V KABANATASI SELMO AT SI YOYONGKAHOG na kahog si Selmo sa pangangasiwa ng pagyayaman ng tahanang pagpaparanan ng ilang araw na liwaliw ng kapatid niyang si Nati at ng binubuko niyang maging kapalad na pinsang si Mameng.Ang larawan ni Mameng na siyang laman ng boo niyang diwa, yaong musmos pa’y naging kalarolaro niya ng “takip-silim”, ng sungka, at sintak, ngayo’y parang isang dakilang tanglaw na bumabalisa at nagpapasigla sa masusi niyang karamdaman.Ang grupo ng magpinsang dalaga ay iniayos niya sa ibabaw ng isang mainam naconsolaat sa tapat noo’y ginayakan niya ng isang maringal na kalangi ang isang malaking harong bombay na boong ingat niyang pinagyaman. Si Yoyong sa kabilang dako ay parang isang tunay na bihasa; iniayos sa magkabilang dulo nggaleriaang dalawang munting hapag at linigid ng tatlong taburete, para bagang sa kaniyang nasa ay dumudungaw na ang tunay na dapat pairalin sa mga lipuna’y ang tatluhang umpok at di ang dalawa na siyang pinagbagay ng kalikasan at salinsaling panahon at paguugali.At sa loob loob niya ay nakatutupad siya sa isang kautusan ngmoralna bagamang hindi pa naisusulat nino mangmoralistaay dapat isagawa sa ating kapisanan na lubhang nagpapakasagwa sa pagsasarilinan atpagkakalayaantuwi nang ang dalawa katao’y magkaharap.Ang sumagabal, ay isang mabuting gawa at isang bagongkabanalang kanyang itinuturing upang maingatan ang bini ng ating mga dalaga sa katampalasanan ng ating mga mapagsamantalang binata sa kasalukuyan.Ang tahanangnapilinina Selmo sa Marilaw ay natitirik sa gitna ng isang maaliwalas na halamanan sa dakong likuran ngBalnearionaliligid ng ilang-ilang na nagdudulot ng samyo ng kaniyang malalabay na sanga na hitik na hitik ng mababangong bulaklak, sa dako roon ay mga puno ng atis at manga na naghahandog ng malaking lilim lalo na sa katanghalian: sa dakong hilaga ay sagingan na animo’y gubat na mainam paglibliban ng lalong mahiwagang lihim ng pagibig; at sa pagpasok na ng tarangkahan ay iba’t ibang kiyas naSan Francisco, at begonia, na sa kanilang masasayang kulay ng dahon ay wari bagang talagang sumupling upang maging palamuti at makaakit sa lalong pihikang panauhin;ano pa’tang pook na yaon ay bagay na bagay pagaksayahan ng panahon ng mga liping iniwi sa kasaganaan.Nang maiayos na ni Selmo at ni Yoyong ang tahanan ay nasisiyahan kapuwa na kanilang pinanood buhat sa lupa at hanggang sa lalong tagong sulok kung sila’y may nakaligtaang di napagyaman.—Tila wala na tayong naligtaan—ani Selmo sa kanyang pinsan.—Wala na marahil? Sampu ng mga gagamba na nangagbabahay sa mga sulok ng bintana ay nabulabog na nating lahat. Ang akala ko’y wala ng ibang kailangan kungdi ang magsidating na sina Nati.—Maaga pa naman Yoyong. Tila lalong maigi ay iakiyat natin ang dalawang pilon ng malvarosa sa dalawang dako nggaleria. Ano angwika mo?—Mainam nga at makapagdudulot pa ng masamyong halimuyak.At ipinatuloy ng dalawa ang mga huling pagaayos.Samantalang ito’y nangyayari ay sadaraan ang isang karretelang patungo sa Maynila na kinalululanan nina Binay.Ito’y isang magandang bulaklak ng Bukawe, Barrio ng T... na patungo saMeykawayanupang dumalaw sa kanyangama na may isang tindahan doon. Siya’y mulat sa paaralang bayan na likha ngBillGabaldon.Sa kanyang madilaw na kasuotan ay nayaya ang malas ni Yoyong na di napigil ang sabing:—Hoy, Selmo. Tingnan mo ang babaing yaon: kay ganda! Ano?At ang dalawa ay napatigil na ihinatid ng malas si Binay.Kasakay ng dalaga ang isang magulang nang babai at ayon sa kanilang anyo at kiyas ay angkan ng pag-gawa; nguni’t kabilang diyan sa mga taong marunong makibagay sa panahon, sangayon sa kaayusan ng kanilang bihis, kahit na pawang babarahin lamang at murang kayo at tapis na baliwag ang taglay na kasuotan ay bagay na bagay naman at pawang malinis.Isang sayang may madidilat na guhit na dilaw atcafena halang-halang; barong madalang na dilawan din at may guhit na magkaagapay ang laylayan ng mangas, panyong malambot na sutlang Baliwag na nakasampay sa balikat, ang kabuoan ay animo’y isang kulliawang masaya, sa loob ng isang hamak na tangkal: Ito ang bihis ng dalaga.Kay inam ng bihis ni Binay gayong kamumurang damit ay bagay sa kanyang siksik at bilugang katawan, balat na kayumangi at kulot na buhok. Mga tagong bulaklak ng ating mga lalawigan. Mga larawang nalalabi ng dalagang tagalog; mga buhay na sagisag ng kakanyahan ng ating lahi na ilinigaw ng Bagong Panahon.Nawalay sila sa malas nina Selmo nang lumiko ang karretela na kinalululanan.At ang dalawang magpinsan ay nagpatuloy pa din ng kanilang pag-aayos.

