XIX NA KABANATAANG LUHOG NI ORANGSI Maneng, ay napapasuot sa isang lansangang walang labasan;Hindi na ako uuwi—ani Mameng.Paano ang mabuting gawin? Tumakas kaya? Ipagtabuyan ang dalaga ay hindi magagawa nino mang may kalolwa. Isang babaing dinaya sa bulong ng isang pangakongpinaniwalaan, pinagpasasaang sinaid ang samyo at bini, at ngayon, maari kayang itapon na tulad sa isang bagay na lipas?Si Maneng ay salawahan at di nasisiyahan kailan man; subali’t isang lalaking hindi nakagagawa ng gayong pag-api baga mang laging naniniwala at napadadala sa mga sapantahang mali, at lubhang paniwalain lalo na’t kung ang panibugho ang masasalang. Sa kanya’y walang ibang matuwid tangi sa ipinapalpal sa kanya ng kaniyang sapantaha sa alin mang sapiyaw na mapansin. At lalo na sa babai, ang kaniyangPAUNANG HATOLna mga bulaan at mapaglalang at kailan ma’y di magtatapat, ay siyang laging nagpapadalamhati sa kanyang puso.Sa ganitong kalagayan ay lumikmo sa piling ni Mameng at aniya:—Anong samang masdan Mameng na ikaw ay madungawan dini ng lahat ng makasalanang mata at ang bulong-bulungan ay iukol sa iyo sa pagalipusta. Talastas mong ang gayo’y di ko matutulutan. Paanong ikaw ay mapahihintulutan kong matira dine?—At itinataboy mo ako Maneng? Ngayong natapos mong simsimin ang kalataklatakan ng iwi kong dangal sa pagkababai ngayong ang aking bini ay nasaid mo nang lahat at napagpasasaan ay tulad sa isang hamak na laruan mo akong itatapon? Nasaan Maneng ang iyong puso? Nasaan ang iyong kalolwa? Lingapin mo ang aking kahinaan at huwag gamitan ng lupit.Pagkasabi nito ni Mameng ay itinago ang mukha sa dalawang palad at tulad sa isang Magdalenang pinadaloy ang di mapigilang unang luha ng puso. Si Mameng ay isang babaing napakarupok.Sinapupo ni Maneng na parang hinahatdang ginhawa na sinuklay ng kanyang mga daliri ang buhok na napalugay at parang nasisiyahang ibinulong ang gayaring lalang:—Mameng. Talagang sa malalaking pangyayari na sa buhay ng tao ay sumasapit, ang luha ay madalas na manguna, upang ibalitang sa kabila’y namimitak ang maligayang araw ng ligaya. Aasahan mo Mameng ang katotohanang yaon, na sisikapin kong maging isang pangyayari.—Maneng!...—Oo Mameng, asahan mo; at ang pangako sa ganang akin ay utang na kinasasanlaan ng karangalan ko at di mangyayaring di ko pagbayaran sukdang ang buhay ko’y kailanganin.—Maneng ang malabis na pangako ay hindi kailangan kung ang mabuting nasa ay siyang papamamayanihin.—Ang aking pangako Mameng ay itaga mo sa bato, at si Maneng ay mawawala at di mo na makikitang muli pa kung magkukulang sa kanyang pangungusap.—Salamat Maneng at pinaniniwalaan kong ang kahinaan ko’y di mo sasamantalahin upang maapi.—Oh kailan ma’y di ko magagawa ang gayon.—Ang mga luhang ito na iyong pinapahid nang napakasarap mong halik ay di na muling dudungaw, kung ikaw ay di magbabago sa iyong masuyong anyo.—Hindi na dadaloy kung dahil sa akin. Asahan mo Mameng na di ako magbabago.