XXVII KABANATAANG IMPIERNO SA LUPA

XXVII KABANATAANG IMPIERNO SA LUPADUMATING na maluwalhati si Maneng at si Binay sa tahanan ng lalaki. Si Gorio ay hangang-hanga kung bakit at kakakasal lamang ng kanyang Panginoon, ay iba na namang babai ang kasama at sa sarili pang tahanan iniuwi.—Makikita mo Biyang—ani Gorio—Makikita mo at basagulo na naman ang taglay ng Mang Maneng.—Siya ngaGorio; sa tuwing ang ating Panginoon ay magdadala ng babai dito sa bahay ay kawil-kawil na gulo ang dumarating. Nakita mo noong Karnabal?—Oo, at lalong kataka-taká ay iba ang dinala, iba ang naanakang naghahabol at iba ang naging asawa.—At ngayon ay iba na naman ang dala rito. Ano kaya ang magiging buntot ng dalaginding na ito?—Hintayin natin at makikita mo’t komedya na naman itong walang pagsala.Hindi pa natatapos ang salitaan at bago pa lamang halos nagiinit ang pagkaupo ng dalawang magkalaguyo sa isang maringal nasofaay satatawag sa bahay ang isang lalaking anyong buhat sa lalawigan na may kasamang dalawang kagawad na lihim at isang sa bikas ay Abogado mandin.Sinalubong ni Gorio at nang mapagtanto na ang pakay ay ang kanyang Panginoon, ay ipinagkaila at sinabingwala roon, sapagka’t kinakabahan siya mandin; nguni’t tinangaan siya ng kagawad ng kanyangrevolverat anya:—Maiwan ka rine at kami ang aakiyat upang mapagalaman natin kung wala nga.Kumalat sa boong katawan ni Gorio ang isang kahambal hambal na kagitlahanan at pagkasilip ni Biyang sa nangyayari ay nasabi sa sarili ang gayari:—Sinasabi ko na’t ang basagulo ay di malayo,—at nagdudumaling tumawag sa silid ng kanyang Panginoon.—Mang Maneng po.... Mang Maneng. Marami pong tao sa lupa at si Gorio ay dinadakip mandin. May mgarevolverpang hawak.Napaigtad si Maneng at boong galit na lumabas at sinalubong ang dumarating:—Ano ang kalapastangang ginagawa ninyo sa aking tahanan mga Ginoo, Gorio bakit?—Ewan po Mang Maneng, kayo po ang kanilang hinahanap.—Kung ako ang inyong pakay mga Ginoo ay mangagsituloy kayo at huwag gagamit ng anomang kagahasaan. Huwag kayong biglabigla sa aking mga alila at ako’y handang makipagtuos kangino man.At ang mga panauhing di kilala ay nangagsipanhik na lahat sa bahay tangi sa isang dinapakilalaat naiwan sa lupa; siya’y si Tomas na siyang may pakana ng lahat.—Ano ang aking maipaglilingkod sa inyo, mga Ginoo upang magkalutas tayo agad. Sino po ang ikinararangal kong kausapin?—Ako po Ginoo, upang tayo’y magkadalian, gaya ng inyong sinabi, ay siyang ama ng babaing inyong itinakas buhat sa Bokawe. Nalalaman na ninyo? Ako ang ama ni Binay. Saan siya naroon?—Marami pong salamat—ang tahimik na tugon ni Maneng.—At ano po ang aking maipaglilingkod?Ipagpaumanhinninyo ang di ko pakikiharap, sapagka’t tunay na hindi ko kayo nakikilala—at dumungaw sasilidat tumawag.—Binay!—anya—Parini ka’t narito raw ang tatang.Natigilan ang panauhin sa katiwasayan ni Maneng na di man nababahala.Hinarap silang muli ni Maneng at anya:—Ipagpatawad po ninyo sa amin ang kabiglaanan ng pagluwas; nguni’t inaakala ko pong hindi ninyo sukat ikabalisa, sapagka’t si Binay ay nasa sarili niyang tahanan. Ako ang kanya pong asawa.At si Binay ay lumuhod sa ama, at anya:—Ang anak mo tatang ay hindi tumakas upang pairugan lamang ang maling pita ng katawan. Ang anak mo po’y sumama sa kanyang asawa, bagay na di mo po dapat na pagtakhan. Ito’y tumpak at kinakalinga ng mga Batas.