XI KABANATASA BAILUHANANG mga hapag ng kainan ay pulupulutong tandang matalinong nangangasiwa ng tanghalian ay nagpapakilala ng kanyang kasanayang maghanda upang ang lahat ng panauhin ay sabay sabay kumain at wala isa mang malipasan ng gutom sa gayong kasaganaan. Ito’y isang mabuting aral sa ating mga piging na boong dingal na idinaraos, nguni’t umasa ka nang madadayukdokpag dika nabilang sa unang dulugan.Ang mga bandurristang Bokawe ay nagpamalas ng kisig sa pamamagitan ng malilinis nilang tugtugin at mga bagong likhang higing silangang pawa. Dumating din kagaya ng inaantabayanan, ang mga orkesta sa kalahatian pa lamang ng pagkain.At bago natapos ang piging ay nagtalumpatian na sa mga ganitong pagtitipon ay sinasamantala ng mga binata natin.Hindi rin naman nagpabaya ang kababaihan: SiBg.Laurel ay nagparingig ng isang magandang tula niya na bilang paligsa sa mga tula nina Ben-Ruben at Gatmaitan na isinasalit sa bawa’t talumpati.Si Tomas ay isang mabutingToastmasterna sa boong panahon na sila’y nagsasalosalo ay di nagpabayang di ang piging na yaon ay maging isang makabagong lamayan, na ang tula, talumpati, alak, tugtugin at lapang-lapang na ulam na ilinilibotay tumapos ng kulang kulang na tatlong oras; panahong labislabis upang ang mga orkesta ay makakain, makapaglatag ng mgaatrilat sa isang kisap mata pagkaliban ng sandaling salitaan at pagiimis ng mga hapag ay pasimulan na ang pagsamba kayTersipcoresa malawak na Halamanan.Angrigodonna siyang unang bilang ay binuo ng maraming pareha at nagkatapat navissi Mameng at si Nati; kaabay nitong huli si Tomas.Bakit si Maneng ay hindi sumayaw kay Nati?Tumugtog ang isang mainam nahesitation, isang “rag”, isang “fox-trot”, mga “one step”, at iba pang pawang nakakayag sa mga mawiwilihin sa sayaw. Sa kalagitnaan ay nagkaroon ng isang “extra”. Si Mameng at si Selmo ay sumayaw ngTango argentino; nasiyahan sa kanilang ipinakitang kasanayan na hinangaan ng lahat. Si Maneng ay di nakita sa mga Sumamba kayTersipcore. Bakit kaya? Saan kaya nagsuot?...Kay Nati ang kanyang tingin buhat sa isang sanga ng manga na kaniyang pinangublihan.Naglisaw ang mga mapagsamantala sa liklikin ng halamanan. Kaipala’y nangagtatago sandasandali sa mga makasalanang malas upang doo’y magdaos ng mga panandaliang kalayaan na di dapat masaksihan nino man.Si Nati ay nabalisa at hindi matahimik sa bagong inaanyo ni Maneng, na ngayon ay parang suya na at di man lamang lumalapit sa kanyang piling. Bakit kaya?... Minasama kaya niya ang pagkasayaw ngrigodonkay Tomas? Tunay nga at si Nati ay hindi sumayaw na muli pa, nguni’t bakit si Maneng ay malayo, pinanawan niyaong dating masiglang pakikiharap at pagkamairugintuwi na?Sinuliyapan ni Nati ang “Bwick” at nasa sa kaniyang dating tayo na parang isang kimpal na bakal na walang buhay. Animo’y isang kanuno na nagpapangilabot sa kanyang katawan.Hindi siya matahimik. Hinanap niya sa lahat ng sulok at parang nagtatagong hindi niya mahuli.Ang hapon ay hapo na. Ang mga parol ay nagniningningan na sa mga sanga ng halaman na parang mga alitaptap na nangakadapo. Ang mga ilawang gasolina na nakatirik nglayo-layo sa mga baybay ng bakuran ay nakikibanga at di nanaghili sa maniningas navoltaicong Kamaynilaan.Gugol na walang patumanga ang ibinadha saan mang dako. Lahat ay sakbibi ng tuwa at ligaya; nguni’t bakit si Maneng ay hindi makisalamuha sa karamihan?Patuloy ang paghanap ni Nati at nang dinalaw na yata ng yamot ay lumikmo sa lilim ng puno ng manga at doo’y handang tangisan magisa ang kaniyang kulang palad na kalagayan.Dito nababakas niya na sa isang iglap na ligaya ay tali-taling hirap ang kakambal, sa gitna ng langit-langitang yaon ng tuwa ay isang malawak na dagat ng kapanglawan ang kaniyang tinatawid.Dalawang mabangong kamay ang sabay na tumutop sa kaniyang mata buhat sa dakong likuran, na parang siya’y pinapanghuhula.Hinawakan niya ng banayad na parang kinikilala at saka nagsabi:—Maneng!... Naku si Maneng naman!... Saan ka ba nagsuot?