XX KABANATAANG SIGWANAPAURONG si Orang nang masalubong ang nangagsidating na baga mang nangakabalatkayo ay walangantifasat bilad na ipinakikilala ang kanilang mga mukha.Si Yoyong na lalong mukhang hangal nang mga sandaling yaon si Nati na animo’y larawang lilok na nagbabadha ngPANGANIB, at si Selmo na sa gayong mapanganib na pangyayari ay tahimik na tahimik na animo’y walang anomang malaking bagay na nangyayari ay sunodsunod na lumunsad.Si Mameng sa kabilang dako ay gulilat na sumaklit sa leeg ni Maneng na noo’y nasok sa silid.—Mameng—ang anas—Ang sigwa ay dumarating.—Nalalaman ko nang lahat Maneng. Nalalaman kong ang puso mo’y linuray ng babaing yaon na kinatulong ni Yoyong na kapatid ko sa paghukay sa libingan ng iyong puso. Ang kanilang kamalian, ó sa malinaw na sabi, ang kasalanan ng kapatid ko sa dulang ito ng buhay ay binayaran ko na ng labis at labis.—Yaon Mameng ay naligtasan na natin. Si Orang ay yumaon na tumatangis at nagugunita marahil ang kaniyang pagkakamali na ako’y kanyang paglaruan; nguni’t siya rin ang hangal sa kanyang sarili; ang kanyang palad ang kanyang pinaglaruan at siya rin ang humukay ng libingan ng kanyang pag-asa. Nguni’t si Anselmo, si Nati at si Yoyong ay narito naat tayo ang pakay—at ang dugtong—Ayoko nang ako’y kanilang abutan. Wala akong mukhang ipakikiharap sa kanila kung aking mababasa sa kanilang anyo na sila’y may hinala saGINAWAnatin.—Ay paano ang mabuti?—ang tanong ng dalaga.—Lumabas kang agad at ikaw ang bahalang magtangol ng karangalan natin. Sabihin mo ang lahat mong naringig kay Orang at sabihin mo ring ako’y yumaon upang sila’y paghanapin. Magsinungaling ka kung kailangan. Gamitin mo ang lahat ng paraan upang maligtas ang ating puri.At si Mameng ay lumabas pagdaka, samantalang siManengay nagkubli sa isang sulok na kanyang mapagtataguan; sulok na malapit sa kabahayan at nagtutulot na kanyang maringig ang lahat ng paguusapan. Ang sulok na kinalagyan ni Mameng. Nagpalit sila ng papel; ngayo’y siyang makikingig ng paguusapan.Sina Selmo at Nati ay nakiyat samantalang ang ugaw na si Yoyong ay sumunod kay Orang sa nasa marahil na gumanti sa kapanganibang kinatatayuan ni Mameng at kahit na sa sapantaha man lamang ay pagkasanlan siyang kasintahan nga ni Orang.—Aling Orang—ang bati ni Yoyong—Pahintulutan ninyong kayo’y maihatid at nang maipagtangol ko kayo sa aglahi ng mga balat-kayo.—Salamat po. Hindi ko po kailangan ang inyong pangangalaga.—Bakit naman aling Orang.—Aba!... Nakayayamot naman ang taong ito—ang asik ni Orang—Sinabi ko nang hindi ko kailangan ang inyongpangangalaga eh.—Lason ba ako sa inyo, aling Orang. Ngayon pa naman na ang paninibugho ni Maneng ay nagtatagumpay na ng ganap...—Huwag nga kayong maulit. Kagisagisa ninyo’y...—at pinukol ng irap.—Ngayon pa namang handang handa na akong maging ama ng iyong sanggol... Ay! aling Orang, kung ipahihintulotmo po lamang ay asahan mo pong aking aariing akin ang sangol na iyan.