TALABABA:

Baga ma,t, umulan nang malacas, ay tuyô rin ang ilalim nang batong yaon, na parang mayroong bubung̃an sa ibabao. Saca naquita ni Robinson na sa ilalim nang batong yaon ay macagagauà nang isang tahanan na totoong nababacuran; at napagmasdan pa na madaling macagauà doon nang isang cosina na may lalabasan nang usoc. Pinasiya ng̃a sa loob na caniyang pasimulan agad. Sa ilalim nang bató ay hinucay niya nang caniyang asarol ang lupà na mahiguit sa isang vara, at inaacalà niyang sarhan ang dalauang panig hangan sa umabot sa bató sa itaas.

Baga ma,t, umulan nang malacas, ay tuyô rin ang ilalim nang batong yaon, na parang mayroong bubung̃an sa ibabao. Saca naquita ni Robinson na sa ilalim nang batong yaon ay macagagauà nang isang tahanan na totoong nababacuran; at napagmasdan pa na madaling macagauà doon nang isang cosina na may lalabasan nang usoc. Pinasiya ng̃a sa loob na caniyang pasimulan agad. Sa ilalim nang bató ay hinucay niya nang caniyang asarol ang lupà na mahiguit sa isang vara, at inaacalà niyang sarhan ang dalauang panig hangan sa umabot sa bató sa itaas.

Si Teodora.¿At paanong gagau-in niya sa pagsasara sa dalauang panig?Ang ama.Siya,y, nahirati nang pagmalasin ang lahat nang bagay na caniyang naquiquita, at itinatanong niya sa caniyang sarili: ¿ano caya ang cagagamitan co nito? caya ng̃a di niya inalintana ang pagcaquita nang isang lupang malagquit na caniyang napagmasdan sa isang lugar nang pulô; at magmulà niyao,y, sinabi niya sa caniyang sarili: ¿sinong nacatatalastas, cung maaalaman co ang paggauà sa lupang ito nang ladrillo at nang macapagbang̃on aco nang isang pader ó isang dingding? napagisip niya ang bagay na ito; at nang caniyang mahucay na ang lahat nang lupà sa caniyang cusina, ay dinampot niya ang caniyang asarol, quinuha niya ang caniyang sundang na bató, at siya,y, lumipat sa quinalalaguian nang lupang malagquit, ticang ipatutuloy ang bago niyang guinagauà.

Si Teodora.¿At paanong gagau-in niya sa pagsasara sa dalauang panig?

Ang ama.Siya,y, nahirati nang pagmalasin ang lahat nang bagay na caniyang naquiquita, at itinatanong niya sa caniyang sarili: ¿ano caya ang cagagamitan co nito? caya ng̃a di niya inalintana ang pagcaquita nang isang lupang malagquit na caniyang napagmasdan sa isang lugar nang pulô; at magmulà niyao,y, sinabi niya sa caniyang sarili: ¿sinong nacatatalastas, cung maaalaman co ang paggauà sa lupang ito nang ladrillo at nang macapagbang̃on aco nang isang pader ó isang dingding? napagisip niya ang bagay na ito; at nang caniyang mahucay na ang lahat nang lupà sa caniyang cusina, ay dinampot niya ang caniyang asarol, quinuha niya ang caniyang sundang na bató, at siya,y, lumipat sa quinalalaguian nang lupang malagquit, ticang ipatutuloy ang bago niyang guinagauà.

Sa calacasan nang ulan ay lumambot ang putic na hindi niya pinaghirapan ang paggauà sa lupang yaon na maguing parang ladrillo, at pagcatapus ay maputol niyang magcaparapara. Nang caniyang magauà sa sandaling oras ang mang̃a ladrillong ito, ay inihanay niya sa isang lugar na tatamaan nang arao sa maghapon, at inaliban niya sa icalauang arao ang pagpapatuloy nang caniyang guinagauà, nagbalic siya sa caniyang tinatahanan, ticang cacanin niya ang natira niyang inihao, sa pagca,t, sa caniyang casipagan ay nagdamdam siya nang cagutuman. Nang mangyaring siya,y, macacaing magaling sa arao na yaon, ay dinagdagan niya ang caniyang pagcain nang laman nang niyog na caniyang natira, at dahil dito,y, totoong sumarap ang caniyang pagcain.¡Ah! ang sigao ni Robinson na nagbubuntong hining̃a sa caibuturan nang pusò, sa caligayahan at calumbayan. ¡Ah, laquing capalaran co, aniya, ng̃ayon, cung aco,y, magcaroon nang isa man lamang caibigan, cahit isang tauong lalong maralità sa lahat nang salantâ na sumama sa aquin; isang may pagiisip, na mapagsabihan cong siya,y, aquing iniibig, at masabi naman niyang aco,y, iniibig niya! ¡Ó magcamayroon man lamang aco nang isang hayop sa bahay, isang aso, ó isang pusà, na aquing magauan nang magaling, at umamò at mamang̃inoon sa aquin! Dito na tumulò ang caniyang luhà, sa pagala-ala nang panahon na sucat niyang macamtan ang cauilíuiling paquíquísama sa caniyang mang̃a capatid at caibigan, na caniyang quinaauay. ¡Ay! ang sigao niya,sa malaquing capighatian nang pagcaalaala niya nang bagay na ito: ¡hindi co aniya napagaalaman noon ang cahalagahan nang isang caibigan! ¡Totoong mahirap pala ang ualà tayong caulayao, cung ninanasa nating mabuhay nang maligaya! Cung ng̃ayo,y, mangyayaring aco,y, magsaulì sa batà, ¡gaanong cagandahan nang loob ang ipaquiquita co sa aquing mang̃a capatid at mang̃a capouà batà! ¡Gaanong pagtitiis co sa mumunti nilang caculang̃an! ¡At gaanong pagiing̃at co at pagpipilit na macasundo ang lahat sa aquing mabuting caugalian, nang sila,y, mapilitang umibig sa aquin! ¿Baquit, Dios co, di co natalastas ang malaquing cagaling̃an nang paquiquipagcaibigan sa di co na macamtan, at di co macacamtan magpacailan man?Nang caniyang masabi ito, ay nagcataong nailing̃ap niya ang mata sa isang suloc nang mahigpit niyang tahanan, at nacaquita siya nang isang gagamba na doo,y, gumauà nang bahay. Nacaramdam si Robinson nang isang malaquing caligayahan sa pagcaisip lamang na siya,y, matutulog na may isang casama, na di na napagcurò na yao,y, isang hayop na totoong ualang halaga. Tinicang humuli araoarao nang lang̃ao nang maibigay sa gagamba, at nang caniyang maipaquilala sa hayop na yaon, na siya,y, na sa sa isang lugar na ualang sucat catacutan, at doo,y, siya,y, pinacacain nang boong pagibig at casaganaan, at nang mangyaring siya,y, umamò cung mangyayari.Yayamang hindi pa guinagabi, at ang hang̃ing humihihip ay malamig at maguinhaua dahil sa nagdaang unós, ay ayao si Robinsong matulog, cundi gugulin pa ang sandaling panahon sa isang bagay na may casaysayan; dahil dito,y, hinauacan ang caníyang asarol, at mínulan ang paghucay nang lupà nang caniyang cusina. Datapoua,t, tinamaan niyang nagcataon ang isang bagay na matigas na nababaon sa lupà, at halos nasirà ang caniyang asarol. Inacalà niyang yao,y, isang bató: datapoua,t, ¡gaano ang caniyang pagtataca nang caniyang buhatin ang bagay na yaon na totoong matigas at mabigat, at naquita niyang yao,y, guintong dalisay!

Sa calacasan nang ulan ay lumambot ang putic na hindi niya pinaghirapan ang paggauà sa lupang yaon na maguing parang ladrillo, at pagcatapus ay maputol niyang magcaparapara. Nang caniyang magauà sa sandaling oras ang mang̃a ladrillong ito, ay inihanay niya sa isang lugar na tatamaan nang arao sa maghapon, at inaliban niya sa icalauang arao ang pagpapatuloy nang caniyang guinagauà, nagbalic siya sa caniyang tinatahanan, ticang cacanin niya ang natira niyang inihao, sa pagca,t, sa caniyang casipagan ay nagdamdam siya nang cagutuman. Nang mangyaring siya,y, macacaing magaling sa arao na yaon, ay dinagdagan niya ang caniyang pagcain nang laman nang niyog na caniyang natira, at dahil dito,y, totoong sumarap ang caniyang pagcain.

¡Ah! ang sigao ni Robinson na nagbubuntong hining̃a sa caibuturan nang pusò, sa caligayahan at calumbayan. ¡Ah, laquing capalaran co, aniya, ng̃ayon, cung aco,y, magcaroon nang isa man lamang caibigan, cahit isang tauong lalong maralità sa lahat nang salantâ na sumama sa aquin; isang may pagiisip, na mapagsabihan cong siya,y, aquing iniibig, at masabi naman niyang aco,y, iniibig niya! ¡Ó magcamayroon man lamang aco nang isang hayop sa bahay, isang aso, ó isang pusà, na aquing magauan nang magaling, at umamò at mamang̃inoon sa aquin! Dito na tumulò ang caniyang luhà, sa pagala-ala nang panahon na sucat niyang macamtan ang cauilíuiling paquíquísama sa caniyang mang̃a capatid at caibigan, na caniyang quinaauay. ¡Ay! ang sigao niya,sa malaquing capighatian nang pagcaalaala niya nang bagay na ito: ¡hindi co aniya napagaalaman noon ang cahalagahan nang isang caibigan! ¡Totoong mahirap pala ang ualà tayong caulayao, cung ninanasa nating mabuhay nang maligaya! Cung ng̃ayo,y, mangyayaring aco,y, magsaulì sa batà, ¡gaanong cagandahan nang loob ang ipaquiquita co sa aquing mang̃a capatid at mang̃a capouà batà! ¡Gaanong pagtitiis co sa mumunti nilang caculang̃an! ¡At gaanong pagiing̃at co at pagpipilit na macasundo ang lahat sa aquing mabuting caugalian, nang sila,y, mapilitang umibig sa aquin! ¿Baquit, Dios co, di co natalastas ang malaquing cagaling̃an nang paquiquipagcaibigan sa di co na macamtan, at di co macacamtan magpacailan man?

Nang caniyang masabi ito, ay nagcataong nailing̃ap niya ang mata sa isang suloc nang mahigpit niyang tahanan, at nacaquita siya nang isang gagamba na doo,y, gumauà nang bahay. Nacaramdam si Robinson nang isang malaquing caligayahan sa pagcaisip lamang na siya,y, matutulog na may isang casama, na di na napagcurò na yao,y, isang hayop na totoong ualang halaga. Tinicang humuli araoarao nang lang̃ao nang maibigay sa gagamba, at nang caniyang maipaquilala sa hayop na yaon, na siya,y, na sa sa isang lugar na ualang sucat catacutan, at doo,y, siya,y, pinacacain nang boong pagibig at casaganaan, at nang mangyaring siya,y, umamò cung mangyayari.

Yayamang hindi pa guinagabi, at ang hang̃ing humihihip ay malamig at maguinhaua dahil sa nagdaang unós, ay ayao si Robinsong matulog, cundi gugulin pa ang sandaling panahon sa isang bagay na may casaysayan; dahil dito,y, hinauacan ang caníyang asarol, at mínulan ang paghucay nang lupà nang caniyang cusina. Datapoua,t, tinamaan niyang nagcataon ang isang bagay na matigas na nababaon sa lupà, at halos nasirà ang caniyang asarol. Inacalà niyang yao,y, isang bató: datapoua,t, ¡gaano ang caniyang pagtataca nang caniyang buhatin ang bagay na yaon na totoong matigas at mabigat, at naquita niyang yao,y, guintong dalisay!

Si Juan. ¡Totoong mapalad naman yaong si Robinson na ualang cahalimbauà!Ang ama. Mangyari; siya,y, anac nang capalaran. Ang guintong caniyang nacuha ay totoong malaqui na cung caniyang gagau-ing salapî ay lalabasan nang sandaanglibong piso. Tingnan mo at totoong mayaman na at macapangyarihan si Robinson. ¡Ilang bagay caya ang caniyang mabibili at ilang tauo caya ang caniyang mauutusan! mangyayaring siya,y, macapagpatayò nang isang Palacio, magcacaroon siya nang mang̃a salamin, mang̃a palamuti sa bahay, mang̃a carruage, mang̃a cabayo, mang̃a alilà, at sarisari pang bagay.Si Teodora. Oo ng̃a pò, datapoua,t, ¿saan siya cucuha sa pulong yaon nang mang̃a bagay na iyan, cung doo,y, ualà isa mang tauong magbili sa caniya nang anomang bagay?Ang ama. Totoo ng̃a ang salitâ mo: hindi co naalaala ang bagay na yaon. Datapoua,t, si Robinson ang siyang nacapagdilidili niyan, sa pagca,t, bucod sa di niya iquinaligaya ang pagcaquita nang cayamanang iyan, ay caniyang sinicaran at pinaguicaan nang ganito: «Diyan ca matapon, hamac na guintò, na caranìua,y, totoong pinipita nang mang̃a tauo, at di miminsang sa pagcacamit sa iyo ay nacagagauà nang cahiyahiyà at cung minsa,y, nagcacasala pa. ¿Anong mahihitâ co sa iyo? ¡Oh! cung ang naquita co sana,y, isang pirasong bacal, marahil ay magagauà cong isang palacol ó isang sundang! ay ualang caliuagang ipagpapalit quita sa isang dacot na pacò, ó sa alin mang casangcapang paquiquinabang̃an.» Iniuan niya sa lupà yaong mahalagang bagay, at pagcatapus ay bahaguia na niya matingnan cung siya,y, napaparaan sa quinalalaguian.Si Luisa.Natatalastas pô ninyo na ang caniyang guinauà ay para nang guinauà nang manoc.Ang ama.¿Ano ang guinauà nang manoc?Si Luisa.¿Baquit pô? ¿Nalilimutan na baga ninyo ang fábula na inyong sinalitâ sa amin isang arao? minsa,y, ang isang manoc ay nagcucutcot sa lupà; at di caguinsaguinsa,y, nacaquita siya nang isang mahalagang bagay...... ¿Ano cayang mahalagang bagay?Ang ama.¿Isang margarita baga?Si Luisa.Oo pô, isang margarita na ang pahayag ninyo sa amin ay isang perlas. At ang sinabi nang manoc ay ganito: «¿Anong mahihitâ co sa iyo cahit anong diquit mo? mabuti pa sa aquin ang aco,y, nacaquita nang isang butil na palay.» At dahil dito,y, pinabayaan ang margarita sa lupà, at hindi na niya inalaala minsan man.Ang ama.Totoong mabuti ang pagcacatulad mo sa fábula. Ganito ng̃a ang guinauà ni Robinson sa guintong caniyang nasumpung̃an.Samantalang nalalapit naman ang gabi, sa pagca,t, matagal nang ang arao ay sumusucsoc na sa dagat.Si Teodora.¿Baquit pô sumusucsoc sa dagat?Ang ama.Ganito ng̃a ang acalà nang mang̃a nagsisitahan sa capuluan, ó as alin mang lugar na ualang naquiquita cundi dagat. Ang ting̃in nila,y, capag lumulubog ang arao, ay tila totoong napaiilalim sa dagat; at dahil dito,y, sinasabi natin na cung minsan ay napaiilalim sa dagat; sumicat na maliuanag ang bouan sa cabilang ibayo nang lang̃it, na naliliuanagan ang yung̃ib ni Robinson nang isang cauiliuiling liuanag, na sa caligayahan nang pagmamasid ay nalaon bago natulog.

