XXIII KABANATAISANG MATIBAY NA PUSO

XXIII KABANATAISANG MATIBAY NA PUSODUMATING si Maneng sa bahay ng Pastor at doo’y humingi siya ng pahintulot na sila’y magkaniig lamang. At siya’y pinahintulutan at malugod na tinanggap.—Ako’y naparine mahal na Pastor—ani Maneng—upang makipagtalastasan sa inyo ng isang bagay na bagamang maselang ay kailangang lutasin agad.—Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo, Ginoo?—ang tugon ng Pastor.—Ako po ba’y inyo pang naaala-ala?—Patawarin po ninyo ako kung ako’y may mahinang pananda. Kayo po ba ay sino?—Lalo pong mabuti na huwag na ninyo akong makilala.At dinukot ang isang sobre na kinalululanan ng dalawang puo at limangMayonat isinakamay ng Pastor.—Mabuti mahal na Pastor ang magkatalastasang agad.ANG PANAHON DAW PO AY GINTO ANANG MGA INGLES.—“At talastasan daw pong pagbasa ay sinigang manding may lasa” anang salawikain—ang tugon ng Pastor samantalang binubuklat ang mga dadalawampuing piso na sadyang ihinanda ni Maneng upang bulagin ang Pastor at magamit niyang kagaya ng isang kasangkapan sa kapakinabangang sarili.Pagkatapos na mabilang ng Pastor ng boong ingat ay inalis ang salamin sa mata na nakasasagabal mandin kung wala siyang ginagawa at aniya:—Limang daang piso!.....—Opo, limang daang piso, na inyong tunay—at dumakot pang pamuli at iniabot sa Pastor ang isa pang sobre.At binilang pang pamuli ng Pastor ang bungkos ng salapi:—Isang libong piso po ang kabuoan.—May matuwid kayo at iyan ay ipinadadala sa inyo ng isang kaibigan ko, bilang kapalit sa isang bagay na hihilingin naman.—Ano po yaon—at binitiwan ng Pastor ang salapi na pinatawan ng isang pabigat upang huwag manambulat at humingi ng kalayaan kung pahiramin ng hangin ng kaniyang pakpak.—May isang Ginoo po na ikinasal ninyo ng lihim dini sa isang binibining taga Lalawigan.—Ay ano po?—Ang kasulatan po ng kasal na yaon ay nasang mawalan ng bisa o punitin ninyo kaya nang wala ng matunton; at katumbas po noon ang salaping yan na bilang papala sa inyo....At ang dugtong pa ni Maneng:—At maaasahan po ninyo ang bulag na pagkakalinga sa inyo ng isang makapangyarihang kaibigan na magagamit ninyo sa panahong kailanganin.—Mahirap pong totoo ang nasa ninyong bilhin, Ginoo, at di ko po kayang gampanan; kaya’t likumin mo pong muli ang salaping yan na hindi makakatumbas ng nasa ng inyong kaibigan na aking gawin.—At isang libo pa po na idaragdag ko mahal na Pastor upang mahango kayo sa pagaalanganin. Isipisipin mo po ng banayad.—Huwag na kayong mabahala Ginoo—anang Pastor ng buong katiwasayan.—At aayaw ninyong tanggapin ang handog kong ito?—Itago mo po at marahil ay kakailanganin ninyo sa mga araw na haharapin o sa ibang bagay na lalong mahalaga.—Labis po sa akin ang salaping yan, at di yan ang lalong dapat panghinayangan. Ang kalinga ng isang kaibigang makapangyarihan ay di madaling makita sa buhay na ito.—Tunay po Ginoo; nguni’t lalo pong mahirap na hanapin ang isang payapang budhi.—At kayo po ba’y natatakot sa ano man? Yaon po’y isang himaling lamang at di sa nasang makaligalig kangino man.Huwag nga kayong magala-ala na ang Hukuman ay makikialam sa bagay na ito.—Hindi po ako nababahala sa mga Hukuman, hindi rin ako natitigatig sa kalupitan ng mga batas na kung minsan ay naiinis din sa tambak ng salapi.—Tunay ang inyong sinabi at kung kayo’y mapapanganyaya, ay marami tayong salaping magugugol. Maaasahan ninyo ang aking tulong at yamang di naman tayo maaapi ng sino man, ang payapang budhi aysaka na....—Salamat po Ginoo sa inyong walang pangingiming pagwawaldas ng sariling kayamanan na walang salang labis na labis sa mga gugulin ninyong karaniwan, nguni’t...... Lalong mabuti ang inyong gugulin sa ano mang pakikinabangan ng tao at di sa ikapapahamak.—Ang kinatatakutan ko po—ang dugtong pa—ay ang tutol ng sariling budhi, ang pananalig na sarili, at ang malabis kong paniniwala na ang Diyos ay di mapaglalalangan. Sa Kanya’y walang nalilihim.—Ang Diyos mahal na Pastor ay hindi nakikialam sa mga tao.—Patawarin kayo ng Dakilang Manunubos, Ginoo. Hindi ko po matutulutang lumawig ang ganyang panunungayaw sa bahay na ito na kanyang liniliwanagan ng masaganang biyaya.