VII KABANATANANG HAPONG YAON

VII KABANATANANG HAPONG YAONANG balita ng pagkakabangaan ng “Bwick” at karretela ay siya na lamang halos napagusapan ng maganak sa unang pagkakatipon at masasabi, na walang ibang mahalagang bagay na nangyari; nguni’t ang pagkasira ngtapalodong “Bwick” at ang pagkabasag ng parol ay naging dahilan ni Maneng upang magpalumagak, bagay na napaayos naman sa nasa ni Nati na sila’y magkaniig.Sa kabilang dako, si aleng Tayang ay isang inang di maingat, dahil sa talagang tapat na sa kaniya, na manugangin si Maneng; pangalawa’y parang di siya napapansin nino man at natatakpan siya ng dingal ng anak niyang bukod sa bata ay talagang maganda, kaya’t para niyang ibinubunsod sa pagaasawa.Sa magdadalawang taon na pagkabao ni aleng Tayang ay mapapansin nang makasalanang mata ng mga mapagmalas, na higit pa sa dalaga ang kanyang kilos, sa nasa marahil na magasawang muli; nguni’t wala pang nalalabuan ng mata na sa kaniya’y nagmamalas sa piling ng talaghay ni Nati at ni Mameng.Si Selmo na sa kalakhan ng pagibig kay Mameng ay di makapagsalita at parang napipipi sa harap ng pinsang kasambahay, ay nasisiyahan na sa mga salitang pangmaramihan, makaharap lamang siya ni Mameng, at ang damuho namang si Yoyong sa nasang makasabagal ay dihumihiwalaykay Mameng,bunso niyang kapatid na kanyang kinakatluang palagi upang pagharian ngMoralsangayon sa kanyang pagkakilala.Sa pagka’t sila’y lilima nang hapong yaon na nasa halamanan ay hindi namayani ang magtatlo-tatlo, at ang kakaniyahan ng tao na pagkamakaako ay nakatulong kay Yoyong na si Maneng at si Nati ay magkaniig upang si Orang, ang magandang “fondista” ay malimutan ni Maneng.Sa silong ng isang matabang punong manga ay nagkaniig; nagkasarilinan si Nati at si Maneng at nang matiyak ng binata na silang dalawa’y nawawalay sa malas ng tatlong magpinsan na di magkatapos sa balita ng bangaan ngautoat karretela, ay nagnakaw si Maneng ng isang halik sa nakatungong si Nati.—Naman si Maneng!... Bakit ba naman ganiyan—ang malamyos na tumbas ni Nati—Nakayayamot ka naman.—Sa ako’y bulag na Nati, sa ang kapangyarihan ni Kupido ay siya na lamang nagpapagalaw sa akin, patawarin mo ako.—Pasasaan ba yaon Maneng kung yao’y mangyayari nguni’t biglaw, hindi maaring mahinog kailan man. Sa iyo at sa akin ay may malaking hadlang.—At bakit Nati? Sino ang makapipigil? Alin ang itinuturing mong hadlang?—At di mo ba nalalaman? Ibig mo bang sa akin pang bibig mangaling?—Ang alin Nati? Pinapamamahay mo ako sa alinlangan.—Ang alin daw, kay inam mong mandudula, kay inam mong magmaang-maangan hindi ka nga mahuhuli; nguni’t sa harap ng katotohanan...—Sa harap ng katotohanang ano? Liwanagan mo nga. Kung ako’y nagkamali Nati ay talastasin mong marunong akong umamin ng kasalanan. Ang pagsisinungaling ay kaaway ng aking ugali at makaaasa ka, paniwalaan mo nang walang agam-agam na aaminin ko sa harap mo, kung aking kasalanan at tatanggapin ko ang iyong minamarapat na parusa, kahit na ikamatay ko ang katotohanan nang sinasabi.Sinabiito ni Maneng ng boong liwanag na parang totoong-totoo nga, at nang nagaalinlangan pa si Nati, pagka’t di umiimik, ay dinukot ang makisig narevolverat aniya:—Naririni Nati, masdan mo. Sa loob niya’y mayroong limang magkakapatid na kambal. Isa lamang sa kanila, ay labis upang matapos sa akin ang lahat. Hawakan mo nga at gamitin kung inaakala mong kailangan.