Pagkatapos n~g karnabal ay wala nang agamagam na sukat malabi kay Elsa upang huwag malubos ang kanyang kaligayahan. Ang malaong pinan~gapan~garap niyang pagtatagumpay sa puso n~g makatang nihag na buongbuo sa kanyang pagkababae ay isa nang katotohanang itinatambad sa harap niya n~g m~ga huling pangyayari.
Inniibig niya si Tirso, at ang makatang ito ay umiibig sa kanya. ¡Narito ang tamis, ban~go, liwanag, luwalhati at buhay n~g magandang si Elsa! Ito ang kanyang kahapon, n~gayon at bukas; ang tanging sanhi n~g kung bakit ninanais niya ang mabuhay pa n~g malawig sa mundong ito....
Arawaraw, pagkamulat n~g m~ga mata, ang unang sumisilid sa isip ni Elsa ay ang pagmumunimuni kung paano't saan sila muling magkakaulayaw ni Tirso, at kung anong bagay ang kailan~gan niyang gawi't iukol pa sa makatang iyan upang huwag magkawakas kundi bagkus magibayo pa ang katalikan n~g kanilang pagmamahalan. At si Elsa ay isang matiyagang tagapagalaga n~g halamang iyan. Dinadalaw niya orasoras ang kanyang bakuran, dinidilig ang pananim, ito'y ginagambulan sa puno, hinihimas sa dahon, hinahagkan sa talulot....
At sa ikalulusog n~g halamang, sinabi, pagtaastaas na n~g sikat n~g araw ay nagugunita na agad n~g mestisa ang paglusong sa dagat na kasama n~g kanyang m~ga piling kaibiga't kakilala. Si Tirso ay malimit na tinitipan niya sa gayong m~ga paliligo sa magandang dagat, at sa kanilang pagtatagpo roo'y madalas silang nagtatamasa n~g kaligayahan sa pamamangka, sa pagtatampisaw sa tubig at pagtatapak pagkatapos sa mabanlik na baybaying hinahagkang lagi n~g mayamang simoy.
Kung linggo n~g hapon, si Elsa ay masigla ang katawang nagsasadya sa Luneta, at doon, kaabay n~g makata n~g kanyang m~ga pa~ngarap, ay nagyayao't dito sa lahat n~g dako, samantalang ninanamnam n~g kanyang kaluluwa ang nagpapainamang tugtugin n~g banda n~g Konstabularia na nagiging marapat sa dilang paghan~ga. Naroong magpabalikbalik sila sa pabilog at pasalasalabat na m~ga landas, magtigil at magmasidmasid sandali sa harap n~g hugis pisóng bantayog ni Rizal, saka mauupo sa alinmang likmuang mawalan n~g tao. Naroong sila'y dumako sa may dinudunghal n~g "Manila Hotel", at mula sa ibabaw n~g m~ga naglalakihang bato't talampas na saganangsagana sa pook na yao'y boong lugod na pinanonood ang tila naguunahang salpok n~g alon sa lahat n~g pagilid, saka ang kaakitakit na kulay n~g langit sa dakong Kanluran sa m~ga sandali n~g pagsibsib n~g araw sa likod n~g m~ga bundok na natatanaw sa kabila n~g dagat. Kung minsan nama'y siya nilang tinatalunton ang daang pahabay sa dagat na patugpang Pasay, at doo'y malinit silang nagtitila m~ga ibong namamayagpag n~g boong lugod at panabay na umaawit n~g isang pagiirugang walang pagkupas....
Sa "Jardin Botánico" ay madalas din namang sila ay nagpapalipas n~g mahahabang sandaling puspos n~g tamis at kaluwalhatian. Sa ibabaw n~g damuhan at sa lilim n~g malalabay na punongkahoy na nagbibigay n~g kahalihalinang anyo sa pook na yaon, hindi mamakailang sila'y naguulayaw n~g boong payapa at ang m~ga puso nilang kalong n~g ligaya'y binibigyang panahong magkapalitan n~g wagas na tibukin ... At kung mapagod na sa panonood n~g hayop na walang kasingamo sa loob n~g kulungang bakal gayong pagkailapilap kapag nasa kagubatan, kung man~galay na ang m~ga mata't magsipamitig ang m~ga litid sa pagmamasid sa pagsasalimbayan n~g sarisaring ibong may iba't ibang kulay, sa paghahabulan n~g m~ga dagang-kosta, m~ga koneho, sa paguumakyat-manaog sa m~ga nagsalabat na kahoy n~g m~ga unggong mukhang taong pan~git, sa kiniwalkiwal n~g buwaya, sa pamamalupot n~g sawa, sa paninin~gasing n~g baboy-damo, tamaraw at iba't iba pa; kung sila ay manghinawa na n~ga sa lahat n~g iyan ay saka lamang nila lilisanin ang pook na yaon n~g sa puso'y taglay ang m~ga alaalang labis na makabuo n~g isang gintong kabanata sa kasaysayan n~g kanilang pagsisintahan....
Ang m~ga tula n~g makata ay bihirang hindi naglalarawan n~g alinman sa m~ga pook na yaong pinagtatamasahan n~g aliw n~g kanilang kaluluwa. Bihirang hindi bumabanggit sa maliligayang sandali n~g kanilang pagsisinaya sa kahilihiling kapalaran. At walang bigong talatang di nagpapagunita sa mestisa n~g nagtatamisang pangyayaring nangyari sa mabiyayang panahon n~g kanilang suyuan....
Si Elsa't si Tirso ay dalawang kinapal n~gang sa kabila n~g maraming araw na di pagkakatugunan n~g m~ga damdamin ay magkayapos din ang m~ga palad na nakapasok sa di kawasa sa isang panahong ang lahat ay tamis, layaw at pagibig....
Ang lan~git na namamalas ni Elsa ay sagana sa silahis na kaakitakit, at ang papawiri'y naghahandog sa diwa niya n~g matatamis na guniguni. Ibig niyang lumipad, pumaimbuyog sa kalawakang walang wakas, at sa kabila n~g busilak n~g alapaap ay kanyang ipagdiwang sa apat na panulukan n~g Katalagahan ang pananagumpay n~g kanyang m~ga adhika sa puso n~g makatang tanging aliw n~g kanyang kaluluwa.
At si Tirso, ang makatang tuwina'y may salamisim sa diwa, may gayuma sa mata, may pulot sa labi't may lambing sa bawa't kilos, ay natatalagang huwag lumayo kaunti man sa piling n~g mestisa. Ibig ding lumipad magsaibong sasalun~ga sa hihip n~g han~gin upang maawitang parati n~g kanyang pagibig, masuob n~g kamanyang n~g paghan~ga't masabugan n~g bulaklak n~g papuri ang karilagang tan~gingtan~gi n~g kanyang liyag....
Lamang, ay isang sagabal ang nararamdaman niya waring pumipigil sa kanyang m~ga bagwis, parang lubid na bumabaliti sa m~ga pakpak niya at siyang hindi ika-panibulos n~g kanyang m~ga lakad. Si Elsa ay malayang singlaya n~g hangin na maaari n~gang makasunod sa bawa't pithaya n~g pusong sumisintang wagas. Datapwa't siya, si Tirso, ay may tanikala sa boong katawan, na ang pagkakagapos ay may mahigpit na buhol na di niya kayang kalagin.
At ang tanikalang ito, ang gapos na itong ayaw magtulot sa kanya upang makapakiagapay sa kataasan n~g lipad n~g m~ga pangarap n~g mestisa, ay dili iba't ang sumpang binitiwan niya't nilagdaan n~g kanyang kamay sa harap n~g hukuman sa Sampiro.
Ang sumpang iyon ay kusa niyang inilagda noong isang gabing ang kanyang puso'y inaapawan n~g di masayod na pagibig sa ibang alindog: kay Teang. At hindi sukat ang masabing ipinagbili n~g babaeng ito sa mababang tawad ang karan~galan n~g kanyang pagkababae, sakaling magkaganito man upang mapawian n~g bisa ang naturang sumpa. Mangyayaring ang hindi pagsipot n~g sulat na ipinangako n~g boong higpit ni Teang ay magkaroon n~g kahulugang ang babaeng iya'y nagtaksil na n~ga at kusang lumimot kay Tirso; n~guni't gayon man, sa harap n~g Batas n~g katuwiran at sa ilalim n~g Katuwiran n~g batas, ang lalaking ito ay walang kakarakarapatang "bumawi n~g pan~gulugi" sa kandun~gan n~g sinomang linikhang maiiba sa babaeng sinumpaan na niyang minsan. Mangyayaring magkatotoo na si Teang ay isang hamak na manyikang tumatawa't pumipikit sa kamay n~g isang mapaglarong pari, gaya n~g balita ni Martinez; subali't hindi mangyayaring si Tirsong napalun~gi sa babaeng iya'y maluwag nang makahahanap n~g panibagong kapalaran sa sinapupunan n~g ibang langit. Mangyayaring maibunto kay Teang ang tanang kasamaang magagawa n~g isang babae; datapwa't hindi dahil diya'y kalapating malaya na si Tirso na makapamamayagpag na lilipat sa ibang pugad na ibig niyang patun~guhan....
