XVIII KABANATASAPANTAHANG NAGBAGONAGPATULOY si Maneng sa Luneta upang magparaan ng oras yamang maaga pa rin.Ang araw ay kasalukuyang lumiliblib na sa mga bundukin ng Bataan at ang kaniyang mga huling sinag ay naglalagak sa langit ng mga bakas na pula na parang anag-ag ng isang malaking sunog.Ang mga balatkayo sa kabi-kabila ay nangagtatawanan, nangagsasayawan, at ang kanilang mga boses na iniimpit upang huwag mangakilala ay nagpaparingig ng isang tinig na nakapamumuhi.Ang mgaconfettiay parang gamogamong nagliliparan ngboongsaya at ang isang angaw na ilaw na napipiit sa loob ng kaharian ni Momo ay nagsisikip at nasasaklaw niya sampu ng papawirin na sa kanya’ytumutunghayat nanunuod mandin ng kahangalang ginawa ng mga tao na hibang na hibang sa malaking kasayahan.Ang mga kuwitis na pagputok ay animo’y bituing nadurog ay naglalaganap sa sapot na itim ng gabi ng mga sarisaring kulay na animo’y lumulutang sa dagat ng hangin na na sa papawirin.Ang mga pananglaw ay nagsalisalimbay sa apat na sulok ng kaharian ni Momo, at ang kanilang liwanag ay gumagapi sa angaw angaw na ilaw na nagpaparingalan.Ang taong parang hinahalo ay parang agos na sinasakmal ng malalaking pintuan ngCiudad, na boong Maynila ma’y makapagsasayaw marahil sa loob ng maaliwalas niyang mga lansangan.Ang mga takilla ay punuan at bawa’t isa ay nagsusumiksik na makapaghulog doon ng kanyang buwis kay Momo, upang makapasok; kung ganito ang sigasig ng tao upang mamili ngbonong Kalayaan, sampuong Alemania man marahil ay napuksa na sa pesepesetang sa kanila ay tatabon.Ang mgatramviaay parang prusision na di makalakad halos, ang mgaautoat karromata ay nagsisikip sa boong hinabahaba ng Bagong-bayan at taong lubhang makapal na halo-halo, may balat kayo at wala man, ang animo’y alon ng isang sinisigwang dagat.Parang hinahalina si Maneng ng gayong kasiglahan.Nang bagot na si Maneng sa loob ngautong panonood ay humandang siya naman ang panoorin at nagkubling sandali sa isang lansangang madilim at ang kanyang katawang may kasuotang buo ay isinuot na pamuli pa sa kanyang taglay naPierrotat anggorraatantifasay isinuot pagdaka.Pinatigil angautosa salikop ng San Luis at Daang Bago at saka ipinagbilen kay Ikong na maghintay doon hangang siya’y bumalik. At lumusong nang napatangay sa agos ng tao na naguumugong sa loob at labas ngCiudad.Ang biruan sa loob ngCiudaday nasa kanyang kainitan. Ang babaing walang balat-kayo at naparoon upang manood ng kasayahan ay siyang nagiging panoorin ng madla kung pagdumugan ng isang kawang balat-kayo atbombarheohinng kanilangconfettina pambati.Lubhang maraming tao, ang magsaya lamang ay di marunong, at sa ganitong kataon nakikilala ang mga taong may uring mahal.Ang pulutong na unang tinamaan ng malas ni Maneng ay pulutong ng mga taong hamak, na, sa loob ng balatkayo nila ay nanganganinag ang isang kaugalian at asal na binatbat ng kasamaan.Ang mga babai ay boong kalapastanganan nilang binibirong birong malalaswa, at kung may lalaking magtangol ay kanilang tinatampalasan at ang gayon ay sinasamantala upang ang lokbotan ay linisin. Lupon daw yaon umano ng mgaApaches.Nagmamadali