y, mang̃a sumacay sa sasac-yang yaong galing sa América na patung̃o sa Inglaterra; at ang lahat nang casacay ay nang̃agpapatotoo na totoong mabubuting tauo. Totoong malaqui ang pagibig nang ina sa anac, na ayao cumain nang anoman, at ibinibigay na lahat sa caniyang anac; at gayon din naman itong mabuting anac na ang lahat ay ipinacacain sa caniyang ina. Ang tapat na loob na alilang babayi ay totoong nagpipighati dahil sa caniyang mang̃a pang̃inoon na mahiguit sa pagpipighati niya sa caniyang sarili. Inacalang patay na ang tatlong ito; datapoua,t, hindi naglaon at napagtalastas na may natitira pang caunting buhay, sa pagca,t, bahaguia na lamang binusan ang bibig nang caunting sabao ay iminulat na marahan ang canilang mang̃a mata. Ang ina,y, totoong nanghihinà na, na hindi macalagoc nang anoman, at ipinaquilala na ang ibig lamang niya ay ang caling̃ain ang caniyang anac. Sa catunaya,y, mapamayamaya ay nalagot ang hining̃a.Sa pagcacaling̃a at pagbibigay nang cagamutan sa dalaua, ay pinagsaulan, sa pagca,t, mang̃a batà pa, ay nang̃abuhay. Datapoua,t, nang maquita nang binatà na ang caniyang ina ay patay na, ay totoong nagpighati siya, na dahil dito,y, siya,y, nalugmoc na muli, at totoong matagal bago siya pinagsaulan. Sa catapusa,y, nabuhay din ang binatà at ang alilang babayi.Ang guinaua nang Capitan ay cungmuha nang mang̃a pagcaing baon na totoo nilang quinacailang̃an sa sasac-yan. Ipinagutos sa caniyang mang̃a anloagui na gauin ang mang̃a casiraan sa caniyang sasacyan; itinurò sa mang̃a tauo ang nararapat gauin nang dumating agad sa mang̃a pulóng Canarias na siyang totoong nalalapit doon; at lumayag naman siya na paparoon, at nang siya,y, macacuha nang ilang bagay na sucat dal-hin sa sasac-yan. Ang isa sa mang̃a pulóng ito ay tinatauag na Tenerife, para nang natatalastas ninyo.

Ito,y, mang̃a sumacay sa sasac-yang yaong galing sa América na patung̃o sa Inglaterra; at ang lahat nang casacay ay nang̃agpapatotoo na totoong mabubuting tauo. Totoong malaqui ang pagibig nang ina sa anac, na ayao cumain nang anoman, at ibinibigay na lahat sa caniyang anac; at gayon din naman itong mabuting anac na ang lahat ay ipinacacain sa caniyang ina. Ang tapat na loob na alilang babayi ay totoong nagpipighati dahil sa caniyang mang̃a pang̃inoon na mahiguit sa pagpipighati niya sa caniyang sarili. Inacalang patay na ang tatlong ito; datapoua,t, hindi naglaon at napagtalastas na may natitira pang caunting buhay, sa pagca,t, bahaguia na lamang binusan ang bibig nang caunting sabao ay iminulat na marahan ang canilang mang̃a mata. Ang ina,y, totoong nanghihinà na, na hindi macalagoc nang anoman, at ipinaquilala na ang ibig lamang niya ay ang caling̃ain ang caniyang anac. Sa catunaya,y, mapamayamaya ay nalagot ang hining̃a.

Sa pagcacaling̃a at pagbibigay nang cagamutan sa dalaua, ay pinagsaulan, sa pagca,t, mang̃a batà pa, ay nang̃abuhay. Datapoua,t, nang maquita nang binatà na ang caniyang ina ay patay na, ay totoong nagpighati siya, na dahil dito,y, siya,y, nalugmoc na muli, at totoong matagal bago siya pinagsaulan. Sa catapusa,y, nabuhay din ang binatà at ang alilang babayi.

