VIII

VIIIKilabútan kayóng Lahat!Pagkaráan ng̃ dalawáng áraw, ang isang malagánap na páhayagáng pilipino ay kinábasáhan ng̃ mg̃a ganitóng balità:“MGA PUNONG MAKIKISIG“Isang amerikanong nagng̃ang̃álang John Stag na nabilanggô sa báyan ng̃ Libis, ay nakatákas noóng gabí ng̃ ika 7 ng̃ kasalukúyan. Hanggá ng̃ayon ay di pa naaaláman kung saan nagtatagò ang umalpás.“Hindî lang itó ang nangyayári sa Libís. Ang báyang iyán ay isá pa mandin sa mg̃a matitíbay na kutà at matalinghágang púgad ng̃ Bisyo sa Pilipinas. Nagkakatusak doon ang nagkikisígang mg̃a sabung̃án. Sa báwa’t súlok, magíng áraw at magíng gabí, ay may mónte, túpada, hweteng at kung anóanó pang mg̃a laróng báwal.“Ang mainam nitó, ay kundî pa dumayo dóon ang mg̃a sekrétang-Maynilà, ang mg̃a iya’y di matututóp!“At ang maginoong Presidente? at ang mg̃a pulés?“Nang̃aghihilíkan bang lahat.”Ang balítang tumutukoy sa pagtataanán ni Stag ay inámin ni Kápitang Memò;ng̃uni’tlubhâng malakí ang pagkapoót niyá sa tumutúkoy sa sugál at sábong. Ito’y kanyang tinutulang mahigpít kahimá’t di nalilihis sa katotohánan; datapwa’t tútol bibíg lamang naman, pagtutol na kung kayâ lang ganapin ay pag násasa haráp ng̃ matitinong tao...Talagáng gayón si Kápitang Memò.Kaaway kunwâ ng̃ bisyo, dapwa’t siya ang nagpalagò sa kanyang bayan ng̃ sugal at sabong—iyang mg̃a laróng walang tumatangkilik kundi ang lahat ng̃ mg̃a tamad, ang lahát nang ibig mabuhay nang nakang̃ang̃á, ang mg̃a nanghihináyang na gamítin ang útak, magpatulò ng̃ páwis at batákin ang butó, ang mg̃a ulól at mg̃a duwág na natatákot yumápak sa mg̃a baitang ng̃ hagdánang matarík na patúng̃o sa karang̃álan at katinuán ng̃ táo sa pamumúhay...Ng̃uni’t hindî ang mahálay na pagkagúmong sa mg̃a hilig na iyang karápatdápat pakásumpâin, ang siyang tang̃ing maibabalità ng̃ mg̃apáhayagan tungkól sa báyan ng̃ Libis. Mayroón pang ibá na lalong mahalagá.Kung suriìng mabúti ang pamunúan ni Kápitang Memò, ay mapagkikítang ang mg̃a pang̃ákò nitó sa bayan, mg̃a pang̃ákong sagana sa háng̃in at pulótpukyutan, ay untiuntíng nang̃aunsiyámì. Ang mg̃a tungkúling mabibigát na ikinápit sa kanyá ng̃ kautusán ay maíng̃at na iniwásan hanggáng maaárì. Kung alin yaong kanyang napagtutubúan ng̃ walang págod, kung alin ang di nararápat gawín ay siyang pinag-ubusan ng̃ kaya.Sa maiksing sábi, ang pamahaláang umiral ay isáng pamahaláang kailán ma’y hindî nakasunód sa tunay na niloloób ng̃ bayan, sa itinatadhanà ng̃ mg̃a utos-pamahaláang waláng nakapangyári kundi ang isáng Kápitang Memò.Na ito’y di maaarì sapagka’t may Konsého Munisipal? Kabulaánan!Túnay ng̃â na ang konsého, sa pagkakinatawán niya ng̃ bayan, ay di nararápat bumálak ó umáyon sa alin mang bálak na salung̃át sa ikagiginháwa ng̃ mg̃a mámamayán; na ang mg̃a konsehal ay kailáng̃ang magpakatalíno, mamuhúnan ng̃ sipag at pagiing̃at sa paglikhâ ng̃ mg̃a kautusán; na sila’y dápat gumálang, sumunód at ipagmalasákit ang mg̃a damdamin at náis ng̃ báyang sa kanila’y naghalál.Tunay ang lahat ng̃ iyán dapwa’t sa kasaliwâang palad ay di siyáng nangyari. Sa loob ng̃ konsého sa Libis ay dádaladalawá ang mg̃a konsehal na natutong gumámit ng̃ talíno, dádaladalawá ang nagkaloób na tumútol, at kailan ma’y di napatang̃áy sa mg̃a lisya’t walang wastông panukala ni Kápitang Memò. Datapwa’t anó ang kaniláng magagawâ sa sila’y dádaladalawá? ¿Paánong magkakabisà ang matwíd niláng pagtútol sa haráp ng̃ ánim na kalábang bing̃í sa sigáw ng̃ Katwíran? Anim na konsehal na sunudsunúran saan man batákin ni Kápitang Memò; ánim na konsehal na tuwíng magpupúlong ay harì ng̃ tamád sa pakikitunggalì sa mg̃a bagay na tumutúkoy sa báyan; anim na konsehal na kung kaya lamang gumising nang gisíng na gisíng ay kung ang pag-uusápa’y ang pagpapahintúlot sa malayang pagsambá kay “San Sabong” at “San Sugal”, ng̃uni’t pag ibá nang bagay na may kahirápang suriin, ay daig pa ang ipinatdâ ang mg̃a dilà sa ng̃alang̃ála!Iyán ang mg̃a táong may mg̃a matá ay di makakita, may mg̃a tayng̃a ay di makadiníg. Kapag hining̃án ng̃ pasiyá sa isang panukálang binálak ó inayunan ni Kápitang Memò, siláng lahat ay pawang mg̃a áyon; ng̃uni’t hindi silá sangáyon kapag nákitang iilíng-ilíng ang kanilangpang̃inóon, ang kanilang Diyos! Maánong magisip-isip; maánong harapín at kilalanin ang Matwíd!... Oh, alíping asal na ulirán sa kahaláyan! Oh, mg̃a táong walâng sariling damdámin! Salámat at ang mg̃a konséhong gaya ng̃ inyóng kinaaníban ay iilán-ilán lamang. At kung hindi, anóng talas na sandátang makakalaság ng̃ mg̃a káaway ng̃ Pagsasarilíng pinakamimithî ng̃ Báyan!Malinaw ng̃ang lumálabas na dahil sa pagkauring busábos ng̃ konsého ay patúloy pa rin si Kápitang Memò sa kanyáng ugáling paghahariharian; na dahil din diya’y ang bawa’t ibígin niyá, matwid ó baluktot, ay siyáng nangyári.Dapwa’t salámat at sa mabúting kapaláran ay di na ang lahat doo’y natutúlog, gaya ng̃ panahóng nagdaan; hindi na ng̃ayón ang lahát ay kampon nila “Talagá ng̃ Diyos;” hindî na ng̃ayón pawang pipi ang madlâ.Sa bayang iyon ay mayroón nang naglitaw na ilang káwal ng̃ Bágong Panahon. Si Gerardo ay isa sa kanila. Sa haráp nang gayong pagdáyà ng̃ isáng pinunò sa kanyang mg̃a nasasakóp, ay siya ang kaunáunáhang gumamit ng̃ karapatan; sa kanya unang nádinig ang makapangyaríhang sigáw ng̃ katwírang niyuyurákan. Si Gerardo ay di nagalinláng̃an munti man. Saisang malaking papúlong ng̃ kanyáng mg̃a kapanálig ay maáyos na tinuligsâ ang kabulukán ng̃ pamunúan. Bumanggit siyá ng̃ mg̃a nangyári, inihayág ang mg̃a tiwalîng gawâ ni Kapitang Memò, ang mg̃a palákad nito na pawàng salung̃át sa mg̃a kautusán. Ipinakilala niya sa madlâ ang túnay na KápitangMemò, isinalaysáy ang boóng kabuháyan nito, na pinagarálang maíng̃at ni Gerardo mulâ sa punò hanggáng dulo. Inalaráwan niyá ang pagkawalâng-káya, ang pagkatamád, ang pagkawalâng-malasákit sa pinamumunúan, ang pagka-di-dapat na mamunò, ang pagkamagnanákaw, ang pagkamámamátay—anó pa’t sa minsáng sabi, ang boóng lihim at túnay na kataúhan ni Kápitang Memò, na, sapagka’t natutong magbalat kayô, ay nang̃ing̃ibabaw ng̃ayón sa kanilang lahát.Upang mapatunáyan ang lahat ng̃ ito, si Gerardo ay nagharáp sa papúlong na iyón ng̃ maráming saksí. Natatang̃ì sa mg̃a itó ang isang babáeng may ápat na púng taón na maráhil. Dukhâng-dukhâ ang kanyang pananamit na bukód sa nanglilimahid na, ay punít punítpa. Sa haráp ng̃ mg̃a táong doo’y natitípon, ay isinalaysay ng̃ babáeng ito ang napakalungkót niyáng kabuháyan.“Bihirà sa inyó”—anyá—“ang di nakakakilálasa ákin. Dapwa’t lahát kayó ay pawàng di nakababatid sa napakaabáng pálad na ikinapadpád ko sa ganitóng kalagáyan.“Akó’y inaanák sa isáng malayong bayan—doón sa gitnâ ng̃ lalawígang Tarlák. Ang áking mg̃a magúlang ay mg̃a táong payapa’t mararang̃ál.“Mayayáman silá, dapwa’t noong nang̃abubúhay, ay mg̃a kaibigang tapát ng̃ báyang maralitâ.“Walâ pa akóng sampúng taón nang ako’y maulila sa iná. Palibhasa’t nang̃amatáy ang lahat ng̃ áking kapatíd, nagtamasá ako ng̃ boong láyaw at kasaganáan sa piling ni amá.“Hindî namán ako páng̃it noóng mg̃a áraw na iyón, kayá’t sabihin pa ba, hindì kakauntî ang mg̃a binátang nagnasang maglingkód sa ákin.“Dumatíng ang sandalî na ako’y natútong umíbig.“Dapwa’t ¡ay! Pagkatápos na áking maihandóg ang iisa kong pag-irog sa náhirang ni Bathalang pang̃inoónin niyaring pusò, pagkatápos na áking maasámasám ang ligáyang pílit kong lalasapín sa kanyáng kandúng̃an, ay saka ako sinikíl ng̃ pagkálupítlupít kong kapaláran!.....“Isáng háting gabí, noong panahón ng̃ paghihimagsik, ako ay nágulangtáng sa ákingpagtúlog. Sa mg̃a únang sandalî, áking hininalang yaon marahil ay bang̃úng̃ot lang. Ng̃uni’t ¡sa aba ko! Nang mamúlat ang aking mg̃a matá, nang luminaw ang aking pag-iisip, ay napagmalas kong yao’y di pala bang̃úng̃ot kundî isang túnay na kataksilán!... Isang lílo, isang tampalásan, isang púsong háyop, ang noo’y pumipígil sa sawîng pálad kong katawan sa pagkagupíling! Ako’y mahinà at siyá ay malakás! Tinawágan ko ang Diyos; dapwá’t ang Diyós na iyón ay di ako dininig! Ang Diyos na iyón ay di tumúlong! Ako’y nasawî! ¡Nadung̃isan ang áking puri! Ang háyop ay nagtagumpáy!......“Nagbang̃on akó at hinánap ang aking magulang.Pinások ko ang kanyáng silíd. Dapwa’t ¡oh! ¡Mahabagíng Lang̃it! Ang áking pinakaiirog na amá, ang pinagkakuutáng̃an ko niríng buhay, ang tang̃i kong kasákasáma araw at gabí, ay naroon sa kanyáng hígaan, nakababád sa dugô, putól ang úlo!“Ako’y nálugmok at nawalán ng̃ diwà.“Nang másaulì ang aking pagkatáo, ako’y nasa saloob ng̃ ibáng bahay.“Yaon ang tahanan ng̃ tampalasang sumukáb sa aming mag-amá. Ibig kong tumákas, dapwa’t ako’y nakúkulong. Ibig kong magpatiwakál dapwa’t may nakabantay sa akin áraw at gabi. Anó ang minarapat kong gawín?... Ang Diyósay di ko na tinawágan! Hindî ko na siya hining̃án ng̃ abuloy!... Ako’y nádalâ na!... Walâ akong túlong na inaasáhan noón kundî ang kabayanihan ng̃ kasumpàan ko sa pag-irog. Dapwa’t ¡ay! si Fidél na aking minahál higit sa buhay, ay hindi ko na nákita hanggáng sa sandalíng ito! Siyá man yata’y tinikís na ang magwaláng bahalà sa aking pagtáng̃is! Siyá man yata’y nawalán din ng̃ habág sa mapait na pagdadalamhatì niyaring kálulwa!...“Sa haráp ng̃ mg̃a ganitóng kalagáyan anó pa ang sa áki’y nalalabing gawin? Walâ nang iba kundî ang makibágay sa áking pálad. Yaring pusò ay dahandáhang tumigás, untîuntîng nasabík sa kaputíkan, untîuntîng natútong umíbig sa isáng lilo, sa pumatáy sa ákin ding amá!“Malaon din na kami’y nagsáma ng̃ tampalásan.“Datapwa’t pagkatápos na masalantâ niya ang áking katawán, pagkatápos na mabusog sa akin ang kanyáng kahayúpan, pagkatápos na makapagpasasà sa aking lamán, ang ganid na iyon ay di na nakitung̃o sa akin; ginútom na ako, ipinagbilí ang mahuhúsay kong damit, binawì ang mg̃a aláhas na bigay niyá sa akin, at di nagkásiya sa ganitó, akó’y ipinagtulákan sa kusinà ng̃ báhay upang doon gumawâ, doon kumain, at matúlog sa ibabaw ng̃ mg̃a panggátongna kahoy, kahalubilo ng̃ mg̃a pusa’t áso! Sa minsán sabi, ginawâ akong isang alípin, isang busabos!“Ganitó ang áking lagáy ng̃ kami ay málipat sa báyang ito.“Pagdatíng na pagdatíng namin, ako’y sinumbatán ng̃ tampalásan kong pang̃inóon. Ipapapatáy daw niyá ako kapag di ko ining̃átan ang líhim ng̃ pagkasawî naming mag-amá.“Sapagka’t púsong-babáe, ako’y malaong nadalá ng̃ tákot at kahinàan: ining̃átan ko ng̃â ang lihim.“Dapwa’t ng̃ayón, ng̃ayón ay sumápit na ang sandalî na sa láot ng̃ aking pagkaabâ ay di na akó napang̃ing̃ilábot ng̃ kamatáyan; ang kahináan ay walâ na sa ákin!... Tuparín kung ibig ng̃ pang̃inóon ko ang kanyang sumbát!... Ang kanyáng líhim ay nasisiwalat na!...“Ng̃uni’t, bágo ko wakasán ang áking salitâ, ay ipahintulot na aking maitanóng:“Alám ba ninyó, mg̃a táong báyan, alam ba ninyó kung síno ang napakabúti kong pang̃inóong iyan, kung sino ang tumaksíl sa kaawà-awà kong magúlang, nagnákaw sa puri ko’t dang̃ál at nagbulíd sa akin sa bang̃ín ng̃ pagkabusábos?“¡¡Kilabútan kayóng lahat, oh mg̃a taong walâng málay!!...“Siyá ay yaong sa inyó ng̃ayo’y namumunò ang pinagkatiwaláan ninyo ng̃ mg̃a kautusán, dang̃ál at kabuháyan ng̃ isang bayan!!...”Ang mg̃a pinagtahî-tahî at pinagarálang kabulaánan, ay madalíng makikilala ng̃ isang maálam magmasíd. Ng̃uni’t sa kabuhayang isinalaysáy ng̃ babáeng iyón, ay walâng nakádama nang kahi’t gabáhid na kasinung̃aling̃an.Bawa’t anyô ng̃ kanyáng mukhâ, bawa’t galáw ng̃ mg̃a matá, bawa’t salitâ ng̃ maáyos niyang salaysáy, ay isang taták ng̃ katotohánan, isang matibay na panghikayat sa lálong dì mapaniwalaing kálulwa.Kaya’t napang̃ilabot ng̃â ng̃ babáeng iyón ang madlâng sa kanya’y nakikinig!...Nang sa wakás ay imungkáhì ni Gerardo ang paghing̃i kay Kápitang Memò na magbitiw ng̃ tungkól, lahát ng̃ nang̃aróon ay kumatig sa kanya; lahat, hanggáng ang mg̃a dating kapanalig ni Kápitang Memò, ay naniwalang sila’y nálinlang. Gayón na lang ang kanilang pagsisísi!IXKay Samâng Pagkakátaon!Nang matápos ang papúlong, si Gerardo ay nilapítan ng̃ isang pulís.—“Ipinatatáwag pô kayó ng̃ presidente”.—“Saan siya nároon?”—“Sa báhay-pamunúan pô”.Noon di’y lumákad si Gerardo. Dinatnáng bukás ang tanggápan ni Kápitang Memò, kaya’t agád siyang pumások. Masiglang binati ang dinatnan:—“Magandáng araw pô!”Ang binatì ay walang itinugón kundî isang ting̃íng nagbabága sa poot.—“Ginoó, ako ng̃a pô ba’y inyong ipinasusundô?”—ang pabulalás na tanong ng̃ binatà.Bigláng nagtindíg ang mabang̃ís na Kápitan at nang másulyapan ang nakang̃ang̃áng pintô, ay nilapítan ito at inalápat sa pamamagitan ng̃ isang síkad. Kumalabóg ang pintô na ikinabuláhaw ng̃ boong báhay. Pagkatápos ay sinúgod si Gerardo at nagng̃ing̃itng̃it na tumanóng:—“Anó ang sumúot sa walang hiyâ mong úlo at nakaisip kang gumawâ ng̃ ganitong kaululán?”—“Kaululán? Anó pong kaululán?... Aling gawâ ko ang inyóng tinutúkoy?”Tumalikod si Kápitang Memò at pagkatápos na maibalabág sa sahíg ang tang̃ang aklát ay iing̃os-ing̃os na sumagot:—“Pshe! Magmámaangmaáng̃an kapa!”—“Kápitang Memò,”—ang paklí ng binatà—“dí ko kayo maunawàan. Ang tinutúkoy ba ninyó ay ang pagmumungkáhi ko sa áking mg̃a kapanálig na kayo’y pagbitiwín ng̃ tungkól sapagka’t di kayó tumutupád sa mg̃a itinatadhanà ng̃ mg̃a kautusang isinumpâ ninyóng tutuparin? Kung iyán ang tinatáwag ninyóng kaululán, kayó po’y namamalî!”—“At anó ang mayroon sa iyó kung di ko man tinútupad ang aking sumpâ? Sino ka bang makikialám sa akin? Bákit mo imumungkahing alisán ako ng̃ tungkól?”—“Ah,sapagká’tkayó ay di nararápat mamunò!”—ang maliksíng tugón ng̃ binatà na ikinasúgod muli sa kanyá ni Kápitang Memò.Ang dágok na iyón ay lubhâng malakás.—“Nápakalabis kang totóo!”—ang ng̃itng̃it ng̃ nandididilát—“walâ ka nang kagálanggálang sa iyóng kaúsap! Nawalán ka na ba ng̃ pag-iisip at nalimutan mo na kung sino akó, akó na iyóng kaharáp?”—“Hindî pô akó nakalilímot: kayó po’yisang hámak na táong gaya ko rin, na sa kasamáang palad ng̃ bayang itó, ay náhalal na magpunò sa kanyá.”—“Ah!” ang sambót ni Kápitang Memò—“kinikilála mo palá akóng pinunóng ínahalál, ay bákit at ganyán kung ikaw’y mang̃usap sa áking haráp? Bakit áyaw mo akóng igálang?”—“Sapagka pô’t hindî kailáng̃an!”—“Hindî kailáng̃an? Híndî kailáng̃ang igálang mo akó, akó na iyóng pinunò? Nauulól ka na ba?”—“Námamali pô kayó”—ang tugon ni Gerardo—“ang isáng pinunò na dumadayà sa kanyáng bayan sa pamamagítan ng̃ mg̃a pang̃akong di tinutupad, nagaákay sa mg̃a nasasakop sa mahahálay na hílig at ásal—ang isáng pinunò na kinatátatakán sa nóo ng̃ taták ng̃ mg̃a magnanákaw at mamamátay ng̃ kapwà—ang pinúnong ganyán ay hindî dapat kaalang-alang̃ánan ng̃ mg̃a táong matitinô!”—“Waláng hiyâ!!... At ang mg̃a bintáng bang iyán ang ipararátang mo sa ákin? At ang isáng musmós na gáya mo ang mang̃ang̃ahás?”—“Oo pô, akó!”