II KABANATASA BAHAY NINA SELMOGULONG gulo si aleng Tayang sa paghahanda ng babaunin sa Marilao.Ang mga kahon ng alak, mga bayong ngcerbeza, mga lata ng pansahog sa ulam, tangkal ng kapong manok at banlat ng litsuning bagong walay ay nakahanay nang lahat sa tabi ng pintuan at handang ilulan sa sasakyang kaipala’y di na malalaunan at darating.Sa kabilang tabi nama’y nakahanay na rin ang dalawang malalaking tampiping yantok; nababastang gapós na gapós, para bagang ang damit na natitiklop na kaniyang iniingatan ay ibig na magpumiglas at itanghal nang agad ang kanilang dingal, gayon din ang kanilang maiinam na tabas.Ang mga biik ay nagiiyakang parang mga sinumpa at animo’y kanilang nakikita ang bunton ng baga na sa kanila’y pagiihawan sampu ng duruan na nakahanda nang ituhog.Ang mga kapóng manók ay nagtutukaan, samantalang parang tanod na sa kanila’y nagbabantay ng boong talino ang matangkad naGALGOna nakaupo at nakalawit ang dilang humihingal at palingas-lingas.Sa itaas; sa loob ng silid ng maringal na bahay nina Selmo ay ibang iba ang mapapansin.Si Nati ay nakabalabal ng isang manipis na kimonong kulay burok at sa gilid ng mangas at liig hangang laylayan ay namumukod ang parang listong kulay kapeng giniling.Mga bakas ng mabibilog niyang dibdib ang di magapi ng pamigkis niyang sutla rin na nagpapaliit na lalo ng maliit niyang bayawang na bumubukod sa malamáng balakang na nagbibigay kintab sasutlangbalabal kung sapyawan at paglaruan ng simoy ng umaga na naglalagusan sa bintana.Isang painitán ang kasalukuyang nagaalab at kinasasalangan ng dalawang sipit na bakal na pangkulot ng buhok. Sangayon sa alab na walang liwanag ay mapagsisiyang ang gatong ayaguardientena kaipala’y yari sa alakang “La Copa” ng masipag naindustrialna si Agapito Zialcita.—Mag-alis ka ng panyo Mameng—ang anyaya ni Nati sa kaniyang pinsan na bihis na at nakalikmo sa isang dako ng silid. At parang utos na di matutulan ay ginampanan kaagad sanhing ikinabilad ng kaniyang mabilog na batok na animo’y nagaanyayangKAGATIN MO AKO.Lumapit si Mameng nang mainit-init na ang mga sipit at kinulot ang maitim na buhok ni Nati na noo’y nakalugay. At sa ilang salang ay napaalon ang dating parang sutlang buhok upang mabigyan ng isang anyong lalong kahangahanga ang talaghay ni Nati. Kay ganda ni Nati nang mga sandaling yaon!Pinusdan ni Mameng ang kaniyang pinsan ng isang pusod na napakainam, na maituturing na bagong likha, pagka’t ang gayon ay di pa nakikita sa alin mang ulong babai.Animo’y isang magandang putong na sutlang itim na sinuksukan ng mga mariringal napantochesat suklay na nahihiyasan ng batong nagkikinangan.Si Nati ay isang hiwagang gandá na malilikha lamang ng mga pangaraping diwa. Animo’y isang tala na nahulog buhat sa langit.Ang kaniyang mga matang animo’y dalawang duhat sa iitim ay binabalungan ng walang tilang pangako at yinuyunyungan ng malalagong kilay na tinitingala ng malalantik na pilikmata.Sa kaniyang mga pisngi ay nanganganinag ang salisalimuot na ugat na iba-ibang kulay sa magkabilang dako ng isang mahayap na ilong na binabagayan ng isang maliit na bibig na laging kinababakasan ng isang masayang ngiti.Ang kulay ng kaniyang mga labi ay pinananaghilian ng saga na lalong nagpapaputi sa maayos na hanay ng maliliit na ngipin na manakanaka’y dumudungaw kung siya’y magsalita.Sa kaniyang baba ay may isang maliit na puyo na tinutungkuan ng dalawang puyo rin ng kaniyang mga pisngi kung siya’y tumawa.Sa salaming nasa ibabaw ng hapag na kaniyang suklayan ay nasisiyahan siya sa magandang anyo na ipinakikita ng kaniyang larawan.