si Maneng na lumayo sa kawang yaon na nakaririmarim, at lumibot sa ibang dako ngCiudadupang humanap ng ibang panoorin na makasisiya ng loob.At talagang napakasarap na maglibang na parang isang ulol sa gitna ng kanyang mga kasamahan sa loob ng isang Ampunang ganoong kalaki.Kilala niyang halos ang mga mukhang hindi natatakpan ng maskara oantifasman lamang, samantalang siya’y nakalalapit sa siping ng lalong matalik na kaibigan ng di man lamang siya napapansin.Magdadalawang oras ang nakaraan nang di man lamang siya nainip, at nang sumagi sa kanyang ala-ala ang lumapit sa gusali ngMeralcoay malapit nang tugtugin ang ikapito ng gabi.Napaurong siya nang mapagmalas na ang mga kawan ng mgaApachesay naroon pa rin at umuugong na parang mga sinumpa at ang hinaharap ay isang pulutong ng mga balatkayong may mariringal na karamtan.Malayo pa siya’y napansin na niya ang kulay perlas na damit ni Nati na napatiwalag sa mga kasama na siyang hinaharap ng pulutong ng mga masasamang kaugaliang tao.Halos kinapos siya ng panahon sa paglapit sa inaakala niyang si Nati na pagkakita sa kanya ay isinaklit kaagad ang bulak niyang kamay sa bisig na kanyang ihinandog.At itinulak sila ng agos ng tao na ilinayo nang ilinayo sa liwanag na kinalalagyan ng palalong gusali ng mga ilaw.At ang kanyang kamay ay isinaklit sa bayawang ng balat kayo na di pa nagsasalita hangang noon, upang pagtamasahan marahil ang handog ng pagkakataon na pawang pangpapasariwa sa kanyang pita na pinaglalabanan ng gayon na lamang.At sila’y lumabas sa pintuan ngCiudadsa dakong timog na walang lubhangmaramingtao, di gaya nang nakaharap sa kalunuran.At sa di na yata mapaglabanan ni Maneng ay ilinilis ang talukbong ng balatkayo at boong bilis na ibinunto sa magandang mukha ang busog sa suyong halik.—Maneng!... Ano naman iyang ginagawa mo?—ani Mameng na dili iba’t ang nagsuot ng balatkayo ni Nati.Si Maneng ay natigilang sandali at di nakaimik, nguni’t gaya niyang mga lalaking walang sawa sa mga handog na di inaantabayanan ng pagkakataon ay boong tapang na tumugon.—Huwag kang magtaka Mameng, at kung hindi ko ipinahalata sa iyo noon pang araw ang bukong ito ng puso, ay dahilan sa walang pagkakataon na gaya nito.—Oh Maneng!... Kalupitan na yang ginagawa mo sa akin.—Hindi Mameng; hindi, maniwala ka. At kung ang ikasampung bahagi man lamang ng mga lihim na tadhana sa tao ay iyong makikilala kaipala’y di mo pagtatakhan.At isinakay pagdaka saautoat sa laki ng pagkahanga ni Ikong ay napahatid sa bahay si Maneng.—Ito lamang ang babai na dadalhin ng aking panginoon sa sariling tahanan—anangChaufeur, samantalang angautoay parang limbas na lumalayo sa kaharian ng tawanan, at si Maneng at si Mameng ay naglalatang kapuwa sa pagkakapagisang yaon na lingid sa mga malas ng tao.—Hindi mo nalalaman Mameng ang isang malaking bagay na nangyari. Oh! kay lungkot gunitain.—Ano yaon Maneng?—Na si Nati ay di tapat sa akin.—Si Nati?... At bakit?—Ah!... Ang babai ay babai kailan man—at isang katahimikang kakilakilabot ang naghari.—Si Nati ay di tapat sa akin—ang patuloy—at linoob ni Bathala na kita’y magkaniig upang sa iyo ko maihinga ang sama niyaring loob.