XXIV NA KABANATAANG PULOT AT GATA

XXIV NA KABANATAANG PULOT AT GATAGUMUHIT sa diwa ni Maneng pagkatapos ng basbas ng Pare at kakilakilabot na wakas na nakahanda sa kanyang palad sa pagkapakasal na yaong muli; hindi kaila sa kanya na pinaguusig at pinarurusahan ng boong lupit ang lumabag sa kautusang yaon;nguni’tsa harap ng mga pangyayari, sa kanyang alang-alang kay Selmo na kanyang pinagkulangan sa tungkuling dapat taglayin ng isang kaibigang tapat, at sa pag-asa niyang si Nati ay walang salang di niya ipagluluksa sa lalong madaling panahon, siya ay napanibulos na lumusong sa balon ng kapanganiban. Nguni’t ang palad niya gaya ng sa lahat ng halaghag ay talagang linikha mandin upang huwag tumahimik; at si Nati laban sa pag-asa nang lahat, na mamamatay na walang sala, ay gumaling pagkakasal niya kay Maneng.At ang lahat ng pangyayari na dapat ikatuwa ni Manéng ay lumilikha sa kanya ng lalong kakilakilabot na sandali, para niyang nakikita na sa kabila ng kaniyang pagkadupilas na yaon ay nabuksan ang mga pintuan ng Bilibid upang siya’y bigyan ng puwang na makapasok, at ang nakapangingilabot na damit bilanggo na halang sa katawan ang guhit, sa lahat ng dako ay siya mandin niyang namamalas. Siya’y kinilabutan.Nguni’t isang kaisipan ang kanyang naaala-ala at anya sa sarili:“Kung tayo’y mamamatay din lamang bukas ano’t di samantalahin ang araw ngayon?”At sinikap niyang limutin ang lahat.Ang tag-init ay nagmamadaling sumasapit pagkaraan ng Karnabal. Ang alinsangan, lalo na dito sa Maynila ay gumagambala sa tanan. Wari lalong mainit ang araw, sampu ng simoy ng hangin ay wari sinasala sa isang malaking siláb: at ang gayari sa lahat ng may mariwasang kabuhayan ay parang nagtataboy upang lumayo sa matao at maingay na Kamaynilaan at humanap ng mga pook na may malamig na singaw. Sa mga piling ng bundok at mga batis.Ang Bagyo ay siyang dayuhan ng mga kagawad ng Pamahalaan, niyang mga pinagpalang mabuhay at magliwaliw sa pamamagitan ng salaping bayan, at ang Marilao, Silang, Sibul, Los Baños at Antipulo ay nagpapangagaw sa ganitong panahon upang kanilang maging panauhin ang nangagsisilayo sa Pangulong Bayan kung tag-init.Si Nati ay magiliw na lumapit kay Maneng at aniya:—Napapansin ko Maneng na palagi kang matamlay; bakit kaya?—Hindi ko maalaman Nati kung bakit; sa katotohana’y hindi ko nararamdamang ako’y namamanglaw. Marahil ang lagim na bumalot sa aking kaluluwa nang tanggapin ko kay Selmo ang huli mong sulat sa pagkadalaga, ay siyang hangga ngayon ay sumusukob sa akin.—Ah Maneng, yaon ay lumipat na sa mga pangyayaring yumaon. Huwag mo nang ikabalisa ang isa kong kabiglaanan ay yao’y bunga ng pagpanaw sa akin ng pag-asa. Subali’t ngayon, ngayong sariling sarili natin ang buhay at walang sagwil na ano man, ang langit ng ating palad ay dapat ng magliwanag,hindi ba?—Yaon ang dapat na mangyari Nati, at ang puso ko’y tigib na tigib sa ligaya, aywan nga lamang kung bakit ang tingin mo’y malungkot ako.—Ang pusong ninibig Maneng ay di madadaya, nararamdaman kong ikaw ay malungkot at kahit na sabihin mong hindi, sa nakikita ko ako maniniwala; ang mga mata mong dating maningning ngayo’y lumamlam ang kiyas mong dating masigla ngayo’y waring hapo at nanlolomo, sa iyong mga masasayangpangungusap na dinudungawan mandin ng masasaya mong diwa, ngayo’y napalitan ng isang pananahimik na kakilakilabot. Ipagtapat mo sa akin Maneng kung ano ang sanhi at nang kita’y madamayan.—Wala Nati, maniwala kang wala—at pinilit na pinadungaw sa kanyang mga labi ang isang ngiting pilit na pilit at binusog sa halik ang mairuging asawa.—Aywan Maneng kung bakit at sa aking puso’y kumakaba ang isang ala-alang nakalulunos. Hindi ba katungkulan ng isang babai ang magtapat sa kanyang pinipintuhong asawa?—Oo, Nati, sa asawa ay walang dapat na ipaglihim.—Yan din ang paniwala ko kaya’t ako’y hindi matahimik.—At bakit Nati, may ilinilihim ka ba sa akin?