—Nati. May kasalanan ka sa akin, kasalanang walang kapatapatawad. Alalahanin mo.—Ang boong tamis na sabi ng binata.—Ano kaya ang ginawa ko, na isinukal ng iyong loob?...Wala akongmaala-ala Maneng!... Wala akong maala-ala!—Wala kang ma-alaala?...—Wala nga Maneng, ano ba yaon?—Ano yaon!... Salamat Nati, talagang wala nga.—Bakit ba naman ganyan ka Maneng!... Ngayon pa namang ako’y umaasang ang ligaya ko’y ganap ay saka ka pa nagalit. Bakit di mo sabihin kung ano yaon?Tinitigan ng binata ng ubos kayang pag-irog at saka nagpatuloy:—Ako’y talagang iyong-iyo Nati at talagang dahil sa iyo lamang kaya ko minamahal yaring buhay... nguni’t...—Nguni’t ano? Kay tatalim ng iyong pangungusap.—Nguni’t hindi mo ako iniibig Nati.—Hindi kita iniibig? Kung ang mga dahon ng mangangito’y maaaring magsalita, sinaksihan ako marahil ngayon at pinabulaanan ang paratang mo. Huwag mo akong pahirapan Maneng. Para mo nang awa.At nayukayok na luhaluhaan ang mata.Sinapupo ni Maneng ang kaniyang giliw;pinahidng saganang halik ang mga luha, at saka tumugon:—Nati—anya—Natalastas kong wala kang kasalanan at ang kamalian mo’y ang di mo pagkakilalang ganap sa akin.—Ano ba yang naging kasalanan ko, Maneng?—Inaantay ko sanang ako ang kasayawin mo saRigodon,Nati.—Ah!... Oh patawarin mo ako Maneng. Patawarin mo ako at di na muling mangyayari ang gayon.—Wala na sa akin yaon Nati. Talagang wala, isang kabaliwan ko lamang yaon.—At sa bawa’t patlang ng salita’y binubusog sa halik ng boong pagpapasasa ang magandang binibini.Isang mainam na “hesitation” ang ipinaringig ng orkesta at buhat sa puno ng manga ay binagayan nila ng bugso bugsong halikan, ang tugtugin.—Siya na naman Maneng, ako’y hapong hapo na—ang boong lamyos ni Nati.—Isa na lamang—ang tawad ni Maneng—Isa na lamang!—Siya na!... Oh! ano pa naman ang ibig mo...—Isa pa, Nati, isa na lamang... Totoong-totoo na isa na lamang.—Naman!... Maano namang siyana... Naku!... ito namang si Maneng.At kapuwa nalasing ang dalawang puso sa kanilang pagka lingid sa mga malas ng matang makasalanan.Si Maneng na talagang linikha yata upang pasakitan ng mga lipi ni Eva ay may napapansing isang maliit na bagay na ipinanglalamig ng kanyang puso. Bakit di ginagamit ni Nati ang imperdibleng kaniyang binile upang gamitin pa naman sa Marilao?Hindi niya napansin na yao’y ibinigay kay Binay at nang kaniyang mapuna na di ginagamit ay kinabukasan na sa sayawan.Tinutupok mandin siya ng nasa na alamin kung bakit di ginagamit ni Nati, nguni’t iginalang niya ang lihim na yaon, manatili lamang sa kanila ang katahimikan.Si Nati naman ay tiwalang tiwala na ang kaniyang kabiglaanang yaon ay maaaring ikagagalit ni Maneng, kaya di makapangahas na yao’y ipagtapat at ang imperdible sa ganang kay Maneng at kay Nati ay umidlip sa sinapupunan ng isang lihim na mahiwaga.At sa tuwi na silang magtatagpo ay lalong maningas ang pag-ibig ni Nati, lalong malambing, lalong boong tiwalang isinasa kamay ni Maneng ang boong buhay.Nguni’t ang imperdibleng yaon ay nagiging ulap kay Maneng.Usisain ko na kaya kay Nati? ang tanong sa sarili. At ang tugon: Oh! Hintay. Ang lalaking mapagusisa ay hangal. Ang lalaki ay dapat makiramdam at gumawa.

