VI NA KABANATAANG MATULINGBWICK

VI NA KABANATAANG MATULINGBWICKNAPAKAINAM na tanawin ang idinudulot ng umagang yaon.Ang mga taga-bukid na nagluluas ng gulay na galing sa dakong Kalookan, Maypajo at Gagalangin ay masisipag at boong tulin na ihinahabol ng panahon ang kanilang munting lako. Bawa’t isa sa kanila’y kakikitaan ng ilang patola, pumpong ng sitaw, mumunting tangkal ng ibon, atis, at dalawa o tatlong sisiw na bagong walay; puspos karangalan nilang tinutuklas ang pangagdog buhay. Mayroon din naman sa kanilang nalahiran na ng pagdadaya ng malalaking tikma gaya halimbawa ng ginagawa ng ilan na namimili ng mga itlog ng manok na buhat sa Sunsong na di kalugdan ng mga tagarito sa pagka’t lubhang malansa, iniuuwi nila sa bukid upang buhat doon ay muli nilang iluwas sa Maynila ng boong pagyayaman at ipagbile na gaya ng tunay na itlog ng manok bukid na lubhang pinaghahanap at inaabangan kung umaga ng mga may kayang kabuhayan. Ang daya mandin ay talagang talamak na rine sa atin at sampu ng mga tagabukid ay nahahawa na. Sino kaya ang may dala dine ng pagdaraya? Ang mga insik nga kaya?Hindi rin naman nagpapahuli ang maggagatas at magpapatis na may kanikaniyang talino sa pagbibile ng kanilang lako. Ang maggagatas at magaalak ay magsingtulad sa dunong.Ang maggagatas ay may tindang binyagan at hindi. Ang binyagang gatas ay kasama na pati inumin ng mamimile. ¡Ang tubig ay nagagawa rin namang gatas! Ang magaalak ay gayon din. Ang magpapatis sa kabilang dako ay may dalang tatlo o apat na sididlan ng patis na tangi pa sa isang galunggalungan na siyang pinakaimbakan; at kung dumating sila ng bayan at ang ninili ay nangangailangan ng patis Malulos, Malabon o Kabite kaya, ay maaasahan mo giliw na mambabasa na ang patis na gawa kahit na saang kamalig ng kapit bahay mo, ay magiging galing sa Malulos, sa Malabon o sa Kabite, salamat sa pagkabukodbukod ng sisidlan.Ang hugos na parang agos ng mga anak ni Pag-gawa na tungo sa mga iba’t ibang tikma o gamlayan ay parang isang pelikula ngRevista Pathena kung umaga ay masasala ng iyong paningin, ang mga trambia ay punuan at animo’y talaksanan ng kahoy; kay dami ng nangagsabit na animo’y panike, salamat at ang ating Hunta Munisipal ay nagising din at naglagda ng isang kautusan sa bagay na ito. Matanda at bata, lalaki at babai ay maagang dumalo sa kanilang tuklasan ng buhay nang araw na yaon.Ang mga karro ng tinapay ay humihinto sa bawa’t tindahan at nagrarasion ng tinapay; ang mga karihan, bibingkahan at mga tindahan ng suman at sampurado ay pawang puno ng mga suki; gayon din ang mga magpuputo bungbong ay di makaagad ng pagluluto: Badha ng sipag.Subali’t ang lahat ng mga tanawing ito ay di na inabutan nina Maneng at tangi sa mangisangisang magbabakiya na buhat sa Pulo at Meykawayan at ilang mga dalagindeng ng Panghulong Ubando na nagtatawag ng:Kalamay kayo sa latik diyan, ampaw, suman, atsara’t puloot...na parang nagaawit ay wala nang iba pang makikita sa pagka’t mataas na ang araw.Ang matandang monumento ng mga kastila sakanal de la Reinasa pagakiyat ng tulay ng Pretil ay gaya ng lahat ng lipas na bagay ay linulumot at parang isang tuod na nakatayo nang walang saysay. Katapat pa naman ng libingan ng Tundo na nakalapat din ang pintuan at aayaw ng tumanggap ng panauhin; bangkay ma’y hindi na dumadalaw doon.Naggugubat ang makapal na damo at mga kalasutse na naglalaganap ng isang samyo na nakaliliyo. Ang monumentong yon marahil na