—Maneng—ani Nati ng boong tamis—Nahulaan mo Maneng ang iwi niyaring puso, gaya nang lahat na mapagmahal na asawa ay nabasa mo sa aking anyo ang isang pagiingat ng karamdamang di maipagtapat, nguni’t yao’y nagbubuhat sa malabis na pagmamahal ko sa iyo Maneng. Hindi ko nais na dahilan sa aking mga kamusmusan ay dalawin ang puso mo ng bakas man lamang ng dalamhati; at di mo pa man ako asawa ay pinagingatan ko nang gayon na lamang ang huwag makapagdulot sa iyo ng anomang isusukal ng loob at yaon ang dahilan ng kung bakit ninasa kong taglayin sa libingan ang kakilakilabot na maling sapantaha na ayaw humiwalay sa akin; nguni’t hinango ako sa libingan ng kabutihan mo Maneng, ng katapatang loob mong umibig, ng karangalan mo sa pagkalalaki na bihirang taglayin ng iba; at dahil dito’y nagkaroon ako sa iyo ng isang kautangang dapat kong gampanan tuwina at ito’y ang lubusang pagtatapat. Hindi ba ikaw ang suhay ng aking kahinaan?—May matuwid ka Nati at ang lahat ng mabuting asawa ay di dapat na magkaroon ng lihim niya na di matatalos ng kanyang kasi sa kanyang kusang loob na pagtatapat.—Eh kung ang lihim Maneng ay makapagkukulimlim ng katahimikan at kapayapaang naghahari?—Ang lalaki Nati ay dapat tuwinang magtaglay ng isang pusong napakalaki at isang diwang matibay upang magkatulongna ibalikat sa ano mang anyo ng unós sa buhay na makagagambala ng kasalukuyang ligaya.—Pinalakas mo ang aking kalooban Maneng at ang lihim ko na kaipala’y siyang tanging sagwil ng ating katahimikan ay pakinggan mo ngayon at kusang loob kong ipagtatapat.—Ano yaon aking giliw? Turan mong agad at sabik na sabik akong magbigay lunas kung ang lihim na yaon ay umiinis nang iyong puso.—Nalalaman mo Maneng. Magmula ng huling gabi ng Karnabal na sa kamusmusan ko’y naisip kong kita’y biruin sa pamamagitan ng pagpapalit ng balatkayo namin ni Mameng; ang araw sa akin magbuhat noon ay nagbawas ng liwanag; ang mga bituwin ay nawalan ng kanilang ningning, at sampu mandin ng mga bulaklak ay nawalan ng samyo at naghubad ng kanilang mariringal na damit. At parang hindi pa nasisiyahan ang maitim kong palad ay inalis sa mga labi mo ang ngiti, kung ako’y iyong kausap; pinawi sa mga kilos mo ang sigla, at ang lalong kalunos-lunos, ay ang dapat na magtapat tuwina sa akin, ang dapat kong paglagakan ng katiwala, damdam ko ba’y siyang mahigpit kong kabasangal. Ito ang sanhi ng kung bakit ninasa ko ang pumayapa. Tulutankayongmagkaroon ng laya at huwag ako ang maging hadlang ng ligaya.—Tulutankamingmaging malaya? Sino ang tinutukoy mo Nati?—Huwag kang magagalit Maneng, hane?—at isinilo ang kanyang mga bisig sa liig ng asawa at sa gitna ng malamyos na titig, ng matitimyas na halik at boong pusong pagpaparamdam ng kanyang tapat na pagsuyo ay ilinapit ang kanyang mga labi sa taynga ni Maneng at ibinulong ang isang pangalan.Si Maneng ay nanglamig. Ang lihim nila ni Mameng ay natatalos ni Nati, nguni’t hindi tumpak na yaon ay patotohanan, kaya’t ngumiti ng isang ngiting napakatamis at anya:—Nati!... Huwag mong papamahayin sa loob mo ang maling hinala. Kawawa naman ang pinsan mo. Inaakala mo bang ako’y pakabababababa hanggang sa gayong kalagayan? Hindi ba Nati at panibulos at pikit mata kong linusong angpagbabagong kalagayan, maitindig lamang ang kapurihan mong malulugso kung mahayag; at mabigyan naman ng marangal na pangalan ang magiging bunga ng ating pag-ibig?—Oo, Maneng, ang lahat ng iyan ay tunay; nguni’t nang huwag mapatlangan ang ating ligaya, tayo ay lumayo rito, malayong malayo; at nang huwag nilang mahalata, ay pasa Sibul tayo na parang nagpaparaan lamang ng taginit, nguni’t buhat doon ay alamin mo na’t ayusin ang mga kailangan sa isang paglalakbay at paglilibot sa boong daigdigan upang malimutan natin ang mga bakas kapanglawan na dulot sa atin ng Tadhana sa lilim ng sariling Langit. Ibig mo ba Maneng?Si Maneng ay nabunsod at nakakita ng lunas sa kanyang mapanganib na katayuan. Natuklas din niya ang paglayo kay Mameng na sa pagkakataon ay naging bihag ng kanyang walang pitagang pita, gayon din ang pag-ilag sa mga malulupit na bala ng mga Batas na maghahatid sa kanya doon sa bayan ng lagim, sa libingan ng mga buhay na tao.At sila’y yumaon upang gampanan ang pinagkasunduan sa Sibol, liwaliwan kung tag-init ng mga mariwasang tao.

