XXVI KABANATANABIGO ANG PAGLALAKBAYINIWANG sandali ni Maneng sa kanyang biyanang babai ang mutya niyang si Nati at sa pagka’t talastas na kung ano ang sanhi ng pagyao ni Manéng na dili iba’t ang paghahanda ng kanilang paglalakbay na binabalak, ay di man tinutulan muntik man.Pagdaan ni Maneng sa Bokawe ay napataong nakadungaw ang masayang si Binay, kaya’t lumunsad si Maneng na parang doon talaga ang kanyang pakay.Naganyong mabalasik si Maneng na animo’y larawan ng lupit, samantalang si Binay naman ay parang sabik na sabik at walang anomang nangyayari na sumalubong sa asawang dumarating. Kay inam nilang magpakunwari.—Maneng—ani Binay—Anong laon nang di mo idinalaw sa akin. Bakit nga kaya’t tila nagtatampo sa akin ang tanginggiliw ko?—Dapat mong mahulaan—ang saad ni Maneng ng boong saklap.—Dapat kong mahulaan ang ano Maneng?Ako’yginugulo ng iyong anyo.Tinanggap mo baang liham kong kita’y inaantabayanan?—Oo, Binay, at talagang tinikis kong hindi dumalo upang yumaon sa akin ang masamang sandali.—Masamang sandali? Ano ang dahilan aking Maneng?—Ang dahilan?...—Oo, ang dahilan Maneng. Linawin mo nga sa akin?—Naaala-ala mo ba ang kalagimlagim na sandali nang angautoko at ang sasakiyan mo’y nagkabangga, ay iginawad sa iyo ng aking mga kasakay ang isangimperdible?—Oo, nguni’t kasintahan ang sabihin mo at hindi kasakay.—Kahit na gayon. Ang imperdible ay saan naroroon?—At ipinababawi ba? Pinagsisihan ba ang pagkakagawad noon sa akin... Dapat niyang malamang yao’y hindi ko hiningi.—Hindi nga, nguni’t ibig ko lamang makita ang imperdibleng yaon.—Nakatago at aking minamahal, sapagka’t saKaniyagaling.—Nakatago at iyong minamahal?—Oo Maneng at nagtataka ka?—Si Binay ay nagagalak sa panibugho ni Maneng.—Bakit hindi? Ang imperdibleng yaon na gawad niya ay minamahal ko pagka’t yao’y kaloob mo sa kanya at sa paggagawad niya sa akin ay parang naging paraan na ikaw ay nahilig sa aking pagmamahal, hindi ba Maneng?—At ilinapit ang kanyang katawan kay Maneng na animo’y naglalambing.Lumayo si Maneng at pinagmalas ng isang malas na punong puno ng kutiya si Binay, at saka nagpatuloy.—Kay inam mong magpakunwari. Sinabi mo ng boong katiwasayang ang imperdible ay iniingatan mo. Ito’y isang kabulaanan; sapagka’t ang imperdible ay nasa isang lalaki na pumupugay ng aking karangalan kung ako’y nakatalikod, nasa isang duwag na magnanakaw ng dangal....—Maneng!.... Dahan-dahan; ang isang lalaking marangal ay hindi parang isang hampaslupa na nagtutungayaw sa likod ng tinutungayaw. Tangi sa roon ay hinahamon kita na di mo mapatutunayan ang mga paratang mo; samantalang ang aking sa iyo’y ipinararatang ay patutunayan kong lahat.—Nasan angimperdible? Ipakita mo sa akin at nang mabunyag ang kabulaanan mo.... Ako’y hindi nalulungkot kung ikaw ma’y nagbago ng suyo. Makaaasa kang di kita titigatigin; nguni’t ang di ko matutulutan ay ang ako ang maging tagabayad ng mga sirang kasangkapan.—Ikaw ang bulaan Maneng—at nagtindig at nangangatal na kinuha angimperdiblena isinauli ni Tomas.