—“Diyáta’t ikáw ang mang̃ang̃ahás? ikáw? ikáw? ikáw?”Nilundág ni Kápitang Memò ang isáng talibóng na nakasabit sa dingdíng.Sa sumunód na sandalî, nang silá ay nagkakasunggában na, ay siyáng pagbuká ng̃ pintóng nakalapat. Sumung̃aw ang isang kalbóng tuktók, isang mukhâng nagkakangng̃ing̃iwì, at isáng tiyáng matabâ.Si Kápitang Memò ay párang tinamáan ng̃ kulóg, kundî man parang isáng batà na nakakita ng̃ nunò....Ng̃uni’t, sino angnunòngito?¿Sino ang naghihintáy?... Siya ang mapaglagalág saautomobil, ang mapagamá-amáhan, ang kataástaásang punò sa Sangkapulúan, na kung bakit sa kanyáng pagdálaw kay Kápitang Memò, ay tinaón yátang talagá ang pangyayáring iyón!Si Gerardo ay nasugátan na namán.Si Kápitang Memò, ay animo’ykinakalambre. Papaáno ang pakikiharáp niyáng gagawin sa kanyáng punò? Kay lakí ng̃â namáng kahihíyan nitó!Isáng mahigpít na paguúsig ng̃ Gobernador ang sumunód. Inahayág sa kanyá ni Gerardo ang hang̃ad ng̃ báyan na pinagkáisahán sa papúlong na idináos sa umága ng̃ araw na iyón.Noón di’y nátiwalag sa katungkúlan si KápitangMemò. Walâng imík na tinanggáp niyá ang gayóng pagkápahámak sa matá ng̃ madlâ; dapwa’t oh! ang kanyáng póot!....Siya’y umuwî na anaki’y isáng ulól. Ang kanyáng báhay, at báwa’t sang̃á, báwa’t dáhon, báwa’t bung̃a ng̃ kanyáng mg̃a haláman, wári baga’y ipinagsisigáwan sa kanyá ang mg̃a salitáng “MAGHIGANTI KA, O KUN HINDI, IKAW AY DUWAG!”....XSi ElíngItó ang ng̃alan ng̃ dalágang anák ni Julio. Magíng sa gandá, at magíng sa katalinuhan man, si Elíng ay hindî maitatáng̃ing lubós sa mg̃a bulaklák ng̃ kanyáng bayán.Ang hiwágà, ang líhim ng̃ kanyáng pagkamapanghalína ng̃—kanyáng makapangyaríhang pagkamapanghalína—ay di nátin masusumpung̃án sa dilág ng̃ mukhâ, ni sa ningníng ng̃ kanyáng útak, hindî.Ang hiwagà at lihim na iyón, upáng mádamá, ay kailáng̃ang makipagkilála kay Elíng; kailáng̃ang kaulayáwin siyá nang maláon; kailáng̃ang táwagan ang kanyáng pusò; tarukín ang pagkamababà, ang pagkamasunúrin, ang pagkagintô ng̃ kanyáng loób; kailáng̃ang titígan ang mg̃a títig ni Elíng, ang mg̃a títig niyáng nagpapakilála sa isáng kalulwáng malambíng at mapang̃ambáhin, isáng kalulwáng masintáhin at mahabagín, isáng kalulwáng puspós ng̃ línis, ng̃ gandá at kahinhinán.Náriyan ang líhim, ang hiwagàng bumibílot sa kataúhan ni Elíng. Náriyan ang talàng nákikintál sa maalindóg niyáng noó. Náriyan angkayamánang maipagmámalakí ng̃ kanyáng kadukhâan.Si Elíng, mulâ sa pagkabatà, ay mahiligín sa pagaáral. Marúnong ng̃ kastilà, gayón din ng̃ ingglés. Isang taón na siyá’y nagtirá saColegio de Sta. Isabel, at dalawáng taón namán saDormitory School. Díto sa hulí, siya ay nag-áral ng̃Nursing, ang mahúsay at tumpák na pagaalága sa may sakít. Panggagáling saDormitory, siya’y tumirá saHospital de San Pabloúpang isagawâ doon ang kanyáng napagarálan. May iláng buwan din ang kanyáng nagúgol sa pagsasánay na ito, sa píling ng̃ mg̃a amerikánangenfermera.Ng̃uni’t hwág isiksík sa guniguní ng̃ bumabása ang hinalà, na, sapagka’t naturang tagadormitory, at sapagka’t maláong nákahalubílo ng̃ mg̃a amerikana, si Elíng marahil ay pinanáwan na ng̃ mg̃a katutúbong kílos, at mg̃a katutúbong ugalì sa pananamít at pakikipagkápwà.Hindi gumawî nang ganyán ang binibining itó; hindî siya pumapára sa mg̃a nagsalasalambáy diyángmiss, na di na nang̃íming ipailalim ang pagka-pilipína sa kanilangpagaaméamerikanahandi lang sa gayák, di lang sa kilos, kundí ang lalong kasákitsákit at kahináhináyang ay patí angbudhi, angkalulwa’tmg̃apaghakakaay pinipilit na igáya’t ipabusabos sa mg̃a dayuhang iyán.... na siyáng nagnákaw sa kalayáan ng̃ kaniláng báyan at untî-untîng humihigpít sa tanikaláng madalî ó malaon ay siyáng ikabubulusók ng̃ Kapilipinuhan sa bang̃ín ng̃ pagka-aba!...Nasusuklám si Elíng sa mg̃a bágay na ito, kaya’t mahigpít na iniing̃átan ang pagka-pilipína. Tandâ ng̃ pag-iing̃at niyang iyan at paglayò niya sa mg̃a ugaling dáyo, ang kanyáng madalás na dî pagpanáog sa kaniláng tindáhan, kapag ang dumudulóg doon ay mg̃a amerikánong magagasláw. Ugali ito ni Elíng, hindî sapagka’t binubulag siya ng̃ “prejuicio de raza” (alalaong baga’y ang pagting̃in sa kúlay ng̃ balát at di sa kataúhan ng̃ isang táo,) kundî sapagka’t ang kanyáng kahinhinán ay hindî makababatáng malásin ang magagaspáng at mahahálay na kilos na karaniwáng gawiîn dito ng̃ di iilang amerikáno.Si Elíng ng̃â ay hindî kapára ng̃ mg̃a ibang dalaginding diyán, na, pagkagát na nang dilím, ay nagpupuláhan ng̃ damít sa loob ng̃ kanikaniláng kantina, nagkakapálan ng̃ palábok sa mukhâ, nagdadamihan at nagpapalalúan ng̃ urì ng̃ mg̃amisterna sa kanila’y nakalilígid, na anáki’y mg̃a ásong kakáwkáw-káwkáw, aamóy amóy at didilà-dilà....Si Elíng ay poót na poót sa mg̃a asal na iyáng lubhâ ng̃a namáng nakaririmárim. Minsan siyáng mang̃iníg sa gálit at minsáng mápaiyak sa habág sa mg̃a kadalága niyang halíng na halíng sa ganganyáng gawâ, na kadalasán at sa tuwírang sabi, ay lumalabás na isáng malinaw na pagtitindá ng̃ dang̃ál at púri!Magsábi, kung hindî, iyáng mg̃a kinasasadlakán ng̃ayón ng̃ pulà ng̃ bálana.Magsábi, iyáng mg̃a nakátikim ng̃ buhay-kantinéra sa áting mg̃a bayánbayán.Ilán na sa kanilá, ang úpang mapawili lang sa tindahan ang isáng amerikánong manglalásing, ay tutulútan nang sila’y kutyâ-kutyâin nitó sa likód ng̃ mg̃a salitang “Sweetheart, give me a kiss!”?Ilán na sa kanilá ang natulúyan na ng̃ang mahagkán ng̃ mg̃a lang̃ó?Ilán na sa kanilá ang ng̃ayo’y kinikilabútan sa hiyâ sa ibang táo, sapagka’t sa ganitó ó gayóng gabí, silá ay náyapus ng̃ mg̃a ganitó ó gayóng négro?At humahanggá ba rito ang mg̃a nangyayári?Bakit at may mg̃a kantinera diyang ng̃ayo’ykaabra-abraseteó kaya’y kalúlan sa bagól ng̃ mg̃a itim? Maaáring, sapagká’t narahiyô sa pilak ng̃ mg̃a ito; dapwa’t kadalasá’y sapagka’t saganito ó gayong pagkakátaon sa loob ng̃ kantina, ay may isangmilagrongnangyari!...Mg̃a sawîng pálad!...May katwirang lumuhà ang isang Elíng dahil sa inyó!XI“Anó sabi iyón eh?”Si Gerardo ay hindî santó. Anák din siyá ni Eva’t ni Adán na kapwà makasalánan.Totóo ng̃â na, para kay Gerardo, Báyan ang una at Báyan ang hulí; na, ang pagkamakabáyan, hindî sa salita kundî sa gawâ, ay siyang damdaming pinakamahalagá at nang̃ang̃aibábaw sa boô niyang kataúhan. Totóo rin namán na walâ siyang pinakamamahál na pang̃arap mulâ sa pagkabatà kundî ang maihandóg ang iisa niyáng pusò sa dámbanà ng̃ kanyáng lahì.Dapwa’t hindî dahil sa lahát nang itó, ay walâ nang maiisip si Gerardo sa boô niyang búhay kundî “bayan.” Maminsánminsán din namang masubukan niyá ang kanyang sarili nanang̃ang̃arap hindî sa kandúng̃an ng̃ báyan, kundî sa kandung̃an niyáng mg̃a anáki’y tálàng nagantiantilaw sa láng̃it ng̃ Pilipinas... Katakátaká kayâ na ang Gerardong iyan ay maakit sa bang̃óng humáhalimúyak ng̃ isáng sampagitang nananariwà na gáya ni Elíng?Oh, si Elíng!Sa kanyáng hárap si Gerardo ay nagíging makátà, nagíging mang̃ang̃arap, at magiliwin sa mg̃a bulaklák, paró-paró, tala, bítuin...Ang mabaít niyáng pusò sa haráp ni Elíng ay kung bákit nagíging manunuksó; ang mg̃a payapa’t maaamò niyáng sulyáp ay kung bákit nagíging malilikot at mg̃a magnanakaw!...Silang dalawá ay malaon nang magkaibígan. Hábang lumaláon ang kanilang pagkikilála, ay lalo at lálong nasasabík si Gerardo sa pagmalas sa dilág ni Elíng, sa pagdiníg sa mg̃a mahihiwagà’t matatamís niyáng salitâ, sa pagpúkaw sa mg̃a ng̃iting mangbibíhag ng̃ binibining yaon na ipinaglihí yatà sa dako pa roon ng̃ hinhín ni María Clara...Ng̃uni’t hanggán diyán lang si Gerardo.Hinahang̃aan niya ang ganda ni Elíng, dapwa’t di pa sumasambá.Siyalangaynatutuwâ, naiigáyang malásin ang himalâng yaon ng̃ Kalikasán.Noong mangyari ang sigalót sa bahay-pamunùan, si Elíng ay nakaupô at nanánahí ng̃ isang panyô sa loob ng̃ kanyáng tindáhan. Angmukhâniyáng kaáya-áya, ay minsáng magníngning sa lugód, at minsáng mang̃ulimlím sa panglaw. Bakit? Ang kanyáng paning̃ín ay láging nakapakò sa malayò, bihírang mátigil sa tinatahî. Báwa’t táong magdáan ay kinikilalang mabúti malayò pa.Si Elíng ay may ináantabayánan; hinihintáy niya ang pagdáan sa kanyáng tapát noong mainit sa sínag ng̃ Bagong Araw na kabatang-batà pa ay bayani na. Para kay Elíng, ang binátang yaon na láging nahahandáng ipáram ang lahat maitaguyod lang ang dinuduháging Matwíd, ang binátang yaon na nagsanggálang sa dang̃ál ni Julio na kanyáng amá, ay isa nang Krísto na dápat niyáng igálang, mahalín, itáng̃i, pagukúlan ng̃ báwa’t paták ng̃ kanyáng pagíbig, at paghandugán ng̃ báwa’t tibók ng̃ kanyáng pusò!Hindî nainíp si Elíng sa pagaantáy kay Gerardo, na sínapantahà niyáng sa paguwî mulâ sa presidencia ay dadáan sa tapát ng̃ kanyáng tindáhan.Malayo pa ay nakilála na ng̃ binibini ang magílasna tindíg nang líhim niyang kinakauláyaw sa kaibutúran ng̃ kanyáng pusò.—“Elíng!”—ang pagdaka’y ibinati ng̃ binatà pagkalapít sa tindáhan.—“Gerardo, halika sandalî!”Si Gerardo’y lumapit at boong galak na kinamayan ang binibini na noo’y singpulá ng̃gumámela, aywán kung dáhil sa pagaálaalang siya’y lumábis sa kanyáng nápakalambíng na “Halíka!”—“Ipagpatáwad mo, Elíng, ang pakikikamáy ko sa iyó ng̃ kaliwâ.”—“Bákit? anóng mayroón ka sa iyóng kánan?”Si Gerardo’y nagkúlay sagà.Inakalà niya na isáng pagbubunyî sa saríli kung ipagtátapát ang tunay na dáhil; kaya’t ng̃umitì na lang at nasiyahan sa ísang maráhang:—“Walâ!”—“O, ay bákit at may tálì?”—“Walâng anoman; nákagat lang akó ng̃ putakté doon áh... sa púnong bayábas nina Tikikò.”Si Elíng ay alang̃áng mapang̃itíng alang̃áng magálit. Alam niyá, gáya ng pagkaálam sa kanyáng A. B. K,... na ang mg̃a salitâng iyon ay isang kimpál na kabulaánan. Hinagisan muna ang binatà ng̃ isang ting̃in na wari’y nagsísisigáw ng̃ “Sinung̃aling itó ah!,” bágo sumagót:—“Putakté? ay bákit at may dugô?”Si Gerardo’y lálong namulá.—“Diyatà, Gerardo,”—ang dugtong ni Elena—“diyatà namá’t iyán lang ay ipagkákailâ mo pa sa akin?... Sapagka ba namá’t ang tumátanong ay...ah! siya ng̃a palâ naman!... Isáng walâng kabuluháng gáya ko, ay di ng̃â nararápat...”Ang binatang tigagál na tigagál sa mg̃a salitâ ng̃ kanyáng kaharáp, ay walâng naihumá kundî isáng:—“Hindîng hindî, Elíng, oh, hindî ng̃â!”—“Súlong na, maaabála ka lang sa akin,”—ang patúloy ng̃ binibinì na may kahálong wari’y hinampó.—“Patáwad, Elíng!... Binibirò lang kita.... Huwág mong damdamín ang áking pagkukúlang... at sasabíhin ko na sa iyóng lahat!”Isang ng̃itî, isang ng̃iting malambíng na ‘kapilas ng̃ lang̃it’ ang nagpahiwátig kay Gerardo na ang pinang̃ambahán niyang nagtampó ng̃ang túnay, ay nagtamputampúhan palâ lang.—“Anó iyon? Sabihin mo na.”—“Isa lang muntíng súgat, Elíng.”—“Na namán!”—ang may padaóp kamáy pang sagót ng̃ dalága, na animo’y noon lang nabatíd ang nangyári kay Gerardo, gayóng sa katunáyan ay nagmamaángmaáng̃an siya.Pagdaka’y kumúha ng̃ isáng palanggána,isáng boteng may lamáng gamot at saka isáng kahitang punô ng̃ búlak at pangtalì ng̃ súgat.—“Gerardo”—ang bigkás ng̃ binibinì;—“nakatupad ka na ng̃ iyong katungkúlan; bayaan mo namang tuparín ko ang ákin. Lilinisin ko ang iyóng súgat.”—“Oh Elíng! Kay gandá ng̃ iyong loób!... Dápwa’t ikáw, mutyâ ng̃ áking báyan, linisin ang súgat ng̃ isáng abâng dukhâ na gaya ko?...”—“Kunganó-anó ang pinagsasabi ng̃ Gerardong itó!”—ang tugón ng̃ dalága pagkatápos na máhagisan ang kaúsap ng̃ isang napakalagkit na títig.—“Tingnán ko ng̃a ang iyóng kamay.”—At umakmang aabutin ang sugatáng kamay ni Gerardo na dalidali nitóng inaurong.—“Huwag na, Elíng; maráming salamat.”—“O tingnán mo siyá!”—“Hindî nábabagay. Bayáan mo ná’t...”—“Bayáang anó? hindi ba’t tuwî kang magtatalumpatì ay ipinang̃ang̃aral mo na ang lahát ng̃ táo ay dápat tumupád sa kanikaniláng katungkúlan?Hindî ba’t ito’y katungkúlan ko? Ako ba’y hindî táo sa iyo? Hindî ba....”—“Súkat na, Elíng, súkat na; dapwa’t iyang mg̃a sutlâ mong dalirì ay di dapat marumhán ng̃....”—“Diyatà nama’t akó’y iyóng bibiguín?”—“Oh! Hindî sa ibig kitáng biguín...”—“Ah, ayóko ng̃â nang maraming salitâ. Ipalínis mo sa akin ang iyong súgat at tapús!”Si Gerardo’y di na tumutol sa pagaala-álang baká ang ánghel na iyón ay magtampó na namán.Samantálang hinuhugásan ng binibinì ang kamáy ng̃ binatà, itó nama’y walang tahán ng̃ panunuksó:—“Oh Elíng! Sa pinakamalálim kong mg̃a pang̃arap, sa pinakamaláyang galáw ng̃ aking gunitâ, kailán ma’y di ko nasumpung̃án ang anó mang pahiwátig na sa áraw na itó ay áking mapapaláran ang pagkakáwang-gawâ niyáng mg̃a dalirì mong bawa’t isá ay katumbás ng̃ boô kong buhay!”—“Palalò!”—“Elíng, kaúsap mo yaring pusò!”—“Sinung̃áling!”—“Elíng, dinggín mo ang isáng katotohánan!”—“Anó iyón?”—“Isáng damdaming iniing̃at-ing̃átan ko at maláon ng̃ tinitimpî-timpî?”—“Sabíhin mo kung anó.”—“Huwág kang magagálit?”—“Bakit kayâ akó magagálit?”—“Tatanggapín mo?”—“Anó sabi iyón eh?”—“Ipang̃akò mo muna!”....—“Na anó?”—“Na iyong tatanggapín!”—“Kung hindì masamâ’y...tatanggapínko.”—“Elíng,iniíbigkita!”—“Ha?”—ang pamangháng saló ng̃ angkán ni Venus.—“Iniíbig kitá!”...—“Dáhan-dáhan, Gerardo! Ikáw ay magmunimuni.”—“Walang kailáng̃an, kita’y kilaláng malaon na... Ako rin nama’y kilalá mo: sumagot ka. Elíng, iniíbig mo ba akó?”—“Ay! ang pusò ko, Gerardo, ay di na akin; kinusà ko siyang ihandóg sa dápat kong mahalin; luming̃ap sa ibá ay di na mangyayári!”Ang binata’y sandalîng napípi. Kinintalán ng̃ isang títig ang bitúing kauláyaw bago tumugón:——“Elíng, di ko mawatásan ang iyóng salitâ. Ibig mo bagáng sabihin na ako’y walâ nang pag-asa?”—“. . . . . . .”—“Iyon ba ang kahulugan?”—“Aywán ko.”—“Aywán ko dáw!”—“Abá!”—“Wikà mo’y di na mangyayáring luming̃ap ka pa sa ibá? Anó ang kahulugán atkang̃ino tumutúkoy angibangiyan? Sa ákin kayâ, Elíng?”—“Aywán ko!”—“Si Elíng namán! Bákit mo kayâ pinamamáhay ang kalulwá ko sa pang̃ang̃ambá?... Sagutín mo sana akó. Sa akin ba tumutúkoy?”—“Hindî....”—ang wari’y walâ sa loob na sagót ng̃ binibinì.—“Oh, Elíng ko! At ang ibig mong sabíhin ay di ka na makalilíng̃ap kanino pa man, líban sa ákin?”Isáng busilak na lang̃it ang nabuksán kay Gerardo. Pagdaka’y hinawakan ang kamay ni Elena at inalapit sa lumulundag niyang pusò.—“Abá! hindî!... aywán ko! hindî!... abá!”—ang sunod-sunod na pagbabang̃ong-puri ng̃ dalagang nagpúpumiglás.—“Ah, Elíng! Huwág mo nang ikaít sa akin ang tibók niyáng iyong pusò. Ipagtapát mo na! Hindî mo ba ako iniíbig, Elíng?”Iláng sandalî na napipi ang binibinì. Walang maláang isagót. Kundang̃a’y napasukol siyá kaagad! Gayón na lang ang kanyáng pagsisisi. Mang̃aní-ng̃aníng kagatin ang tuksóng dilà na sa pamamagítan ng̃ isang “Hindî”, ay isiniwálat ang boông líhim ng̃ kanyáng pusò!—“Elíng ko”,—ang mulìng samô ng̃ binatà. “Hindî mo ba ako iniíbig?”Kálulwá na niElíngang tumugón:——“Oo, Gerardo, oo iniíbig kitá!!”Pang̃ahas na laláki! Isáng matindíng halík at isang mahigpít na yákap ang pagdáka’y ninákaw sa bulaklák na yaon ng̃ Kasilang̃ánan.Mabuti na lang at wala silang saksi!Si Gerardo’y umuwî noon na taglay ang dalawâng pagwawagíng magkaibá ng̃ urì: Tagumpay lában sakasikismong̃ isang pinunò at tagumpay lában sa pulutóng ng̃ mg̃a naggigilásangkandidatosa kamáy ni Elíng.