GUMUHIT sa diwa ni Maneng pagkatapos ng basbas ng Pare at kakilakilabot na wakas na nakahanda sa kanyang palad sa pagkapakasal na yaong muli; hindi kaila sa kanya na pinaguusig at pinarurusahan ng boong lupit ang lumabag sa kautusang yaon;nguni’tsa harap ng mga pangyayari, sa kanyang alang-alang kay Selmo na kanyang pinagkulangan sa tungkuling dapat taglayin ng isang kaibigang tapat, at sa pag-asa niyang si Nati ay walang salang di niya ipagluluksa sa lalong madaling panahon, siya ay napanibulos na lumusong sa balon ng kapanganiban. Nguni’t ang palad niya gaya ng sa lahat ng halaghag ay talagang linikha mandin upang huwag tumahimik; at si Nati laban sa pag-asa nang lahat, na mamamatay na walang sala, ay gumaling pagkakasal niya kay Maneng.

At ang lahat ng pangyayari na dapat ikatuwa ni Manéng ay lumilikha sa kanya ng lalong kakilakilabot na sandali, para niyang nakikita na sa kabila ng kaniyang pagkadupilas na yaon ay nabuksan ang mga pintuan ng Bilibid upang siya’y bigyan ng puwang na makapasok, at ang nakapangingilabot na damit bilanggo na halang sa katawan ang guhit, sa lahat ng dako ay siya mandin niyang namamalas. Siya’y kinilabutan.

Nguni’t isang kaisipan ang kanyang naaala-ala at anya sa sarili:

“Kung tayo’y mamamatay din lamang bukas ano’t di samantalahin ang araw ngayon?”

At sinikap niyang limutin ang lahat.

Ang tag-init ay nagmamadaling sumasapit pagkaraan ng Karnabal. Ang alinsangan, lalo na dito sa Maynila ay gumagambala sa tanan. Wari lalong mainit ang araw, sampu ng simoy ng hangin ay wari sinasala sa isang malaking siláb: at ang gayari sa lahat ng may mariwasang kabuhayan ay parang nagtataboy upang lumayo sa matao at maingay na Kamaynilaan at humanap ng mga pook na may malamig na singaw. Sa mga piling ng bundok at mga batis.

