IV KABANATASI ORANGSA POOK ng mga mangingisda sa dakong ibaba pa ng Bangkusay, sa isang bahay na namumukod na sadyang ipinatayo ni Maneng upang maging pugad nila ni Orang ay ibang-iba ang kasalukuyang namamayani.Mahigit na isang taon na doo’y nagsikip ang ligaya sa pagsusuyuan. Di miminsang si Maneng ay inantabayanan nina Gorio at Biyang, nguni’t hanggang umaga’y di dumating ng bahay; pagka’t kay Orang natulog, doon tumunga at nagpakalasing sa mga alo ng kabataan.Si Orang ay isang magandang bulaklak sa halamanan ng mga kulang palad. Ang kaniyang ama ay isang mangingisdang manlalasing; ang kaniyang ina ay kakambal mandin ng apat na hari nang ipanganak kaya si Orang ay sa mga bahay pangingihan lumaki.Ang kanyang kabataan ay namulat sa kanilang “inuman” na parang isang baklad, sa mga mangingisda, na siyang karaniwang namamayan sa mga pook na yaon.Ang takalan ng anisado, ng ginebra at sinunog, ang pag-gawa ng mga pulutan, ang panghalina sa mga mamimili na mga bandibandilaang papel na iba’t ibang kulay na itinutusok sa mga suhang sungsong kung magpapasko, ay mga kasangkapan at gawaing hindi na niya ipinagtatanong.Nang siya’y tumatahak na sa pagdadalaga ay binigyan niya ng ibang anyo ang kaniyang tindahan. Ayaw na siya ng mga manlalasing lamang ang kaniyang suki.Nagbukas siya ng isang “fonda” tindahang ibang iba ang kahulugan ng pangalang hiniram sa mga kastila kay sa tunay na kahulugang ibinigay ng kaugalian.Yao’y isang tindahang munti ng talaghay ng may tinda, may isa ring munting hapag na kinahahanayan ng ilang pingang naguumapaw sa sari-saring bungang kahoy, mga dalandan, dalanhita, siko, suba; mga bandeha ng sarisaring matamis, mga inumin gaya ng limonada, soda at iba pa, mga kakaning iba’t ibang lasa na likha ng mga anak dukha lamang; at hindi kabati ng mga inalo sa duyan ng ligaya.Hapon pa’y parang nahahalina ang mga binatang hindi litaw sa bayan; mga anak ng pag-gawa, mga kampon ng bisig at mangilan-ngilang aralan na nagaaksaya ng kanilang panahon.Mga bigkis ng tubo ang kanilang pinagaaliwan. May nagbibiyakan, may nagsusukatan, may nagtutuksuhan, may nagtutuktukan ng itlog, may naghuhulaan ng liha ng dalanhita, ng buto ng siko at iba’t iba pang libangang pinaguubusan nila ng sandali hanggang lumalim ang gabi.Hindi rin naman kakaunti angnagmimironat lumiligaw ng ligaw mata sa magandang kay Orang.Ang pangalang Orang ay sumapit sa pangdingig ni Maneng;noonay kasalukuyang nababantog. At si Maneng ay natukso. Nahalinang kilalanin ang magandangfondista.At isang hapon ay di na nabuksan ang tindahan ni Orang.Isang magandang bahay na ipit ang nahalile at isangautoang tuwina’y nakatigil sa tapat ng bahay: Angautoni Maneng.Buhat noon ay lalo nang palaging lango ang ama ni Orang. Natuto ng magmonte ang kaniyang ina at ang upo sa pangingihan ay lalong nagulol. Hindi na umuupo sa “poso-poso” kungdi sa peseta at piso buhat noon.Nguni’t ito’y hindi naglaon at isang pakanang likha ng masamang nasa ang nagtanim ng panibugho sa puso ni Maneng.Ito’y si Yoyong, si Yoyong na lumalangit kay Orang nguni’t di naman tinutumbasan.At isang araw nang hindi na yata niya matiis ang pagtatamasasa galak ni Maneng at ni Orang,noonay isinagawa ang kaniyang balak.Sinulatan si Orang ngmatatalinghagangliham na tumutukoy ng