—At kayo ba’y kasal na Binay? Bakit di na ninyo ipinatalastas sa akin?—May ilang buwan na po tatang; nguni’t sa mga ganitong pagkakamali na ang puso ay siyang namamahala sa tao, ang agarang hatol ng iba ay nawawalan ng saysay sa harap ng katotohanan, kaya ama, patawarin mo ang aming kamalian at igawad mo sa mga nabiglaanang anak mo ang inyong pala. Kami ay nasa biyaya ng Poon.Si Tandang Atong (ang ama ni Binay) ay natigilan.Ang dalawang Kagawad na lihim ay naglipatan ng tingin at inakalang sila’y kalabisan na roon at madaling napaalam.Pagkaalis ng mgasecretaay sinalubong ni Tomas at tinanong:—Ano ang nangyari mga kaibigan?—Ah!... Angraptona siya naming sapantaha ay gumuho at ang galit na ama gaya ng maaasahan ay gumuhong lahat din sa pakikiayon sa manugan na mayaman, mabikas at ang diwa’y busog sa tanglaw ng talino.—Oh namamali kayo ng sapantaha, ang ginoong yaon na inakala ninyong isang matalino ay isang hangal na hindi marunong magpapanatili ng kaligayahan na ikinatiwala ng palad sa kanyang kapamahalaan.—Hindi ko makita ang inyong sinasabi?—Hindi?... Kahit ninyo ipikit ang inyong mga mata upang huwag makita, kahit ninyo takpan ang inyong mga tainga upang huwag maringig, ang dapat na mangyari ay mangyayari at gaya nang ako’y inyong kausap ngayon ay magiging panauhin sapook ng mga salarin ang palalong mayaman na inyong sinasapantahang batbat ng liwanag ng katalinuhan.—Hindi ko malaman kung bakit at sa isang tao na may marangal na gawi, bagamang palalo; may dakilang asal at mapitagan hanggang sa lalong mapanganib na katayuan na, ang lalong malakas na diwa ay nadudupilas at nababalisa; at sa isang taong tahimik na sa gitna ng sigwa sa buhay ay di nababalino at di nakalilimot sa mga aral ng dakilang asal, kahit na magipit ng isang kagipitang likha mandin ng kanyang kapangahasan; hindi ko malaman kung bakit at sa isang tao na gaya noon ay nagbubuko ang iba ng masasamang nasa. Hindi ko malaman kung bakit dapat na mapabilang sa mga salarin.—Ako po ang tanungin mo at ako ang makaaalam kung bakit—ang salo ng kasama.—Turan mo nga po—ani Tomas.—Sapagka’t isang hapon na di ninyo dapat na malimutan ay ipinasukat sa inyo ng taong yaon (tinutukoy si Maneng) ang makintab na baldosa ngLa Campana.At ang dalawang tiktik ay nagtinginan na wari naala-ala ang isang pangyayaring nakabalisa kay Tomas.—Hindi dahil doon mga Ginoo, hindi dahil sa ako’y kanyang tinampalasan.—Ay dahil sa ano?—Dahil sa inaakala ko na ang batás ay may sariling bisa sa harap ng mayaman at dukha man.—Ano ang ibig ninyong sabihin?—Na si Maneng, ang asawa ng taga Bokawe, ang mayaman, matalino, makisig na lalaking tahimik na tahimik ay nasa sa lilim ng kapamahalaan ng mga Hukuman, pagka’t siya’y lumabag sa mga batas na nagpapanatili ng kapayapaan ng ating Kapisanan.At nang huwag kayong magalinlangan ay alamin ninyo na si Maneng aymakalawang pakasal, at ang ganitong paglabag ay pinarurusahan ng boong higpit.—Ah, yan po’y hindi sa amin nauukol Ginoo. Wala po kaming karapatang magusig. Kami ay mga galamay lamangna ginagamit upang mapapanatili ang kapayapaan at ang mga Batás ay igalang at pairalin.At ang tatlo’y naghiwalay.At si Tomas ay tumungo sa Pasulatan upang yumari ng isang tudling na mahayap na magpapasakit ng gayon na lamang kay Maneng.