—Kung gayon po’y......Hindi natapos ang sasabihin at ang kamay ng Pastor ay iniabot sa kanya pagkatapos na masamsam ang salapi at sa kanya ay maisauli.Yumaon si Maneng na ngitngit na ngitngit at di na nagpatuloy sa Bokawe gaya ng kanyang tangka.Pinihit angautoat umuwi sa bahay na taglay sa kaloluwa ang isang malaking ligalig.Dumating siya nang boong pagkahanga nang madatnan niya roon si Anselmo at ang kanyang Abogado na nagkakaniig at siya ang pakay.—Limang puong piso po lamang ang multa na kinawian ng basagulo ninyo kahapon mang Maneng—anang Abogado, sa dumatingna binata, at isinasauli ang kalabisan ng salaping kanyang ipinagkatiwala sa kanyang taga-pagtanggol.—Itago ninyo sa inyo kaibigan, at saka na ninyo liwanagin sa akin sa ibang panahon. Iya’y di dapat makabalisa sa inyo.—Dahil lamang dito kung kaya ako naparini; tangi sa roon upang kayo nama’y matahimik at handugan ko ng maligayang bati.—Itinawag na lamang sana ninyo satelefono, sana’y hindi na kayo nagabala.... Ang bagay na yan ay inaasahan kong talagang sa gayon mauuwi, lalo na’t sa ilalim ng inyong pantas na pamamatnugot.—Wala ka pong sukat alalahanin. Nalalaman ninyong ako’y laan sa inyong utos kailan man. Siya po, upang kayo nama’y magkapanahon sa inyong mga ibang kailangan ay yayaon na ako.At ang Abogado ay umalis pagkatapos na makamayan ang dalawang magkaibigan.—Hindi kaumiimikSelmo, ano ang nangyari?—Walang malaking bagay Maneng. Nasa kong pumanatag ka at magusap tayong sumandali.Ang ulo ni Maneng ay nalito. Inakala niyang baka natalastas ni Selmo ang kanilang kasalanan ni Mameng at dahil dito’y natigilan at di makaimik halos.—Tumahimik ka Maneng at walang malaking bagay.—Ano kaya ang maipaglilingkod ko sa iyo Selmo? Bakit kaya sa mukha mo’y nababakas ko ang lumbay?At si Maneng ay naupong balisang-balisa. Natatakot siya sa hiyaw ng sariling kasalanan.—Maneng—ani Selmo—kagabi ay nasalubong ko dine ang magandangfondista, at buhat kagabi ay napapansin kong balisa si Nati. Kangina ay nanggaling ka sa bahay at tayo’y hindi man nagkausap dahilan sa agad kang umalis. Pagkaalis mo’y nagulo na ang ulo ni Nati. Bakit kaya? Ibig mo bang liwanagin sa akin, Maneng?—Wala akong maala-alang ikabagabag niya, Selmo. Si Orang ay isang babaing kilala mo at kilalang lalo ni Nati. Hindi ko matalastas kung ito ang sanhi ng kaniyang kalungkutan.Noong kamakailan ay iliniwanag ko na kay Nati ang katayuan namin ni Orang. Ang mga sulat ni Yoyong ay natuklas ko at ang mga sulat na ito ay nagsasalitang mag-isa. Ito’y nasa sa kanyang lahat.—Huwag nating pagusapan iyan Maneng, at may iba tayong bagay na dapat lutasin. Binanggit ko lamang si Orang sa kadahilanang baka ikaw ay may mahigpit na katayuan sa kanya ay nang huwag naman siyang maapi. Narito Maneng, basahin mo ang sulat ni Nati at saka mo ako tugunin kung ano ang dapat nating gawin.Binasa ni Maneng nangangatal ang liham ni Nati at pagkatapos ay nagsabi:—Selmo tayo na atdi komapapayagang ang isang anghel ng kabaitan ay tumangis; lalo na kung dahil sa akin.At ang magkaibigan ay sabay na nanaog at tinungo ang tahanan ni Selmo.Kapuwa hindi umiimik na tinahak ang lansangan at dumating silang napapahanga sa kanilang dinatnan.Ang Doctor na na sa bulwagan ay kausap ni aling Tayang at ni Mameng. Tahimik na tahimik. Halos anasan ang salitaan.Isang Pari ang nasa loob ng silid at nakayupyop kay Nati; isang sakristan ang nakaluhod na nananalangin at dalawang kandila ang nagniningas sa dambana. ¡Kay lungkot na sandali!Maya-maya ay tumugtog ang kililing ng sakristan na nagbabalitang ang Katawang mahal ni Jesus ay itinatanyag at ang lahat ay nagluhuran at ang pakikinabang ay ginanap ni Nati ng boong pitagan.Natalastas ni Maneng kayDr.F... ang nangyari at paglabas ng Pari ay binalak nila ang isang dagliang kasal kung nabibingit sa kamatayan.... Ito ay isang mabisang biyaya anang Pare.At si Maneng sa gayong katayuan ay parang isang tupana maamong-maamo na sumusunod saan man dalhin; kahit na sa dambana na sa kanya’y pagsusunugan.Sandali pa ang nakaraan at si Nati ay asawang tunay na ni Maneng, pagkatapos ng basbas ng Pare.