XI KABANATASA BAILUHAN
ANG mga hapag ng kainan ay pulupulutong tandang matalinong nangangasiwa ng tanghalian ay nagpapakilala ng kanyang kasanayang maghanda upang ang lahat ng panauhin ay sabay sabay kumain at wala isa mang malipasan ng gutom sa gayong kasaganaan. Ito’y isang mabuting aral sa ating mga piging na boong dingal na idinaraos, nguni’t umasa ka nang madadayukdokpag dika nabilang sa unang dulugan.
Ang mga bandurristang Bokawe ay nagpamalas ng kisig sa pamamagitan ng malilinis nilang tugtugin at mga bagong likhang higing silangang pawa. Dumating din kagaya ng inaantabayanan, ang mga orkesta sa kalahatian pa lamang ng pagkain.
At bago natapos ang piging ay nagtalumpatian na sa mga ganitong pagtitipon ay sinasamantala ng mga binata natin.
Hindi rin naman nagpabaya ang kababaihan: SiBg.Laurel ay nagparingig ng isang magandang tula niya na bilang paligsa sa mga tula nina Ben-Ruben at Gatmaitan na isinasalit sa bawa’t talumpati.
Si Tomas ay isang mabutingToastmasterna sa boong panahon na sila’y nagsasalosalo ay di nagpabayang di ang piging na yaon ay maging isang makabagong lamayan, na ang tula, talumpati, alak, tugtugin at lapang-lapang na ulam na ilinilibotay tumapos ng kulang kulang na tatlong oras; panahong labislabis upang ang mga orkesta ay makakain, makapaglatag ng mgaatrilat sa isang kisap mata pagkaliban ng sandaling salitaan at pagiimis ng mga hapag ay pasimulan na ang pagsamba kayTersipcoresa malawak na Halamanan.
Angrigodonna siyang unang bilang ay binuo ng maraming pareha at nagkatapat navissi Mameng at si Nati; kaabay nitong huli si Tomas.
Bakit si Maneng ay hindi sumayaw kay Nati?
Tumugtog ang isang mainam nahesitation, isang “rag”, isang “fox-trot”, mga “one step”, at iba pang pawang nakakayag sa mga mawiwilihin sa sayaw. Sa kalagitnaan ay nagkaroon ng isang “extra”. Si Mameng at si Selmo ay sumayaw ngTango argentino; nasiyahan sa kanilang ipinakitang kasanayan na hinangaan ng lahat. Si Maneng ay di nakita sa mga Sumamba kayTersipcore. Bakit kaya? Saan kaya nagsuot?...
Kay Nati ang kanyang tingin buhat sa isang sanga ng manga na kaniyang pinangublihan.
Naglisaw ang mga mapagsamantala sa liklikin ng halamanan. Kaipala’y nangagtatago sandasandali sa mga makasalanang malas upang doo’y magdaos ng mga panandaliang kalayaan na di dapat masaksihan nino man.
Si Nati ay nabalisa at hindi matahimik sa bagong inaanyo ni Maneng, na ngayon ay parang suya na at di man lamang lumalapit sa kanyang piling. Bakit kaya?... Minasama kaya niya ang pagkasayaw ngrigodonkay Tomas? Tunay nga at si Nati ay hindi sumayaw na muli pa, nguni’t bakit si Maneng ay malayo, pinanawan niyaong dating masiglang pakikiharap at pagkamairugintuwi na?
Sinuliyapan ni Nati ang “Bwick” at nasa sa kaniyang dating tayo na parang isang kimpal na bakal na walang buhay. Animo’y isang kanuno na nagpapangilabot sa kanyang katawan.
Hindi siya matahimik. Hinanap niya sa lahat ng sulok at parang nagtatagong hindi niya mahuli.
Ang hapon ay hapo na. Ang mga parol ay nagniningningan na sa mga sanga ng halaman na parang mga alitaptap na nangakadapo. Ang mga ilawang gasolina na nakatirik nglayo-layo sa mga baybay ng bakuran ay nakikibanga at di nanaghili sa maniningas navoltaicong Kamaynilaan.
Gugol na walang patumanga ang ibinadha saan mang dako. Lahat ay sakbibi ng tuwa at ligaya; nguni’t bakit si Maneng ay hindi makisalamuha sa karamihan?
Patuloy ang paghanap ni Nati at nang dinalaw na yata ng yamot ay lumikmo sa lilim ng puno ng manga at doo’y handang tangisan magisa ang kaniyang kulang palad na kalagayan.
Dito nababakas niya na sa isang iglap na ligaya ay tali-taling hirap ang kakambal, sa gitna ng langit-langitang yaon ng tuwa ay isang malawak na dagat ng kapanglawan ang kaniyang tinatawid.
