XXV KABANATAANG HIGANTI NI TOMASSI Tomas ay nagbuko ng isang walang maliw na higanti kayManeng. Una ay dahilan sa ang kaniyang mutyang si Binay ay inagaw sa kanya, at ang inaasam niyang dilag noon, ay napariwara; pangalawa’y dahil sa pagkakatampalasan sa kanya ni Maneng isang hapon sa minandalangLa Campana.At buhat na noon ay naging anino siya ni Maneng at ang pangangamoy ay higit sa isang masigasig na tiktik ng mga kagawad na lihim.Natalos na ang Pastor sa malaking Sambahan sa DaangAvenida Rizal, ay sinusuhulan ng halagang dalawang libong piso at pagkaalis ni Maneng ay sinulatan yaon ng isang walang lagda na anya’y:“Natatalos nang lahat na ang salapi ay makapangyarihan, nguni’t ang balaraw ng mapaghiganti ay di magiging mabilis gaya ng malilikha ng panitik na ang mga batas ay pagalawin upang ang mga lumalabag ay ibukod sa karamihan.“LAGING DILAT”.At nang tanggapin ng Pastor ang liham na ito ay itinuloy sabasketat anya sa sarili:“Kailangan ko kaya ang ganitong mga paala-ala upang gampanan ko ang aking katungkulan? Patawarin kami ng Panginoon”.Natatalos ni Tomas ang lihim na kasal ni Maneng sa magandang taga Bokawe, bagay na sanhi ng kanyang di na idinalaw na muli kay Binay. Subali’t ang gayaring lihim na kanyanghinahawakan ay iniingatan niyang tulad sa isang mainam na sandatang pamuksa.At nang kanyang matalos na si Nati ay pinanumpaang muli pa ng salawahang kanyang naging kabasangal ay gumawa ng isang tudling sa mga pahayagan na gayari:LIHIM NA PAGIISANG PUSO“Gaya nang ang bulong ay mahigit sa hiyaw ay sumapit sa aming kaalaman na ang makisig na binata at mayamang mangangalakal na siG.Manuel San Juan, ay nanumpa ng isang di magmamaliw na pag-ibig sa matalino, marilag at napakagandang bulaklak ng ating Kapisanan na siBb.Natividad Lopez. Ang gayo’y ginanap nang nabibingit sa kamatayan ang babai.”“Ang pulot at gata na napataon sa tag-init ay idaraos ng dalawa sa pinagdadayong bukal sa Sibul, gayon din ng pagpapalakas ng galing sa sakit na Ginang.”“Ang aming maligayang bati sa mga kaibigang nasabi.”Sa biglang tingin ang balitang ito ay waring walang pangalawang hangad, nguni’t sa mapapansin ng aking giliw na mambabasa sa dalaw na ginawa ni Tomas sa masayang si Binay ay mapagtatanto ang laki ng saklaw ng gayong balita.—Binay—ani Tomas—Naparito ako upang isauli sa iyo itongimperdiblena ninanasa mong sa iyo’y aking isauli, sapagka’t di lihim sa akin ang sa lahat hanggang ngayon ay lihim pa na ikaw ay Ginang na ni San Juan.Ngumiti si Binay sa pagtanggap ng balitang yaon sa dating kasintahan, at boong kakirihang sumagot:—At di mo man ako hinahandugan ng isang maligayang bati, gayong talastas mo pala ang di pa natatalos ng marami?...—at tinitigan si Tomas ng isang titig na kagaya ng kanyang panghalinang ginagamit tuwina na, kung nais niyang siluin ang alin mang puso.Si Binay ay may isang ugaling ibang-iba sa ibang mga kababai. Hangad niya ang magtamasa sa buhay, pagaliwan ang lahat ng makikisig na binata, nguni’t kailan man ay di siya napabibihag upang siya’y labilabian pagkaraan noon. Ligayaniyang itinuturing ang marami siyang mangingibig lalo na’t kung ang mga ito’y nangagbabangay. At ang lahat ay nababahaginan niya ng pangako at ngiti.Ang kaniyang nabalitaang pagaaway ni Tomas at ni Maneng ay inaakala niyang siyang sanhi ng kung bakit ang kaniyang dating mairuging asawa ay di dumalo sa kanyang tiyap na hiling.Nagagalak siya ng gayon na lamang, sapagka’t inaakala niyang si Maneng ay nalulunod sa panibugho. Kung nalalaman yata niyang si Maneng ay nasusuklam sa kanya at tumatalikod na tahasan, kaipala’y nagbago ang kanyang kasalukuyang galak.At hinarap si Tomas at anya:—Hindi ka na tumugon. Nagtatampo ka ba sa inyong dating kapuwa bata?