—Ngayon, ano ang ibig mong aking gawin?... Utusanmo Maneng ang giliw mo at susundin kang pikit-mata, kahit na sa hukay ay lulusong ako nang boong kasayahan kung yaon anglinoloob mo.Si Maneng ay natigilan sa lakas ng diwa ni Mameng. Hindi niya akalaing sa pag-ibig, si Mameng ay may isang pusong napakalaki at isang kaloluang napakatibay, kung laki ng puso at tibay ng kalolwa matatawag ang paubayang tumugon sa tawag ng pita.Ang kangikangina’y inaari niyang isangPAMATID UHAWngayon ay lumalaki sa kanyang malas at karapat-dapat manding sambahin.Ang unang talsik ng pamimintuho ay naglalatang sa kanyang puso at di niya maapula ang paglalagablab. Tutupukin manding ang boo niyang katawan ng bagong karamdamang yaon na ngayon pa lamang dinadanas. Magpapatuloy yatang pamayanihan siya ng kagitingan ni Mameng.Si Mameng sa harap ng pagwawari ni Maneng ay isang babaing uliran ng kapuwa babai. Isang babaing marunong paalipin ng ganapan sa udyok ng budhi at walang agam-agam na lulusong sa lalong malalim na bangin ng siphayo kung yaon ang linoloob ng kanyang pinagkatiwalaan ng kanyang dilag. Siya’y isang bulag na mangingibig.Sa pagwawaring ito’y napagulantang na bigla si Maneng nang sa di kawasa ay nakaringig ng tangis ng isang sangol sa loob ng kanyang bahay.—Ano yaon Maneng?—ang tanong ng dalaga na animo’y ginising sa isang mahimbing na pagkakatulog.—Ano yaongnariringig ko?—Aywan, aalamin ko. Diyan ka munang sandali. Huwag kang lalabas hane?—At si Maneng ay lumabas sa silid.At sa diwa ni Mameng ay gumuhong lahat ang mga pangaraping binubuko... Di yata’t sa bahay ni Maneng ay may isang sangol? Sino ang batang yaon, at sino ang kanyang ina, at bakit naroroon?Si Maneng ay boong kapalaluan at poot na lumapit sa panauhin na di iba’t si Orang.—Orang—aniya—Bakit ka naririto?Si Mameng ay lumapit sa dako ng silid na kinaulinigan niya ng iyak ng sangol at pinakingang lahat na walang naaksaya ng salitaan.—Oo, Maneng—anang babai—Magtataka ka na ako’y maparini, nguni’t ang pusong ina ay hindi lumilingon sa sasabihin ng mga tao. Naparito ako nang maidalaw ko sa iyo ang iyong anak yayamang di ka na nagkaloob na dumalaw sa amin. Ikinagagalit mo ba ang gayon?—At di mo nahahalatang kaya ako hindi napaparoon ay nahayag na sa akin ang iyong lihim na ikinukubli sa aking kaalaman?—Lihim ko?—ang taka ni Orang.—Oo, ang lihim mong pakikipagsuyuan kay Yoyong.—Kay Yoyong?... Oh!... Yao’y kabulaanan. Si Yoyong ay di ko sinisinta.—Oo si Yoyong na isang kaibigang di marunong tumupad ng kanyang tungkulin. Si Yoyong na pinagkatiwalaan kong makatalastas ng ating pagsusuyuan. Doon ka nasungabang.—Ang aking kapatid ang pinaguusapan—ani Mameng sa sarili—at kanyang inaalipusta. Oh iyan ay di ko dapat tulutan.—At handang lalabas, nguni’t mabubunyag ang isang pagkakataong parang tiniyap; na si Yoyong ang umagaw ng dilag ng kasuyo ni Maneng, at siya, si Mameng na kapatid ni Yoyong ay siya namang umugaw ng katahimikan ng kasuyo ni Orang. Kay lungkot na tungkulin ang ginagampanan nilang magkapatid sa dulang yaon ng buhay. Ang kaniyang kapatid ay siyang lumustay sa kalolua ng kanyang Maneng at siya nama’y siyang sanhi ngayon ng mga pagtangis ni Orang.—Oh, iyan ay isang paratang na walang patunay, Maneng. Maghunos dili ka.—Ani Orang.—At kulang pang patunay ang mga sulat na iniingatan mong higit sa isang mayamang kiyas. Bakit mo ilinilihim sa akin ang mga sulat ni Yoyong?Namutla si Orangpagkabangitng sulat. Yao’y di niya akalaing natuklas ni Maneng.Tunay nga na ang mga sulat ni Yoyong ay iningatan niya, nguni’t si Yoyong ay walang maipakikitang sulat na sa kanya galing.Pagkaraan ng isang saglit ay tumugon.