DUMATING si Maneng sa bahay ng Pastor at doo’y humingi siya ng pahintulot na sila’y magkaniig lamang. At siya’y pinahintulutan at malugod na tinanggap.

—Ako’y naparine mahal na Pastor—ani Maneng—upang makipagtalastasan sa inyo ng isang bagay na bagamang maselang ay kailangang lutasin agad.

—Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo, Ginoo?—ang tugon ng Pastor.

—Ako po ba’y inyo pang naaala-ala?

—Patawarin po ninyo ako kung ako’y may mahinang pananda. Kayo po ba ay sino?

—Lalo pong mabuti na huwag na ninyo akong makilala.

At dinukot ang isang sobre na kinalululanan ng dalawang puo at limangMayonat isinakamay ng Pastor.

—Mabuti mahal na Pastor ang magkatalastasang agad.ANG PANAHON DAW PO AY GINTO ANANG MGA INGLES.

—“At talastasan daw pong pagbasa ay sinigang manding may lasa” anang salawikain—ang tugon ng Pastor samantalang binubuklat ang mga dadalawampuing piso na sadyang ihinanda ni Maneng upang bulagin ang Pastor at magamit niyang kagaya ng isang kasangkapan sa kapakinabangang sarili.

Pagkatapos na mabilang ng Pastor ng boong ingat ay inalis ang salamin sa mata na nakasasagabal mandin kung wala siyang ginagawa at aniya:

—Limang daang piso!.....

—Opo, limang daang piso, na inyong tunay—at dumakot pang pamuli at iniabot sa Pastor ang isa pang sobre.

At binilang pang pamuli ng Pastor ang bungkos ng salapi:

—Isang libong piso po ang kabuoan.

—May matuwid kayo at iyan ay ipinadadala sa inyo ng isang kaibigan ko, bilang kapalit sa isang bagay na hihilingin naman.

—Ano po yaon—at binitiwan ng Pastor ang salapi na pinatawan ng isang pabigat upang huwag manambulat at humingi ng kalayaan kung pahiramin ng hangin ng kaniyang pakpak.