—Hindi Binay, nguni’t ang magpakunwari ay hindi ko ugali at yaon ang sanhi nang hindi ko maibati sa iyo ng maligaya, sa pagka’t sa katotohanan ay wala akong ibang hangad kundi ang kayo’y maging sawi.—Ohu?... At may hinanakit ka sa akin kung gayon?—Wala Binay. Nguni’t pakinggan mo ang aking ibabalita sa iyo:Noong ikaw ay tumakwil sa aking pagsuyo ay wala na akong nasabi sa sarili kundi ang ikaw ay isang salawahan, nguni’t nang matalastas kong ikaw ay lihim na nakipagisang puso at sa isang binatang haligi ng yaman, ay nasabi ko sa sarili na: “May matuwid si Binay, tumpak ang siya’y mamili ng makabibili ng ligaya”. At ano nga ba ang maihahandog sa iyo ng isang kawal ng panitik kundi pawang panagimpan lamang. Kita’y iniibig ng boong puso. Ipinagtatapat ko sa iyo. Datapuwa’t ang panahon ay lumakad sa hindi niya mapipigil na pagtanda, at... ako sa hindi mo nahuhulaan kung bakit niya ako ihinatid dito sa iyong harapan.—Sinabi mong upang isauli angimperdible,hindi ba?—Oo; nguni’t ang pangalawang hangad, yaon ang iyong turingan.—Pangalawang hangad? At may iba ka bang nasa tangisa tumupad ng dapat mong gawin?—Yan ngang dapat kong gawin ang pinatuturingan ko sa iyo?—Ang iyong ginampanan; ang isauli ang isang bagay na hiniram lamang.—Yaon ay nagampanan na; nguni’t ano pa ang dapat kong gawin?—Ah, huwag kang magnasa ng anomang masamang nasa sa akin at kay Maneng—ang biro ni Binay—Hindi ba Tomas?Hinaplos ni Tomas ang kaniyang buhok na naglalaguan at saka tumugon.—Huwag magnasa ng anomang masamang nasa sa inyong magasawa?—Oo, Tomas, yaon nga.—Kung gayon ay hindi ko magagampanan ang inaakala mong dapat kong gampanan.—Bakit, labag ba ang gayon sa dakilang asal?—Oh, hindi Binay, hindi, nguni’t paano maihahatid sa iyo ang mabuting balita na ikagaganap ko ng aking kautangan, sa pagka’t kita’y iniibig pa hanggang ngayon, kung ang balitang ito’y malalaban naman sa kanya?—Iniibig mo ako hanggang ngayon? Salamat Tomas, salamat, nguni’t hindi mo ba talastas na ako’y isang may asawang tao, na di makaiibig pa, ng pag-ibig na iba ang hugis kay sa sa kahilingan lamang ng mabuting gawi?—Nguni’t ang pagka mayasawa mo Binay ay ibang iba.—Natatalastas ko Tomas, na kami ay may ibang himaling. Na sa ganang amin ni Maneng ang pagmamahalan ay dapat pagingatan na huwag makasuya, ang ganitong himaling marahil ay di mo minamainam at itinuturing mong ibang iba ako sa lahat ng babai, nguni’t; anong ligaya ng manabik!—Hindi Binay, lahat ng paraan ay di ko pinapansin, at wala akong ibang tinitiyak kungdi ang wakasin. At banta ko’y hangad ninyo sa ganyang paraan ang lalong maging matimyas ang mga sandali, lalong maging maringal sa ganang iyo ang bihis ng mga bulaklak, lalong maging masaya ang mga gabi at ang langit ay maging tuwi na’y maaliwalas, hindi ba?—Oh, may matuwid ka Tomas.—Nguni’t Binay ang palad ay sumalungat sa iyo. Ang Anangki ay napakalupit na nagguho ng iyong mga pangarapin.—Ano ang sabi mo Tomas?—Basahin mo ang balitang ito ng mga Pahayagan.Binasa ni Binay.—Ah!... Tomas ang pahayagan ay napakasinungaling. Hindi magagawa ni Maneng na siya’y magasawang muli. Si Maneng ay hindi hangal.—Hindi nga, nguni’t may kasabihang:ANG HUMAHANAP NG PANGANIB AY DOON NAMAMATAY.