Ang guinaua nang Capitan ay cungmuha nang mang̃a pagcaing baon na totoo nilang quinacailang̃an sa sasac-yan. Ipinagutos sa caniyang mang̃a anloagui na gauin ang mang̃a casiraan sa caniyang sasacyan; itinurò sa mang̃a tauo ang nararapat gauin nang dumating agad sa mang̃a pulóng Canarias na siyang totoong nalalapit doon; at lumayag naman siya na paparoon, at nang siya,y, macacuha nang ilang bagay na sucat dal-hin sa sasac-yan. Ang isa sa mang̃a pulóng ito ay tinatauag na Tenerife, para nang natatalastas ninyo.

Si Enrique.Oo ng̃a; iya,y, nasasacop nang hari sa España.Si Juan. Na pinangagaling̃an niong totoong mabuting alac na tinatauag na de Canarias ...Si Teodora. At ang mang̃a tubó na guinagauang asucal ...Si Luisa. At yaong mang̃a ibong totoong maririquit ... ¿Di pò baga catotoohanan?Ang ama. Totoo ng̃a; sa pulóng ito,y, lumunsad ang Capìtan, at diyan umahon si Robinson na casama niya. ¡Gaano ang touà niya sa panonood niong mang̃a ubasang totoong maririquit, at sa pagcain niong mang̃a ubas na totoong masasarap!Si Juan. At maquiquita naman niya ang pagyurac sa ubas at nang mapisà at gauing alac ang catás.Si Luisa. ¿Paa baga ang iniyuyurac?Si Juan. Mangyari.Si Luisa. Aco,y, hindi iinum niyan, sa pagca,t, niyuyuracan nang paa.Si Nicolás. Hindi naman cailang̃an; sa pagca,t, sinabi sa atin nang ating ama na ang alac ay masamâ sa mang̃a batà.Ang ama. Gayon ng̃a: ang mang̃a batang nararatihang uminom nang alac ó iba pang licor na matatapang ay nanghihinà ang catauan, at pungmupurol ang ulo.Si Juan. Cung gayo,y, hindi cami iinom nang alac.Ang ama. Ng̃ayon, naguing cailang̃an nang Capìtan na tumiguil na sandaling panahon sa pulóng yaon, at nang ipagauà ang caniyang sasac-yan na may munting casiraan, ay ang ating Robinson ay nainip caracaraca sa pagtira doon; sa pagca,t, totoong mainipin at salauahan, ay ibig niyang umalis na at magala ang boong mundo. Niyao,y, dumating ang isang sasac-yang portugués na nangaling sa Lisboa, at daraan sa Brasil, caharian sa América meridional.Si Enrique.(Itinurò ang mapa at saca tumanong.)¿Ang Brasil pò baga,y, di itong lugar na di pa nalalaong nasasacop nang mang̃a portugués, at doo,y, maraming totoong guintô at mang̃a batóng mahalaga?Ang ama. Oo ng̃a. Naquipagcaibigan si Robinson sa Capitan nang sasac-yang ito; at bahaguia na lamang naring̃ig ang guintô at mang̃a batóng mahalaga, ay totoong nagpapacamatay nang pagparoon sa Brasil at nang punoin niya ang caniyang supot nang naturang guintô at maririquit na bató.Si Nicolás. Datapoua,t, ¿di caya niya naaalaman na sinoma,y, di macacucuha niyong mang̃a guintò at mang̃a batóng yaon, sa pagca,t, ari nang hari sa Portugal?Ang ama. Dito mo maquiquita na si Robinson ay hindi nacatatalastas nito, sa pagca,t, sa caniyang cabataan ay ayao bumasa,t, magaral nang anoman. Sa maquita ng̃ang siya,y, ipagsasama nang Capitang portugués na di papagbabayarin nang anomang, at bucod dito,y, ang sasac-yan nang mang̃a inglés ay matitiguil na may labing limang arao, ay hindi na napiguil ang caniyang sariling loob sa pagnanasang macaquita nang mang̃a bago,t, bagong lugar; at sinabi niyang tuloy sa mabuti niyang caibigan na Capitang inglés, na siya,y, iiuan, at sasacay siya na patung̃o sa Brasil. Itong Capitan, na nacatalastas sa bibig din ni Robinson na siya,y, umalis na ualang pahintulot at di naaalaman nang caniyang mang̃a magulang, ay natouang di hamac na mapahiualay sa caniya. Ipinatauad ang salaping ipinautang sa caniya sa Inglaterra, at sa pagpapaalam niya ay siya,y, pinabaunan nang mabubuting cahatulan.