—Sinabi ko na mang Yoyong na huwag kayong makabuisit eh... Para naman kayong aso na susunod-sunod sa akin. Manong lumayo kayo—at tinulinan ang lakad na parang hinahabol.Si Yoyong ay nagmadali ring sumusunod; nguni’t napansin yata niyang napakapangit ang kanyang papel na tinutupad kaya’t nagbalik na pumisan sa kanyang mga kasamahan na nagsituloy sa bahay ni Maneng.Walang kapangit-pangitang tanawin gaya ng inasal ni Yoyong na susunodsunod sa isang babai na sa kanya’y naririmarim at binayaan sa kapanganiban ang kapatid niyang gaya ng isang sisiw na dinagit ng limbas.Inabutan niyang nangagkakaumpok doon ang nangagsidating at ang dinatnan, at samantalang parang inaantabayanan nila si Maneng ay nangaguusapan ng malakas at pangkaramihan.—Eh ano ang nangyari sa inyo Mameng—ang tanong ni Nati.—Ang mgaapachena gumulo sa atin ay kasalukuyang namamayani at ako gaya ng dapat ninyong sapantahain ay napalayo nang napalayo at ninanasa ko mang masagasa ang kapal ng tao ay di nagawa nang aking kahinaan at sa takot namang malamog sa nagaalimpuyong kapal ng tao. Walang ano-ano ay isangpierrotang lumapit sa akin. Ipinakita ang kanyang singsing, ihinandog sa akin ang kaniyang bisig at ibinulong sa akin ang gayari:—Araw natin Nati. Hindi ko nawatasan ang kahulugan noon. Ako’y kanyang isinama—ang patuloy ni Mameng—Sumakay kami saautoat; naku! Ang aking puso’y sumisikde ibig ko nang pakilala, nguni’t umaali pa rin sa akin ang bisa ng pagbibiro. At sumapit kami dini na hindi pa niya ako nakikilala.—Si Maneng naman—ang dugtong pa rin—ay isang lalaking may dangal, pagdating namin ay dahan dahan niyang inalis ang aking kulubong at nang makilalang ako ang kanyang inakalang si Nati ay napaurong at anya’y:Ikaw ba Mameng.At di ako nakapigil ng pagtawa, nguni’t siya ay walang malamang gawin. Wari sinalakay siya ng kahihiyan at sumamo sa akin ng gayari:—Mameng!... Patawarin mo ako. Isang kamalian itong dinaramdam ko ng labis, nguni’t paano kaya ang mabuting gawin? At nang palulugdan na niya ang hatol kong kayo’y hanapin ay sa darating ang isang babai. Isang ina na kandong ang kanyang sangol at itinututol ang kanyang katuwiran. Nguni’t ang inang ito’y isangTAKSILsa pag-ibig at ¡Oh! Yoyong ikaw ang katulong niyang lumuray sa puso ni Maneng.Si Yoyong ay nagwalang bahala.—Oo, Mameng nalalaman ko na ang buhay na iyan—ani Nati—huwag mo nang buklatin. Ang mga sulat ni Yoyong ay nasa akin at iniingatan ko, sa pagka’t siyang patunay sa akin ni Maneng na siya’y walang anomang katungkulang dapat gampanan kay Orang.—Orang!...—ang ulit ni Selmo na parang gumuhit sa kanyang gunita ang larawan ng magandangfondista.—Eh paano—ang dugtong ni Selmo—hihintayin ba natin si Maneng?—Bakit hindi?—ani Nati.Noo’y sapapasok ang isang tao na sa kanyang anyo, ang kapangahasan ay makabakas. Siya’y isang kagawad na lihim.Ang bagong dating ay tumanong.—Si mang Maneng po ay saan naroroon?—Bakit po Ginoo? Siya rin po naming inaantabayanan.—Wala pong ano man, may isang tao po silang ipinahatid kangina sa Pagamutan at dahil dito’y kailangang humarap sila sa kagawaran namin, upang managot sa harap ng Hukuman sa kasalanangMaltrato de Obra.—Bakit po kaya?—ani Selmo—Bakit po kaya?—Dahil po sapoliticamarahil na kanilang pinagtalunan ng boong init.—Pagdating po’y sasabihin namin.