—Ano ang ibig mong sabihin?—Na ang mapanganib niyang libangan ay nagbunga na. At kung ayaw kang maniwala sa pahayagan at animo’y sinungaling, ay maniwala ka sa katotohanan na siya’y nagasawang pamuli saMAGANDANGsi Nati.Liniwanagan ni Tomas ang salitang magandá upangmangimbulosi Binay.—Kapag ang balitang yan Tomas ay kabulaanan ay nalaman mo nang ako’y walang pakundangan. Mananagot ka Tomasmananagot ka.—Alamin mo at saka mo hatulan kung ako’y tapat sa iyo. At kung matalastas mo na ang katotohanan, ay humihingi ka ng isang sipi ó patunay ng kasal na yaon at saka mo makikita kung si Tomas ay tapat sa iyo.Nagalimpuyó sa diwa ni Binay ang di maisaysay na poot at anya kay Tomas:—Bukas ay parini ka at nang tayo’y magkaniig.—Alipin mo ako sa iyong ikaliligaya Binay.......—Hangang bukas.—anang babai.—Hangang bukas.—ani Tomas naman.At ang dalawang pusong nagkakalayo ay pinaglapit ng iisang hangad na dili iba’t si Maneng ay pahigantihan.Samantalang ang mga maya ay nagaawit sa Sibul animo’y wala ng kamatayan ang bagong kasal na nagpapasasa sa pulot at gata ng kapanahunan.Si Tomas ay naglalamay sa ikapanganganyaya ni Maneng at walang pinatawad na pangyayaring di sinamantala.Si Binay naman na nginangatngat na kasalukuyan ng panibugho ay nagmadaling lumuas sa Maynila upang alamin ang katotohanan.Palibhasa ay totoo ang balita ni Tomas ay di siya nahirapan na magkaroon ng isang sipi ng pagiisang puso ni Nati at ni Maneng.Kasulatang kanyang iningatan na parang isang sandata upang ipalpal kay Maneng at ito’y gawing isang kasangkapang hamak na pakikilusin ng kanyang diwa.

XXV KABANATAANG HIGANTI NI TOMAS
SI Tomas ay nagbuko ng isang walang maliw na higanti kayManeng. Una ay dahilan sa ang kaniyang mutyang si Binay ay inagaw sa kanya, at ang inaasam niyang dilag noon, ay napariwara; pangalawa’y dahil sa pagkakatampalasan sa kanya ni Maneng isang hapon sa minandalangLa Campana.
At buhat na noon ay naging anino siya ni Maneng at ang pangangamoy ay higit sa isang masigasig na tiktik ng mga kagawad na lihim.
Natalos na ang Pastor sa malaking Sambahan sa DaangAvenida Rizal, ay sinusuhulan ng halagang dalawang libong piso at pagkaalis ni Maneng ay sinulatan yaon ng isang walang lagda na anya’y:
“Natatalos nang lahat na ang salapi ay makapangyarihan, nguni’t ang balaraw ng mapaghiganti ay di magiging mabilis gaya ng malilikha ng panitik na ang mga batas ay pagalawin upang ang mga lumalabag ay ibukod sa karamihan.
“LAGING DILAT”.
At nang tanggapin ng Pastor ang liham na ito ay itinuloy sabasketat anya sa sarili:
“Kailangan ko kaya ang ganitong mga paala-ala upang gampanan ko ang aking katungkulan? Patawarin kami ng Panginoon”.
Natatalos ni Tomas ang lihim na kasal ni Maneng sa magandang taga Bokawe, bagay na sanhi ng kanyang di na idinalaw na muli kay Binay. Subali’t ang gayaring lihim na kanyanghinahawakan ay iniingatan niyang tulad sa isang mainam na sandatang pamuksa.
At nang kanyang matalos na si Nati ay pinanumpaang muli pa ng salawahang kanyang naging kabasangal ay gumawa ng isang tudling sa mga pahayagan na gayari:
LIHIM NA PAGIISANG PUSO
“Gaya nang ang bulong ay mahigit sa hiyaw ay sumapit sa aming kaalaman na ang makisig na binata at mayamang mangangalakal na siG.Manuel San Juan, ay nanumpa ng isang di magmamaliw na pag-ibig sa matalino, marilag at napakagandang bulaklak ng ating Kapisanan na siBb.Natividad Lopez. Ang gayo’y ginanap nang nabibingit sa kamatayan ang babai.”