VIIIKilabútan kayóng Lahat!Pagkaráan ng̃ dalawáng áraw, ang isang malagánap na páhayagáng pilipino ay kinábasáhan ng̃ mg̃a ganitóng balità:“MGA PUNONG MAKIKISIG“Isang amerikanong nagng̃ang̃álang John Stag na nabilanggô sa báyan ng̃ Libis, ay nakatákas noóng gabí ng̃ ika 7 ng̃ kasalukúyan. Hanggá ng̃ayon ay di pa naaaláman kung saan nagtatagò ang umalpás.“Hindî lang itó ang nangyayári sa Libís. Ang báyang iyán ay isá pa mandin sa mg̃a matitíbay na kutà at matalinghágang púgad ng̃ Bisyo sa Pilipinas. Nagkakatusak doon ang nagkikisígang mg̃a sabung̃án. Sa báwa’t súlok, magíng áraw at magíng gabí, ay may mónte, túpada, hweteng at kung anóanó pang mg̃a laróng báwal.“Ang mainam nitó, ay kundî pa dumayo dóon ang mg̃a sekrétang-Maynilà, ang mg̃a iya’y di matututóp!“At ang maginoong Presidente? at ang mg̃a pulés?“Nang̃aghihilíkan bang lahat.”Ang balítang tumutukoy sa pagtataanán ni Stag ay inámin ni Kápitang Memò;ng̃uni’tlubhâng malakí ang pagkapoót niyá sa tumutúkoy sa sugál at sábong. Ito’y kanyang tinutulang mahigpít kahimá’t di nalilihis sa katotohánan; datapwa’t tútol bibíg lamang naman, pagtutol na kung kayâ lang ganapin ay pag násasa haráp ng̃ matitinong tao...Talagáng gayón si Kápitang Memò.Kaaway kunwâ ng̃ bisyo, dapwa’t siya ang nagpalagò sa kanyang bayan ng̃ sugal at sabong—iyang mg̃a laróng walang tumatangkilik kundi ang lahat ng̃ mg̃a tamad, ang lahát nang ibig mabuhay nang nakang̃ang̃á, ang mg̃a nanghihináyang na gamítin ang útak, magpatulò ng̃ páwis at batákin ang butó, ang mg̃a ulól at mg̃a duwág na natatákot yumápak sa mg̃a baitang ng̃ hagdánang matarík na patúng̃o sa karang̃álan at katinuán ng̃ táo sa pamumúhay...Ng̃uni’t hindî ang mahálay na pagkagúmong sa mg̃a hilig na iyang karápatdápat pakásumpâin, ang siyang tang̃ing maibabalità ng̃ mg̃apáhayagan tungkól sa báyan ng̃ Libis. Mayroón pang ibá na lalong mahalagá.Kung suriìng mabúti ang pamunúan ni Kápitang Memò, ay mapagkikítang ang mg̃a pang̃ákò nitó sa bayan, mg̃a pang̃ákong sagana sa háng̃in at pulótpukyutan, ay untiuntíng nang̃aunsiyámì. Ang mg̃a tungkúling mabibigát na ikinápit sa kanyá ng̃ kautusán ay maíng̃at na iniwásan hanggáng maaárì. Kung alin yaong kanyang napagtutubúan ng̃ walang págod, kung alin ang di nararápat gawín ay siyang pinag-ubusan ng̃ kaya.Sa maiksing sábi, ang pamahaláang umiral ay isáng pamahaláang kailán ma’y hindî nakasunód sa tunay na niloloób ng̃ bayan, sa itinatadhanà ng̃ mg̃a utos-pamahaláang waláng nakapangyári kundi ang isáng Kápitang Memò.Na ito’y di maaarì sapagka’t may Konsého Munisipal? Kabulaánan!Túnay ng̃â na ang konsého, sa pagkakinatawán niya ng̃ bayan, ay di nararápat bumálak ó umáyon sa alin mang bálak na salung̃át sa ikagiginháwa ng̃ mg̃a mámamayán; na ang mg̃a konsehal ay kailáng̃ang magpakatalíno, mamuhúnan ng̃ sipag at pagiing̃at sa paglikhâ ng̃ mg̃a kautusán; na sila’y dápat gumálang, sumunód at ipagmalasákit ang mg̃a damdamin at náis ng̃ báyang sa kanila’y naghalál.Tunay ang lahat ng̃ iyán dapwa’t sa kasaliwâang palad ay di siyáng nangyari. Sa loob ng̃ konsého sa Libis ay dádaladalawá ang mg̃a konsehal na natutong gumámit ng̃ talíno, dádaladalawá ang nagkaloób na tumútol, at kailan ma’y di napatang̃áy sa mg̃a lisya’t walang wastông panukala ni Kápitang Memò. Datapwa’t anó ang kaniláng magagawâ sa sila’y dádaladalawá? ¿Paánong magkakabisà ang matwíd niláng pagtútol sa haráp ng̃ ánim na kalábang bing̃í sa sigáw ng̃ Katwíran? Anim na konsehal na sunudsunúran saan man batákin ni Kápitang Memò; ánim na konsehal na tuwíng magpupúlong ay harì ng̃ tamád sa pakikitunggalì sa mg̃a bagay na tumutúkoy sa báyan; anim na konsehal na kung kaya lamang gumising nang gisíng na gisíng ay kung ang pag-uusápa’y ang pagpapahintúlot sa malayang pagsambá kay “San Sabong” at “San Sugal”, ng̃uni’t pag ibá nang bagay na may kahirápang suriin, ay daig pa ang ipinatdâ ang mg̃a dilà sa ng̃alang̃ála!Iyán ang mg̃a táong may mg̃a matá ay di makakita, may mg̃a tayng̃a ay di makadiníg. Kapag hining̃án ng̃ pasiyá sa isang panukálang binálak ó inayunan ni Kápitang Memò, siláng lahat ay pawang mg̃a áyon; ng̃uni’t hindi silá sangáyon kapag nákitang iilíng-ilíng ang kanilangpang̃inóon, ang kanilang Diyos! Maánong magisip-isip; maánong harapín at kilalanin ang Matwíd!... Oh, alíping asal na ulirán sa kahaláyan! Oh, mg̃a táong walâng sariling damdámin! Salámat at ang mg̃a konséhong gaya ng̃ inyóng kinaaníban ay iilán-ilán lamang. At kung hindi, anóng talas na sandátang makakalaság ng̃ mg̃a káaway ng̃ Pagsasarilíng pinakamimithî ng̃ Báyan!Malinaw ng̃ang lumálabas na dahil sa pagkauring busábos ng̃ konsého ay patúloy pa rin si Kápitang Memò sa kanyáng ugáling paghahariharian; na dahil din diya’y ang bawa’t ibígin niyá, matwid ó baluktot, ay siyáng nangyári.Dapwa’t salámat at sa mabúting kapaláran ay di na ang lahat doo’y natutúlog, gaya ng̃ panahóng nagdaan; hindi na ng̃ayón ang lahát ay kampon nila “Talagá ng̃ Diyos;” hindî na ng̃ayón pawang pipi ang madlâ.Sa bayang iyon ay mayroón nang naglitaw na ilang káwal ng̃ Bágong Panahon. Si Gerardo ay isa sa kanila. Sa haráp nang gayong pagdáyà ng̃ isáng pinunò sa kanyang mg̃a nasasakóp, ay siya ang kaunáunáhang gumamit ng̃ karapatan; sa kanya unang nádinig ang makapangyaríhang sigáw ng̃ katwírang niyuyurákan. Si Gerardo ay di nagalinláng̃an munti man. Saisang malaking papúlong ng̃ kanyáng mg̃a kapanálig ay maáyos na tinuligsâ ang kabulukán ng̃ pamunúan. Bumanggit siyá ng̃ mg̃a nangyári, inihayág ang mg̃a tiwalîng gawâ ni Kapitang Memò, ang mg̃a palákad nito na pawàng salung̃át sa mg̃a kautusán. Ipinakilala niya sa madlâ ang túnay na KápitangMemò, isinalaysáy ang boóng kabuháyan nito, na pinagarálang maíng̃at ni Gerardo mulâ sa punò hanggáng dulo. Inalaráwan niyá ang pagkawalâng-káya, ang pagkatamád, ang pagkawalâng-malasákit sa pinamumunúan, ang pagka-di-dapat na mamunò, ang pagkamagnanákaw, ang pagkamámamátay—anó pa’t sa minsáng sabi, ang boóng lihim at túnay na kataúhan ni Kápitang Memò, na, sapagka’t natutong magbalat kayô, ay nang̃ing̃ibabaw ng̃ayón sa kanilang lahát.Upang mapatunáyan ang lahat ng̃ ito, si Gerardo ay nagharáp sa papúlong na iyón ng̃ maráming saksí. Natatang̃ì sa mg̃a itó ang isang babáeng may ápat na púng taón na maráhil. Dukhâng-dukhâ ang kanyang pananamit na bukód sa nanglilimahid na, ay punít punítpa. Sa haráp ng̃ mg̃a táong doo’y natitípon, ay isinalaysay ng̃ babáeng ito ang napakalungkót niyáng kabuháyan.“Bihirà sa inyó”—anyá—“ang di nakakakilálasa ákin. Dapwa’t lahát kayó ay pawàng di nakababatid sa napakaabáng pálad na ikinapadpád ko sa ganitóng kalagáyan.“Akó’y inaanák sa isáng malayong bayan—doón sa gitnâ ng̃ lalawígang Tarlák. Ang áking mg̃a magúlang ay mg̃a táong payapa’t mararang̃ál.“Mayayáman silá, dapwa’t noong nang̃abubúhay, ay mg̃a kaibigang tapát ng̃ báyang maralitâ.“Walâ pa akóng sampúng taón nang ako’y maulila sa iná. Palibhasa’t nang̃amatáy ang lahat ng̃ áking kapatíd, nagtamasá ako ng̃ boong láyaw at kasaganáan sa piling ni amá.“Hindî namán ako páng̃it noóng mg̃a áraw na iyón, kayá’t sabihin pa ba, hindì kakauntî ang mg̃a binátang nagnasang maglingkód sa ákin.“Dumatíng ang sandalî na ako’y natútong umíbig.“Dapwa’t ¡ay! Pagkatápos na áking maihandóg ang iisa kong pag-irog sa náhirang ni Bathalang pang̃inoónin niyaring pusò, pagkatápos na áking maasámasám ang ligáyang pílit kong lalasapín sa kanyáng kandúng̃an, ay saka ako sinikíl ng̃ pagkálupítlupít kong kapaláran!.....“Isáng háting gabí, noong panahón ng̃ paghihimagsik, ako ay nágulangtáng sa ákingpagtúlog. Sa mg̃a únang sandalî, áking hininalang yaon marahil ay bang̃úng̃ot lang. Ng̃uni’t ¡sa aba ko! Nang mamúlat ang aking mg̃a matá, nang luminaw ang aking pag-iisip, ay napagmalas kong yao’y di pala bang̃úng̃ot kundî isang túnay na kataksilán!... Isang lílo, isang tampalásan, isang púsong háyop, ang noo’y pumipígil sa sawîng pálad kong katawan sa pagkagupíling! Ako’y mahinà at siyá ay malakás! Tinawágan ko ang Diyos; dapwá’t ang Diyós na iyón ay di ako dininig! Ang Diyos na iyón ay di tumúlong! Ako’y nasawî! ¡Nadung̃isan ang áking puri! Ang háyop ay nagtagumpáy!......“Nagbang̃on akó at hinánap ang aking magulang.Pinások ko ang kanyáng silíd. Dapwa’t ¡oh! ¡Mahabagíng Lang̃it! Ang áking pinakaiirog na amá, ang pinagkakuutáng̃an ko niríng buhay, ang tang̃i kong kasákasáma araw at gabí, ay naroon sa kanyáng hígaan, nakababád sa dugô, putól ang úlo!“Ako’y nálugmok at nawalán ng̃ diwà.“Nang másaulì ang aking pagkatáo, ako’y nasa saloob ng̃ ibáng bahay.“Yaon ang tahanan ng̃ tampalasang sumukáb sa aming mag-amá. Ibig kong tumákas, dapwa’t ako’y nakúkulong. Ibig kong magpatiwakál dapwa’t may nakabantay sa akin áraw at gabi. Anó ang minarapat kong gawín?... Ang Diyósay di ko na tinawágan! Hindî ko na siya hining̃án ng̃ abuloy!... Ako’y nádalâ na!... Walâ akong túlong na inaasáhan noón kundî ang kabayanihan ng̃ kasumpàan ko sa pag-irog. Dapwa’t ¡ay! si Fidél na aking minahál higit sa buhay, ay hindi ko na nákita hanggáng sa sandalíng ito! Siyá man yata’y tinikís na ang magwaláng bahalà sa aking pagtáng̃is! Siyá man yata’y nawalán din ng̃ habág sa mapait na pagdadalamhatì niyaring kálulwa!...“Sa haráp ng̃ mg̃a ganitóng kalagáyan anó pa ang sa áki’y nalalabing gawin? Walâ nang iba kundî ang makibágay sa áking pálad. Yaring pusò ay dahandáhang tumigás, untîuntîng nasabík sa kaputíkan, untîuntîng natútong umíbig sa isáng lilo, sa pumatáy sa ákin ding amá!“Malaon din na kami’y nagsáma ng̃ tampalásan.“Datapwa’t pagkatápos na masalantâ niya ang áking katawán, pagkatápos na mabusog sa akin ang kanyáng kahayúpan, pagkatápos na makapagpasasà sa aking lamán, ang ganid na iyon ay di na nakitung̃o sa akin; ginútom na ako, ipinagbilí ang mahuhúsay kong damit, binawì ang mg̃a aláhas na bigay niyá sa akin, at di nagkásiya sa ganitó, akó’y ipinagtulákan sa kusinà ng̃ báhay upang doon gumawâ, doon kumain, at matúlog sa ibabaw ng̃ mg̃a panggátongna kahoy, kahalubilo ng̃ mg̃a pusa’t áso! Sa minsán sabi, ginawâ akong isang alípin, isang busabos!“Ganitó ang áking lagáy ng̃ kami ay málipat sa báyang ito.“Pagdatíng na pagdatíng namin, ako’y sinumbatán ng̃ tampalásan kong pang̃inóon. Ipapapatáy daw niyá ako kapag di ko ining̃átan ang líhim ng̃ pagkasawî naming mag-amá.“Sapagka’t púsong-babáe, ako’y malaong nadalá ng̃ tákot at kahinàan: ining̃átan ko ng̃â ang lihim.“Dapwa’t ng̃ayón, ng̃ayón ay sumápit na ang sandalî na sa láot ng̃ aking pagkaabâ ay di na akó napang̃ing̃ilábot ng̃ kamatáyan; ang kahináan ay walâ na sa ákin!... Tuparín kung ibig ng̃ pang̃inóon ko ang kanyang sumbát!... Ang kanyáng líhim ay nasisiwalat na!...“Ng̃uni’t, bágo ko wakasán ang áking salitâ, ay ipahintulot na aking maitanóng:“Alám ba ninyó, mg̃a táong báyan, alam ba ninyó kung síno ang napakabúti kong pang̃inóong iyan, kung sino ang tumaksíl sa kaawà-awà kong magúlang, nagnákaw sa puri ko’t dang̃ál at nagbulíd sa akin sa bang̃ín ng̃ pagkabusábos?“¡¡Kilabútan kayóng lahat, oh mg̃a taong walâng málay!!...“Siyá ay yaong sa inyó ng̃ayo’y namumunò ang pinagkatiwaláan ninyo ng̃ mg̃a kautusán, dang̃ál at kabuháyan ng̃ isang bayan!!...”Ang mg̃a pinagtahî-tahî at pinagarálang kabulaánan, ay madalíng makikilala ng̃ isang maálam magmasíd. Ng̃uni’t sa kabuhayang isinalaysáy ng̃ babáeng iyón, ay walâng nakádama nang kahi’t gabáhid na kasinung̃aling̃an.Bawa’t anyô ng̃ kanyáng mukhâ, bawa’t galáw ng̃ mg̃a matá, bawa’t salitâ ng̃ maáyos niyang salaysáy, ay isang taták ng̃ katotohánan, isang matibay na panghikayat sa lálong dì mapaniwalaing kálulwa.Kaya’t napang̃ilabot ng̃â ng̃ babáeng iyón ang madlâng sa kanya’y nakikinig!...Nang sa wakás ay imungkáhì ni Gerardo ang paghing̃i kay Kápitang Memò na magbitiw ng̃ tungkól, lahát ng̃ nang̃aróon ay kumatig sa kanya; lahat, hanggáng ang mg̃a dating kapanalig ni Kápitang Memò, ay naniwalang sila’y nálinlang. Gayón na lang ang kanilang pagsisísi!