—At iniaabot kay Nati angrevolver.—Itago mo Maneng, itago mo’t ako’y natatakot sa kasangkapang iyan.—Kung gayo’y ipagtapat mo kung ano pa ang nakapipigil sa iyo sa anyaya kong tungain natin ang pulot at gata ng pagsusuyuan?—Yayamang nais mo Maneng ay manainga ka: Talastas mo marahil na ang ninanasa mo ay siya kong tanging karangalan sa buhay na ito at talagang talastas ng Diyos, na sa iyo ko itinataan; subali’t maari ka bang makapamangkang sabay sa dalawang ilog?—Ano ang ibig mong sabihin?—ang pakli ni Maneng.—Kaawaawa naman ako Maneng, at papaano namanSIYA?—Kaawaawa ka!... Papaanosiya—ang ulit ni Maneng—Kaawaawa ka sa pagka’t hindi ako karapatdapat sa iyo marahil; sa pagka’t may lalong mapalad na ibang linikha kay sa akin Nati; nguni’t sinongsiyaang iyong tinutukoy?Tumungo ang dalaga at ang daliri niya’y iginuhitangisang “O” sa lupa.—Ano ang kahulugan niyan Maneng?—ang tanong.—Kung ganyang nagiisa ay nangangahulugang balon na pagbubuliran mo sa aking puso at pagibig na magkasamang diya’y malulunod. Nangangahulugan din naman ng gayari—at itinundo ang kaniyangrevolversa piling ng malakingO, at ang kanyon ngrevolveray gumawa ng isangOdin nguni’t maliit nga lamang. At ang patuloy:—Kung ang dalawang ONG iyan ay magkahiwalay, ay kilabot ng kamatayan ang balita, nguni’t kung magkasunod at sa mga labi mo mangagaling upang pikit matang tangapinang aking luhog, yayamang si Kupido, ang Diyos ng Pag-ibig ay bulag din at di nakakikita, ay isang ligayang di maisasaysay, isang langit na walang kasing-ligaya, isang kaganapan ng ating pangarap.—Nguni’t Maneng, kung ang Ong iyan ay simula ng pangalan ng isang babaing umiibig at iniibig naman?—Umiibig at iniibig naman!—ang ulit ni Maneng na nag-iisip ng imamatwid.—Oo; umiibig at iniibig—ang patibay ni Nati na waring nagtagumpay bagamang sa puso ay naghahari ang pangingimbulo.—Eh kung mapabulaanan ko ang paratang mo Nati?—Maaasahan mong ningas ma’y susugbahan ka kahit na ipaging abo ng boo kong katawan; nguni’t sa kasawian ko ay hindi paratang yaon Maneng... Saan ka galing at hindi kita namataan maghapon, at magdamag halos ay hindi ka natagpuan ni Selmo sa iyong tahanan? Saan ka naparoroon?Nalito ang isip ni Maneng. Hindi malaman ang isasagot. Nasaling ang sugat ng kanyang puso.—Bakit hindi ka tumugon?... Paano si Orang?—Ang bulalas ni Nati.Tinutop ni Maneng ang labi ni Nati at anya:—Huwag mong dungisan ang mga labi mo ng pangalan ng isang hamak. Huwag mong ulitin Nati at babagsak sa akin ang langit. At yayamang nasalang mo na rin ang pinakamaantak na sugat niyaring puso ay pahintulutan mo ako na minsan pa’y patunayan sa iyo na ang pagsisinungaling ay di ko kabati.At pagkapukol ni Maneng ng malas sa boong paligid at napagsiyang hindi sila binabantayan nino man, ay sinimulan ang malungkot niyang pagtatapat.Ang pook ng bakuran ay tahimik; ang hangin ay palaypalay na naglalampasan at pasasang humahalik sa kanilang mga noo; ang langit ay malinis at animo’y isang bubong na bubog, kasalukuyang nangaguuwian ang mga ibon sa kanikanyang hapunan, at sa ulunan nila, ay palipat-lipat sa sanga ng manga ang dalawang pipit na naghahabulan ng boong ligsi.