labi ng yumaong panahon ng kastila ay itinayo doon upang magbantay sa mga kaloluwang nagmumulto at nagsisipanakot sa mga paniwalain.Ang lipas na ring kamalig ng dating tren sa Malabon na katungko ng libingan at ng monumento ay parang isang kasangkapang luma at puno ng kalawang.Ang mahabang lansangan ng Gagalangin na ngayo’y Juan Luna aytahimikna tahimik patag na patag at matangi sa nagpapapangit na mga sasabunging nangatutulos sa mga looban at sa mga pulupulutong na nagkakahig at nagbibitaw upang subukin ang kanilang mga tinali ay pawang kawiliwili ang handog na tanawin kung umaga.Malalagong punong kahoy na nagbibigay lilim; mga sampalok at kamatsile na nagdidilim sa tataba; kawayanan sa dakong likuran ng mga bahay; mga mumunting kubo na halos dikit-dikit habang nalalayo sa Maynila ang nagtitimpalak ng karukhaan; para bagang ang kahirapan at pagsasalat ay di makalipat, natatakot at lumalayo sa kamaynilaan na siyang pinakamaringal sa boong Kapuluan at umaapaw sa kasaganaan, salamat sa matalinongVETOng Alkalde.Nadaanan nila ang malalaking sabungan sa Maypajo. Yaong kalipunan kung linggo at pista ng ating mgatahurat magsasabong: punong puno ng panglaw at maliban sa maminsanminsang hunihan ng tuko at ng tilaok ng mga sasabungin ay walang ibang katangian. Yaon ang malalaking baklad na pinapasukan ng boong tinipid ng ating mga manggagawa sa boong sanglingo. Di iilang maganak ang pinatatangis kung natatapos ang sabong sa mga kamalig na yaon. Libolibong mga mananabong ang pangagaling doon ay pigta ng pawis, malalim ang mata, at ang bulsa’y baligtad; di kakaunti sa kanila ang di pa nanananghali. Mga manok na pinakaalaga-alagaang taunan ay duguan at nahinainan nang bitbit sa dalawang paa at parang idinayo lamang doon upang patain at ng magawang pakang.Ang simbahan ng Kalookan na napinsala ng mga digmaangyumaon, ay kababakasan pa ng mga tanda ng mga punglo ng kanyon na nagbuhat sa mga kastila na rin noong una at pagkatapos ay sa mga americano na pinamamahalaang kasalukuyan noon ng imperialismo.Nadaanan nila ang Sangang-daan at kaaya-ayang palayan magkabila na parang isang malapad na balabal na lungtian na doo’y ilinatag ay nagsimula na. Ang sikap ng mga tagabukid na pangbuhay sa mga taga-bayan. Kay inam na tanawin.Ang mga maya ay nalalabugaw sa hagibis ng “Bwick” at parang inaalon ang palayan at ang alikabok ay animo’y usok na nagdidilim. Ang tahulan ng aso na humahabol pa kung minsan ay namamayani.Sinapit nila ang hanganan ng Rizal pagkatapus na masampa nila ang tulay na matarik ng Tinajeros at sandali pa’y lupang Bulakan na ang kanilang tinatahak.Saloob na saloob ni Maneng ang pagkakahawak ngManivelaat ni hindi man lamang lumilingon kungdi manakanaka kung ang kurutan at tawanan ng magpinsan na parang kinikiliti na nakayayamot kay aling Tayang, ay nakaaakit sa kaniya na tapunan ng sulyap na pinatatagos sa nandidilat niyang salamin.Dumating sila sa Meykawayan at ang monumento ni Rizal na unang napansin ay inukulan ni Nati ng tuligsa:—Tingnan mo,—aniya kay Mameng—ang monumento ni Rizal na yaon, tila isangkimpalna luad lamang. Bakit ba naman pinintahan ng kulay putik.Tinapunan ng titig ni Mameng ang tinukoy ni Nati at ang tugon:—Napakawalang sining ang Komite na namamahala niyaon. Napagkilalang malayo sa simbahan. Wala kayang kabinataan sa bayang ito?—Malayo pa ba sa simbahan yaong halos katapat,—ang salo ni aleng Tayang.