VIIIKilabútan kayóng Lahat!

Pagkaráan ng̃ dalawáng áraw, ang isang malagánap na páhayagáng pilipino ay kinábasáhan ng̃ mg̃a ganitóng balità:“MGA PUNONG MAKIKISIG“Isang amerikanong nagng̃ang̃álang John Stag na nabilanggô sa báyan ng̃ Libis, ay nakatákas noóng gabí ng̃ ika 7 ng̃ kasalukúyan. Hanggá ng̃ayon ay di pa naaaláman kung saan nagtatagò ang umalpás.“Hindî lang itó ang nangyayári sa Libís. Ang báyang iyán ay isá pa mandin sa mg̃a matitíbay na kutà at matalinghágang púgad ng̃ Bisyo sa Pilipinas. Nagkakatusak doon ang nagkikisígang mg̃a sabung̃án. Sa báwa’t súlok, magíng áraw at magíng gabí, ay may mónte, túpada, hweteng at kung anóanó pang mg̃a laróng báwal.“Ang mainam nitó, ay kundî pa dumayo dóon ang mg̃a sekrétang-Maynilà, ang mg̃a iya’y di matututóp!“At ang maginoong Presidente? at ang mg̃a pulés?“Nang̃aghihilíkan bang lahat.”Ang balítang tumutukoy sa pagtataanán ni Stag ay inámin ni Kápitang Memò;ng̃uni’tlubhâng malakí ang pagkapoót niyá sa tumutúkoy sa sugál at sábong. Ito’y kanyang tinutulang mahigpít kahimá’t di nalilihis sa katotohánan; datapwa’t tútol bibíg lamang naman, pagtutol na kung kayâ lang ganapin ay pag násasa haráp ng̃ matitinong tao...Talagáng gayón si Kápitang Memò.Kaaway kunwâ ng̃ bisyo, dapwa’t siya ang nagpalagò sa kanyang bayan ng̃ sugal at sabong—iyang mg̃a laróng walang tumatangkilik kundi ang lahat ng̃ mg̃a tamad, ang lahát nang ibig mabuhay nang nakang̃ang̃á, ang mg̃a nanghihináyang na gamítin ang útak, magpatulò ng̃ páwis at batákin ang butó, ang mg̃a ulól at mg̃a duwág na natatákot yumápak sa mg̃a baitang ng̃ hagdánang matarík na patúng̃o sa karang̃álan at katinuán ng̃ táo sa pamumúhay...Ng̃uni’t hindî ang mahálay na pagkagúmong sa mg̃a hilig na iyang karápatdápat pakásumpâin, ang siyang tang̃ing maibabalità ng̃ mg̃apáhayagan tungkól sa báyan ng̃ Libis. Mayroón pang ibá na lalong mahalagá.Kung suriìng mabúti ang pamunúan ni Kápitang Memò, ay mapagkikítang ang mg̃a pang̃ákò nitó sa bayan, mg̃a pang̃ákong sagana sa háng̃in at pulótpukyutan, ay untiuntíng nang̃aunsiyámì. Ang mg̃a tungkúling mabibigát na ikinápit sa kanyá ng̃ kautusán ay maíng̃at na iniwásan hanggáng maaárì. Kung alin yaong kanyang napagtutubúan ng̃ walang págod, kung alin ang di nararápat gawín ay siyang pinag-ubusan ng̃ kaya.Sa maiksing sábi, ang pamahaláang umiral ay isáng pamahaláang kailán ma’y hindî nakasunód sa tunay na niloloób ng̃ bayan, sa itinatadhanà ng̃ mg̃a utos-pamahaláang waláng nakapangyári kundi ang isáng Kápitang Memò.Na ito’y di maaarì sapagka’t may Konsého Munisipal? Kabulaánan!Túnay ng̃â na ang konsého, sa pagkakinatawán niya ng̃ bayan, ay di nararápat bumálak ó umáyon sa alin mang bálak na salung̃át sa ikagiginháwa ng̃ mg̃a mámamayán; na ang mg̃a konsehal ay kailáng̃ang magpakatalíno, mamuhúnan ng̃ sipag at pagiing̃at sa paglikhâ ng̃ mg̃a kautusán; na sila’y dápat gumálang, sumunód at ipagmalasákit ang mg̃a damdamin at náis ng̃ báyang sa kanila’y naghalál.Tunay ang lahat ng̃ iyán dapwa’t sa kasaliwâang palad ay di siyáng nangyari. Sa loob ng̃ konsého sa Libis ay dádaladalawá ang mg̃a konsehal na natutong gumámit ng̃ talíno, dádaladalawá ang nagkaloób na tumútol, at kailan ma’y di napatang̃áy sa mg̃a lisya’t walang wastông panukala ni Kápitang Memò. Datapwa’t anó ang kaniláng magagawâ sa sila’y dádaladalawá? ¿Paánong magkakabisà ang matwíd niláng pagtútol sa haráp ng̃ ánim na kalábang bing̃í sa sigáw ng̃ Katwíran? Anim na konsehal na sunudsunúran saan man batákin ni Kápitang Memò; ánim na konsehal na tuwíng magpupúlong ay harì ng̃ tamád sa pakikitunggalì sa mg̃a bagay na tumutúkoy sa báyan; anim na konsehal na kung kaya lamang gumising nang gisíng na gisíng ay kung ang pag-uusápa’y ang pagpapahintúlot sa malayang pagsambá kay “San Sabong” at “San Sugal”, ng̃uni’t pag ibá nang bagay na may kahirápang suriin, ay daig pa ang ipinatdâ ang mg̃a dilà sa ng̃alang̃ála!Iyán ang mg̃a táong may mg̃a matá ay di makakita, may mg̃a tayng̃a ay di makadiníg. Kapag hining̃án ng̃ pasiyá sa isang panukálang binálak ó inayunan ni Kápitang Memò, siláng lahat ay pawang mg̃a áyon; ng̃uni’t hindi silá sangáyon kapag nákitang iilíng-ilíng ang kanilangpang̃inóon, ang kanilang Diyos! Maánong magisip-isip; maánong harapín at kilalanin ang Matwíd!... Oh, alíping asal na ulirán sa kahaláyan! Oh, mg̃a táong walâng sariling damdámin! Salámat at ang mg̃a konséhong gaya ng̃ inyóng kinaaníban ay iilán-ilán lamang. At kung hindi, anóng talas na sandátang makakalaság ng̃ mg̃a káaway ng̃ Pagsasarilíng pinakamimithî ng̃ Báyan!Malinaw ng̃ang lumálabas na dahil sa pagkauring busábos ng̃ konsého ay patúloy pa rin si Kápitang Memò sa kanyáng ugáling paghahariharian; na dahil din diya’y ang bawa’t ibígin niyá, matwid ó baluktot, ay siyáng nangyári.Dapwa’t salámat at sa mabúting kapaláran ay di na ang lahat doo’y natutúlog, gaya ng̃ panahóng nagdaan; hindi na ng̃ayón ang lahát ay kampon nila “Talagá ng̃ Diyos;” hindî na ng̃ayón pawang pipi ang madlâ.Sa bayang iyon ay mayroón nang naglitaw na ilang káwal ng̃ Bágong Panahon. Si Gerardo ay isa sa kanila. Sa haráp nang gayong pagdáyà ng̃ isáng pinunò sa kanyang mg̃a nasasakóp, ay siya ang kaunáunáhang gumamit ng̃ karapatan; sa kanya unang nádinig ang makapangyaríhang sigáw ng̃ katwírang niyuyurákan. Si Gerardo ay di nagalinláng̃an munti man. Saisang malaking papúlong ng̃ kanyáng mg̃a kapanálig ay maáyos na tinuligsâ ang kabulukán ng̃ pamunúan. Bumanggit siyá ng̃ mg̃a nangyári, inihayág ang mg̃a tiwalîng gawâ ni Kapitang Memò, ang mg̃a palákad nito na pawàng salung̃át sa mg̃a kautusán. Ipinakilala niya sa madlâ ang túnay na KápitangMemò, isinalaysáy ang boóng kabuháyan nito, na pinagarálang maíng̃at ni Gerardo mulâ sa punò hanggáng dulo. Inalaráwan niyá ang pagkawalâng-káya, ang pagkatamád, ang pagkawalâng-malasákit sa pinamumunúan, ang pagka-di-dapat na mamunò, ang pagkamagnanákaw, ang pagkamámamátay—anó pa’t sa minsáng sabi, ang boóng lihim at túnay na kataúhan ni Kápitang Memò, na, sapagka’t natutong magbalat kayô, ay nang̃ing̃ibabaw ng̃ayón sa kanilang lahát.Upang mapatunáyan ang lahat ng̃ ito, si Gerardo ay nagharáp sa papúlong na iyón ng̃ maráming saksí. Natatang̃ì sa mg̃a itó ang isang babáeng may ápat na púng taón na maráhil. Dukhâng-dukhâ ang kanyang pananamit na bukód sa nanglilimahid na, ay punít punítpa. Sa haráp ng̃ mg̃a táong doo’y natitípon, ay isinalaysay ng̃ babáeng ito ang napakalungkót niyáng kabuháyan.“Bihirà sa inyó”—anyá—“ang di nakakakilálasa ákin. Dapwa’t lahát kayó ay pawàng di nakababatid sa napakaabáng pálad na ikinapadpád ko sa ganitóng kalagáyan.“Akó’y inaanák sa isáng malayong bayan—doón sa gitnâ ng̃ lalawígang Tarlák. Ang áking mg̃a magúlang ay mg̃a táong payapa’t mararang̃ál.“Mayayáman silá, dapwa’t noong nang̃abubúhay, ay mg̃a kaibigang tapát ng̃ báyang maralitâ.“Walâ pa akóng sampúng taón nang ako’y maulila sa iná. Palibhasa’t nang̃amatáy ang lahat ng̃ áking kapatíd, nagtamasá ako ng̃ boong láyaw at kasaganáan sa piling ni amá.“Hindî namán ako páng̃it noóng mg̃a áraw na iyón, kayá’t sabihin pa ba, hindì kakauntî ang mg̃a binátang nagnasang maglingkód sa ákin.“Dumatíng ang sandalî na ako’y natútong umíbig.“Dapwa’t ¡ay! Pagkatápos na áking maihandóg ang iisa kong pag-irog sa náhirang ni Bathalang pang̃inoónin niyaring pusò, pagkatápos na áking maasámasám ang ligáyang pílit kong lalasapín sa kanyáng kandúng̃an, ay saka ako sinikíl ng̃ pagkálupítlupít kong kapaláran!.....“Isáng háting gabí, noong panahón ng̃ paghihimagsik, ako ay nágulangtáng sa ákingpagtúlog. Sa mg̃a únang sandalî, áking hininalang yaon marahil ay bang̃úng̃ot lang. Ng̃uni’t ¡sa aba ko! Nang mamúlat ang aking mg̃a matá, nang luminaw ang aking pag-iisip, ay napagmalas kong yao’y di pala bang̃úng̃ot kundî isang túnay na kataksilán!... Isang lílo, isang tampalásan, isang púsong háyop, ang noo’y pumipígil sa sawîng pálad kong katawan sa pagkagupíling! Ako’y mahinà at siyá ay malakás! Tinawágan ko ang Diyos; dapwá’t ang Diyós na iyón ay di ako dininig! Ang Diyos na iyón ay di tumúlong! Ako’y nasawî! ¡Nadung̃isan ang áking puri! Ang háyop ay nagtagumpáy!......“Nagbang̃on akó at hinánap ang aking magulang.Pinások ko ang kanyáng silíd. Dapwa’t ¡oh! ¡Mahabagíng Lang̃it! Ang áking pinakaiirog na amá, ang pinagkakuutáng̃an ko niríng buhay, ang tang̃i kong kasákasáma araw at gabí, ay naroon sa kanyáng hígaan, nakababád sa dugô, putól ang úlo!“Ako’y nálugmok at nawalán ng̃ diwà.“Nang másaulì ang aking pagkatáo, ako’y nasa saloob ng̃ ibáng bahay.“Yaon ang tahanan ng̃ tampalasang sumukáb sa aming mag-amá. Ibig kong tumákas, dapwa’t ako’y nakúkulong. Ibig kong magpatiwakál dapwa’t may nakabantay sa akin áraw at gabi. Anó ang minarapat kong gawín?... Ang Diyósay di ko na tinawágan! Hindî ko na siya hining̃án ng̃ abuloy!... Ako’y nádalâ na!... Walâ akong túlong na inaasáhan noón kundî ang kabayanihan ng̃ kasumpàan ko sa pag-irog. Dapwa’t ¡ay! si Fidél na aking minahál higit sa buhay, ay hindi ko na nákita hanggáng sa sandalíng ito! Siyá man yata’y tinikís na ang magwaláng bahalà sa aking pagtáng̃is! Siyá man yata’y nawalán din ng̃ habág sa mapait na pagdadalamhatì niyaring kálulwa!...“Sa haráp ng̃ mg̃a ganitóng kalagáyan anó pa ang sa áki’y nalalabing gawin? Walâ nang iba kundî ang makibágay sa áking pálad. Yaring pusò ay dahandáhang tumigás, untîuntîng nasabík sa kaputíkan, untîuntîng natútong umíbig sa isáng lilo, sa pumatáy sa ákin ding amá!“Malaon din na kami’y nagsáma ng̃ tampalásan.“Datapwa’t pagkatápos na masalantâ niya ang áking katawán, pagkatápos na mabusog sa akin ang kanyáng kahayúpan, pagkatápos na makapagpasasà sa aking lamán, ang ganid na iyon ay di na nakitung̃o sa akin; ginútom na ako, ipinagbilí ang mahuhúsay kong damit, binawì ang mg̃a aláhas na bigay niyá sa akin, at di nagkásiya sa ganitó, akó’y ipinagtulákan sa kusinà ng̃ báhay upang doon gumawâ, doon kumain, at matúlog sa ibabaw ng̃ mg̃a panggátongna kahoy, kahalubilo ng̃ mg̃a pusa’t áso! Sa minsán sabi, ginawâ akong isang alípin, isang busabos!“Ganitó ang áking lagáy ng̃ kami ay málipat sa báyang ito.“Pagdatíng na pagdatíng namin, ako’y sinumbatán ng̃ tampalásan kong pang̃inóon. Ipapapatáy daw niyá ako kapag di ko ining̃átan ang líhim ng̃ pagkasawî naming mag-amá.“Sapagka’t púsong-babáe, ako’y malaong nadalá ng̃ tákot at kahinàan: ining̃átan ko ng̃â ang lihim.“Dapwa’t ng̃ayón, ng̃ayón ay sumápit na ang sandalî na sa láot ng̃ aking pagkaabâ ay di na akó napang̃ing̃ilábot ng̃ kamatáyan; ang kahináan ay walâ na sa ákin!... Tuparín kung ibig ng̃ pang̃inóon ko ang kanyang sumbát!... Ang kanyáng líhim ay nasisiwalat na!...“Ng̃uni’t, bágo ko wakasán ang áking salitâ, ay ipahintulot na aking maitanóng:“Alám ba ninyó, mg̃a táong báyan, alam ba ninyó kung síno ang napakabúti kong pang̃inóong iyan, kung sino ang tumaksíl sa kaawà-awà kong magúlang, nagnákaw sa puri ko’t dang̃ál at nagbulíd sa akin sa bang̃ín ng̃ pagkabusábos?“¡¡Kilabútan kayóng lahat, oh mg̃a taong walâng málay!!...“Siyá ay yaong sa inyó ng̃ayo’y namumunò ang pinagkatiwaláan ninyo ng̃ mg̃a kautusán, dang̃ál at kabuháyan ng̃ isang bayan!!...”Ang mg̃a pinagtahî-tahî at pinagarálang kabulaánan, ay madalíng makikilala ng̃ isang maálam magmasíd. Ng̃uni’t sa kabuhayang isinalaysáy ng̃ babáeng iyón, ay walâng nakádama nang kahi’t gabáhid na kasinung̃aling̃an.Bawa’t anyô ng̃ kanyáng mukhâ, bawa’t galáw ng̃ mg̃a matá, bawa’t salitâ ng̃ maáyos niyang salaysáy, ay isang taták ng̃ katotohánan, isang matibay na panghikayat sa lálong dì mapaniwalaing kálulwa.Kaya’t napang̃ilabot ng̃â ng̃ babáeng iyón ang madlâng sa kanya’y nakikinig!...Nang sa wakás ay imungkáhì ni Gerardo ang paghing̃i kay Kápitang Memò na magbitiw ng̃ tungkól, lahát ng̃ nang̃aróon ay kumatig sa kanya; lahat, hanggáng ang mg̃a dating kapanalig ni Kápitang Memò, ay naniwalang sila’y nálinlang. Gayón na lang ang kanilang pagsisísi!

Pagkaráan ng̃ dalawáng áraw, ang isang malagánap na páhayagáng pilipino ay kinábasáhan ng̃ mg̃a ganitóng balità:

“MGA PUNONG MAKIKISIG“Isang amerikanong nagng̃ang̃álang John Stag na nabilanggô sa báyan ng̃ Libis, ay nakatákas noóng gabí ng̃ ika 7 ng̃ kasalukúyan. Hanggá ng̃ayon ay di pa naaaláman kung saan nagtatagò ang umalpás.“Hindî lang itó ang nangyayári sa Libís. Ang báyang iyán ay isá pa mandin sa mg̃a matitíbay na kutà at matalinghágang púgad ng̃ Bisyo sa Pilipinas. Nagkakatusak doon ang nagkikisígang mg̃a sabung̃án. Sa báwa’t súlok, magíng áraw at magíng gabí, ay may mónte, túpada, hweteng at kung anóanó pang mg̃a laróng báwal.“Ang mainam nitó, ay kundî pa dumayo dóon ang mg̃a sekrétang-Maynilà, ang mg̃a iya’y di matututóp!“At ang maginoong Presidente? at ang mg̃a pulés?“Nang̃aghihilíkan bang lahat.”

“MGA PUNONG MAKIKISIG

“Isang amerikanong nagng̃ang̃álang John Stag na nabilanggô sa báyan ng̃ Libis, ay nakatákas noóng gabí ng̃ ika 7 ng̃ kasalukúyan. Hanggá ng̃ayon ay di pa naaaláman kung saan nagtatagò ang umalpás.

“Hindî lang itó ang nangyayári sa Libís. Ang báyang iyán ay isá pa mandin sa mg̃a matitíbay na kutà at matalinghágang púgad ng̃ Bisyo sa Pilipinas. Nagkakatusak doon ang nagkikisígang mg̃a sabung̃án. Sa báwa’t súlok, magíng áraw at magíng gabí, ay may mónte, túpada, hweteng at kung anóanó pang mg̃a laróng báwal.

“Ang mainam nitó, ay kundî pa dumayo dóon ang mg̃a sekrétang-Maynilà, ang mg̃a iya’y di matututóp!

“At ang maginoong Presidente? at ang mg̃a pulés?

“Nang̃aghihilíkan bang lahat.”

Ang balítang tumutukoy sa pagtataanán ni Stag ay inámin ni Kápitang Memò;ng̃uni’tlubhâng malakí ang pagkapoót niyá sa tumutúkoy sa sugál at sábong. Ito’y kanyang tinutulang mahigpít kahimá’t di nalilihis sa katotohánan; datapwa’t tútol bibíg lamang naman, pagtutol na kung kayâ lang ganapin ay pag násasa haráp ng̃ matitinong tao...

Talagáng gayón si Kápitang Memò.

Kaaway kunwâ ng̃ bisyo, dapwa’t siya ang nagpalagò sa kanyang bayan ng̃ sugal at sabong—iyang mg̃a laróng walang tumatangkilik kundi ang lahat ng̃ mg̃a tamad, ang lahát nang ibig mabuhay nang nakang̃ang̃á, ang mg̃a nanghihináyang na gamítin ang útak, magpatulò ng̃ páwis at batákin ang butó, ang mg̃a ulól at mg̃a duwág na natatákot yumápak sa mg̃a baitang ng̃ hagdánang matarík na patúng̃o sa karang̃álan at katinuán ng̃ táo sa pamumúhay...

Ng̃uni’t hindî ang mahálay na pagkagúmong sa mg̃a hilig na iyang karápatdápat pakásumpâin, ang siyang tang̃ing maibabalità ng̃ mg̃apáhayagan tungkól sa báyan ng̃ Libis. Mayroón pang ibá na lalong mahalagá.

Kung suriìng mabúti ang pamunúan ni Kápitang Memò, ay mapagkikítang ang mg̃a pang̃ákò nitó sa bayan, mg̃a pang̃ákong sagana sa háng̃in at pulótpukyutan, ay untiuntíng nang̃aunsiyámì. Ang mg̃a tungkúling mabibigát na ikinápit sa kanyá ng̃ kautusán ay maíng̃at na iniwásan hanggáng maaárì. Kung alin yaong kanyang napagtutubúan ng̃ walang págod, kung alin ang di nararápat gawín ay siyang pinag-ubusan ng̃ kaya.

Sa maiksing sábi, ang pamahaláang umiral ay isáng pamahaláang kailán ma’y hindî nakasunód sa tunay na niloloób ng̃ bayan, sa itinatadhanà ng̃ mg̃a utos-pamahaláang waláng nakapangyári kundi ang isáng Kápitang Memò.

Na ito’y di maaarì sapagka’t may Konsého Munisipal? Kabulaánan!

Túnay ng̃â na ang konsého, sa pagkakinatawán niya ng̃ bayan, ay di nararápat bumálak ó umáyon sa alin mang bálak na salung̃át sa ikagiginháwa ng̃ mg̃a mámamayán; na ang mg̃a konsehal ay kailáng̃ang magpakatalíno, mamuhúnan ng̃ sipag at pagiing̃at sa paglikhâ ng̃ mg̃a kautusán; na sila’y dápat gumálang, sumunód at ipagmalasákit ang mg̃a damdamin at náis ng̃ báyang sa kanila’y naghalál.Tunay ang lahat ng̃ iyán dapwa’t sa kasaliwâang palad ay di siyáng nangyari. Sa loob ng̃ konsého sa Libis ay dádaladalawá ang mg̃a konsehal na natutong gumámit ng̃ talíno, dádaladalawá ang nagkaloób na tumútol, at kailan ma’y di napatang̃áy sa mg̃a lisya’t walang wastông panukala ni Kápitang Memò. Datapwa’t anó ang kaniláng magagawâ sa sila’y dádaladalawá? ¿Paánong magkakabisà ang matwíd niláng pagtútol sa haráp ng̃ ánim na kalábang bing̃í sa sigáw ng̃ Katwíran? Anim na konsehal na sunudsunúran saan man batákin ni Kápitang Memò; ánim na konsehal na tuwíng magpupúlong ay harì ng̃ tamád sa pakikitunggalì sa mg̃a bagay na tumutúkoy sa báyan; anim na konsehal na kung kaya lamang gumising nang gisíng na gisíng ay kung ang pag-uusápa’y ang pagpapahintúlot sa malayang pagsambá kay “San Sabong” at “San Sugal”, ng̃uni’t pag ibá nang bagay na may kahirápang suriin, ay daig pa ang ipinatdâ ang mg̃a dilà sa ng̃alang̃ála!

Iyán ang mg̃a táong may mg̃a matá ay di makakita, may mg̃a tayng̃a ay di makadiníg. Kapag hining̃án ng̃ pasiyá sa isang panukálang binálak ó inayunan ni Kápitang Memò, siláng lahat ay pawang mg̃a áyon; ng̃uni’t hindi silá sangáyon kapag nákitang iilíng-ilíng ang kanilangpang̃inóon, ang kanilang Diyos! Maánong magisip-isip; maánong harapín at kilalanin ang Matwíd!... Oh, alíping asal na ulirán sa kahaláyan! Oh, mg̃a táong walâng sariling damdámin! Salámat at ang mg̃a konséhong gaya ng̃ inyóng kinaaníban ay iilán-ilán lamang. At kung hindi, anóng talas na sandátang makakalaság ng̃ mg̃a káaway ng̃ Pagsasarilíng pinakamimithî ng̃ Báyan!

Malinaw ng̃ang lumálabas na dahil sa pagkauring busábos ng̃ konsého ay patúloy pa rin si Kápitang Memò sa kanyáng ugáling paghahariharian; na dahil din diya’y ang bawa’t ibígin niyá, matwid ó baluktot, ay siyáng nangyári.

Dapwa’t salámat at sa mabúting kapaláran ay di na ang lahat doo’y natutúlog, gaya ng̃ panahóng nagdaan; hindi na ng̃ayón ang lahát ay kampon nila “Talagá ng̃ Diyos;” hindî na ng̃ayón pawang pipi ang madlâ.

Sa bayang iyon ay mayroón nang naglitaw na ilang káwal ng̃ Bágong Panahon. Si Gerardo ay isa sa kanila. Sa haráp nang gayong pagdáyà ng̃ isáng pinunò sa kanyang mg̃a nasasakóp, ay siya ang kaunáunáhang gumamit ng̃ karapatan; sa kanya unang nádinig ang makapangyaríhang sigáw ng̃ katwírang niyuyurákan. Si Gerardo ay di nagalinláng̃an munti man. Saisang malaking papúlong ng̃ kanyáng mg̃a kapanálig ay maáyos na tinuligsâ ang kabulukán ng̃ pamunúan. Bumanggit siyá ng̃ mg̃a nangyári, inihayág ang mg̃a tiwalîng gawâ ni Kapitang Memò, ang mg̃a palákad nito na pawàng salung̃át sa mg̃a kautusán. Ipinakilala niya sa madlâ ang túnay na KápitangMemò, isinalaysáy ang boóng kabuháyan nito, na pinagarálang maíng̃at ni Gerardo mulâ sa punò hanggáng dulo. Inalaráwan niyá ang pagkawalâng-káya, ang pagkatamád, ang pagkawalâng-malasákit sa pinamumunúan, ang pagka-di-dapat na mamunò, ang pagkamagnanákaw, ang pagkamámamátay—anó pa’t sa minsáng sabi, ang boóng lihim at túnay na kataúhan ni Kápitang Memò, na, sapagka’t natutong magbalat kayô, ay nang̃ing̃ibabaw ng̃ayón sa kanilang lahát.