—Ikaw naman Mameng ang aking susuklayan—ani Nati na punong puno ng galak.At si Mameng ay lumikmo sa dating kinauupuan ni Nati.Si Nati ay lalong bihasa kay sa kay Mameng sa gawaing itó, at kung di lamang sila ay may mabuting kabuhayan, ay kay inam nilang magingpeinadorang isang bantog naFotografiang kay Mariano Gomez halimbawa. Walang salang di pinagdayo disin.Pinunggos ni Nati sa kaniyang mahahabang daliri ang buhok ni Mameng na kulay balat ng kastanyas, binahagi sa dalawa, na ibinukod ang dakong ibabaw sa dakong ilalim at saka ipinulupot ito sa isang bahagi, samantalang sinusuksukan ng maliliit na ipit na animo’y buhok din na di matamaang malas. Buhat sa gitna ay isinampay sa ibabaw pagkatapos malulon na parang sutlang namamadeha at isinipit ng mga ipit ding di nakikita, tinuhog sa magkabila pagkatapos ng dalawangpantochesna aniyong kukong kabayo na pawang perlas na mabibilog at sinaló sa dakong likuran ng isang suklay namedia lunana nahihiyasan din ng dalawang hanay na batong lungtian. At nang yari na ay saka sinuro ang paligid ng pangulot hanggang sa boong kasiyahang nayari ang isang mainam nabukle.Pagkatapos ng mahirap at matagal na pagsusuklayan ng magpinsan ay isinakbat ni Mameng ang kaniyang alampay at hinawakan ang isang munting payong na kabagay at kakulay ng saya, baro at panyo na payak na bughaw.Hinubad naman ni Nati ang kaniyang balabal na kimono at sa isang iglap ay isinuot ang baro at panyo nanakahanda na.Sa di kawasa’y nakaringig sila ng isang angil ngautokasabay ng tahol ng aso na nasa silong ng bahay.

II KABANATASA BAHAY NINA SELMO
GULONG gulo si aleng Tayang sa paghahanda ng babaunin sa Marilao.
Ang mga kahon ng alak, mga bayong ngcerbeza, mga lata ng pansahog sa ulam, tangkal ng kapong manok at banlat ng litsuning bagong walay ay nakahanay nang lahat sa tabi ng pintuan at handang ilulan sa sasakyang kaipala’y di na malalaunan at darating.
Sa kabilang tabi nama’y nakahanay na rin ang dalawang malalaking tampiping yantok; nababastang gapós na gapós, para bagang ang damit na natitiklop na kaniyang iniingatan ay ibig na magpumiglas at itanghal nang agad ang kanilang dingal, gayon din ang kanilang maiinam na tabas.
Ang mga biik ay nagiiyakang parang mga sinumpa at animo’y kanilang nakikita ang bunton ng baga na sa kanila’y pagiihawan sampu ng duruan na nakahanda nang ituhog.
Ang mga kapóng manók ay nagtutukaan, samantalang parang tanod na sa kanila’y nagbabantay ng boong talino ang matangkad naGALGOna nakaupo at nakalawit ang dilang humihingal at palingas-lingas.
Sa itaas; sa loob ng silid ng maringal na bahay nina Selmo ay ibang iba ang mapapansin.
Si Nati ay nakabalabal ng isang manipis na kimonong kulay burok at sa gilid ng mangas at liig hangang laylayan ay namumukod ang parang listong kulay kapeng giniling.
Mga bakas ng mabibilog niyang dibdib ang di magapi ng pamigkis niyang sutla rin na nagpapaliit na lalo ng maliit niyang bayawang na bumubukod sa malamáng balakang na nagbibigay kintab sasutlangbalabal kung sapyawan at paglaruan ng simoy ng umaga na naglalagusan sa bintana.
Isang painitán ang kasalukuyang nagaalab at kinasasalangan ng dalawang sipit na bakal na pangkulot ng buhok. Sangayon sa alab na walang liwanag ay mapagsisiyang ang gatong ayaguardientena kaipala’y yari sa alakang “La Copa” ng masipag naindustrialna si Agapito Zialcita.
