III KABANATAANG BULUNGAN NG DALAWANG PUSO

III KABANATAANG BULUNGAN NG DALAWANG PUSOTUMIGIL angautosa tapat ng bahay ni Selmo at maliksing lumunsad si Maneng.Si aleng Tayang ay nagmamadaling tumawag sa silid ni Nati:—Ano ba kayo riyan? Hindi pa ba kayo nakatatapos?—Tapos na Inay. Sandali na lamang—ang tugon ni Nati na papihitpihit na kasalukuyan sa tapat ng isang malaking salamin.—Nariyan nasiya!—ang bulong ni Mameng kasabay ng isang maliit na kurot kay Nati.Angsiyana binigkas ni Mameng na parang bugtong ay nangangahulugan ng maraming bagay.Si Nati ay namulá at hindi man lamang tumugon sa aglahi ng pinsan; wari may iniisip na mahalagang bagay na nakaguguló ng pagiisip; ang kaniyang puso ay sumasal ng sikdó hindi niya maturol kung sa galák ó sa isang hindi mahulaang bagay na mangyayari.Si Manéng sa kabilang dako ay lalo manding mabikas. Ang kaniyang mga kilos ay pawang kahilihili. Ang lungkot na wari’y sumalubong sa kaniya pagkagising na, nang umagang yaon, ay naging parang ulap na itinaboy ng hangin.Sinalubong siya ni aleng Tayang ng boong lugod at si Manéng nama’y magalang na bumati.—Umupo ka Manéng. Sinabi na marahil sa iyo ni Selmo na sila’ynauna na.—Opo, aleng Tayang; nguni’t nagmamadali akong naparine upang ihandog sa inyo ang aking “Bwick”.—Katakot-takot na kagambalaan iyan Manéng. Talagang mauuna na sana kami. Nakita mo na marahil na nakahanda nang lahat.—Dinamdam ko po sana ng gayon na lamang kungdi ko kayo inabot. Hindi ko patatawaring kasalanan ang hindi dagliang ihandog sa inyo ang aking “Bwick”..... Si Selmo naman, hindi na ako hinintay—ang bale.—Pinauna ko na si Selmo at si Yoyong upang makapagayos sila agad at datnan na natin nakahanda ang lahat ng walang kabalaman.Ang malas ni Maneng ay pasulyap-sulyap sa silid na kinaroroonan nina Nati at wari bagang nananabik na makita ang hiwagang ganda na hantungan ng kaniyang mga pangarap.Nahulaan mandin ni aleng Tayang ang nasa ni Maneng at nang mapalugdan ang inaasam niyang mamanugangin, ay tinawag pagdaka si Nati.Ang pintuan ng silid ay nabuksan at ang magpinsan ay sabay na lumabas gaya ng mga artista sa isang tanghalan kung sabik na sabik na ang mga nanunuod.Tumindig kaagad si Maneng at sinalubong ang dalawang kagandahan dumarating.Iniabot ang kamay kay Mameng muna baga mang ang mga mata ay nasa talaghay ni Nati. Iniabot pagkatapos dito ang kamay at ang kanilang mga mata’y nagusap ng lihim bagamang ang kanilang mga labi ay bumigkas ng bating panglahat.—Kay gaganda ninyo ngayon. Mapalad ang mga matang sa inyo’y makakita.—Naman si Maneng—ani Nati.—Napakabulaan!—ang salo ni Mameng.At ang magpinsan ay nagtinginan.—Ang “Bwick” daw—ani aleng Tayang—ang sanhi ng ipinarito ni Maneng.—At nais ko rin po namang sa inyo ay makipagkita.—Talagang kay buti nitong si Maneng—ani Mameng.—Buti na ba iyan?.... Siya ko lamang kayang ihandog kaya’t malakihin na ninyo.—Tugtugin mo nga Mameng yaong tugtuging sinasanay mo kahapon, samantalang ako’y naghahanda—ani aling Tayang.At sinabayan ng tindig.—Sandali lamang Maneng—ang habol at nagpatuloy nang paglabas.Si Mameng ay lumapit sa piano, pinihit na sinukat ang taas ng likmuan samantalang ilinapit-lapit naman ni Maneng ang kaniyang likmuan sa kay Nati.Ang mga daliri ni Mameng ay naghabulan sa mgateclang piano at ginising doon na nagsikip sa boong bahay ang isang marikit na tugtugin niLohengrin.Ang kamay ni Nati na nakapatong sa kamay ng likmuan ay hinawakan ni Maneng at ang init noon ay parang lumaganap sa kaniyang boong katawan.—Kay ligaya ko Nati!... Ano? Hindi ba?—Siya nga ba?... Bakit Maneng? May nababago bang bagay?...—Sa pagka’t ako’y nasa piling mo.—Naku?... Ito naman...—Maniwala ka; sa piling mo’y hindi ko maala-ala ang kamatayan, ang luha ay isang bugtong na hindi ko makakabati sa piling mo Nati. Kay palad ko kung loobin ni Bathalang...Ang piano ay patuloy na parang sumasaliw sa dalawang inaalo ni Kupido.—Kung ang mga sumpa mo ay tunay Maneng ay makaaasa akong ang langit ay dadanasin natin sa buhay na ito.—May alinlangan ka ba Nati? Di ka ba naniniwala?...—Alinlangan ay wala... nguni’t...—Nguni’t ano?... Turan mo Nati.. Hali na.—Isang piping bulong ang sa aki’y hindi magpatahimik...—Na ano yaon? Maaari bang malaman?—Sa Marilao na. Doon na natin pagusapan Maneng.Ang tugtugin ay natapos at si Aling Tayang ay muling nasok.—Nati, Mameng. Hindi pa ba tayo lalakad ay mainit na ang araw?—Bakit po hindi?At ang apat na kilala natin ay nagsilulan saautona naghihintay sa tapat ng bahay.