iba’t ibang panahon na parang tugon sa mga sulat ng birhen ni Maneng. Mga sulat na sa kahangalan ni Orang ay iningatan at hindi ipinagtapat kay Maneng, palibhasa’y di niya tarok ang mga pangungusap na may dalawang kahulugan ni kung yao’y dapat na matalastas ng kaniyang giliw. At ang mga sulat na ito’y natuklas ni Maneng nang si Orang ay nagdaramdam at manganganak ng isang sanggol na bunga ng kanilang pag-iibigan.Ang panibugho ay nagtagusan sa puso ni Maneng agad-agad at pagkabasa ng mga sulat ni Yoyong ay hinatulan pagdakang taksil si Orang at di man lamang diningig ang kulang palad na binagsakan ng poot.Dito siya nangaling nang gabing nagdaan at dito na nagsimula ang mali niyang pagsumpa sa lipi ni Eva.Nguni’t si Orang ay walang kamalay-malay sa mga ipinararatang sa kaniya, at nasa banig palibhasa ay nanatili sa paghihintay na magkausap silang muli ni Maneng.Samantalang ang kulang palad na si Orang sa sandaling pagiging ina niya sa anak ni Maneng ay binagsakan ng poot noon nang walang kadahilanan at kasalukuyang linulunod ng luha at iniinis ng dalamhati; ang ina niyang walang kalulwa ay galit at nagtutungayaw sa pagka’t walang pupuhunanin.—Buisit na lalaki iyan—anya—Walang araw na di mo makikitang lasing na lasing. ¡Pueh!—Ang nanay naman. Manong pagpasiensiahan na ninyo ang himaling ng tatay. Wala na siyang aliwan kungdi yaon.—Kung ganitong wala akong mapuhunan ay hindi ko maala-ala ang magpasiencia... ¡Pueh!—Ilinura ang sapa at ang habol.—Wala ka bang kualta diyan Orang? Wala akong mapupuhunan.—May apat na piso pa rine nanay, nguni’t wala na tayong ipamimile kung inyo pang pupuhunanin. (Si Orang ay nagsinungaling at di ipinagtapat na siya ay may natitipon.)—Bigyan mo ako kahit na dadalawang piso at kahiyahiya sa sumusundo sa akin; meron pa naman kaming “concierto” ngayon.—Mano nanay na huwag ka ng maglaro ngayon at alagaan mo na lamang itong inyong apo. Oh tingnan mo nga’t kay ganda-ganda. Tingnan mo nanay ang ilong at kay tangos-tangos, walang pinagibhan sa ilong ni Maneng. Ano nanay?—at siniil ng halik ang sanggol.Nang mga sandaling yaon ay nasok ang matandang lalaki na hinog na hinog sa alak at parang baliw na nagsabi:—Ang ibig ko bang sabihin, kung mayroon ay nagpapasasa at kung wala ay tumunganga.—Kung anoanong kaululan ang pinagsasabi nitong lasengong ito—ang yamot na pakli ni aleng Ninay.—Lasengo! ibig sabihin ay malinaw ang isip. Si Simon ay parang parol na maraming langis; sa makatwidang ibig kong sabihinay maliwanag.—Maliwanag ang isip... Tumahimik ka na nga’t ako’y hindi nakikialam sa iyo. Baka paliwanagin pa kita.—Eh kung ayaw ka bang makialam sa akin...Ang ibig kong sabihin eh...—Kerami mo namang ibig sabihin... Kung natutulog ka ba’y di mabuti... ¡Pueh!...—Matulog; mabuti nga; nguni’t angibig kong sabihinay maghintay ka ng ulan kung wala ng tubig—at sinabayan ng alis.Ang ibig kong sabihin, ay siyang palamuti ni Tandang Simon sa kaniyang pangungusap.Ang dalawang pisong hinihingi ni aling Ninay ay ibinigay ni Orang at parang itinaboy ang babaing alipin ng apat na kaharian na di man napigil ng ligayang handog ng magandang apo.At si Orang sa gitna ng mapait na pamamanglaw at pagmamalas sa sanggol ay tila nawawalan ng diwa at walang tigil ang pagdaloy ng mga unang luha ng puso.