Si Enrique.Oo ng̃a; iya,y, nasasacop nang hari sa España.

Si Juan. Na pinangagaling̃an niong totoong mabuting alac na tinatauag na de Canarias ...

Si Teodora. At ang mang̃a tubó na guinagauang asucal ...

Si Luisa. At yaong mang̃a ibong totoong maririquit ... ¿Di pò baga catotoohanan?

Ang ama. Totoo ng̃a; sa pulóng ito,y, lumunsad ang Capìtan, at diyan umahon si Robinson na casama niya. ¡Gaano ang touà niya sa panonood niong mang̃a ubasang totoong maririquit, at sa pagcain niong mang̃a ubas na totoong masasarap!

Si Juan. At maquiquita naman niya ang pagyurac sa ubas at nang mapisà at gauing alac ang catás.

Si Luisa. ¿Paa baga ang iniyuyurac?

Si Juan. Mangyari.

Si Luisa. Aco,y, hindi iinum niyan, sa pagca,t, niyuyuracan nang paa.

Si Nicolás. Hindi naman cailang̃an; sa pagca,t, sinabi sa atin nang ating ama na ang alac ay masamâ sa mang̃a batà.

Ang ama. Gayon ng̃a: ang mang̃a batang nararatihang uminom nang alac ó iba pang licor na matatapang ay nanghihinà ang catauan, at pungmupurol ang ulo.

Si Juan. Cung gayo,y, hindi cami iinom nang alac.

Ang ama. Ng̃ayon, naguing cailang̃an nang Capìtan na tumiguil na sandaling panahon sa pulóng yaon, at nang ipagauà ang caniyang sasac-yan na may munting casiraan, ay ang ating Robinson ay nainip caracaraca sa pagtira doon; sa pagca,t, totoong mainipin at salauahan, ay ibig niyang umalis na at magala ang boong mundo. Niyao,y, dumating ang isang sasac-yang portugués na nangaling sa Lisboa, at daraan sa Brasil, caharian sa América meridional.

Si Enrique.(Itinurò ang mapa at saca tumanong.)¿Ang Brasil pò baga,y, di itong lugar na di pa nalalaong nasasacop nang mang̃a portugués, at doo,y, maraming totoong guintô at mang̃a batóng mahalaga?

Ang ama. Oo ng̃a. Naquipagcaibigan si Robinson sa Capitan nang sasac-yang ito; at bahaguia na lamang naring̃ig ang guintô at mang̃a batóng mahalaga, ay totoong nagpapacamatay nang pagparoon sa Brasil at nang punoin niya ang caniyang supot nang naturang guintô at maririquit na bató.

Si Nicolás. Datapoua,t, ¿di caya niya naaalaman na sinoma,y, di macacucuha niyong mang̃a guintò at mang̃a batóng yaon, sa pagca,t, ari nang hari sa Portugal?