TUMIGIL angautosa tapat ng bahay ni Selmo at maliksing lumunsad si Maneng.

Si aleng Tayang ay nagmamadaling tumawag sa silid ni Nati:

—Ano ba kayo riyan? Hindi pa ba kayo nakatatapos?

—Tapos na Inay. Sandali na lamang—ang tugon ni Nati na papihitpihit na kasalukuyan sa tapat ng isang malaking salamin.

—Nariyan nasiya!—ang bulong ni Mameng kasabay ng isang maliit na kurot kay Nati.

Angsiyana binigkas ni Mameng na parang bugtong ay nangangahulugan ng maraming bagay.

Si Nati ay namulá at hindi man lamang tumugon sa aglahi ng pinsan; wari may iniisip na mahalagang bagay na nakaguguló ng pagiisip; ang kaniyang puso ay sumasal ng sikdó hindi niya maturol kung sa galák ó sa isang hindi mahulaang bagay na mangyayari.

Si Manéng sa kabilang dako ay lalo manding mabikas. Ang kaniyang mga kilos ay pawang kahilihili. Ang lungkot na wari’y sumalubong sa kaniya pagkagising na, nang umagang yaon, ay naging parang ulap na itinaboy ng hangin.

Sinalubong siya ni aleng Tayang ng boong lugod at si Manéng nama’y magalang na bumati.

—Umupo ka Manéng. Sinabi na marahil sa iyo ni Selmo na sila’ynauna na.

—Opo, aleng Tayang; nguni’t nagmamadali akong naparine upang ihandog sa inyo ang aking “Bwick”.

—Katakot-takot na kagambalaan iyan Manéng. Talagang mauuna na sana kami. Nakita mo na marahil na nakahanda nang lahat.

—Dinamdam ko po sana ng gayon na lamang kungdi ko kayo inabot. Hindi ko patatawaring kasalanan ang hindi dagliang ihandog sa inyo ang aking “Bwick”..... Si Selmo naman, hindi na ako hinintay—ang bale.