—Ang mga sulat ni Yoyong, Maneng ay hindi patunay ng aking sa iyo’y pagkukulang. Isinusumpa ko sa harap ng sanggol natin na ako’y tapat sa iyong pag-ibig, at kung naging kahinaan ko man ang paglilihim sa iyo ng mga sulat ni Yoyong ay dahilan sa pinagiingatan kong huwag kang dalawin ng sukal ng loob. Talastas ito ng langit, Maneng, na ako’y hindi nagkukulang sa pagtatapat sa iyong pag-ibig.—Di ka nagkulang ng pagtatapat, pagkatapos magkaroon ng lihim sa akin? Ah! Orang ang kasalanan mong ginawa ay walang patawad. Humihiyaw sa langit at humihingi ng parusa.—Hinahamon kita Maneng na makapagharap sa akin ng isa man lamang sulat ko kay Yoyong; kung ito’y magawa mo bagay na di mangyayari ay igawad mo ang parusang minamarapat mo sa akin.—Hindi kailangan yaon Orang. Si Yoyong ay maaaring pinagbilinan mong sunuging lahat ang mga sulat mo sa kanya lalo na nang matalastas mong ang mga sulat niya ay natutop kong lahat; at sa pagka’t siya’y ninibig ay sinunod ka niya marahil sa iyong samo. Ano nga ang kailangan na bungkalin ko pa ang baho na iyong ilinilihim?—Ah! Maneng, tapatin mo na sa akin na ako’y iyo ng pinagsawaan. Na, diyan sa loob ay may isang babai na higit sa akin at aapihin mo rin kung siya’y pagsawaang gaya ko. Nguni’t talastasin mong kawawa naman ang ating sangol. Lingapin mo sana siya. Siya’y dugo ng iyong mga dugo; buto ng iyong mga buto at hinog na bunga ng ating suyuan. Lingapin mo si Nene—at humagulgol ng iyak.—Namamali ka Orang. Kaming lalaki ay hindi nagaanak, sa pagka’t yao’y di itinulot sa amin ni Bathala. Ang anak nga ay iyo; wala akong alinlangan noon—ang aglahi.—At itinatakwil mo si Nene?—Siya’y iyong tunay.—May lakas kang magtakwil sa sangol na itong buhay mong larawan?—Ipinaglihi mo marahil siya sa akin.—Oh lubos na yan. Maaari mo akong dustain, maaaring ang sumpa ay ibabaw mo sa akin kung naging kasalanan ko ang malabis kong pagiingat na ikaw ay dalawin ng masamang sandali, nguni’t dustain mo ang walang malay nating sangol, ito’y isang kalupitang di ko matutulutan. Ikaw ay isang amang walang kalolwa.—Nang wala ng maraming salitaan, ay mabuti pa Orang naumuwika na at bayaan mo akong tumahimik. Hindi dapat pagtalunan ang bagay na yan.—Oo, babayaan kitang tumahimik sa piling ng iyong bagong Bathala na naririyan at saksi ng ating salitaan ngayon; talastasin niya na siya’y babai din at magiging ina rin siyang paris ko at kung ang palad ko’y kaniyang sapitin ay siya at ako’y magkakasama din sa dagat ng walang pangpang ng pagtangis ng puso.—Sulong na Orang—napakahaba ng sermong yan. Nalalaman mo nang sa iyo at sa akin ay pitong matatarik na bundok ang namamagitan. Hindi ka na nga dapat pang lumapit sa akin gaya ng ako’y di magkakamaling lalapit sa iyo. At tayo’y kapuwa patawarin ng Panginoon.At tinawag si Gorio pagkatapus at aniya:—Gorio. Ihatid mo ang babaing ito sa pintuan.At sinabayan ng tindig ng boong kapalaluan at tinalikuran ang kulang palad na babai.Ihinatid ng malas hangang pintuan at anong laking pagkamangha ng makitang angSUPERSIXna kanyang ihinandog kila Nati ay tumigil at si Selmo at Yoyong ay nanagsilunsad.