—Narito—anya—kilalanin mo ang sangla mo kay Nati na kanyang pinalibhasa at pinawalang halaga. Minamahal ko sana, sapagka’t ang pangalan mo’y naririyan; nguni’t palabintangin ka at inialis mo sa akin ang kita’y pagpitaganan... Naririyan ang iyongimperdible—at ihinagis sa kandungan ng binata.Nagulat si Maneng sa di inaantabayanang nangyari at sa dapat na siya’y magalit ay siya ngayon ang di makaimik sa harap ng katotohanang kanyang nakikita.Alingimperdibleang kanyang nakita kay Tomas? Ito rin, itong ito; nguni’t bakit na sa kay Binay?Samantalang ito’y nagsalimbay sa kanyang hinagap, si Binay ay nagpatuloy:—Nalalaman kong gaya ng lahat ng bulag na asawa ikaw ay lubhang panibughuin, salamat Maneng sa tandang ito ng pagiingat mo ng karangalan, mainam yaon kahit na ako’y ipinalagay mong isangmaawain; nguni’t ang dito’y natatago, ang nalalaman mo, ang iyong tangka na aking nahulaan, ay ang makipagkagalit ka sa akin sa gayong paraan; nguni’t Maneng, maghunos dili ka. Alalahanin mong ikaw at ako ay iisa sa harap ng Dios. Alalahanin mo na maaari nating paglalangan ang iba, nguni’t tayong nakatatalastas ng ating ginawa, tayo’y di natin madadaya.At lumapit, na pamuli kay Maneng.—Ngayon Maneng, ang imperdibleng yan na hinahanap mo ay may matuwid kang mainis nga sa panibugho, nguni’t di sa akin, kungdi sa iyong Nati, na di natutong magmahal sa iyong alaala.—Aking Nati!...—ang pakunwari ni Maneng.At inakbayan ng kanyang bisig si Binay na hinigpit sa kanyang dibdib, upang mapaamo marahil.—Hangal!...—ani Maneng,—Maaari bang ang ibang babai ay aking mahalin samantalang ang panunumpa ko ay sa iyo iginawad?At ang babai, babai palibhasa ay napalamuyot sa mga alo ni Maneng at ang kangina’y nagkakagalit mandin, ngayo’y pamuling nagsilusong sa dagat ng ligaya.At sinamantala ni Binay ang ganoong kahinaan ng puso ni Maneng, na linasing na mabuti sa suyo at lamyos at nang makaraan ang ilang sandali ang lalaki ay nangusap:—Binay—aniya—Patawarin mo ako sa aking kabiglaanan. Angimperdibleay tanggapin mo at di ako sino upang bumawi ng isang bagay na di sa akin galing.—Itatago ko at tatanggapin ng boong puso bagamang umaapaw sa akin ang poot sa pinanggalingan niyan, sa babaing nagnanasang umagaw ng aking ligaya; nguni’t sa kasawian niya Maneng ay nasa piling kata at ako’y iyong minamahal, ano hindi ba Maneng?—Nang boong puso Binay, ng boong kaluluwa.—Ayaw ko nang mawalay pa sa iyo Maneng. Ang tukso ay lumiligid sa akin at ang panganib ay lumiligid sa iyong ibig kang iwalay sa aking piling.—Bakit Binay?—Ipinatatalastas ko sa iyo Maneng na ni isang sandali ay di na ako makapagiisa. Natatakot ako sa mga katotohanang umaagaw sa aking katahimikan.—Ano yaon Binay, ipagtapat mo sa akin at aking lulunasan pagdaka.—Sa ikaw ay nasa ibang piling Maneng, at gaya ng asawang mairugin ako’y nananaghili.—Na ako’y nasa ibang piling ngayong ako’y naririto at iyong iyong magisá?—Oo, Maneng ikaw ay nagkamali, nguni’t pinatatawad kita. Di na ako hihiwalay sa iyo isang saglit man.