—Inaasahan ko pong ako’y hindi nila itatayo sa kahihiyan; ang bilin po sa akin ay dakipin ko sila; nguni’t inaasahan kong ito’y di kailangan at bukas ay haharap sila at angkanilang tagapagtangol upang lutasin ang usap na ito, na sa palagay ko’y multa lamang ang kailangan.—Mabuti na lamang kung magkakagayon.At ang panauhin ay yumaon pagkatapos magpaalam nang boong galang.At ang magpipinsan ay yumaon na rin; nguni’t nagbilin kay Gorio na paparonin si Maneng pagdating na pagdating o pagkaumaga kung umuwi nang malalim na ang gabi.Si Nati samantala ay hindi naniniwala sa kuwento na boong kabihasahang ipinahayag sa kanila ni Mameng. Ang pusong ninibig ay panibughuin at ang panibugho ay dumadagang kasalukuyan kay Nati.—Ako ang may sala—anya sa sarili—Kung hindi ko naisipan ang masama at mapanganib na biro na ang saplot ko’y siyang isuot ni Mameng, disin di nangyari ang kung ano man ang nangyari.At boong magdamag halos na naguusisaan ang magpinsan, nguni’t si Mameng ay lubhang maingat na di tinulutang mahalata ni Nati na siya’y nahulog sa kamay ni Maneng, bagkus pinatitingkad niya ang katayuan ni Orang na lubhang kawawa bagaman naniniwala siyang yaon aysalarin.Nguni’t sa kabila noon, kay Mameng ay naglaho mandin ang liwanag. Ang mga pangako ni Maneng ay parang nakikinita niyang sa tubig lamang napaguhit. Hindi naman tumpak na ang kaligayahan ay agawin niya kay Nati.Natatayo siya sa isang kalagayang alanganin, at, walang wala nang nalalabi sa kanya kungdi ang bakas ng yumaong pagkasungabang.

XX KABANATAANG SIGWA
NAPAURONG si Orang nang masalubong ang nangagsidating na baga mang nangakabalatkayo ay walangantifasat bilad na ipinakikilala ang kanilang mga mukha.
Si Yoyong na lalong mukhang hangal nang mga sandaling yaon si Nati na animo’y larawang lilok na nagbabadha ngPANGANIB, at si Selmo na sa gayong mapanganib na pangyayari ay tahimik na tahimik na animo’y walang anomang malaking bagay na nangyayari ay sunodsunod na lumunsad.
Si Mameng sa kabilang dako ay gulilat na sumaklit sa leeg ni Maneng na noo’y nasok sa silid.
—Mameng—ang anas—Ang sigwa ay dumarating.
—Nalalaman ko nang lahat Maneng. Nalalaman kong ang puso mo’y linuray ng babaing yaon na kinatulong ni Yoyong na kapatid ko sa paghukay sa libingan ng iyong puso. Ang kanilang kamalian, ó sa malinaw na sabi, ang kasalanan ng kapatid ko sa dulang ito ng buhay ay binayaran ko na ng labis at labis.
—Yaon Mameng ay naligtasan na natin. Si Orang ay yumaon na tumatangis at nagugunita marahil ang kaniyang pagkakamali na ako’y kanyang paglaruan; nguni’t siya rin ang hangal sa kanyang sarili; ang kanyang palad ang kanyang pinaglaruan at siya rin ang humukay ng libingan ng kanyang pag-asa. Nguni’t si Anselmo, si Nati at si Yoyong ay narito naat tayo ang pakay—at ang dugtong—Ayoko nang ako’y kanilang abutan. Wala akong mukhang ipakikiharap sa kanila kung aking mababasa sa kanilang anyo na sila’y may hinala saGINAWAnatin.
—Ay paano ang mabuti?—ang tanong ng dalaga.
—Lumabas kang agad at ikaw ang bahalang magtangol ng karangalan natin. Sabihin mo ang lahat mong naringig kay Orang at sabihin mo ring ako’y yumaon upang sila’y paghanapin. Magsinungaling ka kung kailangan. Gamitin mo ang lahat ng paraan upang maligtas ang ating puri.