Ang Bagyo ay siyang dayuhan ng mga kagawad ng Pamahalaan, niyang mga pinagpalang mabuhay at magliwaliw sa pamamagitan ng salaping bayan, at ang Marilao, Silang, Sibul, Los Baños at Antipulo ay nagpapangagaw sa ganitong panahon upang kanilang maging panauhin ang nangagsisilayo sa Pangulong Bayan kung tag-init.

Si Nati ay magiliw na lumapit kay Maneng at aniya:

—Napapansin ko Maneng na palagi kang matamlay; bakit kaya?

—Hindi ko maalaman Nati kung bakit; sa katotohana’y hindi ko nararamdamang ako’y namamanglaw. Marahil ang lagim na bumalot sa aking kaluluwa nang tanggapin ko kay Selmo ang huli mong sulat sa pagkadalaga, ay siyang hangga ngayon ay sumusukob sa akin.

—Ah Maneng, yaon ay lumipat na sa mga pangyayaring yumaon. Huwag mo nang ikabalisa ang isa kong kabiglaanan ay yao’y bunga ng pagpanaw sa akin ng pag-asa. Subali’t ngayon, ngayong sariling sarili natin ang buhay at walang sagwil na ano man, ang langit ng ating palad ay dapat ng magliwanag,hindi ba?

—Yaon ang dapat na mangyari Nati, at ang puso ko’y tigib na tigib sa ligaya, aywan nga lamang kung bakit ang tingin mo’y malungkot ako.

—Ang pusong ninibig Maneng ay di madadaya, nararamdaman kong ikaw ay malungkot at kahit na sabihin mong hindi, sa nakikita ko ako maniniwala; ang mga mata mong dating maningning ngayo’y lumamlam ang kiyas mong dating masigla ngayo’y waring hapo at nanlolomo, sa iyong mga masasayangpangungusap na dinudungawan mandin ng masasaya mong diwa, ngayo’y napalitan ng isang pananahimik na kakilakilabot. Ipagtapat mo sa akin Maneng kung ano ang sanhi at nang kita’y madamayan.

—Wala Nati, maniwala kang wala—at pinilit na pinadungaw sa kanyang mga labi ang isang ngiting pilit na pilit at binusog sa halik ang mairuging asawa.

—Aywan Maneng kung bakit at sa aking puso’y kumakaba ang isang ala-alang nakalulunos. Hindi ba katungkulan ng isang babai ang magtapat sa kanyang pinipintuhong asawa?

—Oo, Nati, sa asawa ay walang dapat na ipaglihim.

—Yan din ang paniwala ko kaya’t ako’y hindi matahimik.

—At bakit Nati, may ilinilihim ka ba sa akin?

—Maneng—ani Nati ng boong tamis—Nahulaan mo Maneng ang iwi niyaring puso, gaya nang lahat na mapagmahal na asawa ay nabasa mo sa aking anyo ang isang pagiingat ng karamdamang di maipagtapat, nguni’t yao’y nagbubuhat sa malabis na pagmamahal ko sa iyo Maneng. Hindi ko nais na dahilan sa aking mga kamusmusan ay dalawin ang puso mo ng bakas man lamang ng dalamhati; at di mo pa man ako asawa ay pinagingatan ko nang gayon na lamang ang huwag makapagdulot sa iyo ng anomang isusukal ng loob at yaon ang dahilan ng kung bakit ninasa kong taglayin sa libingan ang kakilakilabot na maling sapantaha na ayaw humiwalay sa akin; nguni’t hinango ako sa libingan ng kabutihan mo Maneng, ng katapatang loob mong umibig, ng karangalan mo sa pagkalalaki na bihirang taglayin ng iba; at dahil dito’y nagkaroon ako sa iyo ng isang kautangang dapat kong gampanan tuwina at ito’y ang lubusang pagtatapat. Hindi ba ikaw ang suhay ng aking kahinaan?

—May matuwid ka Nati at ang lahat ng mabuting asawa ay di dapat na magkaroon ng lihim niya na di matatalos ng kanyang kasi sa kanyang kusang loob na pagtatapat.