IV KABANATASI ORANG
SA POOK ng mga mangingisda sa dakong ibaba pa ng Bangkusay, sa isang bahay na namumukod na sadyang ipinatayo ni Maneng upang maging pugad nila ni Orang ay ibang-iba ang kasalukuyang namamayani.
Mahigit na isang taon na doo’y nagsikip ang ligaya sa pagsusuyuan. Di miminsang si Maneng ay inantabayanan nina Gorio at Biyang, nguni’t hanggang umaga’y di dumating ng bahay; pagka’t kay Orang natulog, doon tumunga at nagpakalasing sa mga alo ng kabataan.
Si Orang ay isang magandang bulaklak sa halamanan ng mga kulang palad. Ang kaniyang ama ay isang mangingisdang manlalasing; ang kaniyang ina ay kakambal mandin ng apat na hari nang ipanganak kaya si Orang ay sa mga bahay pangingihan lumaki.
Ang kanyang kabataan ay namulat sa kanilang “inuman” na parang isang baklad, sa mga mangingisda, na siyang karaniwang namamayan sa mga pook na yaon.
Ang takalan ng anisado, ng ginebra at sinunog, ang pag-gawa ng mga pulutan, ang panghalina sa mga mamimili na mga bandibandilaang papel na iba’t ibang kulay na itinutusok sa mga suhang sungsong kung magpapasko, ay mga kasangkapan at gawaing hindi na niya ipinagtatanong.
Nang siya’y tumatahak na sa pagdadalaga ay binigyan niya ng ibang anyo ang kaniyang tindahan. Ayaw na siya ng mga manlalasing lamang ang kaniyang suki.
Nagbukas siya ng isang “fonda” tindahang ibang iba ang kahulugan ng pangalang hiniram sa mga kastila kay sa tunay na kahulugang ibinigay ng kaugalian.
Yao’y isang tindahang munti ng talaghay ng may tinda, may isa ring munting hapag na kinahahanayan ng ilang pingang naguumapaw sa sari-saring bungang kahoy, mga dalandan, dalanhita, siko, suba; mga bandeha ng sarisaring matamis, mga inumin gaya ng limonada, soda at iba pa, mga kakaning iba’t ibang lasa na likha ng mga anak dukha lamang; at hindi kabati ng mga inalo sa duyan ng ligaya.
Hapon pa’y parang nahahalina ang mga binatang hindi litaw sa bayan; mga anak ng pag-gawa, mga kampon ng bisig at mangilan-ngilang aralan na nagaaksaya ng kanilang panahon.
Mga bigkis ng tubo ang kanilang pinagaaliwan. May nagbibiyakan, may nagsusukatan, may nagtutuksuhan, may nagtutuktukan ng itlog, may naghuhulaan ng liha ng dalanhita, ng buto ng siko at iba’t iba pang libangang pinaguubusan nila ng sandali hanggang lumalim ang gabi.
Hindi rin naman kakaunti angnagmimironat lumiligaw ng ligaw mata sa magandang kay Orang.
Ang pangalang Orang ay sumapit sa pangdingig ni Maneng;noonay kasalukuyang nababantog. At si Maneng ay natukso. Nahalinang kilalanin ang magandangfondista.
At isang hapon ay di na nabuksan ang tindahan ni Orang.
Isang magandang bahay na ipit ang nahalile at isangautoang tuwina’y nakatigil sa tapat ng bahay: Angautoni Maneng.
Buhat noon ay lalo nang palaging lango ang ama ni Orang. Natuto ng magmonte ang kaniyang ina at ang upo sa pangingihan ay lalong nagulol. Hindi na umuupo sa “poso-poso” kungdi sa peseta at piso buhat noon.
Nguni’t ito’y hindi naglaon at isang pakanang likha ng masamang nasa ang nagtanim ng panibugho sa puso ni Maneng.
Ito’y si Yoyong, si Yoyong na lumalangit kay Orang nguni’t di naman tinutumbasan.
At isang araw nang hindi na yata niya matiis ang pagtatamasasa galak ni Maneng at ni Orang,noonay isinagawa ang kaniyang balak.