XIX NA KABANATAANG LUHOG NI ORANG
SI Maneng, ay napapasuot sa isang lansangang walang labasan;Hindi na ako uuwi—ani Mameng.
Paano ang mabuting gawin? Tumakas kaya? Ipagtabuyan ang dalaga ay hindi magagawa nino mang may kalolwa. Isang babaing dinaya sa bulong ng isang pangakongpinaniwalaan, pinagpasasaang sinaid ang samyo at bini, at ngayon, maari kayang itapon na tulad sa isang bagay na lipas?
Si Maneng ay salawahan at di nasisiyahan kailan man; subali’t isang lalaking hindi nakagagawa ng gayong pag-api baga mang laging naniniwala at napadadala sa mga sapantahang mali, at lubhang paniwalain lalo na’t kung ang panibugho ang masasalang. Sa kanya’y walang ibang matuwid tangi sa ipinapalpal sa kanya ng kaniyang sapantaha sa alin mang sapiyaw na mapansin. At lalo na sa babai, ang kaniyangPAUNANG HATOLna mga bulaan at mapaglalang at kailan ma’y di magtatapat, ay siyang laging nagpapadalamhati sa kanyang puso.
Sa ganitong kalagayan ay lumikmo sa piling ni Mameng at aniya:—Anong samang masdan Mameng na ikaw ay madungawan dini ng lahat ng makasalanang mata at ang bulong-bulungan ay iukol sa iyo sa pagalipusta. Talastas mong ang gayo’y di ko matutulutan. Paanong ikaw ay mapahihintulutan kong matira dine?
—At itinataboy mo ako Maneng? Ngayong natapos mong simsimin ang kalataklatakan ng iwi kong dangal sa pagkababai ngayong ang aking bini ay nasaid mo nang lahat at napagpasasaan ay tulad sa isang hamak na laruan mo akong itatapon? Nasaan Maneng ang iyong puso? Nasaan ang iyong kalolwa? Lingapin mo ang aking kahinaan at huwag gamitan ng lupit.
Pagkasabi nito ni Mameng ay itinago ang mukha sa dalawang palad at tulad sa isang Magdalenang pinadaloy ang di mapigilang unang luha ng puso. Si Mameng ay isang babaing napakarupok.
Sinapupo ni Maneng na parang hinahatdang ginhawa na sinuklay ng kanyang mga daliri ang buhok na napalugay at parang nasisiyahang ibinulong ang gayaring lalang:
—Mameng. Talagang sa malalaking pangyayari na sa buhay ng tao ay sumasapit, ang luha ay madalas na manguna, upang ibalitang sa kabila’y namimitak ang maligayang araw ng ligaya. Aasahan mo Mameng ang katotohanang yaon, na sisikapin kong maging isang pangyayari.
—Maneng!...
—Oo Mameng, asahan mo; at ang pangako sa ganang akin ay utang na kinasasanlaan ng karangalan ko at di mangyayaring di ko pagbayaran sukdang ang buhay ko’y kailanganin.
—Maneng ang malabis na pangako ay hindi kailangan kung ang mabuting nasa ay siyang papamamayanihin.
—Ang aking pangako Mameng ay itaga mo sa bato, at si Maneng ay mawawala at di mo na makikitang muli pa kung magkukulang sa kanyang pangungusap.
—Salamat Maneng at pinaniniwalaan kong ang kahinaan ko’y di mo sasamantalahin upang maapi.
—Oh kailan ma’y di ko magagawa ang gayon.
—Ang mga luhang ito na iyong pinapahid nang napakasarap mong halik ay di na muling dudungaw, kung ikaw ay di magbabago sa iyong masuyong anyo.
—Hindi na dadaloy kung dahil sa akin. Asahan mo Mameng na di ako magbabago.
—Ngayon, ano ang ibig mong aking gawin?... Utusanmo Maneng ang giliw mo at susundin kang pikit-mata, kahit na sa hukay ay lulusong ako nang boong kasayahan kung yaon anglinoloob mo.
Si Maneng ay natigilan sa lakas ng diwa ni Mameng. Hindi niya akalaing sa pag-ibig, si Mameng ay may isang pusong napakalaki at isang kaloluang napakatibay, kung laki ng puso at tibay ng kalolwa matatawag ang paubayang tumugon sa tawag ng pita.