—Bakit?Anoang nangyari? Dapat ko bang malaman?—Bakit hindi? Ang imperdible na ihinandog ko sa kanya’y kanyang winalang kabuluhan; hindi niya minahal at pinalibhasa dahil marahil sa yaon ay galing sa akin.Naala-ala ni Mameng na ang imperdible ay iginawad kay Binay nang mabangga ngautoang karretelang kinalululanan noon; nguni’t di man umimik.—Talagang ako’y sawi sa pag-ibig Mameng. Kailan kaya ako makatatagpo ng isang magtatapat sa akin.—Si Nati ay tapat sa iyo Maneng.—Tapat!... Nalalaman ng Dios...Si Mameng ay nanliliit, hindi makakibo man lamang.At sa piling ng binatang yaon ay waring natatakot at nababalisa. Ang puso niya’y tumitibok ng pangamba.—Ang imperdible ko ay nasa kamay ng ibang lalaki, nguni’t pinagbayaran niya ng mahal ang paggamit ng di sarili. Sinukat niya ang mga baldosa saLa Campanaat kumain siya ng lupa, sa pamamagitan ng isang suntok na di ko napigilan.—Ano ang wika mo Maneng?—Na ang imperdible ko ay nakita ko kay Tomas, yaong manunulat na kinasayaw ni Nati ng Rigodon sa Marilaw.—Oh! hindi; hindi magkakagayon. Nalalaman ko kung kangino niya iginawad ang imperdible.—Kangino Mameng? Kangino? Turan mo.—Sa babaing nabangga ng atingAuto—ang salo ni Mameng—Naaala-ala mopa ba?Hindi mawatasang gaano ni Maneng ang pabulaan ng babai. Lalong nagdilim ang liwanag na kanyang natataho. Angautoay sumapit sa kanyang bahay.Si Orang sa kabilang dako na di man lamang tumatangap ng kasagutan ng kanyang mga pabilin at liham kay Maneng ay nagbihis ng tapang at lakas ng loob ina. Binihisan ang kanyang mutyang sangol at nagpaumat-umat na nagbabantay sa tapat ng bahay ni Maneng.At nang makitang may tumigil naauto, ang pintuan ay nabuksan at nakiyat ang dalawang balatkayo ay para siyang dinagukan.Wala na siyang agam na di si Maneng ay may ibang kalaguyo kung kaya siya pinababayaan.At lalong sumasal ang nasa niyang makipagkita upang kanyang tapunan kahit na iisang irap, sa harap ng sangol niyang anak, na bunga ng sinumpang sandali, na siya’y parahuyo sa binatang walang kaloluwa.Si Gorio ay sumalubong kay Orang at anya:—Mahal na Ginang: Patawarin po ninyo ako na huwag ko kayong papasukin; bilin po ng aking panginoon na huwag kong papasukin kahit sino.—Ang biling yaon ay hindi kakapit sa ina ng kanyang anak.At sa pilitan at pakiusapan, upang huwag mabulahaw ang dalawang pusong kaipala’y naglalasing na kasalukuyan, ay pinahintulutan din si Orang na makapasok, nguni’t mapayapang naghintay ng kanyang oras, na ikapagkikita kay Maneng.At sa gitna ng maringal na bahay ni Maneng na punong-puno ng mga palamuti at hiyas ay dalawang puso ang kasalukuyang nabibilanggo: Si Mameng na bago pa lamang tumutungga sa saro ng buhay at si Orang na nakakilala na ng mapait na bunga ng gayong ginintuang pangarap na panandalian.—Naku Maneng!...... Ang ginawa mong ito sa akin. Paano ako ngayon?—Ano ang iyong inaala-ala Mameng? Natatakot ka bang tumangis sa piling ko?—Natatakot ako Maneng sa nahahandang bukas sa aking palad.—Sa piling ko Mameng ay walang sawi. Maniwala ka.—Ano ang mukhang ipakikita ko kay Nati?