Upang mapatunáyan ang lahat ng̃ ito, si Gerardo ay nagharáp sa papúlong na iyón ng̃ maráming saksí. Natatang̃ì sa mg̃a itó ang isang babáeng may ápat na púng taón na maráhil. Dukhâng-dukhâ ang kanyang pananamit na bukód sa nanglilimahid na, ay punít punítpa. Sa haráp ng̃ mg̃a táong doo’y natitípon, ay isinalaysay ng̃ babáeng ito ang napakalungkót niyáng kabuháyan.

“Bihirà sa inyó”—anyá—“ang di nakakakilálasa ákin. Dapwa’t lahát kayó ay pawàng di nakababatid sa napakaabáng pálad na ikinapadpád ko sa ganitóng kalagáyan.

“Akó’y inaanák sa isáng malayong bayan—doón sa gitnâ ng̃ lalawígang Tarlák. Ang áking mg̃a magúlang ay mg̃a táong payapa’t mararang̃ál.

“Mayayáman silá, dapwa’t noong nang̃abubúhay, ay mg̃a kaibigang tapát ng̃ báyang maralitâ.

“Walâ pa akóng sampúng taón nang ako’y maulila sa iná. Palibhasa’t nang̃amatáy ang lahat ng̃ áking kapatíd, nagtamasá ako ng̃ boong láyaw at kasaganáan sa piling ni amá.

“Hindî namán ako páng̃it noóng mg̃a áraw na iyón, kayá’t sabihin pa ba, hindì kakauntî ang mg̃a binátang nagnasang maglingkód sa ákin.

“Dumatíng ang sandalî na ako’y natútong umíbig.

“Dapwa’t ¡ay! Pagkatápos na áking maihandóg ang iisa kong pag-irog sa náhirang ni Bathalang pang̃inoónin niyaring pusò, pagkatápos na áking maasámasám ang ligáyang pílit kong lalasapín sa kanyáng kandúng̃an, ay saka ako sinikíl ng̃ pagkálupítlupít kong kapaláran!.....

“Isáng háting gabí, noong panahón ng̃ paghihimagsik, ako ay nágulangtáng sa ákingpagtúlog. Sa mg̃a únang sandalî, áking hininalang yaon marahil ay bang̃úng̃ot lang. Ng̃uni’t ¡sa aba ko! Nang mamúlat ang aking mg̃a matá, nang luminaw ang aking pag-iisip, ay napagmalas kong yao’y di pala bang̃úng̃ot kundî isang túnay na kataksilán!... Isang lílo, isang tampalásan, isang púsong háyop, ang noo’y pumipígil sa sawîng pálad kong katawan sa pagkagupíling! Ako’y mahinà at siyá ay malakás! Tinawágan ko ang Diyos; dapwá’t ang Diyós na iyón ay di ako dininig! Ang Diyos na iyón ay di tumúlong! Ako’y nasawî! ¡Nadung̃isan ang áking puri! Ang háyop ay nagtagumpáy!......

“Nagbang̃on akó at hinánap ang aking magulang.Pinások ko ang kanyáng silíd. Dapwa’t ¡oh! ¡Mahabagíng Lang̃it! Ang áking pinakaiirog na amá, ang pinagkakuutáng̃an ko niríng buhay, ang tang̃i kong kasákasáma araw at gabí, ay naroon sa kanyáng hígaan, nakababád sa dugô, putól ang úlo!

“Ako’y nálugmok at nawalán ng̃ diwà.

“Nang másaulì ang aking pagkatáo, ako’y nasa saloob ng̃ ibáng bahay.

“Yaon ang tahanan ng̃ tampalasang sumukáb sa aming mag-amá. Ibig kong tumákas, dapwa’t ako’y nakúkulong. Ibig kong magpatiwakál dapwa’t may nakabantay sa akin áraw at gabi. Anó ang minarapat kong gawín?... Ang Diyósay di ko na tinawágan! Hindî ko na siya hining̃án ng̃ abuloy!... Ako’y nádalâ na!... Walâ akong túlong na inaasáhan noón kundî ang kabayanihan ng̃ kasumpàan ko sa pag-irog. Dapwa’t ¡ay! si Fidél na aking minahál higit sa buhay, ay hindi ko na nákita hanggáng sa sandalíng ito! Siyá man yata’y tinikís na ang magwaláng bahalà sa aking pagtáng̃is! Siyá man yata’y nawalán din ng̃ habág sa mapait na pagdadalamhatì niyaring kálulwa!...

“Sa haráp ng̃ mg̃a ganitóng kalagáyan anó pa ang sa áki’y nalalabing gawin? Walâ nang iba kundî ang makibágay sa áking pálad. Yaring pusò ay dahandáhang tumigás, untîuntîng nasabík sa kaputíkan, untîuntîng natútong umíbig sa isáng lilo, sa pumatáy sa ákin ding amá!

“Malaon din na kami’y nagsáma ng̃ tampalásan.

“Datapwa’t pagkatápos na masalantâ niya ang áking katawán, pagkatápos na mabusog sa akin ang kanyáng kahayúpan, pagkatápos na makapagpasasà sa aking lamán, ang ganid na iyon ay di na nakitung̃o sa akin; ginútom na ako, ipinagbilí ang mahuhúsay kong damit, binawì ang mg̃a aláhas na bigay niyá sa akin, at di nagkásiya sa ganitó, akó’y ipinagtulákan sa kusinà ng̃ báhay upang doon gumawâ, doon kumain, at matúlog sa ibabaw ng̃ mg̃a panggátongna kahoy, kahalubilo ng̃ mg̃a pusa’t áso! Sa minsán sabi, ginawâ akong isang alípin, isang busabos!

“Ganitó ang áking lagáy ng̃ kami ay málipat sa báyang ito.

“Pagdatíng na pagdatíng namin, ako’y sinumbatán ng̃ tampalásan kong pang̃inóon. Ipapapatáy daw niyá ako kapag di ko ining̃átan ang líhim ng̃ pagkasawî naming mag-amá.

“Sapagka’t púsong-babáe, ako’y malaong nadalá ng̃ tákot at kahinàan: ining̃átan ko ng̃â ang lihim.

“Dapwa’t ng̃ayón, ng̃ayón ay sumápit na ang sandalî na sa láot ng̃ aking pagkaabâ ay di na akó napang̃ing̃ilábot ng̃ kamatáyan; ang kahináan ay walâ na sa ákin!... Tuparín kung ibig ng̃ pang̃inóon ko ang kanyang sumbát!... Ang kanyáng líhim ay nasisiwalat na!...

“Ng̃uni’t, bágo ko wakasán ang áking salitâ, ay ipahintulot na aking maitanóng:

“Alám ba ninyó, mg̃a táong báyan, alam ba ninyó kung síno ang napakabúti kong pang̃inóong iyan, kung sino ang tumaksíl sa kaawà-awà kong magúlang, nagnákaw sa puri ko’t dang̃ál at nagbulíd sa akin sa bang̃ín ng̃ pagkabusábos?

“¡¡Kilabútan kayóng lahat, oh mg̃a taong walâng málay!!...

“Siyá ay yaong sa inyó ng̃ayo’y namumunò ang pinagkatiwaláan ninyo ng̃ mg̃a kautusán, dang̃ál at kabuháyan ng̃ isang bayan!!...”

Ang mg̃a pinagtahî-tahî at pinagarálang kabulaánan, ay madalíng makikilala ng̃ isang maálam magmasíd. Ng̃uni’t sa kabuhayang isinalaysáy ng̃ babáeng iyón, ay walâng nakádama nang kahi’t gabáhid na kasinung̃aling̃an.

Bawa’t anyô ng̃ kanyáng mukhâ, bawa’t galáw ng̃ mg̃a matá, bawa’t salitâ ng̃ maáyos niyang salaysáy, ay isang taták ng̃ katotohánan, isang matibay na panghikayat sa lálong dì mapaniwalaing kálulwa.

Kaya’t napang̃ilabot ng̃â ng̃ babáeng iyón ang madlâng sa kanya’y nakikinig!...

Nang sa wakás ay imungkáhì ni Gerardo ang paghing̃i kay Kápitang Memò na magbitiw ng̃ tungkól, lahát ng̃ nang̃aróon ay kumatig sa kanya; lahat, hanggáng ang mg̃a dating kapanalig ni Kápitang Memò, ay naniwalang sila’y nálinlang. Gayón na lang ang kanilang pagsisísi!

IXKay Samâng Pagkakátaon!Nang matápos ang papúlong, si Gerardo ay nilapítan ng̃ isang pulís.—“Ipinatatáwag pô kayó ng̃ presidente”.—“Saan siya nároon?”—“Sa báhay-pamunúan pô”.Noon di’y lumákad si Gerardo. Dinatnáng bukás ang tanggápan ni Kápitang Memò, kaya’t agád siyang pumások. Masiglang binati ang dinatnan:—“Magandáng araw pô!”Ang binatì ay walang itinugón kundî isang ting̃íng nagbabága sa poot.—“Ginoó, ako ng̃a pô ba’y inyong ipinasusundô?”—ang pabulalás na tanong ng̃ binatà.Bigláng nagtindíg ang mabang̃ís na Kápitan at nang másulyapan ang nakang̃ang̃áng pintô, ay nilapítan ito at inalápat sa pamamagitan ng̃ isang síkad. Kumalabóg ang pintô na ikinabuláhaw ng̃ boong báhay. Pagkatápos ay sinúgod si Gerardo at nagng̃ing̃itng̃it na tumanóng:—“Anó ang sumúot sa walang hiyâ mong úlo at nakaisip kang gumawâ ng̃ ganitong kaululán?”—“Kaululán? Anó pong kaululán?... Aling gawâ ko ang inyóng tinutúkoy?”Tumalikod si Kápitang Memò at pagkatápos na maibalabág sa sahíg ang tang̃ang aklát ay iing̃os-ing̃os na sumagot:—“Pshe! Magmámaangmaáng̃an kapa!”—“Kápitang Memò,”—ang paklí ng binatà—“dí ko kayo maunawàan. Ang tinutúkoy ba ninyó ay ang pagmumungkáhi ko sa áking mg̃a kapanálig na kayo’y pagbitiwín ng̃ tungkól sapagka’t di kayó tumutupád sa mg̃a itinatadhanà ng̃ mg̃a kautusang isinumpâ ninyóng tutuparin? Kung iyán ang tinatáwag ninyóng kaululán, kayó po’y namamalî!”—“At anó ang mayroon sa iyó kung di ko man tinútupad ang aking sumpâ? Sino ka bang makikialám sa akin? Bákit mo imumungkahing alisán ako ng̃ tungkól?”—“Ah,sapagká’tkayó ay di nararápat mamunò!”—ang maliksíng tugón ng̃ binatà na ikinasúgod muli sa kanyá ni Kápitang Memò.Ang dágok na iyón ay lubhâng malakás.—“Nápakalabis kang totóo!”—ang ng̃itng̃it ng̃ nandididilát—“walâ ka nang kagálanggálang sa iyóng kaúsap! Nawalán ka na ba ng̃ pag-iisip at nalimutan mo na kung sino akó, akó na iyóng kaharáp?”—“Hindî pô akó nakalilímot: kayó po’yisang hámak na táong gaya ko rin, na sa kasamáang palad ng̃ bayang itó, ay náhalal na magpunò sa kanyá.”—“Ah!” ang sambót ni Kápitang Memò—“kinikilála mo palá akóng pinunóng ínahalál, ay bákit at ganyán kung ikaw’y mang̃usap sa áking haráp? Bakit áyaw mo akóng igálang?”—“Sapagka pô’t hindî kailáng̃an!”—“Hindî kailáng̃an? Híndî kailáng̃ang igálang mo akó, akó na iyóng pinunò? Nauulól ka na ba?”—“Námamali pô kayó”—ang tugon ni Gerardo—“ang isáng pinunò na dumadayà sa kanyáng bayan sa pamamagítan ng̃ mg̃a pang̃akong di tinutupad, nagaákay sa mg̃a nasasakop sa mahahálay na hílig at ásal—ang isáng pinunò na kinatátatakán sa nóo ng̃ taták ng̃ mg̃a magnanákaw at mamamátay ng̃ kapwà—ang pinúnong ganyán ay hindî dapat kaalang-alang̃ánan ng̃ mg̃a táong matitinô!”—“Waláng hiyâ!!... At ang mg̃a bintáng bang iyán ang ipararátang mo sa ákin? At ang isáng musmós na gáya mo ang mang̃ang̃ahás?”—“Oo pô, akó!”—“Diyáta’t ikáw ang mang̃ang̃ahás? ikáw? ikáw? ikáw?”Nilundág ni Kápitang Memò ang isáng talibóng na nakasabit sa dingdíng.Sa sumunód na sandalî, nang silá ay nagkakasunggában na, ay siyáng pagbuká ng̃ pintóng nakalapat. Sumung̃aw ang isang kalbóng tuktók, isang mukhâng nagkakangng̃ing̃iwì, at isáng tiyáng matabâ.Si Kápitang Memò ay párang tinamáan ng̃ kulóg, kundî man parang isáng batà na nakakita ng̃ nunò....Ng̃uni’t, sino angnunòngito?¿Sino ang naghihintáy?... Siya ang mapaglagalág saautomobil, ang mapagamá-amáhan, ang kataástaásang punò sa Sangkapulúan, na kung bakit sa kanyáng pagdálaw kay Kápitang Memò, ay tinaón yátang talagá ang pangyayáring iyón!Si Gerardo ay nasugátan na namán.Si Kápitang Memò, ay animo’ykinakalambre. Papaáno ang pakikiharáp niyáng gagawin sa kanyáng punò? Kay lakí ng̃â namáng kahihíyan nitó!Isáng mahigpít na paguúsig ng̃ Gobernador ang sumunód. Inahayág sa kanyá ni Gerardo ang hang̃ad ng̃ báyan na pinagkáisahán sa papúlong na idináos sa umága ng̃ araw na iyón.Noón di’y nátiwalag sa katungkúlan si KápitangMemò. Walâng imík na tinanggáp niyá ang gayóng pagkápahámak sa matá ng̃ madlâ; dapwa’t oh! ang kanyáng póot!....Siya’y umuwî na anaki’y isáng ulól. Ang kanyáng báhay, at báwa’t sang̃á, báwa’t dáhon, báwa’t bung̃a ng̃ kanyáng mg̃a haláman, wári baga’y ipinagsisigáwan sa kanyá ang mg̃a salitáng “MAGHIGANTI KA, O KUN HINDI, IKAW AY DUWAG!”....

IXKay Samâng Pagkakátaon!

Nang matápos ang papúlong, si Gerardo ay nilapítan ng̃ isang pulís.—“Ipinatatáwag pô kayó ng̃ presidente”.—“Saan siya nároon?”—“Sa báhay-pamunúan pô”.Noon di’y lumákad si Gerardo. Dinatnáng bukás ang tanggápan ni Kápitang Memò, kaya’t agád siyang pumások. Masiglang binati ang dinatnan:—“Magandáng araw pô!”Ang binatì ay walang itinugón kundî isang ting̃íng nagbabága sa poot.—“Ginoó, ako ng̃a pô ba’y inyong ipinasusundô?”—ang pabulalás na tanong ng̃ binatà.Bigláng nagtindíg ang mabang̃ís na Kápitan at nang másulyapan ang nakang̃ang̃áng pintô, ay nilapítan ito at inalápat sa pamamagitan ng̃ isang síkad. Kumalabóg ang pintô na ikinabuláhaw ng̃ boong báhay. Pagkatápos ay sinúgod si Gerardo at nagng̃ing̃itng̃it na tumanóng:—“Anó ang sumúot sa walang hiyâ mong úlo at nakaisip kang gumawâ ng̃ ganitong kaululán?”—“Kaululán? Anó pong kaululán?... Aling gawâ ko ang inyóng tinutúkoy?”Tumalikod si Kápitang Memò at pagkatápos na maibalabág sa sahíg ang tang̃ang aklát ay iing̃os-ing̃os na sumagot:—“Pshe! Magmámaangmaáng̃an kapa!”—“Kápitang Memò,”—ang paklí ng binatà—“dí ko kayo maunawàan. Ang tinutúkoy ba ninyó ay ang pagmumungkáhi ko sa áking mg̃a kapanálig na kayo’y pagbitiwín ng̃ tungkól sapagka’t di kayó tumutupád sa mg̃a itinatadhanà ng̃ mg̃a kautusang isinumpâ ninyóng tutuparin? Kung iyán ang tinatáwag ninyóng kaululán, kayó po’y namamalî!”—“At anó ang mayroon sa iyó kung di ko man tinútupad ang aking sumpâ? Sino ka bang makikialám sa akin? Bákit mo imumungkahing alisán ako ng̃ tungkól?”—“Ah,sapagká’tkayó ay di nararápat mamunò!”—ang maliksíng tugón ng̃ binatà na ikinasúgod muli sa kanyá ni Kápitang Memò.Ang dágok na iyón ay lubhâng malakás.—“Nápakalabis kang totóo!”—ang ng̃itng̃it ng̃ nandididilát—“walâ ka nang kagálanggálang sa iyóng kaúsap! Nawalán ka na ba ng̃ pag-iisip at nalimutan mo na kung sino akó, akó na iyóng kaharáp?”—“Hindî pô akó nakalilímot: kayó po’yisang hámak na táong gaya ko rin, na sa kasamáang palad ng̃ bayang itó, ay náhalal na magpunò sa kanyá.”—“Ah!” ang sambót ni Kápitang Memò—“kinikilála mo palá akóng pinunóng ínahalál, ay bákit at ganyán kung ikaw’y mang̃usap sa áking haráp? Bakit áyaw mo akóng igálang?”—“Sapagka pô’t hindî kailáng̃an!”—“Hindî kailáng̃an? Híndî kailáng̃ang igálang mo akó, akó na iyóng pinunò? Nauulól ka na ba?”—“Námamali pô kayó”—ang tugon ni Gerardo—“ang isáng pinunò na dumadayà sa kanyáng bayan sa pamamagítan ng̃ mg̃a pang̃akong di tinutupad, nagaákay sa mg̃a nasasakop sa mahahálay na hílig at ásal—ang isáng pinunò na kinatátatakán sa nóo ng̃ taták ng̃ mg̃a magnanákaw at mamamátay ng̃ kapwà—ang pinúnong ganyán ay hindî dapat kaalang-alang̃ánan ng̃ mg̃a táong matitinô!”—“Waláng hiyâ!!... At ang mg̃a bintáng bang iyán ang ipararátang mo sa ákin? At ang isáng musmós na gáya mo ang mang̃ang̃ahás?”—“Oo pô, akó!”—“Diyáta’t ikáw ang mang̃ang̃ahás? ikáw? ikáw? ikáw?”Nilundág ni Kápitang Memò ang isáng talibóng na nakasabit sa dingdíng.Sa sumunód na sandalî, nang silá ay nagkakasunggában na, ay siyáng pagbuká ng̃ pintóng nakalapat. Sumung̃aw ang isang kalbóng tuktók, isang mukhâng nagkakangng̃ing̃iwì, at isáng tiyáng matabâ.Si Kápitang Memò ay párang tinamáan ng̃ kulóg, kundî man parang isáng batà na nakakita ng̃ nunò....Ng̃uni’t, sino angnunòngito?¿Sino ang naghihintáy?... Siya ang mapaglagalág saautomobil, ang mapagamá-amáhan, ang kataástaásang punò sa Sangkapulúan, na kung bakit sa kanyáng pagdálaw kay Kápitang Memò, ay tinaón yátang talagá ang pangyayáring iyón!Si Gerardo ay nasugátan na namán.Si Kápitang Memò, ay animo’ykinakalambre. Papaáno ang pakikiharáp niyáng gagawin sa kanyáng punò? Kay lakí ng̃â namáng kahihíyan nitó!Isáng mahigpít na paguúsig ng̃ Gobernador ang sumunód. Inahayág sa kanyá ni Gerardo ang hang̃ad ng̃ báyan na pinagkáisahán sa papúlong na idináos sa umága ng̃ araw na iyón.Noón di’y nátiwalag sa katungkúlan si KápitangMemò. Walâng imík na tinanggáp niyá ang gayóng pagkápahámak sa matá ng̃ madlâ; dapwa’t oh! ang kanyáng póot!....Siya’y umuwî na anaki’y isáng ulól. Ang kanyáng báhay, at báwa’t sang̃á, báwa’t dáhon, báwa’t bung̃a ng̃ kanyáng mg̃a haláman, wári baga’y ipinagsisigáwan sa kanyá ang mg̃a salitáng “MAGHIGANTI KA, O KUN HINDI, IKAW AY DUWAG!”....

Nang matápos ang papúlong, si Gerardo ay nilapítan ng̃ isang pulís.

—“Ipinatatáwag pô kayó ng̃ presidente”.

—“Saan siya nároon?”

—“Sa báhay-pamunúan pô”.

Noon di’y lumákad si Gerardo. Dinatnáng bukás ang tanggápan ni Kápitang Memò, kaya’t agád siyang pumások. Masiglang binati ang dinatnan:

—“Magandáng araw pô!”

Ang binatì ay walang itinugón kundî isang ting̃íng nagbabága sa poot.

—“Ginoó, ako ng̃a pô ba’y inyong ipinasusundô?”—ang pabulalás na tanong ng̃ binatà.

Bigláng nagtindíg ang mabang̃ís na Kápitan at nang másulyapan ang nakang̃ang̃áng pintô, ay nilapítan ito at inalápat sa pamamagitan ng̃ isang síkad. Kumalabóg ang pintô na ikinabuláhaw ng̃ boong báhay. Pagkatápos ay sinúgod si Gerardo at nagng̃ing̃itng̃it na tumanóng:

—“Anó ang sumúot sa walang hiyâ mong úlo at nakaisip kang gumawâ ng̃ ganitong kaululán?”