DUMATING na maluwalhati si Maneng at si Binay sa tahanan ng lalaki. Si Gorio ay hangang-hanga kung bakit at kakakasal lamang ng kanyang Panginoon, ay iba na namang babai ang kasama at sa sarili pang tahanan iniuwi.

—Makikita mo Biyang—ani Gorio—Makikita mo at basagulo na naman ang taglay ng Mang Maneng.

—Siya ngaGorio; sa tuwing ang ating Panginoon ay magdadala ng babai dito sa bahay ay kawil-kawil na gulo ang dumarating. Nakita mo noong Karnabal?

—Oo, at lalong kataka-taká ay iba ang dinala, iba ang naanakang naghahabol at iba ang naging asawa.

—At ngayon ay iba na naman ang dala rito. Ano kaya ang magiging buntot ng dalaginding na ito?

—Hintayin natin at makikita mo’t komedya na naman itong walang pagsala.

Hindi pa natatapos ang salitaan at bago pa lamang halos nagiinit ang pagkaupo ng dalawang magkalaguyo sa isang maringal nasofaay satatawag sa bahay ang isang lalaking anyong buhat sa lalawigan na may kasamang dalawang kagawad na lihim at isang sa bikas ay Abogado mandin.

Sinalubong ni Gorio at nang mapagtanto na ang pakay ay ang kanyang Panginoon, ay ipinagkaila at sinabingwala roon, sapagka’t kinakabahan siya mandin; nguni’t tinangaan siya ng kagawad ng kanyangrevolverat anya:

—Maiwan ka rine at kami ang aakiyat upang mapagalaman natin kung wala nga.

Kumalat sa boong katawan ni Gorio ang isang kahambal hambal na kagitlahanan at pagkasilip ni Biyang sa nangyayari ay nasabi sa sarili ang gayari:

—Sinasabi ko na’t ang basagulo ay di malayo,—at nagdudumaling tumawag sa silid ng kanyang Panginoon.

—Mang Maneng po.... Mang Maneng. Marami pong tao sa lupa at si Gorio ay dinadakip mandin. May mgarevolverpang hawak.

Napaigtad si Maneng at boong galit na lumabas at sinalubong ang dumarating:

—Ano ang kalapastangang ginagawa ninyo sa aking tahanan mga Ginoo, Gorio bakit?

—Ewan po Mang Maneng, kayo po ang kanilang hinahanap.

—Kung ako ang inyong pakay mga Ginoo ay mangagsituloy kayo at huwag gagamit ng anomang kagahasaan. Huwag kayong biglabigla sa aking mga alila at ako’y handang makipagtuos kangino man.

At ang mga panauhing di kilala ay nangagsipanhik na lahat sa bahay tangi sa isang dinapakilalaat naiwan sa lupa; siya’y si Tomas na siyang may pakana ng lahat.

—Ano ang aking maipaglilingkod sa inyo, mga Ginoo upang magkalutas tayo agad. Sino po ang ikinararangal kong kausapin?

—Ako po Ginoo, upang tayo’y magkadalian, gaya ng inyong sinabi, ay siyang ama ng babaing inyong itinakas buhat sa Bokawe. Nalalaman na ninyo? Ako ang ama ni Binay. Saan siya naroon?

—Marami pong salamat—ang tahimik na tugon ni Maneng.—At ano po ang aking maipaglilingkod?Ipagpaumanhinninyo ang di ko pakikiharap, sapagka’t tunay na hindi ko kayo nakikilala—at dumungaw sasilidat tumawag.

—Binay!—anya—Parini ka’t narito raw ang tatang.

Natigilan ang panauhin sa katiwasayan ni Maneng na di man nababahala.

Hinarap silang muli ni Maneng at anya:

—Ipagpatawad po ninyo sa amin ang kabiglaanan ng pagluwas; nguni’t inaakala ko pong hindi ninyo sukat ikabalisa, sapagka’t si Binay ay nasa sarili niyang tahanan. Ako ang kanya pong asawa.

At si Binay ay lumuhod sa ama, at anya:

—Ang anak mo tatang ay hindi tumakas upang pairugan lamang ang maling pita ng katawan. Ang anak mo po’y sumama sa kanyang asawa, bagay na di mo po dapat na pagtakhan. Ito’y tumpak at kinakalinga ng mga Batas.