—Si Nati ay isang babaing malihim Mameng, at sa kanyang mga himala ay ipinatibong niya ako sa isang kahalay-halay na katayuan.—Ano ang sabi mo, Maneng?—Na si Nati ay di tapat na umibig. Oh wala pa akong natatagpuang tapat na umibig hangang ngayon.—May patunay ka ba noon Maneng?—Bakit wala?At hinalungkat ang retrato at doo’y ipinalpal kay Mameng ang kanilang dalawang larawan na sa isang pagkakataon ay nakapisan si Tomas.—Oh... Eh ano ang ibig mong sabihin niyan Maneng?—Nakikita mo ang lalaking yaon?—Oo nakikita ko, nguni’t hindi ko nakikilala.—Hindi mo nakikilala ang nakasayaw ni Nati ngRigodonsa Marilao?—Ah!... Ang manunulat.—Oo, si Tomas ang kanina’y kamuntik ko ng binunutan ng dila.—Naku?—Sa pagka’t ang imperdibleng sadyang ipinagawa ko upang gamitin ni Nati sa Marilao ay ipinagkaloob sa kanya, at ano ang malay ko kung ano ang kasama noon nang kanyang ipagkaloob.—Oh, iyan ang di ko matutulutang paniwalaan mo. Ang imperdible ni Nati ay nakita ng dalawa kong mata ng ibigay sa kulang palad na babaing nabanga natin ngauto. Sinabi ko na ito sa iyo kangina pa; si Nati ay hindi taksil.—Oh Mameng anong pagkabutibuti mong pinsan—at sinilsil na muli ng halik si Mameng. Walang salang di ang huling halik na yaon ay patungkol kay Nati.At sinabayan ng tindig at parang inaanyayahan ang babai na magbihis na at muling ihatid sa pinangalingan.Ang larawan ni Binay na pumipiling kay Orang sa pagkataksil ay nakikinikinita mandin.—Hindi na ako makauuwi pa Maneng.... Hindi na nga.At tinutop ni Maneng ng dalawang palad ang ulo na puputok mandin.Anong laking gusot ang nakabanta sa kanyang palad.

XVIII KABANATASAPANTAHANG NAGBAGO
NAGPATULOY si Maneng sa Luneta upang magparaan ng oras yamang maaga pa rin.
Ang araw ay kasalukuyang lumiliblib na sa mga bundukin ng Bataan at ang kaniyang mga huling sinag ay naglalagak sa langit ng mga bakas na pula na parang anag-ag ng isang malaking sunog.
Ang mga balatkayo sa kabi-kabila ay nangagtatawanan, nangagsasayawan, at ang kanilang mga boses na iniimpit upang huwag mangakilala ay nagpaparingig ng isang tinig na nakapamumuhi.
Ang mgaconfettiay parang gamogamong nagliliparan ngboongsaya at ang isang angaw na ilaw na napipiit sa loob ng kaharian ni Momo ay nagsisikip at nasasaklaw niya sampu ng papawirin na sa kanya’ytumutunghayat nanunuod mandin ng kahangalang ginawa ng mga tao na hibang na hibang sa malaking kasayahan.
Ang mga kuwitis na pagputok ay animo’y bituing nadurog ay naglalaganap sa sapot na itim ng gabi ng mga sarisaring kulay na animo’y lumulutang sa dagat ng hangin na na sa papawirin.
Ang mga pananglaw ay nagsalisalimbay sa apat na sulok ng kaharian ni Momo, at ang kanilang liwanag ay gumagapi sa angaw angaw na ilaw na nagpaparingalan.
Ang taong parang hinahalo ay parang agos na sinasakmal ng malalaking pintuan ngCiudad, na boong Maynila ma’y makapagsasayaw marahil sa loob ng maaliwalas niyang mga lansangan.
Ang mga takilla ay punuan at bawa’t isa ay nagsusumiksik na makapaghulog doon ng kanyang buwis kay Momo, upang makapasok; kung ganito ang sigasig ng tao upang mamili ngbonong Kalayaan, sampuong Alemania man marahil ay napuksa na sa pesepesetang sa kanila ay tatabon.
