XII KABANATABABAING POLITIKOANG magandang tala sa Bokawe na sinasamba ng pihikang manunulat na si Tomas ay inanyayahan ni Sandiko na magparilag sa kaniyang miting. Anyayang di tinangihan at pinairugan ng boong kaya. At sa pagka’t si Sandiko ay isa riyan sa mga politiko na may sariling kakanyahan, ay maituturing na ang miting ay di sinimulan na gaya ng lahat ng miting politiko, na maymesa presidencialna pinangangasiwaan ngtoastmaster, at may mgaleaderna natatalang sunodsunod upang gumamit ng pangungusap tangi pa sa mga talumpaterong pagkakataon na humahanap ng mga pulong upang doo’y ipagmarangya na sila’y isang malaking imbakan ng mga iba’t ibang lumang simulain na bagamang kailan ma’y di naisagawa ni nang nagsalita ni nang mga nakikinyig ay may isang kahulugang kaakitakit sa maraming pandingig na lubhang nakahahalina diyan sa tinatawag na bayan, diyan sa karamihan na siyang baytang na hagdanan ng ating mga politiko upang ang kanilang mga munakala ay bigyan ng katawan kung talagang may banal namang nasa, o ng pagpasasaan naman ang gayong paghahawak ng kapangyarihan sa kapakinabangang sarili at ng kaniyang mga kapanalig kung talagangpolitiko de profesion.Ang miting ni Sandiko yamang wala pa sa tadhanang oras ay nabunsod sa uringentre familiasa tapat ng maliit, nguni’t makisig na tindahan ni Binay na dinaluhan ng maraming mga taga Bokawe sa tapat ng Plasoleta sa bayang yaon.Si Mendoza at si Montenegro ay nagkakaharap sa tapat ng tindahan at pinaguusapan ng boong init at ingay ang mgakabulastuganni Osmeña; kumatlo sa salitaan si Tomas, ang pangbato ng Bokawe at ang tudyuhan ay lalong uminit, at ang taong nagbumilog sa kinalilikmuan ng tatlo ay dumami ng dumami upang pagosiosohan ang mainit na matuwiranan.Si Sandiko ay wala pa at pagdating nito ay umugong ang:ayan na ang heneralbagay na ikinapatindig ni Montenegro na naging heneral din naman, at nagtaglay pa ng kartera ngsecretaria de estadosa ating di malimutangBiyak na bato.Kasama ni Sandiko ang komparsa ng Bokawe, at sa pagka’t angarteay gumigising saartistaay ipinakilala ni Montenegro, sa mga taga Bokawe, tanging tangi sa magandang si Binay, na kung nang panahon ng digma ay ginamit niya ang talibong upang ang ating kalayaan ay matuklas, sa panahon ng kapayapaan ang kaniyang panitik at dila ay katulong sa pagpapanatili ng ating bahagyang kaginhawahang bunga ng madugo, nguni’t kagalang-galang na himagsikan; sa panahong ito naman ng mga mumunting paglilipon, ang kaniyang mga daliri ay lubhang bihasa at boong ligsing kumakalabit ng mga bagting ng gitarra, at siya’y isangtrovadording marunong tumawag sa mga pintuang nakalapat ng mga pusong maawain at dagliang dumiringig sa mga malulungkot na “kundiman” na busog sa kasaysayan at tamis at may uring sariling atin.Pagkatapos ng palakpakang tumbas sa kundiman ni Montenegro sa kung kaninong Laura ay nagtindig ang Heneral gaya ng lahat ng mapagsamantala atnagpasalamatng gayari:—Mga kaibigan:—anya—Lumalaki ang aking puso kung nakikita ko ang kasiglahan ng ating mga kababayan sa sariling atin.Palakpakan ang pumutol. At ang dugtong:—Kung ang mga Osmeñista ay hindi tumalikod sa ating makasaysayang sumpa sa Inang Bayan, angBill JonesNo.1sana ay nagtagumpay—at saka hinarap ang makisig na si Mendoza kasabay ng tapik sa balikat at anya—Que le parece áVd.compañero?