—At kayo ba’y kasal na Binay? Bakit di na ninyo ipinatalastas sa akin?

—May ilang buwan na po tatang; nguni’t sa mga ganitong pagkakamali na ang puso ay siyang namamahala sa tao, ang agarang hatol ng iba ay nawawalan ng saysay sa harap ng katotohanan, kaya ama, patawarin mo ang aming kamalian at igawad mo sa mga nabiglaanang anak mo ang inyong pala. Kami ay nasa biyaya ng Poon.

Si Tandang Atong (ang ama ni Binay) ay natigilan.

Ang dalawang Kagawad na lihim ay naglipatan ng tingin at inakalang sila’y kalabisan na roon at madaling napaalam.

Pagkaalis ng mgasecretaay sinalubong ni Tomas at tinanong:

—Ano ang nangyari mga kaibigan?

—Ah!... Angraptona siya naming sapantaha ay gumuho at ang galit na ama gaya ng maaasahan ay gumuhong lahat din sa pakikiayon sa manugan na mayaman, mabikas at ang diwa’y busog sa tanglaw ng talino.

—Oh namamali kayo ng sapantaha, ang ginoong yaon na inakala ninyong isang matalino ay isang hangal na hindi marunong magpapanatili ng kaligayahan na ikinatiwala ng palad sa kanyang kapamahalaan.

—Hindi ko makita ang inyong sinasabi?

—Hindi?... Kahit ninyo ipikit ang inyong mga mata upang huwag makita, kahit ninyo takpan ang inyong mga tainga upang huwag maringig, ang dapat na mangyari ay mangyayari at gaya nang ako’y inyong kausap ngayon ay magiging panauhin sapook ng mga salarin ang palalong mayaman na inyong sinasapantahang batbat ng liwanag ng katalinuhan.

—Hindi ko malaman kung bakit at sa isang tao na may marangal na gawi, bagamang palalo; may dakilang asal at mapitagan hanggang sa lalong mapanganib na katayuan na, ang lalong malakas na diwa ay nadudupilas at nababalisa; at sa isang taong tahimik na sa gitna ng sigwa sa buhay ay di nababalino at di nakalilimot sa mga aral ng dakilang asal, kahit na magipit ng isang kagipitang likha mandin ng kanyang kapangahasan; hindi ko malaman kung bakit at sa isang tao na gaya noon ay nagbubuko ang iba ng masasamang nasa. Hindi ko malaman kung bakit dapat na mapabilang sa mga salarin.

—Ako po ang tanungin mo at ako ang makaaalam kung bakit—ang salo ng kasama.

—Turan mo nga po—ani Tomas.

—Sapagka’t isang hapon na di ninyo dapat na malimutan ay ipinasukat sa inyo ng taong yaon (tinutukoy si Maneng) ang makintab na baldosa ngLa Campana.

At ang dalawang tiktik ay nagtinginan na wari naala-ala ang isang pangyayaring nakabalisa kay Tomas.

—Hindi dahil doon mga Ginoo, hindi dahil sa ako’y kanyang tinampalasan.

—Ay dahil sa ano?

—Dahil sa inaakala ko na ang batás ay may sariling bisa sa harap ng mayaman at dukha man.

—Ano ang ibig ninyong sabihin?

—Na si Maneng, ang asawa ng taga Bokawe, ang mayaman, matalino, makisig na lalaking tahimik na tahimik ay nasa sa lilim ng kapamahalaan ng mga Hukuman, pagka’t siya’y lumabag sa mga batas na nagpapanatili ng kapayapaan ng ating Kapisanan.

At nang huwag kayong magalinlangan ay alamin ninyo na si Maneng aymakalawang pakasal, at ang ganitong paglabag ay pinarurusahan ng boong higpit.

—Ah, yan po’y hindi sa amin nauukol Ginoo. Wala po kaming karapatang magusig. Kami ay mga galamay lamangna ginagamit upang mapapanatili ang kapayapaan at ang mga Batás ay igalang at pairalin.

At ang tatlo’y naghiwalay.

At si Tomas ay tumungo sa Pasulatan upang yumari ng isang tudling na mahayap na magpapasakit ng gayon na lamang kay Maneng.

Back to IndexNext