Ang mgatramviaay parang prusision na di makalakad halos, ang mgaautoat karromata ay nagsisikip sa boong hinabahaba ng Bagong-bayan at taong lubhang makapal na halo-halo, may balat kayo at wala man, ang animo’y alon ng isang sinisigwang dagat.
Parang hinahalina si Maneng ng gayong kasiglahan.
Nang bagot na si Maneng sa loob ngautong panonood ay humandang siya naman ang panoorin at nagkubling sandali sa isang lansangang madilim at ang kanyang katawang may kasuotang buo ay isinuot na pamuli pa sa kanyang taglay naPierrotat anggorraatantifasay isinuot pagdaka.
Pinatigil angautosa salikop ng San Luis at Daang Bago at saka ipinagbilen kay Ikong na maghintay doon hangang siya’y bumalik. At lumusong nang napatangay sa agos ng tao na naguumugong sa loob at labas ngCiudad.
Ang biruan sa loob ngCiudaday nasa kanyang kainitan. Ang babaing walang balat-kayo at naparoon upang manood ng kasayahan ay siyang nagiging panoorin ng madla kung pagdumugan ng isang kawang balat-kayo atbombarheohinng kanilangconfettina pambati.
Lubhang maraming tao, ang magsaya lamang ay di marunong, at sa ganitong kataon nakikilala ang mga taong may uring mahal.
Ang pulutong na unang tinamaan ng malas ni Maneng ay pulutong ng mga taong hamak, na, sa loob ng balatkayo nila ay nanganganinag ang isang kaugalian at asal na binatbat ng kasamaan.
Ang mga babai ay boong kalapastanganan nilang binibirong birong malalaswa, at kung may lalaking magtangol ay kanilang tinatampalasan at ang gayon ay sinasamantala upang ang lokbotan ay linisin. Lupon daw yaon umano ng mgaApaches.
Nagmamadali si Maneng na lumayo sa kawang yaon na nakaririmarim, at lumibot sa ibang dako ngCiudadupang humanap ng ibang panoorin na makasisiya ng loob.
At talagang napakasarap na maglibang na parang isang ulol sa gitna ng kanyang mga kasamahan sa loob ng isang Ampunang ganoong kalaki.
Kilala niyang halos ang mga mukhang hindi natatakpan ng maskara oantifasman lamang, samantalang siya’y nakalalapit sa siping ng lalong matalik na kaibigan ng di man lamang siya napapansin.
Magdadalawang oras ang nakaraan nang di man lamang siya nainip, at nang sumagi sa kanyang ala-ala ang lumapit sa gusali ngMeralcoay malapit nang tugtugin ang ikapito ng gabi.
Napaurong siya nang mapagmalas na ang mga kawan ng mgaApachesay naroon pa rin at umuugong na parang mga sinumpa at ang hinaharap ay isang pulutong ng mga balatkayong may mariringal na karamtan.
Malayo pa siya’y napansin na niya ang kulay perlas na damit ni Nati na napatiwalag sa mga kasama na siyang hinaharap ng pulutong ng mga masasamang kaugaliang tao.
Halos kinapos siya ng panahon sa paglapit sa inaakala niyang si Nati na pagkakita sa kanya ay isinaklit kaagad ang bulak niyang kamay sa bisig na kanyang ihinandog.
At itinulak sila ng agos ng tao na ilinayo nang ilinayo sa liwanag na kinalalagyan ng palalong gusali ng mga ilaw.
At ang kanyang kamay ay isinaklit sa bayawang ng balat kayo na di pa nagsasalita hangang noon, upang pagtamasahan marahil ang handog ng pagkakataon na pawang pangpapasariwa sa kanyang pita na pinaglalabanan ng gayon na lamang.
At sila’y lumabas sa pintuan ngCiudadsa dakong timog na walang lubhangmaramingtao, di gaya nang nakaharap sa kalunuran.
At sa di na yata mapaglabanan ni Maneng ay ilinilis ang talukbong ng balatkayo at boong bilis na ibinunto sa magandang mukha ang busog sa suyong halik.