—Mag-alis ka ng panyo Mameng—ang anyaya ni Nati sa kaniyang pinsan na bihis na at nakalikmo sa isang dako ng silid. At parang utos na di matutulan ay ginampanan kaagad sanhing ikinabilad ng kaniyang mabilog na batok na animo’y nagaanyayangKAGATIN MO AKO.
Lumapit si Mameng nang mainit-init na ang mga sipit at kinulot ang maitim na buhok ni Nati na noo’y nakalugay. At sa ilang salang ay napaalon ang dating parang sutlang buhok upang mabigyan ng isang anyong lalong kahangahanga ang talaghay ni Nati. Kay ganda ni Nati nang mga sandaling yaon!
Pinusdan ni Mameng ang kaniyang pinsan ng isang pusod na napakainam, na maituturing na bagong likha, pagka’t ang gayon ay di pa nakikita sa alin mang ulong babai.
Animo’y isang magandang putong na sutlang itim na sinuksukan ng mga mariringal napantochesat suklay na nahihiyasan ng batong nagkikinangan.
Si Nati ay isang hiwagang gandá na malilikha lamang ng mga pangaraping diwa. Animo’y isang tala na nahulog buhat sa langit.
Ang kaniyang mga matang animo’y dalawang duhat sa iitim ay binabalungan ng walang tilang pangako at yinuyunyungan ng malalagong kilay na tinitingala ng malalantik na pilikmata.
Sa kaniyang mga pisngi ay nanganganinag ang salisalimuot na ugat na iba-ibang kulay sa magkabilang dako ng isang mahayap na ilong na binabagayan ng isang maliit na bibig na laging kinababakasan ng isang masayang ngiti.
Ang kulay ng kaniyang mga labi ay pinananaghilian ng saga na lalong nagpapaputi sa maayos na hanay ng maliliit na ngipin na manakanaka’y dumudungaw kung siya’y magsalita.
Sa kaniyang baba ay may isang maliit na puyo na tinutungkuan ng dalawang puyo rin ng kaniyang mga pisngi kung siya’y tumawa.
Sa salaming nasa ibabaw ng hapag na kaniyang suklayan ay nasisiyahan siya sa magandang anyo na ipinakikita ng kaniyang larawan.
—Ikaw naman Mameng ang aking susuklayan—ani Nati na punong puno ng galak.
At si Mameng ay lumikmo sa dating kinauupuan ni Nati.
Si Nati ay lalong bihasa kay sa kay Mameng sa gawaing itó, at kung di lamang sila ay may mabuting kabuhayan, ay kay inam nilang magingpeinadorang isang bantog naFotografiang kay Mariano Gomez halimbawa. Walang salang di pinagdayo disin.
Pinunggos ni Nati sa kaniyang mahahabang daliri ang buhok ni Mameng na kulay balat ng kastanyas, binahagi sa dalawa, na ibinukod ang dakong ibabaw sa dakong ilalim at saka ipinulupot ito sa isang bahagi, samantalang sinusuksukan ng maliliit na ipit na animo’y buhok din na di matamaang malas. Buhat sa gitna ay isinampay sa ibabaw pagkatapos malulon na parang sutlang namamadeha at isinipit ng mga ipit ding di nakikita, tinuhog sa magkabila pagkatapos ng dalawangpantochesna aniyong kukong kabayo na pawang perlas na mabibilog at sinaló sa dakong likuran ng isang suklay namedia lunana nahihiyasan din ng dalawang hanay na batong lungtian. At nang yari na ay saka sinuro ang paligid ng pangulot hanggang sa boong kasiyahang nayari ang isang mainam nabukle.
Pagkatapos ng mahirap at matagal na pagsusuklayan ng magpinsan ay isinakbat ni Mameng ang kaniyang alampay at hinawakan ang isang munting payong na kabagay at kakulay ng saya, baro at panyo na payak na bughaw.
Hinubad naman ni Nati ang kaniyang balabal na kimono at sa isang iglap ay isinuot ang baro at panyo nanakahanda na.
Sa di kawasa’y nakaringig sila ng isang angil ngautokasabay ng tahol ng aso na nasa silong ng bahay.