Sinulatan si Orang ngmatatalinghagangliham na tumutukoy ng iba’t ibang panahon na parang tugon sa mga sulat ng birhen ni Maneng. Mga sulat na sa kahangalan ni Orang ay iningatan at hindi ipinagtapat kay Maneng, palibhasa’y di niya tarok ang mga pangungusap na may dalawang kahulugan ni kung yao’y dapat na matalastas ng kaniyang giliw. At ang mga sulat na ito’y natuklas ni Maneng nang si Orang ay nagdaramdam at manganganak ng isang sanggol na bunga ng kanilang pag-iibigan.
Ang panibugho ay nagtagusan sa puso ni Maneng agad-agad at pagkabasa ng mga sulat ni Yoyong ay hinatulan pagdakang taksil si Orang at di man lamang diningig ang kulang palad na binagsakan ng poot.
Dito siya nangaling nang gabing nagdaan at dito na nagsimula ang mali niyang pagsumpa sa lipi ni Eva.
Nguni’t si Orang ay walang kamalay-malay sa mga ipinararatang sa kaniya, at nasa banig palibhasa ay nanatili sa paghihintay na magkausap silang muli ni Maneng.
Samantalang ang kulang palad na si Orang sa sandaling pagiging ina niya sa anak ni Maneng ay binagsakan ng poot noon nang walang kadahilanan at kasalukuyang linulunod ng luha at iniinis ng dalamhati; ang ina niyang walang kalulwa ay galit at nagtutungayaw sa pagka’t walang pupuhunanin.
—Buisit na lalaki iyan—anya—Walang araw na di mo makikitang lasing na lasing. ¡Pueh!
—Ang nanay naman. Manong pagpasiensiahan na ninyo ang himaling ng tatay. Wala na siyang aliwan kungdi yaon.
—Kung ganitong wala akong mapuhunan ay hindi ko maala-ala ang magpasiencia... ¡Pueh!—Ilinura ang sapa at ang habol.
—Wala ka bang kualta diyan Orang? Wala akong mapupuhunan.
—May apat na piso pa rine nanay, nguni’t wala na tayong ipamimile kung inyo pang pupuhunanin. (Si Orang ay nagsinungaling at di ipinagtapat na siya ay may natitipon.)
—Bigyan mo ako kahit na dadalawang piso at kahiyahiya sa sumusundo sa akin; meron pa naman kaming “concierto” ngayon.
—Mano nanay na huwag ka ng maglaro ngayon at alagaan mo na lamang itong inyong apo. Oh tingnan mo nga’t kay ganda-ganda. Tingnan mo nanay ang ilong at kay tangos-tangos, walang pinagibhan sa ilong ni Maneng. Ano nanay?—at siniil ng halik ang sanggol.
Nang mga sandaling yaon ay nasok ang matandang lalaki na hinog na hinog sa alak at parang baliw na nagsabi:
—Ang ibig ko bang sabihin, kung mayroon ay nagpapasasa at kung wala ay tumunganga.
—Kung anoanong kaululan ang pinagsasabi nitong lasengong ito—ang yamot na pakli ni aleng Ninay.
—Lasengo! ibig sabihin ay malinaw ang isip. Si Simon ay parang parol na maraming langis; sa makatwidang ibig kong sabihinay maliwanag.
—Maliwanag ang isip... Tumahimik ka na nga’t ako’y hindi nakikialam sa iyo. Baka paliwanagin pa kita.
—Eh kung ayaw ka bang makialam sa akin...Ang ibig kong sabihin eh...
—Kerami mo namang ibig sabihin... Kung natutulog ka ba’y di mabuti... ¡Pueh!...
—Matulog; mabuti nga; nguni’t angibig kong sabihinay maghintay ka ng ulan kung wala ng tubig—at sinabayan ng alis.
Ang ibig kong sabihin, ay siyang palamuti ni Tandang Simon sa kaniyang pangungusap.
Ang dalawang pisong hinihingi ni aling Ninay ay ibinigay ni Orang at parang itinaboy ang babaing alipin ng apat na kaharian na di man napigil ng ligayang handog ng magandang apo.
At si Orang sa gitna ng mapait na pamamanglaw at pagmamalas sa sanggol ay tila nawawalan ng diwa at walang tigil ang pagdaloy ng mga unang luha ng puso.