—Ano Binay ang ipinagkamali ko?—Napakasal ka kay Nati. Hindi ba? Pabulaanan mo sa akin Maneng ang katotohanang iyan, at alang-alang sa salita mo’y paniniwalaan kita.—Oh, hindi, hindi; kailan ma’y hindi ko magagawa ang gayon—ang animo’y baliw na tugon ni Maneng.—Pabulaanan mo Maneng ang Pahayagang iyan na nagbabalitang isang paninirang puri—at iniabot ang Pahayagan.—Pagusigin mo kung sino ang naglathala.—Oh.... yan ay kabulaanan ng mga manunulat. Pag-uusigin ko....—Oo, kabulaanan nga; at hayan pa ang isang pakana ng mga kaaway mo—at iniabot ang kasulatan ng kasal nila ni Nati.Kung ang lupa ay mabuka at linamon si Maneng, kaipala’y minabuti niya kay sa nangyaring yaon. Malaong di umiimik at napalagmak sa panlolomo. Ang pawis niya sa noo ay butil butil na sumisibol.Si Binay ay agad lumapit at anya:—Maneng, huwag kang malumbay. Ano sa akin kungsiya’yisang hangal na sumugba sa ningas? Ang karangalan ay akin at ang kapintasan ay nasakanya, sakanyababagsak ang pula. Makalilibo ka mang ibigin ng ibang babai ay di ko pinipigil ang iyong laya. Ibahin mo ako Maneng, nguni’t sapagka’t ako’y asawa mo, ay dapat na ang gabi ay ibigay mo sa akin, sapagka’t yaon ay akin. Hindi ba Maneng?—Salamat Binay, kay laki ng iyong puso.At ang dalawang magasawa ay magkasamang lumuwas sa Maynila pagkatapos na makuhang lahat ang mga ari-arian ni Binay.Napatayo si Maneng sa isang katayuang mapanganib, nguni’t ano ang magagawa sa yaon ay likha ng mga pangyayaring di maiiwasan?

XXVI KABANATANABIGO ANG PAGLALAKBAY
INIWANG sandali ni Maneng sa kanyang biyanang babai ang mutya niyang si Nati at sa pagka’t talastas na kung ano ang sanhi ng pagyao ni Manéng na dili iba’t ang paghahanda ng kanilang paglalakbay na binabalak, ay di man tinutulan muntik man.
Pagdaan ni Maneng sa Bokawe ay napataong nakadungaw ang masayang si Binay, kaya’t lumunsad si Maneng na parang doon talaga ang kanyang pakay.
Naganyong mabalasik si Maneng na animo’y larawan ng lupit, samantalang si Binay naman ay parang sabik na sabik at walang anomang nangyayari na sumalubong sa asawang dumarating. Kay inam nilang magpakunwari.
—Maneng—ani Binay—Anong laon nang di mo idinalaw sa akin. Bakit nga kaya’t tila nagtatampo sa akin ang tanginggiliw ko?
—Dapat mong mahulaan—ang saad ni Maneng ng boong saklap.
—Dapat kong mahulaan ang ano Maneng?Ako’yginugulo ng iyong anyo.Tinanggap mo baang liham kong kita’y inaantabayanan?
—Oo, Binay, at talagang tinikis kong hindi dumalo upang yumaon sa akin ang masamang sandali.
—Masamang sandali? Ano ang dahilan aking Maneng?
—Ang dahilan?...
—Oo, ang dahilan Maneng. Linawin mo nga sa akin?
—Naaala-ala mo ba ang kalagimlagim na sandali nang angautoko at ang sasakiyan mo’y nagkabangga, ay iginawad sa iyo ng aking mga kasakay ang isangimperdible?
—Oo, nguni’t kasintahan ang sabihin mo at hindi kasakay.
—Kahit na gayon. Ang imperdible ay saan naroroon?
—At ipinababawi ba? Pinagsisihan ba ang pagkakagawad noon sa akin... Dapat niyang malamang yao’y hindi ko hiningi.