At si Mameng ay lumabas pagdaka, samantalang siManengay nagkubli sa isang sulok na kanyang mapagtataguan; sulok na malapit sa kabahayan at nagtutulot na kanyang maringig ang lahat ng paguusapan. Ang sulok na kinalagyan ni Mameng. Nagpalit sila ng papel; ngayo’y siyang makikingig ng paguusapan.
Sina Selmo at Nati ay nakiyat samantalang ang ugaw na si Yoyong ay sumunod kay Orang sa nasa marahil na gumanti sa kapanganibang kinatatayuan ni Mameng at kahit na sa sapantaha man lamang ay pagkasanlan siyang kasintahan nga ni Orang.
—Aling Orang—ang bati ni Yoyong—Pahintulutan ninyong kayo’y maihatid at nang maipagtangol ko kayo sa aglahi ng mga balat-kayo.
—Salamat po. Hindi ko po kailangan ang inyong pangangalaga.
—Bakit naman aling Orang.
—Aba!... Nakayayamot naman ang taong ito—ang asik ni Orang—Sinabi ko nang hindi ko kailangan ang inyongpangangalaga eh.
—Lason ba ako sa inyo, aling Orang. Ngayon pa naman na ang paninibugho ni Maneng ay nagtatagumpay na ng ganap...
—Huwag nga kayong maulit. Kagisagisa ninyo’y...—at pinukol ng irap.
—Ngayon pa namang handang handa na akong maging ama ng iyong sanggol... Ay! aling Orang, kung ipahihintulotmo po lamang ay asahan mo pong aking aariing akin ang sangol na iyan.
—Sinabi ko na mang Yoyong na huwag kayong makabuisit eh... Para naman kayong aso na susunod-sunod sa akin. Manong lumayo kayo—at tinulinan ang lakad na parang hinahabol.
Si Yoyong ay nagmadali ring sumusunod; nguni’t napansin yata niyang napakapangit ang kanyang papel na tinutupad kaya’t nagbalik na pumisan sa kanyang mga kasamahan na nagsituloy sa bahay ni Maneng.
Walang kapangit-pangitang tanawin gaya ng inasal ni Yoyong na susunodsunod sa isang babai na sa kanya’y naririmarim at binayaan sa kapanganiban ang kapatid niyang gaya ng isang sisiw na dinagit ng limbas.
Inabutan niyang nangagkakaumpok doon ang nangagsidating at ang dinatnan, at samantalang parang inaantabayanan nila si Maneng ay nangaguusapan ng malakas at pangkaramihan.
—Eh ano ang nangyari sa inyo Mameng—ang tanong ni Nati.
—Ang mgaapachena gumulo sa atin ay kasalukuyang namamayani at ako gaya ng dapat ninyong sapantahain ay napalayo nang napalayo at ninanasa ko mang masagasa ang kapal ng tao ay di nagawa nang aking kahinaan at sa takot namang malamog sa nagaalimpuyong kapal ng tao. Walang ano-ano ay isangpierrotang lumapit sa akin. Ipinakita ang kanyang singsing, ihinandog sa akin ang kaniyang bisig at ibinulong sa akin ang gayari:
—Araw natin Nati. Hindi ko nawatasan ang kahulugan noon. Ako’y kanyang isinama—ang patuloy ni Mameng—Sumakay kami saautoat; naku! Ang aking puso’y sumisikde ibig ko nang pakilala, nguni’t umaali pa rin sa akin ang bisa ng pagbibiro. At sumapit kami dini na hindi pa niya ako nakikilala.