Ang kangikangina’y inaari niyang isangPAMATID UHAWngayon ay lumalaki sa kanyang malas at karapat-dapat manding sambahin.
Ang unang talsik ng pamimintuho ay naglalatang sa kanyang puso at di niya maapula ang paglalagablab. Tutupukin manding ang boo niyang katawan ng bagong karamdamang yaon na ngayon pa lamang dinadanas. Magpapatuloy yatang pamayanihan siya ng kagitingan ni Mameng.
Si Mameng sa harap ng pagwawari ni Maneng ay isang babaing uliran ng kapuwa babai. Isang babaing marunong paalipin ng ganapan sa udyok ng budhi at walang agam-agam na lulusong sa lalong malalim na bangin ng siphayo kung yaon ang linoloob ng kanyang pinagkatiwalaan ng kanyang dilag. Siya’y isang bulag na mangingibig.
Sa pagwawaring ito’y napagulantang na bigla si Maneng nang sa di kawasa ay nakaringig ng tangis ng isang sangol sa loob ng kanyang bahay.
—Ano yaon Maneng?—ang tanong ng dalaga na animo’y ginising sa isang mahimbing na pagkakatulog.—Ano yaongnariringig ko?
—Aywan, aalamin ko. Diyan ka munang sandali. Huwag kang lalabas hane?—At si Maneng ay lumabas sa silid.
At sa diwa ni Mameng ay gumuhong lahat ang mga pangaraping binubuko... Di yata’t sa bahay ni Maneng ay may isang sangol? Sino ang batang yaon, at sino ang kanyang ina, at bakit naroroon?
Si Maneng ay boong kapalaluan at poot na lumapit sa panauhin na di iba’t si Orang.
—Orang—aniya—Bakit ka naririto?
Si Mameng ay lumapit sa dako ng silid na kinaulinigan niya ng iyak ng sangol at pinakingang lahat na walang naaksaya ng salitaan.
—Oo, Maneng—anang babai—Magtataka ka na ako’y maparini, nguni’t ang pusong ina ay hindi lumilingon sa sasabihin ng mga tao. Naparito ako nang maidalaw ko sa iyo ang iyong anak yayamang di ka na nagkaloob na dumalaw sa amin. Ikinagagalit mo ba ang gayon?
—At di mo nahahalatang kaya ako hindi napaparoon ay nahayag na sa akin ang iyong lihim na ikinukubli sa aking kaalaman?
—Lihim ko?—ang taka ni Orang.
—Oo, ang lihim mong pakikipagsuyuan kay Yoyong.
—Kay Yoyong?... Oh!... Yao’y kabulaanan. Si Yoyong ay di ko sinisinta.
—Oo si Yoyong na isang kaibigang di marunong tumupad ng kanyang tungkulin. Si Yoyong na pinagkatiwalaan kong makatalastas ng ating pagsusuyuan. Doon ka nasungabang.
—Ang aking kapatid ang pinaguusapan—ani Mameng sa sarili—at kanyang inaalipusta. Oh iyan ay di ko dapat tulutan.—At handang lalabas, nguni’t mabubunyag ang isang pagkakataong parang tiniyap; na si Yoyong ang umagaw ng dilag ng kasuyo ni Maneng, at siya, si Mameng na kapatid ni Yoyong ay siya namang umugaw ng katahimikan ng kasuyo ni Orang. Kay lungkot na tungkulin ang ginagampanan nilang magkapatid sa dulang yaon ng buhay. Ang kaniyang kapatid ay siyang lumustay sa kalolua ng kanyang Maneng at siya nama’y siyang sanhi ngayon ng mga pagtangis ni Orang.
—Oh, iyan ay isang paratang na walang patunay, Maneng. Maghunos dili ka.—Ani Orang.
—At kulang pang patunay ang mga sulat na iniingatan mong higit sa isang mayamang kiyas. Bakit mo ilinilihim sa akin ang mga sulat ni Yoyong?
Namutla si Orangpagkabangitng sulat. Yao’y di niya akalaing natuklas ni Maneng.
Tunay nga na ang mga sulat ni Yoyong ay iningatan niya, nguni’t si Yoyong ay walang maipakikitang sulat na sa kanya galing.