—“Kaululán? Anó pong kaululán?... Aling gawâ ko ang inyóng tinutúkoy?”

Tumalikod si Kápitang Memò at pagkatápos na maibalabág sa sahíg ang tang̃ang aklát ay iing̃os-ing̃os na sumagot:

—“Pshe! Magmámaangmaáng̃an kapa!”

—“Kápitang Memò,”—ang paklí ng binatà—“dí ko kayo maunawàan. Ang tinutúkoy ba ninyó ay ang pagmumungkáhi ko sa áking mg̃a kapanálig na kayo’y pagbitiwín ng̃ tungkól sapagka’t di kayó tumutupád sa mg̃a itinatadhanà ng̃ mg̃a kautusang isinumpâ ninyóng tutuparin? Kung iyán ang tinatáwag ninyóng kaululán, kayó po’y namamalî!”

—“At anó ang mayroon sa iyó kung di ko man tinútupad ang aking sumpâ? Sino ka bang makikialám sa akin? Bákit mo imumungkahing alisán ako ng̃ tungkól?”

—“Ah,sapagká’tkayó ay di nararápat mamunò!”—ang maliksíng tugón ng̃ binatà na ikinasúgod muli sa kanyá ni Kápitang Memò.

Ang dágok na iyón ay lubhâng malakás.

—“Nápakalabis kang totóo!”—ang ng̃itng̃it ng̃ nandididilát—“walâ ka nang kagálanggálang sa iyóng kaúsap! Nawalán ka na ba ng̃ pag-iisip at nalimutan mo na kung sino akó, akó na iyóng kaharáp?”

—“Hindî pô akó nakalilímot: kayó po’yisang hámak na táong gaya ko rin, na sa kasamáang palad ng̃ bayang itó, ay náhalal na magpunò sa kanyá.”

—“Ah!” ang sambót ni Kápitang Memò—“kinikilála mo palá akóng pinunóng ínahalál, ay bákit at ganyán kung ikaw’y mang̃usap sa áking haráp? Bakit áyaw mo akóng igálang?”

—“Sapagka pô’t hindî kailáng̃an!”

—“Hindî kailáng̃an? Híndî kailáng̃ang igálang mo akó, akó na iyóng pinunò? Nauulól ka na ba?”

—“Námamali pô kayó”—ang tugon ni Gerardo—“ang isáng pinunò na dumadayà sa kanyáng bayan sa pamamagítan ng̃ mg̃a pang̃akong di tinutupad, nagaákay sa mg̃a nasasakop sa mahahálay na hílig at ásal—ang isáng pinunò na kinatátatakán sa nóo ng̃ taták ng̃ mg̃a magnanákaw at mamamátay ng̃ kapwà—ang pinúnong ganyán ay hindî dapat kaalang-alang̃ánan ng̃ mg̃a táong matitinô!”

—“Waláng hiyâ!!... At ang mg̃a bintáng bang iyán ang ipararátang mo sa ákin? At ang isáng musmós na gáya mo ang mang̃ang̃ahás?”

—“Oo pô, akó!”

—“Diyáta’t ikáw ang mang̃ang̃ahás? ikáw? ikáw? ikáw?”

Nilundág ni Kápitang Memò ang isáng talibóng na nakasabit sa dingdíng.

Sa sumunód na sandalî, nang silá ay nagkakasunggában na, ay siyáng pagbuká ng̃ pintóng nakalapat. Sumung̃aw ang isang kalbóng tuktók, isang mukhâng nagkakangng̃ing̃iwì, at isáng tiyáng matabâ.

Si Kápitang Memò ay párang tinamáan ng̃ kulóg, kundî man parang isáng batà na nakakita ng̃ nunò....

Ng̃uni’t, sino angnunòngito?

¿Sino ang naghihintáy?... Siya ang mapaglagalág saautomobil, ang mapagamá-amáhan, ang kataástaásang punò sa Sangkapulúan, na kung bakit sa kanyáng pagdálaw kay Kápitang Memò, ay tinaón yátang talagá ang pangyayáring iyón!

Si Gerardo ay nasugátan na namán.

Si Kápitang Memò, ay animo’ykinakalambre. Papaáno ang pakikiharáp niyáng gagawin sa kanyáng punò? Kay lakí ng̃â namáng kahihíyan nitó!

Isáng mahigpít na paguúsig ng̃ Gobernador ang sumunód. Inahayág sa kanyá ni Gerardo ang hang̃ad ng̃ báyan na pinagkáisahán sa papúlong na idináos sa umága ng̃ araw na iyón.

Noón di’y nátiwalag sa katungkúlan si KápitangMemò. Walâng imík na tinanggáp niyá ang gayóng pagkápahámak sa matá ng̃ madlâ; dapwa’t oh! ang kanyáng póot!....

Siya’y umuwî na anaki’y isáng ulól. Ang kanyáng báhay, at báwa’t sang̃á, báwa’t dáhon, báwa’t bung̃a ng̃ kanyáng mg̃a haláman, wári baga’y ipinagsisigáwan sa kanyá ang mg̃a salitáng “MAGHIGANTI KA, O KUN HINDI, IKAW AY DUWAG!”....

XSi ElíngItó ang ng̃alan ng̃ dalágang anák ni Julio. Magíng sa gandá, at magíng sa katalinuhan man, si Elíng ay hindî maitatáng̃ing lubós sa mg̃a bulaklák ng̃ kanyáng bayán.Ang hiwágà, ang líhim ng̃ kanyáng pagkamapanghalína ng̃—kanyáng makapangyaríhang pagkamapanghalína—ay di nátin masusumpung̃án sa dilág ng̃ mukhâ, ni sa ningníng ng̃ kanyáng útak, hindî.Ang hiwagà at lihim na iyón, upáng mádamá, ay kailáng̃ang makipagkilála kay Elíng; kailáng̃ang kaulayáwin siyá nang maláon; kailáng̃ang táwagan ang kanyáng pusò; tarukín ang pagkamababà, ang pagkamasunúrin, ang pagkagintô ng̃ kanyáng loób; kailáng̃ang titígan ang mg̃a títig ni Elíng, ang mg̃a títig niyáng nagpapakilála sa isáng kalulwáng malambíng at mapang̃ambáhin, isáng kalulwáng masintáhin at mahabagín, isáng kalulwáng puspós ng̃ línis, ng̃ gandá at kahinhinán.Náriyan ang líhim, ang hiwagàng bumibílot sa kataúhan ni Elíng. Náriyan ang talàng nákikintál sa maalindóg niyáng noó. Náriyan angkayamánang maipagmámalakí ng̃ kanyáng kadukhâan.Si Elíng, mulâ sa pagkabatà, ay mahiligín sa pagaáral. Marúnong ng̃ kastilà, gayón din ng̃ ingglés. Isang taón na siyá’y nagtirá saColegio de Sta. Isabel, at dalawáng taón namán saDormitory School. Díto sa hulí, siya ay nag-áral ng̃Nursing, ang mahúsay at tumpák na pagaalága sa may sakít. Panggagáling saDormitory, siya’y tumirá saHospital de San Pabloúpang isagawâ doon ang kanyáng napagarálan. May iláng buwan din ang kanyáng nagúgol sa pagsasánay na ito, sa píling ng̃ mg̃a amerikánangenfermera.Ng̃uni’t hwág isiksík sa guniguní ng̃ bumabása ang hinalà, na, sapagka’t naturang tagadormitory, at sapagka’t maláong nákahalubílo ng̃ mg̃a amerikana, si Elíng marahil ay pinanáwan na ng̃ mg̃a katutúbong kílos, at mg̃a katutúbong ugalì sa pananamít at pakikipagkápwà.Hindi gumawî nang ganyán ang binibining itó; hindî siya pumapára sa mg̃a nagsalasalambáy diyángmiss, na di na nang̃íming ipailalim ang pagka-pilipína sa kanilangpagaaméamerikanahandi lang sa gayák, di lang sa kilos, kundí ang lalong kasákitsákit at kahináhináyang ay patí angbudhi, angkalulwa’tmg̃apaghakakaay pinipilit na igáya’t ipabusabos sa mg̃a dayuhang iyán.... na siyáng nagnákaw sa kalayáan ng̃ kaniláng báyan at untî-untîng humihigpít sa tanikaláng madalî ó malaon ay siyáng ikabubulusók ng̃ Kapilipinuhan sa bang̃ín ng̃ pagka-aba!...Nasusuklám si Elíng sa mg̃a bágay na ito, kaya’t mahigpít na iniing̃átan ang pagka-pilipína. Tandâ ng̃ pag-iing̃at niyang iyan at paglayò niya sa mg̃a ugaling dáyo, ang kanyáng madalás na dî pagpanáog sa kaniláng tindáhan, kapag ang dumudulóg doon ay mg̃a amerikánong magagasláw. Ugali ito ni Elíng, hindî sapagka’t binubulag siya ng̃ “prejuicio de raza” (alalaong baga’y ang pagting̃in sa kúlay ng̃ balát at di sa kataúhan ng̃ isang táo,) kundî sapagka’t ang kanyáng kahinhinán ay hindî makababatáng malásin ang magagaspáng at mahahálay na kilos na karaniwáng gawiîn dito ng̃ di iilang amerikáno.Si Elíng ng̃â ay hindî kapára ng̃ mg̃a ibang dalaginding diyán, na, pagkagát na nang dilím, ay nagpupuláhan ng̃ damít sa loob ng̃ kanikaniláng kantina, nagkakapálan ng̃ palábok sa mukhâ, nagdadamihan at nagpapalalúan ng̃ urì ng̃ mg̃amisterna sa kanila’y nakalilígid, na anáki’y mg̃a ásong kakáwkáw-káwkáw, aamóy amóy at didilà-dilà....Si Elíng ay poót na poót sa mg̃a asal na iyáng lubhâ ng̃a namáng nakaririmárim. Minsan siyáng mang̃iníg sa gálit at minsáng mápaiyak sa habág sa mg̃a kadalága niyang halíng na halíng sa ganganyáng gawâ, na kadalasán at sa tuwírang sabi, ay lumalabás na isáng malinaw na pagtitindá ng̃ dang̃ál at púri!Magsábi, kung hindî, iyáng mg̃a kinasasadlakán ng̃ayón ng̃ pulà ng̃ bálana.Magsábi, iyáng mg̃a nakátikim ng̃ buhay-kantinéra sa áting mg̃a bayánbayán.Ilán na sa kanilá, ang úpang mapawili lang sa tindahan ang isáng amerikánong manglalásing, ay tutulútan nang sila’y kutyâ-kutyâin nitó sa likód ng̃ mg̃a salitang “Sweetheart, give me a kiss!”?Ilán na sa kanilá ang natulúyan na ng̃ang mahagkán ng̃ mg̃a lang̃ó?Ilán na sa kanilá ang ng̃ayo’y kinikilabútan sa hiyâ sa ibang táo, sapagka’t sa ganitó ó gayóng gabí, silá ay náyapus ng̃ mg̃a ganitó ó gayóng négro?At humahanggá ba rito ang mg̃a nangyayári?Bakit at may mg̃a kantinera diyang ng̃ayo’ykaabra-abraseteó kaya’y kalúlan sa bagól ng̃ mg̃a itim? Maaáring, sapagká’t narahiyô sa pilak ng̃ mg̃a ito; dapwa’t kadalasá’y sapagka’t saganito ó gayong pagkakátaon sa loob ng̃ kantina, ay may isangmilagrongnangyari!...Mg̃a sawîng pálad!...May katwirang lumuhà ang isang Elíng dahil sa inyó!

XSi Elíng

Itó ang ng̃alan ng̃ dalágang anák ni Julio. Magíng sa gandá, at magíng sa katalinuhan man, si Elíng ay hindî maitatáng̃ing lubós sa mg̃a bulaklák ng̃ kanyáng bayán.Ang hiwágà, ang líhim ng̃ kanyáng pagkamapanghalína ng̃—kanyáng makapangyaríhang pagkamapanghalína—ay di nátin masusumpung̃án sa dilág ng̃ mukhâ, ni sa ningníng ng̃ kanyáng útak, hindî.Ang hiwagà at lihim na iyón, upáng mádamá, ay kailáng̃ang makipagkilála kay Elíng; kailáng̃ang kaulayáwin siyá nang maláon; kailáng̃ang táwagan ang kanyáng pusò; tarukín ang pagkamababà, ang pagkamasunúrin, ang pagkagintô ng̃ kanyáng loób; kailáng̃ang titígan ang mg̃a títig ni Elíng, ang mg̃a títig niyáng nagpapakilála sa isáng kalulwáng malambíng at mapang̃ambáhin, isáng kalulwáng masintáhin at mahabagín, isáng kalulwáng puspós ng̃ línis, ng̃ gandá at kahinhinán.Náriyan ang líhim, ang hiwagàng bumibílot sa kataúhan ni Elíng. Náriyan ang talàng nákikintál sa maalindóg niyáng noó. Náriyan angkayamánang maipagmámalakí ng̃ kanyáng kadukhâan.Si Elíng, mulâ sa pagkabatà, ay mahiligín sa pagaáral. Marúnong ng̃ kastilà, gayón din ng̃ ingglés. Isang taón na siyá’y nagtirá saColegio de Sta. Isabel, at dalawáng taón namán saDormitory School. Díto sa hulí, siya ay nag-áral ng̃Nursing, ang mahúsay at tumpák na pagaalága sa may sakít. Panggagáling saDormitory, siya’y tumirá saHospital de San Pabloúpang isagawâ doon ang kanyáng napagarálan. May iláng buwan din ang kanyáng nagúgol sa pagsasánay na ito, sa píling ng̃ mg̃a amerikánangenfermera.Ng̃uni’t hwág isiksík sa guniguní ng̃ bumabása ang hinalà, na, sapagka’t naturang tagadormitory, at sapagka’t maláong nákahalubílo ng̃ mg̃a amerikana, si Elíng marahil ay pinanáwan na ng̃ mg̃a katutúbong kílos, at mg̃a katutúbong ugalì sa pananamít at pakikipagkápwà.Hindi gumawî nang ganyán ang binibining itó; hindî siya pumapára sa mg̃a nagsalasalambáy diyángmiss, na di na nang̃íming ipailalim ang pagka-pilipína sa kanilangpagaaméamerikanahandi lang sa gayák, di lang sa kilos, kundí ang lalong kasákitsákit at kahináhináyang ay patí angbudhi, angkalulwa’tmg̃apaghakakaay pinipilit na igáya’t ipabusabos sa mg̃a dayuhang iyán.... na siyáng nagnákaw sa kalayáan ng̃ kaniláng báyan at untî-untîng humihigpít sa tanikaláng madalî ó malaon ay siyáng ikabubulusók ng̃ Kapilipinuhan sa bang̃ín ng̃ pagka-aba!...Nasusuklám si Elíng sa mg̃a bágay na ito, kaya’t mahigpít na iniing̃átan ang pagka-pilipína. Tandâ ng̃ pag-iing̃at niyang iyan at paglayò niya sa mg̃a ugaling dáyo, ang kanyáng madalás na dî pagpanáog sa kaniláng tindáhan, kapag ang dumudulóg doon ay mg̃a amerikánong magagasláw. Ugali ito ni Elíng, hindî sapagka’t binubulag siya ng̃ “prejuicio de raza” (alalaong baga’y ang pagting̃in sa kúlay ng̃ balát at di sa kataúhan ng̃ isang táo,) kundî sapagka’t ang kanyáng kahinhinán ay hindî makababatáng malásin ang magagaspáng at mahahálay na kilos na karaniwáng gawiîn dito ng̃ di iilang amerikáno.Si Elíng ng̃â ay hindî kapára ng̃ mg̃a ibang dalaginding diyán, na, pagkagát na nang dilím, ay nagpupuláhan ng̃ damít sa loob ng̃ kanikaniláng kantina, nagkakapálan ng̃ palábok sa mukhâ, nagdadamihan at nagpapalalúan ng̃ urì ng̃ mg̃amisterna sa kanila’y nakalilígid, na anáki’y mg̃a ásong kakáwkáw-káwkáw, aamóy amóy at didilà-dilà....Si Elíng ay poót na poót sa mg̃a asal na iyáng lubhâ ng̃a namáng nakaririmárim. Minsan siyáng mang̃iníg sa gálit at minsáng mápaiyak sa habág sa mg̃a kadalága niyang halíng na halíng sa ganganyáng gawâ, na kadalasán at sa tuwírang sabi, ay lumalabás na isáng malinaw na pagtitindá ng̃ dang̃ál at púri!Magsábi, kung hindî, iyáng mg̃a kinasasadlakán ng̃ayón ng̃ pulà ng̃ bálana.Magsábi, iyáng mg̃a nakátikim ng̃ buhay-kantinéra sa áting mg̃a bayánbayán.Ilán na sa kanilá, ang úpang mapawili lang sa tindahan ang isáng amerikánong manglalásing, ay tutulútan nang sila’y kutyâ-kutyâin nitó sa likód ng̃ mg̃a salitang “Sweetheart, give me a kiss!”?Ilán na sa kanilá ang natulúyan na ng̃ang mahagkán ng̃ mg̃a lang̃ó?Ilán na sa kanilá ang ng̃ayo’y kinikilabútan sa hiyâ sa ibang táo, sapagka’t sa ganitó ó gayóng gabí, silá ay náyapus ng̃ mg̃a ganitó ó gayóng négro?At humahanggá ba rito ang mg̃a nangyayári?Bakit at may mg̃a kantinera diyang ng̃ayo’ykaabra-abraseteó kaya’y kalúlan sa bagól ng̃ mg̃a itim? Maaáring, sapagká’t narahiyô sa pilak ng̃ mg̃a ito; dapwa’t kadalasá’y sapagka’t saganito ó gayong pagkakátaon sa loob ng̃ kantina, ay may isangmilagrongnangyari!...Mg̃a sawîng pálad!...May katwirang lumuhà ang isang Elíng dahil sa inyó!

Itó ang ng̃alan ng̃ dalágang anák ni Julio. Magíng sa gandá, at magíng sa katalinuhan man, si Elíng ay hindî maitatáng̃ing lubós sa mg̃a bulaklák ng̃ kanyáng bayán.

Ang hiwágà, ang líhim ng̃ kanyáng pagkamapanghalína ng̃—kanyáng makapangyaríhang pagkamapanghalína—ay di nátin masusumpung̃án sa dilág ng̃ mukhâ, ni sa ningníng ng̃ kanyáng útak, hindî.

Ang hiwagà at lihim na iyón, upáng mádamá, ay kailáng̃ang makipagkilála kay Elíng; kailáng̃ang kaulayáwin siyá nang maláon; kailáng̃ang táwagan ang kanyáng pusò; tarukín ang pagkamababà, ang pagkamasunúrin, ang pagkagintô ng̃ kanyáng loób; kailáng̃ang titígan ang mg̃a títig ni Elíng, ang mg̃a títig niyáng nagpapakilála sa isáng kalulwáng malambíng at mapang̃ambáhin, isáng kalulwáng masintáhin at mahabagín, isáng kalulwáng puspós ng̃ línis, ng̃ gandá at kahinhinán.

Náriyan ang líhim, ang hiwagàng bumibílot sa kataúhan ni Elíng. Náriyan ang talàng nákikintál sa maalindóg niyáng noó. Náriyan angkayamánang maipagmámalakí ng̃ kanyáng kadukhâan.

Si Elíng, mulâ sa pagkabatà, ay mahiligín sa pagaáral. Marúnong ng̃ kastilà, gayón din ng̃ ingglés. Isang taón na siyá’y nagtirá saColegio de Sta. Isabel, at dalawáng taón namán saDormitory School. Díto sa hulí, siya ay nag-áral ng̃Nursing, ang mahúsay at tumpák na pagaalága sa may sakít. Panggagáling saDormitory, siya’y tumirá saHospital de San Pabloúpang isagawâ doon ang kanyáng napagarálan. May iláng buwan din ang kanyáng nagúgol sa pagsasánay na ito, sa píling ng̃ mg̃a amerikánangenfermera.

Ng̃uni’t hwág isiksík sa guniguní ng̃ bumabása ang hinalà, na, sapagka’t naturang tagadormitory, at sapagka’t maláong nákahalubílo ng̃ mg̃a amerikana, si Elíng marahil ay pinanáwan na ng̃ mg̃a katutúbong kílos, at mg̃a katutúbong ugalì sa pananamít at pakikipagkápwà.

Hindi gumawî nang ganyán ang binibining itó; hindî siya pumapára sa mg̃a nagsalasalambáy diyángmiss, na di na nang̃íming ipailalim ang pagka-pilipína sa kanilangpagaaméamerikanahandi lang sa gayák, di lang sa kilos, kundí ang lalong kasákitsákit at kahináhináyang ay patí angbudhi, angkalulwa’tmg̃apaghakakaay pinipilit na igáya’t ipabusabos sa mg̃a dayuhang iyán.... na siyáng nagnákaw sa kalayáan ng̃ kaniláng báyan at untî-untîng humihigpít sa tanikaláng madalî ó malaon ay siyáng ikabubulusók ng̃ Kapilipinuhan sa bang̃ín ng̃ pagka-aba!...