—May isang Ginoo po na ikinasal ninyo ng lihim dini sa isang binibining taga Lalawigan.

—Ay ano po?

—Ang kasulatan po ng kasal na yaon ay nasang mawalan ng bisa o punitin ninyo kaya nang wala ng matunton; at katumbas po noon ang salaping yan na bilang papala sa inyo....

At ang dugtong pa ni Maneng:

—At maaasahan po ninyo ang bulag na pagkakalinga sa inyo ng isang makapangyarihang kaibigan na magagamit ninyo sa panahong kailanganin.

—Mahirap pong totoo ang nasa ninyong bilhin, Ginoo, at di ko po kayang gampanan; kaya’t likumin mo pong muli ang salaping yan na hindi makakatumbas ng nasa ng inyong kaibigan na aking gawin.

—At isang libo pa po na idaragdag ko mahal na Pastor upang mahango kayo sa pagaalanganin. Isipisipin mo po ng banayad.

—Huwag na kayong mabahala Ginoo—anang Pastor ng buong katiwasayan.

—At aayaw ninyong tanggapin ang handog kong ito?

—Itago mo po at marahil ay kakailanganin ninyo sa mga araw na haharapin o sa ibang bagay na lalong mahalaga.

—Labis po sa akin ang salaping yan, at di yan ang lalong dapat panghinayangan. Ang kalinga ng isang kaibigang makapangyarihan ay di madaling makita sa buhay na ito.

—Tunay po Ginoo; nguni’t lalo pong mahirap na hanapin ang isang payapang budhi.

—At kayo po ba’y natatakot sa ano man? Yaon po’y isang himaling lamang at di sa nasang makaligalig kangino man.Huwag nga kayong magala-ala na ang Hukuman ay makikialam sa bagay na ito.

—Hindi po ako nababahala sa mga Hukuman, hindi rin ako natitigatig sa kalupitan ng mga batas na kung minsan ay naiinis din sa tambak ng salapi.

—Tunay ang inyong sinabi at kung kayo’y mapapanganyaya, ay marami tayong salaping magugugol. Maaasahan ninyo ang aking tulong at yamang di naman tayo maaapi ng sino man, ang payapang budhi aysaka na....

—Salamat po Ginoo sa inyong walang pangingiming pagwawaldas ng sariling kayamanan na walang salang labis na labis sa mga gugulin ninyong karaniwan, nguni’t...... Lalong mabuti ang inyong gugulin sa ano mang pakikinabangan ng tao at di sa ikapapahamak.

—Ang kinatatakutan ko po—ang dugtong pa—ay ang tutol ng sariling budhi, ang pananalig na sarili, at ang malabis kong paniniwala na ang Diyos ay di mapaglalalangan. Sa Kanya’y walang nalilihim.

—Ang Diyos mahal na Pastor ay hindi nakikialam sa mga tao.

—Patawarin kayo ng Dakilang Manunubos, Ginoo. Hindi ko po matutulutang lumawig ang ganyang panunungayaw sa bahay na ito na kanyang liniliwanagan ng masaganang biyaya.

—Kung gayon po’y......

Hindi natapos ang sasabihin at ang kamay ng Pastor ay iniabot sa kanya pagkatapos na masamsam ang salapi at sa kanya ay maisauli.

Yumaon si Maneng na ngitngit na ngitngit at di na nagpatuloy sa Bokawe gaya ng kanyang tangka.

Pinihit angautoat umuwi sa bahay na taglay sa kaloluwa ang isang malaking ligalig.

Dumating siya nang boong pagkahanga nang madatnan niya roon si Anselmo at ang kanyang Abogado na nagkakaniig at siya ang pakay.

—Limang puong piso po lamang ang multa na kinawian ng basagulo ninyo kahapon mang Maneng—anang Abogado, sa dumatingna binata, at isinasauli ang kalabisan ng salaping kanyang ipinagkatiwala sa kanyang taga-pagtanggol.

—Itago ninyo sa inyo kaibigan, at saka na ninyo liwanagin sa akin sa ibang panahon. Iya’y di dapat makabalisa sa inyo.

—Dahil lamang dito kung kaya ako naparini; tangi sa roon upang kayo nama’y matahimik at handugan ko ng maligayang bati.