Pagkaraan ng isang saglit ay tumugon.
—Ang mga sulat ni Yoyong, Maneng ay hindi patunay ng aking sa iyo’y pagkukulang. Isinusumpa ko sa harap ng sanggol natin na ako’y tapat sa iyong pag-ibig, at kung naging kahinaan ko man ang paglilihim sa iyo ng mga sulat ni Yoyong ay dahilan sa pinagiingatan kong huwag kang dalawin ng sukal ng loob. Talastas ito ng langit, Maneng, na ako’y hindi nagkukulang sa pagtatapat sa iyong pag-ibig.
—Di ka nagkulang ng pagtatapat, pagkatapos magkaroon ng lihim sa akin? Ah! Orang ang kasalanan mong ginawa ay walang patawad. Humihiyaw sa langit at humihingi ng parusa.
—Hinahamon kita Maneng na makapagharap sa akin ng isa man lamang sulat ko kay Yoyong; kung ito’y magawa mo bagay na di mangyayari ay igawad mo ang parusang minamarapat mo sa akin.
—Hindi kailangan yaon Orang. Si Yoyong ay maaaring pinagbilinan mong sunuging lahat ang mga sulat mo sa kanya lalo na nang matalastas mong ang mga sulat niya ay natutop kong lahat; at sa pagka’t siya’y ninibig ay sinunod ka niya marahil sa iyong samo. Ano nga ang kailangan na bungkalin ko pa ang baho na iyong ilinilihim?
—Ah! Maneng, tapatin mo na sa akin na ako’y iyo ng pinagsawaan. Na, diyan sa loob ay may isang babai na higit sa akin at aapihin mo rin kung siya’y pagsawaang gaya ko. Nguni’t talastasin mong kawawa naman ang ating sangol. Lingapin mo sana siya. Siya’y dugo ng iyong mga dugo; buto ng iyong mga buto at hinog na bunga ng ating suyuan. Lingapin mo si Nene—at humagulgol ng iyak.
—Namamali ka Orang. Kaming lalaki ay hindi nagaanak, sa pagka’t yao’y di itinulot sa amin ni Bathala. Ang anak nga ay iyo; wala akong alinlangan noon—ang aglahi.
—At itinatakwil mo si Nene?
—Siya’y iyong tunay.
—May lakas kang magtakwil sa sangol na itong buhay mong larawan?
—Ipinaglihi mo marahil siya sa akin.
—Oh lubos na yan. Maaari mo akong dustain, maaaring ang sumpa ay ibabaw mo sa akin kung naging kasalanan ko ang malabis kong pagiingat na ikaw ay dalawin ng masamang sandali, nguni’t dustain mo ang walang malay nating sangol, ito’y isang kalupitang di ko matutulutan. Ikaw ay isang amang walang kalolwa.
—Nang wala ng maraming salitaan, ay mabuti pa Orang naumuwika na at bayaan mo akong tumahimik. Hindi dapat pagtalunan ang bagay na yan.
—Oo, babayaan kitang tumahimik sa piling ng iyong bagong Bathala na naririyan at saksi ng ating salitaan ngayon; talastasin niya na siya’y babai din at magiging ina rin siyang paris ko at kung ang palad ko’y kaniyang sapitin ay siya at ako’y magkakasama din sa dagat ng walang pangpang ng pagtangis ng puso.
—Sulong na Orang—napakahaba ng sermong yan. Nalalaman mo nang sa iyo at sa akin ay pitong matatarik na bundok ang namamagitan. Hindi ka na nga dapat pang lumapit sa akin gaya ng ako’y di magkakamaling lalapit sa iyo. At tayo’y kapuwa patawarin ng Panginoon.
At tinawag si Gorio pagkatapus at aniya:
—Gorio. Ihatid mo ang babaing ito sa pintuan.
At sinabayan ng tindig ng boong kapalaluan at tinalikuran ang kulang palad na babai.
Ihinatid ng malas hangang pintuan at anong laking pagkamangha ng makitang angSUPERSIXna kanyang ihinandog kila Nati ay tumigil at si Selmo at Yoyong ay nanagsilunsad.