—Malayo po sa Maynila ang ibig kong sabihin—at nangagtawanan parang kiniliti. Paano’y kinurot na naman ni Nati.Napalingon si Maneng at pinagmasdan ang monumento na palayo na sa kanila at di napansin ang isang karretela na kinalululananng dalawang babai na pasalubong sa kanila sa makipot na lansangan bago umakyat ng tulay. Pinisil angbocinani Ikong (angChouper) na nasa siping ni Maneng at umangil na parang isang malaking halimaw.Ang kabayo ng karretela ay nagulat at nagalma at nang abutin ng malas ni Maneng ay malapit na mabanga; at di na maiiwasan. Pinatigil niyang biglang-bigla ang makina; hinigit ng ubos lakas angfreno, na nagngalit at nailihis din ng kaunti nguni’t ang “Bwick”... ¡Oh!—ang tilian ng mga nangakakita. AngBwickay nabanga.Salamat at hindi naman nasapol ang karretela. Ang mga baras noo’y nangabali, at napatid ang rienda. Ang nagpapalakad ay gumulong sa lupa; ang kabayo ay nagtatakbo ding di napigilan at dala ang kapiraso ng karretela atguarnicionat ang dalawang babai ay nagkadaganan na parang dalawang balutang ihinugos.Lumundag pagdaka si Maneng at angChouper.Sinaklolohan nila ang dalawang babai na sa kabutihang palad, likha niyang mga himalang hindi maliwanagan kung bakit, ay hindi man lamang nangagalusan; nguni’t putlang-putla, parang dalawang bangkay sa laki ng sindak. Walang malamang gawin si Maneng sa pagsaklolo.Bumaba rin si Nati at si Mameng na nagsidalo, samantalang angcocherona parang sanay sa mga gayong pagkahulog, ay nagtindig, pinagpag ang alikabok sa salawal at baro, at hinabol ang kabayo na nahuli na ng mga taong bayan.Hindi nalaunan at nagbalik na tumitika at dinadampian ang gasgas ng tuhod at mukha na kapuwa may dugo.Dinala ni Maneng pagdaka sa Botika ng Meykawayan at doo’y tinapalan ng unang gamot na kailangan.Dinukot ang kaniyang kalupi at itinala ang pangalan noon at dalawang dadalawang poing piso ang isinakamay ngkocherokasabay ng gayaring sabi:—Ito’y sa mga unang gugol mong kakailanganin samantalang ang karretela mo’y sira.—At sumulat ng mga ilang talata sa isang tarheta ng gayari:SaKarroceriaMeykawayan:Ayusin ang karretela ng may taglay nito sa loob ng lalong madaling panahon.Ang gugol ay ipasingil sa akin.MANENGAt iniabot sakocherona walang kakibokibo na nasiyahan mandin sa kabutihang loob ng Ginoong kaharap. Hinarap ni Maneng ang dalawang babaing inaaliw ni Nati at ni Mameng at pinagbigian ng boong kasiyahan ng loob na pagmamatwid.Ihinandog ang kanyangautoupang ihatid sa paroroonan ang dalawang babai; nguni’t tinangihan ng mga ito sa pagka’t malapit na rin lamang ang kanilang paroroonan.Binigian din ng kanyang tarheta ang mga babai na dili iba’t ang nakadamit kuliyawan na napansin ni Yoyong at ni Selmo. Kinalag ni Nati ang isangalfilerna “imperdible” at iniabot din sa babai. Samantalang angautoay sinisiyasat ni Maneng.—Ang ala-ala pong yari—ani Nati—ay magiging tanda ng ating pagkikilala.—Tinangihan ito ng dalaga; nguni’t sa matimyas na samo ni Nati ay tinanggap din at pinasalamatan.Kungdi balisa si Maneng napansin marahil niya na ang lulan ng karretela ay isang babaing hindi karaniwan ang ganda at gayon din ng imperdible na iginawad ni Nati na di iba’t ang kanyang sanla na taglay ang kanyang pangalan.At sila’y nagpatuloynaparang walang anomang nangyari hangang sila’y dumating sa Marilao; pagkatapos siyasatin ni Maneng na muli pa angautoay nagsabi kay Ikong: Dalhin mo angautosa “EstrellaAuto Palace” at kumpunihin ang tapa-lodo at lagyan ng bagong lente ang parol.