—Eh kung ang lihim Maneng ay makapagkukulimlim ng katahimikan at kapayapaang naghahari?

—Ang lalaki Nati ay dapat tuwinang magtaglay ng isang pusong napakalaki at isang diwang matibay upang magkatulongna ibalikat sa ano mang anyo ng unós sa buhay na makagagambala ng kasalukuyang ligaya.

—Pinalakas mo ang aking kalooban Maneng at ang lihim ko na kaipala’y siyang tanging sagwil ng ating katahimikan ay pakinggan mo ngayon at kusang loob kong ipagtatapat.

—Ano yaon aking giliw? Turan mong agad at sabik na sabik akong magbigay lunas kung ang lihim na yaon ay umiinis nang iyong puso.

—Nalalaman mo Maneng. Magmula ng huling gabi ng Karnabal na sa kamusmusan ko’y naisip kong kita’y biruin sa pamamagitan ng pagpapalit ng balatkayo namin ni Mameng; ang araw sa akin magbuhat noon ay nagbawas ng liwanag; ang mga bituwin ay nawalan ng kanilang ningning, at sampu mandin ng mga bulaklak ay nawalan ng samyo at naghubad ng kanilang mariringal na damit. At parang hindi pa nasisiyahan ang maitim kong palad ay inalis sa mga labi mo ang ngiti, kung ako’y iyong kausap; pinawi sa mga kilos mo ang sigla, at ang lalong kalunos-lunos, ay ang dapat na magtapat tuwina sa akin, ang dapat kong paglagakan ng katiwala, damdam ko ba’y siyang mahigpit kong kabasangal. Ito ang sanhi ng kung bakit ninasa ko ang pumayapa. Tulutankayongmagkaroon ng laya at huwag ako ang maging hadlang ng ligaya.

—Tulutankamingmaging malaya? Sino ang tinutukoy mo Nati?

—Huwag kang magagalit Maneng, hane?—at isinilo ang kanyang mga bisig sa liig ng asawa at sa gitna ng malamyos na titig, ng matitimyas na halik at boong pusong pagpaparamdam ng kanyang tapat na pagsuyo ay ilinapit ang kanyang mga labi sa taynga ni Maneng at ibinulong ang isang pangalan.

Si Maneng ay nanglamig. Ang lihim nila ni Mameng ay natatalos ni Nati, nguni’t hindi tumpak na yaon ay patotohanan, kaya’t ngumiti ng isang ngiting napakatamis at anya:

—Nati!... Huwag mong papamahayin sa loob mo ang maling hinala. Kawawa naman ang pinsan mo. Inaakala mo bang ako’y pakabababababa hanggang sa gayong kalagayan? Hindi ba Nati at panibulos at pikit mata kong linusong angpagbabagong kalagayan, maitindig lamang ang kapurihan mong malulugso kung mahayag; at mabigyan naman ng marangal na pangalan ang magiging bunga ng ating pag-ibig?

—Oo, Maneng, ang lahat ng iyan ay tunay; nguni’t nang huwag mapatlangan ang ating ligaya, tayo ay lumayo rito, malayong malayo; at nang huwag nilang mahalata, ay pasa Sibul tayo na parang nagpaparaan lamang ng taginit, nguni’t buhat doon ay alamin mo na’t ayusin ang mga kailangan sa isang paglalakbay at paglilibot sa boong daigdigan upang malimutan natin ang mga bakas kapanglawan na dulot sa atin ng Tadhana sa lilim ng sariling Langit. Ibig mo ba Maneng?

Si Maneng ay nabunsod at nakakita ng lunas sa kanyang mapanganib na katayuan. Natuklas din niya ang paglayo kay Mameng na sa pagkakataon ay naging bihag ng kanyang walang pitagang pita, gayon din ang pag-ilag sa mga malulupit na bala ng mga Batas na maghahatid sa kanya doon sa bayan ng lagim, sa libingan ng mga buhay na tao.

At sila’y yumaon upang gampanan ang pinagkasunduan sa Sibol, liwaliwan kung tag-init ng mga mariwasang tao.

Back to IndexNext