Si Juan. ¡Totoong mapalad naman yaong si Robinson na ualang cahalimbauà!

Ang ama. Mangyari; siya,y, anac nang capalaran. Ang guintong caniyang nacuha ay totoong malaqui na cung caniyang gagau-ing salapî ay lalabasan nang sandaanglibong piso. Tingnan mo at totoong mayaman na at macapangyarihan si Robinson. ¡Ilang bagay caya ang caniyang mabibili at ilang tauo caya ang caniyang mauutusan! mangyayaring siya,y, macapagpatayò nang isang Palacio, magcacaroon siya nang mang̃a salamin, mang̃a palamuti sa bahay, mang̃a carruage, mang̃a cabayo, mang̃a alilà, at sarisari pang bagay.

Si Teodora. Oo ng̃a pò, datapoua,t, ¿saan siya cucuha sa pulong yaon nang mang̃a bagay na iyan, cung doo,y, ualà isa mang tauong magbili sa caniya nang anomang bagay?

Ang ama. Totoo ng̃a ang salitâ mo: hindi co naalaala ang bagay na yaon. Datapoua,t, si Robinson ang siyang nacapagdilidili niyan, sa pagca,t, bucod sa di niya iquinaligaya ang pagcaquita nang cayamanang iyan, ay caniyang sinicaran at pinaguicaan nang ganito: «Diyan ca matapon, hamac na guintò, na caranìua,y, totoong pinipita nang mang̃a tauo, at di miminsang sa pagcacamit sa iyo ay nacagagauà nang cahiyahiyà at cung minsa,y, nagcacasala pa. ¿Anong mahihitâ co sa iyo? ¡Oh! cung ang naquita co sana,y, isang pirasong bacal, marahil ay magagauà cong isang palacol ó isang sundang! ay ualang caliuagang ipagpapalit quita sa isang dacot na pacò, ó sa alin mang casangcapang paquiquinabang̃an.» Iniuan niya sa lupà yaong mahalagang bagay, at pagcatapus ay bahaguia na niya matingnan cung siya,y, napaparaan sa quinalalaguian.

Si Luisa.Natatalastas pô ninyo na ang caniyang guinauà ay para nang guinauà nang manoc.

Ang ama.¿Ano ang guinauà nang manoc?

Si Luisa.¿Baquit pô? ¿Nalilimutan na baga ninyo ang fábula na inyong sinalitâ sa amin isang arao? minsa,y, ang isang manoc ay nagcucutcot sa lupà; at di caguinsaguinsa,y, nacaquita siya nang isang mahalagang bagay...... ¿Ano cayang mahalagang bagay?

Ang ama.¿Isang margarita baga?

Si Luisa.Oo pô, isang margarita na ang pahayag ninyo sa amin ay isang perlas. At ang sinabi nang manoc ay ganito: «¿Anong mahihitâ co sa iyo cahit anong diquit mo? mabuti pa sa aquin ang aco,y, nacaquita nang isang butil na palay.» At dahil dito,y, pinabayaan ang margarita sa lupà, at hindi na niya inalaala minsan man.

Ang ama.Totoong mabuti ang pagcacatulad mo sa fábula. Ganito ng̃a ang guinauà ni Robinson sa guintong caniyang nasumpung̃an.

Samantalang nalalapit naman ang gabi, sa pagca,t, matagal nang ang arao ay sumusucsoc na sa dagat.

Si Teodora.¿Baquit pô sumusucsoc sa dagat?

Ang ama.Ganito ng̃a ang acalà nang mang̃a nagsisitahan sa capuluan, ó as alin mang lugar na ualang naquiquita cundi dagat. Ang ting̃in nila,y, capag lumulubog ang arao, ay tila totoong napaiilalim sa dagat; at dahil dito,y, sinasabi natin na cung minsan ay napaiilalim sa dagat; sumicat na maliuanag ang bouan sa cabilang ibayo nang lang̃it, na naliliuanagan ang yung̃ib ni Robinson nang isang cauiliuiling liuanag, na sa caligayahan nang pagmamasid ay nalaon bago natulog.

Datapoua,t, nang mahaguisan na niya nang mang̃a malalaquing cahoy ang apuy nang lumagui ang ning̃as, ay siya,y, natulog na.Tayo naman ay liniliuanagan ng̃ayon nang banaag nang bouan, ay nagbibigay liuanag sa lupà. Habang tayo,y, napatutung̃o sa bahay ay ating pagmalasing magaling. Tingnan ninyo at totoong mariquit at cauiliuili; at handugan natin nang pasasalamat ang lumic-hâ sa caniya, at nang magbauas ang calungcutang inihahandog sa atin nang cadiliman nang gabi.

Datapoua,t, nang mahaguisan na niya nang mang̃a malalaquing cahoy ang apuy nang lumagui ang ning̃as, ay siya,y, natulog na.

Tayo naman ay liniliuanagan ng̃ayon nang banaag nang bouan, ay nagbibigay liuanag sa lupà. Habang tayo,y, napatutung̃o sa bahay ay ating pagmalasing magaling. Tingnan ninyo at totoong mariquit at cauiliuili; at handugan natin nang pasasalamat ang lumic-hâ sa caniya, at nang magbauas ang calungcutang inihahandog sa atin nang cadiliman nang gabi.

TALABABA:[3]Sa Europa ay bihira ng̃a ang namamatay sa culog; datapoua,t, hindi gayon dito sa sancapuluan na sa taon taon ay hindi nauaualan nang nababalitang namatay sa culog.

[3]Sa Europa ay bihira ng̃a ang namamatay sa culog; datapoua,t, hindi gayon dito sa sancapuluan na sa taon taon ay hindi nauaualan nang nababalitang namatay sa culog.

[3]Sa Europa ay bihira ng̃a ang namamatay sa culog; datapoua,t, hindi gayon dito sa sancapuluan na sa taon taon ay hindi nauaualan nang nababalitang namatay sa culog.

Sa icalauang arao nang hapon ay si Juan, si Nicolás at si Teodora, ay nang̃ahas na binatac sa camay ang canilang ama at sa dulo nang caniyang casaca, na ang nasa,y, dal-hin siya sa buquid. Ang lahat ay naquitulong sa canila, at napilitan siyang umalis nang bahay.

Sa icalauang arao nang hapon ay si Juan, si Nicolás at si Teodora, ay nang̃ahas na binatac sa camay ang canilang ama at sa dulo nang caniyang casaca, na ang nasa,y, dal-hin siya sa buquid. Ang lahat ay naquitulong sa canila, at napilitan siyang umalis nang bahay.

Ang ama.¿Anong laquing pagpipilit ninyo? ¿Saan ninyo aco ibig dal-hin?Si Juan.Sa buquid, sa ilalim nang punò nang mansana.Ang ama.¿At baquit?Si Nicolás.Nang ipatuloy ninyo ang sinapit ni Robinson.Si Teodora.Oo pô, ang historia ni Robinson natin.Ang ama.Oo ng̃a; datapoua,t, inaacalàcong hindi iquinaaalio ninyo ang aquing Robinson na para nang una.Si Juan.¿Baquit pô? ¿sino ang nagsabi sa inyo?Ang ama.Cung hindi aco nagcacamalî, ay naquita co cahapon na ang ilan sa inyo ay naghihicab, at ito,y, caraniuang isang tandâ na quinayayamutan na ninyo.Si Teodora.Hindi pô. Cami po,y, napagod sa cahuhucay sa halamanan, at talastas na ninyo na pagcatapus nang paghucay sa boong hapon, ay sapilitang magaantoc nang caunti.Si Nicolás.Ng̃ayo,y, ualà caming guinagauà cundi ang magbunot nang damó, at dinilig namin ang ensalada lamang, caya cami hindi nagaantoc.Si Luisa.Tingnan ninyo ang paglucso co. ¿Paanong aco,y, magaantoc?Ang ama.Sasalitin co, yayamang siya ninyong iniibig; datapoua,t, capag cayo,y, napapagod na sa paquiquinyig nang historia ay sabihin ninyo sa aquin.Si Juan.Hindi pô cami mapapagod, caya salitin na ninyo.Ang ama.Sa pagca,t, sa pulò ni Robinson ay hindi matiis ang init cung arao ay napipilitan siyang cung may anomang gauà ay pinasisimulan niya sa umagangumaga, at pagtaas nang arao caniyang itiniguil, bago niya pinagbabalican capag dacong hapon na. Nagbang̃on na ng̃ang maagang maaga, dinagdagan nang gatong ang apuy, at quinain ang calahati nang niyog na caniyang natira. Inibig namang ihao ang capirasong laman nang hayop na llama, datapoua,t, sa pagca,t, may amoy dahil sa labis na cainitan, caya hindi siya nacacain nang lamang cati sa arao na yaon.

Ang ama.¿Anong laquing pagpipilit ninyo? ¿Saan ninyo aco ibig dal-hin?

Si Juan.Sa buquid, sa ilalim nang punò nang mansana.

Ang ama.¿At baquit?

Si Nicolás.Nang ipatuloy ninyo ang sinapit ni Robinson.

Si Teodora.Oo pô, ang historia ni Robinson natin.

Ang ama.Oo ng̃a; datapoua,t, inaacalàcong hindi iquinaaalio ninyo ang aquing Robinson na para nang una.

Si Juan.¿Baquit pô? ¿sino ang nagsabi sa inyo?

Ang ama.Cung hindi aco nagcacamalî, ay naquita co cahapon na ang ilan sa inyo ay naghihicab, at ito,y, caraniuang isang tandâ na quinayayamutan na ninyo.

Si Teodora.Hindi pô. Cami po,y, napagod sa cahuhucay sa halamanan, at talastas na ninyo na pagcatapus nang paghucay sa boong hapon, ay sapilitang magaantoc nang caunti.

Si Nicolás.Ng̃ayo,y, ualà caming guinagauà cundi ang magbunot nang damó, at dinilig namin ang ensalada lamang, caya cami hindi nagaantoc.

Si Luisa.Tingnan ninyo ang paglucso co. ¿Paanong aco,y, magaantoc?

Ang ama.Sasalitin co, yayamang siya ninyong iniibig; datapoua,t, capag cayo,y, napapagod na sa paquiquinyig nang historia ay sabihin ninyo sa aquin.

Si Juan.Hindi pô cami mapapagod, caya salitin na ninyo.

Ang ama.Sa pagca,t, sa pulò ni Robinson ay hindi matiis ang init cung arao ay napipilitan siyang cung may anomang gauà ay pinasisimulan niya sa umagangumaga, at pagtaas nang arao caniyang itiniguil, bago niya pinagbabalican capag dacong hapon na. Nagbang̃on na ng̃ang maagang maaga, dinagdagan nang gatong ang apuy, at quinain ang calahati nang niyog na caniyang natira. Inibig namang ihao ang capirasong laman nang hayop na llama, datapoua,t, sa pagca,t, may amoy dahil sa labis na cainitan, caya hindi siya nacacain nang lamang cati sa arao na yaon.

Sa oras nang caniyang pagcuha nang caniyang supot na ticang dadal-hin sa caniyang pinaggagauan nang mang̃a ladrillo, ay naquita niya ang mang̃a patatas na caniyang isinilid doon na may dalaua nang arao. Naisipan niyang ilagay ang mang̃a patatas na ito sa ilalim nang abo nang caniyang sigâ, at nang maalaman niya cung ano ang maguiguing lasa cung malutò, at capagcatapus nito ay lumacad na.Dinalidali niyang totoo ang paggauà, na bago tumangahali ay naquita niyang mabuti na ang lagay nang caniyang mang̃a ladrillo, na inaacala niyang cailang̃an sa pagbabacod sa caniyang cusina. Saca napatung̃o sa tabing dagat sa paghanap nang mang̃a ilang talaba; totoong cacaunti ang caniyang naquita, datapoua,t, doo,y, nasumpung̃an niya nang boong caligayahan ang isang pagcaing lalò pang mahalaga.

Sa oras nang caniyang pagcuha nang caniyang supot na ticang dadal-hin sa caniyang pinaggagauan nang mang̃a ladrillo, ay naquita niya ang mang̃a patatas na caniyang isinilid doon na may dalaua nang arao. Naisipan niyang ilagay ang mang̃a patatas na ito sa ilalim nang abo nang caniyang sigâ, at nang maalaman niya cung ano ang maguiguing lasa cung malutò, at capagcatapus nito ay lumacad na.