—Maneng!... Ano naman iyang ginagawa mo?—ani Mameng na dili iba’t ang nagsuot ng balatkayo ni Nati.
Si Maneng ay natigilang sandali at di nakaimik, nguni’t gaya niyang mga lalaking walang sawa sa mga handog na di inaantabayanan ng pagkakataon ay boong tapang na tumugon.
—Huwag kang magtaka Mameng, at kung hindi ko ipinahalata sa iyo noon pang araw ang bukong ito ng puso, ay dahilan sa walang pagkakataon na gaya nito.
—Oh Maneng!... Kalupitan na yang ginagawa mo sa akin.
—Hindi Mameng; hindi, maniwala ka. At kung ang ikasampung bahagi man lamang ng mga lihim na tadhana sa tao ay iyong makikilala kaipala’y di mo pagtatakhan.
At isinakay pagdaka saautoat sa laki ng pagkahanga ni Ikong ay napahatid sa bahay si Maneng.
—Ito lamang ang babai na dadalhin ng aking panginoon sa sariling tahanan—anangChaufeur, samantalang angautoay parang limbas na lumalayo sa kaharian ng tawanan, at si Maneng at si Mameng ay naglalatang kapuwa sa pagkakapagisang yaon na lingid sa mga malas ng tao.
—Hindi mo nalalaman Mameng ang isang malaking bagay na nangyari. Oh! kay lungkot gunitain.
—Ano yaon Maneng?
—Na si Nati ay di tapat sa akin.
—Si Nati?... At bakit?
—Ah!... Ang babai ay babai kailan man—at isang katahimikang kakilakilabot ang naghari.
—Si Nati ay di tapat sa akin—ang patuloy—at linoob ni Bathala na kita’y magkaniig upang sa iyo ko maihinga ang sama niyaring loob.
—Bakit?Anoang nangyari? Dapat ko bang malaman?
—Bakit hindi? Ang imperdible na ihinandog ko sa kanya’y kanyang winalang kabuluhan; hindi niya minahal at pinalibhasa dahil marahil sa yaon ay galing sa akin.
Naala-ala ni Mameng na ang imperdible ay iginawad kay Binay nang mabangga ngautoang karretelang kinalululanan noon; nguni’t di man umimik.
—Talagang ako’y sawi sa pag-ibig Mameng. Kailan kaya ako makatatagpo ng isang magtatapat sa akin.
—Si Nati ay tapat sa iyo Maneng.
—Tapat!... Nalalaman ng Dios...
Si Mameng ay nanliliit, hindi makakibo man lamang.
At sa piling ng binatang yaon ay waring natatakot at nababalisa. Ang puso niya’y tumitibok ng pangamba.
—Ang imperdible ko ay nasa kamay ng ibang lalaki, nguni’t pinagbayaran niya ng mahal ang paggamit ng di sarili. Sinukat niya ang mga baldosa saLa Campanaat kumain siya ng lupa, sa pamamagitan ng isang suntok na di ko napigilan.
—Ano ang wika mo Maneng?
—Na ang imperdible ko ay nakita ko kay Tomas, yaong manunulat na kinasayaw ni Nati ng Rigodon sa Marilaw.
—Oh! hindi; hindi magkakagayon. Nalalaman ko kung kangino niya iginawad ang imperdible.
—Kangino Mameng? Kangino? Turan mo.
—Sa babaing nabangga ng atingAuto—ang salo ni Mameng—Naaala-ala mopa ba?
Hindi mawatasang gaano ni Maneng ang pabulaan ng babai. Lalong nagdilim ang liwanag na kanyang natataho. Angautoay sumapit sa kanyang bahay.
Si Orang sa kabilang dako na di man lamang tumatangap ng kasagutan ng kanyang mga pabilin at liham kay Maneng ay nagbihis ng tapang at lakas ng loob ina. Binihisan ang kanyang mutyang sangol at nagpaumat-umat na nagbabantay sa tapat ng bahay ni Maneng.