Ang ama. Dito mo maquiquita na si Robinson ay hindi nacatatalastas nito, sa pagca,t, sa caniyang cabataan ay ayao bumasa,t, magaral nang anoman. Sa maquita ng̃ang siya,y, ipagsasama nang Capitang portugués na di papagbabayarin nang anomang, at bucod dito,y, ang sasac-yan nang mang̃a inglés ay matitiguil na may labing limang arao, ay hindi na napiguil ang caniyang sariling loob sa pagnanasang macaquita nang mang̃a bago,t, bagong lugar; at sinabi niyang tuloy sa mabuti niyang caibigan na Capitang inglés, na siya,y, iiuan, at sasacay siya na patung̃o sa Brasil. Itong Capitan, na nacatalastas sa bibig din ni Robinson na siya,y, umalis na ualang pahintulot at di naaalaman nang caniyang mang̃a magulang, ay natouang di hamac na mapahiualay sa caniya. Ipinatauad ang salaping ipinautang sa caniya sa Inglaterra, at sa pagpapaalam niya ay siya,y, pinabaunan nang mabubuting cahatulan.

Sumacay na si Robinson sa daong nang mang̃a portugués, at naglayag na patung̃o sa Brasil at pinatnugutan naman nang mabuting panahon na mang̃a ilang arao. Datapoua,t, di caguinsa guinsa,y, hinampas sila nang caquilaquilabot na hang̃in.Ang bumubulang alon na bumabang̃on at napaiitaas na parang isang malaquing bahay, ay humahampas sa sasac-yan na ibinababa at itinataas; di nagtatahan ang samà nang panahon sa loob nang animna arao na ualang licat, na iquinalayong lubhâ nang daong na di na maalaman nang Capitan at nang piloto cung saan sila naroroon. Gayon ma,y, inacalà nila na sila,y, di lubhang nalalayô sa mang̃a pulò nang mang̃a Caribes, na dito,y, maquiquita ninyo sa mapa na na sa calaguitnaan nang mang̃a Antillas menores.Nang magumaga nang icapitong arao ay nagbigay nang isang malaquing touà ang isang marinero na biglang sumigao nang ganito: lupà, aniya, lupà.

Sumacay na si Robinson sa daong nang mang̃a portugués, at naglayag na patung̃o sa Brasil at pinatnugutan naman nang mabuting panahon na mang̃a ilang arao. Datapoua,t, di caguinsa guinsa,y, hinampas sila nang caquilaquilabot na hang̃in.

Ang bumubulang alon na bumabang̃on at napaiitaas na parang isang malaquing bahay, ay humahampas sa sasac-yan na ibinababa at itinataas; di nagtatahan ang samà nang panahon sa loob nang animna arao na ualang licat, na iquinalayong lubhâ nang daong na di na maalaman nang Capitan at nang piloto cung saan sila naroroon. Gayon ma,y, inacalà nila na sila,y, di lubhang nalalayô sa mang̃a pulò nang mang̃a Caribes, na dito,y, maquiquita ninyo sa mapa na na sa calaguitnaan nang mang̃a Antillas menores.

Nang magumaga nang icapitong arao ay nagbigay nang isang malaquing touà ang isang marinero na biglang sumigao nang ganito: lupà, aniya, lupà.

Ang ina.Datapoua,t, bayaan nating sila,y, lumapit sa lupà, at tayo,y, lumapit naman sa pagcain nang hapunan, na nagaantay na. Bucas ay matatalastas natin ang nasapit nila.Si Teodora.¡Ay, ina co! pabayaan pô ninyong mapaquingan namin hangang sa umahon man lamang, at cung ano ang sinapit nila roon. Malaqui ang pagcaibig cong cumain na lamang nang caunting tinapay, nang aco,y, matira rito sa paquiquinyig nang salitâ, cung ipatutuloy nang aquing ama.Ang ama.Mangyayari namang tayo,y, cumain nang hapunan dito sa parang.Ang ina.Cung siyang ibig mo ay ipaguutos cong dalhin dito ang hapunan: at samantalang hindi dumarating, ay tumahimic tayo at paquingan natin ang salità.Ang lahat.¡Cung gayo,y, mabuti!Ang ama.Ang lahat ay umac-yat sa ibabao nang cubierta at titingnan ang sinasabi nang marinero na lupà na inaasahan nilang aahunan. Datapoua,t, sa oras na yaon ay ang boò nilang catouaan ay naguing isang caquilaquilabot na catacutan. Nasadsad ang daong; at ang lahat nang na sa ibabao nang cubierta ay nang̃ahapay sa malacas na pagcayugyog nang sasac-yan.