—Hindi nga, nguni’t ibig ko lamang makita ang imperdibleng yaon.
—Nakatago at aking minamahal, sapagka’t saKaniyagaling.
—Nakatago at iyong minamahal?
—Oo Maneng at nagtataka ka?—Si Binay ay nagagalak sa panibugho ni Maneng.
—Bakit hindi? Ang imperdibleng yaon na gawad niya ay minamahal ko pagka’t yao’y kaloob mo sa kanya at sa paggagawad niya sa akin ay parang naging paraan na ikaw ay nahilig sa aking pagmamahal, hindi ba Maneng?—At ilinapit ang kanyang katawan kay Maneng na animo’y naglalambing.
Lumayo si Maneng at pinagmalas ng isang malas na punong puno ng kutiya si Binay, at saka nagpatuloy.
—Kay inam mong magpakunwari. Sinabi mo ng boong katiwasayang ang imperdible ay iniingatan mo. Ito’y isang kabulaanan; sapagka’t ang imperdible ay nasa isang lalaki na pumupugay ng aking karangalan kung ako’y nakatalikod, nasa isang duwag na magnanakaw ng dangal....
—Maneng!.... Dahan-dahan; ang isang lalaking marangal ay hindi parang isang hampaslupa na nagtutungayaw sa likod ng tinutungayaw. Tangi sa roon ay hinahamon kita na di mo mapatutunayan ang mga paratang mo; samantalang ang aking sa iyo’y ipinararatang ay patutunayan kong lahat.
—Nasan angimperdible? Ipakita mo sa akin at nang mabunyag ang kabulaanan mo.... Ako’y hindi nalulungkot kung ikaw ma’y nagbago ng suyo. Makaaasa kang di kita titigatigin; nguni’t ang di ko matutulutan ay ang ako ang maging tagabayad ng mga sirang kasangkapan.
—Ikaw ang bulaan Maneng—at nagtindig at nangangatal na kinuha angimperdiblena isinauli ni Tomas.
—Narito—anya—kilalanin mo ang sangla mo kay Nati na kanyang pinalibhasa at pinawalang halaga. Minamahal ko sana, sapagka’t ang pangalan mo’y naririyan; nguni’t palabintangin ka at inialis mo sa akin ang kita’y pagpitaganan... Naririyan ang iyongimperdible—at ihinagis sa kandungan ng binata.
Nagulat si Maneng sa di inaantabayanang nangyari at sa dapat na siya’y magalit ay siya ngayon ang di makaimik sa harap ng katotohanang kanyang nakikita.
Alingimperdibleang kanyang nakita kay Tomas? Ito rin, itong ito; nguni’t bakit na sa kay Binay?
Samantalang ito’y nagsalimbay sa kanyang hinagap, si Binay ay nagpatuloy:
—Nalalaman kong gaya ng lahat ng bulag na asawa ikaw ay lubhang panibughuin, salamat Maneng sa tandang ito ng pagiingat mo ng karangalan, mainam yaon kahit na ako’y ipinalagay mong isangmaawain; nguni’t ang dito’y natatago, ang nalalaman mo, ang iyong tangka na aking nahulaan, ay ang makipagkagalit ka sa akin sa gayong paraan; nguni’t Maneng, maghunos dili ka. Alalahanin mong ikaw at ako ay iisa sa harap ng Dios. Alalahanin mo na maaari nating paglalangan ang iba, nguni’t tayong nakatatalastas ng ating ginawa, tayo’y di natin madadaya.
At lumapit, na pamuli kay Maneng.
—Ngayon Maneng, ang imperdibleng yan na hinahanap mo ay may matuwid kang mainis nga sa panibugho, nguni’t di sa akin, kungdi sa iyong Nati, na di natutong magmahal sa iyong alaala.
—Aking Nati!...—ang pakunwari ni Maneng.
At inakbayan ng kanyang bisig si Binay na hinigpit sa kanyang dibdib, upang mapaamo marahil.