ANG balita ng pagkakabangaan ng “Bwick” at karretela ay siya na lamang halos napagusapan ng maganak sa unang pagkakatipon at masasabi, na walang ibang mahalagang bagay na nangyari; nguni’t ang pagkasira ngtapalodong “Bwick” at ang pagkabasag ng parol ay naging dahilan ni Maneng upang magpalumagak, bagay na napaayos naman sa nasa ni Nati na sila’y magkaniig.

Sa kabilang dako, si aleng Tayang ay isang inang di maingat, dahil sa talagang tapat na sa kaniya, na manugangin si Maneng; pangalawa’y parang di siya napapansin nino man at natatakpan siya ng dingal ng anak niyang bukod sa bata ay talagang maganda, kaya’t para niyang ibinubunsod sa pagaasawa.

Sa magdadalawang taon na pagkabao ni aleng Tayang ay mapapansin nang makasalanang mata ng mga mapagmalas, na higit pa sa dalaga ang kanyang kilos, sa nasa marahil na magasawang muli; nguni’t wala pang nalalabuan ng mata na sa kaniya’y nagmamalas sa piling ng talaghay ni Nati at ni Mameng.

Si Selmo na sa kalakhan ng pagibig kay Mameng ay di makapagsalita at parang napipipi sa harap ng pinsang kasambahay, ay nasisiyahan na sa mga salitang pangmaramihan, makaharap lamang siya ni Mameng, at ang damuho namang si Yoyong sa nasang makasabagal ay dihumihiwalaykay Mameng,bunso niyang kapatid na kanyang kinakatluang palagi upang pagharian ngMoralsangayon sa kanyang pagkakilala.

Sa pagka’t sila’y lilima nang hapong yaon na nasa halamanan ay hindi namayani ang magtatlo-tatlo, at ang kakaniyahan ng tao na pagkamakaako ay nakatulong kay Yoyong na si Maneng at si Nati ay magkaniig upang si Orang, ang magandang “fondista” ay malimutan ni Maneng.

Sa silong ng isang matabang punong manga ay nagkaniig; nagkasarilinan si Nati at si Maneng at nang matiyak ng binata na silang dalawa’y nawawalay sa malas ng tatlong magpinsan na di magkatapos sa balita ng bangaan ngautoat karretela, ay nagnakaw si Maneng ng isang halik sa nakatungong si Nati.

—Naman si Maneng!... Bakit ba naman ganiyan—ang malamyos na tumbas ni Nati—Nakayayamot ka naman.

—Sa ako’y bulag na Nati, sa ang kapangyarihan ni Kupido ay siya na lamang nagpapagalaw sa akin, patawarin mo ako.

—Pasasaan ba yaon Maneng kung yao’y mangyayari nguni’t biglaw, hindi maaring mahinog kailan man. Sa iyo at sa akin ay may malaking hadlang.

—At bakit Nati? Sino ang makapipigil? Alin ang itinuturing mong hadlang?

—At di mo ba nalalaman? Ibig mo bang sa akin pang bibig mangaling?

—Ang alin Nati? Pinapamamahay mo ako sa alinlangan.

—Ang alin daw, kay inam mong mandudula, kay inam mong magmaang-maangan hindi ka nga mahuhuli; nguni’t sa harap ng katotohanan...

—Sa harap ng katotohanang ano? Liwanagan mo nga. Kung ako’y nagkamali Nati ay talastasin mong marunong akong umamin ng kasalanan. Ang pagsisinungaling ay kaaway ng aking ugali at makaaasa ka, paniwalaan mo nang walang agam-agam na aaminin ko sa harap mo, kung aking kasalanan at tatanggapin ko ang iyong minamarapat na parusa, kahit na ikamatay ko ang katotohanan nang sinasabi.

Sinabiito ni Maneng ng boong liwanag na parang totoong-totoo nga, at nang nagaalinlangan pa si Nati, pagka’t di umiimik, ay dinukot ang makisig narevolverat aniya:

—Naririni Nati, masdan mo. Sa loob niya’y mayroong limang magkakapatid na kambal. Isa lamang sa kanila, ay labis upang matapos sa akin ang lahat. Hawakan mo nga at gamitin kung inaakala mong kailangan.—At iniaabot kay Nati angrevolver.