Ang ina.Datapoua,t, bayaan nating sila,y, lumapit sa lupà, at tayo,y, lumapit naman sa pagcain nang hapunan, na nagaantay na. Bucas ay matatalastas natin ang nasapit nila.

Si Teodora.¡Ay, ina co! pabayaan pô ninyong mapaquingan namin hangang sa umahon man lamang, at cung ano ang sinapit nila roon. Malaqui ang pagcaibig cong cumain na lamang nang caunting tinapay, nang aco,y, matira rito sa paquiquinyig nang salitâ, cung ipatutuloy nang aquing ama.

Ang ama.Mangyayari namang tayo,y, cumain nang hapunan dito sa parang.

Ang ina.Cung siyang ibig mo ay ipaguutos cong dalhin dito ang hapunan: at samantalang hindi dumarating, ay tumahimic tayo at paquingan natin ang salità.

Ang lahat.¡Cung gayo,y, mabuti!

Ang ama.Ang lahat ay umac-yat sa ibabao nang cubierta at titingnan ang sinasabi nang marinero na lupà na inaasahan nilang aahunan. Datapoua,t, sa oras na yaon ay ang boò nilang catouaan ay naguing isang caquilaquilabot na catacutan. Nasadsad ang daong; at ang lahat nang na sa ibabao nang cubierta ay nang̃ahapay sa malacas na pagcayugyog nang sasac-yan.

Nasadsad ang sasac-yan na parang ipinacò sa pungtod ó cababauan. Ang mang̃a alon ay umaapao na sa cubierta, at nang houag silang malang̃oy ay nagtagò sa camara.Dito,y, nacaring̃ig nang mang̃a cahambalhambal na pagsisigauan, pagiiyacan at pananaghoy na macadudurog sa isang pusò mang bató. Ang iba,y, nagdarasal; ang iba,y, sumisigao; ang iba,y, linalabnot ang canilang buhoc: marami namang hindi macaquibò na anaqui,y, mang̃a patay, at isa rito,y, si Robinson, na hindi maalaman ang caniyang gagauin at cung ano ang nangyayari sa caniya.Datapoua,t, caracaraca,y, nagsigauang¡nahati ang sasac-yan! Itong caquilaquilabot na balità ay parang nacaguising sa canila. Ang lahat ay nagsiabuloy sa pagcuha nang bangcà, at ang lahat ay nagsilipat doon. Datapoua,t, totoong maraming tauo ang lumulan, na halos lumubog ang bangcâ; at bahaguia na lamang lumilitao sa tubig nang isang dangcal. Ang lupa,y, totoong nalalayô, at totoong humahagunot ang hang̃in, at inacalà nilang isang bagay na dili mangyayari na macasapit sa cati. Gayon ma,y, pinagpilitan nilang guinaod; at nacalalapit na sila nang caunti sa lupà ay caracaraca,y, naquita nila ang isang malaquing alon na parang bundoc. Sa malaquing catacutan ay dili macaquibo, nabitauan ang mang̃a gaod at dumating ang caquilaquilabot na sandalî na ang malaquing along yaon ay bumulusoc sa bangcâ, na iquinataob, at linamon nang dagat ang lahat nang nasasacay.Dito itiniguil nang ama ang pagsasalitâ; ang mang̃a batang naquiquinyig ay nang̃alulumbay at hindi macaimic; at mayroon pang di mangyaring dili humibic sa malaquing habag.Sa catapusa,y, dumating ang ina na may dalang hapunan, at siyang iquinalibang nila sa gayong pang̃ing̃ilabot.