At nang makitang may tumigil naauto, ang pintuan ay nabuksan at nakiyat ang dalawang balatkayo ay para siyang dinagukan.
Wala na siyang agam na di si Maneng ay may ibang kalaguyo kung kaya siya pinababayaan.
At lalong sumasal ang nasa niyang makipagkita upang kanyang tapunan kahit na iisang irap, sa harap ng sangol niyang anak, na bunga ng sinumpang sandali, na siya’y parahuyo sa binatang walang kaloluwa.
Si Gorio ay sumalubong kay Orang at anya:
—Mahal na Ginang: Patawarin po ninyo ako na huwag ko kayong papasukin; bilin po ng aking panginoon na huwag kong papasukin kahit sino.
—Ang biling yaon ay hindi kakapit sa ina ng kanyang anak.
At sa pilitan at pakiusapan, upang huwag mabulahaw ang dalawang pusong kaipala’y naglalasing na kasalukuyan, ay pinahintulutan din si Orang na makapasok, nguni’t mapayapang naghintay ng kanyang oras, na ikapagkikita kay Maneng.
At sa gitna ng maringal na bahay ni Maneng na punong-puno ng mga palamuti at hiyas ay dalawang puso ang kasalukuyang nabibilanggo: Si Mameng na bago pa lamang tumutungga sa saro ng buhay at si Orang na nakakilala na ng mapait na bunga ng gayong ginintuang pangarap na panandalian.
—Naku Maneng!...... Ang ginawa mong ito sa akin. Paano ako ngayon?
—Ano ang iyong inaala-ala Mameng? Natatakot ka bang tumangis sa piling ko?
—Natatakot ako Maneng sa nahahandang bukas sa aking palad.
—Sa piling ko Mameng ay walang sawi. Maniwala ka.
—Ano ang mukhang ipakikita ko kay Nati?
—Si Nati ay isang babaing malihim Mameng, at sa kanyang mga himala ay ipinatibong niya ako sa isang kahalay-halay na katayuan.
—Ano ang sabi mo, Maneng?
—Na si Nati ay di tapat na umibig. Oh wala pa akong natatagpuang tapat na umibig hangang ngayon.
—May patunay ka ba noon Maneng?
—Bakit wala?
At hinalungkat ang retrato at doo’y ipinalpal kay Mameng ang kanilang dalawang larawan na sa isang pagkakataon ay nakapisan si Tomas.
—Oh... Eh ano ang ibig mong sabihin niyan Maneng?
—Nakikita mo ang lalaking yaon?
—Oo nakikita ko, nguni’t hindi ko nakikilala.
—Hindi mo nakikilala ang nakasayaw ni Nati ngRigodonsa Marilao?
—Ah!... Ang manunulat.
—Oo, si Tomas ang kanina’y kamuntik ko ng binunutan ng dila.
—Naku?
—Sa pagka’t ang imperdibleng sadyang ipinagawa ko upang gamitin ni Nati sa Marilao ay ipinagkaloob sa kanya, at ano ang malay ko kung ano ang kasama noon nang kanyang ipagkaloob.
—Oh, iyan ang di ko matutulutang paniwalaan mo. Ang imperdible ni Nati ay nakita ng dalawa kong mata ng ibigay sa kulang palad na babaing nabanga natin ngauto. Sinabi ko na ito sa iyo kangina pa; si Nati ay hindi taksil.
—Oh Mameng anong pagkabutibuti mong pinsan—at sinilsil na muli ng halik si Mameng. Walang salang di ang huling halik na yaon ay patungkol kay Nati.
At sinabayan ng tindig at parang inaanyayahan ang babai na magbihis na at muling ihatid sa pinangalingan.
Ang larawan ni Binay na pumipiling kay Orang sa pagkataksil ay nakikinikinita mandin.
—Hindi na ako makauuwi pa Maneng.... Hindi na nga.
At tinutop ni Maneng ng dalawang palad ang ulo na puputok mandin.
Anong laking gusot ang nakabanta sa kanyang palad.