X KABANATAANG PAGKAINIP NI SELMO

X KABANATAANG PAGKAINIP NI SELMOANG magandang halamanan at malawak na bakuran ng bahay nina Selmo ay nagdudulot ng isang kaaya-ayang tanawin. Animo’y yaong mga likha ng mgaHadao mga halamanan ng pangarap saMil y Una Noches, na ang mga halaman ay namumunga ng mga granadang ginto, bagamang sa halamanang ito’y pawang mga parol na papel na iba’t ibang kulay lamang ang nagsabit na tagabalita dito sa ating masaganang lupain ng kasipagan ng mga hapon. ¡Kailan pa kaya tayo gagamit ng sarili nating yari!Kahanga-hanga at kagila-gilalas ang banta ng pista. Lubhang marami na, ang dalong panauhin, na buhat sa iba’t ibang pook. Mga lalong tanyag sa mga bayang kalapit. Mga dalagang lalawigan na may kanyang sariling tatak na pagkakakilanlan, maging sa yumi, sa kilos at sa pagsasalita; may mga tingig silang nakakikiliti, may mga pangungusap silang kawiliwili, mga anyong kapintupintuho, talaghay na nanghahalina at mga ngiti at titig na tumitigatig sa mga pusong pangarapin; yumayayang umawit sa may diwang makata, at manikluhod, sumuyo at sumamba sa mga kawal ng kapanahunan. Mga binata na parang kakambal ng mga babai sa mga gayong pistahan na di rin naman nagpapabaya. Sa kanilang anyo, ay mababasa ng mga mapapansinin ang tatlong kiyas na iba’t iba.Mayroon doong mahahabang buhok, amerikanang mahahabarin, nguni’t makipot at maigsi ang salawal na natatapos sa isang saping malapad ang dulo at tikwas. Sila’y ang mga yari ng bagong panahon, ang bunga ngcivilización moderna, sa kapanahunang ipinakikipamuhay natin sa mga inakay ng dakilang lawin ng mgaWashington. Ang kanilang mga salita ay maingay, mapalalo ang anyo at magaslaw ang mga kilos na salungat na salungat sa yumi ng tagalog, nguni’t mga diwang maliwanag, o matang malilinaw, bagamang marami’y gumagamit ng salamin, at may mga kaisipang mapapangahas.May pulutong namang binubuo ngkaugaliang yumaoniyaong mulat at aral sa mga paaralang kastila at ang kanilang mga anyo kahit hindi palalo ay kagalang-galang at mapipitagang makipagusap, at pihikan ang mga kilos. Mga buhay na Bantayog ng limang daang taong pagkaidlip.Nguni’t ano mang kapangyarihan ng dalawangcivilizacionna nagsumikap pumatay ng ating likas na kakanyahan, ay nababakas din ang dati nating mga kiyas maging sa mga magugulang na, na nangakabarong tagalog, sa mga binatang nadaramtan ng mga damit na pang antipolo, at sa mga dalo na gumagara sa pamamag-itan ng kanilang mga kasuotang pinya, husi, at sinamay, sangayon sa pahintulot ng kanilang kalagayan at kaya.Sa lahat ng ito’y bakit ang mga musiko’y di nagsisidating?Balisa si Selmo at di mapatahimik, parang dinuduro ng karayom, yao’t dito at palaging sa malayo ang tingin. Si Maneng ay poot na poot sangayon sa ibinabadha ng kaniyang nangungunot na kilay na nagbibigay sa kaniyang mukha ng isang anyong mabalasik. Si Nati at si Mameng at sampu ni aleng Tayang ay dinadalaw ng lungkot sa malaking kahihiyang sasapitin. Tumugtog ang orasan at bumilang ng labing isa; labing-isang palo ng bakal na nagbigay ng taginting na nanunuod sa mga buto ni Selmo, nagpapalungkot ng gayon na lamang kina Nati at Mameng, gayon din naman kay aling Tayang, na lumapit kay Selmo na nasa tabi ng tarangkahan at aniya:—Kundangan ka lamang ay kung bakit kumatikati paang balat mong sa Maynila pa sumita ng Orkesta sa dito naman sa Marilao ay may kamada din ng musiko.Si Selmo ay hindi umiimik at isinungaw pang muli ang kanyang ulo sa tarangkahan.Si Maneng, ay hindi makausap. Malayo sa karamihan. Kay bilis mandin ng lakad ng orasan.Si Yoyong sa kabilang dako sa nasang makasabagal ay maya’t maya’y naghahandog ng mga hititin atcervezasa mga binata, at bulaklak naman atvermouthsa mga babai. Ang kasaganaan ng alak at iba pang kailangan ay hindi na mahuhuli sa isang lalong maringal na piging; nguni’t piging na walang musiko ay piging na walang pinagibhan sa isang halamang malago nguni’t walang bulaklak, o bulaklak kayang napakadidilat gaya ng gumamela nguni’t wala namang samyo.Kung nang mga sandaling yaon, ay may humarap na Tikbalang kay Maneng, ipinagpalit niya disin ang kaniyang kaluluwa, huwag lamang matayo sa kahihiyan si Selmo.Nang mga sandaling yaon ay para silang iniinis kapuwa ng iisang kabalisahan, kapuwa nginangat-ngat ang kanilang puso ng isang di makitang kaaway, at nagpapasasa sa kanilang kahinaan.Tumugtog na pamuli ang orasan at ang balita’y isang mataginting na “tang” ibig sabihi’y kalahating oras na naman ang yumaon.Lumapit si Selmo kay Maneng ng boong lungkot at hinarap naman kaagad ng linapitan na parang di man lamang nababahala.—Huwag kang malungkot Selmo at iya’y isang malaking subok sa atin. Tinataya lamang kung gaano kalaki ang ating diwa.—Maneng... Hindi na ako mahuhulog na muli pa sa ganitong katayuan.—May pinagsulatan ba kayo ng Nangangasiwa ng Orkesta?—Oo. Mayron.—at dinukot ang isang tiklop na papel ng kasunduan nila ng “Orkesta San Juan.”Hindi pa nababasa ni Maneng nang makitang “Orkesta San Juan” ay aniya:—Si Kapitang Kikoy ay isang taong mahal at di maaaring magpakasira.—At tinunghan ang kasunduan. Nang mga sandaling yaon ang magkaibigan ay parang wala sa isang malaking pista, katulad nila’y ang mga Patnugot ng kalakal na bumabasa ng isang babala tungkol sa mga bagay na tatanggapin sa isang sasakyang dumadaong at nasang makapamahagi agad sa mga suki, o niyang mga Pamunuang digma na nagmamasid ng boong ingat ng mga balak, ng labanan.—Talagang hindi magpapakasira si Kapitang Kikoy—ang patunay ni Maneng at ang dugtong—O, basahin mo—at itinuro ang tanda ng oras.“Sayawan pag-kapananghali hangang sa hating gabi.”—¡Leekat!... Ako ang may kasalanan kung gayon; hindi ako dapat mabahala at mainip, sila’y walang salang di lulan ng tren saa las doce. Ano ang wika mo Maneng?—Yaon ang inaasahan ko.Ang angal ng “Bwick” ay nagbalita sa kanilang si Ikong ay dumarating at walo kataong manunugtog ang kasama. Isangcomparsang mga bandurrista na binubuo ng panay na binata na pawang nakabarong madalang. Parang tiniyap sa isang piknik.