—hinarap pagkuwan ang ilang binatang estudiente ng paaralang ingles at anya—This is the way to show our people the parasite politicians. Watch them closely, my young men for the ruin is yours.Si Montenegro ay labas na lahat ang tinago kung makipagusap sa bayan.Isa sa mga dumalo ay tumugon:—Simulan na po natin ang miting at marami ng tao.At sa isang iglap ay nakapagtayo ngmesa presidencialat ang inanyayahangmag-toastmasteray ang binatang si Tomás.Ang mga bantog naleadersngTERCERISTAay doroong lahat; sina Villalon, Lara, San Jose, Mendoza, Montenegro,Gil, Balmori, Santiago at iba’t iba pang mga Ginoo na pawang may maluwag at mariringal na pangungusap, at matatapang sa paglalahad ng mga tuligsa sa mgaOsmeñista at ng kanilang mga kabalbalan.Isang panauhin ang laging malayo sa karamihan at nang ang miting ay sinimulan na ay kumubli sa isang dako ng tindahan na naging pook na palamigan ng mga binayani sa pulong na yaon. Ang binatang ito’y si Maneng, ang binatang mayaman na kasintahan ni Nati. Sinilaw siya ng kagandahan ni Binay na nang mga sandaling yaon ay namamayani sa gitna ng lupon kadalagahang Bokawe na inanyayahan ngGeneralSandiko. Si Binay ay larawang buhay ng “Bagong Babai.”Lumapit na banayad sa lupon ng mga babaing palamuti ng pulong at mamaang-maang na nagusisa.—Huwag pong ikagalit ng inyong mga kamahalan; ano pong pulong ito? Pulong po ba ito ng mga Osmeñista?—Hindi po Ginoo. Wala pong Osmeñista dito sa Bokawe—ang matapang na sagot ni Binay.—Kung gayon po’y mgafederalpo pala ang nagpupulong na iyan?—Aba hindi po; iyan po’y pulong ng mgatercerista.—Ah!... yan po pala ang mga tupa ni Sandiko. Noong Gobernador na nagpatanim ng mgaacasiaupang pangublihanng mga aso, noongGeneralna napakatapang,—at sinundan ng isang tuyong ngiti.—Kahit na po walang nagawang mabuti si Sandiko, Ginoo gaya ng inyong sabi—ang pakli ni Binay—ay inaanyayahan ko kayong dumaliri ng kanyang kamalian at baka mayroong kaming nalilingid na di nalalaman.—Ang tao po, mahal na binibini, na walang nagagawang mabuti at walang nagagawang masama ay tao na di dapat ibilang ni sa karamihan man lamang.—Alalahanin mo po Ginoo na nang panahon ni Sandiko, angConstabulariadito sa Bulakan ay di kinailangan. Sa makatuwid, ay malayo ang Bulakan sa kapanganyayaang nangyayari sa Kabite ng panahon ninaBaker, na di miminsang isinakdal ngRenacimientoatMuling Pagsilangsa apat na dako ng pinangagalingan ng hangin. Alalahanin mo po Ginoo, nang sa likod ng bayan ay pagtibayin ng Kapulungan sa Bagyo yaong di malilimutangBillBorja, na nagbibigay bisa, at tumatangkilik sa isang kabulastugan ng ating nagingGobernador Generalna siForbes; sino po ang tumutol ng boong tapang? Alalahanin mo rin po Ginoo na nang ang puhunang mangagawa sa Katubusan ay aagoy-agoy na at tinampalasan ng mga bata ni Osmeña, kung sino ang nagbangon.—Aba!... Dito po pala sa Bokawe ay may mga babaing politiko. Sayang at di kayo sa Amerika ipinanganak, sana’y nakapagharap kayo ng kandidatura; nguni’t dito sa atin, kahit na maaring kayo ay ihalal at idagdag ko pa ang aking “voto” ay di ako umaasang tayo’y magtatagumpay. Paano ang ating pagtatagumpay sa ang mga Osmeñista ay nakagawa na ng mararaming bagay na mahahalaga; naipayari nila angBill JonesNo.2na nagbigay sa kanila ng boong kapangyarihan. Nakayari na sila ng isang Quezon, nakapatay sila ng isang Gomez na naging kastila kahit na tunay na tagalog, at marami pa pong libolibong bagay na mahalaga para sa Pilipinas, gaya halimbawa ng kasalukuyang dictadura ni Buencamino, nguni’t hindi nila ginawa o talagang ayaw nilang gawin ang isang Batas upang ang babai ay makapaghalal at mapahalal naman.Itutuloy pa sana ni Maneng ang pagsasalaysay; nguni’t binagabag ng palakpakan ng mga tao ng miting na tumutuligsa sa pagkakahandog ng 25,000 katao sa PresidenteWilsonupang dalhin sa digmaan sa Europa, kahit walang pahintulot ang Kapulungan.Magsalita si Maneng!... ¡Magsalita si Maneng!... ang hiyawan ng lahat. At bumaba sina Villalon at Lara upang salubungin ang katungali ni Binay.Isang di matapos-tapos na palakpakan ang sumalubong, sa binatang napitang gumamit ng kanyang dilang ginto: Laki ng pagkahanga ni Binay.