NAPAKAINAM na tanawin ang idinudulot ng umagang yaon.

Ang mga taga-bukid na nagluluas ng gulay na galing sa dakong Kalookan, Maypajo at Gagalangin ay masisipag at boong tulin na ihinahabol ng panahon ang kanilang munting lako. Bawa’t isa sa kanila’y kakikitaan ng ilang patola, pumpong ng sitaw, mumunting tangkal ng ibon, atis, at dalawa o tatlong sisiw na bagong walay; puspos karangalan nilang tinutuklas ang pangagdog buhay. Mayroon din naman sa kanilang nalahiran na ng pagdadaya ng malalaking tikma gaya halimbawa ng ginagawa ng ilan na namimili ng mga itlog ng manok na buhat sa Sunsong na di kalugdan ng mga tagarito sa pagka’t lubhang malansa, iniuuwi nila sa bukid upang buhat doon ay muli nilang iluwas sa Maynila ng boong pagyayaman at ipagbile na gaya ng tunay na itlog ng manok bukid na lubhang pinaghahanap at inaabangan kung umaga ng mga may kayang kabuhayan. Ang daya mandin ay talagang talamak na rine sa atin at sampu ng mga tagabukid ay nahahawa na. Sino kaya ang may dala dine ng pagdaraya? Ang mga insik nga kaya?

Hindi rin naman nagpapahuli ang maggagatas at magpapatis na may kanikaniyang talino sa pagbibile ng kanilang lako. Ang maggagatas at magaalak ay magsingtulad sa dunong.

Ang maggagatas ay may tindang binyagan at hindi. Ang binyagang gatas ay kasama na pati inumin ng mamimile. ¡Ang tubig ay nagagawa rin namang gatas! Ang magaalak ay gayon din. Ang magpapatis sa kabilang dako ay may dalang tatlo o apat na sididlan ng patis na tangi pa sa isang galunggalungan na siyang pinakaimbakan; at kung dumating sila ng bayan at ang ninili ay nangangailangan ng patis Malulos, Malabon o Kabite kaya, ay maaasahan mo giliw na mambabasa na ang patis na gawa kahit na saang kamalig ng kapit bahay mo, ay magiging galing sa Malulos, sa Malabon o sa Kabite, salamat sa pagkabukodbukod ng sisidlan.

Ang hugos na parang agos ng mga anak ni Pag-gawa na tungo sa mga iba’t ibang tikma o gamlayan ay parang isang pelikula ngRevista Pathena kung umaga ay masasala ng iyong paningin, ang mga trambia ay punuan at animo’y talaksanan ng kahoy; kay dami ng nangagsabit na animo’y panike, salamat at ang ating Hunta Munisipal ay nagising din at naglagda ng isang kautusan sa bagay na ito. Matanda at bata, lalaki at babai ay maagang dumalo sa kanilang tuklasan ng buhay nang araw na yaon.

Ang mga karro ng tinapay ay humihinto sa bawa’t tindahan at nagrarasion ng tinapay; ang mga karihan, bibingkahan at mga tindahan ng suman at sampurado ay pawang puno ng mga suki; gayon din ang mga magpuputo bungbong ay di makaagad ng pagluluto: Badha ng sipag.

Subali’t ang lahat ng mga tanawing ito ay di na inabutan nina Maneng at tangi sa mangisangisang magbabakiya na buhat sa Pulo at Meykawayan at ilang mga dalagindeng ng Panghulong Ubando na nagtatawag ng:Kalamay kayo sa latik diyan, ampaw, suman, atsara’t puloot...na parang nagaawit ay wala nang iba pang makikita sa pagka’t mataas na ang araw.

Ang matandang monumento ng mga kastila sakanal de la Reinasa pagakiyat ng tulay ng Pretil ay gaya ng lahat ng lipas na bagay ay linulumot at parang isang tuod na nakatayo nang walang saysay. Katapat pa naman ng libingan ng Tundo na nakalapat din ang pintuan at aayaw ng tumanggap ng panauhin; bangkay ma’y hindi na dumadalaw doon.

Naggugubat ang makapal na damo at mga kalasutse na naglalaganap ng isang samyo na nakaliliyo. Ang monumentong yon marahil na labi ng yumaong panahon ng kastila ay itinayo doon upang magbantay sa mga kaloluwang nagmumulto at nagsisipanakot sa mga paniwalain.