Dinalidali niyang totoo ang paggauà, na bago tumangahali ay naquita niyang mabuti na ang lagay nang caniyang mang̃a ladrillo, na inaacala niyang cailang̃an sa pagbabacod sa caniyang cusina. Saca napatung̃o sa tabing dagat sa paghanap nang mang̃a ilang talaba; totoong cacaunti ang caniyang naquita, datapoua,t, doo,y, nasumpung̃an niya nang boong caligayahan ang isang pagcaing lalò pang mahalaga.

Si Juan.¿At ano pô yaon?Ang ama.Isang hayop na cailan ma,y, hindi niya nacacain; datapoua,t, naring̃ig niya na ang laman niyon ay totoong mabuti at masarap.Si Juan.At sabihin ninyo ¿cung anong hayop yaon?Ang ama.Isang pagóng na totoong malaqui, at bihirang maquita ang ganoong calaquing pagóng sa mang̃a lugar na yaon. Ang bigat ay may isang quintal.Si Teodora.¡Caquilaquilabot na pagóng yaon! ¿At mayroon pang lalong malalaqui?Si Juan.Oo, at totoong malalaqui. ¿Hindi mo naaalaala ang sinasabi sa atin nang ating ama sa historia nang mang̃a biaje niong mang̃a tauong lumibot sa paliguidliguid nang mundo, at nacaquita sila sa dagat nang dacong timugan nang ilang mang̃a pagóng na ang timbang ay may tatlong daang libra?Si Teodora.¡Catacottacot!Ang ama.Pinasan ni Robinson sa balicat yaong malaquing pagóng, ó pauican, at dahandahan niyang dinala sa caniyangyung̃ib. Diya,y, pinagpupucpoc niya ang balat sa licod nang pagong hangan sa nagputoc ang bandang ibabâ; at sacá quinuha ang laman at caniyang pinatay, pumiraso nang laman na caniyang iihao. Sa caniyang capaguran ay nagcaroon siya nang gustong cumain; at habang caniyang iniihao, ay pinagiisipisip niya cung ano ang caniyang gagau-in sa natitirang laman nang pagóng at nang houag masirà, sa pagca,t, siya,y, ualang asin at sisiglang pagaasnan.

Si Juan.¿At ano pô yaon?

Ang ama.Isang hayop na cailan ma,y, hindi niya nacacain; datapoua,t, naring̃ig niya na ang laman niyon ay totoong mabuti at masarap.

Si Juan.At sabihin ninyo ¿cung anong hayop yaon?

Ang ama.Isang pagóng na totoong malaqui, at bihirang maquita ang ganoong calaquing pagóng sa mang̃a lugar na yaon. Ang bigat ay may isang quintal.

Si Teodora.¡Caquilaquilabot na pagóng yaon! ¿At mayroon pang lalong malalaqui?

Si Juan.Oo, at totoong malalaqui. ¿Hindi mo naaalaala ang sinasabi sa atin nang ating ama sa historia nang mang̃a biaje niong mang̃a tauong lumibot sa paliguidliguid nang mundo, at nacaquita sila sa dagat nang dacong timugan nang ilang mang̃a pagóng na ang timbang ay may tatlong daang libra?

Si Teodora.¡Catacottacot!

Ang ama.Pinasan ni Robinson sa balicat yaong malaquing pagóng, ó pauican, at dahandahan niyang dinala sa caniyangyung̃ib. Diya,y, pinagpupucpoc niya ang balat sa licod nang pagong hangan sa nagputoc ang bandang ibabâ; at sacá quinuha ang laman at caniyang pinatay, pumiraso nang laman na caniyang iihao. Sa caniyang capaguran ay nagcaroon siya nang gustong cumain; at habang caniyang iniihao, ay pinagiisipisip niya cung ano ang caniyang gagau-in sa natitirang laman nang pagóng at nang houag masirà, sa pagca,t, siya,y, ualang asin at sisiglang pagaasnan.

Iquinapipighati niya ang pagcagunitâ na ang laman nang pagong, na macacain niya hangang mang̃a ualong arao at mahiguit pa, ay hindi na macacain pagdating nang apat na puong oras; datapoua,t, naisipan niya ang paraan nang pagaasin. Ang balat sa licod ó talucab nang pagong ay magagauà niyang sisiglan nang pagaasnan. Datapoua,t, ang uicà niya,y, ¿saan aco cucuha nang asin?... ¡Ah, pagcahang̃alhang̃al co! aniya. ¿Sinong macapagaalis sa aquin na busan co nang tubig na maalat sa dagat ang laman nang pagong, at ito,y, para ring inasnan? ¡Mabuting caisipan! ang uícà niya; at sa malaquing catouaan sa pagcaisip niya, ay lalo siyang lumicsi nang pagiihao.Sa catapusa,y, nang malutò na ang capiraso nang pagong, at maticman na niya ang casarapan, ay nagbuntong hining̃a at naguicà nang ganito: «¡Oh cung aco,y, magcaroon sana nang capirasong tinapay! ¡Pagcahang̃al co niong aco,y, batà, na di co natatalastas na ang capirasong tinapay ay isang daquilang biyayà nang lang̃it! Di co pa iquinatotoua niyon ang tinapay lamang, cung ualang cahalong mantequilla ó queso, at ng̃ayo,y, aariin cong isang malaquing caparalaran, cung magcamit aco nang maiting na tinapay na ibinibigay sa asong nagbabantay sa halamanan.»Sa pagiisip niya nito,y, naalaala niya ang mang̃a patatas na caniyang iniuan sa umaga sa ilalim nang abó. Tingnan natin, aniya, cung ano ang labas; at cumuha nang isang patatas. ¡Bagong caligayahan, at bagong capalaran niya! yaong matigas na bung̃a nang cahoy na matigas ay lumambot at totoong masarap ang amoy nang biyaquin niya, na di na pinagtingnantingnan, at caniya nang isinubò, at naticman niyang totoong masarap.Magmulà na niyaon ay natalastas ni Robinson na ang bung̃ang yaon, bagama,t, nacucuha sa bundoc, ay magagauà niyang parang tinapay.Quinain na ng̃a niya; sa pagca,t, ang sicat nang arao ay totoong masaquit, ay naghilighiligan siyang sandali sa caniyang hihigan, at pinagcurocurò niyang magaling cung ano ang caniyang magagauà, capag nagbauas na ang init nang arao. Totoong cailang̃an, aniya, na hintin cong mabilad sa arao nang tumigas ang aquing mang̃a ladrillo, at aquing pasisimulan ang pagtatayô nang pader. Samantala,y, aco,y, lalabas nang panghuhuli nang isang mang̃a dalauang hayop na llama. Datapoua,t, ¿anong gagau-in co sa totoong maraming lamang cati? Ang dapat cong gau-in ay aquing tapusin ang cusina co, at nang aquing mapausucan ang anomang ibig cong itingal. ¡Mabuting caisipan ito! ang uicà niya; at caracaraca,y, nagbang̃on sa hihigan, napatung̃o sa talaga niyang gagau-ing cusina, at nang mapagacaacalà niya doon ang lalong mabuting paraan nang masunod niya ang caniyang ninanasà.Hindi naglao,t, caniyang natalastas na ang bagay na yao,y, caniyang magagauà; sa pagca,t, bucsan lamang ang pader na caniyang itatayò nang dalauang butas, atisulot niya sa dalauang butas na yaon na magcatapat ang isang cahoy na mahabà, ay ualang caliuagang maisasabit niya ang lamang cating ibig niyang paasuhan, at dahil dito,y, yari na ang chimenea. Dapat na ninyong maacalà na dito sa bago niyang naisipan ay totoo siyang natotouà. Ibibigay niya cahit anoman, houag lamang di tumigas agad ang caniyang mang̃a ladrillo, at nang caracaraca,y, mapasimulan na niya ang daquilang bagay na caniyang binabantà. ¿Datapoua,t, anong dapat niyang gau-in? Ang magtiis hangang sa tumigas ang caniyang mang̃a ladrillo sa init nang arao, at samantala,y, humanap siya nang sucat magauang paquiquinabang̃an sa hapong yaon.Sa bagay na ito,y, nagcurocurò siya, at nungò sa caniyang pagiisip ang isang bagay na totoong malaqui sa lahat at siya,y, nagtaca sa caniyang cahang̃alan at di niya naisipan agad yaon.

Iquinapipighati niya ang pagcagunitâ na ang laman nang pagong, na macacain niya hangang mang̃a ualong arao at mahiguit pa, ay hindi na macacain pagdating nang apat na puong oras; datapoua,t, naisipan niya ang paraan nang pagaasin. Ang balat sa licod ó talucab nang pagong ay magagauà niyang sisiglan nang pagaasnan. Datapoua,t, ang uicà niya,y, ¿saan aco cucuha nang asin?... ¡Ah, pagcahang̃alhang̃al co! aniya. ¿Sinong macapagaalis sa aquin na busan co nang tubig na maalat sa dagat ang laman nang pagong, at ito,y, para ring inasnan? ¡Mabuting caisipan! ang uícà niya; at sa malaquing catouaan sa pagcaisip niya, ay lalo siyang lumicsi nang pagiihao.

Sa catapusa,y, nang malutò na ang capiraso nang pagong, at maticman na niya ang casarapan, ay nagbuntong hining̃a at naguicà nang ganito: «¡Oh cung aco,y, magcaroon sana nang capirasong tinapay! ¡Pagcahang̃al co niong aco,y, batà, na di co natatalastas na ang capirasong tinapay ay isang daquilang biyayà nang lang̃it! Di co pa iquinatotoua niyon ang tinapay lamang, cung ualang cahalong mantequilla ó queso, at ng̃ayo,y, aariin cong isang malaquing caparalaran, cung magcamit aco nang maiting na tinapay na ibinibigay sa asong nagbabantay sa halamanan.»

Sa pagiisip niya nito,y, naalaala niya ang mang̃a patatas na caniyang iniuan sa umaga sa ilalim nang abó. Tingnan natin, aniya, cung ano ang labas; at cumuha nang isang patatas. ¡Bagong caligayahan, at bagong capalaran niya! yaong matigas na bung̃a nang cahoy na matigas ay lumambot at totoong masarap ang amoy nang biyaquin niya, na di na pinagtingnantingnan, at caniya nang isinubò, at naticman niyang totoong masarap.

Magmulà na niyaon ay natalastas ni Robinson na ang bung̃ang yaon, bagama,t, nacucuha sa bundoc, ay magagauà niyang parang tinapay.

Quinain na ng̃a niya; sa pagca,t, ang sicat nang arao ay totoong masaquit, ay naghilighiligan siyang sandali sa caniyang hihigan, at pinagcurocurò niyang magaling cung ano ang caniyang magagauà, capag nagbauas na ang init nang arao. Totoong cailang̃an, aniya, na hintin cong mabilad sa arao nang tumigas ang aquing mang̃a ladrillo, at aquing pasisimulan ang pagtatayô nang pader. Samantala,y, aco,y, lalabas nang panghuhuli nang isang mang̃a dalauang hayop na llama. Datapoua,t, ¿anong gagau-in co sa totoong maraming lamang cati? Ang dapat cong gau-in ay aquing tapusin ang cusina co, at nang aquing mapausucan ang anomang ibig cong itingal. ¡Mabuting caisipan ito! ang uicà niya; at caracaraca,y, nagbang̃on sa hihigan, napatung̃o sa talaga niyang gagau-ing cusina, at nang mapagacaacalà niya doon ang lalong mabuting paraan nang masunod niya ang caniyang ninanasà.

Hindi naglao,t, caniyang natalastas na ang bagay na yao,y, caniyang magagauà; sa pagca,t, bucsan lamang ang pader na caniyang itatayò nang dalauang butas, atisulot niya sa dalauang butas na yaon na magcatapat ang isang cahoy na mahabà, ay ualang caliuagang maisasabit niya ang lamang cating ibig niyang paasuhan, at dahil dito,y, yari na ang chimenea. Dapat na ninyong maacalà na dito sa bago niyang naisipan ay totoo siyang natotouà. Ibibigay niya cahit anoman, houag lamang di tumigas agad ang caniyang mang̃a ladrillo, at nang caracaraca,y, mapasimulan na niya ang daquilang bagay na caniyang binabantà. ¿Datapoua,t, anong dapat niyang gau-in? Ang magtiis hangang sa tumigas ang caniyang mang̃a ladrillo sa init nang arao, at samantala,y, humanap siya nang sucat magauang paquiquinabang̃an sa hapong yaon.

Sa bagay na ito,y, nagcurocurò siya, at nungò sa caniyang pagiisip ang isang bagay na totoong malaqui sa lahat at siya,y, nagtaca sa caniyang cahang̃alan at di niya naisipan agad yaon.

Si Juan.¿At ano pô yaon?Ang ama.Ang magalilà sa bahay nang ilang mang̃a hayop, na di lamang gagamitin niya sa pagcain cundi naman maguing casama niya.Si Teodora.¡Ah! ¿Di pô baga yaong mang̃a hayop na tinatauag na llama?Ang ama. Totoo ng̃a: sa pagca,t, yaon lamang ang mang̃a hayop na caniyang naquita doon. Sa pagca,t, totoong maaamò ay inacalà niyang hindi siya magcacapagod na humuli nang dalauang buháy.Si Teodora. ¡Totoong mariquit na bagay! at ibig cong macasama niya, at nang macahuli pa nang dalaua nang mang̃a hayop na yaon.Ang ama. ¿Datapoua,t, ano ang gagau-in mong paraan nang macahuli cang buháy nang mang̃a hayop na llama? sa pagca,t, hindi natin dapat na acalain na totoong maaamò na napahuhuli sa camay.Si Teodora. Cung gayo,y, ¿paanong gagau-in ni Robinson sa paghuli sa canila?Ang ama. Diyan naririyan ang cahirapan; at ito ang pinangugulan niya nang matagal na pagiisip ó pagcucurò. Datapoua,t, capag ang tauo,y, nagaacalà nang isang bagay na may capangyarihang mayari, ay ang pagpipilita,y, ang catiyagaan at pananatili, sa pagca,t, sa catapusa,y, tatalunin niya ang lahat nang caniyang pagiisip at casipagan. Totoong daquilà ang capangyarihang ipinagcaloob sa atin nang maauaing Cumapal sa atin.