XII KABANATABABAING POLITIKO
ANG magandang tala sa Bokawe na sinasamba ng pihikang manunulat na si Tomas ay inanyayahan ni Sandiko na magparilag sa kaniyang miting. Anyayang di tinangihan at pinairugan ng boong kaya. At sa pagka’t si Sandiko ay isa riyan sa mga politiko na may sariling kakanyahan, ay maituturing na ang miting ay di sinimulan na gaya ng lahat ng miting politiko, na maymesa presidencialna pinangangasiwaan ngtoastmaster, at may mgaleaderna natatalang sunodsunod upang gumamit ng pangungusap tangi pa sa mga talumpaterong pagkakataon na humahanap ng mga pulong upang doo’y ipagmarangya na sila’y isang malaking imbakan ng mga iba’t ibang lumang simulain na bagamang kailan ma’y di naisagawa ni nang nagsalita ni nang mga nakikinyig ay may isang kahulugang kaakitakit sa maraming pandingig na lubhang nakahahalina diyan sa tinatawag na bayan, diyan sa karamihan na siyang baytang na hagdanan ng ating mga politiko upang ang kanilang mga munakala ay bigyan ng katawan kung talagang may banal namang nasa, o ng pagpasasaan naman ang gayong paghahawak ng kapangyarihan sa kapakinabangang sarili at ng kaniyang mga kapanalig kung talagangpolitiko de profesion.
Ang miting ni Sandiko yamang wala pa sa tadhanang oras ay nabunsod sa uringentre familiasa tapat ng maliit, nguni’t makisig na tindahan ni Binay na dinaluhan ng maraming mga taga Bokawe sa tapat ng Plasoleta sa bayang yaon.
Si Mendoza at si Montenegro ay nagkakaharap sa tapat ng tindahan at pinaguusapan ng boong init at ingay ang mgakabulastuganni Osmeña; kumatlo sa salitaan si Tomas, ang pangbato ng Bokawe at ang tudyuhan ay lalong uminit, at ang taong nagbumilog sa kinalilikmuan ng tatlo ay dumami ng dumami upang pagosiosohan ang mainit na matuwiranan.
Si Sandiko ay wala pa at pagdating nito ay umugong ang:ayan na ang heneralbagay na ikinapatindig ni Montenegro na naging heneral din naman, at nagtaglay pa ng kartera ngsecretaria de estadosa ating di malimutangBiyak na bato.
Kasama ni Sandiko ang komparsa ng Bokawe, at sa pagka’t angarteay gumigising saartistaay ipinakilala ni Montenegro, sa mga taga Bokawe, tanging tangi sa magandang si Binay, na kung nang panahon ng digma ay ginamit niya ang talibong upang ang ating kalayaan ay matuklas, sa panahon ng kapayapaan ang kaniyang panitik at dila ay katulong sa pagpapanatili ng ating bahagyang kaginhawahang bunga ng madugo, nguni’t kagalang-galang na himagsikan; sa panahong ito naman ng mga mumunting paglilipon, ang kaniyang mga daliri ay lubhang bihasa at boong ligsing kumakalabit ng mga bagting ng gitarra, at siya’y isangtrovadording marunong tumawag sa mga pintuang nakalapat ng mga pusong maawain at dagliang dumiringig sa mga malulungkot na “kundiman” na busog sa kasaysayan at tamis at may uring sariling atin.
Pagkatapos ng palakpakang tumbas sa kundiman ni Montenegro sa kung kaninong Laura ay nagtindig ang Heneral gaya ng lahat ng mapagsamantala atnagpasalamatng gayari:
—Mga kaibigan:—anya—Lumalaki ang aking puso kung nakikita ko ang kasiglahan ng ating mga kababayan sa sariling atin.
Palakpakan ang pumutol. At ang dugtong:
—Kung ang mga Osmeñista ay hindi tumalikod sa ating makasaysayang sumpa sa Inang Bayan, angBill JonesNo.1sana ay nagtagumpay—at saka hinarap ang makisig na si Mendoza kasabay ng tapik sa balikat at anya—Que le parece áVd.compañero?—hinarap pagkuwan ang ilang binatang estudiente ng paaralang ingles at anya—This is the way to show our people the parasite politicians. Watch them closely, my young men for the ruin is yours.
Si Montenegro ay labas na lahat ang tinago kung makipagusap sa bayan.
Isa sa mga dumalo ay tumugon:
—Simulan na po natin ang miting at marami ng tao.
At sa isang iglap ay nakapagtayo ngmesa presidencialat ang inanyayahangmag-toastmasteray ang binatang si Tomás.