V KABANATASI SELMO AT SI YOYONG
KAHOG na kahog si Selmo sa pangangasiwa ng pagyayaman ng tahanang pagpaparanan ng ilang araw na liwaliw ng kapatid niyang si Nati at ng binubuko niyang maging kapalad na pinsang si Mameng.
Ang larawan ni Mameng na siyang laman ng boo niyang diwa, yaong musmos pa’y naging kalarolaro niya ng “takip-silim”, ng sungka, at sintak, ngayo’y parang isang dakilang tanglaw na bumabalisa at nagpapasigla sa masusi niyang karamdaman.
Ang grupo ng magpinsang dalaga ay iniayos niya sa ibabaw ng isang mainam naconsolaat sa tapat noo’y ginayakan niya ng isang maringal na kalangi ang isang malaking harong bombay na boong ingat niyang pinagyaman. Si Yoyong sa kabilang dako ay parang isang tunay na bihasa; iniayos sa magkabilang dulo nggaleriaang dalawang munting hapag at linigid ng tatlong taburete, para bagang sa kaniyang nasa ay dumudungaw na ang tunay na dapat pairalin sa mga lipuna’y ang tatluhang umpok at di ang dalawa na siyang pinagbagay ng kalikasan at salinsaling panahon at paguugali.
At sa loob loob niya ay nakatutupad siya sa isang kautusan ngmoralna bagamang hindi pa naisusulat nino mangmoralistaay dapat isagawa sa ating kapisanan na lubhang nagpapakasagwa sa pagsasarilinan atpagkakalayaantuwi nang ang dalawa katao’y magkaharap.
Ang sumagabal, ay isang mabuting gawa at isang bagongkabanalang kanyang itinuturing upang maingatan ang bini ng ating mga dalaga sa katampalasanan ng ating mga mapagsamantalang binata sa kasalukuyan.
Ang tahanangnapilinina Selmo sa Marilaw ay natitirik sa gitna ng isang maaliwalas na halamanan sa dakong likuran ngBalnearionaliligid ng ilang-ilang na nagdudulot ng samyo ng kaniyang malalabay na sanga na hitik na hitik ng mababangong bulaklak, sa dako roon ay mga puno ng atis at manga na naghahandog ng malaking lilim lalo na sa katanghalian: sa dakong hilaga ay sagingan na animo’y gubat na mainam paglibliban ng lalong mahiwagang lihim ng pagibig; at sa pagpasok na ng tarangkahan ay iba’t ibang kiyas naSan Francisco, at begonia, na sa kanilang masasayang kulay ng dahon ay wari bagang talagang sumupling upang maging palamuti at makaakit sa lalong pihikang panauhin;ano pa’tang pook na yaon ay bagay na bagay pagaksayahan ng panahon ng mga liping iniwi sa kasaganaan.
Nang maiayos na ni Selmo at ni Yoyong ang tahanan ay nasisiyahan kapuwa na kanilang pinanood buhat sa lupa at hanggang sa lalong tagong sulok kung sila’y may nakaligtaang di napagyaman.
—Tila wala na tayong naligtaan—ani Selmo sa kanyang pinsan.
—Wala na marahil? Sampu ng mga gagamba na nangagbabahay sa mga sulok ng bintana ay nabulabog na nating lahat. Ang akala ko’y wala ng ibang kailangan kungdi ang magsidating na sina Nati.
—Maaga pa naman Yoyong. Tila lalong maigi ay iakiyat natin ang dalawang pilon ng malvarosa sa dalawang dako nggaleria. Ano angwika mo?
—Mainam nga at makapagdudulot pa ng masamyong halimuyak.
At ipinatuloy ng dalawa ang mga huling pagaayos.
Samantalang ito’y nangyayari ay sadaraan ang isang karretelang patungo sa Maynila na kinalululanan nina Binay.
Ito’y isang magandang bulaklak ng Bukawe, Barrio ng T... na patungo saMeykawayanupang dumalaw sa kanyangama na may isang tindahan doon. Siya’y mulat sa paaralang bayan na likha ngBillGabaldon.
Sa kanyang madilaw na kasuotan ay nayaya ang malas ni Yoyong na di napigil ang sabing:
—Hoy, Selmo. Tingnan mo ang babaing yaon: kay ganda! Ano?
At ang dalawa ay napatigil na ihinatid ng malas si Binay.
Kasakay ng dalaga ang isang magulang nang babai at ayon sa kanilang anyo at kiyas ay angkan ng pag-gawa; nguni’t kabilang diyan sa mga taong marunong makibagay sa panahon, sangayon sa kaayusan ng kanilang bihis, kahit na pawang babarahin lamang at murang kayo at tapis na baliwag ang taglay na kasuotan ay bagay na bagay naman at pawang malinis.
Isang sayang may madidilat na guhit na dilaw atcafena halang-halang; barong madalang na dilawan din at may guhit na magkaagapay ang laylayan ng mangas, panyong malambot na sutlang Baliwag na nakasampay sa balikat, ang kabuoan ay animo’y isang kulliawang masaya, sa loob ng isang hamak na tangkal: Ito ang bihis ng dalaga.
Kay inam ng bihis ni Binay gayong kamumurang damit ay bagay sa kanyang siksik at bilugang katawan, balat na kayumangi at kulot na buhok. Mga tagong bulaklak ng ating mga lalawigan. Mga larawang nalalabi ng dalagang tagalog; mga buhay na sagisag ng kakanyahan ng ating lahi na ilinigaw ng Bagong Panahon.
Nawalay sila sa malas nina Selmo nang lumiko ang karretela na kinalululanan.
At ang dalawang magpinsan ay nagpatuloy pa din ng kanilang pag-aayos.