—Hangal!...—ani Maneng,—Maaari bang ang ibang babai ay aking mahalin samantalang ang panunumpa ko ay sa iyo iginawad?
At ang babai, babai palibhasa ay napalamuyot sa mga alo ni Maneng at ang kangina’y nagkakagalit mandin, ngayo’y pamuling nagsilusong sa dagat ng ligaya.
At sinamantala ni Binay ang ganoong kahinaan ng puso ni Maneng, na linasing na mabuti sa suyo at lamyos at nang makaraan ang ilang sandali ang lalaki ay nangusap:
—Binay—aniya—Patawarin mo ako sa aking kabiglaanan. Angimperdibleay tanggapin mo at di ako sino upang bumawi ng isang bagay na di sa akin galing.
—Itatago ko at tatanggapin ng boong puso bagamang umaapaw sa akin ang poot sa pinanggalingan niyan, sa babaing nagnanasang umagaw ng aking ligaya; nguni’t sa kasawian niya Maneng ay nasa piling kata at ako’y iyong minamahal, ano hindi ba Maneng?
—Nang boong puso Binay, ng boong kaluluwa.
—Ayaw ko nang mawalay pa sa iyo Maneng. Ang tukso ay lumiligid sa akin at ang panganib ay lumiligid sa iyong ibig kang iwalay sa aking piling.
—Bakit Binay?
—Ipinatatalastas ko sa iyo Maneng na ni isang sandali ay di na ako makapagiisa. Natatakot ako sa mga katotohanang umaagaw sa aking katahimikan.
—Ano yaon Binay, ipagtapat mo sa akin at aking lulunasan pagdaka.
—Sa ikaw ay nasa ibang piling Maneng, at gaya ng asawang mairugin ako’y nananaghili.
—Na ako’y nasa ibang piling ngayong ako’y naririto at iyong iyong magisá?
—Oo, Maneng ikaw ay nagkamali, nguni’t pinatatawad kita. Di na ako hihiwalay sa iyo isang saglit man.
—Ano Binay ang ipinagkamali ko?
—Napakasal ka kay Nati. Hindi ba? Pabulaanan mo sa akin Maneng ang katotohanang iyan, at alang-alang sa salita mo’y paniniwalaan kita.
—Oh, hindi, hindi; kailan ma’y hindi ko magagawa ang gayon—ang animo’y baliw na tugon ni Maneng.
—Pabulaanan mo Maneng ang Pahayagang iyan na nagbabalitang isang paninirang puri—at iniabot ang Pahayagan.—Pagusigin mo kung sino ang naglathala.
—Oh.... yan ay kabulaanan ng mga manunulat. Pag-uusigin ko....
—Oo, kabulaanan nga; at hayan pa ang isang pakana ng mga kaaway mo—at iniabot ang kasulatan ng kasal nila ni Nati.
Kung ang lupa ay mabuka at linamon si Maneng, kaipala’y minabuti niya kay sa nangyaring yaon. Malaong di umiimik at napalagmak sa panlolomo. Ang pawis niya sa noo ay butil butil na sumisibol.
Si Binay ay agad lumapit at anya:
—Maneng, huwag kang malumbay. Ano sa akin kungsiya’yisang hangal na sumugba sa ningas? Ang karangalan ay akin at ang kapintasan ay nasakanya, sakanyababagsak ang pula. Makalilibo ka mang ibigin ng ibang babai ay di ko pinipigil ang iyong laya. Ibahin mo ako Maneng, nguni’t sapagka’t ako’y asawa mo, ay dapat na ang gabi ay ibigay mo sa akin, sapagka’t yaon ay akin. Hindi ba Maneng?
—Salamat Binay, kay laki ng iyong puso.
At ang dalawang magasawa ay magkasamang lumuwas sa Maynila pagkatapos na makuhang lahat ang mga ari-arian ni Binay.
Napatayo si Maneng sa isang katayuang mapanganib, nguni’t ano ang magagawa sa yaon ay likha ng mga pangyayaring di maiiwasan?