—Si Maneng naman—ang dugtong pa rin—ay isang lalaking may dangal, pagdating namin ay dahan dahan niyang inalis ang aking kulubong at nang makilalang ako ang kanyang inakalang si Nati ay napaurong at anya’y:Ikaw ba Mameng.At di ako nakapigil ng pagtawa, nguni’t siya ay walang malamang gawin. Wari sinalakay siya ng kahihiyan at sumamo sa akin ng gayari:
—Mameng!... Patawarin mo ako. Isang kamalian itong dinaramdam ko ng labis, nguni’t paano kaya ang mabuting gawin? At nang palulugdan na niya ang hatol kong kayo’y hanapin ay sa darating ang isang babai. Isang ina na kandong ang kanyang sangol at itinututol ang kanyang katuwiran. Nguni’t ang inang ito’y isangTAKSILsa pag-ibig at ¡Oh! Yoyong ikaw ang katulong niyang lumuray sa puso ni Maneng.
Si Yoyong ay nagwalang bahala.
—Oo, Mameng nalalaman ko na ang buhay na iyan—ani Nati—huwag mo nang buklatin. Ang mga sulat ni Yoyong ay nasa akin at iniingatan ko, sa pagka’t siyang patunay sa akin ni Maneng na siya’y walang anomang katungkulang dapat gampanan kay Orang.
—Orang!...—ang ulit ni Selmo na parang gumuhit sa kanyang gunita ang larawan ng magandangfondista.
—Eh paano—ang dugtong ni Selmo—hihintayin ba natin si Maneng?
—Bakit hindi?—ani Nati.
Noo’y sapapasok ang isang tao na sa kanyang anyo, ang kapangahasan ay makabakas. Siya’y isang kagawad na lihim.
Ang bagong dating ay tumanong.
—Si mang Maneng po ay saan naroroon?
—Bakit po Ginoo? Siya rin po naming inaantabayanan.
—Wala pong ano man, may isang tao po silang ipinahatid kangina sa Pagamutan at dahil dito’y kailangang humarap sila sa kagawaran namin, upang managot sa harap ng Hukuman sa kasalanangMaltrato de Obra.
—Bakit po kaya?—ani Selmo—Bakit po kaya?
—Dahil po sapoliticamarahil na kanilang pinagtalunan ng boong init.
—Pagdating po’y sasabihin namin.
—Inaasahan ko pong ako’y hindi nila itatayo sa kahihiyan; ang bilin po sa akin ay dakipin ko sila; nguni’t inaasahan kong ito’y di kailangan at bukas ay haharap sila at angkanilang tagapagtangol upang lutasin ang usap na ito, na sa palagay ko’y multa lamang ang kailangan.
—Mabuti na lamang kung magkakagayon.
At ang panauhin ay yumaon pagkatapos magpaalam nang boong galang.
At ang magpipinsan ay yumaon na rin; nguni’t nagbilin kay Gorio na paparonin si Maneng pagdating na pagdating o pagkaumaga kung umuwi nang malalim na ang gabi.
Si Nati samantala ay hindi naniniwala sa kuwento na boong kabihasahang ipinahayag sa kanila ni Mameng. Ang pusong ninibig ay panibughuin at ang panibugho ay dumadagang kasalukuyan kay Nati.
—Ako ang may sala—anya sa sarili—Kung hindi ko naisipan ang masama at mapanganib na biro na ang saplot ko’y siyang isuot ni Mameng, disin di nangyari ang kung ano man ang nangyari.
At boong magdamag halos na naguusisaan ang magpinsan, nguni’t si Mameng ay lubhang maingat na di tinulutang mahalata ni Nati na siya’y nahulog sa kamay ni Maneng, bagkus pinatitingkad niya ang katayuan ni Orang na lubhang kawawa bagaman naniniwala siyang yaon aysalarin.
Nguni’t sa kabila noon, kay Mameng ay naglaho mandin ang liwanag. Ang mga pangako ni Maneng ay parang nakikinita niyang sa tubig lamang napaguhit. Hindi naman tumpak na ang kaligayahan ay agawin niya kay Nati.
Natatayo siya sa isang kalagayang alanganin, at, walang wala nang nalalabi sa kanya kungdi ang bakas ng yumaong pagkasungabang.