Si Juan.¿At ano pô yaon?

Ang ama.Ang magalilà sa bahay nang ilang mang̃a hayop, na di lamang gagamitin niya sa pagcain cundi naman maguing casama niya.

Si Teodora.¡Ah! ¿Di pô baga yaong mang̃a hayop na tinatauag na llama?

Ang ama. Totoo ng̃a: sa pagca,t, yaon lamang ang mang̃a hayop na caniyang naquita doon. Sa pagca,t, totoong maaamò ay inacalà niyang hindi siya magcacapagod na humuli nang dalauang buháy.

Si Teodora. ¡Totoong mariquit na bagay! at ibig cong macasama niya, at nang macahuli pa nang dalaua nang mang̃a hayop na yaon.

Ang ama. ¿Datapoua,t, ano ang gagau-in mong paraan nang macahuli cang buháy nang mang̃a hayop na llama? sa pagca,t, hindi natin dapat na acalain na totoong maaamò na napahuhuli sa camay.

Si Teodora. Cung gayo,y, ¿paanong gagau-in ni Robinson sa paghuli sa canila?

Ang ama. Diyan naririyan ang cahirapan; at ito ang pinangugulan niya nang matagal na pagiisip ó pagcucurò. Datapoua,t, capag ang tauo,y, nagaacalà nang isang bagay na may capangyarihang mayari, ay ang pagpipilita,y, ang catiyagaan at pananatili, sa pagca,t, sa catapusa,y, tatalunin niya ang lahat nang caniyang pagiisip at casipagan. Totoong daquilà ang capangyarihang ipinagcaloob sa atin nang maauaing Cumapal sa atin.

Talastasin ninyo ito; cailan ma,y, houag cayong magaalinlang̃an at malulupaypay ang inyong loob sa anomang bagay na inyong gagau-in, cahit anong hirap, houag lamang di ninyo pagtiticahang matibay hangan sa di ninyo maquitang matapus. Ang casicapan, ang laloong pagcucuro, ang catibayan nang loob, ay siyang iquinayayaring madalì nang mang̃a bagay na sa unang paggauà ay inaacalang di mayayarì. Cailan ma,y, houag ninyong pahihinain ang loob, cahit anong cahirapan ang nacahahadlang sa anomang bagay na ibig ninyong gau-in; cundi acalain ninyo na cung lalong malaqui ang pagpipilit na quinacailang̃an sa paggauà nang anomang bagay, ay lalong malaqui ang caligayahan na inyong cacamtan cung maquita ninyong matapus na.Ganito ng̃a ang guinauà ni Robinson nang macatagpò nang paraan sa paghuling buhay nang mang̃a hayop na llama; at ito,y, ang paghahandà nang isang silò, magtatagò siya sa alin mang cahoy, at ihahaguis niya ang silò sa unang hayop na lumapit sa caniya.Dahil dito,y, guinugol niya ang ilang oras sa paggauà nang isang lubid na may catibayan; at nang maicanà na ang silò na cung hilahin ay maghihigpit, ay tinicman niyang madalas at nang caniyang maalaman cung mabuti na, at dumadagusdos cung hilahin.Inaacalà ni Robinson na malayò ang caraniuang iniinoman nang mang̃a hayop na llama, at sa pagaalinglang̃an niya na hindi lalapit nang batis sa dacong hapon, sa pagca,t, cailan man ay hindi niya naquiquitang naparoroon cundi tanghali lamang, ay inaliban ang caniyang paglabas sa icalauang arao, at ang caniyang guinaua,y, naghandâ nang lahat nang babaonin sa paglacad. Sa macatouid baga,y, naparoon sa lugar na quinaquitaan niya nang patatas, at pinunò niya ang caniyang supot. Ang iba,y, ibinaon niya sa abó, at inilagay niya ang natira sa isang suloc nang caniyang yung̃ib, at nang caniyang macain sa mang̃a arao na susunod. Bucod dito,y, pumutol pa nang capirasong laman nang pagong, na caniyang cacanin sa hapunan at sa quinabucasan nang umaga, sacá dinilig nang tubig sa dagat ang natira nang laman nang pagong.Pagcatapus ay humucay sa lupà; doon inilagay ang talucab nang pagong na quinasisidlan nang lamang inasnan; sa ibabao inilagay ang capirasong inihao nacacanin sa gabi, at tinacpan nang mang̃a sang̃a nang cahoy ang bibig nang hucay na yaon.Nang mangyaring malibang ang caniyang loob, ay nagpasial siya sa tabi nang dagat, na doo,y, masarap ang hihip nang hang̃in na nacapagbabauas sa malaquing cainitan.Minamalas niya ang calauacan nang dagat, at iquinatotouâ niya ang pagcaquit nang mahihinhing alon, na marahang naghahalihalili, ay bahaguia na lamang nagagalao ang capatagan nang dagat. Datapoua,t, nang maibaling ang mang̃a matá sa lugar na quinalalag-yan nang caniyang bayang ninanasang sapitin ay natulò ang caniyang luhà sa matá, at nanariuà ang pagcagunità niya sa caniyang mang̃a iniibig na magulang. «¿Anong guinagauà caya ng̃ayon, ang uicà niyang lipos nang capighatian, anong guinagauà caya nang mang̃a magulang cong ualang caaliuan? Cung hindi namatay sa carahasan nang mapait na capighatiang ibinigay co sa canila, ¡laquing calungcutan ang canilang quinasapitan! ¡laquing pagbubuntong hining̃a sa di pagcacaroon cundi iisang anác, at ang anac na ito na tantong iniibig nila, ay nagasal nang totoong masamâ,na nacapang̃ahas iuan sila! Patauarin ninyo, mapalayao cong mang̃a magulang, patauarin ninyo ang palamara at naualà ninyong anac, na nagbigay sa inyo nang labis na capighatian. At Icao, mapagpalang Maycapal, nacaisaisa cong Ama, at nacaisaisa cong casama sa iláng na ito, at tagapagcupcop at caaliuan co, hulugan mo ang mang̃a iniibig cong magulang nang iyong mang̃a mahalagang biyayà, at nang lahat nang mang̃a capalaran at caguinhauahang itinatalaga mo sa aquin, at dahil sa casucaban co,y, di aco naguing dapat tumangap nang mang̃a biyayang yaon; ipagcaloob mong lahat, Pang̃inoon co, sa icaguiguinhaua nila, nang mabayaran ang mang̃a capighatian na dahil sa aquin ay canilang dinalitâ. Magcapalad nauà sila, yayamang sila,y, ualang casalanan; at sa pagca,t, aco ang sucaban ay titiisin co nang boong pag-ayon sa iyong calooban ang mang̃a capahamacan, na sa icapagbabago cong asal ay iniibig ipahatid sa aquin ng̃ayon nang di malirip mong carunung̃an.»Sa murang balat nang isang cahoy na nalalapit sa caniya, ay iguinuhit nang sundang ang mang̃a cagalanggalang na ng̃alan nang caniyang ama at ina, tumutulô ang luhang caniyang hinahagcan, at ganito rin naman ang guinaua sa ibang punò nang cahoy na caniyang sinusulatan nang ng̃alan nang caniyang mang̃a magulang, na ang nasà niya,y, maalaala sa lahat nang oras.

Talastasin ninyo ito; cailan ma,y, houag cayong magaalinlang̃an at malulupaypay ang inyong loob sa anomang bagay na inyong gagau-in, cahit anong hirap, houag lamang di ninyo pagtiticahang matibay hangan sa di ninyo maquitang matapus. Ang casicapan, ang laloong pagcucuro, ang catibayan nang loob, ay siyang iquinayayaring madalì nang mang̃a bagay na sa unang paggauà ay inaacalang di mayayarì. Cailan ma,y, houag ninyong pahihinain ang loob, cahit anong cahirapan ang nacahahadlang sa anomang bagay na ibig ninyong gau-in; cundi acalain ninyo na cung lalong malaqui ang pagpipilit na quinacailang̃an sa paggauà nang anomang bagay, ay lalong malaqui ang caligayahan na inyong cacamtan cung maquita ninyong matapus na.

Ganito ng̃a ang guinauà ni Robinson nang macatagpò nang paraan sa paghuling buhay nang mang̃a hayop na llama; at ito,y, ang paghahandà nang isang silò, magtatagò siya sa alin mang cahoy, at ihahaguis niya ang silò sa unang hayop na lumapit sa caniya.

Dahil dito,y, guinugol niya ang ilang oras sa paggauà nang isang lubid na may catibayan; at nang maicanà na ang silò na cung hilahin ay maghihigpit, ay tinicman niyang madalas at nang caniyang maalaman cung mabuti na, at dumadagusdos cung hilahin.

Inaacalà ni Robinson na malayò ang caraniuang iniinoman nang mang̃a hayop na llama, at sa pagaalinglang̃an niya na hindi lalapit nang batis sa dacong hapon, sa pagca,t, cailan man ay hindi niya naquiquitang naparoroon cundi tanghali lamang, ay inaliban ang caniyang paglabas sa icalauang arao, at ang caniyang guinaua,y, naghandâ nang lahat nang babaonin sa paglacad. Sa macatouid baga,y, naparoon sa lugar na quinaquitaan niya nang patatas, at pinunò niya ang caniyang supot. Ang iba,y, ibinaon niya sa abó, at inilagay niya ang natira sa isang suloc nang caniyang yung̃ib, at nang caniyang macain sa mang̃a arao na susunod. Bucod dito,y, pumutol pa nang capirasong laman nang pagong, na caniyang cacanin sa hapunan at sa quinabucasan nang umaga, sacá dinilig nang tubig sa dagat ang natira nang laman nang pagong.

Pagcatapus ay humucay sa lupà; doon inilagay ang talucab nang pagong na quinasisidlan nang lamang inasnan; sa ibabao inilagay ang capirasong inihao nacacanin sa gabi, at tinacpan nang mang̃a sang̃a nang cahoy ang bibig nang hucay na yaon.

Nang mangyaring malibang ang caniyang loob, ay nagpasial siya sa tabi nang dagat, na doo,y, masarap ang hihip nang hang̃in na nacapagbabauas sa malaquing cainitan.

Minamalas niya ang calauacan nang dagat, at iquinatotouâ niya ang pagcaquit nang mahihinhing alon, na marahang naghahalihalili, ay bahaguia na lamang nagagalao ang capatagan nang dagat. Datapoua,t, nang maibaling ang mang̃a matá sa lugar na quinalalag-yan nang caniyang bayang ninanasang sapitin ay natulò ang caniyang luhà sa matá, at nanariuà ang pagcagunità niya sa caniyang mang̃a iniibig na magulang. «¿Anong guinagauà caya ng̃ayon, ang uicà niyang lipos nang capighatian, anong guinagauà caya nang mang̃a magulang cong ualang caaliuan? Cung hindi namatay sa carahasan nang mapait na capighatiang ibinigay co sa canila, ¡laquing calungcutan ang canilang quinasapitan! ¡laquing pagbubuntong hining̃a sa di pagcacaroon cundi iisang anác, at ang anac na ito na tantong iniibig nila, ay nagasal nang totoong masamâ,na nacapang̃ahas iuan sila! Patauarin ninyo, mapalayao cong mang̃a magulang, patauarin ninyo ang palamara at naualà ninyong anac, na nagbigay sa inyo nang labis na capighatian. At Icao, mapagpalang Maycapal, nacaisaisa cong Ama, at nacaisaisa cong casama sa iláng na ito, at tagapagcupcop at caaliuan co, hulugan mo ang mang̃a iniibig cong magulang nang iyong mang̃a mahalagang biyayà, at nang lahat nang mang̃a capalaran at caguinhauahang itinatalaga mo sa aquin, at dahil sa casucaban co,y, di aco naguing dapat tumangap nang mang̃a biyayang yaon; ipagcaloob mong lahat, Pang̃inoon co, sa icaguiguinhaua nila, nang mabayaran ang mang̃a capighatian na dahil sa aquin ay canilang dinalitâ. Magcapalad nauà sila, yayamang sila,y, ualang casalanan; at sa pagca,t, aco ang sucaban ay titiisin co nang boong pag-ayon sa iyong calooban ang mang̃a capahamacan, na sa icapagbabago cong asal ay iniibig ipahatid sa aquin ng̃ayon nang di malirip mong carunung̃an.»

Sa murang balat nang isang cahoy na nalalapit sa caniya, ay iguinuhit nang sundang ang mang̃a cagalanggalang na ng̃alan nang caniyang ama at ina, tumutulô ang luhang caniyang hinahagcan, at ganito rin naman ang guinaua sa ibang punò nang cahoy na caniyang sinusulatan nang ng̃alan nang caniyang mang̃a magulang, na ang nasà niya,y, maalaala sa lahat nang oras.

Si Teodora.Si Robinson ay totoong naguiguing mabuting tauo. Tingnan pô ninyo,t, ng̃ayo,y, tila panahon na na siya,y, hang̃oin nang Dios sa mang̃a cahirapan sa pulong yaon, at siya,y, dal-hin sa bahay nang caniyang mang̃a magulang.Ang ama.Ang Dios lamang na nacatatalastas nang lahat nang bagay, at nacaalam nang nararapat cay Robinson, ay siyang magtatalaga nang maguiguing capalaran niya. Ang mang̃a nangyari sa binatang ito, ay siyang parang nagpunlà sa caniyang puso nang binhi nang cabanalan; datapoua,t, ¿sinong nacatatalastas, cung ang mang̃a ibang bagay ay macasasamang muli sa caniya? Cung ng̃ayo,y, macaaalis sa pulô, cung macapagbabalic na muli sa bahay nang caniyang mang̃a magulang, ¿sinong macatatalastas cung ang isang masamang halimbauà, ó ang mang̃a caguinhauahan at mang̃a catamasahan, ay macapagpapasamang muli nang caniyang mang̃a caugalian? Tunayng̃a, mang̃a anac co, yaong cahatulan na: ang nacatayo,y, maging̃at nang houag marapâ.