Ang mga bantog naleadersngTERCERISTAay doroong lahat; sina Villalon, Lara, San Jose, Mendoza, Montenegro,Gil, Balmori, Santiago at iba’t iba pang mga Ginoo na pawang may maluwag at mariringal na pangungusap, at matatapang sa paglalahad ng mga tuligsa sa mgaOsmeñista at ng kanilang mga kabalbalan.
Isang panauhin ang laging malayo sa karamihan at nang ang miting ay sinimulan na ay kumubli sa isang dako ng tindahan na naging pook na palamigan ng mga binayani sa pulong na yaon. Ang binatang ito’y si Maneng, ang binatang mayaman na kasintahan ni Nati. Sinilaw siya ng kagandahan ni Binay na nang mga sandaling yaon ay namamayani sa gitna ng lupon kadalagahang Bokawe na inanyayahan ngGeneralSandiko. Si Binay ay larawang buhay ng “Bagong Babai.”
Lumapit na banayad sa lupon ng mga babaing palamuti ng pulong at mamaang-maang na nagusisa.
—Huwag pong ikagalit ng inyong mga kamahalan; ano pong pulong ito? Pulong po ba ito ng mga Osmeñista?
—Hindi po Ginoo. Wala pong Osmeñista dito sa Bokawe—ang matapang na sagot ni Binay.
—Kung gayon po’y mgafederalpo pala ang nagpupulong na iyan?
—Aba hindi po; iyan po’y pulong ng mgatercerista.
—Ah!... yan po pala ang mga tupa ni Sandiko. Noong Gobernador na nagpatanim ng mgaacasiaupang pangublihanng mga aso, noongGeneralna napakatapang,—at sinundan ng isang tuyong ngiti.
—Kahit na po walang nagawang mabuti si Sandiko, Ginoo gaya ng inyong sabi—ang pakli ni Binay—ay inaanyayahan ko kayong dumaliri ng kanyang kamalian at baka mayroong kaming nalilingid na di nalalaman.
—Ang tao po, mahal na binibini, na walang nagagawang mabuti at walang nagagawang masama ay tao na di dapat ibilang ni sa karamihan man lamang.
—Alalahanin mo po Ginoo na nang panahon ni Sandiko, angConstabulariadito sa Bulakan ay di kinailangan. Sa makatuwid, ay malayo ang Bulakan sa kapanganyayaang nangyayari sa Kabite ng panahon ninaBaker, na di miminsang isinakdal ngRenacimientoatMuling Pagsilangsa apat na dako ng pinangagalingan ng hangin. Alalahanin mo po Ginoo, nang sa likod ng bayan ay pagtibayin ng Kapulungan sa Bagyo yaong di malilimutangBillBorja, na nagbibigay bisa, at tumatangkilik sa isang kabulastugan ng ating nagingGobernador Generalna siForbes; sino po ang tumutol ng boong tapang? Alalahanin mo rin po Ginoo na nang ang puhunang mangagawa sa Katubusan ay aagoy-agoy na at tinampalasan ng mga bata ni Osmeña, kung sino ang nagbangon.
—Aba!... Dito po pala sa Bokawe ay may mga babaing politiko. Sayang at di kayo sa Amerika ipinanganak, sana’y nakapagharap kayo ng kandidatura; nguni’t dito sa atin, kahit na maaring kayo ay ihalal at idagdag ko pa ang aking “voto” ay di ako umaasang tayo’y magtatagumpay. Paano ang ating pagtatagumpay sa ang mga Osmeñista ay nakagawa na ng mararaming bagay na mahahalaga; naipayari nila angBill JonesNo.2na nagbigay sa kanila ng boong kapangyarihan. Nakayari na sila ng isang Quezon, nakapatay sila ng isang Gomez na naging kastila kahit na tunay na tagalog, at marami pa pong libolibong bagay na mahalaga para sa Pilipinas, gaya halimbawa ng kasalukuyang dictadura ni Buencamino, nguni’t hindi nila ginawa o talagang ayaw nilang gawin ang isang Batas upang ang babai ay makapaghalal at mapahalal naman.
Itutuloy pa sana ni Maneng ang pagsasalaysay; nguni’t binagabag ng palakpakan ng mga tao ng miting na tumutuligsa sa pagkakahandog ng 25,000 katao sa PresidenteWilsonupang dalhin sa digmaan sa Europa, kahit walang pahintulot ang Kapulungan.
Magsalita si Maneng!... ¡Magsalita si Maneng!... ang hiyawan ng lahat. At bumaba sina Villalon at Lara upang salubungin ang katungali ni Binay.
Isang di matapos-tapos na palakpakan ang sumalubong, sa binatang napitang gumamit ng kanyang dilang ginto: Laki ng pagkahanga ni Binay.