Dalawang mabangong kamay ang sabay na tumutop sa kaniyang mata buhat sa dakong likuran, na parang siya’y pinapanghuhula.
Hinawakan niya ng banayad na parang kinikilala at saka nagsabi:
—Maneng!... Naku si Maneng naman!... Saan ka ba nagsuot?
—Nati. May kasalanan ka sa akin, kasalanang walang kapatapatawad. Alalahanin mo.—Ang boong tamis na sabi ng binata.
—Ano kaya ang ginawa ko, na isinukal ng iyong loob?...Wala akongmaala-ala Maneng!... Wala akong maala-ala!
—Wala kang ma-alaala?...
—Wala nga Maneng, ano ba yaon?
—Ano yaon!... Salamat Nati, talagang wala nga.
—Bakit ba naman ganyan ka Maneng!... Ngayon pa namang ako’y umaasang ang ligaya ko’y ganap ay saka ka pa nagalit. Bakit di mo sabihin kung ano yaon?
Tinitigan ng binata ng ubos kayang pag-irog at saka nagpatuloy:
—Ako’y talagang iyong-iyo Nati at talagang dahil sa iyo lamang kaya ko minamahal yaring buhay... nguni’t...
—Nguni’t ano? Kay tatalim ng iyong pangungusap.
—Nguni’t hindi mo ako iniibig Nati.
—Hindi kita iniibig? Kung ang mga dahon ng mangangito’y maaaring magsalita, sinaksihan ako marahil ngayon at pinabulaanan ang paratang mo. Huwag mo akong pahirapan Maneng. Para mo nang awa.
At nayukayok na luhaluhaan ang mata.
Sinapupo ni Maneng ang kaniyang giliw;pinahidng saganang halik ang mga luha, at saka tumugon:
—Nati—anya—Natalastas kong wala kang kasalanan at ang kamalian mo’y ang di mo pagkakilalang ganap sa akin.
—Ano ba yang naging kasalanan ko, Maneng?
—Inaantay ko sanang ako ang kasayawin mo saRigodon,Nati.
—Ah!... Oh patawarin mo ako Maneng. Patawarin mo ako at di na muling mangyayari ang gayon.
—Wala na sa akin yaon Nati. Talagang wala, isang kabaliwan ko lamang yaon.—At sa bawa’t patlang ng salita’y binubusog sa halik ng boong pagpapasasa ang magandang binibini.
Isang mainam na “hesitation” ang ipinaringig ng orkesta at buhat sa puno ng manga ay binagayan nila ng bugso bugsong halikan, ang tugtugin.
—Siya na naman Maneng, ako’y hapong hapo na—ang boong lamyos ni Nati.
—Isa na lamang—ang tawad ni Maneng—Isa na lamang!
—Siya na!... Oh! ano pa naman ang ibig mo...
—Isa pa, Nati, isa na lamang... Totoong-totoo na isa na lamang.
—Naman!... Maano namang siyana... Naku!... ito namang si Maneng.
At kapuwa nalasing ang dalawang puso sa kanilang pagka lingid sa mga malas ng matang makasalanan.
Si Maneng na talagang linikha yata upang pasakitan ng mga lipi ni Eva ay may napapansing isang maliit na bagay na ipinanglalamig ng kanyang puso. Bakit di ginagamit ni Nati ang imperdibleng kaniyang binile upang gamitin pa naman sa Marilao?
Hindi niya napansin na yao’y ibinigay kay Binay at nang kaniyang mapuna na di ginagamit ay kinabukasan na sa sayawan.Tinutupok mandin siya ng nasa na alamin kung bakit di ginagamit ni Nati, nguni’t iginalang niya ang lihim na yaon, manatili lamang sa kanila ang katahimikan.
Si Nati naman ay tiwalang tiwala na ang kaniyang kabiglaanang yaon ay maaaring ikagagalit ni Maneng, kaya di makapangahas na yao’y ipagtapat at ang imperdible sa ganang kay Maneng at kay Nati ay umidlip sa sinapupunan ng isang lihim na mahiwaga.
At sa tuwi na silang magtatagpo ay lalong maningas ang pag-ibig ni Nati, lalong malambing, lalong boong tiwalang isinasa kamay ni Maneng ang boong buhay.
Nguni’t ang imperdibleng yaon ay nagiging ulap kay Maneng.
Usisain ko na kaya kay Nati? ang tanong sa sarili. At ang tugon: Oh! Hintay. Ang lalaking mapagusisa ay hangal. Ang lalaki ay dapat makiramdam at gumawa.