Si Teodora.Si Robinson ay totoong naguiguing mabuting tauo. Tingnan pô ninyo,t, ng̃ayo,y, tila panahon na na siya,y, hang̃oin nang Dios sa mang̃a cahirapan sa pulong yaon, at siya,y, dal-hin sa bahay nang caniyang mang̃a magulang.

Ang ama.Ang Dios lamang na nacatatalastas nang lahat nang bagay, at nacaalam nang nararapat cay Robinson, ay siyang magtatalaga nang maguiguing capalaran niya. Ang mang̃a nangyari sa binatang ito, ay siyang parang nagpunlà sa caniyang puso nang binhi nang cabanalan; datapoua,t, ¿sinong nacatatalastas, cung ang mang̃a ibang bagay ay macasasamang muli sa caniya? Cung ng̃ayo,y, macaaalis sa pulô, cung macapagbabalic na muli sa bahay nang caniyang mang̃a magulang, ¿sinong macatatalastas cung ang isang masamang halimbauà, ó ang mang̃a caguinhauahan at mang̃a catamasahan, ay macapagpapasamang muli nang caniyang mang̃a caugalian? Tunayng̃a, mang̃a anac co, yaong cahatulan na: ang nacatayo,y, maging̃at nang houag marapâ.

Habang si Robinson ay nagpapasial, para nang sinabi co na sa tabi nang dagat, ay naisipan niyang mabuti ay maligò, yayamang siya,y, batà pa ay natutong lumang̃oy. Hubad siya; datapoua,t, ¡gaanong laqui nang caniyang panguiguilalas nang maquita niya ang lagay nang caniyang barò, at baquit ualà na cundi yaon lamang! sa pagca,t, siyang nacasoot sa caniyang mahaba nang arao, baquit totoong mainit sa pulòng yaon, ay hindi na maquilala cung ano ang culay. Linabhan ng̃a niyang mabuti bago siya naligò; iniyangyang niya sa isang cahoy, at nang matuyò, bago lumusong siya sa tubig.Lumang̃oy siyang napatung̃o sa isang pulò na lumilitao sa dagat, at cailan ma,y, di pa niya dinarating.Ang pagpatung̃ong ito ni Robinson sa pulòng yaon ay totoo niyang pinaquinabang̃an; sa pagca,t, natalastas niya na sa mang̃a oras na pagsulong nang tubig ay lumulubog ang pulòng yaon, at sa pagurong ay naiiuan doon ang maraming mang̃a pagong, mang̃a talaba, mang̃a cabibi at iba pang macacain. Ualà siyang hinuling anoman nang arao na yaon, at niyon naman ay di niya quinacailang̃an. Sa pagca,t, niyon ay saganà siya; datapoua,t, iquinatouà niyang totoo ang pagcatalastas nito.Ang pulòng yaon na caniyang linalang̃uyan, ay totoong masaganà sa isdâ, na halos ay caniyang mahuli sa camay; at cung mayroon siyang lambat, ay sucat macahuli nang isang libo mang isdâ. Totoo ng̃a,t, ualà siyang lambat; datapoua,t, sa pagca,t, siya,y, totoong mapapalarin sa lahat nang caniyang guinauà magpahangan ng̃ayon, ay inacalà niyang sa calaunan nang panahon ay matutumpac siyang gumauà nang isang lambat na ipang̃isdâ.Malaqui ang caniyang touà sa mang̃a bagong bagay na caniyang naquita, umahon na nang macatapus na siya,y macapaligò na mahiguit na isang oras; at yayang tuyò na ang caniyang barò dahil sa hihip nang hang̃in, ay isinoot niyang maligaya, sa pagca,t, niyon lamang nagcaroon siya nang malinis na damit.Datapoua,t, sa pagca,t, nagaui na siya sa pagcucurò, ay bumunggò sa caniyang pagiisip na di maglalalong lubhá ang caniyang barong yaon; sa pagca,t, laguing siyang na sa sa caniyang catauan, ay cung magcadurogdurog na ay hindi niya maaalaman cung paano ang pagcacaroon niya nang damit. Sa pagcagunità nito,y, parang natubigan ang lahat nang quinamtan niyang caligayahan; datapoua,t, pinapanghinapang niya sa boong macacayanan, at nagtuloy sa caniyang tahanan, puspos nang pagasa sa Dios na siya,y, hahang̃oin sa lahat nang caguipitan.

Habang si Robinson ay nagpapasial, para nang sinabi co na sa tabi nang dagat, ay naisipan niyang mabuti ay maligò, yayamang siya,y, batà pa ay natutong lumang̃oy. Hubad siya; datapoua,t, ¡gaanong laqui nang caniyang panguiguilalas nang maquita niya ang lagay nang caniyang barò, at baquit ualà na cundi yaon lamang! sa pagca,t, siyang nacasoot sa caniyang mahaba nang arao, baquit totoong mainit sa pulòng yaon, ay hindi na maquilala cung ano ang culay. Linabhan ng̃a niyang mabuti bago siya naligò; iniyangyang niya sa isang cahoy, at nang matuyò, bago lumusong siya sa tubig.

Lumang̃oy siyang napatung̃o sa isang pulò na lumilitao sa dagat, at cailan ma,y, di pa niya dinarating.

Ang pagpatung̃ong ito ni Robinson sa pulòng yaon ay totoo niyang pinaquinabang̃an; sa pagca,t, natalastas niya na sa mang̃a oras na pagsulong nang tubig ay lumulubog ang pulòng yaon, at sa pagurong ay naiiuan doon ang maraming mang̃a pagong, mang̃a talaba, mang̃a cabibi at iba pang macacain. Ualà siyang hinuling anoman nang arao na yaon, at niyon naman ay di niya quinacailang̃an. Sa pagca,t, niyon ay saganà siya; datapoua,t, iquinatouà niyang totoo ang pagcatalastas nito.

Ang pulòng yaon na caniyang linalang̃uyan, ay totoong masaganà sa isdâ, na halos ay caniyang mahuli sa camay; at cung mayroon siyang lambat, ay sucat macahuli nang isang libo mang isdâ. Totoo ng̃a,t, ualà siyang lambat; datapoua,t, sa pagca,t, siya,y, totoong mapapalarin sa lahat nang caniyang guinauà magpahangan ng̃ayon, ay inacalà niyang sa calaunan nang panahon ay matutumpac siyang gumauà nang isang lambat na ipang̃isdâ.

Malaqui ang caniyang touà sa mang̃a bagong bagay na caniyang naquita, umahon na nang macatapus na siya,y macapaligò na mahiguit na isang oras; at yayang tuyò na ang caniyang barò dahil sa hihip nang hang̃in, ay isinoot niyang maligaya, sa pagca,t, niyon lamang nagcaroon siya nang malinis na damit.

Datapoua,t, sa pagca,t, nagaui na siya sa pagcucurò, ay bumunggò sa caniyang pagiisip na di maglalalong lubhá ang caniyang barong yaon; sa pagca,t, laguing siyang na sa sa caniyang catauan, ay cung magcadurogdurog na ay hindi niya maaalaman cung paano ang pagcacaroon niya nang damit. Sa pagcagunità nito,y, parang natubigan ang lahat nang quinamtan niyang caligayahan; datapoua,t, pinapanghinapang niya sa boong macacayanan, at nagtuloy sa caniyang tahanan, puspos nang pagasa sa Dios na siya,y, hahang̃oin sa lahat nang caguipitan.

Si Luisa.Totoong naiibigan co nang totoo itong si Robinson. Totoong icaliligaya co na siya,y, maparito at dumalao sa atin.Si Teodora. Cung aco po,y, bibig-yan ninyo nang isang pliegong papel, ay totoong malaqui ang pagcaibig cong sulatan ang señor Robinson.Si Nicolás. Aco naman.Si Juan. Di co rin naman calilimutan ang pagsulat sa caniya.Si Luisa. Cung aco,y, marunong sumulat, ay maquiquita ninyo ang ipadadala co sa caniya.Ang ina. Hindi cailang̃an; sasabihin ninyo sa aquin ang ibig ninyong sabihin sa caniya, at susulatin co.Si Luisa. Ganoon ng̃a pô, inang.Ang ina. Cung gayo,y, pumarito cayonglahat. Bibìg-yan co ang baua,t, isa sa inyo nang papel. Nang macaraan ang calahating oras ay isa,t, isang dumarating ang mang̃a batà na naglulucsuhan, at ipinaquiquita sa canilang ama ang ipadadalang sulat nang baua,t, isa cay Robinson.Si Luisa. Narito pò ang aquing sulat, at mangyaring basahin ninyo.Ang ama. (Binasa niya sulat ni Luisa.[4]

Si Luisa.Totoong naiibigan co nang totoo itong si Robinson. Totoong icaliligaya co na siya,y, maparito at dumalao sa atin.

Si Teodora. Cung aco po,y, bibig-yan ninyo nang isang pliegong papel, ay totoong malaqui ang pagcaibig cong sulatan ang señor Robinson.

Si Nicolás. Aco naman.

Si Juan. Di co rin naman calilimutan ang pagsulat sa caniya.

Si Luisa. Cung aco,y, marunong sumulat, ay maquiquita ninyo ang ipadadala co sa caniya.

Ang ina. Hindi cailang̃an; sasabihin ninyo sa aquin ang ibig ninyong sabihin sa caniya, at susulatin co.

Si Luisa. Ganoon ng̃a pô, inang.

Ang ina. Cung gayo,y, pumarito cayonglahat. Bibìg-yan co ang baua,t, isa sa inyo nang papel. Nang macaraan ang calahating oras ay isa,t, isang dumarating ang mang̃a batà na naglulucsuhan, at ipinaquiquita sa canilang ama ang ipadadalang sulat nang baua,t, isa cay Robinson.

Si Luisa. Narito pò ang aquing sulat, at mangyaring basahin ninyo.

Ang ama. (Binasa niya sulat ni Luisa.[4]

«Iniibig cong Robinson: pagpilitan mo ang paguiguing mabuting tauo at pagpapacasipag, sa pagca,t, ito,y, calulugdan nang mang̃a tauo at nang iyong mang̃a magulang naman. Tangapin mo ang aquing pacumusta. Naquita mo na na ang pagcacailang̃an ay nacapagpapagauà nang maraming bagay. Si Teodora at si Juan ay nagpapacumusta sa iyo, at gayon din si Enrique at si Nicolás. Dalauin mo cami ritong isang arao, at bibig-yan quita nang ibang mang̃a cahatulan na lalò pang magaling.Luisa.»

«Iniibig cong Robinson: pagpilitan mo ang paguiguing mabuting tauo at pagpapacasipag, sa pagca,t, ito,y, calulugdan nang mang̃a tauo at nang iyong mang̃a magulang naman. Tangapin mo ang aquing pacumusta. Naquita mo na na ang pagcacailang̃an ay nacapagpapagauà nang maraming bagay. Si Teodora at si Juan ay nagpapacumusta sa iyo, at gayon din si Enrique at si Nicolás. Dalauin mo cami ritong isang arao, at bibig-yan quita nang ibang mang̃a cahatulan na lalò pang magaling.

Luisa.»

Si Teodora. Ng̃ayo,y, tingnan pô ninyo ang aquin.

Si Teodora. Ng̃ayo,y, tingnan pô ninyo ang aquin.

Binasa nang ama. «Caibigan co: ninanasà namin sa iyo ang lahat nang cagaling̃ang aming macacayanan, at capag aco,y, binig-yan nang cuarta ay ibibili quita nang anomang bagay. At pacaing̃atan mo ang pagpapacabuti nang caugalian para nang pinasimulan mo na. Tangapin mo ang caunting tinapay na ipinadala co sa iyo, at paging̃atan mong houag cang magcasaquit. ¿Ano ang lagay mo ng̃ayon? Mabuhay cang magaling, caibigan cong Robinson, na bagama,t, hindi quita naquiquilala, ay totoong iniibig quita, at aco ay ang tapat mong caibigan na siTeodora.»

Binasa nang ama. «Caibigan co: ninanasà namin sa iyo ang lahat nang cagaling̃ang aming macacayanan, at capag aco,y, binig-yan nang cuarta ay ibibili quita nang anomang bagay. At pacaing̃atan mo ang pagpapacabuti nang caugalian para nang pinasimulan mo na. Tangapin mo ang caunting tinapay na ipinadala co sa iyo, at paging̃atan mong houag cang magcasaquit. ¿Ano ang lagay mo ng̃ayon? Mabuhay cang magaling, caibigan cong Robinson, na bagama,t, hindi quita naquiquilala, ay totoong iniibig quita, at aco ay ang tapat mong caibigan na si

Teodora.»

Si Nicolás. Ito pô ang aquin, maicli pò lamang totoo.

Si Nicolás. Ito pô ang aquin, maicli pò lamang totoo.

Binasa nang ama. «Minamahal cong Robinson: iquinalulumbay cong totoo ang pagcaquita cong icao ay totoong caauaauà. Cung icao ay na sa sa bahay nang iyong mang̃a magulang, ay di mo masasapit ang ganiyang mang̃a cahirapan. Iquinaliligaya co ang icao ay ualang damdam, at mabalic cang madali sa bahay nang iyong mang̃a magulang. Á Dios. Ang iyong caibigan na siNicolás.Hamburgo 7 de Febrero.»