“Ang pulot at gata na napataon sa tag-init ay idaraos ng dalawa sa pinagdadayong bukal sa Sibul, gayon din ng pagpapalakas ng galing sa sakit na Ginang.”
“Ang aming maligayang bati sa mga kaibigang nasabi.”
Sa biglang tingin ang balitang ito ay waring walang pangalawang hangad, nguni’t sa mapapansin ng aking giliw na mambabasa sa dalaw na ginawa ni Tomas sa masayang si Binay ay mapagtatanto ang laki ng saklaw ng gayong balita.
—Binay—ani Tomas—Naparito ako upang isauli sa iyo itongimperdiblena ninanasa mong sa iyo’y aking isauli, sapagka’t di lihim sa akin ang sa lahat hanggang ngayon ay lihim pa na ikaw ay Ginang na ni San Juan.
Ngumiti si Binay sa pagtanggap ng balitang yaon sa dating kasintahan, at boong kakirihang sumagot:
—At di mo man ako hinahandugan ng isang maligayang bati, gayong talastas mo pala ang di pa natatalos ng marami?...—at tinitigan si Tomas ng isang titig na kagaya ng kanyang panghalinang ginagamit tuwina na, kung nais niyang siluin ang alin mang puso.
Si Binay ay may isang ugaling ibang-iba sa ibang mga kababai. Hangad niya ang magtamasa sa buhay, pagaliwan ang lahat ng makikisig na binata, nguni’t kailan man ay di siya napabibihag upang siya’y labilabian pagkaraan noon. Ligayaniyang itinuturing ang marami siyang mangingibig lalo na’t kung ang mga ito’y nangagbabangay. At ang lahat ay nababahaginan niya ng pangako at ngiti.
Ang kaniyang nabalitaang pagaaway ni Tomas at ni Maneng ay inaakala niyang siyang sanhi ng kung bakit ang kaniyang dating mairuging asawa ay di dumalo sa kanyang tiyap na hiling.
Nagagalak siya ng gayon na lamang, sapagka’t inaakala niyang si Maneng ay nalulunod sa panibugho. Kung nalalaman yata niyang si Maneng ay nasusuklam sa kanya at tumatalikod na tahasan, kaipala’y nagbago ang kanyang kasalukuyang galak.
At hinarap si Tomas at anya:
—Hindi ka na tumugon. Nagtatampo ka ba sa inyong dating kapuwa bata?
—Hindi Binay, nguni’t ang magpakunwari ay hindi ko ugali at yaon ang sanhi nang hindi ko maibati sa iyo ng maligaya, sa pagka’t sa katotohanan ay wala akong ibang hangad kundi ang kayo’y maging sawi.
—Ohu?... At may hinanakit ka sa akin kung gayon?
—Wala Binay. Nguni’t pakinggan mo ang aking ibabalita sa iyo:
Noong ikaw ay tumakwil sa aking pagsuyo ay wala na akong nasabi sa sarili kundi ang ikaw ay isang salawahan, nguni’t nang matalastas kong ikaw ay lihim na nakipagisang puso at sa isang binatang haligi ng yaman, ay nasabi ko sa sarili na: “May matuwid si Binay, tumpak ang siya’y mamili ng makabibili ng ligaya”. At ano nga ba ang maihahandog sa iyo ng isang kawal ng panitik kundi pawang panagimpan lamang. Kita’y iniibig ng boong puso. Ipinagtatapat ko sa iyo. Datapuwa’t ang panahon ay lumakad sa hindi niya mapipigil na pagtanda, at... ako sa hindi mo nahuhulaan kung bakit niya ako ihinatid dito sa iyong harapan.
—Sinabi mong upang isauli angimperdible,hindi ba?
—Oo; nguni’t ang pangalawang hangad, yaon ang iyong turingan.
—Pangalawang hangad? At may iba ka bang nasa tangisa tumupad ng dapat mong gawin?
—Yan ngang dapat kong gawin ang pinatuturingan ko sa iyo?
—Ang iyong ginampanan; ang isauli ang isang bagay na hiniram lamang.
—Yaon ay nagampanan na; nguni’t ano pa ang dapat kong gawin?
—Ah, huwag kang magnasa ng anomang masamang nasa sa akin at kay Maneng—ang biro ni Binay—Hindi ba Tomas?
Hinaplos ni Tomas ang kaniyang buhok na naglalaguan at saka tumugon.