ANG magandang halamanan at malawak na bakuran ng bahay nina Selmo ay nagdudulot ng isang kaaya-ayang tanawin. Animo’y yaong mga likha ng mgaHadao mga halamanan ng pangarap saMil y Una Noches, na ang mga halaman ay namumunga ng mga granadang ginto, bagamang sa halamanang ito’y pawang mga parol na papel na iba’t ibang kulay lamang ang nagsabit na tagabalita dito sa ating masaganang lupain ng kasipagan ng mga hapon. ¡Kailan pa kaya tayo gagamit ng sarili nating yari!

Kahanga-hanga at kagila-gilalas ang banta ng pista. Lubhang marami na, ang dalong panauhin, na buhat sa iba’t ibang pook. Mga lalong tanyag sa mga bayang kalapit. Mga dalagang lalawigan na may kanyang sariling tatak na pagkakakilanlan, maging sa yumi, sa kilos at sa pagsasalita; may mga tingig silang nakakikiliti, may mga pangungusap silang kawiliwili, mga anyong kapintupintuho, talaghay na nanghahalina at mga ngiti at titig na tumitigatig sa mga pusong pangarapin; yumayayang umawit sa may diwang makata, at manikluhod, sumuyo at sumamba sa mga kawal ng kapanahunan. Mga binata na parang kakambal ng mga babai sa mga gayong pistahan na di rin naman nagpapabaya. Sa kanilang anyo, ay mababasa ng mga mapapansinin ang tatlong kiyas na iba’t iba.

Mayroon doong mahahabang buhok, amerikanang mahahabarin, nguni’t makipot at maigsi ang salawal na natatapos sa isang saping malapad ang dulo at tikwas. Sila’y ang mga yari ng bagong panahon, ang bunga ngcivilización moderna, sa kapanahunang ipinakikipamuhay natin sa mga inakay ng dakilang lawin ng mgaWashington. Ang kanilang mga salita ay maingay, mapalalo ang anyo at magaslaw ang mga kilos na salungat na salungat sa yumi ng tagalog, nguni’t mga diwang maliwanag, o matang malilinaw, bagamang marami’y gumagamit ng salamin, at may mga kaisipang mapapangahas.

May pulutong namang binubuo ngkaugaliang yumaoniyaong mulat at aral sa mga paaralang kastila at ang kanilang mga anyo kahit hindi palalo ay kagalang-galang at mapipitagang makipagusap, at pihikan ang mga kilos. Mga buhay na Bantayog ng limang daang taong pagkaidlip.

Nguni’t ano mang kapangyarihan ng dalawangcivilizacionna nagsumikap pumatay ng ating likas na kakanyahan, ay nababakas din ang dati nating mga kiyas maging sa mga magugulang na, na nangakabarong tagalog, sa mga binatang nadaramtan ng mga damit na pang antipolo, at sa mga dalo na gumagara sa pamamag-itan ng kanilang mga kasuotang pinya, husi, at sinamay, sangayon sa pahintulot ng kanilang kalagayan at kaya.

Sa lahat ng ito’y bakit ang mga musiko’y di nagsisidating?

Balisa si Selmo at di mapatahimik, parang dinuduro ng karayom, yao’t dito at palaging sa malayo ang tingin. Si Maneng ay poot na poot sangayon sa ibinabadha ng kaniyang nangungunot na kilay na nagbibigay sa kaniyang mukha ng isang anyong mabalasik. Si Nati at si Mameng at sampu ni aleng Tayang ay dinadalaw ng lungkot sa malaking kahihiyang sasapitin. Tumugtog ang orasan at bumilang ng labing isa; labing-isang palo ng bakal na nagbigay ng taginting na nanunuod sa mga buto ni Selmo, nagpapalungkot ng gayon na lamang kina Nati at Mameng, gayon din naman kay aling Tayang, na lumapit kay Selmo na nasa tabi ng tarangkahan at aniya:

—Kundangan ka lamang ay kung bakit kumatikati paang balat mong sa Maynila pa sumita ng Orkesta sa dito naman sa Marilao ay may kamada din ng musiko.

Si Selmo ay hindi umiimik at isinungaw pang muli ang kanyang ulo sa tarangkahan.

Si Maneng, ay hindi makausap. Malayo sa karamihan. Kay bilis mandin ng lakad ng orasan.

Si Yoyong sa kabilang dako sa nasang makasabagal ay maya’t maya’y naghahandog ng mga hititin atcervezasa mga binata, at bulaklak naman atvermouthsa mga babai. Ang kasaganaan ng alak at iba pang kailangan ay hindi na mahuhuli sa isang lalong maringal na piging; nguni’t piging na walang musiko ay piging na walang pinagibhan sa isang halamang malago nguni’t walang bulaklak, o bulaklak kayang napakadidilat gaya ng gumamela nguni’t wala namang samyo.

Kung nang mga sandaling yaon, ay may humarap na Tikbalang kay Maneng, ipinagpalit niya disin ang kaniyang kaluluwa, huwag lamang matayo sa kahihiyan si Selmo.

Nang mga sandaling yaon ay para silang iniinis kapuwa ng iisang kabalisahan, kapuwa nginangat-ngat ang kanilang puso ng isang di makitang kaaway, at nagpapasasa sa kanilang kahinaan.

Tumugtog na pamuli ang orasan at ang balita’y isang mataginting na “tang” ibig sabihi’y kalahating oras na naman ang yumaon.

Lumapit si Selmo kay Maneng ng boong lungkot at hinarap naman kaagad ng linapitan na parang di man lamang nababahala.

—Huwag kang malungkot Selmo at iya’y isang malaking subok sa atin. Tinataya lamang kung gaano kalaki ang ating diwa.

—Maneng... Hindi na ako mahuhulog na muli pa sa ganitong katayuan.

—May pinagsulatan ba kayo ng Nangangasiwa ng Orkesta?

—Oo. Mayron.—at dinukot ang isang tiklop na papel ng kasunduan nila ng “Orkesta San Juan.”

Hindi pa nababasa ni Maneng nang makitang “Orkesta San Juan” ay aniya:

—Si Kapitang Kikoy ay isang taong mahal at di maaaring magpakasira.—At tinunghan ang kasunduan. Nang mga sandaling yaon ang magkaibigan ay parang wala sa isang malaking pista, katulad nila’y ang mga Patnugot ng kalakal na bumabasa ng isang babala tungkol sa mga bagay na tatanggapin sa isang sasakyang dumadaong at nasang makapamahagi agad sa mga suki, o niyang mga Pamunuang digma na nagmamasid ng boong ingat ng mga balak, ng labanan.

—Talagang hindi magpapakasira si Kapitang Kikoy—ang patunay ni Maneng at ang dugtong—O, basahin mo—at itinuro ang tanda ng oras.

“Sayawan pag-kapananghali hangang sa hating gabi.”

—¡Leekat!... Ako ang may kasalanan kung gayon; hindi ako dapat mabahala at mainip, sila’y walang salang di lulan ng tren saa las doce. Ano ang wika mo Maneng?

—Yaon ang inaasahan ko.

Ang angal ng “Bwick” ay nagbalita sa kanilang si Ikong ay dumarating at walo kataong manunugtog ang kasama. Isangcomparsang mga bandurrista na binubuo ng panay na binata na pawang nakabarong madalang. Parang tiniyap sa isang piknik.

Back to IndexNext