Nariyan ang balakid. Iyan ang malaking sagabal, ang tanikalang gapos na ang m~ga kawil ay lihim na lumilingkis at bumabaon sa m~ga lamad n~g puso ni Tirso, kung kaya't ang kanyang pagsunodsunod sa m~ga bakas ni Elsa ay pawang may katugong masaklap na dilidili sa liblib na pitak n~g kanyang nasasalimuot na isipan....
Walang kamalaymalay si Elsa sa lihim na itong sinasarili ni Tirso. Subali, ang kawalang malay na iya'y hindi naman makaganyak sa kahinubong bait n~g nabanggit na makata upang magsamantala.
Kalaban si Tirso n~g lahat n~g uri n~g pagsasamantala sa kahinaa't pagtitiwala n~g babae. At kung may naipupula sa kanya ang m~ga kapwa niya lalaki, ay wala nang iba kundi ang kalamigan n~g kanyang loob at malabis na pitagan sa babae, kasakdalang ito man ang nagbubukas n~g daang kanyang mapaglalagusan,
Ang kapunapunang pagwawalang bahala na kanyang inasal sa harap n~g mapupusok na pitlag n~g damdamin n~g mestisa, na di na kaila sa marami, ay hindi mamakailang naging dahil n~g panunudyo't paglibak sa kanya n~g m~ga kapwa niya lalaki. Sinasabing ang kanyang pag kamakata ay nasa tulaan lamang at wala sa gawa; na ang kanyang pagkalalaki ay madalas na di nabibigyang halaga sa ginagawi niyang pagpapakadun~gong lagi sa harap n~g babae. Madla n~ga ang nagpapalagay na ang pagkalalaki n~g isang paris ni Tirso ay dapat kilatisin ang uri sa kasanayang magsamantala sa masisimbuyong silakbo n~g damdaming katutubo sa babae, at ang alinmang pagpapalampas n~g m~ga pagkakataong nasa naaabot n~g kamay ay itinuturing na isang kadun~guang nararapat sa dilang paglait.
Datapwa, sa katotohanan, ang bagay na iyan ay tinitingnan ni Tirso n~g alinsunod sa kanyang kabaligtaran. Alalaong baga: iyang kakutyaang ipinalalagay n~g tanang may laos na ugali, ay siyang sa ganang sa makatang sinabi'y karan~galang nararapat ipagmalaki. Ang pagpipitagan tuwina sa talosaling na kalagayan n~g babae ay isang kapurihang banal n~g m~ga lalaki. At ang kadakilaan n~g isang lalaki ay dapat kilalanin sa matimping ugali at hindi sa nararahuyo sa tukso n~g kababaang asal. Ang babae, bagama't mataginting na tulad sa kristal, ay isang babasaging pagkarupokdupok na sapat sa lahat n~g kapariwaraan; samantalang ang lalaki'y bakal na mistulang kalarawan n~g tibay na sapat naman sa dilang kabayanihan. N~guni't para kay Tirso Silveira, hindi sapagka't bakal ito at kristal iyon ay kabayanihan na nitong huli ang pagdiriwang na lagi sa ibabaw n~g kahinaan, karupuka't pabiglabiglang tibok n~g puso n~g una. Ang babae ay isang bulaklak na may halimuyak na pinakahahan~gaan n~g kanyang pagkatao, hiyas n~g lahing may pitak n~g pagmamahal sa guwang n~g kanyang dibdib, dakilang bathalang may dambana sa kanyang lubos na paggalang. Paban~gong mahal na iniin~gatan sa gusi n~g kanyang dilang pagpapahalaga, ang babae ay ikalulunos n~g kanyang budhi kung magtila tubig na mabuhos sa lupa sa kagasuhan n~g lalaki. Ang babae ay bahagi n~g Katauhan, isang kailan~gang kapag nawala, ay wala na rin ang buhay.
Dito nasasalig ang paniniwala at m~ga kurokuro ni Tirso tungkol sa kadakilaan n~g babae. Siyang tuntuning sinasagisag niya sa ibabaw n~g mababang ugali n~g ibang lalaking gising sa kamaliang dulot n~g mundo.
Kaya, nang panahong si Teang ang tampulan n~g kanyang dilang pan~garap at boong pagirog, anomang mapamihag na kilos na sa kanya'y ipamalas ni Elsa ay han~gin lamang na nagdaraan sa papawirin kanyang pagpapakundan~gan.
Datapwa't....
Kailan man ay hindi naging malamig ang apoy. Walang nagmalikot na maglaro nito na hindi napaso. At ang babae, sa ibabaw n~g lahat, ay apoy na may malagablab na nin~gas: laging nagaalimpuyo, nagn~gan~galit at nahahandang dumarang o tumupok sa sinomang sa kanya'y magpain n~g buhay....
At si Tirso, tao palibhasa, sa pakikilaguyo sa mestisang si Elsa, ay nadarang ang puso, nasalab ang kaluluwa at nagalimpuyo ang damdamin, hanggang sa mawalang parang usok sa gunita niya ang larawan at pan~galan n~g babaeng una niyang nakilala sa sintahan ... ¡Makailang ang Tukso n~g Kamunduha'y nagtirik n~g kanyang bandila sa ibabaw n~g maran~gal na Budhi!
Sa kabilang dako, kung ano ang tunay na katuturan n~g hindi pagsangayon ni Tirso sa mungkahing sila'y lumagay na sa panatag, ay siyang hindi nahulaan n~g matalinong si Elsa.
Mangyari'y tuwinang mapaguusapan ang bagay na iyan ay kaagad nang tatawagan n~g makata ang alaala n~g mestisa tungkol sa kinakailan~gang pagpapakahinahon n~g sinomang gaya nila na tumutuntong sa gayong baytang n~g kabuhayan. Sa mahabang lakbayin, ani Tirso, ay hindi nababagay ang pusok n~g loob at pagsusumugod n~g lakad; kinakailan~gan ang tiyaga, ang pagiin~gat at tulong n~g panahon. At ang pagaasawa ay iyang madawag at mahahabang lakbayin na di matatagpusan sa pahan~gos at walang tuos na pagtakbo. Saka, ang pagaasawa, anya pa, ay bun~ga n~g halamang may likas na pangakit: may bulo sa balat, masarap ang amoy, maganda ang hugis at biglaw pa'y may marikit nang kulay na sapat ipaglaway n~g sinomang pihikang makamamalas. Malinamnam at nakabubusog kung suko sa gulang, dapwa't mapait na walang kasingpait at lasong nakamamatay kapag bubot na kinitil sa tangkay. Tubig din namang sakdal lamig at kusang napaiinom ang pagaasawa, kapag ang binata at dalagang tutungga sa saro ay hindi gagamit n~g pagpapakalabis; n~guni't alak na nakalalasing, apdo't sukang nakaduduwal kapag namarusa sa sinomang kayamua't walang tuto sa paglagok....
Hindi natatalos ni Elsang sa napagdanasan n~g sarili hinahan~go ni Tirso ang ganyang hakahaka hinggil sa suliraning kanyang iminumungkahi. Di niya nalalamang nang matutuhan n~g makata ang ganyang turo ay nitong mapagaralan na lamang sa pagkakarahuyo sa isang babaeng nawala at sukat matapos na siya'y pahan~gahan~gain sa angking alindog. At malayong pagsalagimsiman ang makata n~g kahi't anong di mabuting hinala, kung pinananayn~gahan n~g mestisa ang nan~gabanggit na parirala n~g kanyang talisuyo, ay ipinalalagay pang siya'y nakaririnig n~g tinig n~g anghel na tumatawag sa kanya't nan~gan~garal n~g kabanalan.