—Huwag magnasa ng anomang masamang nasa sa inyong magasawa?
—Oo, Tomas, yaon nga.
—Kung gayon ay hindi ko magagampanan ang inaakala mong dapat kong gampanan.
—Bakit, labag ba ang gayon sa dakilang asal?
—Oh, hindi Binay, hindi, nguni’t paano maihahatid sa iyo ang mabuting balita na ikagaganap ko ng aking kautangan, sa pagka’t kita’y iniibig pa hanggang ngayon, kung ang balitang ito’y malalaban naman sa kanya?
—Iniibig mo ako hanggang ngayon? Salamat Tomas, salamat, nguni’t hindi mo ba talastas na ako’y isang may asawang tao, na di makaiibig pa, ng pag-ibig na iba ang hugis kay sa sa kahilingan lamang ng mabuting gawi?
—Nguni’t ang pagka mayasawa mo Binay ay ibang iba.
—Natatalastas ko Tomas, na kami ay may ibang himaling. Na sa ganang amin ni Maneng ang pagmamahalan ay dapat pagingatan na huwag makasuya, ang ganitong himaling marahil ay di mo minamainam at itinuturing mong ibang iba ako sa lahat ng babai, nguni’t; anong ligaya ng manabik!
—Hindi Binay, lahat ng paraan ay di ko pinapansin, at wala akong ibang tinitiyak kungdi ang wakasin. At banta ko’y hangad ninyo sa ganyang paraan ang lalong maging matimyas ang mga sandali, lalong maging maringal sa ganang iyo ang bihis ng mga bulaklak, lalong maging masaya ang mga gabi at ang langit ay maging tuwi na’y maaliwalas, hindi ba?
—Oh, may matuwid ka Tomas.
—Nguni’t Binay ang palad ay sumalungat sa iyo. Ang Anangki ay napakalupit na nagguho ng iyong mga pangarapin.
—Ano ang sabi mo Tomas?
—Basahin mo ang balitang ito ng mga Pahayagan.
Binasa ni Binay.
—Ah!... Tomas ang pahayagan ay napakasinungaling. Hindi magagawa ni Maneng na siya’y magasawang muli. Si Maneng ay hindi hangal.
—Hindi nga, nguni’t may kasabihang:ANG HUMAHANAP NG PANGANIB AY DOON NAMAMATAY.
—Ano ang ibig mong sabihin?
—Na ang mapanganib niyang libangan ay nagbunga na. At kung ayaw kang maniwala sa pahayagan at animo’y sinungaling, ay maniwala ka sa katotohanan na siya’y nagasawang pamuli saMAGANDANGsi Nati.
Liniwanagan ni Tomas ang salitang magandá upangmangimbulosi Binay.
—Kapag ang balitang yan Tomas ay kabulaanan ay nalaman mo nang ako’y walang pakundangan. Mananagot ka Tomasmananagot ka.
—Alamin mo at saka mo hatulan kung ako’y tapat sa iyo. At kung matalastas mo na ang katotohanan, ay humihingi ka ng isang sipi ó patunay ng kasal na yaon at saka mo makikita kung si Tomas ay tapat sa iyo.
Nagalimpuyó sa diwa ni Binay ang di maisaysay na poot at anya kay Tomas:
—Bukas ay parini ka at nang tayo’y magkaniig.
—Alipin mo ako sa iyong ikaliligaya Binay.......
—Hangang bukas.—anang babai.
—Hangang bukas.—ani Tomas naman.
At ang dalawang pusong nagkakalayo ay pinaglapit ng iisang hangad na dili iba’t si Maneng ay pahigantihan.
Samantalang ang mga maya ay nagaawit sa Sibul animo’y wala ng kamatayan ang bagong kasal na nagpapasasa sa pulot at gata ng kapanahunan.
Si Tomas ay naglalamay sa ikapanganganyaya ni Maneng at walang pinatawad na pangyayaring di sinamantala.
Si Binay naman na nginangatngat na kasalukuyan ng panibugho ay nagmadaling lumuas sa Maynila upang alamin ang katotohanan.
Palibhasa ay totoo ang balita ni Tomas ay di siya nahirapan na magkaroon ng isang sipi ng pagiisang puso ni Nati at ni Maneng.
Kasulatang kanyang iningatan na parang isang sandata upang ipalpal kay Maneng at ito’y gawing isang kasangkapang hamak na pakikilusin ng kanyang diwa.