Ang lipas na ring kamalig ng dating tren sa Malabon na katungko ng libingan at ng monumento ay parang isang kasangkapang luma at puno ng kalawang.

Ang mahabang lansangan ng Gagalangin na ngayo’y Juan Luna aytahimikna tahimik patag na patag at matangi sa nagpapapangit na mga sasabunging nangatutulos sa mga looban at sa mga pulupulutong na nagkakahig at nagbibitaw upang subukin ang kanilang mga tinali ay pawang kawiliwili ang handog na tanawin kung umaga.

Malalagong punong kahoy na nagbibigay lilim; mga sampalok at kamatsile na nagdidilim sa tataba; kawayanan sa dakong likuran ng mga bahay; mga mumunting kubo na halos dikit-dikit habang nalalayo sa Maynila ang nagtitimpalak ng karukhaan; para bagang ang kahirapan at pagsasalat ay di makalipat, natatakot at lumalayo sa kamaynilaan na siyang pinakamaringal sa boong Kapuluan at umaapaw sa kasaganaan, salamat sa matalinongVETOng Alkalde.

Nadaanan nila ang malalaking sabungan sa Maypajo. Yaong kalipunan kung linggo at pista ng ating mgatahurat magsasabong: punong puno ng panglaw at maliban sa maminsanminsang hunihan ng tuko at ng tilaok ng mga sasabungin ay walang ibang katangian. Yaon ang malalaking baklad na pinapasukan ng boong tinipid ng ating mga manggagawa sa boong sanglingo. Di iilang maganak ang pinatatangis kung natatapos ang sabong sa mga kamalig na yaon. Libolibong mga mananabong ang pangagaling doon ay pigta ng pawis, malalim ang mata, at ang bulsa’y baligtad; di kakaunti sa kanila ang di pa nanananghali. Mga manok na pinakaalaga-alagaang taunan ay duguan at nahinainan nang bitbit sa dalawang paa at parang idinayo lamang doon upang patain at ng magawang pakang.

Ang simbahan ng Kalookan na napinsala ng mga digmaangyumaon, ay kababakasan pa ng mga tanda ng mga punglo ng kanyon na nagbuhat sa mga kastila na rin noong una at pagkatapos ay sa mga americano na pinamamahalaang kasalukuyan noon ng imperialismo.

Nadaanan nila ang Sangang-daan at kaaya-ayang palayan magkabila na parang isang malapad na balabal na lungtian na doo’y ilinatag ay nagsimula na. Ang sikap ng mga tagabukid na pangbuhay sa mga taga-bayan. Kay inam na tanawin.

Ang mga maya ay nalalabugaw sa hagibis ng “Bwick” at parang inaalon ang palayan at ang alikabok ay animo’y usok na nagdidilim. Ang tahulan ng aso na humahabol pa kung minsan ay namamayani.

Sinapit nila ang hanganan ng Rizal pagkatapus na masampa nila ang tulay na matarik ng Tinajeros at sandali pa’y lupang Bulakan na ang kanilang tinatahak.

Saloob na saloob ni Maneng ang pagkakahawak ngManivelaat ni hindi man lamang lumilingon kungdi manakanaka kung ang kurutan at tawanan ng magpinsan na parang kinikiliti na nakayayamot kay aling Tayang, ay nakaaakit sa kaniya na tapunan ng sulyap na pinatatagos sa nandidilat niyang salamin.

Dumating sila sa Meykawayan at ang monumento ni Rizal na unang napansin ay inukulan ni Nati ng tuligsa:

—Tingnan mo,—aniya kay Mameng—ang monumento ni Rizal na yaon, tila isangkimpalna luad lamang. Bakit ba naman pinintahan ng kulay putik.

Tinapunan ng titig ni Mameng ang tinukoy ni Nati at ang tugon:—Napakawalang sining ang Komite na namamahala niyaon. Napagkilalang malayo sa simbahan. Wala kayang kabinataan sa bayang ito?

—Malayo pa ba sa simbahan yaong halos katapat,—ang salo ni aleng Tayang.

—Malayo po sa Maynila ang ibig kong sabihin—at nangagtawanan parang kiniliti. Paano’y kinurot na naman ni Nati.