Binasa nang ama. «Minamahal cong Robinson: iquinalulumbay cong totoo ang pagcaquita cong icao ay totoong caauaauà. Cung icao ay na sa sa bahay nang iyong mang̃a magulang, ay di mo masasapit ang ganiyang mang̃a cahirapan. Iquinaliligaya co ang icao ay ualang damdam, at mabalic cang madali sa bahay nang iyong mang̃a magulang. Á Dios. Ang iyong caibigan na si

Nicolás.

Hamburgo 7 de Febrero.»

Si Juan. Ang aquin naman.

Si Juan. Ang aquin naman.

Binasa nang ama.«Sr. Robinson: quinaaauaan co cayong totoo, sa pagca,t, cayo,y, nahihiualay sa lahat nang tauo: inaacalà cong sa oras na ito,y, totoo cayong nagsisisi na. Houag cayong magcacaramdam; at ninanasa co sa boong pusò, na balang arao ay maquiquita namin cayo, cung cayo,y, papabalic na sa bahay nang inyong mang̃a magulang. Houag ninyong pabayaan ang pagasa sa Dios mulà ng̃ayon hangan sa mang̃a haharaping arao, at cayo,y, pagpapalain niya. Sinasabi cong muli, na cayo naua,y, houag magcacaramdam. Ang inyong tapat na caibigan na siJuan.Hamburgo 7 de Febrero.»

Binasa nang ama.«Sr. Robinson: quinaaauaan co cayong totoo, sa pagca,t, cayo,y, nahihiualay sa lahat nang tauo: inaacalà cong sa oras na ito,y, totoo cayong nagsisisi na. Houag cayong magcacaramdam; at ninanasa co sa boong pusò, na balang arao ay maquiquita namin cayo, cung cayo,y, papabalic na sa bahay nang inyong mang̃a magulang. Houag ninyong pabayaan ang pagasa sa Dios mulà ng̃ayon hangan sa mang̃a haharaping arao, at cayo,y, pagpapalain niya. Sinasabi cong muli, na cayo naua,y, houag magcacaramdam. Ang inyong tapat na caibigan na si

Juan.

Hamburgo 7 de Febrero.»

Si Enrique. Ualà acong guinauà cundi isinulat cong madali ang borrador na ito, at nang aco,y, macapagbalic agad dito.

Si Enrique. Ualà acong guinauà cundi isinulat cong madali ang borrador na ito, at nang aco,y, macapagbalic agad dito.

Binasa nang ama.«Totoong minamahal cong catoto at señor Robinson: ¿ano pò ang lagay ninyo sa pulóng iyan? Nabalitaan co na totoong maraming cahirapan. Hindi pa ninyo natatalastas na cung ang pulóng inyong quinalalaguian, ay tinatahanan ó hindi, at icatotouà cong maalaman. Natalastas co naman na cayo,y, nacacuha nang isang malaquing guintô; datapoua,t, hindi ninyo magamit sa anomang bagay sa pulóng iyan.»

Binasa nang ama.«Totoong minamahal cong catoto at señor Robinson: ¿ano pò ang lagay ninyo sa pulóng iyan? Nabalitaan co na totoong maraming cahirapan. Hindi pa ninyo natatalastas na cung ang pulóng inyong quinalalaguian, ay tinatahanan ó hindi, at icatotouà cong maalaman. Natalastas co naman na cayo,y, nacacuha nang isang malaquing guintô; datapoua,t, hindi ninyo magamit sa anomang bagay sa pulóng iyan.»

Ang ama. Idinagdag mo sana ito: «Dito man sa Europa ay hindi iquinapaguiging mabuti at iquinapaguiguing mapalad nang mang̃a tauo ang guintô.» «Lalò pa ninyong paquiquinabang̃an cung sa lugar nang guintô ay nacacuha cayo nang capirasong patalim na magagauang sundang, palacol at iba pang casangcapan. Houag nauà cayong magcacasaquit at pagutusan ninyo ang tunay ninyong catoto na siEnrique.»Si Teodora. At ng̃ayo,y, ¿paanong gaga-uin natin na ang mang̃a sulat na ito,y, dumating sa caniya?Si Luisa. ¿Mayroon pa bagang sucat gau-in para nang ibigay natin sa Capitan nangalin mang sasac-yan napatutung̃o sa América? At cung gayo,y, mapadadalhan naman natin nang anomang bagay si Robinson. Ibig co siyang padalhan nang pasas at almendras; ¿bibig-yan baga ninyo aco, inang?Si Ramon.(Binulung̃an ang canilang ama.)Ang isip nila,y, totoong buhay pa si Robinson.Ang ama. Pinasasalamatan co cayong ualang hangan, mang̃a anac co, sa ng̃alan ni Robinson dahil sa magandang loob ninyo sa caniya; datapoua,t, hindi ninyo maipadadala sa caniya ang mang̃a sulat na iyan.Si Teodora. ¿At baquit hindi?Ang ama. Sa pagca,t, malaon nang panahon na ang caloloua ni Robinson ay na sa cabila nang buhay, at ang caniyang catauan ay naguing lupà na.Si Teodora. ¿Baquit pò mamamatay, cung ng̃ayo,y, bagong capaliligò lamang?Ang ama. Nalilimutan mo, Teodora, na ang sinasalitâ co cay Robinson, ay nangyari nang may limang puo nang taon. Datapoua,t, ng̃ayo,y, isinusulat co ang caniyang Historia, at diya,y, isasama cong ipalilimbag ang inyong mang̃a sulat. Cung caniyang matangap ang mang̃a sulat naiyan sa cabilang buhay, ay inaacala cong icalulugod niyang lubhâ ang pagcatalastas nang daquilang pagmamahal ninyo sa caniya.Si Luisa. Datapoua,t, houag pò ninyong di ipatuloy ang lahat nang mang̃a bagay na nangyari sa caniya.Ang ama. Oo. Sasabihin co pa sa inyo ang mang̃a nangyari sa caniyang buhay, na totoong icatotoua ninyo. Ng̃ayo,y, tila sucat na.

Ang ama. Idinagdag mo sana ito: «Dito man sa Europa ay hindi iquinapaguiging mabuti at iquinapaguiguing mapalad nang mang̃a tauo ang guintô.» «Lalò pa ninyong paquiquinabang̃an cung sa lugar nang guintô ay nacacuha cayo nang capirasong patalim na magagauang sundang, palacol at iba pang casangcapan. Houag nauà cayong magcacasaquit at pagutusan ninyo ang tunay ninyong catoto na si

Enrique.»

Si Teodora. At ng̃ayo,y, ¿paanong gaga-uin natin na ang mang̃a sulat na ito,y, dumating sa caniya?

Si Luisa. ¿Mayroon pa bagang sucat gau-in para nang ibigay natin sa Capitan nangalin mang sasac-yan napatutung̃o sa América? At cung gayo,y, mapadadalhan naman natin nang anomang bagay si Robinson. Ibig co siyang padalhan nang pasas at almendras; ¿bibig-yan baga ninyo aco, inang?

Si Ramon.(Binulung̃an ang canilang ama.)Ang isip nila,y, totoong buhay pa si Robinson.

Ang ama. Pinasasalamatan co cayong ualang hangan, mang̃a anac co, sa ng̃alan ni Robinson dahil sa magandang loob ninyo sa caniya; datapoua,t, hindi ninyo maipadadala sa caniya ang mang̃a sulat na iyan.

Si Teodora. ¿At baquit hindi?

Ang ama. Sa pagca,t, malaon nang panahon na ang caloloua ni Robinson ay na sa cabila nang buhay, at ang caniyang catauan ay naguing lupà na.

Si Teodora. ¿Baquit pò mamamatay, cung ng̃ayo,y, bagong capaliligò lamang?

Ang ama. Nalilimutan mo, Teodora, na ang sinasalitâ co cay Robinson, ay nangyari nang may limang puo nang taon. Datapoua,t, ng̃ayo,y, isinusulat co ang caniyang Historia, at diya,y, isasama cong ipalilimbag ang inyong mang̃a sulat. Cung caniyang matangap ang mang̃a sulat naiyan sa cabilang buhay, ay inaacala cong icalulugod niyang lubhâ ang pagcatalastas nang daquilang pagmamahal ninyo sa caniya.

Si Luisa. Datapoua,t, houag pò ninyong di ipatuloy ang lahat nang mang̃a bagay na nangyari sa caniya.

Ang ama. Oo. Sasabihin co pa sa inyo ang mang̃a nangyari sa caniyang buhay, na totoong icatotoua ninyo. Ng̃ayo,y, tila sucat na.

Si Robinson ay nang matapus nang macapaligò, ay nagbalic sa caniyang tahanan, cumain nang hapunan at nagpahing̃ang lubhang mahinahon. Tularan naman natin siya.

Si Robinson ay nang matapus nang macapaligò, ay nagbalic sa caniyang tahanan, cumain nang hapunan at nagpahing̃ang lubhang mahinahon. Tularan naman natin siya.

TALABABA:[4]Pinatotoohanan nang autor aleman na ang mang̃a sulat na ito,t, gayon din naman ang caramihan nang mang̃a tanong at sagot nang mang̃a batà na natalatà sa librong íto, ay tunay at sinaling magaling sa mang̃a sinasabi nang mang̃a batang tínuturuan.

[4]Pinatotoohanan nang autor aleman na ang mang̃a sulat na ito,t, gayon din naman ang caramihan nang mang̃a tanong at sagot nang mang̃a batà na natalatà sa librong íto, ay tunay at sinaling magaling sa mang̃a sinasabi nang mang̃a batang tínuturuan.

[4]Pinatotoohanan nang autor aleman na ang mang̃a sulat na ito,t, gayon din naman ang caramihan nang mang̃a tanong at sagot nang mang̃a batà na natalatà sa librong íto, ay tunay at sinaling magaling sa mang̃a sinasabi nang mang̃a batang tínuturuan.

Si Cárlos. Inang, inang.Ang ina. ¿Ano ang ibig mo, Cárlos?Si Càrlos. Ang uicá pò ni Juan ay mangyaring padalhan ninyo siya nang ibang barò.Ang ina. ¿At baquit?Si Cárlos. Hindi pô macaalis sa paligoansa pagca,t, linabhan niya ang caniyang barò, at hangang ng̃ayo,y, basà pa. Ibig pong tumulad cay Robinson.Ang ina. Cung gayo,y, mabuti. Bibig-yan co siya nang ibang barò. Abutin mo; itacbo mo sa caniya at pagcatapus ay pumarito cayong lahat, sa pagca,t, sasalitin sa inyo nang inyong ama ang historia ni Robinson.Ang ama.(Si Juan na casama nang ibang mang̃a batà ay pinagsabihan nang ganito:)¿nacapaligò ca bagang magaling, catoto cong Robinson?Si Juan. Totoo pong magaling, hindi pò lamang natuyò ang aquing barò.Ang ama. Dapat mong pagcurocuroin na dito sa lugar na ito ay hindi totoong mainit na para sa pulò ni Robinson. Datapoua,t, ¿saan tayo natiguil?Si Enrique. Sa pagtulog ni Robinson. ¿Ng̃ayo,y, tingnan natin cung ano ang guinauà quinabucasan?Ang ama. Quinabucasan ay nagbang̃on, at humandâ sa paghuli nang mang̃a hayop na llama, pinunò ang caniyang supot nang maraming patatas na inihao, at nang isang malaquing pirasong laman nang pagong na binalot niya sa dahon nang niyog. Quinuha ang caniyang palacol; itinali sacatauan ang lubid na may silò na guinauà niya sa paghuli nang mang̃a hayop na llama; dinala ang caniyang payong, at lumacad na. Sa pagca,t, totoo pang maaga, ay pinasiya sa loob na siya,y, magpaliguid, na ang ibig niya,y, malibot ang mang̃a lugar na di niya nararating sa caniyang pulò. Dito sa caniyang paglibot na ito ay nacaquita siya nang di mabilang na mang̃a ibon na nacadapo sa mang̃a sang̃á nang cahoy, at may mang̃a loro na totoong maririquit ang balahibo. ¡Gaano ang pagnanasà niya na macahuli nang isa nang mang̃a ibong yaon, at nang caniyang mapaamò at macasama niya! datapoua,t, ang mang̃a matatandang loro ay totoong maiilap na na di sucat madaquip, at saan man siya pumaroon ay ualang maquitang pugad na macunan nang inacay; caya ng̃a pinabayaan niya sa ibang arao ang panghuhuli nito.

Si Cárlos. Inang, inang.

Ang ina. ¿Ano ang ibig mo, Cárlos?

Si Càrlos. Ang uicá pò ni Juan ay mangyaring padalhan ninyo siya nang ibang barò.

Ang ina. ¿At baquit?

Si Cárlos. Hindi pô macaalis sa paligoansa pagca,t, linabhan niya ang caniyang barò, at hangang ng̃ayo,y, basà pa. Ibig pong tumulad cay Robinson.

Ang ina. Cung gayo,y, mabuti. Bibig-yan co siya nang ibang barò. Abutin mo; itacbo mo sa caniya at pagcatapus ay pumarito cayong lahat, sa pagca,t, sasalitin sa inyo nang inyong ama ang historia ni Robinson.

Ang ama.(Si Juan na casama nang ibang mang̃a batà ay pinagsabihan nang ganito:)¿nacapaligò ca bagang magaling, catoto cong Robinson?

Si Juan. Totoo pong magaling, hindi pò lamang natuyò ang aquing barò.

Ang ama. Dapat mong pagcurocuroin na dito sa lugar na ito ay hindi totoong mainit na para sa pulò ni Robinson. Datapoua,t, ¿saan tayo natiguil?

Si Enrique. Sa pagtulog ni Robinson. ¿Ng̃ayo,y, tingnan natin cung ano ang guinauà quinabucasan?