—Itago mo Maneng, itago mo’t ako’y natatakot sa kasangkapang iyan.

—Kung gayo’y ipagtapat mo kung ano pa ang nakapipigil sa iyo sa anyaya kong tungain natin ang pulot at gata ng pagsusuyuan?

—Yayamang nais mo Maneng ay manainga ka: Talastas mo marahil na ang ninanasa mo ay siya kong tanging karangalan sa buhay na ito at talagang talastas ng Diyos, na sa iyo ko itinataan; subali’t maari ka bang makapamangkang sabay sa dalawang ilog?

—Ano ang ibig mong sabihin?—ang pakli ni Maneng.

—Kaawaawa naman ako Maneng, at papaano namanSIYA?

—Kaawaawa ka!... Papaanosiya—ang ulit ni Maneng—Kaawaawa ka sa pagka’t hindi ako karapatdapat sa iyo marahil; sa pagka’t may lalong mapalad na ibang linikha kay sa akin Nati; nguni’t sinongsiyaang iyong tinutukoy?

Tumungo ang dalaga at ang daliri niya’y iginuhitangisang “O” sa lupa.

—Ano ang kahulugan niyan Maneng?—ang tanong.

—Kung ganyang nagiisa ay nangangahulugang balon na pagbubuliran mo sa aking puso at pagibig na magkasamang diya’y malulunod. Nangangahulugan din naman ng gayari—at itinundo ang kaniyangrevolversa piling ng malakingO, at ang kanyon ngrevolveray gumawa ng isangOdin nguni’t maliit nga lamang. At ang patuloy:

—Kung ang dalawang ONG iyan ay magkahiwalay, ay kilabot ng kamatayan ang balita, nguni’t kung magkasunod at sa mga labi mo mangagaling upang pikit matang tangapinang aking luhog, yayamang si Kupido, ang Diyos ng Pag-ibig ay bulag din at di nakakikita, ay isang ligayang di maisasaysay, isang langit na walang kasing-ligaya, isang kaganapan ng ating pangarap.

—Nguni’t Maneng, kung ang Ong iyan ay simula ng pangalan ng isang babaing umiibig at iniibig naman?

—Umiibig at iniibig naman!—ang ulit ni Maneng na nag-iisip ng imamatwid.

—Oo; umiibig at iniibig—ang patibay ni Nati na waring nagtagumpay bagamang sa puso ay naghahari ang pangingimbulo.

—Eh kung mapabulaanan ko ang paratang mo Nati?

—Maaasahan mong ningas ma’y susugbahan ka kahit na ipaging abo ng boo kong katawan; nguni’t sa kasawian ko ay hindi paratang yaon Maneng... Saan ka galing at hindi kita namataan maghapon, at magdamag halos ay hindi ka natagpuan ni Selmo sa iyong tahanan? Saan ka naparoroon?

Nalito ang isip ni Maneng. Hindi malaman ang isasagot. Nasaling ang sugat ng kanyang puso.

—Bakit hindi ka tumugon?... Paano si Orang?—Ang bulalas ni Nati.

Tinutop ni Maneng ang labi ni Nati at anya:

—Huwag mong dungisan ang mga labi mo ng pangalan ng isang hamak. Huwag mong ulitin Nati at babagsak sa akin ang langit. At yayamang nasalang mo na rin ang pinakamaantak na sugat niyaring puso ay pahintulutan mo ako na minsan pa’y patunayan sa iyo na ang pagsisinungaling ay di ko kabati.

At pagkapukol ni Maneng ng malas sa boong paligid at napagsiyang hindi sila binabantayan nino man, ay sinimulan ang malungkot niyang pagtatapat.

Ang pook ng bakuran ay tahimik; ang hangin ay palaypalay na naglalampasan at pasasang humahalik sa kanilang mga noo; ang langit ay malinis at animo’y isang bubong na bubog, kasalukuyang nangaguuwian ang mga ibon sa kanikanyang hapunan, at sa ulunan nila, ay palipat-lipat sa sanga ng manga ang dalawang pipit na naghahabulan ng boong ligsi.

Back to IndexNext