—Itinawag na lamang sana ninyo satelefono, sana’y hindi na kayo nagabala.... Ang bagay na yan ay inaasahan kong talagang sa gayon mauuwi, lalo na’t sa ilalim ng inyong pantas na pamamatnugot.

—Wala ka pong sukat alalahanin. Nalalaman ninyong ako’y laan sa inyong utos kailan man. Siya po, upang kayo nama’y magkapanahon sa inyong mga ibang kailangan ay yayaon na ako.

At ang Abogado ay umalis pagkatapos na makamayan ang dalawang magkaibigan.

—Hindi kaumiimikSelmo, ano ang nangyari?

—Walang malaking bagay Maneng. Nasa kong pumanatag ka at magusap tayong sumandali.

Ang ulo ni Maneng ay nalito. Inakala niyang baka natalastas ni Selmo ang kanilang kasalanan ni Mameng at dahil dito’y natigilan at di makaimik halos.

—Tumahimik ka Maneng at walang malaking bagay.

—Ano kaya ang maipaglilingkod ko sa iyo Selmo? Bakit kaya sa mukha mo’y nababakas ko ang lumbay?

At si Maneng ay naupong balisang-balisa. Natatakot siya sa hiyaw ng sariling kasalanan.

—Maneng—ani Selmo—kagabi ay nasalubong ko dine ang magandangfondista, at buhat kagabi ay napapansin kong balisa si Nati. Kangina ay nanggaling ka sa bahay at tayo’y hindi man nagkausap dahilan sa agad kang umalis. Pagkaalis mo’y nagulo na ang ulo ni Nati. Bakit kaya? Ibig mo bang liwanagin sa akin, Maneng?

—Wala akong maala-alang ikabagabag niya, Selmo. Si Orang ay isang babaing kilala mo at kilalang lalo ni Nati. Hindi ko matalastas kung ito ang sanhi ng kaniyang kalungkutan.Noong kamakailan ay iliniwanag ko na kay Nati ang katayuan namin ni Orang. Ang mga sulat ni Yoyong ay natuklas ko at ang mga sulat na ito ay nagsasalitang mag-isa. Ito’y nasa sa kanyang lahat.

—Huwag nating pagusapan iyan Maneng, at may iba tayong bagay na dapat lutasin. Binanggit ko lamang si Orang sa kadahilanang baka ikaw ay may mahigpit na katayuan sa kanya ay nang huwag naman siyang maapi. Narito Maneng, basahin mo ang sulat ni Nati at saka mo ako tugunin kung ano ang dapat nating gawin.

Binasa ni Maneng nangangatal ang liham ni Nati at pagkatapos ay nagsabi:

—Selmo tayo na atdi komapapayagang ang isang anghel ng kabaitan ay tumangis; lalo na kung dahil sa akin.

At ang magkaibigan ay sabay na nanaog at tinungo ang tahanan ni Selmo.

Kapuwa hindi umiimik na tinahak ang lansangan at dumating silang napapahanga sa kanilang dinatnan.

Ang Doctor na na sa bulwagan ay kausap ni aling Tayang at ni Mameng. Tahimik na tahimik. Halos anasan ang salitaan.

Isang Pari ang nasa loob ng silid at nakayupyop kay Nati; isang sakristan ang nakaluhod na nananalangin at dalawang kandila ang nagniningas sa dambana. ¡Kay lungkot na sandali!

Maya-maya ay tumugtog ang kililing ng sakristan na nagbabalitang ang Katawang mahal ni Jesus ay itinatanyag at ang lahat ay nagluhuran at ang pakikinabang ay ginanap ni Nati ng boong pitagan.

Natalastas ni Maneng kayDr.F... ang nangyari at paglabas ng Pari ay binalak nila ang isang dagliang kasal kung nabibingit sa kamatayan.... Ito ay isang mabisang biyaya anang Pare.

At si Maneng sa gayong katayuan ay parang isang tupana maamong-maamo na sumusunod saan man dalhin; kahit na sa dambana na sa kanya’y pagsusunugan.

Sandali pa ang nakaraan at si Nati ay asawang tunay na ni Maneng, pagkatapos ng basbas ng Pare.

Back to IndexNext