Ang ama. Quinabucasan ay nagbang̃on, at humandâ sa paghuli nang mang̃a hayop na llama, pinunò ang caniyang supot nang maraming patatas na inihao, at nang isang malaquing pirasong laman nang pagong na binalot niya sa dahon nang niyog. Quinuha ang caniyang palacol; itinali sacatauan ang lubid na may silò na guinauà niya sa paghuli nang mang̃a hayop na llama; dinala ang caniyang payong, at lumacad na. Sa pagca,t, totoo pang maaga, ay pinasiya sa loob na siya,y, magpaliguid, na ang ibig niya,y, malibot ang mang̃a lugar na di niya nararating sa caniyang pulò. Dito sa caniyang paglibot na ito ay nacaquita siya nang di mabilang na mang̃a ibon na nacadapo sa mang̃a sang̃á nang cahoy, at may mang̃a loro na totoong maririquit ang balahibo. ¡Gaano ang pagnanasà niya na macahuli nang isa nang mang̃a ibong yaon, at nang caniyang mapaamò at macasama niya! datapoua,t, ang mang̃a matatandang loro ay totoong maiilap na na di sucat madaquip, at saan man siya pumaroon ay ualang maquitang pugad na macunan nang inacay; caya ng̃a pinabayaan niya sa ibang arao ang panghuhuli nito.

Datapoua,t, gayon ma,y, nacaquita siya nang isang bagay na lalò pang cailang̃an sa mang̃a loro; sa pagca,t, siya,y, umaquiat sa isang burol na nalalapit sa dagat at tuming̃in siya sa mang̃a lubac nang mang̃a bató, ay naquita sa lupà ang isang bagay na totoong napansin niya. Bumabà siya na gumagapang, at natalastas niyanang boong caligayahan na ang caniyang naquita ay may halagang bagay. ¿Ano cayang bagay yaon?

Datapoua,t, gayon ma,y, nacaquita siya nang isang bagay na lalò pang cailang̃an sa mang̃a loro; sa pagca,t, siya,y, umaquiat sa isang burol na nalalapit sa dagat at tuming̃in siya sa mang̃a lubac nang mang̃a bató, ay naquita sa lupà ang isang bagay na totoong napansin niya. Bumabà siya na gumagapang, at natalastas niyanang boong caligayahan na ang caniyang naquita ay may halagang bagay. ¿Ano cayang bagay yaon?

Si Enrique. ¿Perlas pô baga?Si Juan. ¿Icaliligaya baga niya ito? Marahil ay bacal. ¿Ano caya yaon? Sinabi pò ninyo sa amin doon sa lugar na maiinit ay ualang naquiquitang bacal. ¿Marahil ay isang buntong guintó?Si Luisa. Hindi aco macapaniniualà niyan. ¿At ano ang paquiquinabang̃an niya sa guintò?Ang ama. Hindi ninyo natumpacan. Cung gayo,y, sasabihin co sa inyo. Ang caniyang naquita ay asin. Tunay ng̃a na hangan niyon ay ang guinagauà niyang asin ay ang tubig na maalat sa dagat; datapoua,t, ¡laquing caibhan niyon! ang tubig sa dagat ay masaclap at mapait; at bucod dito,y, nagcacamali si Robinson nang paniniualà, na ang lamang cating asnan nang tubig sa dagat ay hindi masisirà, sa pagca,t, ang tubig sa dagat, para naman nang tubig sa batis at sa ilog ay nasisirà cung magtagal sa alin mang sisidlan. Caya ng̃a, nagcamit nang di mumunting capalaran sa pagcaquita nang tunay na asin, at ang guinauà niya,y, pinunong magaling ang bulsa nang caniyangcasaca, at caracaraca,y, caniyang dinala sa caniyang yung̃ib itong bagay na totoo niyang quinacailang̃an.Si Teodora. At ang asing ito ¿saan caya nangaling?Ang ama. Ualang pagsalang nalilimutan mo na ang ipinahayag co sa inyong isang arao tungcol sa pinangagaling̃an nang asin.Si Juan. Hangan ng̃ayon hindi co quinalilimutan. May asing quinucuha sa lupà; at saca mayroon namang asing guinagauà sa tubig na maalat, na tumutubò sa alin mang batis; at mayroon namang guinagauà sa tubig na maalat.Ang ama. Gayon ng̃a; at ang mang̃a nangagaling sa tubig sa dagat, ay guinagauà nang mang̃a tauo, ó sa init caya nang arao.Si Teodora. ¿Baquit pò sa arao?Ang ama. Oo, sa pagca,t, capag lumaqui ang tubig at umurong, ay ang tubig na natitira sa lupà ay natutuyong untiunti, at ang natitira sa lugar na yaon, ay siyang naguiguing asin.Si Luisa. ¡Tingnan ninyo ang bagay na yaon!Ang ama. Dito matatalastas ang cagaling̃an nang Dios sa pagcacaling̃a sa atin; na sa mang̃a bagay na totoo nating quinacailang̃an, ay siyang lalong humihing̃i nangmunting capaguran, at siyang ipinagcacaloob nang lalong casaganaan.

Si Enrique. ¿Perlas pô baga?

Si Juan. ¿Icaliligaya baga niya ito? Marahil ay bacal. ¿Ano caya yaon? Sinabi pò ninyo sa amin doon sa lugar na maiinit ay ualang naquiquitang bacal. ¿Marahil ay isang buntong guintó?

Si Luisa. Hindi aco macapaniniualà niyan. ¿At ano ang paquiquinabang̃an niya sa guintò?

Ang ama. Hindi ninyo natumpacan. Cung gayo,y, sasabihin co sa inyo. Ang caniyang naquita ay asin. Tunay ng̃a na hangan niyon ay ang guinagauà niyang asin ay ang tubig na maalat sa dagat; datapoua,t, ¡laquing caibhan niyon! ang tubig sa dagat ay masaclap at mapait; at bucod dito,y, nagcacamali si Robinson nang paniniualà, na ang lamang cating asnan nang tubig sa dagat ay hindi masisirà, sa pagca,t, ang tubig sa dagat, para naman nang tubig sa batis at sa ilog ay nasisirà cung magtagal sa alin mang sisidlan. Caya ng̃a, nagcamit nang di mumunting capalaran sa pagcaquita nang tunay na asin, at ang guinauà niya,y, pinunong magaling ang bulsa nang caniyangcasaca, at caracaraca,y, caniyang dinala sa caniyang yung̃ib itong bagay na totoo niyang quinacailang̃an.

Si Teodora. At ang asing ito ¿saan caya nangaling?

Ang ama. Ualang pagsalang nalilimutan mo na ang ipinahayag co sa inyong isang arao tungcol sa pinangagaling̃an nang asin.

Si Juan. Hangan ng̃ayon hindi co quinalilimutan. May asing quinucuha sa lupà; at saca mayroon namang asing guinagauà sa tubig na maalat, na tumutubò sa alin mang batis; at mayroon namang guinagauà sa tubig na maalat.

Ang ama. Gayon ng̃a; at ang mang̃a nangagaling sa tubig sa dagat, ay guinagauà nang mang̃a tauo, ó sa init caya nang arao.

Si Teodora. ¿Baquit pò sa arao?

Ang ama. Oo, sa pagca,t, capag lumaqui ang tubig at umurong, ay ang tubig na natitira sa lupà ay natutuyong untiunti, at ang natitira sa lugar na yaon, ay siyang naguiguing asin.

Si Luisa. ¡Tingnan ninyo ang bagay na yaon!

Ang ama. Dito matatalastas ang cagaling̃an nang Dios sa pagcacaling̃a sa atin; na sa mang̃a bagay na totoo nating quinacailang̃an, ay siyang lalong humihing̃i nangmunting capaguran, at siyang ipinagcacaloob nang lalong casaganaan.

Lumacad na ng̃a si Robinson nang boong casayahan sa lugar na caniyang panghuhulihan nang mang̃a hayop na llama; datapoua,t, isa ma,y, ualang naquita. Totoo ng̃a,t, may caagahan at di pa dumarating ang catanghalian, ang guinauà niya,y, naupò sa tabi nang isang cahoy, na doon niya quinain ang pagong at mang̃a patatas, na sa pagca,t, may asin na ay totoong nasarapan niya.Di pa nalalaong natatapus siya nang pagcain, ay naquita niya sa malayò ang mang̃a hayop na llama na naglulucsuhan na patung̃o sa caniya. Caracaraca,y, humandà ang ating bayani, at nacaacmà ang silong inaantay niyang may malapit. Nagdaan ang marami, datapoua,t, ualang nalalapit isa man; datapoua,t, caguinsa-guinsa ay may salalapit sa caniyang isa, ay ibinabà lamang niya ang caniyang camay na may tang̃ang silò, ay nahuli na ang hayop na yaon.Ito,y, nagsisigao: datapoua,t, sa tacòt ni Robinson na baca magulat ang iba ay hinigpit niyang magaling ang silò, at saca itinagò niya agad sa damohan, at nang houag maquita nang iba.Babayi ang caniyang nahuli at may dalauang inacay, na sumusunod sa canilang ina, at ito,y, totoong iquinatouà ni Robinson, na di nagdadalang tacot sa caniya. Caniyang pinaghihinimashimas ang mang̃a inacay, at sa malaquing caamoan ay hinihimuran ang caniyang camay, na parang nagmamacaauang paualan ang canilang ina.

Lumacad na ng̃a si Robinson nang boong casayahan sa lugar na caniyang panghuhulihan nang mang̃a hayop na llama; datapoua,t, isa ma,y, ualang naquita. Totoo ng̃a,t, may caagahan at di pa dumarating ang catanghalian, ang guinauà niya,y, naupò sa tabi nang isang cahoy, na doon niya quinain ang pagong at mang̃a patatas, na sa pagca,t, may asin na ay totoong nasarapan niya.

Di pa nalalaong natatapus siya nang pagcain, ay naquita niya sa malayò ang mang̃a hayop na llama na naglulucsuhan na patung̃o sa caniya. Caracaraca,y, humandà ang ating bayani, at nacaacmà ang silong inaantay niyang may malapit. Nagdaan ang marami, datapoua,t, ualang nalalapit isa man; datapoua,t, caguinsa-guinsa ay may salalapit sa caniyang isa, ay ibinabà lamang niya ang caniyang camay na may tang̃ang silò, ay nahuli na ang hayop na yaon.

Ito,y, nagsisigao: datapoua,t, sa tacòt ni Robinson na baca magulat ang iba ay hinigpit niyang magaling ang silò, at saca itinagò niya agad sa damohan, at nang houag maquita nang iba.

Babayi ang caniyang nahuli at may dalauang inacay, na sumusunod sa canilang ina, at ito,y, totoong iquinatouà ni Robinson, na di nagdadalang tacot sa caniya. Caniyang pinaghihinimashimas ang mang̃a inacay, at sa malaquing caamoan ay hinihimuran ang caniyang camay, na parang nagmamacaauang paualan ang canilang ina.

Si Teodora. Mangyayaring caniyang paualan.Ang ama. Malaquing hang̃al siya cung gayon ang caniyang gagau-in.Si Teodora. Oo ng̃a pò; datapoua,t, ang mang̃a caauaauang hayop ay hindi gumagauà nang masamà sa sinoman.Ang ama. Quinacailang̃an sila ni Robinson, anac co; at sinabi na natin na hindi masamà na gamitin natin at patayin ang mang̃a hayop, cung cailang̃an, liban na lamang cundi natin paquiquinabang̃an.

Si Teodora. Mangyayaring caniyang paualan.

Ang ama. Malaquing hang̃al siya cung gayon ang caniyang gagau-in.

Si Teodora. Oo ng̃a pò; datapoua,t, ang mang̃a caauaauang hayop ay hindi gumagauà nang masamà sa sinoman.

Ang ama. Quinacailang̃an sila ni Robinson, anac co; at sinabi na natin na hindi masamà na gamitin natin at patayin ang mang̃a hayop, cung cailang̃an, liban na lamang cundi natin paquiquinabang̃an.