Nasadsad ang sasac-yan na parang ipinacò sa pungtod ó cababauan. Ang mang̃a alon ay umaapao na sa cubierta, at nang houag silang malang̃oy ay nagtagò sa camara.

Dito,y, nacaring̃ig nang mang̃a cahambalhambal na pagsisigauan, pagiiyacan at pananaghoy na macadudurog sa isang pusò mang bató. Ang iba,y, nagdarasal; ang iba,y, sumisigao; ang iba,y, linalabnot ang canilang buhoc: marami namang hindi macaquibò na anaqui,y, mang̃a patay, at isa rito,y, si Robinson, na hindi maalaman ang caniyang gagauin at cung ano ang nangyayari sa caniya.

Datapoua,t, caracaraca,y, nagsigauang¡nahati ang sasac-yan! Itong caquilaquilabot na balità ay parang nacaguising sa canila. Ang lahat ay nagsiabuloy sa pagcuha nang bangcà, at ang lahat ay nagsilipat doon. Datapoua,t, totoong maraming tauo ang lumulan, na halos lumubog ang bangcâ; at bahaguia na lamang lumilitao sa tubig nang isang dangcal. Ang lupa,y, totoong nalalayô, at totoong humahagunot ang hang̃in, at inacalà nilang isang bagay na dili mangyayari na macasapit sa cati. Gayon ma,y, pinagpilitan nilang guinaod; at nacalalapit na sila nang caunti sa lupà ay caracaraca,y, naquita nila ang isang malaquing alon na parang bundoc. Sa malaquing catacutan ay dili macaquibo, nabitauan ang mang̃a gaod at dumating ang caquilaquilabot na sandalî na ang malaquing along yaon ay bumulusoc sa bangcâ, na iquinataob, at linamon nang dagat ang lahat nang nasasacay.

Dito itiniguil nang ama ang pagsasalitâ; ang mang̃a batang naquiquinyig ay nang̃alulumbay at hindi macaimic; at mayroon pang di mangyaring dili humibic sa malaquing habag.

Sa catapusa,y, dumating ang ina na may dalang hapunan, at siyang iquinalibang nila sa gayong pang̃ing̃ilabot.

Si Teodora.¡Ay, ama co! ¿Diyata,t, ang caauaauang si Robinson ay napahamac? ¿Tunay pô bagang namatay siya?Ang ama.Iniuan natin siya cahapon na na sa isang malaquing capang̃aniban nang buhay. Ang bangcâ ay nataob; at hinigop siya nang dagat at ang lahat niyang mang̃a casama. Datapoua,t, ang alon ding yaon ang nagpadpad sa caniya sa dacong tabi. Inihampas siya nang totoong malacas sa isang bató, at ang calacasan nang pagcasacsac ay natauohan si Robinson sa caniyang pagcaliping. Iminulat ang mang̃a mata, at naquita niya, bagama,t, di niya asahan, na siya,y, nalalapit sa cati, pinagpilitan niyang siya,y, macarating sa lupà.

Si Teodora.¡Ay, ama co! ¿Diyata,t, ang caauaauang si Robinson ay napahamac? ¿Tunay pô bagang namatay siya?

Ang ama.Iniuan natin siya cahapon na na sa isang malaquing capang̃aniban nang buhay. Ang bangcâ ay nataob; at hinigop siya nang dagat at ang lahat niyang mang̃a casama. Datapoua,t, ang alon ding yaon ang nagpadpad sa caniya sa dacong tabi. Inihampas siya nang totoong malacas sa isang bató, at ang calacasan nang pagcasacsac ay natauohan si Robinson sa caniyang pagcaliping. Iminulat ang mang̃a mata, at naquita niya, bagama,t, di niya asahan, na siya,y, nalalapit sa cati, pinagpilitan niyang siya,y, macarating sa lupà.


Back to IndexNext