Napalingon si Maneng at pinagmasdan ang monumento na palayo na sa kanila at di napansin ang isang karretela na kinalululananng dalawang babai na pasalubong sa kanila sa makipot na lansangan bago umakyat ng tulay. Pinisil angbocinani Ikong (angChouper) na nasa siping ni Maneng at umangil na parang isang malaking halimaw.

Ang kabayo ng karretela ay nagulat at nagalma at nang abutin ng malas ni Maneng ay malapit na mabanga; at di na maiiwasan. Pinatigil niyang biglang-bigla ang makina; hinigit ng ubos lakas angfreno, na nagngalit at nailihis din ng kaunti nguni’t ang “Bwick”... ¡Oh!—ang tilian ng mga nangakakita. AngBwickay nabanga.

Salamat at hindi naman nasapol ang karretela. Ang mga baras noo’y nangabali, at napatid ang rienda. Ang nagpapalakad ay gumulong sa lupa; ang kabayo ay nagtatakbo ding di napigilan at dala ang kapiraso ng karretela atguarnicionat ang dalawang babai ay nagkadaganan na parang dalawang balutang ihinugos.

Lumundag pagdaka si Maneng at angChouper.

Sinaklolohan nila ang dalawang babai na sa kabutihang palad, likha niyang mga himalang hindi maliwanagan kung bakit, ay hindi man lamang nangagalusan; nguni’t putlang-putla, parang dalawang bangkay sa laki ng sindak. Walang malamang gawin si Maneng sa pagsaklolo.

Bumaba rin si Nati at si Mameng na nagsidalo, samantalang angcocherona parang sanay sa mga gayong pagkahulog, ay nagtindig, pinagpag ang alikabok sa salawal at baro, at hinabol ang kabayo na nahuli na ng mga taong bayan.

Hindi nalaunan at nagbalik na tumitika at dinadampian ang gasgas ng tuhod at mukha na kapuwa may dugo.

Dinala ni Maneng pagdaka sa Botika ng Meykawayan at doo’y tinapalan ng unang gamot na kailangan.

Dinukot ang kaniyang kalupi at itinala ang pangalan noon at dalawang dadalawang poing piso ang isinakamay ngkocherokasabay ng gayaring sabi:

—Ito’y sa mga unang gugol mong kakailanganin samantalang ang karretela mo’y sira.—At sumulat ng mga ilang talata sa isang tarheta ng gayari:

SaKarroceriaMeykawayan:

Ayusin ang karretela ng may taglay nito sa loob ng lalong madaling panahon.

Ang gugol ay ipasingil sa akin.

MANENG

At iniabot sakocherona walang kakibokibo na nasiyahan mandin sa kabutihang loob ng Ginoong kaharap. Hinarap ni Maneng ang dalawang babaing inaaliw ni Nati at ni Mameng at pinagbigian ng boong kasiyahan ng loob na pagmamatwid.

Ihinandog ang kanyangautoupang ihatid sa paroroonan ang dalawang babai; nguni’t tinangihan ng mga ito sa pagka’t malapit na rin lamang ang kanilang paroroonan.

Binigian din ng kanyang tarheta ang mga babai na dili iba’t ang nakadamit kuliyawan na napansin ni Yoyong at ni Selmo. Kinalag ni Nati ang isangalfilerna “imperdible” at iniabot din sa babai. Samantalang angautoay sinisiyasat ni Maneng.

—Ang ala-ala pong yari—ani Nati—ay magiging tanda ng ating pagkikilala.—Tinangihan ito ng dalaga; nguni’t sa matimyas na samo ni Nati ay tinanggap din at pinasalamatan.

Kungdi balisa si Maneng napansin marahil niya na ang lulan ng karretela ay isang babaing hindi karaniwan ang ganda at gayon din ng imperdible na iginawad ni Nati na di iba’t ang kanyang sanla na taglay ang kanyang pangalan.

At sila’y nagpatuloynaparang walang anomang nangyari hangang sila’y dumating sa Marilao; pagkatapos siyasatin ni Maneng na muli pa angautoay nagsabi kay Ikong: Dalhin mo angautosa “EstrellaAuto Palace” at kumpunihin ang tapa-lodo at lagyan ng bagong lente ang parol.

Back to IndexNext