Totoo ng̃ang natouà si Robinson sa pagcaquitang nasunod ang caniyang nasà; at baga ma,t, nagpupumiglas ang nahuli niyang hayop, ay pinagpilitan niyang supilin nang boong lacas, at itinaboy niyang casama nang caniyang mang̃a inacay sa daang lalong madali na patung̃o sa caniyang tahanan.Datapoua,t, ang cahirapan lamang ay hindi niya maalaman ang caniyang paglalag-yan sa caniyang mang̃a hayop, sa pagca,t, nasasarhan nang mang̃a bacod ang harapan nang caniyang tinatahanan. Cung caniyang ihugos magmula sa ibabao nang yung̃ib ay may pang̃anib na mabicti. Caya minarapat ni Robinson na siya,y, gumauà nang isang munting culung̃an na paglalag-yan muna, samantalang hindi siya nacagagauà nang lalong mabuti.Habang hindi pa nayayari ang caniyang culung̃an ay itinali ang hayop sa isang punò nang cahoy at pinasimulan na niya ang paggauà, na nagputól siya nang maliliit na sang̃a nang cahoy, at ipinagbabaon niya nang diquitdiquit na naguing parang isang culung̃an. Habang guinagauà niya ito ay sa capaguran nahiga ang hayop na llama, at ang ualang malay niyang inacay ay sumususong mapayapa, na di natatalastas na sila,y, na sa iba nang camay. ¡Laquing pagcalugod ni Robinson sa pagcaquita nito! hindi miminsang itinitiguil ang caniyang gauà sa pagcalibang sa panonood nang caniyang mang̃a hayop, at totoong nagpapasalamat siya sa caniyang capalaran, at siya,y, may casama na. Mula sa oras na yaon ay inaacalà niyang hindi na siya nagiisa; at ang pagcagunitang ito,y, nagbigay sa caniya nang lacas at calicsihan, na sa sandaling panahon lamang ay nautas ang caniyang mang̃a hayop, at ang pinagpasucan ay sinarhan nang mang̃a sang̃a nang cahoy.Dili sucat maipahayag ang caguilioguilio na caligayahan nang loob ni Robinson sa sandaling yaon, sa pagca,t, bucod sa mayroon siyang macacasamang mang̃a hayop, na totoong iquinaliligaya niya, ay inaasahan niyang totoo na mayroon pa siyang macucuhang mang̃a malalaquing capaquinabang̃an. Marahil ay sa calaunan nang panahon ay matututo siyang humabi nang damit sa balahibo nang gatas at magagauà pa niyang mantequilla at queso. Tunay ng̃a,t, hindi pa niya napagaalaman cung paano ang paraan nang paggauà nang mang̃a bagay na ito; datapoua,t, totoong nararanasan na di dapat pahinain ang loob nang sinoman sa paggauà nang anomang bagay ang nagcuculang sa caniya sa icapupuspos nang caniyang capalaran; sa pagca,t ang ibigniya,y, tumahang casama nang mang̃a minamahal niyang hayop, at nang palagui niyang namamasdan, na aalagaan, at magcaroon siya nang catouaan cung maquita niyang totoong umaamo sa caniya.Pinagpilitan niyang matagal na pagcurocuroin cung paano ang pagcaganap nang caniyang ninanasà; at sa catapusa,y, pinasiya sa loob na na houag patauarin ang anomang capaguran, at bubuscan niya ang isang panig na nacababacod na cahoy sa caniyang tahanan, at caniyang paluluang̃in. Datapoua,t, na ang caniyang tinatahanan ay di maualan nang catibayan, ay hangang guinagauà niya ang bagong bacod ay hindi niya iniuasac ang dati hangan sa di muna nayari.Sa caniyang caligayahan ay natapus niyang mang̃a ilang arao ang gauang ito at nagcaroon siya nang totoong malaquing caaliuan sa pagcacaroon nang tatlong casama, at hindi dahil dito,y, quinalimutan ang caniyang aliuan sa pagpapacain sa gagambang naguing una niyang casama, bagcus pa ng̃ang ipinatuloy ang pagpapacain niya nang mang̃a lang̃ao at lamoc arao arao sa gagamba at ang gagambang ito, na sa pagcatalatas na siya,y, minamahal, ay umamototoo, na bahaguia na lamang lumalapit si Robinson sa caniyang bahay ay quinacagat na sa caniyang camay.Nahirati namang totoo sa paquiquisama sa caniya ang mang̃a hayop na llama; at sa touî siyang magbabalic sa caniyang tahanan ay sumasalubong sa caniyang naglulucsuhan, inaamoy siya at nang matalastas na cung may ouî siyang cacanin, at hinihimuran ang caniyang mang̃a camay tandà nang pagpapasalamat, capag binibig-yan niya nang sariuang damó, ó mang̃a murang sang̃a nang cahoy. Nang di na sumususo ang dalauang inacay, ay pinasimulan na ang paggatas sa umaga,t, hapon, na ang guinagamit niyang saro ay ang mang̃a bauo; at ang gatas na caniyang iniinom, ay totoo niyang minamasarap, na nacapagbibigay guinhaua sa caniya doon sa maralità at capanglaopanglao na pamumuhay.Sa pagca,t, ang punò nang niyog ay totoo niyang pinaquiquinabang̃an at marami siyang pinaggagamitan, ay nagnanasà siyang masaquit na maparami niya ang mang̃a punò nang niyog; datapoua,t, ¿ano cayang paraan ang caniyang gagauin? di mamacailang naring̃ig niya na ang mang̃a punó nang cahoy ay pinapagsusupling, datapoua,t, cailan man ay hindi niya pinagaralan ang tunay na paraan nang paggauà nito. ¡Macalilibong mapabuntong hining̃a siya! ¡Laquing cahang̃alan co, aniya, at di aco nagsamantala sa panahon nang aquing cabataan, sa pagaaral nang dapat matutuhan! Cung natalastas co sana niyong mabuti ang mang̃a bagay na aquing paquiquinabang̃an ¿pababayaan co baga na di matutunan ang mang̃a bagay na aquing naquiquita at nariring̃ig? Cung ang aquing caisipan ay hindi macaabot sa nararating nang iba ay pagpipipilitan cong matuto man lamang aco nang caunti, at disin sana,y, ang caunting carunung̃ang yaon ay paquiquinabang̃an cong totoo ng̃ayon. Cung aco,y, sana,y, magcapalad na magbalic sa aquing cabataan, ¡laquing pagpipilit co na matatalastas ang lahat nang guinagauà nang ibang mang̃a tauo! ualang anluagui at magsasacá na di co tutularan.Datapoua,t, ¿anong caniyang mapapala; sa pagsisising ito, ng̃ayong ualà na siyang magauà? Ang nararapat ay pang̃ahasan niyang ticman ang hindi niya napagaalaman; at ito ng̃a ang siya niyang guinauà.Hindi niya naaalaman cung siya,y, natutumpac ó hindi, ay caniyang pinutol saitaas ang tatlong supling, humucay siya sa guitna nang punò, at ipinasoc niya ang isang murang sang̃a nang niyog, at nang caniyang mabalot na nang balat ang canyang hinucayan, ay inaantay niyang masaquit cung ano ang lalabas doon. At tingnan ninyo,t, siya,y natumpac sa paggaua nito; sa pagca,t, nang macaraan ang ilang panahon ay tumubo ang supling, cung sa bagay ay natutuhan niya ang paraan nang pagpaparami nitong totoong mahalagang halaman. Bagong caligayahan, bagong pagquilala at pagpapasalamat ni Robinson sa Maycapal na nagcaloob sa mang̃a bagaybagay dito sa lupà nang mang̃a bisà at tang̃ing capangyarihan, nang masundan nang mang̃a tauo saansaan man ang mang̃a paraan nang canilang icabubuhay at icaguiguinhaua. Sa sandaling panahon ay totoong nagsiamò ang mang̃a hayop ni Robinson, na cung baga sa atin ay parang mang̃a aso; at caya ng̃a nagagamit niya paglala nang anomang bagay na ibig niyang ilipat saan mang lugar.

Totoo ng̃ang natouà si Robinson sa pagcaquitang nasunod ang caniyang nasà; at baga ma,t, nagpupumiglas ang nahuli niyang hayop, ay pinagpilitan niyang supilin nang boong lacas, at itinaboy niyang casama nang caniyang mang̃a inacay sa daang lalong madali na patung̃o sa caniyang tahanan.

Datapoua,t, ang cahirapan lamang ay hindi niya maalaman ang caniyang paglalag-yan sa caniyang mang̃a hayop, sa pagca,t, nasasarhan nang mang̃a bacod ang harapan nang caniyang tinatahanan. Cung caniyang ihugos magmula sa ibabao nang yung̃ib ay may pang̃anib na mabicti. Caya minarapat ni Robinson na siya,y, gumauà nang isang munting culung̃an na paglalag-yan muna, samantalang hindi siya nacagagauà nang lalong mabuti.

Habang hindi pa nayayari ang caniyang culung̃an ay itinali ang hayop sa isang punò nang cahoy at pinasimulan na niya ang paggauà, na nagputól siya nang maliliit na sang̃a nang cahoy, at ipinagbabaon niya nang diquitdiquit na naguing parang isang culung̃an. Habang guinagauà niya ito ay sa capaguran nahiga ang hayop na llama, at ang ualang malay niyang inacay ay sumususong mapayapa, na di natatalastas na sila,y, na sa iba nang camay. ¡Laquing pagcalugod ni Robinson sa pagcaquita nito! hindi miminsang itinitiguil ang caniyang gauà sa pagcalibang sa panonood nang caniyang mang̃a hayop, at totoong nagpapasalamat siya sa caniyang capalaran, at siya,y, may casama na. Mula sa oras na yaon ay inaacalà niyang hindi na siya nagiisa; at ang pagcagunitang ito,y, nagbigay sa caniya nang lacas at calicsihan, na sa sandaling panahon lamang ay nautas ang caniyang mang̃a hayop, at ang pinagpasucan ay sinarhan nang mang̃a sang̃a nang cahoy.

Dili sucat maipahayag ang caguilioguilio na caligayahan nang loob ni Robinson sa sandaling yaon, sa pagca,t, bucod sa mayroon siyang macacasamang mang̃a hayop, na totoong iquinaliligaya niya, ay inaasahan niyang totoo na mayroon pa siyang macucuhang mang̃a malalaquing capaquinabang̃an. Marahil ay sa calaunan nang panahon ay matututo siyang humabi nang damit sa balahibo nang gatas at magagauà pa niyang mantequilla at queso. Tunay ng̃a,t, hindi pa niya napagaalaman cung paano ang paraan nang paggauà nang mang̃a bagay na ito; datapoua,t, totoong nararanasan na di dapat pahinain ang loob nang sinoman sa paggauà nang anomang bagay ang nagcuculang sa caniya sa icapupuspos nang caniyang capalaran; sa pagca,t ang ibigniya,y, tumahang casama nang mang̃a minamahal niyang hayop, at nang palagui niyang namamasdan, na aalagaan, at magcaroon siya nang catouaan cung maquita niyang totoong umaamo sa caniya.

Pinagpilitan niyang matagal na pagcurocuroin cung paano ang pagcaganap nang caniyang ninanasà; at sa catapusa,y, pinasiya sa loob na na houag patauarin ang anomang capaguran, at bubuscan niya ang isang panig na nacababacod na cahoy sa caniyang tahanan, at caniyang paluluang̃in. Datapoua,t, na ang caniyang tinatahanan ay di maualan nang catibayan, ay hangang guinagauà niya ang bagong bacod ay hindi niya iniuasac ang dati hangan sa di muna nayari.

Sa caniyang caligayahan ay natapus niyang mang̃a ilang arao ang gauang ito at nagcaroon siya nang totoong malaquing caaliuan sa pagcacaroon nang tatlong casama, at hindi dahil dito,y, quinalimutan ang caniyang aliuan sa pagpapacain sa gagambang naguing una niyang casama, bagcus pa ng̃ang ipinatuloy ang pagpapacain niya nang mang̃a lang̃ao at lamoc arao arao sa gagamba at ang gagambang ito, na sa pagcatalatas na siya,y, minamahal, ay umamototoo, na bahaguia na lamang lumalapit si Robinson sa caniyang bahay ay quinacagat na sa caniyang camay.

Nahirati namang totoo sa paquiquisama sa caniya ang mang̃a hayop na llama; at sa touî siyang magbabalic sa caniyang tahanan ay sumasalubong sa caniyang naglulucsuhan, inaamoy siya at nang matalastas na cung may ouî siyang cacanin, at hinihimuran ang caniyang mang̃a camay tandà nang pagpapasalamat, capag binibig-yan niya nang sariuang damó, ó mang̃a murang sang̃a nang cahoy. Nang di na sumususo ang dalauang inacay, ay pinasimulan na ang paggatas sa umaga,t, hapon, na ang guinagamit niyang saro ay ang mang̃a bauo; at ang gatas na caniyang iniinom, ay totoo niyang minamasarap, na nacapagbibigay guinhaua sa caniya doon sa maralità at capanglaopanglao na pamumuhay.

Sa pagca,t, ang punò nang niyog ay totoo niyang pinaquiquinabang̃an at marami siyang pinaggagamitan, ay nagnanasà siyang masaquit na maparami niya ang mang̃a punò nang niyog; datapoua,t, ¿ano cayang paraan ang caniyang gagauin? di mamacailang naring̃ig niya na ang mang̃a punó nang cahoy ay pinapagsusupling, datapoua,t, cailan man ay hindi niya pinagaralan ang tunay na paraan nang paggauà nito. ¡Macalilibong mapabuntong hining̃a siya! ¡Laquing cahang̃alan co, aniya, at di aco nagsamantala sa panahon nang aquing cabataan, sa pagaaral nang dapat matutuhan! Cung natalastas co sana niyong mabuti ang mang̃a bagay na aquing paquiquinabang̃an ¿pababayaan co baga na di matutunan ang mang̃a bagay na aquing naquiquita at nariring̃ig? Cung ang aquing caisipan ay hindi macaabot sa nararating nang iba ay pagpipipilitan cong matuto man lamang aco nang caunti, at disin sana,y, ang caunting carunung̃ang yaon ay paquiquinabang̃an cong totoo ng̃ayon. Cung aco,y, sana,y, magcapalad na magbalic sa aquing cabataan, ¡laquing pagpipilit co na matatalastas ang lahat nang guinagauà nang ibang mang̃a tauo! ualang anluagui at magsasacá na di co tutularan.

Datapoua,t, ¿anong caniyang mapapala; sa pagsisising ito, ng̃ayong ualà na siyang magauà? Ang nararapat ay pang̃ahasan niyang ticman ang hindi niya napagaalaman; at ito ng̃a ang siya niyang guinauà.

Hindi niya naaalaman cung siya,y, natutumpac ó hindi, ay caniyang pinutol saitaas ang tatlong supling, humucay siya sa guitna nang punò, at ipinasoc niya ang isang murang sang̃a nang niyog, at nang caniyang mabalot na nang balat ang canyang hinucayan, ay inaantay niyang masaquit cung ano ang lalabas doon. At tingnan ninyo,t, siya,y natumpac sa paggaua nito; sa pagca,t, nang macaraan ang ilang panahon ay tumubo ang supling, cung sa bagay ay natutuhan niya ang paraan nang pagpaparami nitong totoong mahalagang halaman. Bagong caligayahan, bagong pagquilala at pagpapasalamat ni Robinson sa Maycapal na nagcaloob sa mang̃a bagaybagay dito sa lupà nang mang̃a bisà at tang̃ing capangyarihan, nang masundan nang mang̃a tauo saansaan man ang mang̃a paraan nang canilang icabubuhay at icaguiguinhaua. Sa sandaling panahon ay totoong nagsiamò ang mang̃a hayop ni Robinson, na cung baga sa atin ay parang mang̃a aso; at caya ng̃a nagagamit niya paglala nang anomang bagay na ibig niyang ilipat saan mang lugar.


Back to IndexNext