Nasusuklám si Elíng sa mg̃a bágay na ito, kaya’t mahigpít na iniing̃átan ang pagka-pilipína. Tandâ ng̃ pag-iing̃at niyang iyan at paglayò niya sa mg̃a ugaling dáyo, ang kanyáng madalás na dî pagpanáog sa kaniláng tindáhan, kapag ang dumudulóg doon ay mg̃a amerikánong magagasláw. Ugali ito ni Elíng, hindî sapagka’t binubulag siya ng̃ “prejuicio de raza” (alalaong baga’y ang pagting̃in sa kúlay ng̃ balát at di sa kataúhan ng̃ isang táo,) kundî sapagka’t ang kanyáng kahinhinán ay hindî makababatáng malásin ang magagaspáng at mahahálay na kilos na karaniwáng gawiîn dito ng̃ di iilang amerikáno.

Si Elíng ng̃â ay hindî kapára ng̃ mg̃a ibang dalaginding diyán, na, pagkagát na nang dilím, ay nagpupuláhan ng̃ damít sa loob ng̃ kanikaniláng kantina, nagkakapálan ng̃ palábok sa mukhâ, nagdadamihan at nagpapalalúan ng̃ urì ng̃ mg̃amisterna sa kanila’y nakalilígid, na anáki’y mg̃a ásong kakáwkáw-káwkáw, aamóy amóy at didilà-dilà....

Si Elíng ay poót na poót sa mg̃a asal na iyáng lubhâ ng̃a namáng nakaririmárim. Minsan siyáng mang̃iníg sa gálit at minsáng mápaiyak sa habág sa mg̃a kadalága niyang halíng na halíng sa ganganyáng gawâ, na kadalasán at sa tuwírang sabi, ay lumalabás na isáng malinaw na pagtitindá ng̃ dang̃ál at púri!

Magsábi, kung hindî, iyáng mg̃a kinasasadlakán ng̃ayón ng̃ pulà ng̃ bálana.

Magsábi, iyáng mg̃a nakátikim ng̃ buhay-kantinéra sa áting mg̃a bayánbayán.

Ilán na sa kanilá, ang úpang mapawili lang sa tindahan ang isáng amerikánong manglalásing, ay tutulútan nang sila’y kutyâ-kutyâin nitó sa likód ng̃ mg̃a salitang “Sweetheart, give me a kiss!”?

Ilán na sa kanilá ang natulúyan na ng̃ang mahagkán ng̃ mg̃a lang̃ó?

Ilán na sa kanilá ang ng̃ayo’y kinikilabútan sa hiyâ sa ibang táo, sapagka’t sa ganitó ó gayóng gabí, silá ay náyapus ng̃ mg̃a ganitó ó gayóng négro?

At humahanggá ba rito ang mg̃a nangyayári?

Bakit at may mg̃a kantinera diyang ng̃ayo’ykaabra-abraseteó kaya’y kalúlan sa bagól ng̃ mg̃a itim? Maaáring, sapagká’t narahiyô sa pilak ng̃ mg̃a ito; dapwa’t kadalasá’y sapagka’t saganito ó gayong pagkakátaon sa loob ng̃ kantina, ay may isangmilagrongnangyari!...

Mg̃a sawîng pálad!...

May katwirang lumuhà ang isang Elíng dahil sa inyó!

XI“Anó sabi iyón eh?”Si Gerardo ay hindî santó. Anák din siyá ni Eva’t ni Adán na kapwà makasalánan.Totóo ng̃â na, para kay Gerardo, Báyan ang una at Báyan ang hulí; na, ang pagkamakabáyan, hindî sa salita kundî sa gawâ, ay siyang damdaming pinakamahalagá at nang̃ang̃aibábaw sa boô niyang kataúhan. Totóo rin namán na walâ siyang pinakamamahál na pang̃arap mulâ sa pagkabatà kundî ang maihandóg ang iisa niyáng pusò sa dámbanà ng̃ kanyáng lahì.Dapwa’t hindî dahil sa lahát nang itó, ay walâ nang maiisip si Gerardo sa boô niyang búhay kundî “bayan.” Maminsánminsán din namang masubukan niyá ang kanyang sarili nanang̃ang̃arap hindî sa kandúng̃an ng̃ báyan, kundî sa kandung̃an niyáng mg̃a anáki’y tálàng nagantiantilaw sa láng̃it ng̃ Pilipinas... Katakátaká kayâ na ang Gerardong iyan ay maakit sa bang̃óng humáhalimúyak ng̃ isáng sampagitang nananariwà na gáya ni Elíng?Oh, si Elíng!Sa kanyáng hárap si Gerardo ay nagíging makátà, nagíging mang̃ang̃arap, at magiliwin sa mg̃a bulaklák, paró-paró, tala, bítuin...Ang mabaít niyáng pusò sa haráp ni Elíng ay kung bákit nagíging manunuksó; ang mg̃a payapa’t maaamò niyáng sulyáp ay kung bákit nagíging malilikot at mg̃a magnanakaw!...Silang dalawá ay malaon nang magkaibígan. Hábang lumaláon ang kanilang pagkikilála, ay lalo at lálong nasasabík si Gerardo sa pagmalas sa dilág ni Elíng, sa pagdiníg sa mg̃a mahihiwagà’t matatamís niyáng salitâ, sa pagpúkaw sa mg̃a ng̃iting mangbibíhag ng̃ binibining yaon na ipinaglihí yatà sa dako pa roon ng̃ hinhín ni María Clara...Ng̃uni’t hanggán diyán lang si Gerardo.Hinahang̃aan niya ang ganda ni Elíng, dapwa’t di pa sumasambá.Siyalangaynatutuwâ, naiigáyang malásin ang himalâng yaon ng̃ Kalikasán.Noong mangyari ang sigalót sa bahay-pamunùan, si Elíng ay nakaupô at nanánahí ng̃ isang panyô sa loob ng̃ kanyáng tindáhan. Angmukhâniyáng kaáya-áya, ay minsáng magníngning sa lugód, at minsáng mang̃ulimlím sa panglaw. Bakit? Ang kanyáng paning̃ín ay láging nakapakò sa malayò, bihírang mátigil sa tinatahî. Báwa’t táong magdáan ay kinikilalang mabúti malayò pa.Si Elíng ay may ináantabayánan; hinihintáy niya ang pagdáan sa kanyáng tapát noong mainit sa sínag ng̃ Bagong Araw na kabatang-batà pa ay bayani na. Para kay Elíng, ang binátang yaon na láging nahahandáng ipáram ang lahat maitaguyod lang ang dinuduháging Matwíd, ang binátang yaon na nagsanggálang sa dang̃ál ni Julio na kanyáng amá, ay isa nang Krísto na dápat niyáng igálang, mahalín, itáng̃i, pagukúlan ng̃ báwa’t paták ng̃ kanyáng pagíbig, at paghandugán ng̃ báwa’t tibók ng̃ kanyáng pusò!Hindî nainíp si Elíng sa pagaantáy kay Gerardo, na sínapantahà niyáng sa paguwî mulâ sa presidencia ay dadáan sa tapát ng̃ kanyáng tindáhan.Malayo pa ay nakilála na ng̃ binibini ang magílasna tindíg nang líhim niyang kinakauláyaw sa kaibutúran ng̃ kanyáng pusò.—“Elíng!”—ang pagdaka’y ibinati ng̃ binatà pagkalapít sa tindáhan.—“Gerardo, halika sandalî!”Si Gerardo’y lumapit at boong galak na kinamayan ang binibini na noo’y singpulá ng̃gumámela, aywán kung dáhil sa pagaálaalang siya’y lumábis sa kanyáng nápakalambíng na “Halíka!”—“Ipagpatáwad mo, Elíng, ang pakikikamáy ko sa iyó ng̃ kaliwâ.”—“Bákit? anóng mayroón ka sa iyóng kánan?”Si Gerardo’y nagkúlay sagà.Inakalà niya na isáng pagbubunyî sa saríli kung ipagtátapát ang tunay na dáhil; kaya’t ng̃umitì na lang at nasiyahan sa ísang maráhang:—“Walâ!”—“O, ay bákit at may tálì?”—“Walâng anoman; nákagat lang akó ng̃ putakté doon áh... sa púnong bayábas nina Tikikò.”Si Elíng ay alang̃áng mapang̃itíng alang̃áng magálit. Alam niyá, gáya ng pagkaálam sa kanyáng A. B. K,... na ang mg̃a salitâng iyon ay isang kimpál na kabulaánan. Hinagisan muna ang binatà ng̃ isang ting̃in na wari’y nagsísisigáw ng̃ “Sinung̃aling itó ah!,” bágo sumagót:—“Putakté? ay bákit at may dugô?”Si Gerardo’y lálong namulá.—“Diyatà, Gerardo,”—ang dugtong ni Elena—“diyatà namá’t iyán lang ay ipagkákailâ mo pa sa akin?... Sapagka ba namá’t ang tumátanong ay...ah! siya ng̃a palâ naman!... Isáng walâng kabuluháng gáya ko, ay di ng̃â nararápat...”Ang binatang tigagál na tigagál sa mg̃a salitâ ng̃ kanyáng kaharáp, ay walâng naihumá kundî isáng:—“Hindîng hindî, Elíng, oh, hindî ng̃â!”—“Súlong na, maaabála ka lang sa akin,”—ang patúloy ng̃ binibinì na may kahálong wari’y hinampó.—“Patáwad, Elíng!... Binibirò lang kita.... Huwág mong damdamín ang áking pagkukúlang... at sasabíhin ko na sa iyóng lahat!”Isang ng̃itî, isang ng̃iting malambíng na ‘kapilas ng̃ lang̃it’ ang nagpahiwátig kay Gerardo na ang pinang̃ambahán niyang nagtampó ng̃ang túnay, ay nagtamputampúhan palâ lang.—“Anó iyon? Sabihin mo na.”—“Isa lang muntíng súgat, Elíng.”—“Na namán!”—ang may padaóp kamáy pang sagót ng̃ dalága, na animo’y noon lang nabatíd ang nangyári kay Gerardo, gayóng sa katunáyan ay nagmamaángmaáng̃an siya.Pagdaka’y kumúha ng̃ isáng palanggána,isáng boteng may lamáng gamot at saka isáng kahitang punô ng̃ búlak at pangtalì ng̃ súgat.—“Gerardo”—ang bigkás ng̃ binibinì;—“nakatupad ka na ng̃ iyong katungkúlan; bayaan mo namang tuparín ko ang ákin. Lilinisin ko ang iyóng súgat.”—“Oh Elíng! Kay gandá ng̃ iyong loób!... Dápwa’t ikáw, mutyâ ng̃ áking báyan, linisin ang súgat ng̃ isáng abâng dukhâ na gaya ko?...”—“Kunganó-anó ang pinagsasabi ng̃ Gerardong itó!”—ang tugón ng̃ dalága pagkatápos na máhagisan ang kaúsap ng̃ isang napakalagkit na títig.—“Tingnán ko ng̃a ang iyóng kamay.”—At umakmang aabutin ang sugatáng kamay ni Gerardo na dalidali nitóng inaurong.—“Huwag na, Elíng; maráming salamat.”—“O tingnán mo siyá!”—“Hindî nábabagay. Bayáan mo ná’t...”—“Bayáang anó? hindi ba’t tuwî kang magtatalumpatì ay ipinang̃ang̃aral mo na ang lahát ng̃ táo ay dápat tumupád sa kanikaniláng katungkúlan?Hindî ba’t ito’y katungkúlan ko? Ako ba’y hindî táo sa iyo? Hindî ba....”—“Súkat na, Elíng, súkat na; dapwa’t iyang mg̃a sutlâ mong dalirì ay di dapat marumhán ng̃....”—“Diyatà nama’t akó’y iyóng bibiguín?”—“Oh! Hindî sa ibig kitáng biguín...”—“Ah, ayóko ng̃â nang maraming salitâ. Ipalínis mo sa akin ang iyong súgat at tapús!”Si Gerardo’y di na tumutol sa pagaala-álang baká ang ánghel na iyón ay magtampó na namán.Samantálang hinuhugásan ng binibinì ang kamáy ng̃ binatà, itó nama’y walang tahán ng̃ panunuksó:—“Oh Elíng! Sa pinakamalálim kong mg̃a pang̃arap, sa pinakamaláyang galáw ng̃ aking gunitâ, kailán ma’y di ko nasumpung̃án ang anó mang pahiwátig na sa áraw na itó ay áking mapapaláran ang pagkakáwang-gawâ niyáng mg̃a dalirì mong bawa’t isá ay katumbás ng̃ boô kong buhay!”—“Palalò!”—“Elíng, kaúsap mo yaring pusò!”—“Sinung̃áling!”—“Elíng, dinggín mo ang isáng katotohánan!”—“Anó iyón?”—“Isáng damdaming iniing̃at-ing̃átan ko at maláon ng̃ tinitimpî-timpî?”—“Sabíhin mo kung anó.”—“Huwág kang magagálit?”—“Bakit kayâ akó magagálit?”—“Tatanggapín mo?”—“Anó sabi iyón eh?”—“Ipang̃akò mo muna!”....—“Na anó?”—“Na iyong tatanggapín!”—“Kung hindì masamâ’y...tatanggapínko.”—“Elíng,iniíbigkita!”—“Ha?”—ang pamangháng saló ng̃ angkán ni Venus.—“Iniíbig kitá!”...—“Dáhan-dáhan, Gerardo! Ikáw ay magmunimuni.”—“Walang kailáng̃an, kita’y kilaláng malaon na... Ako rin nama’y kilalá mo: sumagot ka. Elíng, iniíbig mo ba akó?”—“Ay! ang pusò ko, Gerardo, ay di na akin; kinusà ko siyang ihandóg sa dápat kong mahalin; luming̃ap sa ibá ay di na mangyayári!”Ang binata’y sandalîng napípi. Kinintalán ng̃ isang títig ang bitúing kauláyaw bago tumugón:——“Elíng, di ko mawatásan ang iyóng salitâ. Ibig mo bagáng sabihin na ako’y walâ nang pag-asa?”—“. . . . . . .”—“Iyon ba ang kahulugan?”—“Aywán ko.”—“Aywán ko dáw!”—“Abá!”—“Wikà mo’y di na mangyayáring luming̃ap ka pa sa ibá? Anó ang kahulugán atkang̃ino tumutúkoy angibangiyan? Sa ákin kayâ, Elíng?”—“Aywán ko!”—“Si Elíng namán! Bákit mo kayâ pinamamáhay ang kalulwá ko sa pang̃ang̃ambá?... Sagutín mo sana akó. Sa akin ba tumutúkoy?”—“Hindî....”—ang wari’y walâ sa loob na sagót ng̃ binibinì.—“Oh, Elíng ko! At ang ibig mong sabíhin ay di ka na makalilíng̃ap kanino pa man, líban sa ákin?”Isáng busilak na lang̃it ang nabuksán kay Gerardo. Pagdaka’y hinawakan ang kamay ni Elena at inalapit sa lumulundag niyang pusò.—“Abá! hindî!... aywán ko! hindî!... abá!”—ang sunod-sunod na pagbabang̃ong-puri ng̃ dalagang nagpúpumiglás.—“Ah, Elíng! Huwág mo nang ikaít sa akin ang tibók niyáng iyong pusò. Ipagtapát mo na! Hindî mo ba ako iniíbig, Elíng?”Iláng sandalî na napipi ang binibinì. Walang maláang isagót. Kundang̃a’y napasukol siyá kaagad! Gayón na lang ang kanyáng pagsisisi. Mang̃aní-ng̃aníng kagatin ang tuksóng dilà na sa pamamagítan ng̃ isang “Hindî”, ay isiniwálat ang boông líhim ng̃ kanyáng pusò!—“Elíng ko”,—ang mulìng samô ng̃ binatà. “Hindî mo ba ako iniíbig?”Kálulwá na niElíngang tumugón:——“Oo, Gerardo, oo iniíbig kitá!!”Pang̃ahas na laláki! Isáng matindíng halík at isang mahigpít na yákap ang pagdáka’y ninákaw sa bulaklák na yaon ng̃ Kasilang̃ánan.Mabuti na lang at wala silang saksi!Si Gerardo’y umuwî noon na taglay ang dalawâng pagwawagíng magkaibá ng̃ urì: Tagumpay lában sakasikismong̃ isang pinunò at tagumpay lában sa pulutóng ng̃ mg̃a naggigilásangkandidatosa kamáy ni Elíng.

XI“Anó sabi iyón eh?”