—Pinauna ko na si Selmo at si Yoyong upang makapagayos sila agad at datnan na natin nakahanda ang lahat ng walang kabalaman.

Ang malas ni Maneng ay pasulyap-sulyap sa silid na kinaroroonan nina Nati at wari bagang nananabik na makita ang hiwagang ganda na hantungan ng kaniyang mga pangarap.

Nahulaan mandin ni aleng Tayang ang nasa ni Maneng at nang mapalugdan ang inaasam niyang mamanugangin, ay tinawag pagdaka si Nati.

Ang pintuan ng silid ay nabuksan at ang magpinsan ay sabay na lumabas gaya ng mga artista sa isang tanghalan kung sabik na sabik na ang mga nanunuod.

Tumindig kaagad si Maneng at sinalubong ang dalawang kagandahan dumarating.

Iniabot ang kamay kay Mameng muna baga mang ang mga mata ay nasa talaghay ni Nati. Iniabot pagkatapos dito ang kamay at ang kanilang mga mata’y nagusap ng lihim bagamang ang kanilang mga labi ay bumigkas ng bating panglahat.

—Kay gaganda ninyo ngayon. Mapalad ang mga matang sa inyo’y makakita.

—Naman si Maneng—ani Nati.

—Napakabulaan!—ang salo ni Mameng.

At ang magpinsan ay nagtinginan.

—Ang “Bwick” daw—ani aleng Tayang—ang sanhi ng ipinarito ni Maneng.

—At nais ko rin po namang sa inyo ay makipagkita.

—Talagang kay buti nitong si Maneng—ani Mameng.

—Buti na ba iyan?.... Siya ko lamang kayang ihandog kaya’t malakihin na ninyo.

—Tugtugin mo nga Mameng yaong tugtuging sinasanay mo kahapon, samantalang ako’y naghahanda—ani aling Tayang.

At sinabayan ng tindig.

—Sandali lamang Maneng—ang habol at nagpatuloy nang paglabas.

Si Mameng ay lumapit sa piano, pinihit na sinukat ang taas ng likmuan samantalang ilinapit-lapit naman ni Maneng ang kaniyang likmuan sa kay Nati.

Ang mga daliri ni Mameng ay naghabulan sa mgateclang piano at ginising doon na nagsikip sa boong bahay ang isang marikit na tugtugin niLohengrin.

Ang kamay ni Nati na nakapatong sa kamay ng likmuan ay hinawakan ni Maneng at ang init noon ay parang lumaganap sa kaniyang boong katawan.

—Kay ligaya ko Nati!... Ano? Hindi ba?

—Siya nga ba?... Bakit Maneng? May nababago bang bagay?...

—Sa pagka’t ako’y nasa piling mo.

—Naku?... Ito naman...

—Maniwala ka; sa piling mo’y hindi ko maala-ala ang kamatayan, ang luha ay isang bugtong na hindi ko makakabati sa piling mo Nati. Kay palad ko kung loobin ni Bathalang...

Ang piano ay patuloy na parang sumasaliw sa dalawang inaalo ni Kupido.

—Kung ang mga sumpa mo ay tunay Maneng ay makaaasa akong ang langit ay dadanasin natin sa buhay na ito.

—May alinlangan ka ba Nati? Di ka ba naniniwala?...

—Alinlangan ay wala... nguni’t...

—Nguni’t ano?... Turan mo Nati.. Hali na.

—Isang piping bulong ang sa aki’y hindi magpatahimik...

—Na ano yaon? Maaari bang malaman?

—Sa Marilao na. Doon na natin pagusapan Maneng.

Ang tugtugin ay natapos at si Aling Tayang ay muling nasok.

—Nati, Mameng. Hindi pa ba tayo lalakad ay mainit na ang araw?

—Bakit po hindi?

At ang apat na kilala natin ay nagsilulan saautona naghihintay sa tapat ng bahay.

Back to IndexNext