Sa wakas, bagaman sugat na dinaramdam n~g mestisa ang nangyaring pagkapagsalita sa kanya n~g kanyang kapatid dahil kay Tirso, at kahima't naidadaing niyang malimit ang kinirotkirot n~g sugat na ito, huwag na hindi magbitiw n~g kahi't anong payo ang makatang hantun~gan n~g kanyang dilang paghan~ga, ay napipipi siya't nagsasawalang imik na lamang at sukat. Bagkus kinikilala pa niyang nasa matuwid at mabuti ang pagunita ni Tirsong masarap ang mamalaging mahabahaba pang panahon sa pagkadalaga. Ang dalaga ay bulaklak na masamyo at sariwa na laging katalamitam n~g layaw at kaligayahan. N~guni't kapag nagasawa, na, ibigin ma't hindi ay pinapanawan na n~g ban~go, kinukupasan n~g kulay at nalalanta sa tin~gin n~g balana. Nasain mang manatili sa pagkakatampok sa alaala at pagpapahalaga n~g Kapisanan, ang Kapisanan ay siya nang kusang lumilimot sa kanya't ang n~galan niya ay itinuturing na lamang na isang bituing untiunting nawawala sa masayang lan~git.
At si Elsa ay hindi pa kadaglidagling makatatalikod sa kasayahan. Sa gitna n~g kasayahan nakilala niya ang makatang nagpatibok n~g tunay na pagibig sa kanyang murang puso't nihag n~g kanyang tanang paghan~ga; nagaalaala siyang kung siya'y lumayo sa kasayahang iyan ay baka lumayo na rin naman ang kapalarang hinihintay niya sa pagtatan~gi n~g naturang makata.
Si Elsa n~ga ay mamamalagi pang dalaga, hiyas na maningning na gaya n~g dati'y palamuting ayok sa bawa't kilusan n~g kabinataan; sariwang bulaklak na naghahalimuyak n~g sanghaya sa halamanan n~g pagibig, na ang m~ga talulot ay mapan~gan~gayupapaan n~g bawa't paroparong uhaw sa luwalhati....
N~gunit habang nagpapatuloy ang di mahahabol na takbo n~g m~ga araw na sunodsunod na yumayao, ay untiunti namang gumigitaw sa isipan ni Elsa ang nino n~g alinlan~gang nababanghay sa m~ga tanong na itong iniuukol niya sa kanyang sarili:
—¿Ano kaya ang tunay na niloloob ni Tirso sa ganito kong katayuan? ¿Bakit kaya't hindi na siya nagbabalak na ako'y ilagay sa kapanatagan, kung aking inuuntag sa kanya ang bagay na ito'y nililibang pa ako sa kung anoanong matatamis na pan~gun~gusap at maririkit na halimbawa? ¿Habang panahon kaya'y ganito na lamang ang ibig niyang panatilihan ko? Kahapo't kamakalawa, ang hindi pa pagkatapos n~g kanyang pagaaral ay isa sa m~ga mahigpit na idinadahilan, n~guni't ngayong siya'y maluwalhati nang nakaraos ay ang pagsusulit naman sacorte supremaang iginigiit ... ¡Kung ako man lamang sana'y nahalataan na niya n~g pagkamasilawin satítulo!¡Kung sa akin sana'y hindi pa sapat ang kanyang pagkamakata! ¿Iniimbot kaya niyang pagdayaan o linlan~gin ako?...
At, si Elsa ay may labis na katuwirang mabalisa sa bahagyang kilos ni Tirsong kinasisinagan n~g panglilinlang o pagbabagong loob. Kung nang m~ga araw na kay Teang nabubuhos ang pagibig n~g makata ay kinamalasan siya n~g m~ga kilos na di maaakalang magawa n~g karaniwang babaeng silang sa bayang ito, n~gayong ang pagibig na iya'y sa kanya na nagtatamo n~g tamis at kaluwalhatian, higit doon ay lalo nang sukat siyang makapagisip at makapagsagawa n~g m~ga bagay na natutun~god sa ikapapanuto n~g kanyang katiwasayan.
Ang m~ga, araw na lumipas ay naging mapapalad na saksi n~g pagkakalagak sa sinapupunan n~g mestisang iyan n~g isang tatak na di makakatkat kundi n~g kamatayan lamang. Sa matabang linang n~g kanyang pusong nabababad sa tubig n~g paggiliw, n~g paggiliw na dalisay at marubdob, may malusog na binhing napahasik sa lalang n~g kahilihiling pagsusuyuan nila n~g makata; isang binhing palibhasa'y laging nadidilig n~g hamog n~g mayamang pagmamahal, ay patuloy na umuunlad at balang araw ay tatanghaling isa nang ganap na halamang boong pamimisagak na umaan~gat sa lupang kinahasikan....
Ang halamang iyon, pagsapit n~g takdang araw, ibigin ma't hindi ni Elsa ay siyang magwawasiwas sa apat na panulukan n~g Katalagahan n~g balitang nagkaroon n~g ani ang pagiibigan nila ni Tirso, n~guni't siya rin namang lilikha n~g maitim na aninong ipanghihilakbot n~g babae sa harap n~g balana, kapag ang makatang nagkalaya sa loob n~g kanyang bakuran ay di natutong magpahalaga sa tinurang halaman.
Maraming balak ang nagdaan sa panimdim ni Elsa tungkol sa hinaharap n~g kanyang palad. Ang pagasang matututuhan din malao't madali ni Tirso ang pagliligtas sa kanya sa kahihiyaang kinauuman~gan dahil sa nararamdamang walang untol na pagunlad n~g halamang sinabi, kung sa bagay ay di pa naman nawawala sa kanya, n~guni't gayon ma'y nakararating ang kanyang dilidili hanggang doon sa nararapat niyang gawin kung sakali't maging iba kaysa inaasahan niya ang mangyari.
Natunghan niyang minsan sa isang pahayagan ang balitang sa m~ga botika ay napansin daw ang pagkamabili n~g gamot na ipinanunugpo sa pagdami n~g katauhan. At hindi napaglabanan ni Elsa ang pagtatanong sa alaala niya kung sinong parmaseutiko ang mapapamamanhikan niya n~g bagay na iyon, sakaling kailan~ganin. Naisip din namang idaing sa kapatid at hipag ang isang maselang karamdamang kunwa'y nararamdaman niyang tumutubo sa loob n~g katawan, at sa bisa n~g dahilang ito ay papasok siya sa isang pagamutan at pabubusbos sa sinomang bihasang manggagamot na babayaran n~g maraming salapi, upang sa gayo'y magapas sa puno ang halamang ipinan~gan~ganib niya sa malaki't di masayod na kahihiyaan.
Subali't sa harap n~g mababan~gis na panukalang ito ay nagsisipanghumindig ang m~ga balahibo ni Elsa. Anhin man niyang tayahi'y kasalanang humihin~gi n~g kabigatbigatang parusa ang pagsasagawa n~g tinurang panukala. At siya ay hindi pa naman nalalabuang gaano upang lumusong sa ban~gin n~g ganyang kabuktutang gawa.
Gayon man, ang pagkamapagpasumala niya't katutubong lakas n~g loob ay siyang nakayari n~g isang mabisang kaparaanang ikahuhuli niya sa nagiilap manding loob n~g makata.
Hapon noon n~g araw n~g mierkoles, ika-27 n~g Septiembre, araw na natatakdang idarating n~g mabunying sugo n~g bayan na galing sa lupain n~g mabituing watawat.
Hindi kaila kina Tirso't Elsa ang pagdating na yaong pinaggagayakan n~g marin~gal at karapatdapat na pagsalubong n~g boong bayang galak na galak sa tagumpay na tinamo sa pagkapatibay saBill Jones. At sila ay nagkaisang manood n~g gagawing m~ga pagdiriwang. N~guni't sa dahilang ang pagpasok pa lamang sa Corregidor n~g sasakyang kinalululanan n~g dakilang anak n~g bayang ipagbubunyi ay ibabalita na raw n~g sipul n~g yelo, at sapagka't ayon sa m~ga pahayagan ay malamang na sa dakong gabi na ang pagahon n~g hinihintay, ay napahinuhod si Tirso sa mungkahi ni Elsang pumasok muna sila sa sine "Ideal" samantalang maagaaga pa.
At nasa m~ga sandaling namamalikmata ang lalaki sa panonood n~g gumagalaw na anino, nang yariin sa sarili n~g dalaga ang kanyang gagawing pakana upang mabihis ang m~ga pagaalinglan~gan niya.
—Tirso,—ani Elsa sa pabulong na turing, kasabay ang pagkukubli n~g bibig sa likod n~g kanyang pamaypay,—¿hindi ba maganda ang pelikulang ito?
—Oo n~ga, Elsa,—ang magiliw na sambot n~g makata na humilig pa mandin n~g kaunti sa dakong kinalilikmuan n~g kanyang kaagapay,—at tan~gi sa maganda ay nakapagtuturo pa sa m~ga nanonood. M~ga ganyang palabas ang talagang nasasarapan ko.
—¿Iiwan pa ba natin ang pelikulang ito hangga't hindi natatapos?
—Kung ibig mo'y dito na natin antabayanan ang paghihip n~g sipul n~g yelo, at kung malapit nang aahon si Quezon ay saka na tayo lumabas.
—Mabuti n~ga yata. Bakit ay masama pa, ang lagay n~g panahon: ang ula'y tila papalakas pa.
At ang dalawa ay nagpako n~g nawiwiling m~ga mata sa iba't ibang pangyayaring nakapagpapakaba n~g loob na ipinakikita n~g palabas na iyon.
Hindi natataho ni Tirso ang lihim na kinikimkim sa diwa n~g kanyang magandang liyag. Di niya nahuhulaang nang ibig lamang noon ni Elsa ay gabihin sila sa loob n~g sineng iyon, upang sa paglabas ay magkaroon n~g mabuting panahon ang pagsasagawa n~g balak niyang taglay-taglay sa isip.
At samantalang pinakahihintay sa sarili ni Tirso ang nababalam na sipul n~g yelo, si Elsa nama'y nakararamdam n~g kasiyahan sapagka't tila pinapatnubayan n~g mabuting pagkakataon ang kanyang binabalak na gawin.
At ang kasiyahang iyan ay nalangkapan pa n~g di kakaunting lugod, nang marinig niya ang ganitong winika n~g makata:
—Elsa, ¿maaari bang turan mo sa akin kung saan pa ang ibig mong magtun~go tayo pagkatapos n~g ating panonood n~g m~ga paran~gal kay Quezon?
—¿At hindi pa ba tayo magpapauwi n~g bahay?—pahimbabaw na itinanong n~g mestisa.
—Kung ibig mong mauwi na kaagad, ako nama'y may ibang patutun~guhan
...—pan~giting pakli n~g lalaki.
—¿Saan?—maagamagam na tanong n~g dalaga.
—Susundan ko ang langkay n~g naggagandahang m~gacentro escolarinana makikilahok sa m~ga pagdiriwang n~gayong hapon ...—ang pabirong sagot ni Tirso.
—¿At ano?
—At kapag ako ay may napiling isang maganda sa lahat, ay ... hindi na ako hihiwalay.
—Kung gayo'y makasusulong ka na n~gayon pa; at ... tataglayin mo ang aking maligayang bati.
—¿At ikaw?
—Maiiwan na ako rito.
—Baka mayroon kang katipanan....
—¡Mayroon n~ga!
—¿Sino?
—Hindi kailan~gang makilala mo.
Nagalaala si Tirsong baka "magpinid n~g tindahan" sa di oras ang kanyang irog. Kaya't ang sinabi sa malamyos na pamimigkas:
—Elsa, ¿hindi mo ba nahuhulaang sa m~ga taga "Centro Escolar" ay wala akong mapipiling isa mang maganda?
—Mangyari'y wala na roon si Teang....
—Namamali ka; mangyari ay ... wala nang iba pang babaeng may ganda't alindog na gaya n~g mestisang nasa piling ko....
—¡Sinun~galing!
—Siyang tunay, Elsa....
—Maano Tirsong magtahan ka niyang m~ga kaululan mo.
—Tin~gnan mo, tin~gnan mo ang babaeng iyang nasa pelikula: ¿maganda, ano?
—¡Iyan ang talagang maganda!
—Puesmaganda ka pang hindi hamak diyan, kapag ganyang tila ka nagtatampo sa akin....
—¡Pshe!
Siyang pagkarinig sa sipul n~g pagawaan n~g yelo: tatlong mahahabang huni ang sunodsunod na ipinaghumiyaw sa boong Kamaynilaan.
—Nasa Corregidor na,—ang parang wala sa loob na nasabi ni Tirso.
—Lumabas ka na't baka maiwan ka n~g m~gaescolarinamo,—- paaglahing wika ni Elsa.
—¡Talagang mabuti kang manunukso, hane!—pan~giting salo n~g makata.
—Ako'y hindi nanunukso,—ang tanggi n~g mestisa,—ipinagugunita ko lamang sa iyo ang isa mong balak na kapay naurong ay sayang.
—¡Anhin ko ba kung maurong man! ¡Huwag lamang bang malayo ako sa piling n~g aking pinakatatan~ging mutya, eh...!
Sumunod sa salitang ito n~g lalaki ang isang kilusang kamuntik nang ipaghinala n~g kahi't ano n~g m~ga taong kalapit nila sa upuan. Salamat at ang katimpian ni Tirso'y siya ring nakapangyari.
—"Magtanim ka n~g magtanim, nang marami kang anihin" ...—pabantang saad n~g mestisa.
—¡Bah! Ang "halaman" ko ay nakatanim na ...—masiglang sunggab n~g makata.
—¡Buwisit! ¡Makikita mo, paglabas natin!—ang mahina pang salo ni Elsa na di nalalaman ni Tirsong kahi't biro ay may kalakip na katotohanan.
—¿Makita ko? ¿At ipakikita mo ba? Kung gayon ay tayna.
—¡Magtahan ka na n~ga! Hindi ko na tuloy maunawaan itong pinanonood natin....
Pagkasabi nito'y ipinahiwatig na ni Elsa ang unang bahagi n~g kanyang salamangka: pasadlak na isinandig ang katawan sa sandalan n~g kanyang likmuan, biglang tinutop n~g isang palad ang dibdib na tapat n~g puso, saka nagbuntonghinin~ga n~g malalim. At ang lahat n~g ito ay ginawa sa paraang sukat mapansin n~g kaagapay na makata. At napansin n~ga.
—¿Bakit, Elsa? ¿Napapaano ka? ¿May sakit ka ba?—ang gulilat na m~ga tanong n~g lalaki.
Hindi kumibo ang babae.
—Baka mabuti'y lumabas na tayo....
Ipinikit pa ni Elsa ang kanyang m~ga mata at hindi rin kumibo. Lalo nang nabakla ang loob n~g makata. Makasandali'y saka idinaing:
—Lumilibat ang akingpuntada... Nagsisikip ang paghin~ga ko....
—Tayna n~ga kaya lumabas, Elsa,—maalapaap na amuki n~g lalaki.
—N~guni't walang anoman, Tirso: hindi ako maaano ...—pabalatkayong bawi n~g dalaga.—Maminsanminsan ay talagang sumusumpong sa akin ang ganitong sakit ... Ibig kong tapusin nating sandali ang pelikulang iyan bago tayo umalis.
—¿Sa palagay mo kaya'y maaari ka pang makapanood n~g pagahon ni Quezon?
—Oo....
—Baka makasama sa iyo.
—Hindi....
At natiwasay ang kalooban ni Tirso.
Datapwa, natapos ang pelikulang idinadahilang ibig na panoorin, ay hindi rin umaan~gat sa upo ang mestisa. Sa gayo'y parang nakaino ang makata.
—¿Hindi pa kaya dumarating si Quezon sa m~ga sandaling ito?—malumanay na itinanong.
—Marahil ay malapit na,—ang naging tugong tila wala sa loob ni Elsa, pagkaraan n~g saglit na di paghuma.
—¿Ano, di pa po ba tayo lalabas?
—Tayna.
Nang lisanin n~g dalawa ang sine "Ideal" ay laganap na ang dilim sa lahat n~g dako. Ang m~ga ilaw sa daang Carriedo at sa liwasang Goiti ay nan~gakasindi na't siyang tumatanglaw sa makapal na taong sumasagasa sa kasamaan n~g panahon na pawang patun~go sa pook na natatakdang lulunsaran n~g dakilang sugo n~g bayan: sa "Magallanes Landing".
Si Elsa ay mahinay na lumalakad n~g ang kanyang isang palad ay mahigpit na nakakapit sa bisig ni Tirso. N~guni't kung nang gabing iyo'y naging mainuhin ang makata, ay napanibaguhan sana, niya sa mukha n~g mestisa ang isang lihim na sinasarili sa guwang n~g kanyang dibdib.
Nang dumating sila sa liwasang Lawton ay natanawan na nilang idinaraos na kasalukuyan anginauguracionn~g "Quezon Gate".
—¡Huli na yata tayo!—mahinayang na saad ni Tirso.
—¡At dumating na pala!—ani Elsa naman.
M~ga taong walang hulugang karayom na nagsilurok sa kaputikang gawa n~g matagal na ulang bumuhos nang singkad na maghapong iyon; maraming banda n~g musikang nakalipana sa magkabilang panig n~g daang Padre Burgos at Paseo de Magallanes; mula sa may gusali n~g "Intendencia" hanggang "Jardin Botanico", sarisaring watawat n~g di mabilang na kapisanang dumalong kasama ang pinakamarami sa kanikanilang m~ga kasapi; mahahabang hanay n~g m~ga "Guias Nacionales" at "Guerrilleros Filipinos" na nakatalatag sa pinagdaanan ni Quezon; m~ga automobil, kalesa, kalesin, at iba't ibang sasakyang nalilimpi sa m~ga gilid n~g lansan~gan; ang malaking langkay n~g m~ga binibining taga "Centro Escolar" na nagalay kay Quezon n~g isang marikit na pangnan n~g m~ga sariwang bulaklak na may kalapating nakasilid ... iyan ang m~ga namalas n~g humahan~gang m~ga mata ni Tirso na sa palibidlibid n~g pook na yao'y siyang nagpapasikip n~g gayon na lamang, at siyang nagpapakilala n~g di masayod na kagalakang naghahari sa madla alangalang sa karan~galan n~g mabunying anak n~g bayang may ipagsusulit na tagumpay sa kanyang pagbalik sa lupa niyang tinubuan.
Subali't ¿bakit kaya baga't parang hindi pansin ni Elsa at waring hindi ikinasisiya ang alinman sa gayong kasiglahan?
Inakala ni Tirsong marahil ay patuloy na nakapipinsala sa kanyang magandang mestisa ang karamdamang idinaing nang sila pa'y nasa sine. Kaya't inalok na magpauwi na.
N~guni't noon di'y nanigas na lamang n~g walang kaabogabog at napahandusay sa m~ga bisig n~g makata, ang sariwang katawan n~g mestisang yaon na sinusundan n~g nahihilam na m~ga mata n~g di kakauunting taong nakakita sa kanila sa liwasang Lawton.
—¿Bakit po?
—¿Napapaano po ang inyong asawa?
—¡Hinihimatay!
—¡Paypayan natin!
—¡Wiligan n~g tubig sa mukha!
—Ang mabuti, mama, ay dalhin ninyo agad sa ospital ang inyong senyora.
—¡Ambulancia!
Samantalang paganyan ang m~ga sambitlaing nagpapalipatlipat sa bibig n~g maraming nakasaksi sa gayong kusang ginawa ni Elsa, si Tirso naman, na ipinalalagay n~g balanang nakamalas sa anyo n~g dalawa na asawa n~g mestisa, ay hindi magkantututo sa marapat gawin.
—Elsa ... Elsa....
At ang tinatawag ay patuloy na walang imik at nanunuwid sa pagkakahilig sa balikat niya.
Siyang pagharap n~g isang kutserong dukha n~guni't dapat uliranin n~g m~ga kapwa niya maralita: mapitagang inihandog ang kanyang kalesang nakatigil sa isang panig n~g liwasan.
—Mama,—anya kay Tirso sa magiliw na pan~gun~gnusap—inabot po yata n~g sakuna ang inyong asawa, naririto po ang aking kalesa at ating magagamit n~gayon din para sa ospital.
—Kailan~gan n~ga pong makarating sa ospital ang inyong asawa,—ipinayo naman n~g maraming nagkakalipumpon sa dalawa.
—Sumakay na kayo.
At ang gayong munti n~guni't dakilang handog ay boong pusong sinangayunan n~g nasisindak na makata.
Ang matigas na katawan n~g mestisa ay boong higpit n~guni't main~gat na niyapos ni Tirso sa nakikita n~g madla, saka pinagdahang isinakay sa kalesang inihandog na kusa n~g naban~ggit na kutsero.
Buongbuo sa isipan ni Elsa na di na siya hihiwalay kay Tirso nang gabing iyon. Inaakala niyang sa gayong pagkapasubo ni Tirso sa harap n~g madla na umaming walang tutol sa pagpapalagay na sila'y magasawa, ay hindi na naman makapangyayari pa ang paguurong-sulong n~g makatang ito tungkol sa ninanasang mangyari n~g mestisa.
N~guni't sa gayong pagdadala sa kanya sa pagamutan dahil sa ginawa niyang paghihimahimatayan, ay di niya maalaman kung paano ang gagawin. Sa likod n~g nakatabing na tarapal, at habang patuloy na tumatakbo ang kanilang sasakyan, ay nararamdaman ni Elsang maminsanminsang bumubulong sa kanyang m~ga pisn~gi ang namumuyong m~ga labi ni Tirso, kasabay n~g magiliw na pagtawag sa kanyang pan~galan na kinalalarawan n~g sindak at pagmamahal. At ang gayong pagkakalaya na naman ni Tirso, sa kanyang pagkadalaga, ay lalo nang nagpapatibay sa kanyang tinitikang gawin noon.
Subali't ... si Elsa ay nalilito. Hindi niya maubos isipin kung marapat o hindi na bago sila dumating sa pagamutan ay magmulat na siya n~g mata't makipagharap kay Tirso upang sabihin n~g tahasan ang tunay niyang ibig na mangyari. Kung, mapagtalastas naman ni Tirso ang kanyang ginawa'y ¿hindi kaya, mabagot sa kanya? ¿Hindi kaya ikamuhi ang gayon niyang pangliliho, sa halip na siya'y lin~gapi't pakiayunan? ¿At ano ang wiwikain n~g kutsero kung makilala ang kanyang salamangka?
Tila isang malakingescandalona magbubun~ga n~g maalin~gasn~gas na salitaan sa lahat n~g dako ang ginawa niyang iyon, kapag nahiwatigan n~g kutsero.
Saka, ¿sino ang makapagsasabi kung sa pulutong n~g di kakaunting taong nakasaksi sa ginawa niyang pagpapatibuwal sa m~ga bisig n~g makata ay walang sinomang nakakikilala sa kanya?
Nasa ganitong m~ga pagninilaynilay ang may katutubong lakas n~g loob na mestisa nang walang anoano'y ang kalesang kanilang sinasakya'y biglang nahagip n~g dumaragunot naambulancian~g "Hospital General" na nanggagaling sa Intramuros na tumatawid sa Padre Burgos at patun~gong Avenida Taft. Ang kalakasan n~g pagkakabangga ay gayon na lamang na sa isang pikitmata ay nawasak ang kalesa't napahagis sa lupa ang kanyang m~ga lulan. Angambulancianama'y nakalayo pa muna n~g may m~ga dalawampung dipa bago napahinto sa isang gilid n~g lansan~gan.
Sa harap n~g gayon di hinihintay na kasakunaa'y ¿sino ang makahuhula sa napagsapit na palad nina Tirso at Elsa?
¿Patay?
¿Buhay?
Maliksing naba sa sasakyang nakasagasa ang isang manggagamot upang siyasatin ang m~ga nasawi. At di pa gaanong nalalapit sa pook na kinaroroonan n~g m~ga labi n~g nadurog na kalesa't n~g m~ga napahamak na sakay, nang maulinigan na niya ang kalunoslunos na daing n~g tinig n~g babae.
—¡Naku, Tirso ko! ¡Tirso...! ¡Tirso kooo...!
At noon di'y napatambad sa m~ga mata n~g manggagamot ang isang nakahahambal na anyo n~g m~ga nasawi sa banggaang iyon: isang kalesang nagkadurogdurog sa dako roon, nakalugmok na kabayo sa gawi rito, at sa hinaharap niya'y isang lalaki ang nakapalun~gayn~gay at naliligo sa sariling dugo na hinahaplos sa mukha n~g isang babaeng tumatan~gis at tawag n~g tawag sa n~galan n~g lalaki, samantalang ang kutsero'y parang napaghimalaang hindi man lamang nagkagalos sa katawan gayong napahagis sa malayo.
¿Patay n~ga kaya ang lalaking pinananan~gisan?
Kailan~gang siyasatin agad n~g manggagamot.
At nakitang may sugat sa ulo at walang malay tao.
Sa gayo'y madaling tinawag ang dalawang tao n~gambulancia, saka sinabi sa mestisa:
—Ang sugat n~g inyong asawa ay may kalubhaan po: kinakailan~gang malapatan n~g lunas sa lalong maikling panahon. ¿Itinutulot baga ninyong isakay saambulancia?
—¡Para na n~ga ninyong awa, doktor! ...—pasamong tugon n~g babae na di man tumutol sa pagkasabing "asawa" niya ang lalaking may sugat.—¡Sasama po ako...!—ang dugtong pa.
—¿Kayo po ba'y nagtamo rin n~g m~ga kapinsalaan?
—Tila po hindi; n~guni't ang tanang inyong magagawa ay lubos na sana sa pagliligtas sa buhay n~g ... asawa ko.
—Opo; ako ang bahala.
—¿Maliligtas po kaya?
—Tingnan natin ... Tayna.
Sa isang hudyat na ibinigay n~g manggagamot, ay binuhat pagdaka n~g dalawang lalaki ang katawan ni Tirsong pigta sa dugo at malambot na tila sutla. At noon di'y dinala saambulanciana inaagapayanan ni Elsa at n~g manggagamot.
Pagkalulan ni Elsa sa tinurang sasakyan ay namalas niya sa loob niyon ang isang babaeng nakakubli ang mukha na nakahigang unat na unat at di kumikilos. Napaghahalatang gaya ni Tirso ay wala ring malay-tao.
—¿Sino kaya ang babaeng ito?—ang di sasalang naitanong n~g mestisa sa loob man lamang niyang sarili.—¿At napapano kaya?
Nang m~ga sandaling iyo'y saka lamang may lumapit na isang pulis na tila sa malayo pa nanggaling.
—¿Bakit at ano ang nangyari?—ang tanong na tila ibig pang magmagaling.
—Isang sakunang hindi kinukusa n~g sinoman,—madaling ipinakli n~g manggagamot.
Ang lahat n~g paliwanaga'y ginanap na lamang sa pahapyaw na ulat n~g manggagamot na sinabi, at pagkatapos na ibigay ang ilang tala na nahihinggil saambulanciangnakasagasa, ay ipinahayag sa pulis:
—Hayan ang kutsero: siya ninyong kausapin. Kami ay di makapagtatagal pa. Ang kalubhaan n~g lagay n~g m~ga nasawi ay nan~gan~gailan~gang malunasan kaagad.
At ang pulis ay nagkasiya na sa paguukol n~g ilang tanong sa kutsero, samantalang angambulanciaay humaginit na n~g takbong patun~go sa "Hospital General".
Pagkaraan n~g ilang saglit pa, ay napatala sa aklat n~g pagamutang iyon na ang lalaking ipinasok doon, dahil sa pagkabugbog, at m~ga sugat n~g katawan, ay si Tirso Silveira na asawa n~g isang nagn~gan~galang Elsa Balboa ni Silveira.
N~guni, ¿sino kaya naman ang babaeng may karamdamang nakaangkas saambulancia?...
Halos wala nang tao sa pook na pinagdausan n~g m~ga pagdiriwang nang magdaan ang trambiang kinalululanan ni Elsang galing sa pagamutang pangkalahatan. Sa liwasang Goiti ay madalang na rin ang nagsisipaghintay n~g trambia, palibhasa'y may kalaliman na ang gabi.
Gayon ma'y patuloy rin kay Elsa ang kanyang balak; sa bahay n~g kanyang tia Basilia sa San Lazaro patutun~go upang doon, manggising man, ay wala siyang sukat ipan~gilag at masasabi na niyang siya'y hindi muna makauuwi sa Pasay pagka't nagtanan na sila n~g kanyang kairugang lalaki.
—Ako'y hindi mangyayaring makagalitan n~g aking tia Basilia,—ang kanyang pinagpaparoonan sa gagawin,—kahi't ano ang aking gawi'y maipagpaparaya niya't ipagtatanggol pa ako sa harap n~g aking kapatid na walang salang magagalit sa akin.
At habang tumatakbo ang trambiang kinasasakyan niya, ay napaguulitulit namang sinasabi sa sarili ang ganito:
—Paggaling ni Tirso, na sapilitang mangyayari n~g hindi bibilang n~g maraming araw, yamang pinatutunayan n~g medikong hindi naman kalubhaang gaano ang tinamong sugat, ay magiging isang katotohanan ang aming pagkakasal. At pagkatapos n~g lahat, taas na naman ang noo kong haharap sa kanila at ipakikilala ang aking nakaisang palad. Kung gayo'y ¿ano pa ang kanilang masasabi? N~guni't upang huwag magkaroon n~g daang mapulaan ako't masisi n~g sinomang makatatalos n~g bagay na ito, kinakailan~gan papaniwalain ko siyang kasal na kami ni Tirso n~gayon pa.
Walang ulikulik n~gang tumawag sa bahay ni donya Basilia ang mestisang pawang kasinun~galingan ang laman n~g ulo nang m~ga sandaling iyon n~g pakikipaglamay sa kasun~gitan n~g gabi.
At pagbubukas n~g pinto n~g kanyang ale, ito'y kaagad niyang hinagkan sa kamay, tanda n~g paggalang.
N~guni't ang maybahay ang unang nagsalita sa patakang tanong:
—¿Elsa, bakit?
—Dito ako matutulog n~gayon, tia,—ang marahan n~guni't may lambing na sagot n~g mestisa.
—¿Saan ka nanggaling?—ang siyasat pa ni donya Basilia.
—Wala po ...—tan~ging naipulas sa bibig ni Elsa.
—¿Walang ano? ¿At sino ang iyong kasama?
—Wala n~ga po....
—¡Ang batang ito! ¡Huwag mo akong patayin sa pagaalaala!
—¡Si tia!—at n~gumiti pa si Elsa sa pagbigkas n~g m~ga salitang ito.—¡Wala po kayong sukat ipagalaala sa pagkaparito kong ito!
—¡Wala raw! Halika n~ga sa loob at dini kita magusap.
Nasok ang dalawa sa isang bulwagang wala nang nakatatanglaw liban sa isang munting bughaw nabombillana taang talaga sa pagtulog. At pagkalikmong magkaagapay sa isang sopang luma, ay muli na namang nagusisa ang matandang sa mukha ay kinababakasan n~g pagkabagong gising noon.
—Sabihin mo n~ga,hija—anya:—¿bakit ba hatinggabinghatinghatinggabi'y naparito ka?
—Ibig ko lamang pong dito muna makatulog....
—Ibig mo n~ga, nalalaman ko; n~guni't ¿ano ang bagay n~g pagsusumagi mo n~g pakikitulog dito? ¿Nakagalitan ka ba n~g kapatid mo, o nagkaalit kayo ni Dioni?
—Maging alinman po sa riyan ay walang tama. Ako ay hindi sa amin nanggaling n~gayon, at....
—¿At ano?
—... ¡Ayoko munang umuwi sa aming ilang araw, tia!
—¿Bakit at ano n~ga ang sa iyo'y nangyari?
—Ako po ay....
—Ikaw ay ... ¿ano?
—Ako po'y ... Tia, ¿hindi ba kayo nagagalit?
—¡Lokang bata ito!...
—Ako po ay ... ako po'y ... nagasawa na.
—¿Nagasawa ka?
—Opo, tia....
—¿Nalalaman n~g kuyang mo?
—Hindi n~ga po eh....
—¿At nagtanan ka?
—Opo.
—¿Kanino ka nagasawa?
—Sa isa pong lalaking malaon ko nang katipan....
—¿Pangalan?
—Tirso ...
—¿Apelyido?
—Silveira po.
—¡Tirso Silveira!
Ang matanda ay saglit na nagtun~go n~g tin~gin sa ibaba at nagisip.
Kaginsaginsa'y itinanong:
—¿Hindi ba iyan ang masong animo'y kasintahan ni Teang noong araw?
—¡Tia ...—saka idinukmo ang mukha sa kandun~gan n~g ale, at sa muling pagan~gat ay idinugtong:—¿Di ba kayo namumuhi sa akin?
—¿Bakit ako namumuhi?—malumanay na ipinakli n~g matanda na ang isipa'y nagduduklayduklay sa balabalaki n~g kabataan.—N~guni't linawin mo, Elsa: ¿hindi n~ga ba iyan ang nakagustuhan ni Teang na sinasabi mo?
—Sa palad po n~g tao, tia, ay Tadhana lamang ang nakapangyayari. Niloloob po n~g Tadhanang iyan na siya ang aking maging kapalaran....
Si donya Basilia ay natilihan at hindi na nakahuma.
Sumurot nang sandaling iyon sa alaala niya ang naging sanhi n~g pagkaalis sa bahay na yaon n~g mabait na dalagang kanyang inaanak sa binyag. At naalaala ring si Elsa ang may kagagawan n~g gayong nangyari. ¡Napakamakapangyarihan n~ga naman ang dios n~g pagibig sa puso n~g kabataan!
—¿N~gayo'y saan naroon ang asawa mo?—makasandali'y itinanong n~g matanda.
—Hindi ko po kasama ...—ang nagaalan~ganing sambot n~g mestisa.
—¿Saan kayo naghiwalay?
—Sa ... ospital po.
—¿Ha?
—Doon ko n~ga po siya iniwan, sapagka't....
—¿Sapagka't ano?
—Nagkaroon po n~g sugat....
—¡Elsa, alangalang sa Dios, ako'y linawin mo!
—Tia, si Tirso po ay nasa pagamutan n~ga, sapagka't sa di namin hinihintay na sakuna, ay nagtamo siya n~g ilang sugat at bugbog sa katawan....
—¿Anong sakuna? ¿Hinabol ba kayo? ¿Nagkaroon ba n~g away o basagulo?
—Hindi po, n~guni't nang kami ay nakasakay sa isang kalesa ay biglang nasagasaan n~g isang dumaragunot naambulancia, ang aming sinasakyan, at noon di'y napahagis lamang kami sa malayo....
—¡Susmaryosep!
Sumunod sa ganitong napalakas na salita ni donya Basilia ay biglang nagtaas n~g ulong parang nagulat ang isang matandang babaeng nasa kabila n~g pinto n~g silid na hinaharap n~g pagkakaupo ni Elsa.
—¡Dios ko!—ang pabulalas na sigaw na narinig n~g dalawang naguusap.
—Kumare,—malakas na tawag ni donya Basilia sa nasa silid.-¿Bakit?
Ang matanda ay muling nahiga, bago tumugon.
—Wala, kumare,—nanaginip lamang pala ako. Para ko bang nakitang ang anak ko'y nilalapitan n~g tatlong lalaking may sun~gay.
—Panaginip n~ga lamang iyan; matulog na kayong muli.
Nang hindi na tugunin ang ganitong saad ay itinanong naman ni Elsa sa kanyang ale:
—¿Sino, tia, ang matandang iyon?—ang bulong.
—Si kumareng Magda,—paanas na sagot n~g itinanong.
—¿Si manang Magda? ¿At kailan pa po rito?
—Kaninang tanghali lamang.
—¿At kasama rin po ang pari?
—¡Bah, hindi! Si pari Casio ay wala na sa X ... sa m~ga araw na ito. Nakainisan daw n~g m~ga tagaroon at pinagusig n~g gayon na lamang hanggang sa napalipat n~g ibang bayan.
—¡Hm! ¡May tigas din naman pala ang m~ga taga X ... na di nahuhutok n~g kapangyarihang simbahan!
—N~guni't hindi ganyan ang paghahaka ni kumare,—saka lalong hininaan ang pagsasalita,—Sa katunaya'y ibinigay sa "La Compañia de Jesus" si Teang sa himok n~g paring iyon bago napaalis sa X....
—¿At si Teang po ba'y nasa kolehio n~gayon?
—Matagal na; at siyang sadyang dadalawin n~g kanyang ina, itinaon na lamang tuloy sa pagdating ni Quezon ang pagluwas dito.
—¿Ay bakit naman inalis pa sa "Concordia", gayong sa kolehio't kolehio rin pala ipapasok?
—Mangyari, ang tika ay magmongha raw.
—¿Diyata po't magmomongha si Teang?
—Siyang himok n~g pari na minabuti n~g ina, at kaipala'y sinangayunan na rin naman n~g may katawan.
Hanggang dito ang naging salitaan n~g magale, sapagka't si donya Basilia, na sinasasal na yata n~g antok, ay nagtindig noon din at ipinagsamang masok sa isang silid ang pamangkin upang makatulog na.
Kinabukasan ay ipinagpaunang sabihin ni Elsa sa kanyang tia Basilia na huwag muna sanang ipamamalay kay manang Magda, kung ito ay magising na, ang kanyang pagkapagasawa kay Tirso. Marahil paano't paano ma'y nan~gun~gunti rin naman siyang maalaman n~g manang na iyon na ang kanyang nakaisang palad ay dili iba't ang lalaking nan~gibig kay Teang.
—Hamo't hindi ako kikibo,—ang ayon ni donya Basilia,—n~guni't sa malaon at madali ay sapilitang mababalitaan niya ang bagay na iyan; at kung hindi sa iyo o sa akin unang manggagaling ang pagbabalita sa kanya, ay lalo na siyang magkakamatuwid na maghinanakit o magpalagay n~g di mabuti sa nangyari.
—Kung sa bagay ay katungkulan kong ako n~ga po ang magsabi, subali't ako ay nahihiya ...—ang pakli ni Elsang bahagyang natatawa.
—Ang mabuti'y ganito: walang pagsalang yayain kitang dumalaw kay Teang sa kolehio n~gayong umaga; gawin mo naman, bago ka pumayag, ay anyayahan siyang sumama sa kanilang dumalaw sa ospital, at kapag naroon na'y bahala na siyang mapamangha sa kanyang makikita at ikaw nama'y wala nang gagawin kundi ang sumagot na lamang sa kanyang m~ga sasabihin.
Pagkasabi nito'y hindi lamang ang mestisa ang natawa kundi pati na rin ni donya Basilia. Makasandali ay siya namang hinarap n~g matanda ang pagpapahanda n~g agahan, at si Elsa ay naiwang nakapanun~gaw sa isang bintanang paharap sa halamanan.
Mapamayamaya pa'y sa lalabas na si manang Magda.
—¡Ave Maria Purísima!—ang pagdaka'y ibinati sa nakapan~galumbabang mestisa,—¡Narito ka pala, ineng!—ang dugtong pa.
—Opo, manang,—magalang at pan~giting tugon naman n~g binati, kasabay n~g pagpihit n~g mukha sa kumausap.—Kayo po, ¿kumusta naman?
—Mabuti, Elsa, sa awa't tulong n~g Mahal na Birhen,—saka nakipiling sa kinauupang bangko in Elsa.
—¿Nakapanood ba kayo n~g m~ga kasayahan kagabi?
—Oo. ¡Naku, kay damidaming tao! At nabasa pa tuloy kami sa ulan. N~guni't ... ang kasayahan ay gayon na n~ga lamang; sanggaano mang sigla, ay natatapos din.
—Wala po naman yatang anomang bagay rito sa mundo na walang katapusan, eh....
—Dahil n~ga riyan, kung kaya ako ay walang laging sinisikhay kundi yaong m~ga may kapakinaban~gan hanggang sa kabilang buhay. Tingnan mo; kung kaawaan n~g Dios na makaraos sa pagmomongha ang aking anak, wala nang napakaligayang buhay na gaya n~g tatamuhin ko marahil....
—¡Siya n~ga pala! Si Teang daw ay nasa "La Compañia" para sa ganyang layon, ¿tunay n~ga po ba?
—¡Bah, talagang buongbuo ang loob ko sa tun~guhing iyang ipinakilala sa akin ni pari Casio! ¡Iyan ang pinakadakilang magagawa n~g isang magulang na nagmamahal n~g taos sa kanyang anak na babae!
—N~guni't ang bagay na iya'y naaalinsunod din kaipala sa hilig n~g may katawan. Marahil ay talagang nasa pagmomongha ang hilig ni Teang....
—¿At ikaw? ¿Ayaw ka bang magmonghang paris niya?
—Aywan ko po ba; marahil ay madadali ang buhay ko, kapag ako'y napakulong saBeaterioat nawalay sa m~ga kasayahan....
—¡Bata ka pa n~ga!
—Ang totoo po, kung ako ang pamimiliin n~g aking dapat na harapin sa buhay na ito, ay walang salang iibigin ko ang magartista, sapagka't, sa ganang aki'y ito lamang ang tan~ging daan upang malasap n~g isang tao ang tunay na katamisan n~g mabuhay sa balat n~g lupa.
Ang huling saad na ito n~g mestisa marahil ay narinig n~g isang lalaking han~gos na pumasok sa tarangkahan n~g bahay na iyon, kaya't buhat pa sa may tapat n~g durun~gawan sa lupa ay malakas nang tumawag.
—¡Elsa!
Si Elsa ay hindi sumagot. N~guni't di sasalang nakilala niya agad ang tinig na yaon, kaya biglang nagitla at pinamutlaan n~g labi.
—¿Sino iyon?—ang painong tanong n~g manang na di nagkaroon n~g katugunan.
—¡Tia Basilia!—ang ulit pa n~g nasa lupa.
At ang matandang maybahay ay dumun~gaw sa isang bintanang makipot ang pagkakabukas.
—¡Ikaw pala!—ang nawika pagkakitang kapatid ni Elsa ang dumarating, saka maliksing humudyat sa pamangking babae n~g hudyat na nawatasan naman agad n~g mestisa.
—¿Nariyan po ba si Elsa?—ang nagkakanggagahol pang tanong n~g nasa lupa.
—Narini; magtuloy ka,—at tumawag noon din n~g isang alila at ipinagutos na buksan ang pinto sa sibi.
Parang dinagukan ang dibdib ni Elsa at, malaong hindi nakapan~gusap, pagkatalos na ang dumarating ay kanyang kapatid, at sa isang may baklang titig sa ale'y waring ibinulong: "¿Paano ang idadahilan ko?"
Ilang saglit pa at nagkaharap ang magkapatid sa nasasaksihan n~g dalawang matanda.
Sa unangunang tin~gin lamang n~g lalaking iyong maputla't waring hindi nagtikim n~g tulog sa magdamag nanagdaan, ay naibulalas nang lahat ang tanang ibig sabihin sa kapatid na ipinalalagay na nagkasala.
Si Elsa ay lumin~gon na lamang at nagtapon n~g isang titig na humihin~gi mandin n~g saklolo sa ale.
Datapwa't si donya Basilia naman ay nalilito sa pagdulang na biglaan sa isip n~g sukat niyang gawing pamamagitan sa magkapatid.
Si manang Magda, na bahagya nang napansin at napagpugayan n~g lalaki, ang tan~ging makapagparinig sa dumating:
—Sinusundo mo na yata siya.
Salamat sa winikang itong nagpapahayag n~g pagkawalang malay sa lihim n~g dalawa, ang maypoot ay nagtimpi at pinilit na tan~gayin n~g isang impit na buntonghinin~ga ang lahat niyang sukal n~g kalooban. Saka bumaling sa nagsalita, at sa masayang mukha'y bumati:
—Manang magda, naluwas po pala kayo n~gayon.
—Oo, at ako naman ang dumadalaw rito, yamang sinoman sa inyo'y walang nagagawi sa aming matagaltagal na.
—Ibig naman daw n~g kumare ko na magkitakita tayong minsan pa,—ikinatlo ni donya Basilia pagkarinig sa himig n~g ganyang payapa nang paguusap,—kaya ba pinigil ko na tuloy na dito na matulog si Elsa kagabi. ¿Nagagalit ka ba sa kanya?—ang tanong pa.
—Hindi po,—itinugong di naiwasan n~g lalaki:—n~guni't kagabi pang hatinggabi'y kamunti na akong makarating dito sa paghanap sa batang iyan....
—How, eh saan ba naman mapapatun~go si Elsa kundi rito sa kanyang tia,—ang saklaw naman ni manang Magda.
Subali't ang mestisa ay hindi nakahuma gaputok man sa sidhi n~g kalituhang naghahari sa kanyang pagkababae. Napasasalamat siya sa pagkakataong iyong kaharap si manang Magda at sa maayos na pagkapamagitan ni donya Basilia; n~guni't nauubos ang kanyang talino'y hindi niya matutuhan ang kanyang marapat gawin upang ang galit ay huwag makapanghinaig sa kanyang kapatid, sakaling mapagtalastas na nito ang nais niyang palitawing siya'y napakasal na kunwa kay Tirso nang gabing natapos.
Mabuti na lamang at ang kapatid niya ay tila hindi magtatagal at mananaog din. Narinig niyang nakipagbalitaan sa manang na taga lalawigan n~g ilang bagay na karaniwan na sa m~ga magkakakilalang malaong hindi nagkikita. At mapamayamaya pa'y nagpaalam na n~gang mananaog at di umano'y may iba pa siyang lalakaring bagay na madalian.
—Magagahan ka muna bago ka manaog ha,—ang pigil ni donya Basilia.
—Hindi po, tia, at ako ay nakatapos na,—ang tanggi n~g inaanyayahan.
—¿Baka hindi pa?
—Tunay po.
—¿Bakit n~ga ba hindi mo kami saluhan muna?—ang sabad pa n~g manang.
—Saka na po ako muling magbabalik.
At pagkasambit nito ay matulin nang nanaog n~g hindi man iniwanan n~g kahi't isang kataga ang kapatid na pinaghanap sa bahay na yaon.
Pagkakain n~g agahan, ang manang ay gumayak nang dadalaw sa anak, at si Elsa't si donya Basilia ay inabang sumama sa kanya.
—Ako ang may ibig na ipaganyaya sana sa inyo, manang,—ang wika n~g mestisa.
—¿Ano yaon?—itinanong n~g tinukoy.
—Kami ni tia ay may dadalawin sa ospital heneral n~gayon, at ibig ko sanang sumama muna kayo sa amin saka na tayo magsamasamang tumun~go sa kolehio panggagaling natin doon.
—¿Sino ang dadalawing iyon?
—Saka na ninyo makikilala....
—Kung gayo'y magbihis na tayo.
Pagkaganap n~g salitaang ito, ang isa't isa ay nagsipagbihis nang sabik ang loob sa kanilang m~ga dadalawin.
Sa darating namang humihin~gal si Dioni, na ang pakay ay ang mestisa ring hindi niya ikinakatulog sa boong magdamag na nagdaan.
—¡Kapatid ko!—ang bati kay Elsang pinagaagawan n~g lungkot at tuwa.
—¡Dioni!—ang sabay yakap na salubong dinatnan.
—Huwag kayong pakain~gay at maririnig kayo,—ang papikpik namang saway ni donya Basilia, at pinapagkubli muna sa isang silid ang maghipag na naguusap samantalang nasa isa pang silid si manang Magda at abalangabala sa pagbibihis.
—¡Akala nami'y kung napaano ka na!—ang nasabi pa n~g mapagalaalang hipag.
—¡Patawarin sana ninyo ako, Dioni! ...—pakumbaba pang sagot n~g mestisa.
—N~guni't dito ka pala matutulog ay maanong sinabi mo kahi't sa akin, nang hindi kami naligalig n~g gayon na lamang.
—Dioni, marahil ay kahulihulihan ko nang pagkakasala sa inyo ni kuyang ang pagkukulang kong iyan, at inaasahan kong ikaw man lamang ay hindi pa nauubusan n~g magandang loob na maipagpapaumanhin sa akin. ¿Hindi ba?
—Oo na n~ga, datapwa't ... pinapagalaala mo kaming lubha. Paris n~gayon: ¡hindi ko maalaman kung saan na nakarating ang kuyang mo sa kahahanap!...
—Kapapanaog pa lamang niya.
—¿Nanggaling na rito?
—Oo....
—¿Ano ang sabi sa iyo?
—Wala naman. Nakabuti ang pagkakataong narito si manang Magda nang siya'y dumating. N~guni't gayon ma'y lihim ding naihagis sa akin ang isang nanglilisik na tin~ging kamuntik nang tumupok sa akin....
—Pasalamat na tayo, Elsa, kung iyon na lamang ... At kung gayong nagkakita na kayo n~g wala namang sinabi sa iyo, ay hindi na kikibo iyon. Subali't ¿bakit n~ga ba dito ka nakatulog at di ka na nakauwi? ¡Hindi mo naman dating ginagawa iyan!
—Di ko n~ga dating ginagawa, Dioni, iyan ang totoo. Dahil diya'y mahuhulaan mo kaipala, na may bagay na nagtulak sa akin sa ginawa ko....
—¿Maipagtatapat mo ba sa akin ang bagay na iyan?
—Bakit hindi, ay sa ikaw lamang namang talaga ang katapatan ko n~g aking m~ga lihim.
At noon di'y sinabi na n~ga ni Elsa ang gaya n~g kanyang m~ga ipinahayag kay donya Basilia: na siya ay napakasal na kay Tirso nang gabing nagdaan at dahil doo'y hindi na muna siya uuwi sa Pasay.
Dili ang hindi natulo ang luha ni Dioni, pagkarinig n~g m~ga pahayag n~g kanyang minamahal na hipag.
—¿Ayaw mo bang si Tirso ang maging kapalaran ko?—itinanong mayamaya n~g mestisa.
—Hindi sa ayaw, kundi. ¡sa di oras ay nagkalayo tayo!—ang lipos kapanglawang ipinakli n~g hipag.
—Dinaramdam ko, Dioni, n~guni't ... kung dumarating nang ganito ang sukat n~g tao ay sadya palang hindi maiiwasan.
Sa wakas, nang mapagusapan n~g maghipag ang mabuting paraan n~g pagpapamalay sa kapatid na lalaki ni Elsa n~g kanyang pagkapagasawang patanan, ay pinagkaisahan nilang ang pamamanihalain sa gagawing iyon ay si donya Basilia na, yamang malaki naman ang alangalang at pitagan niyon sa anomang sabihin nito.
—Gawan mo na lamang sana n~g paraang mapadalhan ako agad n~g ilang kasuutan,—ang ipinagbiling huli n~g mestisa.
—Hamo't ipasasaglit kong madali rito, samantalang wala sa bahay ang kuyang mo.
Pagkasambit nito ay lumabas sí Dioni't nagpaalam na kay donya Basilia. Sa han~gad na masalisihan ang pagkawala sa bahay sa Pasay n~g kapatid ni Elsa, at upang maparating na maluwag ang damit na kanyang hinihin~gi, ay minabuti na nitong huwag nang ipagsama sa "Hospital General" ang kanyang hipag.
Subali, nang si Dioni ay masakay na sa isang trambiang kung makahagibis ay mistulang hari sa bawa't lansan~gang pagdanan, ay saka nagunitang hindi pala naibalita sa kanya n~g mestisa kung saan ginanap ang sinabing pagkakasal. Kaya't naibulong tuloy sa sarili:
—¿Saan kaya sila ikinasal?...