Si Gerardo ay hindî santó. Anák din siyá ni Eva’t ni Adán na kapwà makasalánan.Totóo ng̃â na, para kay Gerardo, Báyan ang una at Báyan ang hulí; na, ang pagkamakabáyan, hindî sa salita kundî sa gawâ, ay siyang damdaming pinakamahalagá at nang̃ang̃aibábaw sa boô niyang kataúhan. Totóo rin namán na walâ siyang pinakamamahál na pang̃arap mulâ sa pagkabatà kundî ang maihandóg ang iisa niyáng pusò sa dámbanà ng̃ kanyáng lahì.Dapwa’t hindî dahil sa lahát nang itó, ay walâ nang maiisip si Gerardo sa boô niyang búhay kundî “bayan.” Maminsánminsán din namang masubukan niyá ang kanyang sarili nanang̃ang̃arap hindî sa kandúng̃an ng̃ báyan, kundî sa kandung̃an niyáng mg̃a anáki’y tálàng nagantiantilaw sa láng̃it ng̃ Pilipinas... Katakátaká kayâ na ang Gerardong iyan ay maakit sa bang̃óng humáhalimúyak ng̃ isáng sampagitang nananariwà na gáya ni Elíng?Oh, si Elíng!Sa kanyáng hárap si Gerardo ay nagíging makátà, nagíging mang̃ang̃arap, at magiliwin sa mg̃a bulaklák, paró-paró, tala, bítuin...Ang mabaít niyáng pusò sa haráp ni Elíng ay kung bákit nagíging manunuksó; ang mg̃a payapa’t maaamò niyáng sulyáp ay kung bákit nagíging malilikot at mg̃a magnanakaw!...Silang dalawá ay malaon nang magkaibígan. Hábang lumaláon ang kanilang pagkikilála, ay lalo at lálong nasasabík si Gerardo sa pagmalas sa dilág ni Elíng, sa pagdiníg sa mg̃a mahihiwagà’t matatamís niyáng salitâ, sa pagpúkaw sa mg̃a ng̃iting mangbibíhag ng̃ binibining yaon na ipinaglihí yatà sa dako pa roon ng̃ hinhín ni María Clara...Ng̃uni’t hanggán diyán lang si Gerardo.Hinahang̃aan niya ang ganda ni Elíng, dapwa’t di pa sumasambá.Siyalangaynatutuwâ, naiigáyang malásin ang himalâng yaon ng̃ Kalikasán.Noong mangyari ang sigalót sa bahay-pamunùan, si Elíng ay nakaupô at nanánahí ng̃ isang panyô sa loob ng̃ kanyáng tindáhan. Angmukhâniyáng kaáya-áya, ay minsáng magníngning sa lugód, at minsáng mang̃ulimlím sa panglaw. Bakit? Ang kanyáng paning̃ín ay láging nakapakò sa malayò, bihírang mátigil sa tinatahî. Báwa’t táong magdáan ay kinikilalang mabúti malayò pa.Si Elíng ay may ináantabayánan; hinihintáy niya ang pagdáan sa kanyáng tapát noong mainit sa sínag ng̃ Bagong Araw na kabatang-batà pa ay bayani na. Para kay Elíng, ang binátang yaon na láging nahahandáng ipáram ang lahat maitaguyod lang ang dinuduháging Matwíd, ang binátang yaon na nagsanggálang sa dang̃ál ni Julio na kanyáng amá, ay isa nang Krísto na dápat niyáng igálang, mahalín, itáng̃i, pagukúlan ng̃ báwa’t paták ng̃ kanyáng pagíbig, at paghandugán ng̃ báwa’t tibók ng̃ kanyáng pusò!Hindî nainíp si Elíng sa pagaantáy kay Gerardo, na sínapantahà niyáng sa paguwî mulâ sa presidencia ay dadáan sa tapát ng̃ kanyáng tindáhan.Malayo pa ay nakilála na ng̃ binibini ang magílasna tindíg nang líhim niyang kinakauláyaw sa kaibutúran ng̃ kanyáng pusò.—“Elíng!”—ang pagdaka’y ibinati ng̃ binatà pagkalapít sa tindáhan.—“Gerardo, halika sandalî!”Si Gerardo’y lumapit at boong galak na kinamayan ang binibini na noo’y singpulá ng̃gumámela, aywán kung dáhil sa pagaálaalang siya’y lumábis sa kanyáng nápakalambíng na “Halíka!”—“Ipagpatáwad mo, Elíng, ang pakikikamáy ko sa iyó ng̃ kaliwâ.”—“Bákit? anóng mayroón ka sa iyóng kánan?”Si Gerardo’y nagkúlay sagà.Inakalà niya na isáng pagbubunyî sa saríli kung ipagtátapát ang tunay na dáhil; kaya’t ng̃umitì na lang at nasiyahan sa ísang maráhang:—“Walâ!”—“O, ay bákit at may tálì?”—“Walâng anoman; nákagat lang akó ng̃ putakté doon áh... sa púnong bayábas nina Tikikò.”Si Elíng ay alang̃áng mapang̃itíng alang̃áng magálit. Alam niyá, gáya ng pagkaálam sa kanyáng A. B. K,... na ang mg̃a salitâng iyon ay isang kimpál na kabulaánan. Hinagisan muna ang binatà ng̃ isang ting̃in na wari’y nagsísisigáw ng̃ “Sinung̃aling itó ah!,” bágo sumagót:—“Putakté? ay bákit at may dugô?”Si Gerardo’y lálong namulá.—“Diyatà, Gerardo,”—ang dugtong ni Elena—“diyatà namá’t iyán lang ay ipagkákailâ mo pa sa akin?... Sapagka ba namá’t ang tumátanong ay...ah! siya ng̃a palâ naman!... Isáng walâng kabuluháng gáya ko, ay di ng̃â nararápat...”Ang binatang tigagál na tigagál sa mg̃a salitâ ng̃ kanyáng kaharáp, ay walâng naihumá kundî isáng:—“Hindîng hindî, Elíng, oh, hindî ng̃â!”—“Súlong na, maaabála ka lang sa akin,”—ang patúloy ng̃ binibinì na may kahálong wari’y hinampó.—“Patáwad, Elíng!... Binibirò lang kita.... Huwág mong damdamín ang áking pagkukúlang... at sasabíhin ko na sa iyóng lahat!”Isang ng̃itî, isang ng̃iting malambíng na ‘kapilas ng̃ lang̃it’ ang nagpahiwátig kay Gerardo na ang pinang̃ambahán niyang nagtampó ng̃ang túnay, ay nagtamputampúhan palâ lang.—“Anó iyon? Sabihin mo na.”—“Isa lang muntíng súgat, Elíng.”—“Na namán!”—ang may padaóp kamáy pang sagót ng̃ dalága, na animo’y noon lang nabatíd ang nangyári kay Gerardo, gayóng sa katunáyan ay nagmamaángmaáng̃an siya.Pagdaka’y kumúha ng̃ isáng palanggána,isáng boteng may lamáng gamot at saka isáng kahitang punô ng̃ búlak at pangtalì ng̃ súgat.—“Gerardo”—ang bigkás ng̃ binibinì;—“nakatupad ka na ng̃ iyong katungkúlan; bayaan mo namang tuparín ko ang ákin. Lilinisin ko ang iyóng súgat.”—“Oh Elíng! Kay gandá ng̃ iyong loób!... Dápwa’t ikáw, mutyâ ng̃ áking báyan, linisin ang súgat ng̃ isáng abâng dukhâ na gaya ko?...”—“Kunganó-anó ang pinagsasabi ng̃ Gerardong itó!”—ang tugón ng̃ dalága pagkatápos na máhagisan ang kaúsap ng̃ isang napakalagkit na títig.—“Tingnán ko ng̃a ang iyóng kamay.”—At umakmang aabutin ang sugatáng kamay ni Gerardo na dalidali nitóng inaurong.—“Huwag na, Elíng; maráming salamat.”—“O tingnán mo siyá!”—“Hindî nábabagay. Bayáan mo ná’t...”—“Bayáang anó? hindi ba’t tuwî kang magtatalumpatì ay ipinang̃ang̃aral mo na ang lahát ng̃ táo ay dápat tumupád sa kanikaniláng katungkúlan?Hindî ba’t ito’y katungkúlan ko? Ako ba’y hindî táo sa iyo? Hindî ba....”—“Súkat na, Elíng, súkat na; dapwa’t iyang mg̃a sutlâ mong dalirì ay di dapat marumhán ng̃....”—“Diyatà nama’t akó’y iyóng bibiguín?”—“Oh! Hindî sa ibig kitáng biguín...”—“Ah, ayóko ng̃â nang maraming salitâ. Ipalínis mo sa akin ang iyong súgat at tapús!”Si Gerardo’y di na tumutol sa pagaala-álang baká ang ánghel na iyón ay magtampó na namán.Samantálang hinuhugásan ng binibinì ang kamáy ng̃ binatà, itó nama’y walang tahán ng̃ panunuksó:—“Oh Elíng! Sa pinakamalálim kong mg̃a pang̃arap, sa pinakamaláyang galáw ng̃ aking gunitâ, kailán ma’y di ko nasumpung̃án ang anó mang pahiwátig na sa áraw na itó ay áking mapapaláran ang pagkakáwang-gawâ niyáng mg̃a dalirì mong bawa’t isá ay katumbás ng̃ boô kong buhay!”—“Palalò!”—“Elíng, kaúsap mo yaring pusò!”—“Sinung̃áling!”—“Elíng, dinggín mo ang isáng katotohánan!”—“Anó iyón?”—“Isáng damdaming iniing̃at-ing̃átan ko at maláon ng̃ tinitimpî-timpî?”—“Sabíhin mo kung anó.”—“Huwág kang magagálit?”—“Bakit kayâ akó magagálit?”—“Tatanggapín mo?”—“Anó sabi iyón eh?”—“Ipang̃akò mo muna!”....—“Na anó?”—“Na iyong tatanggapín!”—“Kung hindì masamâ’y...tatanggapínko.”—“Elíng,iniíbigkita!”—“Ha?”—ang pamangháng saló ng̃ angkán ni Venus.—“Iniíbig kitá!”...—“Dáhan-dáhan, Gerardo! Ikáw ay magmunimuni.”—“Walang kailáng̃an, kita’y kilaláng malaon na... Ako rin nama’y kilalá mo: sumagot ka. Elíng, iniíbig mo ba akó?”—“Ay! ang pusò ko, Gerardo, ay di na akin; kinusà ko siyang ihandóg sa dápat kong mahalin; luming̃ap sa ibá ay di na mangyayári!”Ang binata’y sandalîng napípi. Kinintalán ng̃ isang títig ang bitúing kauláyaw bago tumugón:——“Elíng, di ko mawatásan ang iyóng salitâ. Ibig mo bagáng sabihin na ako’y walâ nang pag-asa?”—“. . . . . . .”—“Iyon ba ang kahulugan?”—“Aywán ko.”—“Aywán ko dáw!”—“Abá!”—“Wikà mo’y di na mangyayáring luming̃ap ka pa sa ibá? Anó ang kahulugán atkang̃ino tumutúkoy angibangiyan? Sa ákin kayâ, Elíng?”—“Aywán ko!”—“Si Elíng namán! Bákit mo kayâ pinamamáhay ang kalulwá ko sa pang̃ang̃ambá?... Sagutín mo sana akó. Sa akin ba tumutúkoy?”—“Hindî....”—ang wari’y walâ sa loob na sagót ng̃ binibinì.—“Oh, Elíng ko! At ang ibig mong sabíhin ay di ka na makalilíng̃ap kanino pa man, líban sa ákin?”Isáng busilak na lang̃it ang nabuksán kay Gerardo. Pagdaka’y hinawakan ang kamay ni Elena at inalapit sa lumulundag niyang pusò.—“Abá! hindî!... aywán ko! hindî!... abá!”—ang sunod-sunod na pagbabang̃ong-puri ng̃ dalagang nagpúpumiglás.—“Ah, Elíng! Huwág mo nang ikaít sa akin ang tibók niyáng iyong pusò. Ipagtapát mo na! Hindî mo ba ako iniíbig, Elíng?”Iláng sandalî na napipi ang binibinì. Walang maláang isagót. Kundang̃a’y napasukol siyá kaagad! Gayón na lang ang kanyáng pagsisisi. Mang̃aní-ng̃aníng kagatin ang tuksóng dilà na sa pamamagítan ng̃ isang “Hindî”, ay isiniwálat ang boông líhim ng̃ kanyáng pusò!—“Elíng ko”,—ang mulìng samô ng̃ binatà. “Hindî mo ba ako iniíbig?”Kálulwá na niElíngang tumugón:——“Oo, Gerardo, oo iniíbig kitá!!”Pang̃ahas na laláki! Isáng matindíng halík at isang mahigpít na yákap ang pagdáka’y ninákaw sa bulaklák na yaon ng̃ Kasilang̃ánan.Mabuti na lang at wala silang saksi!Si Gerardo’y umuwî noon na taglay ang dalawâng pagwawagíng magkaibá ng̃ urì: Tagumpay lában sakasikismong̃ isang pinunò at tagumpay lában sa pulutóng ng̃ mg̃a naggigilásangkandidatosa kamáy ni Elíng.

Si Gerardo ay hindî santó. Anák din siyá ni Eva’t ni Adán na kapwà makasalánan.

Totóo ng̃â na, para kay Gerardo, Báyan ang una at Báyan ang hulí; na, ang pagkamakabáyan, hindî sa salita kundî sa gawâ, ay siyang damdaming pinakamahalagá at nang̃ang̃aibábaw sa boô niyang kataúhan. Totóo rin namán na walâ siyang pinakamamahál na pang̃arap mulâ sa pagkabatà kundî ang maihandóg ang iisa niyáng pusò sa dámbanà ng̃ kanyáng lahì.

Dapwa’t hindî dahil sa lahát nang itó, ay walâ nang maiisip si Gerardo sa boô niyang búhay kundî “bayan.” Maminsánminsán din namang masubukan niyá ang kanyang sarili nanang̃ang̃arap hindî sa kandúng̃an ng̃ báyan, kundî sa kandung̃an niyáng mg̃a anáki’y tálàng nagantiantilaw sa láng̃it ng̃ Pilipinas... Katakátaká kayâ na ang Gerardong iyan ay maakit sa bang̃óng humáhalimúyak ng̃ isáng sampagitang nananariwà na gáya ni Elíng?

Oh, si Elíng!

Sa kanyáng hárap si Gerardo ay nagíging makátà, nagíging mang̃ang̃arap, at magiliwin sa mg̃a bulaklák, paró-paró, tala, bítuin...

Ang mabaít niyáng pusò sa haráp ni Elíng ay kung bákit nagíging manunuksó; ang mg̃a payapa’t maaamò niyáng sulyáp ay kung bákit nagíging malilikot at mg̃a magnanakaw!...

Silang dalawá ay malaon nang magkaibígan. Hábang lumaláon ang kanilang pagkikilála, ay lalo at lálong nasasabík si Gerardo sa pagmalas sa dilág ni Elíng, sa pagdiníg sa mg̃a mahihiwagà’t matatamís niyáng salitâ, sa pagpúkaw sa mg̃a ng̃iting mangbibíhag ng̃ binibining yaon na ipinaglihí yatà sa dako pa roon ng̃ hinhín ni María Clara...

Ng̃uni’t hanggán diyán lang si Gerardo.

Hinahang̃aan niya ang ganda ni Elíng, dapwa’t di pa sumasambá.

Siyalangaynatutuwâ, naiigáyang malásin ang himalâng yaon ng̃ Kalikasán.

Noong mangyari ang sigalót sa bahay-pamunùan, si Elíng ay nakaupô at nanánahí ng̃ isang panyô sa loob ng̃ kanyáng tindáhan. Angmukhâniyáng kaáya-áya, ay minsáng magníngning sa lugód, at minsáng mang̃ulimlím sa panglaw. Bakit? Ang kanyáng paning̃ín ay láging nakapakò sa malayò, bihírang mátigil sa tinatahî. Báwa’t táong magdáan ay kinikilalang mabúti malayò pa.

Si Elíng ay may ináantabayánan; hinihintáy niya ang pagdáan sa kanyáng tapát noong mainit sa sínag ng̃ Bagong Araw na kabatang-batà pa ay bayani na. Para kay Elíng, ang binátang yaon na láging nahahandáng ipáram ang lahat maitaguyod lang ang dinuduháging Matwíd, ang binátang yaon na nagsanggálang sa dang̃ál ni Julio na kanyáng amá, ay isa nang Krísto na dápat niyáng igálang, mahalín, itáng̃i, pagukúlan ng̃ báwa’t paták ng̃ kanyáng pagíbig, at paghandugán ng̃ báwa’t tibók ng̃ kanyáng pusò!

Hindî nainíp si Elíng sa pagaantáy kay Gerardo, na sínapantahà niyáng sa paguwî mulâ sa presidencia ay dadáan sa tapát ng̃ kanyáng tindáhan.

Malayo pa ay nakilála na ng̃ binibini ang magílasna tindíg nang líhim niyang kinakauláyaw sa kaibutúran ng̃ kanyáng pusò.

—“Elíng!”—ang pagdaka’y ibinati ng̃ binatà pagkalapít sa tindáhan.

—“Gerardo, halika sandalî!”

Si Gerardo’y lumapit at boong galak na kinamayan ang binibini na noo’y singpulá ng̃gumámela, aywán kung dáhil sa pagaálaalang siya’y lumábis sa kanyáng nápakalambíng na “Halíka!”

—“Ipagpatáwad mo, Elíng, ang pakikikamáy ko sa iyó ng̃ kaliwâ.”

—“Bákit? anóng mayroón ka sa iyóng kánan?”

Si Gerardo’y nagkúlay sagà.

Inakalà niya na isáng pagbubunyî sa saríli kung ipagtátapát ang tunay na dáhil; kaya’t ng̃umitì na lang at nasiyahan sa ísang maráhang:—“Walâ!”

—“O, ay bákit at may tálì?”

—“Walâng anoman; nákagat lang akó ng̃ putakté doon áh... sa púnong bayábas nina Tikikò.”

Si Elíng ay alang̃áng mapang̃itíng alang̃áng magálit. Alam niyá, gáya ng pagkaálam sa kanyáng A. B. K,... na ang mg̃a salitâng iyon ay isang kimpál na kabulaánan. Hinagisan muna ang binatà ng̃ isang ting̃in na wari’y nagsísisigáw ng̃ “Sinung̃aling itó ah!,” bágo sumagót:

—“Putakté? ay bákit at may dugô?”

Si Gerardo’y lálong namulá.

—“Diyatà, Gerardo,”—ang dugtong ni Elena—“diyatà namá’t iyán lang ay ipagkákailâ mo pa sa akin?... Sapagka ba namá’t ang tumátanong ay...ah! siya ng̃a palâ naman!... Isáng walâng kabuluháng gáya ko, ay di ng̃â nararápat...”

Ang binatang tigagál na tigagál sa mg̃a salitâ ng̃ kanyáng kaharáp, ay walâng naihumá kundî isáng:—“Hindîng hindî, Elíng, oh, hindî ng̃â!”

—“Súlong na, maaabála ka lang sa akin,”—ang patúloy ng̃ binibinì na may kahálong wari’y hinampó.

—“Patáwad, Elíng!... Binibirò lang kita.... Huwág mong damdamín ang áking pagkukúlang... at sasabíhin ko na sa iyóng lahat!”

Isang ng̃itî, isang ng̃iting malambíng na ‘kapilas ng̃ lang̃it’ ang nagpahiwátig kay Gerardo na ang pinang̃ambahán niyang nagtampó ng̃ang túnay, ay nagtamputampúhan palâ lang.

—“Anó iyon? Sabihin mo na.”

—“Isa lang muntíng súgat, Elíng.”

—“Na namán!”—ang may padaóp kamáy pang sagót ng̃ dalága, na animo’y noon lang nabatíd ang nangyári kay Gerardo, gayóng sa katunáyan ay nagmamaángmaáng̃an siya.

Pagdaka’y kumúha ng̃ isáng palanggána,isáng boteng may lamáng gamot at saka isáng kahitang punô ng̃ búlak at pangtalì ng̃ súgat.

—“Gerardo”—ang bigkás ng̃ binibinì;—“nakatupad ka na ng̃ iyong katungkúlan; bayaan mo namang tuparín ko ang ákin. Lilinisin ko ang iyóng súgat.”

—“Oh Elíng! Kay gandá ng̃ iyong loób!... Dápwa’t ikáw, mutyâ ng̃ áking báyan, linisin ang súgat ng̃ isáng abâng dukhâ na gaya ko?...”

—“Kunganó-anó ang pinagsasabi ng̃ Gerardong itó!”—ang tugón ng̃ dalága pagkatápos na máhagisan ang kaúsap ng̃ isang napakalagkit na títig.—“Tingnán ko ng̃a ang iyóng kamay.”—At umakmang aabutin ang sugatáng kamay ni Gerardo na dalidali nitóng inaurong.

—“Huwag na, Elíng; maráming salamat.”

—“O tingnán mo siyá!”

—“Hindî nábabagay. Bayáan mo ná’t...”

—“Bayáang anó? hindi ba’t tuwî kang magtatalumpatì ay ipinang̃ang̃aral mo na ang lahát ng̃ táo ay dápat tumupád sa kanikaniláng katungkúlan?Hindî ba’t ito’y katungkúlan ko? Ako ba’y hindî táo sa iyo? Hindî ba....”

—“Súkat na, Elíng, súkat na; dapwa’t iyang mg̃a sutlâ mong dalirì ay di dapat marumhán ng̃....”

—“Diyatà nama’t akó’y iyóng bibiguín?”

—“Oh! Hindî sa ibig kitáng biguín...”

—“Ah, ayóko ng̃â nang maraming salitâ. Ipalínis mo sa akin ang iyong súgat at tapús!”

Si Gerardo’y di na tumutol sa pagaala-álang baká ang ánghel na iyón ay magtampó na namán.

Samantálang hinuhugásan ng binibinì ang kamáy ng̃ binatà, itó nama’y walang tahán ng̃ panunuksó:

—“Oh Elíng! Sa pinakamalálim kong mg̃a pang̃arap, sa pinakamaláyang galáw ng̃ aking gunitâ, kailán ma’y di ko nasumpung̃án ang anó mang pahiwátig na sa áraw na itó ay áking mapapaláran ang pagkakáwang-gawâ niyáng mg̃a dalirì mong bawa’t isá ay katumbás ng̃ boô kong buhay!”

—“Palalò!”

—“Elíng, kaúsap mo yaring pusò!”

—“Sinung̃áling!”

—“Elíng, dinggín mo ang isáng katotohánan!”

—“Anó iyón?”

—“Isáng damdaming iniing̃at-ing̃átan ko at maláon ng̃ tinitimpî-timpî?”

—“Sabíhin mo kung anó.”

—“Huwág kang magagálit?”

—“Bakit kayâ akó magagálit?”

—“Tatanggapín mo?”

—“Anó sabi iyón eh?”

—“Ipang̃akò mo muna!”....

—“Na anó?”

—“Na iyong tatanggapín!”

—“Kung hindì masamâ’y...tatanggapínko.”

—“Elíng,iniíbigkita!”

—“Ha?”—ang pamangháng saló ng̃ angkán ni Venus.

—“Iniíbig kitá!”...

—“Dáhan-dáhan, Gerardo! Ikáw ay magmunimuni.”

—“Walang kailáng̃an, kita’y kilaláng malaon na... Ako rin nama’y kilalá mo: sumagot ka. Elíng, iniíbig mo ba akó?”

—“Ay! ang pusò ko, Gerardo, ay di na akin; kinusà ko siyang ihandóg sa dápat kong mahalin; luming̃ap sa ibá ay di na mangyayári!”

Ang binata’y sandalîng napípi. Kinintalán ng̃ isang títig ang bitúing kauláyaw bago tumugón:—

—“Elíng, di ko mawatásan ang iyóng salitâ. Ibig mo bagáng sabihin na ako’y walâ nang pag-asa?”

—“. . . . . . .”

—“Iyon ba ang kahulugan?”

—“Aywán ko.”

—“Aywán ko dáw!”

—“Abá!”

—“Wikà mo’y di na mangyayáring luming̃ap ka pa sa ibá? Anó ang kahulugán atkang̃ino tumutúkoy angibangiyan? Sa ákin kayâ, Elíng?”

—“Aywán ko!”

—“Si Elíng namán! Bákit mo kayâ pinamamáhay ang kalulwá ko sa pang̃ang̃ambá?... Sagutín mo sana akó. Sa akin ba tumutúkoy?”

—“Hindî....”—ang wari’y walâ sa loob na sagót ng̃ binibinì.

—“Oh, Elíng ko! At ang ibig mong sabíhin ay di ka na makalilíng̃ap kanino pa man, líban sa ákin?”

Isáng busilak na lang̃it ang nabuksán kay Gerardo. Pagdaka’y hinawakan ang kamay ni Elena at inalapit sa lumulundag niyang pusò.

—“Abá! hindî!... aywán ko! hindî!... abá!”—ang sunod-sunod na pagbabang̃ong-puri ng̃ dalagang nagpúpumiglás.

—“Ah, Elíng! Huwág mo nang ikaít sa akin ang tibók niyáng iyong pusò. Ipagtapát mo na! Hindî mo ba ako iniíbig, Elíng?”

Iláng sandalî na napipi ang binibinì. Walang maláang isagót. Kundang̃a’y napasukol siyá kaagad! Gayón na lang ang kanyáng pagsisisi. Mang̃aní-ng̃aníng kagatin ang tuksóng dilà na sa pamamagítan ng̃ isang “Hindî”, ay isiniwálat ang boông líhim ng̃ kanyáng pusò!

—“Elíng ko”,—ang mulìng samô ng̃ binatà. “Hindî mo ba ako iniíbig?”

Kálulwá na niElíngang tumugón:—

—“Oo, Gerardo, oo iniíbig kitá!!”

Pang̃ahas na laláki! Isáng matindíng halík at isang mahigpít na yákap ang pagdáka’y ninákaw sa bulaklák na yaon ng̃ Kasilang̃ánan.

Mabuti na lang at wala silang saksi!

Si Gerardo’y umuwî noon na taglay ang dalawâng pagwawagíng magkaibá ng̃ urì: Tagumpay lában sakasikismong̃ isang pinunò at tagumpay lában sa pulutóng ng̃ mg̃a